4
AMC-018-HI-ABD TAGALOG PRSRT STD U.S. Postage PAID United Health Group ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO 3 TIP PARA SA PAGHINTO SA PANINIGARILYO 1 Makipag-usap sa iyong doktor. Magtanong tungkol sa mga gamot o pagpalit ng nicotine. 2 Gumawa ng plano. Pumili ng petsa ng paghinto. Magpasya kung anong mga tool ang gagamitin mo upang matulungan kang huminto. 3 Kumuha ng suporta. Tumawag sa Linya sa Paghinto (Quit Line) ng Hawaii sa 1-800-QUIT- NOW. Sumali sa isang pangkat sa isang klinika, ospital o community center. Sundan ang isang online na programa sa www.smokefree.gov o isa pang website. TAGSIBOL 2011 6IKAW AT ANG IYONG DOKTOR Evercare QExA P.O. Box 15923 Honolulu, HI 96830 SA bahay mismo GAWING KATUWANG MO SA KALUSUGAN ANG PCP Kapag nagpupunta ka sa parehong lugar para sa karamihan ng iyong pangangalaga sa kalusugan, tinatawag itong medikal na tahanan (medical home). MGawing medikal na tahanan (medical home) mo ang tanggapan ng iyong primary care provider (PCP). Ibibigay o isasaayos ng iyong PCP ang lahat ng iyong pangangalaga sa kalusugan. Kung kailangan mo ng mga pagsusuri o paggamot na hindi maibibigay ng iyong PCP, ire-refer ka ng iyong PCP para sa pangangalagang ito. Ang pagkakaroon ng medikal na tahanan (medical home) ay tutulong sa iyo at sa iyong PCP na makilala ang isa’t isa. Kapag kilala ka at ang iyong medikal na kasaysayan ng iyong PCP, makakapagbigay siya ng pinakamahusay na pangangalaga para sa iyong mga pangangailangan. DR. RIGHT Dapat na maging kumportable ka sa iyong PCP. Kung hindi, pumili ng bago. Upang makakita ng listahan ng mga kalahok na tagapagbigay, tingnan ang www.evercarehealthplans.com/ HI_QExA. O tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free.

AY ISANG MAHUSAY NA PLANO TAGSIBOL 2011 · limang pangunahing pangkat-etniko ng Hawaii. Karamihan sa mga kababaihan ay magagamot, salamat sa maaagang pagtuklas dahil sa mga Pap test

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

AMC-018-HI-ABD TAGALOG

PRSRT STD U.S. Postage PAID

United Health Group

ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAYAY ISANG MAHUSAY NA PLANO

3 TIP PARA SA PAGHINTO SA PANINIGARILYO

1 Makipag-usap sa iyong doktor. Magtanong tungkol sa mga gamot o pagpalit ng nicotine.

2 Gumawa ng plano. Pumili ng petsa ng paghinto. Magpasya kung anong mga tool ang gagamitin mo upang matulungan kang huminto.

3 Kumuha ng suporta. Tumawag sa Linya sa Paghinto (Quit Line) ng Hawaii sa 1-800-QUIT-NOW. Sumali sa isang pangkat sa isang klinika, ospital o community center. Sundan ang isang online na programa sa www.smokefree.gov o isa pang website.

TAGSIBOL 2011

6IKAW AT ANG IYONG DOKTOR

Evercare QExAP.O. Box 15923Honolulu, HI 96830

SAbahay mismoGAWING KATUWANG MO SA KALUSUGAN ANG PCPKapag nagpupunta ka sa parehong lugar para sa karamihan ng iyong pangangalaga sa kalusugan, tinatawag itong medikal na tahanan (medical home). MGawing medikal na tahanan (medical home) mo ang tanggapan ng iyong primary care provider (PCP). Ibibigay o isasaayos ng iyong PCP ang lahat ng iyong pangangalaga sa kalusugan. Kung kailangan mo ng mga pagsusuri o paggamot na hindi maibibigay ng iyong PCP, ire-refer ka ng iyong PCP para sa pangangalagang ito.

Ang pagkakaroon ng medikal na tahanan (medical home) ay tutulong sa iyo at sa iyong PCP na makilala ang isa’t isa. Kapag kilala ka at ang iyong medikal na kasaysayan ng iyong PCP, makakapagbigay siya ng pinakamahusay na pangangalaga para sa iyong mga pangangailangan.

DR. RIGHT Dapat na maging kumportable ka sa iyong PCP. Kung hindi, pumili ng bago. Upang makakita ng listahan ng mga

kalahok na tagapagbigay, tingnan ang www.evercarehealthplans.com/HI_QExA. O tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free.

2 HEALTH TALK

mahusayNA BALANSE

5 TIP PARA SA PAGPIGIL SA MGA PAGBAGSAK

1 EHERSISYO. Ginagawang mas malamang na babagsak ka ng pagkakaroon ng mahihinang binti o mahihinang balanse. Maglakad-lakad bawat araw. Subukan ang mga ehersisyo tulad ng Tai Chi na mapapabuti ang iyong balanse. Humanap ng mga murang klase para sa mga matatanda sa iyong lokal na ospital o community center.

2 ALAMIN ANG IYONG MGA GAMOT. Sabihin sa iyong doktor kung nahihilo o inaantok ka dahil sa iyong mga gamot. Minsan ay kumbinasyon ito ng mga gamot na nagdudulot ng mga problema. Maaaring magawang baguhin ng iyong doktor ang mga problemang gamot.

3 PATINGNAN ANG IYONG PAGTINGIN. Mahirap na gumalaw nang ligtas kung hindi ka nakakakita nang maayos. Pumunta sa iyong doktor bawat taon. Tiyaking tama ang grado ng iyong mga salamin at contact lens.

4 PANATILIHING LIGTAS ANG IYONG TAHANAN. Maaaring magdulot ng pagkadulas ang kalat, mahinang ilaw o maliliit na basahan. Gumamit ng mga hindi nakakadulas na basahan sa iyong palikuran. Gumamit ng mga kurtina o pantakip upang mabawasan ang pagkasilaw. Gumamit ng mas maliliwanag na bumbilya o higit pang mga ilaw. Panatilihin ang mga bagay na pinaka-ginagamit mo sa kusina sa mas mabababang cabinet.

5 MAGSUOT NG KUMPORTABLENG SAPATOS. Magsuot ng matibay na sapatos, kahit na kung nasa bahay ka. Tiyaking mayroong hindi nakakadulas na suwelas ang mga ito. Mahusay na opsyon ang sneakers. Huwag magyapak o magsuot ng tsinelas.

HI-A

BD

sweet heartANG MGA KAALAMAN NG SAKIT SA PUSO NA MAY DIABETESAng mga taong may diabetes ay dalawa hanggang apat na beses na mas malamang na magkaroon ng sakit sa puso kaysa sa mga taong walang diabetes. Kaya napakahalagang alagaan ang iyong sarili kung mayroon kang diabetes. Panatilihing kontrolado ang iyong asukal sa dugo. Kumuha ng taunang lipid profile, pagsusuri sa mata at pag-screen sa paggana ng kidney. At tandaan ang mga kaalaman ng sakit sa puso at diabetes.

A NG A AY PARA SA A1C. Nagbibigay ang pagsusuring ito ng average ng iyong asukal sa dugo sa loob ng ilang buwan. Para sa mga taong may diabetes, ang isang mabuting resulta ay mas mababa sa 7 porsyento. Kung hindi maayos na kontrolado ang iyong diabetes, magpasuri bawat tatlong buwan. Kung may mahusay kang pagkontrol, magpasuri dalawang beses sa isang taon.

B NG B AY PARA SA BLOOD PRESSURE. May mataas na blood pressure ang may tatlo sa apat na bahagi ng mga nakakatakdang may diabetes. Patingnan ang iyong blood pressure sa bawat pagbisita sa doktor. Dapat na mas mababa sa 130/80 mmHg ang iyong blood pressure.

C NG C AY PARA SA CHOLESTEROL. Dapat na mas mababa sa 100 mg/dL ang iyong LDL (“masamang”) cholesterol. Dapat na mas mataas sa 60 mg/dL ang iyong LDL (“mabuting”) cholesterol. Patingnan ang iyong cholesterol bawat taon. Kung mataas ito, dapat itong matingnan nang mas madalas habang kinokontrol mo ito.

MAY DIABETES? May mga programa ang Evercare na tumutulong sa mga tao na may diabetes, obesity at iba pang malalalang kundisyon. Tawagan

ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free.

6MGA PANGMATAGALANG KALAGAYAN

6PARA LAMANG SA MGA NAKAKATANDA

KAPAG BUMAGSAK KA Kung bumagsak ka at hindi ka nakakatiyak kung kailangan mo ng medikal na tulong, tumawag sa Linya ng Nars (NurseLine) sa 1-888-

980-8728 (TTY 711). Matutulungan ka ng isang nars na magpasya kung kailangan mong pumunta sa isang emergency room, isang center para sa agarang tulong o iyong doktor.

8NGAYONG TAON, MAHIGIT SA 2 MILYONG NAKAKATANDA ANG PUPUNTA SA ISANG EMERGENCY ROOM PAGKATAPOS NA MATUMBA

TAGSIBOL 2011 3

ayon sa aklatTINGNAN ANG IYONG HANDBOOK NG MIYEMBRO

Nabasa mo na ba ang iyong handbook ng aklat? Ito ay isang napakahusay na mapagkukunan ng impormasyon. Sinasabi sa iyo nito kung paano gamitin ang iyong plano. Ipinaliliwanag nito ang:g iyong mga karapatan at

responsibilidad ng miyembro.g saan, kailan at kung paano

makakakuha ng pangunahing pangangalaga, pagkatapos ng oras ng operasyon, kalusugan ng pag-uugali, espesyalidad, ospital at pangkagipitang pangangalaga.

g ang mga benepisyo at serbisyong mayroon ka.

g ng mga benepisyo at serbisyong. wala ka (mga pagbubukod).

g paano malaman ang tungkol sa mga kalahok na provider.

g paano gumagana ang mga benepisyo ng iyong resetang gamot.

g mga katotohanan sa pagbabahagi ng gastos, kung mayroon.

g ano ang gagawin kung kailangan mo ng pangangalaga kapag nasa malayo ka.

g ailan at kung kailan ka makakakuha ng pangangalaga mula sa isang provider na wala sa network.

g paano magsabi ng isang reklamo o iapela ang pagpapasya sa saklaw.

g paano nagpapasya ang iyong plan kung anong mga bagong teknolohiya ang saklaw.

g paano humiling ng tagasaling-wika (interpreter) o iba pang tulong sa wika o pag-translate.

panahon N G PA G S U S U R I

MATATALO MO ANG CERVICAL CANCER

Matutuklasan ng higit pa sa 12,000 kababaihan na mayroon silang cervical cancer ngayong taon. Ang mga kababaihang Native Hawaiian ang may pinakamataas na antas ng cervical cancer sa limang pangunahing pangkat-etniko ng Hawaii. Karamihan sa mga kababaihan ay magagamot, salamat sa maaagang pagtuklas dahil sa mga Pap test. Sa hinaharap, maraming kaso ng cervical cancer ang maiiwasan dahil sa bakuna sa HPV.

Maagang hinahanap ng mga pap test ang cancer at pre-cancerous na mga pagbabago. Sa isang pap test, maingat na tinatanggal ng iyong doktor ang mga selula mula sa ibabaw ng iyong cervix. Tinitingnan sa isang lab ang mga selula sa ilalim ng isang mikroskopyo. Simulang kumuha ng mga pap test sa edad na 21, o tatlong taon pagkatapos mo magsimulang makipagtalik, anuman ang mahina. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa kung gaano kadalas ka susuriin.

Karamihan sa mg cervical cancer ay dulot ng human papillomavirus (HPV). Napaka-karaniwan ng HPV. Makukuha mo ito mula sa hindi protektadong pakikipagtalik. Maaari kang suriin ng iyong doktor para sa impeksyon ng HPV O magrekomenda ng bakuna para sa HPV.

MAGING MATALINO Mababasa mo ang handbook ng miyembro sa online sa www.evercarehealthplans.com/HI_QExA.

O tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free.

HI-A

BD

6TUNGKOL SA IYONG PLAN6PAG- IWAS

4 HEALTH TALK

problema sa pusoPAGHARAP SA CHF

ANO ANG CHF?Ang congestive heart failure (CHF) ay karaniwan sa mga nakakatandang tao. Sa congestive heart failure, hindi maayos na tumitibok ang puso. Ang ibig sabihin into ay mas kaunting dugo ang dumadaloy sa mga kalamnan at iba pang mga organ.

MGA SINTOMASNagdudulot ang CHF ng problema sa hininga (lalo na habang nag-eehersisyo o diretsong nakahiga sa kama), pagkapagod, panghihina at pamamaga sa bukung-bukong. Kung hindi nagamot, maaaring makamatay ang kundisyon.

PAGGAMOTKung mayroon kang CHF, maaaring magrekumenda ang iyong doktor ng higit pang pahinga o binagong pang-araw-araw na mga aktibidad, isang diyeta na kaunti lamang ang asin at gamot. Matutulungan ka rin ng magaang ehersisyo na gumaan ang pakiramdam.

BAWASAN ANG IYONG PELIGROKontrolin ang mataas na blood pressure. Huwag manigarilyo. Magbawas ng timbang kapag sinabi ng iyong doktor. Mag-ehersisyo. Kumain ng mas kaunting asin at maalat na pagkain.

NARITO ANG TULONG May programa ang Evercare na tumutulong ang mga taong may CHF. Tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free upang matuto nang higit pa tungkol sa programa.

HI-A

BD

6MGA PANGMATAGALANG KALAGAYAN

ANG TAMANG PANGANGALAGAGusto naming makuha mo ang tamang pangangalaga sa tamang panahon at sa tamang lugar. Ayaw naming makakuha ka ng masyadong kaunting pangangalaga o pangangalagang hindi mo talaga kailangan. Kailangan din naming tiyaking isang saklaw na benepisyo ang pangangalagang nakukuha mo. Ginagawa namin ito sa utilization management (UM). Isinasagawa ang UM ng mga kwalipikadong clinician gaya ng mga nakarehistrong nars, doktor at pharmacist. Hindi namin ginagantimpalaan ang sinuman na tumatanggi sa kinakailangang pangangalaga.

MGA TANONG SA UM? Tawagan ang aming mga serbisyo ng lokal na miyembro sa 1-888-980-8728 (TTY 711) toll-free. Huminging makipag-

usap sa isang tao sa utilization management. Ipapaliwanag namin kung paano gumagana ang UM at ano ang ibig sabihin nito para sa iyong pangangalaga.

1-888-980-8728

MAKIPAG-USAP SA AMIN GAMIT ANG IYONG WIKA

This document contains important information. Call 1-888-980-8728 to get the document in another

language or have it orally translated for you.

Naglaon daytoy a dokumento iti napateg nga impormasion. Umawag iti 1-888-980-8728 tapno

maalam ti dokumento iti sabali a lengguahe wenno maibasa kenka iti maawatam a lengguahe.

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon. Tumawag sa 1-888-980-8728

upang makuha ang dokumento sa ibang wika o upang masabi ito sa inyo sa ibang wika.

1-888-980-8728