19
Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Natuklasan sa Pag-aaral ang mga sumusunod: Graph 1. Inalam sa pagsusuri ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Ayon sa Pie Graph na nakalathala, lumabas na may 17% na lalaking respondent at 83% ang babaeng respondent. Mas maraming babeng respondent sapagkat mas maraming babeng mag-aaral sa BS Radio Technology. Graph 1 Babae 83% Lalaki 17% Kasarian Babae Lalaki Graph 2. Bilang isang Estudyante Payag kaba na ipatupad sa IMCC ang Calendar Shift ngayong 2016 na pasukan? Lumabas na 30% sa maga respondent ang payag na ipatupad ang Calendar Shift sa IMCC ngayong 2016 na pasukan samatalang 70% ang hindi sang-ayon. Mas marami ang hindi payag sapagkat maaring

Calendar Shift, Dapat bang Ipatupad ?

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 2

Citation preview

Kabanata IVPRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa Pag-aaral ang mga sumusunod:Graph 1. Inalam sa pagsusuri ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Ayon sa Pie Graph na nakalathala, lumabas na may 17% na lalaking respondent at 83% ang babaeng respondent. Mas maraming babeng respondent sapagkat mas maraming babeng mag-aaral sa BS Radio Technology. Graph 1

Graph 2. Bilang isang Estudyante Payag kaba na ipatupad sa IMCC ang Calendar Shift ngayong 2016 na pasukan?Lumabas na 30% sa maga respondent ang payag na ipatupad ang Calendar Shift sa IMCC ngayong 2016 na pasukan samatalang 70% ang hindi sang-ayon. Mas marami ang hindi payag sapagkat maaring hindi pa nila lubusang alam ang Sistema ng Calendar Shift at kung eto bay makakatulong sa kanila.

Graph 2

Graph 3. Sang-ayon ka na bas a Calendar Shift?Lumalabas na marami parin ang hindi sang-ayon sa Calendar Shift na magaganap ngayong darating na pasukan. May 33% ang sumang-ayon at 67% ang hindi naman sumang-ayon.Graph 3 Graph 4. Makaktulong ba sa pagunlad ng Sistemang Edukasyon sa Pilipinas ang Calendar Shift ngayong 2016 na pasukan?Ayon sa Graph 4 na nakalathala, 37% ang nagsabing makakatulong ang Calendar Shift sa pagunlad ng Sistemang Edukasyon ngayong 2016 na pasukan. Samantalang 63% ang sumagot na hindi eto makakatulong. Maaring dahil sa hindi nakasanayan ang Calendar Shift at kakulangan sa ideya tungkol sa sistemang eto kayat pinaghihinalahan pa ng marami ang tungkol rito.Graph 4

Graph 5. Malinaw ba sa iyo ang Sistema ng Calendar Shift?Lumabas sa pagsusuri na pantay ang porseyento ng mga respondent sa kanilang sagot sa tanong na eto. Kulang pari nng sapat na pagpapaunawa at orientation ang pamahalaan at Dept of Education tungkol sa Calendar Shift.

Graph 5

Graph 6. Makakatulong ba ang Calendar Shift sa Performance ng mga mag-aaral kung eto ay maipatupad?Lumabas na 37% sa mga respondent ang sumang-ayon na makakatulong ang Calendar Shift sa Performance ng mga mag-aaral kung sakaling eto ay maipatupad. Mas marami parin ang hindi sumasang-ayon dito ayon sa 63% na mga respondent.Graph 6.

Graph 7. Sa iyong palagay, magiging organisado at payapa ba ng pagpapatupad ng Calendar Shift ngayong 2016 na pasukan?Lumabas na 23% sa mga respondent ang nagsasabing magiging organisado at payapa ang pagpapatupan ng Calendar Shift samantalang 77% sa mga respondent ang hindi naniniwala na magiging payapa at organisado ang pagpapatupad nito. Maaring may mga reklamo at maraming katanungan ang mga mag-aaral maging ang mga magulang sa pagbabagong eto na makakadulot ng kaguluhan.Graph 7

Graph 8. Hindi ba makaka-apekto ang Calendar Shift sa mga Guro?Magkahati ang porsyento ng mga respondent sa tanong na eto. Maaaring maapektohan ang guro sapagkat maraming pagbabago at madadagdag sa bagong Sistema at maari ring flexible at kakayanin ng guro ang isang malaking pagbabago na maidudulot ng bagong sisteman eto.

Graph 8

Graph 9. Makakatulong ba sa Ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Calendar Shift ngayong 2016 na pasukan?Lumabas na 28% ang sumagot na makakatulong sa Ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Calendar Shift. At 72% sa mga respondent ang hindi sang-ayon ditto, sapagkat maaring walang kasiguraduhan na may maganda ba ng maidudulot ng sistemang eto sa ating Ekonomiya at pag-unlad na bansang Pilipinas

Graph 9

Graph 10. Kung maipapatupad man ito, makakasigurado ba ang mga Pilipinong mag-aaral na makakasabayan nila ang mga mag-aaral sa ibang bansa?Ayon sa Graph 10, 43% sa mga respondent ang nakakasiguro na makakasabayan ng mga pilipinong mag-aaral ang mga mag-aaral ng ibang bansa. 57% naman ang hindi nakakasiguro sapagkat maaring hindi sapat ang sistemang eto upang makipagsabayan ang mga pilipinong mag-aaral sa mga Foreign students. Mga silid-aralan at School Facilities pa lamang ay malayo na ang agwat.

Graph 10

Graph 11. Malinaw ba sa iyo ang Sistemang Calendar Shift?Lumabas sa survey na 53% sa mga respondent ay malinaw sa kanila ang bagong Sistema sa Edukasyon, ang Calendar Shift sapgkat maaring eto ay nababasa o naririnig nila sa mga balita, news at internet. Samantalang 47% sa mga respondent ang hindi parin nalilinawan sa Sistemang Calendar Shift. Maaring wala silang pake-alam o bago pa eto sa kanilang kaalaman.

Graph 11

Kabanata IAng Suliranin at Kaligiran Nito

I. Introduksyon

Ang Academic Calendar Shift ay inihaing Bill ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla sa Kongreso. Ayon sa bagong Akademikong Sistemang ito, magsisimula ang pasukan sa buwan ng Agosto imbes na sa nakagawiang Hunyo at matataps naman ito sa buwan ng Mayo imbes na sa Marso. Ayon sa kanya ang buwan ng Agosto ang mas ligtas at maayos na pagpasok sa eskwelahan ng mgaestudyante laban sa masamang epekto ng nararanasang "climate change" sa buong mundo, isa rin itong paraan upang makisabayan ang bansang Pilipinas sa mga bansang sumusunod sa sitemang ito.Naging maugong at mainit ang debate tungkol sa Bill na ito. Maliban sa maraming di sumasang-ayon sapagkat maaaring makaapekto ito sa ibat ibang aspekto sa gobyerno ng Pilipinas tulad ng sa pinansyal, kundi rin maraming di parin naliliwanagan at nakakaintindi sa bagong Akademikong Sistemang ito. Hanggang ngayon marami paring di sang-ayon sa Bill na ito, maging ang ibang nanunungkulan sa gobyerno.Sa pananaliksik na may pamagat na Calendar Shift sa Pasukan dapat bang Ipatupad? ay masusuring tatalakayin ng mga mananaliksik ang sagot ng mga piling respondent galling College of Radio Technology sa kanilang ikatlong taon sa Iligan Medical Center College. Aalamin ng pagaaral na ito kung sangayon ba ang mga respondent tungkol sa isyung ito, kung ano ang dahilan kung bakit dapat ba itong ipatupad at kung malinaw ba talaga sa kanila ang bagong Akademikong Sistemang ito.

II. Layunin ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng pagaaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:

Ang profile ng mga respondents. Sangayon ba ang mga respondent sa pagpapatupad ng Calendar Shift sa darating na Pasukan. Mga Dahilan kung bakit dapat o hindi dapat itong Ipatupad Epekto ng pagpapatupad nito

III. Kahalagahan ng Pananaliksik Layunin ng pananaliksik na ito na makatulong sa mga sumusunod: Sa mga estudyante sa darating na pasukan, itoy makakatulong sa kanilang pananaw tungkol sa bagong Akademikong Sistemang ito. Sa mga guro na maaaring gawing batayan nila sa mga pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Calendar Shift. Sa mga susunod mananaliksik ay makaktulong ito bilang isang gabay at dagdag impormasyon tungkol sa mga pananaiksik kaugnay ng Calendar Shift.

IV. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pananaliksik ay ang Pagsangayon at hindi pagsangayon ngmga respondent tungkol sa bagong Akademikong Sistemang Calendar Shift. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang makapangalap ng datos.Sa tatlompong respondent galling sa College of Radio Technology ng Iligan Medical Center College nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondet.Sapagkat kulang sa panahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ngpag-aaral.

V. Depinisyon ng mga TerminolohiyaUpang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mgaterminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito. Calendar Shift- bagong Akademikong Sistema kung saan magsisimula ang pasukan sa Agosto imbes na sa Hunyo at matatapos ito sa buwang ng Mayo imbes na sa Marso. Pasukan- panahon kung saan magsisimula ang pagaaral ng mga estudyante. Ipatupad- pagimplementa o pagsasagawa ng isang Bill sa isang bansa. Performance- kung paano nagaaral ang isang estudyante, masama ba o maganda.

Kabanata IIMga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Mga Punto Hinggil saAcademic Calendar Shift

1.Ano-ano ang mgadahilan ng mgapabor sa Academic Calendar Shift?Totoo ba ang mga ito?a.Dadami ang oportunidad ng mga estudyante atguro makalahok saexchange programs? Mga pagkakataon ng mga guro makapagturoabroad? Mga pagkakataon para magkaroon ng partnership ang mgalokal na schools natin at mga dayuhan?Ayon sa pag-aaral ni Dr. Emmanuel de Dios ng UP School of Economics,hindi kasama ang academic calendar sa salik o konsiderasyon ng mgadayuhang estudyante at guro kapag namimili sila ng ibang bansa kungsaan sila mag-aaral. Mas mahalaga pa rin sa kanila ang reputasyon ngmga guro (lalo na pagdating sa nailalabas na pananaliksik at mga pag-aaral). Mas makakatulong pa nga daw kung tataasan ang pondo at ibapang porma ng suporta sa mga guro para makapaglunsad sila ng masmaraming pag-aaral at pagpapalalim sa kanilang larangan ng kaalamanKatunayan ay marami ng mga partnership sa mga dayuhang pamantasanang iilan sa Pilipinas, tulad ng UP: mga pamantasan mula sa Japan (Abrilnagsisimula ang klase), South Korea (March nagsisimula ang klase), atAustralia (February nagsisimula ang klase). May malaking bilang na rin ngmga estudyante na pumapasok sa mga exchange programs sa ibangbansa. Sa kasalukuyan ay hindi kasabay ng academic calendar natin angacademic calendar ng mga bansa na ito. Pero hindi ito nagiging hadlangpara magkaroon ng partnership o exchange program sa pagitan natin atng ibang bansa.

b.Tataas ang rankingng mga pamantasan natin sabuong mundo?Kaugnay sa unang punto, hindi mabigat na salik sa international rankingsang academic calendar ng isang paaralan. Ang sinusukat ay ang kalidadng edukasyon, lalo na ang mga guro, pasilidad, at nailalabas na mgaresearch at pag-aaral ng nasabing pamantasan.

c.Mababawasan angmgasuspension ngklase?Ayon sa mismong datos ng gobyerno, ang mga pinaka-mapinsalang mgabagyo ay nagaganap sa mga buwan na sasakupin ng academic calendarshift (Habagat nung August, Pepeng at Ondoy nung September, Yolandanung October, at Sendong at Pablo nung December).Dapat rin isaalang-alang na dahil sa climate change, nagbabago na angklima sa Pilipinas. Hindi na kasing depenido tulad ng dati ang pagkakaibang rainy at dry seasons.Sa kabilang banda, inaasahang mas titindi ang panahon pag dating ngtag-init, o sa mga buwan ng Abril at Mayo kung saan mapipilitan ang mgaestudyante na mag-aral sa bagong academic calendar.

2.Ano ang epektong Academic CalendarShift sakabataang Pilipino?a.Pagtaas ngmga bayarin,pagpapahirap paratustusan angedukasyon, dadami ang hindi makakapag-aralIpapasa sa mga estudyante ang dagdag-gastusin ng mga paaralan parasa operasyon tuwing taga-init, tulad ng pag-install ng aircon, at masmataas na konsumo ng kuryente. Siguradong ipapasa ito sa mgaestudyante ng mga private school dahil susunggaban ito ng mga privateschool owners bilang pagkakataon na lalong kumita. Sa mga SUCsnaman na kulang ang budget, kukunin ito sa mga estudyante.Lalong papahirapan ang mga magulang at working students na tustusanang kanilang pag-aaral. Sa Hunyo kasi ibinibigay ang mid-year bonus ngmaraming mga manggagawa at empleyado, bagay na nagpapadali sakanila para magbayad ng tuition. Kapag sa August, nagastos na ito samga mas kagyat na pangangailangan.Taghirap rin ang August para sa mga pamilya ng magsasaka dahil naubosna nila ang kaunting kita nila sa pagtatanim. Samantala sa kasalukuyangacademic calendar, natataon ang enrollment bago ang panahon ngpagtatanim (Mayo at Hunyo) kaya may kaunti pa silang pera.

b.Titindi angpaglako sa edukasyonsa dayuhan at angpagigingkolonyal nitoLalong ilalako sa mga dayuhan ang edukasyon sa Pilipinas.Tulad ngginagawa sa ilalim ng programang medical tourism, pinapataas angbayarin sa mga kurso na kukunin ng mga dayuhan dahil mas malaki angkaya nilang bayaran.Sa kabilang banda, inaalis na ang mga kurso na hindi mabenta sa mgadayuhan. Ngayon palang, ipinapatupad na ito kahit sa mga SUCs kungsaan inaalis ang mga indibidwal na subject na kaunti lang ang estudyante.Sinasabi na kapag natuloy ang internationalization ang mga na-accreditsa mga board exam dito ay para na rin na-accredit sa iba pang mgabansa sa ASEAN. Magsisilbi itong katwiran para isara ang mga kurso ditosa Pilipinas na maaaring makuha naman sa ibang bansa.Kaugnay nito, lalong ipipilit sa atin ang mga kurso na nakabatay sapananaw ng kaunlaran na pabor sa mga dayuhan. Imbes na mga kurso saagrikultura, agham at teknolohiya, iba pang siyensya (na mahalaga sapambansang industriyalisasyon), agham panlipunan, at sining, angitutulak ay: BPOs, caregivers, atbp.Sa madaling salita, papalalain ang Labor Export Policy (LEP) nabumabansot sa ating ekonomiya at pabor lang sa mga dayuhan.

3.Ano ang tunay na dahilansa likod ngAcademic CalendarShift?Pagpapalala sa kolonyal at komersyalisadong katangian ng sistema ngedukasyon ang tunay na dahilan sa likod ng Academic Calendar Shift.Itutulak ang internationalization na nangangahulugan lamang namagsisilbi ito na parang kadugtong lang ng sistema ng edukasyon sa ibapang bansa, at ng mga ekonomiya nito.Imbes na maglikha ng mga propesyunal na magtataas sa antas ng atingagham at sining, ang mga kabataan ay itutulak na maging alipin sa ibangbayan sa ilalim ng Labor Export Policy.Para palabasin na makikinabang naman tayo, isusulong ang polisiya nakatulad ng medical tourism. Pero ang epekto nito, mas bibigyang halagana ang pag-attract sa mga dayuhang estudyante imbes na mga lokal.Habang mas madali tayong makakapag-paalipin sa ibang bayan, dadalirin na pasukin ang Pilipinas ng mga dayuhan. Mas marami ang magigingkakumpitensya ng mga Pilipino sa limitadong trabaho dito. Mas madalingmakakapambarat ng sahod at magtanggal ng mga benepisyo ang mgakapitalista.

4.Anoangalternatibonatin?Isang sistema ng edukasyon na makabayan, siyentipiko, at maka-masaang alternatibo natin sa kasalukuyang sistema ng kolonyal,komersyalisado, at pasista.Kapag edukasyong maka-masa, nangangahulugan ito na paniniguraduhinna makakapag-aral ang lahat ng kabataan, kahit ang pinaka-mahirap.Dapat dagdagan ang pondo ng mga pampublikong paaralan paramatanggap nito ang kahit sinong gustong mag-aral, at para mabigyan silang dekalidad na edukasyon.Kapag edukasyong makabayan, nangangahulugan na ito ay para sainteres ng mamamayang Pilipino at hindi ng iilan. Bukod sa pagbibigay-access sa lahat,kasama dito angpagsisilbing edukasyon parapaunlarinang ekonomiya sa paraang pabor sa mga manggagawa at magsasaka, athindi sa mga dayuhan at iilan.Kapag edukasyon siyentipiko, hindi lamang bibigyan kahalagahan angagham at teknolohiya, kundi pati ang kritikal na pag-iisip ng mgakabataan. Kailangang wakasan ang mga ibat-ibang mga ideya naipinapalaganap sa mga kabataan para panatilhin silang alipin sakasalukuyang sistema.

Kabanata IIIDISENYO AT PARAAN G PANANALIKSIK

I. Disenyo ng PananaliksikAng pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paraang deskriptiv. Sa maiklingpaglalarawan ito ay kumakatawan sa mga bagay na maaaring binibilang at pinag-aaralankaya tinawag rin itong statistikal na pananaliksik. Ang mga datos ng pananaliksik na itoaynababatay sa katotohanan, tumpak at maparaan. Sa mga mabilisang pag-aaral madalasginagamit ang pamaraang ito. Sapagkat ito ay nagbibigay lamang ng simplengpagbubuod sa kung ano ang nakalap na impormasyon. Kasama ng simpleng graf nabubuo ng isang makabuluhang interpretasyon at konklusyon.

II. RespondentAng mga napiling respondent ay galling sa College of Radio Technology ng Iligan Medical Center College. Ang mga respondent ay nas ikatlong taon na nilang pagaaral. Sila ang napiling respondent sapagkat ang ang kanilang edad at taon ay may kakayahan ng umintindi at magkaroon ng pananaw tungkol sa Isyung ito.

III. Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pasarvey. Ang mgamananaliksik ay naghanda ng sarvey-kwestyoner na naglalayong kumalap ng mga datoskaya nasuri ang damdamin, pananaw at kaalaman hinggil sa tamang paggamit ngallowans ng mga respondente.

IV. Tritment ng mga Datos

Ang pamaraang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa loob ngmaikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng survey, pag-tally at pagkuha ng porsyentonakuha ang mga datos sa pag-aaral na ito

Kabanata VLagom, Kongklusyn at Rekomendasyon

I. Lagom

Ang pananaliksik na itoy magbibigay alam sa mga kasagutan ng mga respondent tungkol saPagpapatupad ng Calendar Shift sa darating na Pasukan. Gamit ang deskriptiv-analitik, ang mgamananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa tatlompong respondent galling sa College of Radio Technology ng Iligan Medical Center College. Sa kanilang ikatlong taon.

II. KongklusyonPagkatapos i-tally ang resulta ng sarvey-kwestyoneyr, nalaman ng mananaliksik