13
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 3: MGA ISYU SA PAGGAWA Part 1 Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 27. · MGA ISYU SA PAGGAWA Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad mababang pasahod,

  • Upload
    others

  • View
    66

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 3: MGA ISYU SA PAGGAWA Part 1

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rhodora Acoymo Cabalan Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Rhodora A. Cabalan Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales Dr. Ella Grace M. Tagupa

  • Alamin

    Sa nakaraang aralin natutunan ninyo ang konsepto at perspektibo ng globalisasyon. Nauunawaan at naipaliliwanag kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

    Sa pamamagitan ng modyul na ito, mas maintindihan ninyo ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa mga isyu sa paggawa.

    Inaasahan ang mga sumusunod pagkatapos ng aralin:

    Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

    • Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa.

    • Nasusuri ang implikasyon ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

  • Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa inyong kwaderno. (2 puntos bawat bilang)

    1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?

    A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo

    B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo

    C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo

    D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

    2. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.

    I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.

    II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa samaraming kompanya.

    III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.

    IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

    Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

    A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

    B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.

    C. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

    D. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

    3. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

    A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon

  • 4.Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

    A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa

    B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

    C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

    D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

    5. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

    A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring

    Tuklasin Gawain 1: Network Tree

    Panuto: Punan ang network tree. Isulat sa loob ng kahon ang iba’t ibang suliranin sa paggawa at ang mga dahilan ng pagkakaroon nito.

    Mga Suliranin sa Paggawa

    3. Suliranin 1. Suliranin

    dahilan dahilan

    4. Suliranin 2. Suliranin

    dahilan dahilan

  • 1. Ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino?

    2. Paano nakatutulong sa ating ekonomiya ang pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino?

  • Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ang mga mag-aaral ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan silang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

    MGA ISYU SA PAGGAWA

    Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch, kontraktuwalisasyon at mura at flexible labor.

    Nagpapakita rin ng suliranin at hamon ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor bunsod ng globalisasyon:

    A.) Sektor ng Agrikultura- ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal, ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may nananalasang sakuna, at walang mga patubig.

    B.) Sektor ng Industriya- ang pagpasok ng mga Transnational Corporation (TNC) at iba pang dayuhang kompanya.

    C.) Sektor ng Serbisyo- dahil sa pagpasok ng mga TNC’s nalilimitahan ang bilang ng kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.

    Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa taong 2016 mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa sektor ng serbisyo, kaya’t

    iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga negosyo sa bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives. Ngunit kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad ng over-worked, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya o supermalls ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report, 2016).

    Dahil sa paglaganap ng Globalisasyon suliranin at hamon sa ating bansa mga sumusunod:

  • unemployment- kawalan ng mapapasukang trabaho

    underemployment- kakulangan ng kinikita sa pinapasukang trabaho

    under-utilization- hindi angkop ang trabaho sa pinag-aralan o pagsasanay

    brain drain- pagkaubos ng lakas paggawa sa isang bansa

    Nararanasan na ng bawat Pilipino sa kasalukuyan ang malawakang pagbabago dulot ng pandaigdig na proseso ng globalisasyon. Makikta ito sa pamamagitan ng mga hindi maiwasang bunga ng pagpapalitan ng kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya, migrasyon at maging sa pagkalat ng sakit at karamdaman.

    Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng pagggwa (decent work) na naglalayong na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.

    Pigura 2.1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.

    Pigura 2.1

    Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,

    2016

    Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,

    malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at

    maayos na workplace para sa mga manggawa.

    Employment

    Pillar

    Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng

    mga batas para sa paggawa at matapat na

    pagpapatupad ng mga karapatan ng mga

    manggagawa.

    Worker’s

    Rights Pillar

    Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga

    sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo

    para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap

    tanggap na pasahod, at oportunidad.

    Social

    Protection

    Pillar

    Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan

    ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa

    pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining

    unit.

    Social

    Dialogue Pillar

  • Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan sa paksa ng mga mag-aaral.

    GAWAIN Ating bigyang lalim ang inyong kaalaman sa mga suliranin at hamon sa paggawa at ikaw ay maaring magtanong sa sino mang may alam tungkol dito. Alamin ang mga dahilan, bunga at epekto ng mga suliraning ito.

    Suliranin Dahilan Bunga Epekto

    unemployment

    underemployment

    under-utilization

    Brain drain

    1. Alin sa mga suliranin sa paggawa ang lubos na nakaaapekto sa iyo?

    2. Paao ito nakaaapekto sa inyong pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa?

    Isaisip

  • Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan ng mga mag-aaral mula sa aralin.

    Sagutin ang mga tanong.

    1. Alin sa mga suliranin sa paggawa ang lubos na nakaaapekto sa iyo at sa iyong pamilya?

    2. Paao ito nakaaapekto sa inyong pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa?

    3. Nakabubuti ba o nakasasama ang globalisasyon sa larangan ng paggawa? Pangatwiranan.

    GAWAIN Ano ano ang mga mabuti at di-mabuting dulot ng GLOBALISASYON sa paggawa sa inyong pamumuhay?

    Mabuti Di-mabuti

    ____ ___________________________ _________________________

    ___________________________ _________________________

    ___________________________ _________________________

    ___________________________ _________________________

    Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat sa inyong kwaderno ang letra na inyong napili. (2 puntos bawat bilang)

    1. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

    A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa

  • B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

    C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

    D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

    2. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?

    A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista

    B. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

    C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.

    D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).

    3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may kakayahan at sapat na edukasyon?

    A. Unemployed C. Employed

    B. Underemployed D. Employment

    4. Paano makikita ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa?

    A. Hindi pinapasweldo ng amo at inaabuso

    B. May malinis na workplace, seguridad at proteksiyon

    C. Hindi binibigyan ng araw ng pahinga o day-off

    D. May marumi at walang seguridad na pagawaan kung saan sila nagtatrabaho

    5. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi mabuting epekto sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Dahil dito ang pamahalaan ay nagnanais na makamit ang pambansang kaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang isa sa tagapayo ng pangulo, anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?

    A. Programa sa Pagbubuwis

    B. Programang Pang -agraryo

    C. Programa sa Pagbubuwis

    D. Programang Pangkalikasan

  • Susi sa Pagwawasto

    Balikan Tayahin

    1. D 1. D

    2.D 2. D

    3. D 3. B

    4. D 4.B

    5.D 5. B

    Sanggunian:

    Note: Idagdag lang ito para sa pansangay na gamit (hindi ito itinala ng pang-rehiyong template)

    Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

    Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.