1
DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 11 Bigyan naman natin ng linaw ang kahulugan ng kabutihang panlahat. Ano nga ba ang kabutihang panlahat? Sa simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Mahalagang maunawaan mong ang tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw, patuloy na mabibigyan ng laya ang mga malalakas na apihin ang mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Kaya sinasabing may kaugnayan ang tao bilang yunit ng lipunan at ang kabutihang panlahat ay dahil sa ang kabutihang panlahat tinatanggap ng bawat indibidwal na sumasalamin sa kabuuan. Ngunit tandaan mong mayroong pagkakaiba ang kabutihan ng nakararami sa kabutihang panlahat. Ang pag-iral ng nakararami ay nananatiling nag-iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan. Ang isakripisyo ang buhay ng isang taong nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo upang subukan ang gamot na maaaring makatulong sa mga taong may karamdamang hindi pa natutuklasan ang lunas ay maaaring maging katanggap-tanggap kung paiiralin ang kabutihan ng nakararami. Ngunit magiging katanggap-tanggap lamang ito bilang kabutihang panlahat kung kusang-loob na inialay ng bilanggong ito ang kaniyang buhay para sa kagalingan ng lahat ng may sakit at sa mga taong posible pang dapuan nito sa matagal na panahon. Mahalagang bigyang-diin na hindi nangangahulugang magkahiwalay ang personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. Sa katunayan, magkaugnay ang dalawang ito. Ipinaliwanag ni Sto. Tomas Aquinas na ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Nangangahulugan ito ng pagiging tugma ng personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, hindi dapat ihiwalay ng mga tao ang kani- kanilang sarili sa paghanap ng makabubuti sa bawat isa sa kanila kundi ang magtipon upang hanapin ang kabutihang panlahat na magkakasama. Sa analogong ito halimbawa, ang pag-asam ng pagkakaroon ng malusog na puso o kaya malusog na baga, ay makakamit sa pagiging bahagi nito sa katawan subalit hindi kailangang ihiwalay ang bahaging ito ng katawan upang makamit ang layuning ito. Kailangan lamang na tugma ang layunin ng bawat Kabutihan ng LAHAT, hindi ng NAKARARAMI.

EsP9 Learning Modules 11

Embed Size (px)

Citation preview

DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1Pahina 11 Bigyannamannatinnglinawangkahulugan ngkabutihangpanlahat.Anongabaangkabutihang panlahat?Sasimplengsalita,masasabingitoay kabutihanparasabawatisangindibidwalnanasa lipunan.Itoayisangpagpapahalagangnaiibasa pansarilingkapakanan.Mahalagangmaunawaan mong ang tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamangngindibidwaloangkoleksiyonngindibidwal nakabutihanngmgataongbumubuonito.Kapag ganitoangpaniniwalangmangingibabaw,patuloyna mabibigyan nglaya ang mga malalakas na apihin ang mgamahihina.Angtunaynatunguhinnglipunanay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Kaya sinasabing may kaugnayan ang tao bilang yunit ng lipunan at ang kabutihang panlahat aydahilsaangkabutihangpanlahattinatanggapngbawatindibidwalnasumasalaminsa kabuuan.Ngunittandaanmongmayroongpagkakaibaangkabutihanngnakararamisa kabutihangpanlahat.Angpag-iralngnakararamiaynananatilingnag-iiwanngilang kasapinghindimakatatanggapngkabutihan.Angisakripisyoangbuhayngisangtaong nahatulannghabang-buhaynapagkabilanggoupangsubukananggamotnamaaaring makatulong sa mga taong may karamdamang hindi pa natutuklasan ang lunas ay maaaring magingkatanggap-tanggapkungpaiiralinangkabutihanngnakararami.Ngunitmagiging katanggap-tanggaplamangitobilangkabutihangpanlahatkungkusang-loobnainialayng bilanggongitoangkaniyangbuhayparasakagalingannglahatngmaysakitatsamga taong posible pang dapuan nito sa matagal na panahon.Mahalagangbigyang-diinnahindinangangahulugangmagkahiwalayangpersonal nakabutihansakabutihangpanlahat.Sakatunayan,magkaugnayangdalawangito. IpinaliwanagniSto.TomasAquinasnaangtunguhinnglipunanaykailangangparehosa tunguhinngbawatindibidwal.Nangangahuluganitongpagigingtugmangpersonalna kabutihansakabutihangpanlahat.Ibigsabihin,hindidapatihiwalayngmgataoangkani-kanilangsarilisapaghanapngmakabubutisabawatisasakanilakundiangmagtipon upanghanapinangkabutihangpanlahatnamagkakasama.Saanalogongitohalimbawa, ang pag-asam ng pagkakaroon ng malusog na puso o kaya malusog na baga, ay makakamit sapagigingbahaginitosakatawansubalithindikailangangihiwalayangbahagingitong katawan upang makamit ang layuning ito. Kailangan lamang na tugma ang layunin ng bawat Kabutihan ng LAHAT, hindi ng NAKARARAMI.