9
N akakambyo na ang paghahanda ng rehimeng Duterte para itatag ang isang pasistang diktadura. Batid niyang dapat umusad nang mabilis ang kanyang pakana sa loob ng humigit-kumulang isang taon bago siya maubusan ng kapangyarihan. Pwede niyang piliing iratsada ang planong baguhin ang konstitusyon o kaya'y tahasang ideklara ang batas militar. De- pende ito sa isusulong ng mga pakikibakang bayan o sa ihuhugis ng ribalan ng mga pangkating pampulitika ng naghaharing uri. Pinamumunuan ngayon ni Du- terte ang kung tutuusi'y isang hun- tang sibil-militar sa anyo ng tinagu- ring National Task Force para diu- mano "wakasan ang komunistang armadong tunggalian." Sa pamama- gitan ng NTF, pinatatakbo ngayon ni Duterte at kanyang mga tau-tau- hang militar ang buong gubyerno gamit ang "kontra-insurhensya" bi- lang nakapanlalambong na kapang- yarihan. Naghahari sila gamit ang dahas at paninindak na di nagpapa- tali sa mga batas at proseso upang payukuin ang lahat sa tiraniya ni Duterte. Sa ilalim ng NTF at sa tinagu- ring patakarang "buong-gubyerno," pinasusunod ni Duterte ang mga prayoridad at plano ng lahat ng ahensya ng gubyerno sa mga layu- ning kontra-insurhensya ng AFP. Matapos hirangin ang mahigit 60 dating heneral at upisyal militar sa iba't ibang antas ng burukrasya, EDITORYAL "Red tagging...," sundan sa pahina 3 "Labanan..," sundan sa pahina 2 PALATANDAAN NG UMIIGTING na panunupil ng rehimeng US- Duterte ang pagdayo ng mga ki- natawan nito sa Europe upang ipaharang sa European Union (EU) at United Nations (UN) ang pagpondo sa mga ligal na institu- syon na arbitraryong binabansa- gang mga "prenteng organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)." Noong ikalawang linggo ng Pebrero, umikot sa mga bansa sa Europe ang mga upisyal ng Presi- dential Communications Operati- ons Office, National Intelligence Coordinating Agency at ang Na- tional Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Hu- mingi ang mga ito ng pakikipag- pulong sa mga upisyal ng EU at mga organisasyong nagbibigay ng ayuda, at ikinampanyang bawiin o

 · dad ng estado. Sa nagdaang mga buwan, puu-puong aktibista sa buong bansa ang inaresto nang walang man-damyento at ibinimbin nang walang kaso. May mga kasong ang mga di-nakip ay

  • Upload
    lelien

  • View
    223

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo L Blg. 6

Marso 21, 2019

www.phi l ippinerevolution. info

Nakakambyo na ang paghahanda ng rehimeng Duterte para itatag angisang pasistang diktadura. Batid niyang dapat umusad nang mabilisang kanyang pakana sa loob ng humigit-kumulang isang taon bago

siya maubusan ng kapangyarihan. Pwede niyang piliing iratsada ang planongbaguhin ang konstitusyon o kaya'y tahasang ideklara ang batas militar. De-pende ito sa isusulong ng mga pakikibakang bayan o sa ihuhugis ng ribalanng mga pangkating pampulitika ng naghaharing uri.

Pinamumunuan ngayon ni Du-terte ang kung tutuusi'y isang hun-tang sibil-militar sa anyo ng tinagu-ring National Task Force para diu-mano "wakasan ang komunistangarmadong tunggalian." Sa pamama-gitan ng NTF, pinatatakbo ngayonni Duterte at kanyang mga tau-tau-hang militar ang buong gubyernogamit ang "kontra-insurhensya" bi-lang nakapanlalambong na kapang-yarihan. Naghahari sila gamit angdahas at paninindak na di nagpapa-

tali sa mga batas at proseso upangpayukuin ang lahat sa tiraniya niDuterte.

Sa ilalim ng NTF at sa tinagu-ring patakarang "buong-gubyerno,"pinasusunod ni Duterte ang mgaprayoridad at plano ng lahat ngahensya ng gubyerno sa mga layu-ning kontra-insurhensya ng AFP.Matapos hirangin ang mahigit 60dating heneral at upisyal militar saiba't ibang antas ng burukrasya,

Labanan ang "kontra-insur-hensyang" pakana para sapasistang diktadura

EDITORYALRed-tagging

ng rehimen,

dinala sa Europe

"Red tagging...," sundan sa pahina 3"Labanan..," sundan sa pahina 2

PALATANDAAN NG UMIIGTINGna panunupil ng rehimeng US-Duterte ang pagdayo ng mga ki-natawan nito sa Europe upangipaharang sa European Union(EU) at United Nations (UN) angpagpondo sa mga ligal na institu-syon na arbitraryong binabansa-gang mga "prenteng organisasyonng Partido Komunista ng Pilipinas(PKP)."

Noong ikalawang linggo ngPebrero, umikot sa mga bansa saEurope ang mga upisyal ng Presi-dential Communications Operati-ons Office, National IntelligenceCoordinating Agency at ang Na-tional Task Force to End LocalCommunist Armed Conflict. Hu-mingi ang mga ito ng pakikipag-pulong sa mga upisyal ng EU atmga organisasyong nagbibigay ngayuda, at ikinampanyang bawiin o

Marso 21 , 2019 ANG BAYAN2

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Tomo L Blg. 6 | Marso 21, 2019

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

ANG

instagram.com/progressiveviews

@prwc_info

fb.com/groups/prwcnewsroomv2

[email protected]

Editoryal: Labanan ang "kontra-insurhensyang" pakana para sadiktadurya 1

Red-tagging, dinala sa Europe 1

10-araw na BKPM, inilunsad sa NCMR 4

Tumitinding krisis sa empleyo 5

Patuloy na pagsirit ng presyo ng langis 6

Mga manggagawa, pinagbitiw ng AFP 7

Walk-out ng mga estudyante 7

Araw ng Kababaihan, ginunita 7

Mga Moro, biktima ng militarisasyon 7

Bigo ang gera ng US sa Afghanistan 8

"Kontra-insurhensya" sa Pilipinas 9

itinali niya sa AFP ang mga depar-tamento ng gubyerno, kabilang angmga ahensyang sibil, at ipinailalimang mga ito sa nakapangyayaringimpluwensya ng militar. Ginaga-wang sandata ang mga ito ng pag-supil para magsilbi sa "pambansangseguridad" ng rehimen na walangdili't iba kundi ang pananatili atpagpapalawig ng burukrata-kapita-lista at pasistang rehimeng Duterte.

Sinisindak ng AFP ang mga lokalna upisyal ng gubyerno, mula samga konseho sa barangay hangganglupon sa prubinsya, para maglabasng mga pahayag at makipagtulu-ngan sa mga programa ng militar,sa takot na i-"Red-tag" o tatakangkomunista at gawing target ng AFP.Ang diumano'y mga programangpangkagalingan ay ipinangkukublilamang sa brutalidad ng mga ope-rasyon ng AFP.

Bagaman ang deklaradong layu-nin ng NTF ay "wakasan ang arma-dong tunggalian," nakatuon angmalaking bahagi ng trabaho labansa mga ligal na organisasyon na ku-

makatawan sa interes ng iba't ibangsektor, pati na mga ahensya, insti-tusyong panserbisyo at progresi-bong pampulitikang personalidad.Liban sa mga manggagawa, magsa-saka at iba pang batayang sektor,pinag-iinitan nang husto ni Duterteat ng kanyang mga alipures ang mgamamamahayag, abugado, guro, ka-wani ng pamahalaan at mga taong-simbahan, laluna yaong mga gru-pong bumabatikos sa laganap naabuso ng mga pwersang panseguri-dad ng estado.

Sa nagdaang mga buwan, puu-puong aktibista sa buong bansaang inaresto nang walang man-damyento at ibinimbin nang walangkaso. May mga kasong ang mga di-nakip ay inkomunikado, pinagkai-tan ng kanilang karapatang mabi-sita ng abugado at pamilya upangpiliting "makipagtulungan" sa mi-litar. Upang bigyang-matwid angiligal na hakbang, pinalalabas ngAFP na ang mga detenidong ito'y"sumurender" kahit pa sila'y bi-langgo sa mga bartolinang militar.

Pinakilos ni Duterte ang "legal

cluster" ng NTF para pabilisin angkaso para pormal na turingang"terorista" ang Partido at BHB sailalim ng Human Security Act o"batas kontra-terorismo" upangipataw ang mabibigat nitong paru-sa laban sa mga aktibista at ibapang kritiko ng pasistang rehimen.

Inutusan din niya ang NTF naitulak ang European Union (EU) atiba pang ahensyang European naitigil ang pagsuporta sa mga pro-yektong panlipunan sa bansa tuladng mga paaralang Lumad na pilit napinalalabas ni Duterte na "paaralansa pagsasanay" ng BHB, pinada-daplisan ang EU sa "pagpondo saterorismo."

Para lalong patatagin ang NTF,sinisiguro ni Duterte at ng AFP nayaon lamang makikipagtulungan sadoktrinang kontra-insurhensya ngrehimen ang mananaig sa daratingna eleksyon. Bagaman bawal ma-kialam sa eleksyon, aktibong na-ngangampanya ang AFP laban samga progresibo at kandidatonganti-Duterte sa pamamagitan ngpagtatak sa kanila na "simpatisa-dor" ng BHB o kaya'y sa pagba-banta na isama sila sa gawa-ga-wang "narcolist." Ang buong Min-danao, na nasa ilalim na ng batasmilitar, ay idineklarang "electionRed hotspot," na nagbibigay saAFP ng ibayong kapangyarihan.

Ang pagsupil sa ligal na de-mokratikong kilusan, na binubuo ngmga di armado o hayag na grupongsektoral, pati na mga ahensya o or-ganisasyong pang-aktibista o maylayuning panlipunan o pampulitika,ay isa sa susing bahagi ng pakana niDuterte na magtatag ng isang pa-sistang diktadura. Sa taya niya,kung mapatatahimik niya ang mgagrupong ito, mapatatahimik na rinniya ang lahat ng anyo ng oposisyonat mapababagsak ang buong hanayng mga pwersang anti-pasista, atgayo'y mapapawi ang sinumanghahamon sa kanyang pakana.

Marcos na Marcos ang pakanani Duterte. Noong 1972, idineklara

"Labanan...," mula sa pahina 1

"Labanan..," sundan sa pahina 3

ANG BAYAN Marso 21 , 2019 3

ang batas militar para umano laba-nan ang mga banta ng "Maoistangrebelyon." Nanatili sa poder siMarcos hanggang 1986. Ngayon,ipinananakot din ni Duterte angmulto ng komunismo (pati na rinang multo ng terorismo) para big-yang matwid ang pagsupil sa mgademokratikong karapatan sa kan-yang layuning palawigin sa poderang sarili at kanyang pamilya atipagpatuloy ang kanilang burukra-ta-kapitalistang pandarambong atpagpapayaman.

Dapat puspusang labanan ngmamamayang Pilipino ang ambisyonni Duterte na maging diktador. Da-pat tumbasan ang tindi ng pagha-handa ni Duterte ng dobleng sidhipara biguin ang kanyang plano.Hindi sila dapat magpasindak sapaggamit ni Duterte at ng AFP ngpwersa at terorismo ng estado. Da-pat silang magsalita at labanan angarbitraryong pagtatatak na komu-nista o terorista. Dapat panagutinsi Duterte at kanyang mga upisyalsa seguridad sa lahat ng paglabagsa karapatang-tao at malubhangpag-abuso sa kapangyarihan sa ila-lim ng rehimeng kontrainsurhen-syang NTF. Dapat paalingawngawinnila ang panawagang patalsikin angpasistang rehimeng US-Duterte.

Dapat magpunyagi silang pala-kasin at palawakin ang nagkakai-

sang prente laban sa tiraniya niDuterte. Habang patuloy ang hu-wad na gera sa droga ni Duterte,ang gera para agawin ang lupa ngmamamayang Moro at ang kanyanggera ng panunupil sa buong bansa,lalong marami ang napupukaw namanindigan laban sa pang-aabusong kanyang mga pwersang militarat pulis. Habang sinisikap ni Duter-te na monopolyohin ang kapangya-rihan, lalong umiinam ang kundi-syon para itatag ang pinakamala-wak na nagkakaisang prente paraihiwalay at ibagsak ang kanyangpaghahari.

Sa harap ng tuwiran at di tuwi-rang panunupil, dapat matapang,mapangahas, matalino at mapanlik-hang ipagtanggol at igiit ng samba-yanang Pilipino ang kanilang demok-ratikong mga karapatan na ginaga-rantiya sa ilalim ng mga kumben-syong internasyunal, pati na sa ilalimng konstitusyong 1987. Maaari si-lang maghanap ng madudulugang li-gal sa mga korteng lokal o interna-syunal. Kasabay nito, dapat nilangpalakasin ang kanilang lihim na kilu-san at gulugod na maaaring atrasanng mga aktibistang pinagbabantaangarestuhin o patayin at gamitin parapatuloy silang makalaban sakalingipataw ang lantarang paghaharingmilitar.

Sa gitna ng lumalalang kalaga-yang sosyo-ekonomiko at pagwawa-

lang-bahala at kainutilan ng rehimenna harapin ang kagalingan ng mama-mayan, dapat magkaisa ang malawakna masa, maglunsad ng mga pagkilossa mga komunidad, magtipon sakampus, magwelga sa mga pabrika atmagdemonstrasyon sa lansanganupang ipahayag ang kanilang mga hi-naing at labanan ang pagpapatahimiksa kanilang protesta.

Dapat patuloy na maglunsadang Bagong Hukbong Bayan (BHB)ng mga taktikal na opensiba sabuong bansa upang palakasin angloob ng mamamayan na isulong angkanilang demokratikong pakikiba-ka. Dapat maglunsad ng mga reydat pagtambang ang hukbong ba-yan, gayundin ang mga espesyal naoperasyong partisano, na tuma-target sa pinakapusakal na umaa-buso sa karapatang-tao, hindi la-mang para parusahan sila sa kani-lang krimen, kundi para rin itanimsa kanilang isip na di sila pwedengmagpatuloy sa pang-aabuso nangwalang kabayaran.

Habang itinutulak ni Duterteang kanyang ambisyong magdikta-dor, lalo niyang ipinakikita sa sam-bayanan ang kawastuhan at kakag-yatang isulong ang rebolusyonar-yong armadong pakikibaka. Lalongumiinam ang sitwasyon para samabilis na paglawak at paglakas ngBHB at mas mabilis na pagsulong ngdigmang bayan.

tanggihan ang pagbibigay ng pondo sa mga organisa-syong binansagan nitong mga "prente ng Partido Komu-nista ng Pilipinas" at nagtataguyod ng mga eskwelahangLumad sa Mindanao. Kabilang sa mga ito ang Karapatan,Rural Missionaries of the Philippines (RMP) at IBONFoundation. Ayon sa taya ng rehimen, nakatatanggapang naturang mga organisasyon nang mahigit P70 mil-yon taun-taon mula sa mga ahensya ng EU. Pinababan-tayan din ng rehimen maging ang mga organisasyon saBelgium na mapagkaisa sa progresibong kilusang masasa Pilipinas.

Mariing kinundena ng RMP ang malisyosong pag-uugnay ng kanilang mga aktibidad sa Bagong HukbongBayan at ang paratang na inililihis nila ang natatanggapna pondo para bumili ng mga armas at magsanay ng mga

kabataang Lumad para sa BHB. Ayon kay Sr. Elenita Be-lardo, RGS, tumatayong National Coordinator ng RMP,ang pagbansag sa kanila bilang mga "prente ng PKP" aynagsasapanganib sa mga misyunero, pari, madre at ibapang relihiyoso na maging target ng pagtugis.

Dagdag pa ni Sr. Belardo, ang kanilang mga prog-rama ay "nakatuon sa literasiya at numerasiya ng mgabatang Lumad, mga programang pangkabuhayan, reliefat rehabilitasyon, pagsasanay at edukasyon para samga komunidad sa kanayunan upang malubos ang ka-nilang buhay."

Nagsampa naman ng kaso ang IBON sa NationalSecurity Agency at inireklamo ang ginawang pagbansagsa institusyon sa pananaliksik. Hinamon nito ang ahen-sya na patunayan ang kanilang paratang.

"Labanan...," mula sa pahina 2

"Red-tagging...," mula sa pahina 1

Marso 21 , 2019 ANG BAYAN4

10-araw na BKPM, inilunsad sa NCMR

Isang platun ng mga Pulang mandirigma ang nakapagtapos ng 10-arawna Batayang Kurso sa Pulitiko-Militar (BKPM) sa North Central Min-

danao Region (NCMR) noong Pebrero. Pangatlo ito sa serye ng mga pag-sasanay na inilulunsad sa iba't ibang subrehiyon. Bahagi ito ng mga akti-bidad sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng BHB sa daratingna Marso 29.

Ibinatay ang maiksing kurso ocrash course sa silabus ng masmahabang kursong nagtatagalnang isang buwan. Pinaiksi ito sasampung araw bilang pag-angkopsa matagalang operasyong dumogng mga armadong pwersa ng esta-do sa rehiyon. Noong 2018, umaa-bot na sa 13 batalyon ng ArmedForces of the Philippines, liban pasa mga yunit ng Philippine NationalPolice at CAFGU ang itinambak sarehiyon.

Nakatuon ang pagsasanay sapagtataas ng pisikal at militar nakapasidad ng mga Pulang mandirig-ma. Bago isabak ang mga kadete sakurso, tinitiyak na kumpleto ang ka-nilang pulitikal at teoretikal na pag-aaral sa loob ng hukbo. Pinalalahoksa pagsasanay pareho ang bago atmatagal-tagal nang mga mandirig-ma para mapanatili ang kanilang di-wang mapanlaban.

Kalakhan ng mga kadete aymula sa uring magsasaka, peromayroon ding kabataan mula salunsod. Mayorya sa kanila ay nasaedad 18-35 at halos sangkatlo aymga babae.

Pinangunahan ng mga Pulangkumander at mga kadre sa pulitikaang pagsasanay. Tatlong instruktorat isang tagasubaybay ang nagtu-long-tulong para idaos ito. Araw-araw, tinatasa nila ang takbo ngkurso at pag-unlad ng mga kadetepara makagawa ng mga pag-aang-kop.

Nagsilbing taguyod ang isapang platun ng BHB at mga kasaping milisyang bayan ng kalapit nakomunidad. Pinangasiwaan nila angsuplay at tiniyak ang seguridad.Ilang linggo munang nag-imbak ngbigas, pagkain at iba pang suplaypara tiyakin ang 20 araw na suplayng kumpanya. Gayundin, maaganang inihanda ng mga instruktorang baril, mga bala at mga gamitpangklasrum tulad ng pentel pen,folder, manila paper at iba pa.

Hindi pa man nagsisimula angpormal na pagsasanay, araw-arawnang nag-eehersisyo ang mga ka-dete. Gumigising sila nang alas-4 ngmadaling araw at inililigpit ang ka-nilang mga gamit bago tumungo sahinawan na bahagi ng kampo nanagsilbing training field.

Mayroong 12 bahagi ang ini-lunsad na pagsasanay. Matapos angehersisyo sa umaga, itinuro angbatayang kumand sa pormasyontulad ng drill, marching at manualof arms.

Sa sumunod na araw, itinuroang pormasyong pangkombat atmga maniobrang militar sa iba’tibang senaryo ng labanan. Layuninnito na bigyan-kakayahan ang mgamandirigma na epektibong kumilossa panahon ng mga sagupaan.

Isang araw ang inilaan sapagsasanay sa indibidwal na mgakakayahan ng mga mandirigma.Pinaglaanan naman ng sapat napanahon ang mga paksa sa pusi-syon sa pamamaril at paghagis nggranada. Sa pagpapalakas ng de-pensa ng hukbong bayan, itinurorin ang pagsasaayos ng mga kober,pagtatago at paglalagay ng mgakomoplahe.

Kalahating araw ang inilaan sapag-aaral ng mga pamamaraan sapagliligtas sa kasamang sugatan salabanan at paglalapat ng paunanglunas. Dumaan din ang mga Pulangmandirigma sa isang obstacle cour-se na may 16 na istasyon. Ang mgakadete na mismo ang naglatag ngobstacle course gamit ang kahoy atuway para pantali. Halos lahat ngmga gamit sa pagsasanay ay mulalamang sa paligid, liban sa mga ga-mit pangklasrum.

Bilang paglalapat sa mga natu-tunan sa unang mga topiko, nag-lunsad ng mga war game o simula-syon ng mga engkwentrong militarsa pagitan ng mga Pulang mandi-rigma. Dito natasa ang kakayahanng indibidwal na mga mandirigmasa paggagap sa mga prinspyo ngmga maniobra, pusisyon sa pama-maril at iba pa.

Sinimulan ang mga war game saisang dry run at sorpresang pagpa-patutok ng baril. Kagyat na ipin-westo ang unang iskwad para "ma-

"BKPM...," sundan sa pahina 5

ANG BAYAN Marso 21 , 2019 5

Tumitinding krisis sa trabahosa ilalim ni Duterte

Higit pang nalulugmok sa kahirapan ang kalakhan ng mamamayang Pili-pino bunsod ng paglala ng disempleyo sa bansa sa ilalim ng rehimeng

US-Duterte.Sa inilabas na datos ng reaksyu-

naryong gubyerno kamakailan, bu-maba nang 387,000 ang bilang ngmga Pilipinong may trabaho mula41.8 milyon noong Enero 2018 tu-ngong 41.4 milyon sa Enero nitongtaon. Mula 1986, may limang pagka-kataon lamang na lumiit ang bilangng mga may trabaho sa loob ngunang buwan ng taon, dalawa dito aysa ilalim ng kasalukuyang rehimen.

Makapal ang mukha ni RodrigoDuterte para ipagmalaki na nakalik-ha ang kanyang rehimen ng 825,000bagong trabaho noong 2018 nanghindi isinaalang-alang ang pagkawa-la ng mahigit 663,000 trabaho noong2017. Tila kinalimutan niyang ito angpinakamalaking pagkitid ng empleyosa loob ng 20 taon. Sa unang dala-wang taon ni Duterte, nakalilikha

lamang ng 81,000 trabaho kadataon, pinakamababa magmula panoong 1986 at malayong maliit sataunang 836,000 mula 2007.

Ipinagmamalaki rin ng rehimenna naitala noong nakaraang taonang pinakamababang tantos ng di-sempleyo (5.3%) sa loob ng apat nadekada. Sa harap ng tuluy-tuloy napagbulusok ng nalilikhang bagongtrabaho, mistulang isang kabalintu-naan ang pagbaba ng tantos na ito(mula 5.7% noong 2017 tungong sa5.3% noong 2018 at 5.2% noongEnero 2019) at ng bilang ng walangtrabaho (mula sa 2.4 milyon noong2017 tungong 2.3 milyon noong 2018at 2.2 milyon noong Enero 2019).

Ang totoo, ang pagliit ng di-sempleyo ay resulta lamang ngisang maniobra sa estadistika. Para

paliitin ang tantos ng disempleyo,pinalalabas na mas maliit ang ka-buuang bilang ng mga mang-gagawa upang magmistulang masmaliit ang porsyento ng mgawalang trabaho. Noon pang 2005,hindi na binibilang ang tina-taguriang "discouraged workers" oyaong anim na buwan nang walanghanapbuhay at nadismaya na sapaghahanap ng trabaho. Simula1986, naitala noong Enero angpinakamababang tantos (60.2%)ng mga Pilipinong may trabaho onaghahanap ng trabaho kumparasa kabuuang bilang ng populas-yong may edad 15 paitaas. Sa-makatwid, ang ipinagmamalakingpagbaba ng tantos ng disempleyoay hindi pa dahil marami ang nag-kahanapbuhay, kundi dahil napa-karami ng naubusan na ng pag-asang makahanap ng trabaho.

kipagpalitan ng putok." Dito nakita ang kagyat na tugonat kahandaan ng mga mandirigma sa gayong senaryo.

Sa huling bahagi, sinanay ang mga Pulang mandirig-ma sa tamang pagtudla ng baril at mgaprinsipyo sa pagpapaputok nito. Mayro-ong tatlong ehersisyo para magsanay sapagtudla ng baril—ito ang mga cut-out,aiming bar at triangulation.

Sa pagpapaputok ng baril, ayon samga instruktor, kinakailangang masanaymuna ang mga mandirigma sa pagpapa-putok ng kalibre .22 na riple bago angmatataas na kalibre ng baril. Bukod sakinakailangang kontrolin ang paggamitng bala, sinasanay sila sa tamang paghinga, pagtudla atpagkalabit sa baril.

Regular na nagtatasa ang mga nagsanay na hinatisa mga iskwad. Sa isang pagtatasa, pinansin ng mgakadete ang epektibong pamamaraan ng mga instruk-tor na umangkop sa indibidwal na kapasidad ng mgamandirigma. "Mayroong tatlong klase ng mga nagsa-sanay—ang mga abante, panggitna at relatibong na-huhuli. Kinakailangan ibatay ang pagtuturo sa indi-bidwal na antas para makasabay ang lahat," ayon kay

Ka Tino, isa sa mga instruktor.Sa kabilang banda, nakasalalay sa mataas na diwa sa

pulitika ng mga kadete ang kanilang pagsunod sainstruksyon at pagharap sa mga ha-mon, laluna sa mga pisikal na pagsu-bok. Mataas ang kanilang paggagap sakahalagahan ng pagsasanay, at pus-pusan ang pagsisikap na alpasan anganumang hirap at pagod. Layunin ni-tong abutin ang isang mataas na antasng disiplina sa hanay ng mga Pulangmandirigma para magkaroon ng "isangkumpas, isang kilos" ang platun.

Sa mga panahong bakante, nagsa-sagawa ang mga iskwad ng kani-kanilang rebyu at pag-sasanay sa obstacle course. Tinutulungan ng mga upisyalang ilan sa mga kasamang relatibong nahuhuli at nahihi-rapan.

Bahagi lamang ang maiksing kurso sa tuluy-tuloy napagsasanay at pag-aaral ng platun. "Hindi dito natitigilang pagsasanay natin. Araw-araw ay patuloy kayongmagsasanay sa pagharap sa mga aktwal na sitwasyonbilang mga Pulang mandirigma," pagtatapos ng isanginstruktor.

"BKPM...," mula sa pahina 4

"Disempleyo...," sundan sa pahina 6

"BKPM...," sundan sa pahina 5

Marso 21 , 2019 ANG BAYAN6

pang agrikultural na malawakangpumapatay sa kabuhayan ng mgamagsasaka.

Samantala, binawi lamang angpagkitid ng empleyo sa pamamagi-tan ng paglikha ng 490,000 bagongtrabaho sa subsektor ng konstruk-syon na bantog sa paglikha ng mgapanandaliang kontraktwal na tra-baho; at 328,000 sa subsektor ngpampublikong administrasyon naposibleng bunsod ng papalapit na

eleksyong mid-term.Sa harap ng tumitinding krisis

ng disempleyo, kasabay ng pag-sidhi ng krisis sa kabuhayan, walanang iba pang mapagpipilian angmga mamamayan kundi bagtasinang landas ng militanteng pakiki-baka. Kinakailangang ibayong la-banan ang mga patakarang neo-liberal pumapatay sa trabaho atnagsasadlak sa masang anakpawissa kahirapan.

Presyo ng langis, patuloy na sumisirit

Kung gagamitin ang lumang depi-nisyon ng disempleyo at idadagdagang bilang ng mga tinanggal nitosa estadistika, umaabot sa 9.8%ang tunay na tantos ng disempleyonoong Enero. Umaabot naman sa4.5 milyon ang bilang ng walangtrabaho o halos doble ngpinalalabas ni Duterte. Hindi pakabilang dito ang mahigit 6.7 mil-yong manggagawa na tinaguriang"underemployed" o kulang angtrabaho, na katunaya'y walangtrabaho.

Pinakamatindi ang pinsala ngkrisis ng disempleyo sa sektor ngagrikultura. Mula 10.9 milyong maytrabaho noong Enero 2018, nawa-lan ito ng 1.7 milyong trabaho tu-ngong 9.2 milyon noong Enero ngkasalukuyang taon. Tiyak na kikitidpa ito sa darating na mga taonbunsod ng pagpapatupad ni Dutertesa Rice Import Liberalization Lawat pag-arangkada niya sa malawa-kang pagpapalit-gamit ng mga lu-

NAGTAASAN ANG PRESYO ng mga produktong petrolyosa lokal na pamilihan sa loob ng anim na magkakasunodna linggo. Noong huling linggo ng Pebrero, umabot na saP43.44/litro ang presyo ng diesel, P52.69/litro ang ga-solina, at P51.09/litro ang kerosene.

Bukod sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaig-digang pamilihan (pagtaas nang $22.25/bariles sa pre-syo ng diesel, at $18.50/bariles sa gasolina mula Enerohanggang Pebrero 2019) at ang paghina ng piso kontradolyar (nang P0.59 sa parehong panahon), nananatilingisa sa mga pangunahing salik sa pagtaas ng presyo ngkrudo sa lokal na pamilihan ang dagdag na buwis na ipi-nataw ng rehimen sa ilalim ng TRAIN (Tax Reform forAcceleration and Inclusion).

Sa kabuuan, mula nang ipatupad ang nasabing ba-tas noong nakaraang taon, tumaas nang P8.54/litroang presyo ng diesel, P7.19/litro ang gasolina, atP6.42/litro ang kerosene sa Metro Manila. Kung pagga-law lamang ng presyo sa pandaigdigang pamilihan atang pagbaba ng halaga ng piso ang pagbabatayan, ba-bagsak ang presyo ng diesel tungong P38.40/litro at nggasolina tungong P48.60/litro. Nananatiling mataasang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa ipina-taw na buwis na P3.50/litro sa presyo ng diesel atP3.10 sa gasolina alinsunod sa batas na TRAIN.

Kung susumahin ang epekto ng ipinataw na buwis ngTRAIN at ang dati nang value-added tax (VAT) sa mgaproduktong petrolyo, lumilitaw na nadagdagan ang pre-syo ng diesel nang P5.04/litro, gasolina nang P4.90/lit-ro, at kerosene nang P4.48/litro mula nang ipatupad angbatas noong nakaraang taon.

Ayon sa Ibon Foundation, pinakamalakas ang ham-balos ng pasaning buwis na ito sa mahihirap dahil napa-kababa na at hindi nakabubuhay ang kanilang kita. Hi-namon ng Ibon ang rehimen na pansamantalang sus-pendihin ang mga ipinataw na buwis sa langis ng TRAINat buhayin ang papel nito sa pagtatakda ng presyo nglangis sa lokal na pamilihan.

"Disempleyo...," mula sa pahina 5

ANG BAYAN Marso 21 , 2019 7

HINDI BABABA SA 3,295 pamilyang Moro o halos16,000 sibilyan ang napilitang lumikas mula sa kanilangmga komunidad sa limang bayan sa Maguindanao dulotng matinding atake ng Armed Forces of the Philippines(AFP) Joint Task Force Central mula noong Marso 11.

Ang mga pamilya ay naglalagi ngayon sa mga sentrong ebakwasyon sa mga bayan ng Shariff Saidona Mus-tapha, Shariff Aguak at Datu Salibo.

Hindi pa kasama sa bilang ng mga bakwit ang mganagsilikas sa mga barangay ng Datu Saudi Ampatuan atDatu Piang. Iniulat din ng mga organisasyon sa kawang-gawa na marami pang pamilya ang naipit sa mga komu-nidad sa nabanggit na dalawang bayan dahil isinara ngAFP ang mga kalsada.

Dati nang nabiktima ang mga residente ng Maguin-danao noong Setyembre 2018, nang binomba at kinan-yon ng Joint Task Force Central ang parehong mga ba-yan na nagresulta sa apat na kaswalting sibilyan at li-

bu-libong pamilyang napilitang lumikas.Simula nang umatake ang AFP, tuluy-tuloy ang pag-

hulog ng bomba ng mga fighter jet at helikopter ng Phi-lippine Air Force. Kasabay din ng mga ito ang panga-nganyon ng mga howitzer at paglusob ng mga sundalo samga barangay. Idinahilan ng AFP na target umano nilaang mga kampo ng Bangsamoro Islamic FreedomFighters (BIFF) na pumatay sa tatlong sundalo noongPebrero 28-Marso 3.

Ayon naman sa BIFF, dumidepensa lamang sila labansa mga atake ng AFP. Kasalukuyan pa umano silangnagmamatyag sa kahihinatnan ng bagong-tatag naBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao(BARMM). Bahagi ng pakete ng pagtatag ng BARMM angganap na pag-disarma ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) pagsapit ng 2021-2022. Inaasahang 12,000mandirigma ng MILF ang magsasalong ng kanilang ar-mas ngayong taon, at karagdagang 35% sa 2020.

Mga sibilyang Moro, biktima ng militarisasyon

Mga manggagawa, pinilit magbitiw sa trabaho

SAPILITANG PINAPIRMA NG mga elemento ng 71st IB ang 153 manggagawang Musahamat Farms sa Pantukan, Compostela Valley para palabasing nagbitiwsila sa kanilang mga trabaho noong Marso 8. Kabilang sa mga pwersahang pi-nagbitiw ang presidente at bise-presidente ng unyon na sina Esperidion Cabal-tera at Richard Genabe, at sekretarya ng unyon na si Ronald Rosales. Bago ni-to, dinukot ng militar ang tatlo at tinortyur noong Pebrero 27.

Samantala, kinundena ng Concerned Artists of the Philippines ang iligalna pag-aresto ng mga pulis kay Alvin Fortaliza noong Marso 4 sa Guindulman,Bohol. Si Fortaliza ay lider ng Bol-anong Artista nga may Diwang Dagohoy(Bansiwag) Bohol Cultural Network at myembro ng Anakpawis Partylist. Na-ngangampanya siya sa palengke ng Guindulman nang arestuhin.

Mga estudyante ng UPLB nagwalk-out

LUMABAS SA KANILANG mga klase ang may 200 estudyante ng Universityof the Philippines-Los Baños (UPLB), noong Marso 8 para iprotesta ang ka-walang-aksyon ng administrasyon ng unibersidad sa kanilang mga hinaing.Kabilang dito ang presensya ng mga sundalo sa kampus, ang Red-tagging samga aktibista at mabagal na pagtanggap sa mga estudyanteng nahuli saenrollment.

Kaugnay sa huli, dapat kilalanin ng unibersidad ang kahirapan ng mara-ming estudyante na agad na makabayad ng matrikula, dahilan kaya hindiagad nakapag-enroll ang karamihan ng 500 estudyante. Hindi lahat ng mgaestudyante ay saklaw ng libreng matrikula, anila, kaya nananatili ang proble-

ma ng mataas na mga bayarin kahit sa mga pampubli-kong unibersidad.

Sa UP Diliman, kinundena ng mga estudyante angpananakot ng isang ahente ng paniktik ng rehimen. Pi-nuntahan ng naturang ahente ang bahay ni Ralph Ba-guinon, tagapangulo ng konseho ng UP College ofEngineering, at idinaan sa kanyang pamilya ang ban-tang siya ay papatayin.

Araw ng kababaihan,

ginunita

GINUNITA SA IBA'T ibang ba-hagi ng Pilipinas ang Interna-syunal na Araw ng Kababaihannoong Marso 8 sa pamamagitanng pagsayaw at mga protesta.

Sa Metro Manila, daan-da-ang kababaihan at kanilang mgatagasuporta ang nagtipon saharap ng Malacañang para bati-kusin ang macho-pasistang re-himeng US-Duterte at ipanawa-gan ang pagbasura ng kanyangmga patakarang anti-mamama-yan. Pangunahin dito ang batasna TRAIN na dagdag na pasaninng kababaihan.

Sa Baguio City, nagkaroonng mga pagtitipon ang kababai-han kung saan ipinamalas nilaang kanilang pagkakaisa sa pa-mamagitan ng pagsayaw. SaIsabela, umabot sa 8,000 angnagtipon para sa okasyon. Di-naluhan ang pagtitipon ng mgakinatawan ng Gabriela Women'sParty.

Sa Aklan, daan-daan angsumama sa pagtitipon. Nagka-roon din ng mga pagtitipon saDavao City, Cagayan de Oro Cityat Bukidnon.

Marso 21 , 2019 ANG BAYAN8

Bigo ang gera ng US sa Afghanistan

Nitong taon, dalawang beses nang nakipagnegosasyon ang US sa Taliban,ang pangunahing armadong grupong kalaban nito sa Afghanistan, sa

isang prosesong ayaw nitong tawaging usapang pangkapayapaan. Ito ay ma-tapos ang 18 taong pagbuhos nito ng tropa, gamit at pondo at sa kabila ngpaulit-ulit na panata ng US na hindi ito makikipagnegosasyon sa mga "tero-ristang grupo."

Manipis na tabing ang naturangnegosasyon para sa tuluyang pag-atras ng mga tropang US sa bansa.Patunay ito sa lubos na pagkatalo ngUS sa noon pa ma'y tinagurian nang"gerang hindi maipapanalo." Kapalitng pag-atras ng mga tropang Ameri-kano, ipinangako ng Taliban na hindinito hahayaang gamitin ang Afgha-nistan bilang base ng internasyunalna kilusang "militante," isang termi-nong ginamit para iwasan ang sali-tang "terorista." Hindi pumayag angTaliban na lumahok sa negosasyonang lokal na gubyerno na itinuturingnitong papet ng US.

Sinalakay ng US ang Afghanis-tan matapos ang teroristang pam-bobomba ng grupong Al Qaeda saUS noong Setyembre 11, 2001.Wala ni isa sa mga pinaratanganay Afghan at hindi ring aktibong si-nusuportahan ng bansa, o kahit ngTaliban, ang Al Qaeda sa panahongiyon. Gayunpaman, idinahilan ngUS ang pagbase noon ng Al Qaedaat lider nitong si Osama bin Laden,sa kabundukan ng Afghanistan pa-ra salakayin ang bansa, wasakinang imprastruktura nito at ipatawdito ang "demokrasyang Amerika-no." Hindi bale nang mas malakingbahagi ng pagpaplano at pagsasa-nay ng mga nambomba sa US ay gi-nawa sa Germany, Pakistan at USmismo. Noong 2011, pinatay ngmga espesyal na tropa ng US si binLaden sa Pakistan. Sa kabila ngdeklarasyon nitong naggapi na angAl Qaeda sa mga panahong iyon,nananatili ang mga tropang US saAfghanistan.

Para bigyan-katwiran ang ani-mo'y di matapos-tapos na gera saAfghanistan, paulit-ulit na ipinag-mayabang ng US ang kunwa'y mgapagtatagumpay ng gera at estrate-

hiya nito sa loob nghalos dalawangdekada. Ginamitnito ang bansapara buuin angdoktrinang tina-gurian nitong"komprehensi-bong estratehiyalaban sa kontra-insurhensya" naginawang upisyal nagabay sa pagsugpo samga armadong paglabansa iba pang bahagi ngmundo, kabilang sa Pilipinas.

Nakapaloob ang doktri-nang ito sa dokumentong USGovernment CounterinsurgencyGuide na inilabas ng Department ofState noong 2009. Dito, isinaad angapat nasangkap para resolbahin angarmadong tunggalian sa tinaguriang"whole-of-society," at "whole-of-government approach" na ginamitsa Afghanistan.

Ang karanasang AfghanBrutal, korap at kriminal ang

naging hugis ng "gera kontra-insur-hensya" ng US sa Afghanistan. Gi-namit nito ang buong lakas ngpwersang militar, mga pribadongkontraktor at papet na hukbo hindilamang laban sa Taliban, kundi sabuong sibilyang populasyon. AngTaliban ay isang network ng mgaarmadong grupo na gumagamit ngmga taktikang gerilya sa paglaban.Ayon sa ulat ng US, tanggap ng ma-raming Afghan ang Taliban bilangalternatibo sa brutal at kriminal namga warlord na naghari sa bansahanggang dekada 1990.

Katuwang ng mga pwersangpanseguridad ang papet na gub-yerno na itinatag ng US at tinauhan

ng mga kriminal at korap na puliti-ko. Ang gubyerynong ito ang nagingkatuwang din ng malalaking kum-panyang US na kumopo sa matata-bang kontratang pampubliko para

itayo ang batayangimprastruktura na winasak

ng mga tropa at erop-lanong Amerikano.

Sa proseso ng pag-papatupad ng estrate-hiyang kontra-insur-hensya, itinambak ngnoo'y rehimen ni BarackObama ang halos70,000 dagdag na tropasa bansa para palakasin

ang pwersa laban sa Tali-ban. Mula sa 30,000, lumaki

tungong 100,000 ang bilang ngmga Amerikanong sundalo noong2009-2011. Liban pa rito ang dag-dag na 30,000 mga sundalo mulasa mga bansa sa Europe (panguna-hin mula sa UK at Germany) na ka-sapi ng North Atlantic TreatyOrganization (NATO) at daanlibonglokal na pwersang panseguridad ngpapet na estado.

Sa kabila ng pagdagsa ng da-yuhang tropa, nananatiling patasang katayuan ng dalawang panigmula 2009 pataas, ayon mismo sadatos ng US. Habang lumalaki angbilang ng mga dayuhang tropa sabansa, lalo ring dumarami ang mgaopensiba ng Taliban at naidudulotnitong mga kaswalti ng hanay ngkanilang kalaban. Sa buong 17taon, tinatayang nasa 2,400 sun-dalong Amerikano ang napatay saAfghanistan, habang nasa 1,100 sanapatay sa mga sundalong Europe-an at 1,700 sa mga pribadongkontraktor. Noong 2014, nang sini-mulan ng US ang pag-atras ng ma-laking bulto ng mga tropa nito, ibi-naling ng Taliban ang mga atakenito sa lokal na mga pwersa. Tina-tayang nasa 45,000 sundalo ng pa-pet na gubyerno ang napatay saloob lamang ng apat na taon.

Walang lugar o komunidad ang

ANG BAYAN Marso 21 , 2019 9

Hindi direkta ang okupasyon ng mga tropang Amerikano sa Pilpinas peromalinaw ang kontrol at direksyon nito sa lokal na programang "kontra-

insurhensya."

lubusang nakontrol ng US, kahit saKabul, kabisera ng bansa. Wala ringnaiulat na lubos na nagaping yunitang Taliban, kahit matapos ang su-nud-sunod na mga pambobomba atmalakihang mga operasyong militar.Ang pinakanaaangkin lamang ng USna teritoryo ay ang mga lupang ki-natitirikan ng kanilang mga kampo,at kinalalagyan ng kanilang mgamortar at kanyon. Sa malalayonglugar, inaantabayanan ng Talibanang pagpasok ng mga tropangAmerikano dahil nangangahuluganito ng pagbuhos ng gamit militar atayudang direkta nilang pinakikina-bangan.

Sa halip na makontrol ang po-pulasyon, lalong pinag-alab ng USang galit ng mga Afghan dulot ngnapakaraming kaso ng pang-aabu-so ng mga tropang Amerikano. Ha-bang paparami ang mga sundalo ngUS, dumadami din ang kanilangmga krimen. Sa taya ng United Na-tions mula 2009, umaabot na sa100,000 sibilyan ang napatay samga atake ng mga sundalo, heli-kopter at eroplano ng US. Taun-taong tumaas ang bilang ng mgakaswalting sibilyan. Mahigit isangmilyong Afghan ang napalikas du-lot ng pangwawasak sa kanilangmga komunidad at napilitang ma-

Bangkarote at korap na estratehiya ng kontra-insurhensya

nirahan sa mga sentro ng ebakwa-syon sa loob ng bansa. May dag-dag pang ilang milyong refugeeang napalayas tungong Iran, Pa-kistan at mga bansa sa Europe.

Kasabay nito, lalong humirapang buhay ng mga Afghan sa kabilang pagbuhos ng US ng $130 bilyongpondo para sa "rekonstruksyon."Bilyun-bilyong dolyar ang garapa-lang ibinulsa ng mga korap na upi-syal ng gubyernong Afghan, gayun-din ng mga upisyal militar nito. Sakasagsagan ng gera, napatunayang80% sa ipinagyabang ng US na nai-tayong mga eskwelahan at healthcenter ay hindi totoo. Nabunyag dinna ang ipinagmalaki nitong milyun-milyon nang kabataang babaengAfghan na nakapag-aaral dulot ngmga repormang itinulak nito sa pa-pet na gubyerno ay gawa-gawa la-mang na mga numero.

Hindi naging kapani-paniwalasa mga Afghan ang mga prosesongipinataw ng US para maging de-mokratiko diumano ang bansa. Bat-bat ng dayaan at anomalya ang da-lawang eleksyong isinagawa nitopara ihalal ang mga lider ng papetna estado. Sa pamamagitan ng mgaeleksyong ito, nakapwesto sa gub-yerno ang mga pamilyang kilala bi-lang pinakamalalaking drug lord sa

bansa. Naging instrumento pa angang mga tropang Amerikano sapaglikida ng mga kalabang sindika-to ng mga inupo nito sa pwesto. Sabuong okupasyon ng US, taun-taonang paglaki ng ani ng poppy, anghalamang ginagamit sa produksyonng iligal na drogang heroin, at tu-maas ang kita mula sa iligal napagbebenta nito.

WALANG NAKINABANG sa gera saAfghanistan kundi ang dambuha-lang kumpanyang militar-industri-yal ng US na tumabo mula sa bentang milyun-milyong bomba, bala atgamit-militar na ibinuhos sa gera.Kasabay nilang yumaman ang mgapribadong kontraktor at mga baya-rang sundalong ginamit bilang mgatagapagtanggol ng matataas naupisyal na Amerikano at kanilangmga kasabwat sa papet na gubyer-no na warlord at lider ng mga sin-dikato sa droga.

Sa pagtatapos ng gera at oku-pasyon ng US sa Afghanistan, na-haharap ang mamamayan dito samatitinding hamon at paglaban.Wasak ang batayang imprastruktu-ra at kapaligiran dulot ng deka-de-kada nang gera. Atrasado ang lokalna produksyon at halos walang ka-buhayan ang mamamayan.

Ang Counterinsurgency Guideng US ang pinagbatayang dokumen-to ng "whole-of-nation/governmentapproach" na balangkas ng mgakampanyang mapanupil sa bansa sanakaraang dekada—mula sa OplanBayanihan ng rehimeng Aquinohanggang sa Oplan Kapayapaan atNational Internal Security Plan(NISP) ng rehimeng US-Duterte.

Sa kasalukuyan, nasa anyo itong National Task Force (NTF) to EndLocal Communist Armed Conflict naitinayo sa pamamagitan ng Execu-tive Order 70 noong 2018. Pinagsi-

silbi ng NTF, na pinamumunuan niRodrigo Duterte at tinatauhan ngkanyang mga heneral, ang mgaprograma at pondo ng mga ahensyang gubyerno para gapiin ang "in-surhensya."

Purong kabulastugan ang idi-neklara nitong layunin ng "pagha-hatid ng mga batayang serbisyo,pagbibigay ng empleyo at mas ma-buting kalidad ng pamumuhay" samga lugar na apektado ng arma-dong labanan. Ipinapailalim nitoang pagbibigay ng mga lokal nagubyerno ng mga batayang serbi-

syo sa mga operasyong militar atinilulusot ang presensya at okupa-syon ng mga sundalo sa mga ko-munidad at baryo sa tabing ngburukrasyang sibil.

Nakatuntong ang programa ngNTF sa kasinungalingang maraminang myembro at tagasuporta ngBagong Hukbong Bayan ang "sumu-render." Ipinagmayabang ng AFPnoong Enero na nasa 12,000 na sakanila ang nakapaloob sa E-CLIP,ang programang nagbibigay ngpondong pangkabuhayan sa mga"nagbalik-loob." Walang katotoha-nan ang bilang na ito, na sadyangpinalaki para makuha at maibulsang mga upisyal-militar ang pondo.