26
PANITIKAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino

Citation preview

Page 1: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

PANITIKAN SA PANAHON NG

IKATLONG REPUBLIKA

Page 2: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar at sa tinatamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga Pilipino na nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan, muling inalis ang bansa sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.

Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago sa tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa kanilang pananaw, ang Pilipinas noon ay isa na namang bagong bansa, kaya’t ito’y tinawag ng dating Pangulong Marcos na “ANG BAGONG REPUBLIKANG PILIPINAS”.

Page 3: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng Ikatlong Republika. Ang UNANG REPUBLIKANG kanyang isinaalang-alang ay ang Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang IKALAWA ay ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at ang IKATLO, dahil muli na naman daw naging malaya ang bansa dahil sa pagkakaalis nito sa ilalim ng Batas Militar.

Ngunit nang panahong ito, di-mapasusubaliang maraming mamamayan ang tumututol at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng bansa at di-pagdama sa tunay na kalayaan. Lalo pang nag-alab ang ganitong damdamin nang patayin noong AGOSTO 21, 1983 ang dating Senador BENIGNO AQUINO JR., ang idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging pangulo ng bansa.

Page 4: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito, masasabing malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng PAKIKISAMA, PAGGAWA, PAGDADALAMHATI, KAHIRAPAN, PULITIKA, AT IMPERYALISMO.

Masasabing maningning pa rin ang Panitikang Filipino nang panahong ito

Page 5: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

Ang mga tula sa panahon ng Ikatlong Republika ay may PAGKAROMATIKO at REBOLUSYONARYO. Lantaran kung ito’y tumuligsa sa mga nagaganap noon sa ating pamahalaan. Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy, marahas, makulay, at tila mapagtungayaw.

Halimbawa ng tula:

** UOD – ni Rodolfo Salandanan

** PILIPINAS, SAWI KONG BAYAN –Francisco Rodrigo

Page 6: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

ANG AWITING FILIPINO

Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting Filipino nang panahong ito. Ang KALUNGKUTAN o PAGDADALAHAMHATI, KAHIRAPAN, PAGHAHANGAD NG TUNAY NA KALAYAAN, PAG-IBIG SA DIYOS, SA BAYAN, AT SA KAPWA, ay ang mga damdamin ng mga awit.

Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si Ninoy Aquino Jr. noong Agosto 21, 1983. Kabilang na rito sina CORITHA, ERIC, FREDDIE AGUILAR.

Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang “LABAN NA” at unang inawit ito

Page 7: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

ni Coritha sa isinagawang National Unification Conference ng Oposisyon noong Marso, 1985. Inawit din ito sa idinaos na “Presidential Campaign Movement for CORY AQUINO” upang magbigay ng inspirasyon sa kampanya sa pagpapabagsak sa Marcos Movement noong Pebrero 5, 1986.Narito ang awit:

LABAN NA

Ni Coritha at Eric

Ang hangin ay humuhuni/may sinasabi

Tila may daing/ang lahi natin,

Mga alon sa dagat ay may kinakampay

Ang hiniling, saan ka papanig

ha…ha…ha…ha….ha

Page 8: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

II

Nangangamba ka ba oh!Pedro

Na baka ika’y mahuli ng bombero

Magpakatatag at huwag dungisan

Ang kalayaang pinaglalaban

Laban na [4x]

At kung ika’y handang sumama

Naririto ang pagkakataon

Repeat II

Laban [12x]

Laban na [6x]

Page 9: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Muling binuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting “BAYAN KO” na sinulat nina JOSE CORAZON DE JESUS at C. DE GUZMAN noong panahon ng Amerikano. At dahil sa madamdaming nilalaman at pagiging popular nito,tunghayan natin ang awit :

BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto’t bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag

Page 10: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa.

-KORUS-

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

Ang di-magnasang makaalpas?

Page 11: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya.

Kay sarap mabuhay sa sariling bayan

Kung walang alipin at may kalayaan

Ang bayang sinisiil, bukas ay babangon din

Ang silanga’y pupula sa timyas ng paglaya

Page 12: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

PELIKULANG FILIPINO

Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino nang panahong ito.

Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang nauukol sa SEX. Kaya naman sinamantala ng mga ganitong uri kahit na ito’y nakapagpapababa sa moralidad ng mga Pilipino.

Page 13: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

PAHAYAGAN,KOMIKS,MAGASIN AT IBA PANG

BABASAHIN Tila pulitikang biglang nahati sa dalawang partido ang mga pahayagan nang panahon ng Ikatlong Republika. May mga pahayagang binansagang mga “CRONY NEWSPAPERS” ng marami nating mga kababayan dahil sa mga di-makatotohanang pahayag na taliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating kapaligiran. Kabilang sa mga ito ay ang: BULLETIN TODAY, PEOPLES JOURNAL at PEOPLES TONIGHT.

Page 14: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Ang mga pahayagang tinangkilik naman ng marami at pinaniniwalaang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari ay ang FORUM, DAILY INQUIRER, MANILA TIMES at MALAYA.

Patuloy pa ring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino ang mga komiks at magasin tulad ng KISLAP, MODERN MAGASIN, BULAKLAK, LIWAYWAY, EXTRA HOT, JINGLE SENSATION, LOVELIFE, EXTRA ALIWAN, HIWAGA, HOLIDAY at marami pang iba.

Page 15: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

TULANG NAGWAGI SA PALANCA 1981-1985

•1981-TAGA SA BATO – ni Romulo Sandoval/sagisag-panulat Victor Buenviaje

•1982-ODYSSEY NG SIGLO –ni Cresenciano C. Marquez Jr./sagisag-panulat Eva A. Dan

•1983-SA PANAHON NG LIGALIG –ni Jose F. Lacaba/sagisag-panulat Bernardo Makiling

•1984-BAKASYUNISTA –ni Tomas Agulto/ sagisag-panulat na Sarhento J. dela Cruz

•1985-PUNTA BLANGKO –ni Mike Bigornia/ sagisag-panulat na Haraya Negra

Page 16: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

MAIKLING KUWENTO1981-1985

•1981- DI MO MASILIP ANG LANGIT ni Benjamin Pascual/ sagisag-panulat na RADAMEN

•1982 – TATLONG KWENTO NG BUHAY NI JUAN CANDELABRA ni Lualhati Bautista/ sagisag-panulat na JOY MARELA

•1983 – PINAGDUDTUNG-DUGTONG NA HININGA MULA SA ISKINITANG PINAGPIYESTAHAN NG MGA BANGAW ni Agapito M. Lugay/ sagisag-panulat na PEPING DELA CRUZ

•1984 – SA KADUWAGAN NG PILIKMATA ni Fidel Rillo Jr./ sagisag-panulat na VIRGINIA RIVERA

•1985 – UNANG BINYAG ni Ernie Yang / sagisag-panulat na HOMER

Page 17: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

KABUUANG TANAW SA PANITIKAN

Sa kabuuang tanaw, mga SANAYSAY, MGA AWIT, MGA TALUMPATI at mga TULA pa rin ang masasabing nangunguna sa sangay ng Panitikang Filipino nang Panahon ng Ikatlong Republika.

Page 18: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

PANITIKAN SA KASALUKUYAN

Page 19: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng may labing-apat na taon.

Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na “PEOPLE’S POWER” o LAKAS NG BAYAN.

Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na

Page 20: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang “rebelde”-ENRILE-RAMOS , pagkat sumama na sa pangkat ng Pangulong Aquino. Muling naipamalas ng mga Pilipino ang Samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi ng mga pagkain at inumin.

Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin at pananalig sa Panginoon.

Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa.

Page 21: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

KALAGAYAN NG PANITIKAN

Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang mga TULA,AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA TELEBISYON

Page 22: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

PANULAAN SA KASALUKUYAN

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin at pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.

Hal: GITING NG BAYAN ni Francisco Rodrigo

HIMALA NI BATHALA ni Francisco Rodrigo

ALAMBRENG MAY TINIK,BOMBANG TUBIG AT USOK NA MALUPIT ni Remi Alvarez Alva

Page 23: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

AWITING PILIPINO** MAGKAISA nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena

** HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO ni Jim Paredes

Ang binuhay na awiting “BAYAN KO” ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa “Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Page 24: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

SANAYSAY

•PAG-IBIG LABAN SA TANGKE – Teresita Sayo

•BUKAS NA LIHAM – Jocelyn M. David

•DIKTA NG DAYUHAN – Romulo Caralipio

Page 25: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

MGA MANUNULAT

•ISAGANI CRUZ

•EDGARDO REYES

•DOMINGO LANDICHO

•RUTH MABANGLO

•LYDIA GONZALES

Page 26: 25049356 Panitikan Sa Panahon Ng Ikatlong Republika

TIMPALAK-PALANCA** Dulang Iisahing Yugto

BAYAN MO ni Bienvenido Noriega Jr.

ANG MGA TATOO ni Reynaldo Duque

** Tula

PANAHON NG PAGPUKSA..PAKIKIDIGMA ni Teodoro Antonio

** Maikling Kuwento

ANG DAMO SA FORT BONIFACIO ni Cyrus Borja

** Sanaysay

SI EDGARDO REYES ni Rogelio Mangahas