58
SAGISAG KULTURA NG MGA KALANGUYA SA BARANGAY MAPAYAO AT NANSIAKAN, KAYAPA, NUEVA VIZCAYA TINIPON AT SINALIKSIK NI: MELINA S. CASLANGAN Guro III, Nansiakan NHS Kayapa, Nueva Vizcaya

sagisag kultura ng mga kalanguya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: sagisag kultura ng mga kalanguya

SAGISAG KULTURA NG MGA KALANGUYA

SA BARANGAY MAPAYAO AT NANSIAKAN, KAYAPA,

NUEVA VIZCAYA

TINIPON AT SINALIKSIK NI:

MELINA S. CASLANGAN

Guro III, Nansiakan NHS

Kayapa, Nueva Vizcaya

Page 2: sagisag kultura ng mga kalanguya

PAUNANG SALITA

Ang proyektong Sagisag Kultura ng mga Kalanguya ay particular sa barangay Mapayao

at Nansiakan, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ang proyektong ito ay listahan ng mga sagisag kultura na ang ibig sabihin ay patuloy na

nagsasaliksik sa mga iba’t ibang sagisag kultura ng mga kalanguya at nakabukas din sa

pagdaragdag at pagbabawas ng mga ito kung ito’y kinakailangan.

Ang sagisag kultura na ito ay kumakatwan sa mga mahahalagang katangian, kasaysayan,

kaugalian, at tradisyon ng mga kalanguya sa barangay Mapayao at Nansiakan. Ang mananaliksik

ay isinaalang-alang at nagpapasalamat sa mga kontribusyon ng bawat lugar at lalong-lao na sa

mga katutubong tao na nagbigay ng kanilang kaalaman sa pagpapayaman ng sagisag kultura ng

mga kalanguya. Ito’y isang paraan para palahuin ang mga nawawalang kultura ng mga

kalanguya. Ako din ay nagpapasalamat sa mga nag-edit ng proyektong ito. Sa kabuuan, ang

layunin ng proyektong sagisag kultura ng mga kalanguya ay mapapaunlad ang kaalaman ng

bawat kalanguya at inaasahang mapapataas ang dangal bilang isang kalanguya at ito rin ay

nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at kultura.

Unang edisyon lamang ito. Sa kabila ng lahat, pagsasaliksik, pagsusulat, at pag-eedit,

naniniwala ang mananaliksik na malaki ang tsansa para sa rebisyon, karagdagan at lalong

mapagyayaman ang sagisag kultura ng mga kalanguya.

Page 3: sagisag kultura ng mga kalanguya

Abong Ang abong (bahay) ng mga kalanguya ay may kakaibang disenyo. May tatlong uri ang

disenyo ng bahay. May bahay na para sa mga mahihirap, para sa katamtaman ang buhay, at para

sa mga mayayaman.

Ang disenyo ng bahay ng mga mahihirap ay ang sahig nito ay nakalatag sa lupa. Ang

tulugan, ang pinaglulutuan o kusina, at iba pang mga kagamitan ay isang kuwarto lamang. Ito ay

yari sa “gulon”(cogon), “pal-u”t (thatch), “kawayyan” (bamboo), “keyew”(wood), “bato” (stone),

“uwey” (rattan) , at “wakal” (vines).

Ang disenyo ng bahay ng mga may katamtaman sa buhay ay may dalawang palapag. May

bintana at may hagdanan. Nakahiwalay ang kusina sa tulugan at may dalawang pintuan. Ang mga

kagamitan na ginamit sa pagpapatayo ng bahay ay magkapareho lang.

Mayroon ding disenyo ang bahay ng mga kalanguya na dalawang palapag na kung saan ang

nakatira sa unang palapag ang kanilang alagang baboy at sa pangalawang palapag naman ang

nakatira ay yung may may-ari bahay.

Ang disenyo ng bahay ng mga mayayaman ay nakataas ang sahig at ang haligi nito ang

nakapatong sa mga bato. Ang sahig nito ay puro kahoy. Ang bubong nito ay yari sa runo or cogon.

Ang bahay ng mga kalanguya ay di gumgamit ng mga pako bagkus gumugamit ng mga

matitibay na baging.

Page 4: sagisag kultura ng mga kalanguya

Akbot Ang akbot na ito ginagamit ng mga kalalakihan. Ang akbot na ito ay yari sa balat

ng kambing. Ang mga hayop na pwedeng gawing akbot ay ang mga kalabaw, baka,

kambing, tupa, at wild cat.

Ang akbot ay ginawang bag ng mga Kalanguya noong unang panahon dahil wala

silang magamit na bag.

Ito ay backpack ng mga kalalakihan na kalanguya.Kadalasan, dito inilalagay ng mga

matatanda ang kanilang nganga. Pinaglalagyan din ng baon. Ito ang pinaka bag nila noon.

Page 5: sagisag kultura ng mga kalanguya

Appaan ni Duplano Ang isang appaan ng “duplano” (air strip) dito sa Bayan ng Kayapa ay matatagpuan sa

Oliweg, Mapayao, Kayapa, Nueva Vizcaya. Isa ito sa pinakamalawak na paliparan ng mga

eroplano sa bayan ng Kayapa.

Ayon sa mga unang nakatira roon, ang unang gumamit ng air strip na ito ay mga

Hapon noong World War 2. Pagkatapos ng World War 2, ang air strip na ito ay ginamit ng

mga Missionaries na galing sa ibang bansa. Si John Eton at ang mga iba pang kasamahan

niya. Ang piloto nila ay sina Lee German at Stiger (hindi nila tiyak ang tamang baybay ng

kanilang mga pangalan).

Page 6: sagisag kultura ng mga kalanguya

Apyaw Ang apyaw ay yari sa tingting ng dahon ng niyog at kawayan.

Ang apyaw ay isang gamit na panghuli ng mga “udingngan” (maliliit na isda) sa ilog sa

halip na dinamita para hindi masira ang mga yamang dagat.

Sa paggamit din nito, hinuhuli lang nila ang sapat na kaya nilang ubusin at ibinabalik

nila ang mga malilit na isda o kaya yung hindi pa puwedeng ulamin.

Page 7: sagisag kultura ng mga kalanguya

Atak Ang “atak” (itak) ay yari sa bakal. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng

panggatong o pamutol ng kahoy. Ginagamit din ito sa pagkatay ng mga hayop

at paghiwa ng karne, gulay, at prutas. Kadalasan ang mga gumagamit nito ay

mga kalalakihan.

Ang atak ay may ibat ibang disenyo depende ito sa kung saan mo

gagamitin.

Page 8: sagisag kultura ng mga kalanguya

Bahkit Ang “bahkit” (basket) ay yari sa kawayan (Chinese bamboo) at “uwey”

(yantok).

Ito’y ginagamit na sisidlan ng kanilang mga inaning gulay sa kanilang “inum-

an” (kaingin) o kaya pinag-iimbakan ng kanilang binhi para sa susunod na taniman.

Kapag ilalagay nila ang kanilang binhi, ito’y inilalagay nila sa itaas ng kanilang kusina

para hindi masira ang mga butil ng kanilang pananim gaya ng mani, lubyas, at iba

pang butil na kanilang itatanim.

Ang “bahkit” ay may ibat ibang disenyo at laki, yung iba ay may takip.

Page 9: sagisag kultura ng mga kalanguya

Balat Ang “balat”/saging ay gamot ng mga Kalanguya. Ito ay ginagawang gamot sa mga sugat,

halimbawa ay nasugatan ng kutsilyo o kaya ay itak ang kamay o paa, dinediretso nilang inilalagay

ang dagta ng “balat”/saging sa may nasugatan para tumitigil ang pagdurugo ng sugat. Ito ang

ginagawa nila kasi napakalayo ang pagamutan.

Ang saging din ay inuulam. Ang parte ng saging na puwedeng ulamin ay ang puso ng saging at

ang murang uhay ng saging.

Ito din ay pagkain ng baboy. Ang tangkay ng saging ay tinatadtad at ipanapakain sa baboy.

Ang hinog na bunga ng saging ay kinakain ng mga tao at may mga medisinal value din ito.

Page 10: sagisag kultura ng mga kalanguya

balita

Balita Noong unang panahon, ang “balita” (crow bar) ay yari din sa isang pirasong

matibay na kahoy. Ito’y matulis at ginagamit na pantanggal ng mga bato sa ginagawang

bukid o kaya ay ginagamit sa pagbungkal din ng lupa para sa paghahanda sa pagtatamnan

ng mga gulay at iba pa.

Sa panahon ngayon, ang “balita” ay gawa na sa bakal at ginagamit sa pagtanggal

ng mga malalaking bato sa kaingin o sa bukid.

Page 11: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ba-liw “Ba-liw” ay isang awit o kanta na ginagawa ng mga kalanguya bilang isang pasasalamat o

papuri kay Kabunyan. Ang ba-liw ay isang sagradong awit ng mga kalanguya. May iba’t ibang ba-liw

na nababagay sa mga okasyon. May ba-liw para sa kasal, patay para sa mga naiwanan ng namatay

at may ba-liw di dun sa namatay n asana ay makapunta na siya sa langit, piyesta, o kahit anong

okasyon. Ito rin ay isang paraan para sa magiliw na pagtanggap ng mga bisita na dumalo sa isang

okasyon.

Page 12: sagisag kultura ng mga kalanguya

Balliken/Tallaka Sa paggawa ng “balliken/tallaka”, gumagamit sila ng yantok o chinese bamboo.

Ginagawa ang balliken/tallaka dahil ito ay isang mahalagang kagamitan ng mga kalanguya.

Dito nila inilalagay ang hindi luto at lutong kamote o kaya ay mga prutas. Ginagamit din ito

kapag may keleng/okasyon dahil dito inilalagay ang lutong kamote na inihahain sa mga taong

dumalo o sa mga bisita.

Ginawa nila ito dahil noong unang panahon ay wala pa silang masyadong maraming

kagamitan hindi tulad ngayon na maraming nabibili sa bayan.

Ang balliken/tallaka ay gustong-gusto nilang ginagawa bilang pampalipas ng oras at

upang may pamalit sila kung nasira ang mga nauna na nilang ginawa.

Page 13: sagisag kultura ng mga kalanguya

.

Batang Ang batang na tinatawag ng mga kalanguya ay uri ng karne na hiniwa lamang at iniluto sa

kumukulong tubig na ang tanging sangkap ay asin gaya ng baboy, baka, kalabaw at iba pa.

Ang batang ay nagiging datag ang tawag kung ibinigay na sa tao. Ito’y luto o hindi. Kapag

marami ang karne na hindi inulam sa okasyon, ito’y ibibilang ulit sa mga kapitbahay at

ipinamimigay na tinatawag na In-abbong.

Ang luto ng karneng ito ay inilalagay sa malaking kaldero o palayok. Lalagyan lang nilang

tubig hanggang ito’y maluto. Walang inilalagay na sahog kahit man lang asin. Masarap ulamin ang

datag kahit walang asin o kahit walang sahog.

Page 14: sagisag kultura ng mga kalanguya

Dagi

Ang “dagi” na ito ay yari sa mga piling Kawayan (bamboo) at piling yantok. Ito ay isang uri

ng kagamitan ng mga Kalanguya na kung saan itoy ginagamit ng mga kalalakihan para paglayan ng

kanilang mabibigat na karga gaya ng mga nakasakong gulay, kamote, luya, bigas, at iba pa.

Ito ay katumbas ng “kayabang” ng mga kababaihan sa pagbuhat ng kanilang mga ani.

Ang mag-asawang kalanguya ay nagtutulungansa pagbuhat ng kanilang aning pananim.

Sabay silang pupunta sa kanilang kaingin o garden na kung saan ang lalaki gamit ang dagi at ang

babae naman ay kayabang.

Ayon sa mga kalalakihan lalong lalo na yung mga tumatanda na itoy nakakatulong sa

pagbuhat ng kanilang mga ani na galing sa kanilang pananim mula sa kanilang malalayong kaingin

o garden. Sinasabi ng mga matatanda na ito rin ay ginagamit ng mga Hapon noong nanirahan ang

mga Hapon dito sa ating bansa.

Ang taong nasa larawan ay ipinapakita kung paano gamitin ang dagi. Gamit ang kanyang

dagi papunta sa kanyang kaingin.

Page 15: sagisag kultura ng mga kalanguya

Dalay

Dalay ay isang mahalagang kagamitan ng mga Kalanguya. May iba’t-ibang hugis ang

dalay. Ang dalay ay may iba’t ibang klase din may mahal at may mura depende sa klase nito.

Ito’y pinaglalagyan ng “tepey” o rice wine na tumatagal na kahit umabot ng ilang

buwan o isang taon. Ito din ay ginagamit ng mga Kalanguya pag sila ay magkakanyaw.

Ang dalay ay galing din daw sa ibang bansa na dinala ng mga mangangalakal noon dito

sa Pilipinas. Binili ng mga Kalanguya dahil nakita nila na magandang kagamitan at matibay na

paglalagyan ng rice wine na gagamitin nila sa kanilang ritwal.

Ito rin ay puwedeng gamitin ng imbakan ng tubig. Kasi kahit mainit ang panahon,

mananatiling malamig pa rin ang tubig sa dalay.

Page 16: sagisag kultura ng mga kalanguya

Delpeng Ang “delpeng” yari sa matibay na kahoy. Ang delpeng na ito ay pinabuti at

ginawang upuan na may sandalan.

Komportableng upuan ito ng kapapanganak na nanay, at kapag naglalaba at

marami pang iba.

Page 17: sagisag kultura ng mga kalanguya

Dupdup/huwan Ang dupdup (camote digger) na ito ay yari sa kahoy o bakal na kung

saan ito ay pinapatulis para makuha ang ubi (camote), habok (gabi), hanglay

(kamoteng kahoy), at iba pang mga pananim na lamang-lupa.

Ito ay ginagamit ng babae sa kanilang inum-an (kaingin) para

magtanim ng camote, at iba pa. Ginagamit din ito sa panlinis ng kanilang

inum-an (kaingin) para sa paghahanda ng kanilang pagtatamnan.

Page 18: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ekleb Ang “ekleb” ay yari sa kawayan at yantok. Ito’y ginagamit sa panghuli ng

mga udingngan o yung maliliit na isda sa ilog sa halip na gumamit ng dinamita.

Page 19: sagisag kultura ng mga kalanguya

Galgal Ang galgal ay isang praktis ng mga kalanguya. Ito ay walang sawang pagngunguya sa mga

buwa (buyo), lewed (ikmo), apol (apogat tabako. Ang buyo (betel nut) ay isang bunga ng punong

palma, ikmo (betel leaf) ay isang berdeng dahon na inihahalo sa galgal at apog (lime) ay nanggagaling

sa suso na inilalagay sa apoy hanggang ito’y maging apog, at tabako na inihahalo rin sa galgal kung

gugustuhin ng nag nganga na lagyan ng tabako.

Noong unang panahon, pinaniniwalaan nila na ang paggalgal ay nagbibigay ng lakas sa

kanilang katawan. Naniniwala din sila na pag may haharapin na kaso/problema ay mag gagalgal muna

sila bago tuluyang tumuloy sa lugar kung saan gaganapin ang usapan para hindi sila matalo sa kaso o

kaya naman para hindi siya masyadong maliitin ng kanyang katunggali sa kaso. Kung siya naman ang

nagkasala, sana man lang ay mabawasan ang multa na hihingin nila sa kanya at magkaayos agad ang

magkatunggali.

Ang galgal daw ay nakapagpapainit ng katawan. Ito rin ang isang paraan para sa pakikipag-

usap sa mga ibang tao. Kaya naman hindi nakapagtataka na mayroon silang magandang sisidlan o

taguan ng kanilang galgal. Kadalasan ito’y inilalagay o nakasabit sa kanilang baywang o kaya sa akbot

pag lalaki. Para sa mga matatanda parang isa na itong bahagi ng kanilang pamumuhay at kasama na

sa ritwal.

Nagpapalitan ang mga naggagalgal ng buwa (buyo), lewed, (ikmo) at apol (apog) sa kasama

nilang nagnganganga habang nagkukuwentuhan sa daan, sa bahay, sa kaingin o kaya kahit saang

lugar kung may nakita silang nag gagalgal.

Sa ngayon, marami na ang mga kabataang kalanguya na nagnganga para maranasan kung ano

ang galgal at ito nga daw ay nagpapainit ng katawan wala ng iba pang rason di gaya noong unang

panahon na may iba silang layunin.

Page 20: sagisag kultura ng mga kalanguya

Gangha Ang gangha ay isang pinakaimportanteng musical instrument na ginamit ng mga Kalanguya sa

paggawa ng kanilang mga ritwal. Noong unang panahon, ang paggamit ng gangha ay talagang sagrado. Hindi

basta basta tinutugtog ito dahil sa kanilang paniniwala na “ongkalat” na ang ibig sabihin ay magkakasakit ang

taong tumutugtog ng gangha na walang dahilan, o kaya walang okasyon, o kaya walang kanyaw. Tinutugtog

lang ang gangha sa mga ganitong okasyon – padit, kiyad, bayyog, at hagawhaw ng mga kalanguya. Ang

gangha ay tinutugtog ng mga kalanguya para sa kanilang katutubong sayaw at sa pagsagawa ng ritwal.

Pero sa panahon ngayon, ito’y ginagamit sa iba’tibang okasyon gaya ng kasal, piyesta, kanyaw,

pagdiriwang ng pasko at bagong taon, at iba pa.

Ang gangha ay yari sa bronze, copper brass, o bakal. Kung ang gangha ay yari sa bronze o copper

brass, ito’y mga sinaunang gamit. Kung ito’y yari sa bakal, ito’y kayayari lang sa madaling panahon. Ito ay

may iba’t ibang sukat napabilog na nagbibigay ng iba’t ibang tunog, ritmo, at tayming kasi nakadepende sa

layunin ng ritwal. Ang mga tumutugtogna lalaki ay umiikot habang tinutugtog ang gangha at susunod ang

dalawang pares, isang lalaki at isang babae na nagsasayaw ng katutubong sayaw ng mga Kalanguya. May

mga okasyon din na kapag pinatugtog ang gangha, pinaniniwalaang sasabayan sa pagpatay ng mga hayop na

gagamitin sa ritwal na kanyaw, o kaya naman tinutugtog ang gangha kung ito’y kinakailangan na tugtugin

depende sa utos ng ritualist/mabaki. Sinasabi nila na ang mga may kaya lang sa buhay ay may gangha noong

unang panahon dahil ito’y mahal. Yung mga may gangha ang kinikilala sa kanilang lugar at sila din ang

namamahala sa barangay nila.

Sa ngayon, ginagamit na ang gangha sa pagparada o kaya ay kasalan.

Page 21: sagisag kultura ng mga kalanguya

Gayyabah Ang gayyabah (bayabas) na ito masarap kainin. Ito ay masagana sa vit. C . Ang bunga nito ay

pinapakuluan at sinasala din para gawing guava jelly. Ang bunga din ng gayyabah ay ginagawang

guava jam at ginataang bayabas. Ang bunga ng gayyabah ay inihahalo sa ulam para maging

sinigang. Ang gayyabah ay ibinibilang ng mga kalanguya na isang mabisang panggamot sa mga

ilang sakit gaya ng pagtatae kaya nga lang dapat kontrolin din ito kasi baka naman tumigas ang tae

mo at sanhi ng sakit. Paalala lamang na lahat ng sobra ay bawal.

Ang dahon nito ay puwedeng pakuluan at ipanghugas sa mga galis sa katawan. Ang balat din nito

ay pinapakuluan at iniinum para sa sakit sa pagtatae.

Ang punong kahoy ng bayabas ay may katamtamang taas din.

Page 22: sagisag kultura ng mga kalanguya

Giyag Ang giyag (winnower) na ito ay yari sa piling kawayan (chinese bamboo) at piling

yantok. Ito ay ginagamit para malinisan ang binayong palay para ito’y maging bigas na

maisasaing.

Ito rin ay isa sa mga mahalagang kasangkapan ng mga kalanguya. Ginagamit nila ito

para palamigin ang hindi masyadong lutong kanin (half-cooked rice). Pag lumamig na ang

kanin ihahalo nila ang yeast. Pag nahalo na ng mabuti ang kanin at yeast itoy ilalagay sa

lalagyan ng rice wine at pagkalipas ng mga tatlo o apat na araw ito’y ililipat na sa dalay/jar

para sa pangmatagalang rice wine.

Ang giyag din ay pinaglalagyan ng mga kagamitan na kinakailangan ng

ritualist/mabaki sa kanyang ritual gaya ng kumot, damit at iba pa na kailangan ng

ritualist/mabaki sa kanyang ritual o dasal kasi depende rin ito sa sakit ng tao na nahanapan

ng isa pang ritualist (maanap). Kapag kompleto ang kagamitan na nakalagay sa giyag, ang

mabaki ay mag-uumpisa ng kanyang ritual o dasal para magamot ang may sakit na tao.

Bihira na ngayon ang pagsagawa ng ritwal na ito dahilan na rin sa pagpasok ng iba’t ibang

relihiyon

Page 23: sagisag kultura ng mga kalanguya

Gulon Ang (cogon) gulon ay isang uri ng talahib na ginagamit ng mga kalanguya para

sa bubong ng kanilang bahay. Ito ay tinatabas at pinapatuyo. Kapag tuyo na ito,

tinatalian ng pareparehong laki para handa ng gamitin sa bubong ng bahay.

Ang ugat din nito ay pinapakuluan at iniinum nila para sa mga nahihirapan na

umihi.

Ito din ay pagkain ng mga hayop gaya ng kalabaw at baka.

Page 24: sagisag kultura ng mga kalanguya

Hanggap Ang hanggap (hand trowel) ay yari sa bakal na pinatalim para

gamitin sa panlinis o pagtanggal sa mga damo sa pananim sa inum-an

(kaingin). Ito din ay ginagamit na panlinis sa tambak ng bukid. Kadalasan

ang mga kababaihan ang gumagamit ng hanggap (hand trowel) na ito.

Ito ay mas malapad sa “dupdup” na panlinis. Ginagamit din ito sa

pagtatanim ng mga pananim gaya ng mais, mani, patani, at iba pa na

puwedeng maitanim sa lupa.

Page 25: sagisag kultura ng mga kalanguya

Hebeng

Ang hebeng na ito ay isang sikat na uri din alak ng mga kalanguya. Ito ay mula sa ki-loy o

tubig ng ubi/ kamote. Kapag luto na ang inilagang ubi/kamote, ang tubig na natira sa kaldero ay

palalamigin ito at ilalagay sa malinis na bote. Itatago muna ito hanggang makalipas ang limang

araw o isang lingo at ito’y magiging lasang alak na katulad ng rice wine.

Ang hebeng ay inihahain pag may okasyon. Pinapainum din ito sa mga dayuhan o mga bisita

bilang magiliw na pagtanggap sa kanila. Ito rin ay hinahanap ng mga dayuhan o mga bisita tuwing

sila’y papasyal o iimbitahan sa bahay ng mga kalanguya.

Ginagamit din ang hebeng pag may lalaking ipinagkakasundo sa dalaga lalong lalo na pag di

kayang manligaw ng lalaki.Sinasabi niya sa mga matatanda ang kanyang nararamdaman sa babae

para matulungan siya ng mga matatanda. Dito ginagamit ang hebeng pag walang rice wine. Kapag

ininum ng babae ang hebeng o tepey (rice wine), simbolo na yun na umuo na siya na

mapapangasawa na siya ng lalaki. Kapag ininom na ng babae ang hebeng walang bawian. Sa oras

din na iyon ay pag-uusapan na ang araw ng kasal.

Ginagawa ng mga kalanguya ang hebeng dahil ang kanilang produkto ay ubi/kamote. Pag

may hebeng na sila hindi na sila bibili ng alak kasi mayroon na sila. Ito’y alak ng mga kalanguya.

Hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila pag maglalaga sila ng ubi/kamote kaya nga lang bihira na

rin ang nagluluto ng kamote dahil bumibili sila ng bigas, may nagbabangkag na rin, at may

kaunting bukid din.

Page 26: sagisag kultura ng mga kalanguya

Iduh Ang “iduh” (kutsara) na ito ay gawa sa mga piling kahoy gaya ng

bayabas, palay (uri ng kahoy) at iba pang kahoy na hindi nakalalason.

Amg iduh ay ginagamit ng mga kalanguya tuwing sila ay kakain.

Ang iduh na ito ay may disenyo sa hawakan. Ang disenyo nila ay imahen

ng tao, ibon, o kaya mga iba’t ibang imahe ng hayop.

Page 27: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kabi

Ang kabi ay yari sa yantok, piling kawayan (Chinese bamboo), nito, at balat ng kahoy na

may maliit na pintuan. Isa ito sa mga kagamitan ng mga kalanguya para sa pagpapalaki ng mga

manok. Dito nila ikinukulong ang inahing manok para di mahirapan sa pag-aalaga sa kanyang

maliliit na sisiw hanggang kaya na ng mga sisiw na umakyat sa puno kung saan sila natutulog o

kaya naman pag malalakas na ang mga sisiw ilalagay na sila sa “pagal” kung saan ikinukulong

ang mga malalaking manok.

Ang kabi din ay pinaglalagyan ng manok kung ito’y ibibigay sa mga bata o kaya ay

pinaglalagyan kung ito’y ibebenta na sa ibang tao.

Ang kabi ay hawla para sa mga manok.

Sa panahon ngayon, kakaunti na rin ang kabi kasi napapalitan na ng mga kagamitang

binibili sa tindahan gaya ng mga yari sa bakal, plastics at iba pa.

Page 28: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kalawkaw Ang kalawkaw (spoon container) ay yari sa kawayan at yantok. Ito ay

kagamitan ng mga kalanguya kung saan dito nila inilalagay ang kanilang iduh

(spoon).

May ibat ibang disenyo din ang kalawkaw na ito, may malaki at malawak ang

bunganga at may maliit din.

Page 29: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kallupi Ang kallupi ay isa sa mga backpack ng mga Kalanguya. Ito ay

hinabi sa mga pinapinong yantok at kawayan. Kadalasan, ang mga

kalalakihan ang gumagamit ng kallupi bagaman ito’y ginagamit din ng

mga kababaihan.

Ang kallupi ay ginagamit na sisidlan ng pagkain gaya ng baon

pagpunta sa kaingin at iba pang mga gamit kung ikaw ay magbibiyahe.

Page 30: sagisag kultura ng mga kalanguya

Katat Ang katat ay gawa mula sa balat ng mga hayop tulad ng baka o kalabaw.

Ang katat ay ginagawang banig ng mga kalanguya noon dahil wala silang gagamitin sa

pagtulog. Ito rin ang ginagamit na pandingding sa kanilang bahay.

Pero wala na ngayon ang katat dahil wala na ring masyadong mga hayop na kinkatay

kung mayroon man ay kinakain na ang balat nito. Marami na rin ang nabibili sa tindahan ng mga

banig, kumot, at iba pang mga kagamitan na puwedeng gamitin sa pagtulog.

Page 31: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kelkel

Ang kelkel (kuwintas) ay may gawa sa ginto at may gawa galing sa mga halaman. Ang

paggamit ng kelkel/kuwintas ay may katumbas na status sa pamumuhay. Ang mga may kaya sa

buhay na kalanguya ang gumagamit na kelkel/kuwintas na tinatawag na “palangngapang”. Ang

“palangngapang” ay gawa mula sa ginto na may disenyong hugis puso. Ito ay inaayos ayon sa laki

nito. Ang panlabintatlo ay inilalagay sa gitna. Ang “palangngapang” na ito ay pumapangatlo na

ikinokonsiderang pinakamamahalin o pinakamahalagang ari-arian ng mga Pamilyang Kalanguya.

Binibigyan din ang mga bata ng palangngapang kung sila ay kabilang sa mga mayayaman na pamilya

sa kanilang komyunidad.

Mayroon ding tinatawag na “lumayat” na kelkel/kuwintas na gawa mula sa perlas at butu-

buto ng mga cabba-ong.Tinuhog ito ng mga sinulid. Kadalasan ito’y ginagamit ng mga kadalagahan

na kabilang sa mga may kaya sa buhay at mayaman.

At ang kelkel na yari sa halaman na kung tawagin ay “kattaynan”, ang butil na ito ay

tinutuhog sa pamamagitan ng sinulid na isinusuot ng mga dalaga at ng mga matatandang

kababaihan. Ito ay puwedeng pantali ng buhok at palamuti na isinusuot bilang kuwintas o pulseras.

Itong kelkel/kuwintas na ito ay puwede sa lahat ng mga kalanguya, mayaman man o maralita ay

puwedeng-puwedeng magsuot nito.

Kaya naman, nakikilala agad ang mayaman at mahirap na kalanguya dahil lang sa pagsuot ng

kuwintas.

Sa panahon ngayon, bihira o wala na ang kelkel kuwintas na palangngapang o lumayat dahil

siguro ibinenta ng mga may-ari.

Page 32: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kayabang

Ang “kayabang” ay isang simpleng kagamitan ng mga kababaihan ngunit itoy mahalaga sa

kanila.

Ito ay yari sa piling kawayan (chinese bamboo) at piling yantok. Kadalasan ang gumagawa ng

kayabang ay mga kalakihan.

Ito ay ginagamit ng mga babae para paglagyan ng kanilang mga kagamitan gaya ng baon,

dupdup, uwah at iba pa pag pupunta sila sa kanilang kaingin o garden. Pag-uwi naman nila, ito’y

nilalagyan ng kamote, gulay o kaya ay mga gulay na kanilang inani pero kadalasan ang kanilang

inilalagay ay kamote kasi ito ang kanilang pangunahing pagkain noong unang panahon. Hindi gaya

ngayon na bumibili na rin ang mga kalanguya ng bigas mula sa bayan.

Noong unang panahon, ang isang kahalagahan ng Kayabang na ito ay ginagamit pag may

patay. Ito’y pinupuno nila ng kamote at inilalagay sa may gilid ng pintuan. May kasama ding gabi,

palay, at dalay pero ito ay may hiwa-hiwalay na lalagyan . Ito ang mga praktis ng mga ninuno ng mga

Kalanguya noon pero sa ngayon ay nawawala na dahil na rin sa pagpasok ng ibat-ibang relihiyon.

Kakaunti na rin ang gumagawa ng praktis na ito.

Sa ngayon, ito’y ginawang palamuti sa bahay, paaralan at iba pa. Pinaglalagyan ng mga

bulaklak at ginagawang props sa iba’t ibang larangan ng paligsahan.

Ang isang nanay na nasa larawan ay ginamit niya ang kanyang kayabang para paglagyan ng kanyang

inaning sitting beans. Iuuwi na niya at ibibilad na sa araw sa kanilang bahay.

Page 33: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kubal

Kubal

Ang kubal ay isang kasuotang ginagamit ng mga kalanguyang kalalakihan. Ito ay isinusuot para

matakpan ang kanilang ari. Ang pagsusuot ng kubal ay itinatali sa likod at sa harap ng baywang.

May dalawang uri ang kubal ng mga kalanguya. May kubal para sa may kaya sa buhay o kaya

mayayaman at may kubal din para sa mga mahihirap o kaya mga common na tao. Ang tawag sa kubal

para sa may kaya sa buhay/mayaman ay “binohlan” at para naman sa mga ordinaryong tao, common

ta ay ang “kulabaw”.

Ang kulay ng binohlan ay may guhit na kulay pula at itim. Ang kulay naman kulabaw ay puti at

itim. Ang kulabaw ay mas maliit at mas maiksi ang palawit nito kaysa sa binohlan.

Kaya noon, nakikita na agad kung sino ang may kaya sa buhay at mahirap dahil sa kanilang

kasuutan.

Sa panahon ngayon, bihira na ang gumagamit ng kubal dahil sa modernisasyon.

Ang kubal ngayon ay itinatago o pinapangalagaan dahil nawawala na rin ang kagamitan na ito.

Page 34: sagisag kultura ng mga kalanguya

Kuldahing Ang kuldahing ay isang kilalang instrumenting pang musiko ng mga kalanguya. Ito

ay pinakikinabangan ng mga kalanguya. Ginagamit ito sa iba’t ibang okasyon gaya ng

padit para sa pagkilala ng utang na loob kay kabunyan o kaya ay bilang pasasalamat sa

Diyos sa mga biyayang natatanggap nila.

Kuldahing ay gawa sa kahoy at kuwerdas. Ito’y tinutugtog ng mga matatanda sa okasyon

kung walang magamit na gangha. Ito’y importante sa mga kalanguya dahil kailangan

nilang magkaroon ng tugtug sa kanilang pagsayaw ng tayaw.

Ito rin ay ginagamit nila para maglibang lalong lalo na pag sila’y pagod sa kanilang

trabaho at sila din ay natutuwa habang tinutugtug ang kuldahing.

Page 35: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ito’y isang pares na damit ng mga kalanguya. Lakba ang nasa kaliwa at bado ang nasa kanan.

Lakba Lakba ang tawag sa kasuotan ng mga kalanguyang babae. Ang lakba ay may sukat na

parihaba at isinusuot ito na pabalabal. May dalawang uri din ang lakba. Ito ay ang “ginallit” at

“kulabaw”. Gaya din sa mga kalanguyang kalalakihan na may kasuutang pangmayaman at may

kasuutang pangmahirap lamang.

Ang ginallit ay may guhit na pula, berde, itim at dilaw. Ito ay isinusuot ng mga maykaya sa

buhay. Ang kulabaw naman ay para sa mga mahihirap o common na tao lamang.

Kaya noon, nakikita na kung sino ang mga taong may kaya sa buhay at kung sino naman ang

mahirap. Kung minsan, dito rin ibinabase ang pagrespeto ng mga tao kung sino ang kanilang

iginagalang sa kanilang lipunan.

Pero sa ngayon, ang mga kalanguyang kababaihan ay bihira na ring magsuot ng lakba dahil

may mga pantalon na puwedeng suutin na ngayon at isa pa ito ay pinipreserve ng mga tao.

Page 36: sagisag kultura ng mga kalanguya

Lahong Ang “lahong” ay gawa sa malalaking puno ng kahoy. Ito ay binubutasan sa gitna nang

pabilog hanggang makaya nitong lamanin ang isang bigkis o tali ng palay. Ito ang ginagamit ng mga

kalanguya noon para magbayo ng palay kasi malayo sila sa bayan para magpagiling ng palay.

Ang lahong na ito ay isang mahalagang kagamitan ng mga kalanguya.

Noong unang panahon, ibinibilang nilang mahalaga ang kagamitang ito dahil dito nila

binabayo ang palay na iniluluto nila pag may okasyon o pag may namatay. Nagtutulungan ang mga

tao na bayuhin ang palay para may mailuto. Ang nagbabayo sa isang lahong ay puwedeng dalawa,

tatlo, o hanggang apat depende sa laki at lawak ng lahong na ginamit. Ito ang isa sa kaugalian ng

mga kalanguya. Pagkatapos na mabayo ang palay iniluluto at inihahain din sa mga taong nakiramay

sa pamilyang namatayan.

Ginagamit din ang lahong para bayuhin ang kape hanggang ito’y maging pino, ang malagkit

rin ay binabayo hanggang maging pino para mailuto ng tambong.

Page 37: sagisag kultura ng mga kalanguya

La-lo

La-lo Ang “la-lo” (pambayo) ay yari sa matibay na kahoy na pambayo sa palay sa

“lahong”. Ang la-lo ay kasama ng lahong para mabayo ang palay, malagkit, kamoteng

kahoy para magkaroon ng lubi-lubi.

Ang lalo ay may maliit at mahaba depende na sa pagkagawa nito.

Page 38: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ang kamoteng nasa lalagyan ay huhugasan ng lola ng bata sa langa. Pinapabantayan lang sa apo niya.

Langa Ang langa ay gawa sa mga malalaking kahoy o kaya yung mga magulang na

kahoy. Ito ay binubutasan sa gitna hanggang magkaroon ng sapat na butas. Ito ay

ginagamit para pakainin ang mga baboy at mga biik. Ang langa din ay ginagamit

para hugasan ang kamote. Ito ang pinaka basin nila noon. Ginagamit din nila ito

para paglabhan ng mga damit.

Ang langa ay may iba’t ibang hugis. May pabilog,parihaba, pa-oblong at iba

pang disenyo.

Page 39: sagisag kultura ng mga kalanguya

Lingen Ang lingen (bird trap) ay kombinasyon ng manipis ngunit matibay na lubid na

itinatali sa isang maliit na sanga ng kahoy para pag lilipad ang ibon na tangkaing tukain

o kainin ang pain na nakalagay sa stik ng kahoy, ang paa ng ibon ay maitatali sa lubid.

Kawawang ibon ay nahuli sa “lingen”.

Ang lingen ay isang paraan ng panghuli sa ibon. Inilalagay ito kung saan marami

ang ibon o kaya kung saan sila kumakain.

Page 40: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ang tatay na ito ang nagsabi kung kalian nila ginagamit ang pahul.

Pahul Ang pahul ay yari sa matulis na bakal sa magkabilang dulo nito noong unang panahon, at

ginagamit na armas dahil marami rin silang kalaban noon gaya ng mga namumugot ng ulo at iba

pa.

Ito ay ginagamit din sa pangangaso gaya ng ugsa, baboy ramo, unggoy, at iba pa.

Ito din ay ginagamit na “hulkod”(tungkod) sa paninilbihan para sa mga kalanguyang

matatanda.

Page 41: sagisag kultura ng mga kalanguya

Pakgong Ang pakgong ay gawa sa chinese bamboo na may tali na yantok sa hawakan. Isa ito sa

mga kagamitan noon na pangmusika at may kakaibang tunog. Nakakaaliw at nakagagaan ng

damdamin pag ito’y pinakikinggan.

Tinutugtog ang pakgong sa pamamagitan ng mga kamay. Hinahawakan ng isang kamay at

ipapalo sa isang kamay para magkaroon ng tunog.

Ayon sa kuwento ng mga lolo at lola, ito’y nakapupukaw ng takot tuwing gabi at umaga

lalong-lalo na kapag ika’y nag-iisa. Ayon din sa kanilang paniniwala dapat laging dala-dala nila ito

sa umaga at gabi kasi pag nagabihan sila sa daan, pinapatunog ito para mawala ang kanilang takot

sa mga “bibiyaw o ampahit”. Ito yung mga nilalang na hindi daw nakikita na puwedeng manakot

sa tao.

Ang pakgong rin ay ginagamit sa okasyon tulad ng paglilipat ng buto ng patay kasi may

paniniwala ang mga kalanguya na hinuhukay muli ang buto ng kanilang namatay na miyembro ng

pamilya kung ito’y nagpapalipat o nagrereklamo.

Sa ngayon ginagamit ang pakgong para ipakita o para hindi mawala ang kultura ng mga

kalanguya. Ito ay tinugtog para pang-aliw o libangan na lang na sinasabayan ng pagkanta.

Page 42: sagisag kultura ng mga kalanguya

Pala Ang dating pangalan ng pala ay gaud. Ang gaud (wooden shovel) kasi ay yari sa

kahoy na ginagamit ng mga kalanguya noong unang panahon. Ito ang ginagamit nila para

hukayin ang kanilang bukid at paggawa ng tambak ng kanilang bukid.

Sa panahon ngayon, ang gaud o pala ay yari na sa bakal. Ginagamit din ito sa

paghukay ng bukid at paggawa ng tambak ng bukid. Ito rin ay ginagamit sa panlinis ng

lupain para sa paghahanda ng pagtamnan ng mga gulay o kaya kung anong itatanim.

Page 43: sagisag kultura ng mga kalanguya

Paul Ang paul (runo) ay mahalaga sa mga kalanguya kasi noon pa man, ito’y ginagamit

na nilang pandingding ng kanilang bahay. Ito din ay ginagawang bakod sa “inum-an”

(kaingin) para hindi pasukin ng mga hayop ang kanilang pananim. Ito rin ay ginagamit

bilang trellis ng kanilang pananim gaya ng kamatis, beans, ampalaya, gisantes, at iba pa.

Sa panahon ngayon, ginagamit din ng mga tao para gawing palamuti sa bahay. Ito

din ay hinahabi at ginagawang higaan sa bahay-kubo.

Page 44: sagisag kultura ng mga kalanguya

Poh-lek Ito ay isang halaman na nasa gubat na kinikilalang isang herbal medicine ng mga

Kakanguya. Kapag nasugat ang kamay o saanmang bahagi ng katawan, ito’y dinidikdik at

itinatapal sa bandang nasugatan. Hanggang ngayon ay ginagamit na panggamot pag sila’y

nasugatan sa kanilang kaingin o garden.

Ito din ay gamot sa mga kinakapon na baboy. Dinidikdik ang poh-lek at inihahalo ang

“biyog”. Ang “biyog” na ito ay agiw na mula sa uling. Kapag naihalo na ng maigi, inilalagay na ito

sa parte ng baboy kung saan natanggal ang testes ng baboy.

Ito din ay pagkain ng mga hayop gaya ng kalabaw, baka, kambing, at iba pa. Ito din ay

iniihaw at inuulam ng mga Kalanguya. Bagay na bagay sa camote lalong lalo na kapag sa kaingin

kinain. Ang poh-lek din na ito ay ginagamit bilang trellis sa mga pananim pag ito’y magulang na.

Kapag magulang na ang dahon nito, ginagawang bubong ng bahay kagaya ng gulon.

Page 45: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ta-liddan Ang ta-liddan (whetstone) ng mga kalanguya ay mga piling bato na may

kakayahang patalimin ang mga kutsilyo, itak, at iba pang mga kagamitan na

puwedeng hasain.

Ang ta-liddan na ito ay hinahanap nila sa mga tabing ilog dahil hindi lahat ng

bato ay nakahahasa ng mga patalim.

Page 46: sagisag kultura ng mga kalanguya

Tangtang Ang tangtang ay isang uri ng pagluluto ng mga kalanguya. Ang karaniwang “itinatangtang”

ng mga kalanguya ay mga karne. Inilalagay nila ito sa “dawih”, isang matulis na bagay na puwede

tusukin ang karne at “ittangtang”. Inilalapit ito sa apoy para maluto ang karne gaya ng pagluto ng

lechon kaya lang ang tangtang ay nahiwahiwa na hindi gaya ng lechon na buo. Ito ang isang paraan

ng mga kalanguya para imbakin ang karne upang di masira agad ang karne kasi wala silang

refrigerator noon. Kapag naitangtang na ang karne inilalagay nila ito sa tapat o taas ng kanilang

pinaglulutuan nang di masira ang karne.

Ginagawa nila ang tangtang sa pagluto ng karne pag marami ito. Itinatangtang din ang mga

ibang parte ng karne sa okasyon lalong-lalo na pag ito’y kinakailangan. Halimbawa sa okasyon ay

ang padit, pag sinabi ng mabaki o ritualist ay ittangtang yung karne, yun ay masusunod sapagkat

yun ang paniniwala ng tao na nagkaroon ng okasyon.

Maliban sa karne, ang mga gulay din ay “itinatangtang” nila gaya ng okra, talong, patani,

mani, at iba pa na puwedeng maluto sa ganong klaseng pagluto.

Ang buhay ng mga kalanguya noon at hanggang ngayon ay mapamaraan din para lang

mabuhay.

Page 47: sagisag kultura ng mga kalanguya

Tayaw Tayaw ay isang masiglang katutubong sayaw ng mga kalanguya na isinasagawa sa

pagdiriwang ng piyesta gaya ng kanyaw/keleng. Isinasagawa ang tayaw pag kinakailangan,

halimbawa nito ay pag maysakit ang isang tao sa miyembro ng pamilya, pumupunta sila sa

maanap/ritualist at hahanapin kung ano ang ritwal na gagawin ng taong maysakit. Kung kailangan

na sasayaw sila ng tayaw, tutugtugin nila ang gangha at sasayaw sila ng tayaw. Kung mayaman ang

isang kalanguya magkakatay sila ng baboy at tutugtugin gangha at sasayaw sila ng tayaw. Ito yung

tinatawag na padit. Noon pag may sapat na silang baboy, kinakatay at ipinapamigay sa kapit bahay

ang ibang karne dahil wala pa silang ibang pagkakagastusan.

Sa panahon ngayon, bihira na o kaya’y wala nang padit kasi inuuna muna nila ngayon ang

gastusin ng kanilang anak sa pag-aaral. Ang tayaw ay sayaw na ginaya sa mga malalaking ibon na

kung tawagin sa kalanguya ay tuldo (eagle). Ang mga ibon na ito ay malayang lumilipad sa

himpapawid. Ayon sa mga obserbasyon nila, nauunang lumilipad ang lalaking tuldo at parang

nahihiya ang babaeng tuldo na sumusunod at parang ayaw na niyang sumunod.

Sa pagsasayaw ng tayaw, ang kumot na gamit ng lalaki at babaeng nagsasayaw ay

sumasagisag sa pakpak ng tuldo. Ang kamay ng lalaking nagsasayaw ay nakalantad sapagkat ito’y

naglalarawan na lumilipad na tuldo. Ito ay naglalarawan ng mga kaugalian ng mga kalalakihang

kalanguya gaya ng kalayaan, pagkamatapang, pagkamarangal, pagkamakatotoo, at pagkamabait.

Sa mga kababaihannaman, ito’y naglalarawan ng kaugalian na pagkamaunawain, pagkamarangal,

pagkamabait, pagkamahiyain, at iba pa.

Page 48: sagisag kultura ng mga kalanguya

Tegdey Ang tegdey ay isang paraan ng paghuli ng mga maliliit na hayop gaya ng mga ibon,

manok, daga, at iba pang mga hayop. Ang tegdey na ito ay inilalagay sa daanan ng mga

hayop. Pag dumaan sila matatalian ang kanilang leeg dahil sa nakahandang manipis ngunit

matibay na lubid.

Ang mga kagamitan dito ay manipis at matibay na lubid at matibay at maliliit na

kahoy para doon itali at hindi na makakawala ang hayop na nahuli.

Page 49: sagisag kultura ng mga kalanguya

Telegteggan Ang telegtegan (chopping board) ay gawa mula sa kahoy. Ito’y isa sa mga

kagamitang pangkusina ng mga kalanguya.

Ito’y isang pirasong kahoy na ginagamit para sa paghiwa ng mga karne, gulay ,

at prutas.

May iba’t ibang hugis o disenyo ang telegtegan ng mga kalanguya.

Page 50: sagisag kultura ng mga kalanguya

Tepey Ang tepey/rice wine ay isa sa mga sikat at mahalagang produkto ng mga kalanguya noon. Ito rin ay

nakalalasing kapag dinamihan mo ang inom.

Ang tepey ay ginagamit ng mga kalanguya sa kanilang ritwal. Hindi gagawin ng mabaki/ritualist ang

keleng/kanyaw pag walang iniaalay na tepey/ricewine.

Inihahain din sa mga bisita ang tepey. Ito rin ay inihahain tuwing may kasal o okasyon.

May iba’t ibang klase ng tepey. May galing sa lutong bigas at may galing sa lutong kamoteng kahoy.

Ang tepey na iniaalay sa keleng ay galing bigas. Ang tepey na galing sa kamoteng kahoy ay kinakain lamang ito

ng mga tao. Sa paggawa ng tepey, iluluto muna ang bigas/ malagkit o kaya’y kamoteng kahoy. Pag luto na,

palalamigin muna at pagmalamig na ihahalo ang bubod/yeast. Pag nahalo na nang mabuti ilalagay na ito sa

dalay/tapayan. Puwede nang kainin pagkalipas ng tatlong araw pero pag ang hanap mo ay gagamitin sa

kanyaw/okasyon dapat ito’y maging isang buwan o mahigit pa para magkaroon ng katas.

Pero ngayon ay unti unting nawawala na dahil na rin sa kakaunti na ang gumgawa ng tepey. Kung

minsan tinatamad na ang isang tao para gumawa ng rice wine dahil matrabaho daw ito. Minsan ipinapalit na

ang mga alak gaya ng san miguel na alak.

Page 51: sagisag kultura ng mga kalanguya

Totto-o Ang tottoo (diyos-diyusan) na ito ay yari sa mga kahoy. Sila ay tinatawag na Kabbigat at

Bugan.

Noong unang panahon, ang mga tottoo na ito ay itinuturing na banal o sagrado para sa

mga ninuno ng mga kalanguya. Ang tottoo na ito ay ginagamit ng mga ritualist/mabaki kung may

nagkasakit na tao. May paniniwala kasi sila noon na puwedeng kang magkasakit kung ikaw ay

kinagat (kung ikaw tinamaan ng sakit galing sa kanila) ng tottoo na ito. Ang mabaki/ritualist

naman ay gagamitin ito para matanggal ang sakit ng may sakit na tao.

Sa ngayon, ang mga tottoo na ito ay ginawa na lang na palamuti sa bahay. Ito’y

nawawala na rin sapagkat ito’y pinagbibili na o ibinibenta na sa mga mangangalakal ng mga

antique ito.

Page 52: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ubi Ang ubi ay pangunahing pagkain ng mga kalanguya. Ito ay isang pananim na naglalaman sa lupa at ang talbos nito ay inuulam. Para sa mga kalanguya ipinapares ang talbos na ubi sa bunga nito bilang ulam at pagkain. Ang dahon nito ay may iba’t ibang hugis at lapad, may hugis-puso ohugis-palad at mayroon din itong bulaklak nakulay lila. May iba’t ibang kulay ang ubi, may puti, dilaw, lila, o pula at makinis din ang ubi na ito. Ang hugis din ng ubi ay may pabilog o pahaba. Ang tangkay ng ubi ay naglalaman din sa lupa pag ito ay nakalapat sa lupa. Ang tangkay din ng ubi ay nagbibigay ng maraming laman sa lupa at may iba’t ibang hugis, laki, kulay ng halamang-ugat na ito.

Walang nasasayang sa ubi na ito dahil halos ay makakain. Ang laman nito sa lupa (root crops) ay

kinukuha para sa pagkain ng tao, manok, pato, baboy, aso at iba pang mga alagang hayop na kumakain ng

ubi. Ang talbos naman nito ay inuulam, puwedeng pangsahog sa sinigang na baboy o kaya depende sa gusto

mong luto nito.Kung gusto mo naman na isawsaw sa bagoong ang talbos nito, ilalaga lang sa may tubig. Ang

tangkay ng ubi ay pagkain ng kalabaw, baka, kambing at iba pang mga hayop na kumakain ng mga halaman.

Ang ubi ay inilalaga o ipiniprito nang may asukal (camote cue).

Ang ubi din ngayon ginagawang harina para may magawang tinapay na galing sa ubi.

Page 53: sagisag kultura ng mga kalanguya

Udal/kanggit Ang udal ay parihaba na basket na yari sa kawayan at yantok. Ito’y ginagamit

na panghuli ng igat sa ilog. Nilalagyan nila ito ng pain sa loob at ilulubog ng isang

gabi sa ilog kung saan nakatira ang mga igat/hito.

Kapag tangkang kakainin ng igat ang pain, ang takip nito ay biglang

magsasara at ang igat/hito ay nasiluhan na.

Page 54: sagisag kultura ng mga kalanguya

Ungut Ang “ungut” ay yari sa coconut shell. Ito’y hinahati sa dalawang magkaparehong lawak at

sukat. Ito’y nililinisan hanggang ito’y maging makintab na puwede nang gamitin

Ang ungut ay isang pinakamahalagang kagamitan ng mga kalanguya. Ito’y ginagamit na parang tasa,

mangkok, at pinaglalagyan din ng rice wine.

Noong unang panahon, ito’y ginagamit ng mabaki/ritualist para paglagyan ng rice wine at iaalay sa

mga kaluluwa ng mga ninuno nila. Ang mabaki/ritualist ay mag-uumpisang mag-alay ng kanyang

ritwal pag nakahanda na ang ungut na may nakalagay na rice wine.

Sa panahon ngayon, ang ungut din ay ginagamit na parang mangkok at pinaglalagyan din ng

rice wine kaya nga lang bihira na ito kasi kukunti na lang ang gumagawa ng keleng/kanyaw. Ang

ungut din ay ginagamit na sa pagsasayaw at palamuti na sa bahay o kaya sa paaralan.

Page 55: sagisag kultura ng mga kalanguya

Utum

Ito ay isang uri ng pagluluto ng ulam ng mga kalanguya lalong-lalo na pag nasa inum-

an/kaingin sila dahil walang sapat na kaldero o kaya kagamitan na gagamitin para sa pagluto ng

ulam.

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbalot ng mga dahon. Halimbawa nito ay, pag

lulutuin mo ang talbos ng kamote, sayote o kaya ‘y mga iba’t ibang dahong gulay, babalutin mo

ito ng mga magugulang na dahon din at ilalagay sa gilid ng apoy. Ang kalalabasan nito’y parang

nilagang talbos na wala ding asin o kaya walang sahog. Puwede ring isawsaw sa sili na may asin

kung may baon kang asin. Kung wala naman, sapat na yung sili na may kamatis na kapipitas mo

lang sa iyong mga pananim. Mga sariwang sariwang pagkain na rin ito.

Kapag naluto na ito, handanghanda nang ulamin at bagay na bagay sa pagkaing kamote.

Page 56: sagisag kultura ng mga kalanguya

Uwah Ang uwah ay isang pinakaimportante na kagamitan ng mga kalanguya. Ang

uwah ay yari sa bakal. Ito’y may iba’t ibang itsura gaya ng pinelek, nalangad, at hinalong.

May iba’t ibang gamit ang mga uwah.

Ang pinelek ay karaniwan na ginagamit ng mga babae sa paglinis ng kamote sa

inum-an o kaingin nila. Ito din puwedeng panghiwa ng karne, gulay, at pangtanggal ng

balat ng kamote, gulay, prutas, at iba pa.

Ang nalangad naman sa pangpino ng yantok at kawayan para paggawa ng ng

mga baskets, kayabang, at iba pa.

Ang nalangad naman na uwah/kutsilyo ay karaniwan na ginagamit ng mga

kalalakihan sa panlinis ng mga yantok at piling kawayan para sa paggawa ng mga

baskets, kayabang, giyag, at iba pa. Ito din ay ginagamit na panghiwa ng mga karne,

gulay, betel nut, at iba pa.

Page 57: sagisag kultura ng mga kalanguya

Uyun

Uyun Ang uyun ay yari mula sa yantok na ginagamit para buhatin ang kayabang.

Ang uyun ay puwede ring gamitin sa pagbuhat ng mga karga kahit ito’y nakasako.

Ito ay parang “U” ang pagkagawa. May karugtong itong yantok na parang

nilubid. Dito puwedeng mag-adjust kung ang kayabang mo mataas at kung ang

kayabang mo masyadong mababa.

Page 58: sagisag kultura ng mga kalanguya

Wahay Ang wahay (ax) ay isang kagamitang yari sa bakal. Ito ay ginagamit para hatiin ang

malalaking kahoy para sa panggatong.

Ang wahay din ay ginagamit para sa pagkatay ng baka o kalabaw pag may okasyon

gaya ng kasalan, pag may patay, o pag may padit (kanyaw ng mga kalanguya na may kaya

sa buhay.