28
Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School - Schools KOLONYALISMO: LAYUNING PANANAKOP NG ESPANYA

Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol

Embed Size (px)

Citation preview

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

KOLONYAL ISMO:L AYUNING PANANAKOP

NG ESPANYA

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Pampolitikang Hangarin

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Pangkabuhayang Layunin

Layunin ng Pananakop ng Espanya

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

A. Pampolitikang Hangarin:

Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong ika- 1400 na siglo ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad ng mga kayamanan sa Silangan. Ninais nilang maging tanyag at makapangyarihan sa buong daigdig.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay nagingdahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong nabigador.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Noong 1492 ay tinulungan ni Reyna Isabella si Christopher Columbus na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon na ang kanyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pa-Kanluran ng Atlantiko.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Ang kanyang ekspediyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang

Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa

katubigan.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Marami siyang natagpuangginto sa kanyang paglalakbay sa Hispaniola(sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba, na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya aydi pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Pagbalik niya sa Espanya ay pinagbunyi siya sa resulta ng kanyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang natagpuan sa Indies.

Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa Timog Amerika nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya sa ilalim ng pamamahala ni Haring Carlos V. Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang bansang Brazil sa kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of Magellan,

pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko, at

hanggang sa marating nila

ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Bagama’t di nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu, hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang bansa.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Pinagpatuloy ni Haring Philip II, anak ni Haring Carlos, ang pagpadala ng mga ekspedisyon sa bansa. Nagtagumpay ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 at ganap na nasakop ng Espanya ang Pilipinas

Tumagal ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas 333 na taon

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Bukod sa Portugal, ang Espanya ay isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo noong 1500s. Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang makolonisa.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa kagustuhang maipahayag ang Kristiyanismo sa maraming lugar sa mundo.

Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa gagawing ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas.

Ang Kasunduang Tordesillas ay paghati ng daigdig sa Portugal at Espanya. Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Ang hangarin nilang ipalaganap ang Kristiyanismo ay naipunla sa isipan at damdamin ng mga Espanyol.

Ang Espanya ay nakipagkasundo sa Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko sa lahat ng kolonya ng Espanya sa kolonyang simbahan na malaya sa pakikialam ng Vatican.

Ang tawag sa kasunduang ito ay Patronato Real de las Indias.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

C. Pangkabuhayang Layunin: Merkantilismo

Layunin ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayamanan at pangkabuhayan.

Ang mga produktong matatagpuan sa Silangan ay malaking motibasyon para sa mga Espanyol na maghangad ng panibagong rutang pangkalakalan.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Mahalaga sa mga taga -Europa ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, kanela, sili , bawang at oregano.

Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang kanilang pangangailangan sa mga pampalasa ng pagkain, mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap sa panggagamot.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Dahil ang dating rutang kalakalan ay nasakop na ng mga Muslim na Turko at ang mga mangangalakal na Italyano mula sa Venice, Pisa, at Genoa lamang ang nakagagamit nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko.

Ang panggagalugad ng mga produkto ay isang pamamaraan na naisip ng mga Espanyol upang palawakin ang kanilang kolonya.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Sa pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay nagkaroon ng kolonya ang Espanya kung saan ang lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng nalikom na kayamanan sa anyo ng mamahaling metal tulad ng ginto at pilak.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Dala ng ganitong kadahilanan ay kinailangan na madagdagan ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa mga bansa na kanilang kolonya.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Nakipagkalakalan sila sa ilang bansa sa Asya. Ang kanilang mga kalakal ay ipinagpalit nila sa

alahas, porselana, karpet, seda at ang pampalasa sa pagkain mula sa Asyano.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Mga Bagong Salita:

Kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangolonya.

Sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan na ang binibigyang diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

PAGSUSURI

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

? Ano ang naging dahilan ng pagpapadala ng Espanya ng ekspedisyon sa Silangan?

? Sino ang Italyanong manlalayag ang tinulungan ni Reyna Isabella na ilunsad ang Unang Ekspedisyon?

? Ano ang adhikain ng ekspedisyon ni Christopher Columbus?

? Ano- ano ang mga naranasan ni Columbus sa kanyang ekspedisyon?

? Sino si Ferdinand Magellan?

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

? Ano- ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan?

? Paano narrating ni Magellan ang Pilipinas?? Ano ang mga dahilan at layunin ng

kolonisasyong Espanyol?

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

PAGTATAYA

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay pampulitikang hangarin, pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pangkabuhayang layunin. Isulat ang tamang sagot sa patlang.____1.Ang paghahangad ng Espanya na maging tanyag at makapangyarihan sa buong mundo._____2 .Ang hangaring ipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.

Marie Jaja T. Roa- Santa Maria West Central School- Schools Division of Ilocos Sur

_____3.Ang paglilikom ng kayamanan ng mga Espanyol.

______4. Ang pakikipagkasundo ng Espanyol sa Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko sa lahat na kolonya ng Espanya.

_______5.Ang pagpalaganap ng patakarang kapitalismo sa anyong merkantilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan.