18
ANG WATAWAT NG PILIPINAS

Ang watawat ng pilipinas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang watawat ng pilipinas

ANG WATAWAT NG PILIPINAS

Page 2: Ang watawat ng pilipinas

Ang Paglikha ng Watawat

Ang watawat ng Pilipinas ay disenyo ni Heneral Emilio Aguinaldo nang siya’y ipinatapon sa HongKong noong 1897. 

Ito ay tinahi ni Doña Marcela Marino de Agoncillo, sa tulong ng kanyang anak na si lorenza at ni Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Dr. Jose Rizal.

Una itong iwinagayway noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite nang ipahayag anga ting Kalayaan mula sa pananakop ng mga banyaga.

Page 3: Ang watawat ng pilipinas

Kahulugan ng Kulay at Simbulo

Puting Tatsulok - pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran.

Asul - kapayapaan, katotohanan at katarungan

Pula - pagiging makabayan at kagitinganWalong Sinag ng Araw - walong probinsiyang

ipinailalim sa Martial LawTatlong Bituin - Luzon, Visayas, Mindanao

Page 4: Ang watawat ng pilipinas

Pagbibigay Galang sa Watawat

Ang watawat ay simbulo ng isang demokratikong Republika ng Pilipinas at lahat nang pinanindigan nito. Sa pagbibigay galang at pagmamahal dito, ipinaaalala natin sa bawat isa na tayo ay may isang disiplinado, maspagtiis, mapagmahal, at masipag na lahi.

Page 5: Ang watawat ng pilipinas

Seremonyas ng Watawat

Kailangan simple at kapitapitagan ang seremonyas ng watawat. Palaging awitin ang Lupang Hinirang sa sariling wika saan man naroroon.

Page 6: Ang watawat ng pilipinas

Sa Pagtataas ng Watawat

Humarap sa watawat habang itinataas ito.Sa unang nota ng Lupang Hinirang, masiglang

hilahin pataas ang watawat.Alisin ng mga kalalakihan ang kanilang sambalilo. Ilalagay ang palad sa kaliwang dibdib. Kailangang

sumaludo ang mga nasa military, iskauting, o pulisya ayon sa kanilang reputasyon. 

Kailangang pakaiingatan ang watawat at huwag itong hayaang sumayad sa lupa sa anumang pagkakataon.

Kailangang pakaiingatan ang watawat at huwag itong hayaang sumayad sa lupa sa anumang pagkakataon.

Page 7: Ang watawat ng pilipinas

Paano Iladlad ang Watawat

Kapag ito ay nasa pahalang na posisyon

Ang kulay asul ay palaging nasa itaas sa panahon ng kapayapaan, at pula naman sa panahon ng digmaan.

Page 8: Ang watawat ng pilipinas

Kapag ito ay nakasabit nang patayo:

Ang kulay asul ay palaging nasa kaliwa ng mga nagmamasid sa panahon ng kapayapaan at pula naman sa panahon ng digmaan.

Page 9: Ang watawat ng pilipinas

Kapag iwinawagayway kasama ng ibang bandila:

Kapag kasama ito ng ibang bandila, iangat ang watawat ng Pilipinas o ilagay sa kaliwa ng nagmamasid. Kung kasama ang iban bandila sa parade ilagay ang watawat sa gitna at nauuna sa ibang bandila.

Ilagay ito sa pinakamahalagang lugar/puwesto at hindi sa ilalim ng isang litrato o tao.

Huwag ilagay ang watawat sa lugar ng bisyo, tulad ng pasugalan at iba pa.

Huwag itong gamitin bilang bahagi o kabuuan ng iyong damit.

Kapag tastas o sira-sira na ang watawat, sunugin na lamang ito sa halip na isabit.

Huwag gamitin ang watawat na pantakip o panabing ng istatwa, tapete sa mesa o gawing kurtina.

Page 10: Ang watawat ng pilipinas

Rebolusyon ng Watawat ng Pilipinas

Watawat ng Rebolusyon. May tatlong K na tumutugon sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.Isa sa mga unang anyo ng watawat ng Katipunan.

Page 11: Ang watawat ng pilipinas

Lahat ng watawat ng Katipunan ay may letrang K na nakalutang sa pula upang ipahiwatig ang paghihimagsikan.

Page 12: Ang watawat ng pilipinas

Watawat ni Bonifacio. Unang ginamit ito sa Sigaw ng Pugad Lawin noong 23 Agosto 1896. Ito rin ang watawat na gamit ni Andres Bonifacio noong himagsikan 1892-1896.

Page 13: Ang watawat ng pilipinas

Opisyal na watawat ng Pamahalaang de Facto. May walong sinag na sumasagisag sa Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas. Sa gitna ng araw ay ang titik = k ng sinaunang Alibata para sa salitang Kalayaan.

Page 14: Ang watawat ng pilipinas

Unang opisyal na rebisyon ng watawat. Noong 17 Marso 1897, binago ang watawat at ito ang ginawang unang opisyal na watawat ng pamahalaan ng Pilipinas at mga pwersa nito sa Kapulungan ng Cavite sa Naic.

Page 15: Ang watawat ng pilipinas

Watawat ni Llanera. Gamit ito ni Heneral Mariano Llanera sa San Isidro, Nueva Ecija na minsan ring tinawag ng “Bungo Llanera.” Nakuha raw ni Llanera ang disenyong ito sa “initiation rites” ng Katipunan kung saan ginamit ang itim na sombrero.

Page 16: Ang watawat ng pilipinas

Watawat ni Pio del Pilar. Binansagang Bandila ng Matagumpay, ito’y may walong sinag ng araw upang parangalan ng “martial law” ng mga Español.

Page 17: Ang watawat ng pilipinas

Watawat ni Gregorio del Pilar. Ito ang kauna-unahang watawat ng Katipunan na gumamit ng tatlong kulay: pula, asul, at itim. GIanamit ito ni del Pilar sa Giyera ng Pasong Balite, Bulacan at sa kanyang huling laban sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong 2 Disyembre 1899. Ayon kay del Pilar, ginawa niyang modelo ang watawat ng Cuba na noo’y naghihimagsik laban sa España.

Page 18: Ang watawat ng pilipinas

Ang watawat ngayon. Kinuha ng kasalukuyang watawat ang iba’t ibang anyo ng mga nakaraang bandila ng Katipunan. Iwinagayway ito sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo anim na lingo matapos ang labanan sa Manila Bay. Inilabas ni Pangulong Manuel l. Quezon ang Executive Order No. 23 noong 25 Marso 1936 upang isaayos ang kulay at sukat nito.