2
Sumakay nang Ligtas MGA ESTUDYANTENG SUMASAKAY Planuhin ang inyong ruta nang maaga Sumakay sa tamang bus o tren sa tamang direksiyon: tingnan ang destinasyon ng ruta at numero ng ruta sa harap ng bus bago sumakay o makinig sa operator ng tren kapag bumukas ang pinto Pagsama-samahin ang inyong mga gamit Ilagay ang inyong mga gamit sa inyong kandungan, mga bisig, o sa pagitan ng inyong mga paa Manatiling gising at alerto Kung hindi kayo komportable dahilan sa isang tao, lumipat sa ibang lugar, sa mas mataong bahagi ng bus o tren MGA MAGULANG Planuhin ang inyong biyahe at kunin ang samahan sa bus o tren ang inyong anak upang masanay at maranasan ng inyong anak ang pagsakay sa pampublikong transportasyon Ipamalas kung paano magbayad gamit ang pamamaraan na sa inyong palagay ay ang pinaka-angkop para sa inyong anak Mga Sanggunian 511 Transit Trip Planner 511.org BART www.bart.gov Clipper www.clippercard.com CalTrains www.caltrain.com SamTrans www.samtrans.com Sumakay nang Ligtas: Mga Pantulong sa Pagsakay ng Pampublikong Transportasyon para sa mga Magulang at Estudyante Kontak na Impormasyon: San Mateo County Office of Education 101 Twin Dolphin Drive Redwood City, CA 94065 Daina Lujan Safe Routes to School Coordinator 650-802-5306 [email protected] Marilyn Canadas Administrative Assistant 650-802-5338 [email protected] *Ang impormasyon ay sa kagandahang-loob ng San Mateo County Transit Authority, SamTrans, CalTrains, BART, TLC How Stuff Works, at ng Metropolitan Transportation Commission

Sumakay nang Ligtas Mga Sanggunian

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sumakay nang Ligtas Mga Sanggunian

   

Sumakay nang Ligtas MGA ESTUDYANTENG SUMASAKAY

• Planuhin ang inyong ruta nang maaga

• Sumakay sa tamang bus o tren sa tamang direksiyon: tingnan ang destinasyon ng ruta at numero ng ruta sa harap ng bus bago sumakay o makinig sa operator ng tren kapag bumukas ang pinto

• Pagsama-samahin ang inyong mga gamit

• Ilagay ang inyong mga gamit sa inyong kandungan, mga bisig, o sa pagitan ng inyong mga paa

• Manatiling gising at alerto

• Kung hindi kayo komportable dahilan sa isang tao, lumipat sa ibang lugar, sa mas mataong bahagi ng bus o tren

MGA MAGULANG

• Planuhin ang inyong biyahe at kunin ang samahan sa bus o tren ang inyong anak upang masanay at maranasan ng inyong anak ang pagsakay sa pampublikong transportasyon

• Ipamalas kung paano magbayad gamit ang pamamaraan na sa inyong palagay ay ang pinaka-angkop para sa inyong anak

Mga Sanggunian 511 Transit Trip Planner

511.org

BART www.bart.gov

Clipper

www.clippercard.com

CalTrains www.caltrain.com

SamTrans

www.samtrans.com

Sumakay nang Ligtas: Mga Pantulong sa Pagsakay ng

Pampublikong Transportasyon para sa mga Magulang at Estudyante

Kontak na Impormasyon:

San Mateo County Office of Education

101 Twin Dolphin Drive Redwood City, CA 94065

Daina Lujan

Safe Routes to School Coordinator 650-802-5306

[email protected]

Marilyn Canadas

Administrative Assistant 650-802-5338

[email protected]

*Ang impormasyon ay sa kagandahang-loob ng San Mateo County Transit Authority, SamTrans, CalTrains, BART, TLC How Stuff Works, at ng Metropolitan Transportation Commission

 

Page 2: Sumakay nang Ligtas Mga Sanggunian

 

 

ALAMIN ANG INYONG MGA OPSIYON Sa San Mateo County, ang mga opsiyon sa transportasyon at tagapagkaloob ng serbisyo ay: • Bus

o SamTrans: www.samtrans.com • Tren

o CalTrains: www.caltrain.com o BART: www.bart.gov

ALAMIN ANG INYONG (MGA) RUTA

• Ang impormasyon sa ruta ay makukuha sa mga site ng tagapagkaloob ng serbisyo na nakalista sa itaas

• Planuhin ang inyong ruta nang maaga: alamin kung saan sasakay, kung saan bababa, at mga iskedyul

• Gamitin ang 511’s interactive trip planner para sa mga biyaheng may maraming tagapagkaloob ng serbisyo sa transit.511.org

ALAMIN ANG MGA BAYAD SA PASAHE

• Ang impormasyon sa pasahe ay makukuha sa mga site ng tagapagkaloob ng serbisyo na nakalista sa itaas

• Ang lahat ng nagkakaloob ng serbisyo ay tumatanggap ng cash/pera at Youth Clipper Card

• Maaari kayong mag-aplay para sa isang Youth Clipper Card sa pamamagitan ng koreo, e-mail, fax o personal na aplikasyon. Bumisita sa clippercard.com para sa higit pang impormason.  

Ano ang Ligtas na mga Ruta sa Paaralan (Safe Routes to School)? Ang Safe Routes to School (SR2S) ng San Mateo County ay isang programa sa buong county na handog ng San Mateo County Office of Education. Ang layunin ng programa ay upang hikayatin at mabigyan ng kakayahan ang mga batang pumapasok sa paaralan na maglakad at magbisikleta sa paaralan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyekto at aktibidad upang mapabuti ang kalusugan, kapakanan, at kaligtasan ng mga bata at mabawasan ang pagsikip ng trapiko at mga emisyon na bunga ng paglalakbay sa paaralan.

Magalang na Sumakay

Planuhin ang Inyong Paglalakbay PAGSAKAY

• Dumating sa inyong bus stop o estasyon nang maaga ng ilang minuto bago ng takdang pagdating ng bus o tren

• Maghintay kasama ng mga kaibigan kung maaari

• Kapag dumating ang bus o tren, tingnan ang destinasyon ng ruta at numero ng ruta sa harap ng bus bago sumakay o sa pamamagitan ng pakikinig sa operator ng tren habang bumubukas ang mga pinto

• Hintayin munang bumaba ang mga pasahero bago sumakay

• Sa mga bus, pumasok sa harap na mga pinto at bayaran ang inyong pasahe sa fare box

MGA BISIKLETA

• Ang mga nagbibisikleta ay dapat kayang isakay at ibaba ang bisikleta nang walang kailangang tulong ng operator ng bus o tren

• Ang pinapahintulan lamang ay ang mga bisikletang may dalawang gulong (two wheeled bikes)

• Ang video kung paano isasakay ang bisikleta sa mga lalagyan nito (bike racks ) sa harap ng mga bus ng SamTrans buses ay mapapanood sa www.samtrans.com/bike

PAGHANAP NG UPUAN

• Huwag umupo sa mga upuan sa harapan ng bus at malapit sa mga pinto ng tren na para sa mga matatanda at taong may kapansanan

• Kung nakatayo, humawak sa bar o mga strap habang tumatakbo ang bus o tren

• Iwasan ang madalas na pagpapalit ng upuan o paglipat mula sa harapan ng bus papunta sa likod ng bus nang paulit-ulit

PAGBABA NG BUS

• Para hudyatan ang drayber na huminto sa susunod na hintuan, hilahin ang dilaw na kurdon na malapit sa bintana o itulak ang strip na malapit sa gilid ng bintana nang isang beses

o Kung hindi kayo sigurado kung saan bababa, magalang na tanungin ang drayber

o Iwasan ang paulit-ulit na paghila sa kurdon, pagtulak sa strip, o pagsigaw sa drayber

• Tingnan ang inyong upuan bago bumaba upang matiyak na walang gamit na naiwan