24

Biyayang hinukay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Biyayang hinukay
Page 2: Biyayang hinukay

HULAAN NINYO,LARAWANG ITO

Page 3: Biyayang hinukay
Page 4: Biyayang hinukay
Page 5: Biyayang hinukay
Page 6: Biyayang hinukay
Page 7: Biyayang hinukay

YAMANG LUPA

Page 8: Biyayang hinukay

LAYUNIN:Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

•Nakagagamit ng iba’t-ibang pangungusap sa pagpapaliwanag tungkol sa akdang binasa (Biyayang Hinukay)•Nakakapagbahagi ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa akdang “Biyayang Hinukay” na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Page 9: Biyayang hinukay

Mayaman ang bansang pilipinas. May langis na nakukuha sa palawan na inaagaw ng ibang bansa. May mina ng ginto sa benguet, compostela valley, sa mindoro, at sa iba pang lugar sa bansa. Ilan lamang ito sa yamang-likas na mayroon tayo.

BAGAY MULA SA GINTO BAGAY MULA SA PILAK

Page 10: Biyayang hinukay

PAGHAHAWAN NG SAGABAL/BALAKID

PiyesaPagkukumpuniUtal-utalNakikini-kinitabukambibig

piraso ng isang materyalesPagsasa-ayos ng mga

sirang gamitPahinto-hintong pagsasalitaNahihinuha/ImahinasyonLaging sinasabi

Page 11: Biyayang hinukay
Page 12: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

Page 13: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

Sabik na sabik nang umuwi si Gabriel. Nakikinita-kinita na niya ang bunsong si Annika na tumatakbo habang sumasalubong sa kanyang pagdating at sumisigaw ng “Papa, Papa!” Nais na niyang hilahin ang natitirang limang araw upang makitang muli ang kanyang pamilya. Subalit kailangang tapusin muna niya ito upang makompleto ang anim na linggong trabaho upang makapagbakasyon muli ng dalawang lingo sa kanyang pamilya. Halos isang taon na siyang naglilingkod sa isang malaking kompanyang nagmimina ng ginto at tanso sa Laos. May bayad ang kanyang bakasyon. Libre ang pamasahe pauwi sa Maynila at pabalik sa trabaho. Bagama’t may pagkainip din siyang nararamdaman, nananaig pa rin ang kanyang katwirang, “Mas mainam na ito kesa nararanasan ng iba pang OFW na gaya ko.”

Page 14: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

“You know what Gabriel? Our lives became better when this mining company started to operate here,” utal-utal na wika ni Mao na isang Lao sa kanya kaya naputol ang kanyang pag-iisip.“I can see that, Mao. Your children were able to go o school and finish college. Those students who can’t cope well in school are given a chance here to have training which is related to mining. And to add to that, they are receiving salary while trained and later on work for this company,” dugtong ni Gabriel.

Page 15: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

Totoong gumaganda ang pamumuhay ng ‘di mabilang na mamamayan sa lugar na ito. Maayos at mabuti kasi ang pamamahala ng kanilang gobyerno. Tapat naman ang kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan sa kanilang kasunduan sa pamahalaan. Ang kanilang pamahalaan ay masusing nagpapatupad ng mga batas upang maprotektahan ang kanilang kalikasan at upang mabigyan ng hanapbuhay ang kanilang mamamayan. Ang responsableng kontraktor naman ay sumusunod sa batas ng Laos upang ipatupad ang responsableng pagmimina at mabigyan sila ng mabuting trabaho.“Safety begins with me,” iyan ang bukambibig ng bawat isa maging pinakamataas man pinakamababa ang puwesto sa trabaho.“As we protect the environment, our primary concern is the welfare and safety of our workers,” wika ni Steve, ang manager, sa kanyang mga empleyedo.

Page 16: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

“Dapat talaga nating sunduin ang mga tuntunin upang mapangalagaan ang kalikasan pati na rin ang kaligtasan at kalusugan, binigyan nila tayo ng maayos na tirahan. Libre an gating pagkain at pagamutan sakaling tayo ay magkasakit. At higit sa lahat ay ligtas ang lugar natin sa paggawa,” pagsang-ayon ng pangkat ng empleyadong Pilipino.Patuloy rin sa pagbibigay ng mga training at seminar ang kompanya para mapataas ang kalidad ng kanilang paggawa. Bukod dito, ang kapaligiranay pinipilit nilang mapangalagaan at maprotektahan habang isinasagawa ang pagmimina. May malaking tailings dam na itinayo upang ligtas na maiimbak ang tubig na ginamit sa processing ng ore at may makinaryang ginagamit upang ito ay maling maging ligtas na tubig.

Page 17: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

“We have lots of repair and preventive maintenance that are in good condition. Let’s make them environment friendly all the time...,” dugtong niya kay Rifani. Habang inaayos niya ang piyesa sa makina parang nakikita niya ang larawan ng kanyang dalawang anak na lalaking nag-aaral. Kasabay ng pagkukumpuni ng malalaking makina ay nababanaag niya ang larawan ng nagsusumikap na mga anak sa pag-aaral. Ang mahigpit na hawak niya sa torque wrench ay nagsasabing mahigpit din ang pagpapahalaga nila sa kanilang bukas.

Page 18: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

Pinapanatili ni Rifani at Gabriel na nasa maayos na kondisyon ang mga makinarya sa isang air-conditioned na silid (kailangan kasing hindi maalikabukan ang makinarya kaya nasa sagrado itong kwarto) na may malalaking kagamitan sa pagkukumpuni nito hindi lamang upang tuloy-tuloy ang kanilang operasyon sa pagmimina kundi upang hindi ito magdulot ng dumi sa hanging kanilang nilalanghap. Mahipit na ipinatutupad ang pag-iwas sa kontaminasyon sa mga ilog at sapa at maging sa lupang nasa paligid ng minahan. Bawat isa ay maingat tungkol dito.

Page 19: Biyayang hinukay

BIYAYANG HINUKAY

Sumusuporta rin ang kompanya sa mga magsasakang-may-ari ng mga bukid na malapit sa kanilang pagmiminahan. Tumaas ang ani ng mga nagtatanim dahil na rin sa tulong pinansiyal at pagtuturo sa paraan ng pagsasaka.Sinikap din ng kompanyang matulungan ang bawat manggagawang tulad ni Gabriel na makapiling ang pamilya nang mas madalas upang mas magabayan ang mga anak at magkaroon ng panahon para sa kanila.“ Hindi isang multong dapat nating katakutan ang pagmimina. Ang ilang yamang kalikasan ay dapat nating pakinabangan upang maiangat ang buhay ng mga tao at pamayanan. Sa tulong ng isang tapat na gobyerno at mapagkakatiwalaang kompanya , hindi malayang maranasan natin ang pag-unld na palagi nating hinahanap.” Usal ni Gabriel sa sarili habang bitbit ang bag pasakay ng eroplanong papuntang Maynila.

Page 20: Biyayang hinukay
Page 21: Biyayang hinukay

Ilarawan ang pinagtatrabahuhan ni Gabriel.Bakit unti-unting umunlad ang buhay ng mga naninirahan sa paligid ng minahan?

Ano kaya ang mangyayari sa buhay ng mga tao at sa kalikasan kung pabaya ang pamahalaan at ang kompanya ng minahan?

Sa iyong munting paraan, bilang nasa ika-anim na baitang , Paano ka kaya makakatulong para maiwasan ang pagkasira ng ating likas yaman?

Page 22: Biyayang hinukay

PAMANTAYAN para sa pagsasadula ng mahahalagang pangyayari sa kuwento

  20 punt0s 15 puntos 10 puntos 5 puntosKasanayan Sauladong-

saulado ang mga linyang binitawan

May iilang linyang nakalimutan ngunit nakasasabay pa rin sa usapan

Maraming linya ang nakalimutan at di- gaanong nakasabay sa takbo n usapan

Iilan lamang ang nasaulo at halos nawawala sa usapan.

Tono at Boses Madamdaming madamdamin ang paglalahad at malakas ang boses

Madamdamin ang paglalahad ngunit medyo hindi malakas ang boses

Kulang sa damdamin ang paglalahad ngunit medyo di malakas ang boses

Matamlay, walang damdamin ang paglalahad at mahina ang boses

Ekspresyon ng Mukha 

Makahulugang-makahulugan ang pagpapakita ng damdamin

Di- gaanong nabigyang kahulugan ang damdamin

Kulang na kulang ang pagbibigay kahulugan ng damdamin

Walang damdaming nabigyang kahulugan

Page 23: Biyayang hinukay
Page 24: Biyayang hinukay

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q=bulkan&biw=1366&bih=623&tbm=isch&imgil=0zGV