26
Pinagkukunan ng Pondo ng Pamahalaan A.TAX B.NON – TAX REVENUES

Patakarang Piskal - Pagbubuwis

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Pinagkukunan ng Pondo ng Pamahalaan

Citation preview

Page 1: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

Pinagkukunan ng Pondo ng Pamahalaan

A.TAX B.NON – TAX REVENUES

Page 2: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

A. Tax (Buwis) Ang pagbubuwis ay mula sa salitang Latin

na “taxo”  na ang ibig sabihin ay "tinataya ko" o "tinatantiya ko" - ay ang pagpapataw ng isang pananagutang pampananalapi o ibang kapatawan sa isang tagapagbayad ng buwis (isang indibiduwal o katauhang legal) mula sa isang estado o isang pantungkuling katumbas ng isang estado, na kung saan ang pagkabigong magbayad ay mapaparusahan ng batas.

Samakatuwid, ang buwis ay ang pera o salaping dapat bayaran ng mga tao sa pamahalaan.

Page 3: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

Uri ng Buwis

• Ayon sa Layunin

• Ayon sa kung Sino ang Nagbabayad ng Buwis

• Ayon sa Porsyento na Ipinapataw

Page 4: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

1.Ayon sa Layunin

FISCAL O GENERAL Buwis na ipinapataw upang

kumita ang pamahalaan.

Halimbawa : sales tax, VAT (value added tax)

Page 5: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

1. Ayon sa Layunin

REGULATORY O SPECIAL TAX Ipinapataw upang maisaayos ang

paggamit o pagkonsumo ng produkro

Halimbawa : taripa sa inaangkat na produkto

Page 6: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis Tuwiran – ang nagbabayad ng buwis na ito ay hindi

maaring ipasa sa iba Halimbawa:

Buwis sa Kita (Income Tax) – buwis sa taunang kita ng isang indibidwal o kompanya

Buwis sa Pagsasalin ng Ari-arian – ibinabayad kapag isinalin ang ari-arian o Donor’s Gift Tax

Buwis sa Lupa (Real Property Tax) – buwis sa lupa, gusali, makinarya at iba pang dagdag na pagpapahusay sa isang pag-aari.

Buwis sa Premyo (WINNING) – 10% na buwis sa mga premyo sa mga larong pustahan tulad ng loterya, karera, raffle, slot machine.

Page 7: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

DI-TUWIRAN – buwis na di tuwirang kinokolekta dahil ipinapataw sa presyo ng produkto o serbisyo. Ito ay ipinapasa kung hindi sa mamimili ay doon sa nagbebenta ng produkto.

Halimbawa: Value Added Tax (VAT) – buwis para sa mga

negosyo. Ipinapataw sa iba’t ibang proseso na dinadaan ng mga produkto at serbisyo para maging isang yaring produkto. Ito ay isang reporma sa pagbubuwis na papalit sa mga percentage taxes na binabayaran ng mga negosyante.

Page 8: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

EXPANDED VALUE ADED TAX(E-VAT) – pagpapalawak ng umiiral na VAT. Ang mga nasasakupan nito ay ang mga sumusunod: Serbisyo ng mga restawran, hotels, resorts, clubs,

taxicabs, tourist buses at rent a car companies. Imported na karne Air Freight, shipping at trucking Non-Life Insurance Telepono, radyo, telebisyon at telegraph Property Rights Pamatay Peste Paggamit ng cable, tv, films, satellite transmission Specialty feeds para sa mga race horses, fighting cocks,

aquarium fish

Page 9: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

EXCISE TAX

Buwis na ipinapataw sa lahat ng produktong kinokunsumo sa loob ng Pilipinas, inaangkat man o gawa dito.

Page 10: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

SPECIFIC TAX

Buwis na batay sa bigat o bulto ng produktong naibenta.

Halimbawa : Tabako, sigarilyo, alak, fuel,

naprosesong langis

Page 11: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

AD VALOREM TAX

Buwis na batay sa prosesong pambenta ng isang produkto, kasama ang produktong panggatong.

Page 12: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

PERCENTAGE TAX

Buwis na binabayaran ng mga prodyuser at prosesor batay sa gross value (kabuuang halaga) ng benta mula sa pabrika at bodega.

Page 13: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

AMUSEMENT TAX (Buwis sa Paglilibang)

Buwis na ibinabayad ng mga may-ari ng casino, jai-alai, sabungan, mga bahay-aliwan, sinehan at ipinapasa naman nila sa mga customer nila sa pamamagitan ng singil sa entrada at mga serbisyo (entrance and service charge).

Page 14: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

CATERER’S TAX Buwis na 4% na ipinapataw sa gross

sales (kabuuang kita) ng mga restawran at mga kainan. 8% sa benta ng alak sa mga bar, 25% sa kainang malapit sa jai-alai fronton o karerahan at 12% sa mga bahay aliwan (day or night club).

Ang mga buwis na ito ay ipinapasa naman sa mga customer sa pamamagitan ng pagsama ng mga buwis na ito sa kwenta ng singil o chit.

Page 15: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

HOTELS OPERATOR’S TAX (buwis sa hotel)

Ito ang 12% na buwis sa kita ng mga hotel, motel, resthouse, lodging house, batay sa room occupancy o gamit ng mga silid.

Page 16: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

2. Ayon sa KUNG SINO ang Nagbabayad ng Buwis

ENERGY TAX(Buwis sa Enerhiya)

Buwis na binabayaran ng isang sambahayan o negosyo sa bawat kilowatt-hour ng elektrisidad na kinonsumo.

Page 17: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

3. Ayon sa Porsyento na Ipinapataw (Tax Rate)

PROPORTIONAL TAX Tumutukoy sa takdang porsyento na

ipinapataw sa halaga ng ari-arian. Habang lumalaki ang halaga ng ari-arian, tumataas ang halaga ng kabuuang buwis na masisingil.

Halimbawa: P 100, 000.00 – ang buwis ay P 10, 000.00

(10%)

Page 18: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

3. Ayon sa Porsyento na Ipinapataw (Tax Rate)

REGRESIBONG BUWIS (Regressive Tax)

Ito ay kabaliktaran ng Progressive Tax, samakatwid, lumiliit ang porsyento ng buwis na babayaran habang lumalaki ang kita.

Page 19: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

3. Ayon sa Porsyento na Ipinapataw (Tax Rate)

Ang BIR (Bureau of Internal Revenue) at Burea of Customs ang dalawang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may kapangyarihan at tungkuling mangolekta ng buwis sa kinita, sa importasyon, sa mana, sa regalo at iba pang butaw o multa.

Page 20: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

3. Ayon sa Porsyento na Ipinapataw (Tax Rate) Buwis ng kinokolekta ng Lokal na

Pamahalaan (City Government) RESIDENTIAL TAX o SEDULA – taunang

ibinabayad ng lahat ng residente ng Pilipinas mula edad 18 pataas

REAL PROPERTY TAX DOCUMENTARY STAMP TAX – excise tax para

sa mga dokumento, instruments loan agreements, commercial papers and on assignments, sales and transfers of obligation at right or property incident. Ito ay ipinapataw sa mga maker, signor, issuer, acceptor or transfer.

Page 21: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

B. NON-TAX REVENUES

OPERATING AND SERVICE INCOME

Nakapaloob dito ang nasisingil mula sa Lisyensya, butaw, upa sa paggamit ng pantalan, kita ng Bureau of Post mula sa pagbebenta ng selyo, birth certificate, pasaporte at iba pang dokumento.

Page 22: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

B. NON-TAX REVENUES KITA NG MGA KORPORASYON KONTROLADO

AT PAG-AARI NG PAMAHALAAN (Government Owned and Controlled Corporations)

Kabilang dito ang kita ng GSIS, SSS, Landbank, Phil. Post Authority at iba pang negosyo na pag-aari ng pamahalaan.

Page 23: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

B. NON-TAX REVENUES CAPITAL REVENUE- pinagbilhan at

tinubo ng pamahalaan mula sa mga ari-arian.

GRANTS IN AID – kasama nito ang mga kontribusyon ng Pamahalaang Lokal sa gobyerno nasyonal at mga tulong na tinanggap sa ilang departamento ng pamahalaan.

Page 24: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

B. NON-TAX REVENUES EXTRAORDINARY INCOME – anumang baya-

utang na tinanggap ng pamahalaan at kita sa casino, lotto, sweepstakes ay kasama nito.

MISCELLANEOUS INCOME – kabilang dito ang kita mula sa perang dayuhan (foreign currency) na nakadeposito sa Bangko Sentral.

UTANG – mula sa loob at labas ng bansa.

Page 25: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

B. NON-TAX REVENUES

SIN TAXES Buwis sa mga produktong hindi

itinuturing na mahalaga. Mga produktong sanhi ng mga bisyo

tulad ng sigarilyo at alak. Ang pagpataw ng buwis sa mga

produktong ito ay paraan upang hindi mahikayat o bumaba ang pagkonsumo ng mga mamimili sa mga produktong ito.

Page 26: Patakarang Piskal - Pagbubuwis

Pagbubuod:Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan

ang napakarami nitong gawaing pangkabuhayan kung walang pondong gagamitin. At malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ay nanggagaling sa buwis.

Ito ay ipinapataw ng pamahalaan sa mga ari-arian, tubo, kalakal, serbisyo at iba pa.May mga operasyon sa negosyo at pagkonsumo ng produkto at serbisyo na pinapatawan ng buwis.

Ang pagpataw ng buwis ay likas at lehitimong kapangyarihan ng pamahalaan, pambansa man o lokal.