Buhay Eskwela: Aral sa Loob, Trabaho sa Labas

  • View
    12.903

  • Download
    16

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang Pag-aaral sa mga Manggagawang Mag-aaral “Buhay Eskwela: Aral sa Loob, Trabaho sa Labas”Castro, Caroline; Go, Sharleen Dianne; Idanan, Shalaine; Oliveros, Cernan; Santos, Hazel mula sa klase ng I-4 BSN, UST Kolehiyo ng Nursing T.A. 2008-2009.Sa patnubay ni Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M.Ed.Ang mga working students ay mauuri sa dalawa: ang full-time at ang part-time working students. Ang mga full-time working students ay isang mag – aaral na kumukuha ng kabuuang bilang ng kanyang mga yunits para sa isang taon at nagtatrabaho ng 25 oras o mas marami pang oras sa isang linggo. Ang isang part – time working student ay kadalasang nagtatrabaho ng 25 o 20 oras pababa. Ang kanilang mga trabaho naman ay mauuri bilang on-campus o off-campus.LayuninI. Mga Kaugnay na Babasahin at LiteraturaA. Mga Uri ng Working StudentsB. Mga Epekto ng Pagiging Isang Working StudentC. Adbentahe at Disadbentahe ng Pagiging Working StudentD. Nakukuhang suporta mula sa pamahalaan, employer at paaralanII. Paglalahad ng Sariling Pag-aaralA. MetodolohiyaB. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng DatosIII. Kongklusyon, Rekomendasyon at Bibliograpiya

Text of Buhay Eskwela: Aral sa Loob, Trabaho sa Labas

Isang Pag-aaral sa mga Manggagawang Mag-aaral Buhay Eskwela: Aral sa Loob, Trabaho sa LabasCastro, Caroline; Go, Sharleen Dianne; Idanan, Shalaine; Oliveros, Cernan; Santos, Hazel mula sa klase ng I-4 BSN, UST Kolehiyo ng Nursing T.A. 2008-2009. Sa patnubay ni Prop. Zendel Rosario Manaois-Taruc, M.Ed.

Layunin Makapagbigay ng sapat na impormasyong nauukol sa manggagawang mag-aaral. Maimulat ang mga mambabasa sa mga epekto, adbentahe at disadbentahe ng pagiging isang manggagawang mag-aaral Maibahagi ang ilang buhay ng mga piling manggagawang mag-aaral ng kasalukuyang panahon at makapagbigay ng mga rekomendasyong maaaring makatulong sa kanila. Mapukaw ang mga mambabasa sa mga kwento ng pagiging isang manggagawang mag-aaral at sila ay magsilbing inspirasyon upang magpursigi sa buhay.

I. Mga Kaugnay na Babasahin at LiteraturaAng mga kabataang Pilipino ay itinuturing na pinakamahalagang kayamanan ng ating bansa. Ang mga kabataan ngayon ay hindi lamang sa pag-aaral napupunta ang atensyon, may iba na kailangan pang magtrabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan at pag-aaral. Taong 2004, ayon sa World Program of Action for Youth Implementation in the Philippines, tinatayang mayroong 3,408,000 bilang ng mga working students sa ating bansa.

Mahihinuha sa talang ito [table B] na may 4,756,330 ang bilang ng mga kabataang edad 16-24 ang nag-aaral sa antas mula high school hanggang post graduate (2003). Sa talang ito [table 10] naman ay matatayang may 6,483,000 ang kabuuang bilang ng mga employed na mga kabataan edad 15-24. (2003). Ang mga talang ito ay nagpapakita lamang ng bilang ng mga mag-aaral at manggagawa na may edad 15-24, hindi pa mahihuna dito ang bilang ng mga working students dahil ang mga manggagawang kabataan na nabanggit ay maaaring mula rin sa mga hindi pumapasok sa paaralan. Ayon sa talang [table3] ito ay nasa 6,519,000 ang kabuuang bilang ng mga employed na mga kabataan edad 15-24 sa taong 2008. Kung ikukumpara naman ang impormasyong ito sa naunang pahayag na bilang ng mga working students, maaaring mahinuha na halos kalahati ng bilang ng mga manggagawang kabataan (2008) ay mga manggagawang estudyante (2004)

A. Mga Uri ng Working StudentsAng mga working students ay mauuri sa dalawa: ang full-time at ang part-time working students. Ang mga full-time working students ay isang mag aaral na kumukuha ng kabuuang bilang ng kanyang mga yunits para sa isang taon at nagtatrabaho ng 25 oras o mas marami pang oras sa isang linggo. Ang isang part time working student ay kadalasang nagtatrabaho ng 25 o 20 oras pababa. Ang kanilang mga trabaho naman ay mauuri bilang on-campus o off-campus jobs. (Orszag, Jonathan M. at Whitmore, D. 2001)

B. Mga Epekto ng Pagiging Isang Working Studenta) Sa Oras Sa nakalipas na mga pag aaral; sinasabing habang humahaba ang oras na inilalaan ng mag aaral sa pagtatrabaho, umiikli ang oras na nailalaan sa pag aaral at sa mga sosyal na aktibidad. (Fjortoft, 1995) (Turtle, Tina). Para magawang balansehin ang oras, sinisigurado ng mag aaral na nakapokus at produktibo siya tuwing nasa klase. (Lazarony Lucy). Natututo rin ang mag aaral na iwasan ang pagaaksaya ng oras. (Salama, Samir 2007)

b) Sa Pagtatapos ng Pag - aaral Ang oras na inilalaan ng mag aaral sa pagtatrabaho ay nakakaapekto sa kagustuhan ng mag aaral na tapusin ang kanyang pag aaral. Kadalasan, ang mga full time working student ay may posibilidad na tumigil sa pag aaral. (Orszag, Jonathan M. 2001). Kadalasang nababago ng pagtatrabaho ang mga pangarap ng mag-aaral lalo na kung mahaba ang oras na inilalaan sa pagtatrabaho (15 oras mahigit). Halimbawa kung sa simula ay nais niyang makatapos ng pag aaral; napapalitan ito ng mentalidad na katanggap tanggap na ang kasalukuyan niyang hanapbuhay. Kaugnay nito ang kawalan ng interes sa pag aaral at maling mentalidad ukol sa edukasyon. (Kelly, Karen 1998) c) Sa Akademikong Paggawa Kung ang working student ay naglalaan ng tamang oras (hal. 10 oras kada linggo) sa isang trabahong on campus; may posibilidad na mas gumanda ang kanyang academic performance. (Orszag Jonathan M. 2001) Samantalang kung higit pa sa 15 oras ang inilalaan niya sa pagtatrabaho; may posibilidad na bumaba ang mga grado ng mag aaral. (Kelly, Karen 1998) d) Sa kalusugan Dahil sa pagod, kadalasang inaantok ang mga mag aaral pagdating ng klase. Kadalasang idinadaan na lamang nila ito sa pag inom ng bitamina at pagkakaroon ng mentalidad na walang mangyayaring masama.

C. Adbentahe at Disadbentahe ng Pagiging Working Studenta) Adbentahe Oportunidad Isang magandang paraan upang maging responsable at marunong tumayo sa sarili ang isang mag-aaral ay sa pamamagitan ng pagtatrabaho o pagiging working student. Sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho, lumalawak ang karanasan ng mag-aaral at hindi nalilimitahan sa paaralan. (Salama, S., 2007) Wastong pamamahala ng ora Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong ang pagtatrabaho ng maaga sa tagumpay ng mag-aaral dahil nagagawa nitong paunlarin ang kakayahan ng magaaral sa pamamahala ng kanyang oras, sa pagpapauna ng gawain at pakikisama sa kapwa (Mckinney J., Rago M., Tuttle T., 2005). Sila ay kadalasan nagiging matagumpay sa mga ginagawa nila dahilan na rin sa pagkatuto nila mamahala ng oras nila at kung ano ang dapat unahin (Mckinney J., Rago M., Tuttle T., 2005). Inspirasyon Ang mga mahahalagang karanasan na maibibigay ng pagtatrabaho ay maaaring makatulong sa magiging o piniling karera ng isang mag-aaral (Choy, 2002). At ito ang nagtutulak sa kanila na mas sipagan pa sa pagtatrabaho at pag-aaral para umangat ang pamumuhay nila. Ngunit ito ay nakadepende pa rin ng malaki sa piniling trabaho ng estudyante partikular na sa mga nag-aaral sa kolehiyo. Mga Natutunang Karanasan Ang mga mag-aaral na nagtatrabaho ay nakakatulong din sa kanyang pamilya upang mabawasan ang mga gastusin. Sa halip na maging pabigat sa kanilang mga magulang, ang mga mag-aaral na wala namang gaanong ginagawa ay makakadagdag pa sa kita ng pamilya kung sila ay magtatrabaho din.

Kadalasan pa nga natutunan nila ang maging responsable sa mga bagay-bagay tulad ng paghahawak ng pera, pagbabudget nito, at paggamit nito sa tamang paraan at panahon, alam nila kung paano naghihirap ang mga magulang sa pagtatrabaho kayat natututunan nilang alagaan ang perang naipon nila dahil pinaghirapan nila ito (Lazarony, 2001). Ang isang working student ay hindi lamang natututo sa paaralan, kundi pati rin sa kanayng pnagtatrabahuan. Bilang isang working student, matututo kang makiharap sa iba't ibang klase ng tao. Makakakilala ka ng ibat- ibang uri ng taong may ibat iba ang pinagmulan. Maaari pang mahasa ang iyong communication skills. At kung may relasyon sa iyong kurso ang iyong trabaho, may pagkakataon kang mai-aaply agad ang mga leksyon na napapag-aralan mo sa eskwela. Ikaw rin ay matututong magdesisyon para sa iyong sarili. (Munar, 2002) Pagpapahalaga Ayon sa ilang mananaliksik ang mag-aaral na may naiambag para sa kanilang sariling edukasyon ay mas nagpapahalaga sa kanilang pag-aaral (Hampton, 2001). Nagpapakita din sila ng pagiging magandang halimbawa at lider sa mga estudyante. Dahil sa pagtatrabaho ay mas napahahalagahan nila ang perang kinita nila dahil galing ito sa sarili nilang dugo at pawis. b) Disadbentahe Pamamahala ng Oras Ang pagtatrabaho din ang pinaka nakakakompromiso dahil madalas nawawalan na ng pokus at oras ang estudyante upang mag-aral. Bagamat may mangilan-ilan na nagagawang balansehin ang kanilang pagtatrabaho at pag-aaral, mas marami pa rin ang mga estudyante na nahihirapan sumabay sa mga aralin lalo na para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho nang higit pa sa labing-limang oras kada linggo. Mababang Grado Kumpara sa mga hindi nagtatrabaho ng mas magtagal ay mas mababa ang GPA (General Point Average) kumpara sa mga hindi nagtatrabaho, minsan pa nga bumabagsak pa sila kaya ang iba ay kumukuha ng madaling kurso para makuha pa rin nila ang gradong kailangan nila para makatapos o kaya naman ay nagdadropout nalang sila (Chellgren, 2001). Kung gaano karaming oras ang inilalaan ng estudyante sa pagtatrabaho, ganun naman kaliit ang oras na meron ang estudyanteng nagtatrabaho para sa ibang gawain sa eskwelahan (Fjortoff, 1995). Kung minsan, mas binibigyang halaga ng estudyante ang kanyang trabaho kaysa sa pag-aaral. Kalusugan Isa pang di magandang dulot ng pagtatrabaho sa mag-aaral ay epekto nito sa kanyang kalusugan. Bagamat maraming working students ang umamin na sila ay inaantok at napapagod, naniniwala sila na malusog at wala silang sakit. Ngunit para kay Dra. Rosnato R. Diaz, isang doktor sa Cebu City Medical Center, mapanganib na ipagpawalang bahala nila ang kanilang mga nararamdaman at masamang abusuhin ang katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga bitamina at suplemento. Isyung Sosyal Ang masamang dulot naman sa kanila ay ang kanilang malayong relasyon sa kanilang pamilya, kaibigan o kahit kanino man na malapit sa kanila, ika nga bumababa na ang kanilang social life.

D. Nakukuhang suporta mula sa pamahalaan, employer at paaralanAng ating gobyerno ay mayroong mga programa para sa scholarships at student loans ngunit ito lamang ay nakakatulong sa 1.82 porsyento ng buong populasyon ng mga estudyante. (CPAYC, 2005) Ang mga manggagawang estudyante na may edad 15-25 taong-gulang dito sa Pilipinas ay maaaring makinabang sa SPES o Special Program for Employment of Students sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya at pampublikong opisina tuwing bakasyon. Ang mga SPES accredited employers ay nagbibigay ng 60% na sweldo ng mga estudyante at ang natitirang 40% ay sinasagot ng gobyerno para sa pambayad sa matrikula at mga libro. Sa ngayon, 984,840 na ang nakinabang sa SPES mula 1995. (Uy,2008) Sa ngayon ay may mga batas na isinusulong upang mabigyan ng mga karampatang discounts, ang mga mahihirap na manggagawang estudyanteng kolehiyo, sa pagkain, transportasyon, gamot, matrikula, miscellaneous, school suppli