20
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang Kanluranin-Nobela Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

10 · 2 days ago · 0 Filipino 10 – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan– Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng South

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 6:

    Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang

    Kanluranin-Nobela

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • 0

    Filipino 10 – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan– Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang Kanluranin Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela) Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

    magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Telefax: (065) 212-6986

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Meralyn B. Sangual

    Editor: Arnie P. Taclap

    Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez

    Tagalapat: Wilvin H. Inding

    Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

  • 1

    Mula sa iyong matagumpay na paglalakbay mula sa mga Kuwento ng

    Estados Unidos, dadako ka naman sa United States of Amerika upang

    pag-aralan ang nakaaaliw na estorya ng nobelang Ang Matanda at ang

    Dagat.Ikaw ay inaasahang:

    Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan

    (F10WG-IIf-69)

    Nagagamit ang ibat ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa teoryang pampanitikan (F10WG-IIf-69)

    Modyul 6

    Mga Akdang Pampanitikan ng United States of Amerika

    Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela)

    Balikan

    Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang hinggil sa

    Maikling Kuwento.

    Gawain 1. Balikan ang nakaraang aralin. Ngayon ay subukin mong

    sagutin ang hinihingi gamit ang concept map? Ibigay ang kahulugan ng

    nobela at mga katangian nito.

    Alamin

    Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

    Naipamamalas ng mag-aaral ang

    pag-unawa at pagpapahalaga sa

    mga akdang pampanitikan ng mga

    bansang kanluranin.

    Ang mag-aaral ay

    nakapaglalathala ng sariling akda

    sa hatirang pangmadla ( social

    media)

  • 2

    Matapos ang naunang aralin, halina't tuklasin ang mga bagong kaalaman na

    matutunan sa bagong aralin.

    Gawain 2: Basahin Mo!

    Ang Matanda at Ang Dagat Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago

    “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway (bahagi lamang)

    Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus

    clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang

    isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.

    Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman

    ng tubig habang tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim. Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-

    ingat na binasag ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng araw.

    Tuklasin

    Nobela

  • 3

    Pagkaraa‟y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at nagsimulang

    lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda. Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya

    itong muli, o kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang

    katawan ay sadyang para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa kaniyang panga.

    Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa

    kaniyang dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang

    lumalangoy, halos nasa rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang panga, nakahilig

    paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng

    mga daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito

    ang isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at

    napakalakas at armadong-armado kaya wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa

    sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod. Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating

    na walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng

    pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda. Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang

    pasiya pero halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang

    katinuang ito. Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito.Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito,

    sa loob-loob niya. Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang nanay mo.

    Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata

    at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at

    lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang ingay ng balat at lamang

    nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang

    gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga

    panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na

    nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan

    ng pasiya at lubos na hangaring maminsala. Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang

    mga mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng pating.

    Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed-boat.

    Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka

    nalagot. Saglit na humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood

    siya ng matanda. Pagkaraa‟y dahan-dahan itong lumubog.

  • 4

    “Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda.

    Tinangay nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.

    Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang.

    Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita

    na ako ng malalaki. Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana‟y isa

    lang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa

    akong nakahiga sa mga diyaryo. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring

    wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at

    wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro‟y hindi, sa

    loob-loob niya. Siguro‟y mas armado lang ako.

    “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa

    paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang

    natitira sa akin. Iyon at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay „yon, sa loob-

    loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba‟y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi

    ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban noong minsan

    na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang ibabang binti at kumirot nang napakatindi.

    “Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali‟y papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo

    dahil sa pagkawala ng kuwarenta libras.” Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya

    sa panloob na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon. “Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking

    lanseta sa puluhan ng isang sagwan.”

    Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.

    “Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”

    Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.

    Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa‟y

    naniniwala akong kasalanan „yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang problema ngayon kahit walang kasalanan. T‟saka

    hindi ko ito naiintindihan. Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala

    ako roon. Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhay at mapakain ang maraming tao. Pero lahat

    naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para gawin iyon. Hayaan

    mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang

    mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San Pedro at gayundin ang ama ng dakilang

    DiMaggio.

  • 5

    Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan

    niya at nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa

    loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya‟y buhay pa at minahal mo siya

    pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo siya. O mas malaking kasalanan „yon?

    “Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya.

    Nabubuhay siya sa buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng

    basura o isa lamang gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan.

    “Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.

    “At pinatay ko siyang mahusay.” Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa‟t isa, kahit

    paano. Kung paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako

    binubuhay. Binubuhay ako ng bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili.

    Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap

    ng lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero

    hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na may dumating na malaking kamalasan.Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa

    may hilagang silangan at alam niya

    ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni

    balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga dilaw na

    kumpol ng damong Gulpo. Ni wala siyang makitang isa mang ibon.Dalawang oras na siyang

    naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa‟y ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang

    makita niya ang una sa dalawang pating.

    “Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na

    nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.

    “Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay

    pating na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na

    palikpik at sa pahalihaw na galaw ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding gutom, naiwawaglit nila at

    natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan. Pero palapit sila nang palapit.Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at

    isinisiksik ang timon. Pagkaraa‟y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang

    kaniyang mga kamay. Pagkaraa‟y ibinukas-sara niya ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag

    mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating.

    Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga

    kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura at

  • 6

    mamamatay, at kapag sila‟y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang

    bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang sila ng

    taong nasa tubig, kung sila‟y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.

    “Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.” Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa

    at naglaho sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa

    ang matanda, naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang

    panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak at gulugod at

    inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa dilaw, tila sa pusang mata ng pating.

    Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang siya‟y namamatay.

    Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang

    pating at binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang

    siya sa gilid at hinambalos ito. Laman lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang lanseta. Hindi lamang ang kaniyang

    mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi pati ang kaniyang mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito

    ng matanda sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa isda. Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa

    dating lugar ang isda. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at

    sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.

    “Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod at utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang

    napatid ang litid. Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim sa panga ng pating

    para buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang milya ang lalim. Sumige ka

    at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”

    Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan. Pagkaraa‟y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya

    ang bangka sa dating paglalayag. “May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na

    laman,” malakas niyang sabi. “Sana‟y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo‟y mali ang lahat.

    Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang

    dugo at lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga paha.

    “Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa akin. Ikinalulungkot ko, isda.

    ”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil

    marami pang darating. “Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda

    matapos tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng

    bato.” Marami kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung

    ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.

  • 7

    “Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko

    r‟on.” Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang

    umuusad ang bangka. “Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero

    hamak na mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay

    napipilas angkarne at ngayo‟y sinlapad ng haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating.

    Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob

    niya. Huwag mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo

    sa mga kamay ko ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa‟y hindi na sila gaanong nagdurugo. Walang anumang sugat na dapat ikabahala. Baka

    makatulong pa ang pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa. Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala

    akong dapat isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga‟y panaginip lang

    iyon, sa loob-loob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa „yon.

    Ipinaskil ni Unknown sa 1:59 AM I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

    Mga Tanong:

    1. Isalaysay ang naging pakikipagsapalaran ng tauhan, uri ng

    tunggalian, sanhi at bunga.

    Sanhi

    Pakikipagsapalaran

    Bunga

    2. Ihanay ang mga pangyayari sa nobela gamit ang Story Ladder. Isulat

    sa sagutang papel.

    Wakas

    Kakalasan

    Kasukdulan

    Tunggalian

    Papataas na pangayayari

    Suliranin

    Simula

    https://www.blogger.com/profile/15014867930470296729http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ang-matanda-at-ang-dagat.htmlhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=pinteresthttps://www.blogger.com/post-edit.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&from=pencil

  • 8

    3. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang "Ang Matanda at ang Dagat "

    ang nobela?

    4. Paano napatunayan ni Santiago na maaring mapagtagumpayan ng

    isang tao ang anumang balakid sa buhay?

    Suriin Ang nobelang "Ang Matanda ang Dagat" ay isang halimbawa ng Teoryang

    Realismo.Ayon kay Henri de Latouchi at Auguste Comte (Ama ng

    Sosyolohiya) ang pananaw Realismo ay ipinakita ang mga karanasan at

    nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang

    pamamaraan. Miuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay;

    na ang likhang isip ay may aktwal na batayan sa kasaysayan at lipunan.

    Karaniwan nitong pinapaksa ang kalayan na nangyayari sa lipunan

    tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan, at diskriminasyon.

    Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito: Mga teoryang pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba‟t

    ibang paliwanag ang iba‟t ibang mga kritiko at makata patungkol sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin ko baka

    magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag sa mga teorya ng

    panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang pampantikan.

    1. Klasismo– Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak,ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-

    pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

    2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay

    kaya‟t kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.Naniniwala ang mga humanista na sibilisado

    ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

    3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng

    biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya.

  • 9

    4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa

    mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal

    kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

    5. Feminismo–Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay

    feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

    6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay

    ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi bastabasta masusuri ang mga simbolismo sa akda.

    Pinakamainam… 7. Formalismo – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging

    layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. Ang tunguhin ng teoryang ito ay

    matukoy ang:nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda..

    8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda rin

    siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na

    pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.

    9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang

    kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

    10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga

    tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda! 11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa

    Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan

    ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa

    lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na

    kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

  • 10

    12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas

    sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida

    at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas

    ito upang madapi ang nangaaping lakas. 13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at

    pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon

    sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong

    nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya 14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng

    mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang

    teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari

    sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw

    patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.

    15. Kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang

    kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

    Gawain 3

    A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel.

    1. Ano-ano ang iba't ibang Pagdulog o Pananaw/Teoryana ginagamit sa pagsusuring pampanitikan?

    2. Bakit higit na kailangan na magkaroon ng kaalaman ang isang mag-aaral na tulad sa mga Teorayang ito?

    3. Kung ikaw ang susuri sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat " aling Teorya o Pagdulog ng Panitikan ang pinakaangkop na gamitin? Ipaliwanag.

    B. Suriin ang akdang " Ang Matanda at ang Dagat" gamit ang

    Pananaw / Teoryang Realismo. Sagutin ang mga gabay na tanong sa

    pagsusuri.

    1. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa nobela batay sa

    ipinapakitang pakikipagsapalaran ni Santiago sa dagat?

  • 11

    2. Paano pinanghahawakan ng tauhan ang pagpapahalaga sa buhay

    ayon sa sitwasyong nakapaloob sa akda?

    3. Ilahad ang tagpo na nagpapakita ng pananaw Realismo at iba pang

    angkop na teoryang pampanitikan batay sa nilalaman ng nobela?

    4. Patunayang may positibong pananaw ang pangunahing tauhan sa

    pagaharap ng sa suliranin na kanyang naranasan?

    5. Bakit sinasabing ang nobelang "Ang matanda at ang Dagat" ay

    pananaw Realismo?

    Pagyamanin May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa

    payak na pagkakabuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa ay sa paraang pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo sa pagsulat ng

    isang manunuri upang mapalutang ang layunin sa pagsusuri sa akda. Ito ay kailangang kumilala sa taglay na sining at magpapanatili sa sining ng

    pagsusuri. Sa simpleng pagpapakahulugan, ipinaliliwanag ng isang panunuring pampanitikan kung bakit dapat basahin ang isang akda o kung ano ang

    katangian ng akda na dahilan upang ito‟y pag-ukulan ng panahong basahin.

    Tingnan kung anu-ano ang mga salik o elementng napapaloob sa isang suring-basa.

    1. PAGKILALA SA MAY-AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa

    pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.

    2. URI NG PANITIKAN – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o

    damdaming taglay nito.

    3. LAYUNIN NG MAY-AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit

    sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.

    4. TEMA O PAKSA NG AKDA – Ito ba‟y makabuluhan, napapanahon,

    makaotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa?

    5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba‟y anyo ng mga

    taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o

    namamatay.

    6. TAGPUAN / PANAHON – Binibigyang-pansin sa panuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at

    sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa

    kapwa at sa lipunan.

  • 12

    7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas na

    pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba bas a nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw?

    Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig

    ng kabuuan ng akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?

    8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral,

    tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari

    ding tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay sasalungatin, pabulaanan, mabago, o

    palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa

    buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.

    9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan ng

    paggamit ng mga salita? Angkop bas a antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo ng

    pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba‟y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian

    ng isang mahusay na akda?

    10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.

    Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat na

    kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri. Kailangang makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang

    pagiging obhetibo sa pagsusuri ay kailangang isaalang-alang. Mula sa aklat ng Filipino 10 PAnitikang Pandaigdig

    Gawain 3

    Gumawa ng isang suring - basa sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat".

    Gumamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagbuo ng suring-basa

    upang lalong maunawaan ng mga mambabasa. Gamitin ang balangkas ng

    suring-basa na nasa ibaba sa pagbuo nito.

    I. PAGKILALA SA MAY-AKDA:

    II. URI NG PANITIKAN:

    III. LAYUNIN NG MAY-AKDA:

    IV. TEMA O PAKSA NG AKDA:

    V. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA:

    VI. TAGPUAN / PANAHON:

    VII. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:

    VIII. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA:

    IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:

  • 13

    X. BUOD:

    Pamantayan sa Pagsusuri ng Suring- basa

    DIMENSYON MAHUSAY 8-10 PUNTOS

    KATAMTAMAN 5-7 PUNTOS

    MAHINA 1-4 PUNTOS

    PUNTOS

    PAGSULAT Walang maling

    pang-gramatika at mahusay at

    malikhain ang paggamit ng mga

    salita

    Walang maling

    pangramatika

    Hindi

    nakikitaan ng kalinawan sa

    pagpapahayag ng kaisipan

    NILALAMAN Nakikitaan ng

    mahusay na pagka-unawa sa

    nobelang binasa batay sa

    panunuring ginawa na

    nakapupukaw ng interea ng

    mambabasa

    Kompleto ang

    mga impormasyong

    ipinahayag.

    Iilan lamang

    ang mga impormasyong

    ibinigay

    ORGANISASYON Mahusay at

    mabisa ang pagkakasunud-

    sunod ng mga detalyeng

    inalahad sa panunuri.

    Maayos na

    nasunud-sunod ang mga

    pangyayari

    Hindi malinaw

    at walang kaugnayan ang

    mga detalyeng inilahad sa

    panunuri

    PA-UNAWA SA TEORYANG

    REALISMO

    Mahusay at malinaw na naisa-

    isa ang mga bahagi ng nobela

    na nagpapakita ng paggamit ng

    Realismo.

    Naipaliwanag ang paggamit ng

    teoryang realismo sa

    malawakang panunuri

    Hindi malinaw ang pag-unawa

    KALINISAN Mahusay ang

    malinis ang pagkasulat ng

    panunuri.

    Malinis ang

    pagkasulat ng panunuri

    Marumi at

    nakikitaan ng pagmamadali

    sa ginawang panunuri.

    KABUUAN

  • 14

    Isaisip

    Ngayong batid mo na ang mga balangkas at mahahalagang kaalaman sa

    pagbuo ng isang maayos na suring-basa. Maari mo nang sagutin ang mga

    sumususnod na tanong.

    1. Paano ipinakita ng may-akda ang pagiging malikhain sa pagbuo ng nobela?

    2. Naging makatwiran ba ang ginawang pagsusuri sa akda?

    Mungkahing Estratehiya: POST IT

    Natutunan ko sa pagsusuri ng isang nobela : ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

    Tayahin Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang

    sagot. Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.

    1. "Naglayag sa dagat ang matandang si Santiago upang manghuli ng isda na

    maaari niyang ibenta at kanyang kainin.” Aling bahagi ng nobela makikita ang pahayag na ito?

    a. simula c. gitna b. wakas d. Kasukdulan

    2. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos

    at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mambabasa? a. maikling kuwento c. Talumpati

    b. nobela d. Dula

    3. Ang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin maliban sa ________? a. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan

    b. kawili-wili at pumupukaw ng damdamin

    c. nag-iiwan ng di mabuting aral sa mga mambabasa. d. malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad

  • 15

    4. Ano ang tawag sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

    a. tagpuan c. pamamaraan b. pananalita d. Banghay

    5. Ito ang kahulihulihang nobelang nailimbag ni Ernest Hemingway?

    a. Banaag at Sikat c. Sa mga Kuko ng Liwanag b. Ang matanda at ang Dagat d. Dekada 70

    6. Ipinakikita ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging ito man ay

    hindi maganda.

    a. Klasisismo c. Formalismo b. Realismo d. Imahismo

    7. Ang nobelang pinamagatang "Si Anne ng Green Gables" o ang mag-aaning

    tinatawag na kamatayan ay isang halimbawa ng Teoryang ___________? a. romanstisismo c. Feminismo

    d. realismo d. Sosyolohikal

    8. Binibigyang pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon .

    a. imahismo c. humanismo b. Formalismo d. Klasisismo

    9. Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang

    sining. a. panunuri c. pananaw

    b. paglalahad d. Pagsisiyasat

    10. Ito ay isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto o akda. a. pasulat ng script c. suring-basa

    b. suring-pananaw d. Pagbabasa

    11. Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.

    a. pagkilala sa may akda c. layunin ng may akda b. buod d. Mensahe

    12. Balangkas ng suring-basa na nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o

    karanasan. a. mga kaisipan c. layunin ng may akda

    b. pagkilala sa may akda d. Mensahe

    13. Aling pahayag ang nagpapatunay na ang nobelang "Ang Matanda at ang

    Dagat ay isang Realismo? a. inilalarawan ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay.

    b. nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan. c. pinapahalagahan higit ang tao kaysa sa anumang bagay.

    d. pinahalagahan ang katwiran ng tauhan.

  • 16

    14. Ano ang mahahalagang aral sa nobelang " Ang Matanda at ang Dagat"?

    a. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.

    b. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang tao. c. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay malalampasan basta't may tiwala

    at determinasyon. d. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi nagbabago hanggang sa

    pagtanda.

    15. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at

    pangyayari. a. simbolismo b. pananaw c. damdamin d. Tema

    . Karagdagang Gawain Gawain 4 Bilang karagdagan sa iyong kaalaman at higit mong maunawaan ang paksa. Gumawa ng isang suring -basa sa isa sa mga akdang isinulat ng ating batikang

    manunulat na si Luwalhati Bautista. Suriing maige ang mga bahagi ng nobela gumamit ng balangkas sa sa suring -basa bilang gabay para maging makabuluhan

    ang pagsusuri. Gumamit ng iba't ibang batis ng impormasyon tulad ng aklat at enternet upang magsaliksik o magbasa pa patungkol sa gawaing ito. Gawing gabay

    ang pamantayang ito :a. Kabuluhan ng nilalaman at lalim ng panaw b. Pagsasalang ng mga elemento ng panunuring pampanitikan at d. Makabuluhang presentasyon.

    Tatayahin ang iyong ginawa ayon sa sumusunod:

    10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 8 puntos - tatlo sa mga pamantayan ang naisakatuparan

    6 puntos - dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan 4 puntos - isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan

  • 17

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

    Modyul para sa Mga-aaral FILIPINO 10

    Tayahin

    1) A 2) B 3) C 4) D 5) B 6) B 7) C 8) B 9) A 10)C 11) A 12 )A 13) A 14) C 15) A

    https://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=pinterest