73
5 ARALING PANLIPUNAN KAGAMITAN NG MAG-AARAL YUNIT 4

ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

5

ARALING PANLIPUNAN KAGAMITAN NG MAG-AARAL

YUNIT 4

Page 2: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

2

ARALIN 1 Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako

PANIMULA

Bilang kolonya ng Spain, naging mabigat na pasanin ang Pilipinas sa kalagayang

pananalapi nito. Hindi makalikom ang pamahalaan sa Pilipinas ng sapat na salapi upang

tustusan ang pangangailangan nito. Bilang tugon sa suliraning ito, ipinatupad ang monopolya

ng tabako sa ilalim ng mahigpit na pamamahala ng pamahalaan.

Sa araling ito, inaasahan na maipapaliwanag mo ang mga kabutihan at kasamaang

naidulot monopolyo ng tabako sa ating bansa.

ALAMIN MO

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago

sa ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose

Basco y Vargas. Noong 1781, itinatag ang monopolyo ng

tabako. Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang

pagsasaka at pagbili ng tabako tulad ng sa Ilocos,

Cagayan, Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay tumagal

hanggang 1881.Ang bawat mag-anak ng magsasaka ay

may takdang dami ng tabako na dapat anihin. Sila ay

nagtanim ng 40,000 halaman ng tabako sa isang taon. Ito

ay binili ng lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga.

Ipinagbawal din ng pamahalaan ang paghithit ng mga

mamamayan sa sariling ani. Pinagmumulta sila kung ang

kanilang ani ay nasira o nasalanta ng bagyo. May mabigat

na parusa sa sinumang lumabag sa mga alituntunin.

Anu-ano ang mga kabutihang

dulot ng monopolyo ng tabako?

Anu-ano naman ang mga kasamaang naidulot

nito?

Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas

Page 3: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

3

May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ng Basco na lumaki ang

kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa. Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong

mamamayan. Nang lumaon, mas marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga

pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin kayat katakut-takot na paghihirap ang dinanas

ng mga mamamayan. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta

kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran. Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip

na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal. Umabot ito sa

kaalaman ng Hari ng Espanya kayat ipinatigil niya ang monopolyo.

Gawain A

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?

2. Sinong pinunong Espanyol ang nagpasok ng mga pagbabagong pang-ekonomiya sa

kolonyang Pilipinas?

3. Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?

4. Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopoly ng tabako?

5. Bakit nagpatupad ng mga reporma o pagbabago sa kabuhayan ang Espanya sa kolonya?

Gawain B

Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang iba‘t ibang kabutihan at kasamaang dulot ng

monopolyo ng tabako sa ating bansa.

Gawain C

Magkaroon ng isang maikling pagsasadula ng pagtatatag ng monopolyang tabako

naganap sa ating bansa.

Kabutihang dulot

Kabutihang dulot

Monopolyo

ng Tabako

GAWIN MO

Page 4: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

4

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni

Gobernador-Heneral Jose Basco. Ang monopolyo ng tabako ay naitatag.

Tabako lamang ang itinatanim sa Hilagang Luzon. May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino

dahil kinapos sa pagkain.

NATUTUHAN KO

Iguhit ang masayang mukha ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng

kagandahang naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha kung ito ay

nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk.

_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.

_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan ng kolonya

at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa Espanya

_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.

_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat ng mga

bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.

_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.

TANDAAN MO

Page 5: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

5

ARALIN 2 Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal

PANIMULA

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating

mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang

dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila

sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng ilang mga pag-aalsa

sa loob ng kalagayang kolonyal.

ALAMIN MO

Bakit nag-alsa ang mga katutubo?

Ang pag-aalsa ay ang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang

nakahahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan sa isang lugar o ng isang indibidwal.

Ilan lamang ang mga sumusunod na pag-aalsa:

Lakan Dula at Sulayman (1574)

Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay maganda at maayos. Ngunit nang mamatay si Legazpi, ang naging kapalit niyang si Gobernador Heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga

Español ang mga katutubo. Naging matindi ang galit

nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik

kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.

Lakan Dula Raha Sulayman

Larawan ng paglaban ng mga Pilipino at mga mananakop

Page 6: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

6

Magat Salamat (1587-1588)

Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang mga kasapi ay buhat sa iba‘t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan.

Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at

pinatay si Magat Salamat.

Magalat

Ang mga taga-Cagayan sa pamumuno ni Magalat ay nagpakita ng hindi pagsang- ayon sa buwis at sapilitang paggawa na ipinatutupad ng mga Espanyol subalit siya rin ay nabigo.

Ang Rebelyon ng Gaddang (1621)

Dahil sa pagmamalabis ng mga Español, pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley. Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakining sila at sumuko.

Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot (1621-1622)

Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao. Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu upang supilin ang rebelyon.

Sumuroy (1649-1650)

Ang mga taga-Samar ay pinamunuan ni Sumuroy dahil sa pagtutol ng mga Bisaya mula sa Samar na magpunta sa Cavite ayon sa kautusan

ni Gobernador Diego Fajardo upang gumawa ng mga barko.

Tamblot

Page 7: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

7

Ang Rebelyon ni Maniago (1660-1661)

Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil sa nais nilang maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog para mapiglan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Español. Nahikayat ni Maniago ang mga taga-Pangasinan at Ilocos na sumama sa kanya. Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobernador heneral at ni Maniago. Si Maniago at ang mga kasama nito ay pinangakuan ng mga Español na bibigyan ng malaking halaga. Hinayaan din silang gumawa sa kanilang mga bukid kayat natigil ang pag-aalsa.

Ang Rebelyon ni Malong (1660-1661) Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Español. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Español. Nagpadala si malog ng mga mensahero sa iba‘t ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Español sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Español at ipinapatay. Ang Pag-aalsa ni Tapar (1663) Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan. Ang Rebelyong Silang (1762-1763)

Si Diego Silang ay kinulong ng mga Español dahil nagpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Nang siya ay pakawalan, hinimok niya ang kanyang mga kababayang Ilocano na maghimagsik laban sa mga Español. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan at nakipag-ugnayan sa mga Ingles upang makayanan ang pakikipaglaban sa mga Español. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito. Nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nang siya ay namatay noong Mayo 28, 1763, ipinagpatuloy naman ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela ang pakikipaglaban. Sa kasamaang-palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pangrerebelyon. Pinatay siya ng mga Español noong Setyembre 20, 1763. Dagohoy (1744-1829)

Page 8: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

8

Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Español ay pinagunahan ni Francisco Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar Morales na bigyan

ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.

Palaris

Ang pag-aalsa sa Pangasinan ay pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris. Nahimok na sumapi ang mga mamamayan ng mga bayan ng Binalatongan, Dagupan, San Jacinto, Bayambang at Santa Barbara,

upang humingi ng reporma sa pamamahala.

Ang Rebelyon ni Hermano Pule (1840-1841)

Si Apolinario de la Cruz ang namuno sa rebelyong panrelihiyon ng mga tagalog noong 1840-1841. Kilala siya sa tawag na Hermano Pule. Pangarap niyang maging mahal banal na misyonero o ministro ng Diyos kayat nagtungo siya sa Maynila upang pumasok sa isang orden. Hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino. Hindi siya nawalan ng pag-asa at namasukan siya s Ospital ng San Juan de Dios. Nag-aral siya at nagtatag ng isang relihiyosong kapatiran na tinawag niyang Confradia de San Jose.

Marami ang sumapi sa kanyang itinatag na samahan ngunit ito ay ipinagbawal ng mga opisyal ng simbahan. Tinugis siya ng mga ito at itinuring na rebelled kayat lumaban siya. Noong Nobyembre 4, 1841, pinugutan siya ng ulo sa bayan ng Tayabas (sa Quezon). Ang pugot

na ulo ay itinusok sa poste upang maging babala sa tao.

Gawain A

Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Anu-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang

ipinakita?

1. Lumban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas. _______________

2. Sumapi ang mga taga iba‘t ibang lalawigan

sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat.

3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para sa mga Español upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.

GAWIN MO

Katalinuhan

Kasipagan

Katapatan

Katapangan

Pagkakaisa

Pagmamahal sa kalayaan

Page 9: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

9

4. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalaan ng sariling pamahalaan. Nagrebelde siya mula 1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang mamuhay nang

tahimik.

5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Español.

Gawain B

Narito ang mapa ng ating bansa. Ipinakikita ng marka ang ilang bahagi nito kung saan naganap ang ilan pag-aalsa laban sa mga Español. Isulat kung sino ang namuno ng mga pag-aalsang ito.

Gawain C

Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat. Ang bawat pangkat

ay ay sasagutin ang mga tanong mula sa task card.

Cagayan: ____________________________

Ilocos: ______________________________

Pangasinan: _________________________

Pampanga: __________________________

Manila: ______________________________

Quezon: _____________________________

Panay: ______________________________

Leyte: _______________________________

Bohol: _______________________________

Pangkat II

Bakit nagrebelde sina Tamblot at Bancao?

Pangkat III

Ano ang kinalabasan ng rebelyon ng mga Kapampangan?

Page 10: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

10

TANDAAN MO

Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanya-kanya sila ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat,

Bancao, Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar.

NATUTUHAN KO

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Tagalog? A. Diego Silang C. Hermano Pule B. Felipe Catabay D. Magat Salamat

2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya? A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni

Legazpi sa mga katutubo. C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa

gawaan ng barko. D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español.

3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Español? A. Apayao C. Cebuano B. Badjao D. Gaddang

4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Español? A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo. B. Mabuting pakikitungo ng mga Español sa mga katutubo. C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Español. D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.

5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español? A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa.

B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.

Pangkat IV

Anong resulta ng pag-aalsa nina Malong at Tapar? Bakit ganoon ang resulta?

Pangkat V

Gaano katagal ang pag-aalsa ng grupo ni Dagohoy? Ano ang dahilan nito?

Page 11: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

11

Aralin 3 Kilusang Agraryo ng 1745

PANIMULA

Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsya noong 1745. Sa mga lalawigang ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga Prayleng Español, kung saan ipinagbayad ang mga magsasaka ng renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin sa lupang kinatatayuan ng kanilang bahay.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng tungkol sa Kilusang

Agraryo 1745.

ALAMIN MO

Ayon sa kasaysayan, noong 1745, nagkaroon ng malawakang pag-aalsa ang mga taga-

Cavite, Morong, Batangas, Bulacan, at Laguna.

Dahilan ng pag-aalsa:

1. Pangangamkam ng mga lupa ng mga katutubo 2. Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng mga mamamayan 3. Pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain

Batay sa ulat ni Pedro Enriquez Calderon na siyang nagsiyasat noong 1739, ang mga lupain at

kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Dominicano, Heswita, at Agustino.

Ang karampatang bayad ng mga katutubo ay ang mga sumusunod. Ito ay binabayaran sa loob

lamang ng isang taon.

1. Tatlong piso (P3.00) sa may asawa 2. Piso at limang sentimo (P1.50) sa mga biyudo o biyuda 3. Natuklasan din ni Don Pedro Enriquez na ang mga sukat ng lupa na inilaan sa mga

katutubo ay hindi naayon sa tamang sukat. 4. Isang kawani ng audiencia ang gumawa nito at ang mga sumukat ng lupa ay kasabwat

upang dayain ang mga katutubo. 5. Ayon naman sa akda ni Juan dela Concepcion, nanghimasok ang mga Heswita sa mga

ari-arian ng mga katutubo. 6. Iginiit nila na kanila ang mga lupain at pinagkakamkam ito.

Ano ang Kilusang Agraryo?

Bakit ito nangyari?

Page 12: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

12

7. Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang mga tahanan ng mga Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang paghihimagsik na ito ay

lumaganap sa mga karatig na lalawigan.

Noong Nobyembre 7, 1751, si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng ulat sa hari hinggil

sa kanyang natuklasan sa mga pamayanan ng Taguig, Hagonoy, Cavite, at Paranaque.

Ang mga paring relihiyoso tulad ng Dominicano at Agustino ay nang-agaw ng mga lupain, inalisan ng kalayaan sa pangingisda sa mga iIog, at hindi pinahintulutang pumutol ng mga puno at kumuha ng mga prutas ang mga katutubo. Hindi rin sila pinayagang

makapagpastol ng kanilang mga hayop sa kaburulan.

Sa Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa sapagakat sa mga

lalaawigang ito matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.

Gawain A

Sagutin ang mga katanungan.

1. Magkano ang ibinabayad sa lupa ng mga katutubong may asawa sa mga pari?

2. Ano ang ginawa ng mga katutubo nang malaman ang anomalya sa kanilang lupain?

3. Sino ang lubusang nakinabang sa mga lupain ng mga katutubo?

4. Bakit nabuo ang kilusang agraryo? Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?

5. Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot sa tinalakay na paksa?

Gawain B

Pag-aralan ang mapa. Kulayan ang mga lugar kung saan naganap ang kilusang agraryo noong

1745.

GAWIN MO

Page 13: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

13

TANDAAN MO

Gawain C

Buuin ang fish organizer. Isulat rito ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo.

Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at pangangamkam

ng mga pari sa lupa ng mga katutubo. Libo-libong mga Pilipino ang humawak ng sandata upang

ipakita ang kanilang pagtutol dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Silang,

Cavite noong Abril 1745 na mabilis na kumalat sa mga nayon ng Taguig, Parañaque, Hagonoy,

Bacoor, San Mateo, at Bulacan.

NATUTUHAN KO

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayg ng bwat pangungusap. Kung mali, iwasto

ang mga nakasalungguhit na salita.

1. Ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Indiano,

Heswita, at Agustino.

2. Tatlong piso ang bayad ng mga biyudo at biyuda sa lupain.

3. Sa Kabisayaan ang sentro ng kilusang agraryo.

4. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay ang pandaraya sa mga lupain at hindi

makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain

5. Tinanggalan ng mga nakamulatang karapatan ang mga katutubo.

Page 14: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

14

ARALIN 4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose

PANIMULA

Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang ―Hermano Pule‖. Siya

ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung

saan niya natamo ang pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na

hermano sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng

Confradia de San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa karapatang panlipunan

at pananampalataya.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pag-aalsa ng

Kapatiran ng San Jose.

ALAMIN MO

Ano ang kapatirang ito? Bakit nagsipag-alsa ang mga kasapi?

Pag-aalsa ni Hermano Pule

Si Hermano Pule ay isang "lay brother" ng Ospital ng San Juan de Dios. Gusto niyang magpari ngunit hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino.

Kaya noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José, isang ―kapatiran‖ na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. Karamihan ng mga kasapi nito ay mga magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.

Mula sa punong himpilan nito sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at Batangas.

Sa paglakas ng samahan, nabahala ang mga Español. Sa kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan, sa tulong ni Domingo Roxas, nabigo si Pule.

Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000 mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Español.

Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Español, walang awa nilang pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule.

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas. Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa mga

kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga nag-

iisip na mag-alsa.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

15

Gawain A

Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose? 2. Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Cofradia de San Jose? 3. Saang lalawigan nangyari ang pag-aalsa ni Hermano Pule? Bakit hindi tinanggap sa

pagpapari si Hermano Pule? 4. Nang tinanggihan siyang magpari, ano ang isyung ipinakita rito?

5. Bakit nabahala ang mga Español sa Cofradia de San Jose?

Gawain B

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Kapatiran ng San Jose. Isulat ang bilang

1-5 sa loob ng kahon.

Nagkaroon ang samahan ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at

Batangas.

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.

Noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San José, isang

―kapatiran‖ na Pilipino lamang ang puwedeng sumali.

Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia.

Hindi tinanggap si Pule na maging pari.

Gawain C

Magbigay ng opinyon.

GAWIN MO

Page 16: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

16

TANDAAN MO

Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa

itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa

kanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.

NATUTUHAN KO

Isulat ang mga salitang nawawala sa bawat pangungusap. Humanap ng

kasagutan sa loob ng kahon.

1. Itinatag ni Pule ang _____________________, isang samahan na Pilipino lamang ang pwedeng sumali.

2. Sa tulong ni _____________________, hiniling ni Pule na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan.

3. Mula sa punong himpilan ng nito sa __________________, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa iba‘t ibang lalawigan.

4. Sinalakay ng mga _________________ ang kapatiran noong Oktubre, 1841.

5. Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa ______________________.

Bundok Banahaw Domingo Roxas

Kapatiran ng San Jose Español Casa Tribunal Barrio Guibanga

Page 17: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

17

ARALIN 5 Okupasyon ng Ingles sa Maynila

PANIMULA

Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng

kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Cavite.

Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng Maynila at Cavite. Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang

pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pananakop ng mga

Ingles sa Maynila.

ALAMIN MO

Pananakop ng mga Ingles sa Maynila

Sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa

Asya. Noong ika-24 ng Setyembre 1762, labindalawang plotang Ingles ang sumalakay

sa Look ng Maynila sa pamumuno nina Brigador-Heneral Wiliam Draper at Rear-Admiral

Samuel Cornish.

Oktubre 5, 1762, isang gabi bago bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Ingles,

pinagsumikapang lumaban ng mga Espanyol subalit sa tindi ng digmaan at pagiging

handa ng mga Ingles, tuluyan nilang nakubkob ang Kamaynilaan at ang mga teritoryong

militar ng mga Espanyol.

Noong tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Maynila, pinasok at hinalughog lahat ng

mga establisimiyento, mga opisina ng gobyerno, at maging mga simbahan.

Ang lahat ng mahahalagang gamit, bagay man o mga dokumento ay kanilang kinuha,

maging ang palasyo ng gobernador heneral ay kanilang nilooban.

Nasakop pala ng Great Britain ang Maynila.

Bakit at paano?

Page 18: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

18

Maliban sa panloloob at pagsamsam ng mahahalagang bagay ay nagkaroon pa ng iba

pang krimen at kaguluhan sa buong Maynila.

Nagkaroon ng panggagahasa, pagpatay, at pangugulo mula sa mga Ingles.

Upang matigil ang kaguluhan, ang mga Ingles ay humingi ng halagang apat na milyong

dolyar mula sa mga Espanyol na sinang-ayunan ni Arsobispo Rojo upang mapigilan ang

malaking pinsalang dulot ng mga Ingles.

Noong Nobyembre 2, 1762, si Dawsonne Drake ay itinalaga bilang isang British

Governor-General ng Maynila.

Pagkatapos nito, si Drake ay nagtatag ng Chottry Court na may ganap na

kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.

Gawain A

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang namuno sa mga sundalong Ingles nang salakayin nila ang Maynila?

2. Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?

3. Ano ang tawag ni Dawsonne Drake sa konsehong kanyang itinatag?

4. Bakit natalo ang mga Espanyol ng mga Ingles? Ano ang mahihinuha mula rito? Ano ang

ibig sabihin nito?

5. Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?

Gawain B

Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang mga katangian ng mga Español at Ingles

na sumakop sa ating bansa.

GAWIN MO

Katangian ng Español at

Ingles

Pagkakatulad Pagkakaiba

Page 19: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

19

TANDAAN MO

Gawain C

Magkaroon ng pangkatang Gawain. Hatiin ang klase sa 3, ang bawat isang pangkat ay bibigyan ng Task Card.

Pangkat I – Iguhit ang pagsalakay ng plotang Ingles sa Look ng Maynila. Ano ang masasabi mo

ukol dito?

Pangkat II – Mag-isip ng isang makabayang awitin na maaaring iangkop sa paksa, pagkatapos,

gawin ito sa harapan sa klase.

Pangkat III – Sagutin ang mga sumusunod.

Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?

Paano nito ipinakikilala ang mga Ingles na sumakop sa Maynila?

Paano nabago ng pananakop sa Maynila ng mga Ingles ang pagtingin ng mga

Pilipino sa mga Espanyol?

Nasakop ng Britanya ang Maynila. Ito ay nangangahulugang hindi na ang Espanya ang pinakamalakas na bansa. Mahina na ito at kaya nang talunin ng mga Pilipino.

NATUTUHAN KO

Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga konseptong nasa loob ng kahon.

1. Si _____________________ ay itinalaga bilang isang British Governor-General ng Maynila.

2. Nang lusubin ng mga Ingles ang Look ng Maynila, isa si ____________________ sa mga namuno nito.

3. Noong ____________________, pinagsumikapang lumaban ng mga Español upang di mapasakamay ng mga Ingles ang Maynila.

4. Itinatag ni Governor General Drake ang ____________________ na may ganap na kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.

5. Noong _____________________ sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging

bahagi ito ng kanilang imperyo sa Asya.

Chottry Court

Rear-Admiral Samuel Cornish

Oktubre 5, 1762

Dawsonne Drake

Setyembre 24, 1762

Page 20: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

20

Page 21: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

21

Page 22: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

22

Page 23: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

23

Page 24: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

24

Page 25: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

25

Page 26: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

26

Reaksyon sa Kolonyalismo

PANIMULA

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami

sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at

pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-

aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa

Pilipinas.

Magkakaiba ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mahabang panahon ng

pananakop ng mga Espanyol. Ang kanilang naging kilos bilang tugon sa pagtrato sa

kanila ng mga dayuhan ayon sa kanilang personal na motibo o pansariling naisin sa

buhay.

Sa araling ito inaasahang:

1. Masusuri ang mga naunang pag—aalsa ng mga makabayang Pilipino

2. Matatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksyon ng mga

Pilipino sa kolonyalismo (halimbawa : pagtutol ng mga katutubong Pilipino laban

sa Kristyanismo , pagmamalabis ng mga Espanyol)

ALAMIN MO

ARALIN 3

Anu-ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga

katutubo laban sa mga Espanyol?

Saang mga lugar sa Pilipinas nagkaroon ng pag-aalsa?

Sino-sino ang mga Pilipinnong nag-alsa laban sa mga

Espanyol?

Page 27: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

27

Mga Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol

Mga Dahilan ng Pag-aalsa ng mga Katutubo Laban sa mga Espanyol

Mga Dahilan ng Rebelyon ng mga Pilipino

1. Pagbawi sa nawalang kalayaan

2. Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol

3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol

4. Sapilitang paggawa

5. Kahigpitan sa relihiyon

6. Paniningil ng labis na buwis

Paglunsad ng mga Rebelyon

Rajah Sulayman Diego Silang Magat Salamat

Francisco Dagohoy Tamblot Hermano Pule

Larawan ng ilan sa mga namuno sa rebelyon

Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga Pilipino sa

pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-lapu noong 1521, ipinasiya ng

ibang Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol.

Page 28: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

28

Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa mga Pilipino sa kanilang paglulunsad ng

rebelyon. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Nag-alsa Lugar Taon Dahilan

1. Lakandula at Sulayman

Maynila 1564 Di-pagtupad ng mga Espanyol sa kanilang pangakong hindi sila magbabayad ng buwis

2. Tamblot Bohol 1621 Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya

3. Bancao Leyte 1622 Nais niyang itakwil ang Kristyanismo

4. Sumuroy Samar 1649-1650 Tutol sa polo o sapilitang paggawa

5. Andres Malong Pangasinan 1660-1661 Tutol sa polo o sapilitang paggawa

6. Tapar Panay 1663 Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa ang pagtatag niya ng isang relihiyong hango sa Kristiyanismo na naging dahilan ng pagkakapatay niya sa pari.

7. Francisco Dagohoy Bohol 1744 Tumanggi ang mga paring Heswitang bigyan nang Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na isang kawani dahil namatay ito sa duwelo.

8. Diego Silang Ilocos 1762 Labis na pagbabayad ng buwis

9. Gabriela Silang Ilocos 1763 Ipinagpatuloy ang pag-aalsa ng asawa niyang si Diego Silang

10. Apolinario dela Cruz (Hermano Pule)

Tayabas (Quezon)

1840 Tinanggihan siyang magpari dahil hindi siya Espanyol

11. Magalat Cagayan 1596 Pagtutol sa pagpataw ng buwis ng mga Espanyol

12. Mga Gaddang Cagayan 1621 Pagtutol sa pagpataw ng buwis at sapilitang pagtatrabaho na ipinatutupad ng mga Espanyol

13. Francisco Maniago Pampanga 1660 Pang-aabuso ng mga opisyales ng Espanyol sa mga Pilipino gaya ng di pagbabayad sa pagtatrabaho sa pagputol ng mga puno.

Page 29: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

29

Resulta ng Rebelyon

Pawang bigo ang mga inilunsad na rebelyon sanhi ng iba‘t-ibang kadahilanan. Unang

dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ng mga Pilipino na silang

lahat ay nagmula sa iisang lahi lamang, kaya nararapat magtulungan. Magkakaiba ang kanilang

diyalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa‘t-isa. Naging madali para sa mga Espanyol na

gamitin ang taktikang ―divide and rule‖ Upang supilin ang pag-aalsa sa isang lalawigan, hindi na

kailangan ang mga puwersang Espanyol mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng tulong sa ibang

karatig na pook. Nang ilunsad ni Tamblot ng Bohol ang kanyang pag-aalsa,300 mandirigmang

Cebuano ang nakuha ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.

Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng

mga rebelyon ay ang kakulangan nila sa armas.

Kadalasan ang gamit lamang ng mga nag-aklas

ay itak, sibat, at pana na walang kalaban-laban

sa kanyon at baril ng mga kalaban.

Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila

ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang

mga pag-aaklas ay agad na inilulunsad nang

walang isinasagawang mahusay na pagpaplano.

Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring

mahusay na pagsasanay sa paghawak ng aramas

Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang grupo. May mga pag-aalsa na

isinasagawa sa pansariling dahilan, kaya binuo lamang ng maliit na bilang ng mga mandirigma.

Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.

Mga Bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino

Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila

dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga

pagbabangon.Marami sa kanila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas.

Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba‘t-ibang tribo.

Pumanig sa mga Espanyol angg karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran din sila saa mga kagustuhan ng mgga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa kapwa nila Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na mapagtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang panahon.

Sagutin:

1. Sino-sino ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol?

2. Bakit naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?

3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kahigpitan ng mga Espanyol sa

relihiyon at pananampalataya ng mga Pilipino?

Page 30: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

30

GAWIN MO

Gawain A

Tukuyin kung alin sa mga pares na sitwasyon ang dahilan at ang bunga. Isulat ang D

kung dahilan at B kung bunga.

1. _________ Ginamit ang taktikang ―divide and rule‖ ng mga Espanyol sa pagsupil sa

mga pag-aalsa.

_________ Maraming Pilipino ang kinukuha sa mga karatig-lugar upang maging

bahagi ng puwersang Espanyol.

2. _________ Itak, sibat at pana ang ginamit sa mga pag-aalsa.

________ Madaling nasupil ang mga pag-aalsang inilunsad.

3. ________ Kawalan ng maayos na maayos na estratehiya

________ Hindi naging matagumpay ang kanilang rebelyon.

4. ________Dahil sa kawalan ng pagkakaisa

________ Bigo ang mga inilunsad na rebelyon.

5. ________ May mga pag-aalsa na isinasagawa para sa pansariling dahilan

_______ Binubuo lang ng maliit na bilang ng mandirigma.

Gawain B

Piliin mula sa kahon ang bayaning tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong

notbuk.

_____________________1. Asawa ni Diego Silang na namuno rin sa pag-aalsa sa Ilocos.

_____________________2. Tinanggihan siyang magpari dahil hindi siya Espanyol.

_____________________3. Tumanggi ang mga paring Heswitang bigyan nang Kristiyanong

libing ang kanyang kapatid na isang kawani dahil namatay ito sa

duwelo.

Hermano Pule Francisco Dagohoy Tapar

Gabriela Silang Tamblot

Page 31: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

31

_____________________4. Nais niyang bumalik sa dating pananampalataya.

_____________________ 5. Hinadlangan ni Fr. Francisco de Mesa ang pagtatag niya ng

Isang relihiyong hango sa Kristiyanismo na naging dahilan

ng pagkakapatay niya sa pari.

Gawain C

Paano tayo makapagpapahayag ng damdamin o makahingi ng pagbabago sa

pamahalaan nang hindi nag-aalsa?

Tandaan Natin

Natutuhan Ko

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari?

A. Tamblot

B. Dagohoy

C. Bangkaw

D. Hermano Pule

Nagpahayag pag-aalsa ang matinding galit ang mga Pilipino laban sa pananakop ng

Espanyol. Nagsagawa sila ng mahigit na 100 pag-aalsa o rebelyon laban sa mga ito. Ilan

sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol ay ang mga

sumusunod:

Pagbawi sa nawalang kalayaan

Pang-aabuso at masamang gawain ng mga pinunong Espanyol

Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol

Sapilitang Paggawa

Kahigpitan sa Relihiyon

Paniningil ng labis-labis naa buwis

Page 32: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

32

2. Anu-ano ang naging dahilan ng pag-aalsa nina Lakandula, Diego Silang at Dagohoy?

1. Pananakit 3. Sapilitang Paggawa

2. Tributo 4. Relihiyon

a. 1, 2 c. 1, 3

b. 2, 3 d. 1,4

3. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkakabigo ng mga isinagawang pag-aalsa sa

Pilipinas?

1. Kakulangan ng Armas 3. Kakulangan ng Edukasyon

2. Kakulangan ng Pagkakaisa 4. Kakulangan ng Pagpapalano

a. 1, 2, 3 c. 1, 3, 4

b. 2, 3, 4 d. 1, 2, 4

4. Ano ang resulta ng pag-aalsa nina Malong at Tapar?

A. Sila ay nagtagumpay

B. Sila ay nabihag at ipinapatay

C. Sila ay nagtago sa kabundukan

D. Siya ay pinugutan ng ulo.

5. Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?

A. Wala silang pagkakaisa

B. Wala silang sapat na dahilan

C. Wala silang armas

D. Wala silang pinuno

Page 33: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

33

Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang

Kalayaan

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang mga naunang pag-aalsa ng makabayang

Pilipino. Nalaman mo ang naging dahilan ng kanilang pag-aalsa laban sa mga Espanyol

at ang kanilang pagkabigo sa kanilang pakikipaglaban.

Sa araling ito, maipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng mga Muslim sa

kanilang relihiyon sinasaniban. Mahalagang malaman at matukoy kung bakit naging

matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon at mapanatili ang

kanilang kalayaan laban sa mga mananakop.

ALAMIN MO

Mga Katangian ng Sultanato at mga Pananaw ng mga Katutubong Muslim

Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong malaki

kaysa sa pamahaang barangay.

Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato. Ito ang tumakot sa mga

Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao.

Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.

Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa

kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan.

Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

ARALIN 9

Ano ang pamahalaang sultanato?

Bakit nahirapan ang mga Espanyol sa

pagsupil sa mga Pilipinong Muslim?

Page 34: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

34

Ang Paglaban ng mga Muslim

Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang

sa sila ay umalis, naging malaking hamon ang mga

Muslim sa kanila. Maraming matapang na Pilipinong

Muslim ang lumaban sa mga Espanyol upang hindi

hindi sila masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng

sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga

dayuhan.

May gobernador na nagpadala ng mga kawal

upang sakupin ang Mindanao. Nakapagpatayo sila

ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga, ngunit

hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang

mga Muslim at masakop ang buong Mindanao. Hindi

nila nasakop ang lugar na ito dahil hindi nila napasuko

ang mga Muslim.

Billang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa may baybayin ng

Luzon at Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at ipinagbili sa ibang bansa.

Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang matigil ang gawaing ito ngunit

hindi nila ganap na nasupil ang mga Muslim.

Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto ang

labanan. Binigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga Muslim. Binigyan din ng

pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo

ng Sultan sa trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga ito, kikilalanin ng mga Muslim ang

kapangyarihanng Espanya, ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at hindi

makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at

mga Muslim, kailanma‘y hindi nila napasuko ang mga Muslim.

Pagtutol ng mga Katutubong Muslim

Noong 1565, may tatlong teritoryong Muslim - Maguindanao, Buayan, at Sulu. Mayroon

silang mga kaalyadong Muslim sa labas ng bansa.

Noong 1578, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang Mindanao.

Page 35: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

35

Unang sinalakay ng mga Espanyol ang Sulu, bagamat natalo ay hindi tuluyang nasupil.

Isinunod na sinalakay ang Maguindanao, sa pamumuno ni Datu Dimasancay, napilitang

umurong ng mga Espanyol.

Ipinagpatuloy ng mga Muslim ang pagtatanggol sa kanilang lupain laban sa Espanya.

Noong 1597, natalo ang mga taga-Maguindanao sa pamumuno ni Datu Buisan. Bunga

nito, nakipagkasundo sila sa mga Espanyol.

Pananalakay ng mga Muslim

Panandalian lamang ang pananahimik ng mga Muslim.

Sila naman ang sumalakay sa Luzon at sa Visayas bilang sagot sa kanilang pagkatalo.

Hindi naging ligtas ang mga Espanyol sa pananalakay ng mga Muslim kaya nagpasya

silang lusubing muli ang Mindanao.

Dito nakilala ang kagitingan ni Sultan Kudarat ng Maguindanao.

Tinawag sa kasaysayan na Digmaang Moro ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa mga

Espanyol.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim (Digmaang Moro)

Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim subalit dahil sa

pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa

magpa-alipin sa mga dayuhan.

Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa

kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang relihiyon ng mga katutubong Muslim?

2. Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong Muslim sa Mindanao?

3. Sino ang isang pinuno ng Maguindanao na nang dahil sa kanyang kagitingan ay

ipinangalan sa kanya ang isang lalawigan?

4. Bakit medyo takot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga katutubong Muslim?

Page 36: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

36

GAWIN MO

Gawain A

Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng pananaw at paniniwala

ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi.Gawin ito sa notbuk.

______1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

______2. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.

______3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan

hanggang kamatayan

______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong Katoliko.

______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang

kinagisnang relihiyon.

Gawain B

Sagutin ang mga tanong:

Group A

Bakit nakipagdigma ang

mga Pilipinong Muslim

laban sa mga Espanyol?

Group B

Paano muling ipinakita

ng mga katutubong

Muslim ang kanilang

katapangan laban sa

mga Espanyol?

Group C

Paano ipinakita ang

mga katutubong Muslim

ang kanilang pagtutol

sa mga dayuhan?

Group D

Paano ipinakita ng mga

katutubong Muslim ang

pagmamahal nila sa

kalayaan?

Page 37: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

37

Gawain C

Ipares ang mga parirala sa hanay A at sa inilalarawan nito sa hanay B.

A B.

____1. Pamahalaan ng mga Muslim sa a. Luzon at Visayas

Mindanao.

_____2. Ugali ng mga Muslim na hindi b. Sultan Kudarat

sila basta nakikipagkasundo.

_____3. Pinunong Muslim na labis na c. Sultanato

Kinatakutan ng mga Espanyol.

______4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga d. Matapang

Muslim sa mga Espanyol

______5. Lugar na sinalakay ng mga Muslim e. Digmaang Moro

bilang paghihiganti sa mga Espanyol.

f. Datu Buisan

g. Maguindanao at Sulu

Tandaan Natin

Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Labis na

pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang teritoryo at kalayaan. Ito ang dahilan

kung bakit hindi sila nagpasakop sa mga Espanyol.

Page 38: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

38

Natutuhan Ko

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol- Muslim?

a. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim

b. Hindi kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

c. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas ng mga Espanyol

d. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol

2. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga

Espanyol?

a. Kasipagan

b. Katapangan.

c. Katalinuhan

d. Pagkakaisa

3. Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?

a. Upang mahinto ang labanan.

b. Upang malinlang nila ang mga Muslim

c. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko

d. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.

4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

a. Malawak ang lugar na ito.

b. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.

c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.

d. Nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol.

5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga Muslim?

a. Masunurin ang mga ito.

b. Mayayaman ang mga ito.

c. Hindi nila unabot ang lugar na ito.

d. Hindi nila masupil ang mga ito.

Page 39: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

39

ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag – aalsa

ANG PARTISIPASYON NG IBA’T-IBANG REHIYON AT SECTOR

(KATUTUBO AT KABABAIHAN) SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

PANIMULA

Sahuling aralin, natutunan mo ang mga pannaw at paniniwala ng mga Katutubong

Muslim o Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan bagaman karamihan sa mga Pilipino

noong unang panahon ay ninais at naniwala na dapat nilang tanggapin ang mga mananakop na

Kastila gayundin ang mga paniniwala at lahat ng bagay at konsepto na dala ng mga Kastila.

Sa araling ito, inaasahang:

Matataya ang partisipasyon ng iba‘t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa

pakikibaka ng bayan.

ALAMIN MO

Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang

mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw

ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga

kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.

Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan

ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila.

Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa

iba‘t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at

nakidigma para sa bayan.

Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan

Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugo ng mga Pilipino sa

pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng

ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga

Espanyol.

Sinu-sino ang mga bayaning babae na kinilala n gating kasaysayan? May kilala ka ba sa

kanila? Hindi lamang sa Maynila naganap ang mga rebolusyon, may mga kilala ka din

bang mga namuno ng rebolusyonaryo sa iba‘t ibang rehiyon at lalawigan? Ating tukuyin

ang ilan sa kanila.

Page 40: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

40

Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon.

Dagami Revolt (1565–1567)

Ang Dagami ay rebolusyong laban sa mga Espanyol na pinamunuuan ng pamilyang

Dagami sa Leyte noong 1567.

Raha Lakandula (1574)

Si Raha Lakandula ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Tondo". Siya ang bukod

tanging may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at pagiging malaya sa paghahanap-

buhay. Subalit hindi nagtagal ang kaginhawang ito, sapagkat ito ay ipinatigil ni Governador

Lavezares. Ito ang naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga

Kastila.Ngunit ng makita ni Raha Lakandula ang malakas na hukbo ni Legazpi, sinalubong at

nakipagkaibigan siya kay Legazpi. Pinakiusapan niya si Raha Sulayman na tanggapin na ang

pamamahala ng mga dayuhan, ngunit hindi maatim ni Raha Sulayman na makipagkaibigan sa

mga Espanyol. Kaya ang ginawa ni Raha Sulayman ay tinipon niya ang kanyang mga tauhan at

muling sinunog ang Maynila at saka tumakas. Lulan ng 40 malalaking bangka, patungo sa

Bulacan at Pampanga at namamaybay sa Tondo sa bandang Bankusay. Hindi nabatid kung

siya ay tumakas o namatay sa labanan.

Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila.

Noong 1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng

kanilang paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang prebelehiyo nila ng

hindi pagbabayad ng buwis.

Raha Sulayman (1574)

Si Raha Solayman na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na datu, na

namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng

mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Malugod niyatinanggap at pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de

Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng

mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang

abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na

sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno

siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.

Pampangga Revolt (1585)

Ang Pampangga Revolt ay pinasimulan noong 1585 ng mga Kapampangan na mga

nagmamay-ari ng mga lupang sakahan o mas kilala sa tawag na mga encomenderos na pawing

tinanggalan ng karapatan bilangb mga dating datu ng kanilang barangay noon.

Nagplano sila upang lumusob at supilin ang hukbong nasa Intramuros. Subalit bago pa

man makapagsimula ang kanilang mga plano ay hindi na ito natuloy pa sa kadahilanang ang

kanilang plano ay ibinalita ng isang Pilipina na nakapag-asawa ng isang Espanyol na kawal.

Page 41: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

41

Ipinadakip at ipinakulong ni gobernador-heneral Santiago de Vera ang mga pinuno ng nasabing

pag-aaklas at ipinapatay naman ni heneral Christian Cruuz-Herrera.

.

Conspiracy of the Maharlikas (1587–1588)

Ang Conspiracy of the Maharlikas o mas kilala bilang ang Tondo Conspiracy ng 1587-

1588 ay ang rebolusyon laban sa mga mananakop na Espanyol ng mga maharlika o ang

pangkat ng mga datu ng Maynila, Bulacan at Pampangga at kanilang mga kaanak. Ito ay

pinangunahan ni Agustin de Legazpi, pamangkin ni Raha Lakandula at ng isa pa nitong pinsan

na si Martin Pangan. Ang mga datu ay sumumpang makikidigma laban sa mga mananakop at

ipaglalaban ang kanilang mga karapatan sa kanilang dating mga nasasakupan at babawiin ang

kalayaan ng kanilang mga nasasakop. Subalit sila ay hindi naging matagumpay sa kanilang

mga hangarin. Ang kanilang mga balak at plano ay nabatid ng mga Espanyol mula kay Antonio

Surabao na nagmula sa Calamianes ng Palawan na isa ring bahagi ng pamilyang maharlika sa

nasabing lugar.

Cagayan at Dingras (1589)

Ang Cagayan at Dingras Revolt ay laban sa pagbabayad ng tribute ng mga Pilipino sa

lalawigan ng Cagayan at ng Ilocos Norte noong 1589. Ang mga Ilokano, Ibanag at ang iba pa

ay naglunsad rin ng pag-aaklas sa kadahilanan ring ito dahil na rin sa mga pagmamalabis ng

mga conquistadores na nananakit at nang-aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa pagbabayad ng

mataas na buwis.

Nagsimula ito nang mapatay sa Vigan ng mga katutubo ang anim na mga taga kolekta

ng buwis ng pamahalaan. Ipinadala ni gobernador-heneral Santiago de Vera ang kaniyang

hukbong binubuo ng mga Pilipino at ilang Espanyol upang mapatigil ang namumuong pag-

aaklas na ito ng mga taga Cagayan.

Magalat Revolt (1596)

Ang pag-aaklas ni Magalat ay nagsimula noong 1596 at sila ay tubong Cagayan. Siya ay

nadakip sa Maynila sa kasong rebelyo at ipinakulong ng goberndor-heneral. Hindio nagl;aon ay

pinalaya rin siya sa tulong na rion ng ilang mga paring Dominikano. Kasama ng kaniyang

kapatid na lalaki, hinimok niyang ipagpatuloy ang pakikidigma sa mga Espanyol. Hindi nagtagal

ay nagawa nilang sakupin ang ilang nakapaligid na mga kabayanan hanggang tuluyan nilaitong

makuha mula sa mga Espanyol na mga kawal.

Ipinadala ni gobernaor-heneral Francisco de Tello de Guzman sina Pedro de Chavez

mula sa Maynila kasama ng mga kawal na Esppanyol at Pilipino upang dakipin sina Magalat.

Nagawang hulihin ang pangkat ni Magalat at ang mga pinuno ng pangkat ni Magalat ay binitay.

Si Magalat naman ay patraydor na pinatay ng kaniyang ilang mga kasamahan sa kanilang

sariling kuta.

Igorot Revolt (1601)

Mula sa kautusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman, nagpadala ng

isang ekspedisyon sa Cordillera para sa pagpapalawak ng relihiyon sa bansa sa pamumuno na

Page 42: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

42

rin ni Padre Esteban Marin. Si Marin ay ang kuta paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang

kumbinsihin ang mga Igorot na maging mga Kristiyano.

Sa kabilang dako, hindi pumayag ang mga katutubo na mapasa ilalim rin sa kagustuhan

ng mga Kastila na maging mga Kristiyano sila at talikuran ang kanilang mga paniniwala sa

kani-knilang mga relihiyon.

Pinatay ng mga mandirigmang Lumad si Marin kasama ng hukbong pinadala ni Kapitan

Aranda. Naging mabilis lamang ang rebolusyong ito ng mga Igorot sa kadahilanang labis na

dahas ang ginamit ni Aranda upang masupil ang mga manndiirigmang Igorot upang hindi na ito

malaman pa ng iba pang mga katutubo.

The Chinese Revolt of 1603

Noong 1603, mahigit kumulang na 30,000 Tsinong mangangalakal, namumuno at

mamamayang Intsik ay pinatay ng mga Espanyol na nnamumuno noon sa lugar. Ang mga

nakaligtas ay agad na nagtungo sa Wawa na ngayon ay mas kilala sa tawag na Guagua.

Nagsunog at naglunsad ng pag-aaklas ang mga Intsik na nainirahan sa Legarda at Binondo at

kanilang binantaan na kukuhanin nila ang pamumuno ng mga Espanyol sa Intramuros.

Tamblot Revolt (1621–1622)

Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang isang rebolusyong

kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621. Matapos makarating nag mga Heswitang pari

sa Bohol ay agad nilang ipinakilala ang Kristiyanismo sa mga Boholano at pinilit ang mga ito na

iwan ang kanilang dating relihiyon at paniniwala at tuluyan nang maging mga Kristiyano.

Hinikayat naman ni Tamblot, na isang babaylan, ang kaniyang mga kababayan na huwag

magpadala at maniwala sa mga paring Heswita at manatili sa kanilang kinagisnan na relihiyon

at paniniwala.

Nagsimula ang rebolusyong ito ni Tamblot noong ipinagdiwang ng mga paring Heswita

ang kapistahan ng isang patron, St. Francis Xavier sa Cebu na naganap noong gabi ng bagong

taon noong 1622. Hindi nagtagal ay nahuli nila sa Tamblot at binitay sa pamamagitan ng

pagpugot ng ulo upang maging banta sa ilan pang mga Pilipino na hindi aanib sa mga Kastila at

lalabag sa kanilang mga kautusan.

Bankaw Revolt (1621–1622)

Ito ay pinamumnuan ni Bankaw na dating datu ng Carigara sa Leyte. Malugod na

tinanggap noon ni Bankaw si Heneral Miguel Lopez- de Legazpi sa kanyang nasasakupan

noong unang dumating si Legazpi sa Pilipinas noong 1565. Bagaman nagpabinyag si Bankaw

sa Kristiyanismo noon, siya ay tumiwalag sa paniniwalang ito. Sa tulong ng isang babaylan, si

Pagali, nagtayo siya ng isang temple para sa mga diwata at diyos na kaniyang dating

pinaniniwalaan noong panahong siya ay isa pang datu. Hinikayat niya ang kaniyang mga dating

nasasakupan na magbalik loob sa kanilang dating mga paniniwala at talikuran ang

Kristiyanismo. Gumamit si Pagali ng mahika upang mahikayat ang mga tao na sumama sa

kanila.

Ipinadala ni heneral Alonso Fajardo de Entenza ang alcalde mayor ng Cebu nma si Juan

de Alcarazo kasama ang ilang kawal na Espanyol at mga kawal na Pilipino upang sugpuin ang

rebelyong binubuo ni Bankaw.

Page 43: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

43

Matapos mahuli sila Bankaw, pinatawan sila ng parusang bitay at kaniyang ulo ay

inilagay sa isang kawayan upang magsilbing babala sa mga Pilipinong nagnanais na mag-aklas

laban sa mga Espanyol sa kanilang lugar.

Itneg Revolt (1625–1627)

Ang rebolusyong Itneg o kilala rin sa tawag na Mandaya Revolt ay rebolusyong nabuo

dahil sa relihiyon laban sa pamumuno ng mga espanyol sa pamumuno nina Miguel Lanab at

Alababan. Sina Lanab at Alababan ay parehong nabinyagan na rin sa Kristioyanismo at

parehong tumiwalag din agad dahil ang kanilang pagpapabinyag ay sapilitang pinagawa noon

sa kanilang bayan.

Sila ay namuno ng pag-aaklas dahil sa sapilitang pagpapalit ng relihiyon sa mga

mamamayan. Nang sila ay papuntahan sa mga paring misyonaryo ay kanilang pinatay at

pinugutan ang mga ito ng ulo dahilan upang sila ay tugisin naman ng mga Espanyol sakautusan

na rin ni Governador-Heneral Fernando de Silva noong 1626.

Sinunog ng mga kastila nag mga taniman at palayan na nagging sanhi ng pagkagutom

ng mga Itneg dahilan na rin upang sila ay sumuko noong 1627.

Ladia Revolt (1643)

Si Pedro Ladia ay isang Moro Bornean na nagmula sa angkan ni Raha Lakandula na

dumating sa Malolos noong 1643. Noong panahon na iyon, ang kanyang lupain ay sinamsam

ng mga Kastila kung kaya‘t pinamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa pagmamalabis ng

mga Espanyol sa kanilang pangangamkam ng mga lupain sa mga Pilipinong tunay na

nagmamay-ari ng mga lupa at lupain. Binansagan niya ang kaniyang sarili bilang ―Hari ng mga

Tagalog‖. Pinigilan siya ng mga paring Espnayol sa kaniyang mga balakin subalit ito ay

kaniyangipinagpatuloy pa rin. Nang siya ay madakip, siya ay ikinulong sa Maynila at doon

pinatawan ng parusang kamatayan.

Sumuroy Revolt (1649–50)

Sumiklab ang Sumuroy Revolt noong 1649 sa pamumuno ni Agustin Sumuroy kasama

ng ilan sa kaniyang mga kababayan na Waray sa Palapag. Northern Samar. Ang kanilang

pangunahing dahilan sa pag-aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang

sapilitnag paggawa sa polo y servicios.

Ang kautusan ukol sa polo ay nagsasaad na ang mga manggagawa na mula sa Maynila

ay hindi ipadadala sa mga malalayiong lugar sa kanilang pagtatrabaho sa polo subalit ang mga

Waray ay ipinadala at ipinatapon naman sa malalayong lugar tulad ng Cavite na siyang

nagbunsod ng kanilang pag-aakllas laban sa mga mananakop.

Matapos mapatay ang isang pari sa Palapag, mabilis na kumalat ang pag-aaklas na

uinilunsad ni Sumuroy at nakarating ito hanggang sa Mindanao, Bicol at sa Visayas, lalo‘t higit

sa lugar ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay, Camarines at ilan pang mga bahagi

ng Mindanao tulad ng Surigao. Isang gobyernong rebelyon ang kanilang itinatag sa kabundukan

ng Samar.

Subalit si Sumuroy ay nahuli at binitay noong Hunyo 1650 na siyang nagging dahilan

upang humina ang kanilang hukbo. Ipinagpatuloy ng kaniyang pinagkakatiwalaang kasama na

Page 44: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

44

si David Dula ang pakikipaglaban subalit nang siya ay malubhang masugatan sa kanilang

pakikidigma ay nahuli siya at binitay din sa Palapag, Northern Samar kasama ng kaniyang mga

Heneral na pawing nahuli ng mga Kastila.

Maniago / Pampanga Revolt (1660–1661)

Ang Maniago Revolt ay nalunsad sa Pampangga noong 1660. Sa panahong ito ay labis

na pinagnasahan ng mga Espanyol na mananakop ang Pampangga sa kadahilanang mayaman

ang bayan ng Pampangga lalo‘t higit ang kanilang relihiyon. Bukod ito, ang mga mamamayan

ng Pampangga ay pinatawan ng mas mataas na tribute, sapilitang paggawa kahit sa

malalayong lugar at ang pagkamkam sa kanilang mga pananim na palay.

Karamihan sa kanila ay pinagtrabaho sa loob ng walong buwan na higit sa mga

napagkasunduan at hindi rin binayaran ang kanilang paggawa sa mga ito maging ang mga

bigas na kinukuha sa kanila ay hindi rin binabayaran ng mga Espanyol. Hindi naglaon ay

inilunsad nila ang kanilang rebolusyon laban sa mga pagmamalabis sa kanila ng mga Espanyol.

Ang Maniago Revolt ay nagging simula ng mas malawak, mas malaki at mas madugong

digmaan laban sa mga Kastila sa Pangasinan.

Andres Malong ng Malong Revolt (1660–1661)

Si Andres Malong ay isang maestro de campo ng Binalatongan (na ngayon ay kilala

bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan), noong 1660. Siya ang tumulong sa mga Espanyol,

nang ang mga dayuhan ay magtatag ng pamahalaan sa Pangasinan. Sa mga Espanyol niya

natutuhang maging malupit at gumamit ng dahas.

Napagtanto ni Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga

naging kaalaman sa mga gawain ng Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang mag-aklas

si Francisco Maniago sa Pampanga. At nang nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong ang

kaniyang planong mag-aklas laban sa mga dayuhan. Nagsimula siya sa barangay Malungeuy,

at nabigo. Ang kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya

ang kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay niyang masakop ang buong Pangasinan.

At idineklara ni malong, siya ang Hari ng Pangasinan.

Almazan Revolt (January 1661)

Kasunod ng Malong Revolt ay ang Ilocos Revolt na pinamunuan ni Don Pedro Almazan,

isang mayamang namumuno sa bayan ng San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte. Ang mga sulat na

ipinadala ni Don Andres Malong, ang ―Hari ng Pangasinan‖ na nagsasaad ng pagkatalo ng mga

Espanyol sa kanilang lugar sa kanilang rebolusyon ay nakapagpalakas ng loob ng mga kapwa

nila Pilipino sa mga karatig bayan at kabilang ditto sina Don Pedro Almazan.

Lumakas ang suportang tinanggap ng mga pag-aaklas na ito at nagbunsod sa mga

sumunod pang mga pag-aaklas. Pinangunahan ni Almazan ang rebelyon sa Ilocos at tinawag

siya bilang ―Hari ng Ilocos‖ at ang kanyang anak naman ay tinuran bilang ―Prinsipe ng Ilocos‖.

Subalit matapos ang digmaan ng mga Kastila sa mga Briton ay kanilang nadakip naman si

Almazan na siyang nagging dahilan ng kanyang pagkakabitay.

Page 45: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

45

Panay Revolt (1663)

Ang Panay Revolt ay kinilala rin bilang Tapar Revolt sapagkat si Tapa rang namuno sa

pag-aaklas na ito sanhi ng di pagkakaunawaan sa relihiyon. Mula sa isang isla sa Panay si

Tapar at nais niyang magtayo ng sarili niyang relihiyon sa isla na hindi naman kailanman

pinayagan ng mga Espanyol.

Napatay si Tapar kasama ng kaniiyang mga tagasunod sa isang madugong sagupaan

sa patraydor na pag-atake ng mga kawal ng espanya kasama ang mga kawalna Pilipino.

Zambal Revolt (1681–1683)

Isang pangkat ng mga pinuno, datu ng Zambales ang tumangging magpasakop at

kilalanin ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas kung kaya‘t sila ay naglunsad ng digmaan

sa mga ito.

Dagling nagpadala ng mga hukbo ang mga kinatawan ng espanya sa Pilipinas ng mga

higit kumulang na 6000 kawal upang hindi na mapaigting pa ang bilang at dami ng mga nag-

aaklas. Matapos ang halos 2 taon ng paglalabanan, tuluyang nasakop ng mga espanyol ang

buong bayan at sila ay tuluyan nang napailalim sa pamamahala ng mga Espanyol.

Ang lahat ng nakibahagi sa pagrerebelyon ay pawing pinatawan ng parusang

kamatayan.

Agrarian Revolt of 1745

Ang Agragrian revolt ay nagtagal mula 1745 hanggang 1746. Kabilang sa mga bayan na

ito ay nagmula sa CALABARZON (Batangas, Laguna at Cavite) at sa Bulacan na pawang

bahagi ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas. Ang pinakaunang naglunsad at

nagsimula nito ay ang bayan ng Lian sa Nasugbu, Batangas

Ang mga tubong Batangas na tunay na nagmamay-ari ng mga lupain ay kinamkaman ng

mga ari-arian at ng mga lupain ng mga paring prayle at ng iba pang mga espanyol na namuno

sa kanilang bayan. Pinilit nila ang mga ito na ibalik sa kanila ang kanilang mga ari-arian at

lupain subalit iginiit ng mga prayle na ito ay hindi sa kanila sakadahilanang wala silang mga

titulo ng mga ito at ito ay marapat lamang na maging kabayaran nila sa kanilang pamamalagi at

pamumuno sa lugar.

Ito ang nagbunsad upang magrebelyon ang mga taga Batangas na siyang nagging

dahilan upang ang mga ito ay sunugin maging ang mga parokya ng mga paring prayle maging

ng mga ranching kinamkam ng mga Kastila. Pinaimbistiogahan ang pangyayari ng mga

Kastilang namumuno kung saan ipinag-utos naibalik ng mga prayle sa mga Pilipino ang

kanilang mga ari-arian subalit nagawang baliktarin ng mga prayle ang naunang kautusan kung

kaya‘t ibinalik na kahit anong pagmamay-ari sa mga Pilipino.

Francisco Dagohoy Rebellion (1744–1829)

Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang rebelyon na

bunsod rin ng hindi pagkakasundo sa relihiyon. Matapos mapatay ang kkapatid ni dagohoy ay

hindi ito pinayagan na basbasan ng paring prayle sa kanilang bayan. Ang pagtangging ito ng

prayle ang siyang nagging dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang nagging

Page 46: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

46

pinakamatagal na rebolusyon nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino kahit patay na ang

nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.

Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra hanggang kay Mariano

Ricafort y Abarca ay hindi nagapi ang rebolusyong ito na nakapagtayo ng isang malayang

rebolusyonaryong gobyerno ng mga Boholano

Nagpadala ng 2,200 kawal si ricafort sa Bohol na nagapi rin naman ni Dagohoy at ng

kaniyang mga tauhan. Muling nagpadala ng sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng

nauna ay hindi nagging matagumpay ang mga ito.

Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang rebelyon, na siya

namang nagging dahilan ng pagtatapos ng rebolusyon. Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni

Dagohoy na nabuhay at nadakip ay pinalaya at pinabayaang mamuhay sa ilang bayan ng

Bohol; Balilihan, Batuan, Bilar, catigbian at Sevilla.

Diego Silang (1762–1763)

Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si

Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.

Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ng kura paroko ng Vigan.

Doon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo

bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa

pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng

mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng

mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa

pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.

Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay

27 taong gulang nang ikasal.

Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga

atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng

hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay

kabilang sa Pitong Taong Digmaan.

Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng

kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Nagtatag siya ng

sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan

ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.

Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon

ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao,

depende na rin sa kakayahan ng mga ito.

Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na

sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga

Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake.

Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng

pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang

pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.

Page 47: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

47

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang

kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-

dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang

nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.

Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni

Simon de Anda at nag-alok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang.

Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si

Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit

ng pabuya ng Audiencia.

Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na

pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela

ang laban.

Juan de la Cruz o Palaris (1762–1764)

Si de la Cruz ay anak ni Santiago de la Cruz, cabeza de barangay, at Catalina Ugay, na

tubong Binalatongan, Pangasinan. Si Juan ay may dalawang kapatid na sina Colet at Simeona.

Ang pamilya de la Cruz ay kabilang sa principalia sa Binalatongan.

Nakapag-aral si de la Cruz, sa sinilangang bayan ng Binalatongan, at naulila noong siya

ay bata pa. Nang makatapos ng pag-aaral, siya ay nagtungo ng Maynila, at doon nagtrabaho

kay Francisco Enriquez de Villacorta, na isang opisyal ng pamahalaang Espanyol.

Nagsimulang magprotesta ang mga taga-Binalatongan sa mga pang-aabuso ng mga

kanilang gobernador. Nais ng mga pinuno ng mga bayan sa Binalatongan na mapatalsik ang

kanilang gobernador at itigil na ng pamahalaang Espanyol ang pagkolekta ng buwis, dahil ang

kanilang isla ay nasa ilalim na ng mga Briton.

Hindi pumayag ang Gobernador ng Espanya na si Hen. Simon de Anda sa nais ng mga

taga-Binalatongan. At noong 1762, nagsimula ang aklasan laban sa pamahalaang Espanyol, at

ang pangalang ―Palaris‖ ay nakilalang bilang pinuno ng mga rebolusyonaryo. Sina Colet de la

Cruz, Andres Lopez, at Juan de Vera Oncantin ay kasama ni Juan de la Cruz na namuno sa

aklasan laban sa mga Espanyol.

Disyembre, lahat ng opisyal ng pamahalaang Espanyol ay lumiban na sa Pangasinan,

maliban ang mga paring Dominiko, dahil sa panganib na kanilang kinakaharap. Ang

pamahalaang Espanayol ay nakipag alyansa sa mga Briton, na kasalukuyang nakikipaglaban

kay Diego Silang, sa lalawigan ng Ilocos sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Noong 1 Marso 1763, nakaharap ng grupo ni de la Cruz si Alfonso de Arayat at

kaniyang mga kawal at ilang mga Pilipino na matapat sa pamahalaang Espanyol sa Ilog Agno.

Napilitang umurong sa laban ang grupo ni Arayat matapos malagasan ng maraming kawal.

Napunta muli sa mga Filipino ang Ilog Agno, na matatagpuan sa pagitan ng Pampanga at

Pangasinan sa katimugang bahagi. Kilala ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Pilipinas

bilang ―Battle of Agno River of 1763.‖ At sa kasagsagan ng aklasan upang mapalaya ang

Pangasinan , si de la Cruz ay may mahigit 10,000 kawal, na patuloy na nakikipag-usap kay

Silang upang mapabilis at maging mas epektibo ang kanilang laban sa mga Espanyol.

Page 48: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

48

Nang lagdaan ang Kasunduan sa Paris, noong 1763, natapos na rin ang Pitong Taong

Digmaan noong 10 Pebrero 1763. Nagkaroon nang pagkakataon ang mga Espanyol na sugpuin

ang mga aklasan laban sa kanilang pamahalaan, nagpadala sila ng mga armadong kawal sa

Pangasinan upang madakip si de la Cruz. Ang mga prayle na naiwan sa lalawigan ay

nagsimulang himukin ang kanilang mga parokyano upang mapabilis ang pagdakip kay de la

Cruz.

Noong Setyembre 1763, nakarating na ang balita sa Pangasinan na pormal nang

nilagdaan ang Kasunduan sa Paris, nagsimulang sumuko nang ilang kawal ni de la Cruz at

bumalik sa kanilang mga pamilya upang makaiwas sa mga opensiba ng mga sundalong

Espanyol.

Disyembre 1763, nagsimulang lusubin ng mga kawal ng Espanyol ang bayan na

Mabalitec, na malapit sa Ilog Agno na nasa pagitan ng Binalatongan at Bayambang. Nabigo

ang mga kawal ni de la Cruz na ipangtanggol ang lugar na ito. Sumunod na nakuha ang bayan

ng Binalatongan, at sa San Jacinto, Pangasinan, nahuli ng mga Espanyol sina Andres

Lopez at Juan de Vera at ilang matatapat na kawal ni de la Cruz.

Marso 1764, halos lahat ng lugar sa Pangasinan ay nasa kamay na ng mga Espanyol,

piniling manatili ni de la Cruz sa Pangasinan kasama ng kaniyang matatapat na kawal. Dahil sa

tumitinding takot sa mga Espanyol, napilitang ituro ng kaniyang kapatid na si Simeona kay

Agustin Matias na isang gobernadorcillo ng Binalatongan kung saan nagtatago ang kaniyang

kapatid. Noong 16 Enero 1765, si de la Cruz ay dinala sa kapitolyo ng Lingayen para litisin.

Habang nasa loob ng piitan, inamin niyang siya ang pinuno ng aklasan laban sa mga Espanyol.

At noong 26 Pebrero 1765, si de la Cruz ay binitay.

Basi Revolt (1807)

Ang Basi Revolt ay kilala rin sa tawag na Ambaristo Revolt, na naganap noong

September 16 to 28, 1807. Pinamunuan ito ni Pedro Mateo at Salarogo Ambaristo na

sinasabing iisang tao rin lamang, dahil na rin sa malabis na pamamalakd ng mga Espanyol sa

bayan ng Piddig, Ilocos Norte. Ito ay naiiba sa ibang mga rebolusyon dahil ito ay umiikot sa

kanilang basi, o alak na nagmula sa tubo na siya namang ginagawa at produkto ng lugar.

Noong 1786, ipinagbawal ng mga Kastila nag paggawa at pagbebenta ng basi. Napilitan ang

mga mamamayan na bumili sa mga tindahan. Dahil dito ay inilunsad ang isang rebolusyon sa

mga Espanyol noong September 16, 1807 na nagtatagal ng ilang lingo sa bawat pagtatagpo na

nakakaabot din sa mga karatig na bayan. Tuluyang nagapi ng mga espanyol ang mga

rebolusyonaryo noong September 28, 1807 na nagdulot ng maraming pagkamatay ng

maraming Pilipino na kasapi sa rebolusyon at maging ng mga kawal na Pilipino na kasama ng

mga Kastila.

Hermano Pule Revolt (1840–1843)

Isa sa pinakkilala na rebolusyong lunsad ng relihiyon ay ang Pule Revolt na naganap

noong June 1840 na nagtangal hanggang Nobyembre 1841. Ito ay pinangunahan ni Apolinario

dela Cruz na kilala rin sa tyawag na Hermano Pule.

Itinatag niya ang sarili niyang relihiyon na tinatawag na Confraternity of saint Joseph o

Confradia de San Jose sa Lucban Quezon na matatagpuan ngayon sa Tayabas Quezon.

Page 49: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

49

Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring Heswita at

Fransiskano at Agustinian, marmi pa ring sumali at sumapi sa Confradia mula, Batangas,

Quezon, Laguna at maging mula sa Maynila.

Dahil dito ay laging nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang supilin ang binuong

samahn ni ela Cruz na siya namang nagtulak sa kanila upang ipagtanggol ang kanilang mga

sarili at pamilya sa mga pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga lugar.

Maraming madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at ng mga

Espanyol. Ang pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong October 1841 sa Bundok San

Cristobal malapit sa Bundok Banahaw. Natalo ang pangkkat ni dela Cruz at siya ay binitay

noong Nobyembre 4, 1841 sa Tayabas, Quezon.

Cavite Mutiny (1872)

Ang Cavite Mutiny noong 1872 ay binuo ng mga kawal na Pilipino ng Fort San Felipe ng

Spanish Arsenal sa Cavite. Ito ay naganap noong January 20, 1872. Mahigit sa 200 sundalong

espanyol kasama ng iba pang mga manggagawa ang nadamay dito na hindi agad

mapaniwalaan ng mga espanyol at ilang Pilipino dahil ang mga nag-aklas ay pawang mga

kawal din. Ang kanilang pag-aaklas nabunsod dahil sa pagkakabitay ng tatlong paring Pilipino,

ang GOMBURZA. Bagaman nagtagumpay sila sa umpisa ay hindi rin ito nagtagal ng sila ay

mahuli rin ng ipinadalang mga kawal na Kastila at sila ay binitay agad.

Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan

Gabriela Silang Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid at

masasabing naging maayos naman ang kaanilang buhay.

Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio. Labingwalong

taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na isang

balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan.

Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang

pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa

Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo.

Page 50: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

50

Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang

Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng

mga lihim na dokumento ng samahan.

Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa kanilang tahanan,

sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya ng gutom at

hatinggabi na kung umuwi. Naisulat niya noon ang sumusunod na pahayag:

―Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong bahay upang

magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay wari sila sa takot. Noo‘y

naghihinanankit ako sa lahat.

Noong ako‘y kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng digmaan,

wala akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat

wala akong nais… kundi ang maiwagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.

Kabilang din ako sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako‘y nagsasanay ng

pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata.

Naranasan kong matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom

ng maruming tubig o kaya‘y katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong mapakla

na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw…‖

Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi Makita ang

bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite

si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa

rin nakikita ang kanilang mga labi.

Gliceria Marella de Villavicencio

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga

mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si

Gliceria Mmarella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio

Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa

pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.

Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai Gliceria at

ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong,

nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong

mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang

ipinamigay.

Page 51: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

51

Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang

mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng

pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging

simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.

Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang

kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang

kanyang bark okay Aguinaldo.

Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano. Inokupahan

ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga itonang makuha ng kalaban ang liham na

ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay

inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga

Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa

Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang

angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa

Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi

nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.

Hindi siya kaagad pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong

siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang

miyembro ng Red Cross.

Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay

nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi

na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng

watawat.

May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila

ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang

mga bantay na kawal ng mga espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga

nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.

Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regaling

esopada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang

ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang

damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya naming nagpanggap na kaniyang asawa.

Page 52: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

52

Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway.

Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa.

Melchora Aquino

Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na ―Ina ng Katipunan‖. Sa edad na 84, hindi

siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak

ang mga ito sa labanan.

Dahil mayroon siyang palayan, nagging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo

ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa

kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa

kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap

siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng

tulong.

Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.

Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.

Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo uiya at

pinag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo.

Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda.

Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galling sa pangangabayo.

Page 53: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

53

Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa.

Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas

na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan.

Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na

Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa

armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga

puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.

Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang

kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban

ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng

mga Amerikano, nagging gerilya sila. Napata yang kaniyang kapatid na si Elias sa isang

labanan, samantalangpatraydor namang pinatay si Pascual.

Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko

ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa

bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang

makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik

siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian

sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang nagging anak. Nakitira na lamang

siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.

GAWIN MO

Gawain A

Isulat sa notbuk ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at naman kung

hindi.

____1. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa pakikipaglaban sa

mga mananakop na espanyol.

____2. Maraming iba‘t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga

Kastila.

____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.

____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop ng mga

Kastila.

____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga pangunahing dahilan ng

mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.

Gawain B

Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa patlang sa bawat bilang kung sino ang tinutukoy sa bawat

bilang.

Page 54: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

54

_________________1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan.

_________________2. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.

_________________3. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo

na matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA.

_________________4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang 2 kapatid na

lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.

_________________5. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral

Delgado ng sta. Barbara.

Gawain C

Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga napag-aralan sa klase.

Dahilan Namuno

1.

Francisco Dagohoy

2.

Basi Revolt

3.

Lakandula at Sulayman

4.

Sumuroy

5.

Maniago

Gawain D

Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad ng mga rebelyon ng mga

Pilipino.

Melchora Aquino Gabriela Silang Patrocinio Gamboa

Gliceria Villavicencio Teresa Magbanua

Page 55: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

55

TANDAAN MO

Maraming dahilan na nagbunsod ng rebolusyon sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Espanyol, ilan sa mga ito ay ang paggawa, tribute, polo, buwis, relihiyon, pangangamkam ng mga lupa at ari-arian at pagmamalabis ng mga Kastila

Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga ipinaglalaban

Maging ang mga babae ay sumama sa pakikidigma Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa rebolusyon at ang ilan sa

kanila ay sina Melchora Aquino, Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Gliceria,

Patrocinio at marami pang iba.

Page 56: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

56

ARALIN 5 Mga Reaksyon sa Kolonyalismo

ANG KALAKALANG GALYON AT ANG EPEKTO NITO SA BANSA

PANIMULA

.Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, maraming

panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura, relihiyon at maging sa

pangangalakal. Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at ginamit

nila ang mga ito maging sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang nagbunsad sa

pagkakabuop ng galyon at nang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.

Sa araling ito, inaasahang:

Matatalakay ang kalakalang galyon at ang mga epekto nito sa bansa.

ALAMIN MO

Anu-ano ang mga kabutihang nadala ng kalakalang Galyon sa Pilipinas? Mayroon din

bang hindi magagandang naidulot sa bansa at sa mga mamamayan ang kalakalang ito?

Sa paanong paraan?

Page 57: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

57

Ang Kalakalang Galyon

Ang Galeon ng Maynila ay mga barkong pangkalakalan ng Espanya na lumalayag sa

Karagatang Pasipiko mula Maynila patungong Mehiko at pabalik. Kapag nanggaling naman ang

galleon sa Mehiko ay tinatawag naman itong Galeon ng Acapulco.

Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico.

Ang mga produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula sa India, at mantas

na tawag sa telang mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwas din sa Mexico ang mga

palamuti sa katawan na yari sa iba‘t ibang bato, perlas, pamaypay, suklay, relos, mga mineral

tulad ng tanso at ginto.

Nakarating naman sa Pilipinas ang iba‘t ibang uri ng prutas at halaman, tul;ad ng chico,

avocado, cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil, at marami pang uri

ng halaman. Sa Mexico din galling ang mga hayop tulad ng tandang, kabayo, at baka. Mga

imahen tulad ng Black Nazarene at Birhen ng Antipolo, gayundin ang pagtatanghal ng moro-

moro at Moriones ay pawing nagmula sa Mexico.

Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipag-utos ng

hari na itigil ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon.

Nagdiriwang ang mga taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon. Ito ang barko na naglalaman

ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo sa Maynila ang maraming pinunong bayan

tulad ng mga alcalde at gobernadorcillo upang tiyaking maisasama sa galyong ang kanilang

mga produkto. Dahil dito, napabayaan nila nag kanilang mga nasasakupan. Ang mga lupain ay

ginamit para sa pagtatanim ng mga produktong kinakailangan para sa pangangalakal na

dadalhin ng galyon. Nawalan ng laya ang mga magsasaka na magpasiya kung anong produkto

ang nais nilang itanim.

Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwa ay ang

pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito‘y

isinagawa upang protektahan ang mga mangangalakal na Kastila sa Cadiz at Seville na

humina ang negosyo nang mga panahong iton. Mula 1583 yaon lamang mga sasakyang-dagat

ang makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinas patungong Mexico at pabalik sa Pilipinas.

Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga

mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico

ay pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula sa Mexico ay

nagkakahalaga ng P500,000.

Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa pangangalakal.

Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kaya‘t minabuti

nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na lamang

sila sa Kalakalang Galyon kung kaya‘t napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin.

Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon. Hindi ito

nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng

pananampalataya. Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay

na opisyales ng pamahalaan.

Page 58: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

58

Hindi lamang mga produkto ang paroo‘t paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO.

Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado

real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng

pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon,

dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real.

Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na

Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565

hangggang 1821.

Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang

galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias. Ang

halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay

naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malaking interes o tubo. Yaong

nangutang sa Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras

Pias dahil di nakabayad ang mga nangutang bunga ng pagkalugi ng mga ito.

Pagsapit ng ika-19 na siglo, unti-unting lumiit ang kita mula sa kalakalang galyon.

Mahigpit na kasi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na nagdadala ng mga kalakal sa

Mexico. Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa karagatan. Ang mga dahilang ito

ang nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang kalakalang galyon.

GAWIN MO

Gawain A

Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kalakal na natanggap ng Pilipinas mula sa Acapulco

na dati rati ay wala sa Pilipinas.

Halaman Hayop

Gawain B

Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap sa bawat bilang at Mali

naman kung hindi.

_________________1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas.

_________________2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon

_________________3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados

Unidos.

Page 59: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

59

_________________4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan sa Tsina at mga karatig

na bansa ang Pilipinas.

_________________5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde at

gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa Galyon.

Gawain C

Gumuhit ng isang larawan na naiisip mo na kalagayan sa mga daungan at sa iba pang lugar

noong panahon ng Kalakalang Galyon.

Gawain D

Sa isang maikling talata, ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay nakatulong o hindi ang

kalakalang galyon sa bansa.

TANDAAN MO

Nagbukas ang daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco Mexico

Nagdala ang galyon ng iba‘t ibang kalakal na hhalaman at hayop mula sa Acapulco at mula naman sa Maynila ay nadala ang mga palamuti, pagkain, halaman, spices at iba pang mga kasangkapan sa Mexico

Nagkaroon ng sapilitang pagtatanim ng mga kalakal sa mga sakahan na naging sanhi ng kakulangan sa bigas

Napabayaan ng mga alcalde mayor at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahilk na rin sa Galyon

Nanatili sa loob ng 250 taon ang Kalakalang Galyon

Page 60: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

60

ARALIN 6 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag – aalsa

ANG PAGKAKAISA AT PAGKAKAWATAK-WATAK NG MGA PILIPINO SA

PAG-AAKLAS LABAN SA MGA ESPANYOL

PANIMULA

Mula pa man ng unang dumating nag mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi na buo ang

nagging pagtangggap sa kanila ng mga Pilipino. Bagaman may ilang bukas palad buong puso

silang tinanggap at marami rin naman ang hindi sumang-ayon sa kanilang mga kagustuhan at

pawang lumaban sa kanila tulad ni Lapu-Lapu.

Marami pang iba na lumaban sa mga Kastila sa loob ng mahabang panahon ng kanilang

pamamalagi sa Pilipinas. May iba‘t ibang kadahailanan ang bawat pag-aaklas na inilunsad ng

mga Pilipino mula sa iba‘t ibang mga lugar sa bansa. Ang ilan ay nagtagumpay sa kanilang

layunin ngunit kalimitan sa kanila ay hindi.

Ang lahat ng mga ito ay siyang naglunsad upang unti – unting mabuo ang malayang

kamalayan ng mga mas makabagong Pilipino ng kanilang panahon. Ito ang kanilang nagging

daan at paraan upang ang kalayaang matagal na nilang inaasam ay kanila nang makamit

matapos ang maraming taon ng mahirap at madugong pakikidigma.

Sa araling ito, inaasahang:

Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa mga

mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa

kolonyalismong Espanyol.

ALAMIN MO

Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang

mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw

ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga

kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.

Anu-ano kaya ang nagging dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga pag-aalsa

ngmga Pilipino laban sa mga Kastila? Papapaano nila napagtagumpayan ang mga

balakid na ito upang makamtan ang kalayaan ng bansa?

Page 61: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

61

Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan

ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila.

Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa

iba‘t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at

nakidigma para sa bayan.

Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa

Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang nagging pagtugon ng mga Pilipino sa

pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng

ibang mga Pilipino na tapatan din ng dahas at armas ang mga pagmamalupit ng mga Kastila.

Marami at magkakaiba ang dahilan na nagbunsod sa mga P{ilipino upang ang mga

Espanyol ay kanilang kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa tsart sa ibaba.

Dahilan Mga Namuno Taon Lugar

Labis na Tributo o

Buwis

Lakandula at Sulayman 1577 Maynila

Juan de la Cruz o Palaris 1762-1764 Pangasinan

Diego at Gabriela Silang 1762-1765 Ilocos

Paggawa

Sumuroy 1649-1650 Samar

Malong 1660-1661 Pangasinan

Maniago 1660-1661 Pampanga

Relihiyon

Bankaw 1621 Leyte

Tamblot 1621 Bohol

Tapar 1663 Panay

Dagohoy 1744-1829 Bohol

Apolinario dela Cruz o

Hermano Pule 1840 Quezon

Resulta ng mga Rebelyon

Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi ng iba‘t ibang kadahilanan.

Unang dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ang mga Pilipino na

silang lahat ay nagmula sa isang lahi lamang, kaya‘t nararapat na sila ay magtulungan.

Magkakaiba ang kanilang dayalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa‘t isa. Naging madali

para sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang ―divide et empera‖ o divide and rule‖. Upang

supilin ang pag-aalsa ng isang lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol

mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng mga tulong mula sa mga karatig na pook. Nang inilunsad

ni Tamblot ng Bohol ang kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano ang nakuha ng mga

Espanyol para tumulong sa kanila.

Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang kakulangan ng mga armas

na siyang gagamitin sa rebolusyon. Kadalasan ang gamit lamang nila sa kanilang mga pag-

aaklas ay ang kanilang mga tabak, itak, sibat at pana na pawing walang kalaban-laban sa mga

baril at kanyon na dala at gamit ng kanilang mga kalaban.

Page 62: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

62

Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang

mga pag-aaklas ay agad-agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na

pagpaplano. Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring kasanayan o pagsasanay sa paghawak

ng mga armas kungkaya‘t sila ay hindi handa sa oras na sila ay mapalaban. Ang ilan naman ay

hindi mahusay ang pamamahala sa mga kasapi ng kanilang pangkat o grupo.

Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang mga grupo. May mga pag-

aalsa na isinasagawa lamang nila para sa kanilang mga pansariling kadahilanan, kung kaya‘t

binubuo lamang ito ng maliit na bilang ng mga mandirigmang kasapi nito. Naging madali para

sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.

Pagsilang ng Nasyonalismo

Sa unang dalawang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, tahimik na tagasunod

lamang ang mga nakararaming mga Pilipino. Bagaman may mga rebelyong naganap sa simula

pa lamang ng pagdating ng mga Espanyol, hindi ito nakatulong upang mapag-isa ang mga

Pilipino.

Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga maraming

pangyayari na nagulot ng maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang siyang

nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming nasyonalismo o diwng makabansa ng mga

Pilipino.

Pagbubukas ng Suez Canal

Ang paglalakbay mula sa Espanya patungo sa Pilipinas ay nagging mas madali at mas

malapit ng 9700 kilometrong layo.Dumami ang mga espanyol sa Pilipinas na nagpalaki rin ng

bilang ng mga mestizong Espanyol. Sila ay mga bunga ng mga mag-asawang Pilipino at

Espanyol.

Nakarating din ang maraming makabagong kaisipan na nakalakip sa mga librong

inaangkat sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay binuksan sa pandaigig na pamilihan noonpang 1830.

Ang paglayang Estados Unidos at France matapos maglunsad ng rebolusyon ang mga

mamayan sa kani-kanilang mga lugar ay nagging inspirasyon ng mga kabataan.

Paglaki ng Middle Class

Nabibilang sa panggitnang antas ng lipunan o ng middle class ang mga mestizong

Espanyol, mestizong Tsino, at mga principalia. Ang mga kabataang nagmula sa mga grupong

ito ay pawang mga nakapag-aral. Tinatawag silang mga illustrado. Sila ang nagpasimula ng

pagtawag sa kanilang sarili bilang mga Pilipino.

Ang mga illustrado ay ipinapadala sa ibang Espanya upang makapag-aral. Nakahalubilo

nila ang mga kabataang Espanyol na may mga makabagong pananaw. Sila man ay

nakikipaglaban para maisulong sa Espanya ang maraming pagbabago sa sistema ng kanilang

Page 63: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

63

pamahalaan. Nagkapalitan ng mga ideya ang mga kabataang nagmula sa Espanya at sa

Pilipinas kaugnay ng kanilang mga nararanasan.

Pagdating ni Carlos Maria de la Torre

Noong 1868, napatalsik sa kaniyang trono ang pinuno ng kaharian sa Espanya, si

Reyna Isabel II. Pumalit ang isang pamahalaang republika kaya ang naipadalang gobernador-

heneral sa Pilipinas ay may liberal ding pamamaraan ng pamumuno. Siya ay si Carlos Maria

dela Torre.

Napamahal siya sa maraming mga Pilipino. Nakikipag-usap siya sa mga

PilipinoIpinagbawal niya ang paggamit ng dahas, ang labis na buwis at ang sapilitang paggawa.

Ilan sa mga nakinabang sa kaniyang pamamahala ay ang mga paring secular at ang mga

manggagawa sa arsenal ng armas ng Cavite

Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang

ilang kalayaan na dati-rati ay kailanman ay hindi nila natikman. Tatlong taon lamang ang inilagi

ni dela Torre bilang gobernador-heneral ng bansa dahil noong 1871, nakabalik sa kaniyang

kapangyarihan si Reyna Isabela II. Lumisan si Carlos Maria dela Torre at pinalitan siya ni

Rafael de Izquierdo. Ang lahat ng mga kalayaang tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi ng

bagong gobernador-heneral sa kaniyang pamumuno sa Pilipinas.

Isyu ng Sekularisasyon

‗ Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kkaparian noong ika-18 na siglo.

Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng karapatan na

magkaroon ng sarili nitong parokya.

Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo – ang mga paring

secular at ang mga paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda ng buhay ng

mga Pilipino, marami sa mga magulang ang nagnaisa na ipasok sa seminary ang kanilang mga

anak na lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa ang pagtingin ng mga paring

Espanyol sa mga paring Pilipino, kaya katulong lamang sila ng mga ito.

Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga Heswita sa Pilipinas, nagkaroon ng

kakulangan sa mga pari. Itinadhana ng hari ng Espanya ang pagpapatupad ng dikring 1774 na

nagbigay sa mga Pilipinong pari ng karapatan na magkaroon na rin ng kanilang sariling

parokya.

Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang

natanggalan ng katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa ang mga

Pilipinong pari na ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang kanilang sariling

parokya.

Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan ay si padre

Pedro Pelaez. Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o insulares. Tubo siyang

Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga Pilipinong pari. Naging maikli ang kaniyang

Page 64: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

64

pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa

lindol.

Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo siyang

Vigan, Ilocos Sur at kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari. Ipinagpatuloy niya ang

nasimulan ni Padre Pelaez.

Kamatayan ng GOMBURZA

Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang kapalit ni dela Torre sa pagiging

gobernador-heneral, ipinagkait niyang muli ang mga karapatang tinamasa ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho sa Fort Felipe sa Cavite na isang

arsenal ng armas. Pinagbayad silang muli ng buwis.

Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang pag-aalsa ng mga

Pilipino sa nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa loob ng moog,

ngunit nasupil din sila agad. Apatnapu‘t isa sa mga nag-aklas ang napatay, samantalang ang

iba ay nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang labingtatlo pang nag-aklas ay ipinapatay na

rin.

Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at ikinulong. Kasamang idinawit sa

nasabing pag-aalsa sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang layunin

ng pagdawit sa kanila ay upang takutin ang mga paring Pilipino at huwag nang isulong ang isyu

ng sekularisasyon. Idinaos ang mabilis na paglilitis sa kanila. Ang kanilang kamatayan ay

nagpaalab sag alit ng mga Pilipino. Inialay ni Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El

Filibusterismo sa tatlong pari.

GAWIN MO

Gawain A

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at mga rebolusyong sinimulan ng mga

Pilipino ay kadalasang hindi nagtatagumpay?

1.

2.

3.

4.

5.

Page 65: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

65

Gawain B

Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba. Tukuyin ang pinag-

ugatan ng kanilang pag-aalsa

A. Relihiyon

1.

2.

3.

B. Paggawa at Buwis

4.

5.

Gawain C

Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung hindi

____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng mga Pilipino ay ang

kanilang hindi pagkakaisa.

____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at magagaling sa

paghawak ng armas.

____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na kasapi ng katipunan at

kasama rin sa mga pakikidigma.

____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag nalalaman nila na

nagtagumpay ang ibapang rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.

____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.

Gawain D

Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago sa kamalayan na naidulot ng mga

sumusunot na salita o kaisipan o pangyayari sa mga Pilipino.

1. Pagbubukas ng Suez Canal

2. Paglaki ng Middle Class

Page 66: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

66

Ilan sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong inilunsad ng mga Pilipino ay

ang mga sumusunod:

o Pagkakaroon ng magkakaibang diyalekto

o Hindi pagkakaisa

o Kawalan ng Nasyonalismo

o Nabubuo lamang ng maliliit ng pangkat at watak-watak

o Makasariling mithiin at adhikain sa pakikipaglaban

o Kakulangan sa armas at kasanayan sa paggamit ng mga ito

Maka,lipas ang mahabang panahon ng pakikibaka laban sa mga Espanyol ay unti-

unting nabuo ang Nasyonalismo sa mga Pilipino

Ang mga nagbunsod ng pagkakabuo ng pagkakaroon ng Nasyonalismo ng mga

Pilipino ay ang mga sumusuno:

o Ang pagbubukas ng Suez Canal

o Ang paglaki o pagdami ng nabibilang sa Middle Class

o Ang pagdating sa Pilipinas ni Gobernador Heneral dela Torre

o Ang isyu gng Sekularisasyon

o Ang pagbitay sa 3 Paring Pilipino na sina Padre Mariano Gomez, Jose

Burgos, at Jacinto Zamora na kilala sa tawag na GOMBURZA

3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas

4. Sekularisasyon

5. Pagbitay sa GOMBURZA

TANDAAN MO

Page 67: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

67

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan n gating bansa, tumutol ang marami sa ating

mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso

ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa

nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Sa araling ito inaaasahang:

1. Nakapagbibigay-katwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga

makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa

kasalukuyang panahon.

Mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol

1. Pagbawi sa nawalang kalayaan.

2. Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga pinunong Espanyol.

3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.

4. Sapilitang paggawa.

5. Kahigpitan sa relihiyon

6. Paniningil ng labis-labis na buwis.

Mga bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino

Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila

dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga

pagbabangon. Marami sa knila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas.

Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba‘t-ibang tribo.

ARALIN 4.2 Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal

PANIMULA

ALAMIN MO

Ano kaya ang naging epekto ng

unang pag-aalsa sa kalayaang

tinatamasa n gating bansa sa

kasalukuyang panahon?

Page 68: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

68

Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran

din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol kaysa sa

kapwa nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga

katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga

Pilipino na magtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang

panahon.

Naging mahalaga rin ang mga nauanag pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan

ng mga ito. Dahil ditto, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan.

Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang

kanilang nilalayon.

Sagutin:

1. Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol?

2. Ano ang naging dahil kung bakit nabigo ang mga pag-aalsa?

3. Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epekto ng mga bigong pag-aalsa sa kalayaang

tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan?

GAWAIN A

Tukuyin kung alin dahilan ng pag-aalsa ang ipinakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa notbuk.

GAWIN MO

Page 69: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

69

Gawain B

Buuin ang konsep map. Sipiin ito sa notbuk.

Gawain C

Pangkatang Gawain. Bumuo ng apat na pangkat. Ipagawa ang sumusunod.

Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino.

Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino

Pangkat III- Poster na nagpapakita ng pagiging makabayan.

Pangkat IV- Poster na nagpapakita ng kasarinlan ng ating bansa.

TANDAAN MO

Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa

maganda at maayos na pamamalakd ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang

si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo

dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi.

Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa

hirap at png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa.

Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano,

armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay

naging daan parin upang umalab ang damdamin pagkamakabayan ng mga

Pilipino na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa

natin hanggang sa kasalukuyan.

Dahilan kaya nabigo ang

mga pag-aalsa

Page 70: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

70

Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa

notbuk.

1. Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak at pagkakanya-

kanya ng mga Pilipino.

2. Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga Espanyol sa loob

ng mahigit 300 taon.

3. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa

panahon ng pag-aalsa.

4. Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo naman ito ng

pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino.

5. Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit natin ang

kasarinlan.

Takdang Aralin

Gumawa ng likhang sining na maaring magpakita ng iyong pagpapahalaga sa kasarinlan na

tinatamasa ng ating bansa.

NATUTUHAN KO

Page 71: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

71

ARALIN 8 Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng

Nasyon

PANIMULA

Sa araling ito, mauunawaan mo naman na mahalagang mapaunlad ang sarili

nang sa gayon ay mapaunlad din ang bansa. Mahalagang mapaunlad ang sarili upang maging

kontribusyon ito sa pagsulong at kaunlaran ng bansa kung saan ka kabilang at naninirahan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagpapahayag ng saloobin sa

kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa.

ALAMIN MO

Paano ka gaganap ng iyong dakilang tungkulin sa iyong bansa?

Paano mo mapauunlad ang sariling kakayahan at kasanayan?

Tayo, Bilang Bahagi ng Pagkabuo ng Pilipinas. Madalas ay itinatanong natin sa ating

sarili, may halaga ba ako sa aking bansa?

Oo! Ikaw ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating bansa. Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-

unlad ang ating bansa.

Kung ang pamahalaan ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan upang matamo ang kaunlaran ng ating nasyon, hindi ito maisasakatuparan

kung hindi tutulong ang mga mamamayan.

Pakikipagkapwa-tao

Mahalaga ang mabuting pakikipagkapwa sa ating mga kapwa mamamayan. Lagi ngang sinasabi na "no man is an island" kaya naman marapat lamang na pakitunguhan nang maayos

ang ating kapwa dahil ang mabuting samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa.

Tamang saloobin sa paggawa

Mahalaga rin na mayroon tayong mabuting saloobin sa paggawa. Nagiging madali ang mga gawain kung ito ay pinagtutulungan at binibigyan ng tamang pansin at oras. Kung laging

positibo ang isang mamamayang Pilipino, sigurado na siya ay magiging produktibo.

Tangkilikin natin ang ating mga produkto.

Sa ganitong paraan, mapatatatag natin ang ating ekonomiya. Uunlad ang mga lokal na industriya, maraming mga Pilipino ang mahihikayat na mamuhunan at magtayo ng mga negosyo, at maraming magkakaroon ng trabaho sa ating bansa.

Gamitin natin nang wasto ang mga likas na yaman.

Page 72: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

72

Dito tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya naman marapat lamang natin itong alagaan upang magkaroon tayo ng sustainable development o ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman. Dahil dito, hindi kaagad mauubos ang mga pinagkukunang-yaman at

mayroon pang matitira para sa susunod na henerasyon.

Pahalagahan at pagyamanin natin ang kultura nating mga Pilipino.

Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na mapaunlad ito dahil ang kultura ang nagbibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa mga nagiging batayan ng kaunlaran.

Bantayan natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Pawis, dugo, at buhay

ang ipinuhunan nila para maipamana sa atin ang kalayaang hindi na nila natikman.

May pakinabang ba sa iyo ang iyong bansa?

Gawain A

Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa.

Isulat ang sagot sa notbuk.

1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang

bansa.

2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.

3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.

4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan.

5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.

6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.

7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.

8. Naaabuso ang mga likas na yaman.

9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas.

10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.

Gawain B

Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pag- unlad ng sarili o ng bansa.

Isulat ang sagot sa notbuk.

1. Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy upang makasali sa pambansang

koponan.

2. Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang

tiyahin.

3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito.

4. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.

GAWIN MO

Page 73: ARALING PANLIPUNAN - alonot.com · Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar

73

5. Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati paghahanda ng pananghalian ay

nalilimutan niya.

6. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang silid-aklatan sa kanilang paaralan.

7. Laging huli sa pulong si Cristina.

8. Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri ang binibitawan niyang mga salita.

9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya.

10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit.

Gawain C

1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatalakay kung paanong naitataguyod

ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain sila ng larawan hinggil

dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng islogan ng parehong

poster at islogan.

2. Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng

mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at islogan.

Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan

upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang

kani-kaniyang mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang kaunlaran ng

ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahil ang malilit na gawa, kapag

pinagsama-sama ay tiyak na magbubunga ng isang malaking pagbabago.

NATUTUHAN KO

Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong panata sa sarili para sa kaunlaran

ng bansa. Palamutian ito ng iyong mga simbolo at iba pang representasyon sa sarili.

TANDAAN MO