19
Filipino Unang Markahan, Modyul 4 Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari CATRINA S. AUGUIS A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT 7 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT

CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Filipino Unang Markahan, Modyul 4

Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

CATRINA S. AUGUIS

A Joint Project of

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

7 PAG-A

ARI NG PAMAHALAAN

HINDI I

PINAGBIB

ILI

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Page 2: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Filipino – Baitang 12 Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 4: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Catrina S. Auguis Editor: Catrina S. Auguis Editor: Lenie J. Osorio Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS- Filipino Tagaguhit : Tagalapat : Kevien Ian I. Albon

Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Page 3: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

1

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakapagpaliwanag sa sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F7PB- Id-e-3)

Inaasahang din na ikaw ay:

a. Nakatutukoy sa sanhi at bunga sa loob ng pangungusap. b. Nakapagbibigay ng halimbawa ng sanhi at bunga.

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA A.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari? A. Sanhi B. Bunga C. Resulta D. Epekto 2. Ano ang tawag sa epekto ng kadahilanan ng mga pangyayari? A. Sanhi B. Bunga C. Dahilan D. Pangyayari

3. Batay sa pangungusap na nasa kahon alin dito ang nagbibigay ng sanhi?

A. Hindi lumalabas ng bahay C. Kadalasan sa mga tao B. Dulot ng COVID-19 D. Mga tao

Alamin

Subukin

Kadalasan sa mga tao ngayon ay hindi lumalabas ng bahay dulot ng COVID-19.

1

Page 4: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

4.

Sa pangungusap na nasa kahon alin dito ang nagsasaad ng bunga? A. Upang hindi mabagot C. Sa bahay B. Siya ay nagtatanim ng mga halaman D. Upang

5.

Batay sa pangungusap na nasa kahon saan dito ang nagpapahayag ng bunga/ resulta?

A. Dahil sa C. Siya ay nagkasakit B. Dahil sa kanyang kapabayaan D. Siya

6. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap na nasa kahon ay nagsasaad

ng ________. A. Sanhi B. Bunga C. Dahilan D. Pangyayari

7. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nasa kahon na nagsasaad ng bunga? A.Gilbert B.hindi nag-aaral C. kaya naman D. marami

8. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nasa kahon na nagsasaad ng sanhi? A. kaya B. Glenda C. palibhasa D. ipinagmalaki

9. Batay sa pangungusap na nasa kahon aling pahayag ang nagsasaad ng sanhi? A. Unti-unti ng nauuboss ang mga puno sa kabukiran B.kaya naman konting ulan ay bumabaha kaagad. C. kaya naman D. kabukiran

Upang hindi mabagot sa bahay siya ay nagtatanim ng mga halaman.

Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang kapabayaan.

Kain nang kain si Nancy kaya siya tumataba.

Hindi nag-aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang asignatura na hindi naipasa.

Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang.

Unti-unti ng nauubos ang mga puno sa kabukiran kaya naman konting ulan ay bumabaha kaagad

2

Page 5: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

3

10. Alin sa pangungusap na nasa itaas ang nagpapahayag ng bunga? A. dahil sa kawalan ng disiplina C. dahil sa B. kaya marumi ang mga ilog D. kaya

11. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap na nasa kahon ay ______. A. Sanhi B. Bunga C. Dahilan D. Pangyayari

12.

Ang salitang may salungguhit sa pangungusap na nasa kahon ay _____.

A. Sanhi B. Bunga C. Dahilan D. Pangyayari

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang magiging sanhi ng pahayag na nakakahon? A. magulo ang kanyang buhok C. dahil sa kanyang pagmamadali B. dahil gabi na D. makakalimutin na si Charity

14. Alin sa pangungusap na nasa kahon ang nagpapahayag ng bunga/ resulta?

A. dahil sa C. siya ay nagkasakit B. dahil sa kanyang kapabayaan D. siya

15.

Alin sa sumusunod na pahayagang ang magiging bunga sa pahayag na nasa kahon?

A. kaya uminom siya ng mainit na sabaw B. nagsaing siya ng kanin C.binuksan niya ang bentilador

D. makulimlim kasi ang panahon

Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao kaya marumi ang mga ilog.

Marami ang lumalabas ng bahay kahit “ General Community Quarantine” dahil sa wala na silang makain.

Nasira kaagad ang kanyang selpon dahil sa kanyang kapabayaan.

“ Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity dahil sa kanyang pagmamadali” “ Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity dahil sa kanyang pagmamadali”

Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang kapabayaan.

“Napakalamig ng panahon kaya uminom siya ng mainit na sabaw.”

“Napakalamig ng panahon kaya uminom siya ng mainit na sabaw.”

“Napakalamig ng panahon kaya uminom siya ng mainit na sabaw.”

3

Page 6: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

4

Balikan

Gawain A: Muling Balikan ang Nakaraan!

PANUTO: Isulat ang iyong sagot sa sagutag papel.

1. Pumunta sa batis si pilandok dahil siya’y nauuhaw. Ano ang dahilan kung bakit pumunta sa batis si pilandok?

Sagot: Dahil siya ay nauuhaw

2. Kaya galit na galit ang baboy-ramo kay pilandok sapagkat lagi siya nitong niloloko. Ano ang naging resulta sa palaging panloloko ni Pilandok kay baboy-ramo?

Sagot: Galit na galit ang baboy-ramo kay pilandok.

3. Pinaghandaan ng mabuti ni suso ang kanilang karera ni pilandok upang ito’y kanyang matalo. Bakit pinaghandaang mabuti ni suso ang kanilang karera ni pilandok

Sagot: Upang ito’y kanyang matalo.

Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang isang pabula na pinamagatang “ Natalo rin si Pilandok”. Dito natin nalaman kung bakit kailangang suriin muna ang isang tao bago pagkatiwalaan para maiwasang mabiktima ng mga tuso at manloloko. Maging mapagmasid sa mga taong nakapalibot sa iyo dahil nagkalat na ang iba’t ibang paraan ng panloloko o scam. Sabi nga nila “ Walang maloloko kung walang magpapaloko.

Sa modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang sanhi at bunga ng isang pangyayari. Napakahalaga na malaman natin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nangyayari ang bagay na ito at kung ano ang magiging resulta nito.

Aralin 4

Paliwanag sa Sanhi at Bunga

Balikan

4

Page 7: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Gawain B: Kilalanin Ko Nga!

May napapansin ka ba sa mundo at sa buhay natin ngayon? Anu-ano ang mga ito? May mga pagbabago ba na nangyayari sa pang-araw-araw natin na ginagawa? Nakabubuti ba o nakasasama ang mga ito? Sa palagay mo, sino kaya ang may gawa nito?

Babasa ka ngayon ng kuwento ngunit bago ka mag-umpisa alamin mo muna ang kahulugan ng mga salitang mahirap na mababasa mo sa kuwento.

Talasalitaan:

1. Pagdiriwang - selebrasyon; pagpipista

2. Dukha - mahirap

3. Tradisyon- kaugalian na pamana ng unang panahon

4. Biyaya- grasya, kaloob ng Diyos

5. Nananaghoy- labis na pag-iyak

BASAHIN MO:

Minsan, Nagalit ang Ilog

Tuklasin

Ngayon handa ka ng basahin ang kuwento tungkol sa ilog na nagagalit? Halina’t ating pag-aralan.

5

Page 8: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

https://dokumen.tips/documents/filipno-6-dlp-16-pagbibigay-ng-sanhi-at-bunga.html

Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang

pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati,tatlong araw na namang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang tigil ang handaan para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa.

“ Walang saysay ang ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang pagodang igagayak,” ang sabi ng Kapitang ng Barangay. “ Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron,sakay ang bangkang napapalamutian ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw at sari-saring dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taun-taon,” dagdag pa ng Kapitan.

“ Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng prosisyon sa ilog?” ang tanong ng isang lalaking may maputi nang buhok.

“ Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?” ang balik na tanong ng Kapitan. “ Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit na tatlong doble ang inani nating palay kung ihahambing nating sa nakaraang taon. At higit na maraming isda tayong nahuli sa taong ito.

Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa nito.

Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin,” ang malungkot na sabi ng dalaga.

“ Hayaan mo’t bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na ating pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,” ang sabi ng Kapitan.

Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi pa naipalinis ni Kapitan ang ilog.

“ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan. “ Hindi na bale,

6

Page 9: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

pagdaraan ng bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at sukal na naghambalang sa ilog.”

Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa prusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron. Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon may iba’t ibang kulay, hugis at sukat. Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Bata’t matanda.

Nangatakot ang lulang ng bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig nilang tumalon. Ibig nilang lumundag sa ilog.

Nagkagulo ang mga tao.Ang lahat ay nangatakot. Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak at nananaghoy.

At.. at..unti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang di mabilang na mga sakay nito.

Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang may 205 sakay ng bangka ang namatay sa aksidenteng iyon. Mahigit pa ring 100 tao ang nawawala.

Saka naisip mi Kapitan ang ilog. Ang maruming ilog na pinarumi.

Mga gabay na tanong:

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Nakakapamiyesta ka na ba sa baryo? Ano ang napapansin mo sa bawat tahanan?

2. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tagabaryo sa loob ng ilang araw? Paano?

3. Gaano kahalaga para sa kanila ang pagdiriwang na ito?

4. Sa araw ng pista, ano ang hindi nila inaasahang pangyayari? May dapat bang sisihin? Bakit?

5. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?

6. Bilang mag-aaral, anu- ano ang magagawa mo para sa kalikasan?

7

Page 10: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

May mga pangyayari sa kuwentong may ugnayan.

*Naging marumi ang ilog dahil sa basurang itinambak ng mga tao. Bunga Sanhi

*Dahil sa basurang itinambak ng ng mga tao naging marumi ang ilog Sanhi Bunga

*Naging marumi ang ilog, sa basurang itinambak ng mga tao.

May mga pangyayaring maiuugnay sa isa pang pangyayari at maaaring ito ang sanhi o bunga.

Pag-aralan mo ang dayagram ng ugnayang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa ibaba.

Sanhi Bunga

Maaaring ikaw naman ang magbigay ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga. Subukan mo.

1. Sanhi: Naging abalang -abala ang Kapitan. Bunga: ____________________________

2. Bunga: Marami ang namatay. Sanhi: ___________________________

Ganito ba ang sagot mo?

1. Bunga: Hindi naipalinis ng Kapitan ang ilog.

2. Sanhi: Lumubog ang bangka.

Kung katulad ng sa itaas ang sagot mo, tama ka. Kung hindi naman maaari mong iwasto ang iyong sagot

The image part with relationship ID rId19 was not found in the file.

Suriin

Tinambakan ng basura ng mga ito ang ilog.

Naging marumi ang ilog.

Hindi nakinig ang mga tao at sila ay sumakay sa pagoda kahit punong-puno na ito.

Lumubog ang pagoda.

8

Page 11: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Sa mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga kadalasa’y

Batay sa mga halimbawa, ang sanhi ay ang mga dahilang pangyayari at ang bunga ay ang epektong pangyayari.

Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumagamit tayo ng mga pang-ugnay na pangatnig. Ang mga pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga salitang nag-uugnay ng salita, parirala, sugnay, pangungusap at talata sa isa’t isa alinsunod sa layunin nang nagpapahayag.

Sanhi- ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.

• Sapagkat/pagkat • Dahil/ dahilan sa • palibhasa • kasi • naging • sanhi nito

Bunga- ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta.

• kaya/kaya naman • dahil ditto • bunga nito • tuloy

Tandaan: Hindi lahat ng sanhi at bunga ay pinagmulan ng pang-ugnay.

Sa mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga kadalasa’y gumagamit ng mga pangatnig na pananhi tulad ng dahil,dahil sa/kay, sapagkat, palibhasa at kasi na nagpapakilala sa mga salitang taglay ang kaisipang pananhi sa pahayag.

Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba, nakasalungguhit ang sanhi habang nakaitalize naman ang bunga.

* Sapagkat masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na siya nakapasok sa paaralan.

* Nagkagulo sa palengke dahil sa balitang may nakatanim na bomba roon.

May mga pahayag namang nagbibigay ng sanhi at bunga nang hindi gumagamit ng pangatnig na pananda tulad ng pangungusap sa ibaba.

Ikinalungkot niya ang iyong pag-alis.

9

Page 12: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Nakapagpaliwanag sa sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F7PB- Id-e-3) Gawain C. Solong Gawin, Aking Kamtin!

Sa bahaging ito ay magkakaroon kayo ng kanya-kanyang Gawain. Susukatin ko kung talagang may naunawaan kayo sa iyong binasa. Handa ka na ba? Halika’t ating simulan.

1.Suriin ang mga piling pahayag sa kuwentong Minsan, Nagalit ang Ilog. Alamin kung ano ang sanhi at bunga nito sa magkaibang kahong nakalaan dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sanhi

Bunga

Sanhi

Bunga

Sanhi

Bunga

Pagyamanin

“ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan.

Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa nito.

10

Page 13: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Rubriks para sa Pagbibigay Puntos sa sagot Pamantayan 5 4 3 2 1 Nilalaman Nasasagot ang lahat ng tanong

Balarila Nasa anyong pangungusap ang sagot Tama ang pagbabaybay ng mga salita

Kalinisan Malinis ang pagkasulat ng gawain

Oras ng Pagpasa Nasa takdang oras ang pagpasa ng gawain

5-Pinakamahusay 2- mapaghuhusay 4- mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na

pansanay 3- katanggap-tanggap Gawain D. Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang Sanhi kung ang sinalungguhitan ay nagsasaad ng kadahilanan at Bunga kung naglalahad ng kinalabasan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Hindi nakatulog si Adel sa kababantay ng kanyang anak.

2. Palibhasa maganda si Marian kaya marami ang nagkakagusto

sa kanya.

3. Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity dahil sa kanyang pagmamadali. 4. Marami pa rin ang nahahawa sa COVID-19 dahil sa katigasan ng ulo ng mga mamamayan. 5. Kapag may tiyaga may nilaga.

Gawain E. Suriing mabuti ang bawat larawan na nasa ibaba. Tuklasin kung ito ba ay sanhi o bunga. Kung ito ay sanhi, isulat kung ano ang maaaring maging bunga nito. Kung ito naman ay bunga, isulat kung ano ang naging sanhi nito.

Larawan Sanhi/ Bunga Ano ang maaaring maging sanhi/bunga nito?

11

Page 14: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

12

Gawain F. Mula sa binasang

Punan ang tsart. Isulat ang sanhi o bunga ng sumusunod na pahayag na nakasulat sa tsart na nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Sanhi Bunga 1.Lahat ng tao ay gustong sumakay sa pagoda.

_____________________________________

2.Maraming mga tao ang nagtatapon ng basura sa ilog.

_____________________________________

3.____________________________________

Marami ang nahawaan ng COVID-19.

4.____________________________________

Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho.

5.____________________________________

Hindi pinapasok ng guwardya ang mag-aaral.

Gawain G. Sumasakit na ba ng iyong ulo sa kaiisip? Pahinga muna at lumabas para makalanghap ng preskong hangin. Pero sandali lang bago ka lumabas ay magdala ka rin ng kuwaderno at pluma o panulat. Paalala! ( Huwag kalimutang magsuot ng facemask ).

Isagawa

Isaisip

12

Page 15: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

14

Habang ikaw ay lumalanghap ng preskong hangin ay tingin-tingin ka muna sa iyong paligid. May maganda ka bang nakikita? Mayroon din bang hindi kananais-nais sa iyong paningin? Habang ikaw ay nagmamasid sa iyong paligid ay isulat ang tatlong (3) mga dahilan o sanhi sa mga di kanais- nais o hindi magandang tingnan. Sumunod nito ay isulat mo rin ang tatlong ( 3) mga bunga o resulta sa mga magagandang tanawin na iyong nakikita.

Oh! Di ba, masarap sa pakiramdam na ikaw ay nakalanghap ng sariwang hangin? Halina’t ating ipagpatuloy ang iyong gawain.

Rubriks para sa Pagbibigay Puntos sa sagot

Pamantayan 5 4 3 2 1 Nilalaman Nasasagot ang lahat ng tanong

Balarila Nasa anyong pangungusap ang sagot Tama ang pagbabaybay ng mga salita

Kalinisan Malinis ang pagkasulat ng gawain

Oras ng Pagpasa Nasa takdang oras ang pagpasa ng gawain

5-Pinakamahusay 2- mapaghuhusay 4- mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na

pansanay 3- katanggap-tanggap

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Hindi nakatulog si Adel sa kababantay ng kanyang anak. Batay sa pangungusap alin dito ang nagsasaad ng sanhi?

A. Adel C. Hindi nakatulog B. Sa kababantay ng kanyang anak D. Kanya

2. Palibhasa maganda Marian kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nagsasaad ng sanhi?

A. palibhasa B. maganda C. marami D. kaya

Tayahin

Tayahin

Tayahin

13

Page 16: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

3. Para hindi mabagot ang mga tao kaya naman nagtatanim sila ng mga halaman at gulay. Sa pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagsasaad ng bunga?

A. Nagtatanim sila ng mga halaman at gulay C. Kaya B. Para hindi mabagot ang mga tao D. mga tao

4. “Napakalamig ng panahon.” Alin sa sumusunod na pahayag ang magiging bunga sa pahayag na nakapanipi? A. kaya uminom siya ng mainit na sabaw C. nagsaing siya ng kanin B.binuksan niya ang bentilador D. makulimlim kasi ang

Panahon 5. “ Hindi nakapagsuklay ng buhok si Charity” Alin sa sumusunod na pahayag ang magiging sanhi ng pahayag na nakapanipi?

A. magulo ang kanyang buhok C. dahil sa kanyang pagmamadali B. dahil gabi na D. makakalimutin na si Charity

6. Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari.

A. Sanhi B. Bunga C. Resulta D. Epekto

7. Ito’y resulta o epekto ng naunang pangyayari.

A. Sanhi B. Bunga C. Dahilan D. Pangyayari

8. Kadalasan sa mga tao ngayon ay hindi lumalabas ng bahay dulot ng COVID19. Batay sa pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagbibigay ng sanhi?

A. Hindi lumalabas ng bahay C. Kadalasan sa mga tao B. Dulot ng COVID-19 D. Mga tao

9.Upang hindi mabagot sa bahay siya ay nagtatanim ng mga halaman. Sa pangungusap na nasa itaas alin dito ang nagsasaad ng bunga?

A. Upang hindi mabagot C. Nagtatanim ng halaman B. Sa bahay D. Upang

10. Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang kapabayaan. Alin sa pangungusap na nasa itaas ang nagpapahayag ng bunga/ resulta?

A. Dahil sa C. Siya ay nagkasakit B. Dahil sa kanyang kapabayaan D. Siya

11. Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nagsasaad ng bunga?

14

Page 17: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

A. hindi ko naipalinis ang ilog C. dahil B. hindi ko naipalinis ang ilog D. tayo

12. Dahil sa pagtutulungan ng ating gobyerno muling nagbalik ang dating ganda ng ilog Pasig. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na nagsasaad ng sanhi?

A. dahil sa B. gobyerno C. muli D. nagbalik

13. Siya ay nagkasakit dahil hindi niya inalagaan ang kanyang sarili. Ang salitang may salungguhit ay _____________.

A. bunga B. pang-ugnay C. sanhi D. pang-abay

14. Pumapayat si Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa problema ng ating bansa. Ang salitang may salungguhit. ay ______________.

A. bunga B. pang-ugnay C. sanhi D. pang-abay

15. Dahil sa napakalakas na bagyo kinansela ng Deped ang mga klase. Ang salitang may salungguhit ay _____________.

A. bunga B. pang-ugnay C. sanhi D. pang-abay

Gawain E. Bumuo ng 5 pangungusap na may sanhi at bunga. Suriin ang sinalungguhitang pahayag kung ito ay sanhi at bunga.

Hal. Sa sobrang lakas ng pagtakbo ni Alex siya ay nadapa. Bunga

1.

2.

3.

4.

5.

Karagdagang Gawain

15

Page 18: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Susi ng Pagwawasto

Subukin:

1.A 2.B 3. B 4. B 5. C 6. A 7. C 8. C 9. A 10. B 11. A 12. B 13. C 14. C 15. A

Tayahin:

1.B 2.A 3.A 4.A 5.C 6.A 7.B 8.B 9.C 10.C 11.C 12.A 13.C 14.C 15.A

16

Page 19: CATRINA S. AUGUISKain nang kain si Nancy kaya siya tumataba. -aaral nang mabuti si Gilbert kaya naman marami siyang Palibhasa matalino si Glenda kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang

Sanggunian

https://dokumen.tips/documents/filipno-6-dlp-16-pagbibigay-ng-sanhi-at-bunga.html

http://daisy-fermin.blogspot.com/2012/05/sanhi-at-bunga-ng-pagbaha.html

http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2015/11/filipino-sanhi-at-bunga.html

https://rmn.ph/fat-dynasty-vp-leni-robredo-isinisi-sa-political-dynasties-ang-kahirapan-sa-pilipinas/

17