11

Click here to load reader

SOCCSKSARGEN - Region 12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SOCCSKSARGEN - Region 12

Katutubong Pangkat ng SOCCSKSARGEN

Ang mga T'boli, na kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga

katutubong tao ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Ang kanilang mga tradisyunal

na lupain ay matatagpuan sa kabundukan ng mga munisipalidad

ng Surallah, Kiamba, Polomolok at T'boli. Kabilang sa mga lupaing ito ang

kinaroroonan ng tatlong lawang mahalaga sa mga T'boli: ang mga lawa

ng Siloton, Lahit at Sebu, na matatagpuan sa munisipalidad ng Lake Sebu.

Bilaan sa Timog Cotabato at Sarangani, Manobo sa Hilagang Cotabato, at ang mga mandarayuhang Iluko, Ilonggo at Sebuwano.

Wika ng SOCCSKSARGEN

Maraming wika ang gamit ng mga taga-Timog Cotabato. Marunong sila ng Hiligaynon, Filipino, Cebuano,

at Ingles. Gamit din nila ang Kiniray-aat Ilocano. Bukod pa dito, ang mga katutubong Muslim at Lumad ay may

kani-kanila ding mga wika. Ang karaniwang wika sa lalawigan ay Hiligaynon (na tinatawag nilang "Ilonggo"),

ngunit maaaring sabayang gamitin ng mga tao ang apat na wika sa isang pag-uusap. Ingles at Filipino (na

karaniwang tawag ng mga tao ay "Tagalog") ang wikang ginagamit sa mga opisyal na transaksiyon sa

lalawigan.

Page 2: SOCCSKSARGEN - Region 12

Mga Fiesta

Page 3: SOCCSKSARGEN - Region 12

Topograpiya ng SOCCSKSARGEN

Matatagpuan sa rehiyong SOCCSKSARGEN sa Mindanao ang Timog Cotabato. Lungsod Koronadal ang kabisera nito. Napapaligiran ng Sultan Kudarat sa hilaga at kanluran, Sarangani sa timog at silangan, at Davao del Sur sa silangan ang Timog Cotabato.

Dating bahagi ng lalawigan ang Lungsod Gen. Santos, isang pangunahing daungan, hanggang naideklara itong ganap na urbanisadong lungsod noong ika-5 ng Setyembre 1988. Dating bahagi rin ng Timog Cotabato ang Sarangani hanggang naging ganap itong lalawigan noong 1992.

Page 4: SOCCSKSARGEN - Region 12

Mga Lalawigan at Kabisera

Page 5: SOCCSKSARGEN - Region 12

MAPA NG SOCCSKSARGEN

Page 6: SOCCSKSARGEN - Region 12

Mga Produkto at Larawan

Abaka Palay

Mais Pinya

Page 7: SOCCSKSARGEN - Region 12

Mga Hanapbuhay

Page 8: SOCCSKSARGEN - Region 12

Mga Tanawin ng Soccsksargen

Maitum River

Page 9: SOCCSKSARGEN - Region 12

Katangiang Pisikal ng SOCCSKSARGEN

Ang lalawigan ng Timog Cotabato ay may kabuuang sukat na 3,706 kilometrong kuwadrado. Ang Lake

Sebu ang pinakamalaking munisipalidad nito na may kabuuang sukat na 891.38 kilometrong kuwadrado.

Pinakamaliit naman ang Sto. Niño sa sukat na 109.04 kilometrong kuwadrado.

Nahahati ang lalawigan sa dalawang lambak, ang Lambak ng Alah (na karaniwang binabaybay ding "Allah"), at

ang Lambak ng Koronadal, na kapag pinagsama ay siyang bumubuo ngCotabato Basin. Nakapagitan sa

dalawang lambak ang kabundukan ng Roxas.

Ang kabundukan ng Daguma naman ang naghihiwalay sa Lambak ng Alah at lalawigan ng Sarangani. Sa

kabundukang ito matatagpuan ang tatlong lawang kinabibilangan ng Siloton,Lahit at Sebu; at ang Bulkang

Parker kasama ang lawa sa bunganga nito, ang Lawa ng Holon, na dating tinawag na Lawa ng Maughan.

Ang pinakamataas na bundok sa lalawigan ay ang Bulkang Matutum na may taas na 2,286 metro. Ito rin ang

pangunahing palatandaan ng lugar, at nakikita ito mula sa Look ng Sarangani. Ang dalawang natutulog na

bulkang Matutum at Parker ay magkatapat na tila bantay sa magkabilang gilid ng kung sinumang papasok sa

lalawigan galing sa Lungsod Gen. Santos.

Pinakamalaking ilog sa lalawigan ang Ilog Alah, na galing sa Bulkang Parker at dumadaloy patungong hilagang

kanluran. Dumadaan ito sa Lambak ng Alah, at doon nasasagap ang tubig na galing sa mga ilog

ng Banga at Lonon, hanggang sa makarating ito sa Lati ng Liguasan. Pangalawa naman ang Ilog Marbel, na

dumadaan sa Lambak ng Koronadal, at umaagos nang pahilaga hanggang sa ibuga ito sa Lawa ng Buluan.

Klima ng SOCCSKSARGEN

Pinakamainit sa panahon sa lugar na ito ay mula sa Enero hanggang Hunyo

Pinakamalamig sa panahon ng buwan ng Disyembre at Enero.