1
DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 15 iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”, ay nanatiling totoo maging sa sitwasyong ito. Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat. 1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. Ang mahalaga sa kaniya ay ang pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o pakinabang na nanggagaling sa kaniya. Halimbawa, ang sapat na suplay ng tubig ay pinakikinabangan ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tagtuyo, ang mga tao ay kailangang magtipid sa paggamit nito. Hindi lahat ng tao ay nagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong nagtitipid makikinabang pa rin siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo. Ang nakababahala dito ay kapag dumami ang taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang kabutihang panlahat na nakasalalay sa suportang manggagaling sa kanila. 2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Ito ay ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay nagnanais na “mapag-isa”. Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalit ayaw rin niyang magambala para sa kabutihan ng iba. Sa kulturang ito, mahirap makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin at pansariling interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi niya kailangang mag-ambag sa kabutihang panlahat kundi ang manatiling malaya sa pagkamit ng kaniyang personal na kabutihan. Halimbawa, may mga taong ayaw nang manood ng balita at makialam sa mga nangyayari sa paligid dahil mas marami siyang suliranin sa kaniyang personal Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa bansa o sa iyong komunidad? Mayroon ka bang kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin? Ano kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng mga kabataan para sa bansa?

EsP9 Learning Modules 15

Embed Size (px)

Citation preview

DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1Pahina 15 iyongbansaparasaiyo,kundiitanongmokunganoangmagagawamoparasaiyong bansa, ay nanatiling totoo maging sa sitwasyong ito. Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat Narito ang ilang nakahahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.1.Nakikinabanglamangsabenepisyonghatidngkabutihangpanlahat,subalit tinatanggihanangbahagingdapatgampananupangmag-ambagsapagkamitnito. Angmahalagasakaniyaayangpakinabangnakaniyangmakukuhasakabutihang panlahatnanagmumulasamalasakitatpagsasakripisyongiba.Nakikinabang lamangsiyasubalitwalangambagopakinabangnananggagalingsakaniya. Halimbawa,angsapatnasuplayngtubigaypinakikinabangannglahatngtao. Subalit upang mapanatili ang sapat nasuplay ngtubig sa panahon ngtagtuyo, ang mgataoaykailangangmagtipidsapaggamitnito.Hindilahatngtaoaynagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong nagtitipid makikinabang pa rin siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo. Ang nakababahala dito ay kapag dumami ang taong may ganitong pangangatwiran, masisira ang kabutihang panlahat na nakasalalay sa suportang manggagaling sa kanila. 2.Angindibidwalismo,ibigsabihinangpaggawangtaongkaniyangpersonalna naisin.Itoayangpagnanaisngtaongmagingmalayasapagkamitngpansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay nagnanais na mapag-isa. Hindi niya pinapakay ang pakinabang mula sa kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalitayawrinniyangmagambalaparasakabutihanngiba.Sakulturangito, mahirapmakumbinseangtaongisakripisyoangkaniyangkauntingkalayaan, personalnahangarinatpansarilinginteresparasakapakananngkabutihang panlahatdahilparasakaniya,hindiniyakailangangmag-ambagsakabutihang panlahatkundiangmanatilingmalayasapagkamitngkaniyangpersonalna kabutihan. Halimbawa, may mga taong ayaw nang manood ng balita at makialam sa mganangyayarisapaligiddahilmasmaramisiyangsuliraninsakaniyangpersonal Bilangisangkabataan,anonabaangnagawamoparasabansaosaiyong komunidad?Mayroonkabangkayanggawinngunithindimopinagsisikapang gawin?Anokayaangmaitutulongngmuntingmagagawangmgakabataan para sa bansa?