31
ANG PAGBABALIK NI CRIST

Ang pagbabalik ni cristo

  • Upload
    akgv

  • View
    81

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang pagbabalik ni cristo

ANG PAGBABALIK NI CRISTO

Page 2: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang kakaibang damdamin ng mga tao kay Cristo?

1Pe 1:8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:

Page 3: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang nais ng mga tao?

Juan 12:21 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.

Page 4: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang isa sa pinaka dakilang pangako ni Cristo?

Juan 14:1 Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.

2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.

Page 5: Ang pagbabalik ni cristo

3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Gaano natin aasahan ang kaniyang pagbabalik?

Heb. 10:23 Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako.:

Page 6: Ang pagbabalik ni cristo

Ang sabi ng iba ay nakabalik na raw si Cristo, habang ang iba naman ay naniniwalang espiritual ang kaniyang pagbabalik. Gaano ka-literal ang kaniyang pagbabalik?

Gawa 1:10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit;

11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.

Page 7: Ang pagbabalik ni cristo

Sapagkat ang pagbabalik niya ay literal, sino-sino ang makakakita sa kaniya?

Apoc. 1:7 Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.

Page 8: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang isisigaw ng mga banal kapag siya ay makita?

Isa 25:9 At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

Page 9: Ang pagbabalik ni cristo

16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:

17 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Ano naman ang gagawin ng mga makasalanan kapag siya ay makita?

Apoc. 6:15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;

Page 10: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang iba pang isisigaw ng mga makasalanan habang sila ay nagtatago? Gaano kalaki ang panghihinayang nila?

Jer 8:20 Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.

Page 11: Ang pagbabalik ni cristo

Mat 16:27 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

Gaano ba kaluwalhati ang kaniyang pagbabalik?

Page 12: Ang pagbabalik ni cristo

Gawa 26:13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko.

14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.

15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.

Gaano kaluwalhati sa Cristo sa orihinal niyang anyo?

Page 13: Ang pagbabalik ni cristo

Exo 33:18 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

19 At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.

20 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

Gaano naman kaluwalhati ang Ama?

Page 14: Ang pagbabalik ni cristo

Bakit kailangan ang salimuot na ulap kapag ang Ama ay lumalapit sa tao?

Exo 19:16 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang tunog ng pakakak ay napakalakas; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig. Exo 19:17 At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok. Exo 19:18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy: at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, at ang buong bundok ay umuugang mainam.

Page 15: Ang pagbabalik ni cristo

Saan ba nananahan ang Dios Ama?

1Ti 6:16 Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa

Page 16: Ang pagbabalik ni cristo

Ang liwanag ng Ama ay hindi malalapitan ng tao. Ang mga anghel lamang ang maaaring makakita sa mukha ng Ama

Mat 18:10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit

Page 17: Ang pagbabalik ni cristo

Gaano kaingay ang pagbabalik ni Cristo?

1Th 4:16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Page 18: Ang pagbabalik ni cristo

Bait kailangang sisigaw si Cristo? May pangyayari ba sa Biblia na sumigaw si Cristo ng bumuhay siya ng patay?

Juan 11:43 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. 44 Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.

Page 19: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang mangyayai kapag narinig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios?

Juan 5:25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.

Page 20: Ang pagbabalik ni cristo

May trumpeta ba kapag ang Ama ay dumarating?

Exo 19:19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, at sinasagot siya ng Dios sapamamagitan ng tinig. 20 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa.

Page 21: Ang pagbabalik ni cristo

Bakit kailangan ang tinig ng arkanghel sa pagbabalik ni Cristo?

Mat 24:31 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

Page 22: Ang pagbabalik ni cristo

1Cor 15:51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,

52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

Ano ang magandang layunin ng pagtunog ng pakakak ng Dios sa pagbabalik ni Cristo?

Page 23: Ang pagbabalik ni cristo

Gaano ba kahalaga ang kaniyang pagbabalik? May saysay ba ang buhay makamtan man ang buong mundo kung hindi naman makapaghahanda sa kaniyang pagbabalik?

Mat 16:26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?

27 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.

Page 24: Ang pagbabalik ni cristo

Ano ang kasalukuyang ginagawa ng mga taong naghahanda sa kaniyang pagbabalik?

Mat 25:34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama,Manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nangitatag ang sanglibutan: 35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; 36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.

Page 25: Ang pagbabalik ni cristo

37 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon,

kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?

38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at

pinaramtan ka? 39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa

bilangguan, at dinalaw ka namin? 40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila,

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

Page 26: Ang pagbabalik ni cristo

Ecc 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

14 Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.

Hahatulan ba tayo ayon sa gawa?

Page 27: Ang pagbabalik ni cristo

Heb 9:28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Papaano tayo makikinabang sa kaniyang pagbabalik? Para kanino siya magpapakita?

Page 28: Ang pagbabalik ni cristo
Page 29: Ang pagbabalik ni cristo

ANG MAPALAD NA PAGASA Alfredo M. Vitto

Ang pagdating ng Pangi'non ay mapalad na pagasaSa lahat ng kaganapan ay ito na ang magandaParirito sa daigdig kasama ang kanyang Ama

Ang nasa ng buong mundo, ang mukha n'ya ay makita

Mga anghel isusugo na may tunog ng trumpetaHabang buong sansinukob nagdiriwang nagsasaya

Mga banal ay aawit paghihirap ay tapos naOh kay tagal na hinintay ang mapalad na pagasa

Page 30: Ang pagbabalik ni cristo

Ang magandang panoorin, ay programa sa libinganMga patay na nalagak sa lupa at karagatan

Sila'y muling mabubuo, ang hiwaga ay kakamtanKung paano magaganap anong saya na pagmasdan

Pagsigaw n'ya ng malakas, gigising ang mga patayNakangiti at masayang magsisiahon sa hukay

Titingin pa sa libingan at malakas ang pagsigawKamatayan nasaan na tibo mo't pagtatagumpay

Kaagad na maririnig ang pagtunog ng trumpetaSa dahilang igagawad ang hiwaga ng Dios Ama

Sa atin ay ibibihis ang dalawang mahalagaKamatayan ay tinapos, kasiraan ay wala na

Page 31: Ang pagbabalik ni cristo

Ang susunod na programa ay paglisan sa daigdigSa wakas ang mga banal ay pupunta na sa langit

Mauuna sa pagakyat mga patay na binuhayTayo namay aagawin sa kanila'y ipipisan

Ang mahal na Panginoon sa hangi'y sasalubunginMatulin na alapaap ang sadyang sasakyan natin

Sobrang ganda sobrang saya, kalawaka'y lalakbayinKahariang inihanda pupuntahan at kakamtin.