29
BALIK-ARAL SA MGA PANANALIG PAMPANITIKAN MARK-JHON R. PRESTOZA JUN-JUN R. RAMOS

Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

BALIK-ARAL SA MGA PANANALIG PAMPANITIKAN

MARK-JHON R. PRESTOZA

JUN-JUN R. RAMOS

Page 2: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

OUTLINE

1. Klasismo2. Romantisismo3. Ekpresionismo4. Naturalism5. Realism6. Surrealism7. Imahenismo8. Simbolismo9. Impressionismo

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 3: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 4: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 5: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

KLASISMO

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 6: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

ROMANTISISMO

.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 7: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

EKPRESIONISMO

Layunin ng teoryang ito na mas pinapalitaw ang damdamin kaysa sa pisikal na kaanyuan ng mga karakter. Binibigyang pansin ang mga indibiduwal na karakter sa positibong paniniwala at makatotohanang paglalahad.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 8: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

NATURALISMO

May kapaniwalaang ang heredity at kaligiran ng indibidwal ay nakaiimpluwensiya at nakapagdedermina ng kanyang motibasyon at beheybyor.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 9: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

REALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 10: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

SURREALISM

Layunin ng teoryang ito na ipadama sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na may isang adhika na nakapaloob sa isang akda. Ipinapadama ng teorya na mas mahalaga ang pangarap kaysa sa mga guni guni na pumupukaw sa isang akda.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 11: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

IMAHINISMO

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 12: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

SIMBOLISMO

Layunin nitong pukawin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit iba’t ibang pagpapakahulugan pampanitikan. Ang punto de vista ng teoryang ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na iugnay ang sariling interpretasyon sa tekstong binabasa.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 13: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

IMPRESSIONISMO

Layunin ng teoryang ito na ikumpara ang opinyon ng may akda sa pamamagitan ng makabuluhang pagkilala sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa mambabasa. Ang mga impormasyon sa kuwento ay naghihikayat sa mga mambabasa na magkaroon ng obserbasyon batay sa pinaninindigang paniniwala.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 14: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG HUMANISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 15: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG FEMINISMO

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 16: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG ARKITAYPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 17: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG FORMALISMO/FORMALISTIKO

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 18: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

Teoryang Saykolohikal/SikolohikalAng layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa

pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 19: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG EKSISTENSYALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 20: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG MARKISMO/MARXISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 21: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG SOSYOLOHIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 22: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG MORALISTIKO

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 23: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG BAYOGRAPIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 24: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 25: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG HISTORIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 26: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG KULTURAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 27: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

Teoryang Feminismo-Markismo

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 28: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

TEORYANG DEKONSTRUKSYON

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Filipino 215: Malikhaing Pagsulat

Page 29: Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ

THANK YOU!

[email protected]

[email protected]

Professor: Marina Dacaca-Acerit