Ang Kasalukuyang Kalagayan Ng Edukasyon Ng Musika Sa Elementarya at Sekondarya (2013)

  • View
    919

  • Download
    6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isang pamanahong papel na nagtatalakay ng kalagayan ng edukasyon ng musika sa elementarya at sekondarya. Mula sa mga mag-aaral ng UST Conservatory of Music.

Text of Ang Kasalukuyang Kalagayan Ng Edukasyon Ng Musika Sa Elementarya at Sekondarya (2013)

ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG EDUKASYON NG MUSIKA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS IKALAWANG SEMESTRE TAONG AKADEMIKO 2012-2013

ISANG PAMANAHONG PAPEL NA INIHARAP SA KAGAWARAN NG FILIPINO, KONSERBATORYO NG MUSIKA, PAMANTASAN NG SANTO TOMAS

BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG KURSONG FILIPINO II, KRITIKAL NA PAGBASA AT AKADEMIKONG PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

NG 1MUS MARSO 2013

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng kursong Filipino II, Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Ang Kasalukuyang Kalagayan ng Edukasyon ng Musika sa Elemetarya at Sekondarya, Ikalawang Semestre, taong Akademiko 2012-2013, ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa Batselyer ng Musika na binubuo nina: Abuiza, Olafunwa Cruz, Mark Allen Laroa, Maria Clarissa Lutero, Pauline Hanani Mendoza, Trisha Ann Kei Oabel, Regina

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon, Pamantasan ng Santo Tomas, bilang isa sa pangangailangan sa kursong Filipino II, Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Beatriz B. Ribleza, M.Educ Guro, UST Tagapamatnubay

Roberto Ampil, Ph.D Tagapangulo UST Dept. of Filipino

Pasasalamat

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod, sa kanilang taos-pusong pagtulong upang maisakatuparan ang mithiin ng pamanahong papel na ito:

Krisha Vuxa Salentes Christine Jane Velmonte Genalyn Salentes Britney Virna Ponce Mitomi Kate Cristobal Kenneth Distor Jessen Adiao Angela Alcuran Glyssa Penaflor Marri Mendoza Gian Carlo Penaflor Adrielle De Jesus Allelie Haydee Catalan James Ryan Cadior John William Castor Grace Domagas Ivy Mei Reniva Ronnin

Michael Edward Dy Jose Lorenzo Reniva Christian Salazar Carissa Mae Pastolero Gener Santos Kyle Agraviador Zendrix Decena Nike Ralph Vayson Peniel Lutero Kyle Anne Decena Psalm Emmanuel Lutero Nikki Lawrence Raymundo Cerwin Joseph Munsayme Maynard Cruz Avelina Villamor Charmille Joy Zulueta Nouissa Oroefo Janessa Visperas

At sa lahat ng sumagot ng talatanungan at nagbigay ng kanilang tulong na hindi nagpapakilala, maraming salamat sa inyo.

Talaan ng Nilalaman...

Abstrak Kabanata 1

1

Introduksyon Layunin

. ....

2 2 3 3 4

Saklaw at Limitasyon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahulugan ng mga Terminolohiya Kabanata 2 Kahulugan ng Musika Edukasyon ng Musika

..... ..

5 6 10 11

Kahalagahan ng Musika sa Buhay ng Tao Kaugnay na Pananaliksik Kabanata 3 Disenyo ng Pananaliksik

..

..

13 13 14

Mga Kasangkapan at Respondente Istatistikal na Pagtrato ng Datos Kabanata 4

Paunang Presentasyon ng mga Datos Pagsusuri ng Kurikulum ng Elementarya Pagsusuri ng Kurikulum ng Sekondarya Mga Problema ng Edukasyon sa Musika

15 17 19 20

Kabanata 5 Lagom Konklusyon . 25 25 26

Rekomendasyon

Mga Sanggunian

..

27

Apendiks Talatanungan Tally Results Biodata .. x xiv xvi

.

ABSTRAK

Ang musika ay isang mahalagang aspeto ng kultura ng isang bansa. Isinasalamin nito ang uri ng kultura at pamumuhay na mayroon ang isang bansa. Bahagi ito ng buhay ng bawat tao, ng mundong ating ginagalawan, kahit na hindi ito kapansin-pansin sa araw-araw nating pamumuhay. Ang pagbibigay ng edukasyon ukol sa musika sa mga kabataan ay isang mahalagang gampanin na kailangang maisakatuparan sa ilalim ng isang mahusay na kagawaran na nagpapalabas ng mga mahuhusay na guro upang turuan an gating mga kabataan na siyang susunod na mga maninirahan sa ating bansa kapag tayo ay pumanaw na. Kinakailangan ito upang mapanatiling buhay ang musika, lalo na ang katutubong musika, ng ating bansa. Ngunit ipinapakita ng pamanahong papel na ito na ang misyong ninanais ng mga kagawarang humahawak sa edukasyon at sa musika ay hindi naisasakatuparan ng maayos. Naghain ang Kagawaran ng Edukasyonng ng magandang kurikulo upang pag-aralan ng mga kabataan, ngunit sa kabila nito ay hindi nalilinang at nahuhubog ang inner talents ng mga kabataan. Kailangang aminin ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na hindi naipapatupad nang maayos ang kanilang inihaing kurikulum dahil sa maraming dahilan, tulad ng kakulangan sa oras at kagamitan, kahabaan ng kurikulum upang matapos ito sa loob lamang ng mahigit kumulang 200 araw, at kakulangan sa kasanayan ng mga guro na ituro ang kanilang mga asignatura, lalo na sa musika. Ang mga guro sa musika ay nararapat na magkaroon ng maiging kasanayan sa musika upang maituro sa iba ang musika. Sa konklusyon ng papel na ito, masasabi ng mga mananaliksik na hindi masyadong maganda ang kalagayan ng edukasyon ng musika sa panahon ngayon. Kailangan itong aksyunan ng mga awtoridad sa lalong madaling panahon, bago pa dumating ang oras na wala nang daratnang kultura ang mga mabubuhay sa susunod na henerasyon.

1| Page

KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran

Ang musika ay isang malaking bahagi ng isang lipunan. Isinasalamin nito ang kultura, uri ng pamumuhay, uri ng mga tao, at uri ng bansa na kinabibilangan nito. Ang musika ay kultura. Ang musika ay kasaysayan. Kaya naman isang napakahalagang gampanin ang pagpapanatili nito, ang pagpapanatili ng isang kultura na nanganganib nang mapalitan ng kultura ng iba, dahilan sa lumalawak nang globalisasyon. Upang mapanatiling buhay ang mga musikang isinulat noon pang mga panahong tayo ay sinakop, kailangang ibahagi ito sa mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon. Isang paraan ng pamamahagi ng musika, bukod sa pagtatanghal, ay ang pagtuturo ng musika sa mga silid-aralanang pinaka-epektibong paraan. Sa pagtuturo ng musika at ng mga elemento nito sa mga paaralan, nabibigyan ng paunang kaunawaan ang mga mag-aaral ukol sa musika, at maaari itong maging simula ng kanilang mas malawak na pag-unawa at malalim na pagtangkilik sa musika ng kanilang bansa. Ito ang hangarin ng NCCA at ng DepEd kaya nila isinama ang musika sa kurikulum ng elementarya at sekondarya. Ngunit, sa kabila nito, bakit tila mababaw ang kaalaman at pag-unawa sa musika ng mga kabataan ng henerasyong ito? Kapag sila ay binigyan ng isang papel na puno ng nota at mga simbolong pang-musika, bakit tila hindi nila ito maunawaan, ni mabasa man lamang? Bakit tila nakalilimot na ang makabagong henerasyon sa musika na naging isang malaking bahagi ng kasaysayan ng kanilang inang bayan? Ang pamanahong papel na ito ay naglalayon na sagutin ang mga katanungang nabanggit sa ikalawang talata, gayundin ay tugunan ang mga karagdagang isyu na ito: sekondarya. matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ng musika sa elementarya at sekondarya, at; masuri ang kurikulum ng edukasyon ng musika sa elementarya at

2| Page

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa edukasyon ng musika at wala nang iba. Maaari rin nitong maisalamin ang kalagayan ng edukasyon sa ibang asignatura at sa pangkalahatan, ngunit ang tutukuyin lamang ng pag-aaral ay ang edukasyon ng musika sapagkat ang pamamaraan ng pagtuturo sa musika at sa ibang mga asignatura ay magkaiba. Ang mga kakapanayamin at mga respondente ng sarbey na gagawin ay magmumula lamang sa Metro Manila, sapagkat ito lamang ang lugar ng pokus at ang pinakamaaabot ng mga mananaliksik, ngunit maaari nitong maisalamin ang kalagayan ng edukasyon ng musika sa ibang lugar sa Pilipinas, sa kadahilanang mas maunlad ang Metro Manila at mas maraming paaralan kaysa sa mga probinsya. Masasabi naming may kabuluhan ang pag-aaral na ito sapagkat mabibigyang linaw ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ng musika sa bansa, at maaari ding mahinuha ang kalagayan ng edukasyon sa pangkalahatan. Kung babasahin ay maaaring makita ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ang kasalukuyang kalidad ng edukasyon, lalo na sa musika, at kung hindi nakasisiya ang magiging resulta ay palalawigin pa ang kurikulum na umiiral sa bansa, at higpitan pa ang pagpapatupad sa nasabing kurikulum. Ipaliliwanag sa pamanahong papel na ito ang katotohanan ukol sa musika at sa edukasyon nito. Sisikapin na maisaalang-alang na ang pananaliksik na ito at ang musika ang maging daan sa muling pagbangon ng nasyonalismo at orihinal na musikang Pilipino.

3| Page

Kahulugan ng mga TerminolohiyaBasic Education Curriculum ito ang kurikulum na ginagamit sa mga nasa elementary, o basic education. Ang kurikulum ay isang talaan ng mga kurso at mga laman nito, na ibinigay ng mga paaralan. DECS Department of Education, Culture, and Sports. Ang dating pangalan ng DepEd. DepEd Department of Education, ang kagawaran ng edukasyon ng Pilipinas. Sila ang namamahala ng lahat ng may kinalaman sa edukasyon ng elementarya at sekondarya. Elective course isang klaseng kurso na maaaring piliin at maaari ring hindi, depende sa kagustuhan ng mag-aaral Harmony ang paggamit ng magkakasabay na tunog, o chords. K-12 ang bagong kurikulum na ipinatutupad sa Pilipinas, kung saan madaragdagan ng dalawang taon ang sekondarya, at hahatiin sa junior high school at senior high school K-pop abrebasyon ng Korean pop. Isang genre ng musika na nagmula sa South Korea. Melody ang organisadong pagkakasunod-sunod ng mga nota NCCA National Comission on Culture and Arts Piyesa isang komposisyon. Madalas ring tawaging piyesa ang isang papel na naglalaman ng naisulat na musika. Rhythm aspeto ng musika na binubo ng lahat ng elemento ( accent, meter, at tempo) na nagpapagalaw sa musika Seminar isang uri ng akademikong pagtuturo kung saan ang layunin ay magpatawag ng pulong ukol sa isang tiyak na paksa, kung saan ang lahat ng mga kalahok ay inaasahang makikipag-koopera. Ang salitang seminar ay nagmula sa salitang Latin na seminarium, na nangangahulugang seed plot. Senior high school antas sa sekondarya na binubuo ng tatlong pinakamatataas na baitang. Sa kaso ng K-12, ang senior high school