13
Pasasalamat kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na siyang tumulong at nagudyok sa amin na magawa at matapos ang pananaliksik na ito: Sa aming guro sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik na si Mrs. Ruth Patricio sa gabay at pagbibigay puna at payo na nakatulong mabuo ang aming pananaliksik. Sa mga respondent galling sa College of Criminology ng Iligan Medical Center College sa kanilang oras at na inilaan sa pagsagot sa survey- kwestyoner na binigay naming. Sa aming magulang na walang sawang sumusuporta sa amin mapapinansyal at emosyonal hanggang sa matapos namin itong pananaliksik. At sa Puong Maykapal sa kanyang pagbibigay ng lakas, kakayahan at mabuting kalusugan. Sa kanyang patuloy na gabay hanggang sa natapos naming ang pananaliksik na ito. Muli, galing sa kaibuturan n gaming mga puso, Maraming Salamat!

Dahilan Mababang Reading Comprehension

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 2 Pananaliksik

Citation preview

Pasasalamat

kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na siyang tumulong at nagudyok sa amin na magawa at matapos ang pananaliksik na ito:

Sa aming guro sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik na si Mrs. Ruth Patricio sa gabay at pagbibigay puna at payo na nakatulong mabuo ang aming pananaliksik. Sa mga respondent galling sa College of Criminology ng Iligan Medical Center College sa kanilang oras at na inilaan sa pagsagot sa survey-kwestyoner na binigay naming. Sa aming magulang na walang sawang sumusuporta sa amin mapapinansyal at emosyonal hanggang sa matapos namin itong pananaliksik. At sa Puong Maykapal sa kanyang pagbibigay ng lakas, kakayahan at mabuting kalusugan. Sa kanyang patuloy na gabay hanggang sa natapos naming ang pananaliksik na ito.

Muli, galing sa kaibuturan n gaming mga puso, Maraming Salamat!

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kalgiran nito

I. IntroduksyonReading Comprehension, ang kakayahan ng mga mag-aaral na lubusang maunawaan ang tekstong binabasa nito. Kakayahan ng mag-aaral na makabuo ng ideya at impormasyon galing sa binasang teksto. Isa itong Akademikong katangian na kinakailangang mapagtuunan ng pansin ng mga mg-aaral, maging ng mga guro at magulang man sapagkat ito ay malaking tulong upang mas madali ang pagkatuto ng isang mag-aaral.Sa panahon ngayon kung saan umuunlad ang teknolohiya at pagbabago ng sistema sa Edukasyon ay nakakaligtaan ng mga mag-aaral ang pagbabasa. Cellphones, Tablets, Laptops at iba pa ang siyang napagtutuunan ng pansin ng mga mag-aaral. Kung hindi man Gadgets ay paglalakwatsa o paglalaro ng Online Games. Mapapansin mong dumarami na ang mga mag-aaral na hindi nagbabasa ng aklat at hindi nakakaunawa sa binabasang aklat sapagkat nakaligtaan na ang pagbabasa.Sa pananaliksik na ito kung saan may pamagat na Dahilan ng Mababang Reading Comprehension ng mga Piling Estudyante ng College of Criminology sa Iligan Medical Center College ay masuring tatalakayin ang mga posibleng dahilan ng Mababang Reading Comprehension ng mga mag-aaral sa pamamagitan mga piling respondent. Sa pagtatapos ng pananalisik na ito ay maaari nating malaman ang dahilan at kung paano ito maaagapan.

II. Layunin ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng pagaaral na itoy layunin ng mga mananaliksik na:

Pinagtutuonan ba ng pansin ng mga mag-aaral ang Pagbabasa Malaman ang mga dahilan ng mababang Reading Comprehension ng mga piling mag-aaral sa College Criminology sa Iligan Medical Center College Maaaring gawin upang maagapan ang mababang Reading Comprehension ng mga mag-aaral.III. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na itoy tumatalakay sa Dahilan ng Mababang Reading Comprehension ng mga Piling Estudyante ng College Criminology sa Iligan Medical Center College.Layunin nitong makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga guro, upang malaman nila ang mga dahilan ng mababang Reading Comprehension at ng magabayan at matulungan nila nag mga mag-aaral na humaharap sa problemang ito. Sa mga magulang, upang malaman at maalarma sila ng makatulong at makagabay din sila sa kanilang mga anak. Sa mga mag-aaral, upang maalarma at malaman nila ang dahilan kung bakit ang ibang mag-aaral ay may mababang Reading Comprehension. Sa mga darating na mananaliksik na may koneksyon ang kanilang pagaaral sa Reading Comprehension, maaaring itoy makagabay at makapagbigay impormasyon sa kanlang pagaaral.

IV. Saklaw at LimitasyonAng sakop ng pananaliksik na itoy ang Dahilan ng mababang ReadingComprehension ng mga piling mag-aaral ng College of Criminology na nagaaral sa Iligan Medical Center College sa ibat ibang taon. Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan o survey-kwestyoner upang makalakap ng Datos.

Sa dalawampong respondent ng College of Criminology sa Iligan Medical Center College sa ibat ibang antas sa pagaaral ang sumagot sa survey-kwestyoner. Nakapokus ang pananaliksik na ito sa nakuhang datos mula sa mga respondent.

Sapagkat kulang ng oras ang mga mananaliksik, maaaring maka-apekto ito sa lawak ng pananaliksik

V. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mgaterminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito.

Reading Comprehension- kakayahan ng isang mag-aaral na lubusang maunawaan ang tekstong binabasa Estudyante- mag-aaral galing sa Iligan Medical Center College na kumukuha ng BS Criminology. Newspaper- dyaryo Komiks- isang babasahin na may kaunting mga salita na kaugnay sa ginuhit na mga tao o hayop o bagay. Konsentrasyon- pagtutuon ng oras at interest sa isang babasahin.

Kabanata 2Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga babasahin na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973) ang pagbasa ay isang "saykolinggwistiks na paghinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuong ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teksto na nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon."

Pinaunlad ni Coady (1979) ang kaisipang inihayag ni Goodman at sinabing ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binubuong konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyon na mababasa sa teksto.

Binaggit din niya na ang kakayahang pangkaisipan ay panlahat na kakayahang intelektwal ng isang mambabasa.

Ang mga istratehiya sa pagproproseso ng impormasyon ayon kay Badayos (1999) ay iyong mga impormasyong nasa isipan ng mambabasa (kaalamang semantika, kaalamang sintaktika, kaalaman sa ugnayang graphophonic (halimbawa: pagpapantig, pagbaybay, atbp.)).

Ang dating kaalaman ay binubuo ng lahat ng karanasan at impormasyong nasa isipan ng tagabasa na pantulong sa kahinaang sintaktik ng mambabasa. Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak (mental food) sabi ni James Dee Valentine (2000).

Sa maraming pagkakataon ay napatunayan na natin na marami sa mga matatagumpay na tao ang mahilig sa pagbabasa. Ang pagkahilig sa pagbabasa ay nadedebelop kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na tatlumpung minuto araw-araw para sa gawaing pagbasa.

Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakukuha ng mga ideya at mga salitang iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di natin batid. Ang pagiging ignorante natin sa maraming bagy ay nabibigyang katugunan ng maraming aklat at babasahin.

Sa aklat nina Austero, Banadril at De Castro na Filipino sa Iba't Ibang Disiplina (1999) binanggit ang ilang rason kung bakit tayo nagbabasa.

Nagbababasa Tayo:

Upang makakuha ng impormasyon mapag-isipan nang malalim ukol sa pansariling ideya at karanasan mapagkuro ang ideya at karanasan ng ibamakatiyak sa pansariling paniniwalaPara sa kasiyahan ng sarilipampalipas-oras at maiwasan ang pagkainip lalong paghahasa ng kaisipanpagsusuri ng emosyon Sapagkat

Gusto nating lumikha ng mga ideya makapaghambing at magsuri ng iba't ibang pananaw makapaghambing at magsuri ng iba't ibang pananawSapagkat tayo ay isang partikular na sabjek/paksa interesado sa isang partikular na istilo at ideya ng awtor

Sa aklat naman ni Austero na Komunikasyon sa Akademikong Filipino, inilahad ang mga benepisyo ng pagbabasa at ito ay ang mga sumusunod:

Kaalaman/Karunungan Pagpapaunlad ng kmprehensyon Pagpapagaling ng memorya o pag-alala Pagpaparami ng bokabularyo/talasalitaan Paghuhusay ng pakikipag-usap Pagbibigay ng kompiyansa sa sarili (self-confidence) Pagtataas ng pagtingin s sarili (self-esteem) Kaunlaran at tagumpay sa buhay

Samantala, sa aklat nina Cardenas, Austero, Mangonon et. Al (2002) na Sining ng Komunikasyong Panlipunan ay binanggit ang ilang teorya sa pagbasa.

Teoryang Bottom-UpSinasabi sa teoryang ito na ang pagbabasa ay angpagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tunog (tugon o response). Ayon pa sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik, salita, parirala, at pangungusap ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag na "pagkilala sa salita" at ang teksto ang tinatayang pinakamahalagang elemento sa pagbasa.

TeoryangIskemaSa teoryang ito, pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ito (teksto) ay nagbibigay lamang ng direkson sa nakikinig o mambabasa kung paano gagamitin at magpapakahulugan mula sa dating kaalaman. Ang "bakgrawnd knowledge" ang saligang kaalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang iskemata. Sinasabi sa teoryang ito na ang lahat ng ating natutuhan at naranasan ay nakalagak sa isipan at maayos na naihanay ayon sa kategorya. Ang mga iskemang ito a patuloy na nadaragdagan, nalilinang, nadedebelop, nagbabago at ginagamit natin sa pag-uugnay ng anumang bagong karanasan. Ang mga iskema ay "kaha ng impormasyon" na nabuo dahil sa ating mga karanasan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ang mga iskema ay maaaring buuin ng iba't ibang balangkas ng kaalaman. Ang teksto ang pinakpokus para maunawaan ang binasa. Sa teksto (bottom) patungo sa tagabasa (up) nagsisimula ang pag-unawa. Tinawag itong "outside-in" o "data driven" ni Smith (1983) sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kung di sa teksto. Teoryang Top-DownSa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) tungo sa teksto (down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsasabing ang pagbasa ay isang "holistic process." Sinasabi sa teoryang ito na ang tagabasa ay isang aktibong paartisipant sa proseso ng pagbasa na may dati ng kaalaman na nakatanim/nakaimbak sa kanyang isipan at siya'y may sariling kakayahan na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa pamamagitan ng teksto. Ang prosesong ito ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat ang dati niyang kaalaman ang nagpapasimula ng kanyang pagkilala sa teksto at kung wala ito, ang anumang babasahin niya ay hindi mabibigyang-kahulugan. "Inside-out o conceptually driven" din kung tawagin ang teorang ito sa dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto kung saan ang mga dating alam ng mambabasa ay iniuugnay sa mga binanggit na ideya sa teksto ng awtor.

Teoryang InteraktibBinigyang-diin o empasis ng teoryang ito ang pag-unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto. Paano mararating ng mag-aaral ang gayong sagot (tama man o mali). Sinusuri natin ang mga proseso sa kasagutan ng mag-aaral. Sa interaktibong prosesong ito, matutulungan ng guro ang mambabasa upang lubos niyang maunawaan ang teksto

Sa Teoryang ito ay mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman, gayon din sa angking kasanayan at ang paghahatid sa mga kasanayang ito.

May dalawang paraan naman ng pagbasa ayon sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Austero. Ito ay ang malakas at tahimik na pagbasa.

Malakas - kung ang mga inihanda o hinalaw na diskurso ay binabasa sa harapan ng mga tagapakinig. Sa pagbasa ng malakas ay dapat na isaalang-alang ng nagbabasa ang mga sumusunod: ang tindig, tamang pagbigkas ng mga salita, kontak sa mga tagapakinig, at tamang paghawak ng aklat o anumang babasahin

Tahimik - ito ang anyo ng pagbasa na ang tuon ay sa sarili lamang. Mata lamang ang ginagamit. Sa ganitong paraan ng pagbasa ay dapat ding isaalang-alang ang mga sumusunod: tamang posisyon ng katawan at ang pook kung saan isinagawa ang pagbasa.Kaugnay na Pag-aaralAyon sa pag-aaral na ginawa ni Leo Fay, isang edukador mula sa Reading Center ng Indiana University ay mayroong anim na bahagdan ang kasanayan sa pagbasa, ngunit ang huling dalawa ay maaaring pangalawang bahagdan. 1.Pagkilala o (Perception) Itoy nangangailangan ng pagkilala sa salita kasama ang kahulugan nito. Mahalagang nabibigkas, nababasa at nauunawaan ang mga salita para masabing may persepsyon. Pag-unawa o (Comprehension) Ito ay higit pa sa pag-unawa ng salita, pangungusap o talata, nangangahulugan ito ng pagkilala sa pagkakaugnay ng salita sa kapwa salita sa isang pangungusap, mga pangungusap sa talata at ng talata sa isang pahayag, kasama rito ang pagkuha ng larawang diwa hindi lamang literal kundi ang implied o realidad. 3.Reaksyon (Reaction) Maisasagawa ito sa dalawang paraan. Una ay sa intelektwal, kung saan ang bumabasa ay nagpapasiya sa kawastuhan at lohika ng binabasa. Ang ikalawa ay emosyonal, kung saan ang mababasa ay humahanga sa istilo at nilalaman ng nabasa. 4.Asimilasyon (Assimilation) Sa hakbanging ito, ang nakuhang kaalaman ay iniuugnay o isinasama sa katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa kanyang kapakinabangan o paggamit. 5.Panahon/Reyt sa pagbasa (Rate in Reading) Ito ay may kinalaman sa panahon o oras sa pagbasa: kabagalan o kabilisan batay sa dahilan at layunin, material na babasahin, kahirapan o kadalian ng babasahin, lengguwahe at kasanayan, kalagayan at lawak ng kaalaman ng babasa. Mabilis o iskiming ng pahayagan, katamtamang bilis sa mga diksyon at kabagalan sa mga Mathematical problem

Kasanayan at Kaugalian sa Pagbasa (Reading habit and skills) Ang mambabasa na may mabuting sistema ng pag-aaral at consistent, mahihinuha natin na ang limang hakbangin ay mahabang panahong nag-ugat sa tahanan, sa kanyang mga naririnig sa kasambahay na kanyang ginagamit sa pagsasalita. Sa kabuuan, ang daloy ng bahagdan ay nakasalalay sa kasanayan, kaugalian at panahon ng bumabasa. Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni William S. Gray binanggit ang mga hakbang sa pagbasa at ito ay ang mga sumusunod: 1.Persepsyon o Pagkilala Ito ay ang pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makahulugang yunit. 2.Pag-unawa Ito ay ang pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinahahayag ng mga simbolo o salitang nakalimbag. 3.Reaksyon Ito ay ang pagpapasya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga isinulat ng awtor. 4.Integrasyon Ito ay ang paguugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga nakaraan at bagong karanasan.

Kabanat 3Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

I. Disenyo ng PananaliksikAng pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maikling paglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralankaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na itoaynababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalasginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simplengpagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon.

II. RespondentAng mga napiling respondent ay galling sa College of Criminology na nagaaral sa Iligan Medicla Center College sa ibat ibang antas ng pag-aaral. Sila ang napiling mga respondent sapgkat batay sa mga ibang mag-aaral ng Iligan Medical Center College ang mga mag-aaral sa College of Criminology ay may mababang Reading Comprehension

III. Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mgamananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datoskaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ngallowans ng mga respondente.

IV. Tritment ng mga Datos

Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ngmaikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyentonakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito

Kabanata 4Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Natuklasan sa mga datos ang sumusnod