441
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system,without written permission from the author. PLAGIARISM is a crime! This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. © charotera101 ALL RIGHTS RESERVED 2013. --- NO SOFT COPIES | NO COMPILATION. BOOK 2 PO ITO NG CLASS 3-C HAS A SECRET. Kung hindi nyo pa nababasa ang book 1, hindi naman sa pinipigilan ko kayo kaso baka may mga scene na hindi maintindihan kasi nasa book 1 po yun. Ayon, nasa external link po ang book 1. Salamat. --- "Kamatayan ng isa...kamatayan ng lahat." --------------------------------------------x LUNA'S POV DERETSO lang ang tingin ko habang naglalakad kahit na batid kong nakapako sa akin ang bawat tingin ng lahat ng estudyante na nakakasalubong ko .Hindi ko alam kung bakit at wala akong pakialam. Tumingin sila hangga't gusto nila, hindi ko na problema kung masasayang lang ang oras nila sa pag-uusap tungkol sa akin. "Isa siyang Levesque diba?" "Oo, nabalitaan ko nga na may Levesque na mag-aaral dito." "Bakit ganun? Bakit wala atang ekspresyon yung mukha niya?" Hanggang sa napatigil ako. Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo ang isang babae. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng nakuha na

No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

  • Upload
    others

  • View
    46

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system,without written permission from the author. PLAGIARISM is a crime! This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. © charotera101 ALL RIGHTS RESERVED 2013. --- NO SOFT COPIES | NO COMPILATION. BOOK 2 PO ITO NG CLASS 3-C HAS A SECRET. Kung hindi nyo pa nababasa ang book 1, hindi naman sa pinipigilan ko kayo kaso baka may mga scene na hindi maintindihan kasi nasa book 1 po yun. Ayon, nasa external link po ang book 1. Salamat. --- "Kamatayan ng isa...kamatayan ng lahat." --------------------------------------------x LUNA'S POV DERETSO lang ang tingin ko habang naglalakad kahit na batid kong nakapako sa akin ang bawat tingin ng lahat ng estudyante na nakakasalubong ko .Hindi ko alam kung bakit at wala akong pakialam. Tumingin sila hangga't gusto nila, hindi ko na problema kung masasayang lang ang oras nila sa pag-uusap tungkol sa akin. "Isa siyang Levesque diba?" "Oo, nabalitaan ko nga na may Levesque na mag-aaral dito." "Bakit ganun? Bakit wala atang ekspresyon yung mukha niya?" Hanggang sa napatigil ako. Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo ang isang babae. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng nakuha na

Page 2: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

naman niya ang atensyon ko. Umagang umaga, umiiyak siya. Tsss. Nakakairita. Tulad ng kanina, dumiretso na rin ako ng tingin. Napangisi ako nang muli kong naisip na nandito na ako sa Laketon Academy. Ang paaralan na pinasukan ni Denise bago siya mamatay kasama ang mga taong nakilala niya rito. Mayroon talaga sa loob ko na gustong-gusto matuklasan kung bakit, kung ano nga ba ang nanyari. May mali. Alam kong may hindi tama sa lugar na ito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom ay ganun pa rin ang naging sitwasyon. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Karamihan ay nagbubulungan. Umupo ako sa nag-iisang bakanteng upuan na namataan ko. Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid. Walang kwenta. "Balak mo ba kaming patayin diyan sa titig mo?" Tumigin ako sa lalaking nagsalita na nasa kanan ko lamang. Nakataas ang dalawa niyang paa habang nakapatong ang mga ito sa desk at bahagyang inuugoy-ugoy ang upuan niya. Pakilamero. Agad ko namang iniwas sa kanya ang atensyon ko. Wala akong mapapala kung pagtutuunan ko siya ng pansin. "Sungit. Akala mo naman maganda." Hindi ko na naman siya pinansin at itinuon na lang ang pansin ko sa teacher na pumasok sa classroom at nilapag ang mga gamit niya sa mesa. Narinig ko naman na nagsiupuan ang mga taong nasa paligid ko. Walang anu-ano ay nagsulat ang teacher sa board. "Ms. Maeganne Ramos" Muli siyang humarap sa amin at nagsalita. "Ako nga pala si Ms. Maeganne Ramos, ang adviser nyo." Tumingin na lamang ako sa bintana na katabi ko habang nagpapakilala ang lahat sa harapan. Wala akong interes sa mga bagay na ganyan, katulad ng pagkilala sa isang tao. Ang mga taong ito... wala silang halaga sa akin. Hindi ko na kailangan malaman ang mga pangalan nila at hindi na nila

Page 3: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kailangan malaman ang akin dahil darating din sa punto na makakalimutan na lang namin ang isa't-isa. Sa mundong ito, kahit magagandang memorya, nawawala na lang nang basta basta. Napansin ko muli ang pagtitig ng lahat sa akin. Nilibot ko muli ang mga mata ko tsaka ko narinig na nagsalita yung teacher Maeganne. "Ikaw na Ms. Levesque. Introduce yourself." "Kilala mo na pala ako. Kilala na nila ako. Sa tingin mo, kailangan ko pang magpakilala?" isang nakakabinging katahimikan ang tugon ng lahat. "Sayang lang oras ko rito." Umirap muna ako bago muling tumingin sa bintana. Narinig ko ang mga walang kwentang komento ng mga 'kaklase' ko. "Ahh... S-Sige. Class, siya nga pala si Luna Levesque. Galing siya sa Marylaine Academy." Kabadong kabadong sinabi ng teacher Maeganne na yon."Okay, n-next." "I'm Spade Young, from Wilward Academy." Ipagpapatuloy pa sana nila ang pagpapakilala ng narinig namin ang isang tunog galing sa sound system ng school, isang hudyat na may anunsyong gagawin. Pagkatapos ng tunog na iyon ay narinig ko ang isang di pamilyar ng boses. "There will be an opening assembly. Please proceed to the school's gymnasium." Narinig ko ang iba't-ibang reaksyon nila. Na para bang hindi normal ang ganitong assembly. May isa pang nagsabi na ilang taon na raw ang nakalipas mula noong nanyari ang opening assembly sa Laketon. Pinapila kaming lahat sa labas. Habang naglalakad papunta sa bagong gawang gymnasium ay napatingin ako sa kanan ko kung saan nakapila naman yung lalaking katabi ko sa classroom. Hindi ko tinandaan ang pangalan niya kaya wala akong pake kung sino man siya basta, ayoko sa kanya. Masyado siyang nakakairitang tignan lalo na ang tingin niya sa akin ngayon na para bang nang-aasar pati na ang pagngisi niya.

Page 4: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kumukulo ang dugo ko. "Good Morning. Congratulations on your admission to Laketon Academy. First of all, I want to introduce myself. I am the President of Laketon Academy, I am Mr. George Laketon." Narinig kong nagbigay ng marahas na reaksyon ang nakakairitang katabi ko kanina sa classroom na sa kamalas-malasan ay hanggang ngayon ay katapat ko sa pila. "George Laketon pa nga. Tsss." Bulong niya. Muli, hindi ko na lang pinansin ang lalaking yon at nagpatuloy na lamang ako sa pakikinig sa nagsasalita sa harapan. Malaki ang bagong gawang gymnasium, sapat para sa lahat ng estudyante ng Laketon. Isang engrandeng gymnasium para sa mga mayayamang estudyante ng Academy na ito. "Tulad nang nabalitaan natin nang nagtapos ang last school year, isang buong section ng Laketon ang natagpuang wala ng buhay." Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay napatingin siya sa pwesto namin, ang class 3-C. "Magbigay tayo ng ilang minutong katahimilkan para sa lahat ng namayapang estudyante ng Laketon Academy." Deretso pa rin akong nakatingin sa kanya, kakaiba. Bakit sa tono ng pananalita niya ... mukhang masaya pa siya? Madami pa siyang sinabi pagkatapos nun. Mga kung anou-ano tungkol sa Laketon, mga bagay na hindi naman interesante para sa akin. Nakakabagot. Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad ng nanyari sa Marylaine, wala akong mapapala sa kanila. Ganun pa rin. Mga walang kwentang tao na wala namang gagawing maganda sa akin. Tulad ng karamihan, iiwan lang din naman nila ako. Babaliktarin ang lahat at magiging kaaway ko. Walang kwenta. Napatingin muli ako sa harap ng may naglakad na lalaki papunta sa gitna ng stage. "Good Morning, schoolmates. Ako nga pala si Blake Reese, class 4-A, president of the Student Council." Sabi niya habang magiliw na nakangiti. Nakalipas ang ilang minuto at salita siya nang salita. Kung susuriin mong mabuti ang bawat salita na binibitawan niya, nakaka-antok. Ngunit ... kung papakinggan mo lang ang boses niya, para kang nahihipnotismo. Isang kakaibang kilabot ang nadama ko. Mukhang kailangan kong mag-ingat sa kanya.

Page 5: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin ang lahat at natigil sa pagsasalita ang nasa harap ng nakarinig kami ng isang malakas na sigaw mula sa katabing building ng gymnasium, ang building ng high school department. Agad kong naramdaman ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Ang natatanging kaba na nadarama ko sa tuwing may manyayaring masama, katulad ng kaba na nadarama ko nang napanood ko ang balita tungkol sa klase nila Denise. Kamatayan. Nagkagulo ang lahat dahil sa narinig na sigaw. Pilit na pinakalma ng mga teachers ang mga estudyante upang hindi pa makasama sa sitwasyon ngunit nabigo sila. Halos mabuwal ako dahil sa tulukan ng mga estudyante na nagpupumilit na lumabas ng gymnasium. Ilang minuto ang nakaraan at nakalabas na rin ako nang maayos. Mula palang dito sa baba, nakita ko na ang mga taong nagtatakbuhan papunta sa ikatlong palapag ... sa classroom ng class 3-C. "May patay! May patay sa loob!" narinig kong sigaw ng isang janitress habang nakaturo sa loob ng classroom namin. Agad kaming nagtakbuhan palapit sa classroom. Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng lahat ng nakita namin ang nakabigting katawan ng isang estudyante. "Si Hanako! Nagbigti si Hanako!" sigaw ng isa sa mga class 3-C. Tama ... siya yung babaeng nakita ko nitong umaga. Yung umiiyak sa gilid. Mas lalong nagkagulo ang lahat. Pilit na pinapaalis ang mga estudyante ngunit sa sobrang takot ay napaiyak na lamang ang iba. "Nagpakamatay siya!" sigaw na naman ng isa sa kanila. Muli kong tinignan ang katawan ng babae .Nakasuot rin siya ng uniform katulad namin. Walang dugo o ano pa man ang makikita sa kanya kaya marahil at siguradong ang dahilan ng pagkamatay niya ay ang pagkakabigti gamit ang nakapalupot sa leeg niya na makapal na lubid na nakatali sa ceiling fan. May nakatumbang upuan sa may bandang likuran niya. Nakatagilid ang ulo niya nguniyt nakaharap pa rin nang deretso ang maputla niyang mukha. Umuugoy-ugoy pa ang katawan niya habang nakasabit na nakakadagdag sa kilabot na nadarama ko. Bahagyang nakabukas ang bibig at medyo nakalawit ang nangingitim na dila. Nandidilat ang mga pula niyang mga mata. Ngunit nakakapagtaka. Bakit yung isang sapatos ... nakatanggal? Ang isa ay nakakabit pa sa kanan niyang paa ngunit sa isang pitik lang ay maari na rin itong mahulog at ang isang pares ay tuluyan nang nahulog at nakabaliktad sa lapag na medyo may kalayuan sa bangkay.

Page 6: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nakakapagtaka talaga. "Sa tingin mo, nagpakamatay nga siya?" tumingin ako sa babaeng biglaang tumabi sa akin. Naka-ponytail ang buhok niya at deretsong nakatingin sa babaeng nakabigti. "Pero pwede rin, tutal wala na rin naman siyang kwenta eh," tumingin siya sa akin at ngumiti."Ako nga pala si Sandria. Luna diba?" Sabi niya muli habang malapad pa rin ang ngiti sa akin. Tsaka naman dumating ang adviser namin na nagmamadaling tinanong ang nanyari sa mga pulis. Nakaraan ang ilang minuto at umalis rin siya. Narinig kong pinatawag siya ng presidente ng Academy, si Mr. Laketon. "Hindi siya nagpakamatay," sabi ko habang nakatingin sa nakabigting katawan. Narinig ko ang pagtanong niya kung bakit. Ngumisi ako sa kanya tsaka binigyan siya ng isang irap na hindi naman niya pinansin at muling tinignan na lang ang nakabigti naming kaklase. "At tsaka, isa pa." Muli kong nakuha ang atensyon niya. "Wala akong pakialam sa kung ano ang pangalan mo. Wala akong balak makilala ka." Ayokong ayokong nakikipag-usap sa mga walang kwentang tao lalo na kung pinapasa lang nila ang pagiging walang kwenta nila sa ibang tao. Sa mga taong masyadong mataas ang pagtingin sa mga sarili nila ngunit hindi nila alam, kaunting hakbang na lang, malalaglag na sila sa pinakamalaking at pinakanakakatakot na hawla ng impyerno. Naglakad ako palayo sa pinagkakaguluhan naming classroom. Kung tama nga ang iniisip ko, hindi siya nagpakamatay. Maaring nalaglag ang sapatos sa pagpupumilit niyang makaalis sa pagkakabigti. Sino ba namang matinong tao ang magpupumilit na umalis sa pagkakabigti kung ang talagang rason niya ay magpakamatay? Pero sa kabilang banda, maari din siyang nagpumiglas dahil sa hindi na siya makahinga at nalaglag na lang ang sapatos niya o kaya nagbago ang isipan niya ngunit parang hindi pa rin tama. Problemado. Nakita ko siyang umiiyak kanina. Kung iisipin, talagang nagpakamatay siya pero bakit sa school? Sa lahat ng lugar, bakit dito pa? Napatigil ako sa paglalakad nang narinig ko muli ang isang sigaw ng pulis. "May kakaibang marka sa batok ng biktima!" naghintay ako ng ilang sandali upang marinig ng susunod na sasabihin nila. "Isang krus. Ngunit mukhang medyo matagal na rin itong nakalagay sa leeg ng biktima dahil naghilom na ang sugat. Mukha siya isang paso galing sa isang mainit na mainit na bakal." Ang narinig kong paglalarawan ng pulis. Agad akong nakaramdam ng kaba. Kakaiba. Halos kalahati ng klase ay umuwi na dahil sa labis na takot at ni hindi man lang kinuha ang mga bag nila sa loob ng classroom. Kaming mga natira ay pinapila ng mga pulis upang kuhanan ng mga impormasyong makakatulong sa kanila.

Page 7: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Kapag kayo na ang magsasalita, sabihin ninyo ang pangalan nyo at ang nalalaman nyo tungkol kay Hanako Perez." Agad na pumunta sa harap ang pinakauna sa pila. "Ako po si Sapphire Garcia." Tumango lamang ang pulis at nagpatuloy na muli siya sa pagsasalita. "Kaklase ko po si Hanako since first year. Siya po yung laging binubully ng mga estudyante at pati na rin ang mga teachers. Lagi po siyang mag-isa." "Isa ka rin ba sa mga nang-aapi sa kanya?" tanong ng isang pulis. "Opo." "Bakit nyo ba siya binu-bully? May sapat na rason ba kayo?" Nakita kong ngumisi yung Sapphire at muling nagsalita. "Because it's fun." Narinig ko ang ilang mahihinang hagikhik ng iba sa klase. "Pero ngayong nakikita mo siyang nakasabit diyan, masaya pa ba?" ilang segundong katahimikan muna ang naghari bago siya muling nakasagot. "No, hindi ako ganun kasama para masiyahan pa pero it's not even my fault. Namatay siya dahil sa pagkakabigti hindi sa mga ginawa namin." Pumameywang siya sa harap ng pulis at dalawang beses na tinignan ang suot niyang relo. "Kung sakaling nagpakamatay siya, yung ang rason niya, kayo ang rason. Hindi ba, parang kayo na rin ang pumatay sa kanya?" "Don't be stupid. Hindi kami ang lubid na pumalupot sa leeg niya. She's brainless, yun ang rason. Sino nga bang tanga na papatayin ang sarili dahil lang dun? " napatayo ang pulis sa inis dahil sa mga sinabi niya. "If tapos na, pwede na ba akong umalis?" pumagitna sa kanila ang isa pang pulis upang hindi lumala ang tensyon na nagaganap sa kanilang dalawa at pinaalis na lang yung Sapphire. Taas noo siyang naglakad at nakipagngitian pa sa mga kaklase namin. "Ako si Raphael Ong. Kaklase ko si Hanako simula nung mga first year pa kami. Nung una, hindi siya ganyan. May kaibigan siya, noon. Nagbago lang yun nung 2nd year na kami. Hindi ko masyadong alam ang nanyari pero ang

Page 8: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

lahat ay nagsimula sa pustahan. Hanggang sa kung ano ano na lang ang sumunod na nanyari. Nagkagulo-gulo na." "Anong pustahan ito?" "Hindi ako ang dapat na magsabi sa inyo ng bagay na yon." Ginulo ng pulis ang buhok niya dahil sa inis at muling tinanong si Raphael ngunit mas pinili niya na manahimik at wala na ring nagawa ang mga pulis kundi paalisin na lang siya. Tutal, hindi naman kami dapat pinipilit na magsalita rito. "Ako si Cyrus Ortega. Isa ako sa mga nambu-bully sa kanya. Bukod sa pustahan, may isa pang dahilan ng pagiging loner niya. Isang laro." Napakunot ang noo ko. Isang laro? Tinanong muli ng pulis ang tungkol sa sinabi niya na bagong impormasyon ngunit tumanggi rin siyang magsalita. Tumayo muli ang pulis at lumakas ang tono ng boses niya marahil dahil sa inis. "Hindi tayo sigurado kung pinatay o nagpakamatay ang kaklase nyo! At kung tutuusin, mga suspects kayo! Lahat ng nasa school na to! Kaya kung maari lang, ibigay nyo ang mga impormasyon na kailangan namin ng-" napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa likuran namin. Si Mr. Laketon. "Pwede na kayong umalis." Sabi niya habang nakatingin sa amin. "Nandiyan na ang mga sundo ninyo." Sumunod naman ang karamihan habang ako ay nagtataka pa rin sa lahat ng narinig ko. Tinignan ko lang ang presidente ng Laketon Academy na pumunta sa harapan ng mga pulis at may inabot siya na isang puting sobre. Kinuha ito ng pulis na takang-taka. Lumingon ang presidente at agad naman ako naglakad palayo at nagtago sa likod pader malapit sa hagdanan pababa. "5 million, sa katahimikan nyo at ng media." Narinig ko ang mababa ngunit tuloy tuloy na pananalita ng presidente ng Laketon Academy. "Sige, 10 million. Ayos na ba?" muli niyang sinabi. Nanlalaki ang mga mata ko habang napatakip ako sa bibig ko. "Nabalitaan kong naghihingalo ang dalawa mong anak sa ospital. Wala ka bang balak iligtas ang mga buhay nila?" muli pa niyang sinabi.

Page 9: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ako makapaniwala. "B-Bakit mo ginagawa ito? Bakit pagtatakpan mo pa ang nanyari sa eskwelahan mo?" sabi ng pulis. Narinig ko ring nagbigay ng komento ang kasama niyang pulis ngunit nakatuon ang pansin ko sa sagot ni Mr. Laketon. "Dahil gusto ko, lahat ng bagay ... malinis." Agad akong napasinghap dahil sa gulat. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang tunog ng mga sapatos na papunta sa direksyon ko. Sa tingin ko, tapos na ang usapan nila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Papalapit nang papalapit ang mga hakbang. Napaupo na lamang ako doon, wala nang pag-asa at tila ba isang daga na magpapahuli sa isang pusa. Ngunit bago manyari ang pinakakinatatakutan ko ay agad kong naramdaman ang isang kamay na humatak sa braso ko. Mabilis ang pagtakbo niya habang hawak hawak pa rin ako sa kanan kong braso at natagpuan ko na lamang ang sarili kong kasama niya, na nagtatago sa isang maliit na kwarto na puno ng kagamitan sa panlinis. Tumingin ako sa kanya. Yung lalaking palagi kong katabi. Ano nga ulit ang pangalan niya? Hingal na hingal siyang nagsalita. "Muntik na yun ah," sandali siyang yumuko upang habulin muli ang hininga niya at tsaka tumingin sa akin nang masama."Alam mo ba ang manyayari kung sakaling nahuli ka nung Laketon na yon?" Dahil sa gulat pa rin ako sa mga nalaman ko at nanyari kani-kanina lang ay umiling lang ako na para bang wala ako sa sarili. Tila ba hindi matanggap ng utak ko ang mga nalaman ko. May isang kaklase akong pinatay o nagpakamatay dahil sa isang pustahan at isang laro. Binigyan ng malaking pera ng presidente ng Academy ang mga pulis para sa katahimikan ng mga ito. Ganito ba talaga sa Laketon Academy? Ito ba talaga ang eskwelahan na pinasukan ni Denise? Bakit ... ang gulo?

Page 10: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Tss." Sabi niya at muling lumapit sa pintuan ng maliit na kwarto na ito. Idinikit niya ang tainga niya rito at muling nagsalita. "Aalis na ko. Bahala ka diyan." Tumayo siya at sa pagtayo niya, nahagip ng mata ko ang pangalan sa i.d niya. Spade Young. Lumabas siya at lumipas ang ilang minuto at napagdesisyunan ko na rin na umalis. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan palabas sa masikip at maduming lugar na ito. Wala pa rin ako sa sarili habang naglalakad pababa ng high school department. Napabuntong hininga ako at tumingin na lamang sa malaking tarpaulin na nakasabit sa pinakaharap ng main gate na ngayon ko lang napansin buhat nung naglakad ako rito kani-kanina lang. Welcome to Laketon Academy. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - Moriendo Renascor - In death, I am reborn // In dying, I am reborn. Panourin po ang teaser sa gilid kung hindi pa napapanood. :) Voice out your opinion. Salamat :) "Life is short, and shortly it will end; Death comes quickly and respects no one. Death destroys everything and takes pity on no one. To death we are hastening, let us refrain from sinning." --------------------------------------------x LUNA'S POV

Page 11: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

LUMABAS ako sa kwarto at napatingin ako kaagad sa isang tray na nasa labas ng kwarto niya. Isang tingin palang, alam ko na agad na hindi pa nagagalaw ang pagkain na iyon. Tumayo ako sa harapan ng tray. Pagkatapat na pagkatapat ko sa pinto, agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Ito ang tinik na matagal ng nakabaon at unti-unting sinisira ang buong sistema ng katawan ko. Ang nasa loob ng kwartong ito ... siya ang tangi tao na palaging nagpapaalala sa akin kung gaano ako kawalang kwenta at kung gaano ako dapat na hindi nabuhay. Ang Mama ko. Kinuha ko ang tray at aalis na sana upang dalhin ito sa kusina ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Napatingin ako kagaad sa loob. Gumuguhit sa ilong ko ang masangsang na amoy galing sa loob ng kwarto. Gulo gulo ang lahat ng gamit at tila ba hindi na ito nalilinis ng ilang taon. Nakita ko siya. Yakap yakap niya ang isang puting unan habang nakaupo sa gilid ng kama niya na nakasandal sa pader. Sira-sira rin ang wallpaper ng kwarto niya, siguro dahil sa pagkalmot niya rito at sa pagsulat ng kung anu-ano. Napaatras ako ng biglaan siyang tumingin sa akin. Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakaba sa akin. Napatingin ako sa tray na naibagsak ko dahil sa pagkagulat ngunit bago ko pa man ito mapulot ay agad kong narinig ang pagsigaw ng Mama ko. Tumakbo siya papunta sa akin habang gigil na gigil. Sinabunutan niya ako gamit ang dalawa niyang kamay na matutulis ang bawat kuko. "Demonyo! Isa kang gawa ng demonyo! Ayaw ko sayoo! Hindi kita anak!" pilit ko siyang tinutulak palayo ngunit sadyang mas malakas siya sa akin, katulad pa rin ng dati. Napasandal ako sa gilid ng hagdanan at sa ilang sandali ay maari akong mahulog at masaktan. "Kahit kailan hinding hindi kita matatanggap! Demonyoooo! Mga demonyo kayooo! Sana hindi ka na lang nabuhay!" nakita kong hinatak siya ni Papa palayo sa akin. "Edlyn tama na!" sigaw sa kanya ni Papa habang yakap yakap niya sa balikat si Mama upang mapigilan ang pagwawala nito. "Edlyn please!" ngunit mas lalo pa siyang nagwala at nagpupumilit na umalis sa pagkakayakap ni Papa upang saktan muli ako. Agad naman nagsidatingan ang mga katulong kasama ng dalawang personal nurse ni Mama. Tinurukan ng tranquilizer si Mama sa balikat na naging dahilan ng unti-unti niyang pagtulog. Pinasok na siya sa loob ng kwarto

Page 12: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

habang naiwan naman kami ni Papa sa labas. Nakatulala pa rin ako. Hindi sa hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, alam kong iyon ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Gustong-gusto niya akong patayin. Gustong-gusto niya akong sinasaktan dahil sa tingin niya, kapag nagawa niya yon, makakapaghiganti na siya. Dahil ako ang bunga ng panggagahasa sa kanya. Ako ang tanging katibayan ng masalimuot niyang nakaraan. Isang salot. Isang sumpa. Walang kwentang nilalang. Iyan ang tingin niya sa akin. "Anak." Narinig ko ang boses ni Papa. Tumingin ako sa kanya at inirapan na lamang siya. "Pagpasensiyahan mo na ang Mama mo ah. Alam mo namang-" wala na siyang nagawa kundi tumigil ng nagsalita ako. "Alam ko namang galit na galit siya sa akin at gustong-gusto na niyang akong patayin," tumingin ako nang deretso sa mga mata ni Papa. "Ganun ba ko kawalang kwenta?" pumameywang ako ngunit hindi na ako nakatingin sa kanya. Hindi niya ako anak pero kahit papano, ama pa rin naman ang turing ko sa kanya .Ang kaibahan lang, may pakialam siya sa akin dahil lang kay Mama. Siya na ang pinakatangang nilalang para tanggapin ang isang babae na ginahasa at nagkaroon pa ng bunga ang panggagahasa na iyon. Napakatanga talaga. Wala na akong narinig sa kanya. Siguro nga, tama lang ang sinabi ko. Ganun ako kawalang kwenta. Bumalik ako sa kwarto ko at pilit kong isinantabi ang nanyari. Umupo sa gilid ng kama at kinuha ang laptop na nakapatong sa lamesa. May pumasok agad na ideya sa isip ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng web browser ay agad kong tinaype ang 'George Laketon' sa search bar ng google. At hindi na ako nagulat sa dami ng lumabas na artikulo patungkol sa kanya. Ngunit kahit isa doon ay walang nabanggit tungkol sa nanyari. Puro magagandang balita ang makikita. Kahit yung nanyari kala Denise, hindi naikonekta sa pangalan niya o sa paaralaan man. Dahil sabi nila, hindi naman daw ito nanyari sa paaralan mismo... walang koneksyon sa Academy? Maniniwala ba ako rito? Itinabi ko muli ang laptop sa lamesa. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatulala sa pader. Sabi ko na nga ba, may mali. Maraming mali. Tumayo ako at naglakad lakad. Kung hindi nagpakamatay si Hanako.

Page 13: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sino ang pumatay sa kanya? Nakarinig ako ng ilang katok sa pintuan kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko... si Papa. "Luna." Hindi ako sumagot ngunit binuksan ko ang pinto at hinarap siya. May hawak hawak siyang isang tray kung san nakapatong ang isang plato na may kanin at ulam at isang baso ng juice. "Sabi nila manang Fely hindi ka pa kumakain." Inaabot niya ang tray sa akin ngunit nakatingin lamang ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi, parang ako si Mama na nirarasyunan niya ng pagkain. "Ilalapag ko na lang dito." Pumasok siya at nilapag ang tray sa kama ko. Aalis na sana ngunit bago niya isara nang tuluyan ang pinto ay narinig ko pa rin ang boses niya. "Tsaka gusto ko lang sabihin na, hindi ka walang kwenta para sa akin, Luna. Anak kita, tinuring na kitang anak simula nung una at kahit hindi ako ang tunay mong ama, malaki ang tiwala ko sa sarili ko na kayang kaya kitang alagaan hanggang sa dulo." Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay tuluyan na niyang sinara ang pinto. Anak? Dahan dahan akong lumapit sa kama habang naririnig ko pa rin sa utak ko ang boses niya. Paulit-ulit. "..kahit hindi ako ang tunay mong ama, malaki ang tiwala ko sa sarili ko na kayang-kaya kitang alagaan hanggang sa dulo" Kinuha ko ang tray at kinandong sa aking mga hita nang umupo ako. Nahagip ng mata ko ang sticky note na nakadikit sa gilid ng tray. Agad ko naman itong binasa."Eat well, my princess." "My princess?" bulong ko. Alalang-alala ko pa, tuwang tuwa ako noong bata palang ako sa tuwing tinatawag ako ni Papa ng princess. Pakiramdam ko, napaka-espesyal ko. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng bata sa buong mundo pero iba na ngayon. Nagbago ang lahat nang pati siya ... binigo ako. Yung gabing nalaman ko na hindi ko rin pala siya dapat pagkatiwalaan.

Page 14: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SAPPHIRE'S POV Tumingin ako sa compact mirror ko na laging laman ng bag ko. Ngumiti ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Kahit kailan talaga, hindi pumalya ang mukha ko na maging maganda. Nakangiti pa rin ako nang binaba ko ang compact mirror. "Ngingiti-ngiti ka pa diyan. Siguro iniisip mo ako no?" tumingin ako kay Cyrus nang masama. Habang siya naman ay umalis sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng mesa sa tabi ko at lumipat sa harapan ko. Inayos niya ang upuan upang magkaharap kami. "You know what Cyrus? Mag-aral ka na lang kaysa nagpapa-cute ka pa diyan." Sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya. Sarcastic smile. Ngumisi naman siya sa akin tsaka muling sumagot. "Pano ba yon? Eh pinanganak na akong cute. Effortless, baby." Bigla akong kinilabutan sa pinakahuli niyang salita na binanggit na agad namang naging dahilan ng pagtawa niya nang malakas. "You're too cute, Phire." Ginulo-gulo niya ang buhok ko na matagal kong inayos kanina. Nakakainis. Phire. Sa lahat talaga ng taong kilala ko, siya lang ang tumatawag sa akin niyan. Ang pangit kasing tignan pero ewan ko ba kung bakit iyan ang naisipan niyang itawag sa akin. Ang wirdo. Tumingin ako sa dumaan sa harapan ko. Luna Levesque. First day niya palang kahapon, nakuha na niya agad ang halos lahat ng atensyon. Hindi ito pupwede. Kung tutuusin, mas katanggap tanggap naman kung ako ang tinititigan ng lahat. Siyempre, mas maganda sa mata na ako ang titigan. Kaysa naman sa kanya na akala mo galit sa mundo. Ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti yan. First day. Bigla kong naalala muli ang nanyari kahapon. Napatingin ako sa harapan ng classroom, sa mismong ceiling fan kung san nakasabit si Hanako. Nagtataka

Page 15: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

pa rin ako kung ba't pinapasok na kami kaagad sa classroom na ito. Lalo namang nagtataka ako na wala nang nag-iimbestiga. Siguro wala rin silang pake kay Hanako? Mas mabuti. Hindi ako ang pasimuno sa pambubully sa kanya. Si Cyrus yun. Napaka-isip bata lang talaga nila, dahil sa isang pustahan, ganun na ang naging reaksyon niya? Mayron akong mga sariling rason para apihin siya. Kinamumuhian ko si Hanako. Kung pupwedeng ibigti ko siya nang paulit-ulit, gagawin ko. Kaso, patay na siya. Nakakagaan ng pakiramdam. "Okay class." Hindi ko man lang napansin na nasa harap na pala ang adviser namin. "Before anything else, may itatanong lang ako." Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nilabas ko ito kahit na alam kong may teacher sa harap. Bakit ba? Napakaganda at napakamahal ng phone ko para itago lang. Sender: Unknown Message: Sana magustuhan nyo ang regalo ko, 3-C. Creepy. Agad kong binura ang message at nilagay ang phone ko sa bag. Regalo? "Kanino ito?" agad na nabaling ang atensyon ko nang may itinaas ang adviser namin na dalawang foil na maliit at kung hindi ako nagkakamali, pinagbabawal na gamot ang laman nito. Bakit naman niya sa amin hinahanap ang nagmamay-ari niyan? "Uulitin ko, kanino ito?" wala pa ring sumasagot ngunit nakakarinig ako ng iba't-ibang bulungan. Hindi pupwede. Wala naman sigurong gumagamit niyan sa amin. "Isa pa, kung walang sumagot, dadalhin ko kayong lahat sa Guidance office." Tumayo ako at pumameywang. "Don't you dare do that." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay at masama ang tingin sa kanya. Hindi maaring gawin ng isang teacher ito sa amin. Kung walang aamin, edi hindi isa sa amin ang nagmamay-ari niyan. Ano pa ba ang gusto niya? May umamin lang para masabi niya na mataas siya kaysa sa amin? "At bakit Ms. Garcia?" "Makakalaban mo ako Ms. Adviser at bakit ka ba interesadong interesado sa kung sino ang may-ari niyan, bibili ka rin ba?" narinig ko ang mahihinang tawa ng mga kaklase ko. "Wag na wag mong idahilan na concern ka lang sa amin dahil ako na mismo ang nagsasabi sayo na hindi naman kailangan ng

Page 16: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

concern mo. Teacher ka, magturo ka. Hindi yan mangingialam ka pa ng buhay ng iba." Umupo ako kaagad dahil sa inis. Ayaw ko sa lahat ay ang papakialaman ang section namin. Ako ang lider ng 3-C. Ako ang nasusunod. Ako ang superior. "Oo nga maam. Naiintindihan ko naman kayo kaso sa ginagawa nyo, wala talagang aamin niyan kung sakaling isa sa amin ang may-ari niyan." Tumayo si Raphael, ang presidente ng klase, isang scholar at malamang hindi kayang kumpletuhin ng pamilya nila ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Wala namang discrimination sa klaseng ito lalo na't matalik niyang kaibigan si Cyrus. Wala talagang mang-aasar man lang sa kanya rito. "Magklase na lang ho tayo." Magalang niyang sinabi. Napangisi ako nang di oras. Sa klaseng ito, mas mataas ang estudyante sa teacher. Kung papalag, edi, patalsikin. SANDRIA'S POV Dere-deretso akong naglakad papunta sa cafeteria kung san halos puno ang lahat ng lamesa. May dala dala akong baon. Isang gawain na hindi normal para sa mga estudyante rito. Hindi katulad nila, hindi ko kayang bilhin ang mga pagkain dito. Masyadong mahal. Kung tutuusin, swerte ako. Nakakapag-aral ako ng libre sa Laketon. Isa ko sa limang nakakuha ng scholarship hanggang sa magtapos ako ng high school. Tuloy pa rin ako sa paghahanap ng bakanteng upuan nang namataan ko yung Luna na mag-isang nakaupo sa isang lamesa na para sa apat na katao. Mukhang walang gustong umupo sa tabi niya. Lumapit ako at umupo sa katabi niyang upuan. Tumingin lang siya sa akin at muling binaling ang atensyon niya sa kinakain niyang kanin at ulam. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon, "Wala akong pakialam sa kung ano ang pangalan mo. Wala akong balak makilala ka." Ewan ko pero ayos lang namang para sa akin yun, ni hindi ako nakaramdam ng galit o ano man. "Hay ang daming tao." Narinig ko ang isang boses ng lalaki. Umupo siya sa tapat ni Luna. Tama, naalala ko siya. Spade.

Page 17: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sinong nagsabing pwede kang umupo diyan?" tuloy tuloy at para robot na sinabi ni Luna sa kanya habang nakatingin ang mga malalamig niyang mga mata sa nakangising si Spade. "Hoy, Tuna wag kang-" "Luna ang pangalan ko, wag kang tanga." Mas lalong lumapad ang pagngisi ni Spade. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at ilang minuto na lang ata at magkakaroon ng kuryente sa pagitan ng mga mata nila kung hindi matatapos ang masama nilang titigan. "Hindi ako tanga, mas bagay sayo ang Tuna." Hindi na pinansin ni Luna ang sinasabi ni Spade at nagpatuloy na lang sa pagkain. "Pinaglihi ka ba sa babaeng nireregla o sa babaeng name-menopause na?" nagpatuloy na rin ako sa pagkain nang tumahimik na silang dalawa. Saka ko naman nakita si Sapphire kasama ng mga kaibigan niya na sina Aislinn, Austin, Cyrus, Raphael, Harvey at pati na rin si Katherine. Pinaalis nila ang isang grupo na tahimik na nakaupo sa mahabang lamesa at masayang masaya silang umupo habang nagbubulungan at tila galit ang umalis sa pwesto na iyon. Pagkaupo na pagkaupo nila, narinig kong sinabi nila lahat ng bibilhin nila kay Katherine. "Pineapple Juice at Flakes lang sa akin. I'm on diet." Sabi ni Sapphire kay Katherine. "Ano pang hinihintay mo? Go!" agad naman sinunod ni Katherine ang utos nila Sapphire. "Para talaga siyang aso." Narinig ko muli ang boses ni Sapphire kasabay ng tawanan nila. "Ano bang mga klase tao ang nandito?" napatingin ako kay Spade na sa akin pala nakatingin. Mukhang ako ang tinatanong niya. Inilapag ko sa baunan ko ang hawak-hawak kong kutsara't tinidor at sinagot ang tanong niya sa pinakasimpleng paraan na alam ko. "Dalawa ang klase ng tao sa 3-C." Nahagip sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Luna na mukhang inetersado sa sasabihin ko. "Ang isa, ang hindi mo maaring kaibiganin at ang isa naman ay ang hindi mo maaring kalabanin." Napatingin ako kala Sapphire. "Sapphire ito na ang pineapple juice mo." Sabi ni Katherine sa kanya kasabay ng pagkuha ni Sapphire sa isang baso ng pineapple juice. Napasimangot si Sapphire at tumingin kay Katherine. "Mali ba ako?" tanong ni Katherine sa kanya.

Page 18: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ang tanga mo talaga. Ang sabi ko, orange juice." Sabi niya sabay tayo sa tabi ni Katherine. Tinapat niya sa ulo ni Katherine ang baso at dahan-dahan itong binuhos sa ulunan ni Katherine. "Sa susunod, bawas-bawasan mo ang pagkatanga mo ha?" "Sapphire, you don't need to do that." Saway sa kanya ni Aislinn. Tumayo si Aislinn at hinawakan sa balikat si Katherine at pinaupo siya. "Ayan ka na naman eh, lumalabas na naman yang mga sungay mo." "Whatever Aislinn. Wala na kong mapagtripan na iba. Hanako's dead," umupo si Sapphire at tumingin nang masama kay Katherine. Magpapaliwanag pa sana si Katherine kaso nagsalita agad si Sapphire. "Shut up. You're stupid." "Katulad nun?" sabi sa akin ni Spade habang nakatingin din sa grupo nila Sapphire. Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ko. "Bakit tayo nasa section C?" biglang sabi ni Luna. Napatingin kaming dalawa sa kanya. "Nasa atin ang dalawa sa mga pinakamatatalino sa buong Laketon, nasa atin ang anak ng pinakamalaking investor sa Laketon at hindi naman basagulero ang lahat ng nasa C. Kung ganun, ba't tayo nasa C?" bigla akong nakaramdam ng kaba sa tanong ni Luna. Tama, pinakakakaiba talaga sa lahat ang mga batas patungkol sa section namin. Ang A at B, maari silang magbago ng section depende sa grades ngunit ang C, hanggang sa huli, section C pa rin.Hindi maaring tumakbo sa eleksyon ang mga taga-section C. Bakit nga ba? Hanggang sa matapos ang lunch at paakyat na kaming tatlo papunta sa classroom, ang tanong pa rin ni Luna ang gumugulo isipan ko. Bakit nga ba ako nasa section C? Umupo ako sa pinakaharap at nasa pinakagilid ng room. Nakaupo na halos lahat ngunit tumakbo si Harvey, isa sa mga kaibigan ni Cyrus, na para bang may humahabol na multo sa kanya. Pumunta siya sa harap at hinabol ang hininga habang nakapatong ang magkabilang kamay sa teacher's table. Nakatuon ang lahat ng atensyon sa kanya. "M-May nabalitaan a-ako." Paputol putol niyang sinabi dahil sa paghabol niya ng hininga. Ilang segundo ang nakaraan bago pa man niya makumpleto ang sasabihin niya. "N-Nawawala ang bangkay ni H-Hanako."

Page 19: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nawawala? Narinig ko ang mahihinang bulungan at pag-uusap ng iba patungkol sa balita ni Harvey. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ko. Hindi pupwede. Akala ko ... hindi siya seryoso. Akala ko ... akala ko.. "Oo narinig ko mismo sa bibig ng adviser natin!" muli pang sinabi ni Harvey. Napalingon ang lahat nang narinig naming ang matinis na tili ni Aislinn habang nakaupo sa lapag at nakatakip ang mga mata dahil sa takot. Agad namang tumakbo papalapit sa kanya si Austin, ang lalaking dati pang may gusto sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng tinignan ko ang tinuturo ni Aislinn. "S-Si L-Lizzy." Hirap na hirap na sinabi ni Aislinn habang nakaturo sa bukas na locker niya na naglalaman ng putol na ulo ni Lizzy. Nanlalaki ang mga dilat na dilat na mga mata nito. Napasigaw ang ibang babae at ang iba ay hindi man lang kayang tignan ang putol na ulo ni Lizzy lalo na sa mga mata niya na akala mo'y minamatiyagan ang bawat kilos namin. Napatakip ako ng bibig ko.. Dalawang kamatayan sa loob ng dalawang araw? Napatingin kaming lahat sa speaker na nasa taas ng blackboard na ginagamit para sa mga anunsyo ng eskwelahan nang biglaan itong tumunog. Ngunit mas nakakapagtaka ang pagtunog nito ngayon. "V-Vita brevis breviter in b-brevi finietur. Mors venit v-velociter quae n-neminem veretur. Omnia m-mors perimit et nulli miseretur. Ad mortem f-festinamus peccare d-desistamus." Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Ngunit isa lang ang sigurado ko. Si Lizzy ang nagsasalita. Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay agad itong nag-off. Nagsitakbuhan ang mga kaklase ko papunta sa sound system room ngunit sa pagbalik nila, isang recorder lang ang dala dala nila. Kinakabahan ako sa mga nanyayari. A-Anong nanyayari sa klase namin?

Page 20: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tinawag ng isa naming kaklase si Maam Maeganne. Katulad namin, gulat na gulat rin siya sa nadatnan niya. Ngunit ang mga sinabi niya ang mas lalong nagpataka sa akin... "Itatago ko ang ulo ng kaklase nyo. Huwag nyong ipagsabi." Tumigil siya nang sandali na para bang pinag-iisipan pa ang sasabihin at muling nagpatuloy. "Sikreto ito ng class 3-C." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - ANG MEANING NG SINABI NI LIZZY DUN SA SPEAKER AY NASA PINAKAUNANG PART NG CHAPTER. Ano yan, nakita ko sa wikipedia. Search nyo lang yung 'Memento Mori' tas dun sa wikipedia, nandiyan yan. Parang kanta (o tula? Idk) daw yan dati nung Medieval period. Nakalimutan ko na XD Basta ayon, hindi ko gawa-gawa yan, walang credit sa akin kahit ano diyan. :) Ayon, maraming salamat sa pagbabasa! :* "Sapphire, the shattered jewel." --------------------------------------------x LUNA'S POV "TULUNGAN nyo ko! Dalhin natin sa clinic si Sapphire!" napatingin ako sa harapan kung saan buhat buhat ng isang lalaki yung tinatawag nilang Sapphire. Nanginginig ang babae at humagulgol habang nandidilat pa ring nakatingin sa dugo na patuloy na umaagos sa mga pagitan ng mga tiles sa classroom. Agad na nagsilapitan ang karamihan. Nahihirapan ang nagbubuhat sa kanya dahil sa pagwawala na ginagawa niya kaya tumulong na rin ang iba.

Page 21: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tinignan ko muli ang ulo na nakalagay sa locker. Nakakapangilabot. Lalo na yung narinig namin. Sa tingin ko, hindi ko pa naririnig ang mga katagang iyon sa buong buhay ko. Pinalabas ang lahat ng adviser namin at iilan lamang ang natira sa loob kasama niya. Lilinisin daw nila ang sitwasyon. Nakakapagtaka. Bakit kailangan pa niyang pagtakpan ang mga ito? Bakit kailangan pang maging sikreto ng nanyari? May dahilan ba? May pinoprotektahan ba siya? Naalala ko muli ang sinabi ni Mr. Laketon. "Gusto ko, lahat ng bagay ... malinis." Sumunod ako sa mga kaklase namin papuntang clinic. Nagsisistinginan ang mga estudyante sa pagdaan namin at tila ba'y takang-taka sa nanyayari. Sumunod ang ibang estudyante na nagmamalasakit kay Sapphire ngunit pinaalis ng iba ang mga iyon. Nang nakarating kami sa unang palapag kung saan nasa dulo ang clinic ng high school department ay biglaan na lang nahimatay si Sapphire kaya mas lalong binilisan ng mga kaklase namin na nagbubuhat sa kanya ang paglalakad. Sinalubong kami ng isang palangiting nurse at pinahiga niya si Sapphire sa pangatlong kama mula sa dulo. Pinaalis muna kami at dahil sa wala rin naman akong pupuntahan ay tahimik akong umupo sa mahabang silya sa labas ng clinic habang ang iba naman ay nagsi-alisan na upang bumalik sa classroom. Kaunti na lang kaming natira. "Diba, may phobia siya sa dugo?" tanong ng isa sa kanila. "Cyrus, is It normal ba na ganun siya mag-react?" pangalawang tanong ng isang alalang-alala na kaklase namin. "Hindi ko alam Aislinn, ito ang u-unang beses na nanyari ito." Sabi ng lalaki kasabay ng pag-upo niya sa pinakadulo ng upuan ngunit halata pa rin ang kaba na nadarama niya."Ang gulo ng nanyayari sa klase natin." "Maari kayang," tumayo ang isang lalaki sa harap namin at ilang segundo ay pinagpatuloy niya ang dapat niyang sasabihin. "Maari kayang, konektado ito sa pagpapakamatay ni Hanako? Baka .... baka naghihiganti siya.."

Page 22: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Stop that Austin. Kahit naman ganun ang nanyari, hinding-hindi gagawin ni Hanako ito sa klase natin at naniniwala ka ba sa mga bagay na ganyan, hindi tayo nasa pelikula." Sabi nung babaeng tinatawag nilang, Aislinn. "Ang bumabagabag lang sa akin, bakit sa klase natin nanyayari ito?" aalis na sana ako dahil wala naman akong napapala sa usapan nila. Puro mga duwag lang ang naririnig kong nagsasalita ngayon. "Bigla ko tuloy naalala. Ang mga nanyari noon sa last batch ng 3-C." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Baka matulad din tayo sa kanila, n-namatay sila. N-Naalala nyo ba yung nakasabit na bangkay ni kuya Kevin sa hallway? Ta-Tapos yung nakitang putol putol na katawan ng isang taga-3-C sa c.r. tapos yung-" Napakatakip siya sa bibig niya na para bang natatakot ang itsura sa pag-iisip palang ng mga maaring manyari. "Shut up Katherine! Nananakot ka lang eh. Kung nandito lang si Sapphire, kanina ka pa pinatahimik nun dahil diyan sa kawirduhan mo." Sabi ng isang babae na katabi ni Aislinn. "Don't be too rude, Celina." Pambabawal ni Aislinn. Bigla akong napaisip. Hindi ko alam na may mga panyayari palang naganap na ganun dati. Mas lalo akong nagkaroon ng kakaibang pakiramdam na hindi nga naiiba ang nanyayari sa klase namin sa nanyari noon sa klase nila Denise. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kaba... Napatingin kaming lahat sa dumaan na matikas na babae na nakasuot ng puti mula sa pangitaas niya hanggang sa pang-ibaba niyang kasuotan. Pumasok siya sa clinic at ilang minuto ang nakaraan ay lumabas rin siya. Sakto lang ang katagalan na inilagi niya sa loob. Agad nagsipasukan sa loob ang mga duwag kanina habang ako ay nanatii sa labas. Iniisip ko pa rin ang mga narinig ko. "Luna Levesque, class 3-C?" napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, ang presidente ng student council. Tumingin lang ako sa kanya hanggang sa nagsalita siya muli. "Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibigan na si Denise." Naglakad na siya palayo bago ko pa man lubusang naintindihan ang mga sinabi niya. Napatayo ako kaagad at naglakad ng ilang hakbang papalapit sa kanya. "Pano mo nalaman ang koneksyon ko sa kanya? Anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo?" medyo may kalakasan ang boses ko dahil sa hindi naman siya ganun kalapit mula sa kinatatayuan ko. Ramdam ko pa rin ang kilabot sa tuwing maalala ko ang sinabi niya.

Page 23: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibigan na si Denise." Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ganun pa rin. Katulad pa rin nung unang araw na narinig ko siyang magsalita sa harap. Nakaka-hipnotismo. Para bang maniniwala ka sa mga susunod niyang sasabihin sa pagtingin palang sa mga mata niya. "Alam ko ang lahat." Naglakad ako papalapit pa sa kanya. "Anong sinasabi mong pumatay kay Denise?" matapang na matapang kong sinabi sa harapan niya. "Mga sikreto, pangingialam, kuryusidad at pagtitiwala." Muli, naramdaman ko ang kaba sa bawat katagang binitawan niya. "Kung ako sayo, hinding hindi ako magtitiwala sa kung sino man. Sa kaibigan mo, sa kaaway mo o kahit man sa sarili mo." Tumingin siya sa kaliwa. "Iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ka." Muli siyang tumingin sa akin, deretso sa akin mga mata. "Good luck.Luna." Napatingin ako sa kaliwang parte ng daan kung san siya napatingin. Ang pangalawang building ng Academy. Wala naman akong nakitang kahina-hinala. Ngunit isang pinto ang nakakuha ng atensyon ko. Ang Office of the President at sa ibaba nito nakalagay ang pangalan niya, ang pangalan ni Mr. George Laketon. AISLINN'S POV "May Hemophobia siya, Fear of blood. Nag-hysterical lang siya kanina dahil sa presence ng blood. Alam kong hindi na iba sa inyo ang impormasyon na iyon dahil alam nyo na ang tungkol dun sa simula palang pero ito ang unang beses na inatake siya nito diba?" nagsitanguan kami. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko si Sapphire na nakaupo na sa kama at umiinom ng tubig. Lumapit si Cyrus at Katherine sa kanya.

Page 24: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Phire, ayos ka lang ba?" tanong ni Cyrus sa kanya. Ngumiti si Sapphire at tumango sa kanya at muling uminom ng tubig. "Wag kang mag-alala Sapphire, nililinis na nila ang dugo sa classroom. Pagbalik natin, wala na-" naputol ang pagsasalita ni Katherine nang sa unang beses ay nagsalita si Sapphire. "Dugo? Kaninong dugo? Sinong nasugatan?" nakatinginan kaming lahat sa tanong niya. Bakit...bakit hindi niya maalala? Agad kaming sinenyasan ni nurse Tin na lumabas. "Sapphire, magpahinga ka lang diyan ah?" sabi sa kanya ni nurse Tin bago kami sundan sa labas. Agad na umulan ng tanong mula sa mga kaklase namin. Itinaas ni nurse Tin ang dalawa niyang kamay upang sabihin na huwag muna kami magtanong nang magtanong. "Actually, nagulat din ako na eepekto sa kanya ang ginawa ng hypnotherapist niya kanina. Iyon din ang unang beses na nakasaksi ako nun." Sabi pa niya habang halatang naguguluhan din. Naalala ko muli yung babae na pumasok kani-kanina lang sa clinic. Maaring siya ang sinasabi niyang hypnotherapist. "Ano po bang nanyari?" tanong ko sa kanya. "Anong ginawa niya kay Sapphire?" "Hypnotism." Sabi ni nurse Tin habang napasinghap ang iba sa amin dahil sa pagkagulat. "Personal na hypnotherapist ni Sapphire si Dra. Carpio at sa tingin ko, pag-uutos iyon ng tatay ni Sapphire." Naalala ko ang tatay ni Sapphire, isang senador, ang pinakamalaking contributor o investor sa Laketon Academy. "Ginagamit ang hypnotism kay Sapphire para makalimutan na ang nanyari kanina dahil sa kaso ni Sapphire, hinding-hindi niya kaya ang stress na nagmula sa phobia niya. Hindi ko masyadong alam ang bagay kaya iyon lamang ang masasabi ko. Isa lang ang hihilingin ko sa inyo, huwag nyo na lang ipapaalala kay Sapphire ang nanyari dahil maguguluhan lang siya." Pagkatapos siyang magsalita ay pumasok muli kami sa loob ng clinic at lumapit sa may kama ni Sapphire. Nabigla siya nang biglaan ko siyang niyakap. "A-Aislinn," narinig kong sinabi niya ang pangalan ko. "Why?" ngunit imbis na sagutin ko ang tanong niya ay niyakap ko muli siya. Umalis ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya. Umiling upang maipahiwatig na wala lamang ibig sabihin ang yakap na iyon. "Ang weird nyo ha. By the way, nurse Tin, pwede na ba kaming umalis?" tumango lamang ang nurse at nagsimula na kaming lumabas ng clinic.

Page 25: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Mabuti na lang at maayos ka na Phire." Sabi ni Cyrus habang paatas kami papunta sa pangalawang palapag. Ngunit habang paakyat kami. Agad na may tanong na nabuo sa utak ko. Anong nanyari at bakit nagkaroon ng phobia sa dugo si Sapphire? Pumasok kami sa classroom. Nagsilapitan ang lahat kay Sapphire at tinanong sa kanya kung ano ang nanyari. Ngunit pinigilan sila ni Cyrus at Austin sa pagtatanong kaya wala na silang nagawa kundi umupo at hintayin ang susunod na teacher. Ilang beses akong napatingin kay Sapphire. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nanyari sa kanya. Ano nga ba talaga ang nanyari sa kanya at ganun siya katakot sa dugo? Hindi ko mapigilan ang pagiging mausisa ko ... gusto kong malaman. Dumating ang teacher at nagsimula ang klase. Nagambala ang klase nang pumasok yung isang transfer student na kanina pa namin hindi nakikita. "Mr. Young, san ka na naman ba natulog ngayon?" saway sa kanya ng teacher habang papasok sa klase. Naghikab pa siya bago sumagot. "Sa library," at muli pa siyang naghikab bago umupo sa upuan niya. Lumingon siya sa katabi niyang babae. "Hi Tuna." Ngunit isang irap lang ang natanggap niya. "Sungit." Ang sabi pa niya bago dumukdok sa desk at muling natulog. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala sila nakakausap, ang dalawang bago sa klase. Siguro darating din ang panahon na makikilala ko sila nang lubusan. Lumipas ang ilang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala. Nakatayo si Sapphire sa harapan ko at hinihintay ako na tumayo at ayusin ang gamit ko upang makaalis na. Ngumiti siya at tumayo na ako. "Katherine, carry Aislinn's bag." Utos ni Sapphire kay Katherine. Lumapit sa akin si Katherine na maraming nang hawak na bag sa kamay upang kuhanin ang bag ngunit umiling ako sa kanya bilang pagtanggi. Tuloy tuloy kami sa paglalakad hanggang sa nasa parking lot na kami. Isa-isang binigay ni Katherine ang mga bag ng mga kasama namin. Pinakahuli niyang ibigay ang bag ni Sapphire sa driver ng kotse ni Sapphire. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. "Sapphire." Pagtawag ko sa kanya bago pa siya makasakay sa kotse. "May naalala ka bang nanyari saiyo dati na kinatakot mo? Yung parang near death experience o kaya-" napatigil ako sa pagsasalita nang napansin ko na kakaiba na ang ekspresyon niya sa mukha. Nagtataka. Parang may kung ano na bumabagabag sa kanya dahil sa tanong ko.

Page 26: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"What do you mean Aislinn?" "Gusto ko lang maunawaan o maayos yang takot mo sa dugo at-" "Aislinn, you're my friend, not a psychologist. Besides, fix your life before trying to fix mine. You know what I mean." Agad kong naramdaman ang sobra sobrang kaba sa dibdib ko. Ayusin ko ang buhay ko? Tama. Parang sinabi na rin niya na napakagulo ng buhay ko. "Alam ko ang sikreto mo. I'm your friend and I promise you that I won't use it agains't you pero ito lang, ayusin mo ang gulong ginagawa mo, Aislinn. Hindi mo alam ang consequences. Maaring masira ang pamilya mo kahit anong oras." Kumaway siya sa akin bilang pamamaalam bago pumasok sa loob ng kotse. Tama si Sapphire, sa sikreto ko ... maaring masira ang pamilya namin kahit anong oras, nang dahil sa akin. Ako ang may gusto ng mga nanyayari pero ngayon ... parang gusto kong talikuran ang lahat ng ginawa ko ngunit huli na. Huli na para tumalikod sa mga nagawa ko. Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan dahil nung mga panahon na iyon, iyon ang tingin kong tama para sa sarili ko, para sa damdamin ko. Napalingon ako nang biglang may humawak sa kamay ko. "Austin." Pagbanggit ko sa pangalan niya. Ang tanging taong handa pa rin akong tanggapin sa kabila ng lahat ng ginawa kong masama. Sa lahat ng ginawa kong nakakasakit para sa kanya, sa damdamin niya at lalong lalo na, sa buhay ko. TEACHER MEAGANNE'S POV Inayos ko ang mga gamit ko. Nag-iisa na lang ako ngayon sa teacher's table. Ngunit bago ako umalis, itinago ko muna sa pinakailalim na drawer ng table ko, ang litrato niya nung sanggol pa lamang siya. Hindi ko gusto ang mga nanyayari. Hindi ko alam na possible pala itong manyari sa akin. Nasa Laketon Academy na ko, abot-kamay ko na siya. Abot-kamay ko na ang anak ko pero isang tanong lang ang namamalagi sa isipan ko. Sino nga ba siya?

Page 27: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pagkalabas na pagkalabas ko sa main gate ng campus. Pumara agad ako ng taxi at dumiretso sa bahay niya. Alam kong hindi magandang desisyon ang gagawin ko ngunit kailangan kong gawin ito. Baka sa pagkakataon na ito, malaman ko kung sino siya, kung sino ang anak ko. Hinarang ako ng guard sa gate palang ng bahay nila. Nagpumilit pa rin ako na makapasok. "Hindi po maari madam. Nasa blocked list po kayo." Sabi ng isang guard habang pinipilit pa rin ako umalis ngunit hindi pa rin ako nagpapigil. "Parang awa mo na manong, yung anak ko! Nandiyan ang anak ko!" nagsisigaw muli ako. "Luke! Lumabas ka diyan! Ilabas mo ang anak ko!!" sigaw ko ng paulit-ulit. Dumami ang pumipigil sa akin mga guwardiya. Natigilan naman ako nang nakita kong galit na galit na naglalakad palabas si Luke, ang demonyong lalaki na kinuha ang anak ko sa akin. Napakasakim niya. Hindi ako maaring nawalan ng pag-asa. Ginawa ko na halos lahat ng makakaya ko. Nagpakahirap ako sa pagpasok sa Laketon Academy nang nalaman ko na doon nag-aaral ang anak ko, ang anak ko na hiniwalay nila sa akin mula pa noong sanggol siya. Babawiin ko siya. Babawiin ko ang anak ko. "Luke! Nasan ang anak ko?!" sigaw ko sa kanya habang galit na galit na hinahawakan ko ang bawat bakal sa malaki nilang gate. "Ilabas mo ang anak ko! Walang hiya ka!" Wala akong pakialam kung senador man siya o ano. Basta ang sa akin lang, ibalik niya ang anak ko. "Don't make a scene here Maeganne. Wala na ang anak mo, nasa America na siya. Wala kang karapatan na pumunta rito!" nandidilat ang mga mata niya habang tinitignan ako. "Hindi. Hindi ako naniniwala! Anak ko! Nandito na ang mama mo." Napaupo ako nang naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod. Muli, tumulo ang mga luha na matagal nang nasa loob ko. Ang mga pasakit na naramdaman ko. Sa bawat araw ng ilang taong pagtitiis ko na wala ang anak ko ... napakasakit. "Dad, what's happening here?" may narinig akong pamilyar na boses ng isang babae sa di kalayuan. Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko upang tignan ang babae na nasa bungad ng pintuan ng mansion nila.

Page 28: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanlaki ang mga mata ko. "Sapphire, bumalik ka sa loob." Bago pa man lubusan kong maintindihan ang sitwasyon at marehistro sa utak ko ang nalaman ko ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay ng mga guwardiya na hinahatak ako papasok sa isang taxi. Hanggang sa naupo na ko sa loob ng taxi, hindi pa rin ako makatinag o makapagsip man lang ng matino ... totoo ba ang nakita ko? Si S-Sapphire ang anak ko? MURDERER'S POV "Hanako." Lumingon ako sa kanya at muling hinaplos ang pisngi niya. Ngumiti ako. "Makakamit na natin ang hustisya." Inangat ko muli ang litrato ng buong class 3-C, napangisi ako sa tuwa. Hindi ko maipaliwanag ang pananabik na nadarama ko sa pagtingin ko palang ng mga mukha nila sa litratong ito. Gustong gusto kong putol-putulin ang buong katawan nila at ikalat sa buong paaralan upang makita ng lahat. Ngunit masyadong maaga. "Kailan ba talaga ang simula? Nakakainip na." Pagrereklamo niya habang nakaupo sa kulay itim na silya. "Makakatakas pa yang mga yan eh. Ginagamit mo ba talaga yang isip mo ha?" umirap siya sa akin at tsaka pinagpatuloy ang paglalaro niya sa isang pulseras na binubuo ng mga itim na itim na maliit na bato. "Hindi ba mas maganda iyon? Mukha silang mga tupa na hinahabol ng mga lobo?" tumayo ako at tinignan ang kwartong kinalalagyan namin na tanging ang liwanag lang galing sa bukas na bintana ang nagsisilbing ilaw at gabay sa bawat galaw namin. "At tsaka, kasama pa natin si Hanako. Wala tayong dapat ikabahala." Bahagya akong umupo upang hagurin ang likuran ni Kuro, ang itim kong pusa na maiihalintulad sa dilim ng gabi ang kulay ng balahibo at sa ilaw ng kulay dilaw na buwan ang mga matatapang na mga mata. Nangingibabaw ang matingkad na pagkapula ng pulseras na nakapalupot sa leeg ni Kuro, ang pulseras na nagsisimbolo ng isang pangako. Narinig ko ang malambing na

Page 29: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

tugon ni Kuro sa panghahagod na ginagawa ko sa likuran niya. Napangiti ako. "Tumahimik ka nga. Hintayin na lang natin ang pagdating niya kaysa maglolokohan tayo rito." Binuhat ko si Kuro at inilagay sa pagitan ng mga bisig ko habang lumapit ako sa harapan niya. Tinignan ko muli si Hanako na nakaupo sa tabi ng upuan ko kanina. Nginitian ko si Hanako. Kahit kailan talaga, napakatahimik niya. "Hindi kita niloloko, nginitian ako kahapon ni Hanako. Hindi mo ba nakita? Buhay pa siya." Pagkatapos kong magsalita ay umupo ako sa kaharap niyang upuan. Pagkaupo na pagkaupo ko, agad na tumakbo palayo si Kuro tsaka ko napagtanto na dumating na siya. Lumapit siya sa amin habang hawak hawak si Kuro sa pagitan ng mga bisig niya. Nakangiti siya, isang nakakapangilabot na ngiti. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - SI TEACHER MAEGANNE PO ANG NASA GIF SA GILID --> Siya yung teacher sa Death bell 2. :) INSPIRED SA MOVIE NA 'SOMEONE BEHIND YOU' ANG MGA LINES NI BLAKE TSAKA DIN YUNG PART DUN SA CHAPTER 2 YUNG SCENE NILA SAPPHIRE AT KATHERINE, INSPIRED SA TSUMI TO BATSU. Wala lang, share ko lang. Magaganda yang mga yan! Panourin nyo. 'KURO' MEANS 'BLACK'. DEDICATED KAY BABYBANGS.Kasi mahal ko na siya HAHAHA at sobra akong kinikilig sa mga tweets simula pa nung di pa napu-publish ang book 2, sa message, sa about me niya at sa background niya. Sobrang nakakatats. Omayghas :"> Maraming maraming salamat. Sabi ko nga sayo eh, pakasalan mo na ko ngayon! HAHA. LABYUUU. Maraming salamat sa pagbabasa! "I was what you are, you will be what I am." --------------------------------------------x

Page 30: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SPADE'S POV NAKABULSA ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Naghikab muna ako bago umakyat ng hagdanan. Sa totoo lang, ayaw ko naman pumasok sa eskwelahan na ito. Kung hindi lang dahil sa kanya, siguro nasa Wilward Academy pa rin ako. Sino ba ang may gustong mag-aral sa ganitong eskwelahan? Na tanging pera lang ang nagpapatakbo ng lahat. Kalokohan lang. May ilang estudyante na hindi ko naman kilala ang bumati sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat papunta sa ikatlong palapag. Nakakatamad. "Baliw ka ba?! Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi mo ko anak at hindi kita nanay. Lumayo ka nga sa akin." Narinig kong sabi ni Sapphire habang nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Napalingon naman ako sa kinakausap niya na agad umalis nang nakita akong nakatingin sa kanila, ang adviser namin. Galit na galit na napabuntong hininga si Sapphire habang nakatayo malapit sa akin. Tinignan niya ako na para bang nagulat pa sa presensiya ko. "Good Morning." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Maglalakad na rin sana ako nang may nakita pa kong parating na kaklase namin. "Oh Tuna, mukhang mas nauna pa ko sayong pumasok ngayon ah?" Ngumiti ako sa kanya ngunit katulad nang palagi niyang ginagawa, sinimangutan lang niya ako at umirap nang sobrang talim. Mukhang nasasanay na ko sa babaeng ito. Hindi ko rin alam pero sa lahat ng tao dito mukhang siya lang ata ang pinakamatino. "Hindi ako nakikipag-unahan sayo, tanga ka talaga." Muli siyang umirap at umakyat na rin paitaas. Napangiti ako, sa buong buhay ko, ngayon lang ako natawag ng 'tanga' na paulit-ulit at galing sa isang tao na hindi ko naman lubusang kilala. Umiling ako habang nangingiti tsaka umakyat na rin sa pangalawang palapag. Nasa dulo na ko ng hallway at ilang hakbang na lang at malapit na ko sa classroom namin, ng 3-C. Nang may biglang umakbay sa balikat ko. Napatingin ako kay Cyrus kasama nila Raphael. "Oh pre, good morning. Nice game kahapon." Sabi sa akin ni Cyrus habang nakangiti. Tumingin naman ako sa katabi niyang si Raphael na nagbabasa ng libro habang naglalakad. Ilang segundo siyang tumingin sa akin at ngumiti upang batiin ako. "Siyempre, kasama niyo ako eh." Ngumiti ako at bahagyang tumawa sa sinabi ko. Nagkayayaan kahapon na maglaro ng basketball at ang kalaban ay ang mga taga-3A, wala rin naman akong gagawin kaya sumama ako sa kanila. Wala. Pampalipas oras lang. "Ulol ka talaga!" Tugon ni Cyrus habang tumatawa. "Sa susunod 4-A na kalaban natin. Kapag pumalag, ibang laro na ang gagawin natin." Ngumisi

Page 31: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

siya habang tumatalim ang bawat titig niya. Marami akong narinig patungkol kay Cyrus pero mukhang kalahati doon ay hindi naman totoo. "Manahimik ka nga Cyrus. Kung anu-ano na naman ang iniisip mong laro." Tuloy-tuloy na sinabi ni Raphael habang nakatingin pa rin sa libro niya. "Hindi yan magugustuhan ni Sapphire." Muling pagpapatuloy ni Raphael. Bumuntong hininga lang si Cyrus at umalis sa pagkakaakbay sa balikat ko. Binuksan niya ang pintuan ng classroom at binati ang mga nakakasalubong niyang kaklase namin habang si Raphael ay tuloy lang sa paglalakad habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa libro. Pumunta ako sa upuan ko at umupo. Tumingin ako sa katabi ko na kahit minsan ay hindi ko pa nakikitang ngumiti, puro irap at simangot lang ata ang alam niyang ekspresyon. Umupo ang lahat nang dumating na ang adviser naming na namumugto ang mga mata. Nakatingin siya kay Sapphire at nagsalita. "Napapansin nyo naman siguro na karamihan ay hindi pumasok." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilibot ko ang mga mata ko sa buong classroom. Tama nga. Karamihan sa mga upuan ay bakante. Tumingin muli ako sa adviser namin na nakatingin sa ibaba ng teacher's desk. "Marami sa inyo ay nag-transfer na sa ibang eskwelahan. Isa ang dahilan nilang lahat, ayaw nilang mangyari sa kanila ang nanyari dun sa last batch ng 3-C." Nakarinig ako ng ilang bulungan sa paligid. "Kalokohan." Malakas na pagkakasabi ni Cyrus. "Mga duwag lang sila. Eh kung mamatay, edi mamatay!" Kahit ako, kinabahan sa mga narinig ko sa kanya. Hindi ko naman itatanggi na takot rin naman ako sa kamatayan ngunit isa iyong panyayari na hindi dapat takasan. Kahit papano tama siya, wala kaming magagawa. Mga duwag lang sila. "Bale, sampu ang nag-transfer," Sabi ni Ms. Maeganne habang nakatingin sa isang papel. "25 na lang kayo ngayon." Isinandal ko na lang ang likuran ko sa upuan at inugoy-ugoy ang upuan ko habang nakataas ang dalawa kong paa sa desk, tulad ng lagi kong ginawa sa tuwing nababagot ako. Hindi ko naman sila kilalang lahat kaya siguro tama lang itong nararamdaman ko, wala akong pakialam. Tutal, hindi na rin naman ako makakaalis sa lugar na ito kahit gaano ko man kagusto. Hindi pwede. Kailangan kong sundin siya. Tsss. Ngayon lang ako sumunod sa kanya nang ganito. Pumikit ako at ilang sandali ay nakatulog na lang ako. Nang minulat ko ang mga mata ko, nag-iisa na lang ako sa classroom. Napakadilim. Halos nadapa ako ng ilang beses habang naglalakad at hinahanap ang pintuan palabas. Nasa tapat na ako ng pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan. Ilang beses akong sumigaw. Ayaw ko sa dilim. Napalingon ako sa likuran ko nang may nahagip ang mga mata ko na liwanag. Dalawang batang babae na nakasuot ng puting bestida habang hawak-hawak ang isang kandilang pula. Kitang-kita ko ang mukha ng isa ngunit malabo ang mukha ng kasama niya. Parehong maikli ang mga buhok nila. Alam kong kilala ko silang dalawa. Ramdam kong kilala ko sila dati pa. Tumatawa

Page 32: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sila habang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo sila papunta sa gilid ng pader at isa sa kanila'y binuksan ang bintana. Sinigaw ko ang pangalan niya nang tumalon silang dalawa. "Hana!" Nakarinig ako ng malakas na tawanan. Muli kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga mukha ng kaklase ko na tumatawa. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ngayon lang ako nahulog sa upuan habang natutulog sa klase. "Mukhang napasarap ang tulog mo ah?" sabi sa akin ni Austin habang inaabot ang kamay niya upang maitayo ako. Tumawa muli sila. "Break time na pre, buti nagising ka pa." Sabi naman ni Cyrus na itinayo ang upuan ko. "You know what, ngayon lang ako nakakita na lalaking ganun matulog. Weird." Napatingin naman ako kay Aislinn na ngayon lang ako kinausap buhat nung unang araw ng klase. "Hi, Spade." Sabi pa niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Masakit pa rin kasi ang ulo ko at hindi ko pa rin nakakalimutan ang panaginip ko. "Tara na Spade, sabay ka na sa amin." Ngumiti sa akin si Sapphire habang inaalok ako. Sandali akong napaisip. Hindi maari na sumabay ako sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Siguro mas maganda na hangga't nandirito ako, umiwas ako sa gulo. "Hindi na. Mauna na kayo. Next time na lang." Pagtanggi ko. Tumango lang sila at nagpalaam. Umupo ako sa upuan ko habang hawak-hawak pa rin ang ulo ko. Ang sakit talaga ng pagbagsak ko. Ngunit bigla kong naramdaman ang sobra-sobrang kaba nang may narinig akong nagsalita sa tabi ko. Nakakagulat. "Sino si Hana?" Napatingin ako kay Luna na deretsong nakatingin sa mga mata ko na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isipan ko. "Sumigaw ka ng Hana bago ka magising. Sino siya?" Si Hana, isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko noon. Na ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na. LUNA'S POV "Sino si Hana?" Pag-ulit ko sa tanong ko ngunit hindi pa rin siya umiimik. Nakatingin siya sa ibaba habang nakadagan ang dalawa niyang braso sa hita niya. Ilang minuto ang nakakaraan at hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Nagsasayang lang pala ako ng oras dito. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Walang kwenta.

Page 33: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pero nakakapagtaka, bakit parang sobra akong interesado sa Hana na iyon? Napairap ako sa inis. Naglakad na lang ako pababa ng high school building. Napatingin ako sa gilid nang nakita ko siya. Ang student council's president. "Kuya Blake!"Oo nga pala, iyon nga pala ang pangalan niya. May tumakbo papunta sa kanyang babae, mahaba at itim na itim ang buhok. Hinawakan ng babae ang kamay ng Blake na yon at ngumiti nang sobrang tamis. Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang tumingin sa akin yung Blake. Hindi ko pa rin nalilimutan ang sinabi niya sa akin. "Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibigan na si Denise." Naglakad pa ako upang umiwas sa kanila. "Luna." Nakarinig ako ng isang malamig at maganda sa pandinig na boses na nanggaling sa gilid ko. Napalingon ako sa nagsalita, ang nurse. "May gusto akong sabihin sayo." Nagdalawang-isip pa ako nung una ngunit tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Pinaupo niya ako sa kama sa loob ng clinic habang siya naman ay umupo sa mismong upuan niya. "Anong gusto mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. "May isang estudyante dati dito, taga-3-C. Kinukwento niya sa akin lahat." Tumingin siya sa akin. "Lahat lahat." May kung ano sa mga salita niya na nagpapakaba sa akin.Na para bang may mas malalim pang ibig sabihin ang mga iyon. Na tila ba'y gumagamit siya ng metapora sa bawat sambit niyang salita. "Malapit siya sa akin simula pa lamang nung una. Tinuring niya akong kapatid." Napakunot ang noo ko nang hindi ko mawari kung ano ba ang sinasabi niya. "Akala nila, mga normal lang silang estudyante. Akala nila, isang massacre lang at isang di kilalang mamatay tao ang may pakana ng lahat." Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng panginginig na mga kamay ko. Ngumiti sa akin ang nurse."Hindi nila alam, pagala-gala pa rin ang may mga pakana. Nakakasalamuha ng mga tao. Hindi lang nila alam." "Anong ibig mong s-sabihin? Bakit mo sa akin sinasabi ang mga ito?" Muli kong pagtanong sa kanya. "Dahil ikaw lang ang lubos na makakaintindi." May kinuha siyang litrato sa ibabaw ng desk niya. Dahan dahan siyang lumapit sa akin ay ipinakita ito.Ang class picture ng dating class 3-C. Agad kong nakita ang nakangiting mukha ni Denise. "Iyan ang huling litrato nila bago nagtapos ang school year, bago ang bakasyon. Bago sila mamatay." Napayuko ako. Dapat matuwa ako dahil sa wala na si Denise. Dapat mas nakakagaan sa pakiramdam ko pero sa tuwing naalala ko na wala na siya mas lalo akong nagagalit. Masyadong malaki ang kasalanan niya sa akin para mawala na lamang siya nang ganun. Gusto ko siyang sumbatan, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat lahat na hindi ko pa nasasabi. Para saan pa ang paghihiganti?

Page 34: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Magsasalita pa sana ang nurse ngunit tumayo na ako. "Hindi ko kailangang marinig ang mga susunod mong sasabihin." Tumingin ako sa kanya. "Wala silang koneksyon sa akin." Inilapag ko sa kama ang litrato at nagmamadaling lumabas sa kwartong ito ngunit bago pa man akong makalabas ay narinig ko muli ang pagsalita niya. "Wala sayong koneksyon?" Napahigpit ang hawak ko sa doorknob. "Balang araw, magkakaroon na rin sila ng koneksyon sayo at sa klase nyo." Agad kong binuksan ang pinto at napasandal na lamang ako rito nang isinarado ko. Koneksyon? Sa akin? Sa klase namin? Hindi ko kailangan ng mga pananalita nila. Kayang-kaya kong harapin ang daang tinutungo ko ngayon nang mag-isa. Naglakad ako papunta sa classroom. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga sinabi niya. Ayokong may bumabagabag sa akin. Ayokong matulad kay Denise. CYRUS' POV Pinaharurot ko ang motor at agad na hinarang sa daraanan niya. Napasinghap siya sa gulat lalo na nang sumunod na pumarada sa harapan niya ang mga motor ni Austin at Harvey. Tinanggal ko ang itim na helmet sa ulo ko. "Hi, Ms. Maeganne." Ngumisi ako sa kanya. Lumapit sa akin si Austin na nakangisi at pinapatunog ang bawat buto ng mga daliri niya kasabay ng paglapit sa gilid ko ni Harvey habang hawak-hawak niya ang baseball bat na palagi niyang dala sa tuwing may away kami. "A-Anong ginagawa nyo rito?" Takot na takot niyang sinabi. Sinuot ko ang knuckle o ang tinatawag nilang four fingers na lagi ko naman gamit sa tuwing may away. Kailangan ko siyang pagbantaan. Ayaw kong may gumugulo kay Sapphire. "Wala naman Ma'am, gusto ko lang linawin sayo kung hanggang saan ka at kung hanggang saan kami." Napaatras siya sa bawat hakbang kong papalapit sa kanya. "Pero kung papalag ka, baka gamitin namin sayo ang mga ito. Alam mo na, ang mga maiingay na aso, dapat patahimikin." Sabi ni Harvey kasabay ng pagpatong niya sa hawak niya baseball bat sa balikat niya. Napangisi muli ako. "Umalis kayo! Teacher nyo k-ko!" Hinarang niya sa sarili niya ang dala niyang bag. Napatingin ako sa kanan nang umirap ako dahil sa inis at muli akong tumingin sa kanya. Mabilis akong gumalaw papalapit sa kanya at akmang susuntukin siya sa mukha gamit ang mabigat at matigas na knuckle na suot suot ko.

Page 35: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napapikit siya ngunit hindi siya umiwas. Bobo. "Tulad ng sinabi ko kanina, ayokong may gumugulo kay Phire. Binabalaan ka namin. Kung ayaw mong maghingalo, hinding hindi mo na siya guguluhin pa," sabi ko habang nakatingin nang deretso sa takot na takot niyang mga mata. Ngumisi ako habang hinuhubad ang knuckle sa kamay ko. Hindi pa rin nakakagalaw ang adviser namin sa kinatatayuan niya habang kami ay umangkas na sa motor at pinaharurot na ito palayo. **** "Ayokong malalaman ni Phire 'to." Sabi ko kala Austin nang nakarating kami sa harap ng bahay namin. Sinindihan ko ang sigarilyong hawak ko at hinithit ito. "Pero paano kung totoo yung sinasabi nung Maeganne na yon?" napatingin ako kay Harvey. "Siguro naman hindi siya magsisinungaling diba?" binuga ko muna ang usok at tumingin na lang sa kawalan. "Hindi maari." Sabi ni Austin. "Alam nyo naman na magkababata kami ni Sapphire, hindi pupwedeng yung teacher na yon ang nanay niya. Nagsisinungaling lang yon." Tumingin ako sa daan kung saan papalapit ang kotse ng magulang ko. "Sige, sibat na kayo. Nandito na ang mga gago." Sabi ko sa kanila. Agad naman silang umangkas sa mga motor nila at umalis na. Itinapon ko ang sigarilyo at pumasok ako sa loob ng bahay bago pa man makapasok ang mga magulang ko. Nagkulong ako sa kwarto.Nagbilang ako ng sampu at tulad ng inaasahan ko, narinig ko na naman ang tinig ng nanay kong puro bunganga na lang. "Mr. Cyrus Ortega, kasama mo na naman ang barkada mo!" narinig ko ang malalakas na pagkalabog sa pintuan ko. "Akala mo di ko makikita?! Buksan mo nga tong pinto. Ngayon din!" Hindi ko sana papansinin ang bunganga ng nanay ko nang narinig ko ang boses ni papa. "Buksan mo ito!" Inis na inis akong tumayo at binuksan ang pinto. Pagtutulungan na naman nila ako. Wala naman silang ginawa kundi ganito. "Oh?" tanging sabi ko sa kanila. "Ang tigas tigas talaga ng ulo mo! Alam mo-" muling pagbukas ng bunganga ng nanay ko. "Kanino pa ba akong magmamana?" naramdaman ko na lang ang mabigat na kamay ni mama sa pisngi ko. Sampal. Puro sampal na lang ang alam niya. "Huwag na huwag mo kong babastusin Cyrus! Wala ka nang ginawang tama! Grounded ka for the whole month. No cellphone, no internet, itatago namin ang motor mo at lalong lalong ibabalik namin ang curfew mo!" ngumisi ako sa kanya. Ito na naman siya. Nagbibigay na naman siya ng kung ano anong parusa na hindi ko na naman susundin. Nakakasawa. "Bahala kayo! Tutal, wala naman akong kwenta sa inyo eh. Kaya nga naging ganito ako diba? Manang mana ako sa inyong dalawa." Pinandilatan ako ng mata ng tatay ko. Ganito naman siya palagi, basta si mama ang nagsalita,

Page 36: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

wala na siyang magagawa. "Napakasaya ko siguro kung iba na lang ang pamilya ko! Sana hindi na lang kayo!" "Bastos ka talagang bata ka!" sigaw ni papa. "Napakahirap bang sundin ang mga utos namin?! Alam mo namang malubha ang sakit ng kapatid mo pero lagi kang nasa labas. Kailangan ka niya!" muli pa niyang sigaw. "Hindi papa. Kailangan niya kayo. Hindi lang ako." Tinabig ko ang balikat nila nang naglakad ako palayo. Narinig kong tinawag nila ako ngunit tuloy tuloy ako sa paglalakad. Napahinto ako nang nakita kong nakasilip sa pintuan ang siyam na taong gulang kong kapatid na si Paula. Agad akong pumasok sa kwarto niya at hinawakan siya sa kamay. Ngumiti ako at niyakap siya. "Kuya ... kapag ba wala na kong sakit, hindi ka na papagalitan nila mama?" naramdaman ko ang matinding kirot sa dibdib ko sa pananalita ng bata kong kapatid. "K-Kasi pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat eh." Hinagod hagod ko ang likuran niya upang pakalmahin siya.D ahan dahan kong kinalas ang pagkakayap namin. Pinunasan ko ang butil-butil na luha galing sa mga inosente niyang mga mata. "Paula, hindi mo kasalanan to. Matigas lang ang ulo ng kuya mo pero gagaling ka diba? Sabi ko naman sayo eh, lagi kong kausap si Papa Jesus para sa paggaling mo. Kausap mo rin naman siya diba?" mahinahon kong pagkakasabi sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Kapag gumaling ka na, pwede ka nang mag-aral sa normal na school. Ie-enroll ka agad namin. Gusto mo yun diba? Gusto mong magkaroon ng mga kaibigan?" tumango muli siya."Kaya dapat inumin mo lahat ng gamot at sundin mo ang doktor mo." Tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya mula pagkabata niya, binuhat ko siya at dahan-dahang inihiga sa kama. Kinumutan ko at hinalikan sa noo. "Wag na wag mo nang sisihin ang sarili mo. Lahat gagawin ni kuya mawala lang ang sakit mo." Muli, sa pagpikit ni Paula, kitang kita ko ang pagtulo muli ng mga luha sa mata niya. Pinunasan ko ito at tumabi sa kanya upang yakapin siya. "Kuya, kapag ba gumaling ako, dadalaw ulit si ate Sapphire?" muli niyang sinabi. "Oo naman."' Tugon ko tsaka ko nakita na ngiting ngiti siyang pumikit. "Good night kuya." "Good Night Paula." ---------------------------------------------x "...because some secrets just might kill you." --------------------------------------------x LUNA'S POV

Page 37: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"KINAKAUSAP ka namin, bingi ka ba?!" narinig ko ang isang malaki at malutong na tunog ng isang sampal mula sa di kalayuan at ilang hakbang lang mula sa akin. Umupo ako sa swing sa kanang parte ng playground habang pinapanood ang isa kong kaklase na pinapaligiran ng tatlong babae sa gilid ng high school building. "Palagi kang nakabuntot kay Sapphire, akala mo sikat ka na niyan ha?!" Sumipsip ako sa hawak hawak kong juice habang nakasimangot na nakatingin pa rin sa kanila. Nakakautang manood sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko maiwasang maalala ang buhay na meron ako dati sa Marylaine Academy. Kung gaano ako maliitin ng lahat. Kung gaano ako kamuhian maski ang mga guro. Lahat sila. Pinaramdam nila sa akin na mas masarap pang mamatay kaysa sa manatiling buhay. "Hoy Luna luka-luka!" natumba ako ng biglaan niyang hatakin ang buhok ko pababa. Narinig ko ang tawanan ng lahat ng nasa hallway. Tumingin ako sa kanya nang punong-puno ng takot ang mga mata ko. "Alam mo, kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita. Namatay ang kaibigan ko nang dahil sayo. Pinatay mo siya diba?! Pero anong nanyari? Naabswelto ka lang dahil diyan sa lintek mong tatay!" pinandidilatan niya ako habang umuupo sa harapan ko. Marahas niya muling sinabunutan ang buhok ko upang maitayo ako. Napakasakit. Muli, marahas niyang sinabunutan ang buhok ko sa batok upang itaas ang mukha ko katapat ng galit na galit niyang mukha. "Sana ikaw na lang ang nalunod!" nangi-ngiyak ako sa sakit habang unti-unting kong sinusubukan na ibuka ang bibig ko at makapagsalita kahit ilang salita lamang. Bago pa man ako makapagsalita, nahagip ng mga mata ko si Denise na nakatayo lang sa gilid. Nakapameywang siya at nakatingin lamang sa akin. "Ano! Magsalita ka!" sigaw muli sa akin ni Katie. Lumingon siya kay Denise. "Denise, sabihin mo nga sa lahat ng tao rito kung sino ang pumatay kay Jessie!" Nabaling kay Denise ang atensyon ng lahat. Hinihintay ang sagot niya. Tumingin ako sa kanya na para bang nagmamakaawa. Ilang segundo ang nakalipas at nakatingin lamang siya sa baba. Mas lalong humihigpit ang pagkakasabunot sa akin ni Katie na pakiramdam ko ay malalagas ang mga buhok ko sa lakas niya. Pinapanalangin kong sabihin ni Denise ang totoo, na hindi ako ang naglunod kay Jessie. Sinagip ko siya, pinilit ko siyang bigyan muli ng malay. Hindi ko kasalanan. Si Denise ... siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang may gusto ng nanyari. Kailangan ba sila maniniwala sa akin?

Page 38: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Si Luna. Nilunod ni Luna si Jessie. Nakita ko ang lahat." Tuloy tuloy na pagkakasabi ni Denise. Umalis siya agad at pumasok sa classroom namin.Hinatak ako ni Katie gamit ng pagkakasabunot sa buhok sa may batok ko pababa ng ikalawang palapag. Muli akong sumilip sa classroom namin at nakita ko si Denise na nakadungaw. Wala siyang ibang ginawa kundi manood. Panourin ang matalik niyang kaibigan na apihin ng lahat dahil sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Isang kasalanan na pinasa niya lang sa akin upang ako ang dumanas ng lahat ng sakit na dapat ay siya ang nakakaramdam. Isang pasakit na dinala ko sa loob ng mahabang panahon. Muli akong bumalik sa realidad. Kailangan kong kalimutan ang lahat ng iyon. Ihahalintulad ko na lamang ang mga iyon bilang isang bangungot na ngayo'y wala na. Panibagong bangungot ang kinahaharap ko ngayon. Napakadaming katanungan na para bang kusang lumalapit sa akin upang sagutin ko. Ngunit kaya ko ba? "T-Tama naaa!" naring kong sigaw ng kaklase kong umiiyak habang marahas siyang hinahawakan sa panga at ang isang namang kamay ay nakasabunot sa mahaba niyang buhok. Habang tinitignan ko sila, mas lalo akong naiinis. Ayoko mangielam. Hindi ko iyon problema at mas lalong wala akong oras problemahin ang mga bagay na iyan. Matututo rin siya. Katulad ko. Magsasawa rin siya. "Hey trying hard bitches, anong ginagawa niyo?" napatingin muli ako sa kanila nang isang pamilyar na boses ang narinig ko, yung Sapphire. "Nandiyan ka pala Katherine, kanina pa kita hinahanap. Ang tagal kasi ng pinabili kong juice." Tumingin yung Sapphire sa baba at nakita niya ang natapon na juice. Dahan dahan namang pinapakawalan ng mga babae si Katherine. "Sige, ipagpatuloy niyo lang. May audience na kayo ngayon oh," pumameywang siya sa mga babae at tanaw na tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang matalim niyang pag-irap. Hinatak niya si Katherine at itinulak sa mga babae. "Narinig nyo ba ako? Ipagpatuloy niyo! Manonood pa ako." "S-Sorry. S-Sapphire." Sabay sabay na pagkakasabi ng mga babae na biglang nag-iba ang itsura. Mula sa matapang na mga aso kanina ay para bang pinutulan sila ng buntot. "Ha-Ha-Ha. Go to hell." Matapang at mabagsik na pagkakasabi ni Sapphire. Muli kong narinig ang paghingi ng tawad ng mga babae. "Umalis kayo sa harapan ko. Ang papangit nyo!" dali-dali siyang sinunod ng mga tuta niya na akala mo'y hinahabol ng kung ano.

Page 39: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"S-Sapphire bibili na lang ako ng bagong juice mo. Tinabig kasi-" "Shut up. Kapag natuto ka nang hindi maging tanga, dun mo na lang ako kausapin." Inis na inis na umalis yung Sapphire at umakyat muli sa high school building. Nakita ko namang pumupunta sa direksyon ko yung Katherine. Umupo siya sa katabing swing. Nakayuko siya at ilang beses na bumuntong hininga. "Bakit ka ba dumidikit pa dun sa Sapphire?" tuloy tuloy kong sinabi. Tumingin siya sa akin at pumorma ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Sa lahat ng nanyari, nakuha pa niyang ngumiti? Ipokrita. "Kasi magkaibigan kami." Mahina niyang sinabi. "Kaibigan?" muli kong naalala si Denise. Kung paano niya akong ibasura. Kung paano niya akong iwan sa ere."Kaululan."Dagdag ko pa. "Ganyan talaga siya kasi gusto niya akong matuto. Gusto niyang makatayo ako sa sarili kong mga paa at ipagtanggol ang sarili ko sa iba. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko kaya," tumingin muli siya sa akin. "Masyado akong mahina." "Hindi mo kailangan ng iba upang maging matatag," napabuntong hininga rin ako at muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Nasa sarili na natin iyan mula pa nung simula. Ayaw mo lang gamitin. Hindi ko kayo maintindihan. Lalo na ikaw at yung Sapphire. Ginagamit ka lang nila at kapag wala ka ng pakinabang, itatapon ka na lang kung saan saan." Sumipsip muli akong sa hawak kong juice. "Si Aislinn at Sapphire, mabuti sila. Ako lang ang may problema. Katulad ng bansag sa kanila ng karamihan. Si Aislinn ang 'ice' at si Sapphire ang 'fire'. Binabalanse nila ang isa't-isa at kung malalaman lang nila ang lahat ng pinagdaanan ni Sapphire, sigurado akong maiintindihan nila kung bakit napakabait ng mga kaibigan niya sa kanya. Kung bakit maraming nagmamalasakit sa kanya," muli siyang tumingin sa akin na namumuo ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata niya. "Maiintindihan mo rin siya Luna." Tumingin ako sa langit. Medyo madilim ... paniguradong uulan.

Page 40: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Wala akong imik na tumayo at naglakad na lamang. Nakakairita ang mga ganyang tao. Muli kong binigo ang sarili ko. Nakialam ako. Nagtanong ako tungkol sa kanila. Dapat wala akong pakialam. Hindi ko planong maging isang mabuting kaklase sa lugar na ito. Hindi ko planong makisalamuha sa kanila tulad ng pakikisalamuha nila sa isa't-isa. Napatingin ako sa di kalayuan nang makita kong magkasama si Sandria at Spade. Umirap ako nang maalala ko ang kakulitan ng Spade na yan. Kahit kailan talaga, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ito ang unang beses na may nag-iiba sa pangalan ko. "Hoy Tuna!" narinig ko ang nakakairitang boses na iyon. Hindi ako lumingon. Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad. Sabi ko na nga ba. "Tunaaa!" muli niyang inulit iyon ng ilang beses tsaka ako inis na inis na lumingon sa kanila. Sinesenyasan niya ako na lumapit habang may winawagayway na isang maliit ngunit isang makislap na bagay. Dahil sa kuryusidad, lumapit ako sa kanila. Agad na inabot sa akin nung Spade ang isang kulay pilak na susi. "Oh anong gagawin ko rito?" tanong ko sa kanya. Sinimangutan niya ako at tsaka tumingin kay Sandria. "Nakita yan sa loob ng bibig ni Lizzy. Yung putol na ulo sa classroom." Agad akong kinabahan sa pagkakasabi ni Sandria na iyon. "Tignan mo yung gitnang parte, may kulay dilaw na letrang 'L'. Ibig sabihin, susi yan ng isa sa mga pinto sa Laketon Academy ngunit hindi namin alam kung saang pinto." Napatingin mulia ako sa susi. Tama, may letrang 'L' sa gitna. Kulay dilaw na napapaligiran ng kulay itim sa gilid ng letra. "Bakit nyo sa akin sinasabi ito?" tanong ko sa kanila. "Ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan. Dalawa kayong transferee ni Spade at kung totoo man na nauulit ang lahat, mas maganda na agapan natin bago pa lumala." Tumingin ako kay Spade na nakatingin lamang sa akin. "Sa tingin mo, katiwa-tiwala yang mukha na yan?" sabi ko kay Sandria patungkol kay Spade. Magsasalita sana yung Spade kaso pinigilan siya ng kasama niyang si Sandria. "At tsaka, hindi ko kailangan ng tulong niyo. Kung may balak akong alamin ang mga nanyayari, sarili ko lang ang pagkakatiwalaan ko," binigay ko kay Sandria ang susi. "Hindi ko kailangan niyan." Nagsimula na kong lumakad palayo.

Page 41: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Pag-isipan mo Tuna, delikadong mag-isa sa mga sitwayon na ganito." Napatigil ako nang narinig ko ang boses ni Spade. Tsss. Hindi ko kailangan ng kakampi. Hindi ko kailangan ng karamay. Hindi ko kailangan ng kasama. Sarili ko lang ang kaya kong pagkatiwalaan. CYRUS' POV Napatingin ako sa suot kong relo, 5:00 pm. Napangisi ako. Naalala ko ulit ang 'curfew' na sinasabi ng mga magulang ko. Hindi ako tanga upang sundin iyon. Tutal, hindi rin naman nila malalaman kung anong oras ang uwi ko dahil sila mismo, hindi ko nakikita palagi sa bahay. Halos ako na nga ang nag-aalaga kay Paula maliban sa mga katulong at nurses na kasama niya. Kung wala akong kwenta, mas wala silang kwenta. "Putangina Harvey!" napatingin ako kay Austin nang napamura siya. Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatingin sa kawalan. Nanlalamig ako sa aircon dito sa loob ng classroom. Kasabay ng malakas na pag-ulan sa labas. Kami na lang ang natira rito, ayaw rin kasing umuwi ng maaga ng mga gago. Mukha atang may karamay ako. "Shabu ba yan?!" agad akong lumapit sa kinauupuan nilang tatlo. Nakita ko ang hawak hawak na makapal na libro ni Harvey na may malaking butas sa gitna na para bang ginupit talaga upang paglagyan ng shabu. "Wag kang maingay. Gago ka talaga." Sinarado ni Harvey ang libro at muli itong binuksan nang nakasigurado talaga siyang wala ng tao sa labas. Binuksan niya ito sa gitnang parte at muling bumungad sa akin ang ilang pakete ng shabu. "Nakuha ko to dun sa leader ng fraternity namin. Tiba-tiba pre." "Ikaw pala yung hinahanap ni Ms. Maeganne eh." Sabi ni Raphael habang nakatingin lang kay Harvey. "Alam mo, payong kaibigan lang, tumiwalag ka na sa fraternity na yan. Walang magandang maiidulot sayo yan." Nasanay na ako kay Raphael. Madalas seryoso talaga siya, siguro dahil namulat na siya sa buhay na hindi lahat ay ginagawang biro. Hindi ko nga alam kung bakit naging matalik kaming magkaibigan. Parang kami si Sapphire at Aislinn, magka-ibang magka-iba ang pananaw sa buhay. Magka-iba ng ugali.

Page 42: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ano ba Raphael, hindi mo pa kasi nasusubukan kaya sinasabi mo yan." Sabi ni Harvey habang malapad na malapad ang ngiti. "Ikaw Cyrus, gusto mo ba?" tumingin silang tatlo sa akin. Nahagip ng mga mata ko ang tingin ni Raphael na para bang nagbababala. "Tangina pre, wag mo kaming idamay diyan." Sabi ni Austin."Cyrus, wag kang papauto sa gagong yan. Kung ayaw mong itakwil ka na talaga ng magulang mo at kung gusto mong hindi magbago ang tingin sayo ng tatay ni Sapphire." Napatingin ako sa mga kamay ko nang naalala ko ang tatay ni Sapphire. Napayukom ang mga kamao ko dahil sa inis. "Bigyan mo ko ng dalawang pakete." Ang sinabi ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Hindi ko alam ... baka sakaling kailanganin ko ito balang araw. CELINA'S POV Nagpaalam na ako kala Sapphire. Bago pa man makahakbang, kinuha ko na sa bag ko ang payong. Binuksan ko ito at naglakad na palabas ng high school building. May ilan akong nakasalubong at nagpaalam sa akin. Nginitian ko lang sila. Hindi ko naman sila kilala, feeling close lang. Tinignan ko ang oras sa phone ko, 5:45 pm. Nakakainis lang. Kung kailan pa ako uuwing mag-isa at walang driver na maghahatid, dun pa uulan nang ganito kalakas. Pumunta ako sa kabilang building. Sinasara ko ang payong ko at napatingin ako sa high school building nang hindi ko sinasadya. Mahamog man at hindi ko man malinaw na nakita, alam kong may dumaan na nakaitim ... pakanan sa ikatlong palapag at pababa ng hagdanan. Mukhang naka-hoodie siya ngunit wala ng tao roon diba? Napailing ako. Pwede namang may naiwan pang estudyante o kaya staff. Masyado lang akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi, may manyayaring hindi maganda. Dumiretso ako sa faculty room ng elementary department na nasa unang palapag upang iwan ang papeles na pinapaiwan rito ng isa naming guro. Bubuksan ko na ang pinto ngunit nakaramdam ako ng presensiya sa likuran ko. Natatakot akong lumingon.

Page 43: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanginginig kong binitawan ang door knob at nag-ipon muna ako ng sapat na lakas ng loob upang makalingon. Walang ibang tao. Ilang minuto akong nakatayo roon. Ang mga natitirang estudyante sa baba at staff ay nagmamadali nang umuwi. Ang iba ay lumusong sa malakas na ulan. Mukhang masyado lang ata akong kinakabahan. Tinuloy ko na ang pagbukas ng pintuan. Tulad sa labas, wala ring tao. Dahil sa takot, hindi ko sinarado ang pintuan. Nag-iwan ako ng kaunting espasyo kung sakaling tatakbo ako palabas. Marami rin kasi akong naririnig na balita tungkol sa Laketon. Puro kahindikhindik na kwento at halos hindi matanggap ng sikmura ko sa tuwing naiisip ko. Bukod sa mga nanyari sa dating 3-C, sa pagkakaalam ko, hindi iyon ang unang beses na may nanyari ganun sa Laketon. Hindi ko alam kung totoo kaya ayokong maniwala. Masyado ng matagal iyon siguro naman, wala na itong koneksyon sa dating 3-C at sa amin? Pagkalapag na pagkalapag ko ng papeles sa mesa ng isang teacher. Napatalon ako sa gulat at halos manlambot ang mga tuhod ko. Biglang dumilim. May nag-off ng switch ng ilaw atiglang sumarado ang pintuan. Ito na naman. Nararamdaman ko na naman. May ibang tao sa kinalalagyan kong kwarto. "S-Sinong n-nandiyan?" pinipilit kong alisin ang takot sa bawat salita ko ngunit bigo ako. Takot na takot na ako. "A-Ano baa! Hindi ito nakakatuwa ah. N-Natatakot na ko. Cyrus? Austin? Harvey? Kayo ba yan?" natalisod ako ng sinubukan ko pang humakbang upang hanapin kung nasaan ang pintuan. Hawak hawak ko ang nasaktang kong paa at paniguradong ilang sandali na lang at maiiyak na ko sa takot. Impossibleng walang nagpatay ng ilaw. Iilaw ang emergency lights kung may brownout man at siguradong wala pang isang minuto, magkakaroon ulit ng ilaw dahil sa generator ng buong Laketon. Hindi maari, may tao talaga dito bukod sa akin. "Magsalita k-ka naman! Sino k-ka?"

Page 44: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hello, I'm Angel. How are you pal?" nanlalaki ang mga mata ko ng narinig ko ang masigla at matinis na boses ng manika ko noong bata pa ako. "I wanna play!" niyakap ko ang mga tuhod ko sa takot. P-Paanong ... bakit nandirito ang manika ko? Ilang minutong hindi ko narinig ang nakakakilabot na boses ng manika ko. Tumayo muli ako at hinanap kung nasaan ang pintuan ngunit kahit anong gawin ko hindi ko alam kung nasaang parte ako ng kwarto. Malakas pa rin ang ulan sa labas at maliit ang tiyansa na may makarinig sa akin kung sakaling sisigaw ako. Napapikit ako habang taimtim na nagdadasal at halos tawagin ko na ang lahat ng santo't santa dahil sa sobrang takot na nadarama ko. Ramdam ko ang tagaktak na pawis sa mukha ko pati ang panginginig ng mga labi ko. Nakarinig ako ng tatlong hakbang. Hinihingal ako hindi dahil sa pagod kundi dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Kaba. Takot. Kilabot. Unti-unti na kong nilalamon ng mga nararamdaman ko. Gusto ko lang makalabas. Hindi ito normal. Sigurado akong hindi ito gagawin sa akin nila Cyrus. "Sino ka ba?! Bakit-" Hindi ko naipagpatuloy ang mga sasabihin ko nang muli kong narinig ang boses ni Angel, ang manika ko ... sa mismong gilid ng tainga ko. Naramdaman ko pa ang kulot nitong mga buhok pati ang mga nakaabot niyang mga kamay na dumadampi sa leeg ko. "Le-Le-Le-Let's play!" isa pang ulit. Tinabig ko ang manika at may kamay akong nakapa. Makinis na kamay. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nanyari. Hinatak niya ang kamay ko at habang hawak hawak niya nang mahigpit ang kaliwa kong kamay ay marahas niyang hinawakan ang itaas ng ulo ko at dali-daling inuntog sa pader. Bago ako mawalan ng malay ay nagpakawala ang langit ng isang napakalakas na kidlat. At sa pagkidlat na iyon ay nakita ko ang mukha niya. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E -

Page 45: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SI SAPPHIRE ANG NASA .GIF SA GILID. TSAKA TUNGKOL SA UPDATE. Tuwing delayed ang UD o kaya may announcement sa UD, check nyo lang profile ko sa wattpad o kaya sa facebook. Mag-a-announce naman po ako roon. Tsaka paulit-ulit ko nang sinasabi na ang dedications ay para sa mga supportive readers lang. Hindi naman sa sinasabi ko sa iba na hindi sila supportive readers, hindi lang ako tumatanggap ng request. Yun lamang po. ADD NYO PO YUNG MGA CHARACTERS NASA EXTERNAL LINK ANG LINKS NILA. VOICE OUT YOUR OPINION GUYS! :) Salamat sa pagbabasa! God Bless :* "He lies, She died, He yearns and She remembers. -Hanako " --------------------------------------------x LUNA'S POV PUMASOK ako sa loob ng classroom na hawak-hawak ang kulay kayumanggi na kahon na natanggap ko kagabi. Hindi na ako nagulat nang nakita ko ang iba't-ibang kahon na nasa mesa ng mga kaklase ko. Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali sa pagkalkula. Malakas ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Lubos silang natatakot sa nasa loob ng kahon. Kahit ako, aminado ako na pagkakita na pagkakita ko sa laman nito, kinilabutan na ako kaagad na para bang may mga maliliit na gagambang gumagapang sa buong katawan ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas nang ganito. "Hindi ako makapaniwala!" Sabi pa ng isa sa kanila. "Sinong normal na tao ba ang gagawa nito... at tsaka bakit pa pinadala sa atin?" Narinig ko pang sabi ng isa. Kahit anong sabihin nila, wala nang magbabago. Napatingin muli ako sa kahon sa harapan ko. Nakasulat sa itaas ang pangalan ko at ang address ng bahay namin. Nakapagtataka. Paano niya nalaman ang address ang tinitirahan ko? Tumayo ang presidente ng klase at pumunta sa may tapat ng pintuan upang isarado ito. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng doorknob nang ini-lock niya ang pintuan. "Nakatanggap ba tayong lahat?" Tanong niya sa buong klase. Iilan lang ang tumugon. Marahil dahil gulat pa rin ang iba. Ang iba naman ay muling nagkagulo at hindi mapakali kung ano ang gagawin. Narinig ko pa sa iba na balak na rin daw nilang lumipat. Sino nga ba naman ang matinong tao na gugustuhin pang mag-aral dito kung ganito rin naman ang nanyayari. Napangisi ako. Meron nga pala. Ako.

Page 46: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Okay. Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang may pakana nito pero pinaglalaruan niya lang tayo. Huwag kayong masyadong matakot." Inilapag niya ang kahon na nakuha niya sa teacher's table. Kung sino man ang may gawa nito, pinupuri ko siya. Napakaganda ng ideya niya. Ngunit sa kabilang banda, hindi ko lubos maisip na kayang gawin ito ng isang tao. Demonyo lang siguro ang makakagawa nito. Ang mga laman ng mga kahon ay ang iba't-ibang parte ng katawan ng isa naming kaklase. Hindi pa ako sigurado kung kaklase nga namin ngunit sa pagkakataon na ito na buong klase ay nakatanggap, siguro naman konektado ito sa klase namin? "Kilala nyo ba kung kanino yang mga parte ng katawan na iyan? May nakatanggap ba ng ulo?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pinag-uusapan nila. Katawan ng isang bangkay ang usapan, isa nilang kaklase ngunit para bang normal lang sa kanila. Para bang naghahanap lang sila ng mga parte ng baboy sa palengke. Nanatiling tahimik ang buong klase nang nasabi na walang nakatanggap ng ulo na maaring magbigay impormasyon sa kung kanino ang parte ng katawan sa bawat kahon na natanggap namin. Binuksan ko muli ang kahon na nasa harapan ko, ang kahon na natanggap ko. Kung hindi ako nagkakamali, puso ang natanggap ko. Isang puso na nakabalot sa isang plastic na maaninag mo ang nasa loob dahil sa kawalan nito ng kulay. Nakaipon pa ang kaunting dugo sa gilid ng plastic. Lubhang nakasusuya. Nakasusulasok. Nabigla ang lahat at ramdam ko ang pagtaas ng tensyon nang may kumatok sa pintuan. Napahawak ako nang mahigpit sa dulo ng mesa ko. Muli, tinignan ko ang puso na nasa loob ng kahon. Anong dahilan ng gumawa nito? Ang takutin kaming lahat? Ang sindakin ang bawat isa sa amin? "May padala para sa inyo." Sabi ng kumakatok sa pintuan. Nagkatinginan ang lahat. "Bilisan nyo, nangangawit na ko rito." Sabi ng hindi pamilyar na boses, maaring isa sa mga staff ng eskwelahan. Binuksan ng presidente ng klase na kung tawagin nila ay Raphael ang pintuan. Bumungad sa amin ang isa sa mga guwardiya ng eskwelahan. "Ako na yung pumirma dahil hindi pwedeng papasukin ang outsiders sa school. Para daw sa klase nyo yan." Inabot niya kay Raphael ang isang kahon na may katamtaman na laki at haba. Aalis na ang guwardiya nang tanungin siya ni Raphael. "Nakita nyo po ba kung ano ang laman nito?" Tanong niya rito. "Oo. Yung dalawang gown lang tsaka yung ibang props para sa darating na play. Hindi ba sa inyo nakatalaga yon? Pinadala na ng gumawa." Sabi pa ng guwardiya. Tumango si Raphael at nagpasalamat bago pa man umalis ang guwardiya. Nakahinga nang maluwag ang lahat. "Buksan natin." Narinig kong sabi ng katabi ko, yung Spade na yon. "Para makasigurado tayo."

Page 47: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin ang lahat sa kanya. Muling bumalik ang kaba na akala namin ay nawala na. Tumango lamang si Raphael at dahan-dahang binuksan ang kahon. Inaalis niya ang dalawang gown na sinasabi ng guwardiya at inilapag sa pinakamalapit na lamesa. May inilabas pa siyang korona at isang tungkod hanggang sa muling napako ang tingin niya sa loob ng kahon. Na para bang may mali. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat na lamang kami nang ilang sandali ay may inilabas siya isang malaking bolang itim. Sa pagtingin pa lamang dito, masasabi kong may kabigatan na. Para siya isang malaking itim na kristal na kapag tinititigan mo nang matagal ay para bang nilalamon ng dilim ang mga mata mo. May isang kaklase na tumulong sa kanya. Kinuha niya ang kahon at inisantabi sa gilid habang inilalapag naman ni Raphael ang malaking bola sa gitna ng teacher's table. Tinitigan niya lamang ito na para bang nagtataka pa rin. Narinig ko ang pagkomento ng iba. Wala naman daw itong halaga kaya dapat isantabi na rin. Wala raw itong koneksyon sa mga natanggap naming kahon. Ngunit kinagulat ng lahat, pati ni Raphael nang nakahanap siya ng isang linya sa gitna. Maaring mayrong buksanan ang bola na ito. Panigurado. Inikot niya ang itaas na bahagi ng bola. Tama nga. Hindi ako nagkakamali. Nandoroon ang hinahanap nila kanina pa. Ang ulo ng isa naming kaklase. "Si Celina!" Napasigaw ang iba. "Noong isang araw pa siya nawawala diba?!" Napatayo ang karamihan upang lumayo sa nakaharap na mga mata sa kanila. Medyo malaki ang bola at mula baba hanggang sa ilong ay sakop nito. Kahit si Raphael ay napaatras at kamuntikan nang madapa sa platform. Hindi ko sila masisisi. Nakakakilabot talaga ang nasa harapan nila. Mga mata na dilat na dilat---na puno ng takot at pagkagulat. "T-Teka .. ano i-iyon?" Napatingin kami sa harapan nang lumapit si Sandria sa may kahon. Nanginginig niyang binuhat ang ulo at inilapag sa gilid ng lamesa. Muling nagsigawan ang ilan. Nakatakip ang mga kamay nila sa mga mata at tila ba'y takot na takot. Napatayo ako ng bahagya nang nakita kong may hinahatak na pulang sinulid si Sandria mula sa bibig ng pugot na ulo na kanina'y nalawit lang mula sa loob ng bolang itim. Naririnig ko ang mga ginagawang tunog ng mga tao sa paligid ko na para bang nagsusuka. Nang mahugot ni Sandria ang buong sinulid na nasa loob ng lalamunan ng pugot ay tumambad sa amin ang isang itim na papel na puro likido pa na paniguradong hindi maganda ang amoy. "He lies, She died, He yearns and She remembers." Napatigil sa pagbabasa si Sandria at muling tumingin sa amin. "Hanako." Ang huli niyang sinabi. Napayuko siya at kitang kita ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa itim na papel. Muli kong narinig ang komento ng iba. Natatakot sila..nangangamba. "Sabi ko sa inyo eh, baka buhay si Hanako!" sigaw ng isa.

Page 48: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ano ba? Kitang-kita natin na nakabigti siya rito. Wala siyang pulso, hindi na tumitibok ang puso niya. For Pete's sake, wala tayo sa isang horror movie!" inis na inis na sinabi ng isa sa kanila. "Tama si Aislinn. Kumalma lang tayo at-" "Pano tayo kakalma?! Dalawa na ang namatay! At baka isa-isahin tayong lahat!" sabi pa ng isa. Nakita kong tumayo si Sapphire. Natigilan ang lahat sa pagtatalo. Nakatulala siya at ramdam ko na nanginginig siya sa takot. Walang kahon sa mesa niya. Bakit? Ilang beses siyang kumarap bago tuluyang magsalita. "I will end this bullshit. Pupunta ako kay Mr. Laketon." Inis na inis siyang lumabas. Nagsisunuran ang iba sa kanya. Ngunit ang karamihan ay nanatili sa loob. Inayos ng mga nasa harapan ang pugot na ulo at ibinalik sa lalagyanan nito. Sa pagkakaalam ko, ang bolang itim na iyon ay isang kagamitan sa bahay. May nakita akong ganyan sa isang magasin. Isang mamahalin na lalagyanan ng mga gamit. Napatayo ako habang nililinis nila ang nasa teacher's table. Pinulot ko ang itim na papel. Tama nga ang binasa ni Sandria. Nakasulat ang mga iyon gamit ang isang puting tinta. Sulat ba talaga ito ni Hanako? Hindi ba patay na siya? CELINA'S POV Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nadatnan ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa lapag ng isang maliit na kwarto. Isang kwarto na purong pula ang kulay ng dingding. Walang bintana. Ngunit mayron akong nakitang exhaust fan na nasa itaas ng dingding. Nang lumingon ako sa kaliwa ay may nakita akong itim na pinto at may nakalagay sa itaas nito na isang malaking puting orasan, 11:00 pm at sa kanan ko naman ay may isa pang itim na pinto. Katabi ng pinto sa may kaliwa ay isang lamesa at isang upuan na parehong kulay itim. Bukod sa kakaibang kulay ng mga gamit sa pulang kwarto na ito ay isa pang nakakakilabot ang mga maliit na manikang nakasabit sa dingding na malapit sa kinalalagyan ng lamesa. Ang iba ay itim at ang iba ay puti. Para silang mga tinahing pinagtagpi-tagping tela at nilagyan lamang ng ilang detalye. Maraming manika ang nakasabit at tila ba'y lahat sila ay nakatingin sa akin. Ramdam ko pa rin ang kirot sa gilid ng ulo ko. Hinihipo-hipo ang tuyong dugo sa gilid nito. Mabuti na lamang at hindi ako napuruhan. Nakatali ang mga paa at kamay ko ngunit walang busal o ano mang bagay na nakatakip sa bibig ko. Sumigaw ako ng ilang beses ngunit umaalingawngaw lamang ang boses ko sa loob ng silid na kinalalagyan ko. Walang pag-asa. Ilang beses ko ring pinilit na tanggalin ang mahigpit na pagkakatali sa mga kamay at paa ko gamit ang bibig ko ngunit tila ba'y wala akong lakas. Sigurado rin ako na kahit matanggal ko ang mga taling ito, wala akong mapupuntahan. Sinubukan ko ring tumayo ngunit hindi ko nakayanan. Sa pagbagsak ko muli sa sahig ay saktong bumukas ang itim na pinto sa bandang kaliwa.

Page 49: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ilang segundo ang kinailangan bago ko makilala ang taong lumabas mula doon. Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako nang ilang beses bago nakapagsalita. "I-Ikaw?" Ang tangi kong nasabi. Muling bumukas ang pinto at may dalawa pang lumabas. Umupo ang isa sa upuan at ang isa sa lamesa. Lumapit siya sa kinauupuan ko. Tinignan niya ako na para bang ang liit ko. Napangiti siya nang napagmasdan niya ang kalagayan ko. "Masaya ba?"Tanong niya sa akin habang malapad pa rin ang ngiti. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko habang takot na takot akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam, akala ko wala na siya. Akala namin patay na siya. Nawala na ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng isang simangot "Anong pakiramdam ng ganyan? Kung tatawanan kita kagaya ng lagi nyong ginagawa, mararamdaman nyo rin ba? Kung saksakin kita nang ilang beses, masasaktan ka na ba? Kailangan mo pa bang maramdaman lahat ng sakit na dinanas ko bago ka matuto? Ilang saksak ba ang gusto mo?"Nanginginig ang labi ko. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam ang bibigkasin ko. May inilabas siyang isang patalim. Ngumiti muna siya bago padaan ang talim nito sa braso ko hanggang sa leeg ko. "Isa? Dalawa?" Itinutok niya ang talim sa mismong harap ng leeg ko. "..O tatlo? "T-Tama na." Ang sabi ko habang nakatingin sa patalim na hawak niya. Lumapit ang taong naka-upo sa itim na upuan. Umupo siya sa mismong tabi niya at kinuha ang kutsilyo na hawak niya. "Masyado pang maaga, kailangan mo pang ipalupot ang pulang sinulid sa kanya." Nakangiti niyang sinasabi sa kanya. Masyadong maamo ang mga mukha nila upang maisip ko na kaya nilang gawin ito sa akin. Ibinaba niya ang kutsilyo sa tabi niya at muling tumingin sa akin. Bahagya niyang itinagilid ang mukha niya na para bang sinusuri ako. Kilala ko siya. Kilalang-kilala ko siya. "Ayoko sanang gawin ito. Pero masaya naman pala eh." Nginisian niya ako at muling nagsalita. "Kailangan ko kasi ng bagong magagawa ngayon, nakakabagot." Tumayo silang dalawa at pumunta sa may lamesa habang naiwan akong wala pa ring masabi. Inabot niya ang manika na nasa gitna. Sa tangkad niya ay hindi na niya kinailangan pang tumingkayad. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang hawak niyang pulang sinuIid. Pagkaabot na pagkaabot niya ng itim na manika ay agad niyang itinali sa leeg nito ang pulang sinulid habang napakalapad ng ngiti. Isinabit niya muli ito sa dingding at tumingin sa akin. "Ito na ang simula. Puputulin ko na ang mga pulang sinulid sa loob ninyo." Tumayo siya na may hawak pa ring pulang sinulid habang ang dalawa niyang kasama ay nanatiling nakaupo at nanonood lang sa amin. Hindi ko alam kung bakit tila ba'y nawalan ako ng kakayahan upang magsalita. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako, mas lalong lalala pa ang binabalak nila. Lumapit siya sa akin at sinundan ko ng tingin nang

Page 50: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nilapag niya sa gilid ang hawak niyang pulang sinulid na may itim na papel sa dulo. "M-Maawa ka sa akin." Sabi ko habang umiiyak. Ayoko pang--ayokong mamatay. Lumapit ang isa niyang kasama at inabot sa kanya ang manika kong si Angel. Nginitian niya ito habang tinitignan ang bawat detalye sa mukha ng manika ko. Umaatras ako habang nakaupo. Napatingin ako sa likuran ko nang napasandal ako sa malamig na pader. Muli ko siyang tinignan na para bang isang halimaw ang nasa harapan ko. "Namimiss mo na ang manika mo diba?" Takot na takot akong umiling sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Namimiss ka na rin niya. Kaya nga kasama natin siya ngayon eh." Muli pa niyang sinabi at muling ngumiti. "At gusto kong magkasama kayo hanggang sa kamatayan. " Umiling muli ako sa kanya. "Celina, oras mo na. Ang pulang sinulid diyan sa loob mo." Marahas niyang tinutok ang hintuturo niya sa dibdib ko. "Puputulin ko na iyan." Napapikit na lamang ako nang may kinuha siya sa kanan niya. Isang malaking kutsilyo. Itinaas niya ito papunta sa nakahiga kong mga paa. Napapikit ako at sumigaw sa sobrang sakit. Nagpumiglas ako nang nakita ko ang putol kong paa na bahagyang gumulong sa kaliwang parte ng silid dahil sa lakas ng pagkakaputol rito. Nanginginig ang mga labi ko habang nagsisisigaw. Sinubukan kong lumayo sa kanya ngunit hinatak niya ang kaliwa kong kamay at kasabay nito ang muling pagtaas ng kanan niyang kamay upang putulin ito. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nadarama ko ngayon. Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumakas. Wala na akong kaliwang paa at kamay. Ramdam ko ang maiinit na luhang tuloy tuloy sa pagtulo. A-Ayoko na. Dugo. Napuno ng dugo ang pulang kwarto na ito. Unti-unti nang humihina ang tibok ng puso ko. Napakasakit. Sa bawat hiwa, sa bawat putol. Halos mamanhid na ang buong katawan ko dahil sa sakit. Hinubaran niya ako bago simulang hiwain ang dibdib ko hanggang sa tiyan ko. Hindi ko na kaya. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Ngunit bago ako malagutan ay may lumapit na itim na pusa sa itaas ng katawan ko. Ramdam ko ang matutulis niyang ngipin na unti-unting kinakain ang laman loob ko. Alam kong ito na ang katapusan ko. Ngunit wala akong pinagsisisihan. Alam kong mali ang lahat at iyon ang papanindigan ko hanggang sa dulo. Saka ko naalala ang simula ng munti kong kasalanan sa kanya--sa kanila. **** "Kawawa ka naman!" Sabi ko sabay tawa sa kanya. Mas lalo ko pang nilakasan ang pag-alog sa bag niya upang malaglag lahat ng laman nito. Narinig ko pa ang pagkabasag ng isa sa mga gamit niya. "Oops, my bad." Sabi ko sabay muli ng pagtawa. Nasa likuran ko ang halos lahat ng klase at paniguradong nabibingi na naman siya sa tawanan namin. Mas lalo akong tumawa nang nakita kong umiiyak siyang lumapit sa mga gamit na binagsak ko sa lapag. Nakita kong pinulot niya ang basag niyang maliit na pigurin. "Sino bang baliw ang magdadala ng isang pigurin sa school?" Sabi ng isa sa mga kaklase namin na tinawanan naman ng karamihan. Tinitignan ko lang siya. Na para bang ang liit niya sa harapan ko.

Page 51: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ngumisi ako. Sinipa ko ang noo niya na naging dahilan ng pag-atras ng katawan niya at pagtama ng likuran niya sa mga paa ng isang upuan. Wala siyang ibang ginawa kundi bumalik muli sa mga gamit niyang binagsak ko at muling kinuha ang bawat parte ng pigurin niya. Napakatanga talaga. Napatingin kami sa pintuan nang dumating sila Sapphire, Aislinn, Cyrus at Austin. Umupo lang sila sa mga upuan nila na hindi man lang binibigyan ng pansin ang kasayahan namin sa gitna. Hanggang sa napatingin sa amin si Aislinn. Tumayo siya at tinulungan sa pagkuha ng gamit ang tanga na nasa harapan namin. "What are you doing, Aislinn?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin nang masama. "Nagpapakatao lang. Try mo rin kaya?" Napairap ako sa sinabi niya. Dati pang pinapakulo nitong anghel na to ang dugo ko. Akala mo kung sinong napakabait. Ngunit hindi ko siya mapatulan, nasa panig niya si Sapphire. Ayokong bumangga sa isang matigas na pader. Tumayo siya at marahas na kinuha sa akin ang bag. Muli niyang tinulungan ang tanga sa paglagay ng mga gamit sa bag nito. Nakakairita talaga. "Aislinn, bakit nakikigulo ka sa kalat ng mga yan?" Napatingin ang lahat kay Sapphire nang nagsalita siya. "Bayaan mo sila, gusto lang naman nilang panindigan ang pagiging mataas nila pero sa totoo lang, kauri lang nila ang kinakawawa nila. Tama ako di ba?" Tumingin siya sa amin nang masama kasabay ng tanong niya. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kapag iba, nagagalit siya. Pero kapag siya, ayos lang. Nakita kong umalis sa likuran ko ang mga kaklase ko at umupo sa mga upuan nila. Nakakainis. Pinapakulo talaga ng dalawa to ang dugo ko. Napasipa ako sa inis. Tumingin ako nang masama kay tanga na kasalukuyang kinakausap ni Aislinn. May araw din kayo sa akin. Lumabas ako ng classroom. Napatingin ako nang pumasok siya papunta sa loob. Hawak-hawak ang mga librong hiniram niya siguro sa library at tuloy-tuloy sa loob na hindi man lang lumilingon sa akin. Tsss. Mga walang kwenta. Nilabas ko sa bulsa ng jogging pants ko ang cellphone ko nang naramdaman kong nag-vibrate ito. Napangisi ako. Isang video na dadagdag sa apoy na sinimulan nila. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - MEDYO PARANOID LANG YUNG IBA. I guess, yung ibang hula ay lumalayo sa kwento. Hindi po si Ash o taga-ibang 3-C ang ibang characters diyan.

Page 52: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Walang nagpa-retoke at nag-iba ng mukha. Basta ang lahat ng nandiyan ay simple lang. :) Ayon. At kung nasa Laketon pa ba sila Ash? Wala na po. Hindi sila in disguise o ano, hindi teleserye ang ginagawa ko. Charauuught lang. Salamat sa pagbabasa! Comment your opinion/reaction guys! :* "Confession is always weakness. The grave soul keeps its own secrets, and takes its own punishment in silence." (original quote by an American journalist, Dorothy Dix) --------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV "TEKA lang Sapphire!" Narinig ko ang boses ni Austin. Lumingon ako sa kanila na nakasimangot. Hindi ko maintindihan ang lahat. Sigurado akong patay na si Hanako. Kitang-kita ng mga mata ko. Sinabi na rin ng mga pulis at mga eksperto na patay na nga siya. Ngunit, anong tong mga nanyayari? Ginagamit lang niya ang pangalan ni Hanako. Sigurado ako. Kung sino man siya, tinatakot lang niya kami. Gusto lang niya kaming lituhin. Napakagat ako ng labi dahil sa inis. Habang mas iniisip ko, mas lalong gumugulo. "Ano bang gagawin mo? Mas lalala lang ang sitwasyon kung sasabihin mo kay Mr. Laketon!" sigaw sa akin ng isa sa kanila. Tumingin ako nang masama sa nagsalita. Sino siya para diktahan ako? "Bakit? Kapag ba hindi ko sinabi, hindi lalala? Tanga ka ba? " pumameywang ako habang lumalapit sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang sa paa. "Dalawa na ang namamatay. Sa tingin mo, ganun lang yon? Sa tingin mo, kaya ng klase natin? " napayuko siya. Umirap na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Naramdaman ko ang isang mabigat na kamay sa braso ko.

Page 53: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Si Cyrus. Napatingin ako sa kanya. Pipigilan din ba niya ako? "Sasamahan kita." Ang sabi niya. Kusang pumorma sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Naglakad kami papunta sa kabilang building. Nang nakatapat na kami sa pintuan ng opisina ni Mr. Laketon, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang minuto bago may nagbukas ng pintuan. "Blake?" pagbanggit ko sa pangalan niya. Sumenyas siya sa amin upang tumuloy kami sa loob ng opisina. Nanatili siyang nakatayo at nakangiti sa amin. Hindi pa rin siya nagbabago. Mukha pa rin siyang gago sa paningin ko. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo sa opisina ni Mr. Laketon?" "May pinapaasikaso sa akin si Mr. Laketon, nagkataon na nandito ang pinapahanap niya." Napakunot ang noo ko. Hindi ako dapat mag-alinlangan nang ganito. "Kayo, bakit kayo nandito?" Muli kong naalala ang sadya ko. Tumingin ako kay Cyrus, umiling siya. Mukhang alam ko na ang pinaparating niya. "Wala. Si Mr. Laketon lang ang dapat makaalam ng mga sasabihin namin. Sabihan mo na lang ako kapag nandito na siya." Tumalikod na kami ni Cyrus at handa nang lumabas sa loob ng opisina nang biglang nagsalita si Blake. "Hindi ka pa rin nagbabago Sapphire." Mahina niyang sinabi. Napalingon ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nakatuon ang pansin niya sa isang libro. Sinara niya ito at may kinuhang litrato sa pagitan ng mga pahina. "Masyado ka pa ring padalos-dalos." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay saka siya tumingin sa akin. Nakakainis talaga ang taong ito. Akala mo kung sinong napakatalino para pangaralan ang lahat. Pero nasanay na ko sa kanya... sanay na sanay na. "Wag na tayong maglokohan dito Blake, kung tutuusin, mas tanga ka kaysa sa akin." Ngumisi ako sa kanya. Napatingin sa akin si Cyrus, bigla niyang hinawakan ang kanan kong kamay. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang nanyayari. Walang paalam kaming lumabas ng opisina. Nagsisunuran ang mga kaklase namin nang babalik na kami sa classroom. Nagbubulungan at tila ba nagtataka sila kung bakit ang bilis namin sa loob ng opisina ni Mr. Laketon. Hindi namin sila pinapansin. Pagkapasok na pagkapasok namin sa room, sinalubong agad ako ni Katherine at Aislinn.

Page 54: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Anong nanyari?" sabay nilang tanong. Umiling lang ako tsaka nagsalita. "Wala sa opisina si Mr. Laketon, gusto kong ipakausap si papa sa kanya pero kapag nalaman ni papa ang mga nanyayari, siguradong may manyayaring mas masama kaya hihintayin na lang natin na lumitaw si Mr. Laketon." Sabi ko sa kanila. Tuloy-tuloy ako sa upuan ko at umupo. Bigla kong naalala ulit si Hanako. Nakakainis. Patay na nga siya, ginugulo pa rin niya ang buhay ko... namin. Itinaas ko ang kanang kamay ko at hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala ang mga kuko sa mga daliri ko. "Ayan ka na naman sa mannerism mo." Umupo sa katabing upuan si Aislinn. Bulungan. Rinig na rinig ko ang bulungan ng bawat isa... si Hanako. Tumingin ako kay Aislinn. Binaba ko ang kanang kamay ko at malakas kong hinampas ang mesa. Natahimik ang lahat at napatingin sa akin. Kahit si Ms. Maeganne na balisang balisa sa harap dahil sa nalaman niyang pagkamatay ng isa pa naming kaklase ay napatigil at tila ba'y nagulat sa ginawa ko. Galit na galit akong tumingin sa pinakadulong upuan sa unang hilera. Ang upuan ni Hanako. "A-Ano ba Sapphire?" tanong sa akin ni Aislinn. Nilapitan ako ng iba kong kaklase ngunit tinitigan ko sila ng masama upang lumayo sa akin. "Don't mind me Aislinn. Kailangan ko lang mag-isip." Tumayo ako at lumabas. Hanako.. puro Hanako. Nakakarindi na. Nakakasawa. Tuloy tuloy ako sa hagdanan papunta sa rooftop. Kailangan kong makalanghap ng preskong hangin. Bumuntong hininga ako bago umupo sa gilid ng pintuan. Yumuko ako at muling naalala ang huling sandali na nakausap ko si Hanako bago ko siya makitang nakabigti at wala ng buhay. "Sapphire... kailan mo ba ako mapapatawad?" tumingin lang ako nang masama kay Hanako habang sinasambit niya muli ang mga katagang palagi niyang tinatanong sa akin. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko, dito sa rooftop. Lumuluha at hinahangin ang maikli niyang buhok. Pumameywang ako sa kanya. "Hindi naman kita kailangang patawarin Hanako. Hindi mo kasalanan pero dahil hindi ka nakinig sa akin, wala na kong magagawa. Binalaan kita. Sinabihan kita. Sinabi ko sayo ang kahihinatnan kung papayag ka sa desisyon na yon. Pero anong ginawa mo?" napasimangot ako habang pinipigilan ang pagluha. "Hindi mo ko sinunod... pero tulad ng sinabi ko, hindi mo kasalanan." Lumapit siya ng ilang hakbang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya. "Sapphire... parang-awa mo na, tapusin na natin ang gulo na to." Napangisi ako. Hindi ko alam kung manhid ba ako pero ayos na sana nung

Page 55: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

lumuhod siya, sablay nga lang nung nagsalita siya. Ito ang mahirap kay Hanako. Masyado siyang mahina. Nakakairita ang mga taong mahihina. "Wala akong mapapala sa usapan na to. Simula palang ng klase Hanako, wag mo akong galitin. Hindi mo magugustuhan ang mga pupwedeng kong gawin." Tumalikod na ako sa kanya at binuksan na ang pintuan pababa ng rooftop. "Sapphire." Napatigil ako nang tinawag niya ang pangalan ko. "Naalala mo ba ang sinabi ko dati? Noong tinanong mo yung kahilingan ko... naalala mo ba?" Hindi ako sumagot. Kahilingan? Wala akong matandaan. "Gusto kong maging ikaw Sapphire." Kinilabutan ako sa narinig ko. Gusto niyang maging ako? Kalokohan. Ngunit nakakatawa dahil bago nanyari ang lahat ng ito... hiniling ko rin na maging si Hanako na lang ako. Napatingala ako sa langit. Muli akong bumalik sa realidad. Kung nakikita pa rin ba ako ni Hanako ngayon, gugustuhin pa rin ba niyang maging ako? Kung naririnig lang niya ang bawat pag-iyak ko gabi-gabi, kung alam lang niya lahat ng pinagdaanan at kulang sa buhay ko... gugustuhin pa rin ba niyang maging ako? Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napatayo ako saka ko nakita si Cyrus na nakatayo sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin. "Nandirito ka lang pala. Pinapahanap ka na ng adviser natin. Open forum daw." Hinawakan niya ang kamay ko. Maglalakad na sana siya palabas ng pintuan kasama ko ngunit may kung ano sa sarili ko na hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang naramdaman ito... ang makonsensiya. "Cyrus." Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya nang sinambit ko ang pangalan niya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti."Bakit Phire?" tugon niya. "Kapag ba, nalaman mo ang sikreto ko... ganun pa rin ba ang trato mo sa akin?" napatingin ako sa baba dahil sa sinabi ko. Biglaan ko lang naisip. Paano kung malaman niya? Ang dahilan... ang pinagmulan.. kung bakit at kung papano. Ganun pa rin ba ang tingin niya sa akin?

Page 56: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Kahit ano pa yan. Hindi magbabago. Kilala kita Phire, hinding hindi ka gagawa ng isang bagay kung walang katanggap-tanggap na rason." Ngumiti siya sa akin. Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko ko at hinaplos ang pisngi ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya hanggang sa magdikit ang mga noo namin. "Kaya nga mahal kita diba?" bulong niya at pagkatapos ay itaas nang bahagya ang ulo niya upang marahang halikan ang noo ko. Napangiti ako ngunit hindi ko maiitanggi na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Mali ang ginawa ko. Mali ang naging reaksyon ko. Mali lahat ng ginawa ko dati. Ngayon... unti-unti ko nang naiintindihan. Unti-unti ko nang nauunawaan si Hanako. Ako ang dapat humingi ng tawad kay Hanako. SANDRIA'S POV Umupo ang karamihan nang maayos habang kabadong-kabadong nakatingin sa adviser namin na nasa harapan. Ngunit mas lalo ata kaming kakabahan lalo na kapag tinignan namin ang halos mabaliw na adviser namin na hindi na alam kung ano ba ang dapat gawin. Napatingin ako sa likurang parte ng silid. Ang tanging hindi kabado lang ay si Luna, Spade at si Harvey. Parang wala lang sa kanila. "Sandria." Tumingin ako kay Raphael. "Sigurado ka bang sulat-kamay ni Hanako yung nasa papel?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Tinignan ko ang kapirasong itim na papel na nasa itaas ng mesa ni Ms. Maeganne. "Katulad na katulad ang sulat-kamay ni Hanako. Pero maaring ginaya lang kaso wala tayong sapat na ebidensiya." Tumango-tango siya nang dahan dahan at tumingin muli sa itim na papel. Nakakapagtaka. Kung patay na si Hanako... bakit parang konektado sa kanya ang lahat ng nanyayari? Napapaisip din ako. Paano kung buhay nga talaga si Hanako? "Ikaw, ano sa tingin mo.." tumingin ako sa kanya pagkasabi na pagkasabi ko ng mga katagang iyon. Muling nabaling ang atensyon niya sa akin. "Patay na o buhay pa si Hanako?" Sandali siyang nanahimik. Sanay na ako kay Raphael, mahilig siyang mag-isip. Si Raphael ang tipo ng tao na alam

Page 57: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ang malaking pagkakaiba ng panahon para sa biruan at panahon para sa mga seryosong bagay. Humahanga ako sa kanya sa bagay na iyon. "Patay na siya." Napatingin siya sa ibaba. May kakaiba sa tono ng pananalita niya pati ang pinapahiwatig ng mga mata niya. "Hindi pwedeng mali ang nakita ng mga mata natin. Sigurado akong patay na siya." Sa pananalita niya parang... dati pa niyang hinihiling na mamatay si Hanako. Magsasalita pa sana ako ngunit nabaling ang atensyon ko nang pumasok si Cyrus at Sapphire. Napatingin muli ako kay Raphael, umalis na siya sa katabing upuan at lumipat sa tamang upuan niya. Hindi ako papatahimikin ng kuryusidad ko. Hindi ko kayang manahimik na lang hangga't may napapansin ako mali. Gusto kong alamin. Gusto kong malaman. "Let's start." Malalim na bumuntong hininga muna si Ms. Maeganne bago nagpatuloy. "Alam kong walang aamin pero susubukan ko pa rin. Kung meron man dito, ang nakakaalam kung bakit nanyayari ang mga bagay na ito at kung sino ang may pakana. Itaas ang kamay." Nabingi ang lahat sa katahimikan. Hanggang sa nagtaas ang isa naming kaklase ng kamay. Sinundan siya ng tingin ni Ms. Maeganne, pati ang atensyon ng buong klase ay nasa kanya. "Si Hanako po. Malaki ang posibilidad na si Hanako ang mga gawa nito. Siya lang po ang may dahilan." Mas lalong lumakas ang bulungan sa buong klase. Muli na namang pinag-uusapan si Hanako at ang possibilidad na buhay siya. "Hindi ba... patay na siya?" ang tanong ni Ms. Maeganne. Nagtaas si Katherine ng kamay. "May gamot na ininom na nagpapatigil sa pagtibok ng puso. Hindi po ako sigurado pero narinig ko na may ganyan po. Tsaka nawawala ang bangkay... hindi ba nakakapagtaka yon? Pati ang mga pulis hindi malaman kung nasaan ang bangkay ni Hanako." Isa pa ang pagkawala ng bangkay niya ang tanong sa isipan ko. Nasaan ang bangkay ni Hanako? Galit na galit na tumayo si Cyrus. Kitang - kita ko na kanina pa niyang pinipigil ang pagkairita niya. Siguro dahil si Hanako na naman ang usapan. Ang babaeng kinawawa ng grupo nila dahil sa isang walang kwentang pustahan. "Tangina naman. Puro Hanako! Hindi ba kayo nagsasawa? Patay na siya! Huwag kayong magtanga-tangahan!"

Page 58: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Calm down, Mr. Ortega." Sabi ni Ms. Maeganne. Napatingin ako sa adviser namin nang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang nakita niyang nagtaas ng kamay si Sapphire. Lalo na ang mga mata niya. Na para bang nangungulila. "Sa tingin ko, hindi si Hanako ang gumagawa ng lahat ng ito. Kahit nga isang maliit na gagamba, hindi kayang patayin nun eh. Pinaglalaruan lang tayo ng may pakana nito. Tinatakot lang niya tayo kasi alam niyang tayo ang dahilan ng pagpapakamatay ni Hanako." Nanahimik siya ng ilang segundo at tsaka nagsalita muli. "Ginagamit lang niya ang pangalan ni Hanako para pumatay." "Sigurado ka?" Sa wakas, narinig ko rin ang mababa at walang kaemo-emosyong boses ni Luna. Hindi siya tumayo bagkus ay umupo lang siya na nakaharap kay Sapphire. "May mga kilala akong mga tao na hindi mo akalain na makakagawa ng isang karumal-dumal na bagay. Mga taong tinatago ang baho." Pumameywang si Sapphire habang nakatingin kay Luna. Isang senyales na hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ni Luna. "Gaano mo ba kakilala si Hanako?" Kitang kita ko ang reaksyon sa mukha ni Sapphire, nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat. Pinagmamasdan ko lang siya, paniguradong may ibig sabihin ang pagkagulat niya. Gaano ba niya kakilala si Hanako? Sa pagkakaalam ko, biglaan na lang ang lahat. Biglaan nilang pinagtulu-tulungan si Hanako. Hindi normal na nakikisali si Sapphire sa mga pambubully pero nung kay Hanako, paminsan-minsan ay siya pa ang nangunguna. Hindi ko talaga maipaliwanag ang ugali ni Sapphire mula pa nung umpisa. Isa ako sa mga taong kahit anong pagmasid at pag-obserba ang gawin sa kanya ay hindi ko pa rin makilala siya nang lubusan. Masyado siyang kakaiba. "What do you mean?" tugon ni Sapphire habang halata na nagpipigil lang ng galit. "Hindi ka ba marunong makaintindi? Simple lang ang sinabi ko-" hindi na naipagpatuloy ni Luna ang sasabihin niya nang pinigilan siya ni Ms. Maeganne. Umirap lang siya at mas tumindi pa ang pagsimangot dahil sa ginawa ng adviser namin. "Tama na. Maayos nating gawin ito." Napa-buntong hininga muli si Ms. Maeganne. Hawak hawak niya ang itim na papel. "Kung wala sa inyo ang nakakaalam, mayroon bang gustong ibigay ang sinasabi nitong nasa papel?" Itinaas niya ito. Tahimik lang ang lahat."Babasahin ko ah." Sabi pa niya. "He lies, She died, He yearns and She remembers."

Page 59: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nagtaas ako agad ng kamay kasabay ng pagtayo ko. "Hindi ako sigurado ngunit dalawa lang ang naisip ko patungkol sa mga nakasulat na yan. Maaring iba't-ibang tao ang tinutukoy sa bawat panghalip. Isang nagsisinungaling, isang namatay, isang naghahangad at isang nakakaalala o maaring dalawang tao lamang ang tinutukoy. Isang babae at isang lalaki." Umupo ako pagkatapos kong magsalita. Sa ngayon, iyan lang ang naiisip ko. "Pwede ring binibigay na diyan ang mga katauhan ng mga pumapatay." Biglang sabi ni Raphael. "Maaring iyon nga." Sabi niya na para bang naliwanagan. "Katulad ng sinabi ni Sandria, isang nasisinungaling, isang namatay, isang naghahangad at isang nakakaalala." "Apat? Ang dami naman nila." Sabi pa ng isa naming kaklase. "Hindi pa tayo nakakasigurado pero mas maganda na mag-iingat kayong lahat. Dalawang kaklase nyo na ang namamatay. Kung hangga't kaya nyong umuwi ng maaga, magpasundo kayo at palagi kayong may kasama... gawin nyo. Hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, hindi tayo matatahimik. Alam kong takot na ang karamihan sa inyo." Sabi ni Ms. Maeganne. "Ngunit-" Nabaling ang atensyon ng lahat nang may tumunog na cellphone. Napatingin kaming lahat kay Spade. Inilabas niya ang phone niya at napatingin sa screen nito, ngumisi siya. Kinuha niya ang bag niya at sinabit sa likuran. Tumayo siya at malapit na sa pintuan ng kwarto. "Aano ka Mr. Young? Bakit mo dala-dala ang bag mo?" tanong ni Ms. Maeganne sa kanya. Hindi niya pinansin ang adviser namin. May pinindot siya sa screen ng phone niya at sinagot ang tawag bago man lang lumabas ng classroom. Isa siyang transferee... tama naman akong pinagkakatiwalaan ko siya diba? Ngunit nagdadalawang-isip na ako ngayon dahil nararamdaman kong... ...may tinatago si Spade sa buong klase. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - INIQUITY means immoral or grossly unfair behavior. SI SANDRIA PO ANG NASA .GIF SA GILID ---> Salamat sa pagbabasa! Voice out your opinion guys :**

Page 60: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"To remember is... to regret." --------------------------------------------x KATHERINE'S POV MAS lalong natahimik ang buong klase sa pag-alis ni Spade. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa bagong estudyante na iyon. May kakaiba akong nararamdamang kaba sa kanya. Bumuntong hininga si Ms. Maeganne at para bang nag-ipon muna siya ng lakas ng loob upang muling magsalita. Panigurado, nainis siya sa inasal ni Spade, sino ba naman ang hindi? "Sige, kailangan ko na ring umalis. Tandaan nyo lang ang mga babala ko, mag-ingat tayong lahat." Ang huli niyang sinabi bago niya tuluyang lisanin ang kwarto. Napa-buntong hininga rin ako. Minsan, naisip ko rin na lumipat ng eskwelahan pero hindi maari. Kung pwede lang sana, matagal na kong umalis rito. Isang malaking hawla ang Laketon Academy para sa karamihan. Isang nakakatakot na hawla na punong-puno ng mga hindi maipaliwanag na nilalang. Kung saan man nila nilagay, sinunog o binaon ang mga kahong natanggap namin pati na rin ang ulo ni Celina ay hindi ko na rin alam. Masyadong mabilis ang mga panyayari. Naniniwala akong si Hanako lang ang may pakana ng lahat ng ito. Base sa mga narinig ko sa kanya bago kami magbakasyon noong 1st year pa lamang kami... sigurado akong siya... siya ang may gusto ng lahat ng nanyayari ngayon. "H-Hanako?" pumasok ako sa loob ng classroom. Batid ko na si Hanako ang palaging nasa loob ng classroom kapag uwian na. Tinignan ko ang suot kong puting relo, 6:05 pm. Tuwing 7:00 pm sinasarado ng mga guwardiya ang mga classrooms kaya marami pa akong oras para kuhanin ang mga naiwan kong mga libro. Tinignan ko si Hanako na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Nakayakap siya sa mga tuhod niya habang nasa tabi niya ang bag niya. Tumingin siya sa akin, tingin na para bang isa siyang nawawalang tuta na walang mapupuntahan sa gitna ng malakas na ulan. Natatakot man akong lumapit sa kanya ngunit hindi ko napigilan ang mga paa ko. Nakakaawa talaga siya. Kung makikita ako ni Sapphire ngayon, siguradong kanina pa niya ako sinigawan. "W-Wag kang lumapit." Mahina niyang sinabi na naging dahilan ng pagtigil ko sa paghakbang. "Nakita mo na rin diba? Alam mo na diba?" tumingala siya sa akin habang tuloy tuloy ang pag-iyak at paghikbi niya sa pagitan ng mga sinasambit niyang mga salita. "Huhusgahan mo rin ba ako? Ganun ka

Page 61: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

rin naman diba Katherine?" Umiling ako at sinubukan kong lumapit pa sa kanya ngunit siya naman ang lumayo sa pamamagitan ng pag-usog habang nakaupo. "Ayoko sa inyo. Mga demonyo kayong lahat! B-Bakit ba ganito kayo sa akin?!" Sa pagtayo niya ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya... ngayon ko lang nakita si Hanako na ganito. "Tandaan nyo lahat ng ito... sa huli, kayo rin ang iiyak, manlilimos ng awa at hihingi ng patawad sa akin!" Pasigaw niyang sinabi sa akin kasabay ng pagkuha niya sa gamit niya at pagtakbo palabas ng classroom. Nang umalis na siya ay napako ang tingin ko sa isang bakal na naiwan sa kinauupuan niya. Agad akong yumuko upang kuhanin ito. Isang krus na bakal. Medyo... mainit pa ito ngunit kaya namang tagalan ng mga kamay ko ang init. Kinuha ko ito at lumapit sa upuan ko upang kuhanin ko rin ang mga naiwan kong mga libro. Tumakbo ako palabas upang habulin si Hanako at ibigay sa kanya ang krus na bakal niya ngunit sa pagbaba ko ng hagdanan... nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Impossible. Bakit niya kasama si Hanako? "Hoy Katherine!" bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang sigaw ni Sapphire. Nakapameywang siya sa harapan ko. Napatayo naman ako kaagad. "P-Pasensiya na Sapphire, lumipad lang ang isipan ko." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. "May isip ka pala Katherine." Nagtawanan sila. Nakisali rin ako sa sa tawanan. "You're no fun Katherine. Aalis kami, wag kang susunod. Okay?" Ngumiti ako at tsaka tumango. Hindi ko alam kung bakit kapag si Sapphire ang nagsasabi sa akin ng mga ganyan ay hindi ako nasasaktan o kahit nagagalit man lang. Siguro dahil kilala ko na talaga siya. Alam kong hindi niya layunin na ipahiya ako, ganun lang talaga siya. Lunch break na pala. Hindi ko man lang namalayan. Katulad ng kanina, naguusap-usap pa rin ang mga kaklase namin patungkol sa mga nanyayari. May ilang estudyante na naiwan sa loob ng classroom. Marahil ay may mga lilipat na naman paalis sa Laketon Academy. Simula ng nanyari iyon sa dating batch ng 3-C, palagi na lang may takot sa bawat estudyante rito lalo na sa section ng C. Tumatakbo ang oras. Lumilipas ang mga araw. Pumikit ako nang sandali at tsaka muling dumilat. Ano na naman kaya ang manyayari sa susunod? Kung si Hanako talaga ang may pakana nito... maaring ako na ang isusunod niya. Ayoko pa. Hindi ko pa kayang mawala. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Simula nang araw na iyon, simula nang nakita kong kasama niya si Hanako. Hindi ko man sinasadya... nagkasala ako kay Hanako. Mula noong nalaman ko ang isa sa

Page 62: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

mga sikreto niya... para bang naging katulad na rin ako nila Cyrus. Hindi ako nakakatanggi kay Sapphire... hindi ko sinasadya. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ako. Dumiretso ako sa comfort room. Pagkapasok na pagkapasok ko roon ay tumayo agad ako sa harap ng malaking salamin at tinignan ang sarili ko. Pilit akong ngumiti ngunit agad itong napalitan ng simangot. Yumuko ako upang buksan ang faucet at maghilamos. Sa pagtingin ko muli sa salamin ay nasindak ako sa paglitaw ni Luna sa tabi ko. Pinupunasan niya ng tissue ang mga kamay niya at naghilamos rin katulad ko. "Hindi ko namalayan na dumating ka pala." Ang sabi ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Inilabas ko ang panyo ko upang punasan ang basa kong mukha. Napatingin ako sa kanya nang natapos ako sa pagpupunas. Hindi pa rin pala nawawala ang tingin niya sa akin. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. "Marami ka rin naman alam tungkol sa nanyari kay Hanako diba?" napayuko ako nang narinig ko ang tanong niya. Halatang-halata sa kanya ang sobrang kuryusidad niya sa mga nanyari talaga. Muli siyang nagsalita, "Ano yung laro? Ano yung pustahan? Anong nanyari sa kanya?" dahan-dahan akong tumingin sa mga malalamig niyang mga mata. Naalala ko sila Sapphire. Naalala ko ang buong klase. Naalala ko si Hanako. Umiling ako bago tuluyang magsalita. "Hindi maari Luna. Hindi ko alam buong storya, wala akong karapatang magsalita. Ngunit ang masasabi ko lang, walang may gustong mamatay si Hanako nang ganun na lang. Para sa kanila, katuwaan lang ang lahat ng iyon." Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon niya sa mukha. "Isang tanong na lang." Ramdam na ramdam ko talaga sa boses niya ang pagkadesidido niya sa paghahanap ng kasagutan. "Nung inatake si Sapphire ng phobia niya... totoo bang iyon ang unang beses na inatake siya? O nanyari na rin ito dati?" Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. "H-Hindi ko alam. Mauna na ko Luna." Dali-dali akong lumabas ng comfort room at dumiretso sa classroom. Hindi pupwede... ayokong mabunyag ang sikreto ng klase. SANDRIA'S POV

Page 63: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sabay na tayo." Lumingon ako kay Raphael nang biglaan siya tumabi habang naglalakad ako palabas ng Laketon Academy. Nginitian ko lang siya. Hindi rin naman kasi ako sanay na mapag-isa kasama ng isang lalaki. Pero doon sa Spade na yon, iba. Ewan ko lang siguro dahil iba lang talaga ang ugali ni Spade, mas palakaibigan siya. Nakatingin lang ako kay Raphael habang hawak hawak niya ang isang strap ng bag niya sa kanang balikat niya. Lihim akong napangiti. Ito ang unang beses na natitigan ko siya nang ganito kalapit. Huminto siya sa gilid at kita kong nilapitan niya ang bisekleta niya. "Tara." Tawag niya sa akin. Napaatras naman ako, oo nga pala, ngayon ko lang naalala na bisikleta pala ang sinasakyan niya papunta at pauwi. Umiling ako sa kanya. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Takot kasi akong sumakay sa bisikleta. Sige, mauna na lang ako." Tugon ko sa kanya kasabay ng paglakad ko palabas. Mahigpit kong hawak ang magkabilang strap ng bag ko nang muli siyang lumitaw sa tabi ko. Napahinto ako. "Itutulak ko na lang ito para sabay tayo." Ang sabi niya habang nakangiti. Tumango na lang ako. Sa pagkakaalam ko, may kalapitan ang mga bahay namin sa isa't-isa. Kaya nga kayang kaya naming lakarin mula sa bahay namin hanggang sa Laketon. Hindi katulad ng iba na may naghahatid pang kotse. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa basagin ko ang katahimikan sa pagitan namin ni Raphael. "Hindi ba nagta-trabaho ka?" tanong ko sa kanya. Nabalitaan ko rin kasi na dahil sa kahirapan, halos si Raphael na raw ang nagtataguyod ng pamilya nila kasabay ng libreng pagpapaaral sa kanya ng Laketon Academy. "Ah. Oo. Tuwing Lunes hanggang Biyernes, gumigising ako ng alas tres at nagiging kargador sa palengke, may kalayuan sa atin pero ayos na rin ang kita para sa dalawang araw. Tapos may isa akong part-time job tuwing sabado't linggo." Tuloy tuloy niyang sinabi. Tumango-tango muli ako upang maipalaam na naintindihan ko ang lahat. "Hindi ka ba nahihirapan?" nang pagkatanong na pagkatanong ko sa kanya, tumawa siya nang mahina ngunit maganda sa pandinig. "Hirap na hirap." Sabi niya sa akin ngunit malapad pa rin ang ngiti sa mga labi. "Pero sulit naman, at least, hindi kami nagugutom." Kumurba ang mga mata niya habang nasa labi pa rin niya ang ngiti na iyon. Tama nga ako, lubha siyang kahanga-hanga. "Ikaw? Hindi ba scholar ka rin?"

Page 64: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumango ako bago sumagot. "Gumagawa ng mga orasan ang tatay ko. Halos puro orasan nga ang naririnig ko kapag dumadaan ako sa kwarto niya. Medyo maayos naman ang pamumuhay namin kaso ayon nga, yung pag-aaral ko lang ang problema." Ngumiti ako bago nagpatuloy. "Kaya nga isang malaking bagay na ang pag-aaral ko sa Laketon, lagi ngang pinagmamalaki ng nanay ko sa mga kapitbahay na nag-aaral ako sa isang mayaman at isa sa mga prestihiyosong paaralan sa buong Pilipinas." "Alam mo, ngayon ko lang narinig kang magsalita nang ganyang kahaba." Sabi ni Raphael ngunit nakatingin lang siya nang diretso sa daan. Ramdam ko ang hangin na dulot ng mga mabibilis na sasakyan sa gilid ko habang napatigil ako sa sinabi niya. Oo nga noh? "Madalas kasi, tahimik ka lang at pili lang ang mga taong kinakausap mo. Kaya nga pakiramdam ng ilan sa amin, ilag ka sa aming lahat pero nakakatuwa na kinausap mo ako nang ganyan." Ngumiti siya saka nagpatuloy sa paglalakad habang hatak-hatak ang bisikleta niya. Napangiti na lang ako saka muling naglakad upang makahabol kay Raphael. Tama nga siya. "Sige, dito na lang ako." Sabi ko habang nakatayo sa kanto. "Medyo maglalakad pa kasi eh, mauna ka na." Dagdag ko pa. Ngumiti si Raphael at nagpaalam sa akin. Pagkatalikod na pagkatalikod ko, may nakita ako sa gilid ng mga mata ko na isang lalaking dumaan na nakasuot ng itim na jacket, pantalon at itim na sapatos, nakabulsa ang dalawa niyang kamay at nagmamadaling naglalakad. Muli akong lumingon. Hindi kaya.... Hindi kaya... sinusundan niya si Raphael? Tumakbo ako papunta sa direksyong tinahak ni Raphael ngunit hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung saang kalye ang bahay nila. Ngunit sinubukan ko pa ring halughugin ang lahat ng pupwede niyang puntahan. Hingal na hingal ako sumandal sa pader, hindi pupwede. Hindi ko alam kung san siya hahanapin. Sana... sana nga mali ako. CYRUS' POV "Tangina, ang tagal naman ni Harvey at Austin." Gigil na gigil kong sinipa ang poste sa tabi ko. 7pm na, wala pa rin yung mga gago. Umangakas

Page 65: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ako sa motor ko at balak na sanang umuwi, walang kasama sa bahay si Paula. Uulanin na naman ako ng sermon ng mga magulang ko. Papaandarin ko na sana ang motor nang dumating si Austin. Tinanggal niya ang helmet niya at hingal na hingal na lumapit sa akin. "Pre, tubig nga." Agad niyang kinuha ang tubig sa bag ko at nilagok ang laman nito. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang tuhod at hinahabol pa rin ang hininga. "Ano bang ginawa mo ha? Gago ka talaga no? Hindi mo ba alam na isang oras na kong naghihintay rito?!" sigaw ko sa kanya. "Tangina pre, kakatext mo lang. Wala pa ngang 30 minutes, masyado ka lang mainipin. Nagmadali pa nga ako eh. Pahamak ka talaga kahit kailan no?" reklamo niya. "30 minutes at isang oras. Pareho lang yon!" sumandal rin ako sa motor kagaya ng ginawa niya. "Asan na ba si Harvey?" tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya. Saka ko narinig ang isang parating na motor, sa wakas, narito na rin ang pinakagago. "Oh kamusta mga pre? Anong meron?" tanong ni Harvey pagkalapit na pagkalapit nito. "Nasan si Raphael?" tanong pa niya. "Tanga ka talaga no?" sabi ni Austin sa kanya. "Sa tingin mo, sasama si Raphael sa atin sa ganitong oras? Mas abala pa nga ata yon kaysa sa nanay at tatay mo eh." Nagbatukan sila pagkatapos sabihin ni Austin iyon. "Tumahimik nga kayo. Nandito tayo dahil inaaya tayo nung gagong Rico sa Wilward Academy. Hindi ata natuto nung isang buwan. Balak pa atang ma-confine na sa Ospital." Sabi ko habang nakasandal pa rin sa motor ko. Nakadalawang sigarilyo na kami nang may dumating na isang itim na kotse. Aba, mas naging mayabang ata yung Rico na yon at nagdala pa ng kotse. "Ululan pala to eh." Narinig kong komento ni Harvey. Tumigil ang itim na kotse sa harapan namin. Lalapit sana si Harvey ngunit piniglan ko siya. Iisang tao lang ang laman ng kotse at sa layo namin, hindi ko lubusang makita kung sino iyon pero sigurado akong hindi si Rico ang taong iyon basta ang alam ko, itim ang suot niya. "Tangina, tara sakay sa motor!" narinig kong sigaw ni Austin nang narinig namin ang pagkagalit ng makina ng kotse. Isang senyales na balak niya kaming sagasaan. Nagsisakay kami sa mga motor namin at kasabay ng pagharurot ng kotse ay pinaandar na rin namin ang mga motor.

Page 66: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tangina. Ano to? Pinaharurot namin ang motor hanggang sa makakaya namin ngunit talagang mabilis ang kotse. "Anong gagawin natin?!" narinig kong sigaw ni Harvey. Hindi ko na rin alam kung nasaan kami. Pawis na pawis na ang ulo ko habang mas lalo pang binibilisan ang andar ng motor. Hindi kami pupwedeng tumigil. Kung sino man ang humahabol sa amin, kung ano man ang dahilan niya sigurado akong wala siyang gagawing mabuti. "Pre! Dito!" napatingin ako kay Austin. Tinuturo niya ang isang makipot na daan. "Hindi na tayo masusundan rito. Tara na!" sigaw pa niya. Ngunit agad naman akong napalingon kay Harvey na patuloy na pinapaharurot ang kanyang motor. "Paano na si Harvey?! Hindi natin siya pupwedeng iwanan!" sigaw ko pero nagmatigas si Austin. "Kaya na ni Harvey yan! Tara na pre." Narinig ko ang mas lalong lumalakas na tunog ng paparating na itim na kotse. Wala na kong ibang pagpipilian pa. "Tara na pre!" muling sigaw ni Austin. Naalala ko si Sapphire at Paula, hindi ko sila pupwedeng iwanan. Sumunod ako kay Austin.Kung ano man ang manyari kay Harvey, iisipin ko na lang na ginawa niya iyon para sa kaligtasan namin. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - SI RAPHAEL AT CYRUS ANG NASA .GIF SA GILID --> SALAMAT SA PAGBABASA :* God bless. :) "Two can keep a secret if... one of them is dead. - Pretty Little Liars (le theme song)" --------------------------------------------x

Page 67: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

RAPHAEL'S POV MEDYO dumidilim na at hindi pa rin ako nakakauwi. Dumaan muna ako sa isang kumare ni nanay, kinuha ko ang ulam na pinaluto ng kapatid ko, may sakit kasi si nanay ngayon. Pagkaabot na pagkaabot ng tupperware na ang laman ay pesang bisugo ay iniligay ko ito agad sa loob ng bag ko saka nagpasalamat bago umangkas sa bisikleta. Napatingin muli ako sa likuran ko, sinusundan pa rin pala niya ako. Binilisan ko ang pagbibisikleta upang hindi niya ako masundan. Napangisi na lang ako nang hindi niya ako naabutan. Siguro naman hindi na siya pupunta hanggang sa bahay? Dumaan ako sa masikip na daan papunta sa pinakaloob ng eskinita. Madaming bata na hubo't hubad at madudungis na naglalaro sa gilid ng daan. Napadaan din ako sa grupo ng ilang babae na walang sawa na nakikipag-chismisan. Napatingin silang lahat sa akin. Alam na alam nila. Isa akong mahirap na nag-aaral sa Laketon Academy, ang eskwelahan para sa mayayaman. Kitang kita ko ang inggit sa mga mata nila. Wala na kong magagawa. Hindi ko na problema ang mga naiisip nila, ang dapat kong problemahin ay kung paano ko maiiraos ang araw-araw naming pagkain. "Nay, nandito na po." Agad akong dumiretso kay nanay na nakaupo sa kawayan naming silya. Nagmano ako sa kanya at inilabas ang ulam sa bag ko. "Nakuha ko na po yung ulam kay ate Esther, kamusta na po kayo?" hinaplos-haplos ko ang mukha ni nanay upang tignan kung mainit pa siya. Napangiti ako nang nalaman kong bumaba ang lagnat niya. "Kain na po tayo 'nay." "Sige mauna ka na anak. Hintayin ko lang ang kapatid mo at hindi pa rin nakakauwi ang batang iyon." Tumango lang ako saka dumiretso sa maliit naming kusina. Nakita kong hindi pa nahuhugasan ang mga plato kaya nagmadali akong hubarin ang polo ko upang simulan na ang gawaing bahay. Mag-aaral pa ako mamaya at maaga pa ang gising ko upang pumunta sa palengke. Hinanda ko na rin ang pagkain sa mesa. Mabuti na lang ay may nagsaing na kung hindi mas matatagalan ang paghahanda ko. "Nay, mano po." Tinignan ko lang si Gabriel nang pumasok siya at nagmano kay nanay. Napapikit ako upang pigilan ang galit ko. Pagkatapos kong kumain ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto. "Oh kuya, nandiyan ka pala." Bati niya sa akin. "Saan ka galing?" tuloy tuloy kong sinabi sa kanya. "Sa eskwelahan. Saan pa ba?" agad siyang umiwas ng tingin at inayos ang suot niyang kamiseta. "Wag mo kong gaguhin. Saan ka galing?" muli kong tanong sa kanya. Dahil sa labis na galit ay marahas ko siyang hinawakan sa may kuwelyo ng kamisetang suot niya. "Ano ba kuya! Wala kang pakialam kung saan ako galing. Hindi ikaw si nanay!" Mas lalo kong naramdaman ang inis at galit. Hindi ko maintindihan ang kapatid ko. Mahirap na nga kami, ganito pa ang ginagawa niya?! "Akala mo hindi ko alam? Anong bang natututunan mo diyan sa pagbi-billiard na yan ha? At pati yung mga klase mo hindi mo pinapasukan?" Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Tinignan niya ako na para bang ang sama sama kong kuya. "Gabriel naman! Hindi ako nagpapakahirap para sayangin mo lang ang pera

Page 68: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

na binibigay ko. Buti nga may naaawa pa sa atin eh. Buti na lang-" bigla akong napatigil nang ngumisi siya. "Ano? Buti na lang doon ka nag-aaral sa lintek na Laketon Academy na yan? Eh nagsasaya ka lang ata diyan eh! Porket ako sa isang pipitsuging public high school lang nag-aaral? Porket ikaw ang laging pinagmamalaki ni nanay dahil diyan sa katalinuhan mo? Porket puro mayayaman ang kaibigan mo at nakakasama? Kuya, ang yabang mo!" hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasaktan sa mga narinig ko. Hindi niya alam kung gaano kahirap sa eskwelahang iyon. Napaupo ako sa kama na nasa likod ko at pinakalma ko muna ang sarili ko bago muling magsalita. Ayokong nagiging ganito ako. Ayokong masyadong pinapairal ang emosyon ko, utak lang ang kailangan paganahin. Masisira lang ang pokus ko kung puro emosyon. "Gabriel, ginagawa ko lahat ng ito para sa inyo. Para mabuhay tayo." Ang tangi kong nasabi. "Wag mo kong gawing tanga kuya! Ginagawa mo yan para sa sarili mo. Para masabi mo na tama ang desisyon mong paalisin si tatay. Pinapakita mo sa amin na kaya mo pero kuya, hindi mo kaya. Hindi lahat kaya mo. Kung sana tanggapin mo na lang sana si tatay pati ang alok niyang magsama-sama ulit tayo edi sana hindi mahirap ang lahat. Kuya, ibaba mo naman yang pride mo. Hindi pataasan ng ihi ito, pamilya natin ang pinag-uusapan." Napatayo ako dahil sa mga sinabi niya. Nakita ko na lamang ang sarili ko na para bang naging blanko. Mali siya... kaya ko ang lahat ng ito. Mabubuhay kami kahit wala siya. "Tumigil ka Gabriel, matagal nang sira ang pamilya natin at ang punit-punit na papel ay hindi na magiging buo kahit kailan." Lumingon muli ako sa kapatid ko. Mali itong ginagawa niya, dapat niyang maintindihan na tama lang ang lahat ng ginawa ko. Kahit kailan, hindi lang sarili ko ang inisip ko. Sila lang lagi ang nasa isipan ko. Ang kaligtasan nila. "Ikaw lang ang may sabi niyan kuya. Kailan mo ba kami tinanong ni nanay tungkol sa kung ano ang gusto naming manyari? Hindi diba? Dahil lagi mong pinapairal yang katalinuhan mo! Akala mo, laging tama yang ginagawa mo!" tumayo siya at marahas niyang hinatak ang balikat ko upang humarap muli sa kanya. "Kuya, pakinggan mo naman ako. Sumuko ka na. Kung nahihirapan ka na, wag mo nang ipagpilitan pa. Kuya, pabalikin mo na si tatay." Napalunok ako sa narinig ko sa kanya. Hindi maari. Ayoko. "Matulog ka na Gabriel at pumasok ka na sa klase mo bukas. Papatawagan ko ang principal nyo kay ate Esther." At pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay agad akong dumiretso sa kabilang kwarto. Umupo ako sa maliit na upuan sa harap ng mesa kung saan nagkalat ang mga kwaderno at libro ko. Napapikit ako habang inaalala lahat ng sinabi ng kapatid ko. Mali siya, ako ang tama. Palagi akong nasa tama. Napatayo muli ako at lumapit sa lumang cabinet. Kinuha ko mula sa pinakasulok ang nag-iisang memorya ng isa sa mga kamalian ko. Tinignan ko ito nang maigi habang nakatayo pa rin. Nagbago man ang itsura nito, ngunit hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin sa pagtitig pa lamang dito. Maaring nabulok na at naging luma pero hindi pa rin nagbabago ang dahilan kung bakit niya sa akin binigay ito.

Page 69: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Inilapag ko sa mesa ang puting rosas galing kay Hanako.Napapikit ako nang muli kong sariwain ang araw na iyon. 1st year kami, dalawang linggo bago magtapos ang klase. Panahon kung saan mas tumindi ang lahat. **** "Good Morning class." Pumasok ang guro naming sa science, si teacher Yuko. Ngumiti siya nang ilapag niya ang librong hawak niya sa mesa. Muli siyang tumingin sa amin. Noon ko lang napansin ang hawak niyang paper bag. "Dahil tapos na ang klase, maglalaro tayo." Narinig ko ang malalakas na sigawan ng buong klase dahil sa tuwa. Habang ako'y nanghihinayang. Bakit ba ako matutuwa sa ideya na maglalaro kami? Hindi na ako bata. "Gusto kong ibalik ang dati pang laro ng section C." Muli niyang sinabi na may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa rin natatapos ang kasiyahan ng iba kong kaklase. Tatayo na sana ako upang magreklamo ngunit napigilan ako nang inilabas niya ang laman ng paper bag. ...mga puting rosas? "Alam nyo naman siguro ang kwento sa Laketon Academy diba?" napakunot ang noo ko sa mga sinabi ni teacher Yuko. Bakit hindi ko alam? Napatingin ako sa iba, biglang nawala ang kasiyahan nila. Para bang mas naging seryoso ang usapan. "Dati, isang simpleng laro lang ito. Nawala ng ilang taon at napagdesisyunan kong ibalik." Mas lalo akong nagtataka sa mga sinasabi niya. Ngunit parang hindi na iba ang mga sinasabi niya para sa iba kong kaklase. A-Ano ba ang nanyayari? "Kukuha kayo ng isang oras at ibibigay nyo ito sa..." Nanlaki ang mga mata ko sa sunod kong narinig. "...taong gusto nyong mamatay." Narinig ko ang ilang komento ng iba. Ang iba'y nasasabik at ang iba'y kinakabahan. Ako? Nagtataka ako. Sinong normal na tao ang gagawa ng larong ganito? Ngunit nagulat ako nang sinunod ng lahat ang sinabi ni teacher Yuko. Isa-isa silang pumunta sa harap at kumuha ng tig-iisang rosas. At halos lahat ng rosas ay napunta kay Hanako. Hindi na nakakapanibago na pagkaisahan siya ng klase. Akala ko'y ititigil na ni teacher Yuko ang ginagawa ng buong klase ngunit nanonood lamang siya habang malapad pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Parang tuwang-tuwa pa siya sa nanyayari. Tinitigan ko lang si Hanako habang nangingiyak-ngiyak siyang nakatingin sa mga rosas na nasa mesa niya. Alam kong mahirap tanggapin. Ang dating rosas na binibigay para sa minamahal ay nagkaroon na ng ibang kahulugan sa akin. Rosas para sa taong nais mong mamatay? May mas sasakit pa ba kaysa doon? Tinignan ko muli si Hanako nang tumayo siya. Nanginginig siyang lumapit sa mesa at tinignan ang lahat bago pa man muling maglakad. Hindi na ako nagulat nang nakita kong nilapag niya sa lamesa ko ang puting rosas na hawak niya. Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Hanako, patawarin mo na ako. **** Huminga ako nang malalim ng bumalik ako sa realidad. Wala na si Hanako, patay na siya. Patay na ang taong mayroon akong malaking pagkakasala. At ngayon, dapat ko nang kalimutan ang lahat. Maaring ito na ang senyales na ibaon ko na sa limot ang pagkakasala ko sa taong dapat ay pinahalagahan ko.

Page 70: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Umupo ako sa kama at dahan-dahang humiga habang nasa likuran ng ulo ko ang magkabila kong kamay. Tumingin ako sa kisame kung saan ko tinitigan ang malamlam na ilaw galing sa bombilya na malapit nang mapundi. Muli kong naisip si Hanako. Kung maari ngang buhay siya... sana ay muli ko siyang makita. Hindi ako magsasawa na humingi ng tawad sa kanya nang paulit-ulit. HARVEY'S POV Lumingon ako ngunit hindi ko na makita sila Cyrus. Muli akong tumingin sa dinaraanan ko. Tangina, nasaan na ang mga kasama ko? Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng motor. Kung sino man ang humahabol sa akin ngayon, sigurado akong isa yan sa mga kaaway namin o ano. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa mga kasama ko sa fraternity eh. Ilang buwan nga bago nawala ang ilang pasa sa hita ko dahil bago muna magkapasok sa fraternity na yon, kailangan mong makiisa sa nakagawian nila. Para maging isa ka sa kapatiran. Kung makakayanan mo hanggang dulo, pasok ka pero kung hindi, patay ka. Naalala ko pa yung sakit sa bawat tusok ng karayom sa pagbuo ng tattoo sa mismong dibdib ko. Isang marka na kasama na ako sa kapatiran. Isang nag-aapoy na agila na nakadapo sa isang basag na bungo. "Tangina!" pasigaw kong mura nang biglaang nawalan ng preno ang motor ko. Kanina pa ko nagpe-preno ngunit tuloy tuloy pa rin ang pag-andar ng motor ko. Wala na kong ibang pagpipilian. Muli akong lumingon sa humahabol sa akin. Bahagya kong binagalan ang pagtakbo kasabay ng pagtalon ko mula sa motor. Nakita kong bumangga ang motor ko sa isang malaking puno. Napamura muli ako sa isipan ko. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko dulot sa pagkakabagsak ko. Saka ko muling narinig ang galit na makina ng kotse. Malapit na. Tumakbo ako nang tumakbo. Gabing-gabi na at halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko. Ilang beses akong nadapa ngunit sa tuwing maririnig ko ang tunog ng makina ng kotse, tumatayo ako kaagad. Bakit ba kasi ako hinahabol ng lintek na yan? Sinubukan kong isigaw ng pangalan nila Cyrus pero wala akong nakuhang tugon. Hingal na hingal akong bumagsak. Halos hindi ko mahabol ang hininga ko. Lintek. Ano ba tong nanyayari? Dahan-dahan akong tumingala nang may nakita akong isang pares ng paa sa harapan ko. Ramdam ko ang mabigat niyang kamay ng sabunutan niya ako hanggang sa makita ko ang buo niyang mukha. "Harvey Gomez, nagagalak akong makita ka ngayon." Nakangiti niyang sinabi sa akin. "Pero dapat pa ba akong magalak kung ito na ang huling beses na makikita kita?" Kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pang lumapit sa kanya at bahagyang umupo sa harapan ko. Umalis ang kasama niya na nakahablot sa buhok ko at bumalik sa kotse. Ngumiti siya kagaya ng ngiti ng kasama niya kanina. "Kamusta na Harvey? Sana hindi mo

Page 71: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

pa ako nakakalimutan." Nanginginig kong binuka ang bibig ko upang magsalita sana ngunit agad niyang nginudngod ang mukha ko sa lupa. Sumisigaw siya habang gigil na gigil pa rin akong nginungudngod. "Kasi ako, hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo sa akin... sa amin!" sigaw niya at itinaas niya ang ulo ko sa pamamagitan muli ng pagsabunot. Ngiting-ngiti siya nang nakita niya ang mukha kong puno ng lupa. Muling lumapit ang kasama niya. Hinatak nila ako upang makatayo ang hinang-hina kong katawan. Isinandal niya ako sa bakod na gawa sa alambre. Dahil sa pagod at kawalan ng lakas. Wala na kong nagawa kung hindi tanggapin ang bawat suntok niya sa akin habang patuloy ang pagbaon ng tusok ng alambre sa likuran ko. "T-Tama na." Mahina kong pagbulong habang hinaharang ng kamay ko sa kamao niya. Ngunit hindi siya tumigil bagkus ay sinikmuraan pa niya ako. Napasigaw muli ako sa sakit nang naramdaman ko ang malalim na pagbaon ng alambre sa likuran ko. Saka ko muling naramdaman ang kamay niya na hinahatak akong pilit. Nakailang beses siyang hatak bago pa man maalis ang pagkakabaon ng alambre sa likuran ko. Napasigaw ako nang malakas. Hatak hatak niya ako habang ako'y nakadapa hanggang sa naramdaman kong isinikay nila ako sa kotse. Kung saan ay hindi ko na makita. Tuluyang pumikit ang mga mata ko . ___________ Dahan-dahan kong itinitingala ang ulo ko. Ramdam ko ang pagkangalay sa parte ng leeg ko. Marahil ay matagal na akong nahihimlay dito. Magkadikit ang dalawa kong kamay na para bang nagdadasal at mahigpit ang pagkakatali sa pulso ko na nakatali rin sa bakal sa kisame upang mabuhat ako. Unti-unti akong tumayo habang nakasabit pa rin ang mga kamay ko at tila ba'y isa akong baboy na handa nang katayin. Kagaya ng leeg ko, mas ramdam ko ang pakangalay sa mga paa ko. Idagdag pa ang mga sugat at pilay sa paa ko sa pagkakabagsak sa motor at sa pagtakbo. Napangiwi ako sa sakit nang muli kong madama ang sakit likuran ko dulot ng mga matutulis na alambreng bumaon dito. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, saka ko lang napagtanto na nasa isa akong maliit na kwarto. Pula ang kulay ng pader. May dalawang itim na pintuan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. May malaking puting orasan sa itaas ng itim na pintuan sa kaliwa at isang lamesa at isang itim na upuan naman sa gilid ng itim na pintuan sa kanan. Ngunit ang talagang pumukaw sa atensyon ko ay ang madaming manika na nakasabit sa dingding. May ilang puti at ang ilan ay itim. Ilang beses kong sinubukan na alisin ang tali sa kamay ko ngunit hindi ko magawa. Napatigil ako nang bumukas ang itim na pintuan sa kanan. Hindi na ako nagulat nang nakita ko siyang papalapit. Tumingin siya sa akin na nakangiti. Hindi lingid sa akin na may hawak siyang dos por dos sa kaliwa niyang kamay. Napalunok ako. Ngunit bago siya tuluyang lumapit ay kumuha muna siya ng isang puting manika. May tinali siyang pulang sinulid rito at isinabit muli sa dingding na akala mo'y nakabigting tao. "Simula noong nakita kita sa initiation night, alam kong darating ang panahon na ito." Inis na inis akong napakagat sa labi ko. Hindi ko alam na darating sa punto na ito ang lahat. "Ginamit mo ba lahat ng drugs na binigay ko?" Marahas kong iniwas ang ulo ko nang hawakan niya ito na para bang isa akong tuta. Galit na galit kong nginitngit ang mga ngipin ko

Page 72: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kasabay ng pagkawag ko sa mga kamay ko, nagbabakasakaling, makawala muli sa pagkakatali. "Hindi ka makakatakas Harvey." Ilang beses niyang tinapik-tapik ang sahig ng hawak niyang dos por dos na gumagawa ng tunog na nakakapagpakaba pa sa akin. "Wala akong kasalanan sayo." Tuloy tuloy kong sinabi sa kanya habang kasing-talim ng kutsilyo ang titig ko sa kanya. Tinignan niya ang hawak niyang dos por dos bago muling tumingin sa akin na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Wala nga. Bakit sa tingin mo, ang dapat lang pumatay sa isang may sala ay ang nagawan niya ng mali?" napasigaw ako sa sakit nang biglaan niyang hatawin ang paa ko. Mas lalo akong napaluhod sa sahig. "Ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa kanila." Pinilit ko pa ring tumayo ngunit agad akong napaluhod. Tanging tali lang ang dahilan kung bakit hindi ako nakabulagta sa sahig. "H-Hindi niya gusto ito. Sigurado akong hindi niya magugustuhan ang mga ginagawa mo." Ang tangi kong nasabi. Tumingin muli ako sa kanya. "N-Nasa isang kapatiran tayo diba? B-Bakit mo sa akin ginagawa ito?" "Kapatiran?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Ulol." Hanggang sa hatawin niya ng dos por dos ang likuran ko. Lubha akong napasigaw sa sobrang sakit. Naramdaman ko muli ang mga sugat sa likuran ko. Hingal na hingal kong itinaas ang ulo ko upang makita ulit siya. Nakangiti pa rin siya sa akin. "Mula ngayon, matatanggal ka na sa kapatiran na halos sambahin mo." Hanggang sa paulit-ulit niyang hatawin ang iba't ibang parte ng katawan ko. "Paalam, kapatid." Halos pumikit na ako nang naramdaman ko ang malakas na paghataw niya sa batok ko. Bago ako nawalan ng malay, narinig ko muli ang pagbukas ng pintuan. May lumabas na dalawang tao. Ang isa'y may hawak na pusa at ang isa ay agad na umupo sa itim na upuan. Malabo man ang paningin ko, nakikilala ko sila. Maaring ang isa ay hindi ko lubusang kilala ngunit ang isa... kilalang-kilala ko siya. Isang kaibigan. Isang kapatid. Isang nakaraan. Mga traydor. Bakit nila nagawa sa akin ito? --------------------------------------------x "There are two kinds of secrets. The ones we keep from others and the ones we keep from ourselves." ― Frank Warren --------------------------------------------x LUNA'S POV KAKATAPOS lang ang unang klase namin. Kakaalis lang ni teacher Maeganne at bago siya tuluyang umalis ay binalita niyang may dalawang lumipat sa ibang eskwelahan, 23 na lang kami. Wala pang dumarating na teacher at tiyak kong hindi na naman papasok ang teacher namin sa pangalawang klase. Palagi na lang ganyan. Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang buong klase. Bigla kong naalala si Denise, ano kayang reaksyon niya noong napunta siya sa klase na to? Ganito rin ba ang nanyari? Sa ganito rin ba siya namatay?

Page 73: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ayoko man isipin ngunit sa tingin ko, kapareho namin ang nanyari sa klase nila. Kung paano ay hindi ko pa alam. Napatingin ako sa gilid kung saan may nanyayaring diskusyon sa pagitan ng isang grupo at grupo ni Sapphire. Hindi ko sana papansin dahil wala naman akong mapapala ngunit sadyang kapansin-pansin ang pinag-uusapan nila. "Hindi ba ikaw naman ang pumapatay! Sabihin mo na sa amin, ikaw ang pumatay kay Hanako, kay Lizzy at kay Celina. Wag ka nang magkaila Sapphire. Sa lahat ng nandito, ikaw lang ang makakagawa niyan!" lalapit pa ang babae sa kanya ngunit pinigilan siya ng lalaking nasa likuran niya. "Clyde! Ano ba?!" muli siyang humarap kay Sapphire na parang wala namang pake sa sinasabi niya at nakatingin lang sa phone nito. "Humarap ka nga sa akin Sapphire! Hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba talaga naalala? O parati mong dinadahilan yang phobia mo na yan?!" sa pagkakataong iyon ay humarap na si Sapphire na nanlalaki ang mga mata sa kanya. "Sapphire, ikaw ang pumatay sa kanya! Nakalimutan mo na ba talaga?! Sapphire ikaw ang pumatay kay-" hindi natapos ang mga sinasabi niya nang biglaan siyang itulak ni Cyrus. Sino? Sino ang pinatay ni Sapphire? "Pare naman! Wag kang manakit ng babae!"sigaw nung Clyde kasabay ng pagtulak niya kay Cyrus. Bigla akong napaisip. Tama... yung tanong ko kay Katherine. Sigurado na ako... hindi nga iyon ang unang beses na inatake si Sapphire. Tama ako. Hindi ito ang unang beses na may namatay sa klase nila. "Mananakit ako para kay Phire. Patahimikin mo yang kaibigan mo Clyde kung ayaw mong kami ang magpatahimik sa kanya." Babala ni Cyrus bago bumalik sa tabi ni Sapphire. Nakita ko namang itinayo nung Clyde yung babae. Pinagpag nito ang palda niya at kahit ayaw ng babae ay umalis sila sa loob ng classroom. Pinagmasdan ko muli si Sapphire na nakatayo at para bang gulat na gulat. Lumapit sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Aislinn kasama ng lalaking lagi nitong kasama. Austin ata ang pangalan nun. "Wag kang makinig sa kanya Sapphire. Ako na mismo ang nagsasabi sayo na walang nanyaring ganun." Itinaas nito ang kamay niya na parang nangangako. "Kahit kailan hindi ka gumawa ng ganung bagay. Diba Austin?" lumingon ito sa katabi niya at tumango naman iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Napag-isipan ko, kung gusto kong malaman ang lahat. Kailangan kong makisama. Kailangan kong makibagay. Tumingin muli ako sa buong klase, may kanya-kanya silang pinag-uusapan, may kanya-kanyang mundo. "Hoy tanga." Tawag ko sa katabi ko. Tinignan naman niya ako nang masama ng narinig niya ang tinawag ko sa kanya. "Kailangan ko kayong makausap ni Sandria. Sa labas." Tuloy tuloy kong sinabi. Kahit papano, may nararamdaman akong kaba. Hindi normal ang ginagawa ko para sa akin. Hindi ko ugaling manghingi ng tulong o tumanggap man lang ng tulong mula sa iba. Ngunit wala na akong magagawa. Ilang beses ko na itong pinag-isipan. Maaring hindi ko kayang mag-isa at sa paraan na ito, mas marami akong malalaman. Isa si Spade sa pinaghihinalaan ko at gagawin ko ang lahat para malaman kung ano ba ang parte niya sa lahat ng ito. Bago ako lumabas ng classroom, nakita kong nilapitan niya si Sandria na kausap ang presidente ng klase, yung Raphael at itinuro ako. Hinintay ko sila sa labas at

Page 74: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

pagkarating nila ay naglakad kami ng palabas ng building. Sa school grounds kung saan walang tao dahil sa patuloy pa rin ang klase. "Oy, Tuna. Magsalita ka. Ano?" Parang pakiramdam ko, manliliit ako sa sasabihin ko. Patuloy akong umiiwas sa mga titig nilang dalawa. Tama naman ito. Kailangan ko talaga. Ngunit paano ko sasabihin na hindi nahahalata na naninibago ako sa gagawin ko? "Tinatanggap mo na ba yung alok namin?" wika ni Sandria na labis kong ikinagulat. Tama. Buti, sinabi niya. "Ano ba namang tingin yan? May balak ka bang magpaulan ng bala?" sabat na naman ni Spade. Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumango ako kay Sandria. "Bakit naman nag-iba ang desisyon mo? Parang dati sinabi mo na hindi mo kailangan ng kasama?" tanong ni Sandria. Napatingin ako kay Spade. Hindi ko naman pupwedeng sabihin na habang tinutulungan nila akong malaman ang lahat ay magagamit ko rin tong pagkakataon na ito para mag-imbestiga tungkol kay Spade. Dahil siya talaga ang nasa isipan ko bukod kay Sapphire. Hindi pwede. "Gusto ko lang. Pwede namang magbago ang isipan ng tao diba?" tuloy tuloy kong sinabi sa kanila. Umalis si Spade sa pinagsasandalan niyang pader at lumapit sa akin. Napaatras ako nang inilapit niya ang ulo niya sa mukha ko. "May balak ka no?" seryoso niyang sinabi. Bigla akong kinabahan. Kung siya ang pumapatay baka malaman niya. "Pero di bale, wala naman akong paki. Basta may magawa lang akong interesting dito." Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya. Nakahinga ako nang maluwag. "So, saan tayo magsisimula?" tanong ko sa kanila. "Ah." Sabi ko nang may naalala ako. Muli silang tumingin sa akin. "Magsimula tayo kay Hanako." Nabigla ako ng umiling si Sandria. Tinignan ko siya nang masama. Anong ibig sabihin niya? "Magsimula tayo rito." Tinignan niya ang building pati rin ang ibang lugar dito sa loob ng Academy. "Sa Laketon Academy." Muli niyang sinabi. Nagtanong si Spade kung bakit na sinagot naman agad ni Sandria. "Madami akong naririnig na balita tungkol dito. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako." Tumingin siya sa gilid ng high school building kung saan nakatayo ang isang maliit na bahay... parang bodega ngunit hiwalay sa building. "Punishment room ang tawag diyan. Noong 1990's, diyan kinukulong ang mga high school students na may ginawang mali o labag sa rules ng school. Parang detention room. May katumbas na oras ang bawat pagkakamali at sa kasamaang palad, ang ibang nakukulong diyan ay namamatay." Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Mukhang mali ang alam nilang pagdidisiplina dati sa mga bata. Magsasalita sana ako nang nagwika muli si Sandria. "At marami ring nagsasabi na, maraming sikretong kwarto rito sa Laketon Academy. May sikretong labasan at papasok sa loob ng Academy ngunit hindi ko alam kung saan. May isang room sa high school building na hindi na

Page 75: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ginamit mula noong may namatay na tatlong estudyante. Chop chop ang mga katawan nang matagpuan iyon ng mga estudyante. Matagal na nanyari, mula pa noong 1995." Tumingin siya muli sa amin ni Spade. "Maraming sikreto ang eskwelahan na ito at iyon ang una nating kailangang malaman." Napakaraming alam ni Sandria. Ayaw kong magtaka ngunit may kung ano sa akin na nag-iisip na maaring isa siya. Ngunit hindi ko dapat siya pagbintangan dahil lang sa marami siyang alam. Mali. "Uh. Okay." Napatingin naman ako kay Spade nang biglaan siyang nagsalita ngunit sa tono ng pananalita niya para siyang naubusan ng salitang masasabi. "San tayo magsisimula?" Bigla akong nakaramdam ng kuryusidad at kasabay ng pag-iisip ko. Naalala ko muli ang sinabi sa akin ng Presidente ng student's council. Isa ito sa mga dahilan ng pagkamatay ni Denise ngunit wala na akong magagawa. Kung kailangang sumugal, susugal ako. Malaman ko lang ang lahat. "Narinig ko na ang lahat ng iyon ay maaring makita sa opisina ni Mr. Laketon ngunit hindi tayo makakapasok doon. Tanging mga awtorisadong tao lang ang maari." Ilang sandaling napaisip si Sandria hanggang sa may pumasok na ideya sa utak ko. "Sa lumang library. Hindi kaya, meron doon?" tanong ko sa kanya. Sa natatandaan ko, may ganun din sa Marylaine Academy. Mga kung ano ano tungkol sa eskwelahan. At dito sa Laketon, mas malaki ang posibilidad na mayroon sa lumang library. Napatingin siya sa akin at tumango bilang tugon sa tanong ko. Dali-dali kaming pumunta roon hangga't hindi pa natatapos ang oras para sa pangalawang subject. Siguro naman tama ang desisyon kong ito. SPADE'S POV "Tanga ka talaga." Narinig kong sabi na naman nung Tuna nang binati ko ng 'Magandang Umaga' ang matandang librarian. Tumingin ako nang masama sa kanya pero agad na nahagip ng mata ko si Sandria na para bang sinasabi na pagbigyan ko na lang si Tuna. Ewan ko ba kay Sandria kung bakit ganyan siya kay Tuna. Hindi ko rin naman maintindihan yang Tuna na yan sa biglaang pagsama sa amin. Napagdesisyunan kong tawagin na lang siyang Tuna kapag naiinis ako sa kanya tutal nakakainis naman talaga siya. Pero ayos lang, ginagawa lang naman ito bilang pampalipas oras at malay ko, may malaman nga ako tungkol sa Laketon Academy. Paniguradong masaya kung malalaman ko ang lahat. Gagawin ko na rin ito para mas makilala ko siya at gamitin ito laban sa kanya. Sinundan ko lang sila Luna habang dahan dahan silang naglalakad na para bang may huhuli sa kanilang pulis. Hanggang sa mapunta kami sa pinakadulo ng library na hindi man lang pinapansin ang sign na bawal ang estudyante sa parteng ito. Tinignan ko lang sila habang nagbubuklat ng mga libro. Puro yearbook at mga kung ano ano tungkol sa Laketon Academy ang nandirito at halos maubo ako sa dami ng alikabok. Ito lang ata ang parte ng lumang library na hindi nalilinis.

Page 76: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Spade, tumulong ka naman." Narinig kong mahinang sinabi ni Sandria. Napatingin naman sa akin si Luna gamit ang nakakairita niyang pagtitig. Akala mo bubuga ng apoy. Tama nga, nagkakaroon lang ng ekspresyon ang mukha niya kapag nagagalit o naiinis siya. Tuna nga talaga. "Oo, eto na. Di mo na ako kailangang titigan Tuna. Baka ma-in love ka pa." Inis kong sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako saka nagpatuloy lang siya sa pagbubuklat ng mga libro. Kumuha ako ng isang libro. Binuklat buklat ko ito hanggang sa nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tinignan ko sila Sandria at Luna. Bahagya akong tumalikod sa kanila at dahan dahan kong pinunit ang pahina na iyon. Tahimik ko itong binulsa at itinabi sa pinanggalingan. Muli akong kumuha ng isa pang libro. Unti-unti akong napangiti. "Tignan nyo to oh." Wika ni Sandria na para bang gulat na gulat. Lumapit kami sa kanya at nakita naming may tinuturo siya sa isang class picture. "Sino naman yan?" sabay naming tanong ni Luna. "Siya yung science teacher namin nung first year. Siya yung nagsimula ng larong iyon." Tinignan ko pa nang mabuti ang tinuturo niyang picture. School year 1995-1996, Class 3-C "Laro? Anong laro?" tanong ni Luna sa kanya. "White Rose game." Sagot ko. Napatingin silang dalawa sa akin. Marahil, nagtataka sila kung bakit ko alam. "Kumuha ka ng isang rosas at ibigay mo sa taong gusto mong mamatay o sa madaling salita, ibigay mo sa taong gusto mong patayin." Gulat na gulat silang nakatingin sa akin. "Alam ko. Alam ko lang." Pagpapaliwanag ko. "Change topic. Sino yang science teacher na yan?" tanong ko ulit kay Sandria. "Ah. Naging science teacher namin siya noong second year hanggang sa magresign siya. Siya yung dating adviser ng Class 3-C at natagpuan siyang patay sa apartment niya." Tinignan ko ulit ang itsura nung teacher na sinasabi niya. May kalumaan ang litrato ngunit kitang-kita ko pa rin ang malamig niyang ngiti. Medyo mahaba at itim na itim ang buhok niya. Nakatayo siya sa dulo. Sa kanan. Muli kong tinignan ang hawak kong libro, sa cover palang nito ay naramdaman ko na ang pagtaas ng mga balahibo ko. Totoo ba itong nakikita ko? "T-Teka... ano to?" tanong ko nang ipinakita ko sa kanila ang hawak ko. "Alam mo ba ito Sandria?" Nanlaki rin ang mga mata nila nang sandaling nabasa nila ang pamagat ng libro. 'Eliminating section C' Makapal ang bawat itim na letra at purong pula ang cover nito na may kulay gintong border sa bawat gilid. Hindi masyadong makapal ang libro ngunit may kabigatan. Kinuha ni Sandria ang hawak kong libro bago tinignan ang relo na suot niya. "Time na. Kailangan na nating umalis pero--" tinignan niya ang hawak niyang libro. Bubuklatin na niya sana ito nang may nagsalita sa likuran namin. "Hindi pwede ang mga estudyante sa parteng ito." Sabi ng matandang librarian habang papalapit kay Sandria at kasabay ng pagsasalita niya ay kinuha niya ang hawak na libro ni Sandria. "Matagal na rin kayo rito. Cutting classes no?" tinignan niya ang librong kinuha niya kay Sandria

Page 77: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nang walang pagkagulat sa mga mata niya. Ibinalik niya ito sa lumang bookshelf at muling nagsalita sa amin. "Pasensiya na ho." Sabay naming sinabi ni Sandria. Aalis na dapat kami nang nagsalita si Luna. Talagang wala siyang takot. "Mawalang galang na pero pakibigay sa akin yung kinuha mong libro." Walang tigil at ni hindi man lang siya nagdalawang-isip na sinabi sa librarian. Tinignan lang siya ng librarian na parang nagtataka sa inaasal niya. Kinalabit ko siya upang tumigil siya ngunit inirapan niya lang ako na para bang sinasabi na wala akong pake sa gagawin niya. Sige, bahala siya. "Ito ba?" kinuha muli ng librarian ang libro at iItinaas ito sapat para makita namin. Tumango si Luna bago magsalita muli. "May dala akong library card, hihiramin ko yan." Walang emosyon niyang sinabi katulad ng palagi niyang ginagawa. Para siyang namimili lang ng isang sapatos sa isang shop. "Hindi lahat ng libro dito, pwede hiramin at hindi lahat ng libro dito, pwedeng basahin. Off limits ang estudyante rito. Teachers at staff lang ang pwede sa kinatatayuan nyo. Hindi nyo ba nakita yung sign?" tumingin siya sa malaking sign sa harap. "Pwede ko kayang ipa-office ngayon din. Kaya kung mararapatin nyo, bumalik na kayo sa klase nyo." Wala na kaming nagawa kundi sundin siya. Habang naglalakad kami halatang halata na galit si Luna. Ayan kasi, masyadong matapang. Sabi ko na nga ba at hindi tatalab yang ugali niya na yan sa lahat. Tsss. Pero nakakainis din yung librarian na yon. "Bago palang yung librarian, namatay kasi yung librarian dati." Ani ni Sandria habang naglalakad kami papunta sa building ng high school department. "Kaya mahigpit siya sa rules ngayon dahil bago palang siya. At sa tingin ko, hawak hawak siya ng presidente ng school na to. Pero kung si sir Brian yan, yung dating librarian, siguradong pinahiram niya tayo ng librong iyon." Pinagmasdan ko si Luna habang naglalakad, biglaan siyang tumingin sa langit at napatigil. Kaya tulad niya, napatingin din ako. Makulimlim at paniguradong uulan. Muli akong tumingin kay Luna, parang kumukutitap ang mga mata niya. Ganun ba niya kagusto ang ulan? Napagisip-isip ko tuloy, ganito ba siya kapag natutuwa? Wala ngang ngiting nakapinta sa mga labi niya pero sa mga mata niya... alam kong natutuwa siya. Kailangan kaya siya ngingiti? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - SLEUTH. Sleuth means carry out a search or investigation in the manner of a detective (verb). A detective (noun)

Page 78: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

YUNG TUNGKOL SA MGA SINABI NI SANDRIA NA SECRETS NG LAKETON AY MAKIKITA SA BOOK 1. Yung Punishment room ay nasa Chapter 19: Wrongdoers at yung room na may namatay na tatlong estudyante (yung chop chop) ay nasa Extra Chapter: Unfinished Business. Salamat po sa pagbabasa! VOICE OUT YOUR OPINION GUYS :* "He, who knows others is learned; He, who knows himself is wise." -Lao-tzu, Tao te Ching (sixth century B.C) --------------------------------------------x TEACHER MAEGANNE'S POV SINARA ko ang pintuan ng classroom ng advisory class ko, ang 3-C. Bumuntong hininga ako bago humakbang. Pinapatawag na naman ako ni Mr. Laketon. Ewan ko ba kung bakit palagi niyang kinakamusta ang 3-C sa akin, para bang natutuwa pa siya sa lahat ng nalalaman niya. Ganun ba siya nasusura sa klase na iyon? Kahit ako, hindi ko maintindihan ang gulong pinasok ko. Nandito lamang ako para bawiin ang anak ko. Nandito lamang ako para makasama siya muli pero parang mas malaki ang pinasok kong gulo. Kung ano man ang binabalak ni Mr. Laketon, paniguradong... hindi ito para sa ikakabuti ng mga bata. Hindi maari. Kailangan kong protektahan si Sapphire. "Sir, pinatawag nyo raw ako?" tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya. Kitang-kita na kararating din niya dahil sa kakalapag lang niya ng dala niyang mga papel at laptop. Sumenyas siya upang umupo ako. "Kamusta na ang 3-C?" hindi na ko nagulat sa tanong niya. "Dalawa po ang nag-transfer na sa ibang school." Tumango-tango lamang siya na para bang wala lang yun para sa kanya. Ngumiti pa nga siya eh. "Sir. Hindi po ba dapat na nating-" napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin siya sa akin nang masama.

Page 79: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ms. Ramos, itinalaga ka sa section na yan para bantayan sila. Kung ano man ang nanyayari, isipin mo na lang na katanggap-tanggap ang suweldo na nakukuha mo. Hindi ako bumabali sa usapan." Sa totoo lang, wala akong pakialam kung ako ang may pinakamalaking suweldo na nakukuha sa buong faculty. Kung alam lang nila ang dinaranas ng klase ko. Kung kaya ko lang, matagal na kong nagsabi sa pulis. Ngunit sa tingin ko rin, kasabwat na ang mga pulis sa lagay na ito. "Iyon lamang ang gusto kong malaman. Maari ka nang umalis." Gusto ko pa sanang magsalita ngunit alam ko namang hindi niya ako papakinggan. Kung maari ko lang sabihin sa lahat ng magulang ang mga nanyayari ngunit para na ring akong bumangga sa isang matigas at malaking pader. Alam kong may kinalaman si Mr. Laketon sa mga ito. Hawak hawak ko pa rin ang ilang librong ginamit ko sa pagtuturo sa 3-C. Isang oras pa bago ako magkaroon ng klase sa ibang section. Balak kong pumunta sa lumang library upang makahiram ng librong kailangan ko sa isang klase ko mamaya. Ngunit napatigil ako nang may narinig akong malakas na usapan sa di kalayuan. "Clyde! Ano ka ba ha? Masyado mong pinapaboran yang Sapphire na yan!" napatingin agad ako sa kanila nang narinig ko ang pangalan ng anak ko. Mga estudyante ko to ah? "Ano bang gusto mo ha? Magpakamartyr ka katulad ni Cyrus? Ano ba naman yan Cylde! Uso gumamit ng utak!" nakita ko kung paano sigawan ng babae yung lalaki. Si Abigail Lim at yung lalaking palagi niya kasama, si Clyde Fortaleza. "Abi, ikaw naman kasi ang mali. Bakit ba kasi kailangan mo pang sabihin yon? Hindi naman-" kalmadong pagkakasabi ng lalaki. Sa pagkaka-obserba ko sa kanya, parati siyang kalmado. Minsan ko lang siyang narinig na magtaas ng boses. Isa siya sa mga kaklase nila na malapit at kilala ng lahat. Bago pa man makasalita si Abigail ay pumagitna na ako sa kanila. "Hindi ba, may klase kayo ngayon? Anong ginagawa nyo rito?" tuloy tuloy kong sinabi. Tinaasan ako ng kilay ni Abigail habang nakatuon lang ang pansin ng kasama niyang si Clyde sa ibaba. "Wala kang pake. Kaya kung pwede ba maam, umalis ka rito at wag kang mangialam?" pagtataray niya sa akin. Agad akong nakaramdam ng inis. Aba, kung makasagot to ah? Magsesermon sana ako nang biglaang nagsalita si Clyde,

Page 80: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Pasensiya na maam, babalik na kami sa klase." Hinatak niya ang kasama niya pabalik sa High school building. Nakahinga ako nang maluwag. Sa totoo lang, hindi ko kaya ang mga batang ito. Masyado silang matatapang pero kahit papano, naaawa ako sa kanila. Ilan na ang namamatay sa klase at ako, bilang adviser ay walang magawa kung hindi sumunod lang nang sumunod sa nasa itaas ng Academy na ito. Paano ba ako makakatulong sa kanila? Dederetso sana ako sa lumang library nang naalala ko bigla si nurse Tin. Marami raw siyang sasabihin sa akin. Bumalik ako sa high school building kung nasaan ang clinic. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang nang biglaan dahil alam ko namang walang ganoong tao sa clinic sa ganitong oras. "Ikaw pala, Ms. Maeganne." Napatigil ako at medyo nahiya dahil sa ginawa ko. "Hindi ko alam na may bisita ka pala." Ang tangi kong nasabi nang nadatnan ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki na kung titignan mo ay bata pa. Nakaupo ang lalaki sa kama na nasa kaliwa at si nurse Tin naman ay nakaupo sa katapat nitong kama. Mukhang malapit sila sa isa't-isa. "Ah. Siya ba, wag kang mag-alala. Napadalaw lang siya." Ngumiti si nurse Tin. Muli akong napatingin sa lalaki nang hindi rin niya maiwasang mapatingin sa akin. Tama nga ako, bata pa siya. Nakasuot siya ng puting v-neck shirt at maong na pantalon. Malaki ang posibilidad na high school student palang siya. May nakasabit na itim na headphone sa leeg niya. Ngumiti rin siya sa akin pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan. Siguro maiikumpara ko sa isang ngiti ng anghel ang ngiti niya pati ang pagkurba ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y gumaan ang loob ko sa pagkakita ko pa lamang ng ngiti niya. Masyadong inosente. "Sige, mauna na ko nurse Tin. Hinihintay na nila ako sa may parking lot." Tumayo ang lalaki at bago siya umalis ay muli niya akong ngnitian. Maaring bilang pamamaalam. Isinuot niya ang hawak hawak niyang itim na sumbrero at tuluyan niyang nilisan ang kwarto. Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama at tumingin kay nurse Tin nang maigi.

Page 81: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ikaw ha, hindi mo sa akin sinabi na may nobyo ka palang bata." Panloloko ko sa kanya. Agad naman siyang natawa at dumiretso sa table niyang malapit sa kinauupuan ko at umupo sa malambot niyang silya roon. "Dati siyang estudyante rito. Anong nobyo ka diyan?" Patawa pa niyang sinabi. Napatingin ulit ako sa pintuan kung saan huli kong nakita yung lalaki. Hindi ko alam ngunit parang naging interesado ako sa kanya. Parang may kakaiba sa taong iyon. Ngunit agad ko itong inalis sa isipan ko. Saka ko lang naalala muli ang sadya ko sa pagpunta rito. "Ano nga pala yung mga sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Medyo nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat at ilang segundo ay nagbalik ito sa normal. Kakaiba ang kinikilos niya. "Pasensiya na Ms. Maeganne pero hindi ko pala masasabi sayo ang mga yon." Tumingin siya sa relo niya bago muling nagsaita. "Ilang minuto na lang kasi at darating na si Dr. Lopez. Aasikasuhin pa namin ang mga medical records ng mga bata." Tumango tango ako saka tumayo sa kinauupuan ko. Nakakapagtaka talaga ngunit wala na akong nagawa kundi magpaalam at umalis na sa clinic. Akala ko naman masasabi niya sa akin. Kung ano man yon, kailangan ko na talagang malaman. Pakiramdam ko, napaka-ignorante ko sa eskwelahan na ito. Tama naman ang ginawa ko. Tama naman ang desisyon ko. Ang pumasok dito at kuhanin ang dapat na akin. Ngunit naiisip ko din, paano kung isunod na ang anak ko? Paano kung mawala si Sapphire? Nakakalungkot isipin na mawawala siya. Ni hindi ko man lang masabi sa kanya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Kung gaano ko siya gustong lapitan at yakapin. Ngunit maaring hindi pa ngayon ang tamang oras. Hindi pa ngayon. Humakbang na ako palayo nang namataan ko muli ang ilang estudyante ko na naglalakad sa labas ng high school building. Wag naman nilang sabihin sa akin na nagcu-cutting classes ang karamihan sa kanila. Susundan ko pa sana ang ilang estudyanteng iyon ngunit hindi ko na nagawa. Magsisimula na ang klase ko sa 4-A.

Page 82: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kay bilis naman ata ng oras? Umakyat na ko papunta sa ikatlong palapag ng high school building. Nadaanan ko ang classroom ng advisory class ko, may kaingayan akong naririnig ngunit hindi naman ito malala. Hindi na ko tumigil pa at dumiretso na ko sa classroom ng 4-A. Sabay sabay silang bumati sa akin. Sa section C ko lang naman nararanasan ang pambabastos. Ibang-iba kapag nasa section A ako. Napakagat ako sa labi dahil sa inis. Nakalimutan kong hiramin ang kailangan kong libro sa lumang library. Wala na kong ibang pagpipilian kundi gamitin ang librong meron ako. Tahimik silang klase. Section A kasi, mas mahigpit ang mga teachers sa kanila ngunit kayang-kaya nila. Ang kadalasan kasi nilang sinasabi ay ayaw nilang bumaba ang grado nila. Ayaw nilang mapunta sa section C. Ganun din naman ang sitwasyon sa section B. Hindi ko pa rin natatanong kung bakit tila ba'y takot na takot ang ilan. Hindi lang basta normal na takot. Para bang ikakamatay nila ang mapunta sa section C. Napabuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Nagkakamatayan na nga pala, ano pa ba ang dapat nilang maramdaman? Kung ang ilan sa kanila ay may nalalaman tungkol sa nanyayari sigurado akong palihim na kumakalat ito. O kung hindi man, tanging 3-C lang talaga at ilan sa amin ang nakakaalam. Nagpatuloy ako sa pagkaklase habang pilit na inaalis ang mga naiisip ko tungkol sa mga nanyayari. Hindi maaring mawala ang pokus ko. Tulad ng kanina, tahimik pa rin sila hanggang sa matapos ang klase. Talagang pinapanindigan nila ang pag-aaral. Kinuha ko ang gamit ko at handa na akong umalis nang may naalala ako. "Blake. Pinapakuha nga pala ni Mrs. Espiritu yung attendance daw sa meeting noong nakaraang araw. Nasa iyo ba?" tanong ko sa kanya. Tumayo ang student council's president at nakangiting sumagot sa akin. "Wala po sa akin. Na kay Sam pero kukuhanin ko po mamaya at ako na lang ang magbibigay kay Mrs. Espiritu." Magalang niyang sagot na may ngiti pa rin sa mga labi. Tumango lang ako at umalis na. Hindi ko alam ngunit parang pareho sila ng ngiti ng bisita ni nurse Tin kanina. Nakakakilabot. Parang may tinatago.

Page 83: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SAPPHIRE'S POV Wala akong pinatay. Iyon ang alam ko. Mula umpisa, wala akong pinatay. Hindi ako ang dapat na sisihin. Pero bakit parang lahat ng sinabi ni Abi... totoo? Nang narinig ko lahat ng sinabi niya'y may kung anong gumulo sa isipan ko. Natuliro ako. Hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko. "Cyrus... nagsisinungaling lang si Abi diba?" mahina kong sinabi sa kanya. Na kung papakinggan ay maiihalintulad sa isang bulong. Nasa dulo kami ng classroom, sa tabi ng lockers. Nakasandal si Cyrus sa gilid ng lockers habang ako ay nakasandal sa pader. "Nagsisinungaling lang siya Phire. Galit sayo yon diba?" napa-buntong hininga ako. Hindi ko mahanap yung sagot na gusto kong marinig. Nakakainis lang. Ngayon ko lang pinaghinalaan ang sarili ko. Paano nga kung nakapatay ako? Paano kung nagsisinungaling lang ang mga kaibigan ko sa akin? "Sana nga Cyrus. Sana nga nagsisinungaling lang si Abi." Napayuko ako bago muling magsalita. "Hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko kapag nalaman kong totoo iyon." Napatingin ako sa kabuuan ng classroom. "Baka pati sarili ko... mapatay ko." "Phire. Ano ba naman yang mga sinasabi mo?" medyo napalakas ang boses niya. Kahit na malakas ang boses ng karamihan sa klase, nangingibabaw pa rin ang boses ni Cyrus para sa akin. "Hindi ka pumatay. Nililito ka lang ni Abi. Nasabi lang niya yon dahil sa kamatayan ni Lizzy." Sana nga totoo ang mga sinasabi ni Cyrus. Tinignan ko lang sila Abigail at Clyde nang pumasok sila sa classroom. Napatingin sa akin si Clyde habang si Abigail naman ay tuloy tuloy sa upuan niya. Maingay pa rin ang klase. Ganito naman sila, mga walang pake. Madaling makalimot. Magagaling umarte.

Page 84: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Maniniwala ba ko sa kanila? Tumayo ako at lumapit sa upuan ko. Napatingin ako sa malayo. Ilang beses akong sinubukang kausapin ni Aislinn at Austin ngunit hindi ko sila pinansin. Alam kong hindi ko sila makakausap nang matino ngayon. Totoo nga. Pati sarili ko, hindi ko na kilala. --- Bumukas ang pintuan at pumasok ang teacher namin para sa pangatlong subject. Si Sir Buendia, ang guro namin para sa Filipino. Bumati siya ngunit katulad ng palagi naming ginagawa, walang nagbigay kahit isang katiting na pansin sa kanya. Nagpatuloy lang ang lahat sa pagdadaldalan at kasatan. Habang ako, pinipilit kong alisin sa isip ko lahat ng paghihinala sa sarili ko... sa kanila at sa amin. Dahil ako pa rin si Sapphire, ang leader ng 3-C at kung may dapat akong paniwalaan. Iyon ay ako at ang mga kaibigan ko. Hindi nila ako lolokohin. Tama. Hindi sila magsisinungaling sa akin. "Sir, anong reaksyon nyo nung namatay si Hanako?" natatawang tanong ng isa naming kaklaseng lalaki. "Diba, may gusto yon sa inyo?" muli ay nagtawanan sila. Simula noong kumalat ang balitang iyan, hindi na sila natigil sa panunukso kay Sir Buendia at Hanako. "Hindi ba may balita na nagkarelasyon kayo?" isa pang tanong ng isa naming kaklase. Nagtawanan sila na para bang nakikipaglokohan si Sir sa kanila ngunit parang walang naririnig si Sir bagkus ay tuloy tuloy lang siya sa pagsusulat sa black board. May gusto si Hanako kay Sir?

Page 85: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napangisi ako sa pagyuko ko. Akala nila, alam nila. Ngunit kung alam lang nila kung sino ang gusto ni Hanako. Kung sino ang karelasyon niya at kung sino ang nagtatagong kakampi niya. Siguro pag-iisipan pa nila kung totoo nga iyon. Hindi sila makakapaniwala. Hindi lubos na kapani-paniwala. Dahil alam ko ang mga sikreto ni Hanako. Kung hindi ko man lubusang kilala ang sarili ko. Si hanako... kilalang-kilala ko siya. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - KNOW THYSELF. Or Nosce te ipsum in latin. Original quote po yan ng philosopher na si Socrates. MAY NABUONG TANONG SA ISIP KO. Sa tingin nyo ba, biktima lang talaga si Hanako? Or is it the other way around? SI CLYDE PO YUNG NASA GIF SA GILID. Yep, siya si Yukito Nishii. Si Shuuya Watanabe ng Confession <3 Salamat sa pagbabasa :* Voice out your opinion :) "The best liar is he, who makes the smallest amount of lying go the longest way." -Samuel Butler { Kung hindi pa nababasa ang book 1. Kung maari lang, paki-skip ang part na to. May mga spoiler dito. Nasa inyo rin naman yan. Warning lang. Kaya nga, mas maganda kung nabasa ang book 1. Salamat. } --------------------------------------------x ASH'S POV "PRE, sandali ka lang ha?" tumingin ako kay John Philip na nakasandal sa van. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang suot niyang itim na sumbrero. Agad ko naman itong sinuot. Mahirap na kapag may nakakilala sa akin.

Page 86: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Oo naman." Sabi ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Napatingin naman ako kay Thania na tahimik lang na nakaupo sa loob ng van habang bukas na bukas ang pinto nito. Nakasimangot siya. Panigurado na ayaw niya ang pagdalaw ko sa eskwelahan na ito. Ngumiti lang ako sa kanya kahit alam ko naman na hindi nito mawawala ang pagkainis niya. Alalang-alala ko pa ang sinabi ni Thania noong gabing iyon. "Magsisimula ulit tayong tatlo... isang magandang panimula. Para sa bago nating buhay. Malayo sa nakaraan. Malayong malayo." Tama. Natapos na ang lahat. Natapos na ang laban nila. Ngunit ang akin? Matagal nang tapos. Wala lang naman sa akin ang lahat ng iyon. Ang mga buhay ng kaklase ko... wala akong pakialam sa mga iyon. Ang tanging importante lang sa akin ay ang sarili ko. Ngumiti ako nang tumalikod ako sa kanila. Ilang beses ko ring tinatanong sa sarili ko... kasama ba talaga ako sa kanila? Talaga bang kabilang ako sa kanilang dalawa? Ngunit isang sagot lang ang tangi kong naiisip. Hindi. Kahit kailan hindi ako kabilang sa kahit anong grupo. Lumalaban ako para sa sarili ko. Hindi ko sila kailangan ngunit kailangan nila ako. Napangisi ako habang naglalakad. Muli kong inibaba ang suot kong sumbrero para mas matakpan ang mga mata ko. Sanay na sanay na akong takasan ang mga guwardiya dito. Hindi ko lubos na maisip na makakapaglakad pa ako nang ganito sa loob ng eskwelahan na ito. Normal lang. Na para bang hindi ako naging parte nito. Muli kong naalala ang mga nanyari. Sariwa pa sa akin ang lahat. Ang mga pekeng ngiti, pekeng salita, at mga pekeng tawa. Lahat ng iyon... palabas lang. At dati, bago ako matulog tinatawanan ko na lamang ang lahat ng iyon. Mga tanga sila. Hindi ko alam pero sobra akong nalibang. Kung hindi lang sana ginawa sa akin ni Yuko ang mga iyon. Kung hindi lang niya ako iniwan at pinaasa. Kung hindi lang niya ginawa ang dating kasalanan ni mama. Hindi ko sana maiisip ang lahat. Hindi sana ako magiging katulad ng tatay ko. Hindi sana ako papatay. Kahit papano naintindihan ko ang tatay ko. Ang sayang naramdaman niya noong pinatay niya si mama... naramdaman ko rin iyon. Ang ngiti at tawa ko noong napatay ko si Yuko. Sobrang kasiyahan na para bang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa katawan ko. Dapat lang sa kanya ang mamatay.

Page 87: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dere-deretso ako papunta sa high school building. May ilang estudyante na dumadaan na naging dahilan ng pagyuko ko. Pagtingala ko'y napagmasdan ko muli sa mismong harapan ko ang high school building. Awtomatikong pumorma sa mga labi ko ang isang mapait na ngiti. Si Denise... Bigla kong siyang naalala. "Mahal na mahal kita Ash.." Muli kong narinig ang boses niya. Ang nanghihina at halos walang lakas na boses niya. Iyon ang unang beses niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon pero sa kasamaang palad, iyon na rin ang panghuling beses. Napabuntong hininga ako. Tama lang ang ginawa ko. Kailangan kong tapusin ang palabas. Walang dapat itira. Walang dapat mabuhay. Ginawa ko rin yon para maiwasan na saktan niya ako dahil alam ko balang araw... iiwan din niya ako. Katulad ng ginawa ni mama at ni Yuko. Lahat sila. Mga walang kwentang nilalang na walang ibang kayang gawin kundi saktan ako nang paulit-ulit. Tama. Tama lang ang desisyon ko. Kumatok ako sa pinto ng clinic at pagkapasok ko ay nanlaki ang mga mata ni nurse Tin. "A-Ash?" ang tangi niyang nasabi. Hindi ko siya masisisi. Malaki rin ang pinagbago ko. Para sa mga taong kilala ako dati pa, hindi na nila makikita ang dating 'Ash'. Kahit si John Philip. Kahit si Thania. Nagbago ako ngunit hindi ko alam kung para sa mabuti o para sa mas masama. "Maupo ka." Agad naman akong umupo sa katapat na kamang inuupuan ni nurse Tin. Wala pa rin siyang pinagbago. "Hindi mo naman ako sinabihan na pupunta ka." Ang sabi niya habang blanko ang mukha. Naiintindihan ko siya. Sa tawag lang naman kami nagkakausap sa mga nakaraan na araw. "Gusto ko lang magpaalam." Ang tangi kong sinabi.

Page 88: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Magpaalam? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Ngumiti ako bago sumagot. "Hindi mo na siguro ako mako-kontak mula ngayon o kaya bukas. Hindi naman sa lalayo kami pero baka ito na ang huling beses na magkakausap tayo." Nakita ko siyang ngumiti. Isang ngiti na ngayon ko lang nakita kay nurse Tin. Yung ngiti na... para bang panatag. "Tama. Ngunit bago ka umalis. Gusto ko lang magtanong ng ilang katanungan." Tumango ako saka naghintay sa mga tanong niya. "Naalala mo pa ba si Denise? I mean, nasa isip mo pa ba siya? Yung ginawa mo... lahat. Hindi ba siya nawawala sa isipan mo?" Ilang minuto akong natahimik sa tanong niya. "Mukhang mali ang tanong mo nurse Tin." Napatingin siya sa akin na nagtataka. "Dapat ang tanong mo... makakalimutan ko ba si Denise?" kahit ako, muling natahimik sa sinabi ko. Nag-ipon ako ng lakas ng loob upang magsalita muli. "Ginawa ko lang naman ang lahat ng iyon para mas maging kasiya-siya ang palabas. Maaring walang kasalanan si Denise ngunit siya na mismo ang sumali sa gulo. Wala na kong magagawa don." "Ilang beses na kitang binalaan. Ngayon, anong pakiramdam mo nang pinatay mo siya? Masaya ka na ba?" para bang may galit sa boses ni nurse Tin habang nagtatanong sa akin. Hindi ko siya masisisi, ilang beses na nga niya akong binalaan. Simula noong nasaksak ako dahil sa pagligtas ko sa kanya. Hindi naman planado iyon. Ayaw ko lang matapos agad ang palabas. Masyadong nagmamadali si Nichole noong mga oras na iyon. Pati rin nung nagsuntukan kami ni Andy... ilang beses akong binalaan ni nurse Tin pero kahit isa doon, wala akong sinunod. "Hindi ako masaya nang pinatay ko siya pero hindi rin naman ako malungkot. Hindi ako nagsisisi dahil ang alam ko, iniwasan ko lang masaktan sa dulo. Siguro wala pang kasiyahan ngayon pero pinapangako ko, balang araw, isa na ko sa mga masasayang tao. Papanindigan ko ang lahat ng ginawa't sinabi ko." Mahina akong tumawa upang mabawasan ang tensyon sa loob ng clinic. Pakiramdam ko, mas nagalit pa si nurse Tin. "Teka, ba't iyan ba ang tinatanong mo? Hindi mo ba ako kakamustahin?" nangiti kong sinabi sa kanya. Bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin na para bang pagod na pagod. "Ash, napagtanto ko na hindi nakakabuti ang paghihiganti. Nang nakita ko ang nanyari sayo, wala na sa isip ko ang alin mang iyon." Napayuko ako at ilang segundo ay muli akong tumingin kay nurse Tin. Isang tingin na kakaiba para sa kanya.

Page 89: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Iyon ang akala mo nurse Tin. Nakalimutan mo na ba ang lahat? Ang rason kung ba't nandirito ka. Nakalimutan mo na ba? Ang rason ni Yuko at ang rason mo, kapag iniisip ko ang mga iyon... parang pareho lang din. Nurse Tin, sa inyo ko lang naman nalaman ang lahat eh." Napatigil ako ng ilang segundo at muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Kinalimutan mo na ba ang lahat?" Umiling siya. "Hindi ko nilimot. Natauhan lang ako, Ash." "Natauhan?" pag-ulit ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong ngumisi. "Bumabait ka na ngayon nurse Tin ah?" nakatawa kong sabi sa kanya. Mahina rin siyang tumawa. Ganito dati. Bago nanyari ang mga iyon. Ganitong-ganito. "Maiba ako, anong nanyayari ngayon sa 3-C?" "Sabihin na nating ganun pa rin. Magulo. Maingay. Wala namang hindi normal na nanyayari." Medyo mahina ang boses ni nurse Tin nang sinabi niya iyon. Sa pagkakakilala ko sa kanya, may tinatago siya. Tumango-tango lang ako habang matipid ang ngiti. "Mabuti naman." Hindi na nakakapanibago. Siguradong ayaw niya lang akong mangialam. Tama lang. Wala na rin naman akong pakialam sa eskwelahan na ito. Tatayo na sana ako upang magpaalam nang biglaang may nagbukas ng pinto. Mabuti na lamang at hindi siya pamilyar sa akin. "Ikaw pala, Ms. Maeganne." Bati sa kanya ni nurse Tin habang gulat pa rin na nakatayo sa may pintuan. Bumungad sa akin ang isang babae na hindi naman kaagano katandan ang itsura ngunit panigurado na isang siyang teacher dito. "Hindi ko alam na may bisita ka pala." Napatingin siya sa akin na may kung ano sa mga mata niya. Na kung titignan mo ay parang kinikilala at sinusuri ako. Hindi ko siya masisisi, ito lang siguro ang unang beses na nakita niya ako. "Ah. Siya ba, wag kang mag-alala. Napadalaw lang siya." Ani ni nurse Tin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Muli akong tumingin kay nurse Tin. Napagdesisyunan ko nang umalis. "Sige, mauna na ko nurse Tin. Hinihintay na nila ako sa may parking lot." Tumayo ako at hinintay na tumugon si nurse Tin ng isang ngiti. Nginitian ko yung bagong bisita niya bilang pamamaalam. Alam ko naman kasi na ito ang huling beses na makikita niya ako... kung iyon nga ang dapat manyari. Isinuot ko muli ang itim na sumbrero ni Philip at naglakad na palayo habang nakabulsa ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Tumigil ako nang ilang sandali upang ikabit sana ang headphones ko sa

Page 90: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

dala kong cellphone ngunit hindi ko ito nagawa nang may nakita ako na nakatayo sa harapan ko. "Sam." Pagbanggit ko sa pangalan niya. "K-Kuya Ash?" lumapit pa siya sa akin at agad akong niyakap. "Kuya Ash! Bumalik ka!" bakas sa boses niya ang pananabik at saya. Habang ako, nadidismaya. Hindi ko aakalain na sa pag-alis ko, doon pa may makakakita sa akin. Pagkaharap niya sa akin muli ay ngumiti ako para masabi niya na walang problema. "Akala ko... akala ko kasama ka sa mga namatay. Hindi ba-" napatigil siya nang hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Buhay ako pero sana wag mo na itong ipagsabi sa iba. Mahirap na kasi." Naalala ko siya. Si Samantha, ang secretary ng student's council, ang palaging nakabuntot kay Blake. "Totoo ba na isang serial killer ang may gawa sa inyo nun? Naku, hinahabol ka ba nun kaya ka nagtatago? Yung para sa mga action movies?" may kakaibang kislap ang mga mata niya habang nagsasalita. Masyado pa nga siyang bata, wala pa siyang kaalam-alam sa mundo at tanging mga palabas lang ang batayan niya sa lahat. "Tama. Napakatalino mo talaga Sam." Ginulo-gulo ko ang buhok niya habang nakangiti. Narinig ko naman ang hagikhik ng second year student na ito. "Mauna na ko ha?" Naalala ko muli sila Philip. Siguradong inip na inip na ang mga iyon. Tumango siya sa akin at magiliw na nagpaalam. Dumaan ako sa dulo. Papunta sa lumang library at lumiko ako sa kanan kung saan naman nakatayo ang lumang covered court na balita ko'y gigibain na dahil sa sa paggawa ng gymnasium. Sa gilid ng covered court ay may maliit na bakod na gawa sa semento. Inakyat ko ito at agad na pinagpag ang pantalon ko nang nakarating ako sa bakanteng lote sa likod ng eskwelahan. Medyo malayo ito at kinailangan ko pang maglakad papunta sa harap ng eskwelahan kung nasaan ang parking lot. Nginitian ko sila Philip nang napansin kong pareho na silang nakasimangot ni Thania. "Ano ba yan, ngiti-ngiti naman diyan." Pagbibiro ko sa kanila ngunit hindi nito nabago ang pagkadismaya ng dalawa. Inihagis sa akin ni Philip ang susi ng van na muntik ko nang hindi masalo.

Page 91: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Tara na." Sabi niya sa akin habang isinusuot sa tainga niya ang hawak niyang earphones. Sumakay naman ako at agad pinaandar ang van. "Ang tagal mo dun ah." Biglang sabi ni Thania habang blankong nakatingin sa akin. Gamit ang kanan kong kamay ay iniusog ko ang rear-view mirror para nakita silang dalawa sa likuran. Si Philip ay nakadungaw sa bintana at si Thania naman ay nakatingin pa rin sa akin. "May kinausap lang." Tugon ko. "Kung balak mong tumiwalag, ayos lang. Mabubuhay kami kahit wala ka." Walang emosyon sinabi ni Philip. Napangiti ako. Kahit kailan, napakatigas pa rin niya. "Hay Philip, alam ko namang mamimiss mo ko kapag ganun ang nanyari eh." Pagbibiro ko ulit sa kanya. Wala akong planong iwan sila. Kahit na hindi ko sila kailangan. Kahit na wala akong napapala sa kanila. Alam ko kung ano at kung saan ako dapat dumikit. Maari ngang hindi ko pakiramdam na kabilang ako sa kanilang dalawa o sa kahit anong grupo pero alam kong dapat kong tapusin ang sinimulan ko. "Ulol." Sabi ni Philip habang medyo natatawa. "Bahala nga kayo diyan. Basta ako, ayos na ako. Kahit san tayo pumunta basta magkakasama tayo, wala akong reklamo." Sumandal siya kay Philip pagkatapos niyang sabihin iyon. Kahit saan? Basta magkakasama? "Nakapaghiganti na tayo. Wala na kong marereklamo pa." Muling sinabi ni Thania ngunit sa tingin ko, siya lang naman ang naghiganti. Lahat kami'y tumupad lang sa pangako at tinapos ang kung anong nasimulan. Paano ba kami mabubuhay nang ganito? Pinarada ko ang van sa gilid ng bahay namin. Tuloy tuloy kaming tatlo sa loob. Umupo sila Philip sa sofa at binuksan ang t.v. Nagtanggal naman ako ng sapatos at nagsuot ng tsinelas. Dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng apat na soda. Ngumiti ako kay papa. "Nandiyan pala kayo. Salamat ha?" agad ko namang pinatong sa kamay niya na naninigas at pinapasukan na mga insekto ang hawak kong isang soda. "Alam mo naman mahal ko kayo diba? Hindi ba, ganito ang ginagawa kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Tama ka papa. Hindi naman pala masamang pumatay." Nakangisi kong sinabi sa kanya na akala mo ay tutugon naman.

Page 92: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Nangangamoy ka na pala. Dapat ka na naming ilibing." Iniwan ko ang naninigas na katawan ng papa ko roon. Ipinuwesto talaga namin siya na nakaupo at nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa. Siguro para kahit papano, mukha naman siyang disente. Patay na siya at utang ko sa kanya ang lahat. Isa rin siya sa mga nagturo sa akin para maging ganito. Kung ano ang puno ay siya ring bunga, ika nga ng iba. "Oh, soda." Binato ko kay Philip ang dalawang soda na agad naman niyang sinalo at ibinigay kay Thania ang isa. Sumandal ako sa pader sa mismong tabi ng inuupuan nilang sofa. Iniinom ko ang hawak kong soda habang nanonood ng t.v. Isang balita. "Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na palutang-lutang sa ilog malapit sa isang maliit na barangay. Isang lalaki na walang suot na pang-itaas ngunit kapansin pansin ang kulay ng pantalon na suot niya. Na ang naiibang uniporme ng mga estudyante sa Laketon Academy. Puno ng malalalim na sugat ang likuran niya at ilang namumuong pasa sa iba't-ibang parte ng katawan niya." Tumingin muna ang babaeng reporter sa hawak niyang papel at tsaka muling tumingin sa harap. "Napag-alaman na isa siyang third year high school student sa nasabing eskwenlahan at isang gabi na hindi umuwi sa kanila. Ngayon lang din nakita ng kaniyang mga magulang ang tattoo niya na simbolo ng isang sikat na fraternity sa halos lahat ng eskwelahan sa Maynila. Hindi pa alam kung sino ang gumawa sa kanya nito ngunit isang possibleng dahilan na tinitignan ng pulisya ang fraternity na sinalihan ng bata." Nagpaalam ang reporter at pagkatapos ng ilang commercial ay bumalik na ang programa na kanina pa nilang pinapanood. Nakita kong malapad ang ngiti ni Thania habang si Philip ay blanko pa rin ang ekspresyon na nakatingin sa t.v. "Sa tingin ko, hindi pa tapos." Tumingin sa akin si Thania at muling nagsalita. "Sa tingin mo, mananahimik na lang basta ang 3-C kahit wala na tayo?" tumango ako sa kanya at ngumiti. Muli akong humigop sa hawak kong soda. Kung ano man ang sinimulan namin, paniguradong, hindi iyon ang katapusan. Hindi matatapos ang gulo hangga't nakatayo pa rin ang eskwelahan na iyan. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Inalis ko sa leeg ko ang headphones. Dumiretso ako sa cabinet at binuksan ang maliit na drawer nito. Muli kong nakita ang sulat ni Summer. Naalala ko pa ito. Napangiti ako habang umuupo sa lapag at dahan dahan na binubuksan ang hawak kong papel. Hindi ko pa ito nababasa mula noong ibinigay niya sa akin ito. Mula noong nalaman na niya ang totoo.

Page 93: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kahit papano, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon. Kung hindi lang ako nagsinungaling sa kanya tungkol sa aming dalawa ni Yuko. Kung hindi lang niya nalaman, sigurado akong hindi gagawa si Yuko para mapaalis siya. Pero ano na nga ba ang magagagawa ko? Nagsama-sama kasi ang mga tanga. Pagkabuklat ko ng sulat, bumungad sa akin ang maliit at dikit dikit na sulat ni Summer. Ash, Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Basta, noong nakita ko kayo ni Yuko na magkayap... noong nakita kitang halikan mo siya. Ash, hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang galit ko kaya napagdesisyunan kong isulat ang lahat ng nadarama ko. Sabi nila, nakakagaan daw ito pero bakit ganito? Bakit mas lalong sumasakit? Alam kong hindi importante ang nararamdaman ko para sa'yo. Alam kong hindi ako importante sa'yo. Sabi mo nga, gusto mo lang maglibang. Gusto mo lang sumubok ng iba kaya nga ako ang napili mo hindi ba? Pero ang totoo, gusto mo lang naman pagtakpan ang relasyon nyo. Ngayon, alam ko na. Alam ko na kung ano ang rason mo at pumayag ka sa pekeng relasyon na ito. Kilala na kita. Kilala ko na ngayon ang Ash na tinitingala ng lahat. Pero hindi ako susuko. Isang tawag mo lang sa pangalan ko pwede na kong mahulog nang paulit-ulit sa mga salita mo. Handa ako.Mahal kita at hindi rason si Yuko o kahit ang relasyon nyo para tumigil ako. Handa akong tanggapin ka ulit. Handa pa rin akong mapagkabobo. Ash, uulitin ko, mahal kita. -Summer. Napayuko ako at tumawa. Dapat dati ko pa pala ito nabasa. Tama nga ang nilagay niya rito. Tinanggap niya ako muli pero nagkamali siya, hinding-hindi ako magbabago. Ako ang dating Ash na kilala niya at habang buhay, magiging ganun pa rin ako. Hindi porket sinabi ko sa kanya na gusto kong patayin si Yuko... hindi ibig sabihin nun ay nawala na ang dating Ash na

Page 94: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kilala niya. Paulit-ulit nga siyang nahulog mga salita ko. Hanggang sa dulo, emosyon pa rin ang pinairal ni Summer. Hangal. Tumayo ako at ibinulsa ang sulat niya. Binuksan ko naman ang cabinet upang kumuha ng kamiseta. Hanggang sa napatingin ako sa isang litrato sa gilid ng cabinet ko. Isang litrato ni... Denise. Agad ko itong kinuha. Umupo ako sa kama at tinitigan ang maaliwalas niyang mukha. Napangiti rin ako. Itanggi ko man o hindi. Kahit papano, kahit isang sandali... naisipan ko na ring magbago. Maaring para sa kanya o kaya para sa sarili ko lamang. Ngunit kahit anong gawing isip ko, palagi ko pa ring naalala ang nakaraan. Hindi ko maiwasan. Wala na si Denise at maaring ako na ang pinakakinamumuhian niyang tao ngayon. Maaring kasumpa-sumpa ang tingin niya sa akin sa lahat ng ginawa ko. Alam kong kahit papano... naiitindihan niya ako dahil para sa akin, ginawa ko lang ang tama para sa sarili ko. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na para bang binibigyan ako ng isang mahigpit na yakap. "Denise... hindi kita makakalimutan." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - PARTS SA BOOK 1. Yung sa ginawa ng tatay ni Ash at nandun din yung pagbibigay ng babala ni nurse Tin ay nasa Chapter 23. Yung nasaksak, nasa chapter 10 pero hindi na binanggit yung part na yon. Sinabi yon sa POV ni Nichole (chapter 11) nang nakita si Ash at nurse Tin na magkausap sa labas at masama ang tingin sa kanya ni Ash. I think, alam nyo na kung bakit masama ang tingin sa kanya. :) YUNG LETTER NI SUMMER. Nasa chapter 27 ata yan. Basta yung part 2 ng The Queen Bee. Correct me if I'm wrong ah. Ayon. PANOURIN NYO PO YUNG VIDEO SA GILID. Ayan po ay isang kantang gawa ni Xandra Ong para sa book 2. Maganda yan! Salamaaat Xandra :* Salamat sa pagbabasa! :* Voice out your opinion guysZzSzzZ.

Page 95: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Because sometimes people who seem good end up being not as good as you might have hoped." -Jonathan Safran Foer (from Extremely Loud and Incredibly Close) --------------------------------------------x AUSTIN'S POV "AYOS ka lang ba talaga?" ilang ulit na tanong ko kay Aislinn habang hawak hawak ang dalawa niyang kamay. "Oo naman Austin. Ako pa?" nakangiti niyang sinabi. Kahit kailan talaga, napakaganda ng anghel ko. Kaya nga hindi ako mapakali kanina nang biglaan siyang nahilo at nahimatay. Pakiramdam ko... bigla na lang gumalaw ang buo kong katawan nang itinakbo ko si Aislinn dito sa clinic. "Wag kang mag-alala, wala naman siyang sakit." Napalingon ako kay nurse Tin nang nagsalita siya. Napatingin siya kay Aislinn saka muling nagsalita. "Napagod lang siguro siya." Tumango naman ako saka tumayo. Medyo kakaiba lang siya ngayon. Hindi ako sanay na matamlay na parang may bumabagabag kay nurse Tin. "Kailangan lang niya ng pahinga." Dagdag pa ni nurse Tin. "Ihahatid na lang kita mamaya ah?" sabi ko ng humarap ako kay Aislinn. Umiling siya habang nakangiti. Mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Susunduin ako ni dad." Wala na akong nagawa kundi tumango na lang. Ganyan naman talaga. "Nasan na nga pala sila Sapphire?" tanong sa akin ni Aislinn. Bahagya siyang umupo sa kama at inaayos ang laman ng bag niya. Uuwi na na talaga siya. "Bumalik sila sa klase." Matipid kong sagot. Nakarinig kami ng ilang katok sa pinto. Dali-dali naman akong tumayo upang buksan ito. Hanggang sa bumungad sa akin ang tatay ni Aislinn na naka-formal na suot na paniguradong galing sa trabaho at medyo basa siguro dahil sa malakas na ulan sa labas. Siya na naman. "Anong nanyari?" tanong niya kay nurse Tin. Umalis na ako sa clinic. Hindi naman ako kailangan doon. Si Aislinn... hindi ko alam kung anong manyayari kung hahayaan ko lang na manyari ang ganito. Wala lang ako para kay Aislinn. Isang batang lalaki na walang

Page 96: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ibang ginawa kundi sumunod sa kanya. Isang batang lalaki na kahit hindi niya bigyan ng pansin ay hindi pa rin magsasawa't susuko. Ganito nga siguro ako katanga. Tumingin ako sa labas kung saan malakas ang ulan at mas lalo pa itong lumalakas. Naglakad pa ako paabante papunta sa hagdanan upang bumalik sa klase. Napatigil ako nang nakita ko si Cyrus na tumatakbo pababa ng hagdanan. Huminto siya sa harap ko at sandaling hinabol ang hininga. "Pre." Pamungad siya sa akin habang hingal na hingal pa rin. Hinintay ko ang muli niyang pagsasalita. "Patay na si Harvey." Hindi ko maipaliwanag ang pagkagulat sa mga mata ni Cyrus habang sinasabi niya sa akin ang masamang balita. "T-Totoo ba yan?" tanong ko sa kanya. Tumango lamang siya. "Pre, sabi ko na nga ba eh. Hindi dapat natin iniwan si Harvey dun!" niyugyog niya ang balikat ko habang sumisigaw. "Kasalanan din natin pre. Ano ba naman yung ginawa natin? Iniwan natin sa ere si Harvey!" muli niyang pagsigaw. Tama kasalanan namin... ...kasalanan ko. "Tangina pre! Namatay si Harvey dahil sa atin!" muli pang sigaw ni Cyrus. "Pre, ano ka ba ha? Kung hindi natin iniwan si Harvey. Patay tayong tatlo!" tugon ko pagkatapos kong mag-isip. Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasabi ko para lang tumigil siya sa pagsigaw niya. Gago talaga to. Tama nga, kasalanan namin at mas lalong kasalanan ko pero kahit anong gawin niya kung patay na si Harvey. Edi patay. "Bakit parang masaya ka pa na patay na si Harvey?" tumingin sa akin nang deretso si Cyrus. Inialis niya ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso. Masaya? Kailan ba ko naging masaya? Sino bang matinong tao ang magiging masaya kapag namatayan ng kaibigan? "Cyrus, wala na tayong magagawa." Ang tangi kong sinabi. Hindi na dapat naming isipin ang pagkamatay ni Harvey. Dapat na lang namin isipin na nanyari kay Harvey yon para iligtas kaming dalawa. Marami pa kong dapat

Page 97: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

isipin ngayon kaysa sa pagkamatay ni Harvey. Hindi naman sa isa akong masamang kaibigan. Ang sa akin lang, huli na para magsisi. "Alam ko pero... paano kung isunod na tayo?" Napayuko ako. "Impossible. Ikaw ang killer diba Cyrus?" CYRUS' POV "Alam ko pero... paano kung isunod na tayo?" mahina kong tanong kay Austin. Yumuko lamang siya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na sinabi ni Austin. Hindi ako nakagalaw. Ni hindi gumana ang utak ko at nakaisip ng kung ano. "Impossible. Ikaw ang killer diba Cyrus?" Paulit-ulit kong narinig sa utak ko. Hindi. A-Ano ba itong mga sinasabi ni Austin? Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Wala akong ibang maisip kundi durugin ang bungo niya. Ano bang pinagsasabi ng gagong to? "Gago ka ba? Wag mo kong inuulol Austin." Tuloy tuloy kong sinabi. Lumapit naman siya sa akin. Sinubukan niya akong akbayan tulad ng dati ngunit agad ko naman itong iniwas. Nakikipaggaguhan ata to eh. "Nagbibiro lang ako pre. Ikaw naman." Sabi niya habang may nakakalokong ngiti. "Tangina mo, wala akong panahon para makipagbiruan." Sinuntok ko ang braso niya katulad ng ginagawa namin dati. Siguro nga... nagbibiro lang talaga siya. Sanay naman ako pero... bakit parang iba ang biro niya ngayon? "Sino yun?" tanong ko kay Austin nang nakita ko ang isang lalaki na akay-akay si Aislinn habang naglalakad at may dalang payong. Ngayon ko lang nakita ang lalaking 'yon. "Akala ko ba ikaw ang maghahatid kay Aislinn?" sunod ko pang tanong.

Page 98: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Alam mo naman. Daddy niya yun eh, isang hamak na kaklase niya lang ako." Sagot ni Austin na para bang may gustong ipahiwatig. Gago talaga to. Magselos daw ba sa tatay ni Aislinn? Muli akong napatingin sa cellphone ko. Ang balita na patay na ang isa sa mga matatalik kong kaibigan. Masakit man pero sa mga sinabi ni Austin parang... tama nga siya. Di baling mamatay ang isa kaysa mamatay ang tatlo. SANDRIA'S POV Hindi ko napansin na uwian na pala kung hindi ko lang nakita na nag-aayos na ng gamit ang ilan, siguradong nakaupo pa rin ako hanggang ngayon. Walang masyadong nanyari ngayong araw. Bukod sa mga nalaman namin nila Luna sa library... wala ng ibang nanyaring kapana-panabik. At hanggang ngayon, interesado pa rin ako sa laman ng librong iyon. Kung nakita lang namin nang mas maaga iyon. Siguradong nalaman naman ang nilalaman nito. Alam kong mayroong nakalagay dun na makakatulong sa amin upang maintindihan ang mga nanyayari at nanyari dito sa eskwelahan na ito. Sigurado ako. "Sabay tayo ulit?" lumingon ako kay Raphael na nasa likuran ko. Ngumiti ako at tumango. Bukod kay Luna at Spade, siya lang ang tao na handa akong kausapin. Tama siya, masyado akong ilag sa mga tao dito. Mula noong second year kami, mula noong nanyari iyon. Ignorante ako dati sa klase. Wala akong alam at mas lalong wala akong pakialam. Ang sa akin lang, nandito ako para mag-aral hindi para makialam sa mga kalokohan nila. Isang pagkakamali na nagpabago sa akin. Simula noon, mas naging maingat ako sa mga sinasabi at pinapakisamahan ko. Natuto akong mag-isa at obserbahan sila. Pero siguro tama nga siya, kung gusto mong makilala ang isang tao... dapat makiisa sa kanila. Ngunit paano? Muli kong naalala ang desisyon ni Luna kanina. Hindi ako naniniwala na biglaan na lang nagbago ang pag-iisip niya. Sa pagkakaobserba ko sa kanya, isa siguro siya sa mga masasabi kong matalino pag dating sa mga tao. Alam ko. Nakikita ko sa mga kilos niya. Pero ano ba ang dahilan niya? Maaring naisip niya iyon dahil mahihirapan siya kapag nag-iisa lang siya o maaring may pinaghihinalaan siya sa amin. Tama... iyon nga.

Page 99: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dapat akong mag-ingat kay Luna. "Napakalalim ata ng iniisip mo." Nakuha muli ang atensyon ko ni Raphael nang nagsalita siya. Nandito na pala kami sa unang palapag ng high school building. Isang hakbang na lang at nasa school grounds na kami. "Muntik ka ng humakbang nang hindi mo namamalayan. Mababasa ka ng ulan niyan." Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa balikat ko na para bang hinahatak ako paatras upang maiwasan ang paghakbang ko. "Kung ano man ang iniisip mo, siguro sobrang importante niyan noh?" nakangiti niyang sinabi. Kahit anong titig ang gawin ko kay Raphael... wala akong makitang mali sa kanya. Ang ngiti, pagsasalita... lahat. Tumango lang ako sa kanya. Masyado ata akong naiilang sa kung gaano kami kalapit ngayon. Pangalawang beses na ito pero hindi pa rin talaga ako sanay. Nagsisitakbuhan ang iba naming kaklase palabas ng high school building. Mga wala kasing dalang payong. "Sige, pre una na kayo!" sigaw ni Raphael kala Cyrus habang kumakaway at malapad ang ngiti. "Nagtataka lang ako Raphael." Napatingin siya sa akin. Muli akong nagsalita. "Paano mo naging kaibigan sila Cyrus? Dahil kung titignan, isang hibang na ideya na makipagkaibigan ka sa mga ganung klaseng tao." Deretso kong sinabi. "At magkaiba ang ugali nyo. Hindi ka ba nahihirapan?" Ilang estudyante ang lumagpas sa amin bago siya nakasagot sa mga tanong ko. "Hindi ko rin alam. Siguro dahil hindi ako ganung kahenyo para masabi ko na kayang-kaya kong mag-isa. Kailangan ko pa rin ng mga kaibigan." Tumingin siya sa akin na para bang may ibang ibig sabihin. "Nagulat nga ko eh. Siguro may nakita silang iba sa akin o kaya may nakita akong iba sa kanila. Mahirap ipaliwanag dahil kahit ako, hindi ko alam kung ba't ko sila naging kaibigan." Tumango ako ngunit hindi ko pa rin naman talagang naintindihan. Kailangan ng kaibigan? Hindi kayang mag-isa? Eh bakit nakaya ko? Siguro nga masyadong ako sarado sa mga tao at siya naman ay bukas. Nag-iingat lang ako pero pakiramdam ko, unti-unti na kong bumibigay. Na para bang dahan-dahang bumabagsak ang bakod na initayo ko sa pagitan ko at ng mga taong pinangako ko na hindi ko papakisamahan.

Page 100: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Mali ata ako. Aalis na sana kami ni Raphael nang may tumawag sa pangalan niya. Yung Blake, ang presidente ng student's council. Blake Reese, class 4-A. Hinding hindi ko siya malilimutan. Lumapit siya sa amin. "Raphael, may dapat akong ipaalam sayo." Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Raphael. Bigla siyang nagmukhang seryoso habang si Blake naman ay nakangiti at akala mo ba'y nakikipagbiruan. Lumingon sa akin si Raphael. "Sandria, pasensiya na pero mauna ka na." Pilit siyang ngumiti. Tumango lang ako at kinuha ang payong sa loob ng bag ko. Hindi ko alam na pati pala si Raphael ay malapit dun sa Blake na yan. Sa pagkakaalam ko, si Sapphire at Aislinn lang ang malapit sa mga seniors. Mas lalong lumalakas ang ulan. Nagmamadali ang iba sa paglalakad at ang ibang walang payong ay nagsisitakbuhan pa rin. Mabuti na lang at palagi akong may dalang payong. Alam ko kasing tag-ulan sa ganitong buwan. Lumingon ako muli sa kinatatayuan nila Raphael kanina ngunit wala na sila roon. Mukhang importante ata ang pag-uusapan nila at ganun sila kabilis umalis. Ano kaya yon? Isa rin yang si Blake sa mga taong kataka-taka. Malaya siyang pumasok at lumabas sa opisina ni Mr. Laketon, isa siya sa mga taong malapit sa mga estudyante pati rin sa mga admin at sa mga staff. Sa lahat ng estudyante rito, isa siya sa mga mataas ang repustasyon at tungkulin. Hindi na ko magtataka kung marami siyang nalalaman patungkol sa eskwelahan na ito. Maraming nagsasabi na iba ang klase namin sa dating batch. Hindi raw kami ganun kagrabe, hindi ganun kaingay at mas reponsable raw kami. Hindi raw kami ganun ka-agresibo. Pero sa tingin ko, pareho lang naman. Nabubulag lang sila dahil para sa akin, mas delikado ang mga taong akala mo'y hindi gagawa ng masama. Iba kung umatake. Mga lobo na nagpapanggap bilang isa sa mga kuneho. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E -

Page 101: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SI AUSTIN PO ANG NASA .GIF SA GILID --> INCOGNITO means (noun) An assumed or false identity. (adj) Having one's true identity concealed ABOUT NGA PALA DUN SA 'HIGH SCHOOL DEPARTMENT' , 'ELEMENTARY DEPARTMENT' 'HIGH SCHOOL BUILDING' & blah.. blah. Sa dati kong school, nung elementary ako, ganyan yung pagkakaseparate ng high school sa elementary at sa college. Pati yung building at kung ano ano pa. Hindi ko lang kaartehan yan. :)) Salamat sa pagbabasa :* "Death, in itself, is nothing; but we fear. To be we know not what, we know not where." -John Dryden, Aureng-Zebe --------------------------------------------x MURDERER'S POV "SA tingin nyo, nasaan na yung krus?" napalingon ako sa kanya nang nagsalita siya. Awtomatikong pumorma ang isang ngisi sa mga labi ko. Ganun ba nila pinapahalagahan ang simpleng bakal na iyon? Masyado silang isip-bata. Isang simbolo para sa grupo na ito? Sino bang inuuto nila? Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa bintana. Nagmistulang kulungan ko ang maliit na bahay na ito ng ilang taon. Hindi naman nila ako kailangan kaya bakit isasama pa nila ako sa kanila? Isang anak, tinapon ng magulang. Pinulot ng kung sino at tinambak sa ampunan. Masaya na sana kung hindi lang nagkada-leche leche. "Na kay Hanako lang ang krus." Tugon ko bago ako muling lumapit sa kanya. "Gusto mo bang itanong ko?" nakangiti kong tanong. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at agad na akong pumunta sa kabilang kwarto kung saan tahimik na nakaupo si Hanako habang nasa tabi niya ang paborito niyang libro. Mula pagkabata, mahilig na siya sa pagbabasa. Wala siyang ibang ginawa kundi magbasa. Iyan ang gusto ko sa kanya. Matapang siya ngunit sa mga

Page 102: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

taong pinapahalagahan niya ay nawawalan siya ng lakas ng loob. Lalong lalo na sa taong iyon. Kung pupwede lang na unahin namin siya... yun na ang ginawa ko. Ngunit hindi maari. Siya ang alas. Hindi muna dapat galawin ang alas. "Hanako." Tumingin siya sa akin. Walang ekspresyon sa mukha niya na mas ikinatuwa ko. Wala na ang dating Hanako. Panigurado. "Saan mo ba naitago yung krus?" Wala siyang tugon. "Galit ka pa rin ba sa amin? Hanako... ginagawa namin ito para sayo. Tayo ang tatapos nito." Sinubukan kong hawakan siya sa balikat ngunit iniwas niya ito. Napabuntong-hininga na lang ako. "Naiintindihan ko." Ang huli kong sinabi bago ako naglakad palayo. Nang nasa harap ko na ang pintuan ay muli akong lumingon sa kanya. Hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya. Ilang linggo na ba siyang ganito? Ayaw man niya, sigurado akong kapag nakita niya ang resulta ng mga nanyayari... baka unti-unti rin siyang pumayag at tanggapin ito. Plano naman niya lahat ng ito. Binuksan ko ang pintuan at tahimik ko itong sinarado upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Ayaw ni Hanako ang malakas na pagsara ng pintuan. Kilalang-kilala ko siya. Ilang taon ko na rin siya hindi tinawag sa pangalan na sanay kong gamitin. Hindi ko alam kung bakit pinagbawal niyang tawagin siyang ganun simula nang nagkita kami ulit pero kung ano man iyon, maaring mayroon siyang kinalaman dito. Malaki ang posibilidad na siya ang rason kung bakit ayaw na ni Hanako na tawagin siyang... "Hana." Bulong ko. Matagal ko ng gustong kalimutan ang nanyari sa nakaraan. Sa totoo lang, malapit ko ng malimot. Pero sa tuwing nakikita ko si Hanako... saka ko lang nalalaman na naalala ko pa rin ang lahat at kahit anong gawin ko, patuloy pa rin akong hahabulin nito.

Page 103: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Muling nanariwa sa pag-iisip ko ang una naming pagkikita ni Hanako. Nakaupo akong mag-isa sa damuhan, sa mismong gitna ng playground. Pinapanood ang mga batang naglalaro sa paligid ko. Masaya sila. Naghahabulan at nagtatayaan. Paano sila naging masaya? Bakit sila nagsasaya eh... tinambak lang sila ng mga magulang nila dito sa ampunan? Napayuko ako at napatitig na lang sa malalagong damo sa ilalim ko. Nakakalungkot naman. Kung nandito lang sana si ate at kuya pati rin si lola. Sana...hindi ako malungkot pero naiisip ko rin, hinahanap kaya nila ako? O baka katulad lang sila ni mama at papa na gusto lang akong mawala? Tss.. pare-pareho lang sila. "Hello, anong pangalan mo?" tumingala ako nang may nagsalita sa harapan ko. Isang bata na nakangiti. Puro nakangiti. Akala mo naman may magbabago kapag ngumiti sila nang ganyan. Yan ba ang tinuturo sa kanila? Ang ngumiti para may mag-ampon sa kanila? "Wala kang pake." Tumayo ako sa saka lumipat sa isang swing. Kinagulat ko ang muling paglapit niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Magkakaibigan tayo dito noh. Ikaw yung bago diba? Ako nga pala si Hana." Ngumiti pa siya ng ubod nang tamis. "Hana ang tawag sakin pero Hanako talaga ang totoo kong pangalan. Marunong akong kumanta at sumayaw tapos kaya ko ring kumain ng isang buong pakwan!" Ngiting-ngiti niya ulit na sinabi na may kasama pang sigla. "Nakakairita ka. Wala akong pake sa'yo." Tumayo ulit ako at lumipat sa ibang lugar. Sa pagkakataong ito ay pumasok na ko at umupo sa bungad ng terrace. Ang gusto ko lang ngayon ay katahimikan. Ang gulo-gulo ng mga bata dito. Bakit ba sila nagsasaya? Bakit pa ba sila ngumingiti at tumatawa? Nakakairita. Sigurado naman akong pare-pareho kami ng pinunta rito. Hindi ko lang nakukuha kung bakit sila ganun. Masyadong malungkot para makangiti man lang.

Page 104: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Huwag ka na kasing malungkot. Sabi sa akin ni sister Lolit, umiiyak ka raw kagabi. Handa naman kaming maging kaibigan mo eh." Halos mapalundang ako sa gulat nang bigla siyang lumitaw sa tabi ko habang nakangiti pa rin. Yung ngiting nagpapainis pa lalo sa akin. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko." Ang tangi kong sinabi. Ngunit ang sumunod niyang sinabi ang mas lalong nagpatahimik sa akin. "Alam mo bang, siyam taon na kong nandito? Mula pa noong sanggol ako... dito na ako iniligay. Ewan ko kung bakit. Siguro ganun lang ako kaayaw ng nanay ko." Nawala ang ngiti niya. Tinitigan ko lang siya habang mistulang napipi sa mga sinasabi niya. "Ganun talaga siguro no? Siguro dito na lang din ako mamatay. Tutal, wala namang may gustong umampon sa akin. Palagi naman akong nakangiti. Palagi naman akong masaya. Palagi naman akong mabait sa lahat pero bakit ayaw pa rin ng mga tao sa akin?" sumalampak na siya sa sahig at muling nagsalita. "Inaasahan ko rin na babalikan ako ng tunay kong nanay pero mukhang imposible na. Baka kasi nakahanap na siya ng bagong anak na mas bibo at maganda kaysa sa akin. Nakakainis ang mga magulang natin no? Sana hindi na lang tayo binuhay kung ganito rin naman pala." Napatingin ako sa baba. Siyam na taon na siyang nandito. Habang ako, dalawang araw pa lang siguro. Kung mahirap ang pinagdadaanan ko... mukhang mas mahirap ang kanya. Tumingin muli ako dun sa bata na sinabing 'Hana' ang palayaw niya. Sa pagkakataong ito, akala ko ay iiyak siya. Pero kitang-kita ko na malabong manyari iyon. Lumapit ako sa kinauupuan niya at nagsimulang magsalita. "Ako naman, itinatapon ako ng magulang ko sa kahit sinong kaibigan o kaya kamag-anak namin. Pakiramdam ko nga sa tuwing matatapos ang buwan, iba rin ang magulang ko. Basta basta na lang nila akong iniiwan sa kung sinong gustuhin nila. Hanggang sa hindi na nila ako balikan at nagsawa na rin yung pinag-iwanan nila sa akin. Dito nila ako inilagay tutal wala rin naman daw akong kwentang alagaan." Bumumtong hininga ako at muling nagpatuloy. "Wala raw akong kwenta katulad ng magulang ko." Hindi ko man lang napansin na napakwento na pala ako. Tumayo ako agad. Nakakahiya ang kwento ko. Balak ko na sanang pumasok sa loob. Sa buong dalawang araw na nandito ako, siguro iyon na ang pinakamahaba kong sinabi. Hindi kasi ako sanay sa pakikisalamuha sa mga tao. Palagi akong nasa bahay at minsa'y kinukulong pa dahil sa katigasan ng ulo at paglalayas.

Page 105: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Wala akong magagawa kung ayaw nila sa akin. "Uy, ba't aalis ka? Magkaibigan na tayo diba? Diba?" muli kong narinig yung Hana. Humarap ako sa kanya dahil sa alam kong uulit-ulitin na naman niya yun at baka sundan pa ko sa loob. Tumango lang ako saka umiwas ng tingin. Hindi talaga ako sanay. "Eh, anong pangalan mo? Hindi ko pinasabi kay sister Lolit o kahit sino man kasi gusto ko sayo ko maririnig yun. Kapag magkaibigan na tayo." Pagpapaliwanag pa niya. Hindi ako sumagot agad kaya lumapit pa siya sa akin. "Dali, anong pangalan mo?" Nanumbalik ang isip ko sa realidad. Umiling-iling ako. Hindi ko dapat maalala lahat ng nanyari sa ampunan. Ganito rin naman siguro ang gusto ni Hanako. Tama. Pero paano? Tulad niya, ito rin ang pinakamalungkot ngunit masasabi ko ring pinakamasaya kong alaala sa lahat dahil dito ko lang naramdaman ang pagtrato na gusto kong maranasan. Ngunit sa pag-alis niya, nagbago ang lahat. Lumapit ako sa kanya na nakaupo pa rin sa kinauupuan niya kanina. Tumingin lang siya sa akin at ngumisi. "Oh anong sabi ni Hanako?" bakas sa tono niya ang pang-aasar. "Parang papansinin ka naman nun diba?" mahina pa siyang tumawa. "Kung gusto mong mabuhay pa, tumahimik ka na." Sabi ko. "Alalahanin mo, nasa teritoryo kita." Uupo na sana ako sa nag-iisang upuan sa gilid nang napansin kong tinititigan niya ang picture frame na nakapatong sa lamesa na kaharap lamang niya at nasa gitna ng kinalalagyan namin. Agad ko naman itong kinuha. "Masyadong mahalaga ang litratong ito para titigan lang ng isang tulad mo, mangmang." Inilagay ko ito sa gilid ng telebisyon at itinaob upang walang makakita.

Page 106: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi ko alam na nagpapahalaga ka pa pala ng pagkakaibigan." Napalingon ako agad nang nagsimula ulit siyang magsalita. "Sa pagkakaalam ko kasi, pati si Hanako, trinaydor mo eh." Ngumisi ako sa kanya. "Hindi ko siya trinaydor. Kasama natin siya. Walang trayduran na naganap." Nag-kibit balikat siya saka muling sinalpak sa dalawa niyang tainga ang hawak niyang earphones. Magsasalita pa sana ako nang nakarinig ako ng malakas na kalabog sa kwartong pinaglalagyan ni Hanako. Agad kaming napatayong dalawa at napatakbo sa kwartong iyon. Hindi ko lubos maisip kung paano nanyari. Tila ba'y natuliro ako sa kinatatayuan ko. "Nasaan si Hanako?" --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - ANG MEANING NG NOSTALGIA. (noun) A sentimental longing for the past, typically for a period or place with happy personal associations. SALAMAT PO SA MGA BUMOTO / BOBOTO SA C3-CHAS 2 SA WATTY AWARDS 2013. Maraming salamat :* Dito ko na lang sasabihin ito. Thankful na ko sa pagkakasama nito sa mga nominees. Malaking bagay na yun sa akin. Muli, maraming salamat sa mga nagnominate at bumoto. *Hugs* Salamat sa pagbabasa :* Voice out yeeer opinion. :)) "You cannot take a person's humanity and then retain your own" -Amy Lane, Truth in the dark. --------------------------------------------x LUNA'S POV Umuulan.

Page 107: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kung ako siguro ang dating Luna, paniguradong hanggang tainga ang ngiti ko. Ulan. Isa sa mga bagay na labis kong ikinatutuwa. Sa bawat patak, lubos akong nagpapasalamat. Hindi ko rin alam kung bakit labis akong natutuwa sa tuwing umuulan. Maaring dahil ito sa nanyari noong gabing iyon. Ulan ang tanging saksi at sa pagtigil nito, ginhawa ang naramdaman ko. Ulan ang saksi sa pinakamadilim kong sikreto. Napapikit ako bago humakbang palabas ng classroom. Pinauna ko muna ang mga nagmamadaling mga kaklase ko. Ayaw ko lang makigulo sa paglabas, nakakairita. Pagkababa ko ng high school building ay agad kong inilabas ang payong sa loob ng bag ko. Bubuksan ko na sana ito at magsisimulang maglakad palayo nang biglaang may kumalabit sa akin. Lumingon ako sa ngiting aso na si Spade. "Oh?" iritang tanong ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay yung ginugulat ako. Nakakainis na nga ang mukha niya pati ang ugali niya, lagi pa niyang ginagawa lahat ng kinaiinisan ko. Walang magawang matino sa buhay niya. Tsss. "Pasukob naman sa payong mo. Wala akong dala eh. Malapit lang naman yung tinitirahan kong apartment. Diyan lang sa kanto." Tuloy-tuloy niyang sinabi. "Ayoko. Sumugod ka sa ulan kung gusto mo, sa tingin mo may pakialam ako?" aalis na sana ako nang bigla niyang kinuha ang payong na hawak ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sukob tayo ha? Ayaw mo nun baka mahawa ka sa kaastigan ko?" nakangiti pa niyang sinabi na mas nagpainis sa akin. Sinubukan kong hablutin ang payong ngunit mas mataas si Spade sa akin. Ilang beses kong sinubukan muling kuhanin ang payong ngunit hindi ko talaga makuha. Bwisit. Nakakabwisit talaga. Wala na kong nagawa kundi pumayag. Tahimik kaming naglalakad. Wag siyang magtangkang magsalita, makakatikim siya sa akin. Ayaw ko man, dapat magkadikit kami ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko. Bwisit talaga tong lalaking to. Pagkalabas namin ng main gate, bahagyang humina ang ulan. Lumayo ako ng kaunti kay Spade kasi naiirita

Page 108: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

na talaga ako. Nagpipigil lang ako ng inis dahil sa umuulan ngayon. Dapat kalmado ako kung tignan. Muli akong nagulat nang ipinalibot niya ang kamay niya sa balikat ko at muling hinatak papalapit sa kanya. Agad ko naman itong inalis at tsaka tumingin nang masama sa kanya. "Wag na wag mo akong hahawakan. Tanga ka." Ang tangi kong sinabi. "Tss. Mas tanga ka, mababasa ka pag lumayo ka sa akin. Di bale, diyan lang naman ako sa kanto." Sa pagkakaalala ko, sinabi niya na nakatira siya sa isang apartment kanina. Kasama ba niya dun ang pamilya niya? Pero ano nga ba ang paki ko? Kinuha niya ang payong ko, ang gusto ko lang ay mabalik ito. Tahimik ulit kaming naglakad. Habang tumatawid, muli kong naalala ang mga nakita namin sa lumang library. Yung libro, yung year book pati na rin ang teacher Yuko na sinasabi ni Sandria. Masyadong magulo ang eskwelahan na ito. Kung ano man ang nasa librong iyon, sigurado talaga ako... siguradong sigurado na makakatulong sa akin ang lahat. Kaunting tiis lang Luna, makakalabas ka nang buhay. "Si Luna the killer yun diba?" "Shocks. Oo nga, yung killer." "Nasa Laketon Academy na pala siya, kahiya-hiya naman sa school na yan for having her. Yuck." Napatingin kaming dalawa ni Spade sa isang grupo ng mga babae. Mga estudyante ng Marylaine Academy, ang dati kong eskwelahan. Nakatingin sila sa akin na para bang dismayadong dismayado at para bang nandidiri. Mga lecheng taga-Marylaine Academy. Umalis rin sila sa pinagsisilungan nila nang dumating ang isang itim na kotse. Kilalang-kilala ko kung sino ang tatlong babaeng iyon. Ang mga

Page 109: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nagpahirap sa akin, mga umalipusta na akala mo naman ay alam ang buong storya. Lahat ng ito ay kasalanan ni Denise.Dapat lang sa kanya ang mamatay. Napatingin ako kay Spade na para bang may malalim na iniisip. Siguro nga, narinig niya nang malinaw ang mga pinagsasabi ng mga babaeng iyon. Hindi na ko magtataka kung may iisipin siyang masama patungkol sa akin. Hindi na ko magugulat kung pagbibintangan man niya ako, ayos lang. Simula noon, marunong na akong ipagsawalang-bahala ang mga pinagsasabi ng ilan. "Alam mo, hindi naman ako maniniwala sa kanila. Kahit na ganyan ka, hindi ka naman siguro yung klaseng tao na sinasabi nila." Sabi niya habang deretsong nakatingin sa daan. "May dahilan ka naman siguro kung bakit ka nagkaganyan. Naiintindihan kita." "Hindi tayo pareho para maintindihan mo ako." Tugon ko naman. "Siguro nga. Mas malala ata ako." Natawa pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon saka muling nangibabaw sa amin ang katahimikan. Lumiko kami saka ako nakapag-isip sa mga sinabi niya. Hindi naman siguro... kung iyon nga... maaring tama ang desisyon kong sumali sa kanila. Tama ako. Kahina-hinala talaga tong lalaking ito. "Dito na lang ako." Tumigil kami sa paglalakad. Napatingin ako sa tapat namin. Isang maliit na apartment. Dalawa ang palapag nito kahit na may pagkamaliit. "Teka lang, pwede bang makiinom sa loob?" tanong ko. Mas may malalaman siguro ako patungkol sa lalaking ito kapag nakapasok ako sa loob ng tinitirihan niya. Ngunit sa pagkasabi ko nun ay agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa nakangiti ay para bang nagulat siya. Isang ekspresyon na hindi dapat taglayin ng isang taong magpapapasok lang naman sa tinitirahan niya. "Ah.. Eh.. Luna kasi... hindi pupwede. Salamat ha? Ingat ka sa pag-uwi." Inabot niya sa akin ang payong saka tumakbo papasok sa apartment niya. Habang ako naman ay naiwan sa labas na nagtataka. Ano ba talagang mayroon sa lalaking ito?

Page 110: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin muli ako sa tinitirahan niyang apartment. Saka ako nakakita ng isang anino na gumalaw sa isang bintana sa pangalawang palapag. Impossible na makarating agad si Spade sa pangalawang palapag dahil sa kakasara lang ng pintuan. Maaring nanay o tatay niya? Ngayon lang ako naging ganito kainteresado sa isang tao. Kung sino man si Spade... mukhang kailangan ko na talagang mag-ingat mula ngayon. Napatingin ako sa langit nang naramdaman ko ang tuluyang pagtila ng ulan. Natapos ang ulan nang hindi ko man lang namamalayan. Isinara ko ang hawak kong payong saka naglakad palayo. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang katauhan ni Spade. Dapat kong alamin ang lahat. SAPPHIRE'S POV "Maam Sapphire, may ipag-uutos pa po ba kayo?" narinig kong sabi ng isang katulong sa labas ng pintuan ko kasabay ng isang katok. Napasimangot ako. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa mga hampaslupa na to na ayaw kong magpaistorbo? Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at inilapag ang hawak kong cellphone bago tuluyang pumunta sa harap ng pinto at buksan ito. Bumungad sa akin ang mukha ng katulong namin na gulat na gulat. Pinandilatan ko siya at nung tumakbo siya palayo ay umirap na lang ako. Nakakainis talaga dito sa bahay. Habang nakatayo ay napatingin ako sa katapat na kwarto. Ang pribadong opisina ng magaling kong ama. Napansin ko na bahagyang bukas ang pintuan kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob. Wala naman akong rason para pumunta rito pero may kung ano sa loob ko na sobrang interesado sa mga pinaggagagawa ng magaling kong ama.

Page 111: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Minsan lang kaming magkita sa bahay. Siguro sa isang buwan, tatlong beses lang. Kapareho rin sa mommy ko na minsan lang ding umuwi dahil palagi silang nag-aaway ng magaling kong ama. Ewan ko ba, mukhang mas mahal pa niya ang pagiging Senador niya ng bansa kaysa sa pamilya niya. Pero ayos lang, hangga't nabibili ko ang lahat ng gusto ko, bahala na sila sa buhay nila. That's my life. Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Tumingin muna ako sa gilid ng mga dingding at nagbababakasali na may CCTV sa loob nito pero kinagulat ko na wala naman kahit isa. Sabi niya, sobrang importante ng kwarto na ito pero bakit di niya pinakabitan ng CCTV? Nakakatawa talaga yung lalaking yon. Mukhang mas importante pa ata ang kusina dito eh, dun may CCTV. Tsss. Tinignan ko ulit ang buong kwarto. Puro papeles ang malaking lamesa sa gitna habang pinapaligiran naman ng bookshelves ang gilid nito. May dalawang vault din na nakapatong sa isang mahabang lamesa sa gilid. Wala naman akong pakialam dun kaya lumapit ako sa gitnang lamesa at umupo sa napakalambot na upuan niya. Inikot-ikot ko ito hanggang sa magsawa ako. "Ang boring naman dito." Bulong ko. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang folder sa gilid ng mesa. Alam ko na ang laman nito. Adoption papers. Alam na alam ko naman. Hindi na nila kailangan pang itago. Mula nung umpisa, alam ko na. Bakit pa nagsisinungaling sila? Hindi ako tanga. Ayaw kong magpakatanga sa magaling ko ama. Ngunit bukod sa folder na ito ay isang libro din ang nakuha ang atensyon ko. Ito ang unang beses na nakita ko ito. Hindi ko sana papakialaman ngunit alam na alam ko ang tatak na iyon na nasa gilid ng libro. Ang logo ng Laketon Academy. Kinuha ko ang librong iyon. Pula ang cover nito hanggang sa likod. May gintong border ang bawat gilid at mas lalo akong nagtaka sa malaking title na nasa gitna. A-Ano to? Muli kong binasa ang title ng librong hawak ko. "Eliminating section C."

Page 112: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bubuksan ko na sana ang libro nang nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa baba. Nakarating na si papa. Baka mahuli niya ko rito. Agad akong tumayo at inayos ang mesa niya katulad ng dati. Muli kong tinignan ang librong iyon. Delikado man, kinuha ko ito kasabay ng pagtakbo ko sa labas. Iniwan ko rin ang pinto sa dati nitong ayos. Tumingin ako sa kaliwa't kanan bago pumasok sa kwarto ko. Medyo may kalakihan ang hallway kaya kahit papano ay humihingal ako. Isa na rin sigurong dahilan ang kaba. Hawak hawak ko ngayon ang librong nakuha ko mula sa opisina niya. Ilang beses kong sinubukang buksan ito ngunit sa sobrang kaba ay biglang nanginginig ang mga kamay ko. Ano kayang laman ng librong ito? Sobra akong interesado ngunit natatakot ako... dapat ko na ba itong buksan ngayon? Idinikit ko muli ang kamay ko sa gilid ng libro upang buksan nang biglang nagring ang phone ko. Halos tumalon ang puso ko sa gulat. Itinabi ko ang libro sa gilid ko at kinuha ang phone ko sa mesa at agad kong sinagot ang tawag ni Austin. Bago pa ko makapagsalita ay narinig ko ang malakas na boses ni Clyde sa phone. "Kanina pa kami tumatawag sayo ah! Nasan ka?" sa pananalita niya ay nakaramdam ako ng kaba. Saka ko lang nakita sa phone ko na mayron na pala itong 23 missed calls. "Nasa bahay... bakit?" ang tangi kong tugon. "Ano.. Si ano kasi.." Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. Ngayon ko lang ata narinig si Clyde na parang kinakabahan rin. "Ano? Anong nanyari?" tanong ko. "Eh kasi-"

Page 113: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Tangina, ako na nga!" narinig kong sigaw ni Austin. Nakarinig ako ng tunog na para bang may kumuha ng phone saka ko muling narinig ang boses ni Austin. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang sinabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi... sana mali ang nasa isip ko. "Sinugod sa ospital si Aislinn! Itetext ko sayo kung saang ospital, hintayin ka namin sa labas!" Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakagalaw sa kinauupuan ko at tumakbo palabas. Wala akong pake kung nakasuot ako ng pambahay. Basta ang importante... nasa tabi ako ng kaibigan ko. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - YUNG SA TATAY NI SAPPHIRE. Hindi po siya si Mr. Laketon. Tulad dun sa chapter na pumunta si Ms. Maeganne sa bahay nila Sapphire, Luke po ang name ng tatay niya. Tulad din ng sinabi diyan dati, isa sa mga taga-3C ang anak ng top contributor sa Academy, which is yung tatay ni Sapphire. At tsaka kaya mayroong librong ganun yung tatay ni Sapphire kasi nga isa siya sa mga parang nagmamay-ari na sa Academy. Para rin lang siyang nag-invest ng pera kasi nga yung academy talaga ay binuo ng mga mamayaman na businessman. Salamat sa pagbabasa :* "Aislinn, the hostile daughter." --------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV PATAKBO akong lumapit kay Austin at Clyde na nasa bungad ng hospital. Walang anu-ano ay hinatak agad nila ako papasok na para bang may humahabol sa aming mga multo. Hindi na lang ako nagsalita o nagreklamo

Page 114: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

man lang at sumunod na lang sa kanila. Kung ano man ang nanyari kay Aislinn... paniguradong hindi maganda ito. At huwag naman sanang iyon ang dahilan. Kung hindi, baka kung ano ang masabi kong masama kay Aislinn pati na rin kay Austin. Hindi naman sa kasalanan rin ito ni Austin pero dapat may ginawa siya. Dapat dati pa siyang kumilos laban dito pero nagpakatanga lang siya. Para saan? Para sa wala. Hingal na hingal kaming tumigil sa isang kwarto. Room 101. Sumilip ako sa pintuan saka ko nakita si Tita Jane, ang nanay ni Aislinn na nakaupo sa gilid ng kama. Sa lahat ng ginawa ni Aislinn hindi ko lubos maisip na kaya pa siyang hawakan sa kamay ng kanyang ina at iyakan habang nahihimbing siya dahil kung ako si Tita Jane, itinakwil ko na siya. Masama man pero totoo. "Anong nanyari?" matigas na pagkakasabi sa kanilang dalawa. "Ano na naman bang ginawa ni Aislinn?" saka ko lang napansin na nandirito rin pala ang iba. Si Katherine at si Abigail. Nasan si Cyrus? Tinignan lang nila ako. Halatang kinakabahan sila. Tinignan ko sila isa-isa. Pumameywang ako saka muling nagsalita. "So, ano to? Tangahan lang? Na-ospital ang kaibigan ko tapos walang magsasabi sa akin kung bakit? Huwag nyo nga kong gawing tanga." Huminga ako upang kumalma at muling nagtanong. "Anong nanyari kay Aislinn?" "Kasi Sapphire... medyo ano..." kinakabahang sabi ni Katherine. "Medyo nakakailang sabihin eh. Masyadong private." Napakunot ako ng noo sa narinig ko sa kanya. Kahit kailangan talaga, nakakainis tong babaeng ito. Humarap ako kay Clyde. Medyo katulad na siya ng dati ngayon, kalmado na siya at nakatingin lang sa akin bago nagsalita. "Naglaslas si Aislinn. Mabuti at naagapan pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Medyo marami na rin kasi ang nawala sa kanyang dugo, kaya kailangan din niya ng blood donor as soon as possible." Tumango-tango ako. Mukhang alam ko na ang dahilan.

Page 115: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Opinyon ko lang ha Sapphire, wag kang masyadong O.A. Ayos na yang kaibigan mo. Nagfi-feeling sleeping beauty lang siya." Umirap siya bago umiwas ng tingin. "Bakit pa ba kasi ako napasama dito? Tss." Narinig kong bulong ni Abi habang nakapameywang at nakatingin sa pader. Hindi ko pa rin nalilimutan lahat ng sinabi niya sa akin. Ah tama... hindi pa ko nakakaganti. "I don't remember asking for your opinion, Abi. And by the way, madami pang libreng rooms diyan. Baka gusto mong ma-confine ka nang wala sa oras?" tuloy-tuloy kong sinabi sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumisi. "Bakit... papatayin mo rin ba ako?" "Tanga ka talaga eh no? Kung papatayin kita, hindi ka na iko-confine. Ide-deretso na kita sa hukay. Hindi ka naman kailangan dito. Feel free to leave. " Pagkatapos kong magsalita ay hinatak ko agad si Austin palayo. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong malaman ang dahilan... at kung tama ba ang hinala ko. Nang nakalayo na kami sa kanila ay agad akong nagtanong kay Austin na kanina pang tahimik. "Alam mo diba? Alam na alam mo na ang manyayari. Austin... bakit hinayaan mo lang? Kung tama man ang nasa isip ko, sigurado akong iyon nga." Tumingin ako muli sa kanya. Nangingilid na ang mga luha sa magkabilang niyang mata pero pilit niya itong pinipigil sa pagtulo. "Kung pinigilan mo na siya sa simula pa lang, hindi na sana manyayari ito. Tanggap ko naman na kahit araw-araw ko siyang sabihan na itigil na... hindi pa rin niya gagawin pero ikaw Austin, kayang-kaya mo. Bakit mo hinayaan na magkaganito si Aislinn?" wala mang tumutulong mga luha sa mga mata ko, ramdam ko ang labis na emosyong nararamdaman ko. Ayaw ko man sisihin si Aislinn pero kasalanan naman niya lahat ng ito. Ginusto niya ito at lahat ng kinahinatnan ay dapat lang niyang maranasan. Pero ang magpakamatay? Hindi ko akalain na ganito siya kahina. "Sinubukan ko Sapphire. Hindi mo lang alam kung ilang beses kong sinubukan pero napapagod din ako." Tumingin siya muli sa akin. "P-Pagod na pagod na ako." Ngayon ko lang nakita si Austin na nagkakaganito. Napaupo siya sa upuan sa gilid at yumuko upang umiyak nang umiyak. Parati ko siyang nakikitang nakatawa. Palaging nakadikit kay Aislinn habang matamis ang ngiti. Mahal na mahal niya si Aislinn hanggang sa punto na ang pagmamahal na iyon ang nakakasira sa kanilang dalawa.

Page 116: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Lecheng pagmamahal na yan. Sino bang matinong tao ang gagawin ang lahat ng ito para sa bwisit na pagmamahal na yan? Hindi ko sila maintindihang dalawa. Isang tanga at isang abusado. Hindi ako nagkulang bilang isang kaibigan. Palagi ko silang pinapaalalahanan, lalong-lalo na si Aislinn. Halos isampal ko na nga sa kanya ang katotohanan na wala siyang mapapala sa mga pinaggagagawa niya. Pero anong nanyari ngayon? Mas lalong naging magulo. At ang lahat ng iyang ay dahil sa... ..lecheng pagmamahal na yan. "T-Tama ka Sapphire, dapat alam ko na ang susunod niyang gagawin. Ngayon lang s-siya naglihim sa akin... ngayon ko lang n-napagtanto. Yung a-araw na yon. Yung araw na sinundo siya ng d-daddy niya sa clinic. Kung alam ko lang kung san sila pupunta. Kung alam ko lang na gagawin na pala niya y-yon. Kung alam ko lang ang totoo niyang kalagayan. K-Kung alam ko lang Sapphire... tumakbo na ko palabas ng campus upang pigilan sila." Itinaas niya ang ulo niya sapat para makita ko ang mukha niya na para bang binagsakan ng langit at lupa. Namumula-mula ang mukha niya dahil sa pagka-tisoy niya at halos basa na ang buong magkabila niyang pisngi dahil sa labis na pag-iyak. "A-Ang tanga tanga ko. Ang tanga t-tanga ko." Paulit-ulit niyang sinasabi habang sinusuntok ang sariling mukha. Lumapit naman ako sa kinauupuan niya upang pigilan siya sa pananakit sa sarili niya. Hindi ko kayang makitang ganito si Austin. Hindi ko kayang makita magkaganito ang isa sa mga kaibigan ko. Hinarap niya muli sa akin ang kanyang mukha na mas lalong naging malala dulot siguro ng sama-samang emosyon. Naiintindihan ko na siya. Dahan-dahan kong niyakap si Austin habang tinatapik-tapik ang likuran niya. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak nang ganito. Sa bagay, ano ba ang mararamdaman mo kung harapan ka nang ginago ng minamahal mo? Anong gagawin mo kapag nabalitaan mong nagpakamatay ang minamahal mo dahil lang sa isang desisyon na walang ibang ginawa kundi manira lang? At anong gagawin mo kung makukulong ka sa katotonahan na hindi ka naman kayang mahalin ng minamahal mo? Isang buhay ang nawala at ayaw kong maging pangalawa ang buhay ni Aislinn. Humagulgol muli si Austin habang mahigpit ang yakap sa akin. Pumikit ako habang pilit na pinipigilan ang emosyon ko. Ayokong ipakita kay Austin na

Page 117: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

may mas mahina pa sa kanya. Sa sitwasyon niyang ito, hindi na niya kailangan pa ng isang kasamang umiiyak. Kahit kailan, pinakita ko sa kanila ang Sapphire na matatag, hindi nila ako dapat makitang mahina at alam kong kayang lagpasan ito ni Aislinn basta't nasa tabi niya lang kami. "T-Tanggap ko siya Sapphire. Tanggap na tanggap ko lahat ng g-ginagawa niya mula pa dati." Bulong ni Austin sa pagitan ng pag-iyak niya. "M-Mahal na mahal ko yang kaibigan mo. Mahal na mahal ko s-siya..." AISLINN'S POV Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Sandali akong napapikit nang nasilaw ako sa liwanag. Saka ko narinig ang isang pamilyar na boses. Si mommy. Nasan ako? Anong ginagawa ko rito? Panaginip lang ito diba? Diba... patay na ako? "Anak." Ang pag-ulit niya sa sinabi niya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid saka ko lang nalaman na hindi pala panaginip ang lahat... buhay pa ako. Tinignan ko ang mga nakakabit sa katawan ko. Tama. Naalala ko na ang nanyari. Itinaas ko ang dalawa kong kamay upang makita ang mga sugat sa mismong pulso ko. Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Sa tingin ko, mahigpit pa sa sampu. Tumingin ako kay mama na namamaga pa rin ang mga mata. Napapikit muli ako. Hindi dahil sa liwanag kung hindi dahil sa lungkot. Hiyang-hiya ako kay mommy pagkatapos ng lahat. Alam na niya. Natuklasan na niya. Dapat ilang sampal ang sinalubong niya sa akin pero bakit tinatawag pa rin niya akong anak? "Mom, I-I'm really sorry." Bahagya akong umupo sa paglapit niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang palad na hinawakan ang kaliwa kong kamay. "S-Sana mapatawad nyo ko. S-Sana tanggapin nyo pa rin ako." Tuloy-tuloy kong

Page 118: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sinabi. "Sinadya ko ang lahat. G-Ginusto ko ang lahat. Mommy, pasensiya nat." Nakita kong yumuko si mama at nagsimulang humagulgol. "Matagal na namin kayong niloloko. N-Napakasama kong anak. Napakasama kong ina." Hinawakan ko ang tiyan ko at muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Tama... pumatay ako ng isang inosenteng nilalang. Pinatay ko ang sarili kong anak nang wala man lang siyang kalaban-laban. Napakasama ko... napakasama ko. "A-Aislinn... anak... bakit mo nagawa sa mommy mo ito?" tumingin muli sa akin sa mommy. Ramdam ko ang matinding lungkot sa mukha niya. "Bakit sarili ko pang anak ang gumawa sa akin ng kawalangyaan na ito? Ganyan ba kita pinalaki? Anak... ano bang pagkukulang ko bilang ina? At bilang... asawa?" Hindi ako nakasagot dahil wala naman siyang pagkukulang. Sadyang... iyon lang talaga ang nararamdaman ko. Iyon lang ang gusto kong gawin... ang tibok ng puso ko. "Bakit sarili ko pang anak ang kahati ko sa asawa ko?" Sa pagpikit ko, namumuong luha muli ang tumulo mula sa mga mata ko. Ilang minutong katahimikan ang lumipas. Kahit isa sa amin ni mommy ay walang nagsalita. Siguro nagsawa na siya sa katahimikan na binibigay ko kaya tumayo si mommy at lumabas ng kwarto. Saka ko tinakpan ang buong mukha ko at muling umiyak nang umiyak. Kasalanan ko ang lahat. S-Sinaktan ko ang bawat taong nagmamahal sa akin. Sigurado akong galit sila. Lalong lalo na si Austin at si Sapphire. Anong sasabihin ko kapag nakita ko sila? Anong... mukha ang ihaharap ko sa kanila? Isa lang naman akong makasalanan na babaeng pumatol sa sarili niyang ama. Isang makasalanang babae na pinatay ang buhay na nasa loob niya. Isang babae na tinaboy ang lahat para lang magawa ang kasalanan na hinahanap-hanap niya.

Page 119: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sino pa bang mas sasama sa akin? Pakiramdam ko'y hihikain ang sa kakaiyak ngunit hindi ko mapigilan. Dapat hindi ako nailigtas. Dapat namatay na lang ako sa kwarto ko. Dapat namatay na lang ako. Dapat namatay na lang ako. Dapat namatay na lang ako. Hindi ko alam kung saan nagsimula. Mula pa pagkabata, ganito na ang nararamdaman ko. Mula noong tumuntong ako sa elementarya, nag-iba na ang tingin ko sa daddy ko. Nakita ko siya bilang isang matatag na lalaking palaging nagpo-protekta sa amin. Isang kahanga-hangang lalaki na dapat kong tingalain. Sa una'y paghanga... paghanga na biglang lumala. Hanggang sa hindi ko na napigilan. Sa isip ko, nakikipagkumpintensya ako sa sarili kong ina. Masaya ako pag wala siya. Solo ko kasi si daddy. Natutuwa ako sa tuwing nag-aaway sila. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun, ako ang magpapasaya sa daddy ko. Mahal ko ang daddy ko... sa mas malalim na paraan. Nagulat na lang kami nang nagbuntis ako. Hindi ko masabi kahit kanino ngunit alam kong alam na ni Sapphire ang pinagdaraanan ko. Kilalang-kilala niya ako para hindi niya ako mahalata. Nung araw na iyon. Yung maulan na hapon na iyon. Noong nahimatay ako... biglang nabuo na ang desisyon na matagal nang bumabagabag sa akin. Abortion. Tama... isang napakalaking kasalanan. Nagpa-abort ako kasama ng daddy ko. Hindi namin kaya. Ayaw ko man, iyon ang gusto ni daddy. Ang sabi niya'y, mas makakasira lang kung ipagpapatuloy kong ipagbuntis ang batang iyon. Masisira ang imahe niya, ako, kami pati na rin ang pamilya namin.

Page 120: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko nagawa. Muli akong napaupo at awktomatiko na namang tumulo ang mga luha ko. Dapat talaga'y hinayaan na lang akong mamatay ni mommy. Nalaman na niya ang katotohanan... bakit pa niya hahayaang mabuhay ang taong patuloy lang na sinisira ang pamilya niya? Wala akong nakikitang rason para mabuhay pa. "Aislinn." Napatingin ako sa may pintuan nang narinig ko ang boses niya. "Daddy?" --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - MAY ELECTRA COMPLEX SI AISLINN. Kung ano man ang meaning nun, paki-search na lang po sa google. Medyo may pagka-sensitive at medyo private yung topic. Luh. Di naman masyado pero magegets nyo naman kung ano yon ditey. :) SI AISLINN PO ANG NASA GIF SA GILID. Galing yan sa movie na 'Sunny'. Panourin nyo, maganda. Tungkol sa friendship, love at kung ano ano. :) MEANING NG HOSTILE. (adj.) Unfriendly; antagonistic. Maraming salamat sa pagbabasa! Comment your opinions. ^_^ "Everything... affects everything." -Jay Asher, Thirteen Reasons Why. --------------------------------------------x AISLINN'S POV SINARADO ni daddy ang pintuan ng kwarto ngunit hindi niya ito ini-lock. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papasok sa kwarto. Hindi ko

Page 121: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

maipaliwanag ang nakikita ko sa mukha niya. Parang... galit siya. Huwag naman sana. Hindi ko kaya na pati si daddy ay magalit sa akin. "Daddy..." pag-ulit ko ngunit umupo lang siya sa mahabang upuan sa gilid kung nasaan ang unan na siguro'y ginamit ni mommy. Ginulo-gulo niya ang buhok niya na para bang inis na inis. Iniyuko niya ang ulo niya habang nakahawak sa taas nito. "Daddy... galit ka rin ba sa akin?" mahina kong sinabi sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Kinuha niya ang unan at mabilis na pumunta sa harapan ko upang itulak ako pahiga. Pilit akong nagpumiglas nang pinantakip niya sa mukha ko ang malaking unan na iyon. Pakiramdam ko'y nawawalan na ko ng hininga hanggang sa mas diniinan pa niya ang pagtakip sa mukha ko. Pilit kong itinataas ang dalawa kong kamay at halos kalmutin ko na ang braso niya ngunit habang tumatagal, mas lalong nawawalan ng enerhiya ang katawan ko upang lumaban man lang. Pina-pinapatay ako ni daddy... "Mamatay ka na! Mamatay ka na! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Walangya kang bata ka! Sabi ko sayo na hindi ko kayang mawala si Jane sa akin! Dahil sayo... dahil sayo... hihiwalayan ako ng asawa ko!" paulit-ulit niyang pagsigaw habang nagpupumilit pa rin akong makawala ngunit sadyang malakas si daddy. "Mamatay ka na! Dapat lang sayo ang mamatay!" sigaw niya muli. Tama siya. Dapat lang. Wala nang mas sasama pa sa akin. Ngunit hindi ko rin naman ginusto na malaman ni mama. Siguro'y talagang tadhana na ang nagtakda. Kung mamatay man ako ngayon, gusto ko'y maging mabuti ito para sa lahat. Sa mga kaibigan ko na palaging nag-aalala sa akin. Sa anak na pinatay ko. Sa nanay ko na nasaktan ko. Kung sakali man. Kung ngayon man ako mamatay. "Gago kang matanda ka ah!"

Page 122: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Boses ni... Austin. Naramdaman ko na lamang ang pagkaalis ng unan sa mukha ko. Awtomatiko akong napaupo at hinabol ang hininga ko. Hawak hawak ko ang leeg ko dahil sa labis na paghinga. Parang napakabilis ng nanyari. Akala ko talaga... mamatay na ako. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Austin na sinusuntok si daddy. Hindi ako makapagsalita kahit na anong gawin ko. Natulala ako at tila ba'y hindi rin makagalaw.Saka ko nakita si Sapphire na patakbong pumupunta sa akin habang may hawak na baso ng tubig. Agad ko naman itong kinuha at ininom. Lumipas ang ilang minuto at patuloy pa rin ang pagsuntok ni Austin kay daddy. Ilang beses siyang pinigilan ni Sapphire ngunit hindi siya natitigil... parang wala siyang naririnig. Dahan-dahan kong binuka ang bibig ko at pilit na binuo ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. "A-Austin... tama n-na." Sa pagkakasabi ko nun ay tumigil sa ere ang kamao na sana'y dadapo sa mukha ng daddy ko. Tumingin sa akin nang masama si Austin at muling binaling ang atensyon kay daddy. Hinawakan niya ito sa kuwelyo at dinuraan sa mukha. "Tangina mo, wala kang kwentang ama. Sarili mong laman... pinatos mo." Ang sabi niya sa mukha ni daddy bago niya itong marahas na itulak palayo at bumagsak si daddy sa mahabang upuan. "Oh hindi ka pa ba aalis? O gusto mong tumawag na ko ng mga pulis?" narinig kong sabi ni Sapphire saka ko tinignan muli si daddy habang nagmamadali siyang umalis. Gusto ko man siya pigilan pero sa tingin ko hindi ito ang tamang oras para kausapin ko si daddy. Pinagtangkaan niya akong patayin kanina... hindi ko akalain na magagawa niya sa akin iyon. Pero kahit papano naiintindigan ko siya... pilit ko pa rin siyang iintindihin. Naiwan kaming tatlo sa loob ng kwarto pagkatapos na padamog na isinarado ni daddy ang pintuan. Ilang minutong katahimikan ang naghari. Nakatayo sa harapan ng kama ko ngunit may kalayuan si Sapphire habang si Austin naman ay nakaupo habang hawak-hawak ang ulo niya. Ngayon ko lang din napansin

Page 123: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ang namamaga niyang mga mata. Hindi na dapat siya nagsayang ng luha sa akin. Sana lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang hiya at kaba na nadarama ko. Ngayong kaming tatlo na lang... muli kong naisip ang mga kasalanan ko sa kanila. Nakakahiya, sobra. Ni hindi ko akalain na bibisitahin o gugustuhin man lang nila ako makita ngayon. Dahil maiintindihan ko naman kung lalayuan at ikakahiya nila ako. "Alam mo Aislinn, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa'yo. Masyadong malaki ang mundo para ituon mo lang sa kasiyahan mo. Anong nanyari? Hindi ba tama ako? Sa dulo, wala ka rin naman mapapala." Lumapit pa si Sapphire at idinagaan ang dalawa niyang kamay sa dulo ng kama. "Sinira mo ang pamilya mo pati na rin yang nasa loob mo. Itinapon mo lang ang lahat na para bang balat lang ng candy. Sumaya ka ba? Hindi diba? Nadatnan ka nga naming pinapatay ng sarili mong ama na unfortunately ay lover mo din! Bullshit!" napasigaw si Sapphire sa galit. Hindi ko siya masisisi... hindi ko sila masisisi. Kung nagsasawa na sila... pwede na nila akong bitawan. Mahirap man pero kasalanan ko lahat ng ito. "Paano kung hindi kami dumating ha? Edi patay ka na diyan?! Aislinn naman, isip isip din ha? Wag mo laging pinapairal yang katangahan mo. Parang awa mo na, ngayong sira na ang lahat... tama na okay? Tama na diba? Sawa ka na rin diba?" nag-iba ang tono ni Sapphire sa mga huli niyang sinabi. Napayuko ako at pumikit na lang sa lungkot. Tama siya. Tama sila. "At for Pete's sake! Hindi solusyon ang pagpapakamatay. Ano ka? Feeling Hanako?" Tumigil ng sandali si Sapphire at huminga muna. Siguro pinapakalma lamang niya ang sarili niya dahil napakatigas ng kukote ng kaibigan niya. "Sige, dapat kayo ni Austin ang magkausap ngayon. I'm warning you Aislinn, for the nth time, ayusin mo ang buhay mo." Lumabas si Sapphire na naiinis pa rin. Napatingin ako kay Austin na nakaupo pa rin sa mahabang upuan. Gusto kong magsalita pero anong sasabihin ko? Magpapaliwanag ba ako? Hihingi ng tawad? O manlilimos ng simpatya? Napayuko na lang ulit ako. Mukhang wala nga ata akong masasabi sa kanyang matino ngayon lalo na't pakiramdam ko ay galit rin siya. "Aislinn." Pagtawag ni Austin sa pangalan ko. "Naalala ko pa nung sinabi mo ang tungkol dito." Nanlaki ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Naalala pa rin pala niya iyon. "Nung second year tayo, noong sinabi ko sayo na gusto kita tapos sinabi mo sa akin na hindi ka karapat-dapat na gustuhin. Nagulat ako, oo. Lalo na noong binanggit mo na mahal na mahal mo ang daddy mo... sa ibang paraan. Pero alam mo, mas humanga ako sayo nun." Tuloy-tuloy na pagkwento niya habang nanatili pa rin siya nakayuko. "Napakatotoo mo kasi. Hindi mo tinago. Akala mo, hindi na kita lalapitan o ano. Akala mo, mandidiri ako sayo at lalayuan pero

Page 124: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nung nalaman ko yun mismo sa bibig mo, mas tumindi ang nararamdaman ko. Mayroon sa loob ko na nagsasabi na pupwede pa... pwede mo pa akong gustuhin katulad ng nararamdaman ko sayo. Na baka may pag-asa pa ako kung papatunayan ko lang sayo." Sa pagkakataong ito ay tumingala na siya at tumingin nang deretso sa akin. "Tanga ko diba? Nalaman ko na may ibang mahal ang babaeng gusto ko pero nagpatuloy pa rin ako. Ni hindi ko nga napansin na sa araw-araw na kasama kita... na kasing mahal na pala kita katulad ng pagmamahal mo sa tatay mo. Ilang beses mo rin akong tinanong na kung bakit patuloy pa rin ako sa panliligaw o kung ano man ang tawag sa ginagawa ko. Hindi ko sinasagot diba? Bakit mo pa kasi tinatanong? Hindi pa ba halata Aislinn? Kailangan ko bang araw-arawin na sabihin sayo na mahal kita at kahit ganyan ka, tanggap kita?" naramdaman ko ang humihina niyang boses. "Aislinn, ano bang naiibigay sayo ng tatay mo na hindi ko kayang ibigay? Kulang pa ba ako? Aislinn, sabihin mo lang... kahit ano... gagawin ko basta wag ka lang bumalik diyan sa tatay mo. Nandito naman kasi ako eh. N-Nandito lang ako. B-Bakit hindi na lang ako?" wala mang tumutulong luha sa mga mata niya, alam kong pilit lang niya itong pinipigilan sa tono pa lang ng pananalita niya. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa bawat salita na sinasabi niya. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Masyado na akong nakapanakit ng mga tao mula pa noon. Wala akong karapatan sa pagmamahal ni Austin lalo na't pakiramdam ko ay hindi ko naman ito masusuklian. Sinabihan ko siya... sinabi ko sa kanya sa umpisa palang ngunit hanggang ngayon... mahal pa rin niya ako. Austin... bakit ka ba ganito sa akin? Tumayo si Austin at lumapit sa gilid ng kama. Tinitigan ko lang ang mga nangungusap niyang mga mata habang may mga nangingilid na mga luha na pilit pa ring pinipigilan sa pagtulo. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. Magsasalita sana ako ngunit para ba akong napipi sa mga sunod niyang sinabi. "Aislinn, kung papayag ka, itatanan kita." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E -

Page 125: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Maraming salamat sa pagbabasa! Daming silent readers oh. Comment your opinion, suggestion, questions and such. PM me for violent reaction, hate message at lihim na pagtingin / pagnanasa. Joke lang! WAHAHA. :) "Everyone is a moon, and has a dark side which he never shows to anybody." - Mark Twain --------------------------------------------x CYRUS' POV ISINABIT ko ang dala kong bag sa likod ko at tinignan nang masama ang first year na nasa harapan ko. Napangisi ako ng napansin ko ang panginginig niya sa takot. Wala naman siyang magagawa eh baka basagin ko ang bungo niya pag pumalag siya. "Mag-isa lang ako rito oh, ba't ka nanginginig diyan?" lumapit pa ako sa kanya at pinitik ang noo niya nang malakas. "Mukha kang tanga." Muntik pa siyang matumba. Napakalampa talaga tong kupal na to. Yumuko siya at tinignan ang damuhan na para bang dadamayan siya nito. Psh. "K-Kuya Cy-" "Wag mo kong tawaging kuya, kupal ka." Mas lalo siyang hindi nakatingin sa akin at balak atang makipagtitigan sa damuhan na nasa ilalim niya. "San mo nakuha ang balitang nagpalaglag si Aislinn ng anak at nagtangkang magpakamatay? Pati na rin ang relasyon nila ng tatay niya? Ha?!" Lumipas ang ilang minuto at tahimik pa rin ang gago. Nanggigigil kong inihampas sa gilid ng ulo niya ang bag na dala ko. "Tangina sumagot ka! Kupal ka na nga, nagpapakakupal ka pa!" Babangasan ko tong lampa na to eh! Kung may matino siyang pag-uutak, hindi niya pagkakalat ang mga iyon. Ngayon, pati si Phire, apektado na. Hindi ko hahayaan na may manggulo sa amin. Kahit marami ng tao ang nakapaligid sa amin ay hinatak ko pa siya nang marahas sa kuwelyo. Mas mabuti na matuto siya para di na umulit pa.

Page 126: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Madami akong naririnig na bulungan sa paligid na mas kinaiinis ko. "Putangina! Tumahimik kayo!" sigaw ko sabay lingon sa mga usisero't usisera. Nagsialisan ang karamihan. Wala akong pake, basta, tuturuan ko ng leksyon tong kupal na nasa harapan ko. Kung sino man ang nagsabi sa kanya... malalagot talaga sa akin nang mainam. "A-Ano kasi.. nalama k-ko kasi-" nagsimula siyang magsalita na pinutol ko naman dahil sa sigaw ko. "Deretsahin mo ko. Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa. Sabihin mo ang pangalan. Kupal ka talaga!" mahigpit ko siyang hinawakan sa braso. Naiinip na talaga ako sa lalaking to. Inuubos ang pasensiya ko. Hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin to eh kahit na nasa school kami. Paki ko ba? Isama ko pa sila eh. "K-Kaklase nyo po... si ano... si a-ano.." nayuko pa siya bago niya sabihin ang pangalan. "Si A-Ate Abigail po." "Tss." Binitawan ko si kupal. Natumba siya sa dahil sa ginawa ko. Saka ko kinuha ang bag niya na kanina pang nasa gilid ko at binato sa kanya. "Kalalaki mong tao, ang tsismoso mo." Tinulak ko ang ilang second year at fourth year na nasa daanan ko. Mga nakaharang, akala mo naman mga kung sino. Nang nakadaan na ako ay dumiretso na ko sa high school building. Maaga pa naman, wala pang klase. Tinapos ko lang ang bagay na dapat ng matapos, masyado ng nababagabag si Phire. Kalat na kalat na sa buong school ang tungkol kay Aislinn. Ako nga, kahapon ko lang nalaman eh tapos ngayon madaming mga kupal na basta-basta na lang magsasalita tungkol kay Aislinn, tungkol sa matalik na kaibigan si Phire. Psh. Pagbuhol-buhulin ko mga dila nila eh. Padabog kong sinarado ang pintuan. Hinanap ko agad si Phire na nadatnan ko namang nakaupo at nakatulala. Mahigpit niyang hawak-hawak ang kanyang cellphone na para bang may hinihintay na importanteng tawag o text man lang. Inilagay ko sa upuan ko ang bag saka lumapit agad sa kanya.

Page 127: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ayos ka lang ba, Phire?" umiling siya. Alam kong tungkol ito kay Aislinn. "Kilala ko na kung sino ang nagkalat ng tungkol kay Aislinn." Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Sino?" tanong niya. "Si Abi." Napatingin kaming dalawa kay Abi na nasa kabilang row at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin habang tumatawa pa. Hindi ko napigilan si Phire nang tumayo siya at pumunta agad sa kinauupuan ni Abi. "Sino ka para ikalat yung tungkol kay Aislinn?" nakapameywang niya sabi kay Abi. Sumunod naman agad ako at pumwesto sa likuran niya. Nakita ko rin ang paglapit nila Katherine at ang iba sa klase sa likuran ni Phire. Hanggang sa nag-iisa na lang si Abi sa kinatatayuan niya. "Ano na naman ba ito Sapphire? At san mo naman nakuha yan, aber?" tugon naman sa kanya ni Abi. Aabante na sana ako nang naramdaman ko ang kamay ni Clyde sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang umiling saka ko narinig ulit ang pagsasalita ni Phire. "Pake mo kung san ko nakuha? Ang importante, totoo, diba?" Napa-'Tsss' lang si Abi sabay irap kay Phire. Di ko talaga maintindihan tong Abi na to, masyadong epal sa klase. Mahilig bumangga ng mga hind naman niya kaya. Dati pa ko nababanas sa babaeng to eh,papatol na talaga ako ng babae ng wala sa oras. "Sige, sabihin na nating totoo. Oh tapos? Ano na?" sunod-sunod ang bulungan sa paligid. Patuloy pa rin nila pinag-uusapan ang nanyari kay Aislinn. Natigil lang ang mga bibig nila sa kakabulong nang nilingon sila ni Phire. Buti nga sa kanila. "Alam mo Abi, wag mong masyadong ipahalata na atensyon ang kailangan mo ha? Namumuro ka na sa amin. Ano bang problema sa grupo namin?!" sa totoo lang, minsan ko lang makita na sumisigaw si Phire. Isang patunay na galit na talaga siyang ngayon at sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung makakausap ko ba siya nang matino. Nanatili akong nakatayo sa likuran niya. Kapag talaga may gagawin pa tong Abi na to na mas masama, ako na ang gagawa ng paraan. Para kay Phire. Para lang sa kanya.

Page 128: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Oh c'mon Sapphire, alam na alam mo. Dyan naman nagsimula sa grupo nyo ang lahat diba? Kayo ang dahilan kung ba't nanyayari ang mga nanyayari ngayon. Sa tingin mo, ikakatuwa ko pa yang lecheng grupo nyo?" lumapit pa si Abi kay Sapphire na mas kinainis ko. "At tsaka hindi ko na kasalanan kung napakatanga ni Aislinn. Alam mo ba, napakabigat ng mga kasalanan na ginawa niya." Tumawa pa siya bago magsalita ulit. "Nagpalaglag, nagtangkang magpakamatay tapos ang pinakanakakadiri sa lahat, nakipagrelasyon sa tatay! Oh my gosh Sapphire, napakakadiri ng kaibigan-" Nagulat ang lahat sa ginawa ni Phire. Nanlalaki ang mga mata ni Abi habang hawak-hawak ang pisngi niya. "H-How dare y-you?" sabi pa niya. "Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan ah?" pinalansikan ng mata ni Phire si Abi bago lumingon ulit sa mga kaklase namin na nasa likuran niya. "Diyan naman kayo magaling diba? Ang manghusga? Bukod sa nagpalaglag, nagpakamatay at sa relasyon ni Aislinn sa ama niya... ano pa ba ang alam nyo sa kanya?! Anong karapatan nyo para husgahan siya dahil lang sa mga maling bagay na nagawa niya? Hindi nyo siya kilala at alam kong wala kayong balak kilalanin siya. Kung hindi nyo alam kung paano tumahimik sa pangchi-chismis, pumunta kayo sa akin at tuturuan ko kayo, mga bobo!" Tuloy-tuloy niyang sinabi sa kanila. "Nasan ba yang pinagtatanggol mo ha? Dalawang araw na siyang absent. Laban kayo nang laban para sa kanya pero wala naman siyang pakialam sa mga ginagawa mo? Sapphire, nagmumukha ka lang tanga." Sabi pa ni Abi. Hindi nakapagsalita si Sapphire. Tama, nagtataka rin ako. Nasaan na kaya si Aislinn? Pati yung si Austin? Text ako nang text sa kanila pero wala pa rin akong balita. Nasan na kaya yung gagong Austin na yun? "Sa tingin nyo, may mapapala kayo sa kakaaway na yan? Pare-pareho lang kayong nagsasayang ng oras, mga gunggong." Napatingin ang lahat nang nagsalita yung... ano nga ba ang pangalan nito? "Ano nga ulit yon Luna?" tanong ni Abi na halatang naiinis. Napansin ko rin na nakayukom ang mga kamao ni Phire habang nakatingin dun sa tinatawag nilang Luna. Hindi ko kasi napapansin sa klase tong Luna. Minsan ko nga lang marinig ang boses niya.

Page 129: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ayokong inuulit ang mga sinasabi ako. Hindi ako uto-uto at lalong hindi ka bingi." Tuloy-tuloy na sabi pa nung Luna. Nasapo ko ang noo ko dahil sa dismaya. Ngayon, sila naman ang mag-aaway? Tangina. Magsasalita pa sana si Abi nang biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Ms. Maeganne, yung walang kwenta naming adviser. "Anong nanyayari dito?" tanong niya nang nadatnan niyang nagkumpulan kaming mga estudyante niya at maari rin niyang narinig ang mga usapan sa buong school tutal ganun naman talaga siya eh, usisera. "Anong pake mo?" sagot ng isa sa amin. Sa isang iglap, biglang nag-iba yung ekspresyon sa mukhang adviser na hanggang sa sumigaw na lang siya. "Lahat kayo pumunta sa Guidance office!" MURDERER'S POV Inilagay ko sa bag ko ang hawak kong notebook. Tapos na ang klase. Ni hindi ko man lang napansin. Tumayo ako at isinabit sa likuran ko ang bag. Dere-deretso ako sa pintuan upang makaalis na. Napansin ko na naman ang hindi matapos-tapos na pagsasalita ng ilan tungkol sa ginawa ng adviser namin kanina. Pina-office niya kaming lahat. Ayaw nila pero sa akin, ayos lang. Kasalanan din naman namin. Naiintindihan ko. Umuulan na naman. Nagpaalam ang iba sa akin. Nginitian ko lang naman sila at kumaway. Masyadong nakakapagod. Ewan ko kung ano ang kinapapagod ko pero nakakasulasok na ang lahat. Yung pakiramdam na gusto ko na lang basta itapon ang lahat... nakakasawa na.

Page 130: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bumaba ako sa 2nd floor kung nasaan ang pangalawang faculty room. Gusto raw ng mga teachers dito kaysa sa faculty sa 3rd floor dahil sa labis naming pag-iingay doon. Parang gusto rin naming nandun sila. Tss. Dere-deretso ako sa dulo kung nasaan ang isang abandunadong kwarto. Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabakasali na may nakapansin o may nakatitig. Nang nasigurado ko na wala at abala ang lahat sa pagtakbo palabas ay pumasok na ko. Isinarado ko ang pinto saka tumingin sa baba, pinulot ko ang kahoy kung san nakasulat ang room number. Room 101-A Dumiretso ako sa malaking cabinet na nasa kanan. Dali-dali kong binuksan ito at bumungad sa akin ang walang laman na cabinet. Tinulak ko ang kahoy na nasa gitna at bumukas ang dulo nito. Yumuko ako at tinahak ang hagdanan pababa. Kasya naman tutal malaki ang espasyo. Inayos ko pa ang unipormeng suot ko bago nagtuloy-tuloy sa pagbaba. Matarik dito sa baba, kaunting mali mo lang ng hakbang ay panigurado na dere-deretso ka hanggang sa dulo. Tanging hagdanan lang at kaunting ilaw ang na nasa gilid. Nasa bungad ko ang isang pinto. Pagkarating ko sa dulo ay binuksan ko agad ito at tumambad sa akin ang pulang kwarto, ang sikretong kwarto namin. Medyo may kainitan dito pero ayos lang naman tutal, magpapalipas lang ako ng oras. Puno ng dugo ang sahig at tanaw ko rin ang mga nakasabit na manika. Umupo ako sa itim na upuan. Matutulog sana ako ngunit narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Saka ko siya nakita na papalapit sa akin. "Anong dahilan at napunta ka dito? First time to ah?" sabi niya sabay lakad pa sa harapan ko. Umupo siya sa lamesa at may kinuha na candy sa bag. Inalok niya ko pero tumanggi ako. Ano ba naman to. Nadatnan ko pa to dito. Ang malas. "Parang ako ang dapat magtanong sa'yo niyan. Akala ko ba wala ka nang pake dito? Akala ko ba nakuha mo na ang gusto mo at bahala na kami sa gusto naming gawin? Tsss." Yumuko siya sa lamesa at nagpangalumbaba sa harapan ko.

Page 131: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Masyado ka namang matampuhin. Siyempre, ako ang nagsimula nito. May karapatan naman ako na pumunta rito diba? Tsaka, kailangan ko rin ipakilala sayo ang isa sa mga kakampi natin. Siya na lan ang hindi mo nakikilala" nakangiti pa niyang sinabi. Yung isa pa? Sino? Kung sino man yun, pakiramdam ko... kilala ko na siya. May inilabas siyang manika sa bag niya. Kung titignan mo, parang babasagin at mukhang manekin. Itim na itim ang mahaba nitong buhok pati rin ang itim nitong bestida. Salungat sa puting-puti nitong balat. Kapag tinignan mo ito nang malapitan, para bang totoong tao ang nakikita mo. Nakangiti niya itong tinignan at inilapag sa lamesa. "Ikaw, ba't ka nandito?" tanong niya ulit sa akin. "Wala. Nagpapalipas oras lang. Umuulan kasi." Tinaas niya ang kilay niya na para bang nagtatanong kung ano ang konek ng sinabi ko. "Wala akong dalang payong." Tugon ko naman. Tumango siya at bakat pa sa kabilang pisngi niya ang kinakain niyang candy. Kadiri. "Lagi naman eh." Nakangiti niya ulit na sinabi. Tumayo siya at tinignan ang mga manika. Para bang tuwang-tuwa siya sa bawat gawa niyang manika. Akala mo naman magaganda. Mga sama-samang pinagtagpi-tagping tela lang naman. "Ano ng plano natin? Mananahimik na lang ba tayo?" Umiling siya habang nakatalikod sa akin. May kinuha siyang manika na nasa dulo. Kulay itim ito at ipinakita sa akin. "May hawak tayo. Kung pag-iisipan mo, kilala mo na kung sino siya." Natahimik ako bigla. Ewan ko ba kung pinagti-tripan ako nito pero nag-isip ako kung sino. Teka.. sino nga ba? "Sino?" tanong ko ng napagod ako sa kakaisip. "Sino bang nawawala sa klase nyo?" nakangisi niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko. Dalawa ang wala.

Page 132: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sino sa kanila? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - SA PULANG ROOM. Yung Room 101-A, nasa chapter 2 siya ng book 2 at nasa extra chapter: unfinished business. Kung san pinalo si Angie. SA GIF SA GILID. Si Aislinn, Austin at yung manika po yun. Salamat sa pagbabasa. :****** "He, who lies." --------------------------------------------x LUNA'S POV UMAGANG-UMAGA, umuulan na naman. Maganda sana ang simula ng araw ko kung hindi lang bumungad sa akin ang ingay ng klase sa pagpasok ko pa lamang. Mga panira ng umaga. Halos hindi rin ako makatulog kagabi sa kakaisip. Masyado na ata akong nag-alala para sa mga taong ito. Bakit ko pa ba kailangang makialam sa mga away nila? Hindi naman ako kasali doon. Ayaw kong manyari ang mga pagkakamali ko sa dati kong pinapasukan na eskwelahan. Baka makita ko na lang ang sarili ko na nakikihalubilo sa kanila. Hindi pupwede. Kung ano man ang problema nila, wala na ako dun. Tatandaan ko na ito mula ngayon, iiwasan ko na ang masyadong pakikialam sa mga nanyayari sa loob ng klase. Basta, ang akin lang, nandito ako para alamin ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Hindi sa problema nila sa isa't-isa o ano pa man. Ang malaman kung ano ba talaga ang nasa eskwelahan na ito. Ang pagkamatay ng ibang estudyante, kasali na si Denise, ang taong kinamumuhian ko sa lahat. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ba ang mapapala ko kung sakaling malaman ko kung ano ba talaga ang nanyari kay Denise pero wala akong magawa... para bang uhaw na uhaw ako sa katotohanan. Ngunit sigurado ako sa isang bagay, ginagawa ko ito para sa pansarili kong kaluguran hindi para kay Denise. Gusto ko lang, nais ko lang malaman. "Tuna." Hindi ko nilingon ang lalaking nagsalita na iyon. Sigurado kasi ako na tataas lang ang dugo ko pag nakita ko na naman ang pagmumukha niya. "Tuna." Tawag niya ulit. "Tuna. Tuna. Tuna banana." Sa sandaling

Page 133: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

iyon ay nilingon ko siya habang nakakunot ang noo. Gustong-gusto niya talagang binabalahura ang pangalan ko. Tanga talaga. Pero tong tangang 'to ang tanging tao na kinakabahan ako sa lahat. May kung ano talaga sa kanya na kahina-hinala. Kung titignan mo siya, tanga lang ang makikita mo pero sa tuwing may kung anong kislap ang nasa mata niya, iisipin mo agad na may iba siyang iniisip. Ibang-iba sa karaniwang pag-iisip ng mga tanga. "Sa wakas, lumingon ka rin. Makinig ka kasi sa kanila." Mukhang ang tinutukoy niya ay ang diskusyon ng klase. Nasa harap si Sandria at Raphael habang nasa gilid naman nila si Katherine, sa pagkakaalam ko, sila ang tatlo sa pinakamataas na posisyon sa klase. Bakit pa ako makikinig? Eh hindi naman imporante ang diskusyon nila? Mas importante pa ang mga iniisip ko kaysa sa kaartehan nilang lahat. Sila na rin ata ang magpapatayan eh, hindi malabo iyon. Sa mga nanyayari ngayon sa klaseng 'to, wala ng pag-asa. Wala naman talagang pag-asa sa simula pa lamang ngunit mas pinapalala nila at mas pinapalamang ang mga kalaban. Kung iisipin, medyo tahimik ang mga pumapatay. Nakakapanibago at nakakakilabot. Mula noong namatay yung lalaking palaging nakaupo sa teacher's table, kung sino man siya... wala ng nanyari pa ulit. Hindi na ba sila gagawa ng isa pang krimen? O Mas matindi ang kanilang susunod na gagawin? "Buhay si Hanako." Napatingin ako sa harap ng narinig kong magsalita si Sandria. Tumingin siya sa lahat at bago siya magpatuloy ay dumagsa ang komento sa buong klase, na akala mo naman ay importante ang mga walang kwenta nilang mga reaksyon. Nakakapagtaka rin. Wala si Sapphire at yung sigang lalaki na palaging nakabuntot sa kanya. Tsss. Bahagyang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Sandria, hindi ko maipaliwanag kung ano man iyon pero para siyang kinabahan at nagulat. "Paano ko nasabi? Iyon ang tanong nyo diba?" Tumigil siya ng ilang segundo saka muling nagpatuloy. "Wala. Sa totoo lang, wala pa kong pruweba pero ito, aaminin ko na sa buong klase na binanggit sa akin ni Hanako ang tungkol sa paghihiganti. Yung nanyari ang bagay na yon. Sinabi niya sa akin na iisa-isahin niya lahat ng may sala, lahat ng walang ginawa at lahat ng umapi sa kanya. Iisa-isahin niya tayo at malaki rin ang posibilidad na kasama ang mga teachers. Nung nakita ko

Page 134: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ang bangkay ng kaklase natin, muli kong naalala lahat ng sinabi ni Hanako. Si Hanako lang ang may dahilan upang gawin ito." Tuloy-tuloy niyang sinabi. Muli, ay napuno ang classroom ng mga sari-sariling diskusyon. Mga bulong at mga malalakas na sigaw. Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin pa rin sa kanila. Buhay pa siya? Impossible. "Si Hanako lang ba?" napatingin ang lahat sa nagsalita. Naalala ko siya... siya yung palaging nakakasagutan nung Sapphire. "Hindi nyo pa rin ba ako naiintindihan? Hindi nyo pa rin ba ako papakinggan? Alam nyo, kung iisipin nyo ang mga ginawa natin. Sa tingin nyo, si Hanako lang? Tandaan nyo yung sikreto ng klase. Hindi lang si Hanako." Tumayo siya at muling nagsalita. "Yan kasi ang mali sa atin eh. Niloloko lang tayo ng mga pumapatay. Huwag nyo kasing ituon ang isip nyo sa pagpapakamatay ni Hanako. Panigurado, palabas lang yun para maiba ang iniisip natin." "Ano bang ibig mong sabihin?" sabi ni Raphael habang nakasandal sa blackboard. Nakatingin siya nang seryoso kay Abi na akala mo'y mayroon siyang pinag-aaralan na math problem. Mukhang ganito naman ata talaga to, seryoso. "Ang ibig kong sabihin ay tignan natin hanggang sa likod ng pilit nilang pinapaintindi sa atin. It's not just about Hanako at sa pambubully natin sa kanya. May iba pa. Tanggapin nyo na lang kasi na ang sikreto ng klase ang nakataya rito." Kanina pa niya binabanggit ang sikreto ng klase. Napatingin ako sa baba, mukhang may isa pa akong dapat na alamin. Sikreto ng klase. Habang mas tumatagal, mas lalo akong nagiging interesado. Mas lalo akong ginaganahan. "H-Huwag mong ikonekta ang bagay na yan sa usapin natin na ito. Sigurado akong wala namang kinalaman yan sa mga nanyayari. Impossible. Tapos na diba? Tinapos na natin." Napatingin ako nang masama dun sa Katherine nang nagsalita siya. Mukhang may tapang siyang tinatago kapag wala ang amo niya na si Sapphire. Natahimik ang buong klase hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Saka bumungad sa amin ang adviser namin na hingal na hingal. Nagmamadali siyang pumunta sa harap at pinaupo sila Sandria. May pinaskil siyang

Page 135: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

cartolina na may sulat sa harap saka muling humarap sa buong klase at malakas na nagsalita. "Gumawa kami ng isang tuntunin para sa klaseng ito." Kami? Sino-sino sila? "At iyon ay ang pagbabawal sa pag-uusapan sa loob at sa labas ng klase ang tungkol sa mga nanyayaring patayan." Sari-sari ang reaksyon na nakukuha niya. Ang ilan pa ay nagbabato ng lukot na papel sa harapan ngunit hindi ito pinapansin ni teacher Maeganne. Muli siyang nagsalita. "Ang hindi sumunod at hindi marunong magtanda ay bibigyan ng isang oras na pagkakakulong sa punishment room." Punishment room. Nabanggit na ito dati sa akin ni Sandria. Ang maliit na kwarto na animo'y bodega na nakahiwalay sa building. Ang kwarto na may maraming lock. Hindi ba, hindi na ito ginagamit para sa pandidisiplina sa mga estudyante? "Muli itong bubuksan para sa mga estudyante na hindi marunong sumunod sa mga patakaran." Matapang ang binibigay na aura ng mga mata ni teacher Maeganne na akala mo'y nag-aapoy sa determinasyon. Bakit biglaan naman siyang naging mahigpit sa klase? Gusto ba niya talaga na huwag na siyang irespeto ng mga estudyante niya? Isa pang tanga. "Iyon lang. Babalik ako rito pagkatapos ng ilang minuto at ipagpapatuloy ko ang diskusyon natin tungkol sa nakaraan na leksyon." Umalis siya at iniwan niya ang klase na patuloy pa rin sa pag-iingay at sa pagrereklamo. Bakit ba kasi biglaan niyang pinatupad ang patakaran na iyon? Anong problema kung pag-usapan ito ng klase? Dapat lang naman na pag-usapan ito dahil sa buhay ng mga estudyante niya ang nakasalalay. Ano bang problema ng adviser namin na yan? Kahina-hinala. Pagkatapos ng ilang minuto ay nanahimik ang lahat. Hanggang sa may tumayong isa. "Sa tingin nyo ba, dapat nating sundin yung feelingerang adviser na yon? Susunod na lang ba tayo nang basta?" nagsigawan ang lahat maliban sa akin ng pag-sang-ayon sa sinabi ng isa. "Dapat kasi nandito sila Sapphire para hindi umakto na napakataas nung teacher na yon eh!" sigaw pa ng isa. Tuloy-tuloy muli ang pagpapalitan ng opinyon.

Page 136: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SANDRIA'S POV Patuloy ang pag-iingay ng klase ngunit ang atensyon ko ay nakatuon lang sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko o nagkataon lamang ito. Sinubukan ko lang kanina. Noong sinabi ko ang mga katagang 'Buhay si Hanako' ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa walang kurba na bibig ay biglaan siyang yumuko at kitang-kita ko ang pagngisi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung patay ba o buhay si Hanako. Hindi ko pa rin masabi kung patay o buhay dahil tulad ng sinabi ko kanina, wala pa akong pruweba at hindi ako basta-basta nagdedesisyunan ng walang patunay. Sinabi ko lang naman iyon kanina upang makita kung sino ay may pinakakahina-hinalang reaksyon. Dahil sa tuwing nababanggit ang pangalan na Hanako, nag-iiba ang kanya. Minsan napapangiti siya nang matamis at kung minsan naman, katulad ng nanyari kanina, ay napapangisi siya. Ngunit hindi pa ko sigurado. Kailangan ko pang manigurado. Talaga bang nasa klase na ito ang mga killers? Kaya ba talagang pumatay ng isa o ilan sa amin? Nakakapangilabot. Lumipas ang oras. Sabay-sabay kaming tatlo nila Luna at Spade na pumunta sa cafeteria. Tahimik kaming kumakain ni Luna habang si Spade naman ay pilit na kinukulit si Luna. Iniisip ko pa rin siya. Nakakapagkataka. Kahina-hinala. Hindi mawala sa isip ko ang pagngiti at ngisi niya sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Hanako. May iba bang ibig sabihin iyon? Paulit-ulit ang pagtanong ko sa isip ko. Paulit-ulit ang mga sinasabi ko sa isip ko ngunit kahit anong gawin kong pag-iisip ay isa pa ring malaking bugtong para sa akin ang reaksyon niya. Hindi ako mapakali... sana mali ang mga naiisip ko. "Tara na Sandria." Tumayo si Luna ngunit umiling ako. "Mauna na kayo." Sabi ko sa kanya. Sa paglalakad niya ay nakita ko siyang inakbayan ni Spade na pilit naman niyang inaalis hanggang sa magtalo sila palabas. Napatingin ako sa pinto nang nakita kong pumasok siya. Mukhang huli na siyang kumain ngunit sa pagkakaalam ko, walang natira sa classroom kanina at dumiretso ang lahat sa cafeteria. Saan siya nagpunta?

Page 137: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kung hindi man siya kasama sa mga pumapatay, sigurado akong may alam siya kahit papano tungkol dito o kaya may koneksyon sila ni Hanako. Kahit ano pa man doon, kahina-hinala pa rin. Pinagmasdan ko ang bawat kilos niya. Kinuha niya muli sa tinderang babae ang orange juice box, ngayon ko lang din natandaan na parating juice box ang binibili niya. Umiwas ako ng tingin nang napatingin siya sa akin saka ako tumayo at lumabas ng cafeteria. Sana hindi niya binigyan ng masamang ibig sabihin ang pagmamatyag ko sa kanya. Dumiretso ako sa classroom. Napansin ko na hindi na gaano kaingay ang klase di katulad ng dati. Tahimik akong umupo at binuklat ang libro para sa susunod na subject. Ilang sandali ay napatingin muli ako sa pintuan nang pumasok siya. Napalunok ako sa kaba. Sana nga mali talaga ang iniisip ko patungkol sa kanya. Ilang minuto bago magsimula ang susunod na klase ay bumukas muli ang pinto. Malakas at puwersado ang pagkakabukas nito kaya doon natuon ang atensyon ng lahat. "G-Guys.." sabi ni Sapphire habang hinahabol pa rin ang hininga. Nanlaki ang mga mata ko nang napansin ko ang hawak niya. Hindi maari. Bakit nasa kanya iyon? Nagkatinginan kaming tatlo nila Luna at Spade. Paano napunta sa kanya ang pulang libro na iyon? Tinitigan ko muli si Sapphire na nakatayo sa may teacher's table. Iniharap niya sa buong klase ang malaking pulang libro na iyon. Nagsilapitan ang ilan upang malinaw na mabasa ang title. 'Eliminating section C' "May dapat kayong malaman tungkol sa Laketon at sa section C." Napahawak ako nang mahigpit sa palda ko na naging dahilan ng bahagyang pagkalukot ito. Kabadong-kabado ako habang hinihintay ang pagsasalita ni Sapphire. Ngunit imbis na magsalita ay binuksan niya ang libro hanggang sa makita namin ang unang pahina. Binasa ko ang nag-iisang pangungusap na nasa gitna ng pahina. Sa isang tingin mo palang rito, alam mong matagal na itong nakasulat dahil sa nangungupas na nitong kulay ngunit nababasa naman ito kahit papano. May

Page 138: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kalakihan ngunit hindi naman sakop lahat ng espasyo ng pahina. Nasa unahan ako kaya hindi ko kailangan pang tumayo at lumapit. Pabulong ko itong binasa. "Eliminate the weaklings." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - MAY VIDEO SA GILID. Isa po siyang song na gawa ni Xandra Ong at ni Kristine Arevalo para sa librong ito. Phire (Sapphire) ang title. Panood po, di masasayang ang ilang minuto nyo sa panonood. Maraming salamat. :) TUNGKOL DUN SA LAST UD. May iba sa inyo na mali ang pagkakaintindi sa mga sinabi nung murderer. Dun sa 'Hawak nila/niya' (something like that) hindi po yun yong killer na hindi pa kilala nung may POV. Nasabi rin dun na may dalawang nawawala kaya it's either Austin at Aislinn yung 'hawak' nila. Tsaka di rin po 'bago' yung killer na sinasabi nung murderer na di kilala nung may POV. Wala pong bagong killer sadyang di lang niya kilala na parte yun ng grupo nila. Ayon lang. Salamat sa pagbabasa :* Comment your opinions/reactions at kung anu-ano pa. :)) "Revenge is the key. Death is the punishment." --------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV NATAHIMIK ang lahat ng binuksan ko ang unang pahina. Ganyan din ang reaksyon ko ng una ko yung nakita. Ramdam ko pa rin ang kilabot na nadarama ko habang naalala ko lahat ng nakita at nabasa ko sa librong ito. Alam ko na kung bakit para bang ibang-iba ang trato ng lahat sa 3-C. Alam ko na kung bakit isang malaking suicide para sa mga taga-A at taga-B na section ang pagkapasok sa section na ito. 'Eliminate the weaklings'

Page 139: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napakasama niya. Napakasama ni Mr. Laketon. Kung may isang tao na hindi dapat pagkatiwalaan sa buong eskwelahan na ito... hindi ko akalain na siya yon. Ang taas ng tingin ko sa kanya dati pero ng nalaman ko ang lahat ng ito... para bang lumagapak sa baba ang respeto ko sa kanya. Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig ko kahit nahihirapan ako. Tumingin ako sa buong klase. "Nakalagay sa librong ito na dalawa ang author. Isa si Mr. Laketon at kung sino pa ang isa ay hindi na nabanggit dito." Mas lalong lumapit ang lahat. Muli akong nagsalita. Kinakabahan ako sa di ko malaman na dahilan. Anong magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nila ang nakaraan ng Laketon? Kapag nalaman nila ang sikreto ng Laketon? "Hindi ko alam kung may nakakaalam ng tungkol sa lahat ng ito. Masyadong matagal mula noong nasulat ang librong ito at sigurado ako na matagal na ring natapos ang kung ano man ang nasa loob nito." Gusto ko man sabihin, hindi ko magawa. Alam kong kakabahan lang sila kung sasabihin kong ibang laro na ang nilalaro namin. Binuklat ko ang pangalawang pahina ng libro hanggang sa makita nila ang iba't-ibang class picture mula sa kalagitnaan ng 1970s hanggang sa 1990s. Ilang pahina rin ang nabuklat ko na ang tanging laman ay mga class picture na black and white. May kahabaan ang palda noon at ang karamihan sa mga babae'y nakatirintas ang mga buhok habang ang mga lalaki naman ay maayos na maayos ang pagkakahawi ng kanilang buhok na para bang iisa lang ang ayos ng lahat. Karamihan sa mga litrato ay wala akong nakitang nakangiti. Lahat ng class picture na iyon ay tanging mga section C lang. Kung titignan mo, mukha lamang year book ang libro na ito ngunit natulala at tila ba'y naubusan ng paghinga ang lahat nang inilipat ko muli ang mga pahina. Natahimik at natigil ang pagkomento ng karamihan. Pareho lang naman na mga class pictures ang nandirito. Mga parehong klase na nakita namin sa mga naunang pahina ngunit may pagkakaiba... malaking pagkakaiba. Ilan sa mga estudyante na nasa class picture ngayon ay nakasuot ng malalaking maskara na kung titignan ay para bang ulo ng mascot, malaki at mukhang totoo. Ngunit nakakakilabot na kuneho pa ang ginamit ng mga ito. Nakakadagdag din sa kilabot ang pagka-negative ng bawat litrato. Kung malapit na ang mga kaklase ko kanina ay mas lalo silang lumapit upang titigan nang maayos ang bawat litrato. "Ang creepy naman, kulay red pa ang mga mata ng mga kuneho na yan!" pag-iinarte ng isa.

Page 140: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Siguro sa isang klase, apat hanggang anim ang mayroong suot na ganun. Isa ring pinagkaiba ay ang lahat ng estudyante dito, maliban sa mga nakatakip ang mukha, ay nakangiti. Kitang-kita mo sa kanila ang malapad nilang mga ngiti na tila ba'y may kung anong sobrang nakakatuwa sa harapan nilang lahat. "Magsi-upo nga kayo." Utos ko sa kanila na agad namang sinunod ng lahat. Napabuntong-hininga ako nang tinignan ko silang umuupo ng maayos. Lahat sila'y nakatitig pa rin sa hawak kong libro. Mga tahimik. Ibang-iba sa napakaingay na 3-C. Bumalik ang atensyon ko sa libro. Inilipat ko ang pahina at sigurado akong bumulaga sa kanila ngayon ang malaking nakasulat sa pinakataas at gitna nito na... 'Rules of the jungle' "Wag na kayong lumapit. Umupo kayong lahat diyan habang binabasa ko." Sabi ko sa lahat nang napansin ko na lalapit na naman ang ilan. Mahirap man sa akin para basahin ito... kailangan nilang malaman kung ano ba talaga ang pagkakaiba naming mga taga-section C sa ibang section. Lalong-lalo na sa nakaraan na hanggang ngayon ay nakatatak sa section namin. Sinimulan ko ang pagbabasa. "The rules are simple." Napatingin ako sa buong klase bago muling nagpatuloy. Parang kailangan ko pang mag-ipon ng sapat na lakas ng loob para basahin ang buong talata. "At the end of every quarter, the best wolf will be the king of the jungle and get to choose who the weakest rabbit is. If ever that the wolf isn't ready to choose one, the rabbits will be the one to condemn the weakest of their kind... by playing the white rose game." Kita ko ang reaksyon ng lahat. Ang mga malalakas na bulungan, mga sari-sariling diskusyon sa pagkakarinig palang ng larong iyon. "Every finals, the jungle have to judge all the selected rabbits. If one of them died, all the rabbits are save but if the selected rabbits live, their whole kind will vanish. Revenge is the key. Death is the punishment." Huminga ako nang malalim at binasa ang pinakahuling linya. "The last rule, eliminate the weaklings." Para ba akong naubusan ng hininga sa binasa ko. Katulad ko, halata ang pagkagulat pa rin ng lahat. Ilang beses ko na itong binasa pero pareho lang ang palagi nitong epekto sa akin. Isinarado ko libro kahit na alam kong marami pang pahina ang dapat na makita nila. Siguro, malalaman din nila ang lahat ng iyon. "Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko sa mga narinig ko, Sapphire." Napatingin ako kay Raphael ng tumayo siya at nagsalita na para bang takang-taka sa mga narinig niya. "Ibig sabihin, ang section C ang rabbits... tayo yung dating ginagawang ganun?" tanong niya.

Page 141: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Iyon din ang pagkakaintindi ko. Ngayon, alam ko na kung bakit wala pang nakakagamit kahit isang klase sa room ng 4-C. Kahit isang upuan, wala doon." Sabi naman ni Sandria na ngayon lang ay kakaiba ang tingin kay Raphael. Biglang pumaibaba ang tingin niya na para bang nag-iisip pa. "Tayo ang rabbits, ang Laketon Academy ang jungle at ang taga-section A at B ang mga wolves. Yung white rose game... kaya pala. Kaya pala merong ganun. Naiintindihan ko na ang lahat." Pabulong niyang sinabi ang huli niyang linya. "A-Anong ibig sabihan ng best wolf?" tanong ni Katherine na agad namang sinagot ni Raphael. "Sa tingin ko, iyon yung estudyante na may pinakamataas na grade sa bawat pagtatapos ng isang quarter." Napatango ako kay Raphael nang tumingin siya sa akin upang ikumpirma ang sinabi niya. "Isa lang ang iniisip kong tanong, konektado pa ba ang lahat ng ito? I mean, halata naman sa libro na ito na matagal ng natapos yung ganung gawain. White Rose game na lang ang nadatnan natin ngunit anong nanyayari ngayon? Bakit may mga nagaganap na patayan diba?" tuloy-tuloy na sabi ko. "T-Teka kasi Sapphire sabi ni teacher Maeganne, b-bawal na daw pag-usapan ang tungkol sa nanyayaring patayan sa loob at labas ng room. Iyon daw ang bagong patakaran. Baka maparusahan ka. Di k-kami makakapayag nun." Sabi naman ni Katherine na akala mo naman ay nakakatakot yung teacher na yun. "At anong parusa yon?" tanong ko sa kanya. "Ikukulong daw sa Punishment room." Tugon naman niya. "Imposible!" nagulat sila sa pagsigaw ko. "Hindi pupwedeng buksan at gamitin ulit ng school ang room na yun." Nagtaka sila sa sinasabi ko. Ah tama, wala silang alam tungkol dito. "Ni-report na yan ng mga magulang dati. Dapat iaalis na nga yan eh pero nagmatigas lang si Mr. Laketon at pinangako na hindi na iyon gagamitin. Bakit na naman nila gagamitin? Gusto ba talaga nilang mamatay tayong lahat?" natahimik muli ang buong klase. Siguro nga. Siguro totoo ang sinabi ko. Gusto niyang mamatay kaming lahat. "Gumagawa na naman sila ng bagong laro. Siguro naunahan lang tayo, hindi natin alam ang bagong rules ngayon." Minsan ko lang marinig na magsalita yung Luna na yan pero ngayon, sumasang-ayon ako sa kanya. Mukhang tama nga ang nasa isip niya. "Naiisip ko rin, bakit hindi umalis yung mga

Page 142: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

estudyante dati?" nakuha na niya ang atensyon ng lahat. "Bakit hindi sila umalis kung alam din naman nila ang manyayari sa kanila? Baka gusto rin naman nila diba? Tulad ngayon, ba't nananatili pa rin tayo rito? Pupwedeng gusto rin naman natin ito diba? At papaano kung hindi lang pala rabbits ang lahat ng nandito? Paano kung kasama na natin ang wolf? Hindi ba... mas nakakatakot yon kaysa sa nakalagay sa librong iyan?" natameme ang lahat sa sinabi niya. "Malay nyo, ginagawa na ang libro para sa atin." Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Hindi malayong manyari yon pero hindi ako makakapayag. Hindi kami matutulad sa mga estudyanteng iyon. Tama... hindi kami magpapatalo. Kasalukuyang tahimik ang lahat, tulad ng kanina, ni walang kayang magsalita. Iniisip pa rin namin ang lahat ng sinabi nung Luna. Masyado silang maraming nalaman ngayon kaya naiintindihan ko kung gulat pa rin sila. Hanggang sa tumayo si Clyde. "May alam akong makakatulong sa atin." Walang anu-ano ay lumapit siya sa akin at hinatak ako palabas. Nilingon ko ang pulang libro na pinagkakaguluhan ngayon ng buong klase. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Clyde hanggang sa makalabas kami. "Ano ba Clyde?! Ba't kailangan pa nating lumabas?" sigaw ko sa kanya. "Kailangan na nating kausapin si Blake." Seryosong-seryoso niyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan. Ano namang kinalaman ni Blake ngayon? "Bakit naman?" Napatingin ako sa gilid ko nang dumaan si nurse Tin. Siya. Hindi ko akalain. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaabot siya sa hagdanan pababa. Sino ba naman ang mag-aakala sa itsura niyang iyan? Para bang napakainosente ni nurse Tin... parang lang. "Nakikinig ka ba sakin Phire?" "Wala kang karapatan na tawagin akong Phire, si Cyrus lang ang makakatawag sakin nyan at ano nga ulit ang sinasabi mo?" tanong ko naman sa kanya. Natahimik siya pero ilang sandal ay muli siyang nagsalita. "Nakita ko si Blake na may hawak-hawak na ganung libro nung lumabas siya sa opisina ni Mr. Laketon. Madami siyang alam." Napaisip ako sa sinabi niya. Tama, kilala ko si Blake. Bakit hindi ko ba naisip? Kilalang-kilala

Page 143: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ko siya at sa bawat kislap ng mata niya, alam ko ang ibig sabihin. Isa siya sa mga tuta ni Mr. Laketon, hindi na nakakapagtaka. "Tama ka." Napatingin ako sa katabing classroom ng klase namin, ang classroom ng 4-A, nila Blake. Malapit din naman si Blake at Clyde, ay hindi, malapit si Blake sa halos lahat ng estudyante dito. Lahat humahanga sa kanya pero iilan lang ang talagang nakakakilala sa kanya. Kasama na ko. Pili lang ang nakakaalam sa totoo niyang ugali. Lalapit na sana kami ni Clyde sa classroom ng 4-A nang biglang may nagsalita sa likuran namin, yung walang kwenta naming adviser. "Anong ginagawa nyo rito? Oras ng klase." Matigas niyang pagkasasabi. Lumingon kami sa kanya. Nakapameywang siya doon at nakatingin nang deretso sa amin. "Pasok sa loob." May kakaiba sa kanya. Parang dati umiiyak lang siya sa harapan ko at pinagpipilitan na nanay ko siya at ako ang anak niya. Anong nanyari sa kanya? "Eh kung ayaw namin? Ikukulong mo ba kami sa Punishment room?" naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Clyde upang tumigil ako pero tinignan ko lang siya ng masama. Hindi ako kayang saktan nitong teacher na ito. Hindi niya kaya. Ngunit nagulat ako sa tugon niya. "Kung kinakailangan Ms. Garcia, gusto mo bang maranasan? Sabihin mo lang sa akin, may kakayahan akong gawin iyon kahit wala pang dahilan." Hinawakan ako sa braso ng adviser namin. Napangiwi ako sa sakit nang naramdaman ko ang matutulis niyang mga kuko. Tinitigan niya ako gamit ang mga nandidilat niyang mga mata. "Hindi ba, sinabi kong pumasok na kayo sa loob?" muli ay matigas ang pagkakasabi niya nun. Pagkabitaw niya ay agad akong napahawak sa braso ko. Ang sakit. Hinawakan ako sa balikat ni Clyde at inalalayan sa pagpasok. Alam niya siguro na iniisip kong sabunutan at pagsasampalin ang adviser namin. Pagkapasok namin sa loob ay agad kong kinuha ang pinagkakaguluhan nilang libro at kinuha ang bag ko na nasa lapag lamang buhat nung dumating ako. Inilagay ko iyon sa loob at sinabihan ang klase na na papasok na ang

Page 144: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

bruhilda naming adviser. Agad akong umupo at iniisip ang susunod kong gagawin. Una, kakausapin ko si Blake. Pangalawa, gaganti ako sa adviser namin. Leche. RAPHAEL'S POV Hanggang ngayong uwian, nasa isip ko pa rin ang lahat ng nalaman ko kani-kanina lang. Hindi ko alam na ganun pala ang Laketon dati. Ano ba ang section C para sa kanila? Mga laruan? Naiinis ako. Bakit ba tinawag itong isang prestihiyong eskwelahan kung ganun din naman ang pinaggagagawa nito dati? Kalokohan. Pero kahit anong sabihin ko, kailangan ko pa rin itong eskwelahan na ito. Tutal, hindi naman ako mamamatay. Hindi ko hahayaan na mamatay ako. Sapat ang talino ko para sa dulo, nakatayo pa rin ako. Alam na alam ko yun. Isang kahihiyan kung isa ako sa mga nauna. Ako ang mas nakakaalam kung papano laruin ang laro nito nang mas maayos. Para sa nanay at sa kapatid ko. Para lang sa kanila. Isa pa sa kinagugulo ng isipan ko ang sinabi kanina ni Sandria bago umuwi. Paulit-ulit sa utak ko kanina ang mga kataga niyang iyon. "Talaga ngang napakatalino mo Raphael." Hindi ko alam kung ba't niya ako biglang pinuri at lalong iba ang tono ng pananalita niya. Hindi yung parang humahanga talaga. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at nginitian na lang siya. Madaming nakakapagtaka ngayon katulad ng paghatak ni Clyde palabas kay Sapphire. Ano kayang pinag-usapan nila? Yung reaksyon ni Sapphire nang pumasok siya sa loob, para bang galit na galit siya. Si Cyrus, nasaan na yun? Pati si Aislinn at Austin. Maaring nasagot ang katanungan ko tungkol sa Laketon pero ano nga ba ang nanyayari ngayon? Totoo nga siguro yung sinabi ni Luna, na baka ito ay bagong laro ni Mr. Lakerton pero papano naman niya nagawa iyon? Papano kung hindi naman si Mr. Laketon ang may gawa nito? Papano kung may ibang nakabasa ng librong iyon at napagdesisyunan na gumawa ng bagong laro?

Page 145: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Haaay. Hinigpitan ko ang pagkakasabit ng bag ko sa likuran ko. Napaisip muli ako ngunit sa napakadaming tanong, hindi ko na alam ang una kong iisipin. Napatigil ako nang pumarada ang motor ni Clyde sa harapan ko habang nakasakay sa likuran si Abi, na palagi niyang kasama mula noong first year pa lamang kami. Ang alam ko, magkaibigan talaga ang pamilya nilang dalawa at sanay sila sa isa't-isa. Hinubad ni Clyde ang suot niyang helmet ganun din naman si Abi. "Bakit?" tanong ko sa kanila. "Nakalimutan mo sa classroom." Inabot sa akin ni Clyde ang isang lumang notebook. Napasinghap ako sa gulat. Bakit tila ba'y hindi ako maingat ngayon? Bakit sa lahat ng maiiwan ko sa klase... ito pa? "Hindi ko alam na ganyan pala kayo kaclose ni Hanako no? Pati diary niya... nasa'yo. " Nakita ko ang pagngisi ni Abi pagkatapos niyang sabihin yon. Tinignan siya nang masama ni Clyde na napagtahimik naman sa kanya. "Sige, mauna na kami Raphael. Nasa mesa mo kasi yan kaya naisip ko na sayo talaga yan. Mahirap din na may makakitang iba." Sabi niya bago paandarin ang motor. Tinignan ko sila habang papalayo. Binasa kaya nila ito? Malamang. Kung ako sila, babasahin ko talaga ang nilalaman nito lalo na't nalaman nila na diary ito ni Hanako. Pinapanalangin ko lang na kaunti lang ang nabasa nila. Sana nga kung hindi, nanganganib ang sikreto ko. Inilagay ko sa bag ang notebook na iyon. Naglakad muli ako pero ngayon, tila ba'y blanko ang isip ko. Ilang minuto ang nakaraan na para bang naglalakad ako na walang kamalay-malay. Saka ko muli naalala si Hanako. Napatigil ako sa paglalakad. Dito sa daan na ito, dito sa kinatatayuan ko. Napalingon ako sa gilid dun sa isa pang daan papunta sa isang malawak na pribadong farm. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo. Hindi ko namalayan ang dahan-dahan kong pagngiti.

Page 146: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bumalik lang ako sa realidad nang biglaan kong narinig ang cellphone ko na nagriring. Sino ba ang tatawag sa akin sa ganitong oras? Naka-silent ang cellphone ko sa text. Wala naman akong inaasahang tawag. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at agad na sinagot ang tawag ni... ...Austin. Bago pa ko makapagsalita ay agad kong narinig ang hingal na hingal niyang boses. "P-Pare... t-tulungan mo k-kami." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DUN SA 'WOLF', 'RABBIT' & 'JUNGLE'. Inspired ako sa comeback ng EXO ngayon eh kaya may wolf. Joke! Inspired yan sa manga na 'Doubt', basahin nyo maganda yun! Tsaka dun sa Jungle, dun naman sa Jungle fish yan. May nabasa ako dun dati na 'rules of the jungle' ata? Naalala ko yung EXO ngayong ni-paste ko sa wattpad itey. Yun nga pala yung comeback song nila hahaha. Ang ganda nung kanta. *_* (Walang konek) SA PICTURE SA GILID --> Yan po yung itsura nung mga parang naka-mascot sa mga class pictures. Sa Doubt (manga) pa rin galing yung pictures na yan. Salamat sa pagbabasa! Voice out your opinion. :* "We, who are about to die salute you." -Unknown. (From the Latin phrase, 'Morituri te salutamus') --------------------------------------------x CLYDE'S POV HINAWAKAN ko nang mabuti sa kanan kong kamay ang hawak kong cellphone na agad ko naman binulsa pagkaraan ng ilang minuto. Napa-buntong hininga ako

Page 147: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sa di ko malamang dahilan. Siguro dahil napapagod na rin ako sa kakaisip ng gagawin at maaring kahahatungan ng gagawin ko. "May iba ka na namang iniisip." Napalingon ako kay Abi ng sinabi niya iyon. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. "Sus. Nitong mga nakaraang araw, parang wala ka sa sarili mo. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tuloy tuloy niyang tanong. Tulad ng kanina, umiling lang ako. "Siguro, galit ka sa akin no? Dahil palagi kong kinokontra si Sapphire. Sus, Clyde, kilala na kita." Hindi ako umimik. Hindi dahil sa totoo at hindi ko rin naman itinatanggi. Isa na ring dahilan iyon pero may iba pa kong iniisip. Bagay na kasing halaga ng buhay ko. "Naku nga Clyde, magsalita ka nga! Nakakainis ka na ah!" tumigil ako sa paglalakad. Humarap lang ako kay Abi at ginulo ang buhok niya na parang isang tuta. Nakakairita talaga ang mga babae, ang daming sinasabi. De bale, si Abi naman ito, kaya ko siyang tiisin. Hindi naman eh. Hindi naman ako galit sa kanya. Sadyang may mga bagay lang talaga na dapat hindi niya malaman. Mga bagay na hindi naman niya maiintindihan. Wala namang problema kung sa huli na niya ito maunawaan. Para rin naman sa kanya ito eh. "Nakakairita ka talaga. Galit na nga ako rito tapos ganyan ka lang, parang wala lang. Hindi naman sa lahat ng oras mahinahon ka. Bakla ka no?" napatawa lang ako sa mga sinasabi ni Abi. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi dapat siya sinasagot dahil mas lalo pang hahaba ang usapan. Kilala ko si Abi. Napatingin ako sa gilid nang namataan ko si Sapphire at si Katherine. Nitong mga nakaraang araw, parating sila na lang ang magkasama. Wala si Cyrus, binabantayan ang kanyang kapatid na biglaan daw isinugod sa ospital. Wala rin si Austin at Aislinn. "Oh bakit biglang nagbago ang facial expression mo?" tanong na naman ni Abi. "Ha?" tanging tugon ko.

Page 148: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Bigla na lang nanlumo ang mukha mo. Siguro dahil sa napatingin ka kala Sapphire ano? Tsk tsk. Hindi kita masisisi, nakakapanlumo talaga ang mukha ni Sapphire." Bahagya ko siyang binatukan sa sinabi niya. Maloko talaga to. Mabait naman talaga si Abi. Medyo kalog lang ang utak at palaaway. Palagi nga ako ang nagiging taga-awat kapag nakikipag-away siya mula noong mga bata pa lamang kami at hanggang ngayon. Matapang siya at walang inuurungan kaya nga dun ako nag-aalala eh, masyado siyang matapang. Mabuti na lamang at palagi akong nandirito para pakalmahin siya. Basta lang kasi siyang bira nang bira dapat sa bawat kilos at salita, pinag-iisipan "Sige Clyde na super seryoso, mauna na ko. Susunduin ako ni dad ngayon eh. Naalala siguro niya na may anak siya. Bye." Kumaway lang ako sa kanya bilang pamamaalam saka tumuloy na ko sa motor ko. Sinuot ko ang helmet at agad na pinaandar ang makina. Pinaharurot ko ito palabas ng parking lot. Habang nasa isip ko pa rin yung bagay na yon. Depende na siguro. Para naman sa ikabubuti ito eh. Dapat ko lang gawin ang mga naiisip kong gawin, ang bago kong plano. Tama naman siguro ang desisyon ko. Hindi man ako sigurado. Lalaban kami sa isang mas malinaw na paraan. Wala man akong rason dati ngunit ngayon, meron na. Napatigil ako sa pagmo-motor ng may sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako kay Raphael na hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Pinatong niya ang niya ang mga kamay niya sa magkabilang tuhod at hinintay ko siyang magsalita. "Clyde, pre, s-samahan mo ko. Pupuntahan natin si A-Austin." Hirap na hirap niyang sabi habang humihingal pa rin nang kaunti. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, siguro dahil sa gulat at maaring ... kaba. Agad ko siyang sinenyasan upang umangkas sa motor ko. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa motor ng sinabi niya sa akin kung saang naroroon si Austin. Ano kayang possibleng nanyari sa kanila? Possible kayang ... hindi naman siguro. Sana hindi.

Page 149: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pinarada ko ang motor ko sa gilid ng estasyon ng pulis at nagmamadali kaming bumaba ni Raphael upang makapasok agad sa loob. Nadatnan namin si Austin na napakadumi, nakaupo sa nag-iisang upuan sa harap ng mesa ng isang pulis, bakas sa mga mata niya ang labis na pag-iyak at yakap yakap ang isang may kalakihang bag at isang kulay puting jacket na sa isang tingin palang ay alam mo ng jacket ng isang babae. "Austin, anong nanyari?" bungad ni Raphael. Umiling-iling si Austin na parang iyak na naman. Ngayon ko lang nakita siya na ganito ngunit nakakapagtaka ... nasan si Aislinn? Iniwan kami ng pulis nang nakalapit kami kay Austin. "Nasan si Aislinn?" tanong ko naman sa kanya. "Si Aislinn ... hindi ko alam." Tugon ni Austin na para bang gulong-gulo. "Napagdesisyunan na naming magtanan pero hindi siya sumipot sa kung san kami magkikita." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa jacket at bag. "Hinintay ko siya hanggang sa makakaya ko pero walang dumating. Bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa kanya." Nanahimik siya ng ilang sandali na para bang ayaw na niyang ipagpatuloy pa kung ano ang sasabihin niya. "Ano? Anong sabi ni Aislinn?" sunod naman na tanong ni Raphael. "Hawak nila si Aislinn. Rinig na rinig ko. Si Hanako ang nagsasalita." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Impossible. Patay na si Hanako. Ngunit imbis na salungatin siya ay hinayaan ko lang siyang magkwento. "Binigay ni Hanako kung nasaan sila. Dun sa gubat, ilang metro ang layo sa tagpuan namin ni Aislinn. Tumakbo ako dun. Saka ko nakita si Aislinn na tumatakbo palayo. Nagkita kami pero hindi nagtagal yun. Hinabol kami ng dalawang tao na hindi ko na namukhaan basta takbo lang kami nang takbo ni Aislinn." Biglang pumatak ang mga luha niya. "Nagkahiwalay kami sa kagubatan. Naligaw ako at mabuti na lamang at may nakakita sa akin na mga mangangaso. " Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Sinubukan naming hanapin kung nasaan si Aislinn pero ang jacket na lang niya ang nakita namin." Inalis niya sa pagkakahawak ang jacket at bumungad sa amin ang sira-sirang jacket ni Aislinn na may bahid ng dugo. "Wala na kong ibang matawagan. Raphael, Clyde, pasensiya na."

Page 150: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Wala siyang ibang matawagan? Eh paano ang mga magulang niya? Tsaka malapit niyang kaibigan sila Sapphire at Cyrus? Bakit hindi na lang sila? Tutal, mas hamak na may magagawa sila kaysa kay Raphael. Napailing na lang ako sa sobrang pag-iisip. Maari rin naman sa sobra niyang kaba ay kung sino na lang ang naisip niyang tawagan. Maaring halos naging blanko ang pag-iisip niya. Tumayo kami at nagsimula ng maglakad palabas ng presinto. "Hindi mo ba talaga sila nakilala?" ang tanong ko sa paglabas namin ng presinto. Napatigil sa paglalakad si Austin at para bang nagulat sa tanong. "Ang ibig kong sabihin, hindi mo ba talaga namukhaan ang mga kumuha kay Aislinn?" tanging iling lang ang tugon niya sa tanong ko na mas lalong kinabahala ko. Hindi kaya ... nakilala na niya? "Teka, mauna na pala ako." Sambit ni Raphael pagkatapos niyang tignan ang kararating lang ng message sa cellphone niya. "Malapit lang kasi rito yung pinagta-trabahuhan ko, pinapatawag ako ngayon dahil nagkulang ng tao. Sige, maglalakad na lang ako." Inalok ko siya na ihatid ko na lang siya gamit ang motor ko pero tumanggi lang si Raphael kaya wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ihatid na lang si Austin. Inabot ko kanya ang isa pang helmet at tahimik kaming bumyahe. Sa tingin ko'y buhay pa si Aislinn. Wala pa namang katiyakan eh. Mamayang gabi, sasabihin ko lahat ng ito kay Sapphire. Dapat lang niyang malaman tutal, mga kaibigan niya ang naging biktima at inaalam talaga niya kung ano ba ang nanyayari sa klase. Pinarada ko ang itim kong motor sa harap ng malaking bahay nila Austin. Bumaba ako at kinuha ang helmet sa kanya. Napatingin naman ako sa bungad ng bahay nila na isang napakagandang garden. Dati pa ko napunta sa bahay nila ngunit mas gumanda ata sa mga mata ko ang itsura nito ngayon. "Salamat pre." Sabi ni Austin nang sinabit niya ang malaking bag sa likuran niya at humakbang palayo.

Page 151: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Anong gagawin mo? Paano na si Aislinn?" ang tanong na kanina pang bumabagabag sa akin. "Ewan ko pre. Wala na rin sigurong pag-asa. Baka katulad lang din ng nanyari kay Harvey, baka bangkay na lang niya ang lilitaw." Pumasok na siya nang tuluyan sa gate nila. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko dumaan siya sa harap ng magulang niya na nasa bungad lang ng bahay nila. Ni hindi siya binati o kinamusta man lang. Ilang araw na nawala ang anak nila, ni hindi man lang sila nagtanong? Tungkol sa huling sinabi ni Austin, hihintayin na lang niyang lumitaw ang bangkay ni Aislinn? Nawalan na ba siya ng pag-asa? Tss. Iniligay ko sa malit na compartment ng motor ko ang helmet na sinuot ni Austin at pinaharurot ang motor ko palayo. MURDERER'S POV Tinanaw ko ang labas habang hinihintay ang pagdating nila. Kakupad-kupad naman ng mga iyon. Ayaw ko pa naman sa kasama ko rito. Kung hindi ko lang siya kailangan para manyari ang gusto ko, hindi ko siya isasama eh. Wala lang talaga akong ibang pagpipilian. Dapat akong gumawa ng mga paraan para maging mas madali para sa akin ang lahat. Pakialam ko ba sa nararamdaman nila? Paghihiganti man o ano ang dahilan nila, wala na ako dun. Basta, gusto kong mamatay siya. Gusto ko lang makuha ang dati ko pang gusto. Makakamit ko yun lalo na ngayon. Impossible man pero malinaw na ang daan ngayon. Wala ng kalat na nakaharang sa daraanan ko. Masaya ako dahil sa isang tao lang at ayos na ko dun. Hindi niya ko sinasaktan. Hindi niya ako pinapabayaan. Hindi niya ko binabalewala. Ngayon, nakukuha ko ang buong atensyon niya. Yun lang ang importante sakin. Pero ano bang ginagawa ko sa maliit na apartment na to? Psh.

Page 152: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tinignan ko siya nang masama habang kandong niya yung itim na pusa niya na nakalimutan ko ang lecheng pangalan. Umupo ako sa couch sa harap niya at tinitigan pa siya nang mas maigi. Wala pa rin siyang pinagbago. Masasabi ko lang na mas lumala ang ugali niya pero ganun pa rin siya ... katulad pa rin ng dati. Pumayag siya sa plano ko kahit na noong simula ay pakiramdam ko'y hindi siya sasang-ayon. Hindi kasi siya ganito pero naniniwala na ko ngayon na ang lahat ng tao ay may tinatagong demonyo sa loob nila. Siguro dahil kahit ang pinakamatalik niyang kaibigan ay may tinatago siyang sama ng loob. Alam ko ang lahat ng nanyari, inalam ko ang lahat. Gagamitin ko ang sikreto nila laban mismo sa kanila. Bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. "Haaaay! Ang tagal nila!" pagmamarakulyo ko sabay tayo sa kinauupuan ko. "Hoy, magsalita ka nga. May makakain ba dito?" tumingin siya sa akin at ngumiti. Para bang hindi niya naintindihan ang tanong ko, imbis na sagutin ay bumalik lang siya sa pagtingin niya sa alaga niyang pusa na wala namang naiitulong sa amin. Nakakairita talaga. Bigla ko tuloy naalala si Aislinn, ang tibay ng babaeng yun. Iyon ang unang beses na nahirapan ako sa isang tao. Madami na kong nawakasan na buhay mula pa noon pero ngayon lang ako napagod kakahabol sa isang nilalang. Siguro sanay na talaga ako na basta sinasaksak na lang o ano mang mas masaya na paraan para patayin ang biktima. Mas madali yun. Pero nasaan na nga ba si Aislinn? Kahit makahingi pa siya ng tulong, wala na siyang magagawa. Sigurado akong patay na siya base sa pagkakalkula ko sa mga natamo niyang saksak at sugat. Sa pagtakbo palang niya, sigurado akong halos pilay na ang mga paa niya. Hindi siya magtatagal. Ilang araw siyang maliligaw sa kagubatan na yon at maaring nahulog na lang siya sa kung saan. De bale, sisiguraduhin namin lahat ng iyan pagkatapos ng pag-uusap na gagawin namin. Sa ngayon, magulo pa ang plano at bumalik ako sa grupo na

Page 153: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ito para ayusin ang lahat. Desidido na ko, ipagpapatuloy ko ang sinimulan ko. Napalingon ako sa pintuan. Nandito na siya. "Bakit natagalan ka? Hindi mo ba alam kung gaano nakakairita kasama yang tao na yan?" wala ekspresyon ang mukha niya bagkus ay umupo lang siya sa tabi ng taong iyon at kinuha niya ang pusa at hinaplos-haplos ang balahibo nito. Ilang minuto ang nakaraan bago siya nagsalita upang sagutin ang tanong ko. "May mga nanyari lang na hindi inaasahan. May hinihintay pa ba tayo? Nasaan na yung sinasabi mong dapat kong makilala?" tanong naman niya. Napangisi ako. Oo nga pala, ngayon lang niya makikilala ang isa naming kakampi. Pinagmasdan ko lang siya habang wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. Hinahaplos pa rin niya yung itim na pusa. Hindi ko alam kung ba't siya sumali sa amin, ni hindi ko alam kung bakit ko siya sinabahin. Siguro dahil sa nakaraan niya pero dapat ko siyang maiging bantayan, hindi ako sigurado kung kakampi nga siya o isang kaaway. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Siguro naman sa oras na ito, makakaabot siya? Sumandal ako sa pader. "Malapit na siguro yun baka may inasikaso lang." Nakangisi kong sinabi. Nakuha ng isang maliit na pigurin ang atensyon ko. Isang pigurin na nakatapatong sa lamesa sa di kalayuan. Maaring dahil alam kong nakita ko na ang pigurin na ito, hindi ko lang talaga maalala kung saan at kung kanino. Basta, nakita ko na ito. Sobrang pamilyar. Nilapitan ko ang nasabing lamesa at kinuha ang pigurin. Halata rito ang mano-manong pagdidikit ng bawat parte. Mukhang nabasag na ito dati pa. Titignan ko na sana ang ibaba nito dahil sa may nakita akong itim na tinta sa dulo. Nang biglang may humawak ng braso ko. Mabuti na lamang at hindi ganun kalakas dahil baka mabitawan ko ang pigurin, isang pigurin ng cherubin. Napalingon agad ako sa kanya. Walang anu-ano ay agad niyang kinuha ang hawak kong pigurin. "Wag na wag kang mangingialam ng mga gamit ko rito." Matigas niyang pagkakasabi. Inirapan ko lang siya at bumalik na ko sa

Page 154: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kinatatayuan ko kanina. Dapat pa pala siyang magalit bago ko siya magsalita. Tsaka, ano bang importante sa pinagdikit-dikit na pigurin na iyan? Kung nasira na, dapat itinapon na lang niya. Masyado siyang mapagpahalaga sa mga gamit. De bale, mamamatay rin naman siya. Hindi ko na dapat siya problemahin. Iniisip ko palang na mamamatay siya, natutuwa na ko dahil kung nagkataon, pangalawang beses na ito. Tanga lang talaga ang 3-C dahil hanggang ngayon, pinapanindigan nila na patay na siya. Psh. Mga hunghang. Pare-pareho lang silang lahat. Sinasaktan ako ng lahat, pinapakita nila sa akin ang lahat ng kasamaan ng tao mula pagkabata ... mula noong namatay ang nanay ko. Puro kasamaan at kasakiman ang pinakita sakin. Hanggang sa nasanay ako. Hanggang sa halos kauri ko na rin sila. Mga taong nagtatago sa likod ng isang masayang maskara. Ngunit iba siya, sa lahat ng kilala ... siya lang ang iba ang pakikitungo sa akin. Madami na akong pinatay. Sa mura kong edad, hindi ko halos mabilang ang mga buhay na winakasan ko. Basta't nalulungkot ako, basta't matinding galit at pagdaramdam ang nararamdaman ko, ang tanging gusto ko lang ay kumitil ng buhay. Lahat ng nararamdaman kong sakit ay dinaraan ko na lamang sa malalim na pagsaksak sa kung sino man ang magustuhan ko. Tumigil na ako noon pero nanumbalik ang lahat ng nalaman ko iyon. Ilang pangalan ang binigay sa akin ng pulisya mula pa noon. Isang serial killer, ang tao sa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa lugar namin lalo na tuwing gabi. Walang eksaktong oras, walang eksaktong araw. Basta't gusto ko lang pumatay ... basta't nakakaramdam ako ng matinding emosyon, pumapatay talaga ako. Madami silang hula ngunit kahit isa man doon ay hindi totoo. Akala nila'y lalaki ako, akala nila'y isa akong matanda dahil sa paraan ng aking pagpatay. Mga tanga talaga sila. Kumalat rin ito sa eskwelahan dati dahil sa tatlong sunod-sunod na pagpatay sa tatlong estudyante sa iba't-ibang high school level ng eskwelahan ngunit agad naman itong nawala dahil sa tinuldukan na ito ng napakagaling naming Presidente, si Mr. Laketon.

Page 155: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hinahangaan ko siya kaya sinasalamin ko lahat ng ginawa niya mula pagkabata niya. Ang eskwelahan na tinayo nila, akala lang ng ilan ay para sa pag-aaral at pagpapalaki ng negosyo ito ngunit ... nagkakamali sila dahil ang Laketon Academy ay isang malaking paligsahan. Mga mahihina laban sa malalakas. Mga bobo laban sa mga matatalino. Mga sisiw laban sa mga agila. Naputol ang lahat ng pag-iisip ko nang bumukas muli ang pintuan. Nandito na rin siya, sa wakas. Magsasalita na sana siya kaso tila ba'y napako siya sa kinatatayuan niya nang natanaw niya ang isa pa naming kasama, ang taong hindi niya alam na kasama sa grupo. Pareho silang nakatitig sa isa't-isa, parehong gulat. Sabi ko na nga ba. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY Singkit_TJ, dahil mas alam pa niya ang book 1 kaysa sa akin hahaha. De promise, mas alam pa niya sa author eh. Maraming maraming salamat kuya pusang mabait na singkit! Sobra. T.T SI ABIGAIL PO ANG NASA PICTURE SA GILID. Dapat gif kaso nagkaproblema eh. ADD NYO NA RIN PO SI ABIGAIL LIM SA FACEBOOK. Nasa external link po. Salamat sa pagbabasa! Comment lang ng gustong sabihin at ng opinion sa baba! :) "An open enemy is better than a false friend"-Greek proverb --------------------------------------------x LUNA'S POV SUMILIP ako sa gilid ng isang bookshelf upang mas makita at marinig sila Sapphire, Katherine at yung Blake na yun. 6: 30 am palang at hindi ko

Page 156: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

alam kung bakit ganitong kaaga sila mag-usap. Nagkataon lang na pumasok ako nang mas maaga upang hanapin muli ang pulang libro dito sa lumang library. Nagbabaka-sakali na makalusot ngayon sa bagong librarian sa oras na ito. Una kong nadatnan si Blake na tahimik na nagbabasa. May lumapit sa kanya na isang babae na narinig kong tinatawag niya 'Sam' ngunit umalis rin ito pagkatapos niyang ibigay ang isang folder dun sa Blake. Ilang minuto ang nakaraan at napatingin muli ako sa kinauupuan niya ng dumating naman si Sapphire at Katherine. Doon na ko nagtago at nagmatyag sa mga kilos nila. Maari kayang konektado pa rin ito sa librong nakuha niya? O Iba pa? Mas inilapit ko pa ang mukha ko upang mas marinig ang pag-uusap nilang tatlo. Nakakapagtaka talaga. Kailangan pa talaga nilang mag-usap ng ganitong kaaga? Nanliliit ang mga mata ko habang mas iniintindi ko ang mga sinasabi nila. Minsan kasi humihina ang mga boses nila at kung minsan naman ay lalakas, sapat na lakas upang marinig dito sa kinatatayuan ko. Ilang pangungusap lang ang medyo naintindihan ko ngunit hindi ko sigurado kung tama nga ba ang pagkakarinig ko. Nakakainis. Gusto kong malaman. Gusto kong marinig ang buo nilang pag-uusap. Parang nagsasayang lang ako ng oras sa mga taong ito. Nakakaleche pero malakas talaga ang kutob ko na may mapapala rin ako sa ginagawa ko ngayon. Gagalaw pa sana akong paabante ngunit sa paggalaw ko nang kaunti ay naglaglag ang nasa tabi kong mga libro. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at umatras ako upang maiwasan ang pagkakita nila sa akin. Hindi ko na pinulot ang libro at hinayaan na lamang ito sa pagkakabagsak. Sa tingin ko naman ay hindi sila nagtaka kaya narinig ko pa rin ang mga mahihina nilang boses. Ilang minuto ang nakaraan at bumalik ako sa posisyon ko kanina at sumilip ulit sa kanila. Ngayon naman ay may dumagdag na isang babae. Nakatayo ang babae na may kahabaan ang itim niyang buhok, medyo maliit siya at suot niya ang uniform ng Laketon Academy katulad naming lahat. Nakayuko siya sa harap nung Blake habang sila Sapphire at Katherine naman ay nakatingin lang sa babae na para bang hinihintay siya na magsalita.

Page 157: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"K-Kuya Blake, ako po si Jannine Ilagan, galing sa class 2-C. Gusto ko lang po sanang ibigay sa inyo i-ito." Sabay abot ang kanina pa niyang hawak sa likuran niya na isang papel. Lumipat ako sa kabilang bookshelf na hinaharangan ng isang istanteng gawa sa kahoy ngunit may sapat na maliit na espasyo sa pagitan upang makita ko sila. Pakiramdam ko, kailangan ko talagang marinig ang pinag-uusapan nila. Naniniwala ako sa kutob ko dahil sa napakaraming pagkakataon, palaging tama ito. Sigurado ako. Hindi umimik si Blake at kinuha lang niya ang bigay na papel nung sophomore. "Matagal na po k-kasi akong may gusto sa inyo eh. " Nahihiya pang sabi ng babae habang kita ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa kaputian niya. Ramdam ang bawat tensyon na nararamdaman niya dahil sa kinikilos niya sa harap nila Blake. "Salamat. Pwede ka ng umalis." Walang emosyon na tugon nung Blake. Mas lalong yumuko ang babae marahil dahil sa pagkapahiya niya sa harap nung lalaking iyon. Nakita ko namang tinitigan lang nung Blake ang papel na nakuha niya at nilukot ito. Hindi ko alam na ganito pala ang pag-uugali ng presidente ng student council. Napatingin ako sa relo na suot ko, 6:50 am. 7:30 am pa ang simula ng klase at alam kong malapit na silang umalis ngunit wala pa rin akong nakukuhang kahit anong impormasyon na kakailanganin ko upang malaman kung ano nga ba talaga ang nanyari, nanyayari at manyayari sa klaseng to. Bwisit. "Hindi ka pa rin nagbabago, Blake." Ngayong mas malapit na ko sa kanila ay malinaw kong narinig ang mga katagang binigkas ni Sapphire. Nakita ko namang hinawakan siya sa braso ni Katherine maaring bilang isang babala. "Tama ka Sapphire. Yun pa rin ako. Sino bang nagsabi na nagbago na ko?" tugon naman nung Blake. Nasa boses pa rin niya yung naramdaman ko sa unang beses ko siyang nakita, para siyang nanghihipnotismo. Parang lahat ng sinasabi niya ay purong katotohanan at wala ng magagawa ang kausap niya kung hindi maniwala na lamang sa lahat ng katagang binibigkas niya.

Page 158: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Oo, sino nga ba diba?" pinatong ni Sapphire ang dalawa niyang kamay sa lamesa sa harap nung Blake. Bahagya siyang nakaharap sa kinatatayuan ko kaya kitang-kita ko ang ngisi sa mukha niya bago siya magsalita muli. "Sabi ko naman sayo eh, mas tanga ka kaysa sa akin. Hanggang ngayon, nagpapakatanga ka pa rin kay Hanako." Hindi ako nakagalaw sa narinig ko. Kamuntikan na kong mapasinghap ngunit agad kong tinakpan ang bibig ko. Anong koneksyon ni Hanako sa Blake na yan? "Hindi ako tanga Sapphire. Nagmahal lang ako." Nakita kong napatayo si Blake sa mga sinabi ni Sapphire. Para ba silang nagpapaligsahan sa pagtititigan bago muling magwika si Sapphire na lubha kong kinagulat. "Pareho lang 'yon pero ngayong wala na ang bobo mong girlfriend, ano ng gagawin mo?" matigas na pagkakasabi ni Sapphire. Imbis na sumagot ang kausap niya ay naglakad ito ng ilang hakbang palayo hanggang sa matapat siya sa pintuan palabas ng lumang library. "Wala na nga ba talaga siya?" malakas na sabi nung Blake. "Mauna na ko, Sapphire. Magsisimula na ang klase. Sana ay natulungan kita sa mga nalaman mo ngayon." At tuluyan na siyang umalis. Napahawak ako sa ilalim ng baba ko dahil sa pag-iisip. Nagkaroon ng relasyon yung Blake at yung Hanako? Hindi kaya ... siya ang naghihiganti para sa kanya? Hindi kaya hindi talaga patay si Hanako? Buhay pa ba talaga si Hanako? Isa lang bang palabas ang pagpapakamatay 'kuno' niya? O totoong bangkay niya ang nakita namin? Tumingin muli ako kala Sapphire na papaalis. Tinignan ko ulit ang oras sa relo ko, 7:08 am. Mukhang kailangan ko ng tapusin ang talagang pinunta ko rito lalo na't may kaunti akong nalaman tungkol sa lalaking iyon at kay Hanako. Alam kong kulang pa ngunit nararamdaman kong mas may malalaman pa ako. Saka ako pumunta sa pinakadulo ng library kung nasaan ang pulang libro. Kailangan kong madaliin ito, hangga't hindi pa bumabalik ang librarian. Dahan-dahan akong naglalakad at sa paglalakad ko ay tinitignan ko isa-isa ang nakaayos na libro sa bookshelf. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko makita ang hinahanap ko. Ang alam ko, dito lang nakuha ni Spade yung pulang libro. Kailangan ko yun makita dahil noong umalis si Sapphire noong araw na iyon ay may nahagip ang mata ko na interesanteng pahina sa libro. Hindi lang

Page 159: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ako nakalapit dahil pinagkaguluhan na ito ng lahat. Sigurado ako ... nakita ko yung teacher Yuko at yung nurse ng school sa pahina na iyon. Siguradong-sigurado ako. Ngunit nasaan na nga ba? "Ito ba ang hinahanap mo, hija?" napalingon ako ng may narinig akong malalim na boses sa likuran ko. Akala ko'y nahuli ako ng librarian ngunit nagkamali ako. Saka ko siya nakitasa likuran ko habang hawak-hawak sa kanan niyang kamay ang pulang libro na hinahanap ko. Napaatras ako ng dalawang beses kasabay ng paglunok ko dahil sa kaba. Hindi pupwede ... kailangan ko ng kasama ngayon. Delikado na maiwang mag-isa kasama siya. "M-Mr. Laketon." Ngumiti siya pagkatapos kong bigkasin ang mga katagang iyon. Isang ngiti na alam kong hindi nakakabuti sa sitwasyong ito. AUSTIN'S POV Sa pagpasok ko sa classroom, agad akong sinalubong ng mga kaklase ko at sunod-sunod nilang tinanong kung ano nga ba ang nanyari ngunit mas pinili kong manahimik na lamang at umupo sa upuan ko. Kinawayan ko si Sapphire nang pumasok siya. Tulad ng iba, lumapit din siya sa akin at tinanong ng napakaraming tanong. Nakakairita kahit papano. "Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. Wag kang mag-alala, nasa maayos na lugar si Aislinn." Sagot ko. Ilang minuto bago magsimula ang unang klase ay nakita kong pumasok si Cyrus. Yung gagong 'to. Agad naman siyang pumunta sa kinauupuan ni Sapphire at kinulit ang kaibigan namin. Napangisi ako. Hindi ako makakapayag na papetiks-petiks na lang 'tong gago na 'to. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Cyrus, gaganti na ko sa'yo. Magbabayad ka ngayon .

Page 160: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tinanggal ko naman ang pagngisi ko ng nakita kong papalapit din sa akin si Cyrus. "Kamusta ka na pre?" tanong niya. "Eto, buhay pa." Tanging sagot ko. Tinapik niya ako sa likuran saka pumunta sa kinauupuan niya. Napabuntong hininga naman ako. Kaibigan? Ulul. Wala na kong pake sa kaibigan lalo na kung para sa akin at kay Aislinn. Matagal na kong nagtiis. Matagal akong naghintay. Hindi ko pinaglagpas ang pagkakataon na makasama si Aislinn ... si Aislinn lang. Mawala na ang lahat, maglaho man silang lahat basta huwag lang si Aislinn. Ngunit wala na kong ibang pagpipilian, masyado ko siyang mahal. Ilang minuto muli ang nakaraan at pumasok na ang teacher. Tulad ng dati, nagsalita lang siya nang nagsalita sa harap kahit na wala namang nakikinig sa kanya kundi ang mga walang kwentang matatalinong tao dito sa classroom. Tumingin ako sa buong klase. May kung anong kilabot akong naramdaman ng nakita kong nakatingin siya sa akin. Hindi siya nakatingin nang masama, hindi rin naman siya nakatingin na para bang mabuti ang pinapahiwatig. Basta ang nararamdaman ko'y nagbibigay siya ng isang nakakahindik na babala. Ngumiti lang ako sa kanya. Para sa akin at kay Aislinn. Inilabas ko ang phone ko dahil sa naramdaman kong nag-vibrate ito. Hindi ako nagkamali, bumungad sa akin ang text message ng walang kwenta kong tatay. Hindi na ko nagsayang ng oras para basahin ito. Agad kong binura ang message at itinago muli sa bulsa ng pantalon ko ang hawak kong phone. Nakakabadtrip lang eh. Nakalipas ang ilang oras. Natapos ang unang klase hanggang sa pangatlong klase. Tahimik akong kumain kasama nila Cyrus. Tulad ng kanina, tanong sila nang tanong ngunit ang sabi ko lang ay sasabihin ko ang lahat mamayang pagkatapos ng klase.

Page 161: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ayokong sabihin ito sa harap niya. Sigurado akong malaking gulo ang manyayari kapag nalaman nila mismo sa bibig ko na siya ay isa sa mga killers. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon at hindi sila ang dapat makarinig nito. Sa pagbalik namin sa classroom ay nasalubong namin si Samantha, yung secretary ng student council, isang sophomore ng section A na kung titignan ay mas may pakinabang pa sa aming mga Junior. "Hi ate Sapphire, ate Katherine, kuya Cyrus at kuya Austin." Magiliw niyang bati. "Alam nyo po ba kung nasaan sila Ate Sandria at Kuya Raphael?" tanong niya. "Nasa library si Raphael. Hindi siya sumabay sa amin kasi may report siyang inaasikaso. Si Sandria naman, nasalubong namin kanina. Papunta ata siya sa elementary building. Mukhang inutusan siya ni Sir Buendia." Sagot ni Katherine habang nakangiti kay Samantha. Tss. May kung ano talaga sa ngiti ni Katherine na nakakairita. Masyadong painosente ang dating sa akin. Isa na rin iyon sa dahilan kung bakit namin ayaw sa kanya sa grupo. Tanging si Aislinn at Sapphire lang naman ang may gustong sumama siya. Psh. "Ah. Ganun po ba? Sige, muna na ako. May sasabihin lang ako sa kanila. Salamat." Ngumiti siya sa akin. Napangisi naman ako habang pinagmamasdan na umalis si Samantha. Nakakairita ang mga ganitong tao eh. Ano kayang sasabihin niya sa mga iyon? Pero ano nga bang pakialam ko? Dapat kong pagtuunan ng pansin ang kailangan kong gawin. Bumalik na kami sa klase. Walang bago, ganun pa rin, mga gago pa rin ang nandirito. Nakatulala lang ako habang nakasandal sa upuan ko. Minsa'y napapangiti ako sa tuwing naiisip ko si Aislinn. Magkakasama rin kami. Alam ko yun. "Mr. Molina, anong nakakatuwa? Mukha kang ewan na ngumingiti riyan." Napatingin sa akin ang lahat ng sinabi iyon ni Sir Buendia. Umiling lang ako saka pinagpatuloy ang pagtingin sa kawalan. Nakarinig ako ng ilang tawanan. Tumingin ako sa mga gagong iyon at nagsitigil naman sila.

Page 162: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Walangya ka talaga kahit kailan, Sir Buendia. May naramdaman akong bumato sa akin ng papel. Tumingin ako nang masama sa kanya ngunit sumenyas lang siya kaya agad ko namang kinuha ang lukot-lukot na papel at binasa ang nakasulat dito. 'Hindi mo kailangang gawin iyon. Huwag kang maniwala sa kanya. Hindi siya marunong tumupad ng pangako.' Umiling ako. Naniniwala ako sa kanya. Kilala ko siya. Tutupad siya sa pangako niya. Kahit na ilang beses pagbalik-baliktarin ang mundo, isa siya sa mga tao na kilala kong tapat sa sinasabi niya kahit na wala namang patutunguhan ang pag-uusap namin pati na rin siguro ang mga naiisip niya. Basta, alam ko. Ibabalik ko si Aislinn. Akin lang si Aislinn. Hindi ako makakapayag. Natapos ang klase ngunit bago magsialisan ang buong klase ay pinuntahan ko si Sapphire sa kinauupuan niya at inaya siya sa labas ng classroom upang kausapin. Sumulyap ako kay Cyrus na abala pa sa pakikipag-usap sa iba. Hangga't hindi niya alam, dun ko mas kailangang makausap si Sapphire. "Bakit kailangang ako lang? Kailangan malaman ng buong klase ang nanyari sayo at kay Aislinn." Sabi pa niya. Lumunok ako upang makaipon ng lakas para sa susunod kong sasabihin. "Hindi maari." Muli ay nagtanong si Sapphire kung bakit na agad ko namang sinagot. "Nandoon ang killers. Hindi tayo dapat magsalita nang basta sa harap nila." Nakita ko ang tensyon sa mga mata ni Sapphire. Mukhang gusto niyang malaman. "Sinu-sino?" tanong niya muli.

Page 163: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Isa lang ang nakilala ko sa kanila." Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin na para bang sinasabi niya na huwag ko na siyang bitinin sa sinasabi ko. "Si Cyrus. Naniniwala ka ba talagang na-ospital si Paula? Alibi lang niya yun Sapphire. Isa siya sa kanila." Napatigil ako ng ilang segundo at muling nagsalita. "Kitang-kita ko siya Sapphire." Tila ba'y nawalan si Sapphire ng kakayahan magsalita at tumingin lang sa akin habang gulong-gulo ang ekspresyon ng mga mata. "Ilang beses niyang sinaksak si Aislinn, ang best friend mo." Sa pagkakasabi kong iyon ay para bang nawalan ng lakas ang kanyang mga paa at napaupo na lamang sa harap ko. Alam kong wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na lamang ang lahat. Nagtagumpay ako. Para sa akin at para sa pinakamamahal kong si Aislinn. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - JUDAS' KISS. (noun) An act of betrayal, esp. one disguised as a gesture of friendship. Oh baka may ibang mag-isip ng kung anu-ano diyan dahil sa title. Wag ganyan hahaha. YUNG SINABI NI SAPPHIRE. Yung sinabihan daw niya na mas tanga kaysa sa kanya si Blake ay nasa chapter 7 (C7: Embrace your iniquity). YUNG GIF SA GILID. --> Si Sir Buendia po yun at yung babae, ipagpalagay na natin na si Luna yun kahit na hindi si Suzy yun. Galing yung pangalawang video clip sa Japanese movie na 'Goth'. Salamat! :) "Cyrus, the wicked wolf." --------------------------------------------x

Page 164: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

LUNA'S POV HINDI ko inaasahan na makakapasok ako rito sa loob ng opisina ni Mr. Laketon. Lalong-lalo na sa ganoong sitwasyon. Nagtataka rin ako. Bakit dinala pa ako ni Mr. Laketon dito? Sana man lang ibinigay na niya ang kailangan ko hindi itong dinala pa niya ako rito. Ilang beses akong napatingin sa opisina. Mas malamig dito kaysa sa classroom. Marami ring nakasabit na mga frame sa dingding. Ang iba ay painting at ang iba naman ay mga papel na maaring certificate o kaya mga awards para sa eskwelahan na ito. Kahit ano man doon ay wala akong pakialam. Marami ring mga papel sa lamesa ni Mr. Laketon at sa likuran naman ng kinauupuan niya ay isang malaking bookshelf. Napansin ko rin ang pintuan sa tabi nito na talagang agaw pansin dahil sa kalakihan ng padlock na gamit. Ngayon ko lang nalaman na may isa pang kwarto sa loob ng opisina ng Presidente ng Laketon Academy. Ano kayang nasa loob nito? "Luna Levesque, Class 3-C." Sabi niya habang binabasa ang hawak niyang I.D ko na kanina'y kinuha niya. Binalik naman niya agad ito sa akin sa pamamagitan ng paglapag nito sa lamesa. Kinuha ko naman ito at sinuot. Tinitigan ko siya ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Nakangiti pa rin siya. Yung ngiti na alam mong walang mabuting iniisip. "Nice to meet you, Ms. Levesque. I've heard so much about you." Napakunot ang noo ko sa narinig ko kay Mr. Laketon. May binuklat siyang kwardeno sa harapan niya at muling nagsalita, "Batay dito, anak ka ni Elmo Levesqye, my old friend. Tignan mo nga naman, ang liit talaga ng mundo." Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti. Hindi ko alam na dati pala niyang kaibigan ang tatay-tatayan ko. Maaring iyon ang dahilan sa mahigpit na pagtanggi niya sa pagpasok ko sa eskwelahan na ito. Ayaw na ayaw niya sa desisyon ko ngunit wala siyang magagawa. Hindi siya ang tunay kong ama para bawalan ako sa mga bagay bagay. Wala siyang karapatan.

Page 165: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Bagsak ka dati sa lahat ng subjects mo. Galing ka sa Marylaine Academy at isa ka sa mga estudyante na binu-bully roon." Pagpapatuloy niya. "Mas lalo akong nagiging interesado sayo, Ms. Levesque." Tumingin siya muli sa akin. Isang ngiti na naman ang pumorma sa labi niya. Nakakauta siyang tignan habang nakangiti. Ewan ko. Wala akong nakikitang mabuti sa ngiti niya. Sa bawat pagtingin sa kin ng Mr. Laketon ay kinikilabutan ako. Para bang hindi niya binabasa ang lahat ng nasa kwadernong hawak niya. Alam kong nandoon ang lahat. Sigurado ako na hindi lang siya basta basta na tumatanggap ng estudyante rito. Maaring sinasala niya ang lahat ng mapupunta sa eskwelahan na ito. Lalo na sa 3-C. Sinarado niya ang kwaderno bago kuhanin ang salamin sa mata na nakalapag sa gilid ng lamesa at agad naman niya itong sinuot. Bumuntong hininga siya saka tumingin ulit sa akin. "Sige, magse-seryoso na ako." Nakangiti pa rin niyang sinabi. Ito siguro ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito. Katulad siya ni Blake ngunit masasabi ko na mas malala ang kay Mr. Laketon. Mas malakas ang pakiramdam ko na para bang hini-hipnotismo niya ang bawat tao na kausap niya. Lalo na ngayon. Para bang tama ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Para niya akong sinasabihan na maniwala sa bawat iyon. "Anong gusto mong malaman sa Laketon Academy?" Medyo nagulat ako sa biglang pagtatanong niya. Hindi ko inaasahan na iyon agad ang kanyang itatanong. Parang nababasa niya ang isipan ko. Hindi karaniwan para sa akin ang kabahan nang ganito. Hindi karaniwan sa akin na matakot sa isang tao nang ganito. Nakatingin pa rin sa akin si Mr. Laketon at umabot ng ilang minuto bago pa man ako makasagot. "Bakit mo pinapabayaan ang pagpatay sa mga estudyante mo?" na sinundan ko naman ng isa pang tanong. "At ano ba talaga ang rules of the jungle na ginamit dito sa eskwelahan mo noon?" pilit kong pinigilan ang pagputol ng ilang mga salita na binanggit ko dahil sa kaba at masasabi ko naman na sapat ang ginawa ko para hindi maipakita sa kanya na kinakabahan ako. Ayaw kong ipakita na mahina ako

Page 166: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

dahil ang kahinaang iyon ang naging dahilan ng pangit na nakaraan ko sa Marylaine Academy. Ngunit bago pa ako makakuha ng tugon mula kay Mr. Laketon ay nakarinig ako ng kaluskos. Napalingon agad ako upang makita kung may tao. Ngayon ko lang naramdaman ito buhat noong pumasok ako rito. Malakas ang kutob ko na may iba pa kaming kasama rito. Titingin pa sana ako sa pinakasulok ng kwarto kung nasaan dang dalawang malaking steel cabinet sa gilid na may ilang pagitan sa gitna at isang malaking paso na may nakatanim na halaman ngunit hindi ko na nagawa dahil nakuha ang atensyon ko ng sagot ni Mr. Laketon. "Para sa isang tulad kong mayaman, may pinag-aralan at galing sa isang mayamang pamilya. Isa na lang libangan sa amin ang buhay ng mga tao." Tumayo siya at sumandal sa bookshelf na nasa likuran lamang niya. Saka siya muling nagsalita, "Tutal, ginawa naman ang tao para mamatay. Bakit hindi nating gawin kapana-panabik diba?" Kinuha niya ang pulang libro sa bookshelf, maaring iyon ay ang sarili niyang kopya. "Tungkol sa rules of the jungle, mukhang alam nyo na ang nakaraan ng Laketon. Wala naman akong pake dun, may mga nakakaalam naman na estudyante lalo na sa section A at B tanging kayo lang ang ignorante tungkol sa larong iyan." tumawa siya nang mahina pagkatapos niyang sabihin iyon. Umupo siya muli habang inilalapag ang kinuha niyang libro sa lamesa. Binuklat niya ito habang nagsasalita. " Ang larong iyon ay para sa mga nilalang sa tuktok ng tatsulok, kami. Habang kayo naman ay nasa ibaba. Mga makapanyarihan laban sa mga mahihina. Pero mayroon namang mga nakaligtas. Ang mga rabbits na marunong lumaban. Tulad ng sinabi sa libro, 'Revenge is the key. Death is the punishment.' Siguro alam mo na kung papano?" ngumiti siya kasabay ng pagtaas niya ng libro sa pahina na talagang hinahanap ko. Ang pahina kung nasaan ang litrato nung teacher Yuko na sinasabi nila pati na rin ang nurse ng school. "Sila ang nakaligtas na mga rabbits. Sila lang ang nakalabas ng buhay mula noon pa." Napasinghap ako. Kaya pala. Muli kong naalala ang nakalagay sa libro, 'Revenge is the key. Death is the punishment.' Paghihiganti at kamatayan. Napatingin ako sa gilid ko habang sinusubukan na mag-isip tungkol sa pagkaligtas nila. Ano kaya ang possibleng nagawa nila upang makalabas ng buhay?

Page 167: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ang pumatay rin? "Hinahangaan ko sila. Hinahangaan ko ang tapang nila para makaligtas. Mga matatalino ... parang ikaw." Tumayo siya at ngumiti muli sa akin. "May tanong ka pa rin ba?" hindi ako nakatugon. "Maari ka ng umalis kung ganun." Wala akong imik na tumayo. Papalapit ako sa pintuan upang lumabas na agad. Mukhang hindi ko talaga kayang manatili rito. Maaring ngang marami akong nalaman. Maari ngang nasagot na ang mga tanong ko ngunit iba ang kaba na nararamdaman ko kahit ngayon. Yung nurse at yung dating teacher... Ngunit bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay napatigil ako sa sinabi ni Mr. Laketon. "Teka nga, matalino ka nga ba talaga Ms. Levesque?" isang mahinang tawa na naman ang narinig ko sa kanya. Lilingon pa sana ako kay Mr. Laketon ngunit natigilan ako nang may nagtakip ng bibig ko gamit ang isang tela o kung ano man. T-Teka ... a-anong nanyayari? Nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa nawalan ako ng malay. SANDRIA'S POV Umupo ako sa tabi ni Raphael dito sa library. Kararating lang namin ni Sam dito. Hindi ko man alam kung bakit pero sumama na rin ako. Ang sabi niya kasi ay tungkol ito sa nanyayari sa klase namin. Ano bang alam ng isang sophomore sa mga kaganapan sa klase namin? Nakakapagtaka. Pero di bale, malalaman ko rin naman. "Kuya Raphael at Ate Sandria, ayaw ko ng magpaligoy-ligoy." Huminga siya nang malalim bago magsalita. "Noong nakita yung bangkay ni Ate Hanako sa classroom nyo, noong assembly. Bago nakita iyon ay napadaan pa ko sa high

Page 168: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

school building kasi kinuha ko iyong pinapakuhang folder ni Mr. Laketon. Bago yung sigawan, nakita kong lumabas sa classroom ninyo si kuya Cyrus." Napansinghap ako sa sinabi niya. Si ... Cyrus? "Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Raphael. Naiintindihan ko siya, matalik niyang kaibigan si Cyrus at maaring naiinis siya ngayon sa narinig namin mula kay Sam. "Ay wag po kayong magalit agad. Nakita ko lang po siya nun. Hindi na ako nagtaka dahil baka may nakalimutan lang siya o ano pero ilang sandali ay biglaan naman tayong nakarinig ng sigawan saka nakita yung bangkay ni Ate Hanako sa classroom. Hindi ba, nakakapagtaka yun?" napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Maari ngang nakakapagtaka kung bakit bumalik pa sa classroom si Cyrus noong mga panahon na iyon. Sa totoo lang, hindi ko siya napansin. Wala kasi akong pake sa paligid ko noon dahil pakiramdam ko'y walang kwenta ang pagpunta namin sa bagong gawa na gymnasium. Nakakainis, hindi ko man lang napansin. Ano naman ang dahilan niya sa pagpunta roon? Maari kayang kasabwat siya ni Hanako sa pagkukunwari na pagpapakamatay? O Siya mismo ang gumawa non kay Hanako? "Kung nandoon siya. Maaring-" agad naputol ang pagsasalita ko ng napansin ko na iba na ang aura ni Raphael. "Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi pero hindi ako naniniwala sayo. Lalo na't kilala ko pa yung Blake na yun. Isa na naman ito sa kalokohan niya diba? Mas matalino ako sa kanya. Yun ang sabihin mo sa gagong yun." Ito ang unang beses na narinig ko si Raphael na magsalita nang ganun. Ni hindi ko alam na ang salitang 'gago' ay kayang-kaya niyang sabihin. Siguro nga hindi ko talaga siya kilala.

Page 169: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Pero k-kuya, dapat kayong mag-ingat sa kanya. Delikado. Pinapaalalahan ko lang kayo." May kung ano sa tono ni Sam na nakakaawa. Ngunit kung kaibigan nga siya nung Blake na iyon, mahirap nga siyang paniwalaan. "Sige nga, bakit ngayon mo lang sinasabi ito sa amin? Bakit hindi pa dati?" natahimik si Sam sa tanong ni Raphael. "Kung may balak kayong manloko, ayusin nyo." Tumayo si Raphael at hindi ko namalayan na hawak hawak na pala niya ang kamay ko palabas ng library. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Kahanga-hanga talaga siya. "Wag kang maniwala sa kanya." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "At tsaka sana palagi kang maniwala sa akin. Hindi ako magsisinungaling sa'yo." Napakunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya. Biglang nabuo ang isang tanong sa isipan ko. Dapat ko ba talaga siyang paniwalaan? Kung isa man si Raphael sa kanila sigurado akong magiging mahirap ang laban. Isa si Raphael sa mga matatalinong kilala ko. Pabalik na sana kami sa classroom nang biglang lumapit sa amin si Spade na hingal na hingal. Itatanong ko sana kung anong nanyari ngunit agad siyang nagtanong sa amin. Na sanhi ng pagkagulat ko. "Nakita nyo ba si Luna?!" CLYDE'S POV Tinapon ko ang hawak kong juice box sa gilid habang naglalakad. Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Kanina'y kinulit ako ni Abi hanggang sa umuwi na rin siya. Sana hanggang sa dulo ay ganun pa rin kami. Alam ko rin kasi na baka sa mga susunod na araw ay possible akong kamuhian ni Abi. Hindi ko iyon kakayanin. Siya ang pinakamatalik kong kabigan.

Page 170: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nasalubong ko naman si Ms. Maeganne na kasama ni nurse Tin. Sa lahat ng staff dito, silang dalawa ang hindi ko inakala na magkakasundo. Tinignan ko ang oras sa suot kong relo, 5:20 pm. Kaunti na lamang ang tao rito sa school. Siguro ang iba ay nasa library. Lalo na yung mga taga-section A at B, tambay ata sa library yung mga iyon hanggang sa gabi. Pero sa pagkakaalam ko, naiwan sila Sapphire at ang iba dito sa school, kung nasaan man sila ay hindi ko alam. Bumuntong hininga ako. Tinatamad kasi akong umuwi. Tumingin-tingin lang ako sa paligid, nagbabakasakali na makakita ng kakilala ngunit sa lahat ng tao na inaasahan ko ay siya pa ang nakita ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti niya pa rin. Bakit siya nandirito sa oras na ito? Mas maaga ang uwian nila kaya sigurado ako na dapat kanina pa siyang nakauwi. Hindi ko siya pinansin imbis ay naglakad ako palayo. Ayaw ko sa mga nakakairitang tao. "Uy." Pagtawag naman niya. Wala na kong ibang pagpipilian kung hindi ang lumingon. Magsasalita pa sana siya ngunit siya'y natigilan ng ako ang unang nagsalita. "Huwag mo akong kausapin. Nagkaintindihan naman tayo diba?" ani ko naman sa kanya. Tuloy tuloy na akong naglakad. Nakakainis talaga. Dumeretso ako sa parking lot kung saan ko natanaw si Sapphire, Cyrus at Katherine na nag-uusap ngunit hindi na ko lumapit pa. Sobrang seryoso ng mga mukha nila. Ayokong mangielam. Lumapit ako sa pinagparadahan ko ng motor ko na malayo sa kinatatayuan nila Sapphire. Ibinulsa ko ang gate pass na palagi kong ipinapakita sa security guard upang papasukin ako sa campus na may dalang sasakyan ngunit namataan ko na wala namang nakabantay na guard kaya hindi ko na siguro kailangan nito. Pinaharurot ko ang motor ko paalis ng school na to. Habang bumabyahe ako ay hindi pa rin mawala iyon sa isipan ko. Sabi ko na nga ba. At dahil sa nagsisimula na, kailangan ko na ring kumilos. Magiging maayos din ang lahat. Para sa klase namin.

Page 171: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Binuksan ng katulong namin ang gate at pinasok ko naman ang motor ko. Binati ako ng katulong namin ngunit hindi ko na siya pinansin. May importante pa akong gagawin. Nasalubong ko naman si dad at si mom sa bungad ng pintuan. Nagtatawanan sila habang naka-akbay si dad kay mom. Humalik ako sa pisngi nila. Kinamusta nila ang nanyari sa araw ko ngunit ngumiti na lang ako. Napaisip din kasi ako, ano nga bang nanyari sa school na katanggap-tanggap para ikwento sa magulang ko. Mukhang wala naman. "Ano ka ba honey, ayos lang si Clyde no. Alam mo naman na the best ang anak natin. Diba, anak?" ngumiti lang ako nang malapad kay mom. "Oo naman po." Nakatawa kong sinabi. Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang ako naman ay umakyat na papunta sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pintuan at basta basta na lang inihagis sa lapag ang dala kong bag. Nilapag ko naman ang hawak kong phone sa lamesa sa gilid at umupo sa gilid ng kama. Ilang sandali ay napagdesisyunan kong hatakin ang maliit na kahon sa ilalim ng kama ko na agad ko namang inilapag sa kama. Binuksan ko ito at nilabas lahat ng laman nito. Lahat ng nandito ay laban sa kanila, sa mga killers. Hindi man nila alam, kung hindi man nila napapansin, may isang nilalang na sa klase ang nagbabalak na labanan sila. Kaya ko ito. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na mapoprotektahan ko ang lahat lalo na si Abi. Ayokong mawala siya. Dahil sa pagkalkula ko, dapat matagal na siyang pinatay ng killers. Kung bakit man hindi nila ginawa iyon ay hindi ko alam. Mali, aalamin ko. Kapag naging maayos na ang lahat. Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko sa kung sino man ang dapat pagkatiwalaan. Lahat ng plano at lahat ng dapat naming gawin upang makaligtas sa larong ito. Marami akong alam. Napakarami. Isa ako sa mga susi para matapos ang kaguluhang ito. Narinig kong nagring ang phone ko. Agad akong tumayo at lumapit dito. May isa akong natanggap na message at may naka-attach na isang litrato sa mensahe na iyon.

Page 172: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sender: Unknown Message: Kung gusto mong makilala kung sino ang isa sa mga pumapatay sa klase nyo. Tignan mo ang picture. ---M. Tulad ng nasa mensahe ay binuksan ko ang nasabing litrato. Nakapagtataka. Bakit naman ilalaglag nila ang isa nilang kasama? O di kaya ... isa lang tong patibong? Napasinghap ako ng nakita ko ang naka-attach na litrato. Si Cyrus habang puro dugo ang kamay. Nakatingin siya sa kaliwa at hindi mismo sa nanguhan ng litrato. Sa kabila niyang kamay ay may hawak siyang kutsilyo habang wala naman siyang hawak sa isa. Dugo ang makikita sa litrato hanggang sa damit ni Cyrus. A-Anong ibig sabihin nito? Hindi. Hindi tama ang lahat ng ito. Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali. Umupo muli ako sa kama. Kinuha ko ang isang litrato na nasa kahon. Tinignan ko siya. Ang ngiti niya sa litratong ito kasama na rin kurba ng mga mata niya. Ang maikli niyang buhok pati na rin ang nakalitaw na dimple sa pisngi niya. Bakit naging ganito ka? Nagulat ako nang narinig ko muli ang pagring ng phone ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay isa na siyang tawag. Agad ko itong sinagot at pinakinggan kung sino ang nasa kabilang linya ngunit sa unang ilang segundo ay tanging paghinga lamang ang narinig ko hanggang sa bigla siyang nagsalita. Binanggit niya ang mga katagang hindi ko aasahan na sasabihin niya. "Magtulungan tayo. Ikaw at ako laban sa kanila." --------------------------------------------x

Page 173: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

- A U T H O R ' S N O T E - SI CLYDE PO ANG NASA .GIF. ---> Salamat po sa pagbabasa. I-comment below kung may opinion, suggestion, hula ..etc! :) "The dice has been cast." - (from the Latin phrase, 'Alea iacta est' by Caesar) --------------------------------------------x LUNA'S POV ILANG segundo bago naging tuluyang malinaw ang paningin ko. Napahawak pa ko sa ulo ko dahil sa may nararamdaman akong pananakit dito. Ano nga bang nanyari? Paano ako napunta sa kwartong ito? At nasaan nga ba ako? Inilibot ko ang mga mata ko sa kinalalagyan kong silid. Kulay puti ang dingding na may kaunting sira sa ibang lugar nito habang kulay itim naman ang buong sahig. Maraming nakadikit na mga papel at sa paglapit ko sa mga ito ay napasinghap ako. Ang iba ay mga guhit ng kung anu-ano tulad ng mga itim na itim na lobo na may mga pulang mga mata, may mga anino ng mga tao na may mga pulang mata at ang isa sa mga pinakawirdung guhit na nakita ko ay ang isang malaking itim na puno na may mga pulang mata sa ibaba nito. Nagkalat ang pulang mata na iyon hanggang sa dulo ng papel na ang tanging simbolismo para sa akin ay maaring iyon ang nagsisilbing 'lupa' o pundasyon ng itim na puno. Anong ibig sabihin ng mga ito? Halos okupado ang buong dingding ng kwarto ng mga ganung papel ngunit ang iba ay hindi ko na maintindihan kung ano nga ba talaga ang nakaguhit basta ang alam ko, hindi sila pangkaraniwang guhit lamang. Sino kaya ang mga gumawa nito? Pumwesto ako sa gitna at muling tinignan ang kwartong ito. Tanging mga nakadikit na papel lamang ang laman nito pati na rin ang isang maliit na mesa na may isang drawer. Lumapit ako sa kinalalagyan nito at agad na binuksan ang nag-iisang drawer. Wala itong ibang laman kung hindi isang litrato. Isang babae na may hawak na sanggol na nakabalot sa isang puting

Page 174: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

tela ngunit kita pa rin ang nakapikit na mata ng sanggol at ang kanipisan ng pula niyang labi at sa tabi nila ay nakatayo naman si Mr. Laketon na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Isang family picture? Ngunit may nakaagaw ng atensyon ko. May kung anong kumikinang sa pinakagilid ng drawer kukuhanin ko sana ito nang biglang bumukas ang pintuan. Saka ko nakita si Spade na hingal na hingal. Nasa likuran naman niya si Sandria na hawak hawak ang bag ko gamit ang kanan niyang kamay. "A-Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto na ang kwartong kinalalagyan ko ay ang nasa likuran ng pintuan sa opisina ni Mr. Laketon. Bakit hindi ko agad iyon naisip? Hindi niya sinagot ang tanong ko at biglaan niyang hinablot ang hawak kong litrato at itinapon iyon palayo. Saka niya ako hinatak at halos kaladkarin. "Alam mo Tuna, iba ka rin eh no? Mas gusto mo pa atang nakakulong diyan kaysa lumabas." Tinignan ko lang siya ng padabog niyang sinarado ang pintuan. Ngayon ay nakatayo kami sa gilid ng lamesa ni Mr. Laketon sa mismong opisina niya. "Kanina ka pa namin hinahanap. Hindi na nga kami pumasok sa susunod na klase dahil-" natigil ang pagsesermon niya sa akin nang biglaang napasigaw si Sandria. "Luna may sugat ka sa binti mo!" napatingin naman ako sa sinabi niya. "Ah, dugo." Ang tangi kong nasabi. Hindi ko rin naman alam kung paano ba ang magiging reaksyon ko. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa binti ko. Paano ako nagkaroon ng sugat? Hindi ko na namalayan na hatak hatak na naman ako nung Spade papunta sa clinic. Napakunot ako ng noo. Nagsasayang lang sila ng oras. Hindi ko naman kailangan ng tulong nila. Kaya ko ang sarili ko. Nakakainis. Ba't ba nila ginagawa ito? Napilitan akong umupo sa kama ng clinic habang ginagamot ng nurse ang sugat ko. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa nurse dahil sa mga nalaman

Page 175: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ko. Isa siya sa nakaligtas dati. Sa pagkakaalam ko, patay na ang isa. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa bagay na iyon. Gusto kong malaman ang buong kwento. At isa pa, alam nung Mr. Laketon na nakaligtas siya, bakit pa niya tinanggap si nurse Tin bilang empleyado niya? Parang nagpapasok siya ng isang kalaban sa sarili niyang teritorya. Nakakapagtaka ang pag-iisip ng Presidente ng eskwelahan na ito. Ngumiti sa akin yung nurse noong tumayo siya at iniligpit lahat ng ginamit niya habang ako'y nagtataka pa ring nakatingin sa kanya ngunit alam kong hindi niya mababasa ang ekspresyon ko sa mukha. Kahit sino, hindi magagawa iyon. "Paano ka ba napunta doon ha?" biglang tanong nung Spade habang nakaupo sa isang kama na katapat ng kinauupuan ko. "Paano nyo nalaman na nandoon ako?" imbis na sagutin ang walang kwentang tanong niya ay binalikan ko siya ng isang tanong. Hindi nila maaring malaman ang pag-uusap namin ni Mr. Laketon lalong lalo na yung nalaman ko kay Blake at Hanako. Hindi ko pa rin siya ganung pinagkakatiwalaan. Si Spade at Sandria, hindi ko sila tinuturing na katiwa-tiwala. Ang tanging dahilan ko lang sa pagsama sa kanila ay upang may mas malaman ngunit sa pagkakataong ito, mas may nalaman ako noong mag-isa ako. Kailangan ko pa ba sila? "Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" naiinis na tanong ulit ni Spade. "Bakit nyo ko pinuntahan at pinakawalan?" tanong ko na naman ulit. Kung balak niyang makipag-inisan, hindi ako aatras. Dati pa siyang nagpapakulo sa dugo ko. "Bakit? Hindi ba, gawain iyon ng isang kaibigan?" K-Kaibigan?

Page 176: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Lumingon ako sa kanan at tsaka nagsalita, "Hindi ko kayo kaibigan." Saka ako tumingin sa kanya at muling nagtanong. "Paano ka nakapasok sa kwartong iyon?" napatingin ako nang masama sa kanya ng ngumisi siya. Anong ngini-ngisi-ngisi nito? "Hindi mo naman kami kaibigan diba? Ba't ko sasabihin sa'yo?" sinalo ko gamit ang dalawa kong kamay ang bag ko na biglaan niyang binato sa akin. "Ayan, inabala pa namin si Raphael para kuhanin ang bag mo pero dahil hindi mo nga kami kaibigan, ano nga ba ang pakialam mo dun diba, Tuna? Tss. Tara na nga Sandria." Hinatak niya si Sandria palabas ng clinic. Magsasalita pa sana ako ngunit huli na. Hanggang sa narinig kong nagsalita si nurse Tin. "Parehong-pareho tayo noong kabataan ko. Ganyan na ganyan din ako noong 3rd year high school ako." Tumingin siya sa akin gamit ang mga maaamong niyang mga mata na hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan o hindi. "Walang maasahan. Walang pwedeng pagkatiwalaan. Lahat ay kalaban." Bigla akong nakaramdam ng kaba, bakit parang alam niya ang iniisip ko? Nakatingin pa ri sa akin nang deretso ang mga mata niya at hindi pa rin nawawala yung tipid niyang ngiti. Kinakabahan man ay pakiramdam ko'y kusang bumuka ang bibig ko at sinabi ang mga salita na kanina pang bumabagabag sa akin. "Pinatay mo sila diba? Pinatay mo lahat ng kaklase mo?" Napasinghap siya. SAMANTHA'S POV Umupo ako sa una kong nakitang upuan. Kinandong ko ang bag ko saka nagpatuloy sa panonood kay kuya Blake. Ilang beses na rin akong napatingin sa orasan dito sa student council room pero kahit pagabi na ay hindi pa rin tumitigil si kuya Blake sa pag-aayos ng kung anu-anong papel. Nakakainis naman, akala ko maso-solo ko si kuya ngayon eh.

Page 177: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sam, kung naiinip ka na pwede ka ng umalis." Sabi niya habang nakatingin sa akin saka naman ako umupo nang maayos. Magiliw akong umiling, "Ayos lang kuya Blake, hihintayin kita. Sinabi ko na rin naman kala daddy na sabay tayong uuwi tsaka ayos lang naman-" Itinaas niya ang kamay niya habang paharap sa akin yung palad niya. Na para bang sinasabi na "utang na loob, tumigil ka na sa kakasalita." "Kung gusto mong nandiyan, wag kang gumawa ng kahit anong ingay." Wala na kong nagawa kung hindi tumango. Haaay. Si Kuya Blake talaga. Napasalumbaba na lang ako habang pinapanood pa rin siya. "Wala ka kaninang break time. Saan ka nagpunta? Akala ko magkikita tayo dito para gawin ito? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ang dami-dami kong ginagawa ngayon eh." Sabi ko na nga ba eh, naiinis si kuya Blake. Teka, kaninang break time? Napaisip ako agad kung ano ang ginawa ko. Medyo makakalimutan ako eh. Ah! Pumunta nga pala ako kala kuya Raphael at ate Sandria. Sinabi ko yung tungkol kay kuya Cyrus. Sinabi ko yung kailangan nilang malaman pero kahit ano atang sabihin ko, hindi maniniwala si kuya Raphael. "May pinagawa lang sa akin si Sir Buendia. Sorry na kuya Blake." Agad akong dumukdok. "Gisingin mo na lang ako kuya Blake kapag uuwi ka na. Inaantok kasi ako eh." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman ni kuya Blake ang ginawa ko. Sigurado akong ... lagot ako. Sa pagpikit ko ay muli kong naalala si ate Hanako. Sa ganitong oras, palagi siyang nandirito. Wala naman siyang ganung kapaki-pakinabang pero ewan ko ba kay kuya Blake kung bakit siya nandito. Bakit kapag ako, nakakaabala? Pero kapag si ate Hanako, ayos lang? Tss. Naalala ko pa kung saan sila unang nagkakilala, sa lumang library. Ang alam ko, araw-araw na binubully si ate Hanako sa klase kaya tanging library lang ang takbuhan niya. Buti na lang hindi ako katulad niya. Buti na lang, sa section A ako napunta. Bukod kay kuya Blake, may alam pa akong dalawang lalaki na aaligid-aligid sa kanya. Siguro sobra siyang nakakaawa kaya yung mga lalaking iyon ay palaging nakadikit sa kanya? Psh. Pero ayos lang naman, may sarili naman akong buhay at hindi ko na siya kailangan pang alalahanin. Rest in peace, ate Hanako. Matulog ka lang nang mahimbing. "Tara na, Sam."

Page 178: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

MURDERER'S POV Dahan dahan akong naglakad papunta sa bodega ng bahay habang hawak hawak ang tray kung saan nakapatong ang isang plato na may kanin at ulam at sa tabi nito ay isang baso na puno ng tubig at isang gamot. Tumingin muna ko sa paligid at ng nasigurado ko na walang tao ay inilapag ko muna sa lapag ang dala kong tray upang masuksok ko ang susi. Inikot ko ang seradura at bago pumasok ay kinuha ko ang tray. "Aislinn." Pagtawag ko sa pangalan niya. Nakita ko siya tumingala sa akin. Bakas pa rin sa mga mata niya ang lubhang pag-iyak. Ibinaba ko muli ang tray at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang mukha niya ngunit iniwas niya lang ito sa akin. "Kumain ka na." Sabi ko nang napatras ako ng isang hakbang. Inusog ko gamit ang paa ko yung tray papunta sa kanya. "Mapagkakatiwalaan rin ba kita?" tuloy tuloy niyang sabi. "Bakit mo ko dinala rito? Bakit mo ko inaalagaan? Bakit ka ganyan sa akin? Hindi ba, isa ka sa kanila?" Hindi ako makasagot sa kanya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ngumiti. "Lagi ka na lang ganyan. Hindi ko alam ... hindi ko inakala. Bakit mo pa ba ako niligtas? Sana pinabayaan mo na lang ako sa gubat at mamatay. Iyon naman ang bagay sa akin. Sa lahat ng nagawa ko, siguro, karma na lang ito. Patayin mo na lang ako." Dagdag pa niya. Umupo ako sa harap niya. Tinanggal ko ang nakatali sa kanyang kamay at tinignan ang kamay niya na namumula dahil sa pagkakabakat ng makapal na taling iyon. Hinawakan ko ito nang mahigpit at minasahe nang kaunti upang mawala ng ang sakit. Mula noon, kaibigan niya ako at kahit kamatayan man ang humarang, mananatili pa rin akong kaibigan niya. Hindi man kami sobrang malapit sa isa't-isa, isa siya sa mga tao sa classroom na alam kong napakabuti talaga. Kahit ano man ang nagawa niya, hindi iyon naging pangit sa paningin ko. Siya pa rin si Aislinn, ang babaeng maikukumpara mo sa isang anghel dahil sa kabutihan ng loob. Maaring nadapa siya ngunit alam kong makakabangon din siya. At ako ang isa sa magiging dahilan nun. Nagsalita ako na kung papakinggan ay halos maihahalintulad sa isang bulong. "Magtiwala ka lang sa akin, kakampi mo ako." --------------------------------------------x

Page 179: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"They do not love that do not show their love. The course of true love never did run smooth. Love is a familiar. Love is a devil. There is no evil angel but Love." ― William Shakespeare --------------------------------------------x KATHERINE'S POV INAYOS ko ang gamit sa loob ng bag ko bago sumakay sa sasakyan. Tumingin lang ako sa driver namin saka niya pinaandar ang sasakyan. Medyo naiinis ako ngayon. Napabuntong hininga ako ng tinignan ko ang phone ko, siya pa rin ang nasa background ko. Tama si Sapphire, matindi pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. Balak ko na sanang kalimutan eh kaso pinaalala lang ulit sa akin ni Sapphire, nakakainis. "Manong, pakibagalan po ang pagmamaneho. Hindi naman ho ako nagmamadali." Sabi ko sa driver namin na agad namang sinunod ang sinabi ko. Muli kong naalala ang nanyari kanina sa school, habang nasa parking lot kami. Nag-uusap sila Cyrus at Sapphire habang ako ay nasa likuran lamang ni Sapphire. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila basta parang pinapaamin ni Sapphire si Cyrus sa kung ano man ang ginawa o ginagawa niya. Muntik na silang magtalo ngunit narinig ko na lang na mag-uusap na lang daw sila ulit. Kung kailan at saan ay hindi ko alam. Doon kami naiwan ni Sapphire. Alalang-alala ko pa ang eksaktong pag-uusap namin. Hindi ko talaga inakala na uungkatin pa niya iyon. "Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya. Ngunit tumingin lang siya sa akin nang masama saka niya kinuha ang phone ko na hawak hawak ko lang. Napangisi si Sapphire nang na-unlock niya ito. "Pare-pareho kayong mga tanga." Sambit niya pagkatapos niyang ibalik ang phone ko sa akin. "Sino ba naman kasi ang may sabi na magkagusto ka kay Blake?" saka ko tinignan ang phone ko. Kung saan ang background ay ang president ng student council habang nakatayo patagilid mula sa kinatatayuan ko noong kinuhanan ko siya ng litrato at may hawak na folder. Kita sa litrato ang palagi niyang seryosong mukha. Yung matatalim

Page 180: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

na mga mata, matangos na ilong pati rin ang bibig niya na palaging nakatikom. "Sapphire naman, wag mo ng ipaalala pa." Nakayuko kong sinabi. "Alam mo, napag-isip isip ko rin eh, baka ikaw ang isa sa mga killer? Psh. Hindi na nakakapagtaka yun. Sigurado akong matagal mo ng gustong mamatay si Hanako pati din ang iba nating mga kaklase. Tama ako diba?" H-Hindi ko alam kung bakit nasasabi ito ni Sapphire ngunit mukhang pursigido siya at sigurado siya sa sinasabi niya. Hindi pupwede. Hindi ko magagawa iyon. "Sapphire naman..." "Ayaw ko naman maging masama pero alam mo, ikaw na ang pinaka sa lahat ng loser na kilala ko. Akalain mo yun? Natalo ka ni Hanako? Katherine, wala ka talagang kwenta eh no?" inis na inis niyang sinabi. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mukhang binubuhos lang niya sakin lahat ng inis na nararamdaman niya. Ganito naman si Sapphire eh, ganito naman siya palagi. Kahit papano, nakakasawa na. "Ano bang matino diyan sa Blake na yan at nakagusto kayo diyan? Tss. Sige, aalis na ko tutal, wala namang kwentang usapan ang nanyari." Kinuha niya ang bag niya na hawak ko saka naglakad na palayo. Sisigaw pa sana ako upang magpaalam ngunit hindi ko na nagawa. Maaring dahil sa para akong naubusan ng sasabihin. Blake, bakit ba kay Hanako ka pa nagkagusto? Bakit hindi na lang sa iba? "Nandito na po tayo." Bumalik naman ako sa realidad nang nagsalita ang driver namin. Saka ko binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng bahay na para bang walang pakialam sa paligid. Ni hindi ko nga napansin ang pagtawag sakin ni papa. "Katherine." Pag-ulit niya saka ako lumingon. "Ano tong nakita ko sa kwarto mo?" agad akong napatakbo papunta kay papa at kinuha ko ang hawak niyang krus na bakal. Ito iyong nakuha ko mula kay Hanako. Yung araw na iyon na nakita kong magkasama sila ni Blake, ang lalaking gustong-gusto ko.

Page 181: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Wag kayong mangingielam ng gamit ko!" hindi ko sinasadya ang mapataas ang tono ng boses ko ngunit isang malutong na sampal ang natanggap ko galing kay papa. Saka ko siya nakita na nanginginig sa harapan ko. Mukhang galit na galit siya. "Simula nong namatay ang nanay mo, wala ka na talagang kwenta! At sasagutin mo pa ako na pabalang ngayon?! Pumasok ka sa kwarto mo bago ako atakihin dito!" hihingi sana ako ng patawad kay papa ngunit naisip ko na mas mabuti na lang na sundin ko siya. Ay mali, lagi nga pala akong sumusunod sa kanya. Dumiretso ako sa kwarto ko at sinariwa ang lahat. Muli kong naalala noong 1st year ako, doon ko unang nakita si Blake. Tinatawag ko pa siyang 'kuya' noon ngunit siya na mismo ang nagsabi sa akin na Blake na lamang ang itawag ko sa kanya. Napakabait niya. Napakaresponsable at kita mong napakatalino niya. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. Ngunit mas nakilala ko siya noong sumama ako kala Sapphire, mas madalas ko siyang nakikita ngunit wala ako ibang ginawa kung hindi batiin lamang siya gamit ang pagngiti. Nahihiya kasi ako. Pero kahit ganun, tinutugunan naman niya ng ngiti ang pagbati ko. Doon ko lang din nalaman na may tinatago siyang ugali. Masungit pala siya kapag mga kaibigan niya ang kasama niya. Madali pala siyang mainis sa sobrang ingay at napakaseryoso pala niya. Pero ayos lang, gusto ko pa rin siya. Aaminin ko na may galit at inggit ako kay Hanako. Ngayong wala na siya, mas malaki ang tiyansa ko ngunit hindi ko pa rin magawa ang nais ko. Tuwing nakikita ko kasi si Blake, natatameme ako. Ni hindi ako makapagsalita sa harap niya at tanging pagbati lang ang kaya ko. Haaay. Hanako, patay ka na diba? Bakit pakiramdam ko, ikaw pa rin ang gusto ni Blake? Hanako ... sana mawala ka na sa memorya naming lahat. Sana mawala ka na sa isip ni Blake, sa buhay ni Sapphire at sa klase.

Page 182: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napasinghap ako dahil sa gulat ng biglaang nagvibrate ang phone ko na hawak ko pa rin. Hindi ko na sana bubuksan ang bagong message dahil galing ito sa isang unknown number ngunit nagulat ako ng may naka-attach na photo. Ano naman kaya ito? Atomatikong napatakip ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko ang litrato. Kung anong kilabot ang nadama ko. Nang nakita ko ang litrato ni Cyrus na puro dugo ang damit, may hawak na kutsilyo at pati ang mensahe na sinasabing killer siya. E-Eto ba iyong pinag-uusapan nila kanina ni Sapphire? Agad kong tinawagan si Sapphire at sa pangatlong ring ay sinagot naman niya ito. "Sapphire!" pamungad ko habang ninenerbyos pa rin. "Oh?" ang tanging tugon niya. "May natanggap kang message? Yung may naka-attach na photo?" tanong ko. "Wala. Bakit?" "Nasan ka ba ngayon?" muli kong pagtanong. Halos matalisod ako sa kakalakad dito sa loob ng kwarto dahil sa labis na kaba. "Ano bang pake mo ha? Nandito ako sa bahay nila Cyrus. Mag-uusap kami." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakasabi niyang iyon. Mapanganib si Cyrus. Lalo na't nakita ko yung picture. Sigurado ako. Siguradong sigurado ako. "Sapphire, umalis ka diyan. Delik-" bago pa man matapos ang sasabihin ko ay narinig kong sumigaw nang malakas si Sapphire at ang nakakabinging tunog na para bang nalaglag ang hawak niyang phone. Sabi ko na nga ba. Nasa panganib si Sapphire. Hindi maari. Unti-unti akong napangiti sa di ko malamang dahilan. Hindi maaring mamatay si Sapphire sa kamay ng iba.

Page 183: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Gusto ko ... ako ang tumapos sa kanya. TEACHER MAEGANNE'S POV Tinignan ko ang oras sa nakasabit na orasan dito sa loob ng faculty room sa high school building, 7:40 pm. Medyo late na rin pala. Ang dami ko kasing gawain. Sinabihan na nga lang ako ng guard na ako na ang magsarado ng pintuan dito sa faculty room. Hindi ko rin inakala na aabutin ako ng halos isang oras. Pag natapos na ang school year na ito, hindi na ko magtatrabaho bilang isang teacher. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. At ang pagpunta rito ay walang kwenta. Bakit hindi ko ba naisip? Ngunit kahit papano, may dahilan rin pala. Ang maghiganti... ...para sa anak ko. Naalala ko pa yung mga mismong sinabi ni Mr. Laketon. Iyong mga linya na iyon na para bang nagpabago sa pag-iisip ko. Mula sa napakabait na adviser, sa tingin ko, mas mabuti nang kamuhian nila ako. Lalo na't napakalaki ng kasalanan nila sa akin ... sa amin. "Hinahanap mo ang anak mo diba? Mukhang wala na siya dito." "Nagpakamatay ang anak mo." "Hanako Perez, iyon ang pangalan niya." Hindi ko alam ang sasabihin ko noong mga panahon na iyon. Para bang nawala ako sa matinong pag-iisip. Ipinaliwanag lahat ni Mr. Laketon ang dapat kong malaman. Noong tinanong ko siya kung bakit tila ba'y alam na alam niya ang lahat ay maikli lamang ang nakuha kong sagot sa kanya. Maikli ngunit nagbigay sa akin ng kilabot. "Kinikilala ko lahat ng pumapasok sa impyerno ko."

Page 184: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Inayos ko ang mga librong hawak ko bago lumabas ng faculty room. Nagkamali ako ng inisip ko na si Sapphire ang anak ko. Iyon pala, siya ang unang-una na dapat kong pahirapan. Ang klase nila ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko. Magbabayad sila. Isinarado ko ang pinto at ini-lock ito bago pa humakbang. Kaunting ilaw lamang ang bukas ngunit sapat ang binibigay na liwanag nito. Bumuntong hininga ako habang naglalakad. Ang laking gulo nga talaga ng pinasok ko. De bale,matatapos rin ito. At kukuhanin ko ang hustisya para sa anak ko, kay Hanako. Kung paano ay iisipin ko pa. Basta, aalamin ko ang lahat. Napaatras ako ng may narinig akong gumalaw. Parang may sumusunod sa akin. Naglakad ako ng tatlong beses paabante at panandaliang tumigil ulit. Muli, ay may narinig akong isang yabag ng paa. Dahan dahan akong lumingon. Nanginginig man ay nakasigaw ako kahit papano ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko. Doon ko lang napagtanto na ang nasa harapan ko ay si Edward. Si Sir Buendia. Dali-dali naman niyang tinanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko at ngumiti. "Natakot ako dun ah?!" reaksyon ko. "Ba't ka pa ba nandito?" tanong ko naman sa kanya. Ang alam ko kasi, umuwi na siya kanina. "May binalikan lang ako." Itinaas niya ang hawak niyang makapal na libro sa kanan niyang kamay. Tumango lang ako. "Grabe, matatakutin ka pala Mae." Inirapan ko lang siya ngunit nahagip ng mata ko ang isang panyo sa bulsa ng pantalon niya. Sa pagkakaalam ko, iba ang kulay ng panyo niya kanina. "Dalawa ang panyo mo?" napatingin siya agad sa bulsa ng pantalon niya saka tumango. "Madalas kasi ako mawalan ng panyo kaya dalawa lagi ang dala ko." Tulad ng kanina, tumango lang ulit ako. Naglakad kaming dalawa palabas ng high school building. Magsasalita sana ako nang biglang nagring ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

Page 185: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Si ... Mr. Laketon. Sinagot ko naman ito agad at bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. Isang utos na naman pala galing sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito, napangiti ako sa narinig ko. Unti-unti na kong makakaganti. "Gusto kong magkulong ka ng apat na taga-3C sa Punishment room sa lunes. Si Martinez, Young, Levesque at si Garcia." AUSTIN'S POV Hinigit ni Abi ang braso ko sa paghakbang ko paalis ng bahay. Tinitigan ko lang siya at hinintay na magsalita siya ngunit lumipas ang ilang minuto at nakatingin lang siya ng masama sa akin. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Hoy Molina!" inis na inis akong lumingon sa kanya. "Ano na naman ba, Lim?!" Bakit ba nandito tong babaeng to? Ano bang ginagawa niya sa labas ng bahay namin? Ngayong tatakas pa ako siya sumulpot dito. Akala mo kailangan ko ng katarayan at kakulitan niya. Kakulitan sa nakakainis na paraan. Hindi talaga siya tumitigil sa kakasalita hanggang sa hindi niya makuha ang gusto niya. Spoiled brat. Malayong-malayo kay Aislinn ko. "Natanggap mo ba to?" sabay pakita ng phone niya na ang tangi kong nakikita ay litrato ni Cyrus. Lihim akong napatawa sa loob loob ko. Sigurado akong sa lunes ay magiging mabentang usapan ito sa klase. "Oh tapos?" tanong ko pa. Binulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng maong na pantalong suot ko.

Page 186: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Kasinungalingan ito diba? Sa lahat ng tao sa room, ikaw ang mas nakakaalam kung totoo ba ito o hindi. Best friend ka ni Cyrus. Kilalang-kilala mo siya." Lumapit ako sa kanya saka nagsalita, "Alam mo Abi, nasa iyo naman yan kung maniniwala ka. Hindi mo na kailangan pang puntahan ako upang tanungin. Pero tutal nandito na rin naman, killer si Cyrus. Yun na lang ang paniwalaan mo. Sige Lim, mauna na ko." Pumorma ang isang pekeng ngiti sa mga labi ko. Tama naman eh. Tama lang tong ginagawa ko. Lumapit ako sa motor ko. Huli na ng napansin ko na nakalimutan ko pala ang helmet ko. Tanginang yan, bahala na nga. Narinig ko pang sumigaw si Abi ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Isa siyang malaking abala. Tss. Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa tinitirahan niya. Hintayin mo ako, Aislinn. Babawiin kita. Magsasama tayong dalawa at magiging masaya. Katulad ng gusto mo. Katulad ng pangarap nating dalawa. --------------------------------------------x Salamat sa pagbabasa! I-comment lang ang gusto mong sabihin. :) "People that have trust issues only need to look in the mirror. There they will meet the one person that will betray them the most." - Shannon L. Alder --------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV SINIPA ko ang bakal na pinto nitong lecheng Punishment room na tinatawag nila. Sinipa ko ito nang sinipa hanggang sa napagod lang ako. Nakakainis talaga yung walang kwentang adviser na iyon! Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay ang init-init ng ulo niya sa amin? Napaghahalata na siya ah. Araw-araw binibigyan niya kami ng assignments, laging may surprise quiz at long quiz pa nga. Tapos lagi siyang galit kapag sa klase

Page 187: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

namin kaunting kibot lang ng isa sa amin, galit na galit na siya. Muli, isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pintuan kasabay ng sigaw ko. "Ang baho na nga dito, ang ingay mo pa. " Unang beses na ngang nagsalita itong si Luna na to, nakakainis pa ang sinabi niya. Sandali palang kami nandirito sa loob ng lecheng room na ito pero nakakasulasok talaga ang amoy dito sa loob. Bakit ba ako nasama sa mga ito?! "Nagreklamo ang may naiitulong. Nakatunganga ka lang naman dyan. Tss," sabi naman ni Spade sabay ng pagtayo niya. Malayo ang kinauupuan niya kay Luna at halatang naiinis siya dun sa Luna na iyon. Naiintindihan ko naman siya, sino bang natutuwa sa Luna na iyan? Tsaka sa aming apat, si Spade lang naman at Sandria ang medyo kilala ko. "Alam mo Luna, imbis na nagrereklamo ka diyan. Mag-isip ka kaya kung paano makakaalis dito? Yun lang kung may utak ka." At isang irap ang nakuha ko sa kanya. "Madali lang naman tayong makakalabas dito eh." Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Ang paligid kung saan ang tanging makikita ay mga kung anu-anong bungo, mga maduduming bagay na di ko malaman. Pakiramdam ko nga, may kasama kaming mga daga at ipis dito eh. Kadiri. Buti na lang may kaunting liwanag dito dahil sa espasyo sa ilalim ng pintuan. At panigurado, walang tao sa labas. Wala ding nakakaalam na nandirito kami dahil pinatawag lang kami palabas ng klase. "Papano?" tanong naman ni Sandria kasabay din ng pagtayo niya at paglapit sa amin ni Spade. "May plano ako." Dagdag pa ni Spade na naging dahilan ng paglapit namin sa kanya upang mas marinig siya. Nakatakip ang panyo ko sa ilong ko para maiwasang maamoy ang mabahong kwarto na ito. Hindi ko talaga kaya ang amoy. Nakakadiri. "Ang plano ko ay..." mas lalo pa kaming lumapit ni Sandria. "Ang plano ko ay mag-isip si Sandria kung pano makalabas dito. Tutal, matalino siya eh. Mag-isip ka na, Sandria." Literal ko siyang nabatukan. "Ano ba?!" reaksyon naman niya. "Wala tayong oras para magbiruan dito, Spade." Naiinis din na sabi ni Sandria. "May dala ba kayong cellphone? Nasa bag ang akin, nasa classroom." Lumingon siya kay Spade, umiling naman si Spade. Pagkatapos ay lumingon siya kay Luna, tulad ni Spade ay wala ding dala si Luna. Saka siya lumingon sa akin. Doon ko naman kinuha ang phone ko na nakabulsa sa palda ko.

Page 188: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Saka ko muling nakita ang crack sa screen ng phone ko. Oo nga pala, yung nanyari sa bahay nila Cyrus. Hindi ko akalain na ganun kalala ang epilepsy ni Paula. Gulat na gulat ako at di ko naiwasan ang mapasigaw. Ngunit pagkatapos siyang magamot ng mga nurses kasama ni Cyrus, pumunta ako sa kwarto ni Cyrus. Dun ko nakita yung ... drugs sa drawer niya. At biglang nagvibrate ang phone ko nun. Doon ko lang din napansin ang crack sa screen, maaring dahil sa pagkakabasag nito. Nakita ko ang picture ni Cyrus pati na rin ang message na sinasabi ni Katherine. Inisip ko agad nun na baka nga totoo ang mga sinasabi ni Austin. Si Cyrus ... ay isang killer? "Hoy Sapphire! Ibibigay mo ba samin yang cellphone mo o tititigan mo lang hanggang sa ma-suffocate tayo sa baho dito?" bumalik ako sa realidad sa sigaw ni Spade saka ko ibinigay sa kanya ang phone ko. "Langya naman, lowbat eh." "Papano na?" tanong ulit ni Sandria. "Hindi tayo maririnig sa labas. Kailangan na nating makalabas dito." Dagdag pa niya. "Gusto nyo ba talagang lumabas?" napatingin kaming tatlo kay Luna nang tumayo siya at lumapit sa amin. Ni hindi siya nakatakip sa ilong niya. Parang normal lang sa kanya ang amoy sa kwartong ito. At sa tuwing titigan ko siya, may kung ano akong nararamdamang galit. Naiinis ako sa kanya. Una, noong unang araw niya rito, siya ang laging pinag-uusapan. Pangalawa, naiinis ako sa mga sinasabi niya. Pangatlo, nakakainis ang mukha niya na para bang bored na bored at may galit sa lahat pero kahit ganun, mukhang mapagkakatiwalaan naman siya kahit papano. "Ano ba naman, obvious ba Tuna? Ah, oo nga pala. Di mo nga pala kami kaibigan ano? Ano bang pakialam mo diba?" ngumisi si Spade pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin naman kaming dalawa ni Sandria sa kanila. Nagtitigan lang kasi sila na para bang sa isang segundo ay magkakarambulan na dito. Ano ba naman tong dalawang to, dito pa ata mag-aaway.

Page 189: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ayokong nagsasalita ka, tanga ka." Tugon ni Luna sa kanila saka siya tumingin samin ni Sandria. "Alam ko kung papano makaalis dito. Tanga, buhatin mo yung malaking bato na iyon." Tinuro niya ang malaking bato na nasa gilid ng kinalalagyan namin. Isang matinding pilitan ang nanyari dahil sa ayaw gawin ni Spade ang sinasabi ni Luna ngunit sa dulo ay napilitan rin siya. Inalis niya ang malaking bato, sa isang tingin palang, panigurado na ang dumi-dumi nun. Yuck. "Sipain mo yung pader diyan." Sabi pa ni Luna. Napa-'Tsss' pa si Spade bago niya sipain nang malakas ang parte ng pader na iyon, yung nasa likod ng inalis niyang bato. Nanlaki ang mga mata namin ng naalis iyong parte na iyon. Ilang segundo ang nakaraan at nakatitig lang ako sa durog durog na hollow blocks sa harapan namin. Mas lalong lumiwanag dito sa loob at mas lalo rin naman umalingasaw ang mabahong amoy dito. Panigurado, sa lahat ng dadaan sa gawing ito ay maayos ang Punishment room. "Paano mo nalaman to?" tanong sa kanya ni Sandria na sinundan naman ng tanong din ni Spade, "Oo nga, paano mo nalaman?" "Ano ba guys?! Lumabas na lang tayo kaysa magtanungan dito!" Sa pagkakasabi kong iyon ay nagsimula na kaming lumabas sa butas na iyon. Hinintay ko muna na makaalis si Sandria. Masikip sa lalabasan namin dahil sa gilid lamang ito ng Punishment room at ng bakod para sa playground. Nang nakaalis na dun si Sandria ay ako naman ang sumunod. Hanggang sa nakalabas kaming lahat. Nagtalo pa si Spade at Luna habang kami ni Sandria ay inaayos ang sarili namin. Nakahinga ako nang maluwag. Pagdating ko sa classroom, kukuhanin ko agad ang pabango ko sa bag at ii-sprayan ang buong katawan ko. Gagamit din ako ng alcohol dahil ang dumi na ng mga kamay ko. Pagkatapos nun, pupuntahan ko si Cyrus, papaaminin ko ulit siya dahil sa naudlot na pag-uusap namin sa bahay nila at itatanong ko kung anong kinalaman niya sa pagkawala ni Aislinn. Dahil sa hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa best friend ko at hindi ako matahimik sa sinabi ni Austin na nasa mabuting kalagayan si Aislinn. Alam kong malaki ang pagmamahal niya sa kaibigan ko at maaring totoo lahat ng sinasabi niya pero may kung ano talaga na di ako mapalagay kay Austin. Iba ang kinikilos niya ngayon lalo na nung sinabi niya sa akin na killer si Cyrus. May parte sakin na naniniwala pero meron din naman na nagtataka pa rin. Hindi pupwede. Dapat kong malaman mismo sa bibig ni Cyrus ang totoo. "Let's go." Aya ko sa kanila kasabay ng paglakad papunta sa classroom. "Tumigil nga kayo Luna at Spade. Nakakarindi na kayo ah." Pagpuna ko sa

Page 190: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kanila. Kanina pa kasi away nang away. Saka naguguluhan ako. Marami akong iniisip tapos dadagdag pa ang ingay nila. Mabuti pa si Sandria, tahimik. Well, lagi naman siyang tahimik eh parang si Luna lang din pero ewan ko ba, iba rin si Luna kapag si Spade ang kasama niya. Napapansin ko lang. "Tanga, tumahimik ka na. Dada ka nang dada." Ang huli kong narinig kay Luna na sabi niya kay Spade. Ito ata ang unang beses na narinig kong nagsalita si Luna ng ganung karami. Mukhang dapat ko silang kilalanin pa nang mas mabuti. Bilang lider ng 3-C, dapat kong malaman kung sino ang mga kaklase ko. Tama. Iyon nga. Binuksan ko ang pintuan at isang malakas na sigaw ang bumungad sa amin. "Ayan na pala si Sapphire, ang kasabwat ni Cyrus!" Nagkatinginan kami ni Sandria. Ano bang pinagsasabi nito? Saka ko napansin na halos lahat ng upuan ay nasa gilid at si Cyrus ay nasa gitna, nakatali sa isang upuan. Agad akong napatakbo at pinuntahan siya upang pakawalan ngunit hinatak ako ni Austin. "Austin! What are you doing?!" pumunta naman sa likuran ko si Clyde at inalis ang mahigpit na pagkakahawak ni Austin sa braso ko. Saka ko hinarap ang buong klase. "Ano bang pinagsasabi nyo ha? Nababaliw na ba kayo?!" Tinignan ko si Raphael na tahimik lang na nakaupo sa upuan niya, nasa tabi niya si Abi at si Katherine naman ay nakatayo sa gilid ni Raphael. Parang wala lang sa kanila na nakatali si Cyrus. Tinanggal ko ang pinagdikit-dikit na scotch tape na nasa bibig ni Cyrus saka siya galit na galit na sumigaw. "Mga putangina nyo! Mga baliw na kayong lahat!" Ngunit hindi siya pinansin ng lahat bagkus ay nakinig ang lahat sa sinabi ni Austin. "Sapphire, kung kakampi ka kay Cyrus, kalaban ka na rin ng klase pero hindi talaga nakapagtataka na hindi ka niya kasabwat diba? Ang leader ng 3-C ay isa ring killer, pwede naman yun, diba?" narinig ko ang pagsang-ayon ng karamihan. Napakunot ang noo ko sa nadatnan naming sitwasyon. Kanina lang ay maayos ang lahat ngunit ... bakit ganito? Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon . Wala akong maisip na saktong sasabihin para magsitigil sila. Para bang mga nag-aapoy ang mga mata nila at kahit anong sabihin ko, desidido na sila.

Page 191: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ano bang nanyayari sa klase namin? Napatingin ako kay Austin, napakasama niya talaga. Hindi ko akalain na isa siyang ganito. Tatalikuran niya ang mga kaibigan niya ... para saan naman? "Tama si Austin, kasabwat ni Cyrus si Sapphire." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Katherine. Saka ko naramdaman ang pagtakbo ng ilan kong kaklase at hinawakan nila ang magkabila kong kamay. Nagpumilit akong kumawala. Nakita ko rin na tumakbo papalapit sa akin si Clyde at Spade upang pigilan ang mga baliw naming kaklase ngunit nabigo sila. Itinulak sila sa gilid at binantayan din doon. Mas marami sila kaysa sa amin. "Wag nyong sasaktan si Sapphire. Mga punyeta kayo! Kapag ako nakawala dito, ibabalibag ko yang mga pagmumukha nyo!" narinig ko pang sigaw ni Cyrus habang nagpupumilit pa rin ngunit mahigpit siyang hinawakan ng iba pa naming kaklase. Mas magiging maayos sana kung hindi nila itinali nang ganun si Cyrus. Narinig ko ang sunod sunod na sigaw ni Cyrus ngunit hindi ko ito napagtuunan ng pansin dahil pilit pa rin akong lumalaban. Pilit pa rin akong kumakawala sa mahigpit na paghawak nila sa akin. Lagpas sila sa walo habang ako naman ay iisa lang. Wala akong laban. Hindi ko akalain na gaganituhin ako ng buong klase. Hindi ba ... kakampi ko sila? Ako ang leader nila. Ako ang sinusunod nila. Si Katherine at si Austin ... kaibigan ko sila ngunit ano ito? Ba't parang bumabaliktad sa akin ang lahat? Ngunit sa panahon na ito, isang tao ang hindi ko inaasahan na magtatanggol sa akin. Si Abi. "Guys, wake up! Para kayong mga tanga diyan. Tignan nyo nga tong ginagawa nyo! Ano bang ebidensiya natin ha? Yung picture at message ng killer? Yung si M? Eh langhiya naman. Sa killer pa ba kayo magtitiwala? Sa kalaban pa kayo maniniwala?!" Halata sa kanya na ang labis na inis. Hindi ko akalain na masasabi niya ang mga ito. Parang dati lang, ako ang itinuturo niyang killer. Bakit parang, nag-iba ang ihip ng hangin? Ngunit hindi pa rin sapat ang sinabi ni Abi, may sumagot pa rin galing sa kanila.

Page 192: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Pero ikaw na rin ang nagsabi Abi, may pinatay dati si Sapphire at hindi na ko magpapakaplastic, kung labasan ng baho, marami nyan si Sapphire." Tumingin siya sa akin. "Kung hindi mo pa naalala, Sapphire. Ipapakita ko sayo ang picture niya." May inilabas siyang litrato galing sa isa niyang kamay. "Ayan! Ayan ang babaeng pinatay mo!" Narinig kong sumigaw si Cyrus, nakita kong tumakbo papalapit si Katherine upang pigilan ang kaklase naming iyon, nakita ko rin tumakbo papalapit si Clyde at si Raphael ngunit huli na sila halos naisupalpal na niya sa mukha ko ang isang litrato ng babae. Nanlambot ako. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na paghawak ng mga kaklase ko sa akin. Saka ko naramdaman ang labis na pananakit ng ulo. Hindi... Hindi ko siya pinatay. Nawala siya. Ang sabi nila, nawala siya. Hindi ko pinatay si Miaka. SPADE'S POV Hindi ko maintindihan itong klase na to. Parang si Luna, ang gulo. Lumabas ako ng classroom habang pinapagpag ang uniform ko. Sinabihan kasi ako ni Sandria na tumawag ng teacher pero sa tingin ko, mas lalong lalala kung may makakaalam na faculty member. Baka makarating pa sa adviser namin, ipakulong pa ulit kami sa lintek na punishment room na 'yon. Bahala na, matutulog na lang ako sa library. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang, tinignan ko lang naman kung may message o wala. Hindi ko ito inilabas kanina noong nagtanong si Sandria na kung sinong may cellphone. Ayoko. Baka may makita sila rito. Delikado para sa akin at para sa amin. Mahirap na, tsk tsk. Tsaka, hindi ko na rin problema kung anong manyayari sa kanina sa loob. Bahala na sila dun. Pero sa tingin ko rin nababaliw na rin ang mga

Page 193: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kaklase namin eh. Mga nagiging paranoid na. Mga kung anu-ano ang iniisip. Sino ba naman kasi ang normal na magtatali ng kaklase sa isang upuan? Psh. Mga abnormal. Katulad ni Abi, hindi rin ako naniniwala sa natanggap nilang message. Hindi naman kasi ako napadalhan dahil hindi naman nila alam ang number ko. Ibig bang sabihin nun, kasama sa klase ang nagpadala ng mensahe? Siyempre, isa sa kanila iyon. Eh sino naman si M na nandun? Tss. Tama na nga Spade, masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pag-iisip. Matulog ka na lang para hindi masayang ang oras mo. Hindi na rin ata ako normal, nahahawa na ko sa mga kaklase ko, kinakausap ko na ang sarili ko eh. Pakshet, nakakabaliw sa school na to pero ano pa nga bang inaasahan ko? Dapat pala naghanda pa ko nang mas maigi sa pagpasok dito. Pumwesto ako sa pinakadulo ng library, dito sa bagong library, mas malamig kasi ang air conditioner dito. Ibig sabihin, mas masarap matulog. Mahaba pa ang silya dito sa dulong lamesa at tanga yung librarian, hindi ako mapapansin nun. Ngunit bago ako pumikit, muli kong naalala ang sinabi nung Luna na iyon. "Hindi ko kayo kaibigan." Naiirita talaga ako sa tuwing naalala ko iyon lalo na kapag naririnig ko ang boses ni Luna o nakikita ko man lang si Luna. Iniligtas na nga namin siya tapos ganun lang ang sasabihin niya? Ni hindi man lang siya nagpasalamat o ano. Napakayabang talaga. Hindi ba niya alam na alalang-alala ako sa kanya?! Sobrang alala ko na halos nalimutan ko na na wala nga pala akong halaga sa kanya at dapat wala rin siyang halaga sa akin. Nakakainis ka talaga, Tuna. Saka ko inilabas ang susi na nasa bulsa ko pa kanina. Itong kulay pilak na susi na ito ang ginamit namin para mapalabas siya. Ito yung binibigay namin sa kanya dati ni Sandria noon pero hindi niya tinanggap kasi kaya raw niya ang mag-isa pero anong nanyari? Wala rin, sumama rin siya sa amin.

Page 194: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nagtataka siya kung paano namin nalaman kung nasaan siya. Madali lang naman eh. Alam na alam ko kung saan siya makikita. Binulsa ko ulit yung susi at inilabas muli ang cellphone ko. Saka ko binura yung dalawang text messages na iyon. Ang unang text message ay tungkol sa pagkawala niya at ang pangalawa naman ay kung nasaan siya. Naglalaro lang naman siya eh. Ba't ba ako naniwala? Naloko tuloy ako. Noong panahon na iyon, akala ko mamatay talaga si Luna kung hindi namin siya maililigtas. Ayon kasi sa pangalawang text message na natanggap ko, sa loob ng isang oras na hindi siya mailigtas ... may nakakalasong gas na magiging dahilan ng pagkamatay niya sa loob ng kwartong iyon. Kaso, mukhang biro lang naman iyon dahil higit sa isang oras namin siya hinanap. Tsss, nag-alala pa naman ako. Nakaramdam ako ng matinding antok. Hanggang sa unti-unti na kong pumikit. At sa pagpikit ko, isang imahe ng babae ang unang pumasok sa isip ko. Si Hana. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - PARANOIA. Means (1) A mental condition characterized by delusions of persecution, unwarranted jealousy, or exaggerated self-importance, typically worked (2) Suspicion and mistrust of people or their actions without evidence or justification. YUNG ABOUT SA SUSI NA HAWAK NI SPADE. Nasa chapter 5 po yun. :) Salamat sa pagbabasa! Comment your opinion, deduction o kahit ano man. God bless~~ "Her only way home was to betray her friend." ― Scott Westerfeld, Uglies.

Page 195: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

--------------------------------------------x RAPHAEL'S POV "BAKIT pinabayaan mo lang na ganunin sila Cyrus at Sapphire kanina?" tumingin ako kay Sandria ng tinanong niya iyon. Bago pa man ako makatugon ay nagtanong na naman siya. "Hindi ba, hindi ka naniniwala na si Cyrus ang killer? Pinagtanggol mo pa nga siya kay Samantha hindi ba? Bukod kay Sapphire, ikaw ang isa sa sinusunod ng karamihan sa klase. Bakit ka lang tumunganga dun?" Mukhang naiinis siya. Hindi ko naman masisisi si Sandria. Hindi naman talaga tama ang mga nangyari pero ano nga bang magagawa ko? Wala rin naman eh. Bago pa manyari ang lahat ng iyon, sinubukan ko na silang pakalmahin ngunit paniwalang-paniwala talaga sila sa natanggap nilang mensahe lalo na sa mga pinagsasabi at kinukwento ni Austin kanina. Hindi ko akalain na magkakaganito. Kaya bago pa ako madamay, mas mabuti na tumahimik na lang ako kanina. Inisip ko nang mabuti ang lahat ng nanyari, lahat ng nasabi nila at ang maaring o possibleng manyari. Mukhang lalong gumugulo. Baka bukas o makalawa, kami-kami na rin ang magpatayan. Hindi pwede yun. Natapos yung nangyari kanina sa pag-iyak ni Sapphire. Hindi ko siya masisisi. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin alam ang paniniwalaan ko. Ang sinasabi ba ng iba o ang mga sinabi nga kaibigan niya? Gusto lang namin na protektahan siya lalo na ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase. "Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga tanong ko?" matigas na pagkakasabi ni Sandria na nagpabalik naman sa akin sa realidad, masyadong lumilipad ang isipan ko. Lumingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa bagong library, ilang oras na rin ang nakalipas matapos ang nangyari. Umuwi si Sapphire kasama ni Clyde at si Cyrus naman ay umuwi mag-isa ngunit alam kong hindi pa rin doon magtatapos ang lahat. Kailangan kong umisip ng paraan. "Sandria, magtiwala ka lang. Hindi ako kumibo kanina dahil mas lalong gugulo lang. Nakita mo naman diba? Mas lalo silang nagalit noong nagsalita si Abi. Mas lalong gumulo lalo na't nalaman ni Sapphire ang tungkol kay Miaka." Nakita ko pumaibaba ang tingin ni Sandria nang narinig niya ang pangalan ni Miaka.

Page 196: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Si Miaka.." sambit pa niya. "Akala ko nakalimutan na natin siya, akala ko lang pala." Para ba siyang nalungkot. Napabuntong hininga naman ako bago muling nagsalita. "Malaki siyang parte ng klase. Kahit na naging importante lang siya noong namatay siya." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Sandria na para bang may nasabi akong hindi dapat sabihin. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at tumayo. "M-Mauna na ko. Baka nagsisimula na ang susunod na klase." Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Mukhang nataranta siya. Bakit naman kaya? "Eh sino naman yang si Miaka?" napalingon ako ng narinig ko ang boses ni Spade, isa naming kaklase. Nasa may pinakadulo siya at sa kinauupuan ko, ang tangi ko lang nakikita ay ang nakalawit niyang mga paa. Hindi ko akalain na may iba palang tao rito. "Hindi ako bingi, at tsaka malakas ang boses nyo. Nagising nyo nga ako eh." Tumayo siya sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niya habang nakasimangot sa akin. "So, sino nga si Miaka?" tanong niya ulit. Mukhang wala siya kanina noong nagkabistuhan kanina sa classroom. "Hindi mo siya kilala at huwag mo na rin siyang kilalanin." Ngunit tinitigan lang niya ako. Habang mas tumatagal ang titig niya, para ba akong kinakabahan. Para kasing umaapoy ang mga mata niya. Mukhang gustong-gusto niya talagang malaman. "Dati namin siyang kaklase at ngayon, dapat patay na siya. Yun lang. Ayos na ba?" tatayo na sana ako nang muli siyang nagwika. "Ah, dapat patay na siya pero buhay pa rin siya at siya ang pumapatay sa mga kaklase natin." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga sinabi niya. Para bang normal lang sa kanya ang magsalita nang ganun. "Tama ako, diba?" nakangisi pa niyang sinabi. "Ang boring kanina sa classroom kaya umalis na lang ako. Sana pala nagtagal ako nang kaunti doon. Mukhang may nangyaring kapana-panabik. Tsk tsk." Sabi pa niya habang palabas ng library. Kaibigan siya ni Cyrus. Noong una, akala ko, kaugali lang siya nila Cyrus pero mukhang ... iba siya. Atomatikong akong naglakad palabas ng library. Para bang kusa akong dinala ng mga paa ko dito sa kinatatayuan ko ngayon. Sa harap ng student

Page 197: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

council room. Hindi na ako nag-abala na kumatok pa. Pumasok na ako agad sa loob. Nadatnan ko si Blake na nakaupo at may ginagawa sa lamesa niya, nandito siya tuwing break time nila. At si Samantha naman ay nasa kabilang table kasama ng iba nilang myembro. "Anong kailangan mo?" tanong sakin ni Blake. Labag man sa loob ko ang pagpunta rito pero mukhang kailangan ko siyang makausap. Nakita kong tinitigan ako nang masama ni Samantha habang papalapit ako sa kinauupuan ni Blake. "May gusto akong malaman." Dere-deretso kong sabi kay Blake. Ayos lang kahit marinig ng iba niyang kasama ang sasabihin ko, hindi naman ganun kaimportante ito para sa kanila. Basta, gusto ko lang malaman. "Kuya Blake, ayos lang ba na nandito siya? Hindi mo ba siya papaalisin?" tanong pa ni Samantha. Kahit kailan talaga, nagpapanggap pa rin siya na ganun. Psh. "Ayos lang, Sam. Hindi naman siguro gagawa ng gulo itong si Raphael." Nakangiting sabi ni Blake, naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko yung ngiti na yan. Naalala ko kasi yung panahon na ngumiti rin siya sa harap ko nang ganyan. Parehong-pareho. Yung ngiti niya noong panahon na nakuha niya si ... Hanako. "Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya. Bumuntong hininga ako saka nagwika. "Tutal, may koneksyon ka kay Mr. Laketon, mukhang mayroon ka din lahat ng files na meron siya? Tulad ng mga tungkol sa estudyante." Nawala ang ngiti sa mga labi niya at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa Raphael. Ano ba ang gusto mong malaman?" tanong pa niya ulit. Ngumiti ako kasabay ng pagpatong ng dalawa kong kamay sa mesa niya. "Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Spade Young ng class 3-C."

Page 198: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tulad ng inaasahan ko, gulat na gulat siya sa sinabi ko. Sinabi ko na nga ba. Bakit ba ngayon ko lang napansin? Sobrang pamilyar ni Spade sa akin. Lalo na ang pangalan niya, nakita ko na iyon. Naalala ko na. SAPPHIRE'S POV Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko habang nakayakap ako kay Clyde. Naramdaman ko naman bumilis pa ang pagpapatakbo niya ng motor. Mas isinubsob ko pa ang ulo ko sa likuran niya habang iniisip ang lahat ng nanyari. Napakabilis ng lahat. Ang sabi nila, pinatay ko si Miaka ngunit papaano? Kailan? Ang sabi sakin nila Cyrus ... nila Aislinn ... na nawala si Miaka. Nawala siya. Hindi ko siya pinatay. "Tahan na, Sapphire." Naramdaman kong inihinto na niya ang pagpapaandar sa motor niya. Lumingon ako sa paligid at nagulat ako ng hindi sa harap ng bahay namin kami nakahinto. Tumingin lang ako sa kanya habang ibinababa niya ko sa motor. Pagkababa namin ay umupo kami sa damuhan. Nandito kami ngayon sa maliit na parke malapit sa isang sikat na ospital. Inabutan niya ako ng panyo na agad ko naman pinangpunas sa mga luha ko na ayaw pa rin tumigil sa kakatulo. Ilang minutong katahimikan ang binigay sa akin ni Clyde hanggang sa bigla siyang nagsalita "Sana huwag kang magalit sa amin nila Cyrus sa sinabi namin sa'yo. Dun sa kasinungalingan na pinanghahawakan mo hanggang ngayon." Para bang isang dosenang kutsilyo ang biglaang sumaksak sa dibdib ko sa narinig ko kay Clyde. Ibig sabihin ... kasinungalingan lang na nawawala si Miaka? Niloko ako ng sarili kong mga kaibigan?

Page 199: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ayaw lang namin na mapahamak ka. Ayaw lang namin na maging masama ang tingin mo sa sarili mo. Ayaw lang namin na-" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya'y nagsimula na kong magsalita. "Nakapatay ako ng tao, ng kaklase natin hindi ba ... masamang tao na ako 'nun?" mas malala ang nararamdaman ko ngayon ngunit ang kaibahan lang, wala ng tumutulong luha. Parang wala na kong maaring gawin na reaksyon. "Galit na galit ako sa gumagawa nun sa mga namatay nating kaklase pero ganun din pala ako. Wala akong pinagkaiba sa kanila. Ang sama-sama ko." Tuloy tuloy kong sinabi. "Sapphire..." narinig kong bulong ni Clyde. Mukhang kahit siya, hindi rin alam ang dapat niyang reaksyon. Mukhang tama ang mga sinabi ko. "Sabihin mo nga sa akin, Clyde. Sabihin mo lahat ng hindi ko naalala." Noong una'y ayaw niyang sabihin ngunit napilit ko din siya. Hindi man sa simula niya ikinuwento ay naintindihan ko pa rin. Napakalabo ng naalala ko pero ramdam ko ... totoo ang lahat ng sinabi niya. Iyong gabi na 'yon. Ang unang beses raw na nakita nila akong inatake ng phobia ko. Mabuti na lamang at hindi alam ni Aislinn ang tungkol dito, mabuti na lang at hindi siya nandoon. Karamihan sa klase ay nandoon, isang masaya sanang party ngunit nauwi sa isang madugong katuwaan. Ewan ko kung ano ang nanyari ngunit sa pagkakakwento ni Clyde, hindi sinasadya ng lahat ang pagkamatay ni Miaka. Kahit ako, wala naman akong plano sa isip ko na ganun. Siguro noong panahon na iyon, sadya akong nagpadalos-dalos hangang sa mapatay ko siya? Hindi ... hindi... kahit hindi sinasadya, kahit hindi ko ginusto. Pinatay ko pa rin siya. Pinatay ko si Miaka. "May sasabihin pa ako sa'yo." Pakiramdam ko'y walang reaksyon ang mga mata ko noong tumingin ako sa kanya siguro dahil sa napakalalim ng iniisip ko at hindi pa rin ako lubusang nagising sa realidad sa sinabi niya ngunit ang sunod niyang sinabi ay nagbigay talaga sakin ng malaking epekto. Sa gulat ko ay halos isang dipa ang naging layo ko sa kanya. P-Paano? "Sa ngayon, sikreto lang muna natin iyon. Sapphire, malaki ang tiwala ko sayo."

Page 200: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ko akalain... MIAKA'S POV Tahimik lang akong nakaupo habang hinahaplos si Kuro. Sunod kong hinaplos-haplos ay ang kulay pulang pulseras na nakapalibot sa leeg niya. Napapangiti talaga ako sa tuwing nakikita ko ito. Isang pangako. Ang pangako niya na hanggang ngayon ay hindi ko ba alam kung tutuparin niya pero tutal na nasa 3C lang naman siya, bakit hindi ko na tapusin na lang ang buhay niya? Bilang simbolo ng pagtatapos din ng pangako niya. Ang pangako niya na mukhang kahit siya ay nakalimutan na rin naman niya. Gusto ko siyang patayin. "Kuro, sa tingin mo, magugustuhan mong kainin ang mga mata niya? Iniisip ko palang kasi na dudukutin ko ang mga iyon, natutuwa na ako." Tumingin sakin si Kuro at inihagod niya ang ulo niya sa kamay ko. "Masarap diba?" nakangiti ko pang sinabi. Gusto ko man tanggalin ang suot niyang pulang pulseras ay hindi ko magawa. Gusto yun ni Hanako. Naniniwala pa rin si Hanako na tutuparin niya ang binitawan niyang pangako. Pero ibahin niya ako, iba na ako mula noong umalis siya. Ibang-iba na. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad-lakad. Naalala ko, may dapat na manyari sa 3C ngayon. Magtatagumpay nga kaya siya? Kung oo o hindi, wala rin naman akong masyadong pakialam. Basta ang akin, mapatay ko ang gusto kong patayin. Bahala na sila sa kung sino ang gusto nilang tapusin. Lumingon ako. Guni-guni ko lang ata na narinig ko ang boses ni Hanako. Tama, guni-guni ko nga lang. Wala si Hanako dito. Nagtaka ako noong una. Hinanap ko siya nang biglaan siyang nawala ngunit alam ko na kung nasaan siya. Alam na alam ko. Tumalon si Kuro paalis sa bisig ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. "Blake." Pagbanggit ko sa pangalan ng taong nasa litrato na hawak ko. Naalala ko pa noong ibinigay sa akin ni Hanako ito. Tuwang-tuwa niyang

Page 201: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sinabi na may nobyo na siya. Isa sa mga sikat sa eskwelahan. Isa sa mga hinahangaan at ginagalang. Noong panahon na iyon ... galit na galit ako. Kay Hanako, kay Blake at sa sarili ko. Noong panahon na iyon, alam kong kakalimutan na ako ni Hanako. Mawawalan na siya ng oras para kausapin man lang ako. Mawawalan na siya ng panahon para makasama ako. Labag man sa kalooban ko, pinabayaan ko siya. Nakita ko kasi na napakasaya ng kaibigan ko. Hanggang sa sarili niyang kasiyahan ang naging dahilan ng pagkalungkot niya. Alalang-alala ko pa ang araw na iyon. "M-Miaka ... ayoko na. Miaka, hindi ko na kaya." Paulit-ulit na sabi ni Hanako habang nakayakap sa akin. Batid ko ang lahat ng nangyari. Yung video na iyon ... ang plano ng mga kaklase namin. Lalo na ang manyayaring party. "Iligtas mo ako. Hindi totoo iyong video na 'yun. Miaka, wala kaming relasyon ni Sir Buendia." Tumingala siya sa akin. Kita kong namumugto ang kanyang mga mata. "Naniniwala ka naman sa akin diba?" Naalala ko bigla ang lahat. Pinabayaan din naman ako ni Hanako. Bakit ko siya tutulungan? Pinabayaan niya ko noong mga panahon na kailangan ko siya. Pinabayaan ako ni Hanako. Pinabayaan niya ang nag-iisa niyang totoong kaibigan. "Miaka ... maari akong iwan ni Blake. Masama ang tingin sa akin ng lahat. Hinuhusgahan na ako ng lahat. Hindi ba, kaibigan kita?" Tama, kaibigan niya ako. Dapat ko siyang tulungan pero papaano ko siya tutulungan kung alam ko naman na iiwan lang din niya ako pagkatapos nun? Babalik ulit siya kay Blake. Kakalimutan na naman niya ako. "Miaka, huling beses na ko hihiling sa'yo. Mapagbibigyan mo naman ako diba?" h-huling beses? Bakit huling beses? Iiwan na ba niya talaga ako? "Ikaw ang pumunta sa party kapalit ko. Iyon lang, iyon lang Miaka." Napatingin ako nang deretso sa mga mata niya. Tumango ako at doon ko siya nakitang ngumiti. "Salamat, kaibigan talaga kita."

Page 202: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Isang desisyon na labis kong pinagsisihan. Humarap ako sa salamin malapit sa kwarto na dating tinutuluyan ni Hanako. Bahagya kong inusog ang harap ng suot kong kamiseta upang matignan ang malalim na peklat sa dibdib ko pati na rin sa balikat ko. Sapphire, ako ang papatay sa'yo. Napalingon ako nang narinig kong bumukas ang pinto sa di kalayuan. Agad akong pumunta sa may sala at nakita kong nakaupo siya sa sofa. Hawak hawak niya ang phone niya na agad naman niyang inilapag sa lamesa. "Nandiyan ka pala, akala ko, walang tao." Pamungad niya sa akin. Itinaas niya ang paa niya. Hindi ko talaga alam kung dapat ko ba siyang galangin dahil sa katuyuan at trabaho niya o hindi. Isa siya sa mga taong hindi ko akalain na sasama sa grupo na ito. Masyado siyang may pinag-aralan para mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ako kumibo at aalis na lang sana kung hindi lang siya nagsalita. "Alam mo bang may nabubuong ibang grupo sa grupo natin?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ibang grupo? Sa grupo namin? "May nabubuong alyansa laban sa atin." Umupo ako sa malapit na upuan at nakita kong tumakbo papalapit sa kanya si Kuro at inihagod ang ulo niya sa sapatos niya. "Ano namang pake ko? Nandito ako kasi gusto ni Hanako. Mamatay man ako o hindi, wala na kong pakialam doon. Tutal, pangalawang buhay ko na rin naman ito." Napangisi siya sa sinabi ko. "Ayaw mo bang bumuo ng alyansa? Tayong dalawa, laban sa kanila." Umiling ako saka napalingon sa pigurin sa lamesa. Ang basag-basag na pigurin na pilit ko lang pinagdikit. Kaming tatlo lamang ang mayroon nito. Ako, si Hanako at siya. Kapag nagkita kami, ipapakita ko sa kanya ang pigurin na iyan. Para lang maramdaman niya ang galit ko. Kung maari lang, babasagin ko yan sa mismo niyang mukha para mas lalo niyang maramdaman. Tama, mukhang maganda ngang plano iyon.

Page 203: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Interesante ka talaga, Miaka. Naiisip ko tuloy, paano kung hindi ka namin iniligtas? Edi namatay ka na lang doon?" inirapan ko siya. Paulit-ulit niyang pinapaalala na utang ko sa kanilang dalawa ang buhay ko. Paulit-ulit niyang pinapaalala na kung hindi dahil sa kanila, wala na ako. "Hindi ko sinabing iligtas nyo ako." Tumayo ako at babalik na sana sa may kwarto ngunit may naalala ako na dapat kong sabihin. "Tsaka, pakisabi sa kanya, wag niyang basta-basta ginagamit ang pangalan ko kahit unang letra lang iyon sa mga mensahe na wala naman akong kinalaman." Pinalapit ko sa akin si Kuro at sinundan naman ako nito papunta sa kwarto. Si Kuro lang talaga ang maasahan ko kahit kailan. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Ito na naman. Nanginginig kong kinuha ang botelya ng gamot na nasa gilid kama. Muntikan na itong mahulog dahil sa kapabayaan ko ngunit nainom ko naman ang ilang tableta nito. Muli, nanginginig ko inilapag sa lamesa ang nasa gilid nitong baso na puno ng tubig. Ilan ba ang nainom ko? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na rin alam. Umupo ako sa kama at huminga nang malalim. Sa di kalayuan ay nakita ko ulit yung hawak-hawak ko kaninang litrato ni Blake. Mukhang nabitawan ko ito nang hindi ko namamalayan. Lumapit ako at pinulot ito. Habang bahagyang nakaupo ay tinitigan ko muli ang litratong iyon. Wala siyang kwenta. Inagaw niya sa akin si Hanako at sa dulo, ako pa ang nalugi. At ngayon, kinuha niya ulit si Hanako., kinuha niya ulit ang kaibigan ko. Babawiin ko ang kaibigan ko. Baka... baka pinapahirapan niya ngayon si Hanako. Hindi na siya gusto ni Hanako, bakit hindi ba niya matanggap iyon? Ako lang ang tangi niyang kaibigan at siya lang din ang tangi kong kaibigan. Akin lang ang kaibigan ko. Nakaramdam muli ako ng matinding pagkahilo. Alam ko naman na mula pa noong simula, pinaplano na niya ang kamatayan ko pero anong magagawa ko? Tulad ng pagkakasabi niya kanina, utang ko ang buhay ko sa kanila. Dapat akong sumunod sa agos. Basta, mapatay ko lang sila, ayos na ako.

Page 204: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dahan dahan akong napahiga at ilang sandali ay yakap-yakap ko na ang tuhod ko. Tulungan mo ako, Hanako. --------------------------------------------x Salamat sa pagbabasa! :D Voice out your opinion. Kung may mga katanungan, feel free to ask po. :) "He yearns..." --------------------------------------------x CYRUS' POV "ANO yang sinasabi nyo na nawawala si Paula?!" sigaw ko sa mga katulong namin. Ang pangit na nga ng nanyari sa school tapos ito pa 'tong dadatnan ko sa bahay? Pakshet. Nakakairita talaga. Napasuntok ako sa lamesa dahil sa inis at pagkatapos nun ay ibinato ko ang vase na nakapatong rito. Nagulat ang mga katulong sa ginawa ko. "Ano pa bang tinutunganga nyo diyan? Ireport niyo sa pulis ang pagkawala ni Paula!" agad silang nagtakbuhan paalis sa harapan ko. Napaupo ako at malalim na bumuntong hininga. Gusto kong magwala nang magwala dahil sa nararamdaman ko ngayon. Parang kanina lang, itinali ako ng buong klase, ang mga taong kilala ko mula noong first year pa ako, ang mga tao na akala ko ay mga kakampi ko. Paano nila nagawa sa akin iyon? Paano nila nagawa sa amin ni Sapphire iyon? Lalo na yung gagong Austin na 'yun. Pupuntahan ko sana siya mamaya kung hindi lang dahil sa nadatnan ko ngayon, nawawala ang nag-iisa kong kapatid. Ang masama pa, maari siyang atakin kahit anong oras. Sa oras na ito, hindi pa siya nakakainom ng gamot. Kaya sa susunod ko na lang reresbakan tong gagong Austin na 'to. Kung ano man ang kagaguhan na pinaplano niya ngayon, hindi ko ito nagugustuhan. Langhiya. Napakamalas. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Tatawagan ko si mama't papa kahit na ayaw ko. Mukha kailangan nilang malaman ang tungkol sa pagkawala ng kapatid ko o kaya maaring kasama nila iyon. Hindi namin alam. Alam ko namang takot ang mga katulong na tawagan sila.

Page 205: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ngunit bago pa magawa iyon ay napatingin muli ako sa phone ko. Iniwan ko ito at hindi dinala sa school kanina. Lecheng text message iyon, nagkada-leche leche ang buhay ko. Yung picture? Tsss. Ano bang alam nila?! Ginawa ko lang iyon para kay Sapphire. Lahat naman ng ginawa ko ay para lang kay Sapphire. Siguro, dahil utang ko sa kanya ang lahat, utang namin ang lahat sa kanya. Hindi man niya maalala. Hindi man importante sa kanya ang memorya na iyon, para sa amin, siya pa rin ang biyaya sa pamilya namin. Kaya simula noon, nangako ako na poprotektahan ko siya kahit anong manyari. Ipagtatanggol ko siya kahit kanino. Gagawin ko ang lahat para kay Sapphire. Dahil sa kanya, buhay pa kami ngayon. Pero kanina, wala akong nagawa. Wala akong nagawa para protektahan ang Sapphire ko. Nasaktan siya, nalaman niya ang ginawa niya kay Miaka. Ang sikreto na tinago namin mula sa kanya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Tangina, tas iiyak pa ko?! Inis na inis kong pinunasan ang mukha ko at pumunta sa gilid ng kama upang tumawag gamit ang telepono na nasa lamesa lamang. Ngunit hindi ko na ito nagawa nang biglaang nagring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito. Isang tawag galing sa isang unknown number. Sino naman itong abala na 'to? Halos mabitawan ko ang phone ko sa sinabi niya. "Nasa amin ang kapatid mo. Pumunta ka dito sa lugar kung san nagsimula ang lahat. Alam mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba?" Binato ko sa kama ang phone ko at kusang tumakbo ang mga paa ko palabas ng bahay. Hinabol ako ng ilang katulong nang pinaharurot ko ang motor

Page 206: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

paalis. Hindi nila ako dapat pigilan ngayon, buhay ng kapatid ko ang nakataya rito. Mas importante ang kanya kaysa sa akin. Mas mabuting mamatay ako kaysa mamatay si Paula. Mabilis akong bumaba sa motor ko at tinignan ang lugar na nasa harapan ko. Kapag nakikita ko ang lugar na ito, isa lang ang pumapasok sa isipan ko ... si Hanako. Napabuntong hininga ako. Hindi ako dapat tumalikod ngayon. Nandyan ang kapatid ko. Baka saktan nila ang kapatid ko. Hahakbang na sana ako nang biglang may naramdaman akong sobrang tigas na bagay na humampas sa likuran ng ulo ko. Bago pa man manlabo ang paningin ko ay lumingon ako at doon ko nakita si Katherine na hingal na hingal habang may hawak-hawak na malaking bato sa kamay niya. B-Bakit siya nandirito? MURDERER'S POV Binuksan ko ang malaking pinto papasok sa bahay namin. Nakita kong abala ang lahat, ang mga katulong at ang iba pang trabahador. Muntik ko ng makalimutan, anniversary nga pala ng magulang ko kinabuksan. Wala naman akong pakialam. Maghanda sila, magsaya sila pero hindi pa rin nila maiiwasan na ipamukha sa akin na walang kwenta ang buhay mag-asawa nila. Ayaw man nilang aminin o iba man ang pinapakita nila, alam kong malapit na rin naman silang maghiwalay. Tuwing madaling-araw, naririnig ko silang nagtatalo. Narinig ko pang nabanggit ng tatay ko na wag na raw akong problemahin, tutal, ibibigay na lang nila ako sa kamag-anak namin kapag naghiwalay sila. Mukhang hindi nila naisip na baka gising pa ako sa mga oras na iyon. Mga tanga. Tumingin ako sa malaking tarpaulin na nakasabit, 'Happy 14th anniversary'. Kalokohan. Labing-apat na taong pekeng pagsasama. Labing-apat na taon na pagpapanggap. Tama, isang malaking kalokohan. Umakyat ako ng hagdanan papunta sa kwarto ko. Ah, mali, dapat ko muna siyang puntahan.

Page 207: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bago ako dumiretso sa pinaglalagyan niya ay pumunta muna ako sa kusina na nasa unang palapag upang magpatimpla ng kape. Sa pagkakaalam ko kasi, mahilig si Aislinn sa kape. Magugustuhan niya ito. "Salamat. Pakidala na lang ho ang bag ko sa kwarto. May aasikasuhin lang ako sa bodega." Wika ko sa katulong na nagbigay sa akin at walang anu-ano ay dumiretso na ko sa kwartong pinaglalagyan niya. Inilabas ko ang susi na nakasabit sa i.d ko at binuksan ang pintuan. Pagpasok ko ay inilapag ko ang dala kong bag sa gilid ng pintuan bago ito isarado at muling i-lock. Ako lang ang may hawak ng susing ito. Siguro dahil dati ko ring kwarto ang bodega. Sa tuwing, ayaw kong makita o marinig man lang ang boses nila, dito lang ako nagkukulong. Kaya nasanay na sila na hindi bulabugin at puntahan ito, tutal, wala naman silang mapapala sa loob nito. "Aislinn, gising ka ba?" pagkasabi ko nun ay ini-on ko ang switch ng ilaw. Doon ko nadatnan si Aislinn na nakaupo sa gilid ng kwarto at umiiyak. Tatakbo sana ako papunta sa kanya ngunit bigla kong naalala ang hawak kong tasa ng kape. Lumapit muna ako sa lamesa at nilapag ito doon. "Ba't ka umiiyak?" agad kong tanong nang nakalapit ako sa kanya. Bahagya akong umupo at pinunasan ang luha niya. Tumingala siya sa kin ngunit hindi siya nagsalita. "May dala akong kape, inumin mo muna gusto mo ba?" inabot ko ang kamay niya. Bakas pa rin dito ang mga sugat at pasa na natamo niya. Inalalayan ko siya papunta sa lamesa at umupo sa upuan doon. Kinuha niya agad ang tasa at para bang uhaw na uhaw na hinigop ito. Ngunit mukhang napaso ang dila niya. Lalapit sana ako sa kanya ngunit itinaas niya ang palad niya na para bang nagsasabi na wag akong lumapit. Ilang minuto ang nakaraan at doon lang siya nagwika. "Alam mo, iniisip ko pa rin na dapat namatay na lang ako. Hindi na importante ang buhay ko. Wala na silang pakialam sa akin. Mukhang di ako hinahanap ni mommy at ni d-daddy. Miss na miss ko na rin si Sapphire at Cyrus." Napabuntong-hininga pa niyang sabi. Hindi ko naman siya masisisi, nakakabagot talagang makulong dito buong araw lalo na't mag-iisang linggo na siya dito. "Hindi totoo yan. Ini-report na sa pulisya ng nanay mo ang tungkol sa pagkawala mo. Dun naman sa d-daddy mo ... mukhang wala naman siyang dapat gawin, hindi ba? At miss na miss ka na rin ni Sapphire." Nakita kong maluha-luha na naman siya. "Si Austin, hindi mo ba siya hahanapin?"

Page 208: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumingin siya sa akin nang masama. Ngumiti lamang ako sa kanya na nagpapanggap na inosente. Alam ko ang ibig sabihin sa likod ng tingin na iyon. "Ba't ko siya hahanapin kung papatayin lang din naman niya ako pag nakita niya ako?" Ngayon ko lang narinig na nagsalita nang ganitong kabigat si Aislinn. Hindi katulad ng pagsasalita niya dati na akala mo ay isang anghel. Ngayon, ibang-iba siya lalo ng si Austin ang pinag-uusapan ... ang lalaking mahal na mahal siya at dumating sa punto na, habulin siya nito sa kagubatan habang may dalang patalim. Napakagulo ng pag-ibig. "Anong sabi niya sa klase? Na magkikipagtanan sana siya sa akin? Na naghintayan kami? Na sinubukan niya akong iligtas? Napakasinungaling niya." Halos matapon ang kape sa tasa sa pagkakababa niya nito. "Hindi ako pumayag na makipagtanan sa kanya. Tahimik na ang buhay ko sa ospital hanggang sa bigla na lang niya akong itakas doon, dinala niya ako sa isang lugar na hindi ko alam basta sa isang kagubatan. Ang sabi niya, kung hindi daw niya ako makukuha, ano pang saysay ng buhay ko?" napatingin siya nang masama sa tasa na hawak niya habang nagkukwento. Sa ilang araw na nandirito siya, ngayon lang niya sinabi ang lahat ng ito. Nakikinig naman ako nang mabuti, mukhang interesante ang mga sasabihin pa niya. "Inalok pa niya ako ulit nun. Sabi niya, isa daw siya sa mga killers. Kapag sumama ako sa kanya, hindi ako mamatay. Dun ko ulit siya tinanggihan hanggang sa nanyari ang lahat. Binugbog niya ako. Sinubukan kong tumakas, tumakbo ako nang tumakbo. Nahuli nila ako, tatlo na sila nun. Mabuti na lang pinatakas niya ako." Tumingin siya sa akin. "Si Miaka?" tanong ko naman sa kanya. "Oo, si Miaka. Hindi ko alam kung papano siya nasama sa kanila. Hindi ba, nawawala siya?." Nakangiti niyang sinabi. Ayokong ikuwento sa kanya ang nanyari kay Sapphire kanina, ayokong malaman niya na dapat ay 'patay' si Miaka at dapat si Sapphire ang may sala 'nun. Hindi alam ni Aislinn ang lahat ng nangyari at mas mabuti ng hindi na niya malaman pa. "Balik tayo sa kwento mo, noong pinatakas ka ni Miaka. Anong ginawa ni Austin?" tanong ko ulit upang maialis doon ang pinag-uusapan.

Page 209: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Galit na galit siya. Hinanap niya ako. Maliit ang gubat kaya sa ilang oras lang ay natagpuan niya ako. Takbo lang ako nang takbo, lagi ko siyang naririnig na sumisigaw. Ang sabi niya, sa kanya lang daw ako. T-Takot na takot ako 'nun." Nagsimula na naman siya umiyak. "Hindi ko a-alam na magagawa sa akin ni Austin ang lahat ng ito. Bago pa man niya ako makita, kung sakaling makikita pa niya ako ... patayin mo na lang ako." Tumingin siya ulit sa akin. "Mas tatanggapin kong ikaw ang pumatay sa akin kaysa kay Austin." Napayuko ako ng ilang sandali saka muling tumingin kay Aislinn. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya ngunit nakatingin lamang siya sa kape at hindi umiimik. Naalala ko yung araw na sumugod dito sa bahay namin si Austin. Alam niyang hawak ko si Aislinn, alam niyang nasa akin siya. Nagwala siya sa labas at sinasabi na nasa loob si Aislinn ngunit wala namang naniwala sa kanya. Sa ngayon kasi, mas lalo siyang nagmumukhang baliw kaysa sa dati niyang ugali. Ganun nga siguro kung masyado ng nagiging gahaman at desperado. "Di bale, si Austin ang unang mamatay kaysa sayo at kaysa sa akin." Nanlaki ang mga mata niya. "May tao nga pala na gusto kang makita, pupuntahan natin siya." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY _ImASilentReader_. Dahil sa kanya nakakatats na comments. Maraming maraming salamaaaaaat. <3 HE YEARNS. Yep, si Austin ang tinutukoy dun. Tapos dun sa chapter 21 (Hidden agenda), yung last part ng POV ni Clyde dun ay yung pagbabalik ni Austin sa bahay nila. Hindi nagulat yung parents niya dun kasi hindi naman talaga nawala ng ilang araw si Austin. HINDI NGA PALA MAKAKAREPLY SA COMMENTS, MESSAGES AT ETC. Sira kasi si laptop. Saka ko na papagawa, after ng midterm which is this week na rin. <////////3 Maraming salamat sa pagbabasa. :)))) Voice out your opinion foooows.

Page 210: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"There are two kinds of people in this world, son. Those who save lives, and those who take lives." ― Brandon Sanderson, The Way of Kings --------------------------------------------x BLAKE'S POV NAGSIALISAN ang mga katulong nang nakaupo sa sofa na katapat ko si nurse Tin. Inilapag ko ang hawak kong libro sa kaliwa kong kamay at muling tumingin sa kanya. "Tinutulungan mo ang 3-C? Nabalitaan namin na kinuwento mo ang lahat kay Luna lalo na yung pagtakas mo sa punishment room." Hindi siya nagulat sa sinabi ko, marahil ay alam na rin naman niya. "Akala ko ba, hindi ka talaga mangingielam katulad ng ginawa mo sa batch nila Ash pero mukhang nagkamali ako, anong nangyari?" Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong isang sarkastikong ngiti lamang ito. Lumingon muna siya sa dumating na katulong at kinuha ang binigay nitong tea. Humigop muna siya sa hawak niyang tasa bago tumugon. "Nakita ko ang sarili ko sa kanya. At sinasabi mong hindi nangielam dati? Mukhang ngayon ka lang nagkamali Blake." Naguluhan ako sa mga sinasabi niya. Mali ako? Impossible. "Akala mo ba nagtagumpay si Mr. Laketon noon? Hindi mo ba naisip na kaya mas lalong kumikilos ngayon si Mr. Laketon dahil hindi umayon sa kanya ang lahat sa last batch ng 3-C. Natapos ang laro nang hindi niya naayon sa plano niya. Dahil kahit siya, niloko ng mga sarili niyang manlalaro." "Ano? Ang gulo." Wika ko sa kanya. "Magulo talaga Blake kung si Mr. Laketon lang ang pinaniniwalaan mo." Ito ang unang pagkakataon na wala akong masabi sa harap ng isang tao. Si nurse Tin, sa tingin ko, hindi naman siya nagsisinungaling. Pero ano ba tong mga pinagsasabi niya? "Tutal, nandito rin naman ako," ngumiti ulit siya sa akin. "Nakausap mo na ba si Sir Buendia mula noon?" nawala ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ko nung narinig ko ang pangalan ng taong nanakit nang paulit-ulit kay Hanako. Ang taong dahilan ng sobra niyang kalungkutan. Alalang-alala ko pa ang araw na iyon.

Page 211: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sir." Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang lumingon siya sa akin. Nagtanong siya kung ano ang kailangan ko ngunit hinigit ko lang ang braso niya at hinatak palayo, papunta sa isang lugar kung san makakapag-usap kami nang maayos. "Anong kailangan mo, Blake?" Tanong pa niya. Itinaas ko ang hawak kong envelope na agad naman niyang inabot. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang mga litrato na nakuha ko naman sa isang kumakalat na video sa buong Laketon Academy. Isang video kung san pinagsama-sama ang iba't-ibang litrato nila ni Hanako. Karamihan dito ay litrato ng paglabas at pasok nila sa isang motel, pagkain sa isang restaurant pati ang pagpasok at labas ni Hanako sa bahay ni Sir Buendia. "Naniniwala ka naman sa mga ito?" Tanong niya sa akin. "Kaya nga kita kinonpronta ngayon para makasigurado. Totoo ba ang mga ito?" Kinagulat ko ang biglaan niyang pagngisi. Anong ibig sabihin naman nito? "Kung sasabihin kong totoo, lalayuan mo na ba si Hanako?" Isa pang tanong niya. Naramdaman ko ang matinding inis dahil sa mga sinasabi ni Sir ngunit bumuntong hininga ako upang maiwasan ang pagsabog ng inis ko. Kailangan kong kumalma. "Bukas o makalawa, makakarating na ang video sa mga nakakataas. Siguro ngayon, kumakalat palang ito sa pagitan ng mga estudyante pero hindi ito magiging ganun na lang. Alam mo naman ang magiging kapalit diba?" pagbabanta ko pa sa kanya. Dati pa ko naiinis sa kanya. Kung paano siya mangielam sa amin ni Hanako, sa relasyon namin na wala naman siyang dapat pakialaman. Tapos ngayon, sisirain lang niya si Hanako nang ganun lang? Parang wala lang sa kanya. Oo nga, may mga masama pa ring nasasabi sa kanya ang ibang estudyante ngunit mas matindi ang sinasabi ng lahat ng Hanako.Kung dati ay ang klase lang niya ang nambubully sa kanya, ngayon, buong school na. Hindi ko na kayang makita siya na umiiyak sa kada pag-uwi niya. Hindi ko na kayang nakikita ang uniporme niya na puro dumi dahil sa mga sinusulat na masasamang salita ng mga nasa paligid niya. Hindi ko na kayang nakikita siya na araw-araw na lang pinagtitripan sa canteen nila Sapphire.

Page 212: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ayokong nahihirapan si Hanako. "Mahal mo siya diba? Kahit na may ganun kang nakita na video, mahal mo pa rin siya?" tumango ako sa kanya. Mahal ko si Hanako. Hindi ko alam kung bakit o papano nangyari basta, mahal ko siya. "Sige Blake, patunayan mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ko naman papatunayan? "Ipagtanggol mo siya sa harap ng lahat ng estudyante, sa lahat ng gumagalang sayo. Sabihin mo na mahal mo siya." napaibaba ang tingin ko. "Kapag nagawa mo iyon, sige, lilinawin ko ang lahat ng dapat linawin. Tutal, hindi naman totoo diba?" isang ngisi ang pumorma sa labi niya. Naglakad siya palayo ngunit ilang sandali ay tumigil siya at nagwika, mga salita na hindi ko lubos maisip na manggagaling sa kanya. "By the way Blake, ang galing humalik ng girlfriend mo." Bumalik ako sa realidad at agad agad na sinagot ang tanong ni nurse Tin. "Hindi at wala akong balak na kausapin siya." Hindi ko na hinintay ang tugon niya at tumayo na ako. "Mawalang galang na nurse Tin, madami pa kong gagawin. Pwede bang, umalis ka na?" nakangiti siyang tumango at nagpaalam. Nakatulala ako habang naglalakad. Saan pa ba ako pupunta? Siyempre, kay Hanako. Dumiretso ako nang lakad at lumiko sa bandang kanan dito sa kusina, isang pinto palabas ng bahay. Dere-deretso ako hanggang sa mapunta ako sa pinakadulo ng likod bahay namin kung saan isang bakanteng lote na puro damo lang ang nandito. Umupo ako sa may damuhan at tumingin sa ibaba, isang malaking hukay. Bumaba ako rito at tinanggal ang malaking tarapal na nakapatong.... ...sa malamig at nangangamoy na bangkay ni Hanako. AUSTIN'S POV Dito sa lugar na ito namin unang nakita si Hanako noon, sa tapat ng isang luma at abandunadong bahay. Nakita naman siya na nakikipag-usap noon sa isang lalaking tagong-tago ang mukha, hindi ko siya nakilala nun pero ngayon alam ko na kung ano ang koneksyon niya kay Hanako.

Page 213: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Noong araw na iyon, ang tangi lang naming balak ay mag-road trip hanggang sa magsawa kami pero noong napadaan kami, mukhang nasa isang hindi magandang sitwasyon si Hanako. Bilang pinakamabait sa grupo-pffft, sinabi ko sa kanila na tumigil kami upang tulungan si Hanako. Kita ko rin kasi noon kung paano higitin nang mahigpit ang kanyang kamay. Sinang-ayunan naman ako ni Raphael na himala na nakasama sa amin noong gabi na iyon. Doon nagsimula ang lahat, ang pustahan, ang kalokohan ni Cyrus. Inaamin ko, wala naman akong pakialam kay Hanako. Bakit ko ginagawa ito? Para sa akin syempre. Nakakabagot ang buhay at ito ang isa sa mga paraan para mabago ang nakakaumay na takbo ng buhay ko. Ano bang kinalaman ni Hanako sa amin? Eh si Miaka lang naman at siya ang may ganang ipaghiganti yun pero kahit sila, inaamin nila na mas mabuting patay na si Hanako. Kahit naman sila, may galit din dun eh. Sino bang may gusto kay Hanako? Tumingin ako sa paligid, isang madilim na lugar na punong-puno ng agiw at puro damo na rin sa loob nitong abandunadong bahay. Ang baho at halos kitang-kita na rin ang mga daga sa kisame pati na rin ang ilang insekto. Sa ganitong sitwasyon, siguro, sumigaw na kanina pa si Aislinn. Takot kasi siya sa mga insekto at daga. Si Aislinn... Inalok ko siya. Sinabi kong ilalayo ko na siya sa lahat. Sinabi kong ang lahat ng naiisip ko para sumama siya sa akin at hindi bumalik sa peste niyang tatay pero tangina! Bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin?! Hindi ba niya nakikita? Lahat gagawin ko para sa kanya pero kung hanggang sa ganung pagkakataon ay ipagtulukan niya ako palayo. Ano pa bang magagawa ko? Mas magandang mamatay na nga lang talaga siya kaysa hindi siya mapunta sa akin. Sabi ko naman sa kanila eh, sawang-sawa na ako. Wala na kong paki. Wala na kong gustong makuhang iba. Si Aislinn lang. Siya lang. At kung malamig na bangkay na lang siya, pwede ko na siyang makasama nang wala siyang reklamo. Akin na siya. Wala ng makakakuha sa kanyang iba. Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ako ng tunog ng motor sa may labas. Nandito na pala ang gago. Napangisi na lang ako habang iniisip na

Page 214: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

siya ang sinisisi ng lahat. Napakatanga nila. Napakadali nilang manipulahin, sino ba naman kasi ang magtataka sa akin? Hindi nila maiisip na kaya kong saktan si Aislinn. Wala dito sa Paula. Ni wala dito ang mga kasama ko. Nandoon sila, magkakasama habang hinihintay ang pagdating ko. Kapag napatay ko na si Cyrus, isusunod ko na si Sapphire. Hanggang sa mamatay na silang lahat. Kung wala si Aislinn sa akin, parang wala na rin kwenta ang pakikipagkaibigan ko sa mga gagong 'yon. Tutal, nakisama lang naman ako sa kanila dahil kay Aislinn. Nagtiis ako kahit napakalaki ng kasalanan sa akin ni Cyrus lalo na ni Sapphire. Ngayon, magbabayad na sila. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Katherine na nakatayo sa likuran ni Cyrus. Si Cyrus? Bagsak sa lupa ang gago. Psh. Kinuha ko ang itim na jacket ko at sinuot. Lumabas ako ng abadunadong bahay at lumapit kay Katherine. Binuhat ko si Cyrus habang ako naman ay umupo at pumwesto sa motor niya. Tumingin ako nang masama kay Katherine na nakatulala lang sa akin. "Ano pang hinihintay mo? Pulutin mo yung susi sa may harapan mo at sumakay ka na sa likuran ni Cyrus. Hawakan mo na din." Inis na inis kong sabi sa kanya na agad naman niyang ginawa. Pinaharurot ko ang motor ni Cyrus hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan niya. Bumaba ako at tinignan ko lang si Katherine habang akay-akay niya si Cyrus pababa. "Nasan tayo, Austin? Dito ba natin tatapusin si Cyrus? Tatawagan ko na ba ang mga kaklase natin?" sunod-sunod na tanong ni Katherine. Kinuha ko muna sa kanya si Cyrus na pinasan ko ang kamay sa balikat ko saka ako tumingin kay Katherine na ngayon ay takang-taka pa rin. At ilang segundo ang nakaraan ay tumugon ako sa tanong niya. "Sa katapusan mo."

Page 215: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Saka niya naramdaman ang pagtakip ng bibig niya. Lumingon siya sa taong nasa likod niya. Alam kong, gulat na gulat si Katherine sa nangyayari ngayon sa kanya. Sino ba ang nagsabi na mapagkakatiwalaan ako? Mga tanga. "Miaka, dalhin mo na yan sa loob. Palabasin mo yung gago dyan at tulungan ako sa pagbubuhat nitong isa pang gago." Sa pagkakasabi ko nun ay pumasok na siya sa loob. Magkapaghihiganti na talaga ako. CYRUS' POV Nagising ako pagkatapos ng isang masamang panaginip. Sa panaginip ko, tumatakbo raw ako, takbo nang takbo hanggang sa biglang may humatak ng paa ko at napuno na ng dugo ang paningin ko. At hanggang sa paggising ko, hingal na hingal ako. Tangina, nasan ba ko? Hinipo-hipo ko ang sugat sa likuran ng aking ulo. Tama, si Katherine ang may gawa nito. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang simpleng kwarto ako, nasa gilid ko ang kama at may lamesa sa likuran ko. Sa mismong harap ko ay nakita ko si Katherine na nakatali ang dalawang kamay at paa hindi katulad ko na malayang-malaya ang mga kamay at paa. May busal din siya sa bibig at nanlalaki ang mga mata sa akin na para bang may gustong sabihin. Siya ang pumalo sa akin ng bato ah? Anong ginagawa niya dito? Lalapitan ko sana siya ngunit namataan ko naman sa kabilang sulok ng kwarto ang walang malay na katawan ng kapatid ko. Halos patakbo akong lumapit sa kanya at kinandong siya sa mga paa ko. "Paula. Gising. Paula, naririnig mo ba ako?" paulit-ulit kong sabi. Unti-unti namang minulat ni Paula ang mga mata niya, "Kuya.." ang tangi niyang sinabi. "Oo Paula, si kuya mo ito. Tatakas na tayo. Babalik tayo sa bahay." Inalalayan ko siya sa pagtayo niya. Inilibot ko muli ang mga mata ko sa kwartong pinaglalagyan namin. Tangina, paano ako makakaalis dito? Nakarinig ako ng ilang boses. Iniupo ko muli si Paula at idinikit ko ang tainga ko sa sahig, doon ko mas lalong narinig ang malalakas na boses nila Austin. Sa totoo lang, pamilyar ang mga boses na naririnig ko. Tatlo o ... apat?

Page 216: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Muling nakuha ang atensyon ko ni Katherine. Nilapitan ko siya at tinanggal ang busal sa bibig niya. "Bakit mo ko hinampas ng bato kanina? at bakit ka nandito? Hindi ba, kakampi ka ni Austin?" tanong ko sa kanya habang bahagya akong nakaupo sa harapan niya. "Yun nga eh, akala ko kakampi ko siya. A-Akala ko talaga ikaw ang killer. Pinaniwala niya ko at pinangako na kapag tinulungan ko siya, m-makukuha ko ang gusto ko pero traydor siya. Traydor si Austin. Ang sabi niya kaya lang naman daw niya sinisimulan ang paglaban sayo ay dahil naghihinganti siya. A-Akala ko talaga ... totoo lahat ng sinabi niya." Napangisi ako. Kaya pala. Hanggang ngayon dinaramdam pa rin ni Austin ang nangyari noon. Akala ko, ayos na ang lahat. Yun pala, ginagago niya lang kami. Hindi ko naman kasalanan ang lahat ng nangyari sa pamilya nila. Lalong-lalo na ni Sapphire. Walang may gusto ng nangyari noong mga panahon na iyon. Nakaahon naman sila. Naging maganda na din naman ang buhay nila. Pero kung galit pa rin siya dahil doon. Aba, tangina, problema na niya iyon. Maswerte lang talaga ako, kami ng pamilya ko. Maraming salamat kay Sapphire. "Pakawalan mo ako Cyrus. Please, tanggalin mo tong mga tali." Napasinghap ako sa inis. Tatanga-tanga talaga to kahit kailan. Nakakairita. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako eh. Eh kung hindi niya ako hinampas, edi sana, binugbog ko na lang yung gagong Austin na iyon. "Kuya, pakawalan mo na siya." Napalingon ako kay Paula. "Tatakas tayong tatlo, diba?" hindi man kasama sa plano ko ang pagsama kay Katherine ay wala na rin akong nagawa kung hindi tanggalin ang mga lecheng tali. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatanggal ng narinig ko ang malalakas na yabag ng mga paa papalapit sa kinaroroonan namin. Bigla kong binilisan ang pag-alis ng tali. "Bilisan mo Cyrus, nandiyan na sila." Bulong ni Katherine. "Tangina naman, eto na nga eh." Tugon ko naman. Ngunit bago ko pa matanggal ang kalahati sa tali sa mga paa niya ay biglaang hinawakan ni Katherine ang kamay ko. "Tama na, tumakas na kayo Cyrus. Hindi na kayo makakatakas kung aalisin mo pa yan. Bilis!" sabi pa niya. Narinig kong mas lumalapit na ang mga yabag. Ngunit bago tumayo ay nagwika ako kay Katherine.

Page 217: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Kapag nakatakas kami, magre-report agad ako sa pulis. Hintayin mo lang sila. Dyan ka lang Katherine." Sa pinakaunang beses, mukhang hindi ako nakaramdam ng inis kay Katherine. Sana ay hindi na ito ang huling pagkakataon. Gusto ko man na huwag ng tumakas at labanan na lang si Austin ay hindi ko magawa. Madami sila, isa lang ako at teritoryo nila ito, sa pagkakakilala ko kay Austin, madami siyang panlaban sa akin. Tumakbo ako papunta sa kapatid ko at agad ko siyang binuhat. Binuksan ko ang bintana. Tinignan ko muna kung gaano ito kataas bago ako sumampa dito. Mabuti na lamang at sa gilid ng dingding ay may kaunting tapakan kaya nakatapak ako doon nang maayos. Maliit lang ang bahay na pinaglalagyan namin, dalawang palapag at kung titignan ang pagitan sa ikalawa at unang palapag, kayang-kaya itong talunin. Una kong pinatalon si Paula hanggang sa sumunod na rin ako. Nakarinig kami ng mga sigaw, nangingibabaw ang malakas na sigaw ni Austin. Nagsimula kaming tumakbo nang tumakbo ni Paula. Anong oras na ba? Ba't walang tao sa paligid?! Nagsisigaw kami ni Paula ngunit sa tingin ko ay wala itong saysay. Ilang beses akong lumilingon sa likuran namin upang tignan kung hinahabol pa rin nila kami. Si Austin at siya, mukhang mahihirapan ako. "K-Kuya ... h-hindi ko na k-kaya." Sabi ni Paula nang napatigil siya sa pagtakbo. Walang anu-ano ay binuhat ko ulit siya at binigay ko lahat ng lakas ko upang tumakbo. Malapit na kami. May malapit na presinto dito. Malapit na Paula ... kaya natin ito. "Cyrus! Tumigil ka na! Maabutan din namin kayo!" isa pang sigaw ni Austin. Hindi ako tumugon bagkus ay mas binilisan ko ang pagtakbo. Kapag tumigil ako, at makipagsapalaran, pupwedeng mamatay ang kapatid ko. Paano kung hindi ko na kayang lumaban? Langya, kung ako lang sana ang pwedeng mamatay eh. Kung ako lang ang nanganganib kanina pa sana ako tumigil at makipagsapakan na lang sa dalawang ungas na ito pero hindi. Si Paula ... hindi ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko. Naramdaman kong unti-unti ng bumibigay ang mga paa ko. Nasaan na ba kami? Tama ba tong tinatakbo namin? Nasaan na ba yung presinto?! Tumingin ako sa karga-karga kong si Paula, nagsimula na siyang umiyak. "Kuya, tumigil ka. I-Iwan mo na lang ako... i-iligtas mo ang sarili mo. Malusog ka, may sakit ako, mas dapat kang mabuhay." Umiling ako nang umiling. Hindi ako makakapayag sa sinasabi niya. Lumingon muli ako, may kalayuan na kami sa

Page 218: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kanila. Napapikit ako at tumigil sa pagtakbo. Ibinaba ko si Paula. "Kuya, t-tumakbo ka na palayo ... tumakas ka na." Ngunit tumingin lang ako sa kanya. "Sige na Paula, tumakbo ka na palayo. Bayaan mo na si kuya." Nakita kong nagsimula ulit ang pagluha ng kapatid ko. "Sige na, tumakbo ka na. Hindi kaya nila mommy na ikaw ang mawala at mas lalong hindi ko kaya. Paula, para sa akin ... tumakbo ka na. I-Ito lang ang gusto kong gawin mo." Yumakap siya sa akin. Alam kong labag man sa loob niya ay nagsimula na siyang tumakbp. Saka ako lumingon at namataan ko na mas malapit na sa akin sila Austin. Mas lalong binilisan ni Austin ang pagtakbo niya habang may makislap na bagay siyang hawak sa kamay niya, isang kutsilyo. Inihanda ko ang katawan ko para sa atakeng gagawin niya. Pinigilan ko ang pagsaksak niya sa akin gamit ng kamay ko. Sinalag ko ang kutsilyong hawak niya kahit na dugong-dugo ang dalawa kong kamay. Ayaw kong mamatay nang hindi lumalaban. Wala mang masyadong lakas ay tinulak ko na siya palayo. "Talagang may gana ka pang lumaban ah?!" galit na galit na sigaw ni Austin. Hindi ako nakatugon ng bigla akong sinuntok ng kasama niya. Sayang, ginagalang ko pa naman siya. Umiwas ako sa suntok na iyon ngunit tinamaan naman ako ng malakas na sipa sa sikmura ni Austin. Napaluhod ako sa sakit. At doon ko na naramdaman ang sunod-sunod nilang suntok at sipa kasabay ng pagsigaw at mura nila. Pinilit kong tumayo at suntukin ang isa sa kanila ngunit hinatak ng isa sa kanila ang kamay ko at nakaramdam ako ng madiin na pagsaksak sa leeg ko. "Para sa pamilya ko yan, gago." Sambit ni Austin. Naramdaman ko ang magaspang na semento sa gilid ng mukha ko. Pinilit ko ulit na dinilat ang mga mata ko ngunit bago ko pa magawa iyon ay isang malakas na sipa ang ginawa sa mismong mukha ko. Ito na nga siguro. Pero kahit papano, namatay ako ng may dignidad. Namatay ako na alam kong malaki ang tyansa na ligtas ang kapatid ko.

Page 219: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Siguro, sa kabilang buhay ko na lang sila poprotektahan. Si Paula at si Sapphire. Unti-unting nagdilim ang buong paligid at sa muling pagmulat ko ay nasa isang malaking warehouse ako. Napakadaming bangkay sa paligid ko lahat ay nakahandusay, duguan. May ilang nag-iiyakan. May mga naririnig akong nagsisigawan. Tumingin ako sa paligid at dali-dali akong tumakbo papunta sa nanay at tatay ko. Alam ko ito ... alalang-alala ko ito. "Ma! Pa!" tawag ko sa kanila ngunit lumingon sila sa akin nang maluha-luha ang mga mata saka ko lang nakita na may malaking tao sa harapan nila na may hawak na baril na nakatutok sa mga magulang ko. "Huwag mong sasaktan ang mama at papa ko!" sa paglapit ko sa kanila ay agad akong niyakap ng mommy ko at itinago sa bisig niya. "Parang awa mo na Mr. Garcia, kami na lang. H-Huwag na ang anak namin."Sabi ni mama.. "Ilagay nyo yang anak nyo sa harapan ko, siya ang una kong babarilin." Sa pagkasabi ng malaking lalaking iyon ay may bigla kaming narinig na sigaw ng isang batang babae. Puno ng dugo ang bestida niyang puti. Nanlalaki ang mga mata niya habang umiiiyak. Para siyang hihikain sa harapan namin. Noong mga panahon na iyon, wala pa kong kamalay-malay sa mga nangyayari pero siya, mukhang alam na niya ang lahat. "Dad, w-why are you k-killing them? S-Some of them are my friends ... they're nice." Sabi niya. "Bakit nakapasok si Sapphire dito?! Ilabas nyo si Sapphire!" agad na nagsilapitan ang mga tauhan niyang nakaitim at kinuha ang nagwawala na batang babae. Saka siya muling tumingin sa amin nila mommy at itapat ang kanyang baril. "Kung ayaw mong ibigay ang anak mo, kayong tatlo na lang ang papatayin ko." Umalingasaw ang tunog ng pagputok ng baril sa malaking warehouse na pinaglalagyan namin. Ngunit nanlaki ang mata ng malaking lalaki dahil nakahandusay sa harapan niya ang kanyang anak, si Sapphire.

Page 220: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Utang ko ang lahat kay Sapphire ngunit mukhang ... hanggang dito na lang talaga. Paalam, Sapphire. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY BlackNoteInnocent. Maraming maraming salamat kuya! (lakas maka-kuya eh, kunwari masyadong bata). Kaka-GV yung comments eh haha. Salamat po sa suporta. :D Salamat sa pagbabasa <3 Voice out yeeer opinion~ "The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared to die at any time." -Mark Twain --------------------------------------------x KATHERINE'S POV HINDI ko akalain na mapupunta ako sa sitwasyon na ito. Nagtiwala lang naman ako kay Austin. Akala ko, makukuha ko na ang gusto ko kapag ginawa ko ang gusto niya pero bakit ... niloko lang niya ako? Ang tangi ko lang naman na gusto ay makitang patay si Sapphire. Ang mapatay siya mismo sa harapan ko, ang makita siyang walang kalaban-laban habang inaalala ko lahat ng ginawa niya sa akin. Tinuturing ko siyang kaibigan. Pinoprotektahan ko siya-kahit hanggang ngayon-ganun pa rin ang nadarama ko pero hindi naman siguro masama kung iisipin ko na mas magandang hindi na lang siya mabuhay diba? Mas mabuti kung mamatay na lang siya. Siya naman ang dahilan ng lahat ng ito. Ang sikreto niya ... ang sikreto ng klase, naungkat na. Ano pa bang saysay na pagprotekta sa kanya? Para sa akin, hindi na importante ang buhay niya.

Page 221: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Itinali nila ulit ang mga kamay at paa ko ngunit hindi na nila nilagyan ng busal ang bibig ko. Para saan pa nga ba diba? Kilala ko ang dalawang tao na nasa gilid ko kani-kanina lang. Si Miaka at siya. Hindi na ko nagtaka kung ba't siya nandito at hindi na rin ako nagtaka kung bakit kumulo ang dugo ko noong nakita ko siya. Hindi dahil sa killer siya kung hindi dahil mismo sa kanya. Biglang nawala lahat ng takot na nadarama ko, galit ang pumalit dito. Napatingin ako sa bintana kung saan ginamit na pantakas nila Cyrus. Nakaligtas kaya sila? Matutupad kaya ang sinabi ni Cyrus na papapuntahin niya ang mga pulis dito? Sana nga. Napunta ako sa kalagayan na to dahil sa mismong katangahan ko. Tama din na nagpaiwan na lang ako kaysa sa pare-pareho kaming mamatay dito nang walang laban. Kasalanan ko rin naman kung bakit nakuha si Paula at si Cyrus. Naging tau-tauhan ako ni Austin. At ngayon, alam kong kasama sa grupo niya ang nilalang na iyon. Nakakainis. Ginawan ko pa sila ng pabor. "Kamusta na Katherine?" narinig kong tanong ni Miaka habang papunta sa akin n may hawak hawak na itim na pusa sa mga bisig niya. "Miss ka na ni Hanako. Pati na rin lahat ng ginawa nyo nila Sapphire sa kanya. Sa sobrang miss niya sa inyo, maari na siyang kumuha ng kutsilyo at saksakin kayo sa likuran habang binibigyan niya kayo ng isang mahigpit na yakap." "B-Buhay pa si H-Hanako?" tanong ko sa kanya. "Oo naman. Ilang beses niya nga akong nginitian eh." Tugon ni Miaka habang malapad ang ngiti. Pinakawalan niya ang pusang hawak niya na agad namang lumapit sa akin at pinagdidilaan ang paa ko. "Mukhang gusto ka ni Kuro. Mukhang ... gusto ka niyang mamatay." Agad kong nasipa ang pusa at kita kong nasaktan ito at tumakbo palayo. Hindi nagalit si Miaka bagkus ay narinig ko pa siyang tumawa. "Nakakatuwa ka talaga Katherine, anong pakiramdam ngayon? Wala ka na sa likod ng anino ni Sapphire. Nag-iisa ka na lang ngayon. Ay oo nga pala ano? Balak mo nga palang kalabanin si Sapphire. Balita ko, gusto mo siyang mamatay? Patawad Katherine..." Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang ilang hibla ng buhok niya sa tainga ko kasabay ng pagbulong niya rito. "Pero mukhang ikaw ang mauuna." Sa pagkabulong niya na iyon ay sakto ang pagpasok ng dalawa sa kanila habang hatak-hatak ang katawan ni ... Cyrus. P-Patay na ba siya? Hindi maari. Sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan ni Cyrus pero tuloy lang ang paghatak sa kanya hanggang sa masandal siya sa sulok ng kwarto.

Page 222: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Pano ba yan? Diba, sabi ko sayo, nag-iisa ka na lang talaga ngayon?" narinig ko pang sabi ni Miaka. Sa pagsasalita niya, para bang ang laki ng pinagbago niya ngunit maaring hindi rin. Pwede rin namang nasasabi niya ang lahat ng ito dahil galit na galit siya sa akin-sa amin. Si Miaka ... napakabait niya. Alalang-alala ko pa noong ako pa ang tinutukso ng lahat. Noong ako pa ang pinagti-tripan at inaasar, isa siya sa kumakausap sa akin, sila ni Hanako. Pero mula noong nasama na ko kay Sapphire, binalewala ko na lang sila. Ayaw kasi ni Sapphire na may kasama siyang nakikisalamuha sa mga 'losers' na tinatawag niya. Sinunod ko si Sapphire, palagi naman. Mula noong nalaman ni Sapphire ang tungkol sa bagay na iyon, doon na niya sinimulan na pag-initan si Hanako. Bilang mabuting kaibigan, lagi siyang pinagtatanggol ni Miaka pero sa dulo, nagkagulo-gulo din pati silang dalawa. Siguro nang dahil doon, nangyari ang hindi dapat nanyari-ang pagpatay kay Miaka. Hindi ako nagulat. Siguro kung si Hanako ang nakita kong buhay, magugulat ako pero medyo inaasahan kong buhay si Miaka kasi noong iniwan namin siya sa party na iyon, nang nagtakbuhan ang lahat dahil sa takot pati na rin ang pagsugod kay Sapphire sa Ospital. Alam kong humihinga pa siya noon. Pinabayaan ko. Hindi ko sinabi kala Cyrus. Siguro dahil gusto ko rin naman na hindi siya mamatay. Siguro dahil hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila. "Hoy, wala akong interes sayo kaya bilisan na lang natin ang pagtapos sayo ha? Kulang pa kami ng isa, maswerte ka." sabi pa niya nang tumabi siya kay Miaka. Nakapameywang siya sa harapan ko. Ibang-iba siya ngayon. Hindi tulad sa tuwing nasa school siya. Mukhang, ganito talaga ang tunay niyang ugali. "Ang boring mo. Hindi ka ba magpupumiglas diyan at sumigaw? Psh. Isa ka pa sa mga papansin sa school eh. Akala ko, hindi ko napapansin? Ayokong humaharang ka sa daan ko. Ayokong humaharang ang isang tulad mo sa kanya na para sa akin lang." Hindi ko siya pinansin. Wala rin naman akong interes sa kanya lalo na sa mga sinasabi niya. Hindi naman ako kasing desperada niya. Kung papatayin nila ako, sige, ayos na sa akin. Habang mas iniisip ko kasi, mas mabuti na rin ang ganito. Ngayon ko lang napag-isip isip na kung hindi nanyari ito, kung hindi ako na dito sa kinalalagyan ko at hindi ako trinaydor ni Austin baka ... maging katulad na din ako ni Sapphire. Baka halos hindi ko na masikmura ang mga susunod kong gagawin. Tama. Patayin na nila ako.

Page 223: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Tara na. Tapusin na natin ito." Narinig kong sabi ng nasa kanan ni Austin. Isa pa to. Sino bang mag-aakala na isang tulad niya ay sasali sa ganitong klaseng laro? Isang matalino at mataas na tao. Ginagalang ng karamihan. "Nagulat ka ba?" tanong niya habang tinatanggal ang kulay asul na polo niya na puro dugo at tumambad sa amin ang kulay puti niyang sando sa loob. Inilapag niya ang polo niya sa malapit na lamesa at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Nice to see you here." Ganun pa rin ang aura niya, akala mo napakabait ... akala mo napakabuti. Kung hindi ko lang alam. "Kailan nyo ba ako papatayin? Ang tagal naman." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Desidido na ako ngayon. Tutal, wala naman akong laban. Walang-wala. "Bigla ka atang tumapang?" biglang sabi ni Austin na inaayos ang suot niya na puro dugo din. Tumapang? Hindi rin. Sumusuko na ako. Sinusuko ko na ang lahat. Nakatingin lang ako kay Austin nang masama habang hindi nagsasalita. Isa siyang traydor. Isa siyang malaking traydor. Kung titignan ang klase, si Austin ang isa sa mga tao na hindi ko akalain na kasama sa kanila. B-Bakit ba kasi ako nagpaloko sa isang lobong nagpapanggap bilang sa kuneho? Ngayon, alam ko na. Parang alam ko na ang larong ito. "Hindi ako tumapang. Tanggap ko lang na wala na akong laban. Takot akong mamatay pero ano pa bang magagawa ko?" napatingin ako sa gilid upang maiwasan ang tingin ni Austin. Naramdaman kong nagsilapitan silang apat sa akin. Saka ako muling tumingin sa kanila nang natapos sabihin ni Austin ang mga katagang iyon. "May magagawa ka pa. May paraan pa para hindi ka mamatay." Nanlaki ang mga mata ko habang tuloy pa rin na pag-intindi sa sinabi niya. "M-May paraan pa?" pag-ulit ko. "Oo." Sabi niya habang nakasandal sa pader kalapit ni Austin. "May gusto lang kaming makuha at alam naming meron ka nito." Wika niya habang nakangiti sa akin pero alam kong peke naman iyon. Tulad ng mga ngiti at kaplastikan niya sa tuwing nasa Laketon siya. Sabi ko na nga ba, tama ako sa iniisip ko sa kanya.

Page 224: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ano naman yon?" tanong ko. Ang problema sa akin, mabilis akong magtiwala pero sa pagkakataon na ito parang hindi na kapani-paniwala ang lahat ng sinasabi nila. Tama si Abigail, hindi dapat kami basta nagtiwala sa picture na iyon. Hindi dapat kami basta nagtiwala sa kalaban. Nagbulag-bulagan ako at ang tanging dahilan lang nun ay ang tungkol kay Sapphire. "Ebidensiya na magkapatid si Sapphire at Hanako." Tuloy-tuloy niya sinabi. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. E-Ebidensiya? Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko kayang gawin iyon. Wala na sa akin ang ebidensiya. N-Nasa kanya na. Bakit nila kinukuha sa akin ang ebidensiyang iyon kung hawak iyon ng isa sa kanila? Napayuko ako. "P-Patayin nyo na lang ako." Ngumisi siya. "Ano ba tong kinuha mo Austin, napaka-KJ. Pero ayos na rin, kanina ko pa naman siyang gustong patayin eh." Umupo siya sa harapan ko. Umirap siya pagkalingon niya sa may parte ng tagiliran niya at may binunot na kutsilyong nakabulsa sa pantalon niya. "Simulan ko na ba?" tanong niya sa mga kasama niya. Napasandal ako sa pader nang mabilis akong umatras habang tinitignan ang makintab na kustilyo sa harapan ko. "Sus. Ikaw lang ba?" tanong niya sa kanya. Narinig kong tumawa si Austin sa sinabi nun.

Page 225: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sobra na kayo ha?! Napatay nyo na nga yang Cyrus na yan eh." Cyrus. Ngayon lang niya tinawag si Cyrus nang ganyan. "Ako naman diba, Miaka?" sabi niya nang lumingon siya kay Miaka. Walang kibo namang may inilabas si Miaka sa bulsa niya na isang blade. "Sige, tapusin mo siya tapos ako ang aayos ng pagpresenta sa kanya sa mga kuneho." Sabi ni Miaka ng tumaayo at pumunta sa sulok kung saan naroroon si Cyrus.Nakita kong nilapitan niya ang nakahigang katawan ni Cyrus at ilang beses na pinadaan ang blade sa mukha nito habang malapad ang ngiti. Lumabas ang dalawa sa kanila kasabay ng pag-lock ng pintuan. Ang tanging natitira sa loob ng kinalalagyan ko ay si Miaka at siya. Ngumiti siya sa akin bago niya padaanan ang talim ng kutsilyo sa mukha ko. Kilabot ang tangi kong nadarama sa buong katawan ko na unti-unting napapalitan ng takot. "Nanginginig ka. Anyare? Diba, gusto mo ng mamatay?" sabi pa niya. Lumunok ako ng laway ngunit para bang mas lalo pang nanuyo ang bibig ko. Wala akong masabi. Wala akong maisip kung hindi ang pumikit at damhin na lamang ang sakit sa mga susunod na sandali hanggang sa malagutan ang hininga ko. Napapikit ako at napakagat nang matindi sa labi ng dahan dahan niya ginuhit nang madiin ang kutsilyo sa noo ko pakaliwa na para bang binabalatan ang kalahati ng mukha ko. Nagpumiglas ako sa pagkakatali dahil sa hapdi na nadarama ko. Ramdam ko din ang dugo na umaagos mula sa noo hanggang sa baba ko. Napakalagkit. Malansa. A-Ang sakit.. Ilang segundo ay napabuka ako ng bibig dahil sa sakit. Naramdaman kong napunta lahat ng dugo sa bibig ko dahil sa ginawa kong iyon. Isang tawa naman ang tugon niya sa ginawa ko. Nasa may parte ng pisngi na ang kanyang kutsilyo nang biglaan siyang tumigil at nagsalita. "Gusto ko ng sumisigaw ang pinapatay ko. Hindi ako mahilig sa mga nagtatapang-tapangan. Naiirita na ko sayo." Hinawakan niya ang mukha ko na puro dugo. Hindi ko man lubusang makita ang mukha niya dahil sa halos buong mukha ko ay puro dugo na pero malinaw pa rin ang parte ng mga mata niya. Ang maliit at makikislap na mga matang iyon.

Page 226: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

D-Dapat ko siyang makausap. Dapat ko siyang balaan sa nilalang na nasa harapan ko. Kung hindi niya malalaman ang lahat ... baka isunod siya nitong demonyong nasa harapan ko. Hindi ako makakapayag na patuloy lang siya nagpapaloko sa inosenteng mukha nito. Kaso mukhang impossible ng mabalaan ko pa siya. "Kung ayaw mong sumigaw. Sige, gagawa ako ng paraan." Lumabas siya ng kwarto. Iniyuko ko ang mukha ko upang maipunas sa suot kong damit na mas lalong nagpahapdi ng nararamdaman ko. Hiniwa niya ang halos kalahati ng mukha ko na para bang nagpipinta lang. Hindi ko alam na ganito pala siya kasama. Isang hagikgik galing kay Miaka na nakaupo lang sa sulok ang narinig ko kasabay ng muling pagbukas ng pintuan. Saka ko siya nakita na may hawak na takure na paniguradong punong-puno ang laman dahil may tumutulo pang mainit na tubig mula rito. "Ready ka na ba?" isa pang tawa ang ginawa niya bago niya ibuhos ang mainit na tubig sa mismong mukha ko na nagdulot ng isang napakalakas na sigaw mula sa akin. Ramdam ko ang paglapnos ng balat ko lalo na ang dila ko. Tuloy-tuloy na pagtawa ang ginawa niya. "Ang saya naman nito." Sambit pa niya bago muling ibuhos ang mainit ng tubig sa paanan ko. Hanggang sa hindi na ako nakasigaw. Hindi ko maipaliwanag ang sobra-sobrang hapdi at sakit na nadarama ko ngunit ang tangi ko lang gusto ay matapos na ito. Napatingin siya sa hawak niyang takure ng maubos ang laman nito. Hingal na hingal naman ako habang halos na nakahandusay na sa sahig dahil sa nararamdaman kong lubhang sakit. Nakalawit ang dila ko na para bang isang asong ulol. Pakiramdam ko, laman na mismo ng katawan ko ang nakadikit sa malamig na sahig na kinalalagyan ko. Ilang minuto ang nakaraan at nakahiga lang ako rito. Hindi ko alam kung nasaan na siya o kung nandito pa rin ba siya sa loob ng kwarto. Halos hindi na ako makaaninag, humina na rin ang pandinig ko at ang pakiramdam ko. Basta ang alam ko, napakasakit ng nadarama ko. Ginamit ko ang natitira kong lakas upang itaas ang ulo ko at bahagyang umupo nang biglaan kong naramdamn ang pagpalo ng isang napakabigat ng bagay sa may tuhod ko ... isang bakal. Ramdam ng mga laman sa mukha ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Wala na kong magawa ... kung hindi maiyak na lang sa sakit.

Page 227: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tinanggap ko lahat ng palo ng bakal na ginawa niya ... sa tagiliran, sa balikat at kung saan pa. Hanggang sa walang na akong kalakas-lakas na nakahiga na lamang talaga doon. May sinabi siya ngunit hindi ko ito naintindihan dahil sa sobrang kahinaan ko pero alam kong importante ito, nararamdaman ko. Isang malakas na palo sa lalamunan ang naramdaman ko hanggang sa nawalan na ko ng hininga. Pagkamulat ko ng mata, may nakita akong apat na tao sa harapan ko. Si Raphael, Sapphire, Spade at si Clyde. Hawak ni Clyde ang kamay ni Sapphire habang blanko silang nakatingin sa akin. Si Spade naman ay nakatayo lamang at nakangiti sa akin habang si Raphael ay ganun din. Sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pagluha ni Sapphire. "Sapphire." Sambit ko sa kanya habang lumalapit ngunit sa bawat paglapit ko ay ang paglayo naman nila. "Sapphire..." Sabi ko pa ulit. Anong ibig sabihin ng nasa harapan ko? Hanggang sa unti-unti silang naglalaho ngunit bago sila tuluyang mawala ay malinaw kong nakita ang paghugot niya ng kutsilyo mula sa likuran niya at isang ngisi sa labi niya. Tuluyan silang nawala sa harapan ko. Saka ko nakita ang isang malaking tao na puting-puti sa gilid ko. Nakatingin lang siya sa akin at walang anu-ano ay naglakad siya paabante. Sumunod ako sa kanya. RAPHAEL'S POV Sinarado ko ang pintuan palabas nitong restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Bago ako makaalis nang tuluyan ay nasalalubong ko ang isa kong katrabaho, mas matanda siya sa akin at nasa kolehiyo na.

Page 228: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ingat Raph." Ang sabi niya. Isang ngiti lang ang tugon ko. Naglakad na ko palayo. Kailangan ko ng makauwi, hinihintay na ako panigrurado ni nanay. Medyo maaga pa naman kaysa sa mga uwi ko dati pero ayos na rin to, titignan ko din kung nakauwi na si Gabriel sa amin, ang kapatid ko. Palagi kasing gumagala yon. Hindi ko naman sinasadya ang pagrerebelde niya. Pero siguro kailangan lang niya ng panahon para maintindihan ang lahat. "Raphael." Napalingon ako at bumungad sa akin ang taong ayaw na ayaw ko ng makita. "Anak ko, kamusta na kayo?" Ang tatay ko. "May pera pa ba kayong panggastos? Teka, meron ako dito." Sambit niya habang kumukuha ng pera sa bulsa niya. "Hindi namin kailangan ng pera mo." Tumalikod na ako ngunit narinig ko ulit ang boses niya. "Anak! Bumalik na kayo sa akin. Nahihirapan ka na diba? Anak, nabayaran ko na ang lahat ng utang ko. Ayos na ang pamumuhay ko. Hindi na kayo mahihirapan. Hindi na magiging delikado ang buhay nyo." Napatigil ako. "Anak, patawarin mo na ako." Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya pero hindi ko na kayang maniwala sa kanya. Napakalaki ng kasalanan niya sa amin. Ako lang at si nana yang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. Wala akong balak na sabihin pa sa kapatid ko. Mas mabuting ako ang lumabas na masama sa kanya kaysa masira ang pagtingin niya sa tatay namin. Kahit yun lang. "Ayokong bumalik ang pamilya namin sa isang tao na muntikan na kaming ibenta." Tuluyan na kong naglakad palayo. Alam kong hindi na niya ako muling susundan. Mula sa paglakad ay naging takbo na ang ginawa. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa napagod ako. Hingal na hingal akong tumigil. "Ba't ka tumatakbo?" isang malamig na boses ang narinig ko. Lumingon ako kay Luna na nakaupo sa bench dito sa gilid ng isang gusali. May hawak siyang tali na nakakabit sa aso. Mukhang ginagala niya ang alaga niyang aso. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mga malalamig niyang mga mata.

Page 229: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"W-Wala. N-Nagjo-jogging lang." Nagulat ako sa sagot ko at inaasahan ko sanang tumawa si Luna ngunit patuloy lang ang pagtingin niya sa akin na para bang wala siyang narinig na maling sagot. "Kakaiba naman yang gawain mo. Minsan, masubukan ko." Ang tanging sinabi niya. Tumayo siya habang hawak-hawak sa kanan niyang kamay ang tali ng aso niya. Maglalakad na sana siya palayo nang napatigil siya sa sinabi ko. "Mag-ingat ka kay Spade. Kung may pagkakatiwalaan ka, huwag na huwag siya." Pero ang sagot niya ang mas nakapagpagulat sa akin. "Alam ko. Ikaw rin naman, diba?" At naglakad na siya palayo. Kakaiba talaga si Luna. Alam din ba niya ang sikreto ni Spade? Alam din ba niya ang totoong katauhan ni Spade? Nilabas ko ang dyaryo sa loob ng bag ko at kahit ilang beses kong basahin ang parte na iyon, pangalan pa rin ni Spade ang nakikita ko isama pa ang litrato niya roon. Alam kong siya ito. Lalakad na sana ako palayo upang makauwi na nang biglang nahagip ng mga mata ko ang dalawang tao sa kabilang kanto. Si Sapphire at si Clyde. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY AMCPortales. Dahil sa kanyang walang tigil na suporta, hindi lang dito sa storya na ito kung hindi sa iba ko pang kabaliwan haha. Maraming maraming salamat! *punas ng luha* CATASTROPHE.Means a sudden, extensive, or notable disaster or misfortune SI KATHERINE PO ANG NASA .GIF SA GILID.

Page 230: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Salamat sa pagbabasa. <3333 Voice out your opinion guys. "The past is never where you think you left it." ― Katherine Anne Porter --------------------------------------------x SPADE'S POV BINUKSAN ko ang pintuan ng kotse niya at bago ko ito isarado ay binato ko sa kanya ang hawak kong envelope na bigay rin naman niya. Ngumisi ako bago magsalita. "Isasak mo dyan sa baga mo yang pera mo pati na rin yang bulok mong ideya." Sinarado ko nang padabog ang pintuan. Lalakad na sana ako papasok ng main gate ng Laketon nang narinig ko siyang magsalita. Lumingon ako sa kanya at kita kong nakatingin siya sa akin habang nakabukas ang bintana ng kotse niya. "Utang mo sa akin ang lahat. Tandaan mo yan." Ang huli niyang sinabi bago humarurot ang bulok niyang sasakyan na kasing bulok ng may-ari. Tss. Daming arte. Halos nakadikit sa akin ang mga mata ng dalawang guard dito sa bungad ng main gate. Hindi ba sila makapaniwala? O baka naba-bakla na sila sa akin? Ano ba naman yan! Langhiya, kung anu-ano ang naiisip ko. Badtrip naman kasi eh. Itinapat ko lang sa mga mukha nila ang suot kong I.D at tuloy-tuloy na pumasok. Saka ko narinig ang boses ni Tuna-este-Luna sa likuran ko. Hindi ako lumingon bagkus ay huminto ako para makasabay ko siya sa paglalakad. Tutal, siya naman ang unang namansin eh. Crush din ata ako nito. "Alam ko na." Sabi pa niya nang nagkatabi kami at sabay na naglalakad. "Ang ano?" tanong ko naman.

Page 231: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"'Yung sikreto mo. Alam ko na." Napatigil ako sa sinabi niya. Ah, oo nga pala. Nagulat ako pero ilang sandali, napag-isip-isip ko din na hindi ko naman maitatago kahit kanino ang tungkol dun. Ayos lang. Wala na kong magagawa. "Oh tapos? Magpapa-party na ba ako nyan Tuna?" pang-aasar ko sa kanya saka kami nagsimula ulit maglakad. Ano pa bang dapat kong sabihin diba? Hahaba pa ang usapan tungkol doon kung hindi ko na sisimulan na asarin tong si Luna. Ngunit imbis na makita siyang nanggagalaiti, naiinis o kaya simulan na akong patayin sa irap ay nakatingin lang siya sa akin gamit 'yong mga mata niya na akala mo ay walang buhay. Muli ay napatigil kami sa paglalakad. Nakatingin lang din ako sa kaya na takang-taka sa reaksyon niya. Ano kayang iniisip ni Luna? "Isang tanong lang, Spade." Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Hindi ko pa rin maialis sa kanya ang titig ko. Ngayon ko lang napansin, bukod sa wala itong emosyon , bukod sa nakakairita ito minsan ... maganda rin pala. "Kailan mo ako balak patayin?" Sa sobrang gulat ko sa tanong niya'y wala na kong nasabi. Halos napanganga ako sa tanong niya na agad ko namang binawi ng nakaraan na ang ilang minuto. Agad akong nagsalita nun. "Baliw ka ba?! Ano yang pinagsasabi mo?" pasigaw kong tanong. Naghintay ako sa sagot niya ngunit imbis na makakuha ako ng sagot ay pinanood ko lang siyang maglakad. Nakatayo pa rin ako roon, gulat. Tumigil si Luna sa paglalakad, ilang hakbang mula sa akin ngunit hindi naman ganun kalayo. Narinig ko siyang nagsalita. "Sinusubukan lang naman kita. Bakit ba ang tanga mo?" saka siya naglakad na papasok sa high school building. Napasinghap ako sa inis. Ano bang problema nung Tuna na yon?! Pakiramdam ko, pinaglololoko lang ako 'nun eh. At saka dapat ba akong maniwala na sinusubukan niya lang ako?

Page 232: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sa tingin ko, naghihintay rin siya kanina para sa isang matinong sagot. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa sobrang inis. Masyadong nakakainis ang mga tao ngayon. Dumiretso na ako sa high school building. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay walang anu-ano'y umupo ako sa upuan ko. Pagkaupo na pagkaupo ko ay wala akong ginawa kung hindi titigan si Luna na katabi ko lang habang siya naman ay nakadungaw sa tabi niyang bintana. Ano bang meron sa babaeng to? Baka nga mamaya siya pa ang killer eh. Psh. Hindi rin malabo. Bintang nang bintang eh. "Spade, pwede ba kitang makausap?" napalingon naman ako kay Raphael na nasa harapan ko lang pala. Masyado kasi akong nakatitig kay Luna na dapat ay hindi ko na ginawa. Mahirap na, baka pagkamalan nilang may gusto akong sa Tuna na 'yan. "Sige, anong sasabihin mo ba?" Minsan ko lang nakakausap si Raphael. Tuwing kasama siya nila Cyrus, tuwing tatanungin ko kung anong assignment, kung anong sagot sa mga quizzes at noong nakaraan na Biyernes na kung saan ay narinig ko silang nag-uusap ni Sandria tungkol dun sa Miaka na 'yon. "Sa labas." Tangi niyang sinabi. Bago ako tumayo ay namataan kong nakatitig sa akin si Luna. Kinindatan ko naman siya bilang pang-asar. At nakatanggap na naman ako ng nakakamatay niyang irap. Masyado akong badtrip ngayon. Magiging masaya lang ako kapag nakitang ko badtrip din si Luna. Tulad ng sabi ni Raphael, nag-usap nga kami sa labas pero bakit dito sa playground? Ang wirdu ng mga kasama ko sa school na 'to. Kaya pinagsisisihan kong sumunod ako sa utos niya. "Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, Spade." Panimula niya. Hinintay ko naman ang susunod niyang sasabihin. Ano naman kayang sasabihin nito? Huwag niyang sabihin na ... alam na rin niya? At hindi nga ako nagkamali. "Bakit mo tinago sa lahat ang tungkol doon? Ang tungkol sayo?"

Page 233: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya saka ngumiti. Nababadtrip na talaga ako sa lahat ng tao ngayon. Nagtataka naman na nakatingin lang sa akin si Raphael. Ilang segundo lang akong tahimik habang nakangiti sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ano bang pwedeng masabi ngayon na maaring pagmukhain akong mabuting tao? "Sa pagong mo na lang itanong Raphael. Baka sakaling makuha mo ang gusto mong sagot." Ang talino ko, shet. "Hindi mo naman maitatago Spade. Malalaman ng buong klase yan at baka matulad ka lang din kay Cyrus." Nanliit ang mga mata ko habang nakatitig ulit kay Raphael. Ano tong nginingisi-ngisi nitong class president na to? "Ang sakin lang, aminin mo hangga't maaga. Baka kasi kapag malaman nila na ikaw ay-" naputol ang sinabi niya dahil sa isang malakas na sigaw mula sa high school building. Natuliro kaming dalawa. Mukhang iisa lang ang pumasok sa isip namin. Saka namin nakita ang iba't-ibang estudyante na tumatakbo papunta sa high school building habang sumisigaw. "May bangkay daw sa Science Lab!" pasa-pasa nilang sigaw sa bawat masasalubong nilang estudyante. Dahil doon ay agad kaming tumakbo ni Raphael papunta sa third floor, sa may kaliwang parte nito kung nasaan ang mga laboratories. SANDRIA'S POV Rinig ko na ang ingay sa classroom sa pagbukas ko pa lamang ng pinto ngunit alam kong iisa lang naman ang pinag-uusapan ng lahat. Mukhang hindi pa sila nakakausad sa pag-uusap tungkol kay Sapphire at Cyrus. Siguradong-sigurado sila, pero iyon nga ba ang totoo? Sa may unang row, sa may gitna, nandoroon si Sapphire. Kasama niya si Clyde at nakaupo naman si Abigail sa upuan ni Cyrus na nasa tabi lang ng upuan ni Sapphire. Nakasimangot si Abigail at halatang ayaw niyang kinakausap ni Clyde si Sapphire. Siguro dahil sa matagal na niyang kinamumuhian si Sapphire.

Page 234: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Mula noong nangyari iyon kala Cyrus, silang tatlo na lang ang magkakasama. Kung isasama si Cyrus, apat na. Habang si Raphael, nagpapakaduwag pa rin. Umiiwas siya. Lagi naman. Lagi naman niyang ayaw sumali sa gulo. Siyempre, dapat laging mabango ang pangalan niya. Yan ata talaga siya. Si Katherine at Austin naman, tuluyang tumiwalag sa grupo nila. Hindi ko rin alam. Basta, dumating na lang ang araw na bigla nilang kinalaban ang dalawang matatas na tao dito sa klase, ang mga kaibigan nila. Kaya nga mas napatunayan ko ngayon na hindi masasabi ang tibay ng pagkakaibigan sa tagal ng pagsasama. Sabi ko na nga ba. Napatingin ako sa harapan ng dumaan si Spade at Raphael palabas ng classroom. Saan naman sila pupunta? Malapit ng magsimula ang klase. Nakatingin lang ako kay Raphael hanggang sa makalabas sila. Tama bang maniwala ako sa sinabi niya? Iyong paniwalaan ko lang siya kasi hindi siya magsisinungalin sa akin? Sa pagkakataong ito, importante pa ba kung sino ang totoo at sino ang hindi? Sa tingin ko kasi, hindi na. Basta ang importante ngayon, ang mabuhay ang isa at di bale ng mamatay ang lahat. "Oh my God, ngayong wala si Cyrus. Si Clyde naman ang nagiging knight in shining armor niya? So, killer na din ba ngayon si Clyde?" narinig kong sabi ng iba na nakatayo sa gilid ng platform at malagkit ang titig sa kinauupuan nila Sapphire. "Wag nyong dinadamay si Clyde. Kung may problema kayo kay Sapphire, siya ang pagtuunan ninyo. Mga walang kwenta!" napatingin ang lahat kay Abigail na nakatayo at nakapameywang. "Naiinis na ko sa lahat ng tao dito. Kaya kung pwede, kung pwede lang ha, tumahimik kayo kahit ngayong araw lang!" sigaw ni Abigail bago padabog na pumunta sa tama niyang upuan. Agad naman siyang sinundan ni Clyde. Napalingon ulit ako kay Sapphire. Dati, naiinis ako sa kanya ngunit parang wala na atang lugar ang inis ko sa kanya ngayon. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit basta naaawa ako sa kanya. Ang dating maarte, mapanghusga at walang pakialam sa nararamdaman ng iba ay parang nag-iiba na ngayon. Ni hindi ko masyadong naririnig ang boses ni Sapphire at kung nagsasalita man siya ay mahina lang. Siguro hanggang ngayon, dinidibdib pa rin niya ang nalaman niya. Isali pa na karamihan sa klase ay tingin sa kanya'y isang killer. Mukhang hindi niya kakayanin ang lahat ng ito lalo na't alam naman ng lahat ay mahina siya. Nagiging malakas lang naman siya sa tuwing may kakampi siya.

Page 235: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Agad kong binalik ang atensyon ko sa harap ng malakas na dinabog ni Ms. Maeganne ang mga gamit niya sa teacher's table. Namataan ko siyang napatingin kay Sapphire na agad naman niyang iniwas ang tingin at itinuon sa buong klase. "Pumunta ang lahat sa Science lab. Kung naalala nyo, sinabi ko sa inyo last week na 'dun tayo magkaklase para sa preparation sa next experiment natin. Pumila nang maayos sa labas," kinuha ko ang lab manual ko na nasa loob ng bag ko at pumila na sa labas katulad ng sinabi ng adviser namin. Nag-gitgitan pa ang ilan ng dumaan si Sapphire at pumila. Kung dati ay nasa may likuran siya ng pila, ngayon, sa likuran ko na lang siya, bale siya'y pangalawa sa una. Rinig pa rin ang bulungan ng karamihan. Tama nga si Abigail, nakakainis rin pala. "Ang daming bubuyog. Paa ang ginagamit sa pagpila, hindi mga bunganga." Malakas na pagkakasabi ng adviser namin. Hindi ko na rin alam kung kailan nagsimula ang pagsusungit niya sa klase. Dati naman ay mabait siya at pasensyosa pero nag-iba na talaga si Ms. Maeganne. Nasa kaliwa lang ng third floor ang mga laboratories kaya mabilis kaming nakakapunta roon. Napatigil ang pag-usad ng pila ng nasalubong namin si Sir Buendia. "Oh Edward, late ka ata para sa una mong klase?" tanong ni Ms. Maeganne sa kanya. "Ah. Oo eh, medyo nahuli ng gising," kinawayan ni Sir Buendia ang iba naming kaklase na binati siya. "Sige, una na ko." Sabi pa niya bago umalis. Edward. Hindi ngayon ang unang beses na narinig ko ang pangalan ni Sir Buendia. Una kong narinig yan kay Hanako. Nagpatuloy ang paglakad hanggang sa matapat na kami sa pintuan ng Science lab. Pagtapat na pagtapat palang namin ay may naamoy na akong kakaibang amoy. Ako ang nasa pinakaunahan at ang buong klase ay nakapila ng isahan lamang pero hiwalay pa rin ang babae sa lalaki.

Page 236: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bago ko pa man masilip ang nasa loob ng binuksan ito ni Ms. Maeganne ay nauna kong narinig ang nakakabinging sigaw ng nasa likuran ko, si Sapphire at ang biglaan niyang pag-upo sa lapag kasabay ng pag-iyak. Nanginginig niyang tinuturo ang nasa loob ng Science. Nagsilapitan ang mga kaklase namin na nasa likuran. Hindi ko mapigilan ang mapatingin. Hanggang sa nakita ko ang isang bangkay na nakapahiga sa unang lamesa na sa Science lab. Kaunting balat na lang ang natitira sa bangkay at halos lahat ay mismong laman na puro namumuong dugo ang makikita. Sa isang tingin sa bangkay, alam mong hindi matagal mula noong namatay ito. Sa suot niyang damit, tiyak na isang siyang babae. Pinanood ko lang na dahan-dahang pumapatak sa sahig ang sariwang dugo galing sa dibdib niya. Dugo na para bang gumagapang palabas ng laboratory. Mukhang ... kilala ko siya. "Si Katherine!" sigaw ng isa samin. Hindi ko rin maipaliwanag ang mukha ni Ms. Maeganne na nasa harapan namin. Patuloy pa rin ang pagpapakalma kay Sapphire nila Clyde. Dumadami ang nakiki-usisa hanggang sa halos mapuno na ng estudyante ang kinatatayuan namin. Sakto namang pagdating ni Spade at Raphael at agad na dinala si Sapphire sa clinic. Ilang beses akong napatingin ulit sa bangkay ... kay Katherine. Nakaharang si Ms. Maeganne pero nagpumilit akong makapasok hanggang sa mapunta ako mismo sa tabi ni Katherine, sa mismong harap niya. Narinig kong ilang beses na sinigaw ni Ms. Maeganne ang pangalan ko habang pinipigilan niya ang pagpasok ng buong klase pati na rin ang mga usisero't usisera pati na rin ang pagpapakalma sa ibang estudyante. Tinakpan ko ang ilong ko. Tinignan ko muna ang mukha niya na nakakakilabot ngayon. Lapnos na lapnos ang kalahati ng mukha niya, sa may gitna hanggang sa leeg at ang malalim na sugat sa gilid ng mukha niya, mula noo hanggang sa ibaba ng pisngi niya na naging dahilan ng paglitaw ng laman niya roon. Hanggang sa napansin ko muli ang sugat niya sa may dibdib kung san nanggaling ang dugo na pumapatak ngayon sa gilid ng sapatos ko.

Page 237: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tatlong numero. Ngunit anong ibig sabihin? " 6^2 (8) 5^2 " Naramdaman ko ang paghatak sa akin paatras ni Ms. Maeganne saka ko napansin na may mga pulis na pala. Galit na galit niya akong hinatak hanggang sa mapunta kami sa harap ng classroom. Binuksan niya ang pinto at sinarado ito saka niya ako binitawan. Bumalik naman ako sa upuan ko. "Huwag na huwag kayong lalabas sa kwartong ito!" sigaw niya bago lumabas ng classroom. Ilang minuto ang kinailangan bago makapagsalita ang iba sa amin. At muli, pumunta sa harapan si Austin at nagsalita sa buong klase. "Naniniwala na ba kayo ngayon? Sigurado akong si Cyrus ang may gawa nun. Tignan nyo, siya lang ang absent. Inuna niya si Katherine. Iisa-isahin niya tayo hanggang sa silang dalawa na lang ni Sapphire ang natitira. Kung hindi natin siya uunahan, baka mamatay tayong lahat." Na agad namang inulan ng iba't-ibang komento. Lahat ay komentong laban kay Cyrus at Sapphire. Lahat ay komentong naniniwala sa mga sinabi ni Austin. Bubuka na sana ang bibig ni Austin para sa bago niyang sasabihin nang hindi niya naituloy yun dahil sa isang nangibabaw na boses. Ang malamig na boses ni Luna na ngayo'y mas malakas na. "May namatay sa atin. Hindi ba pwedeng makisimpatya muna tayo kahit sandali?" napangiti ako nang nagsalita si Luna. "Kung gusto nyong mambintang nang mambinting dahil sa tingin nyo, killer sila. Bakit hindi nyo muna tignan ang mga katabi nyo at itanong nyo sa isa't-isa kung malinis ba kayong tao? O kaya mismo dyan sa sinusunod nyo." Napatingin siya kay Austin. "Tanungin nyo rin sa kanya kung malinis siyang tao." Umupo siya agad at dumungaw sa bintana na para bang walang nangyari. Nagsitahimikan ang lahat. Naisip ko ulit ang nakasulat sa dibdib ni Katherine. 6^2 (8) 5^2? Kahit anong gawing isip ko ngayon, walang pumapasok na matinong ideya sa utak ko sa kung ano nga ba ang ibig nitong sabihin. Sinubukan kong i-solve gamit ang isipan ko ang mga numbers ngunit hindi ko maisip kung ano ang

Page 238: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

koneksyon ng mga numero na iyan sa mga nangyayari ngayon. Ano naman kayang nasa likuran ng bawat numero na nakalagay roon? Napatigil ako sa pag-iisip tungkol sa mga nakasalut sa dibdib ni Katherine nang may biglaang kong narinig ang pangalan ni Miaka sa isa sa mga kaklase ko. "Hindi si Hanako ang gumagawa nito diba? Kung titignan, mas matindi ang kasalanan natin kay Miaka." Si Miaka. Mula pa noong pasukan, alam kong buhay na siya. Alam ko dahil lagi ko siyang nakakasama. SAPPHIRE'S POV "Alam mo, Clyde, wala namang problema kung maawa ka sa kanya. Ang sa akin lang, huwag ka naman laging nakadikit kay Sapphire. Ano bang pinakain sayo ng babaeng yan ha? Yan din ba ang pinakain niya kay Cyrus kaya ganun 'yong lalaking 'yun?" paninigaw ni Abigail kay Clyde. Pilit siyang pinapatahimik ni Clyde ngunit kilala naman niya si Abigail, hindi 'yon titigil hangga't sa hindi niya nailalabas ang lahat. Tahimik lang akong nakaupo sa swing habang sila ay nakatayo nang di kalayuan sa akin. Nagtatalo pa rin sila hanggang sa tumayo ako. Tumahimik si Abigail na nakatingin lang sa akin. Lumapit ako sa kanya. Tinaasan man niya ako ng kilay ay nagawa ko pa ring ngumiti. Ngumiti kahit parang unti-unti na akong nauubusan ng pag-asa. "Abi, huwag ka na sanang magalit sa akin. Alam kong mukha akong tanga ngayon at mukhang impossible na pagbigyan mo ang hihilingin kong pabor pero gagawin ko pa rin," napayuko ako at ilang segundo ay tumingin ulit sa kanya. "S-Sana wag nyo rin akong iwan." Pakiramdam ko ay tutulo ang mga luha ko ngunit pilit ko pa rin itong pinipigilan. Ayoko sa mga taong mahihina pero mukhang baliktad na ... sobrang hina ko ngayon.

Page 239: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Katahimikan ang sagot ni Abigail. Hanggang sa matanaw ko ang driver namin na nasa gilid ng playground at tinatawag ako. Walang akong paalam kala Clyde na umalis. Sinabayan ako ng driver namin papunta sa parking lot. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pag-upo sa loob ay agad na nagring ang phone ko. Sinagot ko naman ito ng nakita ko na isa sa mga pinsan ni Cyrus ang tumatawag. "Sapphire!" pamungad niya na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko. "Si Paula, nasa ospital! Comatose siya ngayon. Pumunta ka, dali!" nanlaki ang mga mata ko. Pagkatapos ay sinabi niya kung saan silang ospital naroroon at ang number ng kwarto na agad ko namang sinabi sa driver namin. Si Cyrus ... alam kong nag-aalala siya ngayon. Kailangang nandoon ako sa tabi niya. Nanginginig kong hawak ang phone ko. Sobra akong kinakabahan ngayon. Ano kayang nangyari? Nasa gilid ako ng hallway, malapit sa kwarto ni Paula. Napatigil ako ng narinig ko nang hindi sinasadya ang pinag-uusapan ng doctor at ang mga magulang ni Paula na nasa tapat lamang ng kwarto. "Status epilepticus, iyon ang nangyari sa anak nyo. Sunod-sunod na seizures ang naranasan niya hanggang sa hindi na nakayanan ng kanyang utak. Naisugod naman ang anak nyo sa ospital agad dahil sa mga napadaang tao. Pasensiya na at late na kayong na-kontak. Mataas kasi ang mortality rate ng anak nyo kagabi ngunit ngayon ay medyo umayos naman ang lagay niya," sabi ng doctor sa kanila habang nakatingin sa hawak nitong papel. "Paano nga ba napunta ang anak nyo roon? Napakalayo naman sa inyong bahay at bakit mag-isa lang siya?" umiling-iling ang nanay ni Paula habang umiiyak. Pilit naman siyang pinapatahan ng asawa niya.

Page 240: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi ho namin alam doc, nawala po siya at ang isa pa naming anak ay hindi pa bumabalik. Doc ... iligtas nyo ho si Paula." Maiyak-iyak na sabi ng Papa ni Paula. "We'll try. Medyo mahirap ang lagay na lalo na't hindi kumpleto ang dosage ng gamot na nakuha niya batay sa resulta ng mga tests. Mukhang iyon ang isa sa dahilan ng kanyang sunod-sunod na seizures." Sabi pa ng doctor. Nagpasalamat ang magulang ni Paula ng umalis ang doctor. Saka nila ako nakita na nakatayo. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Mama ni Paula. Sinugod niya ako at pinagsasabunutan habang paulit-ulit na sumisigaw. "Dahil sa inyo ito! Dahil sa inyo kaya nagkasakit si Paula! Dahil sa inyo kaya halos naghirap kami dati! Dahil sa inyo ng ama mo! Kasalanan nyo ang lahat ng ito!" Napahiga ako sa sahig ng ospital habang pinipigilan siya ng asawa niya pati na rin ang iba nilang kamag-anak na kakalabas lang. "Oo nga't pinayaman nyo kami! Oo nga't sa inyo galing ang yaman namin ngayon pero hindi mo lang alam ang pinagdaanan namin sa kamay ng tatay mo! Mga demonyo kayo!" sigaw pa niya habang hinahatak siya papasok sa kwarto ni Paula. A-Anong sinasabi niya? Bakit kasalanan namin? Napalingon ako ng may naramdaman akong presensiya sa likuran ko. Bakit siya nandirito? Anong ginagawa niya dito? "Anak, wag kang mag-alala, gagawa ng paraan si daddy. Katulad ng dati. Parang dati lang." Sa pagkakasabi 'nun ni daddy ay may isang tauhan niya na pinatong ang coat sa ulunan ko upang siguro'y itago ang mukha ko sa mga nakikiusisa. Sumunod naman ako nang naglakad na si daddy paalis ng ospital na ito. Anong ... katulad ng dati?

Page 241: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ano bang nangyari dati? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY ImfabulousXx. Maraming maraming salamat po~ *Huuugs* DUN SA SEIZURES CHU CHU. Sabihin nyo lang sa akin kung may maling info about dyan. Nag-search lang kasi ako sa net hindi na ko nakakapagtanong sa ate ko na nurse about sa mga ganyan kaya baka may maling info or something. XD Thanks you sa pagbabasa! ♥ Comment your opinion, reaction & etc. "Some birds are not meant to be caged, that's all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you." - Stephen King, Rita Hayworth and Shawshank Redemption: A Story from Different Seasons --------------------------------------------x MIAKA'S POV INILABAS ko ang kulay puti kong payong bago pa man tuluyang lumabas ng bahay. Iniwan ko roon si Kuro kasama niya tutal magkasundo naman silang dalawa at lagi siyang sinasalubong ni Kuro sa tuwing pumapasok siya ng bahay. At isa siya sa mga taong sobrang lapit kay Hanako. Siya ang taong pinagkakautangan ni Hanako ng buhay niya. Importante siya sa aming dalawa. At mamaya, ang sabi niya, may hinihanda siyang surpresa sa akin at kung nandito sana si Hanako ay mas maganda. Ngunit wala pa rin siya ... sinasarili pa rin siya ni Blake. Binukas ko ang payong kasabay ng paghakbang ko. May pupuntahan ako ngayon, napaka-importanteng bagay dahil sa wakas, matutupad na niya. Ngayon lang kung kailan huli na ang lahat. Kung kailan wala ng magagawa pa. Kung kailan halos mamatay na ako sa kawalan ng pag-asa.

Page 242: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sa paglalakad ko ay muli kong naalala ang lahat. Lalo na ang gabing iyon. Ang gabing huli naming nakita si Francis. "Miaka, a-alis na si Francis. Iiwan na niya tayo Miaka. A-Ano ng gagawin natin?" sabi ni Hanako na meydo humahagulgol pa rin. Kakaiyak lang niya kanina tapos ngayon, iiyak na naman siya? Buong araw na niya atang pinoproblema ang malapit na pag-alis ng kaibigan namin, ng nag-iisa naming kaibiganm si Francis. "Paano kung palagi na tayong ikulong ni Mang Arthur sa madilim na kwarto? Paano kung wala na dyan si Francis para ipagtanggol at saluhin ang parusa natin? A-Anong ng gagawin natin Miaka? W-Wala na tayong ibang kakampi." Wala na akong nagawa kung hindi yakapin si Hanako at bumulong sa kanya, "Hana, nandito pa naman kami ni sister Lolit. Hana, nandito pa ako." Paulit-ulit kong sabi sa kanya. Sa aming tatlo, si Hanako ang pinakamahina habang si Francis naman ang pinakamatapang. Hindi ako sanay sa pakikisalamuha sa iba dahil sa palagi lang akong nasa bahay dati pero noong nakilala ko sila, doon ko lang nalaman na masaya din palang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan ... kaibigan. Hindi ganun katagal namin nakasama si Francis ngunit sobra na siyang napalapit sa amin ... sa lahat. Ganun kasi siyang tao. Ewan ko ba. Iba si Francis sa kanilang lahat. "Oy, anong ginagawa nyo rito?" napalingon kami kay Francis na malapad ang ngiti sa labi. Agad na pinunasan ni Hanako ang mga luha niya at umiwas ng tingin sa kanya. "Nasa drama ba kayo? Ano ba yan. Hindi bagay sa'yo Mia," at tumingin siya sakin sabay ng palagi niyang pagngiti. "Oh Hana, anyare, pinagbalat ka na naman ba ng sibuyas ni Sister Lolit?" at natawa siya sa sarili niyang biro. Alam naman niya eh. Alam na alam niya pero bakit nagkukunwari siya ngayon? Bakit siya nagpapanggap na hindi niya ramdam ang kalungkutan ng lahat? Bakit ba nakatawa pa rin siya? Bakit nandoon pa din ang nakakainis niyang ngiti? Francis, ganito ka lang ba talaga aalis?

Page 243: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sira! Aalis ka na kasi! Iiwan mo kami dito!" hindi ko napigilan si Hanako ng napatayo siya at bahagyang sumigaw sa harap ni Francis habang si Francis naman ay napayuko lang. "Ang daya-daya mo! Nakakairita ka! Tatawa-tawa ka pa dyan, bakit? Ano bang nakakatawa sa sitwasyon na to ha?!" saka siya umalis. Hindi naman nakagalaw si Francis sa kinatatayuan niya. Nakayuko pa rin siya ngunit namataan ko ang mabilis na pagpatak ng luha sa mga mata niya papunta sa sahig. Hanggang sa hindi ko namalayan na umiiyak na rin para si Francis. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak. "Francis.." pagbulong ko sa pangalan niya. Napatayo na rin ako at lumapit sa harapan niya. "Francis, wag mo na lang masyadong isipin ang mga sinabi ni Hana. Nadala lang yun ng nararamdaman niya. Alam mo naman yun eh." Sa loob ng dalawang taon, ngayong labing-tatlong taong gulang na kaming tatlo, ngayon ko lang nakita sila na ganito. May aalis. May mga maiiwan. Pero ito nga ba ang gusto ni Francis? "Sorry Mia, sorry sa inyo. S-Sorry." Paulit-ulit niyang sabi. Tulad ng ginawa ko kanina kay Hanako ay niyakap ko lang si Francis. Hanggang sa may binulong siya sa akin. "Babalik ako. Babalikan ko kayo. Pangako, hindi ko kayo kakalimutan." Naramdaman ko na rin ang malapit kong pagluha. "Babalikan ko kayo ni Hana. Hintayin nyo lang ako." Pagkatapos ng nanyari na iyon. Bago matulog, itinabi ko sa akin ang pigurin na cherubin na meron kaming tatlo. Ang simbolo ng pagkakaibigan namin. Ang natatanging bagay na unang nagkonekta sa aming tatlo. Ang pigurin na galing sa kanya. Isang nakakatakot na lalaki, mas nakakatakot pa kay Mang Arthur. Napatigil ako sa paglalakad nang narating ko na ang pupuntahan ko. Nakita ko siyang nakatayo roon. Lumingon siya sa akin. Malaki ang pinagbago niya pero alam kong siya na ito. "Francis." Pagbanggit ko sa pangalan niya. "Mia?"

Page 244: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

TEACHER MAEGANNE'S POV Ang gusto ko lang naman ay makita ang anak ko. Yun lang. Nawalan na ko ng pag-asa hanggang sa bigla akong makatanggap ng message na maari ko daw makita at makausap ang anak ko. B-Buhay si Hanako? Buhay ba ang anak ko? Nanginginig kong inilagay lahat ng gamit ko sa bag ko. Pagkaalis ko dito sa Laketon, agad akong dederetso sa tagpuan namin nung nagpadala sa akin ng message. Alam kong delikado at handa naman ako, palagi akong may dalang panlaban sa loob ng bag ko, isang pepper spray. Handa ako. "Nagmamadali ka ata, Mae?" tanong sa akin ni Edward, si Sir. Buendia. Ngumiti lang ako nang matamlay sa kanya at tumango saka ko naman nakita na biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, bigla siyang nag-alala. "May problema ba?" tanong niya pa. "Wala naman. Mauna na ako, Edward." Ngunit bago pa ako makalabas ay muli siyang nagsalita. "Ingat. Kung ano man yang bumabagabag sa'yo, nandito lang naman palagi ako ne?" lumingon ako sa kanya at ngumiti saka ako umalis na. Natatakot ako sa di ko malaman na dahilan. Delikado naman kasi. Paano kung isama ko si Edward? Hindi. Hindi niya maaring malaman. Kaya nga siguro kailangan kong harapin ito nang mag-isa. Hindi rin naman ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung totoo ba o hindi ang sinasabi sa message. Tungkol ito sa anak ko, sa anak ko ng mahigit sampung taon ko ng hindi nakakasama. Hanako, anak ko ... gusto kitang makita. Habang nakasakay ako sa taxi ay muli kong naalala ang lahat. Ang sobra-sobrang paghihirap ko noon. Lalo na noong nakakasama ko pa ang tatay ni

Page 245: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hanako, si Luke Garcia. Ang noon na boss naming lahat. Sa isang napakalaking hacienda na hawak niya. Isang napakalaking hacienda na nagsisilbing pantawid gutom ng halos lahat ng pamilya sa lugar namin noon. Bata pa ako noon habang si Luke naman ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Sa totoo lang, minahal ko talaga siya noon ngunit sa huli, nalaman ko na ginagamit lang pala niya ako, ginagamit lang pala niya ang katawan ko katulad ng ginagawa niya sa ibang kababaihan sa amin. Probinsyana ako noon habang siya ay isang kabataan na moderno dahil sa galing siyang Maynila. Galit na galit ako noong sa nalaman ko na buntis na pala ako. Tumakas ako. Nagpaka-layo-layo ako dahil alam kong ipapalaglag lang niya ang anak ko o kaya aangkinin niya. Nanganak ako ng walang nakakaalam bukod sa pamilya ko. Nakitira ako sa tyahin ko noon sa Maynila. At pagkapanganak ko, bigla akong nanlumo, 'nun ko lang kasi nalaman na wala na pala ang anak ko ... may kumuha sa anak ko. Pagkatapos ng ilang araw, bumalik ako sa probinsiya noon, nagbabakasakali na makita ko roon si Luke kasama ng anak ko. Hanggang sa wala akong nadatnan kahit isang tao sa hacienda. Nabalitaan ko na na-massacre raw ang karamihan sa mga ito at ang ilan ay nawawala pa rin. Hindi man ako malapit sa karamihan sa kanila, nalungkot pa rin ako. Maraming namatay lalo na ang pagkawala ng anak ko. Sigurado akong kagagawan ni Luke ang lahat ng iyon. Bumalik ako sa realidad. Nandito ako sa tagpuan, sa isang madilim na eskinita, sa tapat ng isang poste. May ilang dumadaan na sasakyan ngunit bilang lang. Ilang minuto na akong nakatayo rito ngunit wala pa rin akong nadadatnan na tao. Nakabulsa sa shoulder bag ko ang kanan kong kamay, hawak-hawak ko kasi ang pepper spray, nagbabakasali na may umatake. Nakalipas pa ang ilang minuto at nagsawa na ko sa kakahintay. Nagsimula na akong maglakad palayo nang bigla akong may napansin ... may humahabol sa akin. Dalawang beses akong lumingon habang tumatakbo rin. Alam kong kilala ko siya, alam na alam. Inilabas ko ang pepper spray sa bag ko at sandaling lumingon sa kanya, napakabilis niyang tumakbo habang ako ay hingal na hingal na. Anong

Page 246: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

gagawin ko? Paano kung maabutan niya ako? H-Hindi ko pa nakikita ang anak ko. Nadapa ako ngunit agad akong bumangon at mas binilisan ang pagtakbo. Magkakalagpas na sana ako sa mahaba at madilim na eskinita na ito ngunit agad akong nakaramdam ng paghatak sa likuran ng kuwelyo ng damit ko. Paglingon ko ay agad kong itinapat ang pepper spray sa mukha niya ngunit natabig niya agad ito at bumungad sa akin ang mukha niya. S-Siya ba? "Pinagod mo lang ako, Maam Maeganne." Sabi niya habang nakangiti. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Tulong! Tulooong!" paulit-ulit kong sigaw ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko. Hindi ko alam na gagawin sa akin to ng isa sa mga estudyante ko. Kailangan ko pang makita ang anak ko. "Gusto mong makita ang anak mo diba? Si Hanako?" nagulat ako nang nalaman niya. Oo nga pala, paano niya nalaman? Tumango lang ako nang tumango. Ngumisi siya bago nagsalita. "Dadalhin kita sa kanya. Alam mo ba, pinagpe-pyestahan na ng mga demonyo ang anak mo sa impyerno. Doon ... doon mo siya makikita." Isang ngisi na naman ang nakita ko sa mga labi niya. H-Hanako ... anak ko. ABIGAIL'S POV Naiinis ako! Bakit ba kailangan naming mag-away araw-araw ni Clyde dahil lang sa lecheng Sapphire na yan?! Bakit ba parang napakaimportante niya kay Clyde? So, ganto na lang? Babalewalain niya ako dahil lang sa nag-iisa na yang Sapphire na yan? Ano ba talagang problema ni Clyde?! Arghh. "Abi, nasan yung kinuha ni Aling-" naputol na tanong ng kapatid ko.

Page 247: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi ko alam. Tanong mo sa pader!" at siyempre, isang irap ang nakuha ko sa kanya. Walang kwenta. Bakit ba nila sakin tinatanong ang mga yun? Mukha ba kong tagabantay ng mga gamit dito sa bahay? Ugh! Naiinis talaga ako. Lumabas ako ng bahay habang suot-suot ang kulay white kong jacket. Pumunta ako sa malapit na 7-eleven at umorder ng noodles. Ayaw ko kasi ng ulam sa bahay, hipon, may allergy ako doon at hanggang ngayon, hindi pa rin nila matandaan pero ano nga ba ako para alagaan nila diba? Ganun naman palagi eh. Psh. Umupo ako at tinanaw ang labas dito sa harap kong salamin na nagsisilbing pader ng 7-eleven. "Maam, ito na po." Sabi ng crew sa akin ng binigay niya ang noodles na may mainit na tubig. Inirapan ko siya dahil kakaiba ang tingin niya sa akin. Ewan, kakaiba eh. Habang kumakain ay naisip ko ang sinabi ni Sapphire, yung wag daw namin siya iwan. Lintek talagang yun, galing umarte eh pero dati, napakatapang. Ngayong nawala na ang mga kaibigan niya, para na din siyang naputulan ng buntot ay mali, sampung sungay pala. Pero sa kabilang banda, nakakaawa nga talaga siya. Kaso karma lang siguro ang lahat ito para sa kanya, sa napakadami niyang ginawang masama sa aming lahat, ano pa bang inaasahan niya sa buong klase? Eh puro plastic lang naman ang mga tao roon eh at siyempre, magbubuhat na ako ng silya ko dahil ako lang naman ang totoo sa kanya. Ako lang naman 'yung nagsasabi ng mga ganun sa kanya, ako lang ang walang takot sa kanya. Napatigil ako sa pagkain, ano nga kaya ang manyayari kung bigyan ko siya ng pagkakataon? Isang pagkakataon na mas makilala siya. Leche! Ano ba to, bumabait na ata ako sa kanya. Muli, naalala ko ang sinabi sa akin kanina ni Clyde. "Biktima din si Sapphire, Abi. Kung ano man ang nagawa niyang mali, hindi niya sinasadya ang mga 'yon" Langya, hindi sinasadya? Ano siya, isang batang walang alam? Hindi ko matanggap ang huling sinabi ni Clyde pero ang tumatak talaga sa akin ang 'yung una niyang sinabi, na biktima lang din si Sapphire. Siguro tumatak

Page 248: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sa akin iyon dahil maaring totoo. Pero teka, biktima lang din naman kaming lahat ah? Tumayo ako at bago lumabas ay bumili muna ako ng inumin. Habang naglalakad ay iniinom ko ang binili kong drinks at muling nag-isip. Naalala ko tuloy iyong nasabi dati ni Austin at Cyrus, na may napakadilim silang nakaraan. 'Yung nakaraan na dahil daw kay Sapphire? Hindi ko masyadong maalala pero parang ganun na nga. Saktong-sakto, pagkabanggit ko ng pangalan ni Austin sa utak ko, biglang may dumaan na kotseng itim sa gilid ko. Bukas ng bintana nito kaya kitang-kita ko si Austin na nagmamaneho. Hindi ko alam na meron pala siyang kotse. Teka ... kailan pa siya nagkaroon ng kotse? Ngunit ang mas kinigulat ko ay ang isang itim na motor na nakasunod sa kotse. Anong ginagawa niya, ba't niya sinusundan si Austin? Anong ginagawa ni Clyde? "Clyde!" pagtawag ko sa kanya ngunit mukhang hindi niya ako narinig. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY shusayukii. Natats talaga ako dun sa recent na comment mo last chapter. Simpleng comment lang pero sobrang nakakatuwa talaga, naramdaman ko tuloy na may pakinabang ako sa wattpad hahaha. Kems. Thank you po ng marami. <3 HINDI NA-EDIT TO. Kung may maling info or typo, pakisabi na lang po. Tsaka, may mga idadagdag sana ako or iibahin na scenes dito pero di ko na nagawa kasi gagamitin itong laptop ko ng kuya ko. So, minadali ko na lang ang pag-update at sa susunod ko na lang i-edit. Salamat sa pagbabasa. ♥ "Little Alice fell down the hole, bumped her head and bruised her soul" -Lewis Carroll, Alice in Wonderland

Page 249: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

--------------------------------------------x TEACHER MAEGANNE'S POV HINGAL na hingal ko siyang tinignan. Nanlalaki ang mga mata ko, halatang hindi pa rin makapaniwala sa taong nasa harapan ko. B-Bakit?! Papano nangyari ito? Hindi ba... hindi ba- "Nasan na si Miaka?" umiwas siya sa akin ng tingin at kinausap ang dalawa niyang kasama dito sa maliit na kwartong pinaglalagyan namin. May nakatakip na makapal na tape sa bibig ko at mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko. At alam kong kahit walang tali, hindi pa rin ako makakagalaw. Sobrang pagod ang katawan ko sa di ko malaman na dahilan. Ano nga bang nanyari kanina? Ahh, tumakbo nga pala ako nang tumakbo. Tinignan ko ang mga braso't paa ko dahil sa dami ng galos at sugat na natamo ko. Kaya pala ang hapdi ng balat ko. "Lumabas. Hindi pa rin bumabalik." Sagot ng isa sa kanila sa tanong niya. "Malamang. Wala pa nga dito diba? Psh." Sabat pa ng isa sa kanila. "Wag mo kong ginagago. Hindi nga namin alam kung kalaban ka ba o kakampi." "Hindi mo na kailangan pang ala-" Tuloy-tuloy ang pagtatalo ng dalawa niyang kasama-dalawa sa mga estudyante ko, dalawa mula sa section na hinahawakan ko bilang advisory class, at ang possibleng dalawa sa mga taong kilala ko na huling makakakita sa akin na buhay. Napatingin ako sa kanya na nakatayo pa rin, hindi niya pinansin ang dalawa niyang kasama na halos magtalo na sa harapan niya na naudlot lang dahil sa pagpasok ng isang pa nila sigurong kasama. "Siya na ba yan? Yung nanay ni Hanako?" sabi niya habang sinasarado ang pintuan na pinasukan niya. Nagsitanguan ang mga kasama niya bilang tugon sa tanong niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nang makalapit siya ay isang malakas na sipa ang natanggap ko sa kanya. Napauntog ang ulo ko sa pader. Ininda ko ang sakit at muling tumingin sa kanya. Teacher ako ... teacher niya ako, bakit parang impossible itong nangyayari ngayon? Isang teacher, gaganituhin ng isa sa kanyang estudyante? Isang teacher-Napatingin ako sa kanya na nakatayo pa rin doon habang nakasandal sa pader, may kinuha siyang sigarilyo mula sa bulsa niya at

Page 250: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sinindihan ito. Nakatingin lang siya sa akin nang sipain muli akong sipain ng kasama niya. "Para yan sa pagpapanganak mo sa Hanako na 'yun. Sana nagpalaglag ka na lang. Psh!" inis na inis na sabi niya at isang sipa na naman sa tagiliran ang natanggap ko. Mas lalo siyang lumapit at tinanggal ang nakadikit na tape sa bibig ko. "Teacher Maeganne, salot yang anak mo. Alam mo ba yun? Ay mukhang alam mo nga," ngumisi siya bago ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Pinamigay mo nga siya, di'ba?" "Hindi totoo yan! Kinuha siya sa akin! Hindi ko kagustuhan ang lahat ng nangyari! Kinuha sa akin ang anak-" binalik niya ang tape sa bibig ko bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. "Ang ingay mo, teacher ka pa man din." Sabi pa niya. Sa itsura, pananalita at ekspresyon ng mukha niya ngayon, ibang-iba siya sa kung sino siya sa eskwelahan. "Austin, nasan si Miaka?" sabi niya nang lumingon siya kay Austin, isa sa kanila. "Yun nga ang sagot ko kanina eh, kung hindi lang gago tong kasama-" "Nasan nga?! Aba, ang dami mong sagot ah?" malakas ang pagkakasabi niya kaya halata sa mukha ni Austin na nairita siya. Sino ba naman kasi ang hindi maiirita kapag ginanon ng tulad niya? "Lumabas nga. May pinuntahan. Bahala nga kayo dyan." Sigaw niya bago umalis ng kwarto kasabay ng pagdabog niya ng pintuan. Nagtataka ako, mukhang malaki at nakakatakot na tao ang kasama niya, mukhang umurong ang buntot ng isa sa mga siga ng 3-C sa katulad niya. Nakakapagtaka. "Matutuwa si Miaka kapag nakita niya 'tong nanay ni Hanako. Mukhang masisiyahan siyang patayin ang tulad niya. Ang taong unang nang-iwan kay Hanako." Sabi niya habang pinapatay ang sindi ng sigarilyo niya sa pamamagitan ng pagtapak dito. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang malapad. "Kamusta? Nakakapagtaka diba?" may nilabas siyang puting panyo sa bulsa niya at pinahid sa pawisan niyang noo. "Pasensiya na, Ms. Maeganne, kailangan eh." Ngumiti siya sa akin. Ito ang unang beses at maaring huling beses na gawin niya 'yun.

Page 251: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bago siya lumapit sa akin ay may kinuha siyang bagay mula sa drawer ng lamesa. Nanlaki ang mga mata ko ng napansin ko na isang makapal na pulang lubid ang hawak niya. A-Anong gagawin niya 'run? "Dahil sa espesyal ka para kay Hanako, magiging espesyal din ang pagkamatay mo. Maswerte ka Ms. Maeganne at ganito lang nag mararanasan mo." Sabi pa niya habang mas lumalapit sa akin. Umupo siya sa harapan ko at humugot siya ng isang kutsilyo sa likuran ng pantalon na suot niya. Pinutol niya ang tali sa kamay at paa ko. Napaatras ako dahil sa takot nang tinutok niya ang kutsilyo sa may bibig ko. Hinawakan naman niya nang mahigpit ang ulo ko dahil sa pagpupumiglas ko at tinusok niya ang gitna ng tape sa bibig ko. Nagkaroon ng maliit na bilog rito at pagkatapos 'nun ay inalis na niya ang pagkakahawak sa ulo ko. Natameme ako sa ginawa niya. Akala ko ... papatayin na niya ako. Tumalikod siya, napansin ko rin na hindi nakatingin sa akin ang dalawa niyang kasama kaya kahit mahirap, pinilit kong tumayo at buksan ang pintuan. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko upang tumakbo pababa ng hagdanan. Narinig ko silang sumigaw nang kakatapak ko palang sa hagdanan. Lumingon ako at nakita kong hinahabol ako ng isa sa kanila. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Nakarating ako ng unang palapag at kasalukuyan kong hinahanap ang pintuan palabas. Sa wakas ay nakita ko ito, may mga naririnig akong sasakyan sa labas, mukhang maaga pa. May tao pa sa labas, makakahingi ako ng tulong. Agad akong tumakbo papalapit sa pintuan ngunit may isa akong nakalimutan. Si Austin ay nandito ... bumaba siya. Hanggang sa nakaramdam ako ng paghatak sa buhok ko at bago mawalan ng malay ay naramdaman ko ang matigas ng pader na tumama sa ulo ko dahil sa malakas na pagkakauntog ng estudyante ko sa ulo ko. Nahuli nila ako ... mukhang hindi ko na kayang tumakas pa. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin na umiiyak na sanggol sa harapan ko. Bago ako lumapit sa umiiyak na sanggol ay inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, nasa isang magandang hardin ako na punong-puno ng paru-paro at mga bulaklak. Muli akong napatingin sa sanggol ngunit wala na siya. Hinanap ko kung nasaan ang sanggol. Pilit kong hinanap ang munti niyang pag-iyak ngunit wala na kong marinig. Muli akong lumingon a likuran ko at may nakita akong isang bata na sa tuwing pipikit at didilat ako ay nag-

Page 252: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

iiba ang mukha. Napakabilis ng pagbabago ng mukha niya, na hindi ko na mamukhaan ang bawat mukha 'nun. Hanggang sa biglang tumigil ang pagbabago niya ng mukha at naging kamukha niya ang taong hinanap ko sa loob ng ilang taon. "Hanako ... anak ko." At sa unang pagkakataon ay nadama ko ang mahigpit na yakap ng anak ko. Sa unang pagkakataon, nagdampi ang balat naming mag-ina. Sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses niya nang binigkas niya ang mga katagang ... "Mama." RAPHAEL'S POV Mag-iisang oras ko ng pinapakalma si Sapphire habang hagulgol pa rin siya nang hagulgol. Mula 'nung pumunta ako rito, nadatnan ko na siyang umiiyak. Nahirapan pa nga akong makapunta rito kasi marami akong gagawin pero dahil sa isang nakakagulat na balita ang sinabi ni Sapphire, talagang pinilit ko. Kailangan ni Sapphire ng makakasama ngayon. At isa pa, mag-isa siya. Delikado. "Raphael, p-pasensiya na at naabala kita n-ngayon. Hindi ko lang kasi a-alam kung sino ang pwede kong lapitan." Muli ay humagulgol na naman siya. Ilang minuto ang nakaraan bago pa siya makapagsalita ulit. "S-Sumugod kanina sa bahay yung parents ni Cyrus," Sunod-sunod na hikbi ang ginawa niya. "Sinisisi nila kami ... k-kami raw ang may kasalanan ng lahat." Tinignan ko siya, hindi ko aakalain na makikita ko si Sapphire na ganito ... na umiiyak at para bang napakahina. Hindi ako sanay sa ganito. "R-Raphael, namatay daw si Paula at ... at ... n-natagpuan nila ang bangkay ni C-Cyrus." Napapikit ako sa sinabi niya. "Patay na si Cyrus ... patay na siya." Paulit-ulit niyang sinabi. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin ngayon. Basta, tinatapik ko lang ang magkabilang balikat ni Sapphire habang nakikinig sa bawat hinanain niya, sa bawat reklamo at pag-iyak niya. Mukhang hindi niya kailangan ngayon ng kaibigan na sasabihin ay 'Okay lang yan' dahil sa totoo lang, lahat ng nanyayari ngayon kay Sapphire, hindi okay.

Page 253: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ngayong w-wala na si Cyrus ... kaya ko pa ba? Ayoko na Raphael, ayoko na, hindi ko na kayang p-pumasok sa eskwelahan na iyon." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Gusto ko sanang sabihin na nandito pa naman ako, pero ano nga bang magagawa 'nun ngayon? Si Cyrus ang kailangan niya, si Cyrus lang. Napatingin ako sa langit. Kung sakaling nakikita siya ni Cyrus, ang matalik kong kaibigan, ano kayang gusto niyang ipagawa sa akin para maging maayos na ang pinakamamahal niya? Ang babaeng dahilan ng lahat ng swerteng nanyari sa buhay niya. Ang babaeng nagligtas sa buhay niya. Sa pagkakakwento ni Cyrus, noon ay sinalo ni Sapphire ang balang dapat ay tatama sa kanya. Saka nagsidatingan ang mga pulis noon. Sa lahat ng namatay, dapat ay nakulong panghabangbuhay ang tatay ni Sapphire ngunit dahil ang pamilya nila ang pinakamakapanyarihan sa lugar nila, pinangakuan na lang ang mga natitirang buhay na mga pamilyang trabahador nila ng malaking pera, napakalaking pera. Pangalawang buhay kay Sapphire at gayon din naman para sa pamilya nila Cyrus noon. Ayaw man ng tatay ni Sapphire kay Cyrus, wala pa rin siyang nagawa at naging malapit silang dalawa. Saksi ako sa lahat ng iyon. Saksi ako sa sobra-sobrang pagmamahal ni Cyrus kay Sapphire at alam ko, hanggang ngayon, babantayan pa rin niya si Sapphire. Napansin ko na hindi na umiimik o humihikbi man si Sapphire, sinilip ko ang mukha niya na nakasubsob pa rin sa balikat ko. Nakatulog siya. Mukhang pagod na pagod siya. Tumayo ako at binuhat siya. Nandirito kami sa labas ng isang saradong kalenderya, tumakas lang talaga si Sapphire sa kanila at dapat ko na siyang ihatid sa kanila ngayong malalim na ang gabi. Pumara ako ng taxi, may natitira pa namang akong pera mula sa baon ko. Kaysa pa siguro ito. Habang nasa taxi at papapunta na kami sa subdivision na tinitirahan nila, may nalaglag mula sa bulsa ng pantalon niya. Inayos ko muna ang ulo niya para makayuko ako at makuha ko ang nalaglag na wallet. Pagkakuha ko nito ay may namataan pa akong isang litrato na nahulog din, mukhang galing ito sa wallet. Pinulot ko rin ito at hindi ko naiwasan na tignan kung ano ang nasa litrato. Isang litrato ng tatlong bata. Dalawang batang babae na may maikling buhok, parehong maputi at nakangiti sila sa camera habang may hawak na tig-isang pigurin ng cherubin at may isang batang lalaki sa gilid ng isa at hawak din niya ang isang pigurin. Sa mukha ng lalaki, halatang masaya

Page 254: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

siya ngunit halata sa mukha ng dalawang batang babae na hindi sila gaano kasaya. At ang nakakagulat, mukhang kilala ko silang tatlo. LUNA'S POV "The lost Alice." Pagbasa ko sa unang nakasulat dito sa hawak kong notebook. Nakita ko itong maliit na notebook sa locker ko, medyo maliit lang and deperensiya ng lapad at laki nito sa buong kamay ko. Hindi ko rin alam kung bakit tila ba hindi ako nagdalawang-isip na kuhanin ito. Kulay kahoy at may katigasan ang cover nito, walang ibang nakasulat kung hindi ang 'The lost Alice' na halatang sulat kamay lamang gamit ang isang kulay itim na ballpen. "Luna, kakain ka na ba?" biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si papa. Nakangiti siya sa akin, mukhang may nangyaring maganda sa kanya. Nakakairita. Ayoko sa ngiting 'yan. "Umalis ka." Ang tangi kong sinabi na agad naman niyang tinugunan ng isang ngiti at pagsara nang dahan-dahan sa pinto. Inilapag ko muna sa kama na inuupuan ko ang hawak kong notebook saka ini-lock ang pintuan. Ayaw kong maabala ako ngayon. Bumalik ako sa kama at pagkabuklat ko sa notebook ay isang drawing ng kuneho ang nakita ko. Isang duguan na kuneho. Ang tangi lang kulay sa drawing na ito ay ang kulay pula at itim. Pula para sa dugo at itim para sa linya upang maguhit ang kuneho na iyon. "Anong ibig sabihin nito?" pagbulong ko. Binuklat ko pa ang susunod na pahina. Wala na itong ibang laman kung hindi ilang maikling pangungusap. 'Alice was lost because she followed the white rabbit. Now, you're lost. Then, who's the white rabbit? The white rabbit has the answer, the key to end the story.'

Page 255: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Mukhang para sa akin ang mga pangungusap na iyon. Binuklat ko pa ang susunod na mga pahina ngunit wala na itong laman. Lahat blanko. Inilapag ko ulit ito sa kama at natulala ako sa pader habang iniisip ang laman nito. Ang sabi rito, nawala si Alice dahil sa pagsunod niya sa isang puting kuneho. Pamilyar ako sa kwento nito ngunit iyon lamang din ang alam ko, na napunta si Alice sa Wonderland. Hanggang dun lang. Hindi ko alam kung nakalabas siya at kung nakalabas siya, kung ako ang tinutukoy dito ... makakalabas din kaya ako? At sa sumunod na pangungusap, tinatanong kung sino ang white rabbit. Ang white rabbit na sinundan ni Alice hanggang sa mawala siya ... ang white rabbit na naging dahilan na pagpunta niya sa wonderland. Napatayo ako dahil isang ideya ang biglang pumasok sa isipan ko. Ang white rabbit ... si Denise. At ano naman 'yung, 'The white rabbit has the answer, the key to end the story.' Napalingon ako sa bintana ng may naramdaman akong kakaiba. Agad akong lumapit sa bintana at isang lalaki ang nakita kong nakatayo sa labas, sa mismong tapat ng gate namin. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa nakasuot siya ng itim na jacket at hindi siya nakatingin sa akin, deretso siya nakatingin sa harapan niya ngunit alam kong lalaki siya, alam ko palang sa tayo niya at sa postura niya. May inilabas siyang bagay at agad itong umilaw, mukhang isang cellphone. Agad namang nagring ang phone ko, na nasa bulsa ko lamang. Nagtaka ako ngunit sinagot ko naman ito at isang malalim na boses ang narinig ko. Mukhang ginamitan na ito ng kung ano dahil sa halatang hindi niya iyon boses, sobrang lalim ... hindi ko makilala. "Luna, hindi ba ... nakapatay ka na?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mukha ngang hindi lang sila basta-basta. Bigla kong naalala ang gabing iyon, ang gabing saksi ang napakalakas na ulan sa isang panyayari na nakapagbago sa buong buhay ko. Pagkatapos ng nanyari sa pagitan namin nila Denise. Pagkatapos ng araw na iyon. Saka ko nalaman ang sikretong itinatatago nila sa akin.

Page 256: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kumilos ako. Noong gabing iyon, pinanindigan ko na ang lahat. Nakapatay ako. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY Ghost_Terrence. Thank you po sa suporta! At sa fanfic na iyong ginawa (na natapos na_ indi ko pa man nababasa pero salamat talagaaaa. ♥ *Huuuuugs* Salamat po sa patuloy na pagbabasa! At mabagal man ang update nito, wag kayong mag-alala, mag-uupdate pa naman ako. Hindi lang kasing bilis katulad ng iba dahil sa malapit na ang finals at naghahabol kami sa requirements chu chu. Tutal, hindi naman kayo nagbabayad sa pagbabasa nito, ayos lang naman diba? Ayun. Pag malapit na ang UD, nagpopost naman po ako sa wattpad profile sa fb ko, dun na lang po, wag na kayo magpost sa comment box. Maraming salamat ulit! Voice out your opinion po~ "People who claim that they're evil are usually no worse than the rest of us... It's people who claim that they're good, or any way better than the rest of us, that you have to be wary of." - Gregory Maguire, Wicked: The Life and Times of the Wicked Witch of the West --------------------------------------------x MIAKA'S POV NAKATINGALA lang ako habang nakangiting tinitignan ang bangkay ng nanay ni Hanako. Sa pagkakaalam ko, Maeganne ang pangalan niya. Nakasabit lang ang bangkay niya doon kagaya ng nangyari kay Hanako. Biglang nanliit ang mga mata ko dahil sa nakita kong may dugo na tumutulo mula sa gilid ng kanyang noo. "Sinong nagsabing pwede nyong sugatan ang biktima? Hindi ba, dapat malinis lalo na't ang plano ay gawin ang ginawa natin kay Hanako?"Nagulat ako sa sarili kong sinabi dahil sa pangalawang pagkakataon, nabanggit ko

Page 257: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

na naman ang tungkol sa pagkamatay ni Hanako-mali-sa pagpatay namin kay Hanako. "Yan lang ang magagawa ko para hindi siya makatakas. Hindi mo alam kung gaano kahirap habul-habulin yan, wala ka namang ginawa. Lumayas ka lang tapos ngayon, nagrereklamo ka dyan. Psh." Kahit kailan talaga, napakadaming sinasabi ni Austin. "Feeling niya kasi siya ang leader dito. Eh siya naman yung walang ginagawa kung hindi tumunganga at ayusin ang bangkay kapag ipapakita niya. Walang kwenta." Sabi pa ng katabi ni Austin habang nakapameywang. Ang arte talaga. "Tumigil na nga kayo." Napalingon naman ako sa kanya na nakaupo sa pangalawang upuan sa likuran. Nakataas ang paa niya at nakatingin lang sa amin. "Tapusin na natin ito para makaalis na tayo dito sa Laketon, baka magising na ang guards. Alas-tres na ng madaling-araw, wala pa tayong tulog." Kalmado niyang sinabi. Hindi ko sila pinansin. Kumuha na lang ako ng upuan at tumayo roon. Matangkad ako kaya abot ko ang noon ng teacher na 'to. Lumingon ako sa kanya na nakatayo sa likuran ko, may hawak siyang puting panyo at inaabot sa akin. Kinuha ko ito at sinimulan na punasan ang dugo sa noo ng teacher. Ng nanay ni Hanako. Ang unang taong umabanduna sa kaibigan ko. "Tapos na." Sabi ko habang itinatabi ko ang upuan na ginamit ko. Tinignan ko silang apat. Kaming lima, kaming lima ang nasa likod ng lahat ng ito. Ang pagkamatay ng lahat kahit na ang pagkamatay ni Hanako. Napangiti na naman ako, pangatlong beses ko ng naisip ang pagkamatay ni Hanako. Hindi namin siya trinaydor. Siya ang unang gumawa 'nun sa akin. Siya ang nakaisip ng lahat ng ito. Siya ang may plano ngunit siya rin ang unang-una na muntik ng sumira nitong lahat ng pinaghandaan namin. Muntik na niyang isabutahe ang lahat at mabuti na lang, nakaisip kami ng magandang paraan para patahimikin siya-ako lang pala. "Miaka ... ano yang hawak mo?" ang saktong sinabi niya 'nun habang takot na takot na tinitignan ang hawak kong lubid. Lumuhod siya sa harapan ko. "Miaka, itinigil na natin ito. Nagbago na ang i-isip ko, walang kwenta ang paghihiganti. Hindi kasalanan ni Sapphire ang lahat, hindi niya sinasadya. H-Hindi sinasadya ng buong 3-C ang lahat. M-Miaka, patawarin mo na lang sila." Ang sunod pa niyang sinabi na mas nagpakulo ng dugo ko.

Page 258: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Napatawad mo na ba sila?" tanong ko sa kanya 'nun. Nanginginig siyang tumango. Nanliit ang mga mata ko sa galit. Paano niya nagawa sa akin 'yon? Paano niya napatawad ang mga taong muntik ng pumatay sa kaibigan niya? Sa taong kasama niya mula noong umpisa? Sa taong iniwan niya ... sa taong kahit anong manyari ay nasa tabi niya? "Patawarin mo na sila Miaka. P-Patawarin mo na sila." Umiiyak niyang sinabi. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko. Hindi dahil sa awa kay Hanako. Hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa lungkot. Si Hanako, ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, ang tanging tao na nagpaparamdam na importante ako. Paano niya nagawa sa akin ito? Paano niya nagawa na mas intindihin ang nararamdaman ng iba kaysa sa nararamdaman ko? "Patawarin mo ko, Hanako."Saka ko hinatak nang marahas ang kamay niya 'nun. At ang lahat ng nanyari ay ibinaon ko na sa utak ko. Ang gabing pinatay ko ang nag-iisa kong pinagkakatiwalaan. Ang gabing tinapos ko ang ugnayan ko sa mundo. Ang gabing mas nagparamdam sa akin na ipagpatuloy ang lahat. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan. Akala ko'y nagising na ang guards pero ang bumungad sa amin ay si Mr. Laketon. Ang taong naging katulong namin sa lahat. Siya ang kausap niya tungkol sa mga tagong papasok at palabas dito sa academy. Siya ang dahilan kung paano namin napadala lahat ng kahon na iyon na naglalaman ng iba't-ibang parte ng katawan ng isa sa 3-C, ang nagkakaalam lahat ng tungkol sa kanila lalo na ang tinitirahan nila at siya rin ang naghikayat sa kanya upang gawin ang grupo na ito. Naalala ko pa ang dahilan ni Mr. Laketon. Gusto raw niyang manalo ngayon sa laro. Bakit? Natalo ba siya sa nakaraan na laro? "Nakatanggap ako nito." Pinakita niya sa amin ang isang katamtaman na laki na card. Agad na lumapit sa kanya si Austin at binasa ang nakasulat rito. "The white rabbit has the answer, the key to end the story." Tumingin ulit si Austin kay Mr. Laketon. "Oh tapos?" tanong niya.

Page 259: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sa inyo ba galing iyan?" Nagkatinginan kaming lahat. Sumagot ang taong gumawa ng grupo. "Hindi po sa amin galing." Dalawa lang ang pwedeng maging rason nito. Una, may ibang grupo na kumakalaban sa amin at ang pangalawa, may kasama sa grupo namin na tumatraydor sa amin. At kahit ano pa sa dalawa, paniguradong magiging nakakawili ang mga susunod na panyayari. Muli, napangiti na naman ako. SPADE'S POV Napatingin ako sa malaking orasan na nasa dingding ng kwarto ko, 6:00 am, sakto. Nabibilang lang ata sa kamay ang oras ng tulog ko, baka nga kalahati lang eh. Hindi kasi ako nakatulog. Wag na rin kaya ako pumasok? Tinatamad rin naman ako eh at isa pa, may pinag-iisapan ako at isang araw o kaya ilang araw ang kailangan ko upang magkaroon ng matinong kasagutan. Hindi ko alam. Naiipit na naman ako. Narinig kong nagbukas ang pintuan sa ibaba ng apartment na tinitirahan ko. San na naman kaya siya nakakuha ng susi? Mukhang nabola na naman niya ang may-ari nitong apartment. Mukha kasing pera 'yon eh, magkapareho lang sila. Bumaba ako at hindi na ko nagtataka kung bakit siya ang bumungad sa akin, kumulo lang ang dugo ko. Agad siyang umupo sa sofa na para bang bahay niya ito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at binuksan ang pintuan. "Ngayong nakapasok ka na, pwede ka nang lumabas." Parati na lang siya ganito. Minsan, nadadatnan ko siya sa loob ng bahay sa pag-uwi ko, sa kwarto, sa kusina at kung san man. Napakakupal talaga nito eh!

Page 260: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Namimiss lang kita ... anak." Napangisi ako sa narinig ko. Kinilabutan rin ako, kadiri eh. Ginago na naman ako nito. "Hindi ka ba babalik sa bahay natin?" sigurado akong nakikipaglokohan lang to sa akin. Sa bahay na ang mga katulong at trabahador lang ang matinong tao? Tss. Wag na. "Sa katandaan nyo ata, nabibingi na kayo. Hindi nyo ba narinig na sinabi kong pwede ka nang lumabas?" bastos na kung bastos. Hindi naman siya kagalang-galang talaga eh. Lumingon siya at may nakita siyang picture frame, nakita kong ngumisi siya. Agad akong lumapit at kinuha ang picture frame na kukuhanin niya sana. Inilayo ko ang picture frame sa kanya at sinimangutan siya. "Tinatago mo pa rin pala 'yan?" tanong pa niya. Hindi ko siya tatay. Wala akong tatay na katulad niya. "Umalis ka na." Matigas kong pagkakasabi. "Kung ayaw mo talaga, bahala ka dyan." Dala-dala ko ang picture frame at papunta na sana sa itaas. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Spade." Ngunit hindi ako lumingon. "Spade." Mas malakas ang boses niya ngayon ngunit hindi pa rin ako lumingon. "Francis!" Napatigil ako. Matagal na rin pala. Matagal na rin mula noong tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.

Page 261: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bigla kong naalala ang sabi sa akin ni Mia kagabi. Kagabi kung kailan ko nalaman ang lahat. Tungkol sa klase, tungkol sa paghihinganti niya ... lahat. Hindi ko akalain na siya at ang Miaka na sinasabi ng klase ay iisa. Hindi ganun kapulido ang memorya ko basta alam ko, siya si Mia. "Francis, sumama ka sa amin. Mabubuhay ka hanggang sa dulo. Babalik tayo sa ampunan. Maalis ka na sa puder ng tatay mo, magiging masaya na ulit tayo sa ampunan. Francis, tulungan mo kami." Muli akong napatingin sa hawak kong picture frame. May dalawang litrato 'ron. Ang isa ay ang litrato naming tatlo nila Mia habang hawak ang pigurin na iyon. Ang pigurin na bigay niya ... ang nag-ampon sa akin. At ang pangalawang litrato ay ang litrato ko noong bata sa dyaryo habang nasa gilid ko ang ama-amahan ko. Isang balita na maaring ngayon ay limot na. "The real son of Mr. George Laketon has been found after 9 years." Real son? Kalokohan. Sabi nila, anak ako ng isa sa pinakamayaman na negosyante dito sa Pilipinas, ni Mr. Laketon ngunit para sa akin, naging anak ako ngayon ng isang halimaw. Isang taong pinatay ang anak at asawa niya noon at ngayon ay para bang kumuha lang ng laruang tao sa paligid at pinalit bilang anak niya. Nakakatakot siya pero hindi ko pinapakita dahil pinakakinamumuhian ko siya mula noong napunta ako sa puder niya. Isang linggo palang 'nun, gustong-gusto ko ng bumalik sa ampunan ngunit hindi ko magagawa, binago na niya lahat ng sa akin maliban sa apelyido ko. "Hindi kami kasal ng asawa ko kaya kahit Young ang apelyido mo, ayos lang. Wala rin naman akong planong ipamana sayo ang mga ari-arian ko, kaya bakit ko isusunod ang apelyido mo sa apelyido ko?" Ang dahilan na sinabi niya noon. Lumayas ako sa bahay. Namuhay nang mag-isa pero patuloy pa rin niya ako pinagkakagastusan, siya pa rin ang nagbabayad sa pagkain, renta at kung anu-ano kahit na ayaw ko man. Pinasok niya ko sa Laketon Academy, at ngayon ko lang nararamdaman ang laro na ginagawa niya.

Page 262: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ngayon, kasali na talaga ako. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY MyBurning. Thank you poooo. :* Di ko alam kung last week ba yun o hindi ganun katagal pero napansin talaga kita sa news feed ko dahil sa kadalasan mong pagcomment. Hindi ko lang sure kung mula book 1 o ditey sa book 2, medyo ulyanin talaga ako eh haha. Basta, salamat po sa suporta! WAG PONG SPOILER GUYS. Please wag pong magpaka-spoiler. Alam nyo na yun. Thank you sa patuloy na pagbabasa / suporta! Voice out your opinion at God bless po~ "There is no such thing as justice, all the best that we can hope for is revenge." -Emilie Autumn --------------------------------------------x MIAKA'S POV NAKANGITI akong habang nasa harapan ko siya. Kaming dalawa lang ang nandirito. Maaga siyang pumunta sa bahay habang suot na ang kanyang uniporme, ang uniporme ng Laketon Academy. Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito ngunit masaya ako. Masaya ako dahil mukhang isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya. Ngunit ang nakapagtataka, hindi siya ang nagpadala ng card kay Mr. Laketon. Kung hindi siya, sino naman kaya? "Kamusta na si Aislinn?" tanong ko sa kanya pagkatapos ang ilang minutong katahimikan. "Ayos naman siya. Hindi ko lang talaga siya mapatahan noong nalaman niya ang pagkamatay ni Cyrus. Galit na galit siya. Gusto niyang-"

Page 263: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Gusto niyang patayin si Austin?"wika ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Tumango siya habang nakangiti bilang tugon. "Hindi ko rin alam ang manyayari kay Sapphire. Nag-aalala ako para sa kanya." Napakunot ang noo ko. Si Sapphire na naman. Siya na naman ang importante. Siya na naman ang tila ba isang mamahaling salamin na hindi dapat mabasag. Importante siya sa lahat. Mahal siya ng mga taong dapat ay sa akin kumampi. Si Sapphire na lang palagi. Nakakairita na. "At talagang sinabi mo pa yan sa harap ng taong muntikan na niyang mapatay. Sabihin mo nga sa akin, ano bang maganda sa Sapphire na yan at parang sobrang importante niya sa inyo?" napatayo ako dahil sa inis. Tinitigan ko lang siya gamit ang mga nanlilisik kong mga mata ngunit kalmado lang siyang nakatingin sa akin na para bang wala lang ang lahat ng ito sa kanya. Palagi naman. "Pasensiya ka na, Miaka, hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa pagsasalita." Pumaibaba ang tingin niya na para bang nag-iisip at muling nagsalita. "Anong maganda kay Sapphire? Siguro dahil hindi siya mapagpanggap. Siguro dahil kahit masama ang turing niya sa iba, nanatili pa ring siyang mabait sa loob niya. Hindi mo kasi siya naiintindihan Miaka." Napangiti pa siya sa pagkakasabi niya 'nun. "Hindi ko siya dapat intindihin. Pinahirapan niya kami ni Hanako. Niloko niya si Hanako! Pinilit niyang gawin ni Hanako na abandunahin ako! Pinaglayo niya kami! At muntik na niya akong patayin!" lumapit ako sa kanya. "Paano ko siya maiintindihan?" "Alam kong galit na galit ka sa kanya at hindi ko rin naman maitatanggi na siya ang mali sa lahat pero Miaka, alam mo ba kung bakit balak kong traydurin ang grupo?" napatingin lang ako sa mukha niya, may emosyon ang mukha niya ngunit hindi ko malaman kung lungkot ba o tuwa. "Gusto ko kasing maligtas ang mga natitira. Lalo na yung mga wala naman kinalaman. Base sa dapat nating gawin, base sa sinabi ni Mr. Laketon, dapat tayo lang ang matira. May pinoprotektahan ako Miaka at wala siyang kinalaman sa lahat ng ito. Importante sa akin ang mga kaklase natin. Masama man si Sapphire, importante pa din ang buhay niya." Napaatras ako sa mga sinabi niya at sa pag-atras ko ay tumayo siya't lumapit sa akin upang ipatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko at muling nagwika.

Page 264: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Miaka, importante ang bawat buhay. Nabuhay ka diba? Bakit hindi mo gamitin ang pangalawa mong buhay sa kabutihan?" - Naramdaman ko ang mainit na likido na pumatak mula sa mga mata ko. Naalala ko si Hanako. Naalala ko si Francis. Naalala ko lang mga importanteng tao sa buhay ko. Iniwan man nila ako ngunit hindi sila sumuko sa akin. Hanggang sa huli, pinipilit pa rin ako ni Hanako na maging mabuti. Hanggang sa huli, bumalik si Francis. Ano bang ginagawa ko ngayon? "Tama na. Umalis ka na. Malapit ng magsimula ang klase nyo." Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko. Tumango siya sa akin at nagpaalam. Naramdaman ko naman ang biglaang panginginig ng katawan ko, ang pagbigat ng ulo ko at ang unti-unting pagkahilo. Halos madapa ako sa pagtakbo papunta sa taas ng bahay, sa kwarto ko. Nanginginig kong kinuha ang gamot at ininom ang ilan nito. Napaupo ako sa sakit ng nadarama ko. Tama ang mga sinabi niya ngunit hindi ko na mapipigilan. Kaunti na lang ang natitira sa buhay ko, ramdam ko ... alam ko. Kaya hangga't alam kong may oras pa, hindi ko na sasayangin. Gumawa sila ng demonyo at ngayon, ipapakita ko sa kanila kung sino ang mas demonyo. "Miaka ... anong nanyayari sa'yo? Ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Hanako na nasa tabi ko. Mangiyak-ngiyak siya habang pilit akong inaabot. Bigla akong napangiti. "Ayos lang ako Hanako lalo na't nasa tabi na kita. Buti, nagbalik ka na." LUNA'S POV Nandito kaming lahat sa gymnasium, ang kalahati ng 3-C pala. Madaming late. Madaming hindi nakakita ng bangkay ng adviser namin na nakasabit sa ceiling fan katulad ng nanyari sa unang namatay, kay Hanako. Maraming

Page 265: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

hindi nakakita ng nakasabit sa kanyang katamtaman na laki na card board na nagsasabing siya raw ay ang nanay ni Hanako. Isa ako sa mga nagulat sa nakasulat na iyon ngunit wala rin naman akong ganoong pakialam. Ang pinoproblema ko ngayon ay ang natanggap kong maliit na notebook at ang lalaking nakakaalam ng sikreto ko. Masyadong malaki ang gymnasium para sa amin na kalahati lamang ng klase, nagkalat ang 3-C sa kinalalagyan namin. Ang iba ay nakaupo sa bleachers na sobrang nag-aalala sa mga nanyayari sa klase, ang iba namang lalaki ay para bang may sariling mundo at naglalaro ng basketball habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng pintuan ng gymnasium. Sa pagmamasid ko ay isang tao ang nakakuha ng atensyon ko. Isa siyang lalaki, nakasuot siya ng isang kulay gray na sumbrero na may nakalagay na 'STAFF' sa gitna nito, suot niya ang kulay gray na uniform ng janitor sa Laketon at may hawak siya sa kanan niyang kamay na isang timba at sa kaliwa naman niya ay isang mop. Ang kinakuha ng atensyon ko ay ang pagyuko niya. Bakit parang tinatago niya ang itsura niya? At bakit ... parang pamilyar siya? Hihintay ko siyang lumapit sa katabi kong pintuan palabas ng gymnasium ngunit biglang natamaan ng bola ang likuran niya. "Ano ba kuya?! Haharang-harang ka dyan eh!" sigaw ng iba kong ignoranteng kaklase. Napaupo ang lalaki at mukhang nasaktan siya. Ang iba sa mga kaklase namin ay lumapit sa kanya upang tulungan siya ngunit mabilis na tumayo ang lalaki at mas lalong yumuko. Hindi ko inaasahan na sa isa pang exit door siya dadaan. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Alam ko, alam na alam ko ... pamilyar siya. Napatigil naman ang lahat ng pumasok si Sir Buendia. Pinaupo niya ang lahat sa gitna. Hawak hawak niya ang bola na kinuha niya nang pilitan sa mga lalaki dahil sa ayaw ng mga itong sumunod. Nakita kong mamumugto ang mga mata niya. Mukhang umiyak siya? Hindi ko rin alam. Nagsalita siya tungkol sa pagkamatay ni teacher Maeganne at kung gaano siya kalungkot. Leche. Ang drama. Napalingon naman ako nang bumukas ang

Page 266: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

pintuan at bumungad sa akin ang mga kaklase namin na late. Sila Spade, Sapphire na namumugto ang mga mata at halatang kagigising lang, si Clyde na naghihikab pa at kung sinu-sino pa. Hinihiling ko na lang talaga na biglang kumidlat sa kinatatayuan ni Spade upang hindi ko na siya makita kahit kailan. "Tuna!" hindi ako lumingon at hinayaan ko na lang siyang tumabi sa akin. Maiirita lang ako kapag nag-abala pa kong pansinin siya. Sayang lang oras ko sa tangang to. Basta ang dapat kong isipin ngayon ay ang tungkol sa klase at sa sikreto ko lalo na pala doon sa janitor kanina. "Anong nanyari? Ba't nandito? Walang klase? Uwian na ba? O snacks muna tas uwian na?" sunod-sunod na tanong ng tangang katabi ko. "Utang na loob, wag kang tanga. Tumahimik ka dyan at makinig." Sabi ko habang deretso pa rin ang tingin kay Sir Buendia. "Okay, Tuna." Napakagaling talaga nitong tanga na 'to, kahit dalawang salita o isang salita lang niya, kayang-kaya na niyang magpainit ng ulo. At itong tanga na to, isa sa mga pupwedeng nasa likod ng lahat ng pagkamatay. Tama... hindi dapat iyon mawala sa isipan ko. Lalo na't may koneksyon siya sa may-ari ng school. Nakita ko iyon. Noong umaga na 'yun, naglalakad ako papasok nang nakita ko siyang lumabas sa isang itim na kotse, ang kotse na kilalang-kilala ng lahat ng nag-aaral sa Laketon, syempre ang kotse ng may-ari ng Laketon. Hindi ako tanga para iba ang isipin lalo na't iyon na rin naman ang nasa isip ko mula noong may makita akong family picture sa sikretong kwarto sa opisina ni Mr. Laketon. Possible ang lahat ng nasa isipan ko. Hindi ko rin naman naitindihan ang mga sinabi ni Sir Buendia basta uwian na raw at patuloy na inaayos ang classroom namin. Hindi lang naman kami ang nakakita, madaming estudyante na nakikiusyoso kanina, mga usisero't usisera. Habang palabas ako ay may tanga na namang nakasunod sa akin. Pilit niya akong kinukulit kung ano ang nanyari kanina at dahil sa inis, huminto ako at sinabi na rin naman sa kanya.

Page 267: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Nakita ang bangkay ng adviser natin sa classroom at nakalagay roon na siya ang nanay ni Hanako. Ayos na ba? Pwede mo ba akong tantanan?" ang inaasahan ko ay ngumiti siya at muli akong asarin ngunit nanahimik siya at para bang gulat na gulat. "Oh bakit?" tanong ko sa kanya. "A-Ah wala. May naalala lang ako. Sige, Luna, mauna ka na." Unang beses niya akong tinawag na Luna. Anong problema ni Spade? Walang imik ako naglakad paabante. Nang malapit na ko sa gate ay muli akong lumingon sa kanya. Nandoroon pa rin siya habang kausap si Raphael. Namataan kong may hawak si Raphael na litrato at pinapakita niya kay Spade. Mukhang seryoso ang usapan nila. Naglakad na ko palayo habang iniisip pa rin kung bakit ganun ang reaksyon ni Spade ngunit agad din naman akong napahinto nang may narinig akong malakas na usapan. Sigurado akong boses ni nurse Tin iyon. "Gusto mo ba talagang malaman Blake? Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ko nasabing talo si Mr. Laketon sa dating laro?" mukhang nakagawian ko ng makinig sa usapan ng iba. Agad akong nagtago sa likod ng pader habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni nusrse Tin. "Dahil hindi lahat ng dapat mamatay ay namatay. May natira. May isa pang buhay at nagbalik siya." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko ngunit bago pa ko makaalis ay may nagtakip ng mukha ko gamit ng isang sombrero, hawak din niya nang mahigpit ang katawan ko gamit ang pagsakbit ng braso niya mula sa magkabila kong balikat at naramdaman ko ang paghatak sa akin papunta sa isang kwarto, maaring kwarto malapit sa kinatatayuan ko. Nang naialis na sa mukha ko ang sombrero ay isang lalaki ang bumungad sa harapan ko. Napatakip ako ng bibig sa gulat. S-Siya. Tama ... siya. "Naalala mo pa ba ako?" suot pa rin niya ang kulay gray na uniform. Iyon pa rin ang itsura niya maliban lang sa napansin kong nakapalibot na sugat sa gitna ng leeg niya na para bang itinali siya o ano. Iyon pa rin ang singkit niyang mga mata. Siya yung lalaki ... 'yung lalaki na 'yon.

Page 268: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

May itinaas siyang litrato, isang punit na larawan ko. Nakatingin pa rin siya sa akin na para bang naninigurado kung kilala ko pa rin ba siya. "Ako yung lalaking sumunod sa'yo dati upang tanungin kung kilala mo si Denise. Naalala mo na ba ako?" Wala akong nagawa kung hindi tumango. Matutulungan kaya niya ako? Matutulungan nga kaya niya kami? "Andy Fajardo nga pala. Luna, diba?" Umatras siya nang kaunti at muling isinuot ang kanyang sumbrero. Ngumiti siya sa akin, isang napakatamis na ngiti. Ngiti na sa sobrang tamis ay hindi mo malalaman kung ano ba dapat ang pinapahiwatig. "At alam ko ang sikreto mo" Sa sinabi niyang iyon, mas lalo akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - CLASS 3-C HAS A SECRET BOOK 1 WILL BE PUBLISHED BY PSICOM SOON. Yep, ipa-publish po ang book 1. Sana po ay suportahan nyo pa rin. Salamat! ♥ And baka lang, hindi ko maasikaso itong book 2 sa mga susunod na araw. Ayun. DEDICATED KAY IBelieveInFrvr_. Hi thuuuur~ Thank you po ng marami sa suporta pati sa pagcomment! I really appreciate yung mga comments na ganun. Salamat ulit! *Huuugs* ♥ ABOUT DUN SA SINASABING SCENE NILA NI LUNA SA DULO. Nasa chapter 32 (Goodbye, Summer) po yun. Yung sinundan niya si Luna tas ayun.

Page 269: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Salamat sa patuloy na pagbabasa! Comment your opinion / reactions / suggestions at kung anu-ano. ♥ "There will be killing till the score is paid." -Homer, The Odyssey --------------------------------------------x SANDRIA'S POV NAGPAALAM ako kala Clyde at Abi sa pag-alis nila ng school. Nitong mga nakaraan na araw, mas napapadalas ang pakikipag-usap ko sa kanila at masasabi ko na hindi naman pala ganun kasama si Abi tulad ng pagkakaalam ko. Siguro ganun lang talaga siya, minsan masyadong maingay at mareklamo. Napalingon ako at nakita ko sa gilid si Raphael at Spade na seryosong nag-uusap. Namataan ko rin ang hawak hawak ni Raphael na litrato. Napatingin sa akin si Raphael at iyon ang naging dahilan ng paglapit ko sa kanila. Wala. Gusto ko lang malaman ang pinag-uusapan nila. "Hindi pa ba kayo uuwi?" Hindi ko maipaliwanag ang mukha nilang dalawa noong nagsalita ako. Parehong kakaiba ang reaksyon nila. Mukha silang nagulat at kinabahan sa kung ano man. "Ano yan?" tanong ko kay Raphael habang nakatingin sa hawak niyang litrato. Sa kinatatayuan ko, ang tangi ko lang nakikita doon ay tatlong bata. Lumapit pa ako ngunit humarang sa harapan ko si Spade. Kumunot ang noo ko sa mga pinaggagagawa nila. Ano ba talaga ang nasa picture na iyan?

Page 270: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Uuwi na ko Sandria. Sabay na tayo." Bago pa ako makatugon ay hinawakan na ko sa braso ni Spade at nagsimula na kaming maglakad palabas ng Laketon. Habang naglalakad kami, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Pilit kong tinatanong si Spade pero iniiwas naman niya doon ang topic. Ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na may alam akong tinatago ang iba sa akin. Gusto ko alam ko ang lahat. Dahil sa nainis na ko kaya hindi ko na ulit kinulit si Spade patungkol sa tinatago nila sa akin. "Bakit ka nga pala nakatira mag-isa? Nasaan ang parents mo?" tanong ko sa kanya nang naalala ko ang pagbanggit niya sa apartment na inuupahan niya malapit sa school. "Naglayas kasi ako," simple niyang sagot. Napakunot ang noo ko habang naglalakad kami. Naglayas siya? Eh paano ang gastusin niya? Paano ang baon sa araw-araw? Pati ang tuition? Gusto ko sanang tanungin kay Spade ang mga iyon ngunit nagmumukha na akong tsismosa. Tumingin na lang ako nang deretso sa dinaraanan namin. Mukhang malapit na kami sa sinasabi niyang apartment niya. Magpapatuloy sana kami sa paglalakad ngunit biglang siyang tumigil at nagsalita. "Sandria, may itatanong ako sayo," seryosong pagkakasabi niya. Napalingon lang ako sa kanya at hinihintay ang mga katagang manggagaling sa kanya. "Ano naman iyon?" tanong ko. "Paano kung iyong tatay mo may pinapagawa sayong bagay, gagawin mo ba? At sinundan pa iyon ng isa pang pabor galing sa isang tao na halos

Page 271: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

makalimutan mo na ngunit malaki ang parte sa buhay mo? Gagawin mo ba ang gusto nila? Kahit masama?" Ilang minuto akong napatigil dahil sa pag-iisip sa tanong niya. Tila ba hindi makuha ng utak ko ang pinupunto niya. Ano bang dapat kong sabihin? Mukhang kanina pa siya binabagabag ng kung ano mang iyon sa utak niya. "Ah sige Sandria, ayos lang kung di mo sasagutin. Dito na lang ako. Salamat!" pamamaalam niya bago nagmamadaling maglakad palayo. Ngunit bago siya makalayo ay isinigaw ko ang sagot ko sa katanungan niya kanina. "Basta, sundin mo lang ang tama. Unahin mo ang kung anong tama kaysa sa kung ano ang sinasabi ng puso mo. Mapanlinlang ang damdamin, Spade! Huwag kang magpapadala!" Nakita kong tumigil siya sa paglalakad at itinaas ang kanan niyang kamay. Nag-'thumbs up' siya bago siya muling maglakad. Napangiti ako sa di ko malaman na dahilan hanggang sa halos mapatalon ako sa gulat sa paglingon ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Raphael na nasa tabi ko na pala. Ngumiti lang siya sa akin sabay sabi, "Sabay na tayo." Tumango ako at naglakad kami. Katulad pa rin ng dati, hatak-hatak niya ang bisikleta niya habang naglalakad sa tabi ko. Pero ngayon, tahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero wala rin naman ako sa mood para magsalita at tsaka, ano bang sasabihin ko sa kanya? "Minsan lang din kitang makitang nakangiti. Siguro panglimang beses na iyong kaninang nadatnan kitang nakatayo," pambasag niya sa katahimikan naming dalawa. "Minsan lang din naman ako makahanap ng rason para ngumiti eh," tanging sagot ko.

Page 272: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumahimik siya muli at ganun din naman ako. Hanggang sa malapit na ako sa kanto sa amin ay tahimik pa rin si Raphael. Mukhang may iniisip rin siyang malalim. "Sige, hanggang dito na lang ako," nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at nagpaalam. Walang anu-ano ay dumiretso na ako sa eskinita papunta sa amin. Nasalubong ko ang tatay ko at nagmano ako. Mukhang may ide-deliver siyang mga orasan. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa maliit kong kwarto ngunit napatigil ako nang may napansin ako sa sala. Anong ginagawa niya rito? "Anak, kaibigan mo raw siya. Kanina pa siya nandito." Narinig kong sabi ng nanay ko pagkadaan niya sa kinatatayuan ako. Muli akong napalingon sa kanya. Bakit siya dumalaw sa bahay? Anong pakay niya? "Miaka," pagbanggit ko sa pangalan niya. Ngumiti siya sa akin saka tumayo habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya na nagtataka pa rin. Bakit kailangan pa niyang pumunta rito? "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. "Kailangan tayong mag-usap pero mas maganda kung hindi dito." Inilapag ko lang ang bag ko sa lamesa at dumireto na kami sa labas. Kung san kami pupunta ay hindi ko alam at kung ano man ang sasabihin niya ... mas lalong wala akong ideya. Habang naglalakad ay may naalala ako.

Page 273: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

6^2 (8) 5^2 Miaka. Miaka. Miaka. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito. Tungkol sa pangalan ng killers. Sa kanila nakatuon ang bawat numero. Hindi pa pumapalya ang kutob ko. Malakas talaga ang pakiramdam ko na pangalan nila ang nakapaloob sa bawat numero na iyon. Paano naman iyong '^2'? Ang ibig sabihin 'nun sa Math ay dalawang beses na imu-multiply. Ibig sabihin, dalawang tao? 6, 5 at 8. At bakit iisa lang ang 8? Kung tama nga ang iniisip ko, mukhang mas madali na makilala ko sila. Lumingon muli ako kay Miaka ngunit ang sunod na nakita ko ang kinagulat ko. Si Miaka'y nasa harapan ko at nakataas ang kanyang kanang kamay habang may hawak na ... kutsilyo. SPADE'S POV Binuksan ko ang pintuan at agad na dumiretso sa sofa. Bahagya akong humiga roon at ginulo ang buhok ko sa sobrang inis. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Alam kong tama ang sinabi ni Sandria pero tama ba na tanggihan ko si Mia? Tama ba na balewalain ko siya? Halos hindi ko na sila naalala noon at sobra akong nalulungkot dahil sa halos na pagkalimutan ko sa kanila ni Hana at sa dati kong buhay sa ampunan. Nagpapasalamat talaga ako at natanggap ko ang mensahe niya sa cellphone. Doon. Doon niya pinaalala ang lahat.

Page 274: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ang dati kong buhay. "Nandito ka na pala." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Ito ang unang beses na bumisita siya sa bahay. Kilala ko siya. Minsan ko lang siya masalubong sa Laketon ngunit sa tuwing nasasalubong ko siya, lubha akong nakakaramdam ng inis. Si Blake. Lagi ko siyang nakikita sa bahay namin dati. Hindi ko alam kung bakit. May ganito palang estudyante na sobrang lapit kay Mr. Laketon. Nakakapagtaka rin. Lalo na noong mga panahon na pakiramdam ko'y nakikipagkompitensya ako sa kanya. At sa kabutihang palad, sumuko ako at lumayo sa impyerno na iyon. Isang taon ang nakalipas at ngayon, nasa isang panibagong impyerno na naman ako. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Binibisita lang kita," nakangiti pa niyang sabi. Tulad ng lagi kong ginagawa kay Mr. Laketon, binuksan ko ang pintuan at inilahad ang kamay ko na akmang pinapakita sa kanya ang daan palabas. Ngunit hindi siya tuminag bagkus ay nagsalita siya. Mga katagang sobrang gumulat sa akin. Ilang minuto akong nakatayo roon habang pilit pa ring iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Ako ang tunay na anak ni Mr. Laketon." S-Sabi sa akin ng mga katulong, pinatay ni Mr. Laketon ang asawa't anak niya. Dapat ... patay na siya.

Page 275: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

LUNA'S POV Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung mapagkakatiwalaan ko siya ngunit nagtataka pa rin ako ngayon. Sa pagkakaalam ko, narinig kong nasabi ang pangalan niya noon sa balita ngunit bakit buhay pa siya? Paano siya nabuhay? "Upo ka. Pasensiya ka na, madumi at mabaho." Umupo naman ako at inilibot ang mga mata ko sa paligid. Isa itong maliit na bahay, walang kapintu-pintura ang dingding, hollow blocks lang at walang ibang gamit kung hindi isang lutuan, lalagyanan ng mga pinggan at baso, isang kama na nakalatag sa sahig at isang sofa na nasa harap ng isang maliit na t.v. "Pano ka nabuhay?" tuloy-tuloy kong tanong ng lumapit siya muli sa akin. "Hindi naman ako namatay eh," natatawa pa niyang sabi. "Natagpuan ako na halos nasa binggit na ng kamatayan. Naisugod ako sa Ospital ngunit ang lahat ng iyon ay nanatiling lihim lamang. Ako rin ang rason kung bakit pinuntahan ng mga saksi ang pinangyarihan ng krimen. Sumigaw ako nang sumigaw noon. Basta, maraming nangyari. Pinagtakpan na lang ang lahat." Inaabot niya sa akin ang isang basong tubig. Tumanggi ako ngunit bigla siyang ngumiti nang napakatamis at hindi ko alam kung bakit ko agad na tinanggap ang baso at uminom. "Pinapapunta ako ng parents ko na nasa ibang bansa na ngunit tumanggi ako. Hindi ko kaya na matapos lang nang ga'nun ang lahat. Hindi ako bumalik para maghiganti," ngumiti na naman siya sa akin at muling nagsalita. "Gusto ko lang itama ang lahat." Dahan dahan akong napatango sa narinig ko.

Page 276: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nang naglakad muli siya palapit sa isang lamesa ay napansin ko ang paika-ika niyang paglalakad. Bakit ngayon ko lang napansin ito? Marahil ay dahil sa palagi akong nakatingin sa kanyang mukha lalo na sa ngiti niya. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko kaya biglaan siyang nagsalita. "Napilay ito noong sinusubukan kong bumaba ng hagdaan doon sa bahay bakasyunan. Kung hindi dahil sa pagkahulog ko at patuloy na pagsigaw kahit nahihirapan ako nang sobra, nakita ako ng mga tao." Nakangiti niyang ulit na sabi. Tumango lang muli ako at iniwas ang tingin ko sa mukha niya. "Bakit ka nag-iwan ng maliit na kwaderno sa locker ko? Anong ibig sabihin ng mga nandoon? At paano mo nalaman ang sikreto ko?" tanong ko muli habang nakatingin sa malayo. "Relax lang. Isa-isa lang," at tumawa pa siya. Napatitig na ko nang masama sa kanya ng nagsalita siya muli. Wala naman kasing nakakatawa. "Mukhang mainipin ka Luna. Madami pa naman sana tayong pagkukwentuhan-" hindi niya naituloy ang walang kwentang sinasabi niya noong nagsalita na ako. "Ayokong sinasayang ang oras ko sa mga walang kwentang usapan." Isang matalim na irap ang binigay ko sa kanya pagkatapos kong magsalita. Naiinis na ako pero mas malala naman si tanga sa kanya kaya medyo ayos lang siguro. "Totoo nga ang nalaman ko, ganyan ka nga talaga. May naalala ako sa'yong tao. Ganyan din siya kasungit, ganyan din siya sumagot pero ... wala na siya."

Page 277: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napakunot ang noo ko sa naririnig ko sa kanya. Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko kani-kanina lang? Wala akong panahon para sa mga kadramahan na ganyan. Marami ng ganyan sa Laketon, nakakasawa lang. "Ahmm," para bang sa ilang sandali ay nawalan siya ng sasabihin. "Tungkol dun sa notebook, doon sa white rabbit. Ako ang white rabbit mo." Nakangiti niya ulit na sinabi. Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Medyo magulo. Paanong siya ang white rabbit? Hindi ba, ang sabi sa notebook, kung ano ang sinundan ni Alice ... siya yung white rabbit? Paano naging siya ang white rabbit? "Naiintindihan ko kung sa tingin mo ay si Denise ang white rabbit mo pero mukhang impossible diba? Paano mo malalaman ang sagot mula sa kanya kung patay na siya?" napayuko siya pagkasabi niya 'nun. Muli siyang tumingala na may ngiti na sa mga labi niya katulad ng kanina, "Handa akong tumulong sa'yo." Napairap ako sa narinig ko. "Sino bang nagsabi na hinihingi ko ang tulong mo?" Umupo siya sa tabi ko. Para bang may naramdaman akong kung ano kaya umusog ako pakanan. Nakakakilabot ang lalaking ito. May kung ano sa kanya na hindi ako komportable. Iba ang dating niya sa akin. Naiirita na ko sa mga nararamdaman ko. "Maaring hindi natin mapipigilan ang killers sa klase nyo pero mas magiging matagumpay kung hindi nyo o natin ituon ang atensyon sa mga pumapatay," tumingin siya sa akin bago muling magsalita. "Dapat unahin natin sa pundasyon. Kay Mr. Laketon."

Page 278: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tuloy tuloy niyang sinabi ang mga iyon na para bang pumapayag na ako sa tulong niya ngunit may punto siya kahit papano. Simulan sa pundasyon, kay Mr. Laketon ... sa Laketon Academy. "Hangga't nandyan si Mr. Laketon, may mga patayan pa rin. Siyempre, iyan ang gusto niya. Iyan talaga ang nasa plano niya. Mawawala lang ang lahat kung mawawala rin ang kapanyarihan ni Mr. Laketon." "Paano mo naman magagawa iyon, aber?" tanong ko sa kanya. "Simple lang, patayin natin si Mr. Laketon," at muli, matamis pa rin ang ngiti niya noong sinabi niya ang mga katagang iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nababaliw na ba ang lalaking ito? Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa pumatay ... na naman. Tumayo ako at sinakbit ang bag ko sa likuran ko, "Masaya ako at buhay ka pa pero walang kwenta yang plano mo. Sa iba mo na lang sabihin yan. Hindi ko kaya." Paalis na sana ako nang napigilan ng mga salita niya ang mga paa ko sa paghakbang. "Hindi mo kaya? Kaya mo, Luna. Nagawa mo na diba?" Naramdaman ko ang presensiya ni Andy sa likuran ko lalo na ang kanyang mainit na hininga sa leeg ko. Mukhang napakalapit niya sa akin. Isang dahilan din kung bakit hindi ako makagalaw. Para pa akong napako sa kinatatayuan ko. "Nagtataka nga ako kung bakit nakatira ka pa rin at tanggap ka pa rin ng stepdad mo. Paano niya matatanggap ang isang katulad mo Luna?" Pabilis na pabilis ang tibok ng puso ko habang patuloy pa rin siyang nagsasalita. "Paano niya matatanggap ang taong pumatay sa sarili niyang kapatid?" Para bang may kung anong pumiga sa dibdib ko sa sakit. Tama. Pinatay ko ang kapatid ng stepdad ko. Buti nga, hindi ko pinatay ang stepdad ko sa

Page 279: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

galit. Manloloko sila. Ang kapatid niya ... ang kapatid niya ang gumahasa sa nanay ko. Niloloko lang nila kami. Pinaglalaruan lang nila kami. "Ah tsaka nga pala, paano mo mairerespeto ang stepdad mo kung malalaman mo na siya kasama ni Mr. Laketon sa paggawa ng rules of the jungle at pagsasagawa nito sa Laketon? Paano mo matatanggap ang lahat ng ito ... Luna?" Ano ba talagang pakay ng Andy na 'to? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY JUYSLKIM. Hi! Habang binabasa ko yung comments sa last update (naghahanap kasi ng pwedeng made-dedicatan), I saw your username at agad kong naalala yung account mo sa twitter. Yieee. Hi dear! Love na love ko ang mga tweets & comments mo. Salamat sa patuloy na pagsuporta at labyuuuu. ♥ NOVEMBER NA ANG NEXT UPDATE. Sorry pero hindi ko talaga magpatutuunan ng pansin ang book 2 sa mga susunod na araw kaya mas maganda kung sa November na ang UD. Enjoy nyo na lang sembreak nyo. :) SI ANDY PO ANG NASA GIF SA GILID. ♥ Thank you talaga sa pagbabasa! At sana suportahan nyo ang C3-CHAS book 1 pag napublish na. Thank youuuuu! ♥ VOICE OUT YOUR OPINION, GUYS. AGAIN, DI PO AKO TUMATANGGAP NG REQUEST PARA SA DEDICATION. =) "This isn't a crush, it's obsession. You are never not in my thoughts. Your scent carries across a room and paralyzes me with longing. I don't want to hold your hand. Part of me wants to set you on fire and hold you while the flame consumes us both, to eat your heart so I know that only I possess it entirely." ― Gwen Hayes, Falling Under --------------------------------------------x SANDRIA'S POV NAGISING ako sa paulit-ulit na tunog ng mga orasan. Tik tak. Tik tak. Paulit-ulit. Sabay sabay. Napakadami. Minulat ko ang mga mata ko saka ko

Page 280: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

napagtanto na nasa isa akong kwarto. Isang kwarto na halos mapuno ng orasan ang dingding. Nasaan ako? Tumayo ako ngunit biglaan akong natumba. Hindi ko namalayan na may tali pala ang mga paa't kamay ko. Muli akong napaisip sa mga nangyari. Ang tanging naalala ko lang ay ang pagtaas ni Miaka ng kutsilyo saka-saka ... may humatak sa akin sabay tapal ng isang panyo sa bibig ko. Pamilyar na panyo. Nahawakan ko pa nga ang kamay ng gumawa sa akin 'nun. Panigurado na isang lalaki. May matigas na pangangatawan at noong nahawakan ko siya, para bang nakilala ko na kung sino iyon. Parehas na pangyayari, parehas na kamay ... noong gabi iyon. "Bitawan mo ko!" Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa malapit na room dito sa kinatatayuan ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng bag ko habang papalapit sa room na iyon. Sino naman kaya ang tao sa school sa oras na ito? "Ano ba Hanako?! Pakinggan mo naman ako!" Boses ng isang lalaki. Pamilyar. Oo, tama-siya nga. Mas binilisan ko ang paglapit at ng nakarating na ko sa harapan nito ay agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin siya at si Hanako na magkaharap. Nakahawak siya sa leeg ni Hanako habang si Hanako ay pilit na kumakawala sa pagkakasakal sa kanya nito. Napabitaw siya sa pagkakasakal kay Hanako ng nakita niya ako sa may pintuan. Saka naman tumakbo si Hanako palabas. Ilang sandali ay halos tumakbo na siya palabas ngunit bigla kong hinawakan ang kamay niya .

Page 281: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi ko alam na ganyan ka po pala at lalong hindi ko alam ang koneksyon nyong dalawa ni Hanako at nadatnan ko kayo sa ganung sitwasyon," wika ko sa kanya. "Wala kang pakialam," ang huli niyang sinabi bago kalasin sa pagkakahawak ko ng kamay niya at umalis upang sundan si Hanako. Kaya pala. Noong gabing iyon, doon ko napagtanto na may iba pa pala silang relasyon bukod sa nakikita namin. May dahilan pala ang kakaiba niyang pagtingin sa kanya at lalong may dahilan ang ang dati ko pang pinagtataka na tawag niya. Napatingin ako nang nagbukas ang pintuan. Agad naman na bumungad sa akin si Miaka na may hawak na itim na pusa at sumunod naman sa pagpasok niya ang lalaking kasama niya noong dinukot niya ako. Ang lalaking 'yun. May hawak siya na pulang sinulid at isang maliit na manikang itim na halatang ginawa mula sa mga pinagtagpi-tagping mga tela. Sa pagkakaalam ko, mahilig gumawa ng ganyan si Miaka mula pa noong pagkabata niya. Mula noong ramdam niya na wala siyang mga kaibigan. At ang sabi pa niya, noong bata siya, ang mga manikang iyon ang nagsilbing kaibigan at kasama niya sa araw-araw. "Ang ayaw ko sa lahat ay yung inaagaw ang kaibigan ko sa akin," ang wika ni Miaka habang bahagyang umuupo at pinapakawalan ang pusa at hayaan itong maglakad sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. Inalis niya ang tela na nakasupalpal sa bibig ko at muling tumingin sa akin gamit ang mga tila ba'y blanko at walang ekspresyon niyang mga mata. Mukhang galit si Miaka ngayon. "Inaagaw mo sa akin si Francis," muli siyang sumimangot. "Francis? Sino si Francis?" tanong ko naman sa kanya habang pilit pa rin na kumakawala sa pagkakatali sa akin. "Hindi mo na dapat pang malaman. Basta, inaagaw mo siya sa akin. Akala mo, di ko malalaman?" lumapit siya sa sulok ng kwarto at muling

Page 282: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nagsalita, "Siya na lang ang nag-iisa kong kaibigan. Hindi ko na kakayanin na mawala rin siya. Kung aagawin mo lang siya, mas mabuti ng mauna ka na." Wala akong inaagaw. Anong ibig sabihin ni Miaka? Nakita kong nilapitan siya ng lalaking kasama niya at binigay ang manika. Hindi pa rin tumitigil ang tik tak ng mga orasan at sa tuwing tumatahimik at walang nagsasalita ay ang mga orasan ang bukod tanging naririnig ko. Sa bawat tunog na ginagawa ng mga iyon ay dagdag sa pagtataka at kaba na nararamdaman ko. Patuloy ko pa rin na pinagpipilitan na alisin ang nakatali sa mga kamay ko. "Ikaw, hindi ko alam na kasama ka pala rito?" pagtuon ko naman ng atensyon sa lalaki. Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Hindi mo naman dapat alam ang lahat, Sandria at lalong hindi sa lahat ng oras ay tama ang nasa isip mo. Minsan, magpakabobo at tanga ka rin naman," nakangisi pa niyang sabi. Sa suot niyang maluwag na kamiseta ay may kung ano akong naaninag na tattoo sa kanang balikat niya. Isang agila na nakadapo sa isang bungo. Nakakagulat na mayroon pala siyang tattoo. Muli kong naalala ang tungkol sa number, 6^2(8)5^2. Nagda-dalawang-isip pa rin ako sa naiisip ko dahil sa maraming maaring ibig sabihin ang bawat numero pero kung sa madaling paraan ang iisipin ko, talagang dito ako sa ideya na ito pupunta. Kilala ko na ang dalawa. Tumutugon ang bawat pangalan nila sa numero. Ano naman kaya ang iba? Nanlaki ang mga mata ko ng naramdaman kong lumuluwag ang tali ko sa kamay. Mas pinursige ko pa ang pagkatikot dito nang palihim habang nag-uusap silang dalawa. Namataan kong sinasabit ni Miaka ang pulang sinulid sa mismong leeg ng hawak niyang manika. Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka. Narinig ko rin na napag-usapan nila kanina na sila lang dalawa ang nakakaalam at may plano nito sa akin. Biglaan. At mukhang ang lalaking iyon ang nag-udyak na gawin ni Miaka ang mga ito.

Page 283: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Alam ko na ... natatakot siya na sabihin ko ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya. Lumabas ang lalaki at nagpaalam na uuwi. Napatingin ako kay Miaka na nakatayo na at naglalakad papalapit sa akin. Papalapit na siya nang papalapit habang ako naman ay umaatras habang nakaupo pa rin-habang pilit pa rin tinatanggal ang pagkakatali sa mga kamay ko. Papalapit pa rin siya nang papalapit at sa paglapit niya ay mas lalong lumalakas ang tik tak na naririnig ko mula sa mga orasan. At sakto sa paglapit pa niya ay ramdam ko ang pagkalas na ng tali sa mga kamay ko. Ang sunod kong ginawa ay ang patidin si Miaka hanggang sa mapaupo siya sa sahig. Mabilisan kong inalis ang pagkakatali sa mga paa ko habang tinitignan ko si Miaka na hindi makatayo. Tumayo ako at tinignan lang siya ng ilang sandali. Kaibigan niya ako pero hindi ko alam na kaya pala niya ito. Oo, alam kong dati pa siyang buhay. Oo, alam ko ang una niyang plano at hindi ko akalain na tinupad nga niya talaga ito pero sa nangyayari ngayon, pinagsisisihan ko na pinagtakpan ko na patay na siya. Pinagsisisihan ko na naging totoo ako sa kanya. "Tama nga si Hanako, Miaka. Wala kang kwentang kaibigan. Sakim ka," ang sabi ko bago tumakbo papunta sa pintuan ngunit sa paghawak ko sa doorknob ay agad ko naramdaman ang paghablot ni Miaka sa kamay ko. "Anong sabi mo? Anong sabi ni Hanako?!" Galit na galit siya. Iniwas ko ang kamay niya at tinulak ulit siya. Mabuti na lang at wala siyang ibang dalang panlaban at nakakagalaw na ako nang maayos. Agad kong binuksan ang pintuan. Nakita ko ang sarili ko sa pasilyo ng isang bahay, isang simpleng bahay. Hahakbang na sana ako nang biglaang nawalan ng kuryente. Nagdilim ang paligid.

Page 284: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napamura ako sa isipan ko. Ano ba tong nangyayari? Kung kailan ako makakatakas saka naman-- Nakarinig muli ako ng tik tak ng orasan. Sa ngayon ay malakas. Palakas nang palakas. At sa tingin ko palapit rin ito nang palapit sa kinatatayuan ko. Kasabay ng tunog nito ay nakarinig rin ako ng paghakbang. "M-Miaka ... ikaw ba yan?" bulong ko habang naglalakad palayo. "Shhhh. Wag kang matakot. Lalapit lang ako sa'yo. Tatabihan ko lang kayo ni Hanako," narinig ko ang boses ni Miaka. Tatabihan? Kami ni Hanako? Anong sinasabi niya? "Wag kang maingay ... baka biglang lumayo si Hanako. Ayaw niya ngayon ng maingay," bulong muli niya. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa mga sinasabi niya. Mas binilisan ko ang paglalakad habang hinahawakan ang mga bagay sa paligid ko upang maiwasan ang pagkadapa. Hanggang sa may nasagi akong bagay na naging dulot ng isang napakalakas na ingay. Mukhang isang vase. Nabasag. "Sabi ng wag maingay eh!" Nagulat ako sa biglaan niyang sigaw. Sakto naman na paghawak ko ng isang doorknob. Bigla ko itong binuksan at sa pagpasok ko ay kadiliman pa rin ang sumalubong sa akin. Isang kwarto na naman. Akala ko ... sa labas na. Agad kong ni-lock ang pintuan. Kinapa ko ang bulsa ko kung nasaan ang cellphone ko. Mabuti na lamang at hindi ito kinuha sa akin. Agad kong hinanap sa contacts ko ang number ni Luna at hindi na akong nagdalawang-isip na tawagan siya. Lumayo ako sa may pintuan at pumwesto sa pinakasulok. Mangiyak-ngiyak ako habang hinihintay na sagutin ni Luna ang phone niya. Luna ... sagutin mo, please.

Page 285: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sino to?" bungad sa akin ni Luna sa kabilang linya. "Sandria. Luna, kailangan ko ng tulong mo," pabulong kong sabi. "Oh eh ano naman?" tanong pa niya. "Nasa kamay ako ng killers. Hindi ko alam kung paano makaalis. Hindi ko alam kung nasaan ako-" "May bintana ba diyan sa kinalalagyan mo?" Agad na nilibot ng mga mata ko ang paligid. Wala akong naaninag na liwanag-teka-lumapit ako sa isang gilid kung saan may katiting na liwanag mula sa labas ang nasisilip ko. Bahagya ko itong binuksan at para bang sumilip lang ako sa labas. "Ilang bahay pero kaunti lang. May maliit na tindahan at-" "Walang kwenta yang mga sinasabi mo. Wala ka bang masasabi na magkakaron man lang ako ng ideya kung nasan ka?" tuloy-tuloy niyang sabi. Agad naman akong naghanap ng kung ano sa labas. Agad ko namang binanggit na may isang laundry shop akong nakita at binanggit ko rin ang pangalan nito at tsaka binanggit ko rin ang malaking karatula na nakikita ko. "Ito ang gawin mo, subukan mong-" Biglang naputol ang tawag. Napamura ulit ako sa isipan ko. Bakit ba sa lahat ng oras ay ngayon pa ko mauubusan ng load? Sinarado ko ang bintana na napapalibutan ng grills sa labas. Kung kaya ko lang lumabas mula sa kwartong ito. Muli kong narinig ang boses ni Miaka sa labas. Kumakatok siya. Banggit siya nang banggit ng kung anu-ano kasama na ang pagtawag kay Hanako. Pumunta muli ako sa sulok at pilit na nag-isip ng paraan. Wala akong panlaban. Kung makakapasok man si Miaka, wala akong magagawa. Walang kuryente, wala akong makita masyado. Tinapat ko ang phone ko sa paligid.

Page 286: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanlumo ako sa nakita ko. Mistulang natigil ang mundo ko ng naitapat ko ang ilaw ng phone ko sa bagay na nasa sulok. I-Isang duguang bangkay. Napatakip ako ng bibig at muling binaba ang phone ko. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan. "Sandria ... Hanako, naglalaro pa rin ba tayo ng taguan?" Nababaliw na siya. Baliw na si Miaka. "Sandria ... Hanako, papakalawan ko naman kayo basta mataya nyo ako eh," sabi pa niya. Dahan dahan akong umuusog pagilid-papalapit sa pintuan. Pilit ko pa rin na tinatakpan ang bibig ko. Pilit pa rin akong hindi gumagawa ng ingay. Tatakas ako. Tatakas talaga ako. Sasabihin ko ang lahat ng ito sa buong klase at mananagot sila. Lalo na siya. Malapit na sana ako sa pintuan nang biglang nagring ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang tinignan ko ito. Malalaman na ni Miaka kung nasaan ako. Ngunit ilang segundo ang nakaraan at wala akong narinig na salita mula kay Miaka. Tinaas ko ang phone ko at nilibot muli ito sa paligid hanggang sa matapat ito sa harapan ko- "Nandiyan lang pala kayong dalawa," wika ni Miaka habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa tabi ko, "Hanako, bakit siya lagi mong sinusundan? Bakit ako ... hindi? Dapat ko na rin ba siyang patayin? Inaagaw ka na rin ba niya sa akin?" Umiling-iling ako habang nangingiyak pa rin. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang nakatingin sa hawa niyang malaking kutsilyo.

Page 287: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ilang beses kong pinindot ang phone ko at pilit kong tinaype ang mga salita na maaring makatulong. Itinaas muli ni Miaka ang hawak niyang malaking kutsilyo habang may malapad na pagngisi sa mga labi niya. Napabitaw ako sa phone ko. LUNA'S POV Pagkatapos maputol ang tawag ni Sandria ay agad kong tinawagan ang isa sa mga katulong namin at tinanong ko ang patungkol sa sinabi niyang laundry shop. Ang sabi ni manang ay tatlo ang branch ng ganung laundry shop na malapit sa kinalalagyan namin. Ang sunod kong tinanong ay kung anong branch nito ang malapit sa mga bahay. At dumiretso naman kami palabas nitong si Andy na kasama ko pa rin dahil sa wala pa akong ganang umuwi. "Pakibilisan, pwede ba?!" pasigaw kong sabi sa kanya. "Kumapit ka kaya!" Nanlaki ang mga mata ko ng biglaang niyang hatakin ang isa kong kamay gamit ang kaliwa niyang kamay upang mas kumapit ako sa beywang niya. Ito ang unang beses na ginawa ko ito sa isang lalaki. At tulad ng sinabi ko'y binilisan nga niya ang pagpapatakbo sa motor niya. Nakarating kami sa harapan ng laundry shop na binanggit ni Sandria sa tawag. Agad na nilibot ng mga mata ko ang paligid. May isa pang sinabi si Sandria. Isang karatula. Muli kong tinignan ang paligid at ilang hakbang lang ay namataan ko ang karatula na sinasabi niya, eksaktong-eksakto. Ang sabi niya sa tawag ay nakapuwesto mula sa kinatatayuan niya ang karatula na papuntang kanan. Pumwesto naman ako na pakanan sa karatula at agad kong napansin ang nag-iisang bahay na malapit sa pwesto ko. "Tara doon," hindi ko na hinintay ang tugon ni Andy at nagsimula na akong maglakad. Pagkalapit ko sa bahay ay pansin ko na walang ilaw sa loob nito hindi katulad ng ilang bahay na bukas ang ilaw sa mga terrace nila. Nilibot ko muli ang paligid ng bahay at napukaw ng isang medyo nakabukas na bintana ang pansin ko. Pumwesto ako sa tabi nito at tinignan kung mula ba sa

Page 288: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kinatatayuan at pwesto ng bintana ay makikita ang laundry shop at ang karatula na sa kanan ang pwesto. Tama-ito nga. "Pasok na tayo," wika ni Andy. Tumango lang ako sa kanya. Pinuwersa niya ang pintuan sa kadahilanan na naka-lock ito. Nasira ang pintuan at iika-ika pa rin naglakad si Andy papunta sa loob na sinusundan ko lamang. Madilim sa loob. At sa paglapit pa namin papunta sa loob ay mas lalo kong naririnig ang ilang tik tak ng orasan. Mukhang madaming orasan sa bahay na ito? Inilibas ni Andy ang phone niya at ginawa itong ilaw. Inilawan niya ang mga picture frames sa isang lamesa at nakakita ako ng ilang litrato ng isang masayang pamilya. Hindi sila pamilyar. "Mukhang sa ibang tao ang bahay na ito. Parang abandunado," sabi ni Andy habang iniilawan ang buong sala. Nakatakip ang mga puting tela sa mga muwebles ng bahay ngunit ang iilang maliliit na muwebles ay walang takip. Napatingin ako sa baba ng may natapakan akong kung ano na gumawa ng tunog. Inilabas ko rin ang phone ko sa bulsa ko at inilawan ang basag na makulay na vase sa may paanan ko. "Sure ka bang, dito na iyon? Nasan yung Sandria na sinasabi mo?" 'Baka patay na,' iyon sana ang gusto kong sabihin ngunit parang nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Ewan. Dapat wala akong pake. Dapat wala ako rito at hinahanap ang isang kaklase ko na hindi ko naman tinuturing na kaibigan. Dapat hindi ko hiningi ang tulong ng Andy na 'to at lalong dapat ay hindi ako nag-aalala nang ganito. Anong nangyayari sa akin? "Oo. Malakas ang pakiramdam ko," tugon ko sa tanong niya.

Page 289: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Naglakad pa kami paabante hanggang sa napatigil ako sa isang kuwarto. Bahagya itong nakabukas. Nagkatinginan kami ni Andy, mukhang iisa lang ang pumasok sa isipan namin. Kaya walang anu-ano'y pumasok kami sa loob. Pagkapasok namin ay agad na nakuha ng isang umiilaw na bagay ang atensyon ko. Lumapit ako rito at nanlaki ang mga mata ko ng napansin ko na puro dugo pala ang kinatatayuan ko. Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko. H-Hindi kaya? "Ito ba ang cellphone niya?" sambit ni Andy at biglaan niyang pinulot ang cellphone na nasa paanan ko lamang. May tumulo pang ilang dugo mula sa dulo nito. Tinignan ko lang si Andy ng buksan niya ito at halatang-halata ko ang paglaki ng mga mata niya. "Ano yan?" pagtataka ko at agad kong hinablot ang phone mula sa kanya. Tulad ng reaksyon niya ay ganun din ang akin. Sa cellphone ay may nakatype na isang pangalan. S-Siya? Muli kaming nagkatinginan ni Andy. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY Jurisan. Hi Julie! Tumatak talaga sakin yung pag-uusap natin sa fb. Gusto ko lang na magpasalamat ulit sa'yo. Pasensiya na, pauli-ulit talaga akong nagpapasalamat hahahaha. *huuuugs* SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. Walang sawang pasasalamat ang tangi kong masasabi sa inyo. Alam ko na ang iba ay hindi ko mabigyan ng dedication pero tinatry ko naman ang best ko. Salamat po talaga. ♥ Comment your opinion guys~

Page 290: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"The real evil is the power to kill people. Someone who finds himself with that power is cursed. No matter how you use it, anything obtained by killing people can never bring true happiness." ― Tsugumi Ohba, Death Note, Vol. 3: Hard Run --------------------------------------------x MURDERER'S POV "MAMAMATAY si Miaka?!" pasigaw na sambit ni Aislinn habang hawak-hawak ang isang baso na puno pa ng juice na kabibigay ko lang sa kanya. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "May iininom siyang gamot. Ang sabi sa kanya, pampatanggal ito ng sakit sa tuwing nakakaramdam siya," napatingin ako sa pader upang maiwasan tignan ang nanlalaki at naluluhang mata ni Aislinn. Hindi ko naman alam na maiiyak siya sa ganitong usapan lamang. "Pero sa totoo lang, drugs yun. Wala akong ideya kung anong drugs o kung ano nagagawa nito basta ang alam ko, hindi mabuti sa katawan ni Miaka," napatingin muli ako sa kanya, "Hindi ko alam kung alam niya pero kung alam niya, bakit pa niya iniinom diba?" Napayuko si Aislinn, "Baka gusto na rin niyang mamatay kaya iniinom pa rin niya?" Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tama ang sinabi niya ngunit nakita ko ang sarili ko na tumango bilang pang-sang-ayon sa kanya. Tumayo ako at pumwesto sa gilid ng pintuan. "Kailan ba natin isasagawa na plano?" bigla niyang tanong. Muli akong napatingin kay Aislinn, ngumiti ako at kalmadong sumagot, "Titignan ko pa. Medyo magulo." Ngumiti siya sa akin bilang pagtugon saka naman ako lumabas ng bodega bago i-lock 'yun. Habang naglalakad-lakad ay muli kong naalala ang alok niya noon. Ang pakikipagtulungan. Laban kay Miaka, Austin at sa lalaking 'yun. Hindi ko tinanggap kahit na alam kong matutulungan nga niya talaga ako.

Page 291: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ko kayang magtiwala sa kanya. Hindi ko kayang sumugal. Dumiretso ako sa kwarto upang magpahinga. Naging gawain ko na ito araw-araw. Ang dumiretso sa bodega bago gawin ang lahat ng gawain ko. Umupo ako sa kama at bigla akong napabuntong-hininga. Magtatagumpay ako, alam ko. Matitigil na siguro ang lahat ng ito. Kailangan ko lang maghintay ng tamang pagkakataon para sa lahat. Siya lang at si Miaka ang nakakaalam ng mga plano ko ... ng tinatago kong ahenda. At kung may plano man siya na salungatin ang lahat ng ito dahil sa tinanggihan ko siya ay dapat ko na siyang unahan. Ayokong matalo. Alam kong gagawa siya ng paraan. Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Napangiti ako sa nakita kong mensahe. Psh galit na naman siya. Ano pa nga ba ang bago? Ngunit ang sunod na pagvibrate ang kinagulat ko sa lahat. Isang mensahe galing sa kanya. "Dumiretso ka sa palaging tagpuan, patay na si S-Sandria," pagbasa ko sa mensahe. Nanlaki na mga mata ko. Bakit sila pumapatay nang basta? Bakit iniiba nila ang plano?! Nakatakda na ang mga matitira at alam kong isa si Sandria sa mga iyon. Ano na namang plano niya ngayon? Kailangan ko na sigurong kumilos. Baka hanggang sa huli, gamitin niya si Miaka. Kailangan ko ng tapusin ito-ngunit paano? SPADE'S POV "Pinatay niya si Mommy," biglang sabi nung Blake na 'to habang ako naman ay gulat pa rin sa narinig ko mula sa kanya, "Muntik na rin niya akong patayin nun pero bigla siyang tumigil. Kung bakit niya ginawa ang pagpatay niya sa nanay ko ... hindi ko alam."

Page 292: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumingin siya sa nang deretso sa mga mata ko, "Ang alam ng ilan na kasama sa bahay-patay na ako. Yung sa media naman ay nawawala ako. Tinago niya ako. Pinaalaga sa isa sa mga tauhan niya na halos paulanan niya ng pera. May sinabi rin siya noon sa akin," napatigil siya at umupo, "Ako raw ang alas niya. Ako raw ang magmamana ng lahat ng ito at lalong-lalong, ako raw ang magtatapos ng sinimulan niya." Hanggang sa oras na 'yon ay wala pa rin akong masabi. Ano ba ang sinasabi niya? "Isa lang ang naisip ko sa sinabi niya," napayuko siya bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Sa tingin ko, isa lang ang ibig sabihin niya. Na ako ang tatapos sa kanya." Napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Papatayin mo ang sarili mong ama?" medyo pasigaw kong tanong nang naintindihan ko na ang sinasabi niya. Leche, ngayon lang ako naging slow. "Bakit hindi? Pinatay niya ang nanay ko. Mula noong nagsimula ang Laketon, ginawa na niya iyong isang libangan. Ang class 3-C ang laruan niya, ang laruan nila. Sa tingin mo, bakit naging malaking eskwelahan ang Laketon? Bakit madaming mga negosyante ang tumutulong dito noong sa simula palang? Sa tingin mo, normal lang ang lahat ng 'yon? Spade, para sa mga sobrang mayayaman-para sa mga halos maligo na sa salapi ... buhay ng tao ang laro para sa kanila. Lalo na ang buhay ng mga walang kwentang mga kabataan." Napahawak ako sa baba ko habang pilit pa ring iniintindi ang mga sinasabi niya. Ibig sabihin- "Matagal ng walang kwenta ang Laketon, Spade. Matagal ng patapon ang eskwelahan na iyon. Bagong laro na ang nilalaro ng mga estudyante. Ang mga lobo ay nasa paligid na ng mga kuneho. Nasa loob na ito ng malaking bilog at hindi na nasusunod ang nasa pulang libro." "Teka, ano ba ang gusto mo talagang sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Patayin mo si Mr. Laketon."

Page 293: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ako? "Sira-ulo ka ba?! Wag mo nga kong idamay dyan!" pagkatapos kong pasigaw na tumugon sa kanya ay may bigla akong naisip-Tama, posible, "Isa ka rin naman sa kanila diba? Isa ka rin kila Miaka! At itong mga sinasabi mo, itong sinasabi mo na patayin natin yang Mr. Laketon na yan, isa lang yang patibong!" mabilis akong nakalapit kay Blake at marahas ko siyang hinawakan sa kuwelyo ng suot niya. "Huwag mo kong ginagago! Anak ka ng gago na yon kaya may lahi ka din ng kagaguhan!" galit na galit kong sigaw. "Isa ako sa kanila? Paano mo nasabi? May maipapakita ka ba sa aking ebidensiya?" Napabitaw ako. "Pero tama ka, malay mo-isa ako sa kanila. Malay naman natin diba? Malay ko rin naman kung isa ka sa kanila. Magaling pumili si Mr. Laketon at kung ikaw ang napili sa lahat ng bata sa ampunan baka may espesyal kang katangian?" Inayos niya ang kuwelyo niya at ngumiti sa akin bago muling nagwika, "Bukod sa ugnayan mo kay Mr. Laketon, bukod sa tinatago mo na isa kang ampon ng president ng eskwelahan ... ano pa kaya ang tinatago mo Spade?" Kinuha niya ang bag niya na nasa sahig kalapit ng sofa. Lumakad siya paabante ngunit bago pa siya makalabas ay may sinabi na naman siya. "Ano nga ulit ang nangyari sa totoo mong pamilya? Mukhang kailangan ko ring malaman yon diba? See you around, Mr. Young. Isipin mo ang tungkol sa inaalok ko." Isang malakas na mura ang naisigaw ko pagkalabas niya. Dederetso na sana ako sa kwarto nang biglaang nagring ang phone na nasa bulsa ko lamang. Agad kong sinagot ang isang tawag galing sa isang hindi nakaregister na numero sa phone ko.

Page 294: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hingal na hingal na boses ni Miaka ang bumungad sa akin. "Ano ang sagot mo, Francis?" --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY OkayFineWhatever. Hi po! Naging sobrang pamilyar na sakin nyang DP mo eh hahahaha. Antawa ko din dun sa previous comment mo about kala Andy, Spade at Luna. XD LUNDY NA LANG KASI! HAHA. Ayun, salamat po sa patuloy na suporta at talagang hinabol mo pa tong book 2 (kunwari tatakbo yung book 2, kems). Salamat! *huuuugs* KILL THE PILLAR. Yes, si Mr. Laketon ang Pillar. Hindi po caterpillar ah? haha. =) So, madami ng may gustong pumatay kay Mr. Laketon bukod sa inyong mga readers. Luuuh. Short update lang itey kasi hindi ko talaga keri, ang gulo ng utak ko. C3-CHAS BOOK UPDATES. Para po maiwasan na ang paulit-ulit na pagtatanong. Makakakuha po kayo ng updates tungkol sa pagiisalibro ng c3-chas sa page at group ng c3-chas na ang link ay nasa profile ko rito sa wattpad. Ayun po lamang. Thank you sa patuloy na pagbabasa! Voice out your opinions! ♥ "Sometimes people don't understand the promises they're making when they make them." ― John Green, The Fault in Our Stars --------------------------------------------x LUNA'S POV Kanina ko pa siya tinititigan habang nasa harapan siya. Naniningkit ang mga mata ko sa inis. Ang pangalan niya ang huli kong nakita sa dalang phone ni Sandria. Isa lang ang pumasok sa isipan ko kung bakit naroon ang pangalan niya. Maari at posibleng isa siya sa kanila? Ngunit paano kung hindi? Paano kung baliktad? Paano kung-ang killer ang naglagay 'nun sa phone at hindi si Sandria?

Page 295: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kung makakausap ko lang sana si Sandria. Napatingin ako sa paligid. Wala pa rin si Sandria. Posible nga kayang-patay na siya? "Kung pwede talagang makapatay ang titig, siguro madami ka ng napatay," sabat na naman nitong katabi ko. Hindi ko tinignan si Spade at nagpatuloy sa pagtitig sa kanya, sa taong nasa harapan. Ngunit isang sandali ay naramdaman ko ang presensya ni tanga na malapit na malapit na sa akin. Doon ako lumingon sa kanya at bumungad sa akin na halos magkadikit na ang mga upuan namin. "Anong katangahan 'to?" tanong ko sa kanya. "Pakopya ng assignment. Bilis," umirap ako sa kanya at muling tinitigan ang lalaking nasa harapan. "Bakit ba kanina mo pa siya tinititigan Tuna? Crush mo siya? Crush mo si-" agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. "Ayoko ng isa pang katangahan ha?" sambit ko sa kanya sabay irap. "Eh bakit mo ba siya tintitigan?" tanong pa niya sabay hablot ng notebook ko sa desk at dali-dali kumopya ng assignment. Hindi ako tumugon. Walang kwentang kausapin ang tanga na 'to. Isa pa, masyado akong abala sa pag-iisip kaysa isipin ko pa tong tangang katabi ko. Ilang sandali ay natapos na siya sa pagkopya. Ngumiti siya sa akin sabay, "Salamat Tuna. Sigurado kang tama lahat na 'to ha?" ngumisi pa siya bago iusog muli ang upuan niya sa pwesto talaga nito. Leche. Nakakairita talaga. Natapos ang unang tatlong klase. Umalis lahat ng nasa klase upang pumunta sa cafeteria. May ilan din na nagtataka sa pagliban ng klase ni Sandria dahil nga raw na siya ang pinakamasipag sa lahat. Ngunit mas lalo akong napakinig sa pag-uusap nila habang palabas nang si Austin na ang nagsalita.

Page 296: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Malay nyo, patay na," sabay tawa niya. Dati pa ko nagtataka sa kanya. Isa pa ang pinagtataka ko ang biglaang pagsama ni Sapphire kay Clyde at Abigail. Ang biglaang paghiwalay at abanduna sa kanya ng isa pa niyang kaibigan na si Austin pati na rin ang buong klase. "Hindi ka kakain?" tanong ni Spade habang nasa harapan ko at hawak-hawak ang tiyan niya na para bang gutom na gutom siya. Isama pa ang ekspresyon ng mukha niya na para bang laging nababagot. "Wala akong gana. Umalis ka na," tugon ko. "Wala rin naman akong gana. Sinong nagsabi na aalis ako? Psh," sabi niya nang mag-isa. Akala mo naman, may pakialam ako sa nararamdaman niya. Katahimikan ang binigay sa akin ni tanga. Isang hindi karaniwan na ginagawa niya. Kahit papano, nasanay na ko sa parati niyang pagdaldal ngunit ngayon-parang iba. Napatingin ako sa kanya at baka sakali na natutulog siya ngunit kitang-kita kong dilat ang mga mata niya at deretso lang na nakatingin sa board sa harapan. Ano naman kayang katangahan ang iniisip nito? Napailing ako. Hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa't iniisip ko. Una, ang tungkol dun sa Andy na 'yon, pangalawa tungkol sa pangingielam ko sa nangyari kay Sandria na maaring maging isang magandang dahilan naman dahil ang habol ko lang talaga ay ang mga killers hindi ang kaligtasan ni Sandria-lalo na't hindi naman nila ako kaibigan at ang panghuli ay ang tungkol sa lalaking ito-bakit ako naninibago sa mga kinikilos niya? Dapat ay matuwa ako. Dapat ay maging maayos ang pakiramdam ko. "Alam kong tingin mo sa akin ay isa ako sa kanila," pambabasag niya sa napakahabang katahimikan na kanina pa niyang binibigay, "Pero kung may malalaman ka mang masama tungkol sa akin, kung may malalaman kang masamng ginagawa at ginawa ko. Sana kausapin mo pa rin ako. Sana tanungin mo muna sa akin bago ka magalit o ano."

Page 297: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin ako sa kanya nang biglaan siyang tumayo, "Bigla akong nagutom," dinagdag pa niya ang tawa niya na halatang pilit lang naman, "Mauna na muna ko," pamamaalam niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ko ang atensyon ko sa blackboard ngunit kahit ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin ako pinapatahimik ng mga sinabi at kinikilos niya. Maari kayang totoo nga ang mga naiisip ko patungkol sa kanya? Ilang sandali ay may nagsipasukan na mga kaklase namin na dala pa ang mga pagkain nila. Umingay sa classroom. Paingay pa nang paingay. Nakakarindi. Nakakairita. Nang hindi ko na matiis ang lahat ng tawanan at kwetuhan na naririnig ko ay lumabas ako ng classroom. Parang wala lang para sa lahat ng mga nangyayari. Mukhang ganito nga talaga. Plastikan. Kunwarian. Naglakad-lakad ako sa hallway hanggang sa matapat ako sa pinakahuling room. Ngunit bago pa ako makahakbang ay may isang pamilyar na tao na biglaang tumigil sa tabi ko. Habang nagsisilakaran ang iba sa hallway. Habang may iilang ingay ako naririnig. Habang halos madikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ay malinaw kong narinig ang sinabi 'nung Blake na 'to. "Mukhang kailangan mong alamin kung bakit takot sa dilim si Spade." SPADE'S POV Lumabas ako habang nakapamulsa. Ilang beses kong ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Ano ba tong kinikilos ko? At bakit ko sinabi kay Luna ang mga 'yon? Ayoko man na gawin ang lahat ng ito pero mukhang wala na kong ibang pagpipilian. Kailangan ako ni Mia. Kailangan ako ng isang babae na halos kalimutan ko na-isang babae na matagal ng hinihintay ang pangako ko sa kanila ni Hana. Napakasama kong kaibigan. Kailangan kong bumawi sa kanya-sa kanila. Bumaba ako at balak sanang pumunta sa cafeteria ngunit napatigil ako nang natanaw ko mula sa kinatatayuan ko rito sa pangalawang palapag si Sir Buendia. Nasa kabilang building siya, sa elementary building at halos magkatapat lang ang palapag na kinalalagyan namin. Mabilis siyang naglalakad at tila ba tumatakbo papunta sa nakatataas na palapag.

Page 298: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at tinakbo ko na pababa ang high school building at dumiretso ako sa katabing building. Mas mabilis ako sa kanya kaya maabutan ko siya. May ilang bata na nagsisitakbuhan habang naglalaro habang ako naman ay mas lalong binilisan ang pagtakbo. Nasa ikalawang palapag na ako at dumiretso ako sa huling palapag. Tulad ng sa high school building, mga offices ang narito sa ikatlong palapag pati na rin ang laboratories at kung anu-anong storage rooms. Ngunit ang kaibahan lang, walang classroom rito para sa isang tuloy-tuloy na klase. Hindi katulad sa high school building na ang klase ng 3-C at 4-A ang naroroon. T-Teka ... 3-C lamang at 4-A? Ang mga kuneho at lobo noon? Natigil ang panandaliang pag-iisip ko nang may narinig akong ingay sa isang maliit na storage room. Dahan-dahan akong lumapit roon habang hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Mahirap na, baka kung ano ito. Siyempre, eskwelahan ito ng gagong George Laketon na 'yon-hindi dapat ako magkamali. Agad akong nagtago sa likod ng isang pader ng biglang may nagbukas ng pintuan sa room na pupuntahan ko sana. Kasabay ng paglabas niya ay ang pagsasalita niya, "Tangina, ang hirap ayusin nang mag-isa lang. Sira ata ang orasan, alarm nang alaram," kilala ko kung kaninong boses iyon, "Kailangan ko ng tulong ng lecheng Austin na 'yon." Bakit niya kailangan ng tulong ni Austin? Sa pagkakakwento sa akin ni Austin, ayaw niya sa taong ito. Ilang beses nga niyang sinabi sa akin na gago ang taong ito eh pero mukhang malapit ata sila sa isa't-isa para kailanganin pa niya ang tulong nito? Inis na inis siyang umalis at hindi lumingon. Hindi ko alam kung bakit nandirito pa rin ako pero talagang interesado ako sa kung ano ang nasa loob, kung ano ang ginagawa ni Sir Buendia roon at kung bakit siya tinititigan kanina nang malagkit ni Luna. Sa lahat ba naman ng tititigan ni Luna, 'yung teacher pa. Baka nga may gusto talaga siya 'dun. Psh. Dahan-dahan akong lumapit sa nilabasan niyang pintuan ngunit sa kasamaang palad, mukhang hindi ko ata kayang pumasok.

Page 299: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Mukhang madilim. H-Hindi ko kaya. Ilang saglit lang ang nakaraan at tila ba napuno na ng mga masasamang memorya ang utak ko. Napahawak ako rito at napaatras. H-Hindi. Wala na sila Mia at Hana na susundo sa akin sa dilim habang may hawak na mga kandila. Wala na si Sister Lolit na sasamahan ako sa tuwing gabi. Wala ns sila ngayon sa tabi ko. Sa dilim na halos lamunin ang buong ako noon. Tatakbo na sana ako palayo nang may narinig akong tunog. Medyo mahina lang pero sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko. Mukhang isang alarm, katulad ng pagkakarinig ko kay Sir Buendia kanina. Inilabas ko ang phone ko at iilawan sana ang loob ngunit hindi ako papasok. Ayokong pumasok. Kahit papano madilim pa rin dahil sa kawalan ng bintana o ano mang pwedeng masinagan ng araw sa kwartong ito na pinakasulok ng buong palapag. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Si-Sandria? Umatras ako ng isang hakbang ngunit mas inilapit ko ang kamay ko na hawak pa rin ang cellphone. Inilawan ko pa nang mas malapit ang nakahigang katawan ni Sandria. Napahawak ang kaliwa kong kamay sa bibig ko nang napagtanto ko ang sitwasyon. Bangkay ni Sandria ang nasa loob ng storage room at ... at ... sa tingin ko'y ang tunog ng alarm ay nanggagaling sa tiyan niya. Lubos ding nakapagtataka ang tiyan niya na para bang may malaking bilos sa loob. Teka-isang orasan? Sa loob ng tiyan ni- Nakarinig ako ng boses at mga hakbang na paparating sa kinatatayuan ko. Agad akong nagtago muli habang pinipigilan ang paggawa ng ingay. Boses ni Sir Buendia at Austin. "Bakit iniwan mong bukas ang pintuan? Nahihibang ka na ba?" narinig kong sabi ni Austin. "Walang pumupunta rito sa mga oras na 'to. Bilisan mo, ayusin mo yung nasa loob ng tiyan niya. Mali pa ata ang pagkaka-set ng oras ni-" napatigil sila sa pag-uusap at ramdam ko ang pagtingin nila sa tinataguan ko. Tangina. Tangina. Tangina, anong gagawin ko?! "May tao ata don?" tanong ni Austin.

Page 300: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Oo, sige, teka lang." Punyetang malagkit! Papalapit sila nang papalapit habang ako naman ay pilit na umuusog papalayo sa gilid ng pader na pinagtataguan ko. Rinig na rinig ko ang paghakbang niya ... papunta sa akin. Malapit na. Napakalapit na. "Pusa lang pala, tanginang 'yan," agad akong nakahinga nang maluwag nang narinig ko ang papalayo niyang paghakbang. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. Sakto naman na pag-vibrate ng phone ko. Isang tawag mula kay Mia. "Francis, nasa Laketon ka ba?" "Oo," mahina kong sagot. "Hintayin kita mamaya ah? Huwag mo na ulit akong iiwan. Kahit iyon lang." "Oo, mamaya," tugon ko. "Pangako?" tanong pa niya. Napalunok ako, "Pangako," tugon ko na naman. Binulsa ko ang phone ko at umalis na palayo. Tulad ng sinabi ko, hindi ko kayang iwan si Mia. Ngayong wala na si Hanako, ako na lang ang nag-iisang kaibigan para sa kanya. Bibiguin ko pa ba siya? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY LadyInPinkLipstick. Haluuuu sayo! Maraming maraming salamat sa pagsuporta. Akin lang si GD ah? Bawal mang-agaw, kems! Salamat talaga! *huuuuuuugs* ♥

Page 301: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

TAKOT SA DILIM SI SPADE. Nailagay na po iyan dun sa chapter na napanaginipan niya sila Hanako habang may klase. CLOCKMAKER'S DAUGHTER. Iyan na po ang title (idk kung ano ang tawag dun) kay Sandria mula pa nung simula ng book 2, nasa page po yung mga ganyan pati na rin yung kay Luna na 'Lost Alice' at Spade na 'The Prodigal Son' at kung anu-ano pa. =) Salamat sa pagbabasa. ♥ Comment your opinion o kung ano man ang nasa isipan mo patungkol ditey. "Eliminate the wolves. Kill them before they consume you." --------------------------------------------x RAPHAEL'S POV NAGTATAKA PA RIN ANG LAHAT at nagtatanong-tanong sa isa't-isa kung ano ang rason at pinatawag ang buong klase rito sa gymnasium. Nakatingin lang ako sa kawalan at pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil sa lahat ng nangyari kanina. Biglaan. Masyadong mabilis. Nakakapanlumo ang nasaksihan ko. Patay na si Sandria. Isang malakas na tunog galing sa isang orasan na maaring nakakonekta sa speaker ng school at nagpaalarma sa lahat. Nasa classroom kami 'non at natahimik ang lahat. Tila ba'y pamilyar at inaasahan na namin na may kakaiba na namang mangyayari. Hanggang sa totoo nga ang kutob ng lahat. Agad kaming nagsilabasan ng classroom at mula sa kinatatayuan naming hallway ay tanaw na tanaw namin ang kabilang building na ang elementary building. Agaw pansin ang nakatayong tao roon na katapat lamang namin. Para siyang istatwa na nakaharap sa mismong kinatatayuan namin. Deretso lang siyang nakatayo. Balot na balot siya ng itim na jacket. Sa isang tingin palang, alam ng doble o kaya triple ang suot niya. Ngunit ang mas kapansin-pansin ay ang malaking nakapatong sa ulo niya na para bang isang malaking maskara o kaya ang sinusuot ng mga mascot ngunit hindi ito gaano kabigat sa isang tingin palang. Isang malaking ulo ng puting kuneho na may dalawang malaking at pulang mga mata. Hindi siya gumagalaw.

Page 302: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Siya! Siya siguro ang killer!" biglang sigaw ng isa sa klase. Agad na nagsitakbuhan ang iba kasabay na rin ng ibang taga-4A. Maski ako ay tumakbo na rin dahil sa ayaw kong makadabangga-bangga sa bilis ng takbo ng lahat. Nakarating kami sa ikatlong palapag ng elementary building. Hingal na hingal ang lahat. Nasa likuran na rin namin ang mga guards pati ang ibang staffs at mga teachers. Walang anu-ano'y hinila ng isa sa amin ang nakatayo kanina. Nanlaki ang mga mata namin ng bumagsak lang ito sa sahig. Isang mannequin lang pala. "Tangina!" sigaw ni Austin habang papalapit sa mannequin at sinipa-sipa ito, "Niloloko lang tayo ng killer eh!" muli niyang sigaw. Muling natameme ang lahat ng narinig muli namin ang isang alarm na pamilyar-yung alarm sa speaker. Agad akong lumingon-lingon. "Wag kayong maingay," utos ko sa lahat. Agad akong lumapit sa isang kwarto at sa paglapit ko ay nararamdaman ko ang paglakas ng tunog. Tama, dito nga. Bukas ang pinto kaya hindi na ko nahirapan na makapasok. Madilim sa loob. Nagkaron lang ng ilaw sa paningin ko nang may mga nagbukas ng phone nila na mga estudyante na nasa likuran ko na pala. At sa pag-ilaw nila sa loob ay kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. A-Ano tong nasa harapan ko? "Si Sandria yan ah?!" sigaw ng isa.

Page 303: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanginginig akong lumapit sa katawan ni Sandria na nakahandusay sa lapag. May malaking bilog sa tiyan niya na nakita ko lamang noong may nag-ilaw ng flashlight, yung guard ng school. Nanlalambot ang mga tuhod ko na naging dahilan ng pagluhod ko sa tabi niya. T-Teka ... ano tong nangyayari? Bakit ... siya? "S-Sandria..." napalingon ako kay Luna. Nakatayo siya sa likuran ko at nakatingin sa bangkay ni Sandria. "Isang orasan?" sabi niya nang lumapit pa siya at hawakan ang nasa tiyan ni Sandria. Walang anu-ano'y tinanggal ni Luna ang butones ng blouse ni Sandria na naging dahilan ng pag-atras ko. "Tama, isang orasan nga," wika pa niya. Nagsilapitan ang buong klase. Wala na rin akong nagawa kung hindi tinignan at tama nga-isang orasan. Halata sa tiyan ni Sandria na tinahi ito ng kung ano. Malinis ang katawan ni Sandria, walang senyales ng dugo. Isa lang ang kilala ko na mahilig sa ganyan-ay hindi, dalawa pala sila. Ang paglilinis niya ng mga itim na pusa sa tuwing pumapatay siya nito-si Miaka at ang isa naman ay ang paglilinis niya ng mga katawan ng mga pinatay niya noon-si... "Bumalik na kayo sa klase nyo. Kami na ang bahala rito," wika ni Sir Buendia habang papalapit sa amin at pilit na pinaalis ang lahat. "Mas lalong gugulo kung pag-uusapan na naman ito ng lahat. Psh! Sino ba kasi ang may gawa nito?!" sigaw pa niya. "Nagtanong ka pa. Tsss," malakas na bulong ni Luna habang deretsong nakatingin kay sir Buendia. Lumakad paabante si Luna na papalapit kay sir Buendia. Nang nakatabi siya rito ay namataan kong bumukas ang bibig ni Luna na para bang may binulong ngunit wala akong narinig, masyadong mahina. Ang tangi ko lang naisip ay baka nakakatakot ito dahil sa reaksyon ni Sir Buendia na panlalaki ng mga mata. "S-Sige na mga bata, umalis na kayo!" sigaw pa ni Sir Buendia. Pagkarating namin sa classroom ay nanatiling tahimik ang lahat bukod kay Austin na patuloy sa pagdaldal sa harapan. Napatingin din ako sa gawi nila Clyde, Abigail at Sapphire, tahimik sila ngunit halata pa rin ang gulat sa mga mukha nila.

Page 304: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kahit ako, nagulat. Biglaan. Hindi ko akalain na papatayin nila agad si Sandria. Dahil alam ko na ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay. Alam ko na kung sino ang isusunod at kung bakit yung mga nauna ang pinatay. Alam na alam ko. Bumalik ang diwa ko sa nangyayari ngayon nang may naglakad mula sa kaliwang parte ng stage papunta sa gitna. Natahimik ang lahat. Si Mr. Laketon. "Good morning, 3-C," pamungad niya. Muli kong narinig ang bulungan ng halos lahat. Mas lalong nakapagtataka. Bakit si Mr. Laketon ang nasa harapan namin? Napatingin ako sa katabi ko na si Luna at Spade. Wala pa ring reaksyon si Luna habang si Spade ay nanlalaki ang mga mata. Sa itsura palang ni Spade, halata na kinakabahan siya. "Nandito ako sa harapan ninyo para simulan ang bagong laro. Isang bagong rule," nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan ang lahat. Umubo muna si Mr. Laketon na para bang nililinawan ang boses niya. Muli siyang nagpatuloy. Lumabas sa bibig niya ang mga katagang nagpatameme sa lahat. "Eliminate the wolves." Naalala ko ang rule sa pulang libro, 'Eliminate the weaklings.' At ano naman itong bago niyang sinasabi na, 'Eliminate the wolves.' "Matagal ng patay ang laro ngunit nagkaron ng ilang pagbabago mula sa dating batch ng klase nyo. Muling nanumbalik ito lalo na ang white rose game," nakangiti niya ulit na sabi, "Kaya ngayon, bubuhayin natin muli ito gamit ang isang bagong rule. Kung ang dati ay walang magagawa ang mga rabbits. Ngayon, may magagawa na kayo. Eliminate the wolves. Kill them before they consume you. Naiintindihan nyo naman siguro ako?" wika pa niya.

Page 305: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Nandyan ang mga wolves. Nagpapanggap ang iba sa kanila na mga kuneho. Ang tangi nyo lang kailangang gawin ay ang tanggalin ang maskara nila," mas nilakasan pa ni Mr. Laketon ang boses niya, "Ang dating mga mahihinang kuneho ay maari ng kumilos ngayon na walang hinihintay na signal mula sa king of the jungle. Hindi na katulad ng dati. Mas aggresibo, mas kapana-panabik," ngumiti siya nang malapad bago muling nagpatuloy, "Nawa'y aliwin nyo sana kami sa ipapakita nyong laro. Again, Good morning, 3-C." "Punyeta! Ano na naman ba 'to?!" narinig kong sigaw ni Austin. Bakit ba lagi siyang nagwawala? Ano bang problema nito? Ngunit imbis na pansinin ko siya ay napatingin ako sa taas ng kisame ng gymnasium. Eliminate the wolves. Sa rule na ito, pwede ng pumatay nang basta-basta ang mga rabbits. Ang kailangan lang namin ay malaman kung sinu-sino ang sinasabi niyang wolves. Pero sino nga ba? Sinu-sino nga ba? Muli akong napatingin sa buong klase. Kapansin-pansin ang tahimik na si Spade, ang nakatulala na si Luna, si Sapphire na nakaupo at nakayuko lamang at si Abigail na nakikisali sa away at nakikipagsigawan sa iba. Ngunit-nasaan si Clyde? Naglakad na ko palabas ng gymnasium. Kailangan kong bantayan ang susunod na papatayin. Ngunit nagtataka na ako ngayon sa kalkulasyon ko. Bakit agad na pinatay s-si Sandria? Bakit siya agad? Ano ba talagang nangyari? Ayos na sana ang aking kalkulasyon. Ayos na. Alam ko na ngunit naguguluhan talaga ako ngayon. Napatingin muli ako sa paligid. May ilang estudyante na dumaraan. Naalala ko tuloy ulit ang mga huling sandali ni Sandria. Ang huli namin pagsabay pauwi. Nakakalungkot lang na kung kailan ko nararamdaman na maari kaming maging magkaibigan ay saka pa nangyari ito. Paalam, Sandria. Pinapangako ko na hindi masasayang ang kamatayan mo pati na rin ang iba.

Page 306: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dahil base sa alam ko, base sa kalkulasyon ko-kilala ko na kung sino ang susunod nilang papatayin. Sino? Ako. Malalaman ko rin kung sino ang mga lobo at ako ang papatay sa kanila sa larong ito. SAPPHIRE'S POV Pagkatapos ng burol nila Cyrus at Paula-pagkatapos akong sisihin ng magulang nila ay isang nakakagimbal na balita at nasagap ko. Natagpuan raw na patay ang magulan nila Cyrus pati na rin ang mga katulong nila sa loob mismo ng bahay. Naalala ko ang sinabi ni Daddy noong paalis kami ng hospital 'nung binisita ko si Paula-noong sinigaw-sigawan ako ng magulang nila Cyrus, "Anak, wag kang mag-alala, gagawa ng paraan si daddy. Katulad ng dati. Parang dati lang." At ngayong patay na sila, ito ba ang sinasabi ni Daddy na parang dati lang? Binuksan ko ang pintuan at sumilip-silip sa labas bago tuluyang lumabas. Nag-iba na ako. Nakatulong siguro lahat ng nangyari sa school. Hindi na ako tulad ng dati. Nakakapanibago pero nasasanay na rin naman ako. Hindi naman pala masama maging ganito-ang maging tulad ni Hanako sa school. Muli kong naalala ang nakita naming bangkay ni Sandria sa may school. Grabe. Hindi ako makapagsalita noong nakita ko 'yon lalo naman noong nagsalita si Mr. Laketon sa harapan naming lahat. Sobrang makapanyarihan si Mr. Laketon lalo na sa lahat ng koneksyon na meron siya. Halos lahat ata mayroon siyang kapit. Walang takas. Napatigil ako sa may room ng Daddy't Mommy ko. Naririnig ko ang sigawan nila sa loob. Nasa iisang kwarto na nga lang, nagsisigawan pa. Aalis na

Page 307: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sana ako sa kinatatayuan ko nang muling napukaw ng sigawan nila ang atensyon ko. "Pumayag ako na ampunin mo yang Hanako na yan which is anak mo sa dati mong kalandian! Pumayag ako 'nun hindi dahil sa naaawa ako sa bata kung hindi dahil sa'yo!" rinig kong sigaw ni Mommy. "Don't you think na unfair na lahat ng ito mula noong una palang ha?! Wala na yang anak mong si Hanako na yan! Bakit siya pa rin ang iniisip mo ha? Bakit kailangan natin ipahanap ang bangkay? Hayaan mong lamunin ng mga uod yang anak mo-" Natigil ang sigaw ng Mommy nang nakarinig ako ng isang malakas na tunog na para bang isang sampal. "You don't know anything!" matigas na pagkakasigaw ni Dad. "Then tell me! Pati yang ginagawa nyo sa Laketon Academy na yan! Tell me! Sabihin mo rin sa akin kung bakit kahit kailan ay hindi mo pinaramdam kay Sapphire na mahal na mahal mo siya! Na kung bakit puro si Hanako na lang ang inatupag mo noon. Napaka-unfair mo," nanginginig na ang boses ni Mommy at halatang sa ilang sandali ay mababasag na ito. "Mahal na mahal ko si Sapphire dahil anak ko siya. Hindi mo alam kung ano ang mga ginawa ko para lang sa kanya!" sagot ni Daddy. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. "Oh yeah, kahit na muntikan na siyang mamatay dati dahil sa'yo! At hanggang ngayon, naaawa ka lang at nagbibigay ng simpatya sa anak natin. You don't love her. Ang pagpatay ng ibang tao para sa taong mahal mo ay hindi pagmamahal, Luke. Can't you find the difference? Gusto mo lang na ligtas siya pero hindi mo siya mahal. Gusto mo lang na maging magkatulad kayo ni Sapphire," sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkirot nito. A-Ano ba ang pinag-uusapan nila? Anong ibig sabihin ni Mommy sa mga sinasabi niya? "You will always be a murderer, not a father, not even a husband. Chess pieces lang kami sa laro nyo."

Page 308: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

A-Ano ba to? Anong nangyayari? Napahawak ako sa gilid ng hagdanan. Mas lalong kumikirot ang ulo ko.Biglang nagdilim ang buong paligid. Ang huli ko lang nakita ay ang hagdanan at ang pagkahulog ko rito. ASH'S POV Inayos ko ang pagkakasuot ng itim na sumbrero sa ulo ko habang pababa ako ng jeep. Tirik na tirik ang araw ngayon at isa ito sa kinaiinisan ko. Bakit ba kasi ako ang kailangan na pumunta roon? Langya, hirap masama kay Thania at Philip. Si Thania, laging gustong kasama si Philip, laging gustong nasa bahay. Di na ko magtataka kung magiging apat na kami roon. Tumingin-tingin ako sa paligid habang tumatawid dito sa Recto. Hawak hawak ko ang malaking envelope na kailangan naming ibigay sa lalaking iyon. Kung sino man siya, hindi namin kilala. Basta ang alam namin, palagi siyang nagpapadala ng package sa bahay na tinutuluyan namin. Package na pera ang laman. Higit sa sampung beses na iyong nangyari kaya nagtataka talaga kami kung sino siya. At nitong nakaraan na araw, nakatanggap na naman kami ng package na bukod sa pera at pagkain ay may isang envelope na laman. Ang tanging laman sa loob nito ay ang sulat na pumunta ako sa isang lugar rito. Ayos lang. Maraming tao sa lugar na ito lalo na't sa ganitong araw at oras. Ligtas ako. At may dala akong panlaban, hindi niya ako maiisahan. Tsss. Ang init! Sa patuloy na paglalakad ko ay bigla akong napatigil sa pagdaan ng isang lalaki sa tabi ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi siya ganun kabilis maglakad kaya sa paglingon ko ay natanaw ko pa rin siya. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Yung tindig niya, ang paglalakad niya-si Andy 'yon. Sigurado ako. Patuloy ko siyang sinundan. Hanggang sa biglang dumami lalo ang mga tao. Nakipagsiksikan ako habang pilit na sinusundan pa rin siya. Napamura ako sa isipan ko ng ilang beses. Mukhang nawala siya sa paningin ko. Ilang sandali ay may nakita akong lalaki na parang siya. Agad kong hinatak ang taong iyon at sa pagharap niya-

Page 309: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ano ba?!" sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Mukhang hindi siya ang nakita ko kanina. Humingi ng pasensiya at nagsimula na akong maglakad pabalik sa pupuntahan ko sana. Alam ko. Alam na alam kong si Andy ang nakita ko. Ngunit sa kabilang banda, mukhang impossible. Patay na si Andy. Patay na silang lahat. Ilang minuto ang nakaraan at nakarating na rin ako sa pupuntahan ako. Sa isang tapat ng isang malaking tindahan na palaging nadaraanan ng mga tao. Nasan na kaya ang taong makikipagkita sa akin? Nababagot na ako at aalis na sana ng biglang may lumapit sa akin. Sa pagtingala ko sa kanya ay panlalaki ng mga mata ang tanging tugon ko. S-Siya na ba? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY daisiest. Hi po! Nais ko lang magsalamat nang bongga sa patuloy na pagsuporta lalo na sa pagcomment at pagboto siyempre, sa pagbabasa ng munti kong gawa na ito. Salamat po talaga! Naging pamilyar na talaga sa akin ng username mo bukod sa ang ganda nito (teka, nagtatampo ang username ko, kems) ay palagi pa tong bumubungad sa news feed ko. Salamat talaga! ♥ QUESTIONS, VIOLENT REACTIONS, OPINIONS O KAHIT ANO PANG '-IONS'. Maari nyo pong i-comment at kapag makapagpapa-spoiler, sa message na lang. Tag nyo rin ako if kailangan talaga ng reply. Minsan kasi kulang-kulang ang lumalabas sa news feed chu chu eh kaya di nabibigyan ng pansin. =D Salamat sa pagbabasa! God bless sa lahat. :* "Darkness dwells within even the best of us. In the worst of us, darkness not only dwells but reins." ― Dean Koontz, Strange Highways --------------------------------------------x AUSTIN'S POV

Page 310: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"TANGINA! Ano bang trip nyang si Mr. Laketon na yan? Akala ko ba gusto niyang ma-eliminate ang setion 3-C at manalo sa lecheng laro na gusto niya? Bakit gagawa siya ng punyetang bagong rule na yan?!" sigaw ko habang masama ang tingin sa kanilang apat. " Walang magagawa ang pagsigaw mo. Pag-usapan na lang natin ang dapat nating gawin-" "Hindi ko kayang kumalma sa ganitong sitwasyon hindi katulad mo!" hinilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko, "Ah! Kaya nga pala lagi kang kalmado lang dahil sa tatraydurin mo rin naman kami diba? Eh kung ilabas mo na si Aislinn, edi tapos na tayo!" susugurin ko sana siya nang hinawakan ni Sir Buendia ang braso ko upang hatakin palayo, "Hayop ka! Hindi pa tayo tapos. Hindi pa kami tapos ni Aislinn! Nasa'yo lang siya, alam ko," nanlalaki ang mga mata kong sigaw sa kanya. "Tama siya, Austin. Huminahon ka. Ang tungkol sa inyo ni Aislinn ay iba sa sitwasyon na ito. Isantabi mo muna iyan, " wika pa ni Sir Buendia. Padabog akong umupo sa sofa na inuupuan rin ni Miaka. Tahimik lang siya na nakatingin nang deretso habang kandong niya ang kanyang itim na pusa na si Kuro. Napasinghap ako sa inis. Ginagamit lang nila Sir Buendia si Miaka. Mamamatay din si Miaka katulad ng dapat ay nangyari sa kanya noon pa. Tama nga't utang ni Miaka ang buhay niya kala Sir Buendia pero lahat ng iyon ay may kapalit. Mawawala din si Miaka sa larong 'to. Napatingin naman ako sa kanya na nakatayo sa gilid ng pintuan habang nilalaro-laro ang itim niyang pulseras. Siya ang nagpatuloy ng grupo mula noong iniwan at tumiwalag si Hanako at alam kong isa rin siya sa dahilan kung bakit naisipan ni Mr. Laketon ang punyetang bagong rule na yan dahil sa malapit sila sa isa't-isa-dahil may partikular silang koneksyon sa isa't-isa kung ano man iyon ay hindi ko alam. Muli kong namataan ang pag-ikot ng lapis sa palad naman ng isa naming kasama na nakaupo sa kabilang sofa. Ang nilalang na kasagutan ko kanina-ang nagtatago kay Aislinn. Tangina niya. Papatayin ko silang dalawa kapag napatunayan ko talaga. Mali. Alam kong nasa kanya talaga si Aislinn. Alam ko.

Page 311: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Si Sir Buendia naman ay nakaupo sa isa pang gilid na sofa. Nakatingin siya sa sahig habang nangi-ngiti. Baliw din to eh. Dati ko pang alam na may pagkagago rin tong teacher na to. Mula noong lumabas ang mga pictures na nagpapakita na may iba silang relasyon ni Hanako. Alam kong sa oras na iyon na may tinatago rin siya-tulad ng karamihan. At hindi nga ko nagkamali, noong unang nagkita-kita kami, siya agad ang hindi ko pinagdalawang-isip pa na masasama talaga dito. Silang apat, bago isipin ang laro, alam kong ang una nilang dahilan sa pagsali sa grupong ito. Iyon ay ang mamatay si Hanako. Nagtagumpay sila sa una nilang layunin dahil lahat sila ay may kanya-kanyang rason para magalit o kamuhian si Hanako. Lahat sila bukod sa akin. Ako? Putcha, ba't nga ba akong sumali rito? Ba't ako pumayag sa sabi ng lecheng taong may itim na pulseras na 'yan? Pero sa tuwing iniisip ko, dalawang bagay lang ang pumapasok sa isipan ko. Ang mapatay si Sapphire at Cyrus at ang maprotektahan si Aislinn. Ngunit tinaboy ako ni Aislinn kaya wala na kong rason para protektahan siya. Ako na lang ang tatapos sa kanya kung ayaw rin naman niya. "Alam nyo, patas lang naman ang bagong rule na ginawa ni Mr. Laketon," sabi pa niya habang nakatingin pa rin sa itim niyang pulseras, "Survival game laban sa wolves at rabbits. Parang yung dating gawa lang din niyang laro," bigla siyang tumingin sa amin, "Di natin kailangan mag-alala, mananalo tayo." Bakit parang sigurado siya? Psh. "Wag tayong maging kampante," wika ni Sir Buendia, "May ilan sa 3-C na magiging malaking problema sa atin." "Sino naman sila?" tanong ni Miaka sa kanya. "Si Luna at Raphael pati na rin pala si Aislinn," tugon ni Sir Buendia. Napatingin ako sa reaksyon niya na para bang nagulat sa sagot ni Sir Buendia. Ang kanyang kalmadong mukha kanina ay nabahiran ng gulat at takot. Ilang segundo ang nakaraan at muli niyang binalik ang kanina niyang ekspresyon sa mukha. Alam kong gagawa siya ng paraan para mawala ang grupo namin. Silang dalawa ni Aislinn ang maaring maging dahilan ng pagbagsak namin. Kailangan na namin siyang unahan lalo na ngayong sa bagong rule na yan ng lintek na Mr. Laketon na 'yon.

Page 312: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Kailangan nating ibahin ang kasalukuyang plano. Ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay ay kailangang ibahin. Meron kasi dyang dalawa na hindi sumunod," tumingin siya kala Sir Buendia at Miaka, "Muli tayong mag-usap-usap tungkol dyan. Sa ngayon, mauuna na ako. May kailangan pa kong asikasuhin." Nasasanay na ko sa pananalita niyang iyon sa amin kapag sa ganitong sitwasyon. Sa school kasi, ibang-iba siya. Sa pagkakasabi niyang iyon ay kinuha niya ang gamit niya at lumabas na ng pintuan. Gayon din naman ang gagong tinatago si Aislinn, tumayo rin siya at walang anu-ano'y lumabas na. Naiwan kaming tatlo nila Miaka at Sir Buendia dito sa sala ng tinitirahan ni Miaka. Napahilamos muli ako ng palad at inis na inis na napasinghap. Gumugulo ang sitwasyon para sa amin. Handa na sana ang lahat. Kaunti na lang at matatapos na pero bakit biglang ganito? Punyetang Mr. Laketon yan. "Miaka, iniinom mo pa ba ang gamot mo?" biglaang tanong ni Sir Buendia habang nakangiti. Iyong ngiti niya sa tuwing kaharap niya ang mga estudyante niya. Ang ngiti ng isang napakabait na guro. "Oo," matipid na sagot ni Miaka. Tumayo si Miaka at dumiretso sa taas habang hawak-hawak pa rin ang napakaingay at nakakairita niyang pusa. "Alam mo ba ang tungkol sa pustahan na nangyari kay Hanako?" napalingon ako kay Sir Buendia sa pagkakatanong kong iyon. Tumango siya at ngumiti sa akin, "Oo, nakwento niya sa akin ang tungkol doon." Ang simpleng pustahan na naging dahilan ng pagsisimula ng pambu-bully sa kanya. Naalala ko pa na isa to sa mga dahilan na sinabi ng klase noong kunwaring nagpakamatay si Hanako, ang pustahan kasama ng laro-ang white rose game.

Page 313: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Isang simple at walang katuturunan na pustahan na naging mitsa ng iilang komplikadong bagay na nangyari sa klase, ang lahat ng iyon ay kakabit si Hanako. Nagulat ako na mukhang hindi galit si Sir Buendia lalo na't alam niya pala ang tungkol doon. Bakit hindi nagalit ang taong nang-ampon kay Hanako? Ang tinuturing niyang 'guardian' mula noong umalis siya sa ampunan? Tsss. "Matanong kita tungkol dun sa Luna," napatingin ako kay Sir Buendia noong muli siyang nagwika, "May alam ka ba tungkol sa kanya?" Napaisip ako, "Wala masyado. Palagi siyang tahimik at para bang hindi ramdam ang presensiya niya pero sa tuwing magsasalita siya, may kung ano akong maling nararamdaman sa kanya. Ewan ko. Ang wirdo niya. Isa pa, ramdam kong matalino siya at alam kong mayaman ang pamilya nila, ang pamilya ng mga Levesque." Wala naman akong gaanong pakialam sa babaeng 'yon kaya bakit ba ako magkakaroon ng interes para kilalanin siya? Mamamatay rin naman siya. Psh. "Interesado ako sa kanya lalo na sa buhay niya. Mukhang kailangan ko siyang kilalanin," malapad ang ngiti ni Sir Buendia ng sinabi niya iyon. "Bakit naman bigla kang naging interesado sa kanya?" napaayos ako ng upo nang maramdaman kong may dapat akong malaman mula sa kanya. "Mula noong inutusan ako ni Mr. Laketon na patahimikin siya, naging interesado na ko sa kanya," tumingin siya sa akin at mukhang napansin niya na para bang nagtataka ako sa mga sinabi niya, "Nasa opisina siya ni Mr. Laketon 'nun. Nasa loob lang ako ng kwarto at naghihintay. Pinatulog ko siya gamit ng gamot na binigay sakin ni Mr. Laketon na inilagay ko sa panyo ko noon," tugon niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Sir Buendia pero may isang araw nga akong napansin na dalawa ang hawak niyang panyo. Maaring, iyon nga? Sumandal muli ako sa sofa at tinaas ang paa ko. Tangina, sana pala bumili ako ng sigarilyo. Edi sana, mas relax ako ngayon dahil sa lahat ng nangyayaring ito.

Page 314: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Alam mo ba ang tungkol dito, Austin?" Tinignan ko ang tattoo niya na pinapasilip niya sa akin. Isa itong tattoo ng agila na nakadapo sa isang basag na bungo, ang parehong tattoo na meron si Harvey. Tumango ako kay Sir Buendia at tumingin sa kanya na para bang tinatanong kung anong pakialam ko sa mga sinasabi niya. "Ginawa ko ang fraternity na iyon na nagbubuklod sa iba't-ibang estudyante ng mga paaralan dito para magkaron ng pagkakaisa pero naging nakakainip kaya binago ko ang lahat," mas lalong lumapad ang ngiti ni Sir Buendia, "Sino nga ba ang mag-iisip na isa ako sa may gawa ng mapanganib na grupo na iyon diba?" Napangisi ako. Tama nga, sino nga naman ba ang mag-iisip 'nun? Isa pa, yung lider-lideran namin, sino nga rin bang mag-iisip na tulad niya ang gagawa ng mga krimen na naging usap-usapan noon sa isang lugar dito? At sino bang nakaisip bago pa lang magsimula ang laro na buhay pa si Miaka? Walang makapagsasabi at iyon ang masaya sa larong ito, lahat sila kalaban. Napatingin ako kay Sir Buendia na patuloy pa rin sa pagkwento kahit na lumipad na ang diwa ko sa ibang bagay. Muli kong naalala si Aislinn, mapatay ko lang siya-mawala lang siya sa mundong ito, ayos na ako. Sa pagkakataong iyon, pwede na rin akong mawala. Para wala na siyang pakinabang sa iba, para di na siya bumalik sa tatay niya, para wala na siyang ibang mamahalin. Biglang hinawakan ni Sir Buendia ang braso ko. Napasinghap ako sa gulat. Sa paglingon ko sa kanya, sa saktong pagtingin ko sa mga mata niya-saka naman biglang pumasok sa isipan ko muli ang bagong rule na ginawa ng lintek na Mr. Laketon na iyon. At sa bagong rule na to, possible din na lobo ang pumatay sa kapwa niyang lobo. "Nakikinig ka ba sa akin, Austin?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako. SPADE'S POV

Page 315: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pagkamulat ng mga mata ko, isang kulay puti na kisame ang bumungad sa akin na mayroong ilaw sa gitna nito. Pamilyar na imahe. Tumayo ako at tinignan ang paligid, nasa isang pamilyar na kwarto ako. Ang kwarto ng dati naming bahay, ang bahay ng dati kong pamilya-ang tunay kong pamilya. Lumapit ako sa aparador kung saan merong salamin. Hinawakan ko ang mukha ko. Tinignan ko ang mga mapapayat kong braso, ang mga sugat, mga latay at mga pasa dulot ng araw-araw na pambubugbog ng tatay ko. Hindi. Hindi niya ako gustong saktan, lasing lang siya. Nasasaktan lang niya ako dahil sa lagi akong humaharang sa kanya ni nanay. Ayokong bugbugin niya si nanay. Ayokong nasasaktan si nanay. Ayaw ni tatay na saktan ako, ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan ng araw-araw niyang paglalasing- ako ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa kong kapatid. Ako ang may kasalanan ng malaking sunog na iyon. Lalabas sana ako ng kwarto ng biglang dumilim. Nawala ang sindi ng mga ilaw pati na rin ang tunog ng bukas na electric fan. Napakadilim. Bigla akong nakaramdam ng takot. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at lumabas. Ang una kong ginawa ay ang tawagin sila nanay, "Nay! Tay!" Ilang beses akong tumawag ngunit wala silang tugon. Muli, "Nanay! Tatay! Nasan po kayo? N-Natatakot po a-ako!" Kinapa-kapa ko ang paligid habang pababa ng hagdanan namin. Tumapak ako sa sahig. Mapapagalitan na naman ako ni nanay kung malalaman niyang hindi na naman ako nakatsinelas. Nasaan na sila nanay ko? "Nay! Tay!" muli kong pagtawag hanggang sa nadapa ako, "N-Nanay ... T-Tatay.." Hanggang sa nakarinig ako ng sigaw mula sa labas. Isang matalim na kidlat ang sumunod at ilang sandali ay kumulog na rin hanggang sa patuloy kong narinig ang malakas na pag-ulan. Marahas na bumukas ang pintuan na naging dahilan ng pagsuksok ko sa ilalim ng hagdanan na kinalalagyan ko.

Page 316: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Madilim man at may ingay na ginagawa ang ulan pati na rin ang kulog ngunit rinig na rinig ko pa rin ang tawa ng ilang lalaki. Anong ginagawa nila? Napatakip ako ng bibig nang narinig ko ang sigaw ng tatay ko, "Bitawan mo ang asawa ko!" Saka ko napansin ang kumikislap sa dilim ... i-isang itak? Nakarinig muli ako ng ilang sigaw mula sa nanay ko, sa ilang lalaki at sa tatay ko. Sa bawat pagkidlat, namamataan ko ang nangyayari sa harapan ko. Ang sigawan, ang bawat dugong tumatalsik, ang dugong umaagos papunta sa mga paa ko ... ang dugo ng nanay at tatay ko. Tumigil ang ulan. Tumigil ang pagkidlat. Nanginginig kong tinignan ang buong paligid ... ang napakadilim na paligid. Hanggang sa napunta ang paningin ko sa harapan ko. Kinapa ko ang lapag at naramdaman ko ang isang kamay, isang duguang kamay. "N-Nanay ... Tatay.." tanging kong bulong at umiyak nang umiyak. Ang unang beses na umiyak ako nang ganung katagal. Ilang minuto ang nakaraan at muli akong nakaramdam ng kaba. Napakadilim pa rin. Bigla akong nahirapan huminga at nanginginig ang mga kamay ko habang tinatakpan ang bibig ko. Narinig ko na naman ang mga boses ng mga lalaking nandirito kanina. "Nandito lang yun, hanapin nyo! Hanapin nyo ang ninakaw ng walangyang Jose na yan!" Naramdaman ko pag-agos ng likido mula sa shorts ko hanggang sa paa ko. Magagalit si nanay. Pagagalitan niya ako. Hindi na raw ako ganun kabata para umihi sa salawal, sigurado akong magagalit siya p-pero ... patay na siya. Patay na sila. Napakadilim pa rin at pigil na pigil kong makagawa ng ingay. Hindi ako makaalis. Hindi ako makaiyak nang malakas. Hanggang sa napatingin ako sa gilid ko...

Page 317: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Uy, bata anong ginagawa mo dyan?" wika ng isang lalaki habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Biglang ako napaupo sa kamang kinalalagyan ko at hingal na hingal na tumitig sa harapan ko. Tama ... panaginip lang. Wag kang mag-alala, Spade, panaginip lang iyon. Hindi na ... hindi na muling mangyayari iyon. Nakabukas ang ilaw sa kwarto ko katulad ng palagi kong ginagawa. Takot ako sa dilim. Takot na takot. Pakiramdam ko'y tuwing nasa isang madilim na lugar ako ay minamatyagan ako ng mga lalaking iyon. Pakiramdam ko, nakapadaming masamang elemento na hahatak sa paa ko at papatayin ako katulad ng ginawa kila nanay at tatay. Pakiramdam ko ... masusunog ako tulad ng nangyari sa dalawa kong kapatid. Ayoko. Ayoko sa dilim. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ng hagdanan at dumiretso sa kusina ng tinutuluyan kong apartment. Binuksan ko ang refrigator at kinuha ang pitsel. Walang anu-ano'y ininom ko ang laman nito upang mahimasmasan ako. "Sir Laketon, may problema po ba si Spade? Palagi po siyang tulog sa klase at para bang laging wala sa isip ang kanyang utak." Naalala ko pa ang sinabi ng adviser ko noong nasa Wilward Academy ako kay Mr. Laketon. "Pasensiya na kayo," tumingin sa akin si Mr. Laketon noon at ginulo ang buhok ko, "Nahihirapan kasi ang batang 'to na matulog gabi-gabi." Muli kong ininom ang natitirang tubig sa pitsel at inaalis ang memoryang iyon sa utak ko. Noong araw na kinausap siya ng adviser namin patungkol sa akin, bigla kong naramdaman ang pag-aalaga niya. Akala ko noon, magiging totoong tatay na talaga si Mr. Laketon sa akin ngunit hindi. Ngayon, ni hindi na pumapasok sa isipan ko kung normal pa ba ang pag-iisip niya o kung kaya pa ba niya talagang maging normal na tatay. Napalingon ako ng may narinig akong kumaluskos. Nilapag ko ang pitsel na hawak ko at lumapit kung saan nanggaling ang tunog.

Page 318: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Teka,anong ginagawa ng isang pusa rito? Lumapit sa akin ang itim na pusa at para bang hinagod ang ulo niya sa may paa ko. "Gusto ka talaga ni Kuro, Francis." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED TO Shay_0o. Hi Shay! Gusto ko lang magpasalamat nang bongga sa patuloy na pagsuporta hindi lang sa C3-CHAS kung hindi sa iba ko na rin na story. Salamat talaga! <3 *Huuuugs* (Wait ayaw, magpa-dedic ni wattpad T___T) NYCTOPHOBIA. fear of the darkness. PASENSIYA NA. Dapat dalawang update ang ipo-post ko ngayon kaso di nakayanan dahil sa wala akong ganung ganang magsulat. Alam nyo naman na hobby ko lang itey at kapag wala talaga akong mahugot (halata sa UD na wala talagang mahugot, lol), di ako magsusulat hahaha pero magpopost ulit ako ng update within this week. Baka after Christmas, i-enjoy ang Pasko. ♥ Salamat ng marami sa pagbabasaaaa! ♥ Voice out your opinions. "Never open the door to a lesser evil, for other and greater ones invariably slink in after it." ― Baltasar Gracián, The Art of Worldly Wisdom --------------------------------------------x RAPHAEL'S POV "ANO na naman ba to?!" sigaw ni Abigail habang nanlalaki ang mga matang tinitignan ang hawak-hawak ko sa harapan at isa-isa kong binibigay sa secretary ng klase para idikit sa board. Napag-utusan lang ako. Pag-uutos ni Mr. Laketon. Nang natapos na ang pagdidikit sa lahat ng hawak kong malalaking litrato sa board ay agad naman ang puntahan ng lahat ng nasa classroom papunta sa harapan.

Page 319: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

May nakadikit na anim na litrato sa harapan. Ang una'y litrato ni Sapphire habang nasa harapan si Aislinn. Halata sa mukha ni Aislinn ang ilang sugat at sa ilang linggong di ko pagkakakita kay Aislinn, mukhang malaki ang pinagbago ng mukha niya. Sa litrato, halatang may tao rin sa likuran ni Sapphire ngunit madilim at tanging anino lamang ang nakikita pero sa itsura nito, mukhang lalaki. Ang pangalawa ay ang litrato ni Spade, nakatalikod siya ngunit halata na siya ang lalaking iyon at sa tabi niya ay nandoon si Miaka. Ang pangatlong litrato ay kay Abigail, kausap niya si Sir Buendia habang nasa harap ng Room 101-A, ang abandunadong silid na naging kontrobersyal noong 1990's pa dahil sa nakakita sa loob nito ng mga chop-chop na bangkay. Wala sanang mali sa litrato kaso may isang bagay na kahina-hinala, magkahawak ang mga kamay ni Abigail at Sir Buendia habang may hawak si Sir Buendia na pulang lubid. Ang pang-apat na litrato ay si Blake habang nasa harapan ng gymnasium at mukhang naglalakad dahil sa labo ng kuha. Halatang malayo rin ang kuha ng litrato dahil sa pangit ng anggulo nito ngunit kitang-kita ang hawak niyang pulang lubid-kapareho ng lubid na ginamit sa pagbibigti ni Hanako. At ang panglimang litrato ay ako. Ang litrato sa akin ay naglalaman ng dalawang litrato na pinagdikit lamang. Ang isa ay hawak ko ang kamay ni Hanako at ang pangalawa ay yakap-yakap ko siya. Napapikit ako ng ilang segundo ng muli kong naalala iyong sandaling 'yon. Ang nilalaman naman ng ikaanim na litrato ay isang malaking pangungusap lamang, narinig kong pagbasa ng isa naming kaklase sa nilalaman ng pang-anim na litrato, "Isa o wala sa mga litratong iyon ang isa o dalawa sa mga wolves. Nasa inyo na kung sino ang paniniwalaan nyong inosente. -Mr Laketon." Agad ko namang nakita ang pagpunta sa harapan ni Abigail at pagpunit niya sa litrato niyang kasama si Sir Buendia, "Wag nyong sabihing maniniwala na naman kayo sa mga ganyan?!" sigaw pa niya sa lahat. Nanahimik ang lahat. Nagsi-atrasan ang karamihan habang nakatingin pa rin sa mga litrato. Isang nakakaabalang katahimikan ang tugon ng lahat. Kinakabahan ako, oo. Sa mga litratong binigay ni Mr. Laketon, mukhang mahihirapan ang lahat. "Bakit hindi kami maniniwala? Hindi nagsisinungaling ang mga litrato! Kayo yan diba? Mukhang isa lang naman sa mga taong nandyan ang isa sa mga kalaban," sabi ng isa. "Kailangan ma-eliminate ang wolves para mabuhay tayo. Ibig sabihin, dapat may mamatay sa inyo. Hindi. Mas maganda kung kayong lahat mamatay. Bakit hindi na lang natin patayin lahat para sigurado?" sabi pa ng isa. Ito na naman kami. Ito na naman ang 3-C.

Page 320: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin din ako sa mga litrato. Hindi ko naman sila masisisi kung maguguluhan sila ngayon. Sadyang nakakaloko lang talaga ang mga ginagawa ni Mr. Laketon. Ito ang isa siguro sa mga plano nila. Ang magpatayan ang 3-C. Ang magkaubusan muna bago ang lahat. Ang akala ko'y kaya kong tumayo hanggang sa huli dahil sa matalino ako-dahil sa alam ko na ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay nila at lalong dahil sa tama ang mga naiisip ko ngunit nitong sumali si Mr. Laketon, hindi ko na alam kung makakatayo pa ba ako sa huli o isa na ko sa mga tutumba. Malaking bagay ang diary ni Hanako sa akin upang malaman ko ang mga pagkakasunod-sunod ng pagpatay. Halata sa simula palang ng nilalaman niyon na ginawa ang diary na iyon bilang isang gamit para sa plano niya. Ang plano ni Hanako na paghihiganti. Sa unang pahina ng diary, nandoon ang sulat niya para sa sarili niya. Nandoon din ang sulat niya para taong nangngangalang 'Francis' at binanggit niya rin doon ang kagustuhan niya na magpakamatay na lamang. Pasukan noong 2nd year niya ginawa ang diary niyang iyon. Sa isang pahina pagkatapos noon, sa eksaktong petsa na nakita namin ang ulo ni Lizzy ay nandoon ang kwento niya patungkol kay Lizzy. At ang mga sumusunod na petsa ay umaayon sa paglabas ng mga bangkay. Isa nga lang sa pinagtataka ko, kung nasa akin ang orihinal na diary ni Hanako. Paano nagkaron ng kopya ang isa sa kanila? Maari nga kayang dalawa ang diary niya? Mukhang ... impossible? Isa pa, hindi mapagkakatiwalaan ang nagbigay sa akin ng diary na iyon-si Blake. At isa pa, bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon? Ibig sabihin, hindi na talaga masusunod ang nasa diary? Dapat ... dapat ... ngayon lalabas ang bangkay ko. Dapat patay na ko ngayon. Halos hindi nga ako makatulog noong sabado't linggo ng gabi dahil dito. Bakit? "Sige, patayin nyo kong mga leche kayo! Subukan nyo lang!" sigaw na naman ni Abigail na ngayo'y halos katabi ko na at pinadidilatan ang lahat sa harapan niya habang si Clyde naman ay nasa likuran niya at pilit siyang pinipigilan. "Alam nyo, ang bobo nyo eh! Mula noon pa, mas pinaniniwalaan niyo yang mga ganyang trip. Ang bobo nyo talaga eh no?" Susugurin na sana si Abigail ng iba naming kaklase nang pumagitna ako sa kanila. Itinaas ko ang dalawa kong kamay sabay sigaw, "Umupo kayo! Ayusin natin to."

Page 321: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nakatingin lang ako sa kanila habang nananatiling nakataas ang dalawa kong kamay. Akala ko susunod sila katulad ng lagi nilang ginagawa ngunit kumabog ang dibdib ko nang narinig ko ang sabi sa isa sa kanila. "Bakit kami susunod sa isang wolf, aber?" Napalunok ako at para bang naubusan ng sasabihin. Wala lang akong ginawa roon habang nakatayo. Si Clyde ang nagpakalma sa mga kaklase namin at sa wakas, umupo rin sila at tumahimik kahit papano. Wala pa rin akong sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan. Wala na sa kontrol ang klase namin. Iba na ang laro. "For sure, drama lang ni Sapphire ang pagkakaospital niya. Patay na si Aislinn diba, ba't pa niya kasama? Psh. Baka ito ang plano nila noon pa, baka isa rin si Aislinn sa wolves," narinig ko ang malakas na bulong ng isa naming kaklase na nasa mismong harapan ko lamang at nakaupo. Nagtagumpay si Mr. Laketon sa kung ano ang gusto niyang mangyari. "Umupo ka muna, Raphael. Hayaan mong ako muna ang tumayo sa harapan at kausapin sila," nakangiting sabi ni Austin. Hindi na ko nagsalita at umupo na rin ako katulad ng ginawa nila Clyde at Abigail. Lumingon ako at natanaw ko si Spade na kahit na nagkagulo na kanina ay natutulog lang. Katabi niya si Luna na masama ang tingin sa harapan. Kailangan kong makausap si Blake mamaya. Magulo ang sitwasyon. Isa siya sa mga tao na maari kong mapiga para may malaman ako. Katulad ng pagpiga ko sa kanya patungkol kay Spade at sa pagkatao nito, isa na rin ang pagiging anak niya ni Mr. Laketon at ngayon, sigurado na ako na kaya naging pamilyar ang mga bata sa litrato na nakuha ko kay Sapphire ay dahil sa lalaking nandoon at sa dalawa niyang katabi. Si Spade, Hanako at Miaka. "Pag-usapan natin ngayon ang gagawin ng buong klase tungkol sa problemang ito, okay?"

Page 322: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko ng sinabi ni Austin ang mga katagang iyon na may malapad na ngiti sa mga labi, halata rin sa mga mata niya na may kakaiba talaga. Bakit parang nanlilisik ang mga mata niya? May biglang nagsalita noong pagkakasabi niyang iyon, si Luna. "Oo nga. Pag-usapan natin. Bakit hindi mo tawagin si Sir Buendia para mas marami tayong mapag-usapan, diba?" Hindi ko alam kung ano ang meron sa sinabi ni Luna at biglang nanlaki ang mga mata ni Austin. Anong meron naman kay Sir Buendia? "Hindi ba, mas matutulungan niya tayo para mas maging maayos ang pag-uusap natin?" muling sabi ni Luna habang nakapameywang at deretsong nakatingin kay Austin. "May alam ako na hindi nila alam. At sigurado akong interesado silang makinig. Gusto mo rin bang malaman, Austin?" Sa sandaling sinabi iyon ni Luna, automatikong nakuha niya ang atensyon ng lahat. Ano naman itong nalalaman ni Luna? LUNA'S POV Sa pagbaba ko ng taxi ay may namataan akong batang babae na kasama ang tatay niya. Masayang-masayang hawak ng tatay ang kamay ng anak niya habang naglalakad. Napapikit ako nang nanariwa sa isipan ko ang nakaraan. Ang masayang pamamasyal namin ng taong tinuring kong tatay noong bata pa ko. Ang tatay na ngayo'y nalaman kong isa sa mga dahilan kung bakit nangyari sa nanay ko iyon. Hindi niya mahal ang nanay ko, para sa kanya, isa lang kaming malaking problema na kanyang tinanggap para hindi mabahiran ang malinis nilang pangalan. Habang naglalakad ako ay muli naman pumasok sa isipan ko ang totoo kong ama. Ang walanghiyang 'yon. Nang nalaman ko ang katotohanan. Nang nalaman ko na siya pala ang may kasalanan ng lahat ng iyon pakiramdam ko'y biglang nagdilim ang paningin ko at ang tangi kong kagustuhan ay makapaghiganti. Nagtagumpay ako. Tama, tagumpay ako at tulad ng palaging nasa utak ko, ulan lamang ang saksi ng lahat ng iyon. Ngunit bukod sa ulan, may isa pang nakakaalam ngunit patay na siya ngayon. Patay na si Denise.

Page 323: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Buhat din noong nalaman ko mula kay Andy na ang stepdad ko ang isa sa mga sumulat ng pulang libro na iyon, hindi na ako nagulat dahil tulad ng Laketon, ganito rin ang Levesque. Mga sakim na mamayang walang ibang alam na gawin kung hindi paglaruan ang buhay ng mga taong nasa paligid nila. Deretso akong naglakad papunta sa loob ng isang kilalang fast food chain. Pagkapasok ko ay sandali akong tumayo at iginala ang mga mata ko para hanapin ang taong kanina pa ako hinihintay rito. Nang nakita ko siya ay agad na akong lumapit sa kinauupuan niya. "Bakit dito ka nakipagkita? Ang ingay. Nakakairita," wika ko sa kanya pagkaupo ko pa lamang. "Iyon nga eh, maingay at maraming tao. Ligtas tayong mag-usap rito," tugon naman niya habang nakangiti sa akin. Ang pinakakinaiinis ko sa kanya ay ang panggiti niya. Nakakaleche. Umirap ako sa kanya at nagwika, "Kilala ko na ang dalawa sa kanila. Kung tama nga ang sinasabi ng iba na kasama 'yung Miaka, mukhang tatlo na ang kilala ko." Humigop siya sa straw ng hawak ng drinks at inalok ako ng fries ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay habang naiinip na hinihintay ang sagot niya. Kailan ba niya matatandaan na wala akong panahon para sa mga walang kwetang bagay? Nakakaleche talaga. "Sino naman sila?" sabi pa niya sa pagitan ng pagnguya niya. Sa aming dalawa, mukha ako lang ata ang seryoso sa pag-uusap na ito. "Austin at Sir Buendia. Kakaiba na si Austin mula noong bumalik siya sa sinasabi niyang iniligtas daw niya yung babaeng kasama lagi ni Sapphire," sandali akong tumigil upang alalahanin ang pangalan ng babae, "Ah, Aislinn ata ang pangalan 'nun. Noong sabado rin habang iniisip ko ang lahat, biglaan kong naalala na nakita ko siya na kausap si Sir Buendia at narinig ko ang kaunti sa pag-uusap nila. Hindi ko pa alam na isa si Sir Buendia kaya wala akong inisip na iba. Kakaiba din ang reaksyon niya noong binanggit ko ang pangalan ni Sir Buendia kanina at agad niyang iniba ang pag-uusap-"

Page 324: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Teka, sandali lang, ibig sabihin halos banggitin mo na sa kanya kanina na may alam ka tungkol sa kanina?" halos masamid siya sa pagkakasabi niya 'nun. Tumango lang ako. "Ano ba? Bakit parang ginagawa mong-" "Ginagawa kong pain ang sarili ko? Tama ka, Andy. Iyan ang tangi kong naiisip. Gumawa ng pain at kapag kumagat sila, mas madali ng malaman kung sino sila," halos tumama ang katawan ko sa lamesa nang biglaan niyang hawakan ang magkabila braso ko at yanigin ako. Ano bang problema nito? "Delikado yan. Hindi mo ba naiisip ang mangyayari kung gagawa rin ng paraan si Mr. Laketon?!" "Pwede ba, huminahon ka. Para kang si tanga nyan eh," umirap ako bago nagpatuloy, "Hindi ako tanga para hindi maisip iyon. Handa ako at saka, tutulungan mo ko diba?" Nanliit ang singkit niyang mga mata habang tinitignan ako, "Tinatanggap mo na ang tulong ko?" Tumango lang ako. "Good!" at tumawa pa ang loko, "Sige, bago natin patayin si Mr. Laketon, ayusin muna natin ang klase mo." Nakatitig lang ako sa mukha niya noong sinabi niya iyon. Para bang ang saya-saya niya. Ano bang kasiya-siya sa sinabi ko? Akala niya siguro pinagkakatiwalaan ko na siya dahil sa tinanggap ko ang tulong niya. Psh. Imposible. Wala na kong mapapala kila Spade. Wala na si S-Sandria. At saka pa, mas magagamit ko tong si Andy, alam na niya ang lahat tungkol sa Laketon Academy, lahat ng mga sikretong lagusan sa eskwelahan at mga sikretong silid. Lahat iyon ay napag-aralan na niya mula noong pasukan pa lamang.

Page 325: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

At isa pa, alam kong hindi naman talaga gusto ni Andy na ayusin ang klase namin. Gusto lang niyang gawin ang hindi niya nagawa noon sa klase nila. Gusto lang niyang bumawi sa sarili niya. At gayun din naman ako. Gusto ko lang bumawi sa sarili ko-ang malutas ang hindi nalutas ni Denise. "Una, itong dalawang clues na iniwan ng mga killers," inabot niya sa akin ang isang bond paper na may dalawang laman na pictures. Ang una ay ang nasa bibig ni Celina, ang 'He lies, She died, He yearns and She remembers" at ang pangalawa ay ang 6^2(8)5^2. "Mahirap hulaan ang una dahil sa maaring maraming tao ang pwede sakto sa kung ano ang nakasulat dyan bukod doon sa 'She died'. Maaring ito iyong Miaka na sinasabi nila o si Hanako pero doon sa numero, may dalawa akong hula patungkol dyan, maaring patungkol iyan sa pangalan ng killers," wika ko sa kanya. "Kung tama nga't tungkol sa pangalan nila at dahil dun sa numbers ay mukhang lima sila. Bakit apat lang ang tinutukoy sa unang clue?" agad kong ihablot ang hawak niya at tinitigang mabuti ang dalawang clue. Tama nga, yung isa ... apat lang. "Paano kung ang tinutukoy na apat sa una ay may particular na pagkakapareho sa inyo o kaya yung isa ay naiiba?" sabi pa niya. Napaisip ako. Kung lima ang tinutukoy sa pangalawa, bakit apat na ang tinutukoy sa una? Mukhang maaring tama nga siya. Baka may kakaiba sa isa. "Mukhang iisa lang ang nasa isipan natin," dagdag niya, "Si Sir Buendia ang nawawala sa una." Muli ay tango ang tugon ko sa kanya habang mas iniisip pa ang mga bagay-bagay. Ibig sabihin, ang natitirang apat ay mga estudyante? "Ngayon alam nila na may alam ka, kailangan mo ng mag-ingat lalo na kay Sir Buendia," napatingin ako sa kanya ngunit hindi siya nakatingin sa akin nang sinabi niya iyon. Deretso lang ang tingin niya sa hawak niyang papel at may kung anong sinusulat roon. "Masyadong mautak yang teacher na 'yan," dagdag pa niya.

Page 326: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingala at nagtama ang mga mata namin, bigla siyang nagsalita, "May naalala ako. May nabanggit nga pala sa akin si Nurse Tin tungkol doon sa isang libro na-teka, ba't namumutla ka?" Umiling lang ako at umirap, "Sabihin mo na yang sasabihin mo. Tss," dagdag ko. "Ah, oo. Doon sa isang libro tungkol sa Laketon Academy, iisa lang ang kopya 'nun sa library at may isang pahina doon na talagang malaking ang magiging kawalan kay Mr. Laketon at maaring pwedeng ipang-blackmail o ano man iyon pero ... hindi namin alam kung bakit punit ang pahina na iyon." Isang punit na pahina sa isang mahalagang libro ng Laketon Academy? Sino naman kayang kukuha sa pahina na-Teka, ba't nandito siya? Sa di kalayuan sa kinauupuan namin, tanaw na tanaw ko si Tanga habang nakatingin sa akin. "Teka, namumutla ka talaga, may lagnat ka ba?" nagulat naman ako sa biglaang paghawak sa noo ko nitong si Andy. "Umalis na tayo rito. Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap. Isuot mo ang sombrero mo at itago mo ang mukha mo," sabi ko nang tumayo ako. Mabilis kaming naglakad ni Andy hanggang sa malagpasan namin si Spade na nakatayo pa rin doon. Sino bang nagsabi na pumunta siya rito? Psh. Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa akin kanina. Pagkatapos niyang ... tss. Nawawala ang pokus ko. Kailangan kong magpokus. Ngayon, buo na ang loob ko. Lalaruin ko ang larong 'to di katulad ng paglalaro ni Denise dati. Kung kailangan talaga ng pain ... gagawa ako ng pain at sinisigurado ko na kakagat sila. Ang kailangan na lang namin pagplanuhan ay kung kailan, kung sino at kung paano. SIR BUENDIA'S POV

Page 327: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Saka na tayo mag-usap Samantha," wika ko kay Sam habang pilit na umiiwas ng daan pero palagi niya pa rin akong hinaharangan. "Sir, sabihin nyo lang sakin kung san nagpunta si kuya Blake! Kailangan kong humingi ng sorry sa kanya. Alam nyo namang magalit na sakin ang lahat, wag lang si kuya Blake." Tinignan ko siya nang masama habang hablot siya sa balikat niya, "Saka ka na lang mangulit ng mga tao tungkol diyan. Uuwi na ako, wala tayo sa loob ng klase, hindi mo na ko teacher." Ngumiti siya, "Okay sir, ingat sa pagda-drive," nakakurba ang mga mata niya dahil sa lapad ng ngiti niya nang sinabi niya sa akin iyon. Umalis siya sa harapan ko at may sinamahan na mga estudyante, mangungulit lang iyon tungkol sa Blake na 'yon. Psh. Ano bang mabuti sa Blake na 'yon at bakit parang napakaimportante niya? Lalo na kay Hanako. Umuwi ako sa tinutuluyan ko at walang anu-ano'y dumiretso ako sa kwarto ko. Humiga ako roon habang isa-isang tinatanggal ang butones ng polo ko. Nakakapagod. Deretso lang akong nakatingin sa kisame at ilang sandali ay tumayo na rin ako para sana pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig ngunit sa paglabas ko ay nahagip ng mata ko ang pintuan ng kwarto sa tapat lamang ng akin. Ang kwarto ni Hanako. Lumapit ako roon at hinawakan ang doorknob. Pinihit ko ito at pumasok ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw. Ilang sandali ay naramamdam ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Ang kwarto ni Hanako ... ang kwarto niya. Ako ang nag-ampon sa kanya. Ako ang naglapit sa kanya sa Laketon Academy at ako rin ang dahilan kung bakit siya nakuha ng totoo niyang ama, si Mr. Garcia. Lahat ng iyon ay sabi ni Mr. Laketon. Ang pag-ampon sa kanya, ang pagsabi sa totoo niyang mga magulang-lahat. Pero bukod sa napalapit siya sa Laketon Academy ay napalapit na rin siya sa akin. Sa sobrang lapit ay handa kong itulak lahat ng lalapit sa kanya. Mabait si Hanako, hindi nakakapagtaka na may mga taong mamahalin siya. Hindi ko

Page 328: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

lang matanggap siguro dahil mula noong kinuha ko siya sa ampunan na iyon, ako lang ang taong nagpahalaga sa kanya at nagparamdam na importante siya. Pinunasan ko ang mga luha ko habang nakaupo sa kama niya at haplos-haplos ang mga unan nito. Naiinitindihan ko si Hanako noong una ko siyang kinuha dahil pareho lang kami. Laki ako sa ampunan, iniwan ng mga magulang-walang makakapitan noon kaya nang nakilala ko siya, para bang nakatingin lang ako sa dati kong sarili. Ginawa ko ang lahat para sumaya siya pero unang beses ko lang narinig ang hagikhik niya noong sandaling iyon, noong kasama niya si Blake pati rin ang mga ngiti niya sa tuwing kasama niya 'yung Raphael. Hindi ko pwedeng hayaan na makipaghati noon sa atensyon ni Hanako kaya ginawa ko ang lahat para maghiwalay sila at magbago ang tingin nila sa kanya. Yung pambubully sa kanya, yung pustahan, yung laro pati na rin yung kumalat na mga litrato namin. Nagustuhan ko ang lahat ng iyon dahil lang sa isang bagay-dahil ako lang ang nanatiling kakampi ni Hanako noong mga panahon na iyon, dahil ako lang ang nagpupunas ng mga luha niya at lalong dahil ako lang ang hinahanap niya. Si Kuya Edward niya, ang nag-alaga at nag-aruga sa kanya ng isa't kalahating taon bago pa man siya kuhanin ng kanyang totoong tatay. At ngayon, wala na siya. Napatingin ako sa side table kung nasaan ang isang nakataob na picture frame. Nang itaas ko ito'y isang litrato ng tatlong bata, si Miaka, si Hanako at yung tinatawag nilang Francis. Nanliit ang mga mata ko dahil sa galit. Agad kong tinapon ang picture frame hanggang sa tumama ito sa pader at ang tangi kong narinig ay ang pagbasag nito. Sila ang mga taong napakaimportante kay Hanako ... hindi ako pero ayos lang dahil ngayon, wala na talaga si Hanako. Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko upang sagutin ang tawag. "Oo, papunta na ko," tugon ko sa taong nasa kabilang linya. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY myrollingstar. Hi sayo! Naku, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa pati sa pagrecommend mo nito sa friends mo. Nakakatuwa na na-appreciate mo ang C3-CHAS book 1 and 2. <333 Thank you talaga and God bless! Love you too. :*

Page 329: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

JANUARY 2014. Tulad po ng sinabi ko na dati, medyo nadelay ulit ang paglaunch ng book 1 ng c3chas. January 2014 po ang release. Di ko lang mabago yung '2013' sa title ng c3chas dito haha. ENJOY PO! Thank you sa pagbabasa at kahit maaga, nais kong batiin kayo ng Happy New Year! Sana ay maging maganda ang pasok ng 2014 sa atin. "For the strength of the wolf is the pack and the strength of the pack is the wolf." -Unknown --------------------------------------------x SPADE'S POV SA PAG-ANGAT NG ULO KO'Y napaunat pa ko dahil sa sarap ng tulog ko. Di ko na rin alam kung pang-ilang tulog ko na to nitong araw basta nakabawi na ako ng tulog. Iba talaga ang feeling pag sa school natutulog, libreng aircon. Napansin kong nag-aayos na ng mga gamit ang mga kaklase ko kaya tumayo ako at ang una kong hinanap ay si Luna. Hindi ko rin alam kung bakit. Nitong mga nakaraan na araw, siya na lang lagi ang una kong hinahanap. Nasanay lang siguro ako. Psh. "Oy, Tuna." Bati ko nang umupo ako sa may harapan niya. Normal na reaksyon na para sa akin ang pagtingin niya sa akin tapos pag-irap. Sa sobrang normal, halos hindi ko na napapansin. Wala eh, pinaglihi talaga siya sa sama ng loob. Kapag ngumiti na 'tong babaeng 'to, baka end of the world na o kaya kapag susugod na ang mga zombies. Nyeta. Inaayos niya ang bag niya habang ganun pa rin ang mukha. Ilang beses rin akong napalingon sa paligid. Imahinasyon ko lang ba na kanina pa ako tinitignan ng buong klase? Grupo-grupo ang mga nagkalat sa buong classroom at kahit hiwa-hiwalay sila, ramdam ko talaga na ako ang tinititigan nila. Anong problema ng mga 'to? "Bakit sila nakatingin sa akin? Masyado ba akong gwapo ngayon? Sabihin mo nga Tuna, gumagwapo ba ako lalo?"

Page 330: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sa inaasahan ko, tinignan ako nang masama ni Luna ngunit may bago ngayon sa pagtingin niya, para bang nagtataka siya at para bang may iniisip na malalim kahit na nakatingin lang siya sa akin. Crush na ata ako nito eh. "Alam na nila," simpleng sagot niya. "Na ano?" napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Anong alam na nila? "Na isa kang wolf," at pagkatapos ay tinitigan na naman niya ako ngunit sa pagkakataong ito ... hindi na masama. Sabihin na lang na medyo nawala ang sama sa mga mata niya. Pero langya naman, bakit wolf? Mas tatanggapin ko pa ang pusa eh. "Naniniwala ka naman?" tanong ko sa kanya. Iniwas niya ang tingin sa akin at tinuon ang atensyon sa bag niya. Ilang sandali ay nagsalita na rin si Luna, "Oo. May problema ka 'dun? Kasama ka naman talaga eh? Diba?" Bigla akong nakaramdam ng inis. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang alam ko, sanay na ako sa ugali ni Luna na ito pero ngayon para bang may kung ano sa sistema ko na biglang nairita. "Ay oo nga pala, hindi mo nga pala ako kaibigan. Kami ni Sandria diba? Kaya hanggang sa mamatay si Sandria, hindi mo pa rin pinaramdam sa kanya yung gusto niyang pagkakaibigan," tuloy-tuloy kong sinabi na para bang ang bibig ko lang ang nagdedesisyon ng mga sasabihin ko. "At oo nga pala, kahit na ilang beses na pinaramdam sa'yo ni Sandria na gusto ka niyang maging kaibigan. Pilit mo pa siyang inilalayo sa'yo. Kasi ganyan kang klase ng tao, Luna. Wala kang pakiramdam." Tumayo ako. "Salamat sa pakikisama sa amin kahit na napipilitan ka lang," at ngumisi ako sa kanya.

Page 331: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Kinuha ko na ang bag ko na nasa desk ko lamang at lalabas na ng classroom nang narinig ko ang malakas niyang boses, boses ni Luna. "At ano sa tingin mo, magtitiwala ako sa'yo. Ikaw na anak ni Mr. Laketon?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa sinabi ni Luna kung hindi dahil sa reaksyon ng lahat ng nandirito pa sa classroom. Kung kanina ay madalas ang pagtingin sa akin ng lahat, ngayon ay halos hindi na sa akin maalis ang bawat titig nila. Narinig ko ang ilang bulungan. Pinagtitinginan pa rin ako ng lahat. Pakshet. Gulo 'to. Agad kong hinatak si Luna palabas ng room habang hawak na rin naman niya ang bag niya. Ilang beses siya nanlaban pero hindi ko binitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya hanggang sa nasa isang lugar na kami na tanging kaming dalawa lang. "Bakit kailangan mong sabihin yon?!" sigaw ko sa kanya. "Bakit kailangan mong banggitin ang pagkamatay ni Sandria?!" pabalik na tanong niya. "Langya naman Luna! Ito na naman ba? Sasagutin mo na naman ba ng tanong ang mga tanong ko?! Hindi mo ba alam na delikado ang ginawa mo?!" napahawak ako sa balikat niya. "Maari kang madamay pa. Magtataka sila kung bakit mo alam. Maghahanap sila ng sagot at siguradong may malalaman sila." "Katulad ng ... si Mr. Laketon at ang stepdad ko ang nagsimula ng laro?" nakatingin sa akin nang deretso si Luna nang sinabi niya iyon. "Alam mo rin 'yon?" tanong pa niya. Hindi ako nakapagsalita.

Page 332: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ilang sandali ay marahas na inalis ni Luna ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Kaya ko ang sarili ko. Sa susunod, wag kang magsasabi ng mga salita kung wala kang alam sa nararamdaman ko. Wala kang karapatan para sabihin na wala akong pakiramdam," isang mahinang suntok ang naramdaman ko sa may dibdib ko. Mukha siyang isang normal na babae na napapanood sa pelikula at nakikipag-away at naglalabas ng galit sa nobyo niya sa pamamagitan ng pagsuntok nang ganito. "Wala kang alam sa akin, Spade." Natulala lang ako hanggang sa umalis na siya sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag ang sunod kong naramdaman. Basta't atomatikong tumakbo ang mga paa ko at sinundan si Luna hanggang sa makasakay siya ng taxi. Hindi na ako nag-atubili at pumara rin ako ng taxi. Pinasundan ko ang taxi na sinasakyan ni Luna. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Hindi nakasunod ang taxi na sinasakyan ko sa taxi na sinakyan ni Luna kaya napagdesisyunan kong bumaba na lamang at maglakad. Wala rin namang kwenta kung susundan ko pa siya. Mukhang itataboy rin naman ako ng Tuna na 'yon. Hindi ko naman talaga sinasadya ang lahat ng sinabi ko. Pero tangina, ba't ganto ang nararamdaman ko? Bakit sinundan ko pa siya rito para lang magpaliwanag? Langya, hindi ako ganito. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis. Alam na ng buong klase na anak ako ni Mr. Laketon. Ang dapat ko na lang hintayin ay kung ano ang gagawin nila tungkol dito. Hindi. Mali. Hindi ako dapat maghintay. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Page 333: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Nakita mo ba 'yung kanina? Diba, si Luna 'yon? Yung killer daw sa school natin noon?" napatingin ako sa dalawang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang sikat na all-girls-school rito. "Totoo ngang sa Laketon na siya nag-aaral. Tsaka, akalain mo yun, pupunta ang isang Levesque sa isang fast food chain? Na may kasama pang lalaki ah? Hindi normal para sa kanya ang makipagkaibigan sa lalaki diba?" Namataan ko naman ang fries na hawak nila. Agad naman akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na branch ng kainan na iyon. Langya. Nag-aalala ako rito sa mga nangyari kanina tapos siya, kakain lang sa kung saan? Nakikipaglokohan ba sa akin 'yang Tuna na 'yan? Hinanap ng mga mata ko si Luna sa pagkapasok ko pa lamang sa loob ngunit nakaraan ang ilang minuto ay hindi ko siya makita. Hanggang sa umakyat ako sa second floor. Tama nga. Nandoon siya at may kausap pang iba. Nasa noo pa ni Luna ang kamay ng lalaki. Ano to? Tumingin sa akin si Luna ngunit agad naman niyang iniwas at tumayo na silang dalawa. Sa paglagpas niya sa akin ay hindi man lang ako nakapagsalita at ni hindi ko man lang nakita ang kasama niya dahil sa balot na balot ito. Muli ay hindi ko na naman naintindihan ang bigla kong naramdaman. Parang gusto kong ipasara 'tong fast food chain na 'to. Tss. Umalis na rin ako at naglakad-lakad na naman sa labas. Iniisip ko kung ano ba ang gagawin ko sa klase at sa nalaman nila, kung ano ang gagawin ko kay Miaka at sa pangako ko at kung ano ang gagawin ko kay Luna at sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Habang naglalakad sa isang eskinita na may iilang tao ay bigla naman ang pagring ng phone ko sa bulsa ko. Sinagot ko ang tawag ni Sapphire ngunit bago pa ako makapagsalita ay bumungad na sa akin ang hingal na hingal niyang boses na para bang hirap sa pagsasalita. "T-Tulungan mo ako. Muntik na akong patayin ni A-Abigail at ngayon ... nasa bahay pa rin siya."

Page 334: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanlaki ang mga mata ko. Tinanong ko agad kung nasaan siya. Agad naman niyang binigay ang address ng bahay nila kahit na medyo mabagal at halatang bumubulong lang siya. Binaba ko ang phone at papara na sana ng taxi nang may humablot sa braso ko. Biglaan ang nangyari. Sa isang iglap, may nakatapat nang kutsilyo sa leeg ko. RAPHAEL'S POV "Nay, nasaan si Gabriel?" pamungad na tanong ko sa nanay ko na nakahawak sa likuran niya na para bang nananakit. "Anong nararamdaman nyo 'nay? Masakit ba katawan nyo?" wika ko nang lumapit ako ngunit ngumiti lang si nanay at umiling. "Wag nyong namang pagurin ang katawan nyo nay. Sabi ko naman sa inyo na kaya kong doblehin ang trabaho ko para sa atin eh." Pumunta ako sa maliit kong kwarto at nagbihis. Masyadong maraming nangyayari ngayon sa Laketon katulad ng mga pinadalang mga litrato ni Mr. Laketon at ang pagkakadiskubre ng buong klase kay Spade bilang anak ni Mr. Laketon pagkatapos pag-uwi ko sa bahay, marami rin akong aalalahanin. Napakahirap. "Nay, di nyo po ba alam kung saan nagpunta si Gabriel?" tanong ko na naman kay nanay noong muli akong lumapit sa kanya at tulungan siya sa pag-uunab ng bigas upang maisaing. "Baka nasa bahay ni Kapitan, tumutulong kasi siya sa pag-aayos ng barangay hall anak," nakangiti na tugon ng nanay ko. Tumango lang ako at pinapunta na si nanay sa kwarto niya upang magpahinga. Pagkatapos kong magsaing at lutuin ang ulam, dederetso agad ako sa kwarto para mag-aral. Hindi ko dapat pabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa mga nangyayari ngayon.

Page 335: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nakatanggap rin ako ng text kanina galing kay Abigail kanina. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong ang tungkol sa bahay nila Sapphire. Ang tanging nasa isip ko lamang noong sinagot ko ang text na iyon ay maaring bibisitahin niya ito para sa mas mabilis na paggaling ng pilay niya sa paa at braso. At kasunod naman ng text na iyon ay ang pagtawag ni Samantha, tulad ng inaasahan ko, hinahanap na naman niya si Blake ngunit sa pagkakataong 'yon, para siyang nagmamadali na talaga. Ano naman kaya ang possibleng nangyari? "Nay, tulog na po ba kayo?" tanong ko sa nanay ko sa may tapat ng kwarto niya. Walang sumasagot kaya dumiretso na ako sa loob ng kwarto at pumwesto sa kama kung nasaan ang bag ko. Ilang sandali ay may bumukas ng pintuan sa labas. "Gabriel, kumain ka na lang dyan. Tulog si nanay." Pasigaw kong sabi ngunit wala akong nakuhang tugon sa kapatid ko kaya lumabas ako ng kwarto upang kausapin siya. Ang nakapagtataka, walang tao sa sala at bukas pa rin ang pintuan. Mukhang guni-guni ko lang ang lahat. Lumapit ako sa pintuan pero bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tagiliran ko. Isang matulis na bagay. Isang kutsilyo. Sa paglingon ko ay pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY ilovesuju06. Hi! *kaway kaway* naku, maraming maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta nitey lalo na sa ginawa mong recommendation through entry sa must read chu chu (di ko kasi alam ang tawag dun haha). Salamat po talaga sa suporta! God bless~ Thank you sa pagbabasa at paghintay ng updates. I know na medyo matagal pero please bear with it na lang. Busy sa school, sa family at sa kung anu-ano pa. If only kaya kong mag-update araw-araw, why not diba? Kaso di eh, lol. Babaaay! Thanks. =D "You only live twice:

Page 336: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Once when you're born And once when you look death in the face." ― Ian Fleming, You Only Live Twice --------------------------------------------x RAPHAEL'S POV "MAY NAGTANGKA ring pumatay sa akin," wika ko kay Spade habang nasa harapan niya ako. Napatingin ako sa buong klase. Naisip ko na maaring mangyari ito ngunit hindi ko naman inakala na ganito sila kikilos. Delikado talaga ang ginawa ni Mr. Laketon. Ngayon, seryoso na ang buong klase sa laro. "Nababaliw na tong mga kaklase natin. Mas pipiliin pa nilang patayin tayo para mabuhay. Ni hindi pa nga nila napapatunayan kung totoo ba 'yung mga 'yon. Tangina, ni hindi ko alam na may pictures na lumabas." Nakasimangot na sabi ni Spade. "Iyong lalaking 'yon ang tumutok ng kutsilyo sa akin," itinuro niya ang isa sa mga kaklase namin na dating barkada nila Cyrus. Napabuntong-hininga ako. Ni wala kaming magawa kahit na sobra na kaming pinag-iinitan ng buong klase. Sadyang tuso si Mr. Laketon. Alam na niya ang nasa isip ng bawat isa rito. Maaring dati ay walang pakialam at walang naniniwala sa larong iyan pero ngayon ay iba na. Napatingin ang lahat nang pumasok si Sapphire na iika-ika na halos hindi na makausad nang maayos sa paglalakad at nay benda pa ang isang paa at may mga galos ang mga braso. Umupo siya sa upuan niya na hindi nagsasalita. Nagulat naman ako sa biglaang pagtayo ni Spade at pagpunta sa kinauupuan ni Sapphire. Natahimik ang iba naming kaklase at ang iba naman ay nagbulungan na para bang may kung ano na naman ang naiisip. Sunod na pumasok ay si Abigail, Austin at Clyde nasa likuran naman nila si Luna na napatingin sa buong klase na para bang may hinahanap. Napako sa iisang lugar ang mga mata niya at iyon ay kala Sapphire at Spade saka siya dumiretso sa kinauupuan niya. Nagsimula ang klase na tahimik. Ito na ang pangalawang araw na pakiramam ko'y walang kwenta ang pagiging Presidente ko ng klase. Wala ng nakikinig sa akin. Wala ng sumusunod. Lahat kami na nasa mga litrato ay tinuturing nilang kaaway, ang mga lobo.

Page 337: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nakalipas ang dalawang subject at biglang nabakante ang pangatlo dahil sa wala ang teacher namin. Naiwan kaming lahat sa classroom. Walang umiimik. Wala na kong naririnig na magigiliw na tawanan at asaran hindi katulad noon na kahit may mga patayan ay tuloy pa rin ang saya sa klase. Ibang-iba na talaga. "Kailangan nating mag-usap ... lahat tayo." Napalingon ang buong klase kay Sapphire nang sinabi niya iyon. Kung dati ay punong-puno ng awtoridad ang boses niya at para bang ang lakas lakas niya sa tono pa lamang ay iba na ngayon. Para bang nag-aalangan siya sa sinabi niya at medyo mahina ngunit rinig naman ng lahat. "Anong dapat pag-usapan? Ang pagiging wolf nyo?" malakas na tanong na isa sa amin. "Unang-una, hindi ako isang wolf. Pangalawa-" naputol ang mga sasabihin ni Sapphire nang biglang tumayo si Abigail at nagsalita. "Wag mo kaming lokohin Sapphire. Paano kami maniniwala sa'yo? Eh kung ikaw ang kapatid ni Hanako?! Akala mo, maitatago mo ha? Wala kang maitatagong sikreto sa klase natin, Sapphire." kitang-kita ang pagkagulat ng buong klase. "Paano kami maniniwala sa'yo kung may litrato na kasama mo si Aislinn? At paano kami maniniwala sa'yo kung lahat ng ito ay dahil rin naman sa'yo? Muntik na akong maawa sa'yo eh, muntik na kong makuha doon sa pakiusap mo na huwag ka naming iwan ni Clyde pero mukhang nagkamali ako, Sapphire. Nagpapaawa ka lang ba ngayon? Nagpapabango ka lang ba ng pangalan? Sa kalagayan mo ngayon, pinapakita mo lang ba sa amin na mahina ka at impossible kang maging wolf?" "Masyado kang maraming sinabi, Abigail. Ako naman, may itatanong sa'yo." Wika muli ni Sapphire. "Bakit ka nasa bahay kagabi? Bakit mo pinagtangkaan ang buhay ko? Wolf ka di'ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Page 338: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dahil marahil sa galit ay biglang tumakbo si Abigail sa kinauupuan ni Sapphire at kung hindi siya napigilan ng kaibigan niyang si clyde ay maari niyang nasabunutan at nakaladkad si Sapphire. "Ganyan ka na kadesperada Sapphire?! Ano yang sinasabi mong pinagtakaan kitang patayin? Hindi ko kailanman magagawa iyon! Kahit kailan wala akong ginawa na katulad ng mga pinagagagawa mo!" "Tama na, Abi!" sigaw ni Clyde sa kanya ngunit ayaw talagang papigil ni Abigail. "Nagsisinungaling ka pa Abigail! Talaga lang ha? Baka hindi pa nila alam ang tungkol sa iba mang pagitingin kay Sir Buendia. Tama ako, di'ba? Kaya ayaw mo rin kay Hanako noon dahil sa koneksyon niya kay Sir Buendia. Dahil naiinggit ka. Dahil mahal mo ang teacher natin." Ano bang 'tong nangyayari? Ilang minuto ang nakaraan at para bang nanghina ang mga tuhod ni Abigail at napaupo siya roon. Agad akong napatayo upang tulungan si Clyde sa pagpapakalma sa kanya. Nagsimulang umiyak nang umiyak si Abigail. Kung ganon ... totoo? Wala siyang ginawa at sinabi man lang. Basta, umiyak lamang siya nang umiyak. Pinatayo siya ni Clyde at pinaupo sa upuan niya. May tumayo na isa naming kaklase at pumunta sa harapan. Napayuko siya habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa habang karamihan naman ay nakatingin lang sa kanya. Isa siya sa mga kaibigan ni Sapphire dati. "Sa totoo lang, ayoko ng nangyayari sa klase. Nagkakawatak-watak na tayo. Para saan pa ba ang laro kung hindi naman tayo nagkakaisa? Pero pano pa nga ba tayo magkakaisa kung nasa atin rin naman ang mga kalaban?" tumingin siya sa akin. "Naiintindihan mo naman Raphael di'ba?" Siya ang taong tumutok sa akin ng kutsilyo. Kung hindi lang ako nanlaban at kung hindi lang dumating si Gabriel ay baka napuruhan na ko 'roon.

Page 339: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Gusto ko lang mag-suggest. Alam kong walang aamin na wolf. Alam nating nagsimula ang lahat ng ito kay Hanako at sa kanya rin naman siguro magtatapos. Nagsimula ang lahat sa pustahan nila Cyrus at sa laro, di'ba?" Naalala ko muli ang pustahan nila. Ang katuwaan para kala Cyrus. Ang mapaibig si Hanako at makuha ang gusto nila. Noong una, tutol ako 'ron pero wala rin akong nagawa. Sumakay ako sa plano. Kinaibigan nila sa simula si Hanako pati na rin si Miaka na palagi niyang kasama noon. Hanggang sa ako ang nahulog sa kanya. "Gusto ko sanang sabihin na tutal nandirito na, mag-set tayo ng isang araw. Gabi. Dito mismo sa Laketon Academy. Isang laro para sa ating lahat. Alam rin naman natin kung saan matatapos ito at sa totoo lang, tanggap ko na. Wala na tayong kawala. Alam naman natin ang kapit ng Laketon sa pulisya at sa iba't-ibang ahensya. Alam na alam nating lahat iyan." "Pwede bang straight to the point na lang? Ang dami mong paligoy-ligoy, leche," inis na inis na sabi ng isa sa amin. "Iyon nga, isang laro. Para malaman kung sino ang wolves. Sabihin na nating, sa gabing iyon matatapos ang lahat," wika pa niya. Madaming hindi sumang-ayon. Madaming natatakot at madaming naduduwag. Nagtalo-talo sila habang pinipilit ng iba ang tama para sa kanila at ang iba ay ganun rin naman. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan silang nagsisigawan. Hindi pupwede iyon. Mas maliit ang tyansa na may mga mabubuhay. Kailangan mag-isip pa nang mas magandang paraan ngunit ano? Natahimik lang ang buong klase ng pumasok ang teacher namin para sa susunod na subject. Pagkatapos ng huling klase bago man lang ang recess ay lumalapit ako kay Sapphire. Nakaupo lamang siya roon. Walang kasama. Hindi katulad dati na napapaligiran siya ng marami. Napantingin siya sa akin a ngumiti.

Page 340: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Gusto mo?" inaabot niya ang sandwhich na mukhang baon niya at sa pag-abot niya ng kamay niya ay nakuha ang buong atensyon ko ng suot niyang itim na pulseras. Itim na itim na para bang gabi. Mukhang napansin niya ang pagtingin ko 'ron. "Ah. Ito ba? Bigay sakin ni Hanako ito noon. Matagal ko na ring suot ito. Mula noong na-realize ko na sobrang sama ko sa kanya. Na dapat ay pinatawad ko siya at hindi ko sinisi kung bakit nagkaganon ang pamilya namin." Pumailalim ang tingin niya na para bang biglang nalungkot, "Kung bakit mas mahal at pinapahalagahan siya ni Daddy kaysa sa akin." Tumango lamang ako at umupo sa katabi niyang upuan. "May binabalak ako, Raphael. Kailangan ko ng kooperasyon mo at kung maari, pati ang iba. Yung iba na alam mong mapagkakatiwalaan talaga. Tapusin na natin 'to." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Tumango lang ulit ako saka tumayo, "Aalis muna ko. Mamayang uwian, mag-usap tayo tungkol dyan. Kilalang-kilala ko ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan sa klase." Bago ako lumabas ay muli akong lumingon sa kanya, "Totoo bang may pilay ka?" Ngumiti lamang siya pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang pinag-aaralan ang mukha niya. Mapagkakatiwalaan naman si Sapphire, di'ba? Tuluyan akong umalis upang bumili sana ng pagkain at kausapin si Blake. Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko namang binuksan ang text message. Sa pagkabasa na pagkabasa ko palang ay napatingin na agad ako sa paligid ko. Biglang kaba ang sunod kong naramdaman. Muli kong binasa ang text message. Sender: Unknown number Message: Paano kung malaman din ng buong klase ang nangyari sa inyo ni Hanako. Ang pagbubuntis at pagpapalaglag niya ng anak nyong dalawa? Tulad nila, ng mga pinagbibintangang wolves, mas titindi pa ang katibayan laban sa'yo. Binabantayan kita Raphael, mag-ingat ka.

Page 341: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napalunok ako. Muling nanumbalik ang lahat sa isipan ko. Ang pustahan nila. Ang nangyari. Ang dahilan kung bakit ako lubos na kinamumuhian ni Hanako. Nahulog ako sa kanya at gayon din naman siya. Isang gabi ... isang gabi na hindi ko makakalimutan. Ilang beses man akong humingi ng tawad kay Hanako, hindi niya ako pinatawad. Ginusto namin iyon, sa totoo lang. Ngunit hindi ko inasahan ang magiging resulta. Halos patayin niya ako sa isipan niya kaya bumalik muli siya kay Blake. At ang dahilan kung bakit niya ako binigyan ng puting rosas ... kung bakit labis niya akong kinamumuhian. At kung bakit isa ako sa mga taong nakalagay sa diary niya. May ibang nakakaalam. Hindi. Hindi pwedeng malaman ng buong klase ang tungkol sa bagay na iyon. Muli kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko. Isa na namang text message. Sender: Unknown number Message: Kung gusto mong dalhin ko hanggang sa hukay ang sikreto nyo ni Hanako, ang sikreto ng matalino, masipag at akala mo'y napakabait na taong tulad mo ... kailangan mong sundin ang mga kundisyon ko. Kailangan mong mag-isip, Raphael. Wag kang magpapadala. Kailangan ko ng umisip ng matinong paraan para maayos 'to. Tulad ng sinabi niya ... matalino ako, kaya kong makaligtas sa kung ano man 'to. Muli kong naalala ang sinabi ni Sapphire. MIAKA'S POV "Ingatan mo si Aislinn. May binabalak na si Austin," pagbabanta ko sa kanya.

Page 342: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilibot ang loob ng kwarto niya. Ilang sandali ay nilapitan ako ni Kuro at hinagod-hagod ang ulo niya sa may paa ko. Bahagya akong umupo upang haplusin siya. "Miaka, hanggang kailan ka susunod kay Sir Buendia at sa babaeng 'yon?" nakatingin siya sa akin nang para bang isang ama na nakatitig sa kanyang anak. Ngumisi ako, "Hanggang sa mamatay ako." Hindi siya nagulat sa sagot ko bagkus ay humiga siya sa kinauupuan niyang kama habang nakataas ang dalawa niyang kamay. "May pinaplano rin sila Sir Buendia kay Mr. Laketon. Kasama ka ba 'ron?" tanong niya. "Oo. Lahat tayong lima ... kasama. Ikaw ba? Kakampi ka pa rin ba namin?" tanong ko habang nakadungaw sa bintana ng kwarto niya kung saan ko natatanaw ang labas. Napako ang tingin ko sa isang lalaki na nakatayo sa may poste at nakatingala sa amin ... deretso sa kinatatayuan ko. Mukhang nakikita niya ako. "Hindi ko alam. Gusto kong tapusin ang ginagawa nyo. Gusto kong sabihin sa buong klase ang tungkol sa atin pero hindi ko alam kung iyon ba ang tama. Hindi pa ko nakakaisip ng paraan para matapos na 'to at mailigtas ko siya ... kami," tugon niya habang nakahiga pa rin at hindi gumagalaw roon. Umalis ako sa kinatatayuan ko at umupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga habang si Kuro naman ay nasa mga hita ko at dinidilaan ang mga kamay niya. "Madali lang. Gamitin mo si Aislinn at kontrolin nyo si Austin." Naramdaman ko ang biglaan niyang pagtayo sa kinahihigaan niya at tumingin sa akin gamit ang mga mata niyang iyon. Mukhang natataranta siya ngayon. Malayo sa ugali niya. "Delikado. Ayaw kong isugal ang buhay ni Aislinn." "Mas delikado kung itatago mo siya hanggang sa matapos ang laro. Hindi ba may gusto kang iligtas? Hindi ba may pinoprotektahan ka?" lumapit ako sa

Page 343: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

kinauupuan niya. Tinignan ko siya sa mga mata at ngumisi ako, "Matagal na tayong sumusugal. Kailangan mo ng isugal lahat ng taya mo." Hindi siya nakagalaw. Ni hindi ako nakarinig ng kahit isang salita sa kanya. Tila ba'y hinahabol din niya ang kanyang hininga. "Sumusugal na ang buong 3-C. Siguro akong may mga kanya-kanyang plano ang bawat isa o grupo. Ikaw ... akala ko ba gusto mong tapusin 'to sa gusto mong paraan. Akala ko ba, sumama ka lang sa amin para pigilan ang lahat. Bakit hindi mo subukan ang sinabi ko o kaya bakit hindi ka kumuha ng ebidensya laban sa ating lahat? Marami kang pwedeng gawin." Tumayo ako at humarap sa kanya, "Natatakot ka lang talaga." Muli kong naramdaman ang paglapit ni Kuro. "Bakit mo ako tinutulungan? Bakit nyo hinahayaan na kasama pa rin ako sa grupo kahit na alam nyong traydor ako?" muli niyang tanong. "Simple lang. Para sa akin, wala akong pakialam. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sila gumagalaw laban sa'yo ... o baka may plano na rin sila?" nanlaki ang mga mata niya. "Hindi kami tanga. Hindi kami pumasok sa larong 'to para matalo mo, matalo ng 3-C o kahit matalo ni Mr. Laketon." Yumuko ako sapat para magkaharap ang mga mukha namin. "Kung madideklara ka ng laban. Handa ako. Pero hindi ko alam kung magiging kakampi mo ako o kalaban. May mga gusto pa akong patayin na natitirang buhay ngayon. Wala pa sa plano ko ang tumigil," muli akong tumayo nang tuwid. "Mauna na ako. Salamat sa pagbibigay sa akin ng panahon para makausap si Aislinn." Lumabas ako ng kwarto niya habang karga ko si Kuro at tuloy-tuloy na sa labas. Sa paglabas ko ay muli kong nadatnan ang lalaki na nakatayo sa may poste. Tinitigan ko lang siya at saka naglakad na palayo. Mukhang pamilyar siya. Kung siya man 'yon, hindi ko alam na buhay pa pala siya.

Page 344: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

--------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - JAN 26, 2014. Sa mga patuloy pang nagtatanong, bukas po ila-launch ng book ng c3chas. Iniimbitahan ko kayong dumalo sa event ng psicom sa Market Market. Ilang months man nadelay, ay ito na talaga, ipa-publish na. Sa mga nagtatanong din kung saan mabibili at kailan magiging available sa mga book stores, wala pa pong info about dyan. Ayun. Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa! <3 Alam kong matagal ang updates, pasensiya, inaasikaso ang pagpublish ng c3chas at busy pa po sa academics. Comments would be highly appreciated. Salamaaat! =D "Sheep can befriend a hungry wolf only for briefly." ― Jim Butcher, Changes --------------------------------------------x BLAKE'S POV HAWAK-HAWAK ko ang isang puting rosas sa kanan kong kamay. Nakatingin ako ngayon sa lupa kung saan nakahimlay siya-si Hanako. Anim na talampakan sa ilalim ng lupa. Inihagis ko ang puting rosas sa simpleng lapida na pinagawa ko para sa kanya, dito mismo sa bakanteng lote sa likuran ng bahay namin. "Mahal na mahal kita, Hanako," bulong ko habang pinagmamasdan ang lapida niya na mayroon ng higit sa sampung puting rosas dahil sa araw-araw kong paglalagay rito. Matagal kong pinagmasdan ang libingan niya bago ako humakbang palayo. At isa lang ang nasa isipan ko, ang pagkamuhi ko rin sa kanya. Ang galit ko kay Hanako. Sa lahat ng nagawa niya, hindi ko alam na masasabi ko pa na mahal ko siya. Nakilala ko siya noong first year student siya at second year ako. Kalagitnaan ng school year. Sa library, walang klase dahil sa culminating activity. Pumunta ako roon dahil sa wala na kong ginagawa para sa program at gusto kong magpalipas ng oras. Pagbabasa ng libro ang pagpapalipas ng oras para sa akin at doon ko nakita ang isang babae na tahimik na nakaupo sa pinakadulong lamesa sa malaking library. Alam ko na ang pangalan niya sa simula palang. Nakikita ko na ang files niya lalo na sa computer ni Mr. Laketon kaya alam kong interesante siyang tao. Kilala ko na siya mula pa noon, bago ko pa siya lapitan at biglang nagsalita sa harapan niya ng isang line ng leading man noong mamamatay na

Page 345: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ang kanyang leading lady sa nobelang binabasa niya noong mga panahon na iyon. Tumingala siya at sinabi, "Wala pa ko sa part na iyon. Gusto kong humingi ka sakin ng sorry, spoiler ka." Napangiti niya ako ng sandaling iyon at araw-araw na kong bumabalik sa library sa tuwing free time ko. Madalas ko siyang naabutan lalo na 'nung simula noong second year siya, nang tumitindi ang pambubully sa kanya. Kailangan niya ng kaibigan, ang sabi niya. Kailangan niya ng makakapitan. Gumulo lang ang pangyayari. Nang nalaman ko ang tungkol sa pustahan nila Austin, Cyrus at Raphael mula pa noong first year sila. Hanggang sa nabuntis siya, pinalaglag niya. Nagkaroon siya ng ibang karelasyon. Noong nalaman ko ang tungkol roon, para bang gusto ko silang pataying dalawa ni Raphael. Hindi ko akalain na kaya sa aking magawa ni Hanako iyon. Isa pa ang nangyari patungkol kay Sir Buendia, masyado silang malapit sa isa't-isa. Ni hindi ko alam kung tanging tatay at anak lang ang turing nila sa isa't-isa dahil sa pag-ampon nito sa kanya. Nagagalit ako kay Hanako dahil sa lagi niyang paglilihim sa akin. Ang tungkol sa pagiging anak niya ni Mr. Garcia-ang lahat. Tuloy-tuloy na ang paghakbang ko palayo hanggang sa makapasok na ko sa bahay namin. Halos napatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Samantha. Nakangiti siya sa akin katulad ng palagi niyang pambati sa akin. Imbis na lapitan siya ay dumiretso ako sa hagdanan upang pumunta sa kwarto ko. "Kuya Blake naman eh!" narinig kong sigaw niya kasabay ng mabibilis niyang mga hakbang. At sa inaasahan ko, naabutan niya ako. Agad niyang pinalupot ang bisig niya sa braso ko. Hindi ko iyon inalis at hinayaan lang siya sumama sa akin hanggang sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ay agad siyang umupo sa kama at nagtatalon doon. Tumingin ako sa kanya at napailing ako. Kahit kailan, isa lang siyang bata na walang ibang alam gawin kung hindi magpakasaya-kung iyon man ang ibig sabihin ng kasiyahan para sa kanya. "Alam mo, kuya Blake, nakita ko ulit si kuya Ash. May kasama siya isang hindi ko kilala na babae pero parang pamilyar ang mukha tapos kasama niya rin si kuya Philip," hindi na ako nagulat sa sinabi niya at tumango lamang habang umuupo sa may study table ko. "Sabi ko na nga ba, alam mo kuya eh. Bakit nga ba hindi sa'yo ipapaalam ni Mr. Laketon, di ba?" nakangiti niyang sabi. Hindi mo lang alam, Sam, may isa pang buhay sa kanila. "By the way, galit ka pa rin ba sa akin kuya Blake?" naramdaman ko ang paglapit niya sa akin ngunit nanatili pa rin akong nakatingin sa malayo. "Sorry na, akala ko matutuwa ka eh. Hindi ba, mas nakakatulong ako sa'yo nito? Para naman may magawa ako na ikasisiya mo." Napangisi ako sa sinabi niya. Ikasisiya ko? O ikasisiya niya-yung taong kinamumuhian ko? Lumingon ako kay Sam, "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka sa inyo."

Page 346: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Isang malakas na tawa ang narinig ko kay Sam. Napatayo ako sa reaksyon niya at tinitigan lang siya na nagtataka. Anong meron sa reaksyon niya? "Sa tingin mo, hahanapin ako ni Daddy? Sana nga noh?" tumigil lang siya sa kakatawa nang tinignan ko siya nang masama. "Okay, naiintindihan ko," wika niya habang papalapit sa pintuan. Binuksan niya iyon ngunit bago humakbang ay narinig ko ang seryoso niyang boses. "Darating ang araw na ikaw ang magmamakaawa sa tulong ko, kuya Blake." Sinarado na niya ang pinto at narinig ko mula sa kinatatayuan ko ang magiliw niyang boses na kausap ang isa sa mga katulong namin. Napailing ako. Hindi ko kailangan ng ganung klaseng tulong, Sam. Tumayo ako at lumapit sa isang table sa sulok ng kwarto ko. Kinuha ko ang nakapatong na krus na bakal roon. Napangiti ako. Ang bakal na ito ang tanging magandang pabor at ginawa niya para sa akin. Inilapag ko muli ang krus na bakal sa lamesa at kinuha naman ang papel na nasa tabi nito. Ang huling pahina galing sa diary ni Hanako. Ang pahina na tungkol sa akin. Isa ako sa mga gusto niyang patayin. Nakakatuwa naman at sa huli pa talaga ako. Siguro, balak ni Hanako na siya mismo ang pumatay sa akin? Sa sarili niyang nobyo. Hawak-hawak ko ang papel hanggang sa umupo ako sa kama. Mula sa kinauupuan ko, rinig na rinig ko ang ingay sa baba. Narinig ko ang pangalan ng tatay ko, ang totoo kong tatay. Mukhang binabati siya ng mga nagdaraan na katulong. Itinago ko ang papel sa ilalim ng unan at agad na pumwesto sa may study table upang magkunwari na may ginagawa. Hindi ako nagkamali, ilang segundo ang nakaraan at bumukas ang pintuan. "Oh, andyan ka pala," wika ko sa kanya. Hindi siya tumugon sa bati ko at sinarado niya ang pintuan. Tumingin ako sa kanya at may kakaibang ngiti ang nakaporma sa mga labi ng tatay ko. Ito ang parehong ngiti noong nakita niya akong papalapit sa kanya-noong hawak-hawak niya ang baril na ginamit niya sa nanay ko. Parehong ngiti noong pinasok niya ako sa Laketon Academy at ang parehong ngiti nang pinakilala niya si Spade sa akin bilang anak niya na hindi man lang sinasabi ang totoo kong papel sa buhay niya, ang totoo niyang anak. "Gusto kong maghanda ka. Mananalo tayo sa laro ... anak." Napangisi ako sa narinig ko. Ilang buwan na rin mula noong tinawag niya akong anak. At lalong napangisi ako dahil sa isang bagay, gusto kong ipanalangin na nagkakamali siya. Gusto kong matalo siya muli at alam kong malaki ang posibilidad na mangyari iyon. Matatalo siya muli. Kung hindi man mayroong matira sa mga rabbits ay pupwedeng mas mauna siyang mamatay kaysa sa section na pilit nilang ini-eliminate mula pa noon.

Page 347: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ilang buwan ang ginugol para maintindihan ko ang rules of the jungle. Hindi dahil sa mahina ako umintindi kung hindi dahil sa masyadong malapad at hindi gaano maiintindihan kung para saan ba ang laro. Wala kasing direktang nakalagay sa libro sa kung ano ang pakay ng laro, ano ang mga mapapal ng wolves at kung ano ba talaga ang dulot nito. Ngunit mukhang tama ang inisip ko mula pa noong umpisa. Ang rules of the jungle ang tanging paraan kung bakit nagtagal ang Laketon Academy noon. Ang nakikinabang sa laro ay hindi ang wolves kung hindi ang lahat ng namamahala sa Laketon, ang grupo na bumuo sa Laketon Academy kung saan ang angkan ko ang nagsimula. "Tignan mo mamaya ang website. Kapag nakita ng mga killers 'yon, alam ko na ang iisipin nila. Gusto na nilang tapusin ang laro, alam ko." Tumingin ako nang deretso sa kanya, "Iyan lang ba ang gusto mong sabihin? Iyan lang?" nakasimangot kong sabi ngumit isang ngiti lang ang tugon niya bago siya nagsalita. "Hindi mo pa ba ako kilala? Syempre, meron." Ngumisi siya. "Sabi ko nga, maghanda ka." SAPPHIRE'S POV Lumapit ako habang deretsong naglalakad papalapit kay Aislinn na nakatitig lang sa bintana ng kwarto na kinalalagyan niya. Bago pa ako makalapit nang tuluyan ay napatingin ako sa mga paa ko. Napangiti ako sa naisip ko at tinuloy ang paglalakad. "Sapphire, kailan mo sisimulan ang plano?" Napatigil ako at nagsalita, "Basta, sasabihan kita." Lumingon siya sa akin at niyakap ako. Nanlaki naman ang mga mata ko. Mukhang may iniisip ang kaibigan ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin na para bang naiiyak siya. "Malapit ng matapos. Sisiguraduhin ko, Sapphire," tumango siya na para bang kinukumbinsi ang sarili niya. Ngumiti ako sa kanya. "Oo, Aislinn, matatapos na ito. Kayang-kaya natin. Maglalaro tayo nang patas, nang walang daya." Walang anu-ano'y lumapit si Aislinn sa dulo kung nasaan mayroong isang lamesa. May kinuha siya roon at agad na lumapit sa akin upang iabot ang isang nakatuping papel. Tinanong ko sa kanya kung ano iyon. "Wala kang part sa diary," mukhang kay Hanako ang sinasabi niya. "Pero may nakaipit raw na sulat para sa'yo. Gusto ko lang ibigay."

Page 348: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Inabot ko ang binibigay niya at agad kong binasa dahil sa kuryusidad ko. Napalunok ako sa mga una palang na mga salita. Hindi ko natapos ang pagbabasa at hanggang sa may gitna lang ako. Nagmamadali kong binulsa ang sulat. Itinaas ko muli ang kamay ko at hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala ang mga kuko ko sa daliri. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Aislinn na itulak ang kamay ko pababa. "Lagi na lang kita binabawalan dyan sa mannerism mo," wika niya sakin kagaya ng lagi niyang ginagawa noon. Tumingin sa akin nang deretso si Aislinn habang ako ay iniiwas ang mata ko sa mga mata niya. "Paano mo nagawa iyon kay Hanako, Sapphire? Pasensiya ka na kung binasa ko ang sulat pero Sapphire, ganun ka ba kalala talaga noon? Pati ba naman iyon? Sa totoo lang, hindi ko talaga akalain na tama ang mga sinasabi noon ni Abigail. Na ikaw ang pumatay o nagtangkang pumatay kay Miaka tapos ngayon ... ito? Sapphire, nagbago ka na ba talaga?" Noong pagkasabi na pagkasabi ni Aislinn iyon, para bang kusang kong naalala ang ang araw ng pasukan. Ang araw kung kailan nakitang nakabigti si Hanako sa classroom. Ang araw na nakatingin lang ako sa kanya at walang ibang nagawa kung hindi kagatin ang mga kuko sa daliri ko. Noong mga panahon na iyon, iniisip ko ang pag-uusap namin sa rooftop bago pa man mag-announce na magkakaroon ng opening assembly. Halos nagmakaawa siya noon sa akin na ayusin namin ang lahat lalo na kaming dalawa, na sa kasamaang palad ay magkapatid sa ama. Hindi ko siya maintindihan noon. Napakahina niya. Ayaw ko sa lahat ng mahihina. Ayoko lalo sa kanya dahil sa noong dumating siya, parang wala na ako sa paningin ni Daddy. Siya na ang importante na par bang siya lang ang tanging anak niya. Galit na galit ako kay Hanako dahil sa inggit. Basta-basta na lang siyang pumasok sa buhay namin tapos sa sandaling pagpasok niya, sa kanya na ang lahat ng atensyon ng pamilya namin. Kinawawa namin siya sa school. Hindi ako nambubully talaga ng kahit sino mula pa noong pumasok ako sa Laketon, nakikipag-away, oo, pero wala akong binubully-si Hanako lang talaga. Dahil sa malaki ang galit ko sa kanya. Dahil sa dahilang gustong-gusto kong pumalit sa pwesto niya. Napakadaya. Dahil pa sa pambubully naming iyon, mas lalong dumami ang nagmamalasakit sa kanya. At dahil doon, mas lalo akong nagalit sa kanya. Mas pinapakita lang niya sa akin na mahina siya at ang kaya lang niyang gawin ay dumipende sa iba at umiyak na lang sa isang tabi. Minsan, gusto kong lumaban siya sa amin. Gusto kong itulak niya ako at pagsalitaan na masama. Gusto kong ipakita niya sa akin na deserve niya lahat ng nakukuha niyang atensyon sa bahay, kala Daddy at sa mga tito at tita namin pero kahit kailan ay hindi ginawa ni Hanako iyon. Umiiyak lang siya at kapag nakauwi na siya sa bahay, kakatok siya sa pinto at hihingi ng sorry kasi nagalit daw ako sa kanya sa school. Naiinis ako tuwing ginagawa niya iyon. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko. Pakiramdam ko, napakabuti niya. "Sapphire, ano ba, kanina pa kita kinakausap."

Page 349: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bumalik ako sa sitwasyon noong narinig ko ang boses ni Aislinn. Nakatingin pa rin siya sa akin ngunit medyo may kalayuan na ang kinatatayuan niya. "Pasensiya na, lumipad lang ang pag-iisip ko." "Nag-iba ka na, Sapphire." Muli akong napatingin sa kanya noong sinabi niya 'yon. Nagbago? Ako? "Mahina ka nang magsalita. Hindi ka na palaging nakapameywang at nakataas ang kilay. Nagsasabi ka na ngayon ng 'pasensiya na' sa sincere na pamamaraan. At iba na ang aura mo. Kahit papano, nagbago ka na." Napangiti ako sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok siya at agad na dumiretso sa kinatatayuan namin at sinabing- "May bagong announcement si Mr. Laketon sa website ng Academy." --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED TO Eljey_Olega. Gusto ko talaga magpasalamat nang bongga sa nakakaspeechless mong message sa mb ko about sa review mo sa c3chas. Grabe, nakakaspeechless talaga yun hahahaha. Maraming salamat talaga lalo na't pinagpatuloy mo ang pagbabasa hanggang dito sa book 2. God bless. <3 Endgame: The part of the game (Chess) where the King should come out and fight (with fewer pieces left on the board). Salamat sa pagbabasa. Mwahuuuugs. :* "Once the game is over, the king and the pawn go back in the same box." ― Italian Proverb --------------------------------------------x MIAKA'S POV NADATNAN ko ang lahat sa sala noong pagkababa ko. Agad kong nakita na tumakbo si Kuro papalapit kay Sir Buendia. Napangisi ako.

Page 350: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Nabasa mo ba?" Umiling ako, "Hindi. May nakapagsabi lang sa akin." Ang tinutukoy niya ay ang biglaang anunsyo ni Mr. Laketon sa website patungkol sa isang malaking event na mangyayari sa Laketon Academy sa mga susunod na araw. Ang alam ko, wala sa plano niya ang tungkol sa event na iyon ngunit anong masamang hangin ang nalanghap niya at mukhang nagbago ang isip niya? "Kakaiba siya. Nararamdaman kong sinasadya ni Mr. Laketon ang desisyon na iyon. Sa pagkakaaalam, ayaw niya sa ideya na iyon. Ayaw na ayaw niya sa malalaking event na gaganapin mismo sa school. Bakit niya gagawin iyon? Lalo na't ilang linggo na lang ay sembreak na?" wika niya habang nakapameywang. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang itim niyang pulseras. Ang pulseras na galing kay Hanako na ninakaw lang naman niya mula sa taong totoo nitong pinagbigyan. Mang-aagaw. Ngunit may isang bagay na gusto kong agawin niya mula kay Hanako kaso hindi niya nagawa at mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin niya magawa. "Baka may gusto siyang iparating sa atin. Isa nga itong magandang pagkakataon para mag-isip tayo ng plano," wika ni Sir Buendia. Tumango ako habang umuupo. Sa totoo lang, wala akong masyadong maisip ngayon. Hindi ko alam na guguluhin ang pag-iisip ko sa taong iyon. Ang alam ko, patay na talaga siya. Paanong nabuhay si Andy Fajardo ng dating 3-C? At bakit nasa labas siya ng bahay ng kasamahan ko? Hindi kaya, alam na niya ang katauhan namin? "Paano kaya kung doon natin isagawa? May plano ako," biglang sabi ni Austin na kanina pang tahimik at para bang may gumugulo rin sa kanya. Nakakapagtaka dahil sa tuwing may ganitong klaseng pag-uusap, siya ang palaging aktibo. "Ako rin, may plano." Dagdag pa ng isa naming kasama na kanina pang pinaglalaruan ang itim na itim na beads ng kanyang pulseras at nakangiti sa amin. Napangisi ako. May nararamdaman akong iba sa mga ito. "Sige, sabihin nyo upang makapagdesisyon tayo," sabi pa ng isa sa amin na katabi ko lang. Inilapag niya sa mesa ang hawak niyang juice box at tila ba masyadong malaki ang tiwala sa sarili na nakangisi sa aming lahat. May kakaiba talaga at mukhang alam ko na. Habang nag-uusap sila tungkol sa plano ay hinahagod ko ang balahibo ni Kuro. Wala na rin akong masyadong pakialam sa kung paano nila ito balak gawin basta ang akin, matapos lang itong lahat para makasama ko na si Francis, sa habang-buhay-sa kamatayan. Magiging maayos na rin ang lahat. Magiging tahimik na rin ang mundo naming tatlo, ni Hanako, ni Francis at ako. Napatingin ako sa peklat ng paso ng krus na bakal sa may balikat ko. Muli kong naalala ang krus na bakal na iyon, alam ko kung nakanino ito ngayon.

Page 351: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napatingin ako sa kanya, sa kumuha nito at agad naman akong napaiwas ng tingin nang tinignan niya ako nang matalim. "Alam ko ang lahat ng lagusan sa Academy. Ang mga sikretong silid pati na rin ang kung anu-ano pang mga sikretong basement. Alam ko ang lahat," nakuha ang atensyon ko sa sinabiui ni Sir Buendia. Isa lang ang alam kong sikretong basement sa Laketon, ang pulang silid. Ang silid kung nasaan nakasabit ang mga ginawa kong itim na mga manika. Ang pulang pader ng silid na iyon, gusto ko muling makita. Bukod sa isang sikretong basement, alam ko rin ang dalawang sikretong lagusan sa Laketon. Ang isa'y patungo sa high school building habang ang isa naman ay sa bagong gymnasium. "Magiging magarbo ang event na iyon. Sigurado akong naghahanda na ngayon palang ang mga estudyante at lahat ng bumubuo sa Laketon. At ito talaga ang pinakamagandang pagkakataon para matapos ang laro. Gagawa tayo ng napakalaking pasabog na pag-uusapan ng lahat ng tao sa buong kamaynilaan," dagdag pa niya. "Paano kung may anong gawin si Mr. Laketon sa gabing iyon? Hindi natin alam ang nasa utak ng matandang iyon," wika ni Austin. Tama. Dapat handa rin kami. "May masasabi ka ba Miaka?" tanong ni Sir Buendia. Napatingin ako sa kanya at umiling. Kung gumagawa na kami ng plano, paniguradong may gumagawa rin ng plano laban sa amin at iyon dapat ang pagtuunan naming ng pansin ngunit mukhang mas interesado sila sa kung ano ang gusto nilang gawin kaysa sa mga bagay na mas dapat intindihin. "Alam nyo ba ang tungkol sa librong ito?" wika ni Sir Buendia habang may hawak na makapal na libro. Kulang berde ito at mukhang pormal ang disenyo sa harapan. "Nandito ang lahat ng pangalan na sumali sa rules of the jungle. Nandito lahat ng namatay, lahat ng pinalabas na nawawalang bangkay pati na rin ang iilan na nabuhay. Nandito lahat ng records ng school tungkol doon ngunit may isang punit na pahina at importante ang laman 'nun." "Ano iyon? At gaano yan kaimportante para sabihin mo pa sa amin?" tanong ko. Ngumiti si Sir Buendia, "Nandoon lang naman ang lahat ng pangalan ng mataas na opisyal, mga sikretong miyembro ng grupo ng Laketon. Mga senador, mga matatas na pulis, mga matataas na tao sa lipunan at nasa pahina na rin iyon ang halaga ng mga pera at kung anu-ano ang kontribusyon nila sa Laketon. Mga nakaw at illegal na pera." Natahimik kaming apat sa sinabi niya. "Ibig sabihin, kapag naisapubliko ang pahina na iyon, maaring ipasara ang Laketon sa isang iglap lang at magkakagulo ang lahat," dagdag pa ni Sir Buendia. Ang susi para pagbagsakin ang Laketon Academy at kung anu-ano pang business nito. Pffft. Kailangan pa ba 'nun?

Page 352: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumayo ako at humarap sa kanila, "Pupunta lang ako sa taas." Humakbang na ako palayo at tuloy-tuloy sa kwarto ko sa taas. Umupo ako sa kama. Noong una kong nakita si Mr. Laketon, ilang taon ang nakakalipas, akala ko'y napakabuti niyang tao. Sa ngiti niya noon sa aming tatlo nila Hanako-akala ko itatakas na niya kami sa impyernong iyon. Ngunit hindi pala ganun. Hindi pala siya katulad ng iniisip ko. Inilayo niya si Francis sa amin. Naalala ko pa ang pag-iyak ko noong hinahatak niya si Francis palabas ng gate ng ampunan. At noong ayaw talaga ni Francis, biglang lumapit sa kanya ang mga kasama ni Mr. Laketon na mga naka-itim at kinarga siya papasok sa kotse niyang itim. Galit na galit ako sa kanya 'nun. Noong nawala si Francis, lalong nagpatuloy si Mang Arthur sa pagkulong sa mga bata sa madilim na silid na iyon. At sa tuwing may maririnig akong umiiyak sa gabi, naalala ko si Francis at kung paano namin siya sunduin sa madilim na kwarto habang may hawak kaming kandila ni Hanako. Yung mga panahon na nakikita namin siyang nanginginig sa takot dahil sa dilim, yung mga panahon na sana ay hindi nawala para wala kami sa sitwasyong ito. Sana walang ganitong nangyayari ngayon. Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa ulo. Hinawakan ko ang ulo ko gamit ang dalawa kong kamay. Napakasakit. Habang nanlalabo ang paningin ko ay inabot ko ang botelya na naglalaman ng gamot na iniinom ko. Uminom ako ng dalawang piraso. Ikinulong ko ang ulo ko sa pagitan ng dalawa kong tuhod habang nakaupo sa mismong gitna ng kama. Hawak ko pa rin ang ibabaw ng ulo ko at ilang sandali ay mas lalong lumala ang sakit na nararamdaman ko. Tumindi ang pagkakahawak ko sa ulo ko. "Miaka, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa may pintuan. Si Austin, hawak niya si Kuro. Lalapit sana siya sa akin ngunit tinaboy ko siya palayo habang sumisigaw ako, "Walang kang pakialam! Umalis ka!" Mukhang nagalit siya kaya agad siyang bumaba. Lumapit naman si Kuro sa may ilalim ng kama at humiga roon. Hindi ko sila kailangan. Si Hanako. Si Hanako lang ang magpapaalis ng nararamdaman ko. Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Sa paglingon ko, ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin. "Francis.." LUNA'S POV

Page 353: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hingal na hingal ako napaupo sa kama ko pagkagising na pagkagising ko palang. Masyadong nakakatakot ang panaginip ko-ang pagkamatay ko. Alalang-alala ko pa ang nangyari bago ako nagising. Isang kutsilyo ang tatapos sa buhay ko sa panaginip kong 'yon at ang may hawak ng kutsilyo si ... Spade. "Ma'am, may bisita ho kayo," sigaw muli ng katulong namin Napatingin ako sa orasan, 10:38 pm. Sino ang magiging bisita ko sa ganitong oras? At wala akong kakilala na nakakaalam ng address ko o kaya may gana na pumunta man lang sa bahay namin. Dahil sa totoo lang, si Denise lang ang tanging nakatapak sa bahay namin. Tumayo ako at dumiretso na sa labas. Nakasalubong ko ang tatay-tatayan ko at sumimangot lang ako sa kanya. Pumwesto ako sa gilid ng hagdanan at sinilip ang taong nasa sala sa unang palapag. Bakit nandito ang taong 'to? Anong ginagawa ni Spade sa bahay namin? "Mukhang may kaibigan ka na ah?" sabi ng tatay-tatayan ko. Leche, di ko kailangan ng opinyon niya. Umirap ako sa kanya at tumuloy na sa baba. Tuwing nakikita ko ang tatay-tatayan ko, palagi kong naalala na kapatid niya ang gumahasa sa nanay ko, na kinupkop lang niya kami dahil sa ayaw niyang madungisan ang pangalan ng mga Levesque at dahil para sa kanya isa lang kaming responsibilidad at ang isa ko pang naalala ay isa siya sa gumawa ng Rules of the Jungle na iyon. Nakakahiya siya. Nakakasuka na makasama ang tulad niya sa iisang bahay. At mas lalong, nakakasakal. "Bawal ang tanga rito. Umalis ka na," pamungad ko kay Spade. Ngunit tumingin lang siya sa akin. At may kakaiba sa tingin niya. Napaatras ako. Ano to? Bakit ganito kung makatitig ang taong 'to? Anong problema niya? "Bingi ka ba? Ang sabi ko, umalis ka na." Pero parang wala pa rin siyang naririnig at nanatiling nakaupo roon. Kaya wala na akong nagawa kung hindi umupo sa sofa na katapat ng inuupuan niya. "Oh sige, anong kailangan mo?" Bumuntong-hininga siya bago nagsalita, "Mahirap mang sabihin ito at sobrang nakakababa ng sarili. Hindi ko naman gusto dumating sa puntong ito na sobrang ikakahiya ko pa ang pagpunta sa inyo at aabalahin ka tapos hindi naman sa-" "Pwede bang huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa? Nakakatanga ka talaga eh." Napasinghap siya. Naiinis siya? Pwes mas naiinis ako. Naiinis ako sa ginawa niya, sa mga sinabi niya. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa ngisi niya. Naiinis ako

Page 354: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

sa boses niya. Naiinis ako sa postura niya. Naiinis ako sa gulo-gulo niyang buhok at mas lalong naiinis ako sa paghilik niya tuwing natutulog siya sa klase. "Sige, sorry! Sorry na! Sorry sa mga sinabi at ginawa ko! Ayan!" Napairap ako sa sinabi niya. Talagang siya pa ang galit eh. "Yun lang? Umalis ka na." Tumayo na ako pero nanatili pa rin siyang nakaupo at muling tumitig sa akin. "Tapos ka na di ba? Umalis ka na." Ilang ulit ko ba siya papaalisin bago man lang siya makinig sa akin? "Hindi mo ba tatanggapin ang sorry ko?" sa pagkakataong ito, malumanay na siyang nagsalita. Bumuntong-hininga pa ang tanga. At sa unang pagkakataon, nagkaroon ng epekto sa akin ang sinabi niya. Mukha nga totoo siyang humihingi ng sorry. "Ayoko sa lahat ay yung humihingi ng patawad pero sige, tinatanggap ko. Pwede ka na bang umalis?" umirap muli ako sa kanya. At sa ilang sandali ay bigla kong naramdaman na para bang may dumagan sa katawan ko na napakabigat. Bigla niya akong niyakap. Kumakawala ako sa pagkakayakap niya ngunit mas dinidiin pa niya ang sarili niya sa akin. Saka ko lang naamoy si Spade, amoy siyang alak. "Wag kang gumalaw. Steady ka lang." Sa sinabi niyang iyon, hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo lang nang tuwid at hayaan siyang yakapin ako. Nakakaleche. Ang baho. Ilang segundo ang nakaraan at sa wakas ay kumalas na siya sa pagkakayakap. Napatitig lang ako sa kanya. "Sige, mauna na ko Tuna. Good night. Wag tulo laway." Napakunot ang noo ko habang tinitignan siyang umalis. Napatingin ako sa may inupuan niyang sofa saka ko namataan ang isang brown na envelope. Agad akong lumapit roon at kinuha ito. Lalabas sana ako para maihabol kay Spade ang naiwan niya ngunit naagaw ang atensyon ko nang nabasa ko ang isang sticky note na nakadikit roon. Tuna, ibigay mo ang envelope na ito sa media pagkatapos ng dalawang linggo. Importante na gawin mo iyon sa sinabi kong panahon. Sana buhay pa tayo sa panahon na iyon. Mag-iingat ka palagi. -Tanga At ang nakakainis, may pirma pa niya.

Page 355: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hinawakan ko nang mahigpit ang envelope at dumireto sa kwarto. Ang tumatak sa isipan ko ay ang nakalagay sa note na 'Sana buhay pa tayo sa panahon na iyon'. ASH'S POV "Long time no see, pre." Nanlaki ang mga mata ko nang narinig kong may nagsalita sa likuran ko habang naglalakad ako sa pauwi. Hindi ko na kailangang lumingon sa kanya. Kilala ko na siya sa boses palang niyang iyon ngunit paano? Sigurado akong patay na si Andy. Tulad ng inaasahan ko, pumunta siya sa harapan ko habang nakapamulsa. Kapansin-pansin ang benda sa may leeg niya. Medyo pumayat siya, iba ang pagkakagupit ng buhok niya ngayon ngunit siya nga talaga si Andy, ang dating best friend ni-Denise. Mas lalong naningkit ang singkit niyang mga mata habang tinitignan ako. "Kamusta na sa impyerno?" Napasinghap ako sa inis at naipinta sa labi ko ang isang ngisi. "Nag-eenjoy pre. Sama ka?" tugon ko. Isang ngisi din ang tugon niya, "Nakakatuwa na nagkita na rin tayo Ash. Nakakatuwa na nakita ko ang taong pumatay kay Denise." Nanlaki ang mga mata ko. "Nagulat ka na alam ko? Psh. Ash, talagang aalamin ko." Napayukom ang mga kamao ko. Naiirita ako sa ngisi ng taong 'to. Anong gusto niyang iparating? "Bakit ka nandito? Papatayin mo rin ba ako katulad ng ginawa ko sa babaeng mahal mo?" ngumisi muli ako. "Ah! Ako nga pala ang mahal niya-hindi ikaw." Ang inaasahan ko ay magalit siya katulad ng palagi niyang reaksyon noon tuwing kinokonpronta niya ako tungkol kay Denise pero imbis na sugurin ako ay ngumiti siya at nagsalita. "Gusto kong makausap ka nang pribado." "Mukha bang hindi pribado itong pag-uusap natin ngayon?" tugon ko. Tumawa siya. Lang'ya, di ako nagpapatawa. "Sige, gusto ko lang malaman ang dahilan mo sa pagpatay kay Denise pati na rin sa klase." Para saan pa? Nakikipaglokohan ata itong taong 'to eh.

Page 356: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Minahal mo si Denise di ba? Bakit mo siya pinatay?" Muli, napayukom ang mga kamao ko ngunit pinigilan ko ang sarili sa pagmumura dahil sa inis. Pinakalma ko ang sarili ko bago man lang tumugon. "Anong alam mo sa nararamdaman ko? Kung ganyang kawalang kwenta ang itatanong mo. Aalis na ko," humakbang na ako palayo at ilang sandali ay may naramdaman akong matalim na bagay sa tagiliran ko. May hawak na kutsilyo si Andy. Nasa likuran ko siya at mahigpit niyang hawak ang balikat ko. Hindi ako handa, wala akong ibang dala kung hindi wallet ko. Tangina naman oh. "Sumagot ka," wika niya na punong-puno ng lakas. "Hindi ko minahal si Denise. Pinatay ko siya dahil gusto ko. Masaya ka na?" tugon ko sa tanong niya. Hanggang sa narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa, "Akala ko magaling kang magsinungaling, Ash. Pero sa simpleng tanong na ito, halatang puro kasinungalingan ang lumabas sa bibig mo." Inalis niya ang pagkakahawak sa balikat ko pati rin ang nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko. Muli siyang nagsalita, "Pinatay mo siya dahil iyon ang utos sa'yo. Pinatay mo siya dahil kasama iyon sa plano. Pinatay mo siya kasi mas mahal mo ang sarili mo habang si Denise ay ikaw lang ang iniisip. Pinatay mo ang unang babae na hindi ka handang iwan." Napakagat ako sa labi dahil sa inis. Sa sobrang galit. Mas diniinan ko ang pagkakakagat ko dahil sa sunod niyang sinabi. "Pero mahal mo siya, hindi ba ang totoong plano ay patayin na siya doon palang sa nasusunog na gusali? Pero anong ginawa mo ... sinalo mo ang bala na para sa kanya. Mahal mo siya Ash. Mahal mo si Denise." Paano niya nalaman ang lahat ng ito? Ah tama, si Nurse Tin. Siguradon akong si Nurse Tin ang tumutulong sa lalaking 'to. Sino pa nga ba? Psh. "Kung totoo man lahat ng sinabi mo, para saan pa yan? Patay na si Denise. Isa na lang siyang malamig na bangkay. Wala na siya. Wag na tayong maglokohan tungkol sa lintik na pagmamahal na iyan. Wala ng kwenta, Andy." Hahakbang na ako palayo nang bigla na namang nagsalita si Andy. Putangina, ang daldal. Kanina pa ko naiirita. "Bumalik ako para itama ang lahat. Hindi man para sa klase natin pero sa bagong 3-C. Kilala ko na ang killers sa kanila. Alam na namin ang gagawin namin." Napangisi ako. Talagang tanga si Andy hanggang ngayon. "Oh ano ngayon?"

Page 357: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Gusto kong maghanda ka dahil pagkatapos nito, ikaw naman ang aasikasuhin ko. Hustisya Ash, mangingibabaw ang hustisya." Pumaibaba ang tingin ko at ilang sandali ay lumingon ulit ako sa kanya-deretsong nakatingin kay Andy. "Hustisya. Kalokohan. Namatay ang nanay ko ng walang hustisya, namatay si Yuko na hindi man lang kami pinarusahan, namatay ang buong klase ng wala man lang kahit anong progreso sa tambak-tambak na kaso na pinaparatang nila sa isang walang kaalam-alam na serial killer at ngayon, mamamatay rin sila nang walang hustisya. Tanggapin mo na Andy, minsan lang kumatok ang hustisya sa buhay ng lahat at kapag kumatok ito, huli na ang lahat." Natahimik siya sa sinabi ko. Alam ko ang iniisip niya, sigurado akong nasa isip niya na hindi pa huli ang lahat. Sigurado akong iyon ang gusto niyang sabihin ngayon at kahit papano, naniniwala ko. Kaya nga gagawin ko iyon. Kung huli man ang lahat para sa klase namin, para sa aming dalawa ni Denise. Hindi pa huli ang lahat para sa sarili ko. Gagawa na ako ng paraan para maayos ang buhay ko. Huling palabas. Huling kasalanan. At unang pag-asa para sa akin. "Hanggang sa muli, Andy." Ang huli kong sinabi bago lumakad palayo. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY SmileBackAtMe. Hi Aye! Sobrang thank you sa patuloy na suporta. Sobrang pamilyar na ng name mo sakin eh wahaha. Sa twitter, sa fb pa kaya tinanong ko username mo kasi medyo makakalimutin ako sa username. Ayun, thank you talaga. God bless. Ito, hindi na joke yung 'You' sa dedication. XD (at sa sandaling ito, ayaw magpadedic ni watty, walang lumalabas sa name lol) HALLUCINATION. Ang pagkakita ni Miaka kay Francis noong uminom siya ng gamot ay hallucination lang. Napapansin nyo naman siguro na sa tuwing umiinom siya, nakikita si Hanako at kung anu-ano. Iyon po kasi ang epekto ng gamot sa kanya kaya palagi siyang nagkakaron ng hallucination lalo na pag tungkol kay Hanako. Thank you sa pagbabasa. <3 Comment your opinions at kung anu-ano. Pasensiya kung di nakakareply, inactive sa wattpad eh. Ayun. Salamat uli. "He lies."

Page 358: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

--------------------------------------------x RAPHAEL'S POV HINDI mapakali ang lahat habang nakapila ang buong high school students ng Laketon Academy dito mismo sa loob ng gymnasium. Ginulat ni Mr. Laketon ang lahat sa inilagay niya at inanunsyo niya- ang tungkol sa isang malaking event na ilang taon na ring hindi pinagdidiwang. Ang mas nakakapagtaka, maglalaan pa siya ng isang gabi dito mismo sa Academy para sa isang engrandeng party. Pumunta sa harap ang isa sa mga matataas na posisyon sa eskwelahan at may hinandang malaking screen para sa projector. Pumwesto siya sa gilid habang nakatayo nang tuwid at ilang sandali ay nag-play na ang video. Nakita namin doon sa video si Mr. Laketon na nagsasalita. Ang sinasabi niya ay ang tungkol sa plano niya lalo na ang tungkol sa party, kung kailan ito, kung ano ang dapat abangan dito at kung anu-ano pa. Ngunit biglang nag-iba ang nasa harapan naming lahat. Naging itim muna ang buong screen hanggang sa nag-play ulit ito. Si Mr. Laketon pa rin ang nakit namin. Ngunit iba na ang sitwasyon sa video, may kasama na siya at nakatali si Mr. Laketon sa isang upuan habang naka-blindfold. Nakasuot ng maskara ang kasama niya sa video. Isang maskara na pati ang buhok hanggang sa batok at sakop. Nakasuot rin siya ng makapal na jacket at mayron siyang hawak na ... malaking kutsilyo. Napakunot ang noo ko sa sumunod na eksena. Habang tahimik na nakaupo si Mr. Laketon ay ginagala ng nasabing tao sa likuran niya ang kutsilyo sa leeg ng Presidente ng eskwelahan. Agad na nagsibabaan ang ilang admin at staff na nasa stage upang itigil ang video ngunit bago pa nila nagawa iyon, nasaksihan na namin ang paggilit sa kanyang leeg. Agad na nagkagulo sa loob ng gymnasium. Madaming hindi mapakali. Madaming nagtataka. Madaming sumisigaw at mayroon din namang mga estudyante na hindi pa rin makaalis sa kinatatayuan nila at tanging pagtitig lang sa malaking screen ang nagagawa-katulad ko. Hindi ko lubos maipasok sa isipan ko ang nangyari, ang nasaksihan ng lahat. Namatay na si Mr. Laketon? Sino ang gumawa nito? Napatingin ako kay Blake. Nasa may gilid lang namin sila at tulad ko, nakatayo lamang siya. Ngunit ang pagkakaiba, nakangiti siya. Sinong anak ang mapapangiti kahit na nakita niya sa mismo niyang harapan ang pagpatay sa sarili niyang ama? Lumapit sa amin si Sir Buendia at sinabing, "Dumiretso na kayo sa classroom. May meeting na magaganap. Maari na kayong umuwi kung gusto nyo." Humihingal siya at halatang nagulat rin. Pinapila ko muli ang buong klase ngunit sa inaasahan ko, karamihan ay hindi sumunod sa akin. Para sa kanila, hindi na ako dapat pagkatiwalaan pa. Ngunit tulad ng sinabi ni Sir Buendia, dumiretso ang 3-C sa classroom.

Page 359: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

*** Tahimik sa loob at wala ni isang balak magsalita. Tumayo ang iba sa amin at hinanda ang mga gamit nila, mukhang uuwi na. Masyadong mabilis ang nangyari. Sino naman kaya ang may pakana 'nun? Bakit kailangang sa harap pa ng lahat ipakita ang nangyari? Napalingon ako kay Spade na nakatulala sa hawak niyang lapis at iniikot-ikot ito sa kanan niyang kamay. Ilang beses rin siyang napapakagat sa labi at para bang ilang sandali ay mapapaluha siya. Nagsialisan ang iba at iilan na lang kami na natira dito sa loob hanggang sa lumapit sa akin si Sapphire na iika-ika pa rin. Kumunot ang noo ko. Halata na umaarte lang siya ngunit bakit? "Itutuloy pa rin ang plano. Sigurado akong hindi iuurong ang party." Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan talaga ni Sapphire at iyon ang naisip niyang plano. Delikado. Paano kung maunahan kami? Paano kung mapahamak siya? Lumapit sa amin si Luna habang naka-halukipkip. Kahit na parang ganun pa rin ang mukha niya katulad ng dati nitong reaksyon. May kakaiba ngayon. Mukhang hanggang ngayon, gulat pa rin siya. "Seryoso ka ba, Raphael sa sinabi mong plano?" Napatingin sa akin si Sapphire na para bang tinatanong na kung bakit si Luna ang pinili ko. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin habang ako ay tinuon muli ang pansin ko kay Luna na naghihintay ng sagot. "Mukha ba akong palabiro?" Umirap siya. "Siguraduhin mong gagana yan. Gusto kong manalo at isa pa, hindi porket sasali ako sa plano mo ay kakampi nyo na ako. Hindi ako lubos na nagtitiwala sa'yo lalo na sa kanya," at tumingin siya kay Sapphire. "Ayoko sa mga umaarteng kawawa. Siguraduhin mong yang kaartehan mong pilay ay may mararating kung hindi lulumpihin kita." At pagkatapos na sabihin ni Luna iyon ay umalis siya. "Sa lahat ba naman ng kaklase natin, siya pa ang napili mo?" nakataas pa rin ang kilay na sabi sa akin ni Sapphire. Tahimik ko lang na inayos ang gamit ko at tumayo na rin. Hindi ko pinansin si Sapphire bagkus ay napatingin ulit ako kay Spade na nakadukdok sa desk niya. May bilang na mga estudyante na nasa may dulo ng classroom at mukhang tulog rin. Umalis na ko sa loob ng classroom at napagdesisyunan na umuwi na lang para tignan si nanay na may sakit ngayon. Malapit na ang party. Ilang araw na lang at sana maging maayos ang lahat. Para sa pamilya ko, hindi ako susuko sa larong ito. Pagkalabas ko ay nasalubong ko ang iilang teachers na papunta sa kabilang daan kung nasaan ang iba pang mga offices. Nagbubulungan sila. Napahinto

Page 360: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ako nang may dumaan muli na iba pang staff at sa pagkakataong ito, narinig ko na ang sinabi nila. Na kinagulat ko rin. "Hindi ko alam na nag-aaral pala dito ang nag-iisang anak ni Mr. Laketon. At ngayong wala na si Mr. Laketon, sa kanya ibibigay ang buong Laketon Academy kapag nasa tamang edad na siya! Napakaswerteng bata!" Tulad ng reaksyon ko kanina sa gymnasium, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sino sa kanila? Si Spade o si Blake? MIAKA'S POV Nakatingin lang ako kay Sir Buendia habang ang iba naman ay nakaupo rin katulad ko. Nandito kaming lahat sa pulang silid, na isang sikretong kwarto sa loob ng Laketon Academy. Kung bakit kami nandirito ay mukhang alam ko na. Dahil sa nabalitaan kong patay na si Mr. Laketon. Hanggang sa oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala. Masyadong mabilis. Wala man lang kung anong pasabi. Hindi sa grupo namin nanggaling ang video ngunit maari rin na sa amin. Maaring may personal na balak ang isa sa amin o kaya may ibang plano ang isa sa amin upang magawa iyon. Sa sitwasyon ngayon, mukhang magiging magulo ang plano. "Tuloy pa rin ang plano na sinabi ni Austin dahil tuloy pa rin ang party. Sa party na iyon, ia-anunsyo rin ang magiging Presidente ng Laketon, isang estudyante. Mapapasakanya ang lahat ng kayaman kapag nasa tamang edad na siya." Napasandal si Sir Buendia sa pulang pader na may bakas pa ng dugo. "Nakakapagtaka na nangyayari ang nakaraan. Ito rin ang dahilan kung bakit naging Presidente si Mr. Laketon. Batang-bata rin siya noon nang namatay ang tatay niya at dahil sa nag-iisa siyang anak, sa kanya napunta lahat ng negosyo at kasama na doon ang eskwelahan." Pumaibaba ang tingin ko. May nararamdaman akong kakaiba sa mga nangyayari. Itinaas naman ng katabi ko ang kamay niya na akala mo'y sasagot sa klase. Muli kong napansin ang suot niyang pulseras. May kung anong kamalditahan ang nasa ekspresyon ng mukha niya ngayon katulad ng madalas niyang aura. "Nagkataon lang siguro at isa pa, nakita na raw ang bangkay ni Mr. Laketon." Ngunit mukhang naghalo ang pagtataka at kung ano man na reaksyon sa mukha niya. "Ang kaso, mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang pwedeng makalapit sa burol. Yun ang balita ko."

Page 361: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Paano kaya kung ang bagong tagapagmana ang dukutin natin para masimulan ang gagawin sa party? Hindi ba ... mas maganda iyon?" wika ni Sir Buendia pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Hindi! Hindi pupwede. Dapat yung sinabi ko lang. Siya lang," sabi ni Austin na para bang kinakabahan masyado. Kakaiba talaga siya. Napatingin ako sa isa naming kasama nang tumayo siya. Lumakad siya paabante at mukhang lalabas. Sinundan ko naman siya. Nang lumabas siya sa pinto at paakyat na sa mahabang hagdanan pataas sa Room 101-A. "San ka pupunta? Umuulan sa labas. Wala kang payong di ba?" Lumingon siya sa akin. "Nagsend siya ng text. Pinapapunta niya ako sa bahay nila. Mukhang may problema siya." Ngumiti ako. "Si Abigail?" Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad na lang siya muli paakyat. "Clyde!" Lumingon muli siya. "Aabangan ko ang plano nyo. Alam ko na. Mabuti at ginawa mo iyon. Basta siguraduhin mo na mamamatay ang dapat mamatay. Isa na siya 'dun." Ngumiti siya, "Ililigtas ko ang lahat." Pagkasabi niya 'nun ay nawala na siya sa paningin ko. Huli na Clyde, sumunod ka lang sa agos. Marami ng namatay. Huli na para gumalaw ka. Nagpakaduwag ka. Wala ng magagawa ang kabayanihan mo ngayon. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY LittleMissCupid. Hi! Naku, maraming maraming salamat po sa pagbabasa at sa comment mo sa last chapter which is parang pag-analyze sa story at kung sino ang mga killers. Maraming salamaaat sa patuloy na pagbabasa! *Huuugs* MALAPIT NG MATAPOS. Below 60 chapters na lang po ito. Sana matapos ko na agad. Sobrang busy po sa school dahil sa finals. Sana maintindihan nyo. =D ABOUT KAY CLYDE. Pakibasa ang C21: Hidden Agenda. Doon ko talaga nilagay ang clues lalo na about sa Hidden Agenda niya sa group. Tsaka dun sa juice box nga haha. Ayun. Siya yung 'He Lies'.

Page 362: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Comment/s would be highly appreciated. Thank you sa pagbabasa. <3 "Death smiles at us all, all a man can do is smile back." ― Marcus Aurelius, Meditations --------------------------------------------x LUNA'S POV "SIGURADO KA BA talagang mapagkakatiwalaan mo yang Raphael at Sapphire na iyan?" mukhang pang-apat na beses nang tinatanong ni Andy ito sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi siya makuntento sa sagot ko. Nakakairita lang. "Nakakairita kang kausap." Tangi kong tugon. "Nag-aalala lang siya, Luna," wika naman ni Nurse Tin na nasa tabi lamang ni Andy. Anong pinag-aalala niya sa akin? Kaano-ano ko ba ang lalaking 'to? "Kaysa sa nag-aaksaya tayo ng oras sa pag-uusap tungkol sa ganito. Pwede bang pag-usapan na lang natin ang plano nyo kaysa sa plano nila?" sabi ko naman. Tumango sa akin si Andy saka nagsimulang magsalita, "Tulad ng sinasabi ko kanina, mas magiging maayos sana kung hindi na matutuloy ang party dahil ibig sabihin 'nun, hindi itutuloy ng grupo nila Miaka ang plano nila pero dahil sa itutuloy pa rin sa di malamang dahilan, kailangan din nating ituloy ang plano na naisip ni Nurse Tin." Psh. Kahit kailan talaga, ang daming sinasabi. "Pagkatapos ng gagawin nyo nila Sapphire. Papatayin muli ang lahat ng ilaw at kami naman ang gagalaw papunta sa mga killers. Habang wala silang kamalay-malay sa mga mangyayari, doon namin sila kukuhanin. Mukhang tapos na rin naman ang papel mo sa panahon na iyon sa plano ninyo nila Raphael di ba? Kaya pwede mo kaming tulungan?" Tumango lang ako sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang nangibabaw sa aming tatlo hanggang sa may naalala ako. "May binigay sa akin si Spade, isang envelope. Ang sabi doon, ibigay ko raw sa media ang envelope na iyon pero may nilagay siyang panahon. Mukhang hindi maaring buksan pero binuksan ko rin naman. Hindi ko mapigilan." "Ano ang laman?" tanong ni Nurse Tin. "Isang punit na papel. Ang nakakagulat, mga pangalan ng lahat ng parte ng Laketon, lahat ng sikretong opisyal pati na rin lahat ng kontribusyon nila."

Page 363: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanlaki ang mga mata ni Andy ng sinabi ko iyon. Mukhang alam na niya ang sinasabi ko dahil siya naman talaga ang unang nagbanggit nito sa akin. "Lahat ng iyon, ilegal. Matataas ang mga ospital at kaya pala ganun kalakas ang kapit ng Laketon. Kaya pala kayang-kaya nilang magpalakad ng isang walang kwentang laro sa eskwelahan niya. At kaya pala, hindi siya natatakot." Nakapameywang kong sabi. "At kapag nailabas ito, lalo na't wala na si Mr. Laketon, agad na babagsak ang Laketon Academy. Matatapos na. Basta makaraos lang tayo sa darating na party," tuloy-tuloy kong sabi. "At sa pagbagsak ng Laketon, babagsak din kayo Luna." Napatingin ako kay Nurse Tin ng sinabi niya iyon. Pumaibaba ang tingin ko kasabay ng isang mabagal na pagtango sa kanya. Madadamay ang repustasyon ng pamilya namin, ang Levesque dahil sa nasa pahina rin iyon ang pangalan ng stepdad ko. Sigurado talaga na madadamay ang lahat. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kasalanan niya iyon. Kailangan niyang magdusa. "At gagawin mo nga iyon, Luna?" tanong muli ni Andy. "Bakit naman hindi?" tugon ko. "Magandang ideya pero mapagkakatiwalaan mo ba talaga yang Spade na yan? Bakit niya papabagsakin ang korporasyon ng sarili niyang pamilya?" Tumingin ako nang deretso sa mga mata ni Andy, "Tanga man ang taong iyon pero iba naman siya sa tinuturing niyang tatay." Sana. Narinig kong tumawa nang mahina si Andy, "Masyado kang mabait, Luna." Umirap ako sa kanya at binaling na lang ang atensyon ko kay Nurse Tin nang may naalala muli ako. "Gusto ko lang itanong, Nurse Tin, hindi ba kayo ang batch noong may natagpuan na mga chop-chop na katawan sa Room-101A? Ano ang kwento tungkol doon?" tanong ko sa kanya. Sa di malamang dahilan, para bang biglang nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya ngunit tumugon naman siya agad sa tanong ko, "Finals na 'nun at alam mo naman sa rules of the jungle. Every finals, the jungle have to judge all the selected rabbits." Sa pagkakataong iyon, parang naluha naman siya. Ano ba talaga ang nangyari noon? "Lumipas ang isang linggo, walang namatay sa aming mga selected rabbits. At tulad ng nasa rules ulit, 'Revenge is the key. Death is the punishment.' Tinipon lahat ng rabbits sa isang kwarto kasama kami at doon nagsimula ang paghihiganti namin. Sa lahat ng tao roon, kami lang ni Yuko ang nabuhay." Tumingin siya sa akin, "Talagang sinadya namin ni Yuko na matira hanggang sa huli dahil siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Walang iwanan, hanggang sa dulo ... iyon ang sabi niya sa akin pero nagkamali ako."

Page 364: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Gusto ko pa sanang tanungin siya nang tanungin ngunit para isang maling ideya para gawin ko iyon. Bigla kasi siyang umiyak. Napatitig kami ni Andy sa isa't-isa habang nagtataka sa kung ano nga ba talaga ang nangyari. Nagkibit-balikat sa akin si Andy kasabay naman ng pag-vibrate ng phone ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Raphael. "Nawawala na si Sapphire." Napangiti ako. Magsisimula na. SPADE'S POV Kaharap ko ngayon si Miaka habang hawak niya si Kuro. Nakaupo ako nang maayos sa isang silya sa harap ng dining table at tahimik na lumalagok sa hawak kong soda. Ilang beses ko itong pinipisil sa pagpipigil sa inis. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa namatay yang lintek na Laketon na iyan. Naiinis ako dahil kahit na wala siya, nileleche niya pa rin ang buhay ko. Anong sinabi niya dati na wala akong makukuha na kahit ano sa kanya? Kung hindi siya nagsisinungaling noon ... bakit niya sa akin ipapamana ang buong Laketon Academy pati na lahat ng pagmamay-ari at negosyo niya? Gustong-gusto niya talagang naghihirap ang mga tao sa paligid niya. "Ayos ka lang ba Francis?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at kahit na gusto kong sumimangot at wag siyang pansinin ay hindi ko magawa bagkus ay ngumiti ako at umiling, "Wala lang 'to Mia." Ngumiti rin siya, "Excited na kong matapos ang lahat ng ito Francis. Babalik tayo sa dati. Mapaghihiganti na rin natin si Hanako." Pinaghihiganti mo lang ang sarili mo. Hindi si Hanako. Hindi sa mga ginawa nila sa kanya kung hindi sa kung anong ginawa nila sa'yo at kung ano ang ginawa ni Hanako sa'yo. Napailing ako sa mga naisip kong sabihin kay Miaka. Magagalit lang siya at kapag nagalit siya, magiging ibang tao na naman siya. Ewan ko. Hindi naman sa mukha siyang baliw na pinakita ang pangalawang sarili niya pero nag-iiba talaga ang aura ni Miaka. Nakakatakot. Alam ko naman na mula pagkabata, medyo madamot na siya lalo na kung ako at si Hanako ang usapan. Ayaw niyang nakikipagkaibigan kami sa iba. Ayaw niyang nakikisalamuha at nakikipagtawanan kami sa iba. Ang gusto lang ni

Page 365: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Miaka ... siya lang ang kaibigan namin dahil sa kami lang naman ang tinuturing niyang kaibigan. Hindi ko alam na hanggang ngayon, ganito pa rin pala siya-ay hindi, mas lalo siyang lumala. "Francis, ayos ka lang ba?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. "Masyado ka atang seryoso ngayon? Nasan na ang Francis kanina na nagbibiro at tumatawa pa?" Ngumiti ako at tumayo. Umarte na masaya. "Sinong nagsabi na seryoso ako? Naku nga, Mia, si Kuro lang ata ang seryoso lagi eh." Ngumiti siya. Tumalikod. At sa pagtalikod, malakas niyang binulong, "Ayokong nagsisinungaling. Ayokong may nagsisinungaling sa akin. Ayaw mo rin iyon di ba ... Francis?" Lintek na buhay. Kailangan ba ako makakatakas sa mga ganito. Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan na sumama sa kanya. Hindi ko na kailangan na tuparin ang pangako ko dahil hindi lahat ng pangako, dapat tuparin. Hindi lahat ng pangako ay karapat-dapat na ipagpatuloy pa. Pero naisip ko na baka kapag sumunod ako sa agos, maayos ko pa ang lahat. Susunod muna ako kay Miaka hanggang sa kaya ko na siyang pilitin sa mga bagay-bagay. Ang importante ngayon, matapos muna ang laro nila. "Oo naman Mia. Dapat totoo tayo sa mga tao. Dapat hindi tayo nagsisinungaling," tugon ko sa kanya. "Mabuti naman Francis dahil si Hanako ... hindi niya nagawa iyan. Nagsinungaling siya. Niloko niya ako-tayo. Ngunit napatawad ko na siya mula pa noon dahil kaibigan ko siya. Tama naman ang ginawa ko di ba?" Sa pag-upo niya ay tumingin siya sa akin na para bang naghihintay ng sagot. Tumango lamang ako. "Kaya nga natutuwa ako ngayon na ayos na kaming dalawa. Pinatawad na rin niya ako Francis. Pinatawad na ko ni Hanako." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May sasabihin pa sana siya nang biglang nagring ang phone na nasa mesa, ang phone na bigay sa kanya ng Sir Buendia dati pa para kontakin siya. Ako ang lumapit para tignan ang message na iyon. Limang salita lamang ang nasa message ngunit nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko. 'Nasa amin na si Sapphire.' SAMANTHA'S POV

Page 366: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko, agad na bumungad sa akin ang kulay pink kong room. Ang dingding, ang sapin sa kama, ang side table pati na rin ang kurtina. Napahiga agad ako sa malambot na kama at napangiti. Naalala ko kasi si kuya Blake. Tumingin ako sa pader na kaharap mismo ng kama ko. Nandoon ang ilang pictures ni kuya Blake. Wala, inspirasyon lang. Hindi rin naman pupwedeng makapasok ang mga tao dito sa bahay sa kwarto ko. Mahigpit kong bilin. Ayaw kong makita nila ito. Sunod na hinanap ng mga mata ko ang cabinet ko. Tumayo ako at lumapit roon. Pagbukas ko, isang matamis na ngiti na naman ang naipinta sa mga labi ko. Gustong-gusto ko ang amoy ng koleksyon ko mula pagkabata. Tumingin ako sa mga damit at pumili ng pangtulog nang nahawakan ko ang isang kulay pulang dress ba susuotin ko sa nalalapit na malaking party sa Laketon. Hindi ko alam kung para ba talaga ito sa anniversary ng eskwelahan o baka nagdiriwang lang ang lahat ng staff ng Laketon sa pagkamatay ni Mr. Laketon. Kung ganun nga, ang sama naman nila. Patalon-talon pa akong bumalik sa kama at isa-isa kong nilapag doon ang hinuhubad kong damit upang makapagpalit. Pagkapalit ko, kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si kuya Blake. "Hello kuya Blake! Kamusta? Nandyan ka ba sa lamay?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano? Bakit walang lamay? Ang alam ko--ang sabi sakin--" Ngunit agad niyang pinatay ang tawag. Sa pagbaba ko ng phone, agad akong nakaramdam ng kaba. Tumingin ako sa paligid. May nakatingin sa akin. Napatayo ako at muling inilibot ang mga mata ko sa apat na sulok ng kwarto ko. "Sino yan?!" sigaw ko sa kung sino man. Kinuha ko muli ang phone ko at agad akong nag-dial ng number niya ngunit hindi niya sinasagot. Napakagat ako sa labi dahil sa inis, sa kaba ngunit hindi ako takot. Alam kong ligtas ako sa bahay. Napalingon ako sa may bintana nang may narinig ako na kaluskos. Kung kani-kanina 'y hindi ako takot. Para bang bigla kong kinain ang mga salitang iyon. Ngunit nilabanan ko iyon. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa bintana. Bigla kong binuksan ang bintana ngunit isang itim na pusa na may pulang bilog-bilog na pulseras sa leeg niya. Napasinghap ako sa inis. Bakit nandito ang pusang ito? Pano siya nakaakyat?! "Shuuu!" pagtaboy ko sa pusa.

Page 367: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Imbis na umalis ay lumapit pa sa akin ang pusa. Dinilaan niya nang dinilaan ang braso ko at ilang saglit ay napaatras ako. Tumingin kasi sa akin ang pusa na may kakaibang kislap sa mga mata. Inilabas niya ang mga matatalim niyang ngipin at para bang kakagatin ako. Sa pag-atras ko ay para bang naalarma na rin siya at tumalon paibaba, Tinanaw ko siya hanggang sa makarating siya sa ibaba. Halos napalundag naman ako sa gulat sa paglingon ko. Muli akong napaatras dahil sa labis na kilabot na nadama ko. Nasa sulok ng kwarto ang isang babaeng may maikling buhok, walang mukha o maari kong masabi na napakalabo ng mukha niya para makilala. Hindi rin malinaw ang suot niya, basta ang alam ko, kulay itim ito. May hawak siyang pulang lubid at ilang sandali ay lumalapit siya sa akin. Mabilis. Na para bang lumulutang. Pilit niyang inaabot ang pulang lubid. Sumigaw ako ngunit hindi siya mawala hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo niya sa akin. Sa pagpikit ko ay bigla akong napadilat. Isang panaginip. Bahagya akong umupo at nakita ko na nakabihis pa rin ako ng pang-alis. Tinignan ko ang phone ko at nakita kong hindi pa ako tumatawag kay kuya Blake. Sht. Nakakakilabot ang panaginip na yun ah? Ang ,mas nagpapakilabot sa akin ay hindi lang basta tungkol sa panaginip. Kahit na malabo ang mukha ng babae sa panaginip ko. Kahit na hindi ko siya makilala roon. Pero alam ko--alam na alam ko .... si ate Hanako iyon. Anong ibig sabihin ng panaginip ko na iyon? Lalo na yung sa pusa? Nag-vibrate ang phone ko at isang message ang bumungad sa akin. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - Susunod na chapter na po ang party. Pasensiya na kung masyadong matagal. Mula March 21 ay nasa ibang lugar kasi at halos kakauwi ko lang noong isang araw. Basta intay lang sa ud hahahahaha. Thank youuuuu! Comment for opinions at kung anu-ano. Pwede nyo akong i-PM dito if may tanong kayo. Di kasi ako nakakareply sa comments. Private message na lang para makita haha. "People often believed they were safer in the light, thinking monsters only came out at night. But safety - like light - is a façade." ― C.J. Roberts, Captive in the Dark --------------------------------------------x

Page 368: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

MIAKA'S POV SINILIP KO ANG ORASAN. Saka ko napansin na bilang na lang pala ang oras bago ang party na 'yon. Nasa harapan ko si Sapphire. Nakatali. Nakatakip ang bibig ngunit matalim pa rin ang tingin sa akin. Ang kapal talaga ng mukha niya. Wala ng makakapantay sa lakas ng loob niya. Marahas kong tinanggal ang tape na nakatapal sa bibig niya. "Long time no see, Miaka." Bati pa niya. Isang sampal agad ang sinalubong ko sa kanya pagkasabi niyang iyon. Kumukulo ang dugo ko. Kapag hindi ako makapagpigil baka mas malala pa ang matanggap niya. Tumingin lang ulit siya sa akin at malakas ulit ang loob na ngumiti nang matamis na akala mo ay magkaibigan kami. "Buti nakakangiti ka pa sa taong muntik mo ng mapatay noon?" matigas kong pagkakasabi. "Buti nakakaharap ka pa sa taong muntik ng pumatay sayo noon? Hindi ka na ba natatakot, Miaka?" at isang sampal na naman ang nakuha niya sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha mo Sapphire! Ikaw ang may kasalanan ng-" ngunit bigla siyang nagsalita. "Ako? Miaka, alam mo ba yang mga sinasabi mo? Kasi alam kong alam mo na si Hanako ang may kasalanan. Siya, hindi ako. Kung muntik man kitang mapatay, siya ang dapat mong sisihin!" sabi pa niya. "Mula noong sinabi sa akin ng buong klase ang nangyari. Pilit kong binalik ang alaala na iyon sa utak ko at alam mo ang nalaman ko?" Napaatras ako. Hindi ko dapat siya pakinggan. Puro kasinungalingan lang ang sasabihin niya. Lolokohin lang niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa noon! Hindi totoo ang mga sinasabi niya! "Si Hanako ang may plano ng lahat ng iyon. Alam mo kung bakit ikaw ang pinapunta niya sa party? Kasi gusto niyang pahirapan ka namin-" Agad akong sumigaw, "Hindi! Kasinungalingan iyan! Pinapunta niya ako roon kasi hindi niya kayang humarap sa lahat. Pinapunta niya ako roon kasi iyon ang utos mo sa kanya!" Ngunit nagpatuloy lang din ulit si Sapphire sa pagsasalita. "Hindi, Miaka. Kapatid ko si Hanako at kahit na kapatid ko lang siya sa ama, alam ko ang takbo ng pag-iisip niya. Pinapunta ka niya roon kasi gusto ka na niyang mawala sa buhay niya! Ayaw na niya sa sobrang pagka-possessive mo! Siniraan ka niya sa akin. Madami siyang sinabi na masama na kinagalit ko. Hindi naman kita siguro susugurin ng walang rason di ba? Lasing na lasing ako 'nun, Miaka." "Hindi! Wag mong siraan si Hanako!" muli kong sigaw. Nanlaki ang mga mata niya sa akin at ang mga sunod niyang sinabi ay mas sinabi pa niya nang malakas, "Maniwala ka Miaka. Si Hanako ay may pakana 'nun. Gusto ka niyang mawala sa piling niya, gusto niyang kumawala sa'yo. Inabanduna ka niya mula pa noon. Masyado ka lang naniniwala sa

Page 369: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

pagkakaibigan nyo pero nagsawa na siya. Tulad ng pagkasawa niya kay Blake. Kilala mo naman siya di ba? Madali siyang magsawa. Matagal na siyang nagsasawa sa'yo." Dalawang magkasunod na sampal ang binigay ko muli sa kanya. "Huwag na huwag mong sasabihan ng masama si Hanako sa harapan ko! Mas kilala ko siya. Kaibigan ko siya!" at isang sampal na naman ang pinakawala ko sa kanya. Hinawakan ko siya nang marahas sa panga at itinaas ito sapat para magkatitigan kami. "Hintayin mo lang Sapphire, masasaksihan ng lahat ang kamatayan mo. Mas matindi pa ang mararanasan mo. Intayin mo lang." Agad kong inalis ang pagkakahawak sa panga niya at natuon ang pansin ko kay Kuro na papalapit sa paanan niya. Tinawag ko si Kuro ngunit mas lalo siyang lumapit sa paanan ni Sapphire at ilang sandali ay dinilaan niya iyon nang dinilaan na para bang maamong-maamo sa kanya. "Gusto ako ng pusa mo." Ngumiti siya muli sa akin ngunit agad naman iyon nawala nang pumasok si Francis sa kwartong pinaglalagyan niya. "Spade? I-Isa ka sa kanila?" nauutal pa niyang sabi. Hinatak ko si Spade papalapit sa akin at ako na mismo ang tumugon sa tanong ni Sapphire, "Tulad ng sinabi ko sa'yo. Hintayin mo na lang ang kahihinatnan mo." RAPHAEL'S POV Nandito ako sa isa sa mga comfort room ng venue ng party. Inayos ko ang bow tie na nakasuot sa pagitan ng collar ng puti kong polo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at saka napangiti. Sana matapos na 'to at matatapos ito na humihinga pa rin ako. Para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa mga kaibigan namin na namatay dahil sa walang kwentang larong ito. Ilang sandali ay dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng slacks ko. Tinawagan ko si Clyde. "Clyde, nasan si Sapphire?" pamungad na tanong ko. Agad naman niyang sinabi na nandoon pa rin si Sapphire sa kwartong pinaglagyan nila sa kanya. "Gusto mo ba siyang makausap?" tanong niya. "Kung hindi delikado, gusto ko sana." Tugon ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Pakiramdam ko'y may tao. Hindi ko alam. Baka mali lang ang nararamdaman ko. Sana. "Sapphire," pabulong kong sabi. "Anong nangyari? May nalaman ka ba? Anong oras pupunta sila Miaka rito?" sunod-sunod kong tanong.

Page 370: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Teka, sandali lang, si Clyde na ang bahala na magsabi sa'yo ng mga sagot doon pero may isa akong nalaman." Agad na tumibok nang mabilis ang dibdib ko. "Ano iyon?" "Si Spade ..." Anong si Spade? "Bakit?" tanong ko ulit. "Isa sa kanila si Spade. Nakita ko siya. Pumasok siya at lumapit kay Miaka. Tatlo lang ang nandirito, si Spade, Miaka at Clyde. Hindi ko makita yung iba." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Iyon din ang akala ko dati pero nitong mga nakaraang linggo, sigurado akong hindi na siya kabilang doon. Pero ano ito? Bakit ang sabi ni Sapphire-totoo nga kaya? Ilang segundo ang nakaraan at may kung anong tumutunog sa may pintuan-na para bang may magbubukas ng pintuan. "Sige, Sapphire mamaya na lang. Mag-ingat ka." Binaba ko na agad ang phone. Tumingin ako sa kapapasok lang. Si Austin. Sunod na pumasok si Sir Buendia na pumwesto sa tabi ko at inayos rin ang suot niya. Ilang sandali ay tumingin siya sa akin. "Mukhang wala ka talagang balak batiin ang teacher at kaklase mo, Raphael?" nakangiti niyang tanong. "Sorry sir pero wala tayo sa eskwelahan ngayon." Tulad niya, nakangiti rin akong tumugon. "Mauna na ko," sabi ko pa. Sa paglabas ko, saglit akong tumitig kay Austin. Siya ang susi para magtagumpay ang plano namin. LUNA'S POV Hawak-hawak ko ang dalawang pahina kung saan makikita ang flow ng event, ang mga unang magsasalita at kung anu-ano. Kanina ko pa pabalik-balik na binabasa ang isang parte kung nasaan ang isang pangalan na hindi ko makilala. Ang nakakapagtaka, pangalan lamang ang nandito at walang apelyido. "May problema dyan?" narinig kong tanong ni Raphael na kakatabi lang sa kinatatayuan ko. "May isang tao na di ko kilala rito," tugon ko habang halos nakadikit pa rin ang mga mata ko sa pahina na iyon. Ilang sandali ay lumingon ako kay Raphael, "Sino si Benjamin?" Nag-isip pa muna si Raphael bago sumagot, "Ang alam ko, si Blake iyan."

Page 371: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nagpaiba siya ng pangalan?" tanong ko muli sa kanya. Tumango siya, "Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko, siya yan. Tuwing may special events lalo na kung may kinalaman sa Laketon, iyan ang tinatawag sa kanya. Benjamin Laketon ang totoo niyang pangalan. Baka si Mr. Laketon lang din ang nagpaiba sa pangalan niya ... para matago siya kung bakit ay wala akong ideya." Napaisip ako. Benjamin. Walong letra. Muli ko rin naalala ang babala niya sa akin noon. Ang kaalaman niya sa relasyon namin ni Denise noon. Ang relasyon nila ni Hanako. Ang litrato niya noon na galling kay Mr. Laketon na dinikit sa blackboard. Si Blake-Benjamin ... maari kaya? "Oo nga pala, huwag ka na rin mag-alala tungkol doon sa pagtawag ng mga pulis, nagawan nan g paraan basta ang importante, maayos ang mga unang mangyayari. Dapat kalkukado ang lahat. Kung papalya ang mga unang mangyayari ... magkakagulo," wika ni Raphael. "May dapat ka rin palang malaman." Muli akong napatingin sa kanya nang sinabi niya iyon. Ano ang dapat kong malaman? "Ano iyon?" tanong ko naman. "Kasama si Spade sa grupo nila Miaka." Sapat na ang pitong salitang iyon para mapasimangot ako. Dapat nanatili pa rin sa isipan ko ang duda ko sa kanya. Nakakairita talaga ang tangang iyon. "Sigurado ka?" "Oo." Matalim akong umirap sa kanya. Naiinis na talaga ako ngayon. Ang sabi ko pa naman, iba siya sa tatay-tatayan niya ngunit mali. Hindi ako nagtiwala, umasa lang ako na iba siya. Isa na siyang kalaban ngayon. At kapag nakita ko siya baka ako ang tumapos sa kanya bago pa niya kami maunahan. "Pumasok na tayo. Malapit ng magsimula," nakangiting sabi niya sa akin. Tumango ako. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY Ohohannah. Hannaaaaaah! Nakita ko rin ang wattpad acc mo haha. (Tho, di ko sure kung alam ko na dati pa, ulyanin talaga eh). Thank

Page 372: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

you talaga ng marami! See you soon at ang kyot talaga nung bidyu. Chos. Labyu. God bless ♥ PITCH BLACK. meaning: Completely dark. Thank you sa mga matyagang naghihintay ng UD! Dun sa mga nagrereklamo, ayos lang. Hindi naman ako nag-uud kasi naiinip na kayo, nag-uud ako para doon sa mga naghihintay talaga. 4 hours ang pagitan ng kinalalagyan ko dyan sa Pinas ngayon. Ni wala akong laptop dito, nakikigamit lang sa nanay ko. So ayun, bye. "Now this is the Law of the Jungle -- as old and as true as the sky; And the Wolf that shall keep it may prosper, but the Wolf that shall break it must die. As the creeper that girdles the tree-trunk the Law runneth forward and back -- For the strength of the Pack is the Wolf, and the strength of the Wolf is the Pack."

� Rudyard Kipling --------------------------------------------x

LUNA�S POV SINAKBIT KO MULI sa balikat ko ang dala kong maliit na sling bag. Muli kong nilibot ang tingin ko sa venue. Isa itong sikat na private na resort na may dalawang malaking function room na pinagsama para sa event na ito at dalawang malaking swimming pool sa may likuran. Malayo ito sa siyudad

at nakatayo sa gilid ng highway, tamang-tama sa pribadong patry na �to � tamang-tama para sa plano ng killers dahil isa pa, sinarado ang buong venue para lamang sa party na ito.

�Ayos ka lang?� kung bibilangin, pangatlong tanong na ito ni Raphael.

�Wag kang makulit, ayos lang ako.� Tumango lang siya at muling tumingin sa phone niya. Mukhang katext niya roon si Clyde. Mukhang hindi siya ang ayos ngayon.

�May natitira pang 30 minutes bago sila dumating. In 5 minutes, magsisimula ang program. In 10 minutes, dapat wala na tayo sa kinatatayuan natin at nakahanda na tayo roon. At in 15 minutes, dapat

hinihintay na lang natin ang pagpatay nila ng ilaw.� Tumango ako sa kanya. Ang plano? Simple. Hintayin ang unang galaw nila, tapos hintayin na gumalaw sila Clyde laban mismo sa grupo nila. Ngunit

bago mangyari iyon, dapat mamamatay muli ang ilaw � ang plano nila Andy. Ang plano na hindi alam ni Raphael at sana ay hindi siya gaanong magulat. Tutulong naman sila Andy, walang dapat ikatakot. Ngunit kung pumalya palang sa una, magkakadaleche-leche na ang lahat.

�Ang ganda ng damit mo ah? Red kung red. Parang kontrabida.� Nakangiti na bati sa akin ni Abigail. Tinignan ko lang siya at umiwas na rin ako ng

tingin. Walang kwenta. �Tss. Nasan na kaya si Clyde? First time niya atang late ah? Imbyerna,� bulong pa niya.

Page 373: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Late talaga siya. Wala na siyang dapat hintayin. Pumunta na sa harapan ang MC. Marami siyang sinabi na hindi naman interesante. Malapit ng matapos ang sasabihin niya at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong tumitingin sa relo ko.

�Tara na,� bulong sa akin ni Raphael. Sumunod naman ako at pumwesto kami sa may likuran ng stage kung saan nagpapabalik-balik ang mga waitress na naglalagay ng tubig sa bawat mesa. Muli ay nakinig kami sa mga nagsasalita.

�Malapit na raw sila.� Tumango lang ulit ako. Bigla akong napatanong sa sarili ko kung handa na ba ko sa mga mangyayari. Sa totoo lang, wala pa kong ideya pero naghahangad ako na maging maganda ang resulta. At ilang sandali, muli kong naisip si Spade. Noong sinabi sakin ni Raphael ang tungkol doon, hindi talaga ako naniwala noong una pero mukhang hindi naman ako lolokohin ni Raphael. Isa nga si Spade sa kanila. Naalala ko pa yung umaga na papasok kami. Noong tinanong ko siya kung kailan niya ako papatayin. Ngayon na kaya iyon?

�Luna, naririnig mo ba �ko?� Tumango lang ulit ako kay Raphael pero sa totoo lang, lutang na ang pag-iisip ko. Ilang sandali ay biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Kaba. Bigla akong kinabahan dahil sa biglaang pagsasalita sa stage at sa pagtawag sa taong kanina pang nagpapakulo sa dugo ko.

�And now let�s welcome on stage, the only son of the deceased Mr. Laketon � Mr. Spade Young!� Nakarinig ako ng masigabong palakpakan, ang ilan ay halatang gulat at ang iba naman ay halatang walang pakialam. Napaabante ako at pumwesto sa gilid ng stage. Namataan namin na paakyat si Spade.

�Malapit na ang oras nila. Mukhang ilalabas na si Sapphire.� Hindi ko pinansin ang bulong ni Raphael bagkus ay natuon ang buong atensyon ko sa tangang nasa stage at kung anu-ano ang sinasabi. Sinamaan ko ang tingin ko sa kanya at ilang segundo ay namataan ko na napasulyap siya sa kinatatayuan ko. Wala siyang reaksyon. Ni wala siyang ginawa. Muling nagpalakpakan ang lahat sa pagtatapos ng sinabi niya at sa una

niyang paghakbang � biglang dumilim ang paligid. Narinig ko ang malakas na bulong-bulungan. May ibang nagbukas ng mga phone nila para maging ilaw ngunit ilang sandali ay muling nagbukas ang

Page 374: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ilaw at kitang-kita ng lahat ang pagpasok apat na katao mula sa likuran na entrance sa function hall. Si Sapphire na nakapiring at may busal ang bibig, si Miaka at dalawa pang kasamang lalaki na kung titignan ay si Sir Buendia at Austin. Kahit na may suot silang mga maskara na parang lobo, kilalang-kilala ko na sila. Hawak ni Sir Buendia at Austin si Sapphire sa likuran habang nakatutok naman ng kutsilyo sa kung sino ang makakasalubong habang si Miaka naman ay hawak ang pusa niya. Nito ko lang din napansin na panglalaki ang suot niya. Mukhang hindi siya sanay sa pagsuot ng mga gown. Ngunit may mali.

�Nasan si Clyde?� tanong ni Raphael. Hindi ako sumagot dahil sa iyon din ang tanong ko. Nang ilang sandali ay nakita naming tumatakbo papalapit sa amin si Clyde.

�Wala na! Natunugan na nila ang plano natin mula pa noong umpisa! Delikado na Raphael, hindi pwedeng isugal ang buhay ng lahat!� hingal na hingal niyang sinabi ngunit bago pa man kami magkapagsabi ng reaksyon namin ay muling namatay ang mga ilaw. Ang plano nila Andy. Kinapa ko ang loob ng maliit kong sling bag. Nandoon ang kutsilyo na bigay sa akin ni Andy kani-kanina lamang. Gamitin ko raw iyon sa panahon na kailangan ko na at sa pagkakataong ito, mataas ang tyansa na mangyari ang sinasabi niyang panahon. Dahil sa pagpasok nila Miaka at sa pagkamatay muli ng mga ilaw, medyo nagkagulo na sa loob. May mga nagsisitakbuhan na ngunit sa kasamaang palad, sinarado na ang lahat ng pwedeng labasan. Oo, kontrolado namin kahit papano ang venue, alam na namin ang pasikot-sikot. Pinag-aralan na namin ang mga pupwedeng daan kahit na sinarado na nila ang lahat ng pintuan ngunit mas malakas ang kapit nila. Andyan si Sir Buendia na isa sa mga nag-aayos ng lahat at maaring sa mga maliit na detalye, alam na alam na nila. At maaring ang mga alam namin tungkol sa venue ay naiba ngayon na sabi ni Clyde ay alam na nila ang tungkol dito sa umpisa pa lamang. Ang isa pang problema ngayon, kung natunugan na nila ang plano namin, mukhang alam na rin nila ang pagdating ng mga pulis. Paano kaya? Nagkakagulo pa rin ang lahat. Sinulit ko naman ang pagkakataon para makisama sa mga nagsisitakbuhan at pumunta ako sa kung saan nakapwesto sila Andy. Nadatnan ko roon si Andy na may inaayos sa mga dala niya. Nasa harapan niya ang isang wire na mano-mano niyang ginawa para maikonekta sa mismong power source ng buong private resort. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nakakangiti pa siya sa lagay na ito. Paano kaya kung nalaman niya na palpak na ang magiging plano namin at

paano kung maging palpak din ang kanya� Nakarinig kami ng isang malakas na sigaw sa isa sa mga c.r.

Page 375: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Agad na pinindot muli ni andy pabalik ang power. Napatayo muli ako at tinignan ang nangyari. Lumapit ako sa mismong c.r at nakita ko doon si Samantha na may duguan ang suot na damit. Napaupo siya at umiiyak. Umiiyak na parang bata habang hawak ang balikat niya na patuloy pa rin sa pagdurugo. Nakita ko rin doon si Abigail na nakaupo sa may sulok at para bang takot na takot ngunit wala kahit isang sugat.

�Namatay ang ilaw. N-Nandito ako sa c.r tapos dahil sa takot ako sa dilim � hindi agad ako nakalabas. A-Ang akala ko kasi � babalik ulit pero biglang may nagbukas ng pintuan at sinaksak ako.� Narinig kong kwento niya sa mga nagtatanong sa kanya. Sinaksak siya?

Sino naman kaya ang gagawa �nun?

�Maraming salamat sa pagdalo. Hindi nyo ba alam na maling party ang nadaluhan nyo? Lalo na sa mga kumakalaban sa amin dyan. Ayusin nyo

kasi.� Napalabas agad ako sa c.r nang narinig ko ang boses ni Sir Buendia. Sa paglabas ko, nakatanggal na ang maskara niya. Siya na lang

ang nag-iisa sa harapan. �Tutal nandirito naman tayo. Maglaro tayo.� Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa sling bag ko. Napatingin na rin ako sa paligid at nakita kong nakatali lahat ng waitress, lahat ng staff ng resort. Isa-isa ring kinukuha ng mga armadong lalaki ang cellphone ng

bawat bisita at kung hindi ito binibigay � tinutumba mismo sa harapan nila.

�Sa loob ng sampung segundo, mamamatay ulit ang lahat ng ilaw. At pagkapatay ng ilaw, maghanap na kayo ng tataguan nyo.� Ngumiti muna siya sa lahat bago muling nagsalita. �Huwag lang kayong magpapahanap sa mga lobo.� Biglang may lumapit sakin na armadong lalaki at inilahad ang kamay niya. Napatingin ako kay Sir Buendia na nakatingin rin sa akin. Nakangiti pa ang leche sa akin. At mas lumawak pa ang ngiti niya habang binibigay ko ang phone ko sa lalaki. Nalintikan na.

Sinuot niya muli ang masakara niya na lobo � puting balahibo. Bumilang siya at nagsitakbuhan na agad ang karamihan. Sa laki ng functional hall, iilan lang ang pwedeng taguan. Bilang lang ang malalaking at pribadong kwarto rito na para sa mga conference at maaring kalahati pa doon ay sarado. May ilang bahay din na kwarto lamang at c.r ang laman na katabi ng mga swimming pool ngunit masyadong halata kung doon magtatago. Ibig sabihin, madali na para sa kanila ang lahat. Ilang minuto ang nakaraan at nagsimula na siyang bumilang. Nasayang ang ilang segundo na nakatayo lamang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag

nagsama-sama kami � mas delikado. Leche.

��6 � 5�

Page 376: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Biglang may humigit sa braso ko.

�..4� Itinakbo niya ako sa halos kabilang dulo ng hall.

�..3� Mas humigpit ang paghawak niya nang nagpupumilit akong bumitaw.

��2� Ayoko. Ayokong dumikit siya sa akin. Ayokong makita siya. Ayokong maamoy ang pabango niya. Ayokong hawakan niya kahit balahibo ko.

��1� At namatay na ang mga ilaw. Nandirito kami sa isang kwarto. Kasama siya. Si Spade. Bakit? Ilalapit ba niya ko sa mga kalaban? Uunahin na ba niya ako? Ito na ba ang pagkakataon na papatayin na niya ako? Ngunit bukod sa mga tanong na iyon. Pumasok rin sa isipan ko noong hinatak niya rin ako na ganito. Noong malapit akong mahuli ni Mr. Laketon na nakikinig sa usapan nila ng mga pulis. At sa pagkaalala ko noon, naisip ko, ililigtas ba niya ako?

ABIGAIL�S POV Padabog kong sinarado ang pintuan ng kotse ng daddy ko. Sa lahat ba naman ng panahon, ngayon pa wala si Clyde?! Nakakainis. Kung kalian siya nangako, doon pa siya wala. Edi sana hindi na lang siya nangako! Peste.

�Susunduin ba kita before 12?� narinig kong sabi ni Daddy nang binuksan niya yung bintana.

�Wag na. Kahiya sa�yo eh. Bye.� Lumakad na ko papasok sa venue. Binigay ko ang invitation at tumuloy na agad sa loob. Sa pagpasok ko, sinalubong agad ako ng mga taga-ibang section. Nakita kong lumapit sa amin si Sam.

�Hi ate!� bati sakin ng batang �yon.

Page 377: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ngumiti ako sa kanya saka sabay lagpas pero bigla akong nakaramdam na may nakakapit sa braso ko. Lecheng bata ko, linta ata.

�Bakit? May kailangan ka?�

�Mamaya kasi, may game daw. Kailangan 1st yeat at 4th year ang partner at 2nd year at 3rd year ang partner. Nandun kasi si kuya Blake kaya sana

maging partner kita, ate?�

Umirap ako, �Bahala ka.� Ngumiti siya habang nagpapaalam at nagpapasalamat sa akin.

Ano bang problema �nun? Nang nakarating ako sa may gitna, namataan ko sila Luna. Sa kanila ako agad lumapit. Pumwesto ako sa may mesa at tumingin sa katabi ko na pinaglihi ata sa masamang elemento.

�Ang ganda ng damit mo ah? Red kung red. Parang kontrabida.� Bati ko sa kanya. Mukhang hindi naman kasi niya napansin ang pagtabi ko sa kanila. Nakakairita. Pero iniwasan lang ako ng tingin ng bruha. Kahit kalian talaga, Luna.

�Tss. Nasan na kaya si Clyde? First time niya atang late ah? Imbyerna.� Nasabi ko dahil sa inis. Ilang sandali ay nagsimula na ang event. Bored na bored akong nakatingin lang sa harapan at kunwari ay nakikinig pero sa totoo lang, iniisip ko kung pano ko sisigawan at papagalitan si Clyde. Boring naman kasi kapag wala siya eh. Napatingin lang ako sa waitress na naglagay ng tubig at saka naman sinundan ng isa pang waitress na naglagay ng appetizer sa mesa. Nakita ko na soup ito. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ito.

�And now let�s welcome on stage, the only son of the deceased Mr. Laketon � Mr. Spade Young!� Narinig ko ang palakpakan ng lahat. Hindi na ko nagulat. Alam kong sa kanya naman talaga ipapamana ang lahat ng ito. Ano pa ba ang nakakagulat doon? Ilang sandali ay may naramdaman ako. Nangangati ako. Sa balikat hanggang sa may braso ko. Napatingin ako sa kinain ko. Sht. May maliliit palang hipon sa soup.

Agad kong kinuha ang purse ko at habang papunta sa c.r � biglang namatay ang lahat ng ilaw. Nangapa-ngapa na lang ako dahil sa kailangan ko na talagang pumuntang c.r ngunit napatigil ako nang muling nagbukas ang mga

ilaw at may mga pumasok mula sa may likuran. T-Teka �

Si � Sapphire?! Pumasok ang ilang katao kasama si Sapphire. Bakit siya nakatali? Bakit siya nakapiring? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano tong nangyayari? T-

Teka � ano ang nangyayari?

Page 378: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Dahil sa takot, tumakbo na ko papuntang c.r. Agad akong naghilamos at nagpunas gamit ang tissue. Hinanap ko sa purse ko ang phone ko at tatawagan sana si Daddy hanggang sa bumukas bigla ang pintuan at dahil sa nabigla ako ay agad akong nagtago sa dulo na cubicle. Hindi ko alam. Sa tingin ko, kailangan ko nang umuwi. Sumilip ako sa ibaba at nakita ko na si Sam lamang ang pumasok at

nakaharap siya ngayon sa salamin. Lalabas sana ako ngunit may mali � may mali talaga� Muling namatay ang ilaw. At hindi na ako nakakilos sa sunod na nangyari. Ilang segundo ang nakakaraan, may narinig akong malakas na sigaw mula kay Sam. Sa pagkasigaw niya, muling bumalik ang ilaw. Nanginginig akong lumabas sa cubicle na pinagtataguan ko at nakita ko nga na duguan siya. Nakapaligid sa kanya ang ilang tao at kinukwento niya ang nangyari. Ilang sandali ay narinig ko ang boses ni Sir Buendia. Lecheng teacher na yan. Sabi ko na nga ba.

�Maraming salamat sa pagdalo. Hindi nyo ba alam na maling party ang nadaluhan nyo? Lalo na sa mga kumakalaban sa amin dyan. Ayusin nyo kasi.

Tutal nandirito naman tayo. Maglaro tayo.�

Hindi na ko nagtataka. Siguro � tungkol na naman ito kay Hanako. At dahil din sa kanya kaya siguro kasama tong teacher na �to. Nakakapagsisi nga lang na nagkagusto ako sa ganitong klaseng tao. Hindi ko talaga akalain noong una na kaya kong magkagusto sa isang teacher. Tsss. Natauhan naman ako di ba? Di ba Abi? Natauhan ka naman? Nakita kong may nagsilapitang dalawang lalaki na may hawak na baril sa mga tao sa loob ng c.r na nakiusisa sa nangyari. Kinukuha nila ang cellphone ng bawat isa at nakita ko kung paano pukpukin ng lalaki yung isang babae ng baril sa ulo noong hindi niya binigay ang phone niya. N-Nakakatakot. Nang lumapit sa akin ang isa sa kanila, agad kong binigay ang akin. Biglang nagbilang si Sir Buendia.

�10 � 9 � 8 � 7 � 6� Tumayo ako agad nang nakita kong nagsitakbuhan ang lahat. Nakitakbo rin ako ngunit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mangiyak-ngiyak kong tinignan ang paligid. Naghahanap ng kakilala.

Lintek � nasan ba si Clyde?!

�5 .. 4 � 3 � 2 � Nanghihina ako. Nararamdaman ko pa rin ang pangangati sa katawan ko. Hindi rin ako makahinga nang maayos. Lecheng hipon. Muli akong tumingin sa paligid. Napalingon ako at napansin ko na nasa gitna pala ako. Sa paglingon ko, kitang-kita ko ang stage kung nasan nakatayo si Sir Buendia. Nakatingin siya mismo sa akin.

Page 379: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

�� 1�

Pagkasabi niya �nun ay agad na namatay ang ilaw. Bago pa man mawala ang ilaw � nakita ko siyang kumilos�na para bang tumalon sa stage at tumakbo.

At ilang sandali � may biglang humatak sa akin. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY MarkRanielPasalosdos. Hi sir! Salamat po sa pagsuporta sa libro ko. Sa book 1 and dito sa book 2. Salamat din po sa mga students nyo. Sobrang nakakaflatter talaga haha. God bless~ :) Malapit naaaaaaaaaaaa. Comment lang and salamat sa patuloy na pagbabasa. ? God bless po. "To betray you must first belong." ― Harold Philby --------------------------------------------x ABIGAIL'S POV Binitawan niya ang kamay ko nang pagkasarado niya ng pintuan. Napakadilim sa kinalalagyan namin. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at pinapakiramdaman lamang ang taong humatak sa akin. Sigurado akong kamay ng lalaki iyon. Naramdaman kong gumalaw siya. "Sino ka?" sabi ko habang hinahabol ang hininga ko. Hindi pa rin nawawala ang epekto ng lecheng allergy ko. Hindi siya nagsalita at ilang sandali ay naramdaman ko na naman ang paggalaw niya. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil sa kaba. Sigurado akong hindi siya kakampi. "Sino ka ba kasi?!" pasigaw kong tanong. Ngunit imbis na magsalita ay napatingin ako sa kabilang dulo ng kinalalagyan ko dahil sa biglaang paghawi ng kurtina ng isang bintana. Nagkaroon na ng liwanag. At nakita ko siya. Nakatayo sa harapan ko. Hawak-hawak ang maskara niya. Si Sir Buendia.

Page 380: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Lumapit siya sa akin. Palapit nang palapit habang ako ay umaatras. Natatakot ako. Baka ... baka ... patayin niya ko. Nang naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko ay pinabayaan ko na siyang makalapit sa akin. Iniyuko ko patagilid ang ulo ko para maiwasan ang mga mata niya. Hanggang sa ilang sandali ay may tinanggal lang siya sa may braso ko. Paanong may nakadikit na glow in the dark na sticker sa akin? Maaring may nagdikit sakin nito habang nagtatakbuhan ang lahat. Ngayon, alam ko na kung bakit niya kayang-kaya akong hatakin kahit na madilim 'nun. Ngunit ang tanong, bakit nga ba ko hinatak nito? "Anong balak mong gawin sakin?" Tumingin siya muli sa akin pagkatapos niyang itapon ang kinuha niyang sticker. "Hindi ba halata? Ililigtas kita." Ayoko sanang maniwala kaso parang kusang lumambot ang pakiramdam ko ... kusang umamo ang mga mata ko. "T-Talaga?" Lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko kahit isang katiting na gusto, wala na kong nararamdaman sa teacher na 'to. Yun ang alam ko. Naramdaman ko na lang na idinikit ni Sir Buendia ang bibig niya sa may tainga ko. "Naniwala ka naman?" At sa pagkasabi niya 'nun, napaupo ako. Ramdam ko ang paglambot ng mga tuhod ko. Kung ganun nga, katapusan ko na. "Alam mo ba kung bakit hindi ko pinapansin lahat ng pagpapansin-pansin mo sa akin noon?" Tumango ako saka nagsalita, "Oo, dahil si Hanako lang ang iniisip mo." Narinig ko siyang tumawa nang tumawa. Ito ang unang beses na narinig kong tumawa siya nang ganun. Na para bang sobrang nakakatawa ng sinabi ko. Na para bang may mali sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nakakatakot pala ang ngisi niya. Parang hindi siya 'yung mabait na teacher na nakilala ko-yung teacher na nakangiti sa bawat estudyante at malambing magsalita. Ngunit ano pa nga ba ang pinagtataka ko? Bilang lang naman ang totoo sa Laketon Academy. "Yan ba talaga ang iniisip mo? Na ganun ang tingin ko kay Hanako?" nakangisi pa niyang sabi. "Bakit? Mali ba ako?" "Maling-mali." Napakunot ang noo ko. Teka ... kung ganun bakit-paano? Inis na inis ako kay Hanako dahil sa kanya tapos hindi naman pala totoo?

Page 381: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa'yo. Wala ka aming halaga sa akin." Napairap ako sa narinig ko. Tama. Kailan ba ko nagkaroon ng halaga sa mga taong nasa paligid ko? Kailan ba ko nagkaroon ng halaga sa pamilya ko? Kailan ba ko nagkaroon ng halaga sa mga kaklase ko na kung anu-ano lang ang sinasabi kapag nakatalikod ako? Isang tao lang ang minsang nagparamdam na mahalaga ako. Isang tao lang ang nagkaroon ng panahon para alamin kung ano ang gusto at ayaw ko. Isang tao lang ang merong pasensiya sa bunganga ko. Si Clyde. Siya lang ang naging totoo sa akin mula pa noon. Si Clyde lang ang kakampi ko mula pa noong iniwan na ko ng lahat. "Hindi mo ba hahanapin si Clyde?" Napatingin agad ako sa kanya dahil sa tanong na sinabi ngunit bago pa ko makasagot ay nagbukas ang pintuan. Pumasok ang isang lalaki na may hawak na flashlight sa kanan niyang kamay. "Clyde!" tumayo ako at lalapit sana sa kanya kaso natigilan ako nang nakita ko ang kaliwa niyang kamay. Bakit may hawak siyang maskara ng lobo? Kahit na nakikita ko sa mga mata niya na galit na galit siya, kalmado pa rin niyang kinausap ang gagong teacher namin. "Ayoko ng gaguhan ... sir." Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit tinapik ko ito palayo. Ramdam ko ang panginginig ng bibig ko. Pati na rin ang mga mata ko na malapit ng bumigay at umiyak. T-Teka ... bakit may hawak siyang ganun? Isa rin ba siya sa kanila? Napatingin si Clyde sa pinagmamasdan kong hawak niyang maskara. At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang mataranta. "A-Abigail, ipapaliwanag ko. Maniwala ka sa akin. Wala akong planong masama sa'yo." Narinig ko ang pagtawa ni Sir Buendia. Muli akong tumingin kay Clyde. Ang tanging tao na pinahalagahan ako. Ang tanging tao na pinagkatiwalaan ko nang buo mula pa noon. Ang tanging tao na alam kong hinding-hindi ako iiwan. Bakit pinagdududahan ko ang tanging tao na iyon ngayon? "Maniniwala ka ba sa isang lobo, Abigail?" sabat pa ni Sir Buendia. Naguguluhan ako. Isa siya lobo? Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko ang huli kong narinig kay Sir Buendia. Maniniwala ba ako sa isang lobo? "Abi, sakin ka maniwala." Lalapit pa sana si Clyde ngunit bigla akong sumigaw, "Lumayo ka Clyde!"

Page 382: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Narinig ko na naman ang tawa ni Sir Buendia. Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Napatingin ako muli sa kanya nang may inihagis na agad ko naming nasalo. Isang maliit na baril. "Kung ayaw mong maniwala sa kanya, bariliin mo siya at kapag nagawa mo iyon, hahayaan kitang umalis nang matiwasay sa lugar na 'to." Bigla kong naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Tulad ng kanina, hindi pa rin makalapit sa akin si Clyde. Hindi ko talaga maalis sa isip ko na isa siyang lobo. Wala siyang sinabi sa akin. Inilihim niya at ang paglilihim ay isang hindi magandang pangitain. Naglilihim lang ang tao sa kapwa niya tao kapag may ginagawa siyang hindi mabuti para dito. At sa tingin ko, iyon ang dahilan niya. Balak niya talaga ito. Baka ... patayin lang din niya ako. Muli kong naisip ang sinabi ni Sir Buendia. "...hahayaan kitang umalis nang matiwasay sa lugar na 'to." Lalapit pa sana si Clyde ngunit napigilan ang paglapit niya nang itinutok ko sa kanya ang baril. "Abigail, pakinggan mo muna ko-" "Huwag kang magsalita! Huwag na huwag kang magsasalita dahil ipuputok ko talaga to kapag may narinig akong isang salita mula dyan sa bunganga mo!" pagbabanta ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Basta ang nasa isip ko, buhay ko ang nakataya rito ngunit kaya ko bang patayin si Clyde? Kaya ko ba siyang patayin? "Ano na Abigail? Ang tagal naman," wika ni Sir Buendia. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang inilagay ko sa may gatilyo ang daliri ko. Sa tingin ko, kailangan kong pumili. At nakapagdesisyon na ako. Humakbang ako ng dalawa papalapit kay Clyde habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril. Nakikita ko sa mata niya na may sinasabi siya ngunit hindi ako makapag-isip nang maayos. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. At ilang sandali, kinalabit ko na ang gatilyo. RAPHAEL'S POV "Gamitin mo to. Hahanapin ko lang si Abi," wika ni Clyde bago umalis sa pinatataguan namin. Hinawakan ko nang mabuti ang binigay niyang maliit na flashlight saka ako tumayo.

Page 383: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi ako pwede pumirme lang sa isang taguan sa buong oras. Kailangan ko pang hanapin si Luna. Isa pa 'yon. Mula 'nung biglaang namatay ulit sa pangalawang beses ang mga ilaw-bigla na lang nawala. Mukha rin may iniisip pa siyang mas malalim bago pa magsimula ang lahat. Hindi naging maganda ang resulta ng plano. Natunugan ... yun ang sabi ni Clyde pero paano? Hindi naman kami basta-basta gumagalaw. Walang rason para makatunog sila. Ngunit sa isang sandali, may naisip ako. Paano kung may trumaydor? Paano kung may nagsabi patungkol sa plano? Iyon nga siguro ang rason. Inilawan ko ang gilid ng kinalalagyan ko at agad kong hinawi ang kurtina sa isang bintana. Nagkaroon ng kaunting liwanag sa kwarto. Bubuksan ko pa sana ang bintana kaso mukhang naka-lock ito. Tinignan ko nang malapitan ang lock at nakakita ako ng keyhole. Hindi pwede, kailangan ng susi. Hinanap ko ang daan palabas dito sa isang conference room ngunit habang naglalakad ay may napansin ako sa may itaas na gilid ng kinalalagyan ko. May ilaw roon. Medyo maliit ito ngunit kitang-kita dahil sa madilim. Kung hindi ako nagkakamali isang L.E.D light. Tinapatan koi to ng hawak kong flashlight at hindi na ko nagulat sa nakita ko. Isang night vision na CCTV camera. Bigla akong nakaramdam ng inis. Agad kong inilawan ang paligid at naghanap ng isang bagay. Lumapit ako sa isang table kung saan may vase na gawa sa isang kahoy. Nakasimangot akong pumwesto sa harap ng CCTV at inihagis ito mismo sa camera. Sigurado akong makikita ito ng kung sino man ang nagmamatyag sa lahat. Ramdam na ramdam ko pa rin ang inis ko hanggang sa makalabas ako sa kwartong iyon. Kailangan ng matapos ang kalokohan na 'to. Kailangan kong makauwi nang matiwasay. Kailangan ako ng pamilya ko. Pagkalabas ko ng kwarto, dahan-dahan akong pumwesto sa likod ng isang pader. Inilawan ko ang buong function hall na nasa baba. At nagulat ako sa nakita ko. Madaming bangkay ang nakahandusay sa buong functional hall. At doon, napalitan ng kaba ang inis ko. Ngunit bago pa ko makaalis sa pwesto ko ay may naramdaman akong matulis na bagay sa may leeg ko. "Gawin mo ang lahat ng sasabihin ko," narinig ko ang boses ni Austin. "Kung ayaw mong matulad sa kanilang lahat." Si Austin, halos sa kanya nakasalalay ang plano namin-sa kilos nilang dalawa ni Clyde. Ang problema lang, mukhang hindi namin napag-isipan ang lahat. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Ngayon ko lang naramdaman ito, na para bang ang tanga ko. "Lumakad ka. Ilawan mo ang daraanan mo. Huwag kang gumawa ng ingay." At gaya ng sinabi niya, lumakad ako paabante.

Page 384: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Akala nyo, mauuto nyo ako ano? Mga ulol," bulong pa niya sa akin. "Dahil sa ginawa nyo. Dahil sa sumunod kayo sa plano na sinabi sa inyo nila Sapphire, mas lalo kayong mababaon sa hukay. " Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya, "Dahil sa sumunod kami sa plano ni Sapphire?" tanong ko. At muli, mas lalo akong kinabahan. Ano ang ibig sabihin ni Austin doon? Na dahil sa plano ni Sapphire kaya nangyari ang lahat ng ito? "Lumakad ka lang. Wala akong sinabi na tumigil ka," matigas na pagkakasabi niya. Lumakad naman din ako. "Pero sige, sasagutin ko ang tanong mo Mr. class President. Ang plano ni Sapphire ay hindi para mailigtas ang lahat. Hindi pabor sa inyo. Alam mo ba kung bakit?" nakaramdam ako ng pang-aasar dahil sa sinabi niya. "Isa sa inyo ang traydor." Nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba, isang traydor. "Sino?" tanong ko muli. "Masasagot ang lahat ng tanong mo rito," at marahas niya akong pinaharap sa isang pintuan. "Mr. Class President, pakibuksan ang pinto kung ayaw mong gilitan ko 'tong leeg mo." At pagbukas ko ng pinto, ang unang bumungad sa akin ay si Sapphire na nakaupo sa isang upuan. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY MitcheleinCruz. Hi po! Gusto ko lang magpasalamat sa patuloy na pagsuporta ng story na to kahit na pagong ang updates ko wahahaha. Lamshuuuuu. God bless po~ ♥ TURNCOAT. A person who deserts one party or cause in order to join an opposing one. SPEAKING OF LAGING BITIN. Hindi pa ba kayo sanay? haha. De, sa chapter na to dapat sasagarin ko na yung POV ni Raph kaso dahil yung mga susunod na mangyayari ay biglaan ko lang naisip, kailangan ko munang pag-isipan. Dapat talaga di ako nagpaplano ng plot eh, wala namang nasusunod. Lol. Thank youuuu sa lahat na patuloy na nagbabasa nito. Comment lang yung reaction, mga hula at kung anu-ano. God bless sa lahat. =) "The most damaging aspect of abuse is the trauma to our hearts and souls from being betrayed by the people that we love and trust." - Unknown --------------------------------------------x

Page 385: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

LUNA'S POV Ilang minuto na akong nakaupo rito. Lumayo ako sa kanya. Nasa may dulo ako ng kwarto at siya naman ay nasa kabilang dulo. Ilang sandali ay may umilaw na kung ano sa may pwesto niya. Napapikit ako nang itinapat niya ito sa akin. "Ayos ka lang ba?" mahina niyang sabi. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumayo ako at naglakad. Sinusundan naman niya ako ng ilaw ng hawak niyang flashlight. Kumapa-kapa ako sa paligid hanggang sa nakarating ako sa may pintuan. Bubuksan ko sana ito upang makaalis nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa may braso ko. "Delikado sa labas." Napa-irap ako sa inis dahil sa sinabi niya. Saka ako humarap at itinulak siya palayo sa akin. Bumagsak sa may gitna namin ang hawak niyang flashlight na agad ko namang kinuha. Agad ko iyon tinapat sa gulat na gulat na mukha ni Spade. "Sa tingin mo, ligtas ako rito? Lalo na't kasama ka?" lumingon ako sa bag ko at kinuha ko ang binigay sa akin ni Andy roon, ang kutsilyo. Mukhang napansin niya ang hawak ko kaya mas lalong sumama ang ekspresyon ng mukha niya. Binato ko sa may gilid ang bag ko saka muling humarap sa kanya. "Subukan mo akong lapitan at hindi ako magda-dalawang-isip na-" "Makinig ka sa akin. Hindi kita sasaktan." Ngumisi ako sa sinabi niya. "Alam mo ba ang nakakatawa, Spade? Lahat ng trumaydor sa akin, iyan ang sinabi. Ang stepfather ko, isa sa mga kaklase ko na akala ko ay kakampi ko noon pero ginawa lang akong tanga at ang dati kong best friend. Naguguluhan ako ngayon kung ano ka nga ba sa larong 'to. Hind ko alam kung kalaban ba talaga ang dapat na tingin ko sa'yo o kakampi. Pero para mas maiwasan ang lahat ng pwedeng mangyari, lumayo ka sa akin. At kapag lumapit ka, hindi ko maipapangako-" Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla siyang tumayo at tumakbo sa akin. Nagulat ako. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Sige, kung sa tingin mo ay kalaban ako, iyang hawak mong kutsilyo-isaksak mo na sa akin ngayon." Hindi ko alam kung ano ang problema sa katawan ko at para bang bigla akong nanghina. Bigla ding may kumirot sa may dibdib ko. Mas hinigpitan pa ni Spade ang pagkakayakap sa akin. "Luna, sige, patayin mo 'ko." Ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Ang pagbigat ng mga mata ko. Hanggang sa ... bigla akong lumuha. Hindi ko alam kung bakit para bang wala akong kontrol ngayon sa sarili ko. Habang hawak ko ang kutsilyo na

Page 386: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

'to, habang naririnig ko pa rin sa utak ko ang sinabi ni Spade-naalala ko ang gabi na pinatay ko ang sarili kong tatay. Naalala ko ang mga panlilinlang sa akin ng stepfather ko tungkol sa totoong nangyari sa nanay ko, sa pamilya nila at sa totoo kong pagkatao. Naalala ko yung mga panahon na tinalikuran ako ng lahat. Naalala ko paano ko kinamuhian ang lahat ng tao sa paligid ko-kung paano ako mawalan ng pag-asa sa pagtitiwala. H-Hindi ko pa kayang magtiwala. "Tigilan mo ang katangahan na 'to, Spade." "Sasaksakin mo ko di ba? Bakit di mo magawa?" Mas lalo niya ulit hinigpitan ang pagkakayakap niya. "Ang sabi ko, tigilan mo!" Dahil sa pagsigaw ko ay napaatras siya. Tama na ang isang luha na pumatak. Pangako, hindi na ulit ito susundan pa. At isa pang pangako sa sarili ko, hinding-hindi na ko magtitiwala. "L-Luna, maniwala ka. Please, maniwala ka sa akin-" "Tama na," humakbang ako papunta sa kanya. Ilang sandali ay tinutok ko ang kutsilyo na hawak ko sa leeg niya. Itinapat ko muli ang flashlight sa kanya at nakita ko na naman ang gulat na gulat na mukha niya. "Sino ang panglimang myembro nila Miaka? Ikaw ba?" tanong ko habang nakatutok pa rin sa kanya ang kutsilyo. "Hindi ako. Please Luna, mani-" "Kung ganun sino? Kung hindi ka makakapagbigay ng pangalan, papatayin kita," ni hindi nagdalawang-isip na sabi ko. "H-Hindi ko kilala. Si Miaka lang ang nakakausap ko sa kanila. Luna, hindi ka ba talaga maniniwala?" Napalunok ako sa di ko malaman na dahilan. Nang bigla niyang inagaw ang hawak kong kutsilyo. Napasigaw ako sa gulat. "Pasensiya na Luna, kailangan ko lang gawin ito." Papatayin na ba niya ako? Napaatras ako. Sabi ko na nga ba ... hindi siya dapat pagkatiwalaan. "Luna, wag kang lumayo. Ginawa ko lang yun dahil hindi tayo magkakaintindihan kapag may kutsilyo kang hawak. Pwede bang makinig ka muna sa akin?" Nanliit ang mga mata ko dahil sa inis sa kanya ngunit pagkatapos kong pag-isipan, mukhang kailangan ko nga muna siyang pakinggan.

Page 387: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sige." "Hindi ako parte sa grupo nila. Kaya ako na kay Miaka dahil kaibigan ko siya mula pagkabata at sa tingin ko hindi maganda ang mangyayari sa akin kung hind ako sumunod sa kanya. Ang tangi lang naman niyang hiling ay nasa tabi niya ako. Iyon lang. Wala ng iba. Pero sumusunod lang ako sa agos. At sa dulo, tatalikuran ko siya." Napailing ako, "Paano ako magtitiwala sa taong kayang traydurin ang sarili niyang kaibigan? Katulad ka rin nila, Spade." Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. Sa isang banda, gusto kong maniwala pero sa isang banda, gumagawa ang utak ko ng dahilan para hindi maniwala sa kanya. Kailangan kong mag-ingat. "Luna, ano ba? Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Alam mo naman ang sitwasyon ngayon di ba? Mali si Miaka, mali ang mga pinaggagagawa niya. Sa tingin mo, kakampihan ko pa siya hanggang sa dulo dahil sa pagkakaibigan na yan?" ramdam na ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita niya. "Mas mabuti kung aalis ako dito Spade. Mas mabuti kung magkahiwalay tayo." Walang anu-ano'y naglakad na ko papunta sa pintuan at agad kong binuksan ito. Tinapatan ko ng flashlight ang daraanan ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang boses ni Spade ngunit hindi ako tumigil sa paglakad. Hanggang sa may bigla akong naramdaman na kung ano sa may paa ko. Tinapatan ko ito ng ilaw. Isang itim na pusa na may kung anong kulay pula sa may leeg niya. "Luna," mahinang sabi ni Spade na mukhang nasa likuran ko. At ilang sandali, pareho kaming walang nasabi nang nakita namin kung sino ang nasa harapan namin. MURDERER'S POV Napangiti ako habang tinitignan ang ilangLCD monitor na nasa harapan ko. Kung saan ko nakikita ang bawat nangyayari sa loob at labas ng functional hall. Hinigop ko ang hawak kong tasa na puno ng mainit na kape. Nakakatuwa ang nangyayari sa bawat kwarto. Dito lang sa loob ng kwartong ito ang may kuryente. Ngayon lang napatunayan ni Sir Buendia na matalino nga talaga siya. Psh. Saka naman ako lumingon sa dalawang tao na nasa sulok ng kwarto. Nakatali ang mga kamay at mga paa nila at natatakpan din ng duct tape ang mga bibig nila. Pareho silang nakatingin nang masama sa akin at ilang beses rin napapatingin sa pinapanood kong mga kuneho. Inilapag ko sa may mesa ang hawak kong tasa ng kape at lumapit sa kanila. "Good Evening, Nurse Tin," nakangiti kong sabi sa kanya.

Page 388: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Tumingin naman ako sa katabi niya at ngumiti lang sa kanya. Hindi ko siya sasaktan. Hindi ko kayang saktan ang taong 'to. May plano pa ako para sa aming dalawa. Maaring ayaw na sa paraan ko pero kahit anong mangyari, magtatagumpay ako. Hindi ako aabot sa puntong 'to para mabigo lang. Magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. "Nakatakas yung hinahabol namin," halata sa mukha ni Miaka ang inis habang papasok sa kinalalagyan namin. Agad na sumalubong sa pagdating niya si Kuro na kanina pang pagala-gala sa loob ng kwartong 'to. Hanggang sa nakaisip ako ng isang magandang ideya. "Miaka, may ipapakita ako sa'yo." Lumapit ulit ako sa mga LCD monitor at tinuro ko agad ang isang monitor kung nasaan nandoon si Spade at yung Luna na 'yon. At ang maganda pa, magkayakap silang dalawa. "Siya yung Francis na kaibigan mo di ba?" Kitang-kita sa mukha ni Miaka ang galit. Hindi-galit na galit. Bigla niyang sinapo ang noo niya. Mukhang nahihilo siya. Napaupo siya at nanginginig. Mahinahon kong hinagod ang likuran niya. "Pinagtataksilan ka ng kaibigan mo. Baka sa dulo, tatalikuran ka rin niya katulad ng patalikod ni Hanako sa'yo. Gusto mo ba 'nun Miaka? Maiiwan ka na namang mag-isa? Wala ka na namang masasandalan? Katulad noong mga panahon na pinamigay ka na lang basta ng mga magulang mo? Katulad noong mga panahon na halos wala ng umiintindi sa'yo?" bulong ko sa kanya. "Hindi! Hindi makakatakas sakin si Francis!" para bang nababaliw na sigaw ng sira-ulong 'to. "Tama yan, Miaka. Para huminahon ka, ininom mo tong gamot mo." Kinuha ko sa may bulsa ko ang isang maliit na botelya na naglalaman ng ilang pirasong pills. Binigay sa akin ito ni Sir Buendia para sa gabing ito. Mas matindi ito sa pinapainom namin sa kanya. Tripleng epekto. Sigurado akong matatapos na si Miaka rito. "Inumin mo na Miaka. Para gumaling ka na." Halata sa mukha niya na nagdadalawang-isip siya ngunit wala na siyang magagawa kung hindi inumin ito. Kami ang nagligtas sa kanya at alam kong alam niyang kami rin ang babawi nito. Dahil ang dapat na patay ay nasa hukay at doon nababagay si Miaka. Kinuha niya ang botelya ang ininom ang dalawang piraso nito. Dalawa? Tsss. Ang kaunti. Ngunit tumayo ako at humarap na lang sa kanya. Napalingon muli ako sa monitor na iyon at nakita ko na may tinututok si Luna sa Spade na 'yon. Mukhang kutsilyo. Nagugustuhan ko talaga ang mga nangyayari. "Tignan mo Miaka, balak niyang patayin si Francis. Makakapayag ka ba?"

Page 389: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

At sa pagkasabi ko 'nun ay nagmamadali siyang umalis habang hawak-hawak ang lecheng pusa niya. Napahawak ako sa braso dahil sa pagtayo ng balahibo ko. Kinuha ko ang maliit na baril na bigay sa akin ni Sir Buendia at humarap muli kay Nurse Tin. Sa kaliwa kong kamay may hawak akong kutsilyo at ginamit ko iyon para maputol ang tali sa may paa niya. "Tumayo ka," utos ko sa kanya habang nakatutok sa may likuran ng ulo niya ang baril. Sumunod naman siya sa sinabi ko. "Pumasok ka sa kwartong nasa kaliwa." Tulad ng sinabi ko iyon ang ginawa niya. Dahan-dahan siyang naglalakad habang nanatili pa ring nakatutok sa may ulunan niya ang baril ko. Pagpasok niya sa maliit na kwartong ito ay agad kong sinarado ang pintuan. Nandito kami sa katabing room ng pinanggalingan namin. Mas malaki ang kwarto na ito. Ang kalahati ng kwarto, kung saan kami nakapwesto ay may ilaw at ang isang kalahati ay patay ang ilaw. Para sa surpresa ko kay Nurse Tin. Lumapit ako sa kanya upang tanggalin sana ang duct tape sa bibig niya ngunit nakaramdam ako ng isang malakas na sipa sa may tuhod ko. Mapapaupo sana ako nang mabilisan ko muling tinutok sa kanya ang baril at pinutok ko agad ito. Nadaplisan siya sa may braso. "Lintek! Subukan mong manlaban, papatayin talaga agad kitang matanda ka!" Nakatingin lang siya sa akin habang hawak-hawak ang braso niya na nagdurugo. Nakatayo lamang siya sa harapan ko at ilang sandali ay muli akong lumapit sa kanya. Tinutok ko ang kutsilyo sa may mukha niya. "Gusto ko maglaro tayo ngayon Nurse Tin. Sa bawat tanong ko na hindi mo sasagutin nang totoo, sasaktan kita. Handa ka na ba?" Itinapon ko sa may gilid ko ang baril na hawak ko at tinutok sa kanya ang kutsilyo. Tuluyan ko nang tinanggal ang duct tape na hindi ko natuloy kanina at isang sigaw ang pinakawala ng nasa harapan ko. "Baliw ka! Nababaliw ka na!" Sa sinabi niyang iyon ay agad kong nilaliman ang sugat sa may braso niya gamit ang kutsilyo. Inikot ko ang kutsilyo palalim pa sa kalamnan niya sa pangalawang pagkakataon na sinaksak ko iyon. At ang tanging reaksyon ni Nurse Tin ay mapasigaw at mapaupo. "Hindi iyon ang tamang sagot sa tanong ko." Tumingin siya nang masama sa akin bilang tugon. "Pangalawang tanong, bakit ka pumasok sa Laketon Academy? Para maghiganti kay Mr. Laketon o iba pa?" Umupo rin ako para magkaharap ang mga mukha namin. Dapat kanina ko pa siya tinapos pero boring naman kung ganun. Gusto ko masiyahan. Nakakatamad manood lang sa mga LCD monitor na iyon. At may gusto akong malaman. "P-Para maghiganti kay Mr. Laketon."

Page 390: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

At pagkasabi na pagkasabi niya 'nun ay agad kong hiniwa ang parte ng pisngi niya. Mula sa may ilalim ng kaliwang mata hanggang sa may gilid ng bibig. Malalim. Madugo. "Sinungaling. Pumunta ka ulit sa Laketon Academy para maghiganti kay Teacher Yuko. Nag-apply ka dahil sa nabalitaan mo na nandirito siya. Pumunta ka rito para mapatay siya. Nagtagumpay ka di ba? Ikaw ang nag-udgyot na patayin siya gamit ang isa sa mga estudyante niya. Tama ako di ba?" "H-Hindi! Pinigilan ko siya noong una-" Bago pa matapos ang sinabi niya ay hinawa ko naman ang isang parte ng balikat niya. Kitang-kita ko ang mariin na pagpikit niya para matiis ang sakit. Napangiti ako nang nakita kong may dugo na sa damit niya. "Hindi ako naniniwala. Kung hindi mo gusto, bakit pinabayaan mo? Tsss. Wag tayong mag-ululan dito." Pumaibaba ang tingin niya. "Ano ngayon kung nagustuhan ko na namatay si Yuko? Ano ngayon kung pumasok lang ako sa Laketon para maghiganti sa kanya? Importante pa ba ngayon 'yon?!" Tumango ako sa sinabi niya, "Mukha ngang hindi na pero hindi iyon ang pakay ko. Gusto kong malaman ang nangyari noon sa batch nyo. Yung mga chop-chop na mga katawan na nakita doon sa room 101-A. Dahil sa inyo iyon di ba?" Nanlaki ang mga mata niya na para bang may tinanong ako na bawal. "Hindi ka sasagot?" At dahil sa katahimikan niya ay muli kong sinaksak ang malalim na sugat niya dulot ng pagkakadapsil ng bala at ng saksak ko mismo sa sugat na iyon. "Hindi ka sasagot?!" isa pang sabi ko at nilaliman ko muli hanggang sa kalamnan niya. Napasigaw siya nang napakalakas sa sakit. "Magsalita ka!" at mas lalo ko pa iyong diniinan. "Oo! Kagagawan namin ni Yuko ang lahat ng iyon," tinanggal ko na ang kusilyo at tumingin sa kanya. Deretso sa mga mata. Pinahid ko sa may kanan niyang pisngi ang ilang dugo na naroon sa kutsilyo. "Magaling. Sige, ikwento mo," wika ko muli at itinutok ko ang kutsilyo sa gilid ng leeg niya. Nanginginig siya sa takot. Hindi ko akalain na haharap sa akin nang ganto ang isang Nurse Tin. Hindi ko alam na darating din ang panahon na ito. Takot na takot siya. Napakagaling. "K-Kami ang napiling mga rabbits. Napili si Yuko gamit ang White Rose Game habang ako ay pinili naman ng estudyante na may pinakamataas na grades sa grading na iyon, ang best wolf. Malaki ang galit sakin ng taong iyon kaya hindi na ko nagtaka. Nagsimula ang finals, ang judgement sa lahat ng rabbits. Madaming nangyari. Lumabas lahat ng sikreto na tinatago

Page 391: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

naming lahat. Pinagkaisahan kami. Matalik kaming magkaibigan ni Yuko pero noon ko lang nalaman na marami siyang kinalat na pekeng balikta patungkol sa akin. Ngunit nangyari ang hindi inaasahan, lahat ng rabbits ay nabuhay. Walang napatay, walang nagpakamatay na rabbits kaya noong araw na iyon. Sinunod namin ang isa pang rule, 'Revenge is the key. Death is the punishment," sabi niya na para bang naluluha-luha pa. "Nakipagbati sa akin si Yuko 'nun. Gumawa siya ng mga rason na tinanggap ko naman pero noong napatay na namin ang lahat kabilang ang dalawang rabbit pa na kasama namin..." napatigil siya sa pagkwento. "Tapos, ano ang nangyari? Bilisan mo!" sigaw ko ulit sa kanya. "Muntik na niya akong patayin. Sinugod niya ko gamit ng hawak niyang kutsilyo. Hanggang sa nalaman ko na nakipagkasundo siya kay Mr. Laketon para manalo sa larong 'yon pero may isa daw na kapalit, kailangan siya lang ang matira. Muntik na niya akong patayin pero naunahan ko siya. Nasaksak ko ang tagiliran niya. Tumakas na lang ako 'nun at hindi na ko nagpakita sa kanya." Tumawa ako. Tumawa nang tumawa. "Pakawalan mo na ako. Hindi na ko mangingialam. Kaya ko lang naman tinulungan ang 3-C ngayon dahil sa tingin ko maitatama ko ang lahat pero h-hindi pala. Please, pakawalan mo na ko. Wala naman akong kinalaman-" "Anong wala? Malaki ang kinalaman mo sa buhay ko," medyo diniinan ko ang pagkakatutok ko sa may leeg niya na. Halata sa mukha niya na nagtataka siya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Dahil ang isang rabbit na pinatay nyo ay ang kakambal ng nanay ko. Kahit na nasa ibang section siya, napakalaking epekto ng ginawa nyo sa nanay ko. Nalungkot siya. Nadepress. Lagi niyang nakikita ang kakambal niya kahit na patay na ito. Napunta siya sa Mental at noong gumaling siya, naging normal ang buhay niya. Nagkaroon ng asawa, nanganak pero akala namin okay na. Bumalik ulit ang lahat sa kanya. Binalak niya kaming patayin hanggang sa binalik siya sa Mental at doon nagpakamatay. Hindi nyo alam kung ano ang epekto ng ginawa nyo." Nandidilat ang mga mata ko sa kanya habang sabu-sabunot ko ang buhok niya. "Kaya natutuwa talaga ako na dumalo ka ngayon. Tamang-tama, matatapos ko ang laro at matatapos na rin kita. Tumayo ka!" mas hinigpitan ko ang pananabunot sa kanya nang pagapang-gapang pa siya hanggang sa tumayo siya. Hatak-hatak ko siya papunta sa switch ng ilaw at binuksan ko ang ilaw ng kalahati ng kwartong ito. Doon ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Doon ay may isang surgical bed. Alam kong mas kinakabahan na siya ngayon. "Humiga ka doon." Bulong ko sa kanya. "P-Please..." binanggit pa niya ang pangalan ko pagkatapos ng lintek na 'Please' niya na 'yon. "Lintek na, ano bang sabi ko ha?!" at sa pagsigaw ko na naman ay sumunod na siya sa sinabi ko ngunit ilang sandali ay lumingon siya sa akin at nagulat ako sa hawak niyang baril. Nakatali ang mga kamay niya sa parte ng pulso kaya hindi ako nagtataka kung bakit kaya pa niyang gawin ito. Ngunit paano niya nakuha ang baril?

Page 392: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napamura ako sa isip ko. "Ibaba mo ang hawak mong kutsilyo." Matigas na pagkakasabi niya. Hanggang sa naalala ko ang ilang beses niyang paggapang sa sahig kahit na nakasabunot ako sa kanya at sinigawan na tumayo siya. Naisahan ako. Dahan-dahan kong binaba ang kutsilyo hanggang sa malapit na ito sa may sahig. Malapit lang ako sa kanya kaya sa sandali na dapat ay ilalapag ko na sana ay mabilisan kong hinawi ito para masugutan ko ang paanan niya. Agad akong kumilos nang mabilis para maiwasan ang pagputok niya ng baril. At wala akong kapagod-pagod na nakarating sa may likuran niya. Sinagi ko ang braso niya upang mabitawan niya ang baril na agad ko rin namang kinuha pagkabagsak na pagkabagsak. Walang-wala siya sa bilis ko. "Ngayon, pwede ka na bang humiga, Ms. Kristina Lucero?" nakangisi kong sabi sa kanya. Paatras siyang humiga at noong nakapwesto siya ay agad kong kinuha ang mga tali pa na nasa gilid ng kamang ito. Tinali ko siya sa mismong higaan. "Kalimutan na natin ang nangyari kanina. Ako ang magiging nurse mo ngayon. Nakakatuwa di ba?" Inilabas ko sa isa sa maliit na drawer sa cabinet sa gilid ang isang sinulid at karayom. Agad akong lumapit ulit sa kanya. "Gusto ko, sumigaw ka nang napakalakas. Di bale, kaunting sakit lang ito." Pumwesto ako sa may kaliwa niya at narinig ko na naman ang paghingi niya na pakawalan ko siya at paghingi ng tawad ngunit wala na itong magagawa ngayon. Walang-wala na. Itinaas ko ang sinulid ang karayom. Sa paglapit ko ng kamay ko sa may pisngi niya ay agad siyang nagpumiglas. Malakas ko siyang sinampal sa may kanan niyang pisngi. Ang galaw-galaw! "Ang pinaka-ayoko ng isang nurse ay isang matigas ang ulo na pasyente kaya pwede ba umayos ka?!" sigaw ko na naman sa kanya. Ilang sandali ay inayos ko muna ang pagkakatali sa kanya at mas lalo ko itong hinigpitan. Napangiti ako sa resulta, ni hindi siya makagalaw. "Simula na natin?" "P-Please," bulong na naman niya. Pinatong ko ang hintuturo ko sa taas ng labi niya, "Shhhh. Mas masakit kung magsasalita ka pa." Nagsimula na ko. Sinimulan ko sa may ibaba ng mata niya. Kitang-kita ko ang nanlalaki niyang kaliwang mata na nakatingin sa ginagawa ko. Sa paglubog ng karayom ay napasigaw siya ng malakas na sobra kong kinatuwa.

Page 393: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ito ang gusto ko ... ang sumisigaw. Sa dinami-dami ng napatay ko, noong binansagan pa akong serial killer 'kuno' ng mga pulisya, isa ang mga sigaw nila sa nagpapasaya sa akin. Mukhang hindi talaga nila akalain na ang isang katulad ko ay maaring gagawin iyon. Sa pagbunot ko ng karayom, sa paghatak ko ng sinulid palabas sa kalamnan niya ... sigaw na naman niya ang nangibabaw. Tumawa ako nang tumawa habang tinatahi ko ang sugat na iyon. Nagsimula na kasi siyang maluha sa ginagawa ko. "Sandali na lang." Pagkatapos ko sa pisngi niya ay sinimulan ko naman ang nasa balikat niya. Nanginginig talaga siya sa bawat lubog ng karayom. Mas nilalaliman ko pa ang paglubog nito sa kalamnam niya sa tuwing tatahimik siya at mangingiyak na lang. Gusto ko siyang sumigaw. Gusto ko siyang magwala sa sakit. Katulad ng sakit na nadama ng nanay ko. Katulad ng sakit ng nadama ko dahil sa puro kasamaan na lang ang pinakita sa akin pagkatapos niyang mamatay. Katulad ng sakit ng tiniis ko habang nakikita kong kuhanin ng iba ang isang bagay na sobrang gusto ko. Sa paghugot ko muli ng karayom na may sinulid ay isang sigaw na naman ang pinakawala niya. Natapos ako sa balikat. Sinunod ko naman ang braso niya na sobrang lalim ng saksak. "Mukhang kailangan muna nating linisin ito ano, Ms. Kristina?" Umiling-iling siya habang nangingiyak pa rin sa sakit. "Tatanggapin ko yang sagot mo bilang oo," nakangiti kong sabi bago ako pumunta ulit sa table at kinuha ang isang malaking bote ng rubbing alcohol doon. Inihanda ko talaga ang lahat ng ito para sa kanya. "Sasakit ito nang kaunti pero sandali lang. Kaya mo naman titiisin di ba?" tanong ko pero umiling na naman siya nang umiling. "Tatanggapin ko ulit yan bilang oo." Nakangiti ko na namang sabi. Binuksan ko ang alcohol at ilang sandali ay binuhos ko ito mismo sa sugat niya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasiyahan sa napakalakas niyang sigaw. "Ayoko ng patagalin pa ito. Nasiyahan na ko sa kaunting pag-uusapan natin. Ikamusta mo na lang ako kay Teacher Yuko pag nagkita kayo sa impyerno," pinasok ko sa mismo sa loob ng bibig niya ang buksanan ng rubbing alcohol. Wala siyang nagawa kung hindi inumin lamang ito nang inumin. Nasa kabilang kamay ko na ang baril at ilang sandali ay sumuka nang sumuka si Nurse Tin. Napangisi ako habang mabilis kong tinapat sa bibig niya ang baril at agad kong pinutok. Psh. Natapos din. Lumabas ako ng kwarto habang pinapagpag ang damit ko. Tinignan ko siya na nakaupo pa rin sa sulok habang nakatali ang mga kamay at paa. Nakatingin pa rin siya sa akin nang masama.

Page 394: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Narinig mo ba ang lahat ng iyon? Maaring mangyari rin sa'yo iyon," lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. "Basta pumanig ka lang sa akin." Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti. Kailangan ko ng maghanda para sa magandang pagtatapos ng larong 'to. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY oohlalabyou. Thank youuu ng marami sa patuloy na pasuporta mula book one hanggang dito. Basta ha, tayo lang yung casts sa c3chas the movie hahahaha kems. Tenkyu talaga at sana makita rin kita sa personal. God bless~ Ang cute cute ni Haru sa display picture mo huhu (si Haru yan di ba? Hahaha). *huuuugs* ♥ Next chapter po yung continuation nung kela Abi, Clyde at Sir Buendia pati rin yung kela Raphael, Sapphire & Austin. XD SALAMAT SA PAGBABASA! ANY FEEDBACK(S) WOULD BE HIGHLY APPRECIATED. ♥ GOD BLESS PO SA LAHAT~ "It's not your enemies who are likeliest to hurt you. It is, always, those you trust."― Rachel Caine, Bitter Blood --------------------------------------------x RAPHAEL'S POV NATIGILAN AKO NANG NAKITA KO SI SAPPHIRE na nakaupo lamang doon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tama nga ba ang naiisip ko? Siya na ba talaga? Naramdaman ko ang pagtulak sakin papasok ni Austin. Narinig ko ang malakas na pagsarado ng pintuan. Tinapatan ko ng ilaw si Sapphire at may kung anong mali sa eksrepsyon ng mukha niya. Parang may may tinuturo siya gamit ang mga mata niya sa gilid ng kwarto. Saka ko naman tinapatan ang tinuturo niya. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong flashlight dahil sa gulat. "Ngayon, alam mo na kung sino ang traydor," narinig kong bulong ni Austin. "Kamusta na, Raphael? Tagal na nating di nagkita ah?" nandun pa rin yung ngiti niya na matamis. Yung ngiti sa tuwing binabati niya ako sa school. Yung ngiti sa tuwing lunch habang nagkwekwentuhan kami-kaming grupo nila Sapphire. Si Aislinn.

Page 395: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Aislinn..." bulong ko habang tinitignan ko na papalapit siya sa kay Austin. Hinawakan ni Austin ang kamay niya at ang sunod kong ginawa ay ang lumapit kay Sapphire. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. "Anong nangyari?" mahina kong tanong sa kanya. Bumuntong-hininga siya bago sumagot, "Mahabang kwento." Napatingin na lang ako kay Aislinn habang papunta siya sa gilid at ilang sandali ay hinawi niya ang kurtina ng malaking bintana roon. At ilang iglap, nagkaroon na ng liwanag sa kinalalagyan namin ngunit mahigpit ko pa ring hawak ang flashlight. Katahimikan ang nangibabaw sa aming apat. Ilang sandali ay lumapit muli si Aislinn kay Austin. Pinanood ko lang siya habang kinukuha kay Austin ang isang kutsilyo. Nakangisi na humarap sa amin si Austin habang si Aislinn ay nasa likuran niya at nakatingin rin sa amin. "Kamusta Mr. Class President? Akala nyo kakampi nyo si Aislinn ano? Akala nyo kakampi siya ni Clyde at Sapphire pero-" natigil ang pagsasalita niya at tanging dugo ang nakita kong lumabas mula sa bibig niya. Lumingon siya kay Aislinn na ang kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa kutsilyo na nakasaksak sa malapit sa puso at maaring deretso sa lungs niya na naging dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig niya. Saka ko naalala si Sapphire. Napabitaw ako sa hawak kong flashlight at humarap sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat. Sobra-sobra ang panginginig niya. Malalim din at sunod-sunod ang paghinga niya. Sinandal ko ang ulo niya sa may dibdib ko at hinagod-hagod ang likuran niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakuha muli ni Aislinn ang atensyon ko nang nilaliman niya ang pagsaksak kay Austin at kasabay 'nun ay mas madaming dugo pa ang lumabas mula sa bibig niya. "Ganito mo ako kamahal di ba, Austin?" ang sinabi ni Aislinn bago tuluyang bumagsak sa sahig ang katawan ni Austin. Mas lalong nanginig si Sapphire. Niyakap ko siya at bumulong ako sa tainga niya, "Kontrolin mo ang pag-iisip mo Sapphire. Pakalmahin mo ang sarili mo." Muli akong tumingin kay Aislinn. Kinakabahan ako. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nangyayari. Sa pagkakaalam ko, kakampi namin si Aislinn. Na siya ang kokontrol kay Austin para maisakatuparan ang plano. Ngunit ano to? Noong una, ang sabi ni Austin ay traydor siya at sa isang iglap, pinatay niya sa harapan namin si Austin-ano ba talaga ang pakay ni Aislinn? Tapos ito, dumagdag pa ang takot ni Sapphire sa dugo. Patuloy pa rin ang panginginig ni Sapphire at nawala lalo ang pagpapakalma ko sa kanya nang umagos sa sahig ang dugo ni Austin hanggang sa paanan namin.

Page 396: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Biglang nagwala si Sapphire. Umiyak siya nang umiyak ngunit niyakap ko lang siya. Gusto niyang tumakbo palabas. Gusto niyang umalis sa kwartong ito. Hirap na hirap na raw siyang huminga. Tumingin ako kay Aislinn at sumigaw, "Ano? Kaya mo bang panourin na magkaganito si Sapphire dahil sa ginawa mo?! Akala ko ba mabuti kang kaibigan? Akala ko ba, hinding-hindi mo iiwan si Sapphire? Aislinn, ano ba talaga ang nangyari?!" Patuloy pa rin si Sapphire sa pagsigaw at pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. Nakapikit siya pero alam kong ramdam na ramdam niya ang maglakit na dugo ni Austin na pumapalibot sa mga paa namin. Lahat ginagawa niya para makaalis ngunit hindi siya ganun kalakas. "Kailangang harapin ni Sapphire ang takot niya sa dugo. Nasanay kasi siya na palaging ginagamot ng hypnotherapy na 'yon. Kailangan niyang harapin ang kinatatakut-" naputol ang sasabihin sana ni Aislinn. Biglang nahimatay si Sapphire. Kinarga ko si Sapphire hanggang sa pinakasulok ng kwarto. Inihiga ko siya roon at muli akong lumapit kay Aislinn. Marami pa siyang dapat ipaliwanag. "Hindi ka ganito. Alam kong hindi mo kayang gawin to! Lalo na ang pagtraydor mo sa amin. Kaibigan mo kami Aislinn, kaibigan mo kami mula pa noon." Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Kilala ko si Aislinn ... hindi siya ganitong klaseng tao. "Tama. Kaibigan, iyan ang pinakaimportante sa inyo nila Sapphore di ba? Pero kung papapiliin kayo, kung pamilya ba o kaibigan? Ano ang pipiliin nyo?" Napalunok ako. Pamilya ang pipiliin ko. "Dahil pamilya ang pinili ko," nagbago ang ekspresyon sa mga mata ni Aislinn. Naging malungkot. "Hawak niya ang nanay ko. Kahit anong oras pwede niyang mapatay ang nanay ko. At kung gagawin ko 'to sa inyo, kung gagawin ko 'to kay Austin ... magiging ligtas si Mommy. Alam kong delikado pero gagawin ko to, para sa pamilya ko. Gagawin mo rin naman ito kung sakali, di ba Raphael?" Sa huling sinabi niya, pakiramdam ko'y may gumapang na maraming gagamba sa magkabila braso ko. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Aislinn. Napayuko ako. "Bago ko pumayag sa plano niya, ilang beses ko muna tong pinag-isipan. Mahirap, Raphael. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko palang na mamamatay ang nanay ko dahil sa akin ... hindi ko na kaya. Sinira ko ang samahan nila ng tatay ko. Sinira ko ang pamilya namin," tumingin ako kay Aislinn. "Hindi ko kayang sirain pa ang natitirang buhay dito sa mundo ng nanay ko." Umiling-iling ako, "H-Hindi Aislinn, may magagawa ka pa. Sabihin mo sa akin kung sino yung tinutukoy mong may hawak sa nanay mo. Sino siya?" Pumaibaba ang tingin niya, "Hindi ko pwedeng sabihin. Pinapanood niya tayo ngayon." Saka siya tumingin sa isang sulok ng kwarto kung nasaan may isang CCTV camera at sa isa pang dulo na meron din. Oo nga, nakalimutan ko ang tungkol doon.

Page 397: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hindi pa huli Aislinn, maliligtas natin ang nanay mo basta-" "Huli na Raphael. Wala na rin namang kwenta ang buhay ko. Dati pa dapat ako patay. Dati pa dapat ako wala sa mundong ito," napatingin ako sa kamay niya kung saan naroon pa rin ang kutsilyo. Iniangat niya ang kamay niya na para bang handa na siya sa susunod niyang gagawin. "Pasensiya na Raphael. Patawarin mo ako." Kailangan kong mag-isip ng paraan. Inunahan ko siya at agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan ang pagsaksak niya sa akin. Medyo malakas si Aislinn ngunit binibigay ko ang lahat ng lakas ko sa pagkakataon na ito. Ilang beses na muntik na niyang mailapit sa may leeg ngunit naiitulak ko ang kamay niya palayo. Ihinarang ko isa kong paa ko sa likuran ng tuhod niya. At sa pag-atras niya ay agad siyang natumba, sa mismong tabi ng bangkay ni Austin. Agad kong hinablot sa kanya ang kutsilyo habang nasasaktan pa siya sa pagkakabagsak niya. Itinaas ko ang kutsilyo at bago pa ko makapaghanda para isaksak ito sa kanya ay biglang sumigaw si Aislinn. "Teka! Raphael, wag! Sasabihin ko sa'yo kung sino siya! Sasabihin ko na sa'yo!" sigaw niya. Nagdalawang-isip ako ngunit pumayag ako. Itinayo ko siya. Magkaharap muli kami at hawak ko pa rin ang kutsilyo. "Sige, Aislinn, Sino-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad na niyang nakuha ang kutsilyo sa kamay ko. Paharap niya itong kinuha kaya kitang-kita ko ang pagdurugo ng kamay niya ngunit kahit alam kong nasasaktan siya, nakangiti pa rin siya sa akin. "Alam mong para sa nanay ko ito. Maiintindihan mo naman ako di ba?" Hindi. Hindi ko na siya maintindihan. "Aislinn ... ano ba? Umayos ka na. Hindi ka ganito." "Para sa nanay ko ito. Kayong dalawa lang ni Sapphire ang kapalit. Kayong dalawa lang," tuloy-tuloy niyang sinabi habang papalapit nang papalapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likuran ko. Hahatakin na sana niya ang kamay ko at sasaksakin ako ngunit isang pangyayari ang hindi ko inakala. Bumagsak sa harapan ko si Aislinn. At sa pagbagsak niya, kita ko si Sapphire sa likuran niya na nanginginig at halatang hindi ulit makahinga. Maaring dahil sa dugo na nagkalat na sa buong kwarto. Nakatayo siya at nakataas pa rin ang mga nanginginig niyang kamay na ginamit niya para bagsakan ng malaki at mabigat na vase ang ulo ni Aislinn.

Page 398: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Patuloy rin ang pagtulo ng mga luha niya. Naiintindihan ko siya. Masyadong mabilis ang nangyari. Ni hindi namin alam na magiging ganto. Na siya mismo ang papatay sa pinakamatalik niyang kaibigan. Agad akong lumapit kay Sapphire para saluhin siya nang nanlambot ang mga tuhod niya. Habang nanginginig ay bigla siyang humagulgol nang humagulgol at ilang segundo ang nakaraan ay nakapagsalita na siya, "Hindi k-ko ginusto ito. Pero tama lang ang ginawa ko ... tama lang." Sa mga sinabi niyang iyon ay parang sarili niya ang kausap niya. Saka siya muling tumingin sa akin, "Nagawa ko Raphael, k-kahit papano nalabanan ko ang takot ko sa dugo pero h-hindi ko pa talaga kaya. Lumabas na tayo, p-please. Pakiramdam ko magiging katapusan ko na t-tong nararamdaman ko ulit." Tumango lang ako sa kanya. Pinuwesto ko siya sa may pintuan habang kinukuha ko muli yung flashlight na nabitawan ko kani-kanina lang. Sinubukan kong buksan ito at gumagawa pa naman. Bago ako lumapit kay Sapphire ay nilingon ko si Aislinn na nakahandusay ang katawan sa may gilid. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa kanya. Sa halos tatlong buwan na pag-aalaga sa kanya ni Clyde ay siya rin pala ang dahilan ng pagpalpak ng lahat. Nag-alaga lang si Clyde ng ahas na tutuklaw sa amin. Inakay ko si Sapphire na nanginginig at hinahabol pa rin ang hininga hanggang sa makalabas kami. Nang nakasigurado ako na walang tao sa paligid ay inupo ko muna siya sa gilid. "Kalmahin mo ang sarili mo Sapphire. Wala na tayo sa kwartong 'yon. Wala na ang panganib sa'yo. Kontrolin mo ang pag-iisip mo. Relax ka lang, magfocus ka. Wag kang mag-isip ng kung anong bagay tungkol sa kinatatakutan mo. Kontrolin mo rin ang paghinga mo," pag-ulit ko sa sinabi ko kanina sa kanya. Sinimulan ni Sapphire sa unti-unting paghinga nang maayos. "Teka lang," muli kong sabi sa kanya. Inilagay ko sa bibig ko ang hawak kong flashlight habang hinubad ko ang suot kong puting long sleeve na polo. Tanging puting t-shirt na lamang ang natira sa pang-itaas ko. Inalis ko sa bibig ko ang flashlight at inilapag sa pagitan namin ni Sapphire. Bahagya akong umupo at sinimulan na punasan ang paa niya na puro dugo pati ang dulo ng suot niyang damit at sa ilang parte nito. Saka ko simulan na punasan ang mukha ni Sapphire. Malamig ang pawis niya. Pinunasan ko ito hanggang sa may leeg niya. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Sapphire, naalala ko si Cyrus, ang matalik kong kaibigan. Naalala ko kung paano siyang protektahan ni Cyrus, kung paano siya palaging pinagtatanggol nito. Naalala ko na tinatak ko sa isipan ko na dahil sa wala na si Cryus, ako na ang magpoprotekta kay Sapphire ngunit hindi ko ata iyon nagawa. Patawarin mo ko Cyrus, alam kong hindi mo gusto ang lahat ng nangyari kay Sapphire, ang babaeng nagligtas sa buhay ninyo ng pamilya nyo kapalit ng kaligtasan niya. Patuloy kong pinunasan pati ang braso at kamay niya. "Sapphire, ayos ka lang ba?"

Page 399: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nanginginig pa rin siya at hinahabol ang hininga ngunit hindi na katindi ng kanina. Hinayaan ko siyang magpahinga ng ilang minuto at noong sinabi niya na lumakad na kami ay inakay ko siya. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa malapit na kami sa dulo ng mga rooms at papunta na mismo sa function hall hanggang sa biglang may narinig akong kaluskos na para bang may tao. Halos mapatalon ako sa gulat. Pinaupo ko muna sa gilid si Sapphire, medyo ayos na siya pero nandun pa rin ang paghabol niya sa hininga niya. "Sinong nandyan?" matapang kong sabi. Hanggang sa may biglang humawak ng braso ko. Malagkit ... parang may dugo. "W-Wag k-kang maingay, Raphael." Tinapatan ko ng ilaw ang taong iyon at nakita ko si Abigail na takot na takot ang itsura at may hawak na ... baril? "Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya habang hawak siya sa magkabilang balikat. "Anong nangyari? Hinanap ka ni Clyde. Nakita mo ba siya?" Bigla siyang umiyak. "Si Clyde ... si Clyde," paulit-ulit niyang sinabi na para bang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya masabi. "Anong nangyari kay Clyde?" Inalog-alog ko ang pagkakahawak ko sa balikat niya para matauhan siya kahit papano. "P-Patay na si Clyde at ngayon, hinahabol ako ni S-Sir Buendia para patayin." At sa pagkasabi niya 'nun ay napatingin agad ako sa nanginginig niyang kamay na may hawak pa ring baril. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY BabyMilleTea. Hiiii! Maraming maraming salamat sa patuloy na pagbabasa nitey. Sobrang pamilyar na yung username mo sakin eh, ewan ko, Blackrose028 dati di ba? Sana suportahan mo itey hanggang sa dulo. Salamaaaaaaat talaga. *huuuuugs* Maikli lang tong update kasi pag di ko agad in-update baka next week pa ulit ako makapag-ud. May pupuntahan lang na hindi ako sigurado kung may matinong wi-fi wahahaha. Salamaaaaaat! ♥ Comment lang ng hula at wag kayong mag-alala, madali lang talaga malaman kung sino yung murderer sa last chapter. Malalaman nyo yun kapag nabasa nyo nang mabuti ang POV nung murderer sa mga previous chapters. God bless~

Page 400: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sacrifice is the ecstasy of giving the best we have to the One we love most." ― J. Oswald Sanders --------------------------------------------x LUNA'S POV NAPALUNOK AKO SA KABA nang itinapat ko sa taong nasa harap namin ang ilaw galling sa flashlight na hawak ko. Siya nga yung Miaka. Nanlalaki ang mga mata niya na may pagkapula. Hingal na hingal rin siya at bakas sa mukha niya na galit siya. At isa pa ... may hawak siyang palakol. May narinig din ako kumakalangsing sa kanya na para bang may maraming susi na nakalagay sa suot niyang pantalon. "Luna,tumakbo ka. Tumakbo ka na," narinig kong bulong ni Spade na nasa likuran ko. Ngunit paano? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong biglang hinawakan ni Spade ang kaliwa kong kamay. Napalunok muli ako sa kaba habang papalapit sa amin si Miaka. Pinisil ni Spade kamay ko. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng kahit kaunting lakas ng loob. "Nakita rin kita Francis," biglang wika nung Miaka habang mas nanlalaki ang mga mata sa aming dalawa. "Bakit hindi mo ko ipakilala sa kasama mo? Kaibigan mo rin ba siya?" dagdag niya. Biglang nadako ang tingin niya sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pagngitngit niya sa ngipin niya dahil sa nakita niya. "Mukhang napakalapit nyo sa isa't-isa para hawakan mo pa ang kamay niya ah, Francis?" Ngayon lang ako natakot nang ganito sa buong buhay ko. "Mia, huminahon ka. Luna ang pangalan niya at-" "At ano mo siya?! Kaibigan mo?! Akala ko ba, ako lang ang kaibigan mo? Ha?! Ako lang dapat ang kaibigan nyo ni Hanako dahil kayo lang ang kaibigan ko! Ano, Francis? Iiwan mo rin ba ko tulad ni Hanako? Dahil kung iyon din naman, dapat ko nang tapusin ang babaeng 'to!" Napapikit ako nang itinaas niya ang hawak niyang palakol at halos tumakbo papalapit sa akin. Hinihintay ko ang pagtama sa katawan ko ng hawak niya ngunit nang dumilat ako ay nakita kong nasa harapan ko si Spade at nakaharang sa palakol na iyon. Hawak niya ang kahoy na nagkokonekta sa talim ng palakol habang ilang dangkal na lang ang layo nito sa mukha niya. Nililigtas ako ni Spade. Nililigtas niya ... ako?

Page 401: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Luna! Tumakbo ka na! Makinig ka sakin, tumakbo ka na!" Para bang bigla akong nagising sa sinabi niya. Gusto ko sanang itanong kung paano na siya kapag umalis ako ngunit naisip ko rin na wala akong maitutulong sa kanya kahit na nandito ako. Bago ako tumakbo palayo ay may sinambit ako sa kanya, "Wag kang mamamatay, tanga." Saka ako tumakbo nang tumakbo. Magalaw ang kamay ko kaya magalaw rin ang ilaw ng flashlight na hawak ko. Mariin akong pumikit. Anong nangyayari sa akin? Hanggang sa biglang may humatak sa akin gamit ang paghigit sa beywang ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa gilid habang hawak pa rin niya ang beywang ko. Lumingon ako sa kanya. "Wag kang maingay. Malapit lang si Sir Buendia," sabi ni Andy habang napatong ang hintuturo niya sa ibabaw ng bibig niya. "Oh, ano ang problema? Bakit ka namumutla?" dagdag niya nang kinuha niya ang hawak kong flashlight at itinapat sa akin ang ilaw. "W-Wala." Pano ko ba sasabihin sa kanya? Pano ko sasabihin na ... para bang gusto kong tumakbo pabalik sa kinalalagyan ni Spade? Bigla niyang pinatay ang flashlight. Naramdaman ko rin na mukhang may tao sa likod ng pader na sinasandalan namin ngayon. Hanggang sa biglang may lumabas. Mukhang si Sir Buendia. Narinig ko ang yabag ng mga paa niya sa harapan namin. Tinakpan ni Andy ang bibig ko habang patuloy na naglalakad si Sir Buendia. Mukhang may sugat siya, mabagal ang paglalakad niya at sa paghingal niya, mukhang may iniinda siyang sakit. "Pumasok tayo sa loob," sabi ulit ng kasama ko nang tumayo siya. Sumunod na lang ako sa kanya at pagpasok namin sa loob, doon ako nakahinga nang maluwag. Mukhang ganun rin si Andy. Umupo kami sa gilid. Madilim sa kwartong ito ngunit dahil sa flashlight ay nagkaroon naman ng liwanag. "Anong nangyari sa'yo? Wala bang umatake sa'yo?" bigla na naman niyang tanong. Itinapat niya muli sa mukha ko ang ilaw ng flashlight nang hindi ako agad nagsalita. Umiling lang ako habang tulala pa rin. Iniisip ko kung ano ang nangyari kay Spade. Iniisip ko kung makokontrol ba niya ang kaibigan niya. Iniisip ko kung magagawa ba niya ang huli kong sinabi sa kanya. Ang tanga niya talaga. Wala ng sing tatanga sa tangang 'yon.

Page 402: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Hinabol ako kanina ni Miaka. Hindi niya ako naabutan. Nagtago ako tapos muntik na kong makita ni Sir Buendia pero nakatakas uli ako. At ngayong kasama na kita, may plano ako, Luna." Napatingin agad ako sa kanya nang sinabi niya iyon. "Ano ang plano mo?" tugon ko sa sinabi niya. "Alam ko kung paano tumakas. May daan palabas. Tumakas tayo. Tayong dalawa." Sa hindi ko malaman na dahilan, para bang kumirot ang dibdib ko sa sinabi nya. Tumakas kami? Kaming dalawa lang? "May bomba na sasabog. Hindi ko alam kung anong oras pero iyon ang pagkakarinig ko. Imposible nang maligtas ang lahat. Ang tanging posible, ang iligtas ang mga sarili natin," muli niyang sabi. Napakunot ang noo ko. "Hindi. Hindi pupwede," sagot ko sa kanya. Mukhang nagtaka siya sa sinabi, "Hindi ikaw ang tipo ng tao na tatanggi sa sinabi ko. Bakit, Luna?" "Hindi natin dapat iwanan ang iba. Kung tatakas lang tayo, parang kaduwagan lang iyon, Andy." Pumaibaba ang tingin niya. "Mukhang totoo ang sinabi mo. Natatakot lang ako. Natatakot lang ako na maging katulad lang nito ang nangyari sa klase namin. Hinayaan ko silang mamatay. Hinayaan ko na matuloy ang plano kahit na alam kong may natitira pa sa killers. Nakita ko yun. Nakita ko na may iba pang killers pero hindi ko sinabi. Natatandaan ko pa 'nung nakita ko ang bangkay ni Denise nang bumangon ako at tatakas sa lugar na iyon. Napakasakit, Luna. Napakasakit," wika niya habang unti-unting nababasag ang boses niya. "At alam kong ayaw ni Denise na mangyari sa'yo ang nangyari sa kanya. Gusto kitang iligtas, Luna. Para kay Denise." Kakaiba ulit ang naramdaman ko. Normal na kapag naririnig ko ang pangalan ng babaeng 'yon, nagagalit ako pero sa pagkakataong ito, para bang gumaan ang loob ko. Napapikit ako. Nakakainis man ang nararamdaman ko pero walang reklamo akong natatanggap sa utak ko. Posible ba ang lahat ng ito? Hanggang sa biglang may pilit na nagbubukas ng pintuan. Mukhang ni-lock ito ni Andy. Ilang segundo ng may pilit na bumubukas dito. Tumingin muli ako kay Andy ngunit itinapat lamang niya ang kanyang hintuturo ulit sa bibig niya habang binibigay niya sa akin ang hawak niyang kutsilyo. Mukhang napansin niya na wala akong dalang panlaban. Maari kong nabitawan o naiwan sa pinanggalingan ko. Ilang sandali ay pinatay niya ang flashlight. Nakarinig ako ng malakas na kalampog sa may pintuan. Sa isang iglap ay bigla itong bumukas. Mukhang gumamit siya ng pwersa. Hindi kami pwedeng gumawa ng kahit anong ingay dahil maari kaming matagpuan ni Sir Buendia na kakapasok lamang sa kinalalagyan namin.

Page 403: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi na ko nagtaka nang biglang sinugod ni Andy si Sir Buendia. Walang magagawa ang pagtatago. Siguradong makikita rin niya kami. Nanatili ako sa kinauupuan ko habang naririnig ko ang malakas na suntukan nila. Siniksik ko ang sarili ko sa dulo at nag-isip ng pupwedeng gawin. Tumingin ako sa bukas na pintuan. Hindi ko pwedeng iwan si Andy rito. Tumayo ako habang hawak nang mahigpit ang kutsilyo. Papalapit ako nang papalapit sa kinalalagyan nila Sir Buendia at Andy. At ramdam ko na isa sa kanila ay nasa mismong harapan ko at nakikipagsuntukan pa rin sa isa. Hanggang sa biglang nagsisindihan lahat ng ilaw sa kwarto. Mukhang pati sa iabas din ay binalik na ang kuryente. At sa pagharap ko, bumungad sa akin si Sir Buendia. Nahagip ng mata ko si Andy na nasa harapan niya at halos nakahiga na. Maaring dahil sa sakit ng natamo niyang mga suntok. Mabilis ang nangyari. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na tinututukan ni Sir Buendia ng kutsilyong inagaw niya sakin at itinapat sa leeg ko. Nakatingin lang ako habang tumatayo si Andy na iniinda pa rin ang sakit. Mukhang masyadong malakas si Sir Buendia kahit na may sugat siya sa may binti. Ramdam ko ang masyadong mabigat na paghinga ni Sir Buendia pati rin ang pawis sa katawan niya. "Sana hindi ka na lang nangielam, Andy. Dapat tahimik na ang buhay mo ngayon," sambit ni Sir Buendia nang tumayo si Andy at humarap sa kanya. Lumingon sa akin ang teacher namin, "Ikaw muna ang tatapusin ko, Ms. Levesque." Nataranta ako sa isipan ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas kay Sir Buendia. Kailangan kong hindi mamatay. Bigla kong naalala ang sinabi sakin nung Blake. "Huwag mong hahayaan na patayin ka ng kung anong pumatay sa namayapa mong kaibigan na si Denise." At sa isang banda ng pag-iisip ko, naalala ko rin ang nasa sulat ni Spade. "Sana buhay pa tayo sa panahon na iyon. Mag-iingat ka palagi." Nanghihina pa rin si Andy ngunit naglakad siya papalapit sa amin. Bahagya niyang itinaas ang kanyang kamay na para bang may gagawin siya. Hindi niya kaya. Nanghihina siya. Sigurado akong hindi niya kaya. Hanggang sa medyo may kalapitan na siya sa amin at isang malakas na sipa ang natanggap ni Andy galing sa kabilang paa ni Sir Buendia na walang sugat. Kitang-kita ko kung pano ulit bumagsak si Andy. Masyadong malakas si Sir Buendia para sa isang kabataan na tulad niya. Muli kong naramdaman ang pagdikit ng kutsilyo sa leeg ko. "Kailangan na naming tapusin ito. Para mga wolf lang ang matitira at kayo, mabubulok kayong lahat sa kabilang buhay."

Page 404: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Walang anu-ano'y ramdam kong itutuloy na niya. Papatayin na niya ako. Hindi. Hindi pupwede. Hindi dapat ako matulad kay Denise. Hindi dapat ako mamatay. Kailangan ko pang makita si Spade. Bigla kong hinawakan ang talim ng kutsilyo niya at pilit kong inilalayo ito sa akin. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo mula sa palad ko habang mas bumabaon ang talim ng hawak niyang kutsilyo. Mariin akong pumikit dahil sa sakit. "Hindi ako mamamatay!" sigaw ko habang dalawang kamay ko nang hawak ang kutsilyo niya. Masakit nga. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay mapuputol na ang kamay ko ngunit kailangan kong lumaban. Kailangan kong gawin ang mga bagay na hindi ginawa ni Denise. Ilang sandali ay biglang bumagsak si Sir Buendia saka ko napansin na hinatak ni Andy ang paa niya na may sugat. Pinisil ni Andy gamit ang dalawa niyang kamay ang sugat ni Sir Buendia. Isang malakas na sigaw ang pinakawala ng guro namin. Mas lalong nagdugo ang sugat niya at halos magwala siya sa sakit. Nahatak niya ang katawan ni Andy ngunit inunahan ko siya. Agad kong sinaksak sa kabila niyang paa gamit ang kutsilyo na naagaw ko na naging dahilan ng pagwawala na naman niya. Nakatayo si Andy at humihingal-hingal. "Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon tayo magkikita muli, Sir Buendia." Ilang beses siyang minura nang minura ni Sir Buendia habang pilit siyang tumatayo ngunit bago pa siya makalapit kay Andy ay agad siyang sinipa nito sa may sugat na naman niya sa binti. Napaupo si Sir Buendia. "Sa tingin mo, magugustuhan ni Hanako 'tong ginagawa nyo? Alam ko ang lahat Sir Buendia. Alam kong umatras si Hanako bago palang magsimula ang laro. Hindi na niya gusto, pero ginawa nyo pa rin at ang mas masaklap, kayo mismo ang pumatay sa kanya. Kaya wag na wag nyo kaming gagaguhin na para kay Hanako ang lahat ng ito! Dahil sa totoo lang, ginagawa nyo ang lahat ng ito para sa punyetang Laketon na iyan!" galit na galit na sinigaw ni Andy. Mukhang ngayon ko lang siyang narinig na nagmura. "Psh. W-Wala kang alam, Andy. Wala kang alam sa lahat ng nangyari. Normal lang ang lahat ng ito. Katulad ng dati. Magkakaron ng pinakamahinang rabbit, mawawala sa jungle hanggang sa mahanap siya ng mga lobo. Nagkataon lang na si Hanako iyon at kami ang mga totoong lobo. Ngunit hindi lahat ng ito ay tungkol lang sa laro. May kanya-kanya kaming rason. Kami ang pumili ng laro na 'to," wika ni Sir Buendia habang nakaupo sa lapag at masama ang tingin kay Andy. Hinawakan ko nang mabuti ang kutsilyo kahit na tuloy pa rin ang pagdurugo ng palad ko. Hindi ko iniinda ang sakit. Matatapos rin tong nararamdaman ko. At sa pagtigil ng pagdurugo nito, nasa labas na ko ng lugar na ito at namumuhay na nang tahimik. "Patayin nyo ko! Patunayan nyo na pare-pareho lang tayo. Na ang kasalanan namin ay kasalanan nyo rin!"

Page 405: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napasimangot ako sa sinabi niya. Ano namang pakulo ito? Kinukonsensiya naman niya kami ngayon lalo na't alam niyang wala na siyang laban dahil sa nangyari sa magkabila niyang binti? Nakakatawa ang teacher na 'to. Lumapit ako sa kanya. Hahatakin sana ako ni Sir Buendia ngunit agad kumilos si Andy at pinigilan siya. Mahigpit na hawak ni Andy ang dalawang kamay ni Sir Buendia. "Sige, saksakin mo ko Luna! Saksakin mo ko katulad ng pagpatay mo sa totoo mong tatay noon. Ang tatay mo na gumahasa sa nanay mo. Tapusin mo ko katulad ng sa kanya at patunayan mo kung gaano kadumi ang mga kamay mo!" Pumaibaba ang tingin ko. Naalala ko na naman ang gabing iyon. Naalala ko na naman ang lahat. Ang paghingi niya ng tawad, ang paghingi niya ng isa pang pagkakataon at ang pinakahuli, ang paulit-ulit niyang pagsigaw. Para bang nagdilim lang ang paningin ko 'nun at tanging kutsilyo lamang na nasa kamay ko ang nararamdaman ko. "Luna, tapusin na natin to! Kung makikinig ka sa hayop na 'to, maiisahan niya tayo," sambit ni Andy. Ngumisi ako. Sinong nagsabi na magpapaapekto ako sa kanya? Lumapit na ako nang tuluyan sa kanya at nagsalita, "Sige Sir Buendia, susundin kita. Tatapusin kita katulad ng ginawa ko sa kanya. Kung ano ang gusto ng guro ko, iyon ang gagawin ko-" Natigil ako sa pagsasalita nang dinuraan ako sa mismong mukha ni Sir Buendia habang pilit siyang kumakawala kay Andy. "Nagtatapang-tapangan ka na naman. Bakit hindi mo na lang aminin Luna na-" Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay agad kong sinaksak sa loob ng bibig niya ang kutsilyo. Deretso sa gitna. Ilang minuto siyang nagsusuka ng dugo. Hindi makahinga at halos maduwal habang pinipilit na alisin ang kutsilyo sa loob ng bibig niya ngunit hindi pa rin siya pinapakawalan ni Andy kahit na anong lakas pa ang pagwawala niya. Hanggang sa ilang minuto ay bigla na lang siya bumagsak. Patay na ang madaldal. "Ayos ka lang?" tanong sakin ni Andy. Sa sinabi niya, hindi ko malaman kung bakit para bang si Spade ang lumitaw sa pag-iisip ko. Si Spade kaya? Ayos lang kaya siya? Biglang may tumunog sa loob ng kwarto. Mukhang isang cellphone. Hinanap agad namin ni Andy kung nasaan iyon at natagpuan naman namin ito.

Page 406: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Sigurado akong kay Sir Buendia ito at siguro, nahulog ito kanina habang nagsusuntukan silang dalawa. Agad na sinagot ni Andy ang tawag. Malakas ang volume nito kaya naririnig ko rin. Base sa boses, mukhang gumamit siya ng kung ano para mag-iba ito, masyadong malalim ito para sa isang tao. "Pinapanood ko kayo. Alam ko ang bawat galaw ng lahat ng nasa lugar na ito. Gusto ko lang sabihin na, wag na kayong magsayang. Mamamatay rin kayong lahat," nakarinig kami ng mahinang tawa. "At isang oras na lang ang natitira para sumabog ang bomba. Ano ng gagawin nyo?" At sa pagkakasabi niyang iyon ay naputol na ang tawag. Nagkatinginan kaming dalawa ni Andy. ABIGAIL'S POV Bigla nagbukas ang mga ilaw at nakarating kami nang payapa sa isa sa mga kwarto. Kasama ko sila Raphael at Sapphire. Mukhang hindi maayos ang kalagayan ni Sapphire at gayon di naman ako. Namatay sa harapan ko si Clyde. N-Namatay siya sa mismong harap ko. "Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari. Makikinig ako, Abigail." Sa sinabing iyon ni Raphael ay muli akong humagulgol. Naalala ko ang itsura ni Clyde. Naalala ko kung paano niya sinubukang magpaliwanag ngunit tanging pagdududa ang tugon ko. Naalala ko ang mga panahon na siya lang ang kakampi ko. Pero sa huli, siya naman ang pinili ko. Pinili ko siyang mabuhay. "Si Sir Buendia ang binaril mo at hindi si Clyde? Paanong namatay si Clyde?" tanong ni Raphael pagkatapos kong magkwento. "H-Hindi naman ako humahawak ng baril kaya hindi ako asintado. Tanging binti lang ni Sir Buendia ang nabaril ko dahil rin sa paglambot ng mga braso ko sa kaba. Tumakbo kami ni Clyde. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa naabutan kami ni Sir Buendia," muli na namang tumulo ang mga luha ko. "A-Ayaw ko siyang iwan. Hindi ako pumayag na iwan siya kaya noong hindi ako umaalis, biglaan na lang siyang pinatay sa harapan ko. S-Sinakripisyo niya ang buhay niya sa akin. Sinabi niya na para sakin lahat ng ginawa niya at para sa klase. Dapat daw hindi ako mamatay. Dapat daw mabuhay ako. R-Raphael, namatay siya dahil sa akin." Tinapik-tapik ni Raphael ang balikat ko. "Dahil sa iyon ang sabi ni Clyde, dapat ka talagang mabuhay. Lalabas tayo nang humihinga sa lugar na 'to."

Page 407: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Mukhang marami na rin silang napagdaanan sa itsura palang nila. Napatingin ako kay Sapphire, nakapikit siya at para bang pinapakalma ang sarili niya. Hindi tama ang lugar na ito para sa kanya. Maraming patay, maraming dugo. "Anong nangyari sa balat mo? Bakit may mga pula at pantal?" tanong muli ni Raphael. "Allergy, sa hipon." Ngunit halos tumalon ang mga puso namin nang nakarinig kami ng ingay sa labas. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Spade iyon. "Mia, makinig ka sa akin. Hindi mo dapat gawin ito. Mia, tumingin ka sa akin! Wala ka sa katinuan ngayon. Makinig ka sa akin! Please!" Napatayo si Raphael at lumapit sa may pintuan. Idinikit niya ang tainga niya sa may pintuan. Iyon din naman ang ginawa ko. Narinig ko ang boses ni Miaka. "Ikaw ang makinig sa akin. Ikukulong kita! Ikukulong kita! Papanourin mo kong mamatay at mamamatay ka rin dahil sa pagsabog. Sabay tayong mamamatay ngayong gabi! Dahil magkaibigan tayo. Dahil importante ako sa'yo at importante ka sa akin!" Para bang kinikilabutan ako sa naririnig ko. Ganito na pala kalala si Miaka. Bubuksan sana ni Raphael ang pintuan at akmang lalabas ngunit pinigilan ko siya. Delikado kung lalabas agad. "Hinihintay na tayo ni Hanako sa kabilang buhay. Malungkot na naman siya. Wala na namang siyang kasama roon. Francis, kailangan tayo ni Hanako." Nag-iba ang tono ng boses ni Miaka. Para bang nagmamakaawa, para bang wala sa sarili. Hindi ko maipaliwanag pero yung boses niya, katulad ng mga taong hindi gagawa ng mabuti sa mga napapanood ko. Mas lalo kong dinikit ang tainga ko sa may pintuan nang sumigaw ulit si Spade "Hindi tayo kailangan ni Hanako at hindi ka importante sa akin!" Ang sunod na nangyari ay narinig kong para bang nahihirapan sa paghinga si Spade. Sigurado akong siya iyon. Para bang sinasakal siya ... ni Miaka? Ilang minuto ang nakaraan at wala na kaming narinig. Tanging mga yabag lamang ng paa. Tumingin ako kay Raphael at gayon din naman siya sa akin. Lumingon ako kay Sapphire na unti-unti nang tumatayo at papalapit rin sa amin. "Lalabas na ba tayo?" tanong niya. Tumango ako. Kita ko ang paglunok ni Sapphire. Tiyak na alam niyang maraming dugo sa labas at kitang-kita iyon dahil sa medyo nanginginig na siya.

Page 408: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Wag kang mag-alala Sapphire, hindi ka namin iiwan," nakangiti kong sabi sa kanya. Naalala ko yung araw na nagmakaawa siya sa harapan namin ni Clyde. Na huwag namin siyang iwan dahil lahat na raw sa klase ay tinalikuran na siya. At ngayon, gagawin ko iyon, hindi ko iiwan ang taong 'to. Lumabas kami ng pintuan at katulad ng kanina, halos tumalon ang puso ko sa gulat. Napataas rin ako ng kamay kung saan hawak ko roon ang baril. Ngunit, si Luna lang pala at si ... kuya Andy ang nasa harapan namin. Teka, si kuya Andy?! Nagulat din ang mga kasama ko ngunit alam naming hindi ito ang panahon para magtanong nang magtanong. Nasa labas kami. Delikado. Sinabi sa amin ni kuya Andy ang tungkol sa bomba na sasabog raw sa loob ng isang oras. "Madami-dami na tayo. Pwede na tayong tumakas," sambit ni kuya Andy habang nakatingin kay Luna ngunit para bang hindi okay si Luna sa sinabi niya. Sigurado na makakatakas na kami. Makakaligtas kami pero bakit ayaw niya? "Hindi nga pupwede. H-Hindi pa tayo kumpleto," sabi ni Luna na para bang may labis siyang kinatatakutan. Tama ... si Spade. "Tungkol nga pala kay Spade, narinig namin na ikukulong siya ni Miaka hanggang sa pagsabog. Sa tingin ko, dito sa daan na ito siya dinaan ni Miaka," tinuro ko ang kanan namin. At sa isang iglap, biglang tumakbo si Luna papunta roon. Ngayon, may isang oras kami para iligtas ang buhay namin. Isang oras rin para iligtas si Spade. At isang oras para tuparin ang sinabi ni Clyde na mabuhay dapat ako. Sa isang oras na ito, gagawin namin ang lahat para mabuhay. Tumakbo na rin kami kasunod ni Luna. --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY rowelreyes101. Isa sa mga talagang naghihintay ng update kahit na mala-pagong talaga ako hahaha. Nakakatuwa na may mga taong patuloy na sumusuporta nitey haha. Salamat ng maraming-marami! <333 Salamat sa pagbasaaaa. <3 Feel free na i-voice out ang inyong nasa isipan. God bless po sa lahat. <3

Page 409: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"All those who try to unveil the mysteries always have tragic lives. At the end they are always punished." ― Anaïs Nin --------------------------------------------x SPADE'S POV BIGLA AKONG SINAKAL NI MIAKA nang sinigawan ko siya. Hindi ko rin naman sinasadya. Nabigla lang ako sa mga sinabi niya. Ilang segundo pa niya akong sinasakal. Kita ko sa mukha niya na galit talaga siya sa akin at gusto niya akong patayin. Ngunit bigla siyang tumigil. Tinignan niya ako na para bang naluluha-luha. Bigla siyang bumulong-napakahinang bulong. "Sorry Francis. Hindi ko sinasadya. Sumama ka lang sa akin. Sumama ka lang ha? Hindi kita sasaktan. Sumama ka lang sa akin. Sumama ka lang ah?" lumuluha siya habang paulit-ulit niyang binubulong iyon. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak nang marahan at dahan-dahan paabante. Ilang beses na lumingon sa akin si Miaka habang sabi nang sabi ng kung anu-ano. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya at gulat pa rin sa ginawa niya sa akin kanina. Habang naglalakad kami ay rinig na rinig ko ang pagkalansing pa rin ng mga susi sa kanya. "Nandito na tayo Francis. Hinanda ko talaga ang kwartong ito para sa kamatayan nating dalawa." Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Miaka at hindi ko na rin alam kung paano siya pakalmahin at sabihin sa kanya kung ano na ang tama sa mali. Hinayaan ko lang siya na ipasok ako sa isang malaking bakal na kulungan na mukhang para sa mga malalaking aso. Tahimik ko lang siyang tinitignan habang inila-lock niya ang kulungan na kinalalagyan ko. Iniisip ko pa rin kung paano ko siya kakausapin nang hindi siya makakaramdam ng kahit anong matinding damdamin. Lintek, ang hirap nito ah? Baka mamaya ... mamatay nga talaga ako. Saka biglang naalala ko ang sinabi ni Luna. "Huwag kang mamatay, tanga." Tsss. Kahit kailan talaga, Luna. Kailangan ko pa bang muntik na palakulin sa mukha para maniwala lang siya sa akin?! Muntik na kong mamatay doon. Napabuntong-hininga ako sa sunod kong naisip dahil kung hindi ko naman ginawa iyon ay tatama sa kanya ang palakol. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw na ayaw kong mangyari iyon. Lagi ko ring napapanaginipan si Luna. Ilang gabi na. Sumisigaw siya na huwag akong umalis. Sumisigaw rin siya na huwag daw akong babalik at sumama na lang sa kanya. At sa mga panaginip kong iyon ... umiiyak si Luna.

Page 410: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Nakikinig ka ba sa akin, Francis? Hindi mo na rin ba ako pinapakinggan ngayon? Dahil iiwan mo rin ako kaya wala ka ng pake sa mga sasabihin ko?! Iyon ba?! Iyon ba, Francis?!" halos kinakalampag niya ang bawat pagitan ng bars ng bakal na kulungang kinalalagyan ko. "Hindi, Mia. Hindi kita iiwan." Wala na kong ibang maisip na sabihin kung hindi ang utuin lang si Miaka. Tumayo siya sa bahagya niyang pagkakaupo saka pumunta sa gitna. Dahil sa may ilaw na sobra namang pinagpasalamat ko ay kitang-kita ko ang pulang lubid na mula sa kisame hanggang sa gitna ng kwarto. Nakabilog ang dulo nito na para bang kaysang-kaysa na talaga ang ulo ng isang tao roon. May upuan rin sa may ilalim nito. Magbibigti si Miaka? "Gusto kong panourin mo kong mamatay, Francis. Panourin mo akong mamatay para sa pagkakaibigan nating tatlo." Sinabi niya iyon habang hinahaplos-haplos ang lubid. Ganun pa rin ang kondisyon niya. Para pa rin siyang wala talaga sa sarili. "Mia, lumapit ka sa akin." Mahinahon kong sinabi sa kanya. Iyon naman ang ginawa niya. Umupo siya sa lapag para magkaharap mismo kami. Habang ako ay nandito sa loob ng kulungan na pinagkulungan niya sa akin. "Nakikita ko si Hanako ngayon. May sinasabi siya, ayaw niyang ikulong mo ako dahil naaalala niya ang laging pagkulong sa akin ni Mang Arthur sa ampunan. Mia, pakawalan mo na raw ako." Wika ko gamit ang pinakamahina at mahinahon kong boses. Lintek, sa mga bata ko lang ginawa ang panlolokong ganito. "At sa tingin mo, maniniwala ako?" Nagulat ako sa reaksyon niya. "Gusto mo lang umalis dyan para makatakas sa akin! Tulad ni Hanako! Gusto nyo lang makatakas sa kulungan na ginawa ko para sa inyo. At para saan? Kasi babalik siya sa Blake na iyon?! Babalik siya sa Raphael na iyon? Iiwan niya ako?! At agad niyang pinatawad si Sapphire nang hindi man lang tinatanong kung handa ko na bang patawarin 'yon?! At ikaw Francis, tatakas ka para pumunta sa babaeng iyon?! Hindi. Hindi ako makakapayag!" Napahampas ako sa bakal na kulungan dahil sa kapalpakan ko. Ibang-iba si Miaka ngayon. Ni hindi nga niya napansin na naiwan niya si Kuro. Dati, hindi siya makagalaw hangga't wala iyong pusa niyang 'yon. "Wag ka nang tumakas, Francis Sabay na lang tayong mamatay." Sa boses niya, para na talaga siyang nababaliw. Napakalikot rin ng mga mata niya na parang hindi mapakali. At paulit-ulit niyang kinakaskas ang kuko niya sa hinlalaki sa kuko niya sa palasingsingan. Ilang beses akong napamura sa isipan ko. Kailangan ko nang makaisip ng paraan para makaalis dito, kung hindi ay mamamatay talaga ako kasama ni Miaka.

Page 411: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Sige, Mia. Mamatay tayo nang sabay." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ganun dapat ang magkaibigan hindi ba? Dapat hanggang huli, magkasama." Napansin ko naman na nakuha ko siya roon. Tumango siya nang tumango hanggang sa ako na ang nahilo sa kakatango niya. "Kaya lang may problema, Mia." Tinanong niya kung ano ang tinutukoy ko. Tinuro ko ang pulang lubid. "Mas gusto kong mamatay na nakabigti kaysa sa hintayin na sumabog ang bomba. Hindi ba mas maganda kung mauuna muna ako at sa pagsabog ng bomba, papanourin mo lang ang katawan ko na nakasabit dyan?" Natahimik siya at tumingin lang sa akin. Para bang nag-iisip pa siya. Hanggang sa bigla siyang tumayo at kinuha ang maraming susi na nasa pantalon niya. Ilang minuto ang nakaraan pagkatapos niyang subukan ang karamihan ng susi ay nabukas rin ang kulungan na pinaglalagyan ko. Sa wakas. Nakalabas na rin. Pagkalabas ko ay napansin ko na nakatingin lang sa akin si Miaka. Sinenyasan niya ako na pumunta sa gitna, doon sa may lubid. Wala akong nagawa kung hindi lumapit roon. "Sige, Francis. Nasasabik na si Hanako. Ibigti mo na ang sarili mo." Hindi na talaga si Miaka ang nasa harapan ko. Hindi na siya iyong inosenteng bata na kaibigan ko sa ampunan. Tandaan mo Spade, hindi na siya iyon. Inabot ko ang pulang lubid. Hinawakan ko ito sa pabilog na pagkakakurba nito. Dahan dahan ko itong isinuot sa ulo ko. LUNA'S POV Hindi ko alam kung bakit tumakbo ako papunta sa daan na iyon. Ni hindi ko alam kung bakit parang gustong-gusto kong makita si Spade. Siguro dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Baka dahil doon, naniwala ako sa kanya at gusto ko lang bumawi sa mga nasabi ko bago namin nakita si Miaka. Tama, wala ng iba pang pwedeng dahilan iyon. Utang na loob lang ang nararamdaman ko ngayon. Habang tumatakbo ako'y naririnig kong tinatawag nila Raphael ang pangalan ko. Saka ako tumigil at hinabol ang hininga ko. Bakit ba akong gumagawa ngayong gabi ng mga bagay na hindi ko pinag-iisipan? Tumakbo ako pero hindi ko naman alam kung saan pupunta. Baka mas mapahamak pa kami sa ginagawa ko.

Page 412: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Luna, salamat at tumigil ka sa p-pagtakbo." Wika ni Abigail habang humihingal. Wala akong ibang nagawa kung hindi tumingin lang sa kanilang apat. Hindi ko na rin talaga alam ang gagawin ko. Noong narinig ko na isang oras lang ang natitira bago sumabog ang bombang sinasabi nila. Mas lalo akong kinabahan. Pero kahit anong sabi nila na tumakas kami, bakit hindi ko magawang iwan si Spade? "May plano ba kayo?" Narinig kong tanong sa amin ni Raphael. "Bakit hindi na lang kasi tayo tumakas? Kung ililigtas natin si Spade, maari pa tayong mapahamak. Pwede pang may mabawas sa atin pero kung tatakas tayo-" natigilan si Sapphire nang nagsalita ako. "Tumahimik ka. Kung gusto mong tumakas, umalis ka." Humarap ako sa kanilang apat. "Kung gusto ninyong tumakas, umalis na kayo. Tutal, mga sarili lang naman ninyo ang importante di ba? Anong klaseng mga kaibigan kayo kay Spade? Kahit na alam nyong may isa pang buhay, handa kayong isipin na mamatay na lang siya kaysa sa mamatay kayo? Bakit hindi nyo subukan ha? Kahit subukan lang natin na magligtas ng iba!" Naiirita kong sigaw sa kanila. Naramdaman ko na lumapit sa tabi ko si Andy at tinapik ako sa likuran. "Sasama ako kay Luna. Sino pa ang handang iligtas si Spade?" At sa huli, kaming lahat ay nagsimulang hanapin si Spade. Iniligtas niya ang buhay ko, pinatakas niya ako at kung iisipin, si Spade lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako. Siya ang naglagay sa akin sa isang ligtas na lugar noong nagsimula ang lahat. Siya ang nagligtas sa akin noong binalak akong patayin ni Miaka. At hindi ako aalis hangga't nandito pa siya sa loob ng lugar na ito. Ilang kwarto na rin ang nalibot namin ngunit walang Spade kami na nakita. Nag-aalala sila na mauubos namin ang isang oras sa paghahanap sa kanya at iyon rin ang nasa isipan ko. Nasaan ba siya? Hindi kaya sa salungat na daan kami nagpunta? Babalik sana ako kung saan kami nanggaling pero lahat ng atensyon namin ay nakuha ng isang malakas na sigaw na maaring nanggaling sa may ibaba, sa may mismong stage. Kitang-kita namin mula sa kinatatayuan namin si Samantha. Nakaupo siya sa isang silya at nakatali. Sa likuran niya ay isang tao na may hawak ng kutsilyo. Si Blake. Agad kaming tumakbo pababa. Narinig kong sumigaw si Sapphire nang nasa harapan na namin ang mga bangkay. Napakadaming bangkay. Mukhang dito nila tinatambak ang mga katawan ng iba pang bisita. Lumingon ako kay Sapphire nang tumakbo si Raphael sa kanya upang pakalmahin siya.

Page 413: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Ah, oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na takot siya sa dugo. Nagsimula kaming tatlo nila Abigail at Andy na maglakad papalapit sa kung nasaan si Samantha. Humihingi siya ng tulong. Sumisigaw at para bang naiiyak. Sariwa pa rin ang dugo sa damit niya na mukhang dahil pa rin sa nangyari kanina sa C.R. "Tulungan nyo ko! A-Ayoko pang mamatay!" Sigaw pa niya habang ang nasa likuran niya na si Blake ay nakatayo lamang at nakatapat ang kutsilyo kay Samantha. Masama lang na nakatingin sa amin si Blake. Narinig ko na sumigaw sila Abigail at Andy patungkol sa pagpapakawala kay Samantha. Ilang sandali ay gagalaw sana sila Abigail papunta sa mismong stage ngunit sumigaw si Samantha. "Huwag! Kapag lumapit kayo ... papayin ako ni Kuya Blake!" Ngunit may hindi tama sa nangyayari. Agad kong iniharang ang kamay ko sa bibig ni Abigail nang magsasalita sana siya. Lumapit ako hanggang sa nasa gilid na ako ng stage. "Ate L-Luna, wag kang lalapit. P-Papatayin ako ni Kuya Blake." Tumingin ako kay Blake ngunit nakatingin pa rin siya nang masama sa akin. At sa tingin niya, may iba akong nararamdaman. Hinigpitan ko ang hawak sa kutsilyo na binunot ko kanina sa bunganga ni Sir Buendia bago kami umalis ni Andy sa kwartong 'yon. Umakyat ako sa stage. "Luna! Bumaba ka. Delikado!" Sigaw ng isa sa kanila ngunit nagpatuloy lang ako. Tumigil ako nang sandali at ang sunod na nangyari ay patakbong pumunta sa kinatatayuan ko si Blake habang nakataas ang kamay niya na hawak pa rin ang kutsilyo. Sasaksakin ba niya ako? Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Andy. Para bang biglang bumagal ang oras lalo na noong tulala pa rin ako kay Blake na nasa harapan ko na mismo. Nakapamagitan sa amin si Andy na may hawak ring kutsilyo. "Kuya Andy!" Rinig kong sigaw ni Abigail na nasa gilid na rin ng stage. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Nakita ko na lamang sa harapan ko si Blake na duguan. Sinaksak siya sa tagiliran ni Andy. Ngunit kahit na ganun ang nangyari ay nakatingin pa rin siya sa akin nang deretso at masama. Hanggang sa tumayo nang tuwid si Blake at mabilisan niya akong hinatak sa braso. Naramdaman ko na lamang na nakadikit ako sa katawan niya at ang kutsilyo ay nakatapat sa mismong lalamunan ko. "Blake, bitawan mo siya." Bulong ni Andy.

Page 414: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nagpumiglas ako ngunit ayaw niya akong pakawalan. "Huwag Kuya Blake! Kuya Andy, huwag mo siyang lapitan ... b-baka patayin niya talaga si Ate Luna." Sigaw na naman ni Samantha. Idinikit ni Blake ang ulo niya sa may leeg ko. Nagpumiglas ako lalo at ilang beses ko siyang siniko sa may sugat niya mismo ngunit hindi siya natinag. Hanggang sa ako ang nagulat sa binulong niya. "Hawak ni Samantha ang magpapasabog sa bomba. Kahit na sa sandaling ito, pwede itong sumabog sa pagpindot lang niya ng code doon sa hawak niya. Si Samantha ang kalaban." Napatingin agad ako kay Andy na kasalukuyang tinatanggal ang tali kay Samantha at kay Abigail na nasa harapan namin at pilit na kinakausap si Blake para palayain ako. "Sa sandaling ito, wala kayong magagawa sa kanya. Kapag may makita siyang panganib, pipindutin lang niya ang hawak niya sa kaliwa niyang kamay. Sa pagbilang ko ng tatlo, papakawalan kita. Itutulak kita sa kanya. Babanggain mo si Samantha." Mahina niyang pagbulong uli. Nakatingin lang ako nang deretso kay Samantha at Andy habang papalapit sila sa kinatatayuan ko. Pansin ko ang higpit na pagkakahawak ni Andy sa kutsilyo. Pansin ko nga rin na mukhang may hawak si Samantha sa kaliwa niyang kamay. Ngunit, magpagkakatiwalaan ko naman kaya itong si Blake? At alam kong sa sandali na pakawalan niya ako, maaring sugurin siya agad ni Andy at patayin. Maari iyon. "Isa.." Pagsisimula niya sa pagbilang niya. "Dalawa.." Mas papalapit at papalapit sa amin sila Samantha. "Tatlo." Biglaan ko naramdaman ang malakas niyang pagtulak sa akin at gayon din ang pagbagsak ko sa isang tao. Mukhang si Samantha. May narinig ako nahulog. Napatingin agad ako rito. Isang maliit na parang cellphone na may ilang pindutan at para bang may numero pa sa bawat pindutang ito. Agad akong itinulak palayo ni Samantha at dali-dali siyang tumayo ngunit naunahan ko siya. Hinatak ko siya sa braso niya at ako naman ang tumakbo papunta sa bagay na iyon. Narinig kong sinigaw nila ang pangalan ko pero hindi ako tumigil. Nakuha ko ang hawak niya kanina sa kamay niya at sa pagtayo ko-hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Ibibigay mo sa akin iyan o papasabugin ko ang ulo mong pakilamera ka?"

Page 415: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Biglang nagbago ang tono ng boses ni Samantha habang nakatutok sa akin ang hawak niyang maliit na baril. Mukhang naitago niya ito nang mabuti kanina at mukhang mabilis lang talaga siya. "Lumayo kayo sa amin kung hindi itutumba ko talagang 'tong pakilamera na 'to!" Tinignan ko sila Andy nang masama. Isang senyales na pinapalayo ko sila. Kita ko rin na hawak ni Andy si Blake sa kuwelyo nito at mukhangg nagtatalo ngunit lumayo naman sila kagaya ng sinabi ko sa kanila. Ngumisi sa harapan ko si Samantha. "Ngayon, ibigay mo na sa akin iyan." Iniabot niya ang kabila niyang kamay. Umiling ako. Hindi ako tanga. Kung ibibigay ko ito ngayon sa kanya, tiyak na pipindutin niya ito o kaya tatakas muna siya saka papasabugin ang bomba. Maari din na patayin niya ko sa mismong kinatatayuan ko at ganun din naman ang kakahinatnan ko sa kahit anong binigay niya sa aking pagpipilian. Pero nagkakamali siya, hinding-hindi ako mamamatay. "Magaling ka pala, Sam. Paano mo naitago sa lahat na ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito?" Sa ngayon, hahayaan ko munang dumaldal ang batang ito. Nakatapat pa rin sa akin ang baril nang nagsimula siyang magsalita. "Matagal ko nang ginagawa ito. Mula pa noong first year ako. Naalala mo ba iyong nababalitang serial killer noong mga panahon na iyon? Sikat na sikat ako 'nun, Luna." Nakaramdam ako ng kilabot nang tinawag niya ako sa tanging pangalan ko lang. Nasanay siguro ako na lagi siyang naririnig na gumagamit ng paggalang. "At ngayon, sumali ako sa larong ito dahil unang-una, gusto kong mamatay si Hanako. Sa paggamit kay Miaka, sa paglason sa isipan niya. Nagtagumpay ako. Namatay si Hanako nang walang kahirap-hirap. At solo ko na si Kuya Blake pero iyon lang pala ang akala ko." Napangisi ako. "Iyon lang ang dahilan mo?" Mukhang nairita siya sa sinabi ko kaya mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa baril at agad na sinigawan sila Andy nang nagbalak silang lumapit. Bukod sa mabilis siya, mukhang malakas din ang pakikiramdam niya. "Maaring para saiyo ay mababaw pero noong nakita ko ang malamig na bangkay ni Hanako, sobra ko iyong kinatuwa. Nang nakita ko ang bawat bangkay ng mga pinapatay namin, sobra ko iyong kinatuwa. Gusto ko ang ginagawa ko at gagawin ko ito hanggang sa magsawa ako. Alam mo naman di ba, Luna? Iba ang pakiramdam ng makapatay. Nakakagaan ng damdamin."

Page 416: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Bigla akong nabahala sa mga pinagsasabi niya. Hindi na ito ang normal na sinasabi ng isang normal na babae sa edad niya. Ang pag-iisip niya ... parang may sira na siya sa ulo. "Pero ano pa ba ang saysay ng pagsasabi ko niyo sa inyo hindi ba? Mamamatay rin naman kayong lahat." Tumingin ako nang masama sa kanya. Kung sasabog ang bomba, sisiguraduhin ko na ikaw ang unang tatamaan nito. "Wag na natin patagalin, Luna. Ibigay mo na sa akin." Ngunit bago pa ako makaisip ng susunod na gagawin ay nakita ko ang paglapit sa amin ni Raphael habang may hawak na baril at nakatutok ito kay Samantha. Mukhang iniwan niya si Sapphire sa dulo. Hindi ko alam na may baril pala siya. "Tama na, Sam. Itigil mo 'to." Napasinghap si Samantha. Maaring dahil sa inis. Umirap siya at tumingin kay Raphael. "Sa tingin mo, titigil ako sa oras na 'to? Ngayong, malapit nang matapos ang lahat? Gusto kong mamatay kayo! Gusto kong marami ang mamatay! Kahit isama nyo pa si Kuya Blake dahil kahit anong gawin ko, ayaw niya sa plano ko. Ayaw niyang mabuhay kung gagawin lang niya ng gusto ko. Mamatay na lang kayong lahat!" At sa pagsigaw niya ay pinutok niya ang hawak niyang baril. Agad akong kumilos ngunit huli na ang lahat. RAPHAEL'S POV Biglaan ang nangyari. Sa pagputok agad ng baril ni Samantha ay naiputok ko rin ang hawak kong baril na galing kay Abigail. Agad akong pumunta sa stage noong kumalma si Sapphire. Nakita rin niya siguro ang nangyayari kina Luna kaya ang sabi niya ay mauna na raw ako at kaya na niya ang sarili niya. Sa totoo lang, noong una, hinding-hindi ko naisip na kaya ko talagang iputok ang baril na ito sa kahit sino na nasa loob ng lugar na ito ngunit huli na, nagawa ko na. Natamaan ko si Samantha pero mukhang hindi grabe ang nagawa ko. Tanging sa may balikat lang. Nakatayo pa rin si Samantha habang nakahawak sa balikat niya na puno ng dugo. Nakatingin siya sa akin ng ubod nang sama habang sa akin na nakatutok ang baril. "Mamatay kayong lahat!" Muli niyang sigaw bago niya kalabitin ang gatilyo. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa pagkagulat. Narinig ko ang pagtakbo sa amin nila Abigail. Malapit lang sila sa akin.

Page 417: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

At tulad ng inaasahan ko, nakaramdam ako ng matinding pananakit sa may dibdib ko nang tinamaan ako ng bala ng baril. Tanging dugo lamang ang naramdaman ko na lumabas sa bibig ko. Nanlalaki ang mga mata ko na napaupo. Nakatingin ako nang deretso sa harapan ko kung nasaan pa rin si Samantha. Hanggang sa ilang sandali ay nakita kong pumunta sa likuran niya si Luna na duguan din ngunit nakakagalaw pa rin kahit na may tama rin siya sa balikat. Mukhang naagapan noong gumalaw siya. Tumumba sa harapan ko si Samantha nang may saksak sa dibdib niya na mismong galing kay Luna. Ngunit ako ... hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. At ang tangi ko lang na naririnig ay ang pagsigaw nila ng pangalan ko at ang pagyugyog sa katawan ko. Teka ... anong nangyayari sa akin? Katapusan ko na ba? "Raphael! Wag kang pumikit! Raphael, dumilat ka lang! Please! Please!" Kung kanino mang boses iyon ay hindi ko na rin makilala. Basta ang alam ko, bumibigat ang mga mata ko. Gusto kong ... pumikit. Hanggang sa, nagdilim na nga ang paningin ko. At ang tangi kong nakikita ay si Gabriel at si Nanay. Nasa harapan ko sila habang ako ay nakatayo lamang. Bigla silang naglalakad palayo at kahit anong gawin kong takbo ay hindi ko sila maabutan. Napasandal ako sa isang bagay na hindi ko rin alam kung ano at tumingin lang sa paligid. May nakita akong pintuan at pumasok ako roon. LUNA'S POV "Raphael! Wag kang pumikit! Raphael, dumilat ka lang! Please! Please!" Paulit-ulit na sigaw iyon ni Abigail habang niyuyugyog ang katawan ni Raphael. Ngunit sa isang iglap, biglang nawalan si Raphael ng malay. Napayuko si Abigail, maaring dahil sa lungkot. "May pulso pa siya. Kailangan lang nating bilisan!" Para bang nabigyan kami ng pag-asa nang sinabi iyon ni Andy. Kinarga ni Andy at Blake si Raphael at bumaba na kami sa stage papunta kay Sapphire. Akay-akay ako ni Abigail sa paglalakad dahil sa nahihirapan talaga ako. Napakasakit ng sugat ko sa palad ko na kanina ko pang iniinda at ngayon, nadaplisan naman ako ng bala. "Kailangan na nating makaalis. Ngayon na! Tatlongpung minuto na lang ang natitira!" Natigilan ako sa narinig ko mula kay Andy.

Page 418: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Oo, tama ka. Kailangan na nating tumakas." Pagsang-ayon ni Abigail sa kanya. Bigla na naman akong naguluhan. Kailangan na nga naming umalis kung hindi, baka matapos na talaga ang buhay ni Raphael at tulad ng sinabi ni Andy, kalahating oras na lamang ang mayroon sa amin bago sumabog ang bomba na hindi namin alam kung nasaan. Maaring naagapan namin ang pagpindot ni Samantha pero hindi pa rin talaga maiaalis na may bomba nga talaga sa lugar na ito. Ano ang gagawin ko? "Sige, mauna na kayo." Mahina kong pagbanggit na kung papakinggan ay para bang isang bulong lang. "Luna, hindi ka namin pwedeng iwan na lang." Sabi ni Sapphire na kahit nanginginig at halatang takot na takot ay mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Si Sapphire, kailangan na rin niyang umalis. Sigurado akong hindi niya makakaya kapag nagtagal pa talaga siya sa lugar na ito. Delikado lalo na't hindi naman niya talaga kayang labanan ang phobia niya. Pati rin si Blake na may saksak, kailangan nilang magamot. "Lalabas tayo, ngayon. Tayong lahat." Dagdag pa ni Sapphire. Pero hindi ako mapapanatag. Hindi ako papatahimikin ng kung ano sa akin. "Kailangan ko siyang balikan. Nasabi na sa atin ni Andy kung saan ang ligtas na daan palabas. Lalabas ako. Ligtas akong makakalabas. Pangako." Wika ko ulit sa kanila habang pilit kong nilalagyan ng tapang ang bawat salita na sinambit ko. "Sige, ikaw ang bahala. May tiwala kami sa'yo, Luna." Iyon ang huli kong narinig sa kay Andy bago sila tumakbo papunta sa sinasabi niyang lugar na nasa likuran ng lugar na ito at pwedeng labasan. Bumuntong hininga ako. Hawak ko nang mariin ang sugat ko sa braso dahil sa pagkakadaplis ng bala ng baril 'nung Samantha na iyon. Medyo nahihilo ako pero nilalabanan ko ito. Nasa unang palapag ako at alam ko halos nalibot na namin ang lahat ng lugar dito pero wala kaming Spade na nakita. Hanggang sa may naisip ako. Agad akong nagmadali na pumunta sa likuran ng function hall na ito kung nasaan ang isang malaking swimming pool at ilang mga cottage at ilan din na maliit na bahay na para bang tulugan para sa pag-overnight dito. Binuksan ko ang unang pintuan ngunit wala doon. Gayon din naman sa pangalawa pero noong sa pangatlo na, agad nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong isang malaking bakal na kulungan. May pulang lubid din sa gitna. Nakita ko si Spade. Nandito rin si Miaka ngunit ... nakabulagta ang katawan niya sa sahig. Walang malay.

Page 419: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Agad akong lumapit kay Spade na nakaupo sa gilid at para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Blanko ang mukha niya ngunit agad itong nagkaroon ng ekspresyon noong nakita niya ako. "Bakit ka pa nandito?!" Agad siyang napatayo at lumapit sa akin. May kinuha siya sa bulsa niya. Isang malaking panyo, iyong may wirdung disensyo na lagi kong nakikitang ginagamit ng mga estudyante. Agad niya iyong itinali sa balikat ko na puro dugo pa rin. Kumuha rin siya ng kumot na nasa kama ng kwartong kinalalagyan namin at winarak ito. Itinali niya ang nakuhang tela sa palad ko na nagdurugo pa rin. "Umalis ka na." Bakit niya ako pinapaalis? "Sa tingin mo, aalis ako rito at iiwan ka?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at napahilamos siya sa mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay. Mukha rin na naiinis siya. "Ano ba ... hayaan mo na lang ako rito." Para bang biglang may kumirot sa dibdib ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit at naiirita ako habang iniisip ko na nagpaiwan ako rito para lang sa kanya tapos ipagtatabuyan niya lang ako nang ganito. "Wala ng oras. Umalis ka na." Sabi niya ulit. Bigla kong hinatak ang kamay niya at halos kaladkarin ko siya palabas. "Inilagay mo doon sa note sa envelope na hinihiling mong mabubuhay pa tayo pagkatapos nito pero ano to?! Magpapaiwan ka? Alam kong tanga ka pero wag mo namang ipagduldulan sa akin na ikaw ang pinakatanga rito! Kaya tara na, umalis na tayo." Hinatak ko siya palabas ng kinalalagyan niya kanina. Malapit lang rito ang sinasabing daan palabas ni Andy. Ito raw ang isa sa daan na ginawa ni Sir Buendia kapag tatakas silang mga killers. Isang gubat raw ang bubungad sa amin ngunit kaunting lakad lang ay sa kabilang highway na ang lusot namin. Ilang minuto na lang ang natitira. Mukhang dalawampung minuto na lamang. Lumusot na ko doon sa pader na may malaking butas patungo sa isang damuhan at ilang lakad ay gubat ngunit hindi lumusot si Spade. Nakatingin lang ako sa kanya habang nasa kabilang parte siya ng pader na ito. Bigla akong kinabahan. "Spade, tara na." Para bang may iba akong nararamdaman na naman sa dibdib ko. Bakit ang sakit? Bakit parang mas masakit pa ito kaysa sa nararamdaman kong mga sugat sa katawan ko? "Spade, t-tara na."

Page 420: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pag-ulit ko ngunit nakatingin lang siya sa akin gamit ang mga mata na para bang walang ekspresyon na nakatingin lang sa akin. "Spade, ano bang problema? Mabubuhay tayo di ba? Ito na, tatakas na tayo. Mabubuhay tayo. T-Tara na." Sa pangalawang pagkakataon, sa gabing ito ... naramdaman ko ang mainit na likido sa ilalim ng mga mata ko pababa sa pisngi ko. Lumuluha na naman ako? "Luna, hintayin mo ko. Tumakas ka na. May dapat lang ako na tapusin. Dapat kong iligtas din si Miaka. Hindi pa siya patay." Pakiramdam ko ay biglang gumalaw ang mga kamay ko nang walang permiso sa utak ko at inilusot ko ito sa butas sa pagitan na pader naming dalawa. Hinatak ko ang kamay ni Spade at ang lahat ng nararamdaman kong kakaiba kanina ay mas lumala. Hindi ko alam na mangyayari ulit ito. Na hahagulgol ako sa harap ng isang tao na hindi ko naman alam ang papel sa buhay ko. "Spade, h-huwag kang bumalik. Sumama ka na sa akin. H-Huwag kang umalis. Sasama ka sa akin di ba? Di ba?" Ngunit inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Sandali lang ito. Mauna ka na, Luna. Mahihintay mo naman ako di ba?" At sa isang iglap, bigla siyang tumalikod at naglakad pabalik sa lugar na iyon. Paano kung ang walang malay na si Miaka ay biglang magising? Paano kung hindi niya paalisin si Spade? Paano kung maabutan nga si Spade ng pagsabog ng bomba? Paano kung walang Spae na bumalik? "Spade! Wag kang bumalik dyan! Sumama ka sa akin! Spade!" Paulit-ulit kong sigaw pero ni hindi man lang siya lumingon sa akin. Pinunasan ko lahat ng luha na nasa mukha ko. Nagmukha lang akong tanga. Umalis siya. At sa tingin niya napakatanga ko para maniwala sa kanya? Hihintayin?! Sa kanya lang ulit akong umiyak nang ganito tapos paghihintayin niya lang ako? Na maaring maging resulta sa paghihintay ko na naman sa wala. Tumalikod ako sa pader at naglakad na palayo habang yakap-yakap ang sarili ko. Tulad ng sinabi ni Andy, dederetsuhin lang raw ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong panlalamig. Napakalamig. Ngunit may mali. May mali sa nararamdaman ko. Para bang bumibigay ang katawan ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at ilang sandali ay bigla na lang akong nawalan ng malay. Ngunit bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong tao sa harapan ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o nilalaro na lamang ng utak ko

Page 421: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

ang mga mata ko. Dahil hindi pupwedeng makita ko ang taong iyon. Patay na siya. Hindi na siya dapat nasa harapan ko. Hindi ba ... patay na si Mr. Laketon? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY ohweirdo. Ito na ang update, ito na ang update. Ito na ang update. Ito na. Hahahahaha de joke. Salamat Marcus sa patuloy na pagbabasa nito at pagiging active sa group tsaka sa pagsuporta. Alam mong labs ko ang kili-kili ni Hanbin pero kapantay lang ng pagmamahal ko sa kili-kili niya ang pagmamahal ko sa inyong lahat. ♥ Hahahaha. God bless! Thank you po sa pagbabasa ng chapter na itey! Sa mga nagtatanong kung ilang chapters na lang, maaring dalawa or isa tapos epilogue na. Maraming maraming salamat talaga! Sana suportahan nyo ito hanggang sa dulo tapos hanggang sa maging libro. Labyu all! Comments are highly appreciated kahit wag na magvote wahahaha kems. ♥ "There was a little girl, When she was good, she was very, very good. But when she was bad, she was horrid." ― Jun Mochizuki --------------------------------------------x SAPPHIRE'S POV HAWAK-HAWAK KO ANG KAMAY ni Raphael habang nakahiga siya sa hospital bed. Si Blake ay nagamot na rin, pati rin si Kuya Andy pati rin si Abigail na nasa upuan sa kwarto at tulog. Nasa ibang kwarto si Blake at si Kuya Andy naman ay mukhang umalis pagkatapos na magamot agad. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Sa tuwing iniisip ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko talaga akalain na makakalabas pa ako nang buhay. Pakiramdam ko'y mamamatay na talaga ako 'nun pero dahil kay Raphael, naging ligtas ako. Pumikit ako nang mariin habang hinigpitan ko rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Wala siyang malay pero stable na raw ang kondisyon niya. Nakatakbo kami 'nun. Medyo mahaba rin yung kagubatan na tinakbo namin hanggang sa nakarating kami sa kabilang highway. Sobra na kaming natataranta 'nun pero lubos kaming nagpapasalamat noong may nagsakay sa amin. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa amin 'nun kung hindi kami tinulungan ng isang babae na nagda-drive lang pauwi ng bahay niya. Sinugod niya kami sa pinakamalapit na ospital na sa totoo lang ay malayo rin naman kung tititgnan. Napakaraming reporters sa labas ng ospital. Balitang-balita ang napakalaking trahedya na nangyari kagabi. Sa ilang oras na iyon,

Page 422: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

napakaraming namatay. Nabalitaan ko rin na may sumabog nga raw na bomba. Nasunog ang halos kalahati ng pinangyarihan ng lahat. Pero hindi pa rin bumabalik si Luna at Spade. Nasaan na sila? Nakatakas kaya sila? Paano kung ... hindi? "Sapphire." Napalingon ako nang pumasok ang Mommy ko. Agad ko siyang niyakap at lahat ng emosyon na tinatago ko ay nailabas kong lahat. Umiyak ako nang umiyak. "Anak, sorry. Hinding-hindi ko na hahayaan na ang Daddy mo ang magdidikta ng lahat. Isa siya sa dahilan ng mga nangyari na iyan sa Laketon Academy. Sana mapatawad mo siya, anak." Wala akong sinabi, basta lang akong umiyak. Nang nakita ko si Mommy, para pa rin akong bata na palaging nawawala. Ako pa rin yung Sapphire na laging niloloko ng lahat, ang dating Sapphire na walang alam sa ilang bahagi ng nakaraan, ng mga nagawa kong mali. Ako pa rin iyong Sapphire na 'yon pero ngayon, mas sigurado ako na alam ko na ang lahat. Alam ko na ang mga nangyari, gising ako sa katotohanan at malinaw kong nakikita kung ano ng kasalukuyan. Madaming tanong si Mommy ngunit kahit isa doon ay wala kong nasagot nang matino. Ayaw kong pag-usapan ang lahat ng nangyari. Sa tuwing naalala ko ang mga bangkay, ang dugo ... ang lahat, pakiramdam ko'y nanginginig na naman ang buong katawan ko at napupuno na naman ang pag-iisip ko ng mga nakakatakot na bagay. Ilang oras ang nakalipas at umalis si Mommy. Nagising na rin si Abigail at sa unang pagkakataon, napakarami naming napag-usapan. Ni hindi kami naubusan. Ngayon ko lang napansin na maayos pala talagang pakisamahan si Abigail. Sadyang hindi lang siguro kami magkasundo noon. "Alam mo, ang school year na 'to ang pinakamatindi sa lahat. Dito natin nalaman kung para ba talaga saan ang section C. Kung ano nga ba talaga ang Laketon Academy. Dito lang natin nalaman kung ano ba ang maaring bunga ng lahat ng ginawa natin sa mga tao sa paligid. At gusto kong humingi ng patawad sa'yo Sapphire. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon." Ngumiti lang ako sa kanya. Wala akong naitugon sa sinabi niya. Hindi dahil sa hindi ko tinanggap ang sorry niya, naalala ko lang kasi ang first day ng school year na ito. Kasama ko pa si Cyrus, si Aislinn, pati na rin ang iba. Naalala ko pa, kumpleto ang 3-C at masaya. Ngunit ngayon, lima na lang kami at ang dalawa ay hindi pa namin alam kung nasaan.

Page 423: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Napayuko ako dahil sa lungkot. Sana hindi na lang nangyari ang lahat ng ito. Nakakakonsensiya dahil alam ko namang isa ako sa mga dahilan kung bakit naituloy ang laro nila sa klase namin. "A-Abigail. Sapphire?" Napalingon ako nang narinig ko ang boses ni Raphael. Gayon din naman si Abigail. Agad namin siyang nilapitan. Ang sabi niya ay okay naman daw ang pakiramdam niya. Medyo may mga parte lang ng katawan niya na masakit pero ayos naman daw siya. Nakahinga kami nang maluwag. May pumasok na nurse at bago siya lumabas ay sinabihan niya ako na may dapat daw siyang sabihin sa labas. Lumabas ako kasama ng nurse na iniisip ay tungkol kay Raphael ang sasabihin niya ngunit nagkamali ako. Imbis na magsalita ay hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay sa may palad ko. Isang pirasong papel na nakatupi. "May nagpapabigay." Iyon ang tanging sinabi ng nurse nang umalis siya. Hindi ko na siya napigilan para tanungin at ang tangi ko na lang ginawa ay tignan ang binigay niya sa akin na papel. Binasa ko agad ang laman nito at hindi ko maialis ang pagkagulat sa mukha ko. Paano nangyari ito? Buhay si Mr. Laketon? Pero di ba ... patay na siya? Ngunit napag-isip isip ko rin na walang pinakitang bangkay ni Mr. Laketon sa publiko. Ni walang lamay na naganap. Ang tanging hawak lang namin na rason kung bakit nasabi ng lahat na patay na siya ay dahil doon sa video na hindi naman namin alam kung totoo nga o hindi. Ngunit siya talaga ang nandoon. O kaya may ginawa siyang iba para pagmukhain na totoo nga ang sunod na nangyari sa video na iyon? Papasok na sana ako sa kwarto upang magpaalam kina Abigail at Raphael ngunit natigilan ako nang nakita ko ang isang lalaki na sinusugod ng mga nurse sa emergency room habang nakahiga sa stretcher. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang taong iyon. Si Spade iyon. Wala siyang malay at para bang ang daming dugo na nawawala sa kanya na naging dahilan ng muli kong panginginig. Agad akong umiwas ng tingin at nagsimulang maglakad nang mabilis. Ano kayang nangyari? Teka, kung nandito si Spade. Edi si Luna ang sinasabing tao doon sa papel?

Page 424: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hindi na ko nagpaalam pa kina Abigail bagkus ay dumiretso na ko sa paglalakad. Ngunit bago ako makaalis ay may nasalubong ko si Blake na para bang hinihintay talaga ako. Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay sa palad ko. Injection? "Gamitin mo." Mukhang alam na niya kung saan ako papunta. Binulsa ko ito. Tumango lang ako sa kanya at dumiretso na ko sa laabas ng ospital. Tinakpan ko ang mukha ko para maitago sa mga reporters at tama nga, paglabas ko, kitang-kita ko na ang isang itim na kotse habang nakatingin sa akin ang nasa labas nito na para bang siya yung driver. Lumapit ako at sumakay roon. Pinaandar naman niya ang kotse. Muli kong binasa ang nakasulat. "Hawak ko ang isa sa inyo. Kung gusto mong may magawang mabuti sa mga kaklase mo, maiiligtas mo kaya siya? Sa kamay mo nakasalalay ang buhay niya. Lumabas ka sa hospital na iyan at makikita mo agad ang sasakyan ko na naghihintay sa'yo. Maghihintay ako. --- Mr. Laketon." Nilukot ko ang papel at itinapon sa lapag ng kotse. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla akong nagdesisyon. Hindi ko pupwede ipaalam kina Raphael. Unang-una, naka-confine pa si Raphael at marami nang nangyari kay Abigail kagabi para mahirapan na naman siya. Tulad ng iniisip ko kanina, isa ako sa mga dahilan kung bakit naging ganito ang lahat at ang pagiging dahilan ko ang maari na namang makapatay sa isa naming kasama. Kay Luna. LUNA'S POV Unti-unti akong dumilat. Napakasakit ng buong katawan ko. Ngunit pagkatingin ko sa katawan ko ay may mga tapal na ang sugat ko. Mukhang may gumamot. Tumingin ako sa paligid. Nasa isa akong malaking kwarto na puting-puti. Mula sa kinauupuan ko, kita kong may kama na sa isang sulok ng kwarto. Sa gilid ng kama ay may side table. Isa pang nakakuha ng pansin ko ay ang pulang pintuan na nasa may dulo ng kinalalagyan ko.

Page 425: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Walang tali o ano pa man sa katawan ko kaya nakatayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa pintuang iyon. Kailangan kong makaalis. Kung sino man ang nagdala sakin rito, kailangan ko pa ring umalis. Ngunit bago pa ko makalapit rito ay nabuksan na ito agad. Napaatras ako. Bumungad sa harapan ko ang taong kilalang-kilala sa buong Laketon Academy. Nakasuot siya ng parati niyang suot na pormal na damit. Nandoon pa rin yung kakaibang presensiya niya na para bang napaka-elegante at edukado. At tulad noong nasa opisina niya ako, kinakabahan pa rin ako sa kanya. Si Mr. Laketon. "Kamusta, Luna?" Iyon pa rin ang boses niya. Walang duda, siya nga itong nasa harapan ko. Buhay siya. Buhay pa pala talaga ang lecheng 'to. Tama nga ang nakita ko kagabi. "Papatayin mo ko? Pero ginamot mo lahat ng sugat ko? Anong kalokohan 'to?!" Sigaw ko sa kanya habang umaatras pa rin. Hindi ako ligtas dito. Sigurado akong may plano 'tong matandang ito. Ngumisi siya. "Sinong nagsabing papatayin kita? Sa tingin mo ba talaga, gagamutin kita kung papatayin lang din naman kita?" Tumayo ako nang tuwid. Napasilip pa rin ako sa pintuan ngunit sarado na ito ngayon. Nawala ang tyansa ko na makatakas. "Bakit hindi ko iisipin iyon? Ang mga estudyante mo nga, pinapabayaan mong mamatay kahit na peke mo silang pinoprotektahan sa likuran ng nakakagago mong eskwelahan. Ngayon mo itanong sa akin kung imposible ngang patayin mo ako ngayon. At bakit buhay ka pa? Kalokohan mo lang din pala ang video na iyon. Marami pa namang natuwa sa pagkamatay mo. Sayang. " Tinaasan ko siya ng kilay. Mukha man akong matapang at para bang walang pangamba pero hindi ganun. Iniisip ko pa rin kung paano ako makakatakas dito. "Tama. Isa ka sa mga magagaling kong estudyante, Luna." Wika niya iyon habang umiikot-ikot sa kinatatayuan ko. Mabagal ang paglalakad niya at halatang minamatyagan pa rin niya ako sa tuwing yuyuko siya. "Ang pagkamatay ko ay isang palabas lang. Bakit?" Narinig ko na naman na para bang tumawa siya bago nagpatuloy muli. "Maraming may gustong pumatay sa akin. May mga tao na gustong pumutol sa koneksyon ko sa laro. Isa na kayo nila Andy doon, Luna." Hindi na ko nagulat nang binanggit niya ang pangalan ni Andy. Marami siyang koneksyon. Imposible ngang hindi niya malaman ang tungkol kay Andy. Ngunit bukod sa amin, sino pa ang gustong pumatay sa kanya? Pati rin ba sila Samantha? "Para kang si Teacher Yuko noon pero mas masama nga lang si Yuko kaysa sa'yo." Napahinto siya at tinignan ang paligid. Napako ang tingin niya doon sa kama.

Page 426: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Dito ko ikinulong ang asawa ko dati. Kinulong ko siya ng dalawang taon sa kwartong ito. Hinahanap siya sa kin ni Benjamin pero sinasabi ko na iniwan niya kami at sumama siya sa iba." Benjamin. Si Blake. Nagsimula ulit siyang umikot nang dahan-dahan sa kinatatayuan ko. "Hanggang sa isang araw, nakatakas siya. Pumunta siya sa bahay at sinubukan niyang itakas ang anak namin pero nabigo siya. Pinatay ko siya." Malala na siya. Napakalala niya. Tinignan ko siya nang masama noong huminto siya sa paglalakad at tumigil mismo sa harapan ko. "At alam mo ba kung bakit ko iyon ginawa? Kung bakit ko siya kinulong? Kung bakit ko siya pinatay? Dahil ang pamilya, gaya ng basura, ay walang halaga. Bakit ko sila papahalagahan kung mawawala rin naman sila? At bakit ko sila patuloy na mamahalin kung ayaw nila sa mga ginagawa ko? Hindi ako nag-aalaga ng mga pupwedeng trumaydor sa akin." Huminga ako nang malalim. Hindi na talaga ako pwedeng magtagal rito. Kung kayang-kaya niyang ikulong ang sarili niyang asawa sa kwartong ito, ano pa kaya ako? "Naiinip ka na ba? Huwag kang mag-alala. Kung sa tingin mo ay ikaw ang nakakulong rito ngayon, nagkakamali ka. Kung sa tingin mo ay ikaw ang papatayin ngayon, maaring tama pero maari ring hindi. Paparating na ang pain. Depende na lang kung gagawin mo ang gusto ko, baka maligtas pa ang kasama mo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong sumugod sa kanya para higitin siya sa kuwelyo niya. "Sino?! Sino na namang yang sinasabi mo?" Tinulak niya ako nang malakas at pagtingin ko sa kanya, nakitang kong pinapagpag niya ang damit niya. "Huwag kang magmadali. Nakakalungkot nga lang na hindi si Spade ang kinuha ko dahil maaring naghihingalo na ang taong iyon sa mga oras na ito. Gusto ko pa man siyang mamatay sa harapan ko." Nakangisi niyang sabi saka muling nagpatuloy. "Kasalanan niya. Kaya ko ngaa siya inilagay sa school na ito para maging tauhan ko pero hindi siya pumayag. Napakatangang nilalang. Nawala tuloy sa plano ko ang lahat." Nakaramdam ako ng matinding galit. Gusto kong sumugod sa kanya at pagsaksaksakin siya dahil sa sobra niyang kasamaan. Ngayon lang ako nakakilala ng isang tao na ganito kasama. Anong masaya sa kamatayan at gustong-gusto niya iyong mangyari sa iba? Anong nakakaaliw sa panonood habang isa-isang nagkakamatayan ang mga estudyante sa sarili niyang paaralan? Tama nga, may mga demonyo nga talaga sa lupa. "Ang kailangan mo lang gawin ay sabihin sa akin kung saan mo tinago ang binigay na mga punit na pahina sa'yo ni Spade. Iyon lang, Luna. Kung lolokohin mo lang ako sa kung nasaan ito, pwede kong patayin sa oras na ito ang nanay mo pero kung tama ang sinabi mo, pupwede kang umalis nang

Page 427: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

matiwasay sa lugar na ito." Sambit niya sa akin habang nakangiti na akala mo'y nang-uuto ng isang bata. Pwes, hindi ako bata at hindi niya ko mauuto sa mga ganito dahil sigurado ako na kapag nalaman niya kung nasaan ay ipapatay na lang niya ako sa sandaling iyon. "Kung hindi mo rin naman gagawin iyon, may mamamatay para sa'yo. Kapag hindi mo sinabi sa unang pagkakataon, mamamatay ang kaklase mong darating at kapag hindi mo pa rin sinabi sa pangalawang pagkakataon, mamamatay ang nanay mong baliw." Lubos akong kinabahan nang narinig ko iyon. Ang nanay ko na tinuring akong demonyo mula noong pinanganak ako. Na ilang beses akong sinubukang patayin. Ang nanay ko na kinamumuhian ako. Bakit kailangan pa niyang idamay pati ang pamilya ko? Kung ilalabas ko ang binigay sa akin ni Spade sa media, babagsak si Mr. Laketon kasama rin ang iba pang bumubuo sa organisasyon nila, kasama na ang tatay-tatayan ko. At kung maisisiwalat din ang mga totoong nangyari, siguradong pagpyepyestahan ito ng media. Hindi maaring manalo si Mr. Laketon. "Naalala mo ba ang sinabi ko? Na nabubuhay lamang tayo para mamatay at isa ako sa mga taong tinalaga para gawing kapana-panabik ang kamatayan ninyong lahat. Kaya Luna, hangga't may oras pa ... mag-isip ka na." Ilang sandali ay lumapit siya sa upuan ko kanina at inilagay naman ito sa may likuran ko ngayon. Itinulak niya ang magkabila kong balikat upang umupo muli ako roon. Napangiwi ako nang idiniin niya ang pagkakahawak sa balikat ko. Masakit pa rin ang sugat ko roon. "Makinig ka sa akin, Luna. Kung gusto mo talagang mabuhay pati rin ang nanay mo. Dapat mo silang trayduring lahat." Ngumisi siya at ilang sandali ay nakarinig kami ng pagkatok sa pintuan. Lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Sapphire kasama ng dalawa pang lalaki na mukhang tauhan ni Laketon. Siya pala ang sinasabi niya. Para bang muli kong narinig ang boses ni Mr. Laketon. "Makinig ka sa akin, Luna. Kung gusto mo talagang mabuhay pati rin ang nanay mo. Dapat mo silang trayduring lahat." Teka, ano bang sitwasyong itong kinahaharap namin ngayon? Anong gagawin ko? "Kaya Luna, hangga't may oras pa ... mag-isip ka na." Basta, ang alam ko, kailangan kong mabuhay pero paano sila? --------------------------------------------x

Page 428: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

- A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY bbyyuunnttaaee. Sobra talaga akong natawa at natuwa sa mga comments mo last chapter. Ang cute kasi eh hahaha. Sobra kong nagpapasalamat at sinusuportahan mo ang naghihingalong love team nila Luna at Spade. Kapit lang, mga ka-shippers. :'( Loljk. Salamat po sa pagbabasa. <333 Magdaragdagan ng isa pang chapter. Bale, itong chapter na 'to ang second to the last. Nadagdagan dahil sa bigla kong siningit si Mr. Laketon at dahil kailangan ko pa ng panahon para mag-isip ng ending. Lol. Malapit na talaga itong matapos, pramis. XD God bless~ Comment lang your reactions at kung ano pa man yan haha. "She who saves a single soul, saves the universe." ― Lewis Carroll, Alice's Adventures in Wonderland & Through the Looking-Glass --------------------------------------------x LUNA'S POV NAKATINGIN PA RIN SA AKIN nang deretso si Mr. Laketon. Narinig kong nagsalita si Sapphire at tinanong sa matandang 'to kung ano ang gagawin niya sa amin. Bigla akong napayuko at may napansin ako sa may paa ko. Bago pa man ako makatingala muli ay narinig ko ang simpleng sagot ni Mr. Laketon sa tanong ni Sapphire. "Si Luna lang ang makakapagsabi." At noong narinig ko ang sinabi niya, saka ko napagtanto ang dapat kong gawin. Ngumiti ako kay Mr. Laketon bago magsalita. "Bakit hindi ka muna makipaglaro, Mr. Laketon? Tutal, gustong-gusto mo ng mga laro hindi ba?" Mukhang nakuha ko ang buong atensyon niya. "Kung matatalo ako sa larong ito, papatayin ko si Sapphire sa mismong kwartong ito at sasabihin ko sa'yo kung nasaan. At sigurado akong papatayin mo rin ako 'nun." Naramdaman kong hinawakan ni Sapphire ang balikat ko ngunit tinabig ko ang kamay niya. "At kung mananalo ako, papatayin kita mismo sa kinatatayuan mo ngayon." Ngunit tumawa nang tumawa si Mr. Laketon. Napakunot ang noo ko dahil sa nakakarindi niyang tawa. "Bakit ko naman gagawin iyon, Luna? Ako ang may hawak ng larong ito. Ang kailangan mo lang ay sabihin sa akin para makaligtas ka." At sa pagkakataon na iyon, ngumisi ako sa kanya. "Ikaw ang may hawak ng laro? Gusto ko lang sabihin sa'yo Mr. Laketon, na nagkakamali ka." Inirapan ko siya bago nagpatuloy. "Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang kailangan mo. Kung wala ako, hindi mo mahahanap kung

Page 429: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

nasaan ang ebidensiya laban sa'yo." Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. "Sana naisip mo rin na, paano kung wala sa bahay ang ebidensiya na iyon? Paano kung pinadala ko na iyon sa media? Paano kung paparating na iyon sa kamay nila? Paano kung may tao akong pinagbigyan para siya ang maghawak nito?" Lumapit pa ako sa kanya. "Tulad ng sinabi mo kanina, ako lang ang makakapagsabi. Ako lang ang pag-asa mo at kung mamamatay ako, paano ka na?" Kitang-kita ko ang pagsama ng mukha ng lecheng matanda. Sa loob-loob ko, nadiriwang na ko. Naloloko ko na siya. Siya ngayon ang malalaglag sa patibong ko. Bakit? Dahil lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan. Nasa bahay lang ang binigay sa akin ni Spade ngunit nakatago ito nang mabuti. Kaya kung sakaling pinasok na nila ang bahay namin, hindi niya ito makikita. Ako lang din ang nakakaalam. Ngumisi si Mr. Laketon. "Matalino ka nga talaga, Luna. Pero hindi mo na kailangan pang mag dalawang-isip. Magtiwala ka. Nanalo sa laro si Yuko, dahil sa pakikipagkasundo niya sa akin. Pinatay ko ba siya? Hindi ba, nakaligtas siya? Luna, hindi ako ganun katuso. Kung sinabi ko, gagawin ko." Pwes, ako ang tuso ngayon. "Ayokong makipaggaguhan. Hindi ako basta-basta nagtitiwala. Sabihin mo, Mr. Laketon, gaano kahalaga ang pera sa'yo? Dahil lahat ng iyon ay mawawala kung malalaman ang mga kalokohan mo sa loob ng sarili mong eskwelahan." Biglang hinigit ni Sapphire ang braso ko. Hinatak niya ako hanggang sa isang sulok ng kwarto. "Luna, ano bang mga sinasabi mo? Papatayin mo ako? Luna, ako ang kakampi mo rito! Bakit mo itataya ang buhay ko?" Umirap ako sa kanya. Wala akong oras para sa katangahan pa ng isang 'to. Dahil ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaligtas kami. "Huwag kang gumawa ng kahit anong katangahan. Bayaan mo ako." Tatalikod na sana ako nang bigla kong narinig ang sinabi ni Mr. Laketon. "Sige, ano ba yang larong sinasabi mo?" Kumagat ang matanda sa patibong. Dahil sa wala na kong ibang pagpipilian pa. Pagbaliktarin man ang mundo, si Mr. Laketon ang magwawagi sa sitwasyong ito. Kailangan kong sumugal.

Page 430: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

SAPPHIRE'S POV Hindi ko na talaga alam kung ano ang ginagawa ni Luna. Bakit parang nakikipag-areglo pa siya kay Mr. Laketon? Ang sabi sa sulat, delikado ang buhay niya? Bakit parang, ako ang delikado ang buhay dito? Ngunit sinunod ko ang sinabi niya. Nandito lang ako sa sulok habang nanonood sa kanila. Kinapa ko sa may bulsa ko iyong syringe na binigay sa akin ni Blake. Hindi ko alam kung ano ito pero ang sabi niya, gamitin ko raw. Pinagmasdan ko lang si Luna noong lumapit siya dalawang lalaki na nagdala sa akin sa loob ng kwartong ito. Walang katakot-takot niyang kinuha ang baril ng bawat isa. Nakatingin lang din sa kanya si Mr. Laketon habang inuusog niya iyong isang side table papunta sa harapan ng upuan. Ngunit nakakapagtaka na nakabaliktad to. Sa harap ni Luna nakatapat ang buksanan ng drawer habang ang likuran ay nakatapat kay Mr. Laketon. Anong sinusubukan niyang gawin? Pinaupo niya si Mr. Laketon sa upuan nang inilapag niya ang dalawang baril sa mesa. Saka naman umalis sa kwarto ang dalawang tauhan ni Mr. Laketon. Narinig ko na ni-lock nila ang pintuan. Namataan kong tinignan ni Mr. Laketon ang mga ito bago sila tuluyang lumabas. Ilang beses akong napatingin sa nag-iisang bintana na nasa kanang bahagi ng dingding ng kwartong ito at napapalibutan ng bakal mula sa itaas, sa gilid, at sa ibaba ng labasan nito. Wala pa ring takas. Sa totoo lang, hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari. Ibig sabihin, ako ang nasa panganib talaga dito? "Ano bang laro ang gusto mo, Luna?" Deretsong nakatingin si Mr. Laketon sa mukha ni Luna. At ngayon, maglalaro sila habang ako naman ay nakatunganga lang rito? Naniwala ako agad sa natanggap kong sulat mula kay Mr. Laketon. Nagpadalos-dalos talaga ako. Akala ko naman kasi ... akala ko totoo. Ilang segundo na ring nakapatong ang kamay ni Luna sa mga baril. "Sa dalawang baril na iyan, isa lang ay may bala. Kuhanin mo ang isa at itapat mo sa ulo mo. Iputok mo ito at kapag nabaril ka, talo ka pero kung sakaling ang nakuha mo ay ang walang bala, panalo ka. Payag ka ba sa gusto kong laro, Mr. Laketon?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Luna. Ano ba talagang nasa isipan niya? Paano kung ang makuha ni Mr. Laketon ay ang walang bala, edi gagawin niya nga talaga ang sinabi niya kanina? "At paano mo naman nalaman ang walang bala sa mayroong bala?" Tanong ni Mr. Laketon sa kanya. Ngumisi si Luna saka tumugon. "Wala na sa iyo iyon Mr. Laketon. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, lalaruin mo ba ang gusto kong laro?"

Page 431: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Akala ko'y aatras si Mr. Laketon ngunit ilang sandali ay tinignan niya nang mabuti ang dalawang baril na nasa harapan niya. Kinuha niya ang nasa kanan at itinapat ito sa ulo niya. Totoo nga. Gagawin nga niya. Kitang-kita ko ang pagpwesto niya ng daliri niya sa may gatilyo ng baril. Dahan-dahan niyang diniinan ang pagkakapwesto ng daliri niya roon hanggang sa kinalabit na nga niya ito kasabay ng para bang panandalian na pagtigil sa pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko lubos na matignan ang susunod na pangyayari. Walang laman na bala ang ginamit ni Mr. Laketon. Lumapad ang ngisi siya at tumingin siya na parang nanunukso kay Luna. Paano na kami? Papatayin nga ba niya talaga ako? Hindi. Hindi pupwede! "Ano ba, Luna!" Sigaw ko sa kanya habang lumalapit sa kinatatayuan niya. "Ano ba 'tong ginagawa mo?!" Sigaw ko muli sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin bagkus ay blanko lang siyang nakatingin sa side table na nasa harapan nila ngayon. "Sa pagkakataong ito, panalo na ako. Paano ka na Luna?" Mas lalo akong nataranta noong sinabi iyon ni Mr. Laketon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko kasi, wala na kaming pag-asa. Tulad ng sinabi kanina ni Luna ... kapag natalo siya, papatayin niya ako. Sigurado ba siya sa mga sinabi niya? Sa sobrang takot na nararamdaman ko'y bigla akong napaluha. Napaupo ako sa kama na nasa gilid n kwarto. Gusto kong magwala. Hindi ko na kasi talaga alam ang nangyayari. Iniisip ko palang na mamamatay ako, natatakot na ko nang sobra. Bigla na naman akong nanginig pero sa pagkakataong ito, medyo kaya ko nang kontrolin. "Tama ka, Mr. Laketon. Talo ako." Mas lalo akong nanlumo noong narinig ko iyon kay Luna. Takot na takot kong tinignan si Luna habang inaabot niya ang isang baril na nasa mesa. Nang nakuha niya iyon ay lumapit siya sa kinauupuan ko. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Itinayo niya ako. Titig na titig ako sa hawak niyang baril. Pumwesto siya sa likuran ko at ramdam ko ang pagtutok niya ng baril sa may ulunan ko. Sa bawat pagtibok ng puso ko nang mabilis ay kasabay naman ng pagtulo ng pawis sa ulo ko. Papatayin ba niya talaga ako? "Sige na, Luna. Patayin mo na siya at sabihin mo sa akin kung nasaan ang ebidensiya." Wika muli ni Mr. Laketon habang nakaupo pa rin. Pumikit ako nang mariin nang unti-unti kong naramdaman na dinidiinan niya ang pagkakahawak ang daliri niya sa may gatilyo.

Page 432: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Hanggang sa kinalabit na nga niya ito. Ngunit, wala rin itong bala. Natulala ako dahil sa pagkagulat. Saka ko nakita na ibinato ni Luna sa lapag ang baril. Maski si Mr. Laketon ay nagulat din. Ano ba talaga ang ginagawa ni Luna? "Tama, Mr. Laketon. Dalawang baril ang walang bala." Ngumisi siya. "Hindi ko alam na wala ka palang alam sa mga baril. Napakatapang mo magdala ng mga ganito pero ni hindi mo alam na kapag hindi nasa forward position ang slide ng pistol na baril ng mga tauhan mo, ibig sabihin, wala itong laman ng bala. Nakakagulat na naloko kita roon, Mr. Laketon. At hindi mo rin naisip na kung bakit basta-basta na lang sumunod ang mga tauhan mo sa'yo nang pinapaalis mo siya." Tumingin siya nang masama kay Mr. Laketon. "Dahil alam nilang wala bala ang dalawan baril. Inaasahan ko talaga na papaalisin mo sila at ngayong tatlo na lang tayo rito, mas madali na para sa akin." Napatayo si Mr. Laketon na may galit na galit na ekspresyon sa mukha niya. Ngunit sa pagtayo niya'y bigla siyang tumumba sa mismong harapan niya. Napatingin agad ako kay Luna ngunit para bang hindi siya nagulat sa nangyari. Mukhang napuruhan si Mr. Laketon dahil rin sa pagkakauntog niya sa dulo ng mesa na nasa harapan niya. Nagtataka akong lumapit hanggang sa may nakita akong parang manipis na tali na nakadugtong sa kaliwang paa ng silya at sa kanang paa ng mesa. Magkasalungat ito. Kung hindi mo titignan nang mabuti, hindi mo agad ito makikita. "Nakakalungkot din na nakalimutan mo kung paano tumakas ang asawa mo o baka hindi mo alam?" Wika ni Luna habang papalapit kay Mr. Laketon na tatayo palang. Agad siyang pumwesto sa likuran ni Mr. Laketon habang mahigpit na hawak ang dalawa nitong kamay. Maaring para hindi ito makagawa ng kahit ano. "Napansin ko na ang manipis na string noong naigalaw ko ang mga paa ko. May naramdaman akong malamig na bagay at para bang nakakakiliti ngunit dahil pantalon ang suot mo at pormal ang suot mong sapatos, mukhang hindi mo ito mararamdaman. At dahil din hindi na siguro ganun kalinaw ang paningin mo, hindi mo talaga mapapansin." Tahimik lang si Mr. Laketon ngunit nanggagalaiti na ang itsura ng mukha niya. "Napansin ko na konektado ito sa mesa na nasa dulo ng kwarto. Medyo mahaba ang string kaya nakalaylay lang ito sa sahig. Saka ko naisip na, ito ang ginamit ng asawa mo para makatakas." Ah! Naiintindihan ko na. Inilapit ni Luna ang mesa dahil sa konektado ito sa tali ngunit kung ilalapit niya ito, hindi ba magkakabuhol-buhol lamang 'to dahil nga raw sa haba? Ngunit sa isang sandali, naalala ko ang paggalawa ng paa ni Luna habang nakaupo. Mukhang may hinahatak siya sa may ilalim. Maaring nakatali ang

Page 433: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

string nang tulad ng pagtatali sa lubid sa pagbibigti, na pupwedeng hatakin kapag gustong sikipan o ano man. "Ngayon, Mr. Laketon. Sino ang panalo?" Tumawa si Mr. Laketon. Tumawa siya nang tumawa. "Hindi ako makapaniwala na sinasayang mo lang pala ang oras ko, Luna. Kung papatayin mo ko, hindi kayo makakalabas dito. Ako lang ang makakapagpalabas sa inyo." Wika pa niya. Kinapa ko ang loob ng bulsa ng pantalon na binigay sa aking pamalit, hinawakan ko nang mahigpit ang syringe. Kailangan naming makaalis rito. Ilang sandali ay biglang sinipa ni Mr. Laketon si Luna. Bumagsak si Luna sa sahig. Ang sunod kong ginawa ay hatakin si Mr. Laketon ngunit naitulak niya ako agad. Natataranta na naman ako. Biglang sinakal ni Mr. Laketon si Luna habang sumisigaw siya. Muling kong binulsa ang kamay ko at kinuha ang syringe na bigay sakin mismo ng anak ni Mr. Laketon. Kung ano man ang laman nito, sana ay makatulong ito sa amin ngayon. Tumakbo ako sa kinalalagyan ni Mr. Laketon habang patuloy niyang sinasakal si Luna. Mabilis kong sinaksak ang syringe sa leeg ni Mr. Laketon at tinulak ko ang plunger hanggang sa maubos ang laman nito. Napaatras ako nang biglang tumayo si Mr. Laketon at tinanggal ang sinaksak kong syringe sa kanya. Mukhang walang epekto. T-Teka ... ano ba iyong ibinigay sa akin ni Blake? Makakatulong ba talaga ito sa amin? Bakit parang, hindi naman? Kaya nag-aalangan akong gamitin ito mula pa noong umpisa ... sabi ko na nga ba. Papalapit nang papalapit sa akin si Mr. Laketon. Naramdaman ko na nakasandal na pala ako sa pader. Anong gagawin niya sa akin? Hanggang sa bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Tinignan niya ang magkabila niyang kamay na para bang may mali rito. Napansin ko rin na hirap na hirap siya sa paghakbang. "Anong g-ginawa mo s-sakin?" Maski ang pagsasalita ay nahihirapan siya. At sa huling pagkakataon ay may kinuha siya sa bulsa niya. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit may pinindot siya sa bagay na 'yon. Napatingin ako agad sa pinakaitaas ng pader kung saan may isang air diffuser. Ngayon ko lang napansin ito. Ilang sandali, pagkatapos pindutin iyon ni Mr. Laketon, may inilabas itong hangin na kitang-kita mo dahil sa may kakaiba itong kulay. Na para bang itim o ano, basta mukhang kakaiba. Muling nakuha ni Mr. Laketon ang atensyon ko nang may sinabi siya ngunit hindi niya agad iyon natapos pero sigurado ako na delikado ang sitwasyon namin ngayon.

Page 434: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Takpan mo ang ilong mo! Mukhang nakakamatay ang usok o hangin o ano man iyan!" Katulad ng sinabi niya ay iyon ang ginawa ko. Tinignan ko ang paligid. Ang bintana ay may mga nakaharang na bakal, ang pintuan ay naka-lock at wala ng iba pang pwedeng gamitin rito. Kung ano man ang sinabi ni Luna na pagtakas ng asawa ni Mr. Laketon ay nagamit niya na ito. Maaring nakatakas iyon sa pamamagitan ng pagpapasok ng isang tauhan ni Mr. Laketon at pagpatid nito dun sa tauhan at pagkatapos ay tumakbo na siya dahil sa nakabukas ang pintuan pero sa sitwasyon namin, nakakulong na talaga kami rito. Maaring ilang minuto lang ay maari na kaming ma-suffocate o kaya maapektuhan na ang katawan namin ng kung ano man itong nanggagaling sa air diffuser na ito. Kailangan naming gumawa ng paraan. Bigla kong nakita na inuusog ni Luna ang kama. Tumingin siya sa akin na para bang sinasabi na tulungan ko siya. Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa ilong at dalawang kamay ang ginamit ko sa pagtulak ng kama. Ilang beses naming itong itinutulak nang malakas sa pintuan. Bakal ang kama kaya maaring may tyansa kami. Ngunit ... nanghihina na ang katawan ko. Bumibigat na ang mga mata ko. "Sapphire! Lakasan pa natin!" Narinig ko ang sigaw ni Luna at iyon ang ang ginawa ko. Napupuno na ng usok ang buong kwarto at tanging si Luna na lang ang nakikita ko rito. Dalawang minuto na ata ang nakalipas ngunit patuloy pa rin kami sa pagtulak ng kama. Kinuha ni Luna ang isang punda ng nag-iisang unan sa kama at lumapit sa akin. Ginamit niya itong pantakip ilang parte ng mukha ko lalo na sa parte ng ilong sa pamamagitan ng pagbuhol sa likuran. "L-Lakasan pa natin." Mahina na ang boses ni Luna ngunit naiintindihan ko pa naman ang bawat salita. Hanggang sa nasira nga namin ang pintuan. At sa pagkasira nito ay nakita kong biglaang bumigay ang katawan ni Luna. Agad akong lumapit sa kanya para saluhin siya. Nararamdaman ko na naman ang luha sa mga mata ko. Akay-akay ko si Luna sa paglabas ko. Nadatnan kong nakabulagta sa sahig ang dalawang tauhan ni Mr. Laketon. Nagmamadali akong dumiretso sa pintuan palabas. Nanlaki ang mga mata ko sa taong nakaharap ko. Kinuha niya si Luna at binuhat siya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang alam ko, wala na siya. Hindi ba ... patay na siya? "Kuya Ash, buhay ka rin pala?"

Page 435: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Nahihirapan man akong magsalita dahil sa hinahabol ko pa rin ang hininga ko ngunit nakumpleto ko naman ang bawat salita. Ngumiti siya sa akin. Ganun pa rin yung ngiti niya mula noong huli ko siyang nakita. Medyo nag-iba ang itsura niya dahil sa may kaunti siyang bigote ngunit siya talaga itong nasa harapan ko. Buhay si Kuya Ash katulad ni Kuya Andy. "Bilisan natin." Iyon lang ang tugon niya at mabilis siyang naglakad papunta doon sa isang kotse. Sumakay na rin ako. "Kuya Ash, dalhin natin ang kaklase ko sa ospital! Baka kung ano ang mangyari sa kanya kung hindi siya magagamot agad!" Eto na naman, natataranta na naman ako. Ngunit walang tugon si Kuya Ash, nagda-drive lamang siya. Bakit parang kinakabahan ako? Bakit mas nakakakaba si Kuya Ash at ang kinikilos niya? Nasa kadungan ko si Luna habang nasa likod na upuan kami ng sasakyan. Hindi nagsasalita si Kuya Ash pero tatlong beses ko na siyang nakitang tumingin sa amin sa rear-view mirror. Bakit kaya? Ngunit nakarating kami ng ospital. Nakatingin lamang ako habang nasa strecher siya at tinutulak ng mga nurse papunta sa loob ng ospital. Nakahinga ako nang maluwag. Sana maging ligtas siya. Sana mabuhay si Luna. "Sapphire, di ba?" Narinig ko ang boses ni Kuya Ash sa likuran ko. Tumango lamang ako sa kanya. Inabot niya ang kamay ko at may inilagay siya sa gitna ng palad ko. Isang susi. "Room 101-A, sa sikretong basement doon. Isang ebidensiya laban sa Laketon Academy." Nagtataka ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Sa pagkakaalam ko, chismis lang na may mga sikretong kwarto at kung anu-ano sa school pero bakit may susi si Kuya Ash ng isa sa mga ito? Ibig sabihin, totoo? Ngumiti siya sa akin. At ilang sandali, nakarinig ako ng mga wangwang na para bang may mga pulis. Napakabilis ng pangyayari. Hinuli mismo sa harapan ko si Kuya Ash at sa isa sa mga kotse ng pulis, lumabas si Kuya Andy. Saka unti-unting naintindihan ko ang mga nangyari.

Page 436: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Lumapit sa akin si Kuya Andy at tinanong niya kung okay lang ba ako. Pinaliwanag din niya kung bakit hinuli si Kuya Ash. Isa pala siya sa mga wolves noon. At itong susi na hawak ko, pwede itong makatulong sa pagpapasara ng Laketon Academy na maaring magpatuloy kahit na wala si Mr. Laketon. Napatingin ako sa langit. Ito na ang katapusan hindi ba? *** Kumatok ako sa pintuan at agad naman itong binuksan. Bumungad sa akin si Abigail. "Tagal mo naman, Sapphire! Kanina ka pa hinahanap ni Spade." Inirapan ko lang siya at tuloy-tuloy ako sa loob. Ngunit ang irap na iyon ay hindi pang-aaway, para bang naging batian na rin namin 'yon sa tuwing magkikita kami. "Kamusta na, Spade?" Nakangiti kong tanong kay Spade ngunit seryoso ang mukha niya. "Nasaan si Luna? Sabihin mo sa akin, nasaan siya?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko naman inaasahan na iyon agad ang bubungad sa akin. Hindi ko napigilan ang reaksyon ko dahil pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya, para bang may kumirot sa puso ko. At napaluha ako. Luna, sana mapakinggan mo. Luna, hinahanap ka na ni Spade. Luna ... babalik ka di ba? --------------------------------------------x - A U T H O R ' S N O T E - DEDICATE KAY BamBie_Girl. Hiiiiiii Caryl! Salamat sa pagiging active sa group at lalo na sa patuloy na pagsuporta ng story na 'to. Happy birthday at God bless palagi~ *huuuuuugs* ♥ SA TOTOO LANG DI AKO SATISFIED SA CHAPTER NA 'TO. May kulang kasi eh pero promise, aayusin ko 'to pag inedit ko ulit. Di ko rin nacheck nang maayos ang update kasi medyo stressed, lol pero correct me pag may mali dyan~ And ipa-publish din 'tong Memento Mori after ng volume 2 ng book 1 so, sana ay suportahan nyo rin. ♥ EPILOGUE na ang susunod. ♥ I-COMMENT ANG GUSTONG SABIHIN. Voice out your opinion~ Thank you po! *hart hart ebriwer*

Page 437: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"There is no real ending. It's just the place where you stop the story." ― Frank Herbert --------------------------------------------x SPADE'S POV INILAPAG KO ANG DALA KONG mga puting bulaklak at nagdasal. Bumuntong hininga saka tumayo. Pangatlong beses ko nang pumunta rito sa linggong ito at kahit ilang buwan na ang nakakaraan mula noon, hindi ko pa rin ito makalimutan. Tinignan ko ang lapida. MIAKA FRANCES LOPEZ Katabi ng lapida niya ang lapida ni Hanako. Nakuha naman ang bangkay ni Hanako sa bahay nila Blake. Ang sabi niya'y, inilibing niya ang bangkay ni Hanako sa likuran nila mula noong bigla na lang niya itong nakita sa tapat ng kanilang bahay na mukhang si Samantha rin naman ay ang may gawa. Kaming mga natira naman ay nagkanya-kanya na. Biglang nawala si Andy, si Blake naman ay umalis ng bansa dahil din sa utos ng isa sa mga kamag-anak niya, si Sapphire naman ay nasa puder ng kanyang nanay - doon din ako nakatira sa kanila, si Abigail ay dinala sa malayo ng kanyang magulang para raw makalimot kahit papano at si Raphael ay bumalik sa kanyang pamilya. At sa ilang buwan na nagdaan na iyon, naipasara ang Laketon Academy dahil rin sa pinagpyestahan ng halos lahat ng tao ang balita tungkol sa pamilya ng umampon sa akin, nagsara na rin ang iba pa nilang negosyo sa buong Asya. Isang malaking kahihiyan sa pamilya ang paglabas ng matagal na nilang ginagawa sa loob ng kanilang eskwelahan. Ngunit patuloy pa rin iniimbistigahan ang Laketon Academy pati na rin ang lahat ng nangyari. May ibinigay rin na susi si Sapphire sa mga pulis na nagbukas sa isang sikretong basement sa high school building, maraming nagtagpuan na bangkay roon, marami rin daw na nakasabit na manikang gawa sa tagpi-tagping tela at kulay pula raw ang dingding ng nasabing kwarto. Katulad ng pagkakita rito, nakita rin ang iba pang sikretong kwarto sa iba pang building. Maski sa gymnasium ay mayroon din. Balak atang gawing lungga ng mga mamamatay-tao ang eskwelahang iyon. Tss. Sa tagal ng takbo ng kaso, may mararating kaya ito? Malakas ang lahat ng ebidensiya. Ang mga statement namin patungkol sa lahat ng nangyari, ang mga nakita mismo nila sa loob ng Laketon Academy, ang pilas na pahina na iyon pati na rin ang statement ng mga magulang patungkol sa pagtataka nila mula pa noon sa eskwelahan. Ni hindi sila makapagbigay ng ebidensiya na makakapagpalinis sa pangalan nila. Bakit parang mas tumatagal pa ang proseso ng kaso? Mabibigyan naman kaya ng hustisya ang lahat ng namatay? Ang buhay ng mga kaklase namin, ng ibang guro na nadamay, at sa mga magulang na hanggang ngayon ay nagtatanong kung nasaan ang mga anak nila. Mula pa noon, ang tangi lang nilang inakala ay isang serial killer, katulad noon sa last batch, na nambibiktima sa mga estudyante ng

Page 438: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

mahahaling eskwelahan lamang ang may gawa ng lahat ng iyon. Maraming namatay at marami pang mga katawan na nawawala at pilit na hinahanap ng mga magulang nila. Tambak-tambak na kaso ang kinahaharap ng Laketon lalo na't dumagdag ang mga magulang sa pagsampa sa kanila ng kaso... pero may laban pa kaya ang lahat ng ito? Isa rin sa nabalitaan ko na, noong inimbestigahan nila ang bahay ng pamilya ni Samantha ay nakita raw ang iba't-ibang parte ng katawan ng iba't-ibang tao sa loob ng cabinet niya. Sabi ng mga katulong, tinatawag raw ni Samantha iyon na koleksyon niya at pinagbabawal silang pumasok sa loob ng kanyang kwarto ngunit matagal na raw nilang napapansin na may kakaibang amoy sa loob ng kwarto ng kanilang amo. Matagal nang patay ang kanyang nanay at ang tatay naman niya ay walang pakialam sa kanyang anak. Nakita rin ang bangkay ni Mr. Laketon sa isa sa mga pagmamay-ari niyang bahay. Ang sabi raw ay nakita sa autopsy na may kung anong gamot na nagparalisa sa lahat ng muscle sa katawan niya, pati rin sa mga organs niya at iyon ang dahilan ng pagkamatay niya. May kung ano rin daw na kakaibang amoy sa kwartong kinalalagyan niya ngunit bukod doon ay wala na kong balita sa tungkol sa pagkamatay niya. Ano pa bang pakialam ko sa matandang 'yon? Kasalukuyang kinakasuhan lahat ng matataas na opisyal na nandoon sa pilas na pahina na iyon dahil sa paggamit nila ng pondo ng bayan sa walang kwentang eskwelahan na iyon. Na imbis sa ibigay nila sa mga nangangailangang mabababang eskwelahan ay nakisosyo pa sila sa pagpapalago ng Laketon Academy kasama sa sikreto ng eskwelahan na 'yon. Kasama na ang tatay ni Sapphire at ang tatay ni Luna sa mga kumakaharap sa kaso. Sino ang lahat ng gumawa 'nun? Sino ang dahilan ng pagtigil ng kasamaan ng pamilyang Laketon? Si Luna. Ngunit mula noong nagising ako hanggang sa oras na ito, hindi pa namin siya nakikita. Hindi namin alam kung nasaan siya. Hindi namin alam kung magpapakita pa ba siya sa amin. Basta, ang sabi raw niya, babalik siya kapag maayos na ang lahat. Kailan naman kaya maayos ang lahat? Ako ang unang nagsabi sa kanya na hintayin niya ako ngunit sa dulo, ako pala ang maghihintay sa kanya. Napatingin ako sa taas nang nakaramdam ako ng pagpatak ng ulan. Napayuko ako. Wala pa rin akong dalang payong. Palakas nang palakas ang ulan ngunit hindi ako nagmamadali sa paglalakad. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. Parang pakiramdam ko ngayon, isa siguro ang ulan sa makakaayos sa nararamdaman ko. Nakikituloy ako sa bahay nila Sapphire. Maluwag akong tinanggap ng nanay niya ngunit ilang buwan na akong nagiging pasanin sa kanila. Hindi na ko dapat pang magtagal.

Page 439: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

At kapag nangyari iyon, wala na kong uuwian. Isa na naman akong ulila. Maari akong bumalik sa ampunan ngunit baka hindi na naman nila ako tanggapin katulad noong una akong lumayas sa bahay ng pamilyang Laketon. Baka kung saan lang ako magpunta. Baka wala na namang tumanggap sa akin. Ibig sabihin, mag-isa na naman ako. Ginulo ko ang buhok sa inis. Naiinis ako sa buhay ko. Ako na naman iyong walang kwentang tao na pagala-gala sa kung saan. Ako na naman iyong kailangan pang dumepende sa iba. Ako na naman iyong magmamakaawa para may tumanggap sa akin muli. Napamura ako sa isipan ko habang mas nilulunod ko sa isipan ko lahat ng kamalasan ko sa buong buhay ko. Mula noong napunta ako sa ampunan hanggang sa inampon ako ni Mr. Laketon. Maayos ang buhay ko ngunit bigla niya akong inilipat sa Laketon Academy para lang maging isa sa mga tauhan niya. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako kakampi sa isang katulad niya. Sa loob ng isang school year na iyon, napakaraming nangyari. Marami ring ako natutunan na hindi naituturo sa loob ng klase. Ang tungkol sa buhay. Ang tungkol sa tunay na pagkakaibigan. Ang tungkol sa pagpapahalaga sa mga tao. At noong natutunan ko ang lahat ng iyon, saka naman para bang dahan-dahan na inialis sa kamay ko ang mga bagay na 'yon. Ngayon, wala na naman akong direksyon. Napatingala muli ako nang bigla kong hindi naramdaman ang pagpatak ng ulan sa katawan ko. Akala ko noong una, tumigil na ito ngunit noong tumingala ako, tanging pula ang nakita ko. Saka ako lumingon sa tabi ko-sa taong may hawak ng payong. Si Luna. Nakatingin lang siya sa akin. Ganun pa rin ang mukha niya, ganun pa rin ang tingin niya sa akin, walang nagbago maliban sa buhok niya na ngayo'y maikli na, hindi lalagpas sa balikat niya. Nakatagilid ang ulo niya habang nakatingin sa akin. Wala siyang sinasabi pero parang may gusto siyang ipahiwatig. Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa nagulat ako sa paglitaw niya ngunit dahil sa napakaganda niya ngayon, lalo na sa malapitan. O baka dahil lang ito sa matagal kong hindi pagkakakita sa kanya? O baka namimiss ko lang ang irap niya at tingin nang masama sa akin? O baka hinahanap-hanap ko iyong babae na tinatawag akong tanga? Tapos na ba ang paghihintay namin sa kanya? "Naalala ko pa ang sinabi mo noong una mo kong nakita. Doon sa classroom. Ang sabi mo, 'Balak mo ba kaming patayin dyan sa titig mo?'" Bigla niya iyong sinabi. Ano namang trip nitong si Luna at bigla niyang nasabi iyon? Talagang natatandaan pa niya?

Page 440: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

"Ngayon, bakit ako ata ang pinapatay mo sa titig mo?" Umirap siya. "Maglakad na tayo. Wag kang tatanga-tanga." Nagsimula naman kaming maglakad. Hanggang sa makarating kami sa exit ng sementeryo ay hindi pa rin ako nakakapagsalita. Mukhang alam naman niya ang lahat ng nangyari, syepmpre, siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang lahat ngayon. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong tanungin kung nasaan siya sa ilang buwan na iyon. Gusto kong tanungin kung maayos na ba ang lahat ngayon. "Sa totoo lang, delikado ang buhay ko ngayon. Malalaking tao ang binangga ko. Tanging nanay ko lang na wala namang naitutulong rin sa amin dahil sa kalagayan niya at ang kamag-anak naming abogado ang nakakasama ko." Sabi iyon ni Luna habang naglalakad kami. Deretso siyang nakatingin. "Hindi ako pwedeng makipagkita kahit kanino. Hindi ako pwedeng lumabas lagi. Puro death threats ang natatanggap namin. Natatakot sila na kapag nakahanap ng tyempo ang mga kalaban lalo na ang angkan ni Mr. Laketon, baka raw patayin agad ako." Para bang nawala ako ng kakayahan magsalita. Nakikinig lang ako habang patuloy siyang nagkukwento. "Anong tingin nila sa akin? Duwag? Ilang beses na akong kamuntikan na mamatay. Muntik na rin akong bawian ng buhay sa ospital 'nun. Muntik na kong mawala. May ilang epekto ang ginawa sa amin ni Mr. Laketon pero umiinom naman ako ng gamot." Biglang tumigil sa paglalakad si Luna, gayon din naman ako. "Pero buhay pa rin ako." Lumingon siya sa akin. "Buhay pa rin tayo." Bigla akong napangiti. May inilabas siya sa bulsa niya. Iyong note na idinikit ko sa envelope ng punit na pahina. "Naalala mo pa ba 'to?" Tumango ako, "Oo." "Isa itong patunay na may nasasabi ka ring hindi pawang katangahan, Spade." Kung ako ang dating Spade, maiinis ako sa sinabi niya pero dahil sa matagal ko nang hindi nararanasan na ganituhin ng isang Luna Levesque, kasiyahan ang naramdaman ko. Siya lang ata talaga ang tanging tao na mayroong karapatan para alisputahin ako. 'Nyeta. "Wag mo nga kong pinaglololoko, Tuna. Marami ka pang utang sa amin nila Sapphire." Sinarado niya ang payong at ang bigla niya akong pinaghahampas nito. Takte, unang beses naming nagkita, papatayin pa ata ako nitong si Luna! "Aray! Ano ba!"

Page 441: No part of this book may be reproduced or transmitted in ... · Tumingin muli ako sa paligid. Madaming tao. Mga taong hindi ko naman gustong makilala at makasalamuha. Dahil tulad

Pero pinaghahampas pa rin niya ako. Nababasa na kami ng ulan pero mukhang wala talaga siyang pakialam. Hanggang sa bigla siyang tumigil. "Ganti ko sa'yo yan sa ginawa mo sa akin ng gabing iyon." Nakatingin siya sa akin nang masama. Magsasalita sana ako ngunit napatigil ako sa bigla niyang ginawa. Nananaginip ba ako? Apocalypse na ba? End of the world? Susugod na ang zombies? Napanganga ako dahil doon. Mas lalo palang gumaganda si Luna kapag nakangiti. Sa unang pagkakataon, nakangiti siya sa harapan ko. Mukhang ... maayos na nga ang lahat. "Pero salamat sa paghihintay, Tanga." Napangiti na rin ako. --------------------------------------------x - A N G H U L I N G A U T H O R ' S N O T E - DEDICATED KAY TheQueenBree. Hi Breee! Thank you sa patuloy na pagsuporta sa stories ko. ♥ Thank you talaga! God bless at always smile. :) Akala ko talaga may dedication ka na eh, lol. Labyu! ABOUT SA BOOK 3. Hindi na ito tungkol kina Luna or tungkol sa new set of batch sa Laketon. Hini rin 100% sure na meron akong gagawin, depende rin kung gusto nyo. Lol. This may be a prequel. About sa time nila Nurse Tin, Teacher Yuko at pati rin kay Mr. Laketon (para malaman din ninyo ang buhay niya). Tungkol sa past since hindi naman talaga ginawa ang 'Rules of the Jungle' dito dahil bagong laro na ang nilaro nila. YOU CAN ALSO HELP ME. WALA KASI AKONG IDEA SA PAG-AARAL NOONG 90'S, maaring hindi rin sapat ang mga matatanong ko sa mga kamag-anak and etc. So, if may alam kayo, feel free to message me about dun. Sa kung ano ang uso noong panahon na iyon (1996 or 1995 ata ang inilagay ko), kung paano ang buhay ng estudyante, at kahit mga minor details. Idk kasi kung pareho lang sa ngayon eh, syempre iba ang mga ginagawa 'nun di ba? So ayun, kung pwede lang para ma-push. MAARI DING MAGLAGAY AKO NG SPECIAL CHAPTERS. GOLD RISING 3 ON JUNE 28 SA SM FAIRVIEW. Bukaaas na. Available lahat ng books including C3CHAS vol one pati rin ang bagong releases ng VIVA PSICOM. 10% discount. Sa mga malalapit, sana makapunta kayoooo. C3CHAS VOLUME 2 SOON TO BE PUBLISHED ON JULY. Thank you guys for reading the book 2! Mahal ko kayong lahaaat~ ♥