11
DENGUE FEVER Walang tao ang gustong magkasakit sapagkat sa panahong ito na hindi basta-basta ang pagkita ng pera mas makabubuting umiwas sa sakit upang sa ibang bagay na lamang mailaan ang perang kinikita. Lalo na ngayong panahon ng tag-ualn, talagang napakaraming sakit ang maaaring dumapo sa isang tao. Isa sa mga dapat na iwasang sakit ay ang dengue fever. Ito ay delikadong sakit na kapag napabayaan ay maaaring ikamatay ng isang tao. MGA TERMINO Tanong: Ano ang dengue fever? Sagot: Ang dengue fever ay isang nakakahawang sakit na nagmumula sa dengue virus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin o naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Tanong: Ano ang break-bone fever? Sagot: Ito ay isang klase ng dengue fever na ang mas kadalasang dinadapuan ay mga taong may edad na labing-lima (15) pataas. Ang mga simtomas ng break-bone fever ay: •Biglaang pagtaas ng lagnat •Giniginaw na pakiramdam o panginginig •Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan •Pananakit ng ulo •Pagkakaroon ng maliliit at mapupulang pantal Tanong: Ano ang dengue hemorrhagic fever? Sagot: Ito ay malalang klase ng dengue fever. Ang mga kalimitang nagkakaroon nito ay mga batang nasa edad na labing-apat (14) pababa

35875984 Dengue Fever Tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 35875984 Dengue Fever Tagalog

DENGUE FEVERWalang tao ang gustong magkasakit sapagkat sapanahong ito na hindi basta-basta ang pagkitang pera mas makabubuting umiwas sa sakitupang sa ibang bagay na lamang mailaan angperang kinikita. Lalo na ngayong panahon ngtag-ualn, talagang napakaraming sakit angmaaaring dumapo sa isang tao. Isa sa mgadapat na iwasang sakit ay ang dengue fever. Itoay delikadong sakit na kapag napabayaan aymaaaring ikamatay ng isang tao.

MGA TERMINO

Tanong: Ano ang dengue fever?Sagot: Ang dengue fever ay isangnakakahawang sakit na nagmumula sa denguevirus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin onaililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

Tanong: Ano ang break-bone fever?Sagot: Ito ay isang klase ng dengue fever naang mas kadalasang dinadapuan ay mga taongmay edad na labing-lima (15) pataas. Ang mgasimtomas ng break-bone fever ay:

•Biglaang pagtaas ng lagnat

•Giniginaw na pakiramdam o panginginig

•Pananakit ng mga kalamnan at

kasukasuan

•Pananakit ng ulo

•Pagkakaroon ng maliliit at mapupulang

pantal

Tanong: Ano ang dengue hemorrhagic fever?Sagot: Ito ay malalang klase ng dengue fever.Ang mga kalimitang nagkakaroon nito ay mgabatang nasa edad na labing-apat (14) pababa

Page 2: 35875984 Dengue Fever Tagalog

ngunit ang mga matatanda ay may posibilidadding magkaroon nito. Ang mga simtomas ngdengue hemorrhagic fever ay:

•Pagsusuka

•Pagkahilo

•Walang gana sa pagkain

•Pananakit ng ulo

•Mataas na lagnat

•Pananakit ng tiyan

•Pagdurugo ng ilong at gilagid

•Pagdumi nang maitim ang kulay dahil

sa pagdurugo ng bituka

Tanong: Ano ang aedes aegypti at aedes

albopictus?Sagot: Ang aedes aegypti at aedes albopictus aymga lamok na nakakapagsalin ng dengue fever.Ang mga ganitong klase ng lamok aynangangagat sa araw at maaari silang mabuhaysa loob at paligid ng bahay.

Tanong: Ano ang WHO?Sagot: Ito ay ang World Health Organization nanagbibigay pansin sa pangkalahatang kalusugansa buong mundo.

MGA DAPAT TANDAAN

Tanong: Sino ang mga maaaring magkasakit ng

dengue fever?Sagot: Maaaring magkasakit ng dengue feverang isang tao na nakagat ng lamok na aedesaegypti o aedes albopictus na nakakagat na ngtaong may sakit ng dengue fever.

Tanong: Ano ang dapat gawin kung ang isang

tao ay may sakit ng degue fever?

Sagot: Ang taong may sakit ng dengue fever ay

Page 3: 35875984 Dengue Fever Tagalog

dapat:

•Pagpahingahin

•Malimit na painumin ng tubig upang

hindi matuyuan ang katawan

•Paggawa ng paraan upang mapababa

ang mataas na lagnat

•Huwag bibigyan ng aspirin

Tanong: Gaano katagal ang sakit na dengue

fever?Sagot: Ang sakit na dengue fever ay maaaringtumagal nang hanggang sampung (10) arawngunit ang pagpapagaling at pagpapalakas muling katawan ay umaabot ng dalawa (2)hanggang apat (4) na linggo.

Tanong: Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng

dengue fever?Sagot: Maiiwasan ang pagkakaroon ng denguefever sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito:(Napagkunan: Infectious Disease ControlService)

Huwag mag-iimbak ng anumang bagayna maaaring pag-ipunan ng tubig atpamugaran ng mga lamok sa loob atlabas ng bahay tulad ng mga lata, boteat gulong ng sasakyan at panatilihingtuyo ang kapaligiran.

Hugasan at kuskusin mabuti ang mga

plorera at iba pang pinaglalagyan ng

tubig isang beses sa isang linggo.

Takpan ang mga pinaglalagyan ng tubig

upang maiwasan ang pagpasok at

Page 4: 35875984 Dengue Fever Tagalog

pangingitlog dito ng mga lamok.

Tingnan at linisin nang regular ang mga

alulod ng bahay upang maiwasan ang

pag-iipon dito ng tubig-ulan.

Gumamit ng kulambo habang natutulog

sa araw o dili kaya'y lagyan ng "screen"

ang mga bintana o pinto ng bahay.

Ipagbigay-alam sa pinakamalapit nahealth center kung maypinaghihinalaang kaso ng dengue feversa komunidad.

DENGUE FEVER: MALAKING PROBLEMA

Tanong: Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang

sakit na dengue fever?Sagot: Ang sakit na dengue fever ay dapatpagtuunan ng pansin sapagkat kung ang isangtao ay magkakaroon ng ganitong sakit aysiguradong matitigil ang pang-araw-araw niyangginagawa, maaaring sa pagpasok saeskuwelahan o kaya naman ay sa trabaho, sakadahilanang hindi maiiwasan ang panghihinang katawan.Ang isa pang dahilan kung bakit dapat itongpagtuunan ng pansin ay ang kawalan ng bakunapara sa sakit na ito. Tinatayang mga lima (5)hanggang sampung (10) taon pa bagomakagawa ng bakuna para dito.

Tanong: Patuloy ba sa pagdami ang

nagkakasakit ng dengue fever?Sagot: Oo, lalong dumadami ang nagkakasakitng dengue fever. Dahil na rin ito sa patuloy napagdami ng mga taong pumupunta sa siyudad olungsod kung saan karaniwan ay naiiwan lamang

Page 5: 35875984 Dengue Fever Tagalog

na nakakalat ang mga basura kung saan-saan.Gayundin naman ang kakulangan sa tubig kungkaya't hindi maiiwasan ng mga tao ang mag-ipon nito na magiging dahilan naman upangpamuhayan ng mga lamok. Maaari ding ang mgainsecticide na ginagamit pamatay ng mga lamokay hindi na gaanong epektibo dahil nasasanayna ang mga lamok dito.Kung lalabas ng bansa at titignan ang buongmundo, talagang patuloy sa pagtaas ang mganagkakasakit ng dengue fever. Kung noong 1970ay siyam (9) na bansa lamang ang mayepidemya ng dengue fever, ngayon ay umaabotna sa isang daan (100) ang mga bansa atteritoryong may epidemya nito. Noong 1950s ay908 lamang na kaso ng dengue fever angnaipapaalam sa WHO ngunit nitong 1998lamang ay umabot na sa 1.2 milyong kaso kungsaan 15,000 ang namatay.

MGA DAPAT GAWIN

Tanong: Paano masusugpo ang sakit na dengue

fever?Sagot: Makabubuting magsimula sa kani-kanyang bahay sa pamamagitan ng pagsunod sadapat gawin upang makaiwas sa pagdami ngmga lamok na nabanggit na nga kanina sa parteng "Mga Dapat Tandaan."Sa pandaigdigang kapakanan naman, ang WHOay nagkaroon ng pagpupulong noong Oktubre1999 upang mapalakas ang implementasyon ngmga dapat gawin para sa pagsugpo sa denguefever. Ang mga dapat gawin na ito ay makikitasa "Preventing dengue and dengue hemorrhagicfever, a fact sheet for municipal and communityleaders."Puhunan ng bawat tao ang kanilang katawan sapagharap sa pang-araw-araw na gawain kungkaya't dapat itong pangalagaan. Dapat ay

panatilihing malakas ang katawan upang hindi

basta-basta dadapuan ng kahit na anong sakit.

Page 6: 35875984 Dengue Fever Tagalog

Pesteng Lamok Ito A!Noong taong 1998 ay umabot sa 356, 554 andbilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue sabuong Kanlurang Pasipiko. Sa Pilipinas naman ayumabot sa 35, 648 ang dami ng mga taongnakakuha ng dengue at 514 sa bilang na ito angnamatay dahil sa mapangwasak na sakit na ito.Taon-taun na lamang ay may nababalitaantayong mga nasasawi dahil sa dengue atkadalasang mga bikitima pa ng sakit na ito aymga batang wala man lamang laban.Mapangutya ang katotohanan sapagkat angakala mo na maliit na kagat ng lamok lamang aydaan na pala patungo sa iyong kamatayan.

ANO BA TALAGA ANG DENGUE?

Ang dengue ay isang sakit na dulot ng

arbovirus (arthropod-borne virus), isangbayrus na dala-dala ng mga lamok na tinatawagna Aedes aegypti. Ang dengue ay madalas nalumalaganap sa mga parte ng mundo na maymainit na klima tulad ng Africa, Asya, Pasipiko atAustralia. Ang dengue ay naipapasa lamang saibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok.Ang vayrus na dala-dala ng Ae. aegypti aymabilis na tumutungo sa iba't-ibang parte ngkatawan at dumadaloy sa daanan ng dugo ngtao. Ang presensiya ng arbovirus sa dugo ng taoay nagdudulot ng pamamaga at pagkasira ngmga blood vessels. Ang ibang parte ng katawanay lumalaki katulad ng mga lymph nodes at angmga tisyu naman sa atay ay namamatay.

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG

DENGUE?

mataas na lagnat na tumatagal ng

dalawa hanggang siyam na araw

pananakit ng ulo

Page 7: 35875984 Dengue Fever Tagalog

panlalamig

pananakit ng katawan at mga kasu-

kasuan

pagkakaroon ng mga mapupulang

pantal sa katawan o rashes na

tinatawag napete chiae

pamumula ng mata

sobrang pagkahina ng katawanAng inisyal na panahon ng lagnat ay tumatagalng dalawa hanggang tatlong araw. Matapos nitoay mabilis na bumababa ang lagnat at ang maysakit ay matinding pinagpapawisan. Mataposmakaranas ng panandaliang pagkagaan ngkatawan ay muling tataas ang temperatura ngkatawan ng may sakit at dito na nagsisimulanglumabas ang mga rashes o petechiae. Angpetechiae ay nagsisimula sa kamay at binti atkumakalat sa dibdib, puson at likod. Ang paladat sakong ng paa ay biglang namamaga atnamumula.

DENGUE HEMORRHAGIC FEVER (DHR)Ang Dengue Hemorrhagic Fever aymasmalalang uri ng dengue at ito aynakamamatay. Ang kadalasang sintomas ngsakit na ito ay ang pananakit ng ulo, pananakitng katawan, pananakit ng mga mata, pagdurugong ilong at gilagid, pagkakaroon ng petechiae sakatawan, pagsusuka (na ang kadlasang itsurang suka ay tulad ng durog na kape), at pagtatae(na kadalasan ay sobrang itim ng kulay at maydugo).Ang pagsusuka ng dugo ay isang senyales nanagdudugo na ang tiyan ng may sakit. Angpamamaga at pagkawasak ng mga blood vessels

Page 8: 35875984 Dengue Fever Tagalog

ay nakakabawas sa daloy ng dugo. Ang pagbabang daloy ng dugo ay tinatawag na shock. AngDHR ay tinatawag din na Dengue Shock

Syndrome.

SI AEDES AEGYPTI AT SI AEDES

ALBOPICTUSAng Aedes aegypti at ang Aedes albopictus(nasa kanan) ay ang dalawang uri ng lamok nanagdadala ng dengue at DHF. Ang mga lamok naito ay nangangagat lamang sa umaga. Ang mgaito ay nanganganak sa mga lugar na maymalilinaw na tubig tulad ng mga paso, lata atmga lumang gulong. Mayroong mga kulayputing marka sa katawan ang mga lamok na ito.Ang karaniwang biktima ng mga lamok na ito aymga batang may edad na 10 pababa. Ngunitmaaari ring magkaroon ng dengue ang mgasanggol at mga matatanda. Kapag panahon ngtag-ulan ay hindi gaanong aktibo ang mgalamok na ito at madalas silang namamahay saloob ng mga bahay-bahay kung kaya'tmasmataas ang bilang mga taong nagkakaroonng dengue tuwing tag-ulan.ALAM NIYO BA?Ang dengue ay unang lumaganap noong mga taong1779-1780 sa Asya, Aprika at Hilagang Amerika.Nang mga panahong ito, ang dengue ay hindi pa nakakamamatay. Ngunit matapos ang World War II aynagkaroon ng malawakang epidemiya ng dengue sa mundo. Unang lumaganap ang Dengue HemorrhagicFever sa Timog-Silangang Asya noong mga taong 1950 ngunit sa pagdating ng 1975 ay naging isa sa mgapangunahing sanhi na ang dengue sa pagpapa-ospital at pagkamatay ng maraming mga bata sa iba't- ibang bansa

AYON SA STATISTIKA . . . 356,554Noong taong1998, nagkaroon ng malawakangdengue epedemik na sumakop sa buong rehiyonng Kanlurang Pasipiko. Umabot sa 356,554 angbilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue. AngCFR (case-fatality rate) ng taong ito ay .41%.Ang ibig sabihin nito ay mga 1,462 mula sa356,554 ang bilang ng mga taong namatay dahilsa dengue. Noong 1999 ay 64, 066 na lamang

Page 9: 35875984 Dengue Fever Tagalog

ang bilang mga biktima ng dengue. 109 mula sanabanggit na bilang ang nasawi dahil sa dengue.Sa mga sumunod na taon, bumaba ang bilangng mga biktima ng dengue ngunit may mgaibang bansa pa rin mula taong 1999-2000 angmayroong CFR na higit pa sa 1%. Ito ay sanhing mabagal na pagpapasok sa ospital ng mgamay sakit na dengue.

SA PILIPINAS NAMAN …

Ang taong1998 ang may pinakamataas na

bilang nga mga taong nagkaroon ng dengue.

514 mula sa bilang ng 35,648 ang namataydahil sa pamosong dengue. Mabuti na lamang atbumaba ang bilang ng mga nagkasakit sa mgasumunod na taon. Ang pagbaba ng bilang ngmga nagka-dengue matapos ang 1998 aymaaaring dulot ng pagkamulat ng mga Pilipinosa sakit na ito ngunit nakakalungkot na medyomarami pa rin ang bilang ng mga namamataydahil sa dengue. Sa taong 2001 (Hulyo), 7,697na ang nagkaroon ng dengue at 67 katao mulasa bilang na ito ang namatay. Sa katapusan ngtaon ay maaaring tumaas pa ang bilang nanabanggit.Mula sa ilustrasyon sa kanan ay makikita natinna ang dengue ay endemic na sa buongPilipinas. Ibig sabihin nito ay ang arbovirus atang Aedes aegypti ay natural na nananatili salahat ng parte ng ating bansa. Hindi tayo ligtassa dengue. Mula Luzon hanggang Mindanao atTawi-Tawi ay may biktima ng dengue. Hindi itonakapagtataka sapagkat talagang mainit angklima sa Pilipinas at mahaba ang panahon ngtag-ulan. Madalas pa ang pagbabaha sa atingbansa.

ANU-ANO ANG MGA PAMAMARAAN UPANG

MAIWASAN ANG DENGUE?Wala talagang payak na paraan upang magamotang dengue. Mainam na magpahinga nangmabuti at uminom ng maraming tubig and taong

Page 10: 35875984 Dengue Fever Tagalog

may sakit na dengue.Ang mga pasyenteng may DHR ay kadalasangginagamot sa pamamagitan ng panunumbalik ngnawalang tubig sa kanilang katawan. Ang ibangmga pasyenteng may DHR naman ay sinasalinanng dugo upang mapunan ang pagbaba ng daloyng kanilang dugo.Ang dengue fever ay hindi biro. Marami na angmga namatay dahil sa sakit na ito. Ang patuloyna paglaganap nito ay dulot na rin ng atingmaruming kapaligiran at kakulangan sa mgapamamaraan ng pagkontrol sa dami ng mgalamok. Mabuting sundin natin ang mgapamamaraan o prevention tips upang maiiwasanang dengue. Sabi nga nila, "An ounce of

prevention is worth a pound of cure".

Upang maiwasan ang dengue:

Tanggalin lahat ng mga kagamitan namaaaring pagmugaran ng mga lamoktulad ng mga lumang gulong, mga lata,mga bote at mga paso.

Takpan lahat ng mga lalagyan ng tubig

upang maiwasan ang pangingitlog ng

mga lamok dito.

Linisin ang mga gutter ng bubong

upang matanggal ang mga naipong

tubig na dulot na pag-ulan.

Laging palitan ng malinis na tubig ang

mga vase.

Huwag hayaang mabara ang mga

estero.

Page 11: 35875984 Dengue Fever Tagalog

Linising mabuti ang kapaligiran.

Maglagay ng mosquito repellant at

kung maaari ay magsuot ng mga long-

sleeved na mga damit.

Kapag matutulog tayo ay maglagay

tayo ng kulambo