4
Talampas Disyerto Karagatan Dagat Look Ilog Lawa Afri ca Indi a Chin a - Africa - Mongolia - Chile

Anyong lupa at tubig sa asya

Embed Size (px)

Citation preview

Talampas Disyerto

Karagatan Dagat Look

Ilog Lawa

Africa India China

- Africa- Mongolia

- Chile

Mga Anyong-lupa                  Bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, matatagpuan sa Asya ang iba't ibang anyong-lupa

1. Bundok at Bulubundukin - ang bundok ayang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebelng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot samahigit 2 000 talampakan. Ang mahabanghanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya angnaglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang bulubunduking Karakoram. Sa daawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahalagang bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.

2.Bulkan - ito ay biyak sa ibabaw ng lupa kung saan dumadaloy ang maiinit at tunawna mga bato na tinatawag na lava o kung saan nagmumula ang makapal na alikabok sa pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan sa mga bulkanay nakabubuo ng hugis-balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad ng Fuji sa japan at Mayon sa Pilipinas—dalawa sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang tanyag na bulkan sa Asya ay ang Krakatoa at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng pinakamapanirang pagsabog nitong huling siglo.

3.Burol - ito ay isang nakaangat na anyong-lupa na mas mababa kaysa bundok at karaniwan ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa timog China ay kilala dahil sa kamangha-mangha niton mga burol. Tanyag din ang Chota Nagpur sa India dahil sa mga burol nitona inukit ng ulan mulanoong panahong prehistoriko.

=-=-► Dahil naman sa traahedyang dulot ng Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga sumusunod: Bunker Hill, old Baddy, Sniper Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike'speak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill. Nagsilbing dambana ang mga burol na ito ng libu-libong sundalong Amerikano na nakioaglaban sa Digmaang Koreano.

4. Kapatagan - ito ay pantay at malawak na anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan ay malapit sa mga baybayin. Ang mga

kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia), silangang baybayin ng China, silangangbahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang bahagi ng Indochina.

5. Talampas - ito ay may lawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa. Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey.

6. Lambak at Lunas ng Ilog - ang lambak ay kapatagang halos napalilibutan o napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwansa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river basin, isang mababang lugar kung saan umaagos ang ilog. Ang mahalagang lunas ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at Pakistan; Huang He at Yangtze sa China; Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa Thailand; at Mekong na dumadaloy mula Tibet hanggang Vietnam

7. Interyor ng kontinenete - kalakihan ng kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interior ng kontinete. Halos lahat ng matatayog na bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming bansang Asyano ang hindi napalilibutan ohinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng Laos, Mongolia, at Nepal.

8. Baybayin - ito ang tawag sa mga anyong-lupa na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa Asya ang malapit sa baybayin.

9. Tangway - ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang mahalagang tangway ng Asya ay ang mgatangway ng Arabia, India, Malay, Indochina, at Kamchatka.

10. Isthmus - ito ay isang makitid na lupain na nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa dalawang malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga kontinenteng Asya ng Afrika.

11. Pulo - ito ay isang lupaing napalilibutan ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshuat Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas; at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansangIndonesia, Malaysia, at Brunei.

12. Kapuluan o Arkipelago - ito ay pangkat ng mga pulo. Ang mga bansang Japan, pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na tinatanyang mayroong mahigit 13 000 pulo.

Mga Anyong-tubigAng mundo ay may mahigit na 70% katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi lamang napalilibutan ng malalawak na

karagatan, marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa looban nito.

1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng karagatang ito ang mga dagat ng silangang Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents. Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang Indian ang Red Sea. Makikita naman sa silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak na 165 384 000 kilometro kwadrado. Karugtong ng Karagatang Pasipiko ang mga dagat ng Timog China, Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.

2. Ilog - ito ang anyong tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging Turkey, Syria, at iraq; Irrawaddy at Salween sa Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.

3. Lawa - ito ay malawak na anyong-tubig na nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng lawa, ang maalat at ang tabang. Maramingmalalawak na lawa na may tubig-alat at napagkakamalang dagat. Halimbawa ng

mga ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at pinakamalalim na lawang tabang sa mundo

4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag- uugnay sa dalawang mas malaking anyong- tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag- uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi. Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat Java.

5. Golpo - ito ay malawak na karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya, tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.

6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan. Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog at Timog-Kanlurang Asya.