BUKAD ASHI - ashi.org.ph VOL 001... · 1996– nagsimula ang operasyon sa San Jose at Hamtic sa probinsiya ng Antique 1997– 2000- pinalawak ang operasyon sa mga Bayan sa Lalawigan

Embed Size (px)

Citation preview

  • ASHI sa nakalipas na 25 Taon: 1989 nagsimula bilang The Rural Credit to Reduce Hard Core Poverty Action Research Project sa UP, Los Banos, Laguna sa pangunguna ni Prof. Generoso Octavio, PhD 1991 narehistro sa Security and Exchange Commission (SEC), bilang ganap na NGO 1992 1994 nakaranas ng krisis sa pagbabayad at kawalan ng pondo 1994 nahirang na Pangulo si Gng. Mila Mercado Bunker 1995 nagbalangkas ng mga pamamaraan sa pag unlad at Operational Viability 1996 nagsimula ang operasyon sa San Jose at Hamtic sa probinsiya ng Antique 1997 2000- pinalawak ang operasyon sa mga Bayan sa Lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Antique 2003 nagsimulang gamitin ang computerized MIS 2004 -2009 isinagawa ang malawakang Restoration Process sa mga krisis na mga sangay 2008 nakakuha ng A- Social Rating galling sa MicroFinanza 2010 nagsimulang gamitin ang Progress out of Poverty Index at balangkasin ang 4 Key Result Area (KRA) para sa 2010-15 Plan 2011 sinimulang sundin ang Client Protection Principles (CPP) ng Smart Campaign at pinatupad ang No to Lengthy Center Meeting sa lahat ng sentro. 2012 tumaas ang Portfolio at Risk (PAR) hanggang 9.10% 2013 2014 isinagawa ang Restoration Process at Consolidation of Centers sa mga krisis na sentro at sangay. 2015 nahirang na bagong Pangulo si Gng. Mercedes R. Abad - binalangkas ang 2016 2020 Strategic Plan ng ASHI - isinaayos ang mga benepisyo at suweldo ng mga tauhan - nagsimula ng malawakang operasyon sa lalawigan ng, Aklan, Capiz at Quezon - isinagawa ang Social Performance Assessment ng SPI4 ng Cerise 2016 ibinalangkas at ipinatupad ang mga pagbabago sa mga patakaran at polisiya ayon sa mungkahi ng SP Assessment. - nagawaran ng Truelift ASPIRANT Practitioner Milestone - siniyasat ang Strategic Plan 2017-2020 at binalangkas ang 4 Strategic Goals - isinakatuparan ang paggamit ng Online Data Base System - gumanda ang performance ng mga sangay kaya mas marami ang natulungan - idinaos ang Ika 25 Taon ng Ahon sa Hirap, Inc. sa UP Los Banos, Laguna

    Pagdiriwang ng ika- 25 TAON NG ASHI, napuno ng inspirasyon.

    Ang makasaysayang pagdiriwang ng ika 25 Taon ng ASHI na ginanap sa

    University of the Philippines, Los Banos, Laguna noong ika 16 ng Hulyo, 2016

    ay naging mas makulay ng personal na dumating ang pangunahing panauhing

    pandangal na si Kgg. Leonora G. Robredo Pangalawang Pangulo ng

    bansa. Namangha ang lahat sa angking kababaang loob ng Ikalawang

    Pangulo. Siya naman ay nagulat at namangha sa ipinakitang pagkakaisa,

    tatag at pag unlad ng ASHI. Lalo siyang napamangha ng kaniyang napaking-

    gan ang talambuhay ng isang kaanib ng ASHI na si Nanay Nancy Tuazon ng

    Cogeo, Antipolo.

    Ang kuwento ni Nanay Nancy Tuazon ay nagsimula noong 2011 ng siya ay sumali sa ASHI. Siya ay

    nagsimula lang sa pananahi ng punda ng unan at sa tulong ng kaniyang asawa ay napalago ang

    kanilang negosyo gamit ang maliit na puhunang nahiram nila sa ASHI. At dahil dito sila ay nakapag-

    pundar ng sariling lupat bahay, sariling patahian ng ibat ibang damit pambata, kurtina at sapin ng

    mga kasangkapan. Dahil sa kaniyang angking galing at sipag siya ay hinirang na Group Chairperson

    ng kanilang grupo, at naging Center Chief ng kaniyang sentro.. Sa kalaunan ay nakakuha siya ng

    puwesto sa Cogeo Antipolo Market kung saan niya ibinebenta ang mga produkto. Ibinahagi niya ang

    pag unlad ng kaniyang negosyo sa kaniyang mga kagrupo, kasentro at pamayanan sa pagbibigay

    kontrata sa pagtatahi ng kaniyang kalakal.

    Eto ang patunay na malaki ang pag- asa ng mga nasa laylayan, hanggat nariyan ang

    disiplina, pagkakaisa, sipag, tiyaga at lakas ng loob at higit sa lahat ang kumapit lagi sa Dyos.

    At kung ang mga NGO katulad ng ASHI ay patuloy at masusing inaalalayan ang mga kasapi,

    ang maliit na puhunan ay lalago tungo sa kaginhawahan ng kanilang buhay, ang sariling

    pangangailangan ay matutugunan at makakatulong pa sa iba tungo sa pag- unlad ng pamaya-

    nan at bayan. Ang gobyerno ay mas magiging epektibo sa pagsugpo ng kahirapan kung may

    mga katulad ng ASHI na tutulong at aalalay sa kanila.- VP Robredo

    Mapalad tayo sa ASHI dahil personal na binisita at dinaluhan ng Pangalawang Pangulo ng Bansa

    ang ating pagdaraos ng Ika- 25 taon. Isang karangalan din natin na gawin niyang halimbawa ang

    ASHI at buhay ni Nanay Nancy Tuazon sa kaniyang talumpati sa Micro- Finance Council of the

    Philippines (MCPI) Conference, sa Century Park Hotel, Manila noong Hulyo 28-29, 2016.

    www.ashi.org.ph ISSUE # 01 2017

    JANUARY 2017

    Laguna South Branch Rizal South Branch

    Rizal East Branch

    Best Center Chief

    ELSA GERAL- MSWB

    Best Deputy Center Chief

    VERONICA CUALING-ANWB

    MALANDOG 43-ASWB

    Best Center

    ARAS-ASAN 10 ASWB

    Best Center Hall

    JEAN FLAVIANO ANB

    OUTSTANDING Member Best Business in Agriculture

    Best Life Transformation Story Best Business in

    Best in Growth & Innovations Best in Community Service

    YOLLEN ARGUELLES ACB

    MARILYN SICOY MSWB BENEDICTA ALEDO MSB

    LUCIA LUMACAD ANWB MILAGROS MANOLES LSB

    MAKUKULAY NA BILANG NG MGA KAANIB AT TAUHAN

    LERMA GARACHICO ASB EMILYN STA. MARIA RCB ANGELINA SIBAYAN LEB

    GROUP 6 CENTER SAPANG 1

    Rizal South Branch

    GROUP 3 MAYONDON 36

    Laguna South Branch

    PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG GRUPO NG ASHI

    PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG KAANIB NG ASHI

    SONIA ZAMORA ANB

    MARILYN FAJARDO RWB CECILIA HABULAN MSB ADORA FAJICULAY ASB

    LAARNI DITABLAN RSB

    Providing Services

    PARANGAL SA PINAKAMAHUHUSAY NA KAANIB NG ASHI

    PARANGAL SA MGA NATATANGING INA

    Mensahe ng Presidente: MERCEDES R. ABAD

    Mga Minamahal kong mga Nanay ng ASHI,

    Makahulugan at matagumpay nating naipagdiwang ang ika-25 taong anibersaryo ng ASHI at mananatili

    sa ating puso at kalooban ang mga maraming biyaya na natanggap natin:

    -Mahigit 2000 mga nanay ang dumalo at nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang- palad ang

    Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, Leni Robredo

    -Mabungang 2016 na kalakaran

    -Espesyal na regalo para sa pangkalusugan ng mga miyembro na pinangangalagaan. Ang kalusugan ay

    dapat pinangangalagaan at binibigyan ng prioredad dahil ito ang magsisilbing puhunan sa buhay natin

    Maraming salamat sa inyong masusi na pagtratrabaho at tapat na pagtugon sa inyong pananagutan. Ito ay dagliang

    napansin ng namumuhunan (Funders) natin. Napansin na nila na ang mga miyembro ng ASHI ay responsable at maagap sa

    paggamit ng puhunan kaya makakuha na ang ASHI ng pundo sa mas mababang interes at mapagkatiwalaan na sa mas

    malaking pundo. Dahil dito mas marami pa tayong matutulungan. Ang inyong maayos at masinop na pagtatrabaho ay

    sumasalamin sa ASHI.

    Inaasahan namin na lahat kayo ay tumanggap ng regalong pang- 25 anibersaryo ng ASHI tulad ng libreng Xray, CBC,

    urinalysis, blood type at blood count. Ito ang magsusuri sa inyong kondisyong pangkalusugan at kung may kinakailangang

    bigyang atensyon, ay dagliang maagapan bago pa ito lumala.

    Mayroon na rin tayong espesyal na linya upang tumanggap ng inyong mga reklamo. Tumawag lamang sa 09175534162.

    Magagalak kaming mapagsilbihan kayo sa lahat ng pagkakataon at pamamaraan.

    Sama-sama tayong magpakumbabang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang ipagkaloob sa atin ng Panginoon. Sama-

    sama rin tayong magdadasal sa 3 Oclock Prayer para

    patuloy tayong pagpalain at proteksyonan sa ano mang

    kapahamakan.

    Nagmamahal,

    Mercy

    PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG TAUHAN

    BUKAD ASHI

    FELICIDAD CALALO LNEB

    PAGKILALA SA MGA NAGBIGAY PARANGAL SA ASHI

    Abangan ang REGIONAL

    CONSULTATION sa

    Marso. Pumili ng karapat

    dapat na Representante sa

    Board.

    Loan Outstanding Membership

    EXHIBIT NG MGA LIKHA, GAWA AT PRODUKTO NG MGA KAANIB