4
 “Ang Dyaryong matapat, katotohanan ang ikakalat.” ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DIVISION SECONDARY SCHOOLS PRESS CONFERENCE, LUNGSOD NG CALOOCAN Ang Umaga  BALITANG MABILIS, IMPORMASYONG WALANG MINTIS  Ang Umaga BIYERNES, SETYEMBRE 26, 2014 TOMO I BLG. 1 “WRITING IS EXPOSING” Matapang na sinasagot ni G. Marvin M. Enderes ang mga tanong bilang bahagi ng DSSPC.  Former Editor-in-Chief ng PNU humiling sa DSSPC Collaborative  Nana waga n ang Forme r Edito r-in- Chief ng PNU (Philippine Normal University) na si Guess Speaker Marvin M. Enderes sa mga kalahok sa 2014 DSSPC(Division Secondary School Press Conference) Collaborative Contest ngayong Setyembre 26,2014 sa Caloocan High School na dapat suungin ng mga kabataan ang pagsubok sa larangan ng pamamahayag na magiging simula ng pagbabago.  Nil ahuk an nama n ng 13 paar ala n ang Collaborative Contest ngayong araw kasama na ang kanilang School Paper Adviser. Ayon kay Enderes, huwag susuko sa pamamahayag dahil ito ang magiging simula sa pagsulong ng  pagb abag o. “Ang magiging susi sa tagumpay sa pamamahayag ay disiplina sa pagsusulat,passion at love sa  pama maha yag” ,dag dag pa n iya . Hahatulan ni Enderes ang mga dyaryong natapos ng bawat kalahok at ang makakakuha ng unang puwesto ang sasabak sa Regional Secondary School Press Conference. 2014 Division School Press Conference, sinimulan Muling nagkaisa ang mga paaralan sa Caloocan para sa 2014 Divi- sion School Press Conference sa pangunguna ng Pangulo ng Caloocan School Paper na si Ivee Perez sa mga piling eskuwelahan sa Caloocan City,Setyembre 22 hanggang Oktubre 8,2014. Dinaluhan ng 38 paaralan at mga estudyante na umabot sa 400 sa Caloocan kasama ang kanilang School Paper Adviser at mga kilalang mamahayag sa bansa bilang hurado. Pinamunuan ng mga hurado ang mga mag-aaral na sumabak sa DSSPC at isinalang muna sa konting mensahe at mga alituntunin sa larangan ng pamamahayag. Matapos ang programa at paligsahan sa Pagsulat ng Balita,Pag- uulo at Pagwawasto ng Balita,Pagsulat ng Editoryal,Lathalain at Kartuning,nagkaroon ng maikling pagpupulong ang mga SPA para sa eleksyon ng bagong Caloocan City SPA Ofcers. World Teacher’s Day, ginugunita Isinulong ng mga kabataan ang pag- diriwang ng World Teacher’s Day sa  baw at sul ok ng mun do nga yon g buw an ng Setyembre at Oktubre. Ayon kay Former Editor-in-Chief ng PNU(Philippine Normal University) ang layunin ng selebras yon para sa mga guro ay mabigyan ng karangalan ang mga kontribusyon nila sa mundo dahil ang guro ang pinaka susi sa magandang kina-  buk asa n a t p agh ubo g s a k aba taa n. Muling nagkaisa ang mga kabataan upang mabigyan ng surpresa ang mga guro sa bawat paaralan ng Pilipinas para sa pagtatapos ng selebrasyon ng World Teacher’s Day.

Ang Umaga

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Newsletter

Citation preview

  • Ang Dyaryong matapat, katotohanan ang ikakalat.

    ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DIVISION SECONDARY SCHOOLS PRESS CONFERENCE, LUNGSOD NG CALOOCAN

    Ang UmagaBALITANG MABILIS, IMPORMASYONG WALANG MINTIS

    Ang UmagaBIYERNES, SETYEMBRE 26, 2014 TOMO I BLG. 1

    WRITING IS EXPOSING Matapang na sinasagot ni G. Marvin M. Enderes ang mga tanong bilang bahagi ng DSSPC.

    Former Editor-in-Chief ng PNU humiling sa DSSPC Collaborative

    Nanawagan ang Former Editor-in-Chief ng PNU (Philippine Normal University) na si Guess Speaker Marvin M. Enderes sa mga kalahok sa 2014 DSSPC(Division Secondary School Press Conference) Collaborative Contest ngayong Setyembre 26,2014 sa Caloocan High School na dapat suungin ng mga kabataan ang pagsubok

    sa larangan ng pamamahayag na magiging simula ng pagbabago.

    Nilahukan naman ng 13 paaralan ang Collaborative Contest ngayong araw kasama na ang kanilang School Paper Adviser.

    Ayon kay Enderes, huwag susuko sa pamamahayag dahil ito ang magiging simula sa pagsulong ng pagbabago.

    Ang magiging susi sa tagumpay sa pamamahayag ay disiplina sa pagsusulat,passion at love sa pamamahayag,dagdag pa niya.

    Hahatulan ni Enderes ang mga dyaryong natapos ng bawat kalahok at ang makakakuha ng unang puwesto ang sasabak sa Regional Secondary School Press Conference.

    2014 Division School Press Conference, sinimulanMuling nagkaisa ang mga paaralan sa Caloocan para sa 2014 Divi-

    sion School Press Conference sa pangunguna ng Pangulo ng Caloocan School Paper na si Ivee Perez sa mga piling eskuwelahan sa Caloocan City,Setyembre 22 hanggang Oktubre 8,2014.

    Dinaluhan ng 38 paaralan at mga estudyante na umabot sa 400 sa Caloocan kasama ang kanilang School Paper Adviser at mga kilalang mamahayag sa bansa bilang hurado.

    Pinamunuan ng mga hurado ang mga mag-aaral na sumabak sa DSSPC at isinalang muna sa konting mensahe at mga alituntunin sa larangan ng pamamahayag.

    Matapos ang programa at paligsahan sa Pagsulat ng Balita,Pag-uulo at Pagwawasto ng Balita,Pagsulat ng Editoryal,Lathalain at Kartuning,nagkaroon ng maikling pagpupulong ang mga SPA para sa eleksyon ng bagong Caloocan City SPA Officers.

    World Teachers Day, ginugunita

    Isinulong ng mga kabataan ang pag-diriwang ng World Teachers Day sa bawat sulok ng mundo ngayong buwan ng Setyembre at Oktubre.

    Ayon kay Former Editor-in-Chief ng PNU(Philippine Normal University) ang layunin ng selebrasyon para sa mga guro ay mabigyan ng karangalan ang mga kontribusyon nila sa mundo dahil ang guro ang pinaka susi sa magandang kina-bukasan at paghubog sa kabataan.

    Muling nagkaisa ang mga kabataan upang mabigyan ng surpresa ang mga guro sa bawat paaralan ng Pilipinas para sa pagtatapos ng selebrasyon ng World Teachers Day.

  • BIYERNES, SETYEMBRE 26, 2014

    TOMO IBLG. 12

    Ang Dyaryong matapat, katotohanan ang ikakalat.

    Huwag nang dagdagan!As the constitution says, Its not al-

    lowed, yan ang sabi ni G. Marvin M. Enderes ang patungkol sa Term Exten-sion ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang Press Conference na ginanap sa Function Hall ng Caloocan High School. Hindi niya sinang-ayunan ang pagda-ragdag ng termino ng isang pangulo. Napapanahon na nga ba ang pagsabay sa saliw ng Cha-Cha? Talaga nga bang makakatulong ito sa pag-unlad ng ating bayan? O paraan lang ito upang manatili sa kapangyarihan?

    Ang Charter Change ay may mga positibong epekto ngunit ang nakakaba-hala ay ang pang-aabuso ng nasa itaas. Mas maipagpapatuloy niya ang kan-yang mga magandang hangarin; bagay na malayong mangyari sa isang ban-sang may magulong mundo ng pulitika. Mas maraming proyektong matatapos

    kung dadagdagan ang termino ng pan-gulo. Sa kabilang banda, gagamitin lang nila ito upang ipakilala ang kanilang pamilya na nais din pumasok sa pu-litika na kadalasay nauuwi sa hindi magandang epekto. Oo, makakabuti ito sa mga prominenteng pamilya pero nagiging kawawa naman ang mga ma-mamayan. Pwede rin nila itong gawing dahilan upang makakuha ng kickback sa kaban ng bayan na kanilang pangu-nahing interes kung bakit sila tumakbo sa eleksyon. Ang ibay nagnanais ng dagdag termino upang makapaghiganti sa kaaway nilang pamilya samantalang nadadamay lang sa gulo ang mga tao. Ayaw na nating maulit ang madilim na bahagi ng ating kasaysayan. Huwag nat-ing hayaan na magpasa-pasa ang henera-syon ng mga buwaya sa gobyerno.

    Hindi birong maging pangulo pero

    mas lalong maghirap bunga ng pagboto sa maling kandidato. Ang kaunting hal-aga kapalit ng mahabang pagdurusa ay dapat isipin tuwing hawak ang balota. Ang pagbabago ay nagsisimula sa ma-talinong pagpili ng bagong lider ng ating kapuluan. Huwag hayaan na matuloy ang term extension ng pangulo. Bakay maging mitsa lang ito ng ating kapaha-makan.

    ANG UMAGA | OPINYON

    EDITORYAL:

    Napapanahon na nga ba ang parusang bitay?

    Wala nang kinatatakutan ang mga kriminal. Simula pa nang mga nakaraang administrasyon, talagang mataas na ang bilang ng krimen sa bansa. Sa paglipas ng panahon, ibat iba na ang estratihiyang ginagawa ng mga kriminal ,mga masasahol na estratehiya kaya tila nagiging normal na itong pangyayari sa paligid.

    Sa malalang kaso ng krimen sa bansa, isang solusyon ang pagbabalik ng parusang death penalty. Isang batas na maaaring katakutan ng mga pagala-galang kriminal. Ngunit malaking katanungan, solusyon nga ba ang pagpatay bilang parusa sa mga pumapatay?

    Noong panahon ni Presidente Marcos, isinagawang batas ng pamahalaan ang death penalty. Batas kung saan pag-patay rin ang magiging parusa sa mga nahuhuling kriminal. Karaniwang parusa ang pagbitay. At kung sinuman ang ma-huhuling suspek, tiyak mamamatay sa kamay ng pamaha-laan. Marahil noong ang Pinas ay nasa diktador na pamaha-laan, hindi laganap ang patayan at hindi gaanong problema ng bansa ang krimen.

    Ngunit, ayon naman sa simbahang katolika,kasalanan ang pagpatay at hindi dapat tayo pumatay ng sinuman. Marami rin ang tututol kung tatanungin rin ang karamihan . Hindi kasi mababayaran ng kasalanan ang isa pang kasalanan at hindi rin ito makakatulong sa lipunan.

    Ayon din sa pahayag ni Sir Marvin N. Enderes sa isang mini conference, Mas mainam ang life imprisonment, kaysa bawian ng buhay ng mas maaga, mas mabuti pa ring mag-dusa ng matagal.Oo ngat mas solusyon pa rin ang pagkulong sa mga criminal kaysa patayin sila ng maagana hindi nila mararanasan ang pagsisisi sa giawa nila. Hindi rin masama na mabigyan sila ng pagkakatataon para magbago.

    Sa lumalalang kaso ng krimen sa bansa, hindi sagot ang parusang pagbitay. Hindi tiyak kung katatakutan ba ito ng mga criminal at paano na lamang ang mga napagbintangan? Kung iisipin hindi rin ito magiging makatao ang bata na ito sa lipunan.

    Hindi pa napapanahon ang parusang bitay. Pagtuunan na lamang ng pamahalaan ang paggawa ng mga mabibisang batas maging alerto rin sa mga pangyayari sa paligid lalo na ang mga kapulisan. Tiyakin ag seguridad sa bawat komuni-dad . At kaysa bitayin ang mga nahuhuling mamamatay tao, mas mabuti nag makulong sila ng habambuhay.

    SILIP LAWIN

    ANG UMAGAPATNUGOT/KARTUNISTA

    Andrei Mari G. TrinidadLITRATISTA

    John Lawrence A. ArrogantePATNUGOT NG AGHAM Aramae R. Madrelejos

    PATNUGOT NG LATHALAIN Rhinamelle Corbito

    PATNUGOT NG BALITA Ronald Jopher E. Bucad

    PATNUGOT NG EDITORYAL Shaine Arrah D. Bulay-ogPATNUGOT NG ISPORTS Flordilino M. Penaflor Jr.

    NI: John Lawrence A. Arrogante

  • BIYERNES, SETYEMBRE 26, 2014

    TOMO IBLG. 1 3

    Ang Dyaryong matapat, katotohanan ang ikakalat.

    KINAGISNAN KO, NAGBAGO!Lahat ay may karapatang malaman ang

    mga kaganapang nangyayari sa ating mundo. Nararapat lamang na alerto tayo at alam ang lahat upang maiwasan ang mga hindi inaasa-hang pangyayari. Sa tulong ng siyensya, mas mapapalawak pa natin ang ating kaalaman sa pagtuklas ng mga bagay-bagay sa ating paligid. Ngunit ang iba ay ayaw at takot ng tumuklas sapagkat hindi naman lahat ng bagay na ating natutuklasan ay may magan-dang maidudulot sa atin.

    Matagal na panahon na ng nalaman ng mga siyentista ang Ozone Layer. Malaki ang papel na ginagampanan nito sa atin sapagkat pinuprotektahan tayo nito sa sobrang init na dala ni haring araw. Ngunit nakakalungkot isipin na ngayon ay unti-unti ng numinipis ang Ozone Layer.

    Hindi na ito tulad ng dati na napakaka-pal, kaawa-awang mundo, dahil sa mga ma-panirang tao na sa iyoy gumulo hindi ka na kasing-ganda tulad ng dati. Isa pa na sa amin ay gumulantang, ang biglaang pagbabago ng iyong klima.

    Sa panahon ngayon, nararapat na tag-lamig ang aming nararamdaman, ngunit dahil nga ikawy nasira na, napakainit ng klima. Nais naming muling maranasan ang natural mong kalagayan at panahon.

    Kaya hindi pa huli ang lahat, kaya pa nam-ing magbago. Muli naming ibabalik ang dating likha ng Diyos na ipinagkatiwala niya sa amin upang ingatan, mahalin at alagaan..

    Lathalain-AghamANG UMAGA

    Dear Editor, Bakit hindi na nagbabasa ng diyaryo ang mga ka-bataan? Anu-ano ba ang inyong mga paraan upang mahikayat sila na maging matiyaga ? Sana po ay ma-sagot ninyo ang aking katanungan. -09494723685

    Marahil ang kabataan ay nakadepende na ang pang araw-araw na gawain at buhay sa Social Media. At sa pagka-kataong iyon di na natin maaalis ang pagkahumaling nila dito. Tayo na lamang ang umintindi. -Punong Patnugot

    Liham sa Patnugot

    MUNTING SIBOLTiktilaok TiktilaokIlang linggo na rin kaming gumigising ng maaga , puma-

    pasok sa eskwela kahit hindi pa oras ng klase , nagtiti-is, at dumaranas ng pagod at puyat ... Dahil ito ang trabaho ng isang manunulat!Lumilipas ang mga araw ng aming buhay na walang gi-

    nawa kundi magsulat ng magsulat ng magsulat Hindi na rin bago sa amin ang buhay mula sa bahay ay di-retso sa eskwelahan , makikiusisa sa mga pangyayaring bago , makikibalita sa mga kaganapang hindi lingid sa kaalaman ng nakararami.Bilang mga munting sibol ng panahon, mga susunod na

    henerasyon ng katotohanan , susunod na sandigan at batayan ng buong sambayanan , ano nga ba ang tungku-lin ng isang manunulat , o ng mga journalists sa bansa ?Mahirap maging isang Journalist , isang trabaho na

    nangangailangan ng mahabang pasensya at malawak na kaisipan at higit sa lahat ang pagmamahalPagmamahal sa bayan at sa paggawa na hindi mag-

    mamaliw at hindi kukupas kahit ano pa mang trahedya ang dumating, hindi matutumbasan ng limpak-limpak na salapi , at hindi kailanman mababahiran ng karahasanMaaaring kung minsay nakararanas ng pagkalito

    ngunit ang mahalaga ay nalaman ng bawat isa na ang bawat salita na isinusulat , bawat buka ng bibig , bawat bagay na ginagawa ay may malaking ambag sa kasalu-kuyan , ang PAGBABAGO!Ito ang simula ng malakihang pagbabago , pagbabago

    na makakaapekto sa lahat ng tao , mapa-estudyante, simpleng mamamayan, o maging kapwa mga journalists , ito ang siyang magmumulat ng mata ng buong bayan , magiging inspirasyon para sa iba na tila naliligaw ng landasMahirap maging journalist ,kailangan ng

    disiplina,ngunit fulfilling ito dahil alam mong nakapag-bibigay ka ng inspirasyon sa iba, huwag kang susuko, dont give up !Iyan ang mga katagang nanggaling sa isang mahusay

    na tagapagturo ng mga manunulat , si Ginoong Marvin M. Enderes.Hindi maikakaila na sa ating modernong panahon ay

    maraming mga kaguluhan , Pilipino laban sa Pilipino , may mga protesta laban sa katiwalian at ang buong sambayanan ay unti-unting namumulat sa mga katoto-hanag pilit na ikinukubli at itinatago sa harap ng madla.Ito ang tungkulin ng mga mamamahayag,at sa pama-

    magitan nila at ng mga munting sibol na kusang susu-nod sa kanilang landas na tinahak magmumula ang PAG-BABAGONG hindi pa nararanasan ng sinuman , kung saan isasaalang- alang ang kabutihang pangkalahatan at hindi ang benepisyong pansarili lamang ...

  • BIYERNES, SETYEMBRE 26, 2014

    TOMO IBLG. 14

    Ang Dyaryong matapat, katotohanan ang ikakalat.

    Tamaraws nilamon ang Falcons,65-62Winasak ng Far Eastern Univer-

    sity Tamaraws ang mga pangarap ng Adamson University Falcons mata-pos pabagsakin at itarak ang 65-62 tagumpay sa maaksiyong UAAP mens basketball sa dumadagundong na Smart Araneta Coliseum,kahapon.

    Pinataob ng Tamaraws ang Fal-cons sa pamamagitan ng malagkit at malapader na depensa at pagpa-paulan nito ng mga naglalagablab na puntos upang tuluyang ilampaso ang Falcons at sungkitin ang tagumpay.

    Mala buhawing nanalasa sa ikat-long canto ang Tamaraws at tam-bakan ang Falcons ng 12 puntos 48-36 upang basagin ang depensa ng mga ibon, pabor sa Tamaraws.

    Napakaganda ng ipinakitang de-pensa at shooting skill ng mga bata. Sana magpatuloy ito hanggang ma-karating kami sa finals wika ni FEU coach Dj Pastor.

    Umarangkada ang Falcons sa

    ikaapat na canto at mabawi ang ka-lamangan sa Tamaraws 58-57 ngunit ibinasura lang ito ng Tamaraws at lusawin ang depensa ng Falcons sa pamamagitan ng malagkit at mala-pader na depensa upang tuluyang wakasan ang kampanya ng Falcons 65-62,wagi ang Tamaraws.

    Andun na kami,malapit na ! pero hinarangan kami ng Tama-raws.Napakaganda ng ipinakita ng kalaban,kahit man ako aminado sa mga pagkakamali namin. Hindi kami nagkaintindihan at mahina ang depensa ng mga bata wika ni ADU coach Darren Istable.

    Nagbagsak ng mabibigat na 25 puntos,5 rebounds at 5 assists si Ter-rence Romeo sa pagsusuporta ni Jimmy Santos na nagpasabog ng 19 puntos at 2 assists upang panguna-han ang Tamaraws sa hinahangad na tagumpay.

    Nagpaulan ng mga naglalagablab

    na 23 puntos,9 rebounds at 2 as-sists si Alfonso Matute katulong si Derick Rolando na nagselyo ng 18 puntos ngunit hindi ito naging sapat para buhatin ang Falcons tungo sa tagumpay.

    Mala kastilyong buhangin na nag-iba ang mga hangarin ng Falcons at naglahong tila bahaghari ang mga mithiin nito na talunin ang Tama-raws at masungkit ang tagumpay.

    ANG UMAGA ISPORTS

    Lady Spikers binaon ang Lady Eagles Hinampas ng De Lasalle Univer-

    sity Lady Spikers ang Ateneo De Ma-nila University Lady Eagles matapos pabagsakin at itarak ang 25-20 sa second set tagumpay sa maaksiyong UAAP Season 75 womens volleyball sa dumadagundong na Smart Arane-ta Coliseum,kahapon.

    Sa pamamagitan ng malapader na depensa at mga naglalagablab na spikes pinatumba ng Lady Spikers ang Lady Eagles upang lusawin ang porma ng Lady Eagles at sungkitin ang tagumpay.

    Nagpasabog ng matutulis na 20 puntos at 4 blocks si Mika Reyes sa pagsusuporta ni Demecillo na na-kapagtala ng 11 puntos upang pangu-nahan ang Lady Spikers.

    Tambak kami sa umpisa,ngunit humabol kami dahil sa determi-nasyon at dedikasyon ng mga bata wika ni DLSU Spikers coach Ramil

    De Jesus.Umarangkada ang Lady Eagles sa

    2nd set at natambakan nila ang Lady Spikers 14-7 ngunit nabuhayan ng loob ang Lady Spikers at lusawin ang depensa ng mga agila dahilan upang tapusin na ang kampanya ng Lady Eagles at sungkitin ang tagumpay.

    Biglang nawala ang depensa namin,nang hina at nawala ang lakas ng loob ng mga bata ko.Maganda ang ipinakita ng kalaban.wika ni ADMU coach Roger Gorayeb.

    Nagbaon ng maiinit na 15 pun-tos si Nika Valdez katulong si Juana Ferrer na nakapagtala ng 11 puntos ngunit hindi ito naging sapat para buhatin ang Lady Eagles.

    Kastilyong buhangin na nagiba ang mga hangarin na Lady Eagles at naglahong tila bahaghari ang mga mithiin nito na sungkitin ang tagumpay.

    ISPORTS EDITORYALSigaw ng Nag-aalab na Puso

    Nagpamalas ng kagila-gilalas na kakayahan at talent ang Gilas Pilipi-nas nang makipagbakbakan sila sa mga higanteng bansa sa pandaigdi-gang entablado sa ginanap na FIBA World Cup sa Spain.

    Hindi matutumbasan ang ipinaki-tang determinasyon ng Gilas Pili-pinas para lang ibandera ang ating bansa at makagawa ng kagulat-gu-lat na performance at patunayan na hindi tayo basta-basta pagdating sa basketball.

    Madami man ang humuhusga sa kakayahan ng Gilas Pilipinas,hindi ito naging hadlang upang mawalan ng pag-asa dahil sa libo-libong mga Pilipinong sumusuporta sa kanila para palakasin ang kanilang loob sa bawat hamon at pakikipaglaban na nararanasan.

    Sa tindi ng pagsusuporta ng mga Pilipino at sa nag-aalab na mga mithiin at hangarin nito,napag-isa nito ang bawat pangarap ng buong sambayanan .Panahon na upang mabago ang kasaysayan ng ating bansa.Panahon na para tayo magtu-lungan at magkaisa.Panahon na para pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang ating mga talento sa isports.Da-hil tayo ay Pilipino.Hinding-hindi susuko hanggat hindi makapanalo.Panahon na para ilabas natin ang ating nag-aalab na pusong Pilipino.