24
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 2: Kakayahan at Talento ay Gamitin, Kapuwa at Sarili ay Pasayahin 2

Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

Edukasyon saPagpapakataoUnang Markahan – Modyul 2:

Kakayahan at Talento ay Gamitin,Kapuwa at Sarili ay Pasayahin

2

Page 2: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang BaitangAlternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 2: Kakayahan at Talento ay Gamitin, Kapuwa at Sarili ay

PasayahinUnang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit malibansa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag saanomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Leonor Magtolis BrionesPangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: AL JOHN U. FEBREROPatnugot: BENNEDICK T. VIOLA

MARIE ANN C. LIGSAY, PhDTagasuri: AUGUSTO A. MATEO

ROSALINDA S. IBARRA, PhDTagaguhit: JINKY H. MARTIN

IMLEDA B. SICATTagalapat: AIZA G. DINGLETagapamahala:

NICOLAS T. CAPULONG PhD, CESO VLIBRADA M. RUBIO, PhDMA. EDITHA R. CAPARAS, EdDNESTOR P. NUESCA, EdDLARRY B. ESPIRITU, PhDRODOLFO A. DIZON, PhDMERCEDITA D. SALDERO

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ______________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IIIOffice Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)Telefax: (045) 598-8580 to 89E-mail Address: [email protected]

Page 3: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

2

Edukasyon saPagpapakatao

Modyul 2:Kakayahan at Talento ay Gamitin,Kapuwa at Sarili ay Pasayahin

Page 4: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

ii

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon saPagpapakatao 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyulpara sa araling Kakayahan at Talento ay Gamitin, Kapuwa atSarili ay Pasayahin.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang atsinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadonginstitusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upangmatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakdang Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan angpansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawainayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang angkanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Ang modyul na ito ay inihanda upang tulungan ang iyongmga mag-aaral na matukoy ang kanilang mga talento okakayahan.

Inaasahan ang pagpapatnubay sa mga mag-aaral habangisinasagawa ang modyul na ito. Ang mga sagot sa bawat gawainay matatagpuan sa likod ng modyul na ito.

Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

iii

Para sa Mag-aaral:

Sa modyul na ito ay inaasahang malilinang ng mga mag-aaral ang kanilang talento o kakayahan at malaman kungpaano nila ito mapauunlad, mapapahalagahan at maibabahagisa iba.

Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansarilingpagkatuto. Gamitin ito bilang patnubay sa tulong ng mgatuntunin. Upang maging wasto ang paggamit kailangangmalinaw sa iyo ang dapat gawin.

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kakayahan atTalento ay Gamitin, Kapuwa at Sarili ay Pasayahin.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyongpangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitongmadulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mongmaunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman moang mga dapat mong matutuhansa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natinkung ano na ang kaalaman mo saaralin ng modyul. Kung nakuha moang lahat ng tamang sagot (100%),maaari mong laktawan angbahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kangmaiugnay ang kasalukuyang aralinsa naunang leksyon.

Page 6: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

iv

TuklasinSa bahaging ito, ang bagong aralinay ipakikilala sa iyo sa maramingparaan tulad ng isang kuwento,awitin, tula, pambukas na suliranin,gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ngmaikling pagtalakay sa aralin.Layunin nitong matulungan kangmaunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.

PagyamaninBinubuo ito ng mga gawaing parasa mapatnubay at malayangpagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at mgakasanayan sa paksa. Maaari mongiwasto ang mga sagot mo sapagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ngmodyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mgakatanungan o pupunan angpatlang ng pangungusap o talataupang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaingmakatutulong sa iyo upangmaisalin ang bagong kaalaman okasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.

Page 7: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

v

Tayahin Ito ay gawain na naglalayongmatasa o masukat ang antas ngpagkatuto sa pagkamit ngnatutuhang kompetensi.

KaragdagangGawain

Sa bahaging ito, may ibibigay saiyong panibagong gawain upangpagyamanin ang iyong kaalamano kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi saPagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamangsagot sa lahat ng mga gawain samodyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ngmodyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyanng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ngmodyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mgapagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa ibapang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawatpagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawang mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ngpinagkuhanan sa paglikha opaglinang ng modyul na ito.

Page 8: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

vi

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa ibapang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloykung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawainsa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin anginyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kaynanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man saiyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha kang malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.Kaya mo ito!

Page 9: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

1

Alamin

Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaingmakatutulong sa iyo na maipakita ang pagpapahalaga sasaya at tuwa na dulot nang pagbabahagi ng anumangkakayahan o talino. (EsP2PKP–Ic-9)

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:1. Natutukoy ang mga pamamaraan upang mapaligaya

ang kapuwa at sarili sa pamamagitan ng kakayahan attalento

2. Natutukoy ang mabubuting bunga ng pagbabahagi ngkakayahan at talento

3. Naibabahagi at naipapakita ang kakayahan at talentopara sa ikabubuti ng kapuwa at sarili.

Subukin

Panuto: Gumamit ng puso sa pahayag kung saannagagamit ang sariling Kakayahan at talino upangmapasaya ang sarili at kapwa at tatsulok naman kunghindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papael.

1. Ibinabahagi ang kakayahan sa pagguhit ngiba’t ibang likhang sining upang mapasaya angkapuwa.

2. Ginagamit ang talino upang malamangan angkapuwa.

3. Pinaghuhusayan ang kakayahan at talentoupang pamarisan.

4. Ginagamit ang kakayahan upangmaiparamdam ang pagmamahal atpagpapahalaga sa kapuwa.

Page 10: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

2

Aking Talino at Kakayahan Gagawing Makabuluhan

Ang Maykapal ay may ipinagkaloob, mga kahanga-hangang bagay na sa akin lumukod.

Galing sa pagpinta’y aking gagamitin, iba’t ibang obraay aking lilikhain puso ninyo’y pupunuin ng damdamin.

Sa boses kong parang anghel sa pag- awit, sa pusoninyo’y iba’t ibang damdami’y masasambit

Katawan ko ay igagalaw, galing sa pagsayaw pusoninyo‘y mapapasigaw.

Bibigkas ng madamdaming pagtula, mata ng mgamanonood sisikaping mapatulala.

Mga kakayahan at talinong taglay sa inyo ibabahagi,magbibigay ng ngiti sa inyong mga labi.

Aralin

1Kakayahan at Talento ayGamitin, Kapuwa at Sariliay Pasayahin

Ang talento at kakayahang bigay ng Dakilang Lumikha aydapat ipagpasalamat. Taglay ito ng bawat tao upang umunladsa buhay, maabot ang kanilang mga pangarap at mithiin.Gayundin, upang makatulong at mapasaya ang kapuwa. Ito aymga kahanga- hangang mga bagay na kinakailangang gamitinsa mabubuti at makabuluhang pamamaraan.

Basahin ang tulang may pamagat na “Aking Talino atKakayahan Gagawing Makabuluhan”. Dito ay mababasa moang iba’t ibang gamit ng mga talino at kakayahan.

Page 11: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

3

Balikan

Panuto: Mula sa tulang binasa mo, isa-isahin ang mga talino atkakayahang nabanggit. Tukuyin mo kung paano angmga ito ay nagamit batay sa tula. Sagutin ito sa iyongkuwaderno o sagutang papel.

Kakayahan Gamit

1.

2.

3.

4.

Page 12: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

4

Mga Tala para sa Guro

Ang talino at kakayahan ay mga bagay na iyongtaglay. Ang mga ito ay nakapagbibigay ng saya sa iyongsarili at sa iyong kapuwa. Magagamit mo ang mga itoupang mapaunlad ang iyong sarili. Gayundin, upangiyong maabot ang iyong mga pangarap at mithiin sabuhay.

Ang kakayahan at talento ay maaaring hatid ngmayaman at malawak na isipan. Maaaring ang mga itoay bunga ng paggalaw ng mga bahagi ng katawan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga kakayahan at talentoay ang mga sumusunod:

1. Pag-awit2. Pasayaw3. Pagguhit o Pagpinta4. Pagtula5. Kahusayan sa iba’t ibang asignatura

Ilan lamang ito sa napakaraming kakayahan at talentona maaari mong taglayin. Kung taglay mo na ang mgaito, sikapin mong gamitin upang mapasaya ang iyong sariliat kapuwa.

Page 13: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

5

Tuklasin

Ang kakayahan at talento ay mahuhusay na pamamaraanupang mapaunlad ang iyong sarili at makapagbigay ng tuwa attulong sa iyong kapuwa.

Ang bawat mag-aaral na katulad mo ay may natatangingkakayahan at talento. Sa pamamagitan nito makatutulong ka samga bagay na di kayang gawin ng iba upang magtagumpaysila.

Ang husay sa pagpinta, pagguhit, pag- awit, pagsayaw,pagtula ay ilan lamang sa mga maituturing na mga talento. Angkagalingan sa iba’t ibang asignatura ay maituturing din nanatatanging kakayahan.

Mabuting Dulot ng Paggamit sa Kakayahan at Talento.

1. Makapagbibigay ng tulong sa kapuwa sa mga bagayna di nila kayang gawin at isakatuparan.

2. Mapaliligaya ang sarili at kapuwa sa pamamagitanng pagbabahagi at pagpapaunlad sa sarili.

3. Mapapahalagahan ang paglinang sa sariling talentoat kakayahan upang magbigay ng saya sa sarili atkapuwa.

Page 14: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

6

Suriin

Panuto: Tukuyin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) samga tamang gawi upang maipakita angpagpapahalaga sa sayang dulot ng iyong kakayahan.Sagutin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

1.

.

2.

a. Ipinta ang mga mahal sabuhay upangmaipadamaang pagmamahal

b. Sumali sa iba’t ibangpatimpalak upangmahasa ang talento atkakayahan sa pagpipintaat makapagdulot ng saya

c. Magpinta upangmainsulto ang kamag-aral

d. Magpinta ng mararahasna larawan upangmanakot

a. Turuan ang mga kamag-aral na nahihirapan saaralin

b. Ipakita ang kagalinganupang maliitin ang iba

c. Laging paghusayin angkakayahan upangmaging handa sa mgasusunod na aralin

d. Huwag tumulong sakamag-aral baka magingmas mataas ang kanilangmarka

Page 15: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

7

3.

4.

a. Alayan ng tula ang mgamagulang upangmaipadama angpasasalamat

b. Sumali sa mga paligsahansa paaralan upangmaging mahusay

c. Lumikha ng tula upangbuskahin ang kamag- aral

d. Ibahagi ang kaalaman sasa paglikha ng tula upangmatutuhan ng iba

a. Lilikha ng makabuluhangbagay upangmakatulong sa paaralan

b. Huwag turuan ang mgakamag-aral

c. Mag imbento ng mgakapaki-pakipakinabang nabagay

d. Ipakita ang kahusayanupang magkaroon ngmataas na marka upangmapasaya ang magulang

Page 16: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

8

Pagyamanin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod nakatanungan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno osagutang papel.

1. Mahusay ka sa pag- awit, paano mo gagamitin ang

talentong ito?

a. Gagawa ng awiting may masasamang salita.

b. Gagamitin ito upang papurihan ang Dakilang

Lumikha.

c. Kakantahin ang mga awiting may masamang

kahulugan.

d. Iiwasan ang pagsali sa mga patimpalak upang

mailihim ang talento.

2. Mayroon kang natatanging kakayahan, ano ang

dapat mong gawin?

a. Hindi ko sasabihin kahit kanino.

b. Ikahihiya ko ang aking kakayahan.

c. Hindi ko ito ipapaalam kahit kanino.

d. Ipakikita ko at pauunlarin ko ito upang mapasaya

ang kapuwa ko.

3. Si Alma ay mahusay sumayaw. Nais itong makita ng

kaniyang mga kamag-aral. Ano ang dapat niyang

gawin?

Page 17: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

9

a. Hindi siya sasayaw.

b. Liliban siya sa klase.

c. Aawit siya sa kaniyang mga kamag-aral.

d. Ipapakita niya ang kahusayan niya sa pagsayaw

upang mapasaya ang mga kamag-aral.

4. Ano ang mararamdaman mo kapag ipinakikita mo ang

iyong kakayahan sa iba?

a. maiinis

b. magagalit

c. magiging masaya para sa sarili at sa kapuwa

d. magiging malungkot

5. Si Bela ay mahusay bumigkas ng tula. Anong

mabubuting damdamin ang maaari niyang ihatid sa

kanyiang kapuwa?

a. kalungkutan

b. pamimintas

c. pangmamaliit

d. pagmamahal at kasiyahan

Page 18: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

10

Isaisip

Ang bawat tao ay mayroong kani kaniyang

_____________ at _____________. Sikaping pagyamanin ang

kakayahang iyong taglay. Paunlarin ang mga ito, palakasin

ang iyong kahinaan upang magtagumpay. Gayundin, upang

magdulot ng kasiyahan sa kapuwa na makapagpapakita ng

pagpapahalaga sa kanila.

Isagawa

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Sagutin ito sa iyongkuwaderno o sagutang papel.

___ 1. Mahusay ka sa pag-awit. Paano mo ito gagamitin

upang mapasaya ang kapuwa?

a. Maging masipag sa pag-eensayo.

b. Umawit ayon sa kagustuhan ng iba.

c. Sumayaw na lamang dahil magaling ditto

ang kaibigan.

d. Sumigaw nang sumigaw upang masanay

ang lalamunan.

___ 2. Magaling kang sumayaw. Paano mo ito gagamitin?

a. Ikahiya ang kakayahan.

b. Sumali sa paligsahan sa pag-awit.

Page 19: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

11

c. Tularan na lang ang kakayahan ng kaibigan.

d. Manguna sa pagbuo ng mga sayaw na

kailangan sa mga programa ng paaralan.

___ 3. May paligsahan sa pagguhit sa inyong paaralan at

mayroon kang kakayahan dito. Sasali ka ba o hindi?

a. Hindi, dahil magaling ka na.

b. Oo, dahil gusto ng iyong kapatid.

c. Hindi, dahil may mas magaling kaysa sa iyo.

d. Oo, upang mapaunlad ang iyong

kakayahan at maibahagi ang talento sa iba.

___ 4. Ikaw ay may kahusayang taglay sa agham at

teknolohiya paano ka makatutulong sa iba?

a. Sasali ka upang matalo ang iyong kaaway.

b. Sasali ka upang mas mapaunlad ang iyong

kakayahan.

c. Liliban ka sa klase dahil alam mo na ang mga aralin.

d. Hindi mo ipapaalam na magaling ka sa

asignaturang ito.

___ 5. Nalulungkot ang pinakamatalik na kaibigan. Nais mo

siyang mapasaya, ano ang iyong gagawin?

a. Hindi siya papansinin upang di madamay.

b. Lalayo at sasama sa masasayang kaibigan.

c. Gagawa ng paraan upang mas bumigat ang

kaniyang damdamin.

Page 20: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

12

d. Gagamitin mo ang iyong kakayahan upang

mapasaya siya at mapawi ang kalungkutan na

kaniyang nadarama.

Tayahin

Panuto: Gumuhit ng linya mula sa itim na bilog patungo sa mgahakbang na upang mapaligaya ang kapuwa sapamamagitan ng iyong talento sa pag- awit. Gawin ito saiyong kuwaderno o sagutang papel.

a. Gumawa ng mga sarilingawitin upang maipadama angpagmamahal sa kapuwa

b. Lumikha ng awitin ngpanunukso o pangbubuska

c. Mag-alay ng awitin ng papuriat pasasalamat

d. Gamitin ang mga awitinupang masaktan angdamdamin ng kapuwa

e. Pasayahin ang mga kaibigan,guro at mga magulang sapamamagitan ng masasayangawitin

Page 21: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

13

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang hinihingi ng bintana ng kakayahan at talento.Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Mga Kakayahang at TalentongAking Taglay

Mga Taong AkingMapapasaya at Matutulungan

Mga Hakbang UpangMakapagbigay ng Kasiyahan

sa Aking Kapuwa

Mga Positibong Damdamin namaaaring Maipaparamdam Kosa Aking Kapuwa gamit angAking Talento at Kakayahn

Page 22: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

14

Susi sa Pagwawasto

Page 23: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

15

Sanggunian Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan

Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Kagamitan ng Mag-aaral. Talino at KakayahanKo, Ibabahagi Ko; Kasiyahan Ko, Tulungan angKapuwa Ko; Kakayahan at Talino Mo, Paunlarin mo!.pp. 258-275.

Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, RolanBaldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales.2013. Patnubay ng guro. Talino at Kakayahan Ko,Ibabahagi Ko; Kasiyahan Ko, Tulungan ang KapuwaKo; Kakayahan at Talino Mo, Paunlarin mo!. pp. 101-109.

Page 24: Edukasyonsa Pagpapakatao · 2020. 8. 16. · ii PaunangSalita Parasatagapagdaloy: MalugodnapagtanggapsaasignaturangEdukasyonsa Pagpapakatao2ngAlternativeDeliveryMode(ADM)Modyul

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]