Upload
mineons
View
939
Download
17
Embed Size (px)
Citation preview
GROUP VI
Pagtuklas atEksplorasyon:
Uri at lawak ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
Noong 1492;
Isa si CHRISTOPHER COLUMBUS (manlalayag na taga-Genoa) sa mga humikayat kay reyna Isabella na suportahan siya sa kanyang balak na maglayag papuntang India sa direksyong pakanluran hanggang sa kabila ng atlantic.Dito niya narating ang akala niyang India na sa katotohanan ay ang Bagong Daigdig.
Naging inspirasyon ng maraming manlalayag ang pagkatuklas ng America at paglalayag ni FERDINAND MAGELLAN upang ikutinang mundo.
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga lupain…..
Bunga ng mga ruta sa kalakalan sa pagkakatuklas at paglalayag noong ika-15, 16 na siglo….
Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherland at England.
Higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia; kape, ginto, at pilak, sa North America; asukal at mollases sa South America at indigo naman sa Kanlurang Indies.
Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kanyang pinamumunuan sa Medieval Period.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile at ito ang nagpasimula sa pagtatatag ng mga bangko.
Ang salapi ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo
Epekto ng
Unang Yugto ng
Kolonisasyon
Mahalagang epekto ng unang yugto ng Kolonisasyon:
Ang mga ekplorasyon na pinangungunahan ng mga español at Portuges ang nagbibigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa natutuklasan at ito rin ang nagpalakas ng ugnayan ng silangan at kanluran.
Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon.
Sumigla ang paglaganap ng sibilasasyong kanluranin sa silangan dahil sa kolonisasyon.
Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito.
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop, halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World.
Rebolusyong Komersyal
Ika- 14 na siglo Natuklasan ng Germany, Sardinia at Bohemia ang pinagmumulan ng salaping pilak
Ika- 19 na siglo Nanatili sa sirkulasyon ang mga salaping barya sa England…
Ika- 13 siglo Sa Italy nagkaroon ng
malubhang suliranin sa dami ng kalakal na dumarating dito kaya napilitan silang kumuha ng ibang tauhan upang makarating ang kalakal sa iba’t- ibang bansa sa pamamagitan ng transportasyong panlupa o pandagat.
Nagkaroon ng mga bookkeeper na nagsusuri ng mga aklat de kuwenta, pagpapautang sa kasosyo at salaping puhunan. Umabot ito sa pagpapautang na may prenda ( kasulatan na umuutang sila o kaya nagpapautang).
Sinasabing bumababa ang tubo sa kalakal hanggang 20 bahagdan at umabot pa ng halos 10 o 7 bahagdan pagkaraan ng 100 taon.
Ang Bardi at Peruzzi ang dalawang pinakamalaking namumuhunan noong panahong iyon.
Ika- 14 na siglo, nagsimulang magkaroon ng kaguluhan sa bangko dahil hindi makatanggi ang mga ito na magpahiram ng kapital sa pamahalaan dahil sa alok na mataas na tubo.
Haring Edward III
Humiram ng salapi sa bangko upang gamitin sa kanyang pagsalakay sa France ngunit ito ay natalo at hindi nabayaran.
Bumagsak ang pagbabangko at pamumuhunan sabay ng paglaganap ng Black Death na kumitil ng maraming buhay.
Dalawang Bagay na Binigyang diin
Ang pagkakaroon ng mga bangko upang mapangalagaan ang kanilang salapi at;
Pakikipagkalakalan upang lumawak ang kanilang mga bansang nasasakupan.
Rebolusyong
Industriyal
Mga salik sa pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal sa Great Britain
Ang pagkakaroon nito ng matatag na kalagayang pulitikal.
Maayos na kalakalang panloob at matatag na sistema ng pagbabangko.
Pasibilidad sa pagseseguro. May pinakamaunlad na pangangalakal saa
daigdig at agrikultura. Maraming pantalan at ilog na pwedeng
paglayagan na nagsisilbing tagapag-ugnay sa loob at labas ng kalakalan.
Sa Britain Pagsakop o pagtatatag ng ibang kolonya ay
isang pangangailangan dahil sa negosyo at pagkakaroon ng maraming hilaw na materyales.
Nagdulot ng krisis sa panggatong ang mabilis na pagunlad ng industriya
Ika- 18 siglo nasaid ang kalakhan ng kabundukan nito at ang pinagmulan ng mga mina ng karbon
Nakadagdag ang pagtuklas ng STEAM PUMP sa pangangailangan sa mina at pagkatuklas ng pagtunaw ng mga bakal na halos umubos ng kanilang pinagkukunan ng mineral.
BAKAL, ASERO, GAS AT KARBON
Napakahalaga sa pagiging industriyal ng bansa ang pagsisimula ng produksyon.Nakatulong ang pagtuklas ng yero, bakal, asero, gas at karbon upang makatuklas ang tao ng iba’t-ibang bagay na makatutulong upang maging industriyal ang bansa. Tulong ng STEAM ENGINe na sinimulan ni THOMAS SAXERY (1698) at THOMAS NEWCOMEN (1712) na binago lang nang disenyo ni JAMES WATT.
Lumaki ang produksyon ng karbon dahil sa tulong ng makabagong teknolohiyang kanilang natuklasan sa pamamagitan ng STEAM PUMP.
KARBON Naging pangunahing panggatong ito
ng mga makina sa buong Europe at hilagang-silangang United States, kung saan natuklasan ang mabibigat at malalaking makinang pang-industriya sa lugar na mayayaman sa karbon. Matatagpuan ito sa mga lugar ng timog Wales, Ruhr at Silesia.
1880 Nagsimula ang pagunlad ng
enerhiyang pangkuryente sa pangunguna ni MICHAEL FARADAY.
Bukod sa mga makina at sasakyan, marami pang industriya ang umaasa ssa karbon at steam tulad ng industriya ng palayok na ni JOSIAH WEDGEWOOD ipinakilala.
Pag-unlad ng
makinarya
Pangangailangan ng Mura at Hilaw na kagamitan
Naging simula ng paghahanap ng paraan upang umunlad ang uri ng mga sasakyan noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.
Ibinunsod nina JOHN MAC ADAM at THOMAS TELFORD ang paggawa ng mga lansangan ngunit mahalaga pa rito ang kanilang natuklasan-----ang paggawa ng kanal----na maituturing na pinakamurang paraan para makapagdala ng mga produkto at materyal ng maramihan.
Programa para saa paggawa ng kanal na umaabot hanggang 6 400 kilometro na buong BRITAIN.
Humina lamang ito ng maimbento ang mga riles ng tren.
Nagsimula sa mas mabuting proseso sa Industriyalismo
Kaugnay ng pagtuklas ng makabagong daanan o pamamaraan ng paglalakbay sa Europe, nagpatupad ang Belgium at Germany ng higit na mahigpit na regulasyon ukol dito
Sa pagkakaroon ng makabagong sasakyan, naging maramihan at madali ang pagdadala ng mga produkto
Ang mga daang-bakal ng nagbigay-lakas o puwersa sa pagsulong ng electric telegraph sa UNITED STATES.
Industriyalismo sa Labas ng Britain
Britain bagaman dito nagsimula an
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL===hindi ito nag-iisa sa Europe dahil
kaalinsabay nito ang BELGIUMFRANCE naging mabagal ang
proseso ng industriyalismo hanggang sumapit ang ika-19 na siglo.
Sa panahong ito natuklasan ang mas malakas at magaling na teknolohiya sa elektrisidad na maaaring naging dahilan ng pag-ungos ng GERMANY bilang pangunahing industriyalisadong bansa.
United States Hindi pa masyadong nagiging
matagumpay ang kanilang pamamaraan sa industriyalismo
Nakilala sa daigdig ng industriya noong ika-20 siglo
Russia at Japan
Gawa ng patakaran ng pamahalaan ang industriyalismo sa huling bahagi ng ika-19 siglo.
1850 Binubuo ang dalawang bansa ng mga taong nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim o agrikultura.
IKA-20 SIGLO Biglangitinghal ang kapangyarihan ng japan
sa industriya, militar at pang-ekonomikong kompetisyon sa pandaigdig na industriyalismo
Napigil ang Russia dahil sa kahirapan sa komunikasyon at hindi pagtanggap ng mga mamamayan sa industriyalismo.
Epekto ng Industriyalismo
Industriyalismo:
nagpabago sa pamumuhay ng tao
Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsya na nagdudulot ng pagdami ng tao dito at nagiging squatter. Marami ang nagigingpalaboy dahil sa kawalan ng trabaho. Ang mga bata ay napilitang magtrabaho na naging napakabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampulitika at pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society na nagbunga ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa noong ika-19 na siglo.
Pag-unlad ng Industriyalismo
Higit pang nagsikap ang mga kanluranin sa pananakop ng mga kolonya dahil sa pangangailangan ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya na nagsisilbi ring pamilihan ng kanilang mga produkto.
Rebolusyong Siyentipiko..
Ika-15 siglo Ang pangunawa ng mga
europe ukol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga kristiyano at pilosopiya ni Aristotle.
Napakaliit lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na kahiwagaan ng sansinusukob
SansinukobNasesentro sa daigdig at ang mga banal na nagpapagalaw nito.
Europe Bahagya lamang ang kanilang kaalaman ukol sa agham.
Hindi pa nila abot ang paraan ng pagsususri ng pansiyentipiko.
Ika-16 at 17 siglo Ang hudyat sa pagpsok ng rebolusyong siyentipiko.
Simula ng panahong pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob at mundo.
Nagkaroon ng paliwanag ukol sa kaibahan ng likas na agham at kaninumang pangkulto
Noong una, marami ang naniniwala sa mahika, hula, at kulam dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman sa agham.
Aristotelian Orthodoxy
Sa pagsabak ng greece sa mga Romano, halos walang pagbabago sa kaalaman ng tao ukol sa agham at nanatili itong hindi kilala sa Europe.
Maliban sa kailangang pang-muslim na kanilang sinusunod, walang nadagdag sa kaalamang pang medisina, astrolohiya at matematika.
Ika-13 sigloNagbago ito nang magsagawa si Thomas Aquinas ng paglalagom ukol sa kabuuan ng Aristotelian Science.
Roger Bagon Nagmungkahi siya na
kailangan ang eksperimentasyon upang maging gabay nila sa kanilang pagtuklas.
Gumawa ng pag-aaral sa mata.
Naglarawan kung paano gumawa ng pulbura para sa sandata.
Iba’t ibang teorya ukol sa agham
Nicolas Copurnicas Isang matematikong taga-Poland Gumamit ng mathematical calculation
para pabulaan ang teorya ni Ptolemy na ang daigdig ang sentro ng sansinukob, na umiinag ang araw at daigdig nang halos sabay sa loob ng isang araw.
Wala siyang paraan para patunayan ito ngunit ang teorya niya ang naging tagumpay nina Johannes Kepler at Tycho Brahe.
Johannes Kepler at Tycho Brahe
Gumawa sila ng isang komprehensibo at tamang pagtataya sa astronomiya
Natuklasan nila ang super nova (tawag sa eksplosibong pagkamatay ng isang bituin) noong 1572 at kometa noong 1571.
Teorya ni Kepler
Gumagalaw na pa-eliptikal ang planeta sa paligid ng araw (kaysa pabilog ayon sa teorya ni Copernieus).
Tycho BraheNakaimbentong teleskopyo (pinagbuti at pinag-ayos ni Galiko)
Galileo Siya ang nagpatunay na tama ang teorya ni
Copernicus Natuklasan niya na may uka ang buwan Nakita niya ang mga bahagi ng Venus,
Jupiter at Saturn Nagbunga ang pagkakatuklas na ito ng mga
mas mas malalaking proyekto upang pag-aralan ang batas ng sansinukob, galaw na naglalarawan sa teorya ni Copernicus. Ang natuklasang ito ang naging tagumpay ni Sir Isaac Newton.
1616 Ipinagutos ng Papa na huwag basahin ng tao ang aklat ni Copernicus ngunit hindi ito pinakinggan ni Galileo, bagkus tinuligsa niya ito na naging dahilan ng pagtiwalag sa Roman Inguisition.
Mga Propeta na Pagbabagong Pang-agham
Dalawang kinikilalang propeta ng mga Pagbabagong Pang-agham
Frances Bacon
Rene descartes
Magkatulad nilang pananaw
Pag-aalinlangan sa mga kasagutan tungkol sa kalikasan sa pamamagitan ng mga klasika
Paniniwala sa pagtuklas ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pag-eeksperimento.
Paggamit ng mga kaalamang natuklasan sa kabutihan ng tao.
Mga propeta ng
Rebolusyong Siyentipiko
Francis Bacon
Novum Organum (1620) na nagpalaganap sa pamamaraang induktibo at naghudyat ng pilosopiyang emprisismo, paggamit ng obserbasyon at karanasan upang matuklasan ang katotohanan.
The Advancement of Knowledge.
New Atlantis, tinalakay niya ang utopyang makaagham.
Rene Descartes
Nag-imbento ng coordinate geometry, prinsipyo ng systematic doubt at ng pilosopiya ng Cartesian Dualism, ang paniniwalang nilikha ng Diyos ang dalawang uri karanasan: ang niloloob at ispiritwal (subjective) at ang labas na kaisipan (objective)
Isaac Newton
Unang nagpanukala ng prinsipyo ng grabitasyon.
Natuklasan niya ang Batas ng Grabitasyon na siyang dahilan nang patuloy na pag-inog ang mga planeta, buntala at iba pang nasa kalawakan.
Teorya tungkol saa paglaki , pagkati ng tubig at paglaki ng buwan.
The MATHEMATICAL PRINCIPLES of NATURAL PHILOSOPHY.
William Harvey
Tamang paglalarawan sa pagdaloy ng dugo.
Charles Darwin
Mga aklat na Origin of Species (1859) at Descent of Man and Selecion in Relation to Sex (1871),
ipinahayag niya ang sanhi ng ebolusyon ng mga hayop at lupa. Ayon sa kanya, maipaliliwanag ang pinagmulan ng tao at iba pang specie sa pamamagitan ng teoryang natural selection.
Hugo de Vries, Gregor Johann Mendel at Augusto Weismann
Sila ang nag-ayos ng teorya sa ebolusyon ni Darwin. Si de Vries, isang Olandes, ang lumikha ng teorya sa pag-iibang-anyo o mutation sa batas ng pagmamana.
Si Gregor Johann Mendel, isang mongheng Austriyano, ang nagsabing ayon a teoryang mutation, sanhi ng ebolusyon ang
pagkakaiba ng anyo at hindi ng pagkakaiba ng uri.
Hindi pinaniniwalaan ni Weisman ang teoryang namamana ng anak ang lahat ng mga katangian ng mga magulang. Ayon sa kanya ang mga katangian na matatagpuan lamang sa plasma ng magulang ang mamanahin ng anak.
Teodor Schwann at Karl Ernest Von Baer
Si Schwann ang nakatuklas noong 1835 na naglalaman din ng selula ang mga hayop.
Si von Baer ang “Ama ng Agham sa Embriyolohiya”.
Ang kanilang pag-aaral ang nagbigay-daan sa pagbuo ng teorya sa selula. Ayon sa teoryang ito, dumaraan sa iba’t ibang bahagi ng pagkabuhay ang isang tao habang nasa panahon ng Embriyoniko ito.
Antoine Lavoisier
Napatunayan niyang ang pagsunog o pag-iinit ng isang bagay ay nakapagpapabago sa mga kombinasyon ng mga elemento.
Si Lavoisier ang tinaguriang “Ama ng Kimika”
Epekto ng Rebolusyong Siyentipiko Tinanggap ng tao ang natural Science at maraming naniniwala rito. Maraming mga aklat ang naisulat ukol sa agham. Naitatag ang mga paaralang pang-agham sa Europe noong ika-18 siglo.
Ngunit hindi lahat ng sangay pang-agham ay umunlad katulad ng matematika, mekanics at astronomiya. Naghintay ang Chemistry hanggang ika-18 siglo para umunlad, gayundin ang medisina hanggang ika-19 na siglo.
Nagsagawa si Newton ng pagsasaliksik sa mga huling dekada ukol sa mga hula sa banal na kasulatan, mga milagro at Atchemy. Sa ganitong sitwasyon, nakatuklas ng grvity ay makapagbibigay-katwiran sa tinatawag na bagong Agham at Mahika.
Sinasabi na kahit maraming limitasyon ang Rebolusyong Siyentipiko, naging pangunahing dahilan ito sa kamalayan ng mga taga-kanluran.
Inihanda nina:
LEADER: Pherlee
Anne Joe C. LumabanMembers:
Cris Jun Muhi Jessica Padua
Mary Joy LolongSIR. ARBEL BLASURKA
THANK YOU!!!