3
ANAKBAYAN [email protected] www.anakbayanph.wordpress.com Hinggil sa pagbubuo ng malalaki at malalamang balangay at AOM Teams sa mga balangay ng Anakbayan Inihanda ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011 Sa mga susunod na buwan, layon natin ang ibayong pagpapasigla at pagpapalawak ng ating mga kampanyang masa para ilantad at ihiwalay ang rehimeng US-Aquino. Mahalagang usapin sa tungkuling ito ang pagpapalakas ng organisasyon ng Anakbayan, pagkokonsolida at pagpapalawak ng ating kasapian. Nitong mga nakaraang buwan, may mga tampok na usapin at mga resolusyon na sinisikap na harapin hinggil sa ating mga balangay. Ilan sa mga tampok na mga usapin ang mga sumusunod: - Mababa ang antas ng konsolidasyon at pampulitikang aktibidad ng mga kasapi. Maliit na bilang lamang ng kasapian ang napapalahok sa mga gawain. - Mahalagang usaping kaugnay nito ang pagkakaroon ng maliliit na mga balangay na mababa ang kakayanang gampanan ng mga tungkulin nito sa komprehensibong paraan. - Sentral na usapin ang pagpapalaki ng bilang ng mga kasapi sa kasalukuyan na direktang napapalahok sa gawaing AOM. Tungkulin sa konsolidasyon at pangmasang katangian ng organisasyon May mahigpit na pangangailangang itaas ang antas ng konsolidasyon ng ating mga balangay at kasapian. Lubhang maliit na bahagdan ng ating kasalukuyang kasapian ang napapalahok sa gawain sa direktang AOM at iba’t ibang mga gawain sa balangay. Makikita din ito sa maliliit na bilang ng mobilisasyon sa mga aksyong masa relatibo sa bilang ng kasapian ng ating mga balangay. Malaking bilang din ng mga kasapi ang nalalaglag matapos ang ilang taon sanhi ng kahinaan sa pagkokonsolida ng mga kasapi sa mga balangay. Dapat patuloy na pasiglahin at palawakin ang mga kampanya at pakikibakang masa sa paraang makokonsolida ang ating mga kasapi, mapapalahok sila sa mga gawain at maitataas ang kanilang kamulatan at kakayanan bilang mga aktibista. Dapat tiyakin ang mahigpit at sistematikong pagpapatangan ng kaisahan sa oryentasyon ng organisasyon, pagsusuri at programang pambansa demokratiko at sustinido, papalalim na pampulitikang edukasyon. Dapat mapagana ang mga angkop na istruktura at matiyak ang pagpapatangan ng tungkulin sa mga kasapi at pagpapakilos sa kanila sang-ayon sa balangkas ng plano ng balangay. Kasabay nito, dapat mabilis na nakapagsasanay ng mga lider at kadre ng balangay na kayang mamuno ng komprehensibo o sa mga ispesipikong mga gawain.

6th Congress - Hinggil Sa Pagbubuo Ng Malalaki at Malalamang Balangay at AOM Teams Sa AB

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Gabay sa Balangay as approved by 6th National Congress of Anakbayan, May 2011 held at NCR

Citation preview

  • ANAKBAYAN [email protected] www.anakbayanph.wordpress.com

    Hinggil sa pagbubuo ng malalaki at malalamang balangay at AOM Teams sa mga balangay ng Anakbayan Inihanda ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011

    Sa mga susunod na buwan, layon natin ang ibayong pagpapasigla at pagpapalawak ng ating mga kampanyang masa para ilantad at ihiwalay ang rehimeng US-Aquino. Mahalagang usapin sa tungkuling ito ang pagpapalakas ng organisasyon ng Anakbayan, pagkokonsolida at pagpapalawak ng ating kasapian. Nitong mga nakaraang buwan, may mga tampok na usapin at mga resolusyon na sinisikap na harapin hinggil sa ating mga balangay. Ilan sa mga tampok na mga usapin ang mga sumusunod:

    - Mababa ang antas ng konsolidasyon at pampulitikang aktibidad ng mga kasapi. Maliit na bilang

    lamang ng kasapian ang napapalahok sa mga gawain.

    - Mahalagang usaping kaugnay nito ang pagkakaroon ng maliliit na mga balangay na mababa ang kakayanang gampanan ng mga tungkulin nito sa komprehensibong paraan.

    - Sentral na usapin ang pagpapalaki ng bilang ng mga kasapi sa kasalukuyan na direktang

    napapalahok sa gawaing AOM.

    Tungkulin sa konsolidasyon at pangmasang katangian ng organisasyon May mahigpit na pangangailangang itaas ang antas ng konsolidasyon ng ating mga balangay at kasapian. Lubhang maliit na bahagdan ng ating kasalukuyang kasapian ang napapalahok sa gawain sa direktang AOM at ibat ibang mga gawain sa balangay. Makikita din ito sa maliliit na bilang ng mobilisasyon sa mga aksyong masa relatibo sa bilang ng kasapian ng ating mga balangay. Malaking bilang din ng mga kasapi ang nalalaglag matapos ang ilang taon sanhi ng kahinaan sa pagkokonsolida ng mga kasapi sa mga balangay. Dapat patuloy na pasiglahin at palawakin ang mga kampanya at pakikibakang masa sa paraang makokonsolida ang ating mga kasapi, mapapalahok sila sa mga gawain at maitataas ang kanilang kamulatan at kakayanan bilang mga aktibista. Dapat tiyakin ang mahigpit at sistematikong pagpapatangan ng kaisahan sa oryentasyon ng organisasyon, pagsusuri at programang pambansa demokratiko at sustinido, papalalim na pampulitikang edukasyon. Dapat mapagana ang mga angkop na istruktura at matiyak ang pagpapatangan ng tungkulin sa mga kasapi at pagpapakilos sa kanila sang-ayon sa balangkas ng plano ng balangay. Kasabay nito, dapat mabilis na nakapagsasanay ng mga lider at kadre ng balangay na kayang mamuno ng komprehensibo o sa mga ispesipikong mga gawain.

  • Sa mga kalagayan at tungkuling ito dapat ilugar ang pangangailangang paghusayin at payamanin pa ang istruktura ng ating mga balangay . Dapat tiyakin ang pangmasang katangian ng Anakbayan sa pamamagitan ng pagbubuo ng malalaki at malalamang mga balangay. Mababa ang kakayanan ng mga balangay na gumampan ng mga tungkulin kung maliliit ang mga ito. Mas nakakahikayat din ang pagkilos kung malalaki ang ating mga balangay na umaabot ng ilangdaang kasapi. AOM teams Binubuo ang AOM teams sa loob ng mga balangay ng Anakbayan, bilang pamamaraan ng pagtitiyak ng pagpapatupad ng mga kasapi sa gawain sa direktang AOM sa masa. Binubuo ito batay sa pangangailangan at kapasyahan ng balangay -- ayon sa mga diin nitong mga gawain sa isang takdang erya, seksyon, grupo ng mga kabataan, mga tipunan, organisasyon, etc. Sa pamamagitan ng AOM teams, tinitiyak na mapapakilos ang paparaming bilang ng masang kasapi sa gawain ng direktang pag-AOM sa masa. Tinitiyak din nito na mas mabilis at sistematikong mapaunlad bilang mga masang aktibista ang mga kasapian.

    Ibinabalangkas ng balangay ang plano at mga tungkulin nito sa Pangkalahatang Asembliya ng balangay na siya namang pinapartikularisa ng Komiteng Tagapagpaganap ng Balangay. Sa Pangkalahatang Asembliya natitiyak ang demokratikong partisipasyon ng mga kasapi sa pangkalahatang plano ng balangay. Dito nakabalangkas at natutukoy kung ano ang mga gawain at partikular na plano ng mga AOM teams. Binubuo ng 3 pataas ang mga teams, nakabatay ang bilang sa kakayanang pangasiwaan ang mga teams. Karaniwang may TL, VTL for Org, VTL for ED at iba pang mga opisyales batay sa pangangailangan. Sa maagang bahagi, maaaring ang mga kasapi ng KT ay diretsong nangangasiwa sa mga AOM teams.

    Komiteng Tagapagpaganap

    (Chair, VChair, SecGen, etc)

    AOM team AOM team AOM team AOM team AOM team

    Komite sa ED / BMI

    Komite sa Organisasyon

    Komite sa Kampanya/Prop

    Komite sa Pinansya, etc

    GA ng Balangay

  • Inaasahan ang AOM teams na maglarga ng gawain sa ahitasyon-propaganda, pagrerekluta sa mabilis na paraan at pagpapakilos. Ang papel ng mga komite Maaari at dapat pa ring buuin ang ibat ibang mga komite ng balangay lalo na sa paglaki ng bilang ng kasapian ng atin mga balangay. Sa paglawak ng trabaho ng balangay, mainam kung may mga kasapi na mag-iispesyalisa at magtitiyak ng mga mahahalagang gawain sa edukasyon, organisasyon, BMI, propaganda, pinansya, etc. Habang ang mga AOM team ang araw-araw at direktang nagpoproraganda sa masa, ang mga komite ang nagtitiyak ng mga partikular na linya ng gawain sa balangay para makatulong din sa paglarga ng AOM teams at ng balangay sa pangkalahatan. Sa maagang bahagi, maaaring tipunin ang mga opisyal ng ibat ibang mga AOM team bilang kasapi ng mga komiteng ito na direktang tinitiyak naman ng mga kasapi ng KT. Pagpapalawak sa paglaki ng kasapian Pinakamainam kung mabilis na makapagpatawag ng Pangkalahatang Asembliya ng pagtatatag ang mga balangay at mabuo na ang mga AOM teams at mga komite nito. Sa kasong natatagalan pang magawa ito, maaari nang buuin sa ilalim ng Chapter Organizing Committee (COC) pa lamang ang mga AOM teams upang mas epektibong mapakilos na ang mga kasapi para sa pagpapalaki ng balangay at pagpapatawag ng matagumpay na Pangkatalahatang Asembliya ng pagtatatag. Sa paglaki ng bilang ng kasapian ng AOM teams, maaaring pagpasyahan ng balangay na hatiin ang mga ito, magbuo ng bagong AOM teams. Batay sa plano ng balangay sa pagpapalawak ng organisasyon, maaari ring iluwal ng mga itinalagang AOM teams ang bagong COC o balangay.