Upload
john-renzo-erfelo
View
309
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Pagsisikap para Umunlad
Inihanda nina: John Renzo E. Erfelo
AtKurt Russel F. Mabborang
Pamahalaang Ramos
Sa kampanya noong halalan ng taong 1992, naghain si Fidel V. Ramos ng plataporma tungo sa maunlad na kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kapangyarihan sa mga mamayanan.
Nanumpa sa Quirino Grandstand sa Luneta ang itinuturing na panlabindalawang Pangulo ng Pilipinas na si Fidel Valdez Ramos, noong Hulyo 30, 1992.
Pang. Fidel V. Ramos
Ang Pag-unlad ng Bansa
Ang pangunahing programa ng pamahalaan ni Pangulo Ramos ay ang umunlad ang ekonomiya ng bansa.
Upang maging isang Newly industrialized Country o NIC ang Pilipinas, itinaguyod niya ang proyektong Philippines 2000.
Hinikayat nya ang mga dayuhan mamuhunan sa Pilipinas upang magkaroon ng malayang pakikipagkalakalan sa buong mundo.
Ipinagpatuloy ni Ramos ang Asset Privatization Trust para ang mga kompanyang nasa pamamalakad ng gobyerno ay mabili ng mga pribadong mangangalakal para makalikom ng pondo ang pamahalaan.
Ang Pag-unlad ng Bansa
Ang Katahimikan ng Bansa
Nakipagkasundo ang Pamahalaang Ramos sa mga rebeldeng Muslim.
Itinatag niya ang Special Zone of Peace and Development (SZOPAD) na kinabilangan ng ilang lalawigan sa Mindanao.
Itinatag din niya ang Southern Philiphines Council for Peace and Development (SPCPD) na pinamunuan ni Nur Misuari, ang pinuno ng Moro Nationa Liberation Front (MNLF).
Siya ay lumagda sa kasunduang kapayapaan noong Setyembre 2, 1996.
Nagkaroon ng mapayapang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na kinabibilang ng Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.
Ang Katahimikan ng Bansa
Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos
1. Dahil sa pag-alis ng kontrol sa presyo ng langis, tumaas ang presyo ng mga bilihin.
2. Nagkaroon ng malawakang pangongolekta ng mas mataas na buwis dahil sa pagpapairal ng Expanded-VAT na kanainisan ng maraming tao.
3. Marami ang katiwaliang naganap, tulad ng nawawalang mga pondo ng gobyerno, na tinawag na pork barrel.
Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos
3. Ito ay pinaghihinnalaang napupunta sa bulsa ng mga kawani ng gobyerno, sa halip na magamit sa proyekto para sa pangangailangan ng mga mamayanan.
4. Umangat ang kaunlaran ng bansa ngunit ang dating mayaman lamang ang lalong yumaman at ang mahihirap ay hindi gaanong natutulungan.
Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos
5. Maraming lupang pansakahan ang ginawang mga subdibisyon na tinayuan ng condominium o townhouses, golf courses at resorts para sa mayayaman. Ito ang naging sanhi ng pagbaba ng agrikultura sa bansa.
6. Tumaas ang kriminalidad tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o drugs, carnapping, panggagahasa at pagpatay, panghoholdap samga barko, pagnanakaw at kidnap for ransom.
Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos
6. Pinaninwalaang sangkot dito ang mga dating pulis at sundalo.
Pamahalaang Estrada
Umaga ng Hunyo 13, 1998 nang maupa sa tungkulin si Joseph Ejercito Estrada (kilala bilang Erap Estrada) sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.
Siya ay nanumpa bilang ikalabintatlon Pangulo ng Pilipinas.
Sa araw ring iyon nanumpa sa tungkulin bilang Pangalawang Pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo, anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal.
Pangulo Joseph Ejercito Estrada
Programang Pangkabuhayan
Ipinangako ni Panguo Joseph Ejercito Estrada sa kanyang hahanguin ang mamayanan sa kahirapan at aalisn ang katiwalaan sa pamahalaan o ang milyon-milyong pisong napupunta sa bulsa mng mga kawani ng gobyerno.
Programang Pangkabuhayan
Ipinagpatuloy nya ang mga programa ng Pangulong Aquino at Pangulong Ramos sa Trade Liberalization o ang pagbibigay ng kaluwagan at pag-aalis sa mga kontrol at malaking buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga ipinapasok na kalakal sa bansa.
Ipinagpatuloy niya n Estrada ang Asset Privazitation Trust na nasimulan noong mga nakaraang administrasyon na kung saan ang mga kompanyang nasa pamamalakad ng
Programang Pangkabuhayan
gobyerno ay ipinagbili sa mga pribadong mangangalakal upang makaipon ng pera para sa pangangailangan ng bansa.
Ang Pakikipag-ugnayang Panlabas
Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay pinag-ibayo ni Pangulo Estrada.
Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa buong mundo.
Hinikayat niya ang mga dayuhan na maglagak ng pamunuhan sa Pilpinas.
Dumalo siya sa mga pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at bumisita sa ibang bansa.
Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa
Sa pamumuno ni Pangulo Estrada, binigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa ngunit marami ang naging hadlang sa kanyang mga programang pangkabuhayan.
1. Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t –ibang bansa na umabot sa $45 bilyon.
2. Mga kalamidad na bumisita sa ating bansa. Ang El Nino na nagdulot ng matinding tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa noong 1998 na sumira sa may mahigit sa isang
Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa
milyong ektarya ng lupang sakahan. Ang mga matitinding bagyong dala ng La Nina ay kumitil sa buhay ng maraming tao at sumira sa bilyon-bilyong ari-arian sa Mindanao.
3. Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asia ay nagdulot ng pagbaba sa halaga ng piso. Ang halaga ng $1 ay humigit-kumulang sa Php. 40.00. Naging mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.
Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa
4. Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihan dahil sa pagbaba ng halaga ng piso.
5. Ang pagsasara ng maraming pabrika, bangko, at sari-saring kompanya dahil sa kakulangan sa pondo.
6. Ang kaguluhan sa Mindanao na dulot ng Abu Sayyaf na kumidnap ng mga inosenteng mamamayan at dayuhan.
Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa
7. Ang patuoy na kriminalidad,kidnapping,at pagkalat ng ipnagbabawal na gamot.
8. Ang mga malawakang katiwalian sa pamahalaan at malaking kakulangan sa pondo nito.
9. Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya.
Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada
Ang impeachment ay isang prosesong konstitusyonal na makapagpapaalis sa tungkulin sa isang pinuno ng pamahalaan,tulad ng Pangulo, Pangalawang-Pangulo, at mga Mahistrado ng Korte Suprema, bago matapos ang panahon ng kanilang panunungkulan.
Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada
Maaari silang tanggalin sa posisyon kung ginawa nila ang:
1. Paglabag sa Saligang Batas,2. Pagtataksil sa bansa,3. Panunuhol,4. Pandaraya,5. Pagsira ng tiwala ng bayan at,6. Iba pang malubhang krimen.
Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada
Sa reklamo ni Gobernador Chavit Singson,inakusahan si Pangulong Estrada na sangkot sa ilegal nasugal na jueteng
Naharap si Estrada sa impeachment. Nagkaroon ng paglilitis at pinalabas
sa telebisyon,ngunit hindi naibigyan ng taong-bayan ang naging proseso.
Ang People Power II
Noong gabi ng Enero 16,2001,nagtawagan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng cell phone at texting na pumunta sa EDSA.
Mahigit isang milyon ang taong dumalo sa rali sa EDSA laban kay Estrada.
Sila ay nagrali nang 4 na araw, hanggang mapaalis si Estrada sa Malacanang
Ang People Power II
Ang Pamahalaang Arroyo
Nanumpa si Besi-Presidente Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong Presidente ng Pilipinas noong ika-1:30 ng hapon Enero 20,2001 bago pa man nakaalis si Estrada sa Malacanang.
Ipinagpatuloy niya ang Asset Privatization Trust.
Ang Pamahalaang Arroyo
Ipinagpatuloy niya ang pinairal ni dating Pangulong Aquino at Pangulong Ramos na Trade Liberalization o ang pagbibigay-kaluwagan,at pag-aalis sa mga kontrol at malaking buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga pinapasok na kalakal sa bansa.
Hindi naianagat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ekonomiya ng bansa upang mahango ang mga mamamayan sa kahirapan.
Mga Suliraning Hinaharap
Sa ilalim ng Pamahalaang Arroyo,maraming suliranin ang kinaharap ng bansa:
1. Pag taas ng antas ng kriminalidad sa buong bansa.
2. Pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolya.Noong Enero 2002,ang halag ng $1ay humigit kumulang sa php 56.00,at mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.
Mga Suliraning Hnaharap3. Paglala ng pagpupuslit ng mga
produkto mula sa ibang bansa (smuggling)
4. Pagtaas ng halaga ng langis,koryente,at mga pangunahing bilihin
5. Paglala ng katiwalian sa pamahalaan6. Paglubha ng paghihirap ng mga
mamamayan.Ang unemployment rate noong 2001 ay 9.8%; noong April 2002,ito ay naging 13.9%; noong Aprl 2003 ito ay naging 12.2%; umala ui ito at naging 13.7% noong April 2004.
Mga Suliraning Hnaharap
7. Paglubo ng husto ng kakulangan sa badyet ng pamahalaan at humigit na sa php 200 bilyon
8. Pag laki ng utang na Pilipinas sa loob at labas ng bansa na umabot na sa php 5.16 trilyon noong Disyembre 2002 ayon sa tala ng Department of Finance, at lalo itong lumak sa pagsuma ng mga karagdagang gastusin ng pamahalaan para sa 2003 hanggang Mayo 2004 dahil sa halalan.
Mga mahihirap
Ang Pamahalaang Demokrasya
Ayon sa Panimula at Artikulo II Seksiyon 1ng Konstitusyong 1987,ang Pilipinas ay isang estadong republika at demokratiko.
Sa isang pamahalaang demokratiko,ang nakararami o majority sa mamamayan ang inaasahang napakapangyayari o nasusunod sa pamamgitan ng pag boto o plebisito.
Ang mamamayan ay may mga karapatan at kalayaan.
Ang Pamahalaang Demokrasya
Maaaring makialam ang mga mamamayan kung paano patatakbuhin ng pinuno ang pamahalaan.
Dahil ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao sa ilalim ng demokrasya,ang mga mamamayan ay higit na naging responsable dahil alam nilang ang tagumpay o kabiguan ng pamahalaan ay nakasalalay sa kanila.
Ang Pamahalaang Demokrasya
Hindi kailangan gumamit ng dahas upang magkaroon ng mga pagbabago sa isang demokrasya.
Maaaring makamit ang mga pagbabago sa pamamagitan ng matahimik na halalan o ng mga pasusung sa kostitusyon.
Mga Tanong
Mga SagotA
1. Makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng pamahalaan.
2. Mahikayat ang mga dayuhang maglagak ng puhunan sa Pilipinas.
3. Maging newly industrialized country ang Pilipinas.
4. Magkaroon ng pagkakasundo ang pamahalaan at mga rebeldeng Muslim.
5. Masugpo ang malawakang katiwalian sa pamahalaan.
B
A. Paglulunsad ng Philiphines 2000
B. Pagtatag ng Special Zone of Peace and Development
C. Pagbisita sa iba’t-ibang bansa
D. Pagsasapribado ng mga kompanyang nasa pamamahala ng gobyerno
E. Pagdalo sa mga pulong ng APEC
F. Pag-alis ng pork barrel
Mga Tanong
1. Makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng pamahalaan.
Sagot: D. Pagsasapribado ng mga kumpanyang nasa pamamahala ng gobyerno.
2. Mahikayat ang mga dayuhang maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Sagot: E. Pagdalo sa mga pulong ng APEC.
3. Maging newly industrialized country ang PilipinasSagot: A. Paglulunsad ng Philippines 2000.4. Magkaroon ng pagkakasundo ang pamahalaan at mga
rebeldeng Muslim. Sagot: B. Pagtatag ng Special Zone of Peace and Development.
5. Masugpo ang malawakang katiwalian sa pamahalaan.Sagot: F. Pag-alis ng pork barrel.
Maraming Salamat Po