Upload
john-ervin
View
62
Download
13
Embed Size (px)
Citation preview
INFLEKSYON
Roscano, Janine P.II-4 BFE
Ang isang kraytirya na ginagamit sa
pagdedetermin ng salita ay ang iba’t ibang infleksyonal-
afiks.
Ang plural –s at posesiv –’s ang mga afiks na
tinatanggap ng mga nawn Halimbawa: girls girls’ room
(mga babae) (silid ng mga babae)
Ikinakabit naman sa mga adjectiv ang komparativ –er at superlativ –est
darker darkest(mas madilim) (pinakamadilim)
Bagama’t nakakatulong ang infleksyon, hindi ito parating nagbibigay ng impormasyong kelangan para malaman ang kategori ng salita sa Ingles. Hindi lahat ng mga adjektiv ay naiinflek gamit ang mga komparativ-afiks na –er at ang superlativ-afiks sa –est, gaya ng *bader para sa kahulugang ‘mas masama’ o ng *badest para sa ‘pinakamasama’. Meron ding mga nawn na nabibilang tulad ng *dews para tumukoy sa ‘hamog’ at *clothings para sa ‘mga damit’ o ng ilang mga abstrak-nawn, gaya ng intelligence ‘katalinuhan’ at protocol ‘protokol’.
T A N D A A N !
Mey dalawang level ang balangkas ng isang
sentens: ang level ng salita at
level ng preys.
M G A H E D
FIGYUR 5.1
Iba’t ibang mga elemento ang kinakabit sa bawat level ng preys-straktyur (PS). Makikita ang figyur 5.1 na pumasok sa level ng NP ang elementong N, sa VP ang V, sa AP ang A, at sa PP ang P. Tinatawag na hed ng preys ang elementong ito. Mey preys na pusisyon lang ng hed ang mey laman, halimbawa:
Bagama’t pwedeng iisang salita lamang ang bumuo ng preys, madalas meron itong
kasamang ibang elemento tulad ng mga sumusunod: