18
ANG PAGSASALING- WIKA

Fil 3a

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Fil 3a

ANG PAGSASALING-

WIKA

Page 2: Fil 3a

Kahulugan ng pagsasaling-wika

• Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat mula sa wika sa pang wika. (English tagalog Dictionary ni Fr. Leo James English)

• Ito’y paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika tungo sa teksto ng isa pag wika. (“A Linguistic Theory of translation” ni J. Clifford)

• Ito’y ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang sinalin. (Dr. Alfonso Santiago sa kanyang “Sining ng pagsasaling wika)

Page 3: Fil 3a

MGA PARAAN NG PAGSASALIN

1. Sansalita-bawat-sansalitaIto ang tinatawag sa ingles ng word-for-word translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita. Maganda itong gawin bago gawan ng pinal pagsasalin lalo na sa mga mahirap unawain teksto.

Orihinal:each citizen must aim at personal perfection

and social justice through education. (Quezon)

Salin:bawat mamamayan dapat layunin sa

personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon.

Page 4: Fil 3a

2. Literal Sa pagsasaling literal ang pahayag ay isinalin

sa pinakamalapit na gramatikal na pagkakabou sa pinagsalinang wika. Kung, minsan, nagiging masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag. Tulad ng unang paraan, labas sa konteksto at literal na isinalin ang salita. Maaaring ring gamiiting panimulang hakbang o pre-translation process.

Halimbawa:

Orihinal: Father bought pedro a new car.

Salin: Ang tatay ay ibinili si pedro ng isang bagong kotse

Page 5: Fil 3a

3. AdaptasyonAng saling adaptasyon ay itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin sa salin ng dula at tula, na kung minsan ay tila malayo na sa orihinal.

Halimbawa:

Orihinal: ah, woe! Celestial king who mortal from dost keep, would rather than be sovereign be shepherd of thy sheep?

Salin: Kay lungkot! O hari ng sangkalangitan, nagkakatawang-tao’t sa lupa’y tumahan, hindi mo ba ibig na haring matanghal kundi pastol naming na kawan mong mahal?

Page 6: Fil 3a

4. MalayaGaya sa taguri nito, malaya ito at walang

kontrol at parang hindi na isang salin.

Orihinal:for the last twenty years since he burrowed

into this one-room apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which streched from a sandy bar into the murky and oil-tinted bay.

Salin:mayroon nang dalawampung taon siyang

tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis.

Page 7: Fil 3a

5. Matapatsinisikap dito na makagawa ng eksakto o

katulad na katulad na kahuluguhang kontekstuwal ng orihinal bagaman may suliranin sa estrukturang gramatikal na nagsilbing hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang kontekstwal.

Orihinal:

and like the old soldier of that ballad, I know close may military career and just fade away, an old soldier who tried to do this duty.

Salin:at tulad ng matandang kawal sa kuwentong-

awit na iyon, itiniklop ko na ang aklat ng aking pagiging lingkod sa hukbo, upang mawalang dahan-dahan, isang matandang kawal na sumubok manuparan ng kanyang tungkulin.

Page 8: Fil 3a

6. Idyomatikong salin

mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Hindi nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus iniaangkop ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng pinagsasalinan.

Orihinal: Still wet behind the ears

Salin:

May gatas ka pa sa labi

Page 9: Fil 3a

7. Saling semantikosa paraang ito ng pagsasalin ay

pinagtutuunan nang higit ang aesthetic value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog, at iniiwasan ang anumang masakit sa taingang pag-uulit ng salita o pantig sa pagsasaling ito.

Orihinal:O Divine master, grant that I may not so much seek to be understood as to understand: to be loved as to love;

Salin:

O Bathalang panginoon itulot mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin umunawa kaysa unawaiin; magmahal kaysa mahalin

Page 10: Fil 3a

8. Komunikasyong salinsa komunikasyong salin, isinasalin ang

eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan.

Orihinal: all things bright and beautiful all creatures great and small all things wise and wonderful the Lord God made them all.

Salin: ang lahat ng bagay, maganda’t makinang

Lahat ng nilikihang dakila’t hamak manMay angking talino at dapat hangaanLahat ay nilikha ng poong maykapal.

Page 11: Fil 3a

Mga panuntunan sa pagsasalin

1.Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakayahan. Ang filipino at ingles ay-di-magkaangkang wika kaya malaki ang pagkakaiba ng mga nito.

• Sa pagbou ng mga salita – sa ingles ay maraming idiomatic expression; sa Filipino, mayaman sa panalapi.

• Sa Filipino, lahat ng pangalan (noun) ay nagagawang pandiwa:

tsinelas = tsitsinelasin; mata = minata, mamatahin

• Sa pangungusap na ingles, karaniwang nauuna ang subject sa predicate: sa Filipinong pangungusap, nauuna karaniwan ang panaguri sa simuno.

Page 12: Fil 3a

2. Kaugnay sa unang nabanggit, hindi dapat paalipin ang tagapagsalin sa balangkas ng wikang isinasalin upang hindi mawala ang kaisipang orihinal.

3. Nakatali sa kultura ng mga taong gumagamit nito ang bawat wika.

4. Ang isang salita ay nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag ito’y ginamit na sa loob ng pangugusap.

5. Gamitin ang uri ng Filipino na kasalukuyang ginagamit ng bayan. Pillin ang mga salitang higit na gamitin.

Page 13: Fil 3a

6. Laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita

7. Ang ekspresyong idyomatiko ay hindi dapat isalin na literal; higit na mabuting ihanap ito ng katapat na idyoma sa Filipino.

8. Hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan, kung sakaling magkaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip ng ibang maaaring ipalit dito.

9. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.

10. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit kailangang iangkop ang salita sa sinasaling teksto.

Page 14: Fil 3a

11. Ang daglat, akronm, pormula na masasabing unibersal na ay hindi kailangang baguhin sa baybay.

12. Kapag ang pamagat ay may kahirapang isalin, bigyan ito ng katumbas pagkatapos maisalin ang boung nilalaman ng materyales na isinasalin. Malaya ang tagasalin na huwag sundin ang pamagat ng orihinal, lalo na at ang isinasalin ay mauuring literary o pampanitikan

13. Kung walang maitumbas na salita sa isang salita isinalin, maaaring gawin ang alinman sa mga ito:

• Hiramin ang salitang isinasalin at baybayin sa palabaybayag filipino.

• Alamin ang kasigkahulugan nito at baka mas madaling tumbasan iyon.

• Alamin ang katumbas sa kastila at baka mas madaling hiramin

• Lumikha ng salita

Page 15: Fil 3a

Gabay sa pagsasalin ng tayutay

1.Isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin na matayutay ay dapat maging payak sa wikang pinagsasalinan

2.Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasidhiin ang damdamin. Nangyayari ito, kadalasan, sa panulaan.

3.Dapat tumbasan ang kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinasalin. Ang matayutay na wikang isinasalin ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang pinagsasalinan.

Page 16: Fil 3a

Gabay sa pagsasalin ng tula

1.Mainam na panuntunan ang pagsasalin sa diwa ng mga taludtud/saknong kaysa literal na pagsasalin sa salita sa salita. Kailangan makita ang isipang taglay ng talata/saknong at ito ang ilapat sa kasasalinang taludtud/saknong.

2.Maaring pagbagu-baguhin ang ayos ng mga salita sa taludtud o ng mga taludtud sa saknong ngunit huwag babaguhin ang isipan.

3.Hanggat magagawa, ang ginagamit na pang-uri, pangalan, pandiwa at damdaming taglay ng orihinal.

Page 17: Fil 3a

4. Ang pagsasalin ay kailangan maging siyang pinakamatapat sa diwa at damdaming taglay ng orihinal.

5. Sa mga translator, higit na marami ang nagsasabi na ang dapat na isalin nang patula ang tula at hindi sa prosa o tuluyan. Kung hindi ito magawa, gawin na lamang free verse ang tula

6. Makakatulog sna isain muna ang tula sa tuluyan upang matiyak ang sasabihin at pagkatapos ay saka pa lamang ayusin ito ng patula.

Page 18: Fil 3a

Gabay sa pagsalin ng idyomatikong pahayag

1.Tandaan na ang mga ekspresyong idyomatiko ay maaaring may kahulugang literal. Samakatwid, maaaring literal ang itumbas depende sa konteksto . Kung minsan, nagkakataon din na ang ekspresyong idyomatiko sa isang wika ay may katapat na katapat na ekspresyon sa ibang wika.

2.Maaaring ihanap ng kapwa ekspresyong idyomatiko.

3.Tumbasan ang kahulugan ng ekpresyong idyomatiko sa paraang idyomatiko.