5
Ang Tao nga Naman Ni: Jenita D. Guinoo Nakaiirita ang taong lagi na lamang nanghihimasok sa iyong buhay. Lagi ka na lamang binabantayan. Nakikita ka palagi. Sila iyong tipo ng taong walang magawang mabuti sa kapwa kundi puro perwisyo. Panlilibak, pangungutya, pagtsi-tsismis at kung anu-ano pang kaplastikan ang pinanggagawa sa iyo ng mga utsuserang mga taong ito. Akala mo mababait sila, hindi pala. Mabait lamang sila kapag kaharap mo at kausap ngunit pag ikaw’y nakatalikod na, ikaw na naman ang pinag- uusapan nila. Nakararanas ka na ba’t nakasasalamuha ng ganitong klase ng tao? Ganito rin ba ang iyong nararamdaman? Na kung pwede lamang ay ipamumukha sa kanila ang kanilang nagawang pagkakamali dahil sa sobrang kadaldalan. Nasisira ang reputasyon ng isang tao. Nawawalan ng tiwala ang isang tao dahil sa kanilang mga kasinungalingan! Na para bagang habang naglalakad ka’y ikaw ang paksa ng kanilang pangungutya, buhay ka pa ay parang pinapatay na nila. Maagang-maaga pa, bago pa lamang ako magtutungo sa aking opesina ay nandoon na sila sa lugar na kanilang pinag-uumpukan.

Ang tao nga naman

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang tao nga naman

Ang Tao nga Naman

Ni: Jenita D. Guinoo

Nakaiirita ang taong lagi na lamang nanghihimasok sa iyong buhay.

Lagi ka na lamang binabantayan. Nakikita ka palagi. Sila iyong tipo ng

taong walang magawang mabuti sa kapwa kundi puro perwisyo.

Panlilibak, pangungutya, pagtsi-tsismis at kung anu-ano pang

kaplastikan ang pinanggagawa sa iyo ng mga utsuserang mga taong ito.

Akala mo mababait sila, hindi pala. Mabait lamang sila kapag kaharap mo

at kausap ngunit pag ikaw’y nakatalikod na, ikaw na naman ang pinag-

uusapan nila. Nakararanas ka na ba’t nakasasalamuha ng ganitong klase

ng tao? Ganito rin ba ang iyong nararamdaman? Na kung pwede lamang

ay ipamumukha sa kanila ang kanilang nagawang pagkakamali dahil sa

sobrang kadaldalan. Nasisira ang reputasyon ng isang tao. Nawawalan ng

tiwala ang isang tao dahil sa kanilang mga kasinungalingan! Na para

bagang habang naglalakad ka’y ikaw ang paksa ng kanilang

pangungutya, buhay ka pa ay parang pinapatay na nila.

Maagang-maaga pa, bago pa lamang ako magtutungo sa aking

opesina ay nandoon na sila sa lugar na kanilang pinag-uumpukan.

Page 2: Ang tao nga naman

Maagang- maaga pa lamang ha, nagsisimula na sa kanilang mga gawain.

Mga taong walang magawa sa buhay. Hindi matapos-tapos ang

pagbubukas ng kani-kanilang mga bunganga. Konti na lamang at

mapapasukan na ito ng mga langaw. Daldal sila ng daldal. Satsat nang

satsat. Kada taong dumadaan sa kanila ay hindi pinapalampas, tiyak na

mapag-uusapan. Kung saan-saan nakararating ang kanilang mga

kuwento. Kung minsan ay napapatawa sila, nadadala ng emosyon dahil

sa sitwasyon at nakikisimpatya sa mga nangyayari sa taong pinag-

uusapan.

Gossipers are also known as “small-talkers, shop talkers, idle talkers

and backstabbers”. They usually are malicious, hurtful, and they damaged

the people’s reputations, relationships become sour, and worst of all

battered the person’s morale.

Gossiping is a form of reputational warfare and it affects the

person’s ability to manage his work effectively, it poisons workplace

congeniality, the reason on losing the trust to anybody and will naturally

contribute to employees’ turnover.

Page 3: Ang tao nga naman

This is an exchange of personal information about an absent third

person that is conveyed in an evaluative manner. They frequently passes

their personal judgement wherein they compare themselves with others

in which they are unaware that what they do are just reflections of the

“ghosts” (insecurities, inferiorities, and frustrations) they have in life.

That they failed to strive for success and superiorities. And indeed, they

are psychologically unhealthy individuals who long for personal

superiority but yet unsuccessful and instead seeing others succeed. As a

result, they gossips in order to cover their feeling of insecurities

(Google.com)

Iyan, iyan ang dahilan ng kanilang kadaldalan. Sila ay mga insecure

na may hinahangad sa buhay na hindi natutugunan kaya dinadaan na

lamang nila sa paghuhuntahan. Na malilmit na maging paksa ng kanilang

usap-usapan ay ang mga taong nakikita nilang naging matagumpay sa

buhay. Ika nga, itong ginagawa nila ay paraan ng pagtakas sa totoong

nararamdaman nila sa kanilang buhay. Na naging bahagi na ng kanilang

pang-araw-araw na gawain, naging pampalipas oras na at

nakapagpapagaan din naman ng kanilang mga alalahanin at dalahin sa

buhay. Natutuwa sila, di ba? Anong magagawa natin? Wala! Hayaan na

Page 4: Ang tao nga naman

lamang natin sila. Masaya sila sa kanilang ginagawa, di ba? Basta ba hindi

tayo piniperwisyo, hindi kinakanti ang ating ego. Hayaan na natin sila.

Hayaan nating manigas ang kanilang ngala-ngala sa kadadakdak, matuyo

ang kanilang laway sa kabubukas ng kanilang mga bunganga at

hihintayin nating dumating iyong oras na makakikita silang lahat ng

kanilang mga katapat. Tiyak na magsisisi sila kung bakit sila nakikisali

sa umpukan. Natitiyak ko ring oras na magkakagipitan na’t susumbatan

ng taong pinagkakasalaan nila’y lahat ay tiyak na magsasabing “wala

akong kinalaman diyan, hindi ko alam iyan”. Lahat ay maghuhugas ng

kanilang kamay, mag po-“Poncio Pilato”.Ito agad ang gagawin ng mga

taong walang paninindigan. Puro pagsisinungaling ang magagawa nila

bilang depensa sa sarili at para di masangkot sa anumang kasalanan. Alam

nating marami sila. Nasa ating paligid lamang. Nakapalibot lamang sa

atin. Dapat maging maingat at mapanuri tayo sa ating mga kasamahan sa

opesina, alam nating sila rin ay ganito rin, hindi pa lamang natin sila

napapansin at na-“actually caught in the act” dahil sila’y mapagpanggap.

Mapagkunwaring concern sa atin pero sa totoo pala ay nais na lamang

tayong sirain sa mga mata ng tao. Inaakala mong tunay silang kaibigan

pero oras na ika’y nangangailangan ng kanilang tulong, naku..nasaan na

Page 5: Ang tao nga naman

sila? Ni hindi mo mahagilap! Kesyo maraming ginagawa, may

pinupuntahan, walang pera, may nangyari sa pamilya, kung anu-ano at

kay daming alibi para di ka lamang magdamdam sa di nila pagtulong.

Ikaw na ngayon ang magiging pulutan ng kanilang usapan. Marami kang

maririnig na mga suhestyon, ganito sana ang iyong ginagawa, sana ganito,

na mali ang iyong hakbang , sa halip sana. Naku! Nakaririndi sila. Akala

mo kung sino ka talinong gumawa ng solusyon. Ni hindi nga nagagawang

maayos ang sariling buhay, ang magbigay pa kaya ng payo sa iba! Kaya

ayun.. nandoon na naman sa kanilang umpukan. Seryosong-seryoso sa

kanilang usapan. Ngunit pag ika’y napapadaan, tiyak na magkukunwari

iyang walang nakikita at may ibang ginagawa. Pag nakalampas ka na sa

kanila at di ka na makaririnig sa kanila, balik na naman sila sa kanilang

bisyo. Haay.. naku! Ang tao nga naman. Walang magawa sa buhay.

Sana hindi ganito ang mga taong nakapalibot sa inyo. Sana totoo

silang tao at tunay ang hangarin nila para sa inyo. Iilan na lamang sila.

Iilan na lamang.

Wakas!