12
© 2006 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika Pagsang-ayon sa Ingles: 2/05. Pagsang-ayon sa pagsasalin: 2/05 Pagsasalin ng The Testimony of the Prophet Joseph Smith Tagalog Nakapintang larawan sa pabalat sa harap: Kapatid na Joseph, ni David Lindsley Nakapintang larawan sa pabalat sa likod: detalye mula sa Siya'y Nabuhay, ni Del Parson A ng mga turo ni Jesucristo sa Biblia ay matagal nang naging bukal ng inspirasyon para sa sangkatauhan. May mga karagdagang turo ang Tagapagligtas sa isang kasamang tomo ng banal na kasulatan—ang Aklat ni Mormon: Isa pang Tipan ni Jesucristo. Ang mga ito’y magdudulot sa inyo ng pangmatagalang kapayapaan at kaligayahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng inspiradong direksiyon sa inyong buhay. Para makuha ang libreng kopya ninyo ng Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo, bisitahin ang Web site na nakalista sa ibaba o sumulat sa: A NG P ATOTOO NG P ROPETANG SÈ J OSEPH S MÈTH Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw A NG MGA TURO CRÈSTO www.mormon.org

Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

  • Upload
    lethu

  • View
    272

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

© 2006 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan aynakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng AmerikaPagsang-ayon sa Ingles: 2/05. Pagsang-ayon sa pagsasalin: 2/05Pagsasalin ng The Testimony of the Prophet Joseph Smith

Tagalog

Nakapintang larawan sa pabalat sa harap: Kapatid na Joseph,ni David LindsleyNakapintang larawan sa pabalat sa likod: detalye mula saSiya'y Nabuhay, ni Del Parson

Ang mga turo ni Jesucristo sa Bibliaay matagal nang naging bukal

ng inspirasyon para sa sangkatauhan.May mga karagdagang turo angTagapagligtas sa isang kasamang tomong banal na kasulatan—ang Aklat niMormon: Isa pang Tipan ni Jesucristo.Ang mga ito’y magdudulot sa inyong pangmatagalang kapayapaan atkaligayahan sa pamamagitan ngpagbibigay ng inspiradong direksiyonsa inyong buhay.

Para makuha ang libreng kopya ninyong Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan niJesucristo, bisitahin ang Web site nanakalista sa ibaba o sumulat sa:

ANG PATOTOONG PROPETANG SÈ

JOSEPH SMÈTH

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal

sa mga Huling Araw

ANG MGA TURONÈ CRÈSTO

www.mormon.org

Page 2: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

Joseph Smith: Propeta ng Diyos

Nang si Joseph Smith ay 14 na taong gulang, naisniyang malaman kung aling simbahan ang dapat

niyang sapian, kung kaya nagtanong siya sa Diyos sataimtim na panalangin. Bilang tugon sa kanyangpanalangin, nagpakita kay Joseph ang Diyos Ama at angKanyang Anak na si Jesucristo at sinabi sa kanyang angtunay na Simbahan ni Jesucristo ay wala sa lupa at nanapili nila si Joseph upang ipanumbalik ito.

Mula sa araw na yaon, naglingkod si Joseph sa Diyos,gumawa upang maitatag ang Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw at upang maitaguyodang kaharian ng Diyos sa lupa sa mga huling araw. Angmatatapat na miyembro ng Simbahan ay sumasaksi nasi Jesucristo ang Tagapagligtas at Manunubos ng mundo.Pinamamahalaan ni Jesus ang Kanyang Simbahan ngayonsa pamamagitan ng paghahayag sa isang propeta sa lupa.Si Joseph Smith ay isang gayong propeta. Bagama’tmaraming naisakatuparan si Joseph noong nabubuhay

siya, ang pinakamahalaga ay ang pagtatalaga niya sasarili bilang disipulo at saksi ni Jesucristo. Isinulat niya:“Matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo, na pinakahuli sa lahat, naaming ibibigay tungkol sa kanya: Na siya ay buhay!”(Doktrina at mga Tipan 76:22).

Ang mga tumatanggap sa patotoo ng Propeta sapamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santoay makaaalam sa katotohanan ng gawaing iniatassa kanya. Malalaman din nila ang kapayapaanat kaligayahang dumarating sa pamamagitan ngTagapagligtas na si Jesucristo, na siyang sinambaat pinaglingkuran ni Joseph Smith.

Aling Simbahan ang Tama?

Si Joseph Smith ay ipinanganak noong 1805 sa Sharon,Vermont. Sa panahong sinisimulan ang salaysay naito, siya ay 14 na taong gulang, nakatira kasama angkanyang mag-anak sa New York, at taimtim na pinag-iisipan kung aling simbahan ang sasapian. Angsumusunod ay ang karanasan ni Joseph, na isinulatsa sarili niyang mga salita.

Sa panahong ito ng malaking kaguluhan, ang akingpag-iisip ay natawag sa matamang pagmumuni-

muni at malaking pagkabahala.… Madalas kongsabihin sa aking sarili: Ano ang nararapat konggawin? Sino sa lahat ng pangkat na ito ang tama; o,lahat ba sila ay pare-parehong mali? Kung mayroonmang isang tama sa kanila, alin ito, at paano ko itomalalaman?

Habang ako ay naghihirap sa ilalim ng masisidhingsuliranin sanhi ng pagtutunggalian ng mga pangkat naito ng mga relihiyoso, isang araw ako ay nagbabasang Sulat ni Santiago, unang kabanata at ikalimangtalata, na mababasang: “Ngunit kung nagkukulangng karunungan ang sinuman sa inyo, ay humingi saDiyos, na nagbibigay nang sagana sa lahat, at hindinanunumbat; at ito’y ibibigay sa kanya.”

Wala sa alinmang sipi sa banal na kasulatan angnakapukaw nang may higit na kapangyarihan sa pusong tao kaysa nagawa nito sa akin sa oras na ito. Tilapumasok ito nang may malakas na kapangyarihansa bawat himaymay ng aking puso. Paulit-ulit kong

1

Habang pinag-iisipan kung aling simbahan ang sasapian, bumaling si Josephsa Biblia upang magabayan. Doon ay kanyang nabasa, “Humingi sa Diyos.”

Page 3: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

pinagmuni-muni ito, nalalaman na kung may taomang nangangailangan ng karunungan mula saDiyos, ako yaon; na kung paano kikilos ay hindi koalam, at maliban na kung makakukuha ako ng higitna karunungan kaysa sa aking taglay na, hindi kokailanman malalaman; sapagkat ang mga guro ngiba’t ibang sekta ng relihiyon ay magkakaiba angpagkaunawa sa iisang sipi ng banal na kasulatanna nakawawasak ng lahat ng tiwala sa paglutas ngkatanungan sa pamamagitan ng pagsasanggunisa Biblia.

Sa wakas nakarating ako sa pagpapasiya na alinsa dalawa, ako ay mananatili sa kadiliman at

kaguluhan, o kaya’y kinakailangan kong gawin angtagubilin ni Santiago, yaon ay, humingi sa Diyos. Sawakas nakarating ako sa matibay na hangarin na“humingi sa Diyos,” nagpapasiya na kung siya aynagbigay ng karunungan sa mga yaong kulang ngkarunungan, at magbibigay nang sagana, at hindimanunumbat, maaari akong magbakasakali.

Ang Unang Pangitain ni Joseph Smith

Alinsunod dito, sa aking matibay na hangaringhumingi sa Diyos, nagtungo ako sa kakahuyan

upang maisagawa ang aking pagtatangka. Ito aysa umaga ng isang maganda, maaliwalas na araw,

sa tagsibol ng taong isanlibo walong daan atdalawampu. Ito ang kauna-unahang pagkakataonsa aking buhay na ako ay gumawa ng ganitongpagtatangka, sapagkat sa gitna ng lahat ng aking

pagkabahala, kailanman ayhindi ko pa nagawa angpagtatangkang manalanginnang malakas.

Matapos na magtungoako sa lugar na kung saanko binalak magtungo,matapos kong tingnanang aking paligid, at nangmatiyak kong ako’y nag-iisa, ako’y lumuhod atnagsimulang ialay angmga naisin ng akingpuso sa Diyos. Bahagya

ko pa lamang nagagawa ito, nang daglian akongsinunggaban ng isang kapangyarihan na ganapakong dinaig, at may kagila-gilalas na lakas na higitsa akin upang igapos ang aking dila nang hindi akomakapagsalita. Nagtipon ang makapal na kadilimansa aking paligid, at sa wari ko ng sandaling yaon, natila ako ay nakatadhana sa biglaang pagkawasak.

Subalit, sa paggamit ng lahat ng aking lakas upangtumawag sa Diyos na iligtas ako sa kapangyarihanng kaaway na ito na sumunggab sa akin, at sasandaling yaon nang ako ay nakahanda nangpumailallim sa kawalang-pag-asa at ipaubaya angaking sarili sa pagkawasak—hindi sa isang likhang-isip na pagkawasak, kundi sa kapangyarihan ng isangtunay na nilikha na mula sa hindi nakikitang daigdig,na may kagila-gilalas na lakas na kailanman ay hindiko pa naramdaman sa anumang nilikha—sa sandalingito ng labis na pangamba, ako ay nakakita ng isanghaligi ng liwanag na tamang-tama sa tapat ng akingulo, higit pa sa liwanag ng araw, na dahan-dahangbumaba hanggang sa ito ay pumalibot sa akin.

Hindi pa natatagalan nang ito’y lumitaw nanatuklasan kong naligtas na ang aking sarili

mula sa kaaway na gumapos sa akin. Nang tumuonsa akin ang liwanag, nakakita ako ng dalawangKatauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay

2

Ang isasa kanila ay…

nagsabi, itinuturo angisa—“Ito ang

AkingPinakamamahal

na Anak. Pakinggan Siya!”

Page 4: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

hindi kayang maisalarawan, nakatayo sa hanginsa itaas ko. Ang isa sa kanila ay nagsalita sa akin,tinatawag ako sa aking pangalan at nagsabi, itinuturoang isa—“Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak.Pakinggan Siya!”

Ang aking layunin sa pagtatanong sa Panginooonay upang alamin kung alin sa lahat ng sekta ang

tama, upang malaman kung alin ang sasapian ko.Hindi pa natatagalan, samakatwid, nang ako aymatauhan, upang makapagsalita, nang akingtanungin ang mga Katauhan na nakatayo sa itaasko sa loob ng liwanag, kung alin sa mga sekta angtama (sapagkat sa panahong ito hindi pa kailanmanpumasok sa aking puso na ang lahat ay mali)—atalin ang dapat kong sapian.

Sinagot ako na hindi ako dapat sumapi sa alinmansa kanila, sapagkat lahat sila ay mali; at ang Katauhanna kumausap sa akin ay nagsabi na lahat ng kanilangsinasampalatayanan ay karumal-dumal sa kanyangpaningin; na yaong mga guro ay tiwaling lahat; na:“lumalapit sila sa akin sa pamamagitan ng kanilangmga labi, subalit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin, itinuturo nila bilang mga doktrina angmga kautusan ng tao, na may anyo ng kabanalan,datapwat tinatanggihan ang kapangyarihan nito.”

Muli niya akong pinagbawalang sumapi sa alinmansa kanila; at marami pang ibang bagay ang sinabiniya sa akin, na hindi ko maaaring isulat sa ngayon.Nang ako ay muling matauhan, natagpuan ko angaking sarili na nakahiga, nakatingin sa kalangitan.Nang maglaho ang liwanag, ako ay wala nang lakas;subalit nang bahagyang bumuti-buti ang akingpakiramdam agad akong umuwi.

Pag-uusig

Sumunod si Joseph sa Diyos at hindi sumapi sa anumangsimbahang umiiral. Habang sinasabi niya sa mga taoang kanyang nakita at narinig, nagsimula siyangmakaranas ng oposisyon at pag-uusig.

Daglian kong natuklasan … na ang pagsasabi ko ngsalaysay ay pumukaw ng labis na kapinsalaan

laban sa akin sa mga mangangaral ng relihiyon, atnaging sanhi ng labis na pag-uusig, na patuloy nalumubha; at bagaman ako ay di kilalang bata na nasapagitan lamang ng labing-apat at labinlimang taonggulang, at ang aking katayuan sa buhay ay gayonna lamang upang ituring na isang batang walangkahalagahan sa daigdig, gayon pa man ang matataasna tao ay sapat na nagbibigay-pansin upang pukawinang isipan ng madla laban sa akin, at lumikha ngmapait na pag-uusig; at ito’y pangkaraniwan na salahat ng sekta—nagkaisa ang lahat upang usigin ako.

Naging sanhi ito ng mataman kong pagmumuni-muni noon, at kadalasan na magbuhat noon, lubosna nakapagtataka na ang isang di kilalang bata,humigit lamang ng kaunti sa labing-apat na taonggulang at isa rin, na nakatadhana sa pangangailangannang pagkuha ng di sapat na ikabubuhay sapamamagitan ng kanyang pang-araw-araw na gawain,

3

Page 5: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

ay dapat isiping isang katauhang may sapat nakahalagahan upang tumawag ng pansin sa mgatanyag na tao sa mga kilalang sekta sa panahongyaon, at sa pamamaraan upang lumikha sa kanilang damdamin ng pinakamapait na pag-uusig atpanlalait. Subalit nakapagtataka o hindi, gayonnga ito, at ito ang kadalasang sanhi ng labis nakalungkutan sa aking sarili.

Gayon pa man, ito ay isang katotohanan naako’y nakakita ng isang pangitain. Mula noon napag-isipan ko, na ako ay tulad ni Pablo, nang ipagtanggolniya ang kanyang sarili sa harapan ni Haring Agripa,at iniulat ang salaysay ng kanyang naging pangitainnang nakakita siya ng liwanag, at nakarinig ng isangtinig; ngunit kakaunti pa rin ang naniwala sa kanya;ang sabi ng ilan siya ay manlilinlang, ang sabi ng ibasiya ay baliw; at siya ay kinutya at nilait. Subalithindi nawasak ng lahat ng ito ang katotohanan ngkanyang pangitain. Nakakita siya ng pangitain, alamniyang nakakita siya, at hindi ito magagawangbaguhin ng lahat ng pag-uusig sa silong ng langit;at bagaman inusig nila siya hanggang sa kamatayangayon pa man, alam niya, at alam niya hanggangsa kanyang huling hininga, na siya ay nakakita ngliwanag at nakarinig ng tinig na nagsasalita sa kanya,at ang buong daigdig ay hindi siya mapag-iisip omapaniniwala nang taliwas dito.

At gayon din ako. Ako’y tunay na nakakitang liwanag, at sa gitna ng liwanag na yaon

nakakita ako ng dalawang Katauhan, at sakatotohanan kinausap nila ako; at bagamankinamuhian ako at inusig dahil sa pagsasabi nanakakita ako ng pangitain, gayon man ito’y totoo;at habang ako’y kanilang inuusig, ako’y nilalait, atnagsasabi ng lahat ng uri ng kasamaan laban sa akinnang walang katotohanan sa pagsasabi nito, dahildito ay nasabi ko sa aking puso: Bakit ako inuusig sapagsasabi ng katotohanan? Ako ay tunay na nakakitang pangitain; at sino ako na aking kakalabanin angDiyos, o bakit iniisip ng sanlibutan na ipagkakaila koang tunay kong nakita? Sapagkat nakakita ako ngpangitain; ito’y alam ko, at nalalaman ko na ito ayalam ng Diyos, at ito’y hindi ko maipagkakaila, nitangkain kong gawin ito; at nalalaman ko na kung

ito’y aking gagawin ay magkakasala ako sa Diyos,at mapapasailalim sa sumpa.

Ngayon ay palagay na ang aking isipan kungtungkol din lamang sa sekta ng mga relihiyon—na

hindi ko katungkulangsumapi sa alinman sakanila, kundi magpatuloytulad ng dati hanggang samaatasan. Napag-alamankong tama ang patotooni Santiago—na ang isangtaong nagkukulang ngkarunungan ay maaaringhumingi sa Diyos, atmakatatamo, at hindimasusumbatan.

Nagpatuloy ako sa akingpangkaraniwang gawainsa buhay hanggang saikadalawampu’t isa ng

Setyembre, isanlibo walong daan at dalawampu’ttatlo, nagdurusa sa tuwina ng masidhing pag-uusigsa mga kamay ng lahat ng uri ng tao, kapwarelihiyoso at hindi relihiyoso dahil nagpatuloyakong nanindigan na nakakita ako ng pangitain.

Yaong panahong lumipas sa pagitan ng oras nanakakita ako ng pangitain at taong isanlibo walongdaan at dalawampu’t tatlo—na napagbawalang sumapisa alinmang sekta ng relihiyon noon, at sapagkatnapakabata pa, at inusig ng mga taong yaon na dapatsana’y aking mga kaibigan at magpakita sa akin ngkabutihan, at kung inakala nila na ako’y nalinlang napinagsikapan sa wasto at sa paraang may pagmamahalupang bawiin ako—naiwan ako sa lahat ng uri ngtukso; at, nakikisalamuha sa lahat ng uri ng lipunan,madalas akong makagawa ng maraming kamalian,at naipakita ang kahinaan ng kabataan, at ang mgakalokohan na likas sa tao; na ikinalulungkot kongsabihin, ang nagdala sa akin sa iba’t ibang tukso, nahindi kasiya-siya sa paningin ng Diyos. Sa pagtatapatna ito, walang sinuman ang dapat mag-akala naako ay nagkasala ng anumang mabigat o lubhangmapaminsalang mga kasalanan. Ang pagpapasiya nagumawa nito ay kailanma’y wala sa aking pagkatao.

4

Nakakita ako ng pangitain;

ito’y alam ko, at nalalaman ko na ito ay

alam ng Diyos, at ito’y

hindi komaipagkakaila,

ni tangkain konggawin ito.

Page 6: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

Ang Pagdalaw ni Moroni

Nagpatuloy ang pag-uusig nang tumanggi si Joseph naipagkailang nakita niya ang Diyos. Noong ika-21 ngSetyembre 1823 matapos niyang humiga sa higaan,nanalangin si Joseph upang malaman ang kanyangkatayuan sa Diyos. Nagpakita sa kanya ang anghelna si Moroni.

Noong gabing nabanggit na ikadalawampu’tisa ng Setyembre, matapos akong humiga

sa aking higaan sa gabing yaon, ipinasiya saaking sarili na manalangin at magsumamo saPinakamakapangyarihang Diyos para sa kapatawaranng lahat ng aking kasalanan at mga kalokohan, at pararin sa isang pagpapatunay sa akin, upang malamanko ang aking kalagayan at katayuan sa harapan niya;sapagkat buo ang aking pagtitiwala na magtatamong banal na pagpapatunay, tulad ng dati.

Habang ako ay nasa ganoong ayos ng pagtawagsa Diyos, natuklasan kong may liwanag na lumitawsa aking silid, na patuloy na nag-iibayo hanggang

sa ang silid ay magliwanag nang higit pa kaysakatanghaliang tapat, nang ang isang katauhan aybiglang lumitaw sa tabi ng aking higaan, nakatayosa hangin, dahil ang kanyang mga paa ay hindisumasayad sa sahig.

Siya ay nakasuot ng isang maluwag na bata nanapakatingkad ang kaputian. Iyon ay kaputiang higitkaysa anumang bagay sa lupa na nakita ko na;anupa’t ako’y hindi naniniwala na mayroon pangbagay sa lupa na maaaring lumitaw na higit pa saroon ang kaputian at ningning. Ang kanyang mgakamay ay nakalantad, at gayon din ang kanyangmga braso na mataas nang kaunti sa galanggalangan;at gayon din ang kanyang mga paa ay walang mgasapin, maging ang kanyang mga binti, na mataasnang kaunti sa bukung-bukong. Ang kanyang uloat leeg ay nakalantad din. At napagwari kong walasiyang ibang kasuotan maliban sa bata, sapagkatito ay bukas, kaya’t nakikita ko ang kanyang dibdib.

Hindi lamang ang kanyang bata ang maynapakatingkad na kaputian, ang kanyang buongkatauhan ay may kaluwalhatiang di kayang ilarawan,at ang kanyang kaanyuan ay tunay na parang kidlat.Ang silid ay lubhang maliwanag, subalit hindikasingningning ng nakapaligid sa kanyang katauhan.Nang una ko siyang tingnan, ako ay natakot; subalitang takot ay kaagad ding nawala sa akin.

Ako’y tinawag niya sa aking pangalan, atsinabi niya na siya’y isang sugo na nagbuhat sakinaroroonan ng Diyos na pinaparito sa akin; naang kanyang pangalan ay Moroni; na ang Diyosay may gawaing ipagagawa sa akin; at ang akingpangalan ay makikilala sa kabutihan at kasamaansa lahat ng bansa, lahi, at wika, o magiging mabutiat masama sa usap-usapan ng lahat ng tao.

Sinabi niya na may nakalagak na isang aklat,na nakasulat sa mga laminang ginto, na

nagbibigay-ulat tungkol sa mga dating naninirahansa lupalop na ito, at kung saan sila nagbuhat. Atkanya ring sinabi na ang kabuuan ng walang hanggangEbanghelyo ay napapaloob dito, gaya ng ibinigay nang Tagapagligtas sa mga sinaunang tao;

Gayundin, may dalawang bato sa mga balantokna pilak—at ang mga batong ito, na nakakabit sa

5

Tatlong taon matapos ang Unang Pangitain ni Joseph Smith, isinugo ngDiyos ang anghel na si Moroni upang tagubilinan si Joseph tungkol sapagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Page 7: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

isang baluti sa dibdib, ay siyang bumubuo ngtinatawag na Urim at Tummim—na nakalagak nakasama ng mga lamina; at ang pagmamay-ari atpaggamit ng mga batong ito ay siyang kabuuan ngmga tagakita noong sinauna o nakaraang panahon;at ang mga yaon ay inihanda ng Diyos sa layuningmaisalin ang aklat.

Matapos sabihin sa akin ang mga bagay na ito,sinimulan niyang ulitin ang mga propesiya

sa Lumang Tipan. Una niyang inulit ang bahagi saikatlong kabanata ng Malakias; at inulit din niya angikaapat o huling kabanata sa yaon ding propesiya,bagaman may kaunting pagkakaiba sa kung paanoito mababasa sa ating mga Biblia. Sa halip na ulitinang unang talata tulad ng mababasa sa ating mgaaklat, inulit niya ito nang ganito:

“Masdan, ang araw ay dumarating na nagniningasna parang hurno, at ang lahat ng palalo, oo, at anglahat na nagsisigawa ng kasamaan ay masusunog naparang dayami; sapagkat yaong mga darating ang

magsusunog sa kanila, wika ng Panginoon ng mgaHukbo, na anupa’t hindi mag-iiwan sa kanila ngkahit ugat ni sanga man.”

At muli, inulit niya ng ikalimang talata nang ganito:“Masdan, ihahayag ko sa inyo ang Pagkasaserdote, sapamamagitan ng kamay ni Elijah, ang propeta, bagodumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ngPanginoon.”

Kakaiba rin niyang inulit ang sumusunod na talata:“At kanyang itatanim sa mga puso ng mga anak angmga pangakong ginawa sa mga ama, at ang mga pusong mga anak ay babaling sa kanilang mga ama. Kunghindi magkagayon, ang buong mundo ay lubos namawawasak sa kanyang pagparito.”

Bilang karagdagan sa mga ito, inulit niya angikalabing-isang kabanata ng Isaias, at sinasabingmalapit na itong matupad. Inulit din niya angikatlong kabanata ng Mga Gawa, ikadalawampu’tdalawa at ikadalawampu’t tatlong talata, na walangpagkakaiba sa mababasa natin sa Bagong Tipan. Sinabiniya na ang propetang yaon ay si Cristo; subalit hindipa dumarating ang araw na “sila na hindi makikinigsa kanyang tinig ay pupuksaing lubos mula sa mgatao,” ngunit malapit nang dumating.

Inulit din niya ang ikalawang kabanata ng Joel,mula sa ikadalawampu’t walong talata hanggangsa huli. Sinabi rin niya na hindi pa ito natutupad,ngunit malapit na. At sinabi pa niya na angkaganapan ng mga Gentil ay nalalapit na. Maramipa siyang inulit na iba pang sipi sa banal nakasulatan, at nagbigay ng maraming paliwanagna hindi maaaring banggitin dito.

Muli, sinabi niya sa akin, na kapag nakuha ko naang mga lamina na kanyang binanggit—sapagkat angpanahon sa pagkuha nito ay hindi pa sumasapit—ay hindi nararapat na ang mga yaon ay ipakita kokahit kanino mang tao; maging ang baluti sa dibdibna kasama ng Urim at Tummim; doon lamang sakanila na ipag-uutos sa akin na pagpapakitaan ko ngmga yaon; at kung ipakikita ko roon sa mga hindidapat makakita, ako ay mapaririwara. At habangnakikipag-usap siya sa akin tungkol sa mga lamina,

6

Noong A.D. 421 ibinaon ng propetang si Moroni ang mga banal na talaan ng kanyangmga tao sa Burol ng Cumorah. Sa pagbabalik niya kalaunan bilang isang nabuhay namag-uling nilalang, sinabi niya kay Joseph Smith ang tungkol sa sinaunang talaan,na naglalaman ng kabuuan ng ebanghelyo gaya ng inihatid ng Tagapagligtas sa mgasinaunang tao sa lupalop ng Amerika. Ang talaang yaon ay ang Aklat ni Mormon.

Page 8: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

ang pangitain ay nabuksan sa aking isip at nakita koang pook na kinalalagakan ng mga lamina, at iyonay naging napakalinaw at namumukod-tangi kaya’tnatukoy kong muli ang pook nang dalawin ko ito.

Pagkatapos ng pag-uusapna ito, ang liwanag sa siliday nakita kong kaagad nanagsimulang matipon sapaligid ng taong nakipag-usap sa akin, at ito aynagpatuloy hanggangsa ang silid ay mulingmagdilim, maliban samalapit sa paligid niya;nang biglang makita ko,na waring isang lagusanang nabuksan paakyat sa

langit, at siya ay pumaitaas hanggang sa tuluyangmaglaho, at ang silid ay naiwang kagaya nanguna noong hindi pa lumilitaw ang makalangitna liwanag.

Sa aking pagkakahiga, ako ay nagnilay-nilaysa natatanging tagpo, at lubhang namangha

sa sinabi sa akin nitong di pangkaraniwang sugo;nang sa gitna ng aking pagbubulay-bulay, bigla kongnatuklasan na ang aking silid ay nagsisimula nanamang lumiwanag, at sa isang iglap, kagaya noon,ang makalangit na sugo ring yaon ay nasa tabi nanaman ng aking higaan.

Nagsimula siya, at isinalaysay niyang muliang ganoon ding mga bagay na ginawa na niyanoong una niyang pagdalaw, na walang anumangpagkakaiba; at pagkatapos noon, ipinaalam niya saakin ang dakilang paghuhukom na darating sa lupa,na may malaking kalagiman sa pamamagitan ngtaggutom, espada, at salot; at ang kalunus-lunosna paghuhukom na ito ay darating sa lupa sakasalukuyang salinlahi. Matapos isalaysay ang mgabagay na ito, muli siyang pumaitaas kagaya ngginawa niya noong una.

Sa mga sandaling iyon, sapagkat malalim angpagkakakintal noon sa aking isipan, kung kaya’tang antok ay napalis sa aking mga mata, at ako’ytuluyang nagupo sa pagkakamangha sa aking mga

nakita at narinig. Subalit ganoon na lamang angaking pagkabigla nang muli kong makita ang sugoring yaon sa tabi ng aking higaan, at marinig na muliniyang inuusal at sinasabi sa akin ang mga binanggitniya noong una; at nagdagdag ng babala sa akin, atsinabi sa akin na susubukin akong tuksuhin niSatanas (sa kadahilanang ang mag-anak ng akingama ay maralita), na kunin ang mga lamina upangmagpayaman. Dito ay pinagbawalan niya ako, atsinabi na wala akong dapat na maging layunin sapagkuha ng mga lamina maliban sa ikaluluwalhating Diyos, at maudyukan ng ano pa mang layunin sapagtatayo ng kanyang kaharian; kung hindi ay di komakukuha ang mga yaon.

Matapos ang pangatlong pagdalaw na ito, ay mulisiyang pumaitaas sa langit tulad ng dati, at ako ay

naiwan na namang nagbubulay-bulay sa mga dipangkaraniwang pangyayaring kararanas ko lamang;nang halos kaagad-agad pagkatapos pumaitaas angmakalangit na sugo sa ikatlong ulit, ay tumilaok angtandang, at napag-alaman ko na mag-uumaga na,kung kaya’t ang aming pag-uusap ay maaaring inabotng magdamag.

Di naglaon ay bumangon ako sa aking higaan,at tulad ng dati ay nagtungo sa mga gawaingkinakailangan sa araw na iyon; subalit sa pagtatangkakong gumawa gaya ng mga ibang pagkakataon, aynapansin kong ang aking lakas ay naglaho kaya ako’ylubusang nawalan ng kakayahan. Ang aking ama nanoon ay gumagawang kasama ko ay napunang maybumabagabag sa akin, at pinagsabihan ako na umuwi

7

Ang pangitain

ay nabuksan sa aking isip

at nakitako ang pook nakinalalagakan

ng mga lamina.

Ang Burol ng Cumorah ay mga tatlong milya ang layo sa timog-silangan ng bukid ngmga Smith sa Palmyra, New York. Noong panahon ni Joseph natatakpan ng damo anghilagang bahagi nito, at kalat-kalat ang mga troso at kagubatan sa katimugang bahaginito. Ang mga lamina ay nakabaon sa timog-kanlurang bahagi, di kalayuan sa tuktok.Larawan: Agosto 1907

Page 9: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

na. Tumalima ako na may layuning umuwi ng bahay;subalit sa aking pagtatangkang tumawid ng bakodpalabas sa bukid na kinaroroonan namin, ay tuluyangnawala ang aking lakas, at ako ay bumagsak sa lupana nanghihina, at ilang sandali ring nawalan ngkamalayan sa anumang bagay.

Ang tinig na nagsasalita sa akin, tinatawag akosa aking pangalan ang unang bagay na naalaala ko.Tumingala ako, at nakita ko ang sugo ring yaon,na nakatayo sa aking ulunan, at napalilibutan ngliwanag tulad noong una. Muli niyang isinalaysaysa akin ang mga isinalaysay niya noong nakaraanggabi at inutusan ako na magtungo sa aking amaat sabihin ang pangitain at ang mga kautusangnatanggap ko.

Sumunod ako; at ako’y nagbalik sa aking ama sabukid, at inilahad ko sa kanya ang buong pangyayari.Tumugon siya sa akin na yaon ay sa Diyos, atsinabihan ako na humayo at sundin ang iniuutos

ng sugo. Nilisan ko ang bukid, at ako’y nagtungo sapook na sinabi sa akin ng sugo na pinaglalagakanng mga lamina; at dahil sa pamumukod-tangi ngpangitain ko tungkol sa bagay na ito, ay natukoyko kaagad ang pook pagdating ko roon.

Ang Banal na Talaan

Malapit sa nayon ng Manchester, OntarioCounty, New York, ay isang burol na may

kalakihan at siyang pinakamataas sa buong kapaligiran.Sa dakong kanluran ng burol na ito, di kalayuan satuktok, sa ilalim ng isang batong may kalakihan aynakalatag ang mga laminang nakalagak sa isangkahong bato. Ang batong ito ay makapal at pabilogsa may bandang gitnang itaas, at papanipis tungo samga gilid, kung kaya’t ang gitnang bahagi nito aynakikita sa ibabaw ng lupa, subalit ang gilid sapalibot ay natatabunan ng lupa.

Matapos kong maalis ang lupa, ay kumuha ako ngpanikwas, at aking iniayos sa ilalim ng gilid ng bato,at sa kaunting pag-iinot ay naiangat. Tiningnan koang loob at nakita ko, naroroon nga ang mga lamina,ang Urim at Tummim at ang baluti sa dibdib kagayang sinabi ng sugo. Ang kahon na kinalalagyan ngmga iyon ay niyari sa pamamagitan ng paglalatag ngmga bato at pagdirikit sa mga ito ng mga sangkap namay uring semento. Sa ilalim ng kahon ay nakalatagang dalawang bato na pahalang sa kahon, at sa mgabatong ito nakapatong ang mga lamina at ang ibapang mga bagay na kasama ito.

Tinangka kong ilabas ang mga yaon, ngunitako’y pinagbawalan ng sugo, at muling pinagsabihanna ang panahon ng paglalabas nito ay hindi padumarating, at hindi pa darating, hanggang samakalipas ang apat na taon magmula sa panahongyaon; subalit pinagsabihan niya ako na kinakailangangmagtungo ako sa pook na yaon sa ganap na isangtaon mula sa panahong iyon, at doon ay makikipagtagposiya sa akin, at ako ay kinakailangang magpatuloyna gawin ang gayon hanggang sa sumapit angpanahong maaari nang kunin ang mga lamina.

Kagaya ng ipinag-uutos sa akin, ako aypumaparoon tuwing katapusan ng bawat taon,

8

Nagpabalik-balik si Moroni minsan sa isang taon sa loob ng apat na taon atpatuloy na tinagubilinan ang batang propeta. Matapos ang apat na taong yaon,natanggap ni Joseph ang mga lamina at sinimulan niyang isalin ang Aklat niMormon.

Page 10: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

at sa tuwina ay natatagpuan ko roon ang sugo ringiyon, at tumatanggap ako ng tagubilin at kaalamantuwing kami’y mag-uusap, tungkol sa kung ano anggagawin ng Panginoon, at kung paano at sa anongparaan ang kanyang kaharian ay pangangasiwaan samga huling araw.

Dahil sa hikahos na katayuan ng aking ama,kailangan naming gumawa sa pamamagitan ng amingmga kamay, namamasukan sa mga gawaing arawan atiba pa, hangga’t makakukuha kami ng pagkakataon.Kung minsan ay nasa tahanan kami at kung minsan

ay nasa ibang lugar, at sapamamagitan ng patuloyna paggawa ay nakatamong maginhawangkabuhayan.

Namasukan siJoseph sa ilang mgagawain at nakapagbigayng maginhawangpamumuhay sa kanyangmag-anak. Noong 1825kumuha siya ng trabahosa Chenango County, NewYork. Doon nakilala niyasi Emma Hale, na kanyangpinakasalan noong ika-18ng Enero 1827.

Sa tinagal-tagal ay dumating ang panahonupang kunin ang mga lamina, ang Urim at Tummim,at ang baluti sa dibdib. Noong ikadalawampu’tdalawa ng Setyembre, isanlibo walong daan atdalawampu’t pito, matapos akong magtungo gaya ngnakaugalian sa katapusan ng isa pang taon sa pookna kinalalagakan ng mga yaon, ay ibinigay sa akinang mga iyon ng nasabi ring makalangit na sugo, atnagtagubilin ng ganito: Na ako ang may pananagutansa mga yaon; na kung ang mga ito’y mawawala dahilsa kawalang-ingat, o dahil sa aking kapabayaan, akoay iwawaksi; subalit kung aking gagawin ang lahatng pagsisikap upang ang mga ito ay maingatan,hanggang kunin niya, ang sugo, ang mga ito, itoay pangangalagaan.

Agad kong napag-alaman ang dahilan kungbakit tumanggap ako ng ganoong kahigpit na mga

tagubilin na pakaingatan ang mga yaon, at kungbakit sinabi ng sugo na kung matupad ko ang mganararapat kong gawin na iniatang sa aking mgakamay, ay kukunin niya ang mga yaon. Sapagkathindi pa gaanong nagtatagal na nabunyag na angmga yaon ay nasa akin, ay isang walang tigil napamimilit ang ginamit upang ang mga yaon aymaagaw sa akin. Lahat ng pakana na maaaring gawinay ginamit sa ganoong layunin. Ang pag-uusig ayhigit na naging mapait at matindi kaysa noong una,at ang mga tao ay laging nakahanda upang makuhasa akin kung maaari ang mga yaon. Subalit sakarunungan ng Diyos, yaon ay nanatiling ligtas saaking mga kamay, hanggang sa matapos ko ang mgakinakailangan na iniatang sa aking mga kamay.Alinsunod sa napagkasunduan, nang hingin ng sugoang mga iyon ay ibinigay ko yaon sa kanya; at angmga yaon ay nasa kanyang pag-iingat magpahanggangsa araw na ito, na ikalawang araw ng Mayo, isanlibowalong daan at tatlumpu’t walo….

Noong ika-5 araw ng Abril, 1829, dumating siOliver Cowdery sa aking tahanan, kailanma’y

hindi ko pa siya nakita kundi noon lamang. Sinabiniya sa akin na sa pagtuturo sa paaralan na malapitsa lugar na tinitirahan ng aking ama, at ang akingama bilang isa sa mga nagpadala sa paaralan, siyaay nagtungo upang mangasera nang ilang panahonsa kanyang bahay, at habang naroroon ay inilahadng mag-anak sa kanya ang mga pangyayari sapagkakatanggap ko ng mga lamina, at alinsunoddito ay nagtungo siya upang magtanong sa akin.

Dalawang araw pagkarating ni Ginoong Cowdery(noong ika-7 ng Abril) sinimulan kong isalin angAklat ni Mormon, at nagsimula siyang magsulatpara sa akin.

Noong Abril ng 1829 si Joseph Smith, kasama si OliverCowdery bilang tagatala, ay nagsimulang isalin angAklat ni Mormon sa pamamagitan ng handog atkapangyarihan ng Diyos. Nang matapos si Joseph, angiba pang tao ay nabigyan ng pagkakataong makita angmga laminang ginto. Itinala rin ng mga saksing itoang kanilang patotoo, sapagkat “sa bibig ng dalawangsaksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa’t salita”(2 Mga Taga Corinto 13:1).

9

Sa dakongkanluran ng

burol na ito, dikalayuan sa

tuktok, sa ilalim ngisang batong

may kalakihan,ay nakalatag angmga lamina, na

nakalagak sa isangkahong bato.

Page 11: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

Ang Ipinanumbalik na Pagkasaserdote

Ipinagpatuloy pa rin namin ang gawain ngpagsasalin, nang, isang araw ng sumunod na

buwan (Mayo 1829), kami ay nagtungo sa kakahuyanupang manalangin at magtanong sa Panginoonhinggil sa pagbibinyag para sa kapatawaran ngmga kasalanan, na natagpuan naming nabanggitsa pagkakasalin ng mga lamina. Habang kami aynasa gayong ayos, nananalangin at nananawagan saPanginoon, isang sugo mula sa langit ang bumabasa isang ulap ng liwanag, at habang nakapatongang kanyang mga kamay sa amin, inordenan niyakami, sinasabing:

“Sa inyo na aking kapwa tagapaglingkod, sapangalan ng Mesiyas, aking iginagawad angPagkasaserdoteng Aaron, na may hawak ng mgasusi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyong pagsisisi, at ng pagbibinyag sa pamamagitan ngpaglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan;at ito ay hindi na muling kukunin sa mundo,

hanggang sa ang mga anak na lalaki ni Levi ay mag-alay muli ng handog sa Panginoon sa kabutihan.”

Sinabi niya na ang Pagkasaserdoteng Aaron naito ay walang kapangyarihan ng pagpapatong ngmga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo, subalitito’y igagawad sa amin pagkaraan nito; at inutusanniya kami na humayo at magpabinyag, at nagbigaysa amin ng tagubilin na dapat kong binyagan siOliver Cowdery, at pagkatapos ay dapat niya akongbinyagan.

Alinsunod dito, humayo kami at nabinyagan.Una ko siyang bininyagan, at pagkatapos ay

bininyagan niya ako—matapos ito ay ipinatong koang aking mga kamay sa kanyang ulo at inordenansiya sa Pagkasaserdoteng Aaron, at pagkatapos ayipinatong niya ang kanyang mga kamay sa akin atinordenan ako sa yaon ding Pagkasaserdote—sapagkatsa gayon kami inutusan.

Ang sugo na dumalaw sa amin sa pagkakataongito at naggawad sa amin ng Pagkasaserdoteng ito,ay nagsabi na Juan ang kanyang pangalan, siya ringtinatawag na Juan Bautista sa Bagong Tipan, at nasiya ay kumikilos sa ilalim ng tagubilin nina Pedro,Santiago at Juan, na may hawak ng mga susi ngPagkasaserdoteng Melquisedec, na kung alingPagkasaserdote, sinabi niya, ay igagawad sa aminsa takdang panahon, at ako ay dapat tawaging angUnang Elder ng Simbahan, at siya (Oliver Cowdery)

10

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay itinatag satahanan ni Peter Whitmer Sr. noong ika-6 ng Abril 1830. Halos 60 katao angsumaksi nang 6 na kalalakihan ang nakapasa sa mga hinihingi ng New Yorkupang makapagtatag ng isang bagong kalipunan na pangrelihiyon.

Natanggap nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aaronic Priesthood sapamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay mula kay Juan Bautista noongika-15 ng Mayo 1829.

Page 12: Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

ang pangalawa. Ito ay noong ikalabinlimang araw ngMayo, 1829, na kami ay inordenan sa ilalim ng mgakamay ng sugong ito, at nabinyagan.

Agad-agad sa pag-ahon namin sa tubig mataposkaming mabinyagan, nakaranas kami ng dakila atmaluwalhating mga pagpapala mula sa ating Amasa Langit. Hindi pa natatagalan nang mabinyaganko si Oliver Cowdery, nang napasakanya angEspiritu Santo, at tumayo siya at nagpropesiya ngmaraming bagay na di maglalaon ay mangyayari.At muli, hindi pa natatagalan matapos niya akongmabinyagan, ako rin ay nagkaroon ng diwa ngpropesiya, nang, sa pagtayo, nagpropesiya akohinggil sa paglaganap ng Simbahang ito, at maramipang ibang bagay na nauugnay sa Simbahan, at sasalinlahing ito ng mga anak ng tao. Napuspos kaming Espiritu Santo, at nagsaya kami sa Diyos ng amingkaligtasan.

Ito ang simple, tuwirang patotoo ni Joseph Smith,na naglalahad ng ilan sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo at sapagkatatag ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mgaBanal sa mga Huling Araw.

Para sa mas kumpletong paglalahad ng salaysayni Joseph Smith, tingnan sa Joseph Smith–Kasaysayan sa Mahalagang Perlas o sa Historyof the Church, 1: 2–79.

11

Ang Aklat ni Mormon, na unang inilimbag noong 1830, aykasalukuyang inilalathala sa mahigit na 80 wika sa buong mundo.