10
Sining At Agham ng Pagtuturo Cherry Osteria

Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Sining At Agham

ng PagtuturoCherry Osteria

Page 2: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Sining At Agham ng Pagtuturo

• Ang pagtuturo ay isang SINING. Isang larangan din naman ito ng AGHAM.• Ito ay isang sining pagkat ito ay maayos na paraan ng

pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman. • Ang pagtuturo ay sangay ng karunungang nauukol sa

paglikha ng maririkit na bagay, magagandang kaganapan. • Ang pagiging malikhain at pagka-re-sourceful ay

nagbubunga ng mabisang pagtuturo. • Kaya’t kung ikaw ay isang guro, ikaw ay manggagawa at

alagad ng sining at siyensiya .

Page 3: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

LayuninAng uri ng layunin sa pagtuturo ay siyang tumutuloy

sa uri ng pamaraang isasagawa sa pagtuturo.

Depende sa DOMEYN ng layunin ang binibigyang pokus: kung ito’y kognitibo, saykomotor, pandamdamin o apektibo.

Page 4: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Paksa• ang uri o kalikasan ng paksang ituturo, ng asignatura at

ng paksang-aralin ay baryabol sa pagpili ng angkop na paraan ng pagtuturo.

Ang iba-iba paraang pagtuturo ay napapangkat sa tatlong katageryo ng:A. Pamamaraang pakikinig-pagsasalita B. Pamamaraang pagbasa-pagsulat C. Pamamaraang pagmamasid-pagsasagawa. 

Page 5: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

PaksaMAG-AARAl- mahalagang baryabol sa pagpili ng pamamaraang

gagamitin ay ang mga mag-aaral. Mahalagang salik ang kanilang kakayahan, kawilihan, karanasan at mga pangangainlangan.

GURO- ang guro na siyang magsasagawa ng pipiliing paraan ng pagtuturo ay mahalaga, sapagkat siya ang magbibigay ng buhay at sigla sa kung ano mang paraan ang mapili.

KAGAMITAN- ang pagkakaroon ng AVAILABILITY ng iba’t-ibang instrumento, mga kagamitan ay dapat na isaalang-alang sa pagpili ng paraan ng pagtuturong gagamitin.

KAPALIGIRAN NG PAARALAN- ang kapagiliran ay ang nakakaganyak ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa halos lahat ng mga gawain sa pagkatuto. 

Page 6: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Ang Epektibong Pagtuturo

• Sa bahaging ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang guro na nakapagsasagawa ng matagumpay at epektibong pagtuturo. Batid ng marami na ang guro ang pinakamahalagang baryabol sa silid-aralan. Ito ang tunay na guro na nag-aangkin ng mga kakayahan at kasanayang propesyunal, magagandang saloobin at pananaw sa propesyon at maymagagandang katagiang personal. Maaaring maging guro siyang qualified to teach subalit baka hindi naman siya quality. 

Page 7: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

4 Dapat pag-ukulan ng pansinSina Kathleen M. Bailey at Marianne Celce-Murcia sa kanilang pag-aaral ay bumabanngit ng apat na lawak na anila ay dapat nang pag-ukulan ng pansin; A. Ang kaligirang sosyal B. Baryedad sa mga gawaing pagkatuto C. Opurtunidad ng mga mag-aaral sa pakikilahok D. Reaksyon at mga pagwawasto

Page 8: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Ang Kaligirang Sosyal• Ito at itinuturing na isa sa mahahalagang salik sa matagumpay na

pagtuturo at pagkatuto. Sa mga pananaliksik ni Schurman, Mokowitz (1976), Benevento at Foust (1973), Moskowitz at hayman (1974) ay natukoy ang kahalagahan ng kaiga-igahang kaligirang sosyal sa anumang pagkatuto. Maaaring ito ay kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyunal at ang kaaya-ayang katauhan ng guro. • Ayon naman kina Brophy at Good (1974)- The teacher’s warmth and

enthusiasm consistently show a positive correlation with student’s achievements. What the teacher says and does is so significant in establishing classroom atmosphere that can overweigh the effects of materials, methods, and educational facilities.

Page 9: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Ang Kaligirang Sosyal• Sa pag-aarl ng ginawa ni Godelle Ato (UP) - napatunayan na may

positibong kaugnayan sa damdamin at reaksyon ng mga mag-aaral sa mga pantawag sa kanila at ang kanilang palagay at pagpapahalaga sa sarili at sa kanilang nagagampanan sa paaralan. • May mga paraang magagawa ang guro upang magkaroon ng

kaligirang sosyal na mahihikayat sa madali at epektibong pagkatuto gaya ng:

Kilalanin ang bawat mag-aaral. Pakikipanayam at pagpapakilala. Ang kapaligirang pisikal ng silid-aralan. Simulan ang bawat

pagkaklase, lalo na ito ay asignaturang Wika o Sining ng komonikasyon sa mga pambungad. 

Page 10: Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo (Sining at Agham sa Pagtuturo)

Baryedad sa mga Gawaing Pagkatuto

• Higit na kawili-wili at nagiging epektibo ang pagkatuto ng aralin sa wika man o sa iba pang asignatura kung may baryedad sa mga gawain. Maraming mga kagamitan biswal at awdyo-biswal gaya ng film strips, audio recording, movie projector, OHP, slides, video tapes atbp. • Ang role playing ay mabisa ring paraan ng paglinang ng

mga kasanayang pangwika. Ang pag-anyaya paminsan-minsan ang resource speaker o taong kasangguni na siyang magpapaliwanag o tatalakay ng mahalagang paksa ay isa ring baryasyon sa gawain sa loob ng silid-aralan