5
Pangkat 1 Abrenica, Roselle Angelique Almazan, Jane alexis Atienza, Eduardo Atienza, Louvie Bacnis, Eryl Justine “Laboratory Room” Si Jenny ay nagpunta sa Mcdo para kumain ng french fries habang naghihintay sa kanyang nobyo na si Patrick. “Jen, kanina ka pa?” “Oo, kanina pa ko. Nakakahiya naman sa boyfriend ko na yung girlfriend niya pa yung naghihintay sakanya.” Sagot ni Jenny sabay inom ng sprite sa baso.. “Sorry naman late kasi natapos ang klase naming kay Mr. Santos. Pahingi naman ako ng french fries mo.” Sabay kuha ni Patrick ng fries sa lamesa. Aktong kukuha ng salamin si Jenny nang.. “Jenny, sandal lang!” “Oh! Bakit? Nakakagulat ka naman eh!” “Papunas?” “Ay! Huwag!” (ngunit naipunas na ni Patrick kay Jenny ang nanglilimahid nitong kamay sa manggas ni Jenny.) “Napakabastos mo talaga! Tignan mo pati yung damit mo may ketchup na rin.” Tsk... Tsk... Magkaboyfriend ka ba naman ng hindi normal e. Tsk.. Tsk.. (Ngunit nakapagtatakang biglang namutla si Patrick.) “Ewan ko sa’yo. Kainis! Pupunta lang ako sa cr ah.” Iritang sabi ni Jenny kay Patrick. (Habang nakatapat sa salamin ng CR ay sinusuklay ni Jenny ang kanyang mahabang buhok. Pagkatapos non ay ibinalik na ni Jenny ang kanyang suklay sa bag.) Pagkatapos noon ay bumalik si Jenny sa lamesa na kinauupuan ni Patrick. “Bakit hindi mo inubos yung fries?” “Ayoko na. Nawalan na ako ng gana.” Matamlay na sabi ni Patrick. “Sus! Ikaw pa mawawalan ng gana?” Sabat ni Jenny. “Tara na nga! Pumunta na tayo sa FEU. Kukuha lang ako ng damit sa locker ko.” Habang palabas sila ng mcdo biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit wala sino man sa kanila na may dalang payong. Ngunit sinugod nilang dalawa ang ulan upang makarating sa eskwelahan.

Filipino Horror

Embed Size (px)

DESCRIPTION

wala lang

Citation preview

Page 1: Filipino Horror

Pangkat 1

Abrenica, Roselle Angelique

Almazan, Jane alexis

Atienza, Eduardo

Atienza, Louvie

Bacnis, Eryl Justine

“Laboratory Room”

Si Jenny ay nagpunta sa Mcdo para kumain ng french fries habang naghihintay sa kanyang nobyo na si Patrick. “Jen, kanina ka pa?” “Oo, kanina pa ko. Nakakahiya naman sa boyfriend ko na yung girlfriend niya pa yung naghihintay sakanya.” Sagot ni Jenny sabay inom ng sprite sa baso.. “Sorry naman late kasi natapos ang klase naming kay Mr. Santos. Pahingi naman ako ng french fries mo.” Sabay kuha ni Patrick ng fries sa lamesa. Aktong kukuha ng salamin si Jenny nang.. “Jenny, sandal lang!” “Oh! Bakit? Nakakagulat ka naman eh!” “Papunas?” “Ay! Huwag!” (ngunit naipunas na ni Patrick kay Jenny ang nanglilimahid nitong kamay sa manggas ni Jenny.) “Napakabastos mo talaga! Tignan mo pati yung damit mo may ketchup na rin.” Tsk... Tsk... Magkaboyfriend ka ba naman ng hindi normal e. Tsk.. Tsk.. (Ngunit nakapagtatakang biglang namutla si Patrick.) “Ewan ko sa’yo. Kainis! Pupunta lang ako sa cr ah.” Iritang sabi ni Jenny kay Patrick.

(Habang nakatapat sa salamin ng CR ay sinusuklay ni Jenny ang kanyang mahabang buhok. Pagkatapos non ay ibinalik na ni Jenny ang kanyang suklay sa bag.) Pagkatapos noon ay bumalik si Jenny sa lamesa na kinauupuan ni Patrick. “Bakit hindi mo inubos yung fries?” “Ayoko na. Nawalan na ako ng gana.” Matamlay na sabi ni Patrick. “Sus! Ikaw pa mawawalan ng gana?” Sabat ni Jenny. “Tara na nga! Pumunta na tayo sa FEU. Kukuha lang ako ng damit sa locker ko.” Habang palabas sila ng mcdo biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit wala sino man sa kanila na may dalang payong. Ngunit sinugod nilang dalawa ang ulan upang makarating sa eskwelahan.

Sa Science Building,

Dumiretso sila sa SB upang kumuha ng damit ni Jenny sa locker nito at pumunta sa cr upang magpalit ng damit ngunit may nakita siyang dugo sa sahig na nanggaling sa isang cubicle napasigaw ito at pumasok si Patrick upang tignan kung anong nangyari kay Jenny sa loob. Nakita niya ang dugo at naglakas-loob na buksan ang cubicle. Tumambad sakanya ang duguang katawan ni Mrs. Santos. Agad itong humingi ng tulong at inilabas si Jenny sa pagkakasalampak nito matapos makita ang malamig na bangkay ni Mrs. Santos. Humingi sila nang tulong ngunit tila walang ni isa mang tao sa buong lugar. May kung anong bagay ang malakas na humampas sa ulo ni Patrick at agad itong natumba. Nasindak si Jenny at nagmamadaling tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Page 2: Filipino Horror

Sa Science Buiding,

“Jenny! Jenny! Nasaan ka na? Aahhh...ang sakit!” Naapahawak si Patrick sa kanyang ulo. Nagdurugo ito ng husto. “Ano bang nangyari?” Wala siyang maalala. Agad siyang nagtatakbo upang hanapin si Jenny.

Sa Nursing Building,

Napunta si Jenny sa NB at nakita nya ang patay na katawan ni mang Nestor may nakasaksak na itak sa likuran nito. Mapapasigaw ito at nagtatakbong lumabas sa Nursing building. Ngayon ay kasalukuyang humahagulgul si Jenny tila wala sa sarili. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. “Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit namatay sila Mrs. Santos at Mang Nestor? Sinong pumatay sakanila? Sino?” Naguguluhang nasabi sa sarili.

Sa ikalimang palapag nang SB,

Hindi niya namalayan na nandoon na muli siya sa SB, hinanap niya ang walang malay na si Patrick. Makikita niya ang mga bakas ng dugo patungo sa pang-anim na palapag ng SB. At makikita ang sapatos ni Patrick, umiiyak niya itong kukunin at maiisipo niyang patay na si Patrick. Pumunta siya sa silid kung saan niya nakita ang huling bakas ng dugo sa Room 604. Nakita mula sa salamin ng pintuan ang bangkay ni Mrs. Santos. Biglang lalabas si Mr. Santos at hihilain siya sa kabilang Laboratory Room.

“Jenny dito!” sabay hatak sa kanya ni Mr. Santos. “Sir, nakita niyo po ba yung killer?” halos mangiyak-ngiyak na pagtatanong ni Jenny. “Oo! At dinala niya sa kabilang kwarto ang labi ng asawa ko. Napakawalang hiya niya pinatay niya ang asawa ko! Paano na ang anak namin sa sinapupunan niya?” “Tama, napakawalangpuso ng killer na yun pati yung boyfriend ko baka pinatay niya na rin.” (napahagulgul na lamang ng iyak si Jenny) Kasalukuyang nasa ikaanim na palapag si Jenny kasama ni Mr. Santos sa isang Laboratory Room. “Na stranded din po ba kayo dito?” “Tama! Inaantay ko kasi yung asawa ko dahil sabay kaming uuwi. Kaya napilitan akong pumunta dito. Ngunit nagtago ako dito nang may Makita akong lalaking may hawak na itak! Ang palagay ko nga si Mang Nestor yung killer eh..” “Pero....patay na si Mang Nestor! Na...nakita ko siya na duguan at may nakasaksak na itak sa likuran nito!” “Ano!? Pero sinong yung killer? Si Patrick nasaan siya hindi kaya...” “Hindi! Alam kong hindi niya kayang pumatay! Hindi ko nga alam kung buhay pa siya o kung nasaan siya ngayon.” “Sige nga kung totoo iyon nasaan siya ngayon at sino ang naglipat ng bangkay ng asawa ko! Sa totoo nga, iba ung ikinilos niya kanina sa klase ko. Napatay niya nga yung palaka na pinag ekspirementuhan naming kanina. Kaya nga natalsikan siya nung dugo nung palaka. Baka hindi mo pa kilala nang husto iyang nobyo mo! Baka siya yung totoong killer!” May kung sinong tumatakbo sa labas nang silid. Nanlaki ang mga mata ni jenny. “Hindi...Pat...” ngunit hindi na ito pinatapos ni Mr. Santos agad nitong tinakpan ang bibig ni Jenny. “Huwag kang maingay baka marinig ka ni Patrick!” bulong nito. Hindi siya makapaniwalang si Patrick ang killer. “Imposible!” ang tanging salitang nabanggit niya habang patuloy na umaagos ang gabutil na luha nito! Biglang kumidlat nang napakalakas, lumiwanag nang bahagya ang buong silid. Nakapagtatakang may kung anong mantsa sa damit ni Mr. Santos. “Hindi ako pwedeng magkamali dugo yun!” nasabi ni Jenny sa sarili. Agad niyang napansin na nalagyan din nang pulang likido ang mukha niya. “Tama! Pero paanong punong puno nang dugo ang suot na damit ni Mr. Santos? At paanong nalaman niya na nasa kabilang kuwarto si Mrs. Santos. Hindi kaya?” Dahan-dahang lalabas si Jenny binuksan niya ang pintuan

Page 3: Filipino Horror

nang pigilan siya ni Mr. Santos. “Saan ka pupunta? Ano iiwanan mo ko dito?” Sasabihin ni Jenny, “Sir, hayaan niyo na po ako, susundan ko lang si Patrick.” “Sinabi ko na nga na siya yung killer! Huwag mo akong galitin! Aaaaahhhh...” sigaw nito. “Sir, nasasaktan na po ako! bitawan mo ako! Alam kong hindi magagawa yun ni Patrick!” “ Anong pinapalabas na ako yung killer? Sinabi na nga si Patrick yung killer! Hindi ako! Naiintindihan mo ba!?”galit na galit na nasambit ni Mr. Santos. “Sir wala po akong sinasabi...aaah! nasasaktan na po ako! Bitawan mo ako!” Ngunit lalong hinigpitan ni Mr. Santos ang pagkakahawak sa pulso ni Jenny. “Akala mo ba patatakasin kita? Ginalit mo ako! Ayoko sa lahat ginagalit ako! Hindi ko naman gusting patayin si Karen eh....(humahugulgul na nagsusumamo si Mr. Santos kay Jenny.) Ang kulit kulit niya kasi! Hindi ako baliw! Kaya ayun napatay ko siya. Ang kulit kulit niya kasi! Hindi ako baliw! Kaya ayun napatay ko siya. Isa pa si Mang Nestor pakialamero kasi!” parang baliw na sinabi nito. “ Aaaah... Tulong!!! Patrick! Tulungan niyo ko!” sigaw ni Jenny. Nagpupumiglas ito mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Mr. Santos. Pakiramdam niya ay bumabaon na ang mga kuko nito sa kanyang pulso. Nakatakas siya at patuloy siyang hinabol nang killer. Nahawakan siya nito sa buhok ngunit biglang dumating si Patrick. Hinampas ni Patrick ng kung anong bagay ang likod at ang ulo ni Mr. Santos. Natumba ito at tumakbo sila palayo sa lugar na iyon. Napunta sila sa Pavillion at nakita ang kotse na nakaparada sa tapat ng Admin. Building binasag ni Patrick ang salamin ng sasakyan at agad niya itong binuksan. Sumakay sila sa loob ng kotse. Agad niya itong pinaandar palabas sa gate 4 ngunit bahagyang nakasarado ang gate na labasan ng sasakyan. “Jenny dito ka lang! Ako na ang magbubukas ng gate. Ikaw na ang mag paandar ng kotse. Basta kahit anong mangyari tumakas ka dito. Tandaan mo mahal na mahal kita Jen!” “ Patrick huwag mo akong iwan dito!” ngunit nakalabas na ng kotse si Patrick. Nabuksan ni Patrick ang gate nang basagin ni mr. Santos ang bintana ng kotse at agad na sinakal si Jenny. “Aaaaahhh.....Patrick tulong!” At agad namang tumakbong papalapit si Patrick. Nagbuno silang dalawa. Ngunit inilabas ang kutsilyo sa bulsa nito nasaksak si Patrick sa hita nito. Sumugod si Jenny at pinaghahampas ang likod ni Mr. santos na nakapaimbabaw kay Patrick. Mabilisang tumayo si Mr. Santos at itinulak si Jenny.Tinanggal ni Patrick ang nakasaksak na kutsilyo sa hita nito at sinaksak si Mr. Santos sa likod nito. Nabigla si Mr. Santos at agad na hinarap si Patrick ngunit huli na ang lahat. Pumaimbabaw si Patrick at paulit-ulit na sinaksak si Mr. Santos. “Tama na Patrick! Patay na si Mr. Santos!”

“Gumising ka na Patrick gising! Hoy! Tapos na kaya yung klase natin tulog ka pa rin.” “Jenny!!! Buti na lang ligtas ka!Nasaan na si Mr. Santos?” “Ano bang nangyayari sayo bitawan mo nga ako! Ano bang tinira mo? Katol ba? Ayun si Mr. Santos kalalabas lang ng room.ano na naman kayang napanaginipan mo! Iyan tama yan manood ka pa nang mga Horror tapos DOTA sabay katol para yan ang napapala mo.”

“ Ay! Panaginip lang pala” ang tanging nasambit niya sa sarili.

~ Wakas~