6
Ang Tigre at ang Matalinong Lobo Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol. "Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!" "Bakit?" tanong ng tigre. "Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya." Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!" "Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!" Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop. Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot. Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!" Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino. GABAY SA PAGBABASA: 1. Ano ang nahuli ng tigre? 2. Bakit daw dapat katakutan ng tigre ang lobo? 3. Sino ang magagalit kapag kinain ng tigre ang lobo? 4. Nang pumunta sila sa kagubatan, ano ang nangyari ng makita sila ng iba’t-ibang uri ng hayop? 5. Sino ba talaga ang totoong kinatakutan ng mga hayop?

Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Ang Tigre at ang Matalinong Lobo

Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol."Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!""Bakit?" tanong ng tigre."Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya."Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!""Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot.Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.

GABAY SA PAGBABASA:1. Ano ang nahuli ng tigre?2. Bakit daw dapat katakutan ng tigre ang lobo?3. Sino ang magagalit kapag kinain ng tigre ang lobo?4. Nang pumunta sila sa kagubatan, ano ang nangyari ng makita sila ng iba’t-ibang uri ng hayop?5. Sino ba talaga ang totoong kinatakutan ng mga hayop?

Ang Matakaw na Kuneho

Page 2: Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Nakita ng kunehong gutom na gutom ang isang malaking basket na puno ng matamis na kamote.Nilapitan niya ang basket, nakita niyang may takip ito. Naghanap sya ng ibang mapapasukan. Nakakita sya ng maliit na butas sa bandang tagiliran nito.Pinilit nyang sumuot doon hanggang makapasok nga sya sa loob ng basket. Tuwang tuwa sya nang lantakan ang matamis na kamote.Kumain sya ng kumain, walang tigil sa pagkain na animo mauubusan. Makalipas ang ilang sandali ay nabundat na siya ng husto.Nang tangkain na niyang lumabas ng basket ay hindi na nya nagawa. Nang dahil sa kanyang katakawan ay lumaki ng husto ang kanyang tiyan. Dahil doon, hindi na siya nagkasya sa butas na pinasukan. Hindi na siya makalabas.Dinatnan sya ng may ari ng basket. Hinuli siya at siya ay ginawang tapang kuneho.

GABAY SA PAGBABASA:1. Ano ang nakita ng kuneho?2. Ano ang nakita niya para makapasok siya sa basket?3. Pagkapasok niya sa basket, ano ang kanyang nakitang laman nito?4. Makalipas ang ilang sandali ng pagkain, ano ang nangyari sa kuneho?5. Nang dinatnan siya ng may ari ng basket, ano ang ginawa sa kanya?

Ang Matigas na Ulong Sisiw

Page 3: Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

May isang inahing manok ang may anim na sisiw. Kung nasaan ang inahing manok ay naroon ring nakasunod ang mga sisiw nito. Palagi silang sagana sa pagkain kaya sila'y palaging masaya.Sa isang isang bakuran naroon sina inahing bibi at ang kanyang anim ring mga maliliit na bibi na nagsisipaligo at naglalaro sa isang maliit na balon.Natanaw ng mga sisiw ang mga nagsisipaglangoy na mga bibi. Lumapit sila sa gilid ng balon at doo'y pinanood ang masasayang mga bibi."Umalis kayo sa gilid ng balon!", sigaw ni inahing manok.Waring walang narinig ang mga sisiw sa sinabi ng inahing manok. "Masdan n'yo ang mga sisiw na nagsisipaligo sa balon," ang sigaw ng isang sisiw."Hindi iyon mga sisiw. Sila'y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig. Umalis na kayo sa gild ng balon dahil baka kayo'y mahulog at malunod. Halina kayo't tayo'y aalis na." ang wika ng inahing manok.Patungo na ang inahing manok sa kanilang pugad kasunod ang limang sisiw. Ang isang sisiw ay nagpaiwan at nanatiling nakamasid sa mga nagsisipaligong bibi.Naisip niyang kung kayang lumangoy ng mga maliliit na bibing iyon sa tubig ay kaya rin niyang isang sisiw. Kaya't siya'y tumalon sa tubig, ngunit huli na ang lahat nang mapag-isip-isip ng matigas na ulong sisiw na hindi niya kayang lumangoy, kaya't siya'y nalunod.

GABAY SA PAGBABASA:1. Ilan ang sisiw ni inahing manok?2. Ilan ang sisiw ni inahing bibi?3. Ano ang ginagawa ng mga bibi ?4. Sino ang nagsabi ng linyang ito : “Hindi iyon mga sisiw. Sila’y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig.” ?5. Ano ang naisip ng nagpaiwang sisiw kaya’t siya ay tumungo pa rin sa balon kahit pinagbawalan ni inahing manok

Ang Hangin at ang Araw

Page 4: Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Payabang na sinabi ng hangin sa araw: "Mas malakas ako sayo."Mabilis naman itong sinagot ng araw: "Hindi! Mas malakas ako sayo."Di kalaunan nakakita sila ng isang lalaki. Upang malaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mas malakas, napagkasunduan nilang kung sino man sa kanilang dalawa ang makapagpatanggal ng suot na pangginaw ng lalaki ay ay siyang mas malakas.Sinimulan nang magtago ng araw sa mga ulap. Nagsimula namang umihip ang hangin sa lakas ng kanyang makakaya. Ngunit habang lumakas at tumitindi ang pag-ihip niya ng hangin ay siya namang higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang pangginaw. Pagkatapos ng ilang pagsubok ay sumuko na rin ang hangin.Ngayon naman ang pagkakataon ng araw. Lumabas ang araw mula sa kanyang pinagkukublihan. Marahan at tahimik siyang lumabas at nagsimulang magbigay ng matinding liwanag.Hindi nagtagal nakaramdam ang lalaki ng matinding init sa katawan at nagsimulang maghubad ng kanyang pangginaw.

GABAY SA PAGBABASA:1. Ano ang sinabi ng ulap sa araw?2. Ano naman ang sagot ng araw?3. Ano ang napagkasunduan nila ng makita ang isang lalaki?4. Nang umihip ng hangin ang ulap, ano ang ginawa ng lalaki?5. Nang nagsimulang magbigay ng matinding liwanag ang araw ano ang nangyari? Sino ang nanalo sa kanilang dalawa?

Ang Mapaghiganting Bubuyog

Galit na galit ang mga bubuyog sa tao. Papaano, kapag natatagpuan ng mga tao ang kanilang pukyutan ay inuubos ng mga ito ang pulut- pukyutan doon.

Page 5: Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Dahil doon dumulog ang reyna ng mga bubuyog sa diwata ng kagubatan. Nag-alay ito ng pulut-pukyutan at humiling sa diwata ."Pagkalooban n'yo po kami ng tibo sa puwitan, upang gamiting sandata laban sa mga tao. Na sinuman sa kanila ang magnakaw uli ng aming pulot- pukyutan ay makakatanggap ng tusok mula sa aming tibo at sila ay masasaktan at masusugatan."Hindi nagawang tumutol ng diwata sa kahilingan ng mga bubuyog."Pagbibigyan ko kayo sa inyong kahilingan, sa isang kundisyon. Kapag naiwan ang tibo na naitusok ninyo sa katawan ng tao, kayo ang mamamatay," sagot ng diwata ng kagubatan.Kaya ganoon ang kundisyon ng diwata ay dahil sa maitim na hangaring makapaghiganti ng mga bubuyog.

GABAY SA PAGBABASA:1. Sino ang galit na galit sa mga tao?2. Ano ang ginawa ng reynang bubuyog?3. Ano ang hiniling ng reynang bubuyog sa diwata?4. Ano ang nagging kundisyon ng diwata upang pagbigyan ang reynang bubuyog?5. Bakit naging ganoon ang kundisyon ng diwata?