2
WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan. Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik, O ng mga guro, doctor, abogado, magingisda’t magbubukid; Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamit At isama sa mga butiun di masungkit- sungkit. Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matuwid Maging ito’y mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-sila’y natatago, kayu-kayo’y nagpapangkat Tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipan makabansa Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa Kasaysayan pala’y mababago isang saglit Sa dakong silangan… doon sa silangan Ang sikat ng araw… sumilip, sumikat, uminit Naantig ang diwang inaliping higit tuminok ang pusong dating di pumipintig Nagising ang ugat ng hapong mga bisig Bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit- bisig bawa’t isa Kilala’t di-kilala, kaaway at di- kaaway Mayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militar Nagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-pangarap Propesyonal at di-propesyonal Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal Estudyante, iskolar, istambay Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukid Nagkaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino Wika ng paglaya ng lahat ng tao Wika ng pagkakaisa, kabayan ma’t dayo Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao FILIPINO: WIKA NG PAGKAKAISA Jennifor L. Aguilar Pagkakaisa ano ba ang iyong diwa? Ito ba’y para sa iba’t ibang lahi at bansa? Wika, ano ba ang iyong makakaya? Matibay ka bang sandata sa pagbibigkis ng diwa? Wika ng pagkakaisa ang isinisigaw mo Habang ang bayan ay nagdidiliryo Ninakawan ng kampon ng mga manggagantso Una sa Hudisyaryo, Lehislatibo at ngayo’y Ehekutibo Nalilito, nahihilo, utak ay gulong gulo Saan ba nagmula wika ng tao sa mundo? Iba’t ibang teorya sa kaisipa’y nabubuo Wika ko’t wika mo, saan nga ba hinango? Panawagan ng pagkakaisa sa bawat Pilipino Wika raw ang magbubuklod, ikaw oh, Wikang Filipino Ito nga ba’y katotohanan o itinusok lang sa palaso Upang pagtakpan, pagkitil sa wika ng bayan ko?

235252745 Ang Filipino Bilang Wika Ng Pagkakaisa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Page 1: 235252745 Ang Filipino Bilang Wika Ng Pagkakaisa

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA

Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulayAy nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan.Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusanMaging sa paglaki, hanggang sa kamatayan.

Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdigNg mga paham, siyentipiko, mananaliksik,O ng mga guro, doctor, abogado, magingisda’t magbubukid;Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais makamitAt isama sa mga butiun di masungkit-sungkit.

Sa bawat panahonSa bawat kasaysayanSa bawat henerasyonMay palawakan ng isip

May palitan ng paniniwalaMay tagisan ng matuwidMaging ito’y mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit

Sila-sila’y natatago, kayu-kayo’y nagpapangkatTayu-tayo’y nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkasIsang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamitWikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makataoWikang naglalagos sa isipan makabansaWikang nagnunuot sa damdamin makalupa

Kasaysayan pala’y mababago isang saglitSa dakong silangan… doon sa silanganAng sikat ng araw… sumilip, sumikat, uminitNaantig ang diwang inaliping higittuminok ang pusong dating di pumipintigNagising ang ugat ng hapong mga bisig

Bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdigAng mga pang-aaping sugat niyaring dibdib

Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawa’t isaKilala’t di-kilala, kaaway at di-kaawayMayama’t mahirap, matalino’t mangmang, aktibista’t militarNagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-pangarapPropesyonal at di-propesyonalMangagawa, kawani, guro, mangangalakalEstudyante, iskolar, istambay

Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t magbubukidNagkaisa, nagkasamaNagkasama, nagkaisa

Ang wikang ginamit? Wikang PilipinoWika ng paglaya ng lahat ng taoWika ng pagkakaisa, kabayan ma’t dayoWikang tagapagtanggol ng lakas ng tao

FILIPINO: WIKA NG PAGKAKAISAJennifor L. Aguilar

Pagkakaisa ano ba ang iyong diwa?Ito ba’y para sa iba’t ibang lahi at bansa?

Wika, ano ba ang iyong makakaya?Matibay ka bang sandata sa pagbibigkis ng diwa?

Wika ng pagkakaisa ang isinisigaw moHabang ang bayan ay nagdidiliryo

Ninakawan ng kampon ng mga manggagantsoUna sa Hudisyaryo, Lehislatibo at ngayo’y Ehekutibo

Nalilito, nahihilo, utak ay gulong guloSaan ba nagmula wika ng tao sa mundo?Iba’t ibang teorya sa kaisipa’y nabubuo

Wika ko’t wika mo, saan nga ba hinango?

Panawagan ng pagkakaisa sa bawat Pilipino

Wika raw ang magbubuklod, ikaw oh, Wikang FilipinoIto nga ba’y katotohanan o itinusok lang sa palasoUpang pagtakpan, pagkitil sa wika ng bayan ko?

Nagbabadya ang kaunlaran sa 2015 ASEANUnti-unting ginagapang, pagiging sandaigdigan

Natatangi umanong solusyong maiahon, maliliit na bayan

Magsasama-sama’t magbubuklod, itatakwil sariling pagkakakilanlan

Preparasyon ito sa malawakang globalisasyonBrunei, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia,

Singapore,Myanmar, Thailand, Vietnam at Pilipinas ay nagtiponBinuo ang ASEAN upang gawing matatag na rehiyon

Globalisasyon at Rehiyonalisasyon natatanging solusyon?

Ito ba’y maka-Diyos at sa bawat baya’y mag-aahon?

O ito’y preparasyon ng diyablo’t kaniyang kamponNa sukat pang naitala sa aklat ng rebelasyon?

Noon pa mang una, batid na ang kalooban ng Maylikha

Iniutos kay Adan at Noah na punuin ang buong lupaMaging sa tore ng Babel sangkatauha’y sinawata

Nais nilang maging isa ngunit binigyan ng iba’t ibang wika

Pagkat bawat wika’y kinapaloloban ng sariling kulturaKailangang pagyamanin sa sarili’t angking lupa

Likas na tumutubo’t nililinang sa kaugalia’t pakikipagkapwa

Tunay na hanguan ng diwang epistemolohiyaNagbabadya ang pagkitil sa pagkatao’t pagkakakilala

Unti-unting tatabunan kalikasan ng bawat bansaPipintahan ng mapagkunwang kaunlaran at pag-asa

Nang maisakatuparan pagwawakas at pagkawasak na naitala

Page 2: 235252745 Ang Filipino Bilang Wika Ng Pagkakaisa

Wika ng bawat bansa, dapat na dinadakilaMinamahal, ginagamit, nililinang, inaaruga

Natatanging sandata sa preserbasyon ng kulturaNa tunay na diwa at kasangkapan ng pagkakaisa!