51
Ang Pamahalaan ng Bansang Pilipinas Mrs. Alice A. Bernardo ARALING PANLIPUNAN 6

Ang pamahalaan ng pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pamahalaan ang kailangan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ay mahalaga para na rin sa kapakanan ng taong bayan.

Citation preview

  • 1. Ang Pamahalaan ngBansang PilipinasMrs. Alice A. BernardoARALING PANLIPUNAN 6

2. Ang Pamahalaan ng BansangPilipinas 3. Ang PamahalaanPagsilang ng isang tao ay bahagi na siya ng isang estado at nasailalim na ng pamahalaan. Ang estado ay binubuo ng mgamamamayang nagkakaisa at nagbubuklod-buklod;naninirahansa isang tiyak na lupang sakop ng bansa;may kapangyarihanggumagawa at magpatupad ng mga batas at nagtatamasa ngpagsasarilibilang isang malayang bansa. Tinatawag na isanginstitusyon ang pamahalaan dahil tumutugon ito sapangangailangan ng mga mamamayan.Pinananatili ngpamahalaan ang katahimikan ng bansa. Ang pamahalaan angnamamahala sa estado at nagpapatupad ng mga batas at mgakautusan upang maayos na makapamuhay ang mgamamamayan. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng mga taongpinili at inihalal ng mga mamamayan upang pangasiwaan angestado. Nagbibigay ito ng mga paglilingkod sa mga mamamayan. 4. Ang Kahalagahan ng Pamahalaan sa Isang BansaKailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at ngmga mamamayan upang magkaroon ng katahimikanat kaayusan sa bansa. Mahalaga ang katatagan ngbansa na siyang pangunahing layunin ng pamahalaanupang mapangalagaan ang karapatan, pag-aari atbuhay ng mga mamamayang Pilipino. Mahalaga angpamahalaan upang ang mga tungkulin at paglilingkodnito sa mga mamamayan ay maisagawa at paipatupad.Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga batas attuntuning dapat sundin ng mga mamamayan. 5. Ang mga uri ng pamahalaan sadaigdig:Pamahalaang DemokratikoAng salitang Demokrasya ay mula sa salitang Griyego nademos na ang ibig sabihin at tao at kratos na ang ibigsabihin ay pamamahala. Demokrasya ang pamahalaankapag ang kapangyarihan ng pamamahala ay nagmumulasa tao. Natatamo ang kapangyarihan ng mga pinuno ngbansa sa pamamagitan ng eleksyon o halalan. Ang mgamamamayan ay may karapatang pumili o bumoto nangmalaya sa nais niyang kandidato mula sa ibat ibangpartido o lapian. Itinakda ng batas kung ilang taonmamumuno at maglilingkod ang naibotong pinuno.Nagkakaroon ng halalan pagkatapos manungkulan angisang pinuno sa itinakdang panahon. 6. Sa demokrasya, magkakapantay-patay ang lahat ngtao sa pagtatamasa ng mga karapatan. Hindialintana anuman ang kulay, rehiliyon, lahi,paniniwala at katayuan sa lipunan. Ngunit mayhangganan din ang kalayaan ng mga mamamayansa ilalim ng demokratikong pamahalaan. Angsinumang lumabag sa batas,maging mahirap mano mayaman ay may kaukulang kaparusahan ayonsa itinakda ng Saligang Batas. Ang pamahalaangDemokratiko ay maaaring Yunitaro, Pederal,Parlyamentaryo at pampanguluhan. 7. Ang Pamahalaang YunitaryoNagmumula sa pambansang pamahalaano sentral ang mga ipinatutupad nagawain at mga patakaran na pinaiiral samga pamahalaang lokal. Samakatawid,lahat ng mga kaurusan ay nanggagalingsa pamahalaang sentral ng bansa. 8. Ang Pamahalaang PederalNahahati sa dalawa angkapangyarihan sa ilalim ngpamahalaang ito. Pinaiiral angkapangyarihan at mga gawainna nauukol sa nasasaklawannito sa pambansa at sa lokal napamahalaan. 9. Ang Pamahalaang ParlyamentaryoAng punong ministro (Prime Minister)ang pinakamataas na pinuno. Siya angpinili ng mga kagawad ng BatasangAsemblea. Ang mga kagawad ay inihalalng mga mamamayan sa mga lungsod atlalawigan bilang kinatawan nila. 10. Ang Pamahalaang PampanguluhanAng pamahalaan ng pilipinas ay pamahalaang demokratikongpampanguluhan. Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ngbansa bilang tagapagpaganap. Katulong ng pangulo angpangalawang pangulo at mga kagawad ng gabinete.Ang pagpilisa pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at mgakinatawan ay sa pamamagitan ng isang pambansang halalan nanilalahukan ng mga kwalipikadong botante ng bansa. Angpangulo ay pumipili ng mga kasapi ng gabinete at mga hukom nabumubuo sa Korte Suprema. Ang mga senador at mga kinatawanng mga lungsod at lalawigan ang bumubuo sa Kongreso na maykapangyarihang gumawa at magbago ng batas.Ang KorteSuprema at mababang hukuman naman ang binubuo ng mgahukomay may kapangyarihang dinggin at lutasin o hatulan angmga hidwaan, alitan at mga suliraning kaugnay sa pagpapatupadng batas. 11. Ang Pamahalaang MonarkiyaAng bansang may pamahalaang monarkiya aypnamumunuan ng hari, reyna o emperador. Angkapangyarihan na pamunuan ang isang bansa ayipinamana sa mga anak ng maharlikang angkan. Maydalawang uri ang pamahalaang monarkiya. Ito anglimitadong monarkiyang konstitusyunal (limitedconstitutional monarchy) at ganap na monarkiyangkonstitusyunal (Absolute monarchy). Sa monarkiyangkonstitusyunal, namumuno ang hari at reyna ngunit sakamay ng punong ministro nakataang ang tungkulinbilang tagapagganap. Panseremonya lamang angtungkuling ginagampanan ng hari at reyna. Hindi silanagpapatupad ng batas subalit una silang pinapaalaman,sinasangguni at hinihingan ng payo. Magkaiba anglimitadong monarkiyang konstitusyunal at ganap namonarkiyang. 12. Tanging ang namumuno angsiyang may kapangyarihangpamahalaan ang isang bansa sailalim ng absolute monarchy.Ang pinuno ang nagdidikta salahat kung ano ang dapat gawinkaya maihahalintulad angpinunosa isang diktador. 13. Ang Pamahalaang AristokrasyaIsang partidong pulitikal ang umiiral sa uring pamahalaang ito. Matalinong pangkatng mga tao o mayayaman lamang ang mayhawak ng kapangyarihang pulitikal.Sunod-sunuran lamang ang mgamamamayan sa mga batas at gawain naitinakda ng ilang makapangyarihang tao sapamahalaan dahil wala silang karapatangsumalungat at tutulan ang mga ito. 14. Ang Pamahalaang DiktatoryalNasa iisang tao lamang angkapangyarihan, sa diktador nasiyang gumagawa at nagpapatupadng batas. Wala ring karapatangsumalungat ang mga mamamayansa mga ipinag-uutos ng pinunongdiktador. 15. Ang Uri ng Pamahalaan ngPilipinasSa bansang Pilipinas ay umiiral ang pamahalaangdemokratiko. Sa pamahalaang ito, ang mga mamamayan aymay kalayaang magsalita at magpahayag ng ninanais atopinyon na hindi makasisira at makapipinsala sa kapwa atsa pamahalaan. Ang lahat ng mga batas at mga patakaranay naaayon sa isinasaad ng Konstitusyon o Saligang Batas.Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa tao dahil angmga mamamayan ang pumipili ng mga pinuno sapamamagitan ng halalan. Ang nahalal na pinuno okinatawan ng mga mamamayan ay nanunungkulan sa loobng itinakdang panahon. Ayos sa ipinahayag ng SaligangBatas sa Artikulo 2, Seksyon 1 Ang Pilipinas ay isangestadong republikano at demokratiko. Ang ganap nakapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sakanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan. 16. Ang Sistema ng Pamahalaang Pambansa at LokalAng pamahalaan sa Pilipinas ay nauuri onahahati sa dalawa ayon sa lawak ngpamamahala nito sa bansa. Ang mga itoay ang pamahalaang pambansa atpamahalaang lokal. Ang barangay,bayan, lungsod at lalawigan angbumubuo sa pamahalaang lokal. Angpamahalaang lokal ay nasa ilalimngpamahalaang pambansa. 17. Ang Pamahalaang PambansaMahalaga ang tungkuling ginagampanan ng pamahalaangpambansa. Ito ang namamahala sa buong Pilipinas sapamumuno ng pangulo ng bansa. Lahat ng suliranin namay kinalaman sa pulitika, lipunan at kabuhayan ay saklawng pamahalaang pambansa. Isinasaayos din nito angpamumuhay sa buong bansa upang matupad ang hangarinnitong mapaglingkuran ang lahat ng mamamayangPilipino. Ang pamahalaang lokal ay nasa ilalim ngkapangyarihan ng pamahalaang pambansa. Ang mgaipinatutupad na mga patakaran at mga ordinansa ngpamahalaang lokal sa mga barangay, bayan, lungsod atlalawigan ay naaayon sa itinakda ng pamahalaangpambansa sa ilalim ng kapangyarihang itinakda ngSaligang-Batas. 18. Ang Pamahalaang LokalBinunuo ang pamahalaang lokal ng mga lalawigan, bayan atbarangay. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng gobernador.Ang lungsod at bayan ay pinamumunuan naman ngalkalde, kapitan naman ang namumuno sa barangay.Tinitiyak din ng gobernador kung tumutupad sa tungkulinang mga alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang pangasiwaannaman ng barangay sa pamumuno ng kapitan ay nasailalim ng alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang mgakaraingan at suliranin ng mga mamamayan sa lokal nanasasakupan ay ipinararating ng mga pinuno ngpamahalaang lokal sa pambansang pamahalaan.Samantala, ipiinararating naman ng pamahalaang lokal samga mamamayang nasasakupan nito ang mga programa,patakaran at mga batas na dapat sundin na ipinatutupadng pambansang pamahalaan. 19. Ang Kodigo ng PamahalaangLokal na naisabatas noongika-21 ng hunyo, 1991 aynagtatakda ng paglilipat ngilang kapangyarihan mula sapambansang pamahalaantungo sa lokal na yunit ngpamahalaan. 20. Ang Ugnayan ng PamahalaangPambansa at Pamhalaang LokalMahalaga ang maayos na ugnayan ngpamahalaang pambansa at pamahalaanglokal upang matamo ang pagsulong at pag-unladng bansa. Ibat ibang patakaran atmga ordinansa ang ipinatutupad sa mgalalawigan, lungsod, bayan at barangay,ngunit iisa lamang ang layunin nito. Angsuportahan ang kabuuang layunin ngpamahalaang pambansa. 21. Ang Tatlong Sangay ng PamahalaanMay tatlong sangay na siyang nagpapatakbong ating pamahalaan. Ang mga ito ay angsangay Tagapagbatas o Lehislatibo(legislative), Sangay Tagapagpaganap oEhekutibo (Executive) at sangayPanghukuman o Hudikatura (Judiciary).Ang tatlong sangay ay may kanikanyangtungkulin na ginagampanan sapagpapatakbo ng pamahalaan sa Pilipinas. 22. Ang Sangay Tagapagbatas oLehislatiboMay kapangyarihan ang tagapagbatas sa ilalim ng SaligangBatas na magpanukala o gumawa ng batas, magbago ngmga batas at magpawalang-bisa ng mga batas. Ito aynakasalalay sa Kongreso na binubuo ng Senado o Mataasna Kapulungan na binubuo ng mga kinatawan. Ang Senadobilang mataas na kapulungan ng Kongreso ay binubuo ng24 na senador na halal ng mga kwalipikadong botante ngbansa. Pinamumunuan ito ng pangulo ng sendao nainihalal ng mga senador. Ang Kapulungan ng mgaKinatawan o Mababang Kapulungan ay binubuo naman nghindi hihigit sa 250 kinatawan (representative) nakumakatawan sa mga bayan, lungsod at lalawigan o mgadistrito ng kanilang pinanggagalingan.Ispiker ang tawag sapinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan na inihahalal ngmga kinatawan. 23. Ang kapangyarihan taglay ng bawatKagawad ng Kongreso ay galing samga mamamayan na nagluklok sakanila upangmanungkulan.Nararapat lamang nagampanan ng bawat kagawad angmga tungkulin nakaatang sa kanilapara sa kapakanan ng mgamamamayang Pilipino at ng buongbansa. 24. Mga Katangiang Dapat Taglayin ngmga Kagawad ng KongresoMaaaring maging kagawad ng Kongreso ang sinumankung siya ay nagtataglay ng mga sumusunod nakatangian:Katutubong mamamayan ng pilipinas May pinag-aralan Kwalipikadong at rehistradong botante 25 taong gulang para sa kinatawan at 35 taong gulangnaman sa senador;- nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taonpara sa kinatawan at dalawang taon naman para sasenador. 25. Ang Sangay Tagapagpaganap oEhekutiboAng kapangyarihang maging tagapagpaganap ay nasapangulo ng pilipinas. Siya ang pinakamataas na halal napinuno ng bansa. Katulong ng pangulo ang pangalawangpangulo at ang kanyang mga gabinete sa pagpapatakbo sapamahalaan. Inihalal din ng mga kwalipikadong botanteang pangalawang pangulo ng bansa sa pamamagitan ngpambansang halalan. Ang mga gabinete ay binubuo ngmga kalihimng ibat ibang kagawaran na pinili ng panguloupang mabilis na maisakatuparan ang mga proyektongpambansa. Ang kapangyarihan taglay ng pangulo ayibinabahagi niya sa ibat ibang kalihimng kagawaran oahensya ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ngmga mamamayan. Tinutugunan din nito ang mgapangangailangan ng mga mamamayang Pilipino. 26. May anim na taong manunungkulan ang pangulo atpangalawang pangulo ng bansa. Tungkulin ng pangulo angpagpapatupad ng mga batas.Ang pangulo bilang punng Tagapagpaganap o ChiefExecutive ay may mga sumusunod na kapangyarihan:A. Pangasiwaan ang lahat ng kagawaran o ahensya ngpamahalaan, kawanihan at tanggapang tagapagpaganap.May karapatan siyang pumili at mag-aalis ng mga pinunong mga ahensya ng pamahalaan.B. Ang pangulo ay may kaangyarihang pangmilitar.Siya angcommander-in-chief ng Sandatang Lakas ngPilipinas.Maaari ring suspindihin ng pangulo ang weit ohhabeas corpus.C. May kapangyarihan ang pangulo na makipag-ugnayan atmakipagkasundo sa ibang bansa;D. May kapangyarihan din siyang magpatawad sa mganagkasala sa batas, magkaloob ng palugit sapagsasakatuparan ng hatol o parusa; magbaba ng parusa atmagkaloob ng amnestiya. 27. Ang sinumang Pilipino na nagtataglay ngmga sumusunod na katangian aymaaaring kumandidato at maaaringmahalal na pangulo o pangalawangpangulo ng bansa:- Katutubong mamamayan ng Pilipinas- May pinag-aralan- Kwalipikado at rehistradong botante- 40 taong gulang sa araw ng halalan;- 10 taon nang naninirahan sa Pilipinasbago dumating ang araw ng halalan. 28. Ang mga Ahensya ng SangayEhekutiboIbat-ibang paglilingkod ang isanakatuparan ng pamahalaanupang matugunan ang mga pangangailangan ng mgamamamayan. Upang mapabilis at maging maayos angpagpaganap ng mga proyektong pambansa at gawain ngpamahalaan,ibinabahagi ng pangulo ng bansa angkanyang mga taglay na kapangyarihan sa ibat ibangkagawaran ng pamahalaan.Ang mga pinuno ng ibat-ibang kagawaran ay pinili ngpangulo upang maging katulong niya sa layuningmapaglingkuran ang mga kagawaran sa ilalim ng sangay naehekutibo.Ang mga napiling pinuno o kalihimng bawat kagawaran ngpamahalaan ay sumasailalim sa uri ng pangasiwaan ngpangulo. 29. Kagawaran ng Edukasyon(Departmentof Education)Pinangangasiwaan ng kagawarang ito ang lahatna paaralang publiko at pribado sa buongbansa. Tungkulin ng pamahalaan namagpatayo ng mga paaralan para sa mgakabataan at maging para sa matatanda.Nagbibigay ito ng libreng edukasyon sa mgapampublikong paaralan. Layunin nitongmabigyan ng sapat na kaalaman at malinangang kakayahan ng mga mag-aaral upangmaging mga kapaki-pakinabang namamamayan. Nagbibigay din ito ngedukasyon di pormal at libreng pagpapaaral 30. Kagawaran ng Tanggulang pambansa(Department of National Defense)Upang matiwasay na mamuhay angmga mamamayan , nagtatalaga angpamahalaan ng Sandatahang Lakasng Pilipinas na siyangtagapagtanggol ng pamahalaan.Laban sa mga kaaway ng bansa.Pinananatili rin ng kagawarang itoang katahimikan at kaayusan ngbansa. 31. Kagawawran ng Interyor at PamahalaangLokal(Department of Interior and LocalGovernment)Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, angmga barangay, bayan,lungsod at lalawigan aypamamahalaan ng mga pinunong lokal.Tinitiyak ng kagawarang ito na nasa ayos angtakbo, galaw at magkakatugma ang mgaproyekto ng mga lokal na pamahalaan sapaglinang ng kalagayangpangkabuhayan,panlipunan at pampulitikang bansa.Pinangangasiwaan din nito ang operasyon ngpulisya sa ilalim ng Philippine National Police(PNP). 32. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas naKayamanan(Department of Environmentang Natural Resources)Pinamamahalaan nito ang pangangalaga atwastong paglinang sa kapaligiran at mgalikas na yaman ng bansa. Kabilang dito angpangangalaga sa mga yamang lupa,yamang tubig, yamang gubat at yamangmineral ng bansa. Nagsasagawa angkagawaran ng mga hakbangin at mgaproyekto upang maibalik ang datingkasaganaan at kaayusan ng mga naturangyaman ng bansa. 33. Kagawaran ng Paggawa atEmpleyo(Department of Labor andEmployment)Ipinatutupad ng kagawarang ito ang Kodigong Paggawa ng Pilipinas.Pinangangasiwaan nito ang kapayapaan atmga karapatan ng mga manggagawa.Isinasaayos ng DOLE ang hindipagkakaunawaang namamagitan sa mgamanggagawa at mga may-ari ng pagawaanupang maiwasan ang mga welga atpagtatanggal ng mga manggagawa satrabaho. 34. Kagawaran ng Kalusugan(Department ofHealth)Pinangangalagaan ng kagawaran ang kalusugan ng mgamamamayan sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mgapagamutan ,ospital at mga klinika. Mayroon itong mgakawanihan tulad ng Kawanihan ng Lingkuran saKalusugang Dental,Kawanihan sa Pagsugpo sa Sakit,Kawanihan sa Pananaliksik at Laboratoryo,Kawanihan ngPagkain at Gamot,Kawanihan ng Kalusugan at LingkurangMedikal.Kabilang din ang Pambansang PagamutanOropedik, Lung Center, Heart Center at PambansangSentro sa Kalusugang Mental.Naglulunsad ang DOH ngmga proyektong kaugnay ng kalinisan at kalusugan.AngKawanihan ng Kuwarentinas(Quarantine) ay nasa ilalimdin ng DOH. 35. Kagawaran ng Agham atTeknolohiya(Department of Science andTechnology)Ang agham at teknolohiya ay mahalaga sapambansang kaunlaran.Itinataguyod ngkagawarang ito ang pananaliksik, imbensyonat edukasyong pang-agham atpanteknolohiya.Kabilang sa programa ngDOST ang pagpapaunlad ng kaalaman atkasanayan sa agham at teknolohiya naitinataguyod ng mga paaralan.Isa rito angpaggamit ng mga lokal na halaman upangmagamit na sangkap para sa mga gamot. 36. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod atPagpapaunlad(Department of SocialWelafare ang DevelopmentAng kagawarang ito ang namamahala sapagbibigay ng tulong at paglilingkod samga pamilya ng biktima ngbagyo,sunog,baha,lindol at iba pangkalamidad. Tinutulungan ang mganaghihirap upang mapatatag angpamumuhay kabilang na ang mgamusmos,matatanda,mga kapuspalad atmga may kapansanan. 37. Kagawaran ng RepormangPansakahan(Department of AgrarianReform)Ang kagawarang ito ang nagpapatupadng mga programa ng pamahalaankaugnay ng repormang pansakahan.Angisa sa mga programa nito ay angComprehensive Agrarian ReformProgram o CARP.Layunin ngprogramang ito na mabigyan ng lupaang mga magsasaka na bahagi ng lupangkanilang sinasaka bilang kasama ayos saitinadhana ng batas. 38. Kagawaran ng Katarungan(Departmentof Justice)Tungkulin ng kagawarang ito ang pagpapairal ngkatarungan sa bansa.Ang pagbibigay ng hatolokaso.Lahat ng mamamayan,mahirap man o mayamanay may karapatang tumanggap ng pantay na pagtinginng batas at ng hukuman.Ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kayangmagbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila aypinagkakalooban ng abogado.Ang Citizens LegalAssistance Office(CLAO)at Public AttorneysOffice(PAO) ay nabibigyan ng libreng tulongpanlegal.Binubuo ito ng mga abugado na handangtumulong sa mga mahihirap at mga nangangailanganng payong-legal upang matamo ang katarungan. 39. Kagawaran ng Agrikultura(Department ofAgriculture)Ang kagawarang ito ang gumagawa ng paraan upangmatugunan ang pangunahhing pangangalangan ngmga tao sa pagkain.Nagsasagawa ang kagawaran ngpananaliksik at tulong teknikal sa mgamagsasaka,mangingisda at naghahayupan tungkol samga makabagong paraan ng pagsasaka,pangingisda atpaghahayupan.Ginagawa ito upang maparami angproduksyon ng pagkain.Nagpapautang din angpamahalaan ng puhunan,abono at mga makabagongmakinarya na magagamit sa pagsasaka. 40. Kagawaran ng Turismo(Department ofTurismo)Maunlad ang turismo sa mga lugar ng bansa na maynatatanging kapaligiran at magagandangtanawin.Nagsasagawa ng mga programa angKagawaran ng Turismo upang maakit ang mgadayuhan na pasyalan ang mga magagandang tanawinsa ibat ibang panig ng bansang Pilipinas.Lumalahokdin ang Pilipinas sa mga pandaigdigan eksposisyon oeksibit upang ipakita ang mga produkto atnatatanging kultura ng bansa.Naging matagumpayang programangWOW Philippines(Wealth ofWonders)sa pamumuno ni Dick Gordon.Ang pag-unladng turismo sa bansa ay nabigyan daan upangmagkaroon ng hanapbuhay ang maraming pilipino. 41. Kagawaran ng Kalakalan atIndustriya(Department of Trade andIndustry)Pinangangasiwaan ng DOTI angPagpapaunlad ng mga kalakal at industriyasa bansa.Sakop nito ang pangangalakal saloob at labas ng bansa. Nakikipagugnayandin sa ibang bansa ang pamahalaan upangmagtayo ng industriya sa bansa ang mgadayuhan at bumili ng mga produktongPilipino na makatulong sa pagtaas ngekonomiya ng bansa. 42. Kagawaran ng Transportasyon atKomunikasyon(Deppartment of Transportation andCommunication)Ang lahat ng uri ng sasakyang panlupa,pandagat atpanghimpapawid ay nasa ilalimng pangangasiwa ngkagawarang ito.Nagbibigay ito ng mga lisensya sa mgamay-ari ng sasakyan at sinisiyasat nito kung nasatama ang paggamit ng mga lisensyang ipinagkaloobsa kanila.Nagsasagawa rin ang kagawarang ito ng mgaalintuntunin tungkol sa operasyon ng komunikasyontulad ng telepono,pahayagan,telebisyon,radyo at ibapang paraan ng komunikasyon. 43. Kagawaran ng Badyet atpangangasiwa(Department of Budyet andManagement)Ang kagawarang ito ang nangangasiwa sapagbabadyet ng pananalapi ngpamahalaan. Inihaharap nito angtaunang panukalang pambansangbadyet sa Kongreso upangpagtibayin.Kabilang sa kabuuang badyetang kakailanganin ng pamahalaanglokal at ibat-ibang ahensya ngpamahalaan. 44. Kagawaran ng UgnayangPanlabas(Department of ForeignAffairs)Namamahala sa pakikipag-ugnayangdiplomatiko ng ating bansa angkagawarang ito. Nakikiugnay ito saalinmang bansa sa pamayanangpandaigdig na may pakikipagkasundo saatin. Kadalasan saklaw nito anglarangangpampulitika,panlipunan,kabuhayan,pandarayuhan at iba pa. 45. Kalihim Tagapagpaganap(ExecutiveSecretary)Tuwirang tumatanggap ngtagubilin buhat sa Pangulo ukolsa pangkalahatangpangangasiwa at araw-araw napamamalakad ng pamahalaan. 46. Kagawaran ng Pananalapi(Departmentof Finance)Ilang kawanihan ang nasa ilalim ng kagawang ito. AngKawanihan ng Rentas Internas (Bureau of InternalRevenue) na siyang lumilikom ng mga buwis. AngKawanihan ng Tesorery (Bureau of Treasury) na siyangnamamahala sa pagtanggap,pagtatago at paglalabasng salapi na kinakailangan ng pamahalaan.Nagpapatupad din ito ng batas na may kinalaman samabisa at tamang pamamahala ng pananalapi ngpamahalaan.Kasama rin ang Kawanihan ngAdwana(Bureau of Customs) na nagpapatupad ngpaningil at buwis sa mga inaangkat at iniluluwas naprodukto ng bansa. 47. Ang Sangay Panghukuman o HudikaturaAng kapangyarihan at tungkuling ng Sangay Panghukumanay nakatakda sa Artikulo 8 Seksyon 1 ng SaligangBatas.Nakasalalay ang kapangyarihan panghukuman saisang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakababanghukuman na maaaring itatag ng batas.Saklawngkapangyarihan panghukuman ang tungkulin ng mgahukuman ng katarungan na ayusin ang mga nangyayaringmga sigalot na may kinalaman sa mga karapatang naaayonsa batas.Dapat ding pasyahan kung mayroon o walanggnaganap na malubhang pagsasamantala o kalabisan sahuridiksyon sa panig ng alin mang sangay ngpamahalaan.Ang alin mang alitan ng nasasakdal atnagsasakdal ay dinidinig at hinahatulan ng hukumanupang pairalin ang batas ayon sa simulaingpangkatarungan. 48. Ang Kataastaasang Hukuman o KorteSupremaIto ay binubuo ng Punong Mahistrado(ChiefJustice) at labing-apat na katulong naMahistrado (Associate Justice).Tungkulin nitoang pagbibigay hatol sa mga kaso na nasailalim ng kapangyarihan ng korte. Angpaggagawad ng naturalisasyon ay nasa ilalimng Solicitor General. Nagsasagawa rin ng mgapatakarang susundin ng lahat ng hukuman athumihirang ng mga karapat-dapat na opisyalat tauhan ng mga hukuman ang KorteSuprema. 49. Ang mga Mababang HukumanIto ay binunuo ng mga sumusunod:A. Hukuman sa Pag-aapela (Court of Appeals)B. Hukumang Rehiyonal (Regional Trial Court)C. Hukumang Metropolitan (Metropolitan Trial Court)D. Hukumang MunisipalBawat hukuman ay hindi dapat saklawan ng ibanghukuman dahil bawat hukuman ay may kanya-kanyangkapangyarihan. Bawat hukom ay may taglayna katangiang itinadhana ng Saligang Batas oKonstitusyon. 50. Ang mga Tanging HukumanAng mga tanging hukuman ay binubuo ng Sandigangbayan,Hukuman sa Pag-aapela at Hukumang Shariah.Ang Sandigangbayan ay isang tanging hukuman nasumasaklaw sa mga kasong kinasasakupan ng mgapinunot kawani ng pamahalaan at sa mga tanggapang pag-aaring pamahalaan ayon sa itinadhana ng batas kaugnayng mga katiwalian at iba pang paglabag sa batas.Saklaw naman ng Hukumang Pag-aapela sa Buwis ang lahatng mga kaso at usaping may kinalaman sa pagbabayad ngbuwis.Ang Hukumang Shariah ay itinatag sa Mindanao para sa mgaMuslim. Ito ang hukumang nagpapataw ng parusa sa mgalumalabag sa Batas ng Islam ng Pilipinas. 51. THE END