22
1 FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan - Modyul 4 Aralin 4: Ang Pagsulat ng Talumpati 12

FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIKbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/MODULE...Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91

  • Upload
    others

  • View
    326

  • Download
    14

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1

    FILIPINO sa

    PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan - Modyul 4

    Aralin 4: Ang Pagsulat ng Talumpati

    12

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 4: Istilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

    Printed in the Philippines by: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    E-mail Address: [email protected]

    Development Team of the Module

    Writer: Eugenia M. Solon

    Editor: Lorna P. Almirante

    Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas

    Moderator: Marivic M. Yballe

    Illustrator: Andre Angel O. Erasmo

    Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo

    Management Team:

    Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

    Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Mary Ann P. Flores Chief CID

    Mr. Isaiash T. Wagas Education Pogram Supervisor- LRMDS

    Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    Panimula

    Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang katatasan at

    kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang

    paniniwala, pananaw, at pangangatuwiran sa isang partikular na paksang pinag-

    uusapan. Kaiba ito sa ginagawa nating pagsasalitasa araw-araw kung saan sinabi

    natin ang gusto nating sabihin nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diing

    paksa. Ang talumpatti ay pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa

    man ito ay biglaan. Ang pagsulat ng talumapati ang susi sa mabisang

    pagtatalumpati. Bago man ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng

    isang komprehensibong sulatin upang mas maging kapani-paniwala at kahika-

    hikayat ito para sa mga nakikinig.

    Ang talumpati ay sining ng pagsasalita, nangangatuwiran, o tumatalakay ng

    isang paksa para sa mga tagapakinig.Masusukat sa sining na ito ang husay at

    dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang

    paninindigan, Karaniwang nagkaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga

    ito (Mangahis, Nuncio, Javillo,2008). Sa paghahanda nito kinakailangang tandaan na

    ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapag-

    uunawa, nakapagtuturo, nakapaghihikayat ng konsepto at paninindigan sa mga

    manonood at tagapakinig.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Modyul 4: Ang Pagsulat ng Talumpati

    Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang

    halimbawa CS_FA11/12PN-Og-i-91

    Sa modyul na ito inaasahang magagawa mong:

    a. natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati

    b. nakasusulat ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati batay sa napakinggang halimbawa

    c. naisaalang-alang ang etika sa binubuong talumpati

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

    PANIMULANG PAGTATAYA

    I. Piliin ang tamang sagot. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa

    inyong sagutang-papel.

    1. Ang ________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang

    katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan

    ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.

    A. Dula C. Sanaysay

    B. Tula D. Pagtatalumpati

    2. Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad

    ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

    A. Impromptu C. Isinaulong talumpati

    B. Manuskrito D. Pagbasa ng papel sa panayam

    3. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik

    kaya pinag-aaalan itong mabuti at dapat na nakasulat.

    A. Maluwag C. Manuskrito

    B. Biglaang talumpati D. Sinaulong Talumpati

    4. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na gumawa ng

    kanyang talumpati.

    A. Imprompto C. Manuskrito

    B. Extempore D. Sinaulong Talumpati

    5. Ang pinakaunang gagawin upang mapalawak pang lalo ang paksa sa

    bubuuing talumpati

    A. Paghahanda C. Pagsulat ng Burador

    B. Pananaliksik D. Pagbubuo ng Introduksyon

    6. Ito ang pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay

    manghihikayat at nagsisilbi itong pokus ng pagpapahayag.

    A. Tema C. Pagbuo ng Tesis

    B. Uri ng Tagapakinig D. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

    7. Isa pang mahalagang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng talumpati na

    nagsisilbing balangkas sa paksang buuin.

    A. Uri ng Tagapakinig C. Hulwaran sa Pagbubuo ng Talumpati

    B. Tema o Paksang Tatalakayin D. Ksanayan sa Paghabi ng mga Bahagi

    8. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay o argumentong inilahad sa

    katawan ng talumpati.

    A. Intrduksyon C. Hulwarang Balangkas

    B. Diskusyon o Katawan D. Katapusan o Konklusyon

    9. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati

    upang mauunawaan sa tagapakinig.

    A. Kawastuan C. Kaisahan

    B. Kahusayan D. Kalinawan

    10. Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa

    paksa.

    A. Kawastuan C. Kaugnayan

    B. Kaakit-akit D. Kalinawa

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    Panimulang-Gawain:

    Maalaala Mo Kaya!

    Panuto:

    Gawain Blg.1: Pagtapat-tapatin ang naimbak na kaalaman. Hanapin sa bawat

    kahon ang katapat na salita o pahayag. Gamitin ang linya sa pagtatapat nito. Gawin

    sa inyong dyornal.

    Super galing! Tumpak talaga ang ginawa mong pagtatapat. Handa ka na

    sa pagbubuo ng iba’t ibang anyo ng sulatin. Ating pasukin ang mundo ng sining sa

    pagsulat ng talumpati dito masusubok ang iyong galing kung paano ihahanda ang

    isang napakagandang piyesa upang higit kang kapani-paniwala sa mga tagapakinig

    kung ito ay iyo ng ilahad sa harap ng mga tao. Tara na!

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 7

    Tuklasin:

    Simulan Natin!

    Ano-ano ang iyong nalalaman tungkol sa talumpati? Ibahagi ang iyong

    kaalaman sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba. Gawin sa

    inyong dyornal.

    Ipinahihiwatig sa inyong mga sagot na may dati na kayong alam sa anyo ng

    sulating ito. Ang mga kaalamang ito ay magsisilbing giya kung paano ba ang

    pagsulat ng Talumpati. Ano ang mga dapat at di- dapat na isalang-alang. Patuloy

    lang sa pagsagwan upang makuha ng lubusan ang istilo at pamamaraan sa

    pagbubuo ng talumpatian.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 8

    Tampok na Aralin:

    Ang pagtatalumpati ay isang proseso ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang

    isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating

    isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap

    ng madla.

    May apat na uri ang talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng

    mga tagapakinig. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

    1. Biglaang Talumpati (Impromptu)- Ang

    talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang

    paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa

    oras ng pagsasalita.

    2. Maluwag (Extemporaneous)- Sa

    talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa

    pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa

    paksang ibinibigay bago ito ipahayag.

    3. Manuskrito- Ang talumpating ito ay

    ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o

    programa sa pagsasaliksik kaya pag-aaralan ito

    nang mabuti ang kanyang sasabihin.

    4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin

    ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-

    aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa

    harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na

    magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig

    sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito

    kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 9

    Mga Dapat Isalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

    Freepic.com

    A. Uri ng Tagapakinig

    Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng

    kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at

    interes ng kanyang tagapakinig. Ayon kay Lorenzo, et al. sa kanilang aklat na

    Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan (2002), ang ilan sa dapat mabatid

    ng mananalumpati sa kanyang tagapakinig ay ang mga sumusunod:

    1. Ang edad o gulang ng mga makikinig- Iakma ang nilalaman ng paksa at

    maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig.

    2. Ang bilang ng mga nakikinig- Mapaghandaan nang husto ang talumpati

    kung batid ang dami ng makikinig.

    3. Kasarian- Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan at

    kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Nagkaroon din ng magkaibang

    pananaw ang dalaw hinggil sa isang partikular na paksa.

    4. Edukasyon o antas sa lipunan – Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa

    kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga

    makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga

    salita na akma para sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga

    makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba

    ring pamamaraan ng pagtatalakay ang dapat gamitin sa kanila.

    5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig- Dapat mabatid din

    kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol

    sa paksa.

    Mga Dapat Isalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 10

    B. Tema o Paksang Tatalakayin

    Ang isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema o okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng

    pagtatalumpatian. Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang

    bubuuing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.

    Mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsusulat ng talumpati:

    1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin- Ito ay maaaring

    maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng

    impormasyon sa ensaklopedya, aklat, pahayagan, magasin at dyornal.

    Mula rito maaaring kumuha ng mahahalagang datos o kakailanganing

    impormasyon tungkol sa paksa kasama ang sanggunian.

    2. Pagbuo ng Tesis- Ito ang pangunahing kaisipan sa paksang tatalakayin.

    Ang nagsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay

    magbigay kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o

    posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghihikayat, nagsisilbi

    naman itong pokus sa paksang tatalakayin.

    3. Pagtukoy ng mga Pangunahing Kaisipan o Punto- Kapag may tiyak

    nang tesis para sa talumpati, maaaari nang alamin ng mananalumpati ang

    mga pangunahing punto na magsisiibing batayan ng talumpati.

    Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng

    bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at

    bibigkasing talumpati.

    C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

    Ito ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati.

    Malaki ang epekto ng paraan ng pagbabalangkas ng nilalaman ng talumpati

    sa pag-unawa nito. Mahalgang gumamit ng paraan o hulwarang akma sa uri o

    katangian ng mga makikinig. Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may

    tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pgbuo ng talumpati.

    1. Kronolohikal na Hulwaran – Ang mga detalye o nilalaman ng

    talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa

    panahon.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 11

    2. Topikal na Hulwaran- Ang paghahanay ng mga materyales ng

    talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Mainam na gamitin

    ito upang buo at malinaw na nauunawaan ng mga nakikinig ang

    tinatalakay na paksa.

    3. Hulwaran Problema Solusyon -Kalimitang nahahati sa dalawang

    bahagi ang pagkakahabi ng talumpati, gamit ang hulwarang ito-ang

    paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring

    isagawa.

    D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati

    Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa

    hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na

    maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati.

    Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr.et. al., may akda ng Retorika sa

    Kolehiyo, ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.

    1. Introduksyon – ang pinakapanimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa

    mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya dapat angkop ang

    pambungad sa katawan ng talumpati.

    Ang mahusay na panimula ay dapat:

    a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig

    b. Makuha ang kanilang interes at atensyon

    c. Maihanda ang tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa

    d. Maipaliwanag ang paksa

    e. Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin

    f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe

    2. Diskusyon o Katawan- Dito tinalakay ang mahahalagang punto o

    kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng

    talumpati.

    Mga katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati:

    a. Kawastuan – Dapat na totoo at maipaliwanag nang mabisa ang

    lahat na kailangang detalye upang maipaliwanag ang paksa.

    Kailangan gumamit ng angkop na wika at may kawastuhang

    pambalarila ang talumpati.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 12

    b. Kalinawan- kailangan maliwanag ang pagkakasulat at

    pagkabigkas ng talumpati upang mauunawaan ng nakikinig.

    Mahalgang tandaan angsumusunod:

    1. Gumamit ng angkop na salitang mauunawaan ng mga

    makikinig.

    2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang hugnayang

    pangungusap.

    3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasan magpalioy-

    ligoy sa pagpagpapahayag ng paksa.

    4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa

    mga tagapakinig.

    5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng

    paksa.

    c. Kaakit-akit- Gawing kawili-wili ang paglalahad sa katwiran o

    paliwanag para sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na

    kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at amdamin ng mga

    makikinig.

    3. Katapusan o konklusyon- Dito kalimitang nilalagom Dito kalimitang

    nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng

    talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito an

    pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao

    ayon sa layunin ng talumpati.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 13

    Mahalagang Kaalaman:

    Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

    Paano ba magsulat ng talumpati? Maaaring tanungin ang sarili ng mg

    sumusunod bago magsulat ng talumpati.

    Tuon:

    Bakit ako magsusulat ng talumpati? Ano ang paksa? Ano ang mensaheng nais kong ipahayg? Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig? Ano angkahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

    Tapakinig:

    Sino ang aking mga tagapakinig Bakit sila makikinig sa talumpati Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng

    tagapakinig?

    Pagsulat:

    Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig? Anong lengguwahe ang gagamitin ko? Ano ang tono ng aking talumpati? frAno ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati? Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

    Freepic.com

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 14

    May sinusundang pormula sa pagsusulat ng talumpati. Isipin mo na ang

    talumpati ay paglalakbay paakyat at pababa ng bundok.

    Paghahanda. Mahalaga ay mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa

    unang pangungusap pa lang nakuha mo na ang kanilang atensyon. Kaya sa

    pagsulat ng introduksyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.

    Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at

    kung bakit kailangan nilang sumama.

    Pag-unlad. Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng

    paglalakbay. Sa pagsulat siguradong nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ka ng

    tensiyon, magkuwento, magbigay ng halimbawa, gumamit ng mga tayutay at mga

    talinghagang bkambibig. Sa paraang ito hindi aalis ang tagapakinig.

    Kasukdulan. Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig

    ang tuktok ng bundok. Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe

    ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi ng emosyon.

    Pagbaba. Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati.

    Paano bai to tatapusin? Maaaring ibuo ang mahahalagang puntong tinalakay sa

    talumpti. Maaari ri naming mag-iwan ng mga tanong. Ano mang paraan ang piliin sa

    pagtatapos, kailangan mahuli ng konklusyon ang diwa ng talumpati.

    Handa ka na ba? Upang matiyak kung may napitas bang kaalaman

    pagnilayin mo ang mga sumusunod na mga gawain kung natuhog ba ang lahat ng

    mga kaalaman.

    Freepic.com

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 15

    Pagnilayin:

    Freepic.com

    1. Biglaan o Dagli _______________________________________ ____________________________________________________

    2. Maluwag na Talumpatil ____________________________________________________

    3. Tesis _______________________________________________ ____________________________________________________

    4. Kronolohikal na hulwaran________________________________ ____________________________________________________

    5. Topikal na hulwaran ___________________________________ ____________________________________________________

    6. Introduksyon _________________________________________ ____________________________________________________

    7. Kawastuan___________________________________________ ____________________________________________________

    8. Kalinawan ___________________________________________ ____________________________________________________

    9. Kongklusyon _________________________________________ ____________________________________________________

    10. Pangunahing Punto _________________________________ ____________________________________________________

    Gawain Blg. 1:

    Ibigay ang kahulugan ng mga terminong nakatala sa bawat bilang tungkol sa pagsulat ng talumpati:

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 16

    Gawain Blg 2: Isulat ang hakbang na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng isang talumpati ayon sa paksa o temang tatalakayin. Magbigay ng

    maikling paliwanag sa bawat hakbang. Isulat sa ladder organizer. Gawin ang

    gawaing ito sa inyong dyornal.

    Sa kahon sa ibaba ay ipaliwanag kung paano napagtibay ang

    iyong kaalaman sa pagsulat ng talumpati ng pagsunod-sunod sa mga

    hakbang na isinulat at sa mga talumpating binasa o napakinggan sa

    araling ito.

    Magaling! Tiyak na ang katibayan mo sa kaalamang natutuhan.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 17

    Subukin ang Natutuhan:

    Tingnan natin kong umangat na ba ang iskor mo!

    Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang-papel.

    1. Ang ________ ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang

    katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang

    paniwalaan ang kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.

    A. Dula C. Sanaysay

    B. Tula D. Pagtatalumpati

    2. Isa itong uri ng pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda.

    Kaagad ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

    C. Impromptu C. Isinaulong talumpati

    D. Manuskrito D. Pagbasa ng papel sa panayam

    3. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa

    pagsasaliksik kaya pinag-aaalan itong mabuti at dapat na nakasulat.

    C. Maluwag C. Manuskrito

    D. Biglaang talumpati D. Sinaulong Talumpati

    4. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay may sapat na panahon na

    gumawa ng kanyang talumpati.

    C. Imprompto C. Manuskrito

    D. Extempore D. Sinaulong Talumpati

    5. Ang pinakaunang gagawin upang mapalawak pang lalo ang paksa sa

    bubuuing talumpati

    C. Paghahanda C. Pagsulat ng Burador

    D. Pananaliksik D. Pagbubuo ng Introduksyon

    6. Ito ang pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng

    talumpati ay manghihikayat at nagsisilbi itong pokus ng pagpapahayag.

    C. Tema C. Pagbuo ng Tesis

    D. Uri ng Tagapakinig D. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

    7. Isa pang mahalagang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng talumpati

    na nagsisilbing balangkas sa paksang buuin.

    C. Uri ng Tagapakinig C. Hulwaran sa Pagbubuo ng

    Talumpati

    D. Tema o Paksang Tatalakayin D. Ksanayan sa Paghabi ng mga

    Bahagi

    8. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay o argumentong inilahad sa

    katawan ng talumpati.

    C. Intrduksyon C. Hulwarang Balangkas

    D. Diskusyon o Katawan D. Katapusan o Konklusyon

    9. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng

    talumpati upang mauunawaan sa tagapakinig.

    C. Kawastuan C. Kaisahan

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 18

    D. Kahusayan D. Kalinawan

    10. Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para

    sa paksa.

    C. Kawastuan C. Kaugnayan

    D. Kaakit-akit D. Kalinawa

    Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Isulat sa inyong dyornal ang sagot:

    1. Bakit mahalag ang pokus sa pagsulat ng talumpati?

    2. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?

    3. Ano ang papel ng tagapakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang

    sa pagsulat ng talumpati?

    4. Bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng

    talumpati?

    5. Bakit sinasabing ang talumpati ay isang paglalakbay?

    Suri-lapat:

    Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito: Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?

    Tayahin:

    Kaya Ko ‘To

    Ilapat ang Natutuhan

    Panuto: - Pakinggan ang talumpati ni Lourd de Veyra na kaniyang binigkas

    sa harap ng nagsipagtapos sa UP Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon noong 2012. Makikita ito sa http://www.interaksyon. Com/article/30190/lourd-de-veyras-graduation-speech-for-up-masscom-class-of 2012.

    - Kunin ang mahalagang mensahe sa napakinggang talumpati. - Mula sa natumbok na mahalagang mensahe, bumuo ng talumpati. - Isulat ang nabuong talumpati sa long bond paper.

    http://www.interaksyon/UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 19

    Pamantayan Puntos

    Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati (CS _A11/12PU-Od-f-92)

    5

    Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati (CS_FA11/12PU-Op-r-94)

    5

    Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-r-95)

    5

    Nakabubuo ng talumpati na may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan(CS_FA11/12PU_Op-r-95)

    5

    Kabuoang Puntos 20

    Unang anyo pa lang ng akademikong sulatin bakas na ang

    kahusayan mo sa pagsulat ng talumpati. Pero tandaan gaano man ka

    husay ang isinulat mong talumpati, kung hindi ka naman sanay sa

    pagbigkas nito sa harap ng madla ay hindi rin matagumpay ang

    talumpati.

    Freepic.com

    Bilang pagpapatibay sa iyong kaalaman sa anyo ng sulating ito, ang Pagsulat ng Talumpati, kayo ay inaatasang bubuo ng talumpati ayon sa temang “Bayanihan sa Panahon ng Pandemya”

    Tatayain ng guro ang isinulat mong talumpati ayon sa kaangkupan sa tema, gamit ng lengguwahe, organisasyon at grammar.

    saalang-alang din ang mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Talumpati.

    Isulat sa inyong dyornal.

    Palawakin ang Kaalaman:

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 20

    Mga Susing Sagot:

    A.Panimulang Pagtataya:

    1.D

    2.A

    3.C

    4.D

    5.B

    6.C

    7.D

    8.D

    9.D

    10.C

    B.Panimulang-gawain:

    Maalaala Mo Kaya!

    1.Bago Dumulat- Mapping at Webing

    2.Pagsulat ng Burador- Pag-organisa sa ideya

    3.Pagrebisa- Pagkuha ng feedback

    4.Pag-eedit- Pagwawasto sa Gramatika

    5.Paglalathala- Paggawa ng isang buklet, album o portfolio

    C.Tuklasin:

    Iba-iba ang sagot

    D.Pagnilayan:

    Gawain Blg. 1: Sumangguni sa Modyul sa bahaging “Tampok sa Aralin”

    Gawain Blg. 2: Iba-iba ang sagot

    E.Subukin ang Natutuhan

    1. D

    2.A

    3.C

    4.D

    5.B

    6.C

    7.D

    8.D

    9.D

    10.C

    Sagutin ang mga sumusunod:

    Iba-iba ang sagot

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 21

    TALASANGGUNIAN

    Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2000. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010. Mabilin, Edwin, et.al. Transformatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010. Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writing. Szentendre, Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern Europe, 2000. Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal). Metro Manila: Vival Publishing House.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 22

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

    Department of Education: DepEd-Cebu Province

    Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000 Cebu

    Telefax: 255-6405

    Email Address: [email protected]

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark