27
A C L C AMA COMPUTER LEARNING CENTER College of Iriga.Inc. 2 nd Flr. Jasaca Bldg. Highway 1 San Miguel Iriga City “Teenage Pregnancy o Maagang Pagbubuntis” Bilang bahagi sa katuparan sa pangangailangan sa GE-122 Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Ipinasa ni: Jona Olea Villamer (Mag-aaral) Ipinasa kay: Gng. Teresita Lazarte Pili (Guro)

Research paper in filipino

Embed Size (px)

Citation preview

A C L CAMA COMPUTER LEARNING CENTER

College of Iriga.Inc.2nd Flr. Jasaca Bldg. Highway 1

San Miguel Iriga City

“Teenage Pregnancy o Maagang Pagbubuntis”

Bilang bahagi sa katuparan sa pangangailangan sa GE-122 Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.

Ipinasa ni:

Jona Olea Villamer

(Mag-aaral)

Ipinasa kay:

Gng. Teresita Lazarte Pili

(Guro)

Sa sinumang makakabasa.itoy pagpapatibay sa kanya sulating pananaliksik na pinamagatang “Teenage Pregnancy o Maagang Pagbubuntis”

Ito’y inilathala ng mananaliksik upang magsilbing sanggunian sandigan at iba pang silbing pangangailangan.

Datos Pang Talambuhay

Pangalan: Villamer, Jona O.

Tirahan: Perpetual Help, Lunsod ng Iriga

Kapanganakan: BMC Naga, Lunsod ng Naga

Kaarawan: September 9, 1996

Relihiyon: Protestant

Katayuang Sibil: Walang Asawa

Mga Magulang: G. Jovinal Sentillas Villamer

Gng. Diana Olea Villamer

Dinaluhan huling Paaralan:

Elementarya: Iriga North Central School

Perpetual Help, Lunsod ng Iriga

Hayskul: Mataas na Paaralan ng Perpetual Help Lunsod ng Iriga

Kolehiyo: AMA COMPUTER LEARNING CENTER

College of Iriga

San Miguel,Lunsod ng Iriga

Dinaluhan na Seminar:

Child Abuse Workshop Series Earthquake Drill Anti Bullying Flower Arrangement Seminar

Talaan ng Nilalaman

i. Pahinang Pamagatii. Dahon ng Pagpapatibay iii. Pahina ng Pasasalamativ. Datos Pantalambuhay

DEPENESYON NG TERMONOLIHIYA

Teenage Pregnancy - Ito ay nangangahulugan na pagkuha ng mga buntis sa isang mas bata na edad o maaaring ito rin ibig sabihin pagkuha ng mga buntis maaga sa pag-aasawa

UNWANTED PREGNANCY- ay isang pagbubuntis na di ginusto.

RAPE VICTIM- Ang Rape Victim ay isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik o iba pang gawaing penetrasyonng sekswal sinimulan laban sa isa o higit pang indibidwal na walang pahintulot.

VICTIM OF SEDUCTION- ay ang proseso ng kusa nakakaakit isang tao, ililigaw, pati na mula sa tungkulin, pagkamatuwid, o mga katulad.

EARLY MARRIAGE- Maagang pag-aasawa, o anak pag-aasawa, ay tinukoy bilang ang pag-aasawa o unyon sa pagitan ng dalawang tao kung saan ang isa o parehong partido ay mas bata sa 18 taong gulang

Panimula:

“Teenage Pregnancy”

An dating pambansang bayani ay minsan nagsabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, sana nga’y tama sya, sana nga’y nakikita niya ang mga kabataan sa panahong ito. Sana ang pag-asang ito ay di lang basta pag-asa sana’y maisakatuparan at matupad. Na ang mga kabataan yaon ang tatayo ng isang bansang maunlad, progresibo at mapayapa. Na ang pag-asa ng bayan ay di mga pabigat ng bayan.

Sa kabataan ngayon nadadala sila ng kanilang mga damdamin at nakagagawa ng isang pagkakamali na hindi na matakbuhan, at sa bandang huli ay pinagsisihan kung bakit nila ito nagawa.

Ang isyu ng “Maagang Pagbubuntis” ay laganap sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyang, tayong nahaharap sa napasala’t na katotohanan nasa napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ngayon ay may sarili ng mga anak. Ang maagang pagbubuntis ay hindi magandang tingnan sa ating mga kabataan, ito ay nakakiba ng kalidad bilang isang babae at nakakaapekto sa ating emotional na damdamin.

Ang TEENAGE PREGNANCY o Maagang pagbubuntis Ito ay nangangahulugan na pagkuha ng mga buntis sa isang mas bata na edad o maaaring ito rin ibig sabihin pagkuha ng mga buntis maaga sa pag-aasawa. May dalawang uri na posibilidad na mabuntis sa edad ng 13-19 gulang. Ito ay ang UNWANTED PREGNANCY at EARLY MARRIAGE.

Ang UNWANTED PREGNANCY ay isang pagbubuntis na di ginusto. UNWANTED PREGNANCY Ang unwanted pregnancy ay may tatlong katangian ito kaya nangyayari ang ganitong kaso. Ito ay ang RAPE VICTIM, VICTIM OF SEDUCTION AT RELASYON. Ang Rape Victim ay isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik o iba pang gawaing penetrasyonng sekswal sinimulan laban sa isa o higit pang indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring

gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi makapagbugay ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay. Ang terminong panggagahasa ay tinatawa ding sekswal na panghahalay. At ang victim of seduction ay ang mga biktima na nadadala sa mga suhol ng mga kanilang katalik o mga taong may mga masasamang balak at hindi naman tutuparin ang mga pangako.

Minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili kung saan o kung ano- ano ba ang pinagbuhatan ng maagang pag-aasawa ng mga kabataan? Ang ikalawang uri ng teenage preganacy ay ang maagang pag-aasawa. Ang maagang pag-aasawa ay isang napakabigat na responsibilidad na pinasokj ng mga kabataan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng Teenage Pregnancy sa mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng konkretong impormasyon para maging aral at magmulat sa mga mata ng kabataan sa mga di magagandang epekto ng teenage pregnancy. Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto ng:

Pag-aaral Kalagayang-sosyal Kalusugan Kinabukasan Mga pangungutya’t sabi-sabi ng ibang tao.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Sa KABATAAN- ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat ng mga kabataan sa mga masasamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng mga kabataan ng walang lihitimong basbas ng kasal.

Sa mga MAGULANG- ang pananaliksik na ito ay makakatulong magbigay ng impormasyong at ideya sa gabay at pagdisiplina sa kanilang mga anak sa paraang di nila daramdamin ang iyong mga payo at pangaral na hahantong sa pagrerebelde.

Sa pamahalaan at komunidad-maaraing magamit ang pag-aaral na ito upang makontrol ang lumalaking populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagliit ng insidente ng teenage pregnancy. Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay maaring gamitin sa pagmulat ng kamalayan ng nakakarami tungkol sa teenage pregnancy.

Sa SARILI- maaring magamit ang pag-aaral na ito para na rin sa ating sarili, na lahat n gating ginagawa ay may kaakibat naresulta, na an gating kapusukan minsan ay di maganda at lahat ng ito ay may kaakibat na responsibilidad na dapat nating panagutan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito at aalamin ko ang mga suliranin sa “Maagang Pagbubuntis”, ano ang mga epekto nito sa kapaligiran at ano ang mararamdaman ng kanilang mga minamahal. Sa pag-aaral na ito malalaman ng mga mambabasa kung paano at anu-ano ang mga dahilan nito kung ang pamilya ba ang mga problema o sa mga kabarkada na humihikayat sa kanila gumagawa ng mga bagay na hindi maganda.

Katawan:

Ang teenage Pregnancy o Pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang

sapilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistikang “Save the CHILDREN”, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil ditto, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa datos noong 2010, halos 4.8 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.

Pinatunayan ito ng Word Bank at sinabing ang pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga kababaihan na maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho.

Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang na bubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasulukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulubong populasyong at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa medaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan.

Maraming rason kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataan, subalit ang itinuturong pinakadahilan nito ay di sinasadyang nabuntis dulot ng peer pressure o ang pagpapadala sa mga taong nakapaligid lalo na sa mga taong nakapaligid lalo na sa mga kaibaigan o emosyonal blackmail na ginagamit ng anilang kasintahang lalaki sa babae kung saan mapapatunayan daw ang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Sinasabi rin na lang ang isang dalaga ay may kasintahang lalaki na higit o mas matanda sa kanya ay mas medaling ma emotional blackmail. Kahirapan sa pamilya na humahantong sa pagrerebelde ng kabataan. Medya, ang internet telebisyon ay dahilan ng pagmulat ng kaisipan ng mga kabataan sa sex at higit sa lahat ay ang kakulangan sa

edukasyon na kung saan kulang ang nalalaman ng isang kabataan s atamang Gawain.

EPEKTO ng TEENAGE PREGNACY

Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na Suliranin -dulot ng teenage pregnancy sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabatang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng premature birth, at iba pang komplikasyon sa pisikal at mental.

Sakit na kaugnay -maraming sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng (chronic respiratory diseases at body impainments) lalo na ang STD o Sexually Transmitted disease.

Pagkasira ng Kinabukasan – ang maagang pagbubuntis ay maaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na maaring magdulot ng pagkasira ng magandang kinabukasan.

Aborsyon –dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.

MGA RESPONDENT:

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay natamo sa pamamagitan ng pangangalap ng datos at pagkuha ng pananaw at opinion ng mga kabataan.

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talaan 1: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad.

1 2 3 4 50

2

4

6

8

10

12

14

16

18

20

EDADDALASPORSYENTO %

Ang talaan 1 ay nagpapakita na kdalasan sa maagang pagbubuntis ay nasa edad 17 na syang nakakuha ng pinakamalaking porsyento na 40%. Ang sumunod naman ay sa gulang 18 na may 30%. Pagkatapos ay ang edad 19 na nakakuha ng 20%. Pareho naming nasa panghuling pwesto ang nasa edad 15 at 16 na mag 5% lamang bawat isa. Karamihan sa mga nabubuntis ng maaga, ating mahihinuha ayon sa datos, ay iyong mga kadalagahan na may mga ideya na kung ano talaga ang buhay. Lagpas na sila sa edad kung saan sila ay

nangangapa pa at umaangkop sa kanilang kapaligiran. Mayroon na silang ideya, kahit maliliit man lang, sa kung ano ang kanilang pinapasok at kung anu-ano ang pweding maging epekto nito.

Talaan 2: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pag-aaral na natapos.

ELEMENTARYA

HAYSKUL

KOLOHEYO

0 2 4 6 8 10 12 14 16

DALASPORSYENTO %

Ang talaan 2 naman ay nagsasabing sa 20 babaeng tinanong ay 75% ang nakapagtapos ng hayskul. Sinundan naman ito ng 20% na nakapagtapos lamang ng Elementarya. 5% naman ang nakapagsabi na tapos na sila ng kolehiyo. Base sa impormasyong ito, ating maiinkonklud na malaking porsyento, 75% eksakto, ng mga magiging konsekwensya nito kung saka

sakali. Mayroon na silang mga kaalaman tungkol sa maaaring ibunga ng kanilang sobrang kapusukan.

TALAHANAYAN (Bilang ng Respondent sa pag-aaral)

1. Sa iyong palagay ano/sino ang pinaka nakakaimpluwensya para mamulat o mag-udyok ang mga kabataan sa pre-

maritalsex.

Kakulangan sa Edukasyon

Peer Pressure Kahirapan Social Media Emotional Blackmail

Broken Family0

0.05

0.1

0.15

0.2

0.25

0.3

0.35

0.4

0.45

2. Sa iyong palagay makatutulong ba ang SEX EDUCATION upang maiwasan ang teenage pregnancy?

oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

Series1

3. EPEKTO NG TEENAGE PREGNANCY

Dalas Porsyento

Pisikal, Mental at sikolohikal na suliranin

12 32%

Sakit na kaugnay ng teenage pregnancy

1 2%

Pagkasira ng Kinabukasan 25 66%

Kabuuan: 38 100%

4. Solusyon laban sa Teenage Pregnancy.

Dalas Porsyento

Contraseptive at Family Planning 9 17%

Pagpapatibay ng Relayon sa pamilya 28 52%

Pagtuturo ng Sex Education 17 31%

Kabuuan: 54% 100%

5. Payag ka ba sa aborsiyon?

OO HINDI0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

90%

100%

Series1

Ang instrumentong aking ginamit upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay ang pagkalap ng mga datos at pagkuha ng pananaw ng bawat mag-aaral at ng aking mga kamag-anak at kapitbahay sa aming lugar.

Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan. Dahil sa iba’t ibang krisis na ating nararanasan o nadadamasa ngayon. Mataas na presyong bilihin, kalamidad, panggigipit ng mga may kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan, paglabag sa batas ng ilangmamayanan na nagdudulot ng kaguluhan, paglabag sa mga karapatang pantao dulot ng kawalan ng respeto sa bawat isa, di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nasa pamahalaan at mamamayan, at marami pang iba. Kailan pa kaya ito mawawakasan o mabibigyan ng

karampatang solusyon. Patuloy na lang ba nating isisisi ang lahat ng ito sa pamamalakad ng gobyerno? Bakit di natin tanungin an gating sarili may naitulong ba tayo upang maiayos ang kalagayan n gating bansa? O nakadagdag lang tayo sa mga pinuproblema n gating bansa? Iyan ang ilan sa mga dapat nating maunawaan. Sa kabataan nakasalalay ang hinaharap ng bansa. Kabataan, munti man ya may malaking magagawa o maambag upang maisulong ang ating bansa. Ang mga kabataan ay may karapatan gaya ng karapatang makapag-aral,magkaroon ng maayos na pamilya at marami pang iba. Ang mga karapatan na ito’y makakatulong sa atin upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lang iyan, makakatulong din ito upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paglilingkod sa ating bansa sa ngayon at napakaraming dahilan kung bakit nananatiling mahirap an gating bansa sa ngayon. Isa sa tingin kong sanhi nito ay ang pag-aasawa ng maaga ng ilang kabataan. Tayo bilang kabataan ay may obligasyon na mag-aral. Mag-aral upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan at na gating bansa. Ngunit papaano na lamang kung may kabataang nag-aasawa ng maaga? Talamak na ito sa ngayon, kaya’y huwag ng magbulagbulagan bigyan ng agarang solusyon. Maraming kabataan sa ngayon ang nag-aasawa ng maaga.

Napakaraming dahilan kung bakit, ngunit sa palagay ko ang pinkasanhi ng pag-aasawa ng mga ilang kabataan ay ang kapabayaan ng kanilang mga magulang. Napakarami ng iniisip at responsibilidad ng isang magulang lalo na kung may bisyo pa ito kaya’t minsan di maiwasang mapabayaan nang kanilang mga anak.

Kaya’t minsan hindi na nabibigayang gabay ang kanilang mga anak nagdedesisyon lamang ito batay sa kanyang sariling pananaw lalo na ang mga kabataang may mura pang isipan kaya’t di maiwasang mapunta sya sa masamang landas. Isa pa sa tingin kong sanhi ng maagang pag aasawa ng ilang kabataan ay ang panonood ng mga palabas na tungkol sa pag-ibig at pag-aasawa. Dahil sa labis na labis na panonood nito di maiwasang maging interesado sila at gayahin ang napapanood sa mga telebisyon. Kaya’t sa mga kalagayang ito hindi talaga maiwasan ng ilang kabataan na mag-asawa ng maaga kung

mayroong sanhi ang pag-aasawa ng maaga tiyak na mayroon itong maaaring maging bunga.

Napakarami ng maaring ibunga ng maagang pag-aasawa. Sa pag-aasawa ng maaga maaari itong magbunga ng pag-aaway o pagtatalo ng mga mag asawa dahil na rin sa kanilang ugali na bata pa, kahirapan dahil hindi nila maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang anak dahil nang sila ay bata pa at wala pang mga trabaho, kahirapan sa panganganak ng babae dahil hindi pa kaya ng kanyang kalusugan dahil sa siya ay bata pa at maaaring maraming dugo ang mawawala sa kanya at napakarami pa.

Ilan lamang ito sa maaaring maging bunga ng pagaasawa ng maaga. Kaya’t mag-isip muna bago magdesisyon. Ang pag-aasawa ng maaga ay sanhi ng kahirapan sa ating bansa. Kaya’t bago mag-asawa tiyakingmay trabaho na kayang tumustos sa pangangailangan ng isang pamilya. Ito ay di basta basta. Ito ay isang pang habangbuhay na obligasyon. Kaya’t tiyaking sa bawat aksyon ay may kalakip na tama at angkop na desisyon. Dahil sa bawat aksyon na ating ginagawa ay maaaring permanente na o di namababago.

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong nalaman ang mga masasamang epekto ng maagang pagbubuntis sa mga kababaihang nasa edad na 13-19 na gulang sa Barangay Perpetual Help, Lungsod ng Iriga ng sona dos.

Ito ay isang diskriptibong pananaliksik at ang mga naging respondente nito ay ang mga babaeng maagang nabuntis sa brgy. Perpetual Help, Lungsod ng Iriga. Ang impormasyon na nakalap ay sinuri at ginamitan ng dalas (Frequency) at porsyento (Percentage) upang masukat ang mga impormasyon.

Ang mga sumusunod ay ang lagom ng mga resulta:

Ayon sa nakuhang impormasyon, karamihan sa nabubuntis ay nasa edad 17 at karamihan din sila sa kanila nakapagtapos lamang ng hayskul na nakapagpatuloy pa ng kolehiyo.

Tungkol naman sa epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-aaral, marami ang nagsasabing sila ay huminto sa kanilang pag-aaral nang sila ay nabuntis. Ayaw na nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil hindi naman nagsisislbing inspirasyon ang kanilang pagkabuntis upang sila ay magsikap sa kanilang pag-aaral. Marami rin ang nagsabing sila ay nagbubuntis at kalahati naman sa mga respondente ang naisipan ipalaglag ang kanilang idinadala.

Sa epekto ng pagbubuntis sa kalagayang sosyal ng mga babaeng maagang nabuntis marami sa kanila ang hindi masaya sa kalagayan nila ngayon. Marami rin ang nakaranas na nagbago ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan, nawalan ng respeto ang mga tao sa kanila at nakaranas ng diskriminasyon sa lipunan.

Ang epekto naman ng maagang pagbubuntis sa kanilang mga hangarin sa buhay noong sila ay mga dalaga pa dahil sa maagan nilang pagbubuntis. Marami ang nagsabing naging mahirap ang kanilang buhay nang sila ay nabuntis, gayunman, lahat ng mga ina ay gusting bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak kahit halos kalahati sa mga respondente ang ninanais na makasama ang kanilang kabiyak sa pagsustento sa pagpapalaki ng bata.

Tungkol sa kalusugan at ang mga epekto nito sa maagang pagbubuntis, maraming kababaihan ang nagkaroon ng maayos na pagbubuntis, marami marami rin sa kanila ang kumakain pa rin ng sapat at naging malusog ang sanggol nang isinilang. Naging maayos ang panganganak at Hindi sila nakaranas ng komplikasyon habang nagbubuntis. Marami rin nagsasabi na bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.

Konklusyon

Ayon sa resultang nakuha, ang mga sumusunod na konklusyon ang maibibigay:

Halos lahat ng nabubuntis na kabataan sa edad na 17 hanggag hayskul lamang ang natapos.

Sa mga impormasyong nakuha tungkol sa pag-aaral ng mga dalagang ina, marami ang huminto sa pag aaral dahil sa kanilang sitwasyon at dahil na rin sa pagkaranas ng diskriminasyon sa paaralan. Dumarating sa kanilang isipan na ipalaglag ang bata dahil sa nasabing sitwasyon.

Sa kalagayang sosyal naman ng mga dalagang ina, marami ang hindi Masaya sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa nararanasan nilang diskriminasyon sa pamilya, mga kaibigan, mga tao, at ng lipunan.

Kung kinabukasan naman ang pag uusapan, maraming mga pangarap ang hindi natupad at mas naging mahirap ang buhay. Pero gayunpaman, lahat ng mga dalagang ina ay panatag na magandang kinabukasan ang anak.

Tungkol naman sa kalusugan, halos lahat sa mga dalagang ina ang nakakaranas ng maayos na pagbubuntis, naging malusog ang sanggol, at naging maayos ang pangangatawan habang nagbubuntis. Nasabi rin nila na bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.

At dahil sa mga resultang nakita, ang mga mananaliksik ngayon ay nakahinuha na ang maagang pagbubuntis ay higit na nagdudulot ng masamang epekto lalo na sa pag-aaral, kalagayang sosyal, kinabukasan at kalusugang ng mga dalagang ina. Maraming mga pangarap ang naglaho, bumaba ang pagtingin ng lipunan at maging ang sariling pamilya sa karagdagan,ang mga mananaliksik ay nagbibigay na ang teenage pregnancy ay dapat bigyang pansin o nagangailangan ng atensyon at gabay mula sa mga magulang at pati na rin ng lipunan maari itong magbigay ng kapahamakan sa sarili, sa lipunan at maaaririn ito bigyan ng mantas ang magandang pangalan n gating bansa.

REKOMENDASYON

Sa panahon ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami ang bilang ng mga batang ina at ang pagtaas ng antas ng maagang pagbubuntis. Laganap na ito hindi lamang sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa na rin. Pero hindi ito nanganaghulugan na wala tayong magagawa para pigilan ito at kailangan na

lang talaga natin itong tanggapin bilang isang masakit na katotohanan at isang mantsa sa lipunan na hindi na maaaring matanggal kalianman. May mga paraan pa maari nating gamitin at mga bagay na pwede nating gawin para mabawasan, kundi man matigil, ang pagkakaroon ng maagang pagbubuntis.

Kaya ayon sa nabasang mga resulta at konklusyon, ang mga mananaliksik ay nakarekomenda na:

Pwedeng maiwasan ang pagbubuntis ng maaga kung may gagabay sa mga batang lalabintaunin ukol sa kalakalan ng mundo. Nasa aspeto pa sila kung saan sila ay umaangkop sa mga pagbabago sa kanilang mga katawan at pilit na sumasakay sa agos ng buhay. Wala pa silang mga muwang kung paano maging marahas ang mundo sa mga batang tulad nila, iyong mga wala pang alam sa galaw ng tunay na mundo at sa reyalidad. Sana ay maitatak rin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pagmamahal na ito ang magiging daan upang hindi sila makagawa ng mga bagay na ikakasama nila tulad na lamang ng pakikipagtalik kahit walang basbas ng kasal na siyang sanhi ng maagang pagbubuntis. Ang pinaka importante ay iyong maipaliwanag natin sa kabataan ang maaring epekto ng pagkakaroon ng anak sa napakabatang edad sa kanilang buhay, pag-aaral, kalusugan, katayuan sa lipunan at kinabukasan. Sana ay maimulat ng mga magulang ang mga ang mga mata at diwa ng kanilang mga anak na ang pagtatalik ay isang sagradang bagay na para lang sa mga legal na mag-asawa ito ay may kaakibat na responsibilidad at konsekwensyal na maaring hindi pa kayang pasanin ng kabataan.

Hindi pa naman huli ang lahat. May magagawa pa tayo at kung sana ay magtutulungan lang tayong lahat ay madali na nating makontrol ang pagtaas ng antas ng maagang pagbubuntis at marami pa nating mapaunlad an gating bayan. Doon naman sa mga mayroon nang anak sa kabila ng batang edad ay wala na tayong ibang magagawa kundi ang tulungan sila. Nangyari ang dapat mangyari at hindi na ating maibabalik pa ang panahon sa ngayon, sana tigilan na ang pagkutya at paghamak sa mga dalagang ina dahil alam na nila ang kanilang kamalian at ito ay pinagsisishan na nila. Marami na silang hirap na pinagdadaanan at sana ay hindi na natin ito punan pa. Sana

ay tulungan at gabayan na lang natin sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na siyang pag-asa ng bayan ayon na rin kay Dr. Jose Rizal.

Listahan ng mga sanggunian:

https://prezi.com/m/subpnei2firl/kabanata-ihttps://tl.m.wikipedia.org/wiki/panggagahasahttps://armageddonviews.weebly.com/punto/teenagepregnancyhttps://group2filipino.blog.comhttp://en.wikipedia.org/wiki/premarital_sexhttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?titleteenagepregnancyhttp://en.wikipedia.org/wiki/teenage_pregnancywww.sribd.com/doc/22839998/teenage-pregnancy-filipino-draft#scribd

APPENDESIS:

1.)