Upload
lorenz-inciong
View
1.482
Download
24
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Facebook : www.facebook.com/mrinciong twitter : @mrinciong
Citation preview
Kabanata XLVAng Pinag uusig
INCIONG
Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si
Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang magkita. Noon, ayon Kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias.
Ang Pinag-uusig
INCIONGKabanata
XLV
Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si
Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya
itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni
Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang pagpupuyos.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Ang kanyang anak na dalaga ay
pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang
anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at
pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang
kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni
kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Nangako ang matanda na hindi rin siya
susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na
siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako
ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra ) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
Kapag pumayag ang binata, may maasahan
at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.
INCIONG
Ang Pinag-uusig
Kabanata XLV
INCIONG
Kabanata XLVI Ang Sabungan
“Hindi mawawala ang sabungan sa anumang
bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman
naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan
ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan.”
“Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. ”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“ Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa
halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng
salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid
sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI
“Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang
kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.”
INCIONG
Ang Sabungan
Kabanata XLVI