Upload
arf-feliciano
View
46.040
Download
33
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Araling Panlipunan Grade 7 Modyul 3: Mga repormista at ang kanilang adhikain. Powerpoint presentation
Citation preview
Sa ating nakaraang modyul and mga repormang (pagbabago) hinangod nina Sanciangco at Juan Luna ay naging bagahi ng kilusang reporma ng mga Filipino sa Espanya
Sa modyul 3, Kilusang Propaganda ay ating aalamin ang mga Repormista at ang kanilang simulain; layunin at pamamaraang ginamit na kilusan.
Dahil sa lalo pang nagpatuloy ang pang-aabuso ng mga Espanyol ang mga Filipinong nakaangat sa buhay ang nagtungo sa ibang bansa upang mag-aral. Nabuklod-buklod sila at nagkaisa upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga mamayang Filipino.
Naglungsod sila ng mapayapang kampanyang humihingi ng reporma at pagbabago sa sistema ng pamamahala ng mga Espanyol.
Ito ay kilala bilang KILUSANG PROPAGANDA
Paaralan :Ateneo Municipal, Universidad de Santo Tomas (UST), Universal Central de Madrid
Kurso:Batsilyer sa Sining, Pilosopiya at Panitikan, Agham ng pagsasaka at MedisinaPambansang
Bayani ng Pilipinas
Dr Jose Protacio Rizal, pangalan sa panulat. Dimasalang at Laong-Laan. Nagtatag ng “La Liga Filipina” sumulat ng mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga.
Paaralan:Letran College, Universidad de Santo Tomas(UST)
Kurso:Abogasya
Marcelo H. del Pilar, gumamit ng pangalang Plaridel, naging patnugot ng “La Solidaridad”, isang manananggol, pinarangalan ng mga kalabang Kastila bilang pinakadakilang mamamayang Pilipino. Sa Espanya siya namatay dahil sa sakit.
Paaralan:Letran College, Universidad Central de Madrid
Kurso:Medisina
Si Mariano Ponce (Marso 23, 1863-Mayo 23, 1918) ay isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na hinimok ang mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1896.
Paaralan:Ateneo Municipal, Academio de Debujo Y Pintura
Kurso:Pagpipinta
Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.
Paaralan:Universidad de Santo Tomas, Universidad de Barcelona
Kurso:Parmasya
Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna.
Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.
Paaralan:Universidad de Valencia
Kurso:Medisina
Si Graciano López Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.
Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.
Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.
KILUSANG PROPAGANDA – isa sa mga humubog ng kamalayang Pilipino noong siglo 19
1.Maling pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.3. Kawalan ng kamalayan bilang isang Pilipino
1. Nagbigay ng Talumpati.2. may gumamit ng sining - biswal3. Idinaan sa pagsusulat.
Kingdom of León
Isang lugar na nasa hilagang kanluran ng Iberian Peninsula. Ito ay nadiskubre noong AD 910 nung ang mga prinsipe ng Asturias sa bandang hilagang baybayin ng Peninsula ay nagpalit ng capital at kinuwa ang lugar na ito.
ang mga opisyal na Espanyolang mga opisyal na Espanyol
Bahasin ang sipi mula sa isyu ng LA SOLIDARIDAD noong 15 Abril 1889 na nagpaliwanag ng layunin ng pahayagan at adhikain ng mga ilustradong repormista.
Sagutin ang tsart
Bakit sumulat sa Ministro ng Kolonya sa Espanya at hindi sa opisyal na nasa Pilipinas?
Ano kaya ang impact ng sulat kung may mga Espanyol ding sa hinihinging pagbabago?
Anong benepisyo ang makukuha ng Pilipinas sa mga repormang hinihingi sa petisyon?
Ibahagi sa klase ang mga sagot ng grupo o inyong sagot. Talakayin ang kahalagahan ng mga repormang hiniling ng Kilusang Propaganda.