30
Aralin 21 Sektor ng Agrikultura Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

K-12 Aralin 21 sektor ng agrikultura

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 21

Sektor ng AgrikulturaInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Panimula• Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang

kahulugan at palatandaan ng kaunlaran. Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor ng ekonomiya na batayan sa pagsukat ng mga produkto at serbisyo na nagagawa ng bansa, gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran. Sisimulan natin ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura.

Sektor ng Agrikultura• Ang agrikultura ay isang agham, sining at

gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

Sektor ng Agrikultura• Humigit kumulang na 7,100 isla ang

bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan, malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya .

Sub-sektor ng Agrikultura• Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende

sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

• Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).

Paghahalaman• Maraming mga pangunahing pananim ang

bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.

Paghahayupan

• Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.

Pangingisda.

• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.

Pangingisda.

• Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.

• Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.

Pangingisda.

• Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat). Ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.

Paggugubat

• Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

Kahalagahan ng Agrikultura

• Nagtutustos ng pagkain• Nagbibigay ng empleyo• Pinagkukunan ng hilaw na materyal

• Tagabili ng mga yaring produkto• Nagpapasok ng dolyar sa bansa

Suliranin ng Sektor ng Agrikultura• Mataas na gastusin • Problema sa imprastruktura• Problema sa kapital• Masamang panahon• Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa• Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal• Kakulangan sa pananaliksik at makabagong

teknolohiya• Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa

Mataas na Gastusin sa Pagsasaka

• Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung ihahambing sa kanilang kinikita

• May mga institusyong pinansiyal tulad ng bangko at kooperatiba na naglalayong magpahiram ng kapital sa mga magsasaka upang mapalago ang kanilang ani.

Problema sa Imprastruktura• Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan

ng mga daanan o farm-to-market road upang madala nila ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang oras

• Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay madaling mabulok (perishable). Bumababa ang halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.

• Mahalaga rin na may maayos at sapat na imbakan o storage facility ang mga magsasaka upang hindi mabulok ang kanilang mga ani tulad ng bigas, bawang, sibuyas, at iba pa.

Problema sa Kapital• Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital, sang

mga magsasaka ay napipilitang umasa sa sistema ng pautang o usury. Ang mga usurero [nagpapautang] ay tinatawag ding mga loan shark dahil sila ay nagpapautang ng pera na may malaking tubo.

• Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.

• Sa maraming pagkakataon, ang pagkakautang na ito ay naisasalin mula sa kasalukuyang henerasyon hanggang sa mga susunod pa.

Masamang Panahon

• Nasisira o lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tag-tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo.

Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa• Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim

ito sa transpormasyon upang maging pook-pasyalan, golf course, industrial complex, at pook-residensiyal.

• Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang sakahan ang isa sa maraming dahilan kung bakit sapilitang nakikipagsapalaran sa kalunsuran ang ibang magsasaka.

• Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman na natitira upang sakahin ng mga magsasaka ay maaaring magresulta sa pagkaabuso sa lupa at pagkaubos ng sustansiya nito.

Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal• Ang hindi pagtangkilik sa sariling

produkto ay lubhang nakaapekto sa kalagayan ng sektor ng agrikultura at ng mga taong umaasa rito.

Kakulangan sa Pananaliksik at Makabagong Teknolohiya

• Nasa makalumang panahon pa rin ang ating mga sistema sa pagsasaka.

• Iilan lamang ang may kakayahan sa makabagong paraan at hindi pa nga halos inaabot ng modernong kagamitan sa pagsasaka.

Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa• Nananatiling pag-aari ng iilang landlord ang

mga lupain sa bansa.• Malaking bilang ng magsasaka ang walang

sariling lupang binubungkal.• Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang

ani, tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo nna karaniwang hindi sapat para ipantustos sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mag-anak.

Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Kilala sa tawag na Comprehensive

Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng

lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito. Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.

Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 • Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:

liwasan at parke mga gubat at reforestration area mga palaisdaan tanggulang pambansa paaralan simbahan sementeryo templo watershed, at iba pa

Sangay ng Pamahalaan na Tumutulog sa Sektor ng Agrikultura• Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa

mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim.

• Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda.

• Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan.

• Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.

Pagbubuod:• Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng

pagbubungkal ng lupa, pagpoprodyus ng hilaw na mga produkto, pag-aalaga ng hayop at poultry na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

• Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.

• Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain, hilaw na materyales, at empleyo.

• Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?

• Sa iyong palagay, paano ka makakatulong upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.

PAGPAPAHALAGA

Ang GRADES pinaghihirapan

HINDI inililimos!

Tandaan:

References:

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI