8
Ipagdiriwang ang ika-164 na taon ng pagkatatag ng Bayan ng San Juan mula Disyembre 10 –12 na tinaguriang LAMBAYOK FESTIVAL 2012 sa pamamagitan ng mga palatuntunan na may temang “Kaugalian at Tradisyong San Juaneños: NOON AT NGAYON TATAK NG BATANGUEÑO. Napakahalaga at natatangi ang selebrasyon sa taong ito na tumapat sa Disyembre 12,2012 (12-12-12). Ang pagkatatag ng ating Bayan ng San Juan ay ipinagdiriwang taon-taon bilang pasasalamat sa ating Mahal na Patron, San Juan Nepomuceno na kilala sa kaniyang mga himala. Ang mga sumusunod ang nakahandang palatuntunan para sa tatlong araw na kasayahan na may kinalaman sa mga kaugalian at tradisyon ng ating bayan. LAMBAYOK FESTIVAL 2012 “NOON” Day 1 - December 10, 2012 5:30 am SK Fun run Plaza to Buhaynasapa 8:00 am Program Municipal Plaza 9:30 am Opening (Agri/Tourism & Food Fair) Municipal Plaza 10:00 am Makibata, Makisaya sa Lambayok Municipal Plaza 1:00 - 5:00 pm Videoke Challenge 7:00 pm Gng. San Juan 2012 Municipal Gym Coronation Night “NGAYON” Day II - December 11, 2012 9:00 am Street Dancing & Parade BB. SAN JUAN 2012 Candidates Parade 1:00-5:00 pm Dance Showdown Competition 7:00 am BB. SAN JUAN PAGEANT NIGHT “HINAHARAP” Day III - December 12, 2012 7:00 am Thanksgiving Mass 8:00 am San Juan Civic Parade 9:30 am Program 10:00 am Lupakan Challenge 1:00-3:00 pm Laro ng Lahi 1:00-5:00 pm Kundirana Singing Competition 6:00 pm Recognition / Awards Night / Closing Ceremony Fireworks Kaalinsabay ng pagdiri- wang ng ika-164 na Taon ng Pagkatatag ng Bayan ng San Juan, ay inilunsad ang opisyal na pahayagan ng bayan, “ Ang Bagong Araw”. Sa simula pa lamang ng pan- ungkulan ng Punong Bayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo ang pagkaka- roon ng newsletter o pahayagan ang isa sa kanyang mithiin. La- yunin niya na ang lahat ng kaga- napan, lalo’t higit sa kanyang pa- nunungkulan ay mai-ulat sa mga mamamayan na siyang nagbigay sa kanya ng karapatang sila ay pa- munuan. Pinamagatan ang pahaya- gang “Ang Bagong Araw” na si- yang tema ng Himno ng San Juan. Napili ng patnugutan ang “Ang Bagong Araw” na sumisimbolo sa Bagong Pag-asa, pagbabagong nagaganap at magaganap pa sa bayan ng San Juan. Kaagad nagpulong ang Sang- guniang Panlalawigan ng Batangas upang maaprubahan ang pondong pangsuporta sa mga naapektuhan ng bagyo. Iniabot ni Gob. Vilma Santos-Rec- to kay Punumbayan Rodolfo H. Manalo ang isang tseke na nagkakahalaga ng P 974,000.00 kung saan nilinaw niyang ang P500,000.00 ay para sa kurudo ng mga heavy equipment na magsasaay- os ng mga nasira ng bagyo at ang hal- agang P474,000.00 naman ay tulong- pangsuporta sa mga mamamayang naapektuhan (totally and partially damaged houses, livestock and crops). Ipinaalam ni Mayor Manalo sa mga mamamayan na una nang nag- kaloob ang gobernadora ng 500 pak ng mga grocery samantalang nag- padala rin si Cong. Dong Mendoza ng 600 pak na grocery, limang kahong Ligo, 3 kahong Skyflakes at 1 sakong “used clothes” at halagang P100,000. Kasabay nito ang pag-aabot ni Mayor Manalo ng isang liham-kahilin- gan sa Sangguniang Panlalawigan na mapagkalooban pa ng P 5 Milyon ang bayan ng San Juan para sa pagpapaga- wa ng embankment ng Lawaye River dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng ganitong kalamidad. Sinabi ni gobernadora na hindi siya nangangako pero sisiguraduhin niyang maipasok ang kahilingang ito sa 2013 badyet ng Panlalawigang Ca- lamity Fund. Bago bumisita sa mga barangay na naapektuhan ng bagyo, nagkaroon muna ng blessing o pagbabasbas ng Municipal Montessori School. “Kaya natin yan! Hindi ako, hindi ikaw, kundi TAYO ang kailangang mag- tulungan!”. Ito ang naging pangwakas na salita ni Gob. Vi. Upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyog “Ofel” sa bayan ng San Juan, bumisita sina Kgg. Vilma Santos Recto, Bise Gob. Mark Leviste, kasama sina Bokal Weng Africa, Caloy Bolilia at Mabel Virtusio, at iba pang opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan, Nobyembre 12. SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING, iginawad sa Bayan San Juan Masayang tinanggap ng Punumbayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo, ang 2011 SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING BRONZE award mula sa DILG sa pama- magitan ni MLGOO Rosita G. Ra- bano, matapos ang Flag Raising Ceremony, Pebrero 6. Iginawad ang Seal of Good Housekeeping sa bayan ng San Juan sapagkat ito ay nakapasa sa dalawang pamantayan nito, ang Accountable Governance (batay sa COA finding/opin- ion) at Transparent Governance (Posting of Full Disclosure of Budget and Finances). Ito ay bi- lang pagkilala sa pagsusumikap ng pamunuan na maipatupad ang “accountability and trans- parency” sa lokal na pamama- hala. Kalakip ng gantimpalang ito ang halagang 1 milyong piso (Php 1,000,000.00) mula sa Local Government Support Fund na gastusin bilang capital expen- ditures, laan sa mga proyektong pangkaunlaran na nakapaloob sa 2012 AIP. Ang nabanggit na halaga ay inilaan sa pagpapakal- sada ng Barangay Sampiro. Pinasalamatan ng masipag na Punumbayan ang lahat ng naging kabalikat niya sa pama- mahala tulad ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga kawani at mga Punong Baran- gay. Ipinangako niya na higit pa niyang pag-iibayuhin ang mata- pat at malinis na pamamahala sa bayan. 164th Founding Anniversary ng bayan, ipagdiriwang OPISYAL NA PAHAYAGAN NG BAYAN NG SAN JUAN UNANG LIMBAG • DISYEMBRE 2012V “Ang Bagong Araw,” opisyal na pahayagan, inilunsad Governor Vi, Congressman Dong, nagbigay ng tulong Matapos ang tatlong bu- wan simula ng gawin ang Public Hearing ng Pambayang Ordinansa na may pamagat na “ An Ordinance Prohibiting the Use of Plastic Bags on Dry Goods and the Use of Styro- foam and Regulating its Utiliza- tion on Wet Goods and Prohib- iting the Use of Styrofoam and Institutionalizing the use of Bio- degradable Containers Within the Municipality of San Juan, Batangas and Prescribing Pen- alties Thereof”, ito ay sinimulan ng ipatupad nitong buwan ng Nobyembre. Umani ng samot-saring puna at pagbatikos sa pamaha- laan ang pagpapatupad ng na- sabing batas, lalo’t higit mula sa sektor ng kalakalan. Ipinasa ang Ordinansang ito ng Sangguni- ang Bayan bilang pagtupad sa isinasaad ng Republic Act 2003 na pinamagatang Ecological Solid Waste Management Act na nagaatas na bumalik na sa tradisyonal at indigenous na lal- agyan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran gayon na rin ang mga karagatan. Ina- tasan ng Punong Bayan ang Pambayang Tagapangasiwa na si G. Frank Ilustrado at nagtala- ga ng dalawang Environmental Police na sina Freddie Sadsad at Joseph Catapang upang pan- gasiwaan ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa. Ayon sa masipag na Pu- nong Bayan, Kgg. Rodolfo Manalo, napapanahon na at pagsama-samahan natin ang marangal na layunin ng ordi- nansa upang maging malinis ang kapaligiran, mabawasan ang gastusin sa paghahakot at pagsasaayos ng tapunan ng basura. Pambayang Ordinansa Bilang 04-2012, sinimulang ipatupad

bagong araw 2012

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: bagong araw 2012

Ipagdiriwang ang ika-164 na taon ng pagkatatag ng Bayan ng San Juan mula Disyembre 10 –12 na tinaguriang LAMBAYOK FESTIVAL 2012 sa pamamagitan ng mga palatuntunan na may temang “Kaugalian at Tradisyong San Juaneños: NOON AT NGAYON TATAK NG BATANGUEÑO. Napakahalaga at natatangi ang selebrasyon sa taong ito na tumapat sa Disyembre 12,2012 (12-12-12). Ang pagkatatag ng ating Bayan ng San Juan ay ipinagdiriwang taon-taon bilang pasasalamat sa ating Mahal na Patron, San Juan Nepomuceno na kilala sa kaniyang mga himala. Ang mga sumusunod ang nakahandang palatuntunan para sa tatlong araw na kasayahan na may kinalaman sa mga kaugalian at tradisyon ng ating bayan.

LAMBAYOK FESTIVAL 2012“NOON” Day 1 - December 10, 2012 5:30 am SK Fun run Plaza to Buhaynasapa8:00 am Program Municipal Plaza9:30 am Opening (Agri/Tourism & Food Fair) Municipal Plaza10:00 am Makibata, Makisaya sa Lambayok Municipal Plaza1:00 - 5:00 pm Videoke Challenge7:00 pm Gng. San Juan 2012 Municipal Gym

Coronation Night “NGAYON” Day II - December 11, 2012 9:00 am Street Dancing & Parade

BB. SAN JUAN 2012 Candidates Parade1:00-5:00 pm Dance Showdown Competition 7:00 am BB. SAN JUAN PAGEANT NIGHT “HINAHARAP” Day III - December 12, 20127:00 am Thanksgiving Mass8:00 am San Juan Civic Parade9:30 am Program 10:00 am Lupakan Challenge 1:00-3:00 pm Laro ng Lahi1:00-5:00 pm Kundirana Singing Competition 6:00 pm Recognition / Awards Night /

Closing CeremonyFireworks

Kaalinsabay ng pagdiri-wang ng ika-164 na Taon ng Pagkatatag ng Bayan ng San Juan, ay inilunsad ang opisyal na pahayagan ng bayan, “ Ang Bagong Araw”. Sa simula pa lamang ng pan-ungkulan ng Punong Bayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo ang pagkaka-roon ng newsletter o pahayagan ang isa sa kanyang mithiin. La-yunin niya na ang lahat ng kaga-napan, lalo’t higit sa kanyang pa-nunungkulan ay mai-ulat sa mga mamamayan na siyang nagbigay sa kanya ng karapatang sila ay pa-munuan. Pinamagatan ang pahaya-gang “Ang Bagong Araw” na si-yang tema ng Himno ng San Juan. Napili ng patnugutan ang “Ang Bagong Araw” na sumisimbolo sa Bagong Pag-asa, pagbabagong nagaganap at magaganap pa sa bayan ng San Juan.

Kaagad nagpulong ang Sang-guniang Panlalawigan ng Batangas upang maaprubahan ang pondong pangsuporta sa mga naapektuhan ng bagyo. Iniabot ni Gob. Vilma Santos-Rec-to kay Punumbayan Rodolfo H. Manalo ang isang tseke na nagkakahalaga ng P 974,000.00 kung saan nilinaw niyang ang P500,000.00 ay para sa kurudo ng mga heavy equipment na magsasaay-os ng mga nasira ng bagyo at ang hal-agang P474,000.00 naman ay tulong-pangsuporta sa mga mamamayang naapektuhan (totally and partially damaged houses, livestock and crops). Ipinaalam ni Mayor Manalo sa mga mamamayan na una nang nag-kaloob ang gobernadora ng 500 pak ng mga grocery samantalang nag-padala rin si Cong. Dong Mendoza ng 600 pak na grocery, limang kahong Ligo, 3 kahong Skyflakes at 1 sakong

“used clothes” at halagang P100,000. Kasabay nito ang pag-aabot ni Mayor Manalo ng isang liham-kahilin-gan sa Sangguniang Panlalawigan na mapagkalooban pa ng P 5 Milyon ang bayan ng San Juan para sa pagpapaga-wa ng embankment ng Lawaye River dahil dito nakasalalay ang kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng ganitong kalamidad. Sinabi ni gobernadora na hindi siya nangangako pero sisiguraduhin niyang maipasok ang kahilingang ito sa 2013 badyet ng Panlalawigang Ca-lamity Fund. Bago bumisita sa mga barangay na naapektuhan ng bagyo, nagkaroon muna ng blessing o pagbabasbas ng Municipal Montessori School. “Kaya natin yan! Hindi ako, hindi ikaw, kundi TAYO ang kailangang mag-tulungan!”. Ito ang naging pangwakas na salita ni Gob. Vi.

Upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyog “Ofel” sa bayan ng San Juan, bumisita sina Kgg. Vilma Santos Recto, Bise Gob. Mark Leviste, kasama sina Bokal Weng Africa, Caloy Bolilia at Mabel Virtusio, at iba pang opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan, Nobyembre 12.

SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING, iginawad sa Bayan San Juan

Masayang tinanggap ng Punumbayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo, ang 2011 SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING BRONZE award mula sa DILG sa pama-magitan ni MLGOO Rosita G. Ra-bano, matapos ang Flag Raising Ceremony, Pebrero 6. Iginawad ang Seal of Good Housekeeping sa bayan ng San Juan sapagkat ito ay nakapasa sa dalawang pamantayan nito, ang Accountable Governance (batay sa COA finding/opin-ion) at Transparent Governance (Posting of Full Disclosure of Budget and Finances). Ito ay bi-lang pagkilala sa pagsusumikap ng pamunuan na maipatupad ang “accountability and trans-parency” sa lokal na pamama-hala. Kalakip ng gantimpalang ito ang halagang 1 milyong piso

(Php 1,000,000.00) mula sa Local Government Support Fund na gastusin bilang capital expen-ditures, laan sa mga proyektong pangkaunlaran na nakapaloob sa 2012 AIP. Ang nabanggit na halaga ay inilaan sa pagpapakal-sada ng Barangay Sampiro. Pinasalamatan ng masipag

na Punumbayan ang lahat ng naging kabalikat niya sa pama-mahala tulad ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga kawani at mga Punong Baran-gay. Ipinangako niya na higit pa niyang pag-iibayuhin ang mata-pat at malinis na pamamahala sa bayan.

164th Founding Anniversary ng bayan, ipagdiriwang

Opisyal na pahayagan ng Bayan ng san Juan unang liMBag • DisyEMBRE 2012V

“Ang Bagong Araw,” opisyal na pahayagan,

inilunsad

Governor Vi, Congressman Dong, nagbigay ng tulong

Matapos ang tatlong bu-wan simula ng gawin ang Public Hearing ng Pambayang Ordinansa na may pamagat na “ An Ordinance Prohibiting the Use of Plastic Bags on Dry Goods and the Use of Styro-foam and Regulating its Utiliza-tion on Wet Goods and Prohib-iting the Use of Styrofoam and Institutionalizing the use of Bio-degradable Containers Within the Municipality of San Juan, Batangas and Prescribing Pen-alties Thereof”, ito ay sinimulan ng ipatupad nitong buwan ng Nobyembre.

Umani ng samot-saring puna at pagbatikos sa pamaha-laan ang pagpapatupad ng na-sabing batas, lalo’t higit mula sa sektor ng kalakalan. Ipinasa ang Ordinansang ito ng Sangguni-ang Bayan bilang pagtupad sa isinasaad ng Republic Act 2003

na pinamagatang Ecological Solid Waste Management Act na nagaatas na bumalik na sa tradisyonal at indigenous na lal-agyan upang mapangalagaan ang ating kapaligiran gayon na rin ang mga karagatan. Ina-tasan ng Punong Bayan ang Pambayang Tagapangasiwa na si G. Frank Ilustrado at nagtala-ga ng dalawang Environmental Police na sina Freddie Sadsad at Joseph Catapang upang pan-gasiwaan ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

Ayon sa masipag na Pu-nong Bayan, Kgg. Rodolfo Manalo, napapanahon na at pagsama-samahan natin ang marangal na layunin ng ordi-nansa upang maging malinis ang kapaligiran, mabawasan ang gastusin sa paghahakot at pagsasaayos ng tapunan ng basura.

Pambayang Ordinansa Bilang 04-2012,

sinimulang ipatupad

Page 2: bagong araw 2012

2 DISYEMBRE 2012

Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ay sumailalim sa isang Contingency Planning noong Agosto 17, 2012 sa LMB Session Hall sa pamamagitan ng Tagapagsanay na si G. Mark Cervantes ng World Bank at DRRM Consultant.

Tinalakay dito ang kahalaga-han ng pagkakaroon ng plano para sa mga sakunang hindi inaasahan. Nakasaad sa plano ang pamama-raan upang mapag-ibayo ang katatagan ng mga pamayanan at makapagtatag ng isang ligtas na lipunan sa pamamagitan ng pag-

Dinaluhan ang kumperensya ng Punumbayan Rodolfo H. Manalo, SB Members, SB Secretary, Municipal Administrator, Department Heads, PNP, BJMP, BFP, Federation of Senior Citizens President, MLGOO at panauhin mula sa DILG-Batangas na si Fatima Juel D. Trinidad, LGPMS coordinator. Sang-ayon sa itinakda ng limang (5) performance area na Administrative Governance, Social Governance, Economic Governance, Environmental Governance at Valuing Fundamentals of Governance, nakakuha ng 4.38 HIGH LGPMS Overall Performance Index ang bayan ng San Juan na katumbas ng EXCELLENT. Batay rin sa resulta, natutukoy ang mga kahinaan na maaring tugunin at palakasin at maisaalang-alang sa pagpaplano at paglalaan ng badyet sa susunod na taon. Hinikayat ni Kgg. Rodolfo H. Manalo ang mga dumalo na suriin ang resulta ng LGPMS at gumawa ng

Angmgapinarangalan ay sina Bernardino Villalobos, 2005 Outstanding Farmer of Batangas Province, Romeo De Villa, Rommel Hernandez at Manuel Maalihan.

Matagal ng kasama sa tagumpay ng mga magsasaka ng ating bayan ang Eastwest Seed Company.

Ginanap ang parangal sa Brgy. Palangue II,

Naic, Cavite, kasama ang iba pang matagumpay na magsasaka mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Makakatulong sa mga magsasaka ang ganitong pagpaparangal upang higit silang maging inspirado na maisakatuparan ang pagkakaroon ng sapat na pagkain para sa lahat.

Pag-aaral ng kompyuter, libre na! Nagkaroon ng katuparan ang Free Computer Literacy Program ng Pamahalaang Lokal sa tulong ng San Juan Alay Lakad Foundation sa pangunguna ng pangulo nito na si Gng. Teresita B. Manalo, ang maybahay ng ating punong bayan. Humigit-kumulang 40 daycare workers, 25 out of school youth, 23 barangay nutrition scholars, 20 barangay health workers, 5 barangay officials at 4 government employees ang nabigyan ng libreng pagsasanay.

Malaking Christmas Tree, inilawan Bilang hudyat na nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan, pinailawan ang malaking Christ-mas tree na itinayo sa harap ng munisipyo at sinabitan ng parol ng mga empleyado kasama ang mga kawani ng mga ahensyang national sa bayan ng San Juan.

MDRRMC, nagsanay

Resulta ng LGPMS 2011, inilahad

Upang mataya ang sariling kakayahan o performance ng local na pamahalaan, inilahad sa pamamagitan ng Utilization Conference ng Local Government Performance Management System (LGPMS) sa SB Session Hall, Mayo 24.

BALItANG KINIPIL

Ginawaranng “Plaque of Appreciation” ang Punong Bayan Rodolfo H. Manalong Bureau of Jail Management ang Penology ng Region IV-A, Calamba, City kaugnay ng pagdiriwangng 21st Anniversary Celebration of BJMP Region IV-A na Nangangalaga at Gumagabay

Tungo sa Matuwid na Buhay”, Agosto 24.

Ang nasabing plake ay bilang pagkilala sa buong pusong suporta at tulong na ibinibigay para sa maintenance, operations at mga activites para mapabuti at maiangat ang morale at kapakanan ng mga preso sa Pambayang Piitan.

Mayor Manalo, ginawaran ng kinilala ng BJMP

tugon sa mga may-dulot panganib na sanhi ng pagbabago ng klima at mga bunsod-taong kalamidad. Upang maging ganap ang gi-nawang pagsasanay, nagsagawa ng Community Drill sa Barangay Cat-mon noong Agosto 24, para lubos na maisakatuparan ang ginawang

pagpaplano. Nagbuo ng isang sce-nario na kung saan ang nasabing barangay ay nagdaranas ng matin-ding pagbaha dala ng “storm surge. Nagbigay ng hudyat si Punong Ba-rangay Ely Japlit na kailangan ng lu-mikas ang mga apektado ng baha. Maayos na nakiisa ang mga taong-barangay at pagkatapos ay nagka-roon ng ebalwasyon upang mala-man ang kalakasan at kahinaan ng isinagawang drill. Ito ay nilahukan ng MDRRMC, PNP, PAF, at mga Pu-nong Barangay bilang ”Observers” na maaari ring dumanas nang nasa-bing kalamidad. Kaugnay nito, ang lahat ng ba-rangay ay sumailalim na sa rin sa seminar para sa Contigency Plan-ning. Kaugnay nito, ang BDRRMC ng bawat barangay ay nakapag-sanay na rin sa Contingency Planning.

Apat na magsasaka, binigyang-parangal

Lubhang mahalaga at di malilimutan ng apat (4) na magsasaka ng gulay sa bayan ng San Juan nang sila ay bigyang –parangal ng Eastwest Seed Company, Nob. 13.

Mines and Geosciences Bureau, nagsagawa ng IECNagsagawa ng Information Education

Campaign (IEC) sa mga piling mamayan ng San Juan at mga guro ng Agham si Gng. Patricia Vergel de Dios-Kennedy, Senior Geologist ng Mines and Geosciences Bureau, Region IV sa LMB Hall, Nobyembre 19.

Sa kagustuhan ng Punong Bayan Rodolfo H. Manalo na maipaabot sa mamamayan ang naging resulta ng pag-aaral ng Mines and Geosicences Bureau ng Region IV-A sa nangyaring pagguho ng lupa (landslide) sa kasagsagan ng bayong Ofel, minabuti niya na imbitahan ang nasabing ahensya upang makapagbigay ng Information Education Campaign sa mga

taga-San Juan. May mga lugar na kinilalang “landslide prone areas” sa ating bayan at ang isa na nga dito ay ang Barangay Hugom na tinaguriang “highly susceptible” na kung saan may isang bata na nasawi dahilan sa pagguho ng lupa dito. Napag-alaman kay Gng. Kennedy na marami ng indikasyon nang paggalaw ng lupa sa nasabing lugar tulad ng mga baluktot na puno at mga bato na durog.

Layunin ng MGB na maisama ng mga guro sa Agham ang IEC na naganap sa kanilang pagtuturo upang ang mga bata ay magkaroon na rin ng “awareness” sa nasabing kalamidad.

nararapat na aksyon upang mapabuti pa ang pag-papaabot ng serbisyo sa mga mamamayan.

Buong kasiyahang ipinagdi-wang ng mga kawani ng Pamaha-laang Bayan sa pangunguna ng Punong Bayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo, ang pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil na may temang “Kawani, ikaw ay isang Lingkod Bay-ani” noong Setyembre 21, at sinim-ulang ganagp na ika-4:00 ng hapon.

Isang payak na palatuntunan ang inihanda at masayang nilahu-kan ng mga kawani ng bawat opi-sina na Hawaiian ang naging tema at kasuotan. Binati ng mga namu-muno sa bayan ang mga kawani at pinasalamatan sa pagtupad ng kani-kanilang tungkulin. Nagka-roon ng presentation ng mga sayaw

sa saliw ng himig-Hawaiian na lub-hang nagpasaya at nagpakita ng pagkakaisa ng mga nagta-trabaho sa pamahalaang bayan. Nagkaroon ng sayawan at simpleng salo-salo para sa lahat upang kahit paano ay makapaglibang at naibsan ang stress dulot ng mga gawain sa opi-sina.

Buwan ng Serbisyo Sibil, ipinagdiwang

Page 3: bagong araw 2012

3DISYEMBRE 2012

Kamakailan lamang ay naranasan natin ang hagupit ng kalamidad. Nagmistulang dagat ang malawak na bahagi ng mga barangay. Ang noon ay napapanood natin sa telebisyon na nangyari sa Marikina City, Cagayan de Oro City at marami pang lugar na binaha ay naranasan na rin natin. Talaga palang walang pinipili ang ganitong kalamidad. Mabuti na lamang, naging masigasig ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Rodolfo H. Manalo sa paghahanda sa ganitong kalamidad.

Naging regular ang pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council simula ng muling mahalal bilang mayor ang Kgg. Rodolfo H. Manalo. Lagi niyang binibigyang-diin na dapat maging handa sa pagdating ng mga kalamidad upang mabawasan ang masamang epekto nito sa tao at sa kabuhayan. Bumuo ng MDRRMC at gumawa ng Municipal Disaster Management Plan . Naglaan ng pondo at bumili ng mga kagamitan sa pagre-rescue at post-disaster activities, binigyan ang lahat ng barangay ng kampana para sa “early warning device” at nagsagawa ng Contigency Planning Lagi niyang hinihikayat ang mga tao na magtanim ng puno saan mang bahagi na dapat mataniman maging sa bundok, kapatagan at tabing dagat. Mariin din niyang tinututulan ang pagpuputol ng puno at pagmimina sa bayan lalo’t higit ay sa mga lugar na kinilala ng DENR at MGB bilang “flood prone” at “susceptible to landslides”.

Nasubukan tayo ng Bagyong Ofel. Nanalanta ang baha sa halos 28 sa 42 barangay. Tinayang nasa mahigit 170 Milyong piso ang naging kasiraan sa imprastruktura, kabuhayan, pagsasaka at mga kabahayan. Mayroon ding mga buhay na nawala. Naging epektibo ba ang MDRRMC? Sa ganang akin, ang MDRRMC ay naging handa. Ginawa ang lahat upang maisalba ang mga tao at kabuhayan. Sama-sama, kapit-bisig ang lahat sa pagsasagawa ng rescue operations. Nagbigay ng relief goods sa mga nabahaan at patuloy na nagbibigay ng ayuda sa ano mang paraan na makakayanan ng kaban ng bayan at mga tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan. Kaagad na nagsagawa ng rehabilitasyon ng mga kalsada at tulay.

Sa kabila ng lahat, marami pa rin ang hinaing, puna at reklamo ng mga apektadong mamamayan. Hindi hinangad ninuman ang kalamidad, dumadating ito na hindi natin inaasahan, at walang makakaiwas kapag ang kalisakasan na rin ang naningil sa ating mga kapabayaan at kalapastanganan. Lubhang naapektuhan na ng gawain ng pantao at industriyalisasyon ang ating kapaligiran kaya nga’t sinasapit natin ang ganitong matinding pagbaha dulot ng climate change. Hindi nagpapabaya ang pamahalaan, nais nitong tulungan ang lahat, ngunit hindi sapat ang kaban ng bayan para lahat ng nawala at nasira ay maibalik sa mamamayan. Tayo na ring mga mamamayan ang patuloy na babangon pagkatapos ng unos, kalakip ang pananampalataya at pagdarasal sa Panginoon, muling sisibol ang pag-asa.

Ang bawat Pamahalaang Bayan bilang pakikiisa sa mga adhikain ng ating Pamahalaang Nasyonal, ang sinasabing nara-rapat na may sariling paraan para sa pagkakaroon ng magandang pamantayan para sa isang malu-sog na kapaligiran. Bilang pagpapahalaga sa ating kalikasan, responsibilidad ng lokal na pamahalaan ang mag-talaga ng batas na kung saan ang dami ng duming nagmumula sa mga non-biodegradable materi-als katulad ng plastic bags at sty-rofoam na umaabot sa halos ilang dekada bago tuluyang matunaw ay mabigyan ng tamang regula-syon hanggang sa tuluyan nang mawala.. Sa pamamagitan ng Ordi-nansa Bilang 04-2012 na ipinasa kamakailan sa Konseho, ipinag-babawal na sa ating bayan ang malawakang paggamit ng plastic at styrofoam bilang lalagyan ng ibat ibang produkto na nabibili sa mga pamilihan o lugal ng kal-akal. Ganun din naman, magiging pili na lamang ang paggagamitan nito na mga wet products. Binigy-ang diin din dito na ang mga plas-tik na nasasakop ng ordinansa ay hindi kabilang kung ang mga ito ay magagamit pang muli at ma re-recycle. Ang lokal na ordinansa ay nagkaroon din naman ng pag-bibigay pansin sa paggamit ng alternatibong lalagyan katulad ng bayong, basket, katsa at iba. Ang

MensaheMayor Rodolfo H. Manalo

Pagbati sa patnugutan ng “Ang Bagong Araw”, ang opisyal na publikasyon ng Pamahalaang Bayan ng San Juan.

Sa loob ng humigit- kumulang na labin-dalawang taong panunungkulan ko bilang Punongbayan ay natupad ang aking pangarap na magkaroon ng pahayagan ang ating munisipyo. Labis ang aking tuwa sa pagkakaroon nito.

Ito ay isang malayang pamamahayag upang maiparating sa ating mamamayan ang mga programa at proyektong naisagawa na at plano pang gawin. Malaman din kung anu-ano ang nangyayari sa mga barangay at maging plataporma, kung ano ang mga hinaing at mga problema ng ating mga kababayan na nais nilang iparating sa ating mga lingkod bayan. Ito ay simula lamang at nawa ay patuloy ang paglilimbag nito sa darating na panahon.

Di kaila sa lahat na mithiin ko na paglingkuran kayo ng buong katapatan, maayos na pamamanihala at mapaunlad pa ang ating bayan.

Maraming salamat sa inyong lahat. Katulad ng Ang Bagong Araw- hatid nito ay pag-asa, magandang bukas at mapagkalingang mamamayan sa kalikasan!

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

MensaheVice Mayor Octavio

Antonio L. Marasigan Mula sa Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan,

ipinaaabot ko ang aking taos pusong pasasalamat at pagbati sa bumubuo ng patnugutan ng pahagan ng ating Pamahalaang Lokal, dahil sa ang matagal nang hinahangad ng mga namumuno ng ating bayan na magkaroon nito, ay naisakatuparan na. Ito ay isang napakagandang pagkakataon upang maipaabot natin ang mahahalagang pangyayari na naganap at nagaganap sa ating lugar, sa mga barangay at kalapit-bayan.

Sana, ating tangkilikin ito ay pagtulong-tulungan upang magtuloy-tuloy ang paglilimbag nito,para sa kapakanan ng lahat ng kinauukulan at para sa bayan ng San Juan, sa kabuuan.

Maraming Salamat po at mabuhay tayong lahat.

EDITORIAL STAFFEditor In-Chief : Teresita S. IlustradoAssistant Editor-in-Chief : Lanie P. PascoCirculation Manager: : Elsie I. SadsadManaging Editor : J. Franklin G. IlustradoContributors/Writers : All Department Heads Lorna M. Cuarto Alena Panaligan Engr. Leomar Reglos Glen Salapare Rosella E. LlagaArtists : Niño Cusi Consultants : Mrs. Hazel Y. Manalo Mrs. Zenaida De los Santos Hon. Adelaida L. Perez

Escriba

Punto deVista

Lani Pasco

Teresita L. Ilustrado

ANG PAGBABAWAL NG PLASTIKmga tahanan at marami na sa mga establisemento ang sa ngayon ay sumusunod na sa paggamit ng plastic na sisidlan. Ang sino mang lumabag ay may karampatang pa-rusa na Limang Daan Piso sa unang paglabag, Isang Libong Piso sa pan-galawang paglabag at Dalawang Libong Piso sa ikatlong paglabag. O kaya naman ay ang pagkakulong ng hindi hihigit sa anim (6) na bu-wan. Sapat na nga kaya ang pagtu-pad ng ating pamahalaan sa pag-papasa ng batas para sa pagpa-patupad ng pagbabawal ng plastik o iba pang non-biodegradable materials? Ganun din naman, ano ang saysay ng isang itinakdang ba-tas kung ang pamahalaan ay hindi magkakaroon ng sapat na oras o panahon sa implementasyon nito o hindi kaya tayo bilang mga ma-mamayan ay may malaking bahagi rin sa pagpapatupad nito? Sa nasasabing maraming paran ng pagsasaayos ng ordi-nansa para sa paggamit ng plastic ang isa pa rin sa pinakamalaking bagay na dapat bigyan ng pan-sin ay ang disiplina ng bawat isa para maipasunod at sumunod sa tamang paraan ng paggamit ng plastik na lalagyan at iba pang non-biodegradable materials. At tunay ngang masasabi na ang pagtutulungan ng pamahalaan at disiplinadong mamamayan ang pinakamahalagang bagay o ba-tayan sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Sumasang-ayon ako sa pag-sasakatuparan ng batas sa di-paggamit ng plastic dahil maari tayong makaiwas sa mga sakuna na idinudulot nito tulad ng pagkabutas ng ozone layer dahil sa pagsusunog nito. Bi-lang mag-aaral ay higit kong nauunawaan ang magandang dulot nito.

- Mag-aaral

Sang-ayon ako sa di paggamit ng plastic dahil ito ay hindi nabubulok at nagpaparumi ng kapaligiran. Ito rin ang isang sanhi ng pagbaha kapag bum-abara sa mga kanal.

- Edgardo P. Alipio Guro, Lipahan NHS

Sang-ayon ako sa di pag-gamit ng plastic na sisidlan, subalit hindi ito matutupad ng isang iglap lamang. Sa ganang akin, may mga produkto na hindi pwedeng ilagay sa papel, kaya ito ay dapat gamitan muna ng plastic. Bawas na din naman ang basurang plastic, dahil pili lang ang ilalagay dito. Sana maging maayos naman ang implementasyon at credible ang nagpapatupad, hindi secu-rity crew. - Magtitinda

Sang-ayon ako dahil sa gani-tong paraan tayo ay makakai-was sa mga pagbaha. Ito ang sanhi ng biglaang pagbaha kasama na ang mga hindi nabubulok na bumabara sa mga kanal. Mababawasan ang mga basura at kalat sa bayan. - Mamimili

Tinig ng BayanSang-ayon ka bas a

di-paggamit ng plastic?

Page 4: bagong araw 2012

4 DISYEMBRE 2012

I. PANANALAPI IRA LOCAL INCOME TOTAL 2010 P 105,301,288.00 P 28,259,560.93 P 133,560,848.93 2011 P 114,056,256.00 P 33,779,278.92 P 147,835,534.92 2012 P 110,820,780.00 P 34,181,000.00 P 145,001,780.00 2013 P 126,727,941.00 P 40,001,000.00 P 166,728,941.00 II. EDUKASYON Nabigyan ng Tulong Pinansyal (Iskolarship) SY 2010 – 2011 - 6,164 - P 2,989,100.00 SY 2011 – 2012 - 5,460 - P 2,893,600.00 SY 2012 – 2013 - 7,965 - P 4,074,800.00 TOTAL - 19,589 - Php 9,957,500.00

Mga Bagong Paaralan: • Balagbag Day Care Center • Maquitib Day Care Center • Mababang Paaralan saTalahiban Sulok • Lipahan National High School Local School Board Teacher • Elementarya - 9 • Sekondarya - 10III. HEALTH Bilang ng nasuri pasyente - 23,016 Bilang ng napaanak sa RHU 1 - 196 Bilang ng na-papsmear - 500 Bilang ng nag-Pre-marriage counseling - 910 Bilang ng Natulian - 811 Bilang ng Bakunahan LigtasTigdas - 18,578 Bilang ng Nabigyan ng Vitamin A - 20,641 Bilangng Napurga (Deworming) - 21,346 On-going feeding program ( Day Care Children) - 42 barangays Kabuuang Halaga Php 3,266,400.00 Dental/Medical Free Clinic - 18,248 Animal Bite Treated - 1,406 TB Patients Treated - 486 Bilang ng Senior Citizens na nabigyan ng Anti-Flu Vaccine - 600 Bilang ng naisagawang pagsusuri ng Medical Technologist , (Enero - Setyembre 2012) - 5,977 Bilang ng blood donations (bag) - 138 Malawakang Anti-Denque Campaign

IV. INFRASTRUCTURE Nakapagbukas ng mga bagong kalsada Nakapagtambak sa tirondon ng Catmon- Pinagbayanan-Poctol, TalahibanSulok , ES, Balagbag Sulok Day Care Center Napaluwang ang mga kanal at ang Ilog ng Lawaye Nakapaglagay ng road shoulder sa Balagbag, Poctol, Pinagbayanan, Calitcalit Mga natapos na barangay roads gamit ang pondo ng munisipyo • Kabuuan – P 900,000.00 Mga Natapos na “Farm to Market Roads” – Pondo galing sa Dept. of Agriculture – 16 barangays • Kabuuan – 27,500,000.00 Pagtatambak (Hulyo 2010 – Agosto 2012) o Nakapagtambak ng kabuuang 9,535 truckloads-P 16,016,680.90 o Libreng panambaka ng 2,355 trucks - P 2,355,000.00 o Kabuang kinita ng mga heavy equipment - P 15,924,000.00 • Kabuan -P 34,295,680.90 o Mga Gastos ng heavy equipments, o krudo, langis at iba pa -P 14,740,267.85 o Biniling panambak -P 2,763,976.00 o Pasuweldo sa mga driver at labor payroll -P 3,971,884.00 • Kabuuang Gastos - P 21,476,127.85 • Kabuuang halagang natipid - P12,819,553.05 MgaTulay at Box Culvert na Naipagawa mula Sa 70% ng Calamity Fund 2011 -P 4,667,985.00 Sa 70% ng Calamity Fund 2012 -P 4,128,549.00 • May Kabuuang halaga -P 8,796,534.00 Nakapagpagawa ng water system sa ilang barangay at nakapagbigay ng poso at tubo o Namahaging 204 Jetmatic 347 tubo 1 ¼ o 63 Cylinder pump 333 tubo “2” 319 tubo½- P 1,584,059.50 Sanitation (bowl at semento) o Nakapamahagi ng 1,150 Bowl at 2,300 Bags ng Semento sa iba’t ibang barangay - P 942,525.52 Electrification o Nakapamahagi ng 13,390 metrong Kawad ngkuryente #6 o Nakapamahagi ng 3,000 metro Kawad ng kuryente #2 - P 691,495.00 o Napailawan na ang: o SitioTondo, Barangay Lipahan o Sitio Pugon, Barangay Mabalanoy o Sitio Balugbog, Barangay Abung o On going energization at 14 barangays covering 19 sitios Namahagi ng 255 Gallons Pintura na Latex at 166 Gallons na Pinturang pangkahoy sa mga -P 202,949.00 Mga barangay na naglaan ng pondo para sa concreting of barangays roads para sa 2012 sa ginanap napagpupulong ng MDC at bibigyan ng counterpart ng munisipyo: • 21 Barangay - P 5,618,000.00 Bumili ng isang dump truck - Php 2,000,000.00 Bumili ng 3 Office Service Vehicle - Php 690,000.00 Nakalap na semento o Gov. Vilma Santo Recto at Bokal Carlos Bolilia - 1200 bags o Bokal Rowena Africa - 450 bags Sen. Ralph Recto’s 31 various projects at different barangays Including the Public Market Total Amount - Php 50,000,000.00 Cong. Mark Llandro L. Mendoza Projects in 19 barangays including the Public Market Total Amount -Php 29,100,000.00 Cong. Michael Angelo Rivera’s Projects (1-CARE Party List) in 5 Barangays Total Amount -Php 4,450,000.00 Provincial/Governor Vilma Santos’ Projects o Pagsasaayos ng Panlalawigang Kalsada o Pagpapasemento ng Kalsada ng mga Barangay o Nagpagawa ng tulay sa Ticalan-Putingbuhangin o Nagpagawa ng tulay sa Sitio Lumbangan, Brgy. Laiya Aplaya o Nagbigay ng 165kva power generator

Alay sa BayanMatapat na Panunungkulan

July 2010

Nagbigay ng Dalawang (2) Silid-Aralan mula sa Chinese Chamber of Commerce sa Brgy. Balagbag

Talahiban Sulok Elementary School

Nagkaroon ng 1 bagong ambulansya bigay nina Mayor Rodolfo H.

Manalo at ABC Florencio de Chavez at 1 mula sa 1 CARE Party List

PAGAWAING-BAYAN

Ang Ambulance at Fire Truck mula sa 1 CARE PARTY LIST

3 OFFICE SERVICE VEHICLE NA NAGKAKAHALAGA NG P 690,000.00

IN COOPERATION WITH SB OF SAPANGAN,ROTARY, AIRFORCE AND UP

MALAWAKANG PAGTATANIM NG PUNO

BLESSING & TURN-OVER CEREMONY

LIPAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Naglagay ng Theraphy Clinic sa RHU II sa tulong ng UP - CHDP

Bilang ng Nagamot sa Dental/Medical Free Clinic

- 18,248 PASYENTE

BAGONG BILI NA DUMPTRUCK NA NAGKAKAHALAGA NG P 2,000,000.00

Isa sa mga isinagawang pagtatanim ng bakawan sa Brgy. Pinagbayan

NEGO CART WITH THE MAYOR

Page 5: bagong araw 2012

5DISYEMBRE 2012

Alay sa BayanMatapat na Panunungkulan

July 2010 o Pagpapahiram ng mga Heavy Equipment o Nagbigay ng 1,200 na bag ng semento o Nagbigay ng yero o Pagbibigay ng Dalawang (2) Silid-Aralan mula sa Chinese o Chamber of Commerce sa Brgy. Balagbag o Nagpatayo ng Municipal Montessori School o Nagkaloob ng Iskolarship sa karapat-dapat na mga Mag-aaral o Namahagi ng mga Gamit-Pampaaralan sa lahat ng Grade I o Malawakang Pagsasaayos ng San Juan District Hospital o Namahagi ng PhilHealth Membership Cards o Pagbibigay ng Tulong-Pinansyal sa mga Maysakit o Pagbibigay ng mga Gamot laban sa Dengue o Honorarium para sa mga BHW, BNS, Day Care Workers at Barangay Police o Karagdagang proyekto para sa 9 na Barangay na nakatakdang mag-bidding sa October 2, 2012, nagkakahalaga ng Php 12,000,000.00

V. AGRIKULTURANo. of seedlings distributed 116, 214Vegetable seed distributed 11,244No. of bags of Fertilizer distributed 917No. of bags of Organic Fertilizer given by Senator Pangilinan (5,000 bags)

3,507 for Rice Farmers1,492 for Vegetable Farmers

No. of Bottles of Pesticide distributed 58 Sold-out seedlings 105,259 @ P 5 each (P526,295.00)Fingerlings (Tilapia and Bangus) 154,050Gillnets 40Vaccinated Animals 8,100Artificial Insemination 831 (swine, cow, carabao)

Nagbigay ng tulong pinansyal (AICS) sa mga nabasagan ng Bangka sa Laiya - 9 (P2,000.00) - Kabuuan = P 18,000.00 Naisaayos ang tatlong traktora LibrengTraktora para sa Manalo sa Gulayan • Balagbag • Quipot • Ticalan Naisaayos ang Dam ng Pinagbayanan at Poctol

VI. LIVELIHOOD/SOCIAL WELFARE Total PhilHealth Cards Distributed (Valid 2012-2013) o Municipal -1,763 o Gov. Vilma Santos -664 o President Benigno Aquino -6,448 (including 4P’s) SEAP Beneficiaries - 395 Php 1,975,000.00 AICS Beneficiaries - 5,426 Php 6,355,640.00 4 P’s Beneficiaries - 4,374 Total Benefits Received Php35,643,400.00 Expansion of 4P’s (1,452) Social Pensioners for indigent Senior Citizen - 196 Children Served in Day Care Centers - 4,935 Senior Citizens given ID cards - 1912 Senior Citizens given Purchase Booklets - 1792 Completed Livelihood Training: o Pipefitting (St. James Vocational School) - 27 o Computer Literacy for BHW - 13 o Cosmetology - 64 Naglagay ng Night Market para dagdag hanapbuhya VII. PESO

Buwanang pagsasagawa ng Local Recruitment Activity Bilang ng naipasok sa trabaho - 410 Kabataang naipasok na iskolar sa Dual Training System - 50 Bilang ng mag-aaral na nanabigyan ng trabaho tuwing Summer (SPES) - 7 Bilang na nairehistro sa PhilJobnet for job matching - 850 Nabigyan ng negocart mula sa DOLE - 3 Nabigyan ng libreng training ng TESDA sa o Bartending at Housekeeping - 100 Tuloy-tuloy na nagbibigay ng libreng computer training

VIII. PEACE AND ORDER Nagkaroon ng BJMP, San Juan, Batangas Station Nagtalaga ng mga Traffic Enforcers - 15 Nagtatag ng Lupon ngTagapamayapa sa bawat barangays (10 hanggang 20 miyembro) Naipa-insured ang750 na traffic aide, BantayDagat, Lupon ng Tagapamayapa at Barangay Police Nagbigay ng Diesel sa mga sasakyan ng Pulis - P 1,705,078.75

IX. ENVIRONMENT Pagtatanim ng Puno Namigay ng mga punong panamim kada barangay Nagpagawa ng nursery kada barangay at may pinansyal natulong na limang libo Bawal magputol ng puno na walang pahintulot ang DENR Ipinatupad ang Solid Waste Management para mabawasan ang basura Nagpatanim ng mangrove seedlings para sa rehabilitasyon ng Mangrove areas sa Pinagbayanan, Catmon, Balagbag, Subukin, Nagsaulay, Bataan

X. AWARDS RECEIVED: 1. Seal Of Good Housekeeping for Local Governments for CY 2011 2. Plaque of Appreciation from the National Health Insurance Program, September 7, 2012, PhilHealth Region IV-A 3. Certificate of Recognition for the Most Robust , Most Promising, Public Private Partnership for TB in Batangas in cooperation with Philippine Business Social Programs, DOH and USAID, September 13, 2012 4. Plaque of Recognition for Outstanding Local Chief Executive from the Provincial Sandugo Awards – September 14, 2012

Ang pagsasaayos ng Pamilihang Bayan na nagkakahalaga ng 20 Milyong Piso mula kay Sen. Ralph Recto

SCHOOL ON-WHEELS TESDA TRAINEES

San Juan Wet Market

Cong. Mark Llandro L. Mendoza Projects in 19 barangays including the Wet Section, San Juan Public Market Total Amount -Php 29,100,000.00

Ilan sa mga konkretong kalsada ng mga barangay mula kay Gob. Vilma Santos-Recto

Ilan sa mga Natapos na “Farm to Market Roads” – Pondo galing sa Dept. of Agriculture – 16 barangays – P 27,500,000.00

Nagpatayo ng Municipal Montessori School

Nagbigay ng 165 kva power generator

PUTING-UWAY, QUIPOT BOX CULVERT

Nagpagawa ng tulay sa Sitio Lumbangan,Brgy. Laiya Aplaya

Brgy. Quipot Box Culvert

Brgy. Calubcub I Box Culvert

HANGING BRIDGE PALINGOWAK- TALAHIBAN II

Nagpagawa ng tulay ng Ticalan-Putingbuhangin

Page 6: bagong araw 2012

6 DISYEMBRE 2012

Isang mapagpala at di-makakali-mutang araw para sa mga retiradong guro ang naganap sa San Juan Munici-pal Gymnasium noong Nobyembre 16.

Binigyang pugay ng Sangguniang Bayan ang mga itinuturing na “Bayani ng Bayan” kasabay ng pagdiriwang ng “Municipal Teachers Day”.

Noong nakaraang taon, pinara-ngalan din ng SB ang mga retiradong

MTC Judge MICHELLE C. MANAIG-CALUMPONGSiya ang bagong nakatalagang hukom sa MTC San Juan, Batangas na nagdedesisyon at nagreresolba sa mga kasong sibil at criminal. Siya ay dating Deputy Prosecutor sa Office of the City Prosecutor ng Tanauan City at naging Graft Investigation and Prosecution Officer I din siya ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon.

G. EDWIN M. CARANDANGSiya ang bagong BIR-Collection Officer ng San Juan, Batangas na namamahala sa maayos na pangongolekta at bayaran ng buwis. Sinisikap niyang maging “transparent” at “efficient” ang ahensiyang ito.

SF01 JOSELITO C. VALDEZSiya ang namumuno ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa San Juan na ang pangunahing layunin ay masugpo at maiwasan ang sunog. Kabilang sa gawain ng BFP ay ang pagsasagawa ng Earthquake Drill,Fire Drill, Oplan Kaluluwa at iba pa.

MLGOO ROSITA G. RABANOSiya ang hepe ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa San Juan. Siya ang kaakibat ng pamahalaaang local sa wastong pamamahala at pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan ng mga mamamayan na nasasakupan ng Local Government Unit (LGU.

Gng. MILAGROS M. EVANGELISTASiya ang namumuno ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa San Juan,Batangas. Bukod sa usaping Agrarian, ang DAR din ay tumutulong sa mga programan pang-kaunlaran tulad ng Bridge Rehabilitation sa Sampiro-Sapangan, pagtatanim ng puno sa Escribano Cooperative Development sa Laiya Aplaya at pagkakaroon ng water supply sa Sitio Ugatan.

PSupt. ELPIDIO A. RAMIREZSiya ang hepe ng San Juan Municipal Police Station na ang pangunahing layunin ay masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan sa bayan ng San Juan. Aktibo siya sa pamumuno sa mga seminar, sa MDRRMC Conplan, Feed, Read and Lead Program para sa mga batang mag-aaral sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office at Municipal Social Welfare and Development Office.

G. RICKY JUAN REYESSiya ang bagong COMELEC Election Officer sa ating bayan. Layunin niyang magkaroon ng mapayapa, malinis, “transparent”, matapat at fully-automated credible elections.

JInsp. VICTOR M. MANALOSiya ang OIC-Warden ng San Juan Municipal Jail na nangangalaga sa mga “inmates” at namumuno sa mga ito upang maging makabuluhan ang buhay nila sa loob ng piitan tulad ng “livelihood projects, Therapeutic Community Modality Program, gardening, sports at iba pang mga Gawain.

Dahil sa maayos na pagpa-palaganap ng katahimikan at pag-sugpo ng kriminalidad sa bayan ng San Juan, ginawaran ang San Juan Municipal Police Station sa pamu-muno ni PSupt. Elpidio A. Ramirez ng “Best in Police Community Rela-

tions in Class A Municipality Prov-ince-wide for CY 2011.

Tumanggap din ng plaque at streamer ang San Juan Police Sta-tion mula kay Kgg. Vilma Santos-Recto bilang “Best in Class A Mu-nicipality in Administrative and

Operational Category Province-wide for 2nd Quarter CY 2012.

Ang seremonya ng pagpapa-rangal ay ginanap sa Philippine National Police Batangas Provincial Office, Batangas City.

Muling lumahok ang bayan ng San Juan sa malawakang International Coastal Clean-Up noong Oktobre 6, 2012. Layunin ng gawaing ito na malinis ang tabing dagat at alisin ang mga di nabubulok na mga basura na sumisira sa bahura (coral reefs) at yamang dagat na sanhi ng pagkawala ng mga isda.

Libo-libong mag-aaral, guro, NGO’s at residente, sa pangunguna ng mga opisyal ng

mga barangay, ang lumabas at nakikisa sa ginawang paglilinis ng mga baybaying dagat at tabing ilog. Nakiisa rin ang mga “inland barangays” sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang kapaligiran upang maging ligtas sa mga lamok na nagdudulot ng sakit.

Nakiisa rin ang mga kawani ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kanal at pamumulot ng plastic sa buong Brgy. Poblacion.

Lumipad patungong Agra, India si Marites V. Odarbe, ang Focal Person ng Persons with Disabilities ng Bayan ng San Juan upang lumahok sa competition kaugnay ng 1st Community Based Rehabilitation Congress, Nobyembre 25-27. Napili ang Poster Presentation ni Marites tungkol sa tema ng CBR Congress kung kayat siya ay naimbitahan upang dumalo at ilahad ang ito sa convention. Ang nasabing congress ay nilahukan ng

mga PWD sa buong mundo kaya’t isang malaking karangalan para sa ating bayan at kay Marites na mapiling magbahagi ng kanyang karanasan bilang isang may kapansanan. Mapapag-alaman na si Marites ay mayroong epilepsy pero dahil sa kanyang angking talino, lakas ng loob at pananalig sa Diyos, hindi siya naging pabigat, manapa’y isang “asset” para sa kanyang mga kapwa may kapansanan at sa pamahalaan na rin.

Retired teachers, binigyang-pugay

guro mula edad 75 pataas. Ngayong taong ito, ang binigyang pugay ay ang mga retiradong guro na 70-75 taon gu-lang.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na inial-ay para sa mga guro. Ito ay sinundan ng mga pagbati at pampasiglang bilang.

Ang mga “retired teachers” ay tu-manggap ng tig P1,500.00 mula kay

Congressman Dong Mendoza at sa iba pang nagbigay, tig-dalawang regalo, dalawang payong at limang (5) kilong bigas. Ginawaran din sila ng katibayan ng pagkilala ni Kgg. Rodolfo H. Manalo, Gng. Teresita B. Manalo at mga Konse-hal ng Sangguniang Bayan.

Bawat guro ay pinagkalooban ng tig-5 kilong bigas buhat kay Cong. Dong Mendoza at may mga guro rin na pinalad makatanggap ng iba pang pre-myo mula sa raffle draw.

Ang pagkilala at pagpupugay sa mga retiradong guro ay naisakatuparan sa mungkahi at pagsisikap ni Kgg. Ad-elaida Perez, SB Chair sa Komitiba ng Edukasyon, katulong ang iba pang kasapi ng Sangguniang Bayan.

San Juan Municipal Police Station, pinarangalan

Mga Pinuno ng mga Tanggapan, Kaakibat sa pag-unlad ng BayanKilalanin natin sila ……….

International Coastal Clean-Up, muling sinuportahan ng mga San Juaneños

Patuloy ang pagsasagawa ng LOCAL RECRUITMENT sa bayan ng San Juan upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga kabataan na walang trabaho sa pamamagitan ni G. Glen Castillo, ang PESO Of-ficer. Iba’t-ibang kompanya ang pumupunta mismo sa ating bayan para magsagawa ng mga pagsusu-lit at panayam sa mga trabahong kailangan ng kanilang kompanya tulad ng OPTIS, CDO Food Sphere, PKI at marami pang iba. Isa ito sa plataporma ng Punong Bayan Ro-dolfo H. Manalo, na matulungan ang mga taga-San Juan na magka-roon ng hanapbuhay.

Marami ring kabataan ang sumailalim sa pagsasanay sa “Food & Beverage, Bartending and

PWD Focal Person ng San Juan, Pambato ng Pinas

PESO Office, tuloy-tuloy ang

local recruitment Housekeeping sa pamamagitan ng “‘SCHOOL ON WHEELS”, isang pro-grama ng TESDA. Lahat ng nag-sanay ay nakapasa sa “assessment” at sila ay nabigyan ng National Cer-tificate ng TESDA.

Page 7: bagong araw 2012

7DISYEMBRE 2012

Kamakailan lamang ay ipinasa ng Sangguniang Bayan ang Annual Budget ng Bayan ng San Juan para sa taong 2013. Ang General Fund ay may kabuuang halaga na P163,827,481.44.

Internal Revenue Allotment (IRA) ang may pinakamalaking porsyento ng tinatayang pagkakakitaan (estimated income) para sa general fund sa taong 2013 na nagkakahalaga ng P126,727,941.00 o 77.35% ng kabuuang kikitain na sinusundan naman ng tinatayang kita sa buwis (tax revenue) na may halagang P19,101,000.00. Kabilang din sa mga nasabing tinatayang pagkakakitaan ang Regulatory Fees, Business at Service Income at Share mula sa PAGCOR/PCSO/Donations.

Beginning Cash Balance P 4,500,000.00 2.75%Tax Revenue 19,101,000.00 11.66%Regulatory Fees 10,900,000.00 6.65%Business and Service Income 2,000,000.00 1.22%Internal Revenue Allotment 126,727,941.00 77.35%Share from PAGCOR/PCSO/Donations 600,000.00 0.37%

TOTAL P 163,828,941.00 100.00%

Samantala, sa nasabing badyet ay binigyan ng prayoridad ng Punong Bayan Rodolfo H. Manalo ang mga benepisyo ng lahat na kawani ng pamahalaang bayan kabilang na ang pagpapatupad ng “Fourth Tranche of Salary Increase” sa ilalim ng Salary Standardization Law III. Ang pinaglaanan ng pondo ng General Fund ay ang sumusunod:

Personal Services P 79,406,684.61 48.47%Maintenance and Other Operating Expenses 44,903,980.75 27.41%Capital Outlay 945,000.00 0.57%20% Development Fund 25,345,588.20 15.47%5% LDRRMF 7,966,447.05 4.86%Aid to Barangays 420,000.00 0.26%Loan Amortization 4,239,780.83 2.59%Other Development Projects 600,000.00 0.37%TOTAL P 163,827,481.44 100.00%

Bukod sa mga proyektong pampagawain, pangalawa sa binigyang pansin ng punong bayan ang paglalaan ng pondo para sa mga programa na makakatulong sa ating mga mamamayan kabilang ang PHILHEALTH para sa Masa, Scholarship Grants, Assistance in Crisis Situation at marami pang iba.

Kaalinsunod ng pagpapasa ng pondo para sa General Fund ay ang pagpasa din ng pondo para sa Operasyon ng Market at Slaughterhouse na nagkakahalaga ng P7,399,261.76. Ang nasabing pondo ay magmumula naman sa tinatayang kikitain sa palengke.

Receipts from Market P 6,450,000.00 87.16%Receipts from Slaughterhouse 950,000.00 12.84%

TOTAL P 7,400,000.00 100.00%

Kagaya ng general fund, ang Personal Services ang may pinakamalaking porsyento ng pondo bilang pagtugon sa Salary Standardization Law III na sinusundan ng Operational Expenses.

Personal Services P 6,977,161.76 94.30%Maintenance and Other Operating Expenses 347,100.00 4.69%Capital Outlay 75,000.00 1.01%

TOTAL P 7,399,261.76 100.00%

Nagsagawa ng pagsasanay ang Municipal Planning ang Development Coordinator Office (MPDO) sa mga encoders na nahirang sa bawat barangay upang maitala ang mga datos na kinalap mula Agosto hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay alinsunod sa malawakang pangangalap ng mga datos o survey sa apatnapu’t dalawang (42) barangay sa ating munisipalidad at bahagi ng proyekto mg Community Based Monitoring System (CMS). Ito ang magiging batayan upang matukoy at matugunan kung ano ang

pangunahing pangangailangan ng mga residente sa bawat barangay. Habang ginaganap ang survey, ang CBMS core team sa pangunguna ni Engr. Medel Salazar ay nagsasagawa ng field check sa mga barangay.

Naging matagumpay ang dalawang araw ng pagsasanay na ginampanan ng mga tauhan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pamumuno ni Engr. Jo Anne Cuasay at ng CBMS core team ng bayan na sina Engr. Marlino Babida, Glenn Castillo, Daisy Rioveros, Pablo Salas at John Glenn Salapare.

Pinasiglang muli ng Kaga-waran ng Agrikultura ang pag-paparami ng mga isda sa Inland fishpond sa pamamagitan ng pamimigay ng mga semilya ng bangus (42,000) at tilapia (112,000) noong nakaraang Agosto sa mga barangay ng Pinagbayanan, Ticalan, Poctol, Bataan, Lipahan, Janaojanao , Talahiban I, Malaking Ilog River at Lawaye River. Ito ay sa paki-kipag-ugnayan ng LGU-MAO sa BFAR at OPA at pinamahalaan ni Tomas B.Buitizon. Nagka-roon ng aktwal na paglalagay ng mga nasabing semilya ng isda sa mga fishpond at ilog na pinangunahan ni Kgg. Mayor Rodolfo H. Manalo.

Sa pamamagitan ng paki-kipagtulungan ng LGU-MAO sa CI, na-ideklara ang siyam (9) na Marine Protected area (MPA) kung saan mangigitlog ang mga isda para mas marami pa ang mabuhay at mapakinaban-

gan ng mga mangingisda ng bayan ng San Juan. Ang mga ito ay ang Hugom MPA, Laiya Aplaya MPA, Laiya Ibabao MPA, Imelda MPA, Calubcub I MPA, Abung MPA, Putingbuhangin MPA, Ticalan MPA at Catmon MPA. Ang mga MPA ay pinan-gangalagaan ng mga BANTAY DAGAT kasama na ang mga ba-rangay opisyales, mga mangin-gisda at mga may ari ng resort.

Sa dahilang malapit na na-man ang pagdating ng maram-ing mga turista na sumasasakay ng banka, nagkaroon ng mala-wakang pagpupulong ng mga mangigngisda /bankero noong Agosto sa Kabayan Resort upang resolbahin ang pagka-sira ng mga bahura kung saan nila ini aangkla ang banka na nagdudulot sa pagkawasak ng ito. Nabuo ang isang panukala na gagawa ng ordinansa para sa pagkakaroon ng mooring bouys station kung saan duon

nila itatali ang mga banka. Nag-karoon ng ceremonial program para sa paglalagay ng mga mooring bouys na pinanguna-han ng Kgg. Mayor Rodolfo H. Manalo kasama ang mga kasapi ng SB na sina Kgg. Adelaida L. Perez, Meynard Maalihan, Joax Salud at Evelyn Baltazar, gayun-din si Kap. Mel Ayapt, mga Opi-syales ng Barangay, mga man-gingisda at bankero ng Laiya Ibabao at Laiya Aplaya. Saksi rin sa nasabing programa sina SB Sec. Jun Sevilla, Pambayang Tagapangasiwa G. Frank Ilus-trado, Tomas Buitizon at Pam-bayang Tagapamahala sa Agri-kulura, Gng. Fe C. Acompanado.

Sa kabuuan, ginagawa ng pamahalaang bayan sa pan-gunguna ni Kgg. RODOLFO H. MANALO , SB at MAO ang lahat para magkaroon ng mas magandang buhay ang mga mangingisda sa bayan ng San Juan.

Nagdaos ng Community As-sembly (CommAss) ang DSWD-Regional Office sa pakikipagtulun-gan n gating punongbayan Kgg. Rodolfo H. Manalo at ilang kawani ng munisipyo sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlipunang Kag-alingan at Pagpapaunlad Oktubre 16-17. Ito ay naglalayong opisyal na maitala ang mga nakalistang potensyal na benipesyaryo na ibinaba ng DSWD-Central Office.

Sa pamamagitan ng Com-mAss ay naitala ang 1,452 buhat sa 42 barangay ng ating bayan. Sila ay dumaan sa iba’t ibang proseso kat-ulad ng pagwawasto ng imporma-syon sa talaan ng Pantawid Pami-lya, pagdalo ng pagpapaliwanag

kung ano ang programang Pan-tawid Pamilya at mga kundisyon nito, pagpapatala sa Land Bank, pagpirma sa kasunduang sila ay susunod sa mga kundisyon at pag-kakakuha ng larawan ng kailangan sa Pantawid Pamilya Id na gaga-mitin sa anumang transaksyon ng programa. Sa kasalukuyan, mayroom na tayong 4,282 na na-kikinabang sa nasabing programa, at tumanggap ng benepisyo na may kabuuang halaga na P35,643 milyon.

Sa pamamagitan ng program-ang ito ay kalakip ang pag-asang walang batang hindi makapag-aral at matutugunan ang pangunahing pangangailangan.

2013 Badyet ng San Juan, Inihayag

Karagatan, patuloy na pinapangalagaan

Encoders para sa CBMS, sinanay

Pantawid Pamilya Grantee sa San Juan,

nadagdagan

Tinanghal na Back to Back National Champion sa larangan ng Practical Shooting Competition si Manolo R. Dapula ng San Juan, Batangas, ang Pangalawang Pambayang Tagatasa sa ginanap na 2nd PHALTRA national sharing of best practices and wellness pro-gram sa Iloilo City noong Setyembre 10-14. Siya ang kumatawan sa lalawigan ng Batangas sa nasabing competition.

Ang nasabing pagtitipon ay nilahukan ng mga Ingat-Yaman (Treasuer) at Tagatasa (Assesor) ng lahat ng bayan sa buong Pilipi-nas. Kasama ni G. Dapula si Gng. Lani Pasco, ang Pambayang Ingat-Yaman. Layunin ng nasabing pagtitipon na magkaroon ng malusog na pangagatawan at matalas na isipan ang mga kalahok upang ang mga programa ukol sa buwis ay maayos na maisakatuparan.

G. Dapula, tinanghal na back to back

champion sa shooting

Aktibong naglingkod sa mga kababayan ang Sangguniang Ka-bataan sa katatapos na UNDAS 2012 sa pamamagitan ng pagbibigay ng maiinom at tumulong sa pagdadala ng mga gamit pa-punta sa libingan ng mga kaanak na namayapa sa pangunguna ni Kgg. Alvin John O. Samonte, ang pangulo nang pederasyon.

Isa ang SK sa maraming organ-isasyon at mga “volunteer” na na-glingkod noong Araw ng Mga Pa-

tay, upang ang natatanging araw na ito ay maging makabuluhan at maay-os para sa maraming taong dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay na pumanaw na.

SK, nag-alay ng pamatid-uhaw sa mga kababayan

Page 8: bagong araw 2012

8 DISYEMBRE 2012

Nagsagawa ng pamamahagi ng 6,448 Identification Cards mula sa PhilHealth gal-ing kay Pangulong Be-nigno Aquino Jr. sa la-hat ng mga barangay na pinangunahan G. Frank G. Ilustrado, ang Pam-bayang Tangapangasi-wa at Gng. Ma. Charito S. Salas, ang PhilHealth Advocate and Knowledge Officer ng Pamahalaang Bayan sa tulong ng mga kawani ng Rural Health Unit I & 2.

Nagkaroon muna ng orientation, validation at enrolment bago ip-inamahagi ang nasabing mga ID upang lubos na maunawaan ng mga tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong tulong-pangkalu-sugan at kung ano ang mga karapatan at benepisyong kaakibat nito. Binigyang-diin sa orientation ang mga karamdaman at operasyon na may nakatakda nang halaga (no balance billing). Ang nasabing mga ID ay valid hanggang Disyembre 2013.

takbo ko, tulong para sa iyo

Ang Liga ng mga Barangay ay nagsasagawa ng “fun run” dalawang beses sa isang buwan sa ganap na ika 5 ng umaga...Layunin ng mga Punong Barangay na makalikom ng pondo para sa mga nangangailangan, at kaalinsabay na rin nito ay ang magandang naiidulot nito sa kanilang mga pangangatawan upang lagi silang maging malusog at malakas para sa kanilang barangay.

Supplementary Feeding Program,

patuloy na isinasagawaMuling inaproban ng

DSWD Region IV-A sa pamu-muno ni Dir. Wilma Navia-mos ang “Project Proposal on Supplementary Feeding” ng Bayan ng San Juan na may kabuang badyet na PhP 2,342,640 para sa 2763 na mga bata sa 50 Day Care Cen-ters.

Araw-araw na na isinasaga-wa ang Supplementary Feed-ing para sa mga bata ng Day Care Centers sa buong bayan ng San Juan sa pamamagitan ng nasabing pondong ibinigay

ng DSWD, Region IV-A, kaakibat ang wastong paggastos nito batay sa batas at regulasyon ng Commission on Audit (COA)

Kaugnay nito, inaasahan ang pagtutulungan at pagsasa-ma-sama ng MSWDO sa pamu-muno ni G. Arnold Enriquez, Municipal Nutrition Action Of-ficer, Gng. Ludy de Castro, Day Care Workers at Day Care Service Parents Group para maging epe-ktibo ang implementasyon ng programa at upang matugunan ang pangangailangang-nutri-syonal ng mga batang daycare.

Sinuportahan ng mga iba’t ibang ahensya ng lipunan ang 2012 Municipal Alay Lakad na may temang “Bawat Hakbang ng Mamamayan: Kapakanan ng Kabataan”, Oktubre 5.

Pinangunahan ng Kgg. Mayor Rodolfo H. Manalo, mga kasapi ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ang Alay-Lakad 2012 mula San Juan Plaza paikot sa pangunahing kalsada ng bayan.

Nakiisa rin ang mga DepEd officials sa pangunguna ng dalawang pampurok – tagamasid Gng. Betty Gonoon at Gng. Monalisa Robledo na nilahukan ng mga School Heads, mga guro at mga mag-aaral mula sa mga

pribado at publikong hayskul sa San Juan.

Ayon kay Gng. Teresita B. Manalo, pangulo ng Alay-Lakad Foundation, ang nalikom na pondo sa gawaing ito ay nakalaan sa mga “scholars” at sa mga “out of school youth” na lubhang nangangailangan ng tulong upang sila ay makapag-aral at magkaroon ng kasanayan upang sila ay matanggap sa trabaho o may mapagkakitaan. Nakalikom ng kabuuang halaga na P165,824.25 sa taong ito.

Nakapagpatapos na ng 28 pipe fitters na sumailalim sa pagsasanay sa isang TESDA accredited school sa Ibaan at nagkaroon na ng National Certicate.

3rd Mayor Rodolfo H. Manalo Basketball Tournament, sinimulan na

Municipal Alay-Lakad 2012, sinuportahan Philhealth Cards mula kay P-Noy, ipinamahagi

Ang 3rd Mayor’s Bas-ketball tournament na nahati sa Junior at Senior Level ay muling sinimulan sa Municipal Plaza noong ika-4 ng Nobyem-bre, 2012 na nilahukan ng iba’t

ibang koponan mula sa mga barangay. .

Ang nasabing palaro ay sinimulan ganap na ika-1:00 ng hapon sa pamamagitan ng parada na pinangunahan ng

masipag na Punong Bayan Ro-dolfo H. Manalo. Ito ay tinam-pukan ng Musa ng bawat ko-ponan at hinirang ang pinaka-maganda na siyang itinanghal na Musa ng Palaro. Nagwagi

ang binibini ng Brgy. Imelda para sa Senior Level at musa ng Brgy. Talahiban I para sa Junior Level. Ang unang laro ay pina-glabanan ng Brgy. Sampiro ar Balagbag.

Ang 3rd Mayor’s Cup ay sa pakikipagtulungan ni Pan-galawang Bayan, Octavio An-tonio L. Marasigan at Congress-man Mark Llandro L. Mendoza.

Isinasagawa ang Barangay As-sembly ngayong pangalawang se-mestre ng taon bilang pagtupad sa Executive Order No. 260 at DILG MC NO. 2012-156 na may petsang Sety-embre 18, 2012. Kaugnay ito ng Seksyon 397 (b) ng Local Govern-ment Code na nagsasaad na dapat gawin sa araw na ito ang pagtal-akay ng mga naging gawain at pan-analapi ng barangay, ganun din ang mga naging suliranin na kinaharap sa nakaraang unang semester.

Sa paggunita ng ika-21 Aniber-saryo ng Local Government Code, itinalaga ang Oktubre 14, 2012 upang ipagdiwang ang Barangay

Assembly Day. Ang Brgy. Calub-cub I sa pamumuno ni Punong Barangay Jose R. Salagubang, ang napiling “showcase barangay” para sa Bayan ng San Juan. Iniharap at inilahad ang kanilang mga “ac-complishments” sa pamamagitan ng mga programang ipinatupad at ang kalagayan ng pananalaping barangay. Hinikayat ang aktibong partisipasyon ng mga mamama-yan upang higit na matugunan ang pangangailangan at mapalakas ang nakalaang serbisyo. Ipinahatid ni Kalihim Mar Roxas ng DILG ang kanyang mensahe bilang pakikiisa sa Asemblea ng Barangay sa pama-

magitan ni Gng. Esther B. Dator, STS ng DILG Provincial Office.

Samantala, binigyang diin ni MLGOO Rosita Rabano sa kanyang pahayag ang patuloy na pagsa-sakatuparan ng Full Disclosure Policy kung saan nakapaskil ang badyet at kalagayan ng pananalapi ng barangay sa tatlong hayag na lugar upang maging hayag sa lahat o “transparent” sa lahat ng mama-mayan.

Patuloy pa rin ang pagsasaga-wa ng asembliya ang iba pang ba-rangay sa pakikipag-ugnayan sa DILG at Lokal na Ehekutibo, Kgg. Rodolfo H. Manalo.

Barangay Assembly, isinasagawa