10
H E K A S I 6 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS BAKIT MAHALAGA ANG PAMAHALAAN Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

  • Upload
    lammien

  • View
    360

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

H E K A S I

6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

BAKIT MAHALAGA ANG PAMAHALAAN

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

1

GRADE VI

BAKIT MAHALAGA ANG PAMAHALAAN

Pag-aralan ang mga larawan.

• Ano ang ipinakikita ng mga larawan? • Sa iyong palagay, sino ang nagkakaloob ng mga ito sa taong bayan?

Sa pag-aaral ng araling ito matututuhan mo ang mga sumusunod:

• Kahalagahan ng pamahalaan • Mga iba’t-ibang paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa mga

mamamayan at sa ating bayan.

ALAMIN MO

Page 4: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

2

Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagsasaad ng tungkol sa pamahalaan at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong notebook.

A, Namamahala at tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

B. Nagpapagawa ng mga kalsada at tulay upang makarating sa liblib na pook.

C. Pinaglilingkuran lamang ang mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.

D. Nagpapatupad ng mga tuntunin at patakaran para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa

E. May mga pinuno na gumaganap ng iba’t-ibang tungkulin.

Pag-aralan ang mga sinasabi ng mga bata.

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

_____

_____

_____

_____

_____

Maraming serbisyo ang pamahalaan sa atin. Libreng edukasyon, libreng pagpapagamot sa ospital pampubliko. May bahay ampunan para sa mga batang ulila, matatanda at mahihirap.

May mga batas na ipinatutupad upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng bansa. May pabahay na mura ang halaga

1.

2.

Page 5: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

3

Batay sa nabasa mo sa salitaan, mahalaga ba ang pamahalaan? Anu-ano ang mga paglilingkod ng pamahalaan na nabanggit sa bawat dayalogo? Ano kaya ang mangyayari sa isang bansa kung walang pamahalaan? Basahin.

Kung ikaw ay may kaso, may manananggol na ibinibigay kung wala kang pambayad. May mga proyekto rin ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng pamumuhay. Halimbawa kooperatiba, pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda.

May inilunsad ding iba pang programa tulad “Linis Ganda” para sa kalinisan ng kapaligiran, “Bantay Bata” para matulungan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga batang biktima ng karahasan, at mga “street children”

3.

4.

Kailangan natin ang pamahalaan upang mapangalagaan ang

kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Mahalaga na may tagapamahala sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng sambayanan. Hindi magiging maayos at tahimik ang kapaligiran kung walang tagapamahala.

Maraming pangangailangan ang mamamayan upang mabuhay

nang matiwasay. Kailangan niyang maging malusog at malakas. Upang maging masagana at kapaki-pakinabang sa lipunan kailangan din niya ng maunlad na edukasyon at mabuting kalagayang pangkalusugan. Kasama na rito ang mga benepisyo na murang pabahay. Ang mga ito at iba pang pangangailangan ng tao ay ibinibigay ng pamahalaan.

Page 6: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

4

Balikan mo ang larawan sa pahina _______.

Itala mo ang mga paglilingkod ng pamahalaang ipinakita sa larawan.

Isulat ang sagot sa iyong notebook.

PAGSANAYAN MO

PAMAHALAAN

Page 7: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

5

,

• Mahalaga ang pamahalaan sa pangangalaga ng kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

• Ang pamahalaan ay isa sa tumutugon sa pangangailangan ng mga

mamamayan.

• May iba’t-ibang paglilingkod na isinasagawa ang pamahalaan para sa mamamayan.

Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan. Lagyan ng tsek ( ) ang S kung sang-ayon at ekis ( X ) ang DS kung hindi sang-ayon. Isulat ang iyong sagot sa notebook.

Mahalaga ang pamahalaan sa: S DS

1. pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bansa. 2. pag-unlad at pagsulong ng pamumuhay. 3. pagbibigay ng tulong sa mga kakilala. 4. pagtupad sa mga ipinangako sa panahon ng halalan

na hindi isinasaalang-alang ang pangunahing pangangailangan

5. Pagbibigay ng iba’t-ibang paglilingkod sa mga mamamayan.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 8: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

6

Piliin sa bilog ang paglilingkod na tinatamasa ng inyong mag-anak. Isulat kung paano mo ito natamo sa iyong notebook.

GAWIN MO

? Libreng edukasyon

Libreng pagpapa- gamot

Tahimik at payapang pamayanan

Maayos at malinis na kapaligiran

Tulong material at pera dulot ng sunog

baha o bagyo

Proteksyon laban sa panganib

Anu-anong mga paglilingkod ng pamahalaan na tinatamasa ng inyong mag- anak?

Page 9: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

7

Piliin ang mga pangungusap na nagpapahayag kung bakit ang

pamahalaan ay mahalaga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng mga lobo. A. Nagbibigay ng libreng pagpapagamot sa mga maysakit na

nangangailangan. B. Nagbibigay ng mga bigas, damit, de lata at iba pang pantulong sa

biktima ng kalamidad. C. Nangangalaga ng mga “drug lords”. D. Pinapayaman ang mga pinuno ng pamahalaan. E. Pinapanatili ang pambansang kaligtasan sa anumang panganib. F. Pinapangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan. G. May Hukbong Pandagat na nagpapatrulya sa karagatan.

PAGTATAYA

Page 10: BAKIT MAHALAGA ANG I PAMAHALAAN - …dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/25bakit_mahalaga... · Kailangan niyang maging malusog at malakas. ... Binabati kita at matagumpay

8

1. Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga ginagawa ng pamahalaan

para sa mamamayan. 2. Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga paglilingkod na ibinibigay ng

pamahalaan. Sumulat ng ilang pangungusap tungkol dito.

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.