42
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 2 Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas 9

Edukasyon sa Pagpapakatao · 11 hours ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 2: Lipunang Pulitikal, Prinsipyong

  • Upload
    others

  • View
    88

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

  • NOT

    Edukasyon

    sa Pagpapakatao

    Unang Markahan, Linggo 3 at 4 -

    Modyul 2

    Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at

    Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

    11

    9

  • Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9

    Alternative Delivery Mode

    Unang Markahan, Linggo 3 at 4 - Modyul 2: Lipunang Pulitikal,

    Prinsipyong Subsidiarity at

    Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

    karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan

    muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung

    ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan

    ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

    name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito

    ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito

    upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga

    tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

    anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City

    Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

    Mga Bumuo ng Modyul

    Manunulat: Ann May E. Araña

    Mga Tagasuri: Airlene B. Lagas, MAPM, Judith V. Esmillaren, MEd,

    Ernida A. Lucagbo, MAEd at Alito B. Delos Santos, MDiv.

    Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1

    Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1 at Ann May E. Araña

    Mga Tagapamahala

    Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V

    Schools Division Superintendent

  • Inilimbag sa Pilipinas ng

    Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City

    Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

    Telefax: (063)221-6069

    E-mail Address: [email protected]

    Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE

    Assistant Schools Division Superintendent

    Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief

    Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator

    Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager

    Meriam S. Otarra, PDO II

    Charlotte D. Quidlat, Librarian II

  • Edukasyon sa Pagpapakatao

    Unang Markahan, Linggo 3 at 4 -

    Modyul 2

    Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng

    Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP

    Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro

    at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at

    mungkahi sa [email protected].

    Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

    Kagawaran ng Edukasyon

    Republika ng Pilipinas

    9

    mailto:[email protected]

  • This page is intentionally blank

  • Talaan ng Nilalaman

    Mga Pahina

    Pangkalahatang Ideya …………………………..........………………….. i

    Nilalaman ng Modyul …………………………..........………………….. i

    Pangkalahatang Panuto …………………………..........………………….. ii

    Mga Icon na Ginagamit sa Modyul…………………………..........………………… iii

    Alamin …………………………..........………………….. 1

    Subukin …………………………..........………………….. 2

    Balikan …………………………..........………………….. 3

    Tuklasin …………………………..........………………….. 4

    Linangin …………………………..........………………….. 5

    Suriin …………………………..........………………….. 6

    Pagyamanin …………………………..........………………….. 10

    Isaisip …………………………..........………………….. 11

    Isagawa …………………………..........………………….. 11

    Buod …………………………..........………………….. 13

    Tayahin …………………………..........………………….. 13

    Susi ng Pagwawasto …………………………..........………………….. 15

    Sanggunian …………………………..........………………….. 15

  • This page is intentionally blank

  • i

    Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9

    Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at

    paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging

    makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.

    Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10. (Pasig City:

    Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

    Nilalaman ng Modyul

    Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa

    mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman

    ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng

    Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng

    bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul

    at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

    Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay

    tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa

    kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman

    (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang

    Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s

    Taxonomy.

    Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa

    Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga

    kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang

    ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa

    pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)

    sa Bloom’s Taxonomy.

    Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman

    at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career

    Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang

    ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat

    ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay

    ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

    Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa

    ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng

    buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto

  • ii

    (PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa

    Bloom’s Taxonomy.

    Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

  • iii

    Pangkalahatang Panuto

    Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

    1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na

    tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

    2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan

    ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o

    pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

    3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin.

    Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

    4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

    5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng

    modyul.

    6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

    7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa

    Edukasyon sa Pagpapakatao.

    8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga

    gawain.

    9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga

    awtoridad sa pamayanan.

    10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

    Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.

  • iv

  • v

    Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

    Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na

    dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

    Subukin

    Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

    tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri

    kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong

    tatalakaying aralin.

    Balikan

    Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng

    pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa

    nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying

    bagong aralin.

    Tuklasin

    Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng

    iba’t ibang gawain.

    Suriin

    Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

    nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang

    malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

    Pagyamanin

    Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

    natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa

    ang kasanayang nililinang.

    Isaisip

    Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

    mahahalagang natutuhan sa aralin.

  • vi

    Isagawa

    Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat

    ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga

    pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

  • This page is intentionally blank

  • 1

    Modyul

    Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

    2

    Alamin

    Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging

    kailangan upang magtagumpay ang kasamaan ay ang

    hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is

    necessary for the triumph of evil is that good men do

    nothing)? Kung minsan, hindi naman sinasadya ng mga

    tao na wala silang gawin. Kung minsan, hindi lamang nila

    alam kung ano ang papel nila at kung paano sila

    makatutulong. Kung minsan, akala nila ay may iba nang

    gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang

    sila sa eksena.

    Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan,

    sino nga ba ang dapat manguna rito? Ano ba ang inaasahan sa iyo bilang mabuting

    mamamayan? Ano ba ang inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?

    Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano

    matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan,

    pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng

    Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

    Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang

    kabutihang panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong

    nararapat na gampanan? Halika, simulan na natin.

    Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,

    kakayahan, at pag-unawa:

    2.1. Naipaliliwanag ang:

    a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal

  • 2

    b. Prinsipyo ng Subsidiarity

    c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

    2.2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o

    lipunan/bansa ng:

    a. Prinsipyo ng Subsidiarity

    b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

    2.3. Napatutunayan na:

    a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal

    na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng

    mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

    b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa,

    kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at

    maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.

    c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri

    ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil

    nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng

    Pagkakaisa).

    2.4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at

    Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay),

    at lipunan/bansa.

    Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

    Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 21.

    Subukin

    Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

    1. Ano ang tawag sa pag-iingat sa ugnayang pamayanan at pagpapalawig ng tagumpay

    ng lipunan?

    A. Kapuso B. Relasyon C. Pakikisama D. Kabutihang panlahat

  • 3

    2. Bakit inihahambing sa isang barkadahan ang lipunan?

    A. Dahil hindi magkadugo ang mga kasapi sa lipunan B. Dahil magkakaibigan ang lahat ng mga mamamayan sa lipunang ito C. Dahil mahigpit na pinagbubuklod ng kultura ang mga mamamayan nito D. Dahil may pagsaalang-alang ito sa kabutihan ng lahat ng miyembro nito

    3. Bilang isang pinuno, ninananis mapangalagaan ni Mayor Ocampo ang kasaysayan ng

    kanilang lungsod. Ano ang nararapat niyang gawin?

    A. Siguraduhing walang impluwensiya galing sa ibang kultura

    B. Siguraduhing masaya ang mga mamamayan sa bawat araw

    C. Magkaroon ng mahigpit na programa sa pagsunod sa kultura ng lungsod

    D. Magkaroon ng programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan

    4. “Ang pagpapatakbo sa lipunan ay iasa sa mga pinuno.” Sang-ayon ka ba nito?

    A. Oo, dahil ang pamumuno ay isang kaloob na tiwala.

    B. Oo, dahil alam nila ang sistema tungo sa kabutihang panlahat.

    C. Hindi, dahil marami ang may kakayahang mamuno sa lipunan.

    D. Hindi, dahil may tungkulin ang mamamayan na makilahok sa gawaing panlipunan.

    5. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?

    A. Upang mabisang maisulong ang pag-unlad ng lipunan

    B. Upang mabigyang lunas ang suliranin ng lipunan

    C. Upang maisulong ang pagkakaisa ng bansa

    D. Upang makatulong sa ibang tao

    6. Ang sumusunod ay katangian ng isang pinuno, maliban sa:

    A. May matayog na pangarap para sa mamamayan.

    B. May matalas na paningin upang makita ang potensyal ng pamayanan.

    C. May kakayahang himukin ang mga mamamayan tungo sa isang hangarin.

    D. May kasanayan na mapaniniwala ang mga kasapi sa pansariling ninanais.

    7. Paano naipakikita ang Prinsipyo ng Subsidiarity ng pamahalaan?

    A. Pagsisingil ng buwis

  • 4

    B. Libreng medical check-up ng Health Centers sa mga buntis

    C. Pagbibigay ng dugo sa programang Dugong Bayani ng Red Cross

    D.Pagdaos ng feeding program ng DepEd at ng mga pribadong doktor sa paaralan

    8. Ano ang ibig sabihin ng, “Ang pamamahala ay isang kaloob ng tiwala ng mga tao”?

    A. Inaasahan ng mga tao na ang pinuno ay mahusay sa pangangasiwa sa pamayanan.

    B. Inaasahan ng mga tao na tugunan ng pinuno ang kanilang mga pangangailangan.

    C. Inaasahan ng mga tao na magawa ng pinuno ang pampulitikal na tungkulin nito.

    D. Inaasahan ng mga tao na pagsilbihan ang namumuno sa pamayanan

    9. Na-enganyo si Larry ng aralin sa EsP 9 Modyul 2 na tumulong sa mga nasunugan sa

    Ubaldo Laya na pansamantalang sumilong sa gym doon. Ano ang gagawin niya?

    A. Magnanais na makatulong sa mga nasunugan.

    B. Sasali sa rally para sa karapatan ng mga evacuees.

    C. Maging volunteer sa fund raising para sa mga nasunugan.

    D. Matulog sa evacuation center upang makiisa sa mga nasunugan.

    10. Alin sa sumusunod ang hindi makatutulong sa pagpauunlad ng pamahalaan at lipunan?

    A. Pag-iisip ng mga pinuno at mamamayan sa pansariling kaunlaran.

    B. Makikilahok ang mga mamamayan sa pampamayanang gawain.

    C. Pagpupunyagi ng mga mamamayan sa paghahanapbuhay.

    D. Makiisa sa mga gawaing pampamayanan.

    Balikan

    Sa Modyul 1, natutuhan mo ang mga elemento ng kabutihang panlahat, ang tunay

    na kahulugan, mga katangian ng lipunan at ang kahalagahan ng pakikipaglipunan. Malaki

    ang maitutulong ng kaalaman mo rito upang makamit mo ang pagkatutong naghihintay sa

    iyo sa gagawin mong pag-aaral ngayon sa Modyul 2. Sa pagkamit nito, mahalaga sa iyo

    bilang miyembro ng lipunan na matutuhan mula sa kasalukuyang modyul ang mga

  • 5

    kasanayan at pagpapahalagang kinakailangan sa pagtugon ng mga tungkulin mo rito. Sa

    pamamagitan nito, makatutulong ka na matupad ang layunin ng lipunan na mapairal at

    mapanatili ang kabutihang panlahat.

    Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano

    matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan,

    pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng

    Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?

    Tuklasin

    Gawain 1

    Panuto:

    1. Basahin at unawain ang mga sitwasiyon na nasa unang kolum.

    2. Batay rito, isulat ang hinihingi sa ikalawang kolum ayon sa iyong mga naranasan

    o nakikita sa ganitong mga pagkakataon.

    3. Sa ikatlong kolum, isulat ang nagiging resulta ng mga nangyayaring binanggit

    mo sa ikalawang kolum.

    Sitwasiyon Madalas na nangyayari Resulta

    Halimbawa:

    1. Sa kasagsagan ng

    pandemyang Covid-19, si

    Mario ay namigay ng

    packed lunch sa mga

    nakatira sa tabi ng

    lansangan na walang

    koordinasyon sa

    1. Nagkagulo ang mga

    residente kaya hindi na

    nasunod ang patakaran na

    Social Distancing

    1. Walang tamang

    sistema ang pamimigay

    ng packed lunch kung

    kaya, nalabag ang

    patakaran na Social

    Distancing.

  • 6

    baranggay.

    1. Umalis ang mga magulang

    ni Trecia ng ilang araw

    kaya sila lamang ng mga

    kapatid niya ang naiwan

    sa bahay.

    2. May seminar ang inyong gurong tagapayo ng tatlong araw kaya kayo lamang ng mga kaklase mo ang nasa silid-aralan sa mga araw na ito.

    3. Matagal dumating ang tagabantay sa trapiko ng pangunahing kalsada patungo sa inyong paaralan. Marami ng sasakyang dumadaan at mga taong nagmamadaling tumawid.

    Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

    1. Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot sa tsart?

    2. Kung ganito ang madalas na mangyari sa tahanan, silid-aralan, at sa trapiko kung wala

    ang tagapamahala, ano naman ang maaaring mangyari kung walang tagapamahala sa

    isang baranggay, lungsod, lipunan o sa isang bansa? Ano ang maidudulot nito?

    Ipaliwanag.

    3. Bakit mahalagang maisaayos ang pagpapatakbo ng pamamahala sa tahanan, sa

    baranggay, sa lipunan at sa bansa?

    4. Paano maisaayos ang pamamahala ng isang tahanan, baranggay, lipunan at ng isang

    bansa?

    Gawain 2

    Panuto:

    1. Basahin ang mga sitwasiyon ng taong nangangailangan ng tulong sa unang kolum.

    2. Isulat sa ikalawang kolum kung sino ang maaaring tumulong sa sitwasiyong nabanggit.

    3. Uriin kung sino ang inaasahang pinanggagalingan ng tulong sa pamamagitan ng pag-

    tsek nito sa ikatlo o ikaapat na kolum.

    Uri ng panggagalingan ng tulong

  • 7

    Mga taong nangangailangan ng tulong Mga maaaring tumulong

    Pamahalaan Kapuwa mamamayan at may supporta ng

    pamahalaan

    1. Anak na may problema sa paaralan

    2. Taong walang pambayad sa ospital

    3. Drayber na nawalan ng trabaho dahil sa kuwarentina

    3. Mga nasalanta ng bagyong Ambo sa

    Visayas at Luzon

    4. Mga kabataang hindi makapag-aral

    dahil sa kahirapan

    Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno:

    a. Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot? Ipaliwanag.

    b. Ano kaya ang mangyayari kung walang tulong na matatanggap ang mga

    nangangailangan?

    c. Kailangan ba na hindi lamang ang pamahalaan ang tutulong sa mga

    nangangailangan kundi pati rin ang kapuwa mamamayan? Bakit?

    d. Alin sa dalawang uri ng pinanggagalingan ng tulong ang tinatawag na Prinsipyo

    ng Subsidiarity? Alin ang tinatawag na Prinsipyo ng Pagkakaisa?

    e. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng Prinsipyo ng Subsidiarity at ng Prinsipyo ng

    Pagkakaisa?

    Linangin

    Gawain 3

    Panuto: Batay sa mga sagot mo sa unang Gawain. Suriin kung napaiiral ba ng ating

    lipunan ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa.

    Sitwasiyon

    Mga institusyon

    ng lipunan

    Uri ng tulong

    Prinsipyo ng Subsidiarity Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Pinaiiral Halim-

    bawa

    Hindi

    Pinaiiral

    Pinaiiral Halim-

    bawa

    Hindi

    pinaiiral

    1. Anak na may problema sa

    Pamilya

  • 8

    Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

    1. Batay sa iyong mga sagot, ano ang kabutihang maidudulot kung napaiiral ang mga

    Prinsipyo ng Subsidiarity at ng Prinsipyo ng Pagkakaisa sa lipunan? Patunayan.

    2. Ano naman ang epekto kung hindi napaiiral ang mga Prinsipyo ng Subsidiarity at

    Prinsipyo ng Pagkakaisa sa lipunan? Patunayan.

    3. Mahalaga ba ang pagsisikap ng pagpapairal ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng

    Pagkakaisa sa isang lipunan? Bakit?

    4. Bilang isang mag-aaral sa Baitang 9, paano ka makikilahok sa pagpapairal ng dalawang

    prinsipyong ito? Ipaliwanag.

    Suriin

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Pagyamanin.

    paaralan

    2. Taong walang

    pambayad sa

    ospital

    Pamayanan

    3. Drayber na

    nawalan ng

    trabaho dahil

    sa

    kuwarentina

    Barangay

    4. Mga nasalanta ng bagyong Ambo sa Visayas at

    Luzon

    Bansa

    5. Mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan

    Paaralan

  • 9

    Lipunang Pampulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at

    Prinsipyo ng Pagkakaisa (Solidarity)

    Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ay ang paghahanap ng mga matalik na

    kaibigan sa Junior High School. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging

    kaibigan mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng maraming

    karanasan, mga kabiruan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa maraming mga seryoso at

    malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit pang dakilang tunguhin sa buhay.

    Natanong mo na ba kung paano nagsimula ang inyong barkada? Paano kayo naging

    magkakaibigan? Bakit sila ang naging matatalik mong mga kaibigan?

    Sa isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga magkakatulad sa mga

    interes, hilig, mga pangarap, pananampalataya o pilosopiya sa buhay. Maaaring

    magkakatulad ng pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay. Sino pa nga ba ang

    magsasama-sama, halimbawa, sa panonood ng sine, kundi ang mga katulad na may gusto

    kay Kathryn at Daniel?

    Subalit may pagkakataon ding nagsasama ang hindi magkakilala. Dahil sa

    nakababagot na paghihintay sa pag-usad ng pila sa sine, maya-maya’y nag-uusap na ang

    magkatabi. Hindi sila magkakilala. Nagkataong magkasunod, parehong naiinip. Sa pila

    natagpuan ang bagong kaibigan. Baka nga mamaya, maging kasintahan pa! Napalalalim ng

    isang pinagdaanan ang pagsasama. Ang parehong karanasan ang naging dahilan ng

    pagkakakilala at pag-uugnayan. Ganyan nabubuo ang barkada. Umuusad at lumalalim ang

    pagkakaibigan sa paglipas ng panahon dahil sa mas marami pang pagkukuwentuhan at

    sama-samang pagdanas.

    Ang Pamayanan: Isang Malaking Barkada

    Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una na, ng

    kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Barangay Katapatan! Doon sila nakatira at doo’y

    sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa

    buhay. May mga kuwento silang pinagdadaanan. May kuwento silang binubuo. Ang

    valedictorian na anak ni Aling Norma, tagumpay ng buong kapitbahayan. Ang aksidente ni

    Manuel sa motor ay lubhang ipinag-alala ng buong baranggay. Ang pagliligawan nina Eric at

    Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa patubig ang laman ng usapan sa barberya at

    palengke.

    Ang kuwentong nilikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang

    kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura. Kultura ang tawag sa mga nabuong

    gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng

    pagpapasiya, at mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon. Iniukit

  • 10

    ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay ang mga

    tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan. Babalikan nila ang nakaraang nakaukit sa

    kanilang kultura upang makita ang mga landas na mainam na tahakin sa kinabukasan.

    Lipunang Pampulitikal

    Habang lumalaki ang mga pangkat, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasiya at pagpapatakbo. Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasiyon. Hindi na lamang iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang umiiral na pare-parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan: paano siya makagagawa at magiging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito? Paano magiging isa pa rin ang direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?

    Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at tuparin

    ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampulitika ang tawag sa

    paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang

    magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang

    kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Tungkulin ng

    pamahalaan na isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan.

    Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang

    kanilang batayang pangangailangan. Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang

    pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay-serbisyo. Sa ugnayang pang-

    mundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado sa internasyonal na larangan. Ang

    pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang

    seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.

    Isang Kaloob ng Tiwala

    Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na tingnan ang

    pamahalaan bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng mga namumuno ang

    kapangyarihan na bigyang-direksyon ang kasaysayan at kinabukasan ng estado, itinuturing

    kung minsan ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang sakop lamang ng pamahalaan.

    Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao sa

    kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at

    pangangasiwa.

  • 11

    Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang pagtitiwalang

    ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga kabarkada o kasamahan sa pamayanan minsan sa

    ating buhay. Iyong mga pagkakataong biglang nagyaya ang kabarkadang si Tonio na maligo

    sa ilog pagkatapos ng klase. Hindi siya namilit pero sumama ang buong barkada sa kaniya.

    Nag-enjoy ang lahat, salamat at nakinig sa kaniyang pag-aaya! Si Aling Cora biglang

    nagtawag na magtanim ng mga halaman sa paaralan. At dahil sa tindi ng kaniyang

    pagkagusto sa gawaing iyon, mahusay niyang nahikayat ang iba na makilahok kahit sa

    una'y ayaw talaga nila. Ngayon, nakikinabang ang mga bata sa paaralan sa lilim na dulot ng

    mga punong tinanim ni Aling Cora at ng lahat ng nagtiwala sa kaniya.

    Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong

    lider kahit sa una'y ayaw naman talaga. Bakit? Mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng

    kalooban. May matatayog silang pangarap na nakikita nilang maaaring maabot sa

    pakikipagtulungan sa iba. May talas sila ng paningin upang makita ang potensiyal ng grupo

    o pamayanan. Malay sila sa layuning komyunal. Mulat sila sa mga katutubong yaman ng

    grupo at ang mga potensyal sa pag-unlad nila nang sama-sama. May husay sila sa

    pagsasalita upang ipahayag ang kanilang nakikita at may kakayahan silang pag-alabin din

    ang damdamin ng kanilang mga kasama tungo sa isang hangarin. Hindi lahat ng tao ay

    ganyan. At ang mga ganyan, ang mga Tonio at Aling Cora, ang natural na nagiging pinuno

    ng lipunan.

    Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga Tonio at Aling Cora na lamang ang dapat

    magpatakbo ng lipunan, na iasa na lamang sa kanilang mga kamay ang kasalukuyan at

    kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang magaling sila. Ang lipunan ay hindi

    pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin ang kayang gawin

    ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan. Maaaring mahusay na pinuno si

    Tonio, ngunit kailangan niya ng katuwang upang maisagawa ang malalaki niyang proyekto.

    Ang totoo, hindi naman talaga sa kaniya ang proyektong kaniyang pinasisimulan. Ang mga

    ito ay proyekto ng kaniyang mga kasamahan na nagkataong siya lamang ang

    nakapagpaliwanag at nanguna sa paggawa. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong

    para sa kaniyang sarili. Ito ay proyekto para sa kaniyang pinamumunuan.

    Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na

    pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.” Ang

    gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan naman ay

    susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng

    Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging maayos

    ang lipunan. Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan

    na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang

    sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa

    estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan ng mga lider ng

    pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang sarili.

  • 12

    Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng

    pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga

    mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May

    kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka

    sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo

    ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo”. Tungkulin nating magtulungan tungo sa

    pag-unlad ng ating lipunan.

    Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan

    Ang lipunang politika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan- ang

    pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.

    Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang pangkat—ang

    pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang

    pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa

    lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung hindi tutuparin ng mga kasapi ang

    kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasiya, kung hindi sila

    makikilahok sa mga pampamayanang gawain, kung hindi sila magpupunyagi sa kanilang

    mga paghahanapbuhay, hindi uunlad ang pamahalaan at lipunan.

    Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag

    ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

    Ang Pananagutan ng mga Pinuno

    Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli ay ang

    mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niya, "Hindi rin naman mahalagang magsalita

    pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami."

    Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi

    mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng mayorya,

    kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang ang pinakamahusay na

    karunungan. Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang

    ibang sinisikil ng diktadurang Marcos. Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga

    African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si Malala

    Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga kababaihan

    na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay. Hindi mabubuo

    ang walis-tingting kung wala ang isang tangkay.

    Maaaring tututol pang muli ang nawalan na ng loob. Kaniyang sasabihin: "Matagal

    na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad ng buwis. Naglilingkod ako

    nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay inuubos lamang ng mga kurap sa

    pamahalaan." Lalong higit tuloy ngayon kailangang gumising at magbantay. Sa harap ng

  • 13

    garapal at talamak na kurapsiyon, kailangang maging mas maingat ang taumbayan sa

    pagbibigay ng tiwala. Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaari ring bawiin. Hindi utang

    na loob ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang paglilingkod." Baliktad

    ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang bayan ay

    ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na

    hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa

    itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa

    taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

    Lipunang Pulitikal - Proseso ng Paghahanap sa Kabutihang Panlahat

    Sa unang talumpati ng Pangulong Benigno Aquino, Jr. pagkatapos niyang manumpa

    bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!” Taliwas ito sa

    nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng pagbabago sa

    pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan ang nasa ibaba. Inilagay

    ang mga mamamayan sa pedestal; ang pangulo ang maglilingkod sa kanila. Subalit, hindi

    pa rin maaalis ang katotohanang may higit na kapangyarihan at lawak ng pananaw ang

    pinuno na kailangang yukuan at pagkatiwalaan ng ordinaryong mamamayan. Kaya’t sino

    talaga ang “boss”?

    Kapuwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada, walang

    sinuman ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit kapuwa silang

    nag-uugnayan sa loob ng barkada. Sa Lipunang Pampulitika ang ideal ay mabigyang

    prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad

    ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa.

    Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada. Walang "boss" sa barkada. Hindi ang

    pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan. "Boss" ng bayan ang pinuno—

    magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang

    pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat. "Boss" naman ng pinuno ang

    taumbayan—walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga

    karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-isang

    kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap at pagtutulungan.

    Ang Lipunang Pampulitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at

    pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito. Ang tunay

    na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang

    pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

    Pagyamanin

  • 14

    Gawain 4a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

    Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong

    naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

    1. Ipakita ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan.

    2. Ano ang tungkulin ng pamahalaan?

    3. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran sa loob ng

    lipunan?

    4. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapuwa-pananagutan ng

    pinuno at mamamayan?

    5. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan? Ano ang dapat na atitud sa lipunan?

    6. Bakit mahalaga kahit na ang maliit na tinig?

    7. Bakit hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit na marumi at

    magulo ang Lipunang Pampulitika?

    8. Paano ginagamit ang salitang “boss” upang ipaliwanag ang dinamismo ng pagpapatakbo

    ng estado?

    Gawain 4b: Paghinuha ng Batayang Konsepto

    Panuto: Buuin ang Batayang Konsepto. Punan ang patlang ng mga salita mula sa kahon.

    May mga _____________ ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na

    makakamit niya lamang sa _________ o organisadong pangkat tulad ng mga

    pangangailangang ____________, _____________, at _____________.

    Kung ________ ang Prinsipyo ng ____________, mapananatili ang pagkukusa,

    kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at

    maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.

    Kailangan ang _________ ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng

    pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang

    kaniyang __________ sa pag-unlad ng __________ (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

    Subsidiarity pakikibahagi umiiral pangangailangan pag-unlad

    pangkabuhayan pamahalaan pangkultural pangkapayapaan lipunan

  • 15

    Isaisip

    Gawain 5: Pagninilay

    Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.

    Ano -ano ang konsepto at kaalamang pumukaw sa

    akin?

    Ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa bawat

    konsepto at kaalamang ito?

    Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang

    mailapat ang mga pang-unawa at reyalisasyong ito

    sa aking buhay?

    Prinsipyo ng Subsidiarity

    Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

    Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 27- 33.

    Isagawa

    Gawain 6: Pagganap

    Panuto:

    1. Gumawa ng pananaliksik kung umiral o nilabag ang Prinsipyo ng Subsidiarity at

    Pagkakaisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), o sa lipunan/bansa noong

    kasagsagan ng kwarentina (ECQ) dahil sa COVID 19 pandemya.

    2. Makinig sa radyo, manoood sa telebisyon o mag-browse sa internet para rito.

    3. Siguraduhing sinusunod ang mga patakaran sa Bagong Normal na ipinaiiral ng lokal na

    pamahalaan sa gagawing pananaliksik.

  • 16

    4. Humingi ng gabay at tulong sa magulang o guardian sa pagkalap ng mga impormasyon

    kung kinakailangan.

    5. Pagkatapos, bumuo ng pagtataya o paghuhusga kung umiral o nilabag ang Prinsipyo ng

    Subsidiarity at Pagkakaisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), o sa lipunan/

    bansa noong kasagsagan ng kuwarentina (ECQ).

    6. Sundin ang pormat sa ibaba.

    Pangyayari

    Uri ng Tulong

    Pagninilay

    Prinsipyo ng Subsidiarity Prinsipyo ng Pagkakaisa

    Patunay na

    umiral

    Patunay na

    nilabag

    Patunay na

    umiral

    Patunay

    na

    nilabag

    Halimbawa:

    Nawalan ng

    hanap-

    buhay ang

    mga

    drayber ng

    jeep dahil

    sa lockdown

    o

    kuwarentina

    (ECQ)

    Nakatang-

    gap sila ng

    ayudang pera

    at pagkain

    galing sa

    baranggay

    Wala

    Nangalap ng

    mga

    donasyon

    ang GMA

    Kapuso

    Foundation

    upang

    makapagbiga

    y ng tulong na

    pera at

    pagkain sa

    mga

    nangangaila-

    ngan

    Wala

    Bilang

    kabataan

    ngayon, ang

    pangunahing

    maitulong ko

    ay ang

    pagsunod sa

    mga patakaran

    ng Bagong

    Normal.

    Ikaw

    naman:

    1.

    2.

    1.

    2.

    1.

    2.

    1.

    2.

    1.

    2.

    1.

    2.

  • 17

    Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:

    1. Makatotohanan at konkreto ang pangyayaring binanggit kaugnay sa prinsipyo ng

    Subsidiarity at Pagkakaisa

    2. Mapanuri ang pagtataya at paghuhusga sa mga pangyayaring nabanggit

    3. Malinaw ang pagninilay sa bawat nataya at nahusgahang

    pangyayari

    4. Malinis at maayos ang nabuong output

    Gawain 7: Pagsasabuhay

    Panuto: Bilang isang responsable at mapanagutang kasapi ng pamilya, paaralan,

    pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa, mahalagang masimulan mo na ang

    personal na pakikibahagi sa pagpa-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa.

    1. Itala o i-encode sa isang short bond paper ang tatlong konkretong kilos na sisimulang

    gawin bilang pakikiisa sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa.

    2. Isulat ang panahong ilalaan ng pagsasanay sa pagsasabuhay ng mga ito.

    3. Lagyan ng desinyo ang margin ng bond paper gamit ang art materials.

    4. Gamitin na halimbawa ang pormat sa ibaba.

    Nari

    to

    ang

    mga

    kray

    tirya ng pagtataya ng output sa Gawain 7:

    1. Tiyak ang tatlong kilos ng personal na pagtugon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa

    2. Nakabatay sa mapanagutang paghuhusga ang mga nakatalang kilos

    3. Makatotohanan ang mga sisimulang kilos kaugnay sa Prinsipyo ng Pagkakaisa

    4. Malinaw ang mga nakatalang kilos ng personal na pagtugon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa

    5. Malinis, maayos at malikhain ang nabuong output

    Pangalan:__________________________

    Baitang at Seksyon: _________________

    Panahong Ilalaan: __________________

    Simula ngayon sisiguraduhin kong gawin ang mga sumusunod:

    1. Sasanayin ko ang pagiging positibo at bukas sa mga pagbabagong nagaganap

    ngayong panahon ng Bagong Normal at ang pagiging mapanagutan sa aking

    mga kilos tungo sa pagkakaisa.

    2. Susundin ko ng buong puso ang mga alituntunin ng aking mga magulang at ng

    pamayanan.

    3. Makiisa ako sa oras ng panalangin ng pamilya.

  • 18

    Buod

    May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na

    makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga

    pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

    Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at

    pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang

    ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.

    Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng

    pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang

    kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

    Tayahin

    Panuto: Basahing mabuti at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sagutang papel.

    1. Ano ang ibig sabihin ng, “Ang pamamahala ay isang kaloob ng tiwala ng mga tao”?

    A. Inaasahan ng mga tao na ang pinuno ay mahusay sa pangangasiwa sa pamayanan.

    B. Inaasahan ng mga tao na tugunan ng pinuno ang kanilang mga pangangailangan.

    C. Inaasahan ng mga tao na magawa ng pinuno ang pampulitikal na tungkulin nito.

    D. Inaasahan ng mga tao na pagsilbihan ang namumuno sa pamayanan

    2. Ano ang tawag sa pag-iingat sa ugnayang pamayanan at pagpapalawig ng tagumpay ng

    lipunan?

    A. Kapuso B. Relasyon C. Pakikisama D. Kabutihang panlahat

    3. “Ang pagpapatakbo sa lipunan ay iasa sa mga pinuno.” Sang-ayon ka ba nito?

    A. Oo, dahil ang pamumuno ay isang kaloob na tiwala

    B. Oo, dahil alam nila ang sistema tungo sa kabutihang panlahat.

    C. Hindi, dahil marami ang may kakayahang mamuno sa lipunan.

    D. Hindi, dahil may tungkulin ang mamamayan na makilahok sa gawaing panlipunan.

  • 19

    4. Bakit inihahambing sa isang barkadahan ang lipunan?

    A. Dahil hindi magkadugo ang mga kasapi sa lipunan

    B. Dahil magkakaibigan ang lahat ng mga mamamayan sa lipunang ito

    C. Dahil mahigpit na pinagbubuklod ng kultura ang mga mamamayan nito

    D. Dahil may pagsaalang-alang ito sa kabutihan ng lahat ng miyembro nito

    5. Bilang isang pinuno, ninananis mapangalagaan ni Mayor Ocampo ang kasaysayan ng

    kanilang lungsod. Ano ang nararapat niyang gawin?

    A. Siguraduhing walang impluwensiya galing sa ibang kultura.

    B. Siguraduhing masaya ang mga mamamayan sa bawat araw.

    C. Magkaroon ng mahigpit na programa sa pagsunod sa kultura ng lungsod.

    D. Magkaroon ng programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

    6. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?

    A. Upang mabisang maisulong ang pag-unlad ng lipunan

    B. Upang mabigyang lunas ang suliranin ng lipunan

    C. Upang maisulong ang pagkakaisa ng bansa

    D. Upang makatulong sa ibang tao

    7. Ang sumusunod ay katangian ng isang pinuno, maliban sa:

    A. May matayog na pangarap para sa mamamayan.

    B. May matalas na paningin upang makita ang potensyal ng pamayanan.

    C. May kakayahang himukin ang mga mamamayan tungo sa isang hangarin.

    D. May kasanayan na mapaniniwala ang mga kasapi sa pansariling ninanais.

    8. Paano naipakikita ang Prinsipyo ng Subsidiarity ng pamahalaan?

    A. Pagsisingil ng buwis

    B. Libreng medical check-up ng Health Centers sa mga buntis

    C. Pagbibigay ng dugo sa programang Dugong Bayani ng Red Cross

    D. Pagdaos ng feeding program ng DepEd at ng mga pribadong doktor sa paaralan

    9. Na-enganyo si Larry ng aralin sa EsP 9 Modyul 2 na tumulong sa mga nasunugan sa

    Ubaldo Laya na pansamantalang sumilong sa gym doon. Ano ang gagawin niya?

    A. Magnanais na makatulong sa mga nasunugan.

    B. Sasali sa rally para sa karapatan ng mga evacuees.

    C. Maging volunteer sa fund raising para sa mga nasunugan.

    D. Matulog sa evacuation center upang makiisa sa mga naunugan.

    10. Alin sa sumusunod ang hindi makatutulong sa pagpauunlad ng pamahalaan at lipunan?

    A. Pag-iisip ng mga pinuno at mamamayan sa pansariling kaunlaran.

    B. Makikilahok ang mga mamamayan sa pampamayanang gawain.

    C. Pagpupunyagi ng mga mamamayan sa paghahanapbuhay.

    D. Makiisa sa mga gawaing pampamayanan.

  • 20

    Susi ng Pagwawasto

    Subukin

    Bilang ng

    Aytem

    Sagot Kasanayan/Skill

    1 D Kaalaman/Knowledge

    2 D Pag-unawa/Comprehension

    3 D Paglalapat/Application

    4 D Pagsusuri/Analysis

    5 A Pag-unawa/Comprehension

    6 D Pagsusuri/Analysis

    7 B Pagtataya/Evaluation

    8 A Pag-unawa/Comprehension

    9 C Paglalapat/Application

    10 A Pagsusuri/Analysis

  • 21

    Tayahin

    Sanggunian

    Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-

    aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

    Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao

    Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

    Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National

    Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,

    Guimaras Province, May 6, 2019.

    Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon

    ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and

    Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September

    26, 2017.

    Bilang ng

    Aytem

    Sagot Kasanayan/Skill

    1 A Pag-unawa/Comprehension

    2 D Kaalaman/Knowledge

    3 D Pagsusuri/Analysis

    4 D Pag-unawa/Comprehension

    5 D Pag-unawa/Comprehension

    6 A Pag-unawa/Comprehension

    7 D Pagsusuri/Analysis

    8 A Pagtataya/Evaluation

    9 C Paglalapat/Application

    10 D Pagsusuri/Analysis

  • Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

    DepEd Division of Iligan City Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

    Telefax: (063)221-6069

    E-mail Address: [email protected]

    mailto:[email protected]