9
Ang ekonomika o ekonomiks ( Ingles : economics ) bilang isang agham panlipunan , ay ang pag-aaral sa paglikha , pamamahagi , at pagkonsumo ng kalakal. [1] Ang salitang " ekonomika " ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία ( oikonomia , "pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula sa οἶκος ( oikos , "bahay") + νόμος ( nomos , "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an". [2] Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang Macroeconomics ay ang pag-aaral sa kabuuan o pangkalahatang ekonomiya ng bansa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: - pagkalahatang antas ng presyo - kabuuang pambansang produkto (GNP) - pangkalahatang antas ng empleyo - pangkalahatang bayarin at gastusin Ang Maykroekonomiks ay ang pag-aaral sa maliit na yunit o sekta ng ekonomiya ng bansa.Ang ilan sa mga halibawa nito ay: - kompanya - bahay-kalakal - pamilihan - sambayanan - mamimili - prodyusers * Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang- yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko. Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga salik ng produksyon bilang mga input (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) at mga tapos na kalakal at paglilingkod bilang output. Mga salik ng produksyon Lupa – tumutukoy sa mga yamang likas o kaloob ng kalikasan kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal.

ekonomiks reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

asdasd

Citation preview

Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, atpagkonsumo ng kalakal.[1]

Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία (oikonomia, "pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula sa οἶκος (oikos, "bahay") + νόμος (nomos, "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an".[2] Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan.

Ang Macroeconomics ay ang pag-aaral sa kabuuan o pangkalahatang ekonomiya ng bansa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay: - pagkalahatang antas ng presyo- kabuuang pambansang produkto (GNP)- pangkalahatang antas ng empleyo- pangkalahatang bayarin at gastusin

Ang Maykroekonomiks ay ang pag-aaral sa maliit na yunit o sekta ng ekonomiya ng bansa.Ang ilan sa mga halibawa nito ay:- kompanya- bahay-kalakal- pamilihan- sambayanan- mamimili- prodyusers

* Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang-yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko.Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga salik ng produksyon bilang mga input (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) at mga tapos na kalakal at paglilingkod bilang output.Mga salik ng produksyonLupa – tumutukoy sa mga yamang likas o kaloob ng kalikasan kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal.Paggawa – ito ay nangangahulugan ng oras na ginugugol ng tao sa produksyon. Binubuo nito ang lakas-paggawa ng isang bansa.Kapital – tumutukoy sa mga bagay na nilikha ng tao na ginagamit sa proseso ng produksyon tulad ng makinarya at iba pang mga kagamitan at imprastruktura.Entreprenyur – isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.

Mga Uri ng Pinagkukunang-Yaman

Yamang Likas – pinaniniwalaang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan  ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay binubuo ng mga yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.

Yamang Tao – ang tao mismo ang nagtatrabaho at nagpapaunlad sa mga yamang likas Yamang Kapital (capital resources) – tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao

upang makabuo ng panibagong produkto.

Pagpapanatili sa mga Likas na Yaman Yamang Napapalitan – mga likas na yaman na matapos katasin ay medaling napapalitan ng

kalikasan. Kabilang dito ang yamang gubat at yamang tubig. Yamang Di-napapalitan – ay mga yamang matapos katasin ay hindi agad napapalitan ng

kalikasan. Kabilang dito ang yamang lupa at yamang mineral.

    Tatlong paraan sa pangangalaga ng pinagkukunang-yaman:

Likas-kayang Paggamit – tumutukoy sa paggamit ng mga yamang likas sa paraang makapagbibigay ang mga ito ng lubos na kapakinabangan ngunit hindi manganganib na maubos sa pamamagitan ng paggamit ng biological resource, konserbasyon, at integrasyon ng konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological diversity.

Konserbasyon – tumutukoy sa maingat at makatwirang paggamit ng mga yamang likas at ang pangangalaga sa mga ito laban sa pagkawasak at pagkasira.

Mga Batas na Pangkalikasan – National Integrated Protected Areas System Act of 1992, Philippine Mining Act of 1995, Ecological Solid Waste Management Act of 2000, at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

ANG BATAS NG KAKAPUSAN

Isinasaad ng  Batas ng Kakapusan na wala tayong sapat na kita o kayamanan upang matugunan ang lahat ng ating pangangailangan.Dahil sa katotohanang ito, ang mga  tao ay napipilitang gumawa ng mga kapasyahankung anong mga produkto ang gagawin at para kanino.

KAKAPUSAN

Ito ay tumutukoy sa katotohanang limitado ang pinagkukunang-yaman.Ito ay permanente dahil ang mga likas na yaman ay limitado

Alokasyon – ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman upang lutasin ang suliranin ng lipunan ukol sa kakapusan

Sentralisado ang aloksayon kapag ang mga kinakailangang impormasyon ay binubuo ng at itinatakda ng iilang tao, grupo ng tao, o institusyon.

Desentralisado naman ang alokasyon kapag pinahihintulutan ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na makabuo ng mga impormasyon at magtakda kung anu-anong pangangailagan at kagustuhan ang nais nilang unahing matugunan

Sa alokasyon, tinutukoy rin kung paano at sino ang magbibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman. Dalawa ang maaari nitong maging kaayusan:

Pinag-uutos (command) – ang mga patakaran ng pamahalaan ang magtatakda sa pagbibigay –halaga sa mga pinagkukunang-yaman

Pakikipagpalitan (exchange)- ang halaga ng pinagkukunang-yaman ay itinatakda ng plano ng bawat kasapi bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Ang Sistemang Pang-ekonomiya Tradisyunal na ekonomiya – ang mekanismo ng alokasyon ay nakabatay sa tradisyon,

kultura, at paniniwala Market economy –  ang produksyon at distribusyon ng mga kalakal at serbisyo ay

nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga

Command economy – ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan

Mixed economy – isang sistema kung saan ang desisyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang-yaman ay nasa kamay ng pribadong sektor at pamahalaan

Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.

Kagustuhan – ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.

Teorya ng Pangangailangan ni Maslow

Abraham Harold Maslow, isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.

Ang hirarkiya ng mga pangangailangan (Hierarchy of Needs) na ito ay kadalasang inilalarawan sa anyo ng isang piramide:

Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide, kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.

Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at kaligtasan.

Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.

Esteem needs  ( pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.

Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Teorya ng Pangangailangan ni McClelland

David McClelland, isang Amerikanong psychologist, ayon sa kanya, may mga pangangailangan ang tao na natatamo sa matagal na panahon at hinuhubog ng mga karanasan

Nagawa  (achievement) – inilarawan ni McClelland ang katangian at saloobinng taong may mataas na pangangailangan sa nagawa

2. Kapangyarihan(Power) – ito ay may dalawang uri – personal at institusyonal Personal – ito ay kadalasang hindi maganda dahil sa pagnanais na magtuos sa iba Institusyonal – ito ay nakatuon sa mga pagsisikap upang maging maayos ang layunin ng

samahan Pagsapi (affiliation) – ang pagsapi ay nagnanais ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao

at kailangang makadama na sila rin ay tinatanggap ng ibang tao.

Nahahati Ang Paggamit ng produkto sa tinatawag na tuwiran o pangkatapusang pagkonsumo produktibong pag konsumo at maaksayang pag konsumo.

TUWIRANG PAGKONSUMO• Tuwirang pagtugon sa pangangailangan ang tuwirang pag konsumoHALIMBAWA:Tumutugon sa kanyang tuwirang pangangailangan ang isang taong uhaw sa umiinom kaagad ng isang basang tubig.PRODUKTIBONG PAGKONSUMO• Tinatawag na produktibong pagkonsumo ang paggamit ng mga paraan upang magamit ang mga bagay-bagay sa ibang kapakipakinabang na bagayHALIMBAWA:Nagpapakita ng produktibong pagkonsumo ang mga modista na gumagamitng sinulid at tela sa paggawa ng damit.MAAKSAYANG PAGKONSUMO• Ito ang paggamit na tumutugon sa pangangailangan at sa halip tumutugon lamang sa hilig o kagustuhan ng tao.HALIMBAWA:Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan, ang pabayang pag gamit ng tubig na hinahayaang tumutulo mula sa gripo ang paggamit ng radyo at telebisyon nang sabay sabayMAPANGANIB NA PAGKONSUMO• Ito ang paggamit ng produktong may masamang epekto sa kalusugan o sa kapakanan ng tao.HALIMBAWA:Ang paggamit ng pinagbabawal na gamot na magiging dahilan upang masira ang kanyang kaisipan at pagkatao.Ang drug addict ay salot sa lipunan.

PRODUKSYON Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang

pangangailangan ng mga tao. Nangangailangan ng mga materyal at kagamitan ang anumang paggawa ng isang bagay o kalakal upang magkaroon ng produksyon.

Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya. Dito nililikha ang mga bagay o produktong kailangan ng mga mamamamyan. Kailangan din sa pag-ikot ng ekonomiya ang pagpapalitan o distribusyon at ang pagkonsumao. Batay rito, masasabing isang sistema ng patuloy na produksyon, palitan, at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo ang ekonomiya.

IBA’T IBANG ANYO NG PRODUKSYON

 Elementary Utility. Ito ang anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit anong prosesong gawa ng tao. Isa itong produkto na maaari na agad pakinabangan ng tao tulad ng prutas at gulay. Tinatawag din itong natural utility.

Form Utility. Ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa natural utility subalit hindi sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sum,ailalin sa isang proseso upang mabago ang anyo. Halimbawa nito ang trosong nagiging kasangkapan, papel at iba pa; at ang mga butil ng palay na ginagawang arina. Makikita ang pagbabago ng mga hilaw na sangkap na ito sa anyo o hugis ng isang materyal upang magkaroon ng dagdag na pakinabang.

Time Utility. Ito ang mga produktong ginagawa sa angkop na pamahon. Isang halimbawa nito ang pagtitinda ng mga napapanahong pagkain tulad ng halu-halo. Karaniwan nang itinitinda ito kung tag-init samantalang karaniwan nang mabili ang maiinit na pagkain tulad ng lugaw kung tag-ulan. Mayroon din namang mga produkto na maaaring itago muna at ipagbili na lamang kung napapanahon na ito. Halimbawa nito ang damit tulad ng kapote atjacket.

Service Utility. Ito ang anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao. Binabayarang serbisyo ng isang tao ang service utility upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan. Halimbawa nito ang serbisyo ng abogado, gwardya, doktor, drayber at iba pa.

 Possesion or Ownership Utility. Ito naman ang anyo ng produksyon kung saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit kailangang ipagbili sa isang taong higit na nakikinabang. Halimbawa nito ang mga alahas.

Place Utility. May mga produktong tumataas ang kapinabangan pati na rin ang halaga kapag ito ay inililipat nga lugar o pook. Ang bigas na gawa sa Gitnang Luzon kapag dinala sa Maynila ay tataas ang halaga. Ang mga prutas sa Davao ay lalong tataas ang utilitykapag iniluwas sa Japan.

MGA SALIK NG PRODUKSYON Lupa Bilang Salik ng Produksyon

Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan. Halimbawa nito ang matatabang lupang pinagtatamnan, ang mga lupang pastulan, lupa sa lungsod at iba pa. Nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.Maaaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay, pagtatayuan ng mga tanggapan, pagawaan at iba pa. Walang hanggan ang maaaring gamit ng lupa. Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa.

Lakas-Paggawa Bilang Salik ng ProduksyonAng lakas-paggawa ng pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng mga hilaw na sangkap o likas na yaman ngunit nakasalalay sa kamay ng tao ang paglinang nito upang maging kapaki-pakinabang ito.

Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng ProduksyonAno ang maaring mangyari sa produksyon at pangangalakal kung walang kapital? Marahil, ang mga pangunahing pangangailangan lamang ang magagawadahil walang mamumuhunan sa produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong teknolohiya.

Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon.Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa likod na produksyon. Sa kanyang matalinong pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng isang negosyo. Siya ay tinaguriang tagapamahala, superbisor, innovator, at  risk bearer sa produksyon.

EkonomiksFIRST

GRADING PERIOD