64
34567 HULYO 2020 MALALAKING-LETRANG EDISYON MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: AGOSTO 31–SETYEMBRE 27, 2020

wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

34567HULYO 2020

MALALAKING-LETRANG EDISYON

MGA ARALING ARTIKULO PARA SA:AGOSTO 31–SETYEMBRE 27, 2020

Page 2: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

2

ARALINGARTIKULO 27

Huwag Mag-isip NangHigit Tungkol sa SariliKaysa sa Nararapat“Sinasabi ko sa inyong lahat na huwag mag-isip nang higittungkol sa sarili kaysa sa nararapat, kundi ipakita ninyoang katinuan ng inyong pag-iisip.”—ROMA 12:3.

AWIT 130Maging Mapagpatawad

NILALAMANNabubuhay tayo ngayon sa isang mundong punong-puno ng mapagmataas at makasariling mga tao. Dapattayong mag-ingat para hindi tayo mahawa sa kanila. Tata-lakayin sa artikulong ito ang tatlong bagay kung saan hin-di tayo dapat mag-isip nang higit tungkol sa ating sarilikaysa sa nararapat.

Page 3: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

MAPAGPAKUMBABA tayong sumusunod sa mga pa-mantayan ni Jehova dahil alam nating siya ang naka-kaalam kung ano ang pinakamabuti para sa atin. (Efe.4:22-24) Kung mapagpakumbaba tayo, uunahin natinang kalooban ni Jehova at ituturing natin na nakata-taas ang iba kaysa sa atin. Bilang resulta, magkakaro-on tayo ng mabuting kaugnayan kay Jehova at sa mgakapatid natin.—Basahin ang Filipos 2:3.

2 Pero kung hindi tayo mag-iingat, puwede tayongmaimpluwensiyahan ng mga taong mapagmataas atmakasarili� sa sistemang ito ni Satanas. Posiblengnaimpluwensiyahan ang ilang Kristiyano noong unangsiglo C.E. dahil sumulat si apostol Pablo sa mgataga-Roma: “Sinasabi ko sa inyong lahat na huwagmag-isip nang higit tungkol sa sarili kaysa sa narara-pat, kundi ipakita ninyo ang katinuan ng inyong pag-iisip.” (Roma 12:3) Inamin ni Pablo na kailangandin nating pahalagahan ang sarili natin. Pero ang

� KARAGDAGANG PALIWANAG: Ang isang mapagmataas na tao aynakapokus lang sa sarili niya. Kaya makasarili ang isang mapagmata-as na tao. Pero makakatulong ang kapakumbabaan para hindi magingmakasarili ang isa. Ang kapakumbabaan ay nangangahulugang hindimapagmataas o arogante at may kababaan ng pag-iisip.

1. Ayon sa Filipos 2:3, paano nakakatulong ang kapakumbabaanpara magkaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa iba?2. Ano ang inamin ni apostol Pablo, at ano ang tatalakayin sa arti-kulong ito?

HULYO 2020 3

Page 4: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

kapakumbabaan ay tutulong sa atin na magkaroon ngbalanseng pananaw sa ating sarili. Tatalakayin sa arti-kulong ito ang tatlong bagay kung saan makakatulongang kapakumbabaan para maiwasan nating mag-isipnang sobra tungkol sa ating sarili. Ang mga ito ay(1) sa pag-aasawa, (2) sa pribilehiyo ng paglilingkod,at (3) sa paggamit ng social media.

MAGPAKITA NG KAPAKUMBABAANSA PAG-AASAWA

3 Gusto ni Jehova na maging masaya ang mga mag-asawa. Pero dahil hindi tayo perpekto, malamang nabumangon ang mga problema. Sa katunayan, isinulatni Pablo na ang mga may asawa ay magkakaroonng karagdagang mga problema. (1 Cor. 7:28) Maymga mag-asawang palaging nag-aaway, kaya iniisip ni-lang hindi talaga sila para sa isa’t isa. Kung naim-pluwensiyahan sila ng sanlibutan, iisipin agad nilangmagdiborsiyo na lang. Sarili lang nila ang iniisip nila.

4 Huwag nating isiping bigo ang ating pag-aasawa.Alam natin na ang nag-iisang makakasulatang dahilanpara sa diborsiyo ay seksuwal na imoralidad. (Mat.5:32) Kaya kapag napaharap tayo sa mga problema,ayaw nating maging mapagmataas at isipin: ‘Naibibi-

3. Bakit malamang na bumangon ang problema sa pag-aasawa, atano ang solusyon dito ng ilan?4. Ano ang hindi natin dapat isipin?

4 ANG BANTAYAN

Page 5: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 5

gay ba ng asawa ko ang mga pangangailangan ko? Na-raramdaman ko ba ang pagmamahal na nararapat saakin? Mas magiging masaya kaya ako sa piling ng iba?’Pansinin na nakapokus sa sarili ang mga tanong naiyan. Iimpluwensiyahan ka ng sanlibutan na sundinang puso mo at gawin ang gusto mo kahit mangahulu-gan pa ito ng paghihiwalay ninyo. Pero sinasabi ngBibliya na dapat mong isipin “ang kapakanan ng iba,hindi lang ang sa [iyo].” (Fil. 2:4) Gusto ni Jehova namanatili ang inyong pagsasama bilang mag-asawa athuwag magdiborsiyo. (Mat. 19:6) Gusto niyang siyaang isipin mo, hindi ang iyong sarili.

5 Dapat mahalin at igalang ng mag-asawa ang isa’tisa. (Basahin ang Efeso 5:33.) Itinuturo ng Bibliya nadapat tayong magpokus sa pagbibigay sa halip na sapagtanggap. (Gawa 20:35) Anong katangian ang ma-kakatulong sa mag-asawa na magpakita ng pagma-mahal at paggalang? Kapakumbabaan. Uunahin ngmapagpakumbabang asawa “ang kapakanan ng [asawaniya], hindi ang sarili niya.”—1 Cor. 10:24.

6 Nakatulong ang kapakumbabaan sa maramingKristiyanong mag-asawa na maging mas masaya sakanilang pag-aasawa. Halimbawa, sinabi ni Steven:“Kung magkakampi kayo, magtutulungan kayo, lalo

5. Ayon sa Efeso 5:33, paano dapat pakitunguhan ng mag-asawaang isa’t isa?6. Ano ang matututuhan mo sa sinabi nina Steven at Stephanie?

Page 6: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

6 ANG BANTAYAN

na kapag may mga problema. Sa halip na isiping‘ano ang pinakamabuti para sa akin?’ isiping ‘anoang pinakamabuti para sa amin?’” Ganiyan din anginiisip ng misis niyang si Stephanie. “Walang maygustong makasama sa bahay ang kaaway niya,” angsabi ni Stephanie. “Kapag nagkaproblema, inaalamnamin ang dahilan nito. Pagkatapos, nananalanginkami, nagre-research, at pinag-uusapan iyon. Imbesna mag-away, inaayos namin ang problema.” Talagangmagiging mas masaya ang mag-asawa kung uunahinnila ang kapakanan ng isa’t isa.

MAGLINGKOD KAY JEHOVA NANGMAY ‘TUNAY NA KAPAKUMBABAAN’

7 Isang pribilehiyo para sa atin na maglingkodkay Jehova sa abot ng ating makakaya. (Awit 27:4;84:10) Kung gusto ng isang brother na pumasok saisang pantanging pribilehiyo ng paglilingkod, magan-da iyon. Ang totoo, sinasabi ng Bibliya: “Kung nagsi-sikap ang isang lalaki na maging tagapangasiwa, ma-gandang tunguhin iyan.” (1 Tim. 3:1) Pero kapagnakatanggap siya ng atas, hindi niya dapat isiping im-portanteng tao na siya. (Luc. 17:7-10) Ang dapat namaging tunguhin niya ay ang makapaglingkod sa ibanang may kapakumbabaan.—2 Cor. 12:15.

7. Ano ang dapat na maging saloobin ng isang brother kapag na-bigyan siya ng pribilehiyo?

Page 7: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

8 Mababasa sa Bibliya ang babalang halimbawa ngmga taong mataas ang tingin sa sarili. Gusto ni Dio-trepes na “maging pinakaprominente” sa kongregas-yon. (3 Juan 9) Sinubukang gawin ni Uzias ang isangbagay na hindi iniatas ni Jehova sa kaniya. (2 Cro. 26:16-21) Dahil gusto ni Absalom na maging hari, nag-kunwari siya na mahal niya ang mga tao para supor-tahan nila siya. (2 Sam. 15:2-6) Gaya ng ipinapakitasa mga ulat na iyon, hindi natutuwa si Jehova samga taong naghahanap ng sariling karangalan. (Kaw.25:27) Kapahamakan lang ang idudulot ng pagmama-taas at ambisyon.—Kaw. 16:18.

8. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa nina Diotrepes, Uzias,at Absalom?

Imbes na mag-away,ang mapagpakumbabangmag-asawa ay nagtutulungan(Tingnan ang parapo 6)

Page 8: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

8 ANG BANTAYAN

9 Ibang-iba si Jesus sa mapagmataas na mga taongiyon. “Kahit umiiral siya sa anyong Diyos, hindi niyainisip na mang-agaw ng posisyon, o maging kapantayng Diyos.” (Fil. 2:6) Kahit pangalawa si Jesus kay Je-hova, hindi siya nag-isip nang higit tungkol sa sarili

9. Anong halimbawa ang ipinakita ni Jesus?

Ang mga nabigyan ng pribilehiyo ay dapat makilala hindi langsa kanilang kakayahan, kundi pati na sa kanilang kapakumbabaan

(Tingnan ang parapo 11)

Page 9: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 9

niya kaysa sa nararapat. Sinabi niya sa kaniyang mgaalagad: “Ang gumagawing gaya ng isang nakabababasa gitna ninyong lahat ang talagang dakila.” (Luc.9:48) Isa ngang pribilehiyo na maglingkod kasama ngmga payunir, ministeryal na lingkod, elder, at tagapa-ngasiwa ng sirkito na tinutularan ang kapakumbabaanni Jesus! Kung mapagpakumbaba tayo, makakapagpa-kita tayo ng pag-ibig na tanda ng tunay na mga Kris-tiyano.—Juan 13:35.

10 Ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo aymay mga problema sa kongregasyon na hindi naaasi-kaso nang tama ng mga elder? Sa halip na magrekla-mo, maging mapagpakumbaba at suportahan ang ka-nilang pangunguna. (Heb. 13:17) Para magawa iyan,tanungin ang sarili: ‘Talaga bang napakaseryoso ngproblemang nakikita ko at kailangan na itong ituwid?Ito ba ang tamang panahon para ituwid iyon? Ako baang dapat magtuwid ng problema? Pero ano ba talagaang totoo, gusto ko bang magkaisa ang kongregasyono gusto ko lang iangat ang sarili ko?’

11 Mas mahalaga kay Jehova ang kapakumbaba-an kaysa sa kakayahan, at ang pagkakaisa kaysa sa

10. Ano ang dapat mong gawin kung sa tingin mo ay may mgaproblema sa kongregasyon na hindi naaasikaso nang tama ng mgaelder?11. Ayon sa Efeso 4:2, 3, ano ang resulta kung magiging mapagpa-kumbaba tayo sa paglilingkod kay Jehova?

Page 10: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

pagiging mahusay. Kaya gawin ang iyong buong ma-kakaya na maging mapagpakumbaba sa paglilingkodkay Jehova. Sa paggawa nito, makakatulong ka sapagkakaisa ng kongregasyon. (Basahin ang Efeso 4:2, 3.) Maging masigasig sa ministeryo. Humanap ngpagkakataon para makatulong sa iba. Maging ma-pagpatuloy sa lahat, pati na sa mga walang mabigatna pananagutan sa kongregasyon. (Mat. 6:1-4; Luc.14:12-14) Kapag mapagpakumbaba kang naglilingkodsa kongregasyon, mapapansin ng iba hindi lang angiyong kakayahan kundi pati ang iyong kapakumba-baan.

MAGPAKITA NG KAPAKUMBABAANSA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA

12 Gusto ni Jehova na mag-enjoy tayo sa pakikipag-samahan sa ating mga kaibigan at kapamilya. (Awit133:1) May mabubuting kaibigan si Jesus. (Juan15:15) Mababasa sa Bibliya ang mga pakinabang kapagmayroon tayong tunay na mga kaibigan. (Kaw. 17:17;18:24) At sinasabi dito na hindi natin dapat ibukodang ating sarili. (Kaw. 18:1) Iniisip ng marami nasocial media ang paraan para magkaroon tayo ngmaraming kaibigan at hindi malungkot. Pero dapattayong mag-ingat sa paggamit nito.

12. Pinapasigla ba tayo ng Bibliya na magkaroon ng mga kaibigan?Ipaliwanag.

10 ANG BANTAYAN

Page 11: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

13 Ayon sa pag-aaral, ang mga taong nagbababad sapagtingin sa mga post sa social media ay malamang namadepres at malungkot. Bakit? Dahil ang kadalasangipino-post ng mga tao sa social media ay ang maga-gandang nangyayari sa buhay nila at ang magagan-dang litrato nila, ng mga kaibigan nila, at ng mgapinuntahan nila. Puwedeng maisip ng mga tumitinginsa mga litratong iyon na malungkot at boring angbuhay nila. Inamin ng 19-anyos na sister, “Naiing-git ako kapag nakikita ko ang iba na nag-e-enjoytuwing weekend, samantalang ako, nandito lang sabahay.”

14 Siyempre, may pakinabang din sa social media.Halimbawa, nagagamit natin ito para makausap angating mga kapamilya at kaibigan. Pero napapansin moba na may mga nagpo-post sa social media para mag-pasikat lang? Para bang sinasabi nila, “Tingnan n’yo’ko!” May mga nagko-comment pa nga ng di-magandasa sarili nilang post o sa post ng iba. Hindi ito pagpa-pakita ng kapakumbabaan at pagmamahal sa kapatidna dapat makita sa mga Kristiyano.—Basahin ang1 Pedro 3:8.

13. Bakit malamang na madepres at malungkot ang ilang gumaga-mit ng social media?14. Paano makakatulong sa atin ang payo sa 1 Pedro 3:8 tungkolsa paggamit ng social media?

HULYO 2020 11

Page 12: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

12 ANG BANTAYAN

15 Kung gumagamit ka ng social media, tanunginang sarili: ‘Mukha ba akong nagyayabang sa ipino-post kong mga litrato, video, o comment? Hindi kayaako kainggitan ng iba?’ Sinasabi ng Bibliya: “Ang la-hat ng bagay sa sanlibutan—ang pagnanasa ng lamanat pagnanasa ng mga mata at pagyayabang ng mga

15. Paano makakatulong ang Bibliya para hindi natin gustuhing ha-ngaan tayo ng iba?

Kapag nagpo-post ka sa social media,naiisip ba ng iba na nagyayabang ka o mapagpakumbaba ka?

(Tingnan ang parapo 15)

Page 13: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 13

pag-aari—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmu-mula sa sanlibutan.” (1 Juan 2:16) Hindi mahalaga samga Kristiyano na hangaan sila ng iba. Sinusunod nilaang payo ng Bibliya: “Huwag tayong maging mapag-mataas, huwag tayong makipagkompetensiya sa isa’tisa, at huwag nating kainggitan ang isa’t isa.” (Gal.5:26) Kung mapagpakumbaba tayo, hindi tayo magi-ging gaya ng mga tao sa mundong ito na mapagmata-as at gustong hangaan sila ng iba.

“IPAKITA NINYO ANG KATINUANNG INYONG PAG-IISIP”

16 Kailangan nating maging mapagpakumbaba dahilang mga taong mapagmataas ay walang ‘katinuan ngpag-iisip.’ (Roma 12:3) Ang mga mapagmataas ay pa-laaway at makasarili. Dahil sa iniisip at ginagawa nila,kadalasan nang nasasaktan nila ang sarili nila at angiba. Kung hindi sila magbabago, malamang na mabu-lag at malason ni Satanas ang pag-iisip nila. (2 Cor.4:4; 11:3) Pero ang isang taong mapagpakumbabaay may katinuan ng pag-iisip. Balanse at makatuwi-ran ang tingin niya sa sarili niya at itinuturing niyaang iba na nakatataas sa kaniya. (Fil. 2:3) Alam dinng taong mapagpakumbaba na “ang Diyos ay labansa mga mapagmataas, pero nagpapakita siya ng wa-lang-kapantay na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.”

16. Bakit hindi tayo dapat maging mapagmataas?

Page 14: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

(1 Ped. 5:5) Hindi kakalabanin ng mga may katinuanng pag-iisip si Jehova.

17 Para manatiling mapagpakumbaba, dapat natingsundin ang payo ng Bibliya na “hubarin . . . ang lu-mang personalidad, pati na ang mga gawain nito, atisuot . . . ang bagong personalidad.” Hindi iyan mada-li. Kailangan nating pag-aralan at sundang mabuti anghalimbawa ni Jesus. (Col. 3:9, 10; 1 Ped. 2:21) Kapagsinisikap nating maging mapagpakumbaba, magigingmas masaya ang pamilya natin, makakatulong tayo sapagpapanatili ng pagkakaisa sa kongregasyon, at ma-gagamit natin ang social media sa tamang paraan. Hi-git sa lahat, pagpapalain at sasang-ayunan tayo ni Je-hova.

17. Ano ang dapat nating gawin para manatiling mapagpakum-baba?

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 8: Isang elder na nagpapahayag sa kombensiyon atnangangasiwa sa mga kapatid na nagpapahalaga rin sa pangunguna saministeryo at paglilinis ng Kingdom Hall.

PAANO MO MAIPAPAKITA ANG KAPAKUMBABAAN . . .

˛ sa pag-aasawa? ˛ sa pagganap ngpribilehiyo sapaglilingkod?

˛ sa paggamit ngsocial media?

AWIT 117Magpakita ng Kabutihan

Page 15: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

15

ARALINGARTIKULO 28

Maging Kumbinsido naNasa Katotohanan Ka“Patuloy mong sundin ang mga bagay na natutuhan moat nahikayat na paniwalaan.”—2 TIM. 3:14.

AWIT 56Manindigan Ka sa Katotohanan

NILALAMANTutulungan tayo ng artikulong ito na makitang napaka-halaga ng mga katotohanan sa Bibliya. Tatalakayin dindito kung paano tayo magiging mas kumbinsido nanasa katotohanan tayo.

Page 16: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

16 ANG BANTAYAN

“PAANO mo nalaman ang katotohanan?” “Pinalaki kaba sa katotohanan?” “Gaano ka na katagal sa katotoha-nan?” Malamang na naitanong na sa iyo ang mga iyan,o baka naitanong mo na iyan sa iba. Ano ang ibig natingsabihin sa salitang “katotohanan”? Karaniwan nang gi-nagamit natin ito para tukuyin ang ating paniniwala,paraan ng pagsamba, at paraan ng pamumuhay. Alamng mga taong nasa katotohanan kung ano ang itinutu-ro ng Bibliya at sinusunod nila ang mga prinsipyo nito.Dahil dito, napalaya sila mula sa mga maling turo nghuwad na relihiyon at naging masaya ang buhay nila.—Juan 8:32.

2 Ano ang unang nagustuhan mo sa katotohanan?Baka ang magandang paggawi ng mga lingkod niJehova. (1 Ped. 2:12) O baka ang pag-ibig na ipinapa-kita nila. Marami ang nakapansin sa pag-ibig na iyannoong una silang dumalo, at mas natatandaan nila iyankaysa sa napakinggan nila sa pulong. Hindi ito naka-kapagtaka dahil sinabi ni Jesus na makikilala ang mgaalagad niya sa kanilang pag-ibig sa isa’t isa. (Basa-hin ang Juan 13:34, 35.) Pero hindi lang iyan angkailangan para magkaroon tayo ng matibay na pana-nampalataya.

1. Ano ang ibig nating sabihin sa salitang “katotohanan”?2. Ayon sa Juan 13:34, 35, ano ang posibleng magustuhan ng isasa katotohanan?

Page 17: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 17

3 Ang pananampalataya natin ay hindi lang dapat na-kabatay sa tulad-Kristong pag-ibig ng bayan ng Diyos.Bakit? Paano kung nakagawa ng malubhang kasalananang isang kapananampalataya—baka elder o payunir panga? O nasaktan ka ng isang kapatid? O baka nagingapostata ang isa at ipinipilit niyang wala sa atin angkatotohanan. Kung mangyari ang mga iyan, matitisodka ba at hihinto sa paglilingkod kay Jehova? Ang aral:Kung ibabatay mo lang ang pananampalataya mo sapaggawi ng iba sa halip na sa kaugnayan mo kay Jeho-va, hindi ito magiging matibay. Ang pananampalatayamo ay gaya ng isang bahay. Hindi ito magiging matibaykung puro malambot na materyales lang ang gaga-mitin mo. Sa katulad na paraan, hindi magiging ma-tibay ang pananampalataya mo kung puro emosyonlang. Kailangan mong pag-aralang mabuti ang Bibliyaat maintindihan ito para mapatunayan mong totoo angitinuturo nito tungkol kay Jehova.—Roma 12:2.

4 Sinabi ni Jesus na may ilang tatanggap ng kato-tohanan “nang masaya” pero hihina ang kanilang pa-nanampalataya kapag nagkaproblema. (Basahin angMateo 13:3-6, 20, 21.) Baka hindi nila naiintindi-han na ang pagsunod kay Jesus ay may kasamang

3. Ano ang posibleng mangyari kung ang pananampalataya natinay nakabatay lang sa tulad-Kristong pag-ibig na ipinapakita ng mgakapatid?4. Ayon sa Mateo 13:3-6, 20, 21, paano naapektuhan ang ilan nangmasubok ang pananampalataya nila?

Page 18: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

18 ANG BANTAYAN

hamon at paghihirap. (Mat. 16:24) O baka iniisip nilana ang mga Kristiyano ay ligtas sa mga problema—puropagpapala lang at walang mga hamon. Pero punong-puno ng problema ang mundong ito. Nagbabago rin angkalagayan, kaya puwedeng mawala ang kagalakan natin.—Awit 6:6; Ecles. 9:11.

5 Napatunayan ng karamihan sa mga kapatid natin nakumbinsido silang nasa katotohanan sila. Paano? Hindinatitinag ang pananampalataya nila kahit may kapatidna nakasakit sa kanila o nagkasala. (Awit 119:165) Sa ha-lip na humina ang pananampalataya nila dahil sa prob-lema, mas tumitibay pa nga ito. (Sant. 1:2-4) Paano kamagkakaroon ng ganiyang uri ng pananampalataya?

MAGKAROON NG “TUMPAK NAKAALAMAN TUNGKOL SA DIYOS”

6 Ang pananampalataya ng unang-siglong mga alagaday nakabatay sa kanilang kaalaman sa Kasulatan at samga turo ni Jesu-Kristo, “ang katotohanan ng mabutingbalita.” (Gal. 2:5) Ang katotohanang ito ay binubuo nglahat ng turo na pinaniniwalaan natin bilang Kristiyano,pati na ang katotohanan tungkol sa haing pantubos niJesus at sa kaniyang pagkabuhay-muli. Kumbinsido si

5. Paano napatunayan ng karamihan sa mga kapatid natin na kum-binsido silang nasa katotohanan sila?6. Saan ibinatay ng unang-siglong mga alagad ang pananampala-taya nila?

Page 19: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 19

apostol Pablo na ang mga turong ito ay totoo. Bakit?Kasi ginamit niya ang Kasulatan para patunayan “gamitang mga reperensiya na ang Kristo ay kailangang mag-dusa at buhaying muli.” (Gawa 17:2, 3) Tinanggap ngunang-siglong mga alagad ang mga turong iyon at uma-sa sa tulong ng banal na espiritu para maunawaan nilaang Salita ng Diyos. Pinatunayan nila sa kanilang sarilina ang mga turong ito ay nakabatay sa Kasulatan.(Gawa 17:11, 12; Heb. 5:14) Hindi lang nila ibinatay saemosyon ang pananampalataya nila, at hindi sila nag-lingkod kay Jehova dahil lang sa masayang kasamaang mga kapatid. Sa halip, ibinatay nila ang kanilangpananampalataya sa “tumpak na kaalaman tungkol saDiyos.”—Col. 1:9, 10.

7 Ang mga katotohanan sa Salita ng Diyos ay hindinagbabago. (Awit 119:160) Halimbawa, hindi nagbaba-go ang mga ito kahit sinaktan tayo ng isang kapana-nampalataya o nakagawa siya ng malubhang kasalanan.At hindi rin nagbabago ang mga ito kahit mapaharaptayo sa mga problema. Kaya dapat tayong maging pa-milyar sa mga turo ng Bibliya at maging kumbinsidongtotoo ang mga ito. Ang ating matibay na pananampa-lataya na nakabatay sa mga katotohanan sa Bibliya aytutulong sa atin para hindi tayo matinag sa panahon ngpagsubok, kung paanong ang angkla ay nakakatulong

7. Paano nakakatulong sa atin ang pananampalataya natin sa mgakatotohanan sa Bibliya?

Page 20: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

20 ANG BANTAYAN

para hindi matinag ang barko kapag may bagyo. Paanomo mapapatibay ang paniniwala mong nasa katotoha-nan ka?

MAGING KUMBINSIDO8 Kumbinsido si Timoteo na nasa katotohanan siya.

Bakit? (Basahin ang 2 Timoteo 3:14, 15.) Itinuro sa ka-niya ng nanay at lola niya ang “banal na mga kasula-tan.” Pero tiyak na pinag-aralan din niya ang mga iyon.Kaya ‘nahikayat siyang paniwalaan’ na totoo ang mgaiyon. Nang maglaon, natutuhan ni Timoteo at ng nanayat lola niya ang mga turong Kristiyano. Siguradong hu-manga si Timoteo sa pag-ibig na ipinakita ng mgatagasunod ni Jesus, at gustong-gusto niyang makasa-ma at paglingkuran ang mga kapatid. (Fil. 2:19, 20)Pero ang pananampalataya niya ay hindi nakabataysa emosyon kundi sa mga katotohanang nagpalapıtsa kaniya kay Jehova. Dapat mo ring pag-aralan angBibliya at makumbinsi sa itinuturo nito tungkol kayJehova.

9 Sa umpisa, kailangan mong patunayan sa sarili moang tatlo sa mga pangunahing katotohanan. Una, dapatna kumbinsido ka na ang Diyos na Jehova ang Mayla-lang ng lahat ng bagay. (Ex. 3:14, 15; Heb. 3:4; Apoc.

8. Ayon sa 2 Timoteo 3:14, 15, bakit kumbinsido si Timoteo na nasakatotohanan siya?9. Anong tatlong pangunahing katotohanan ang kailangan mongpatunayan sa sarili mo?

Page 21: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 21

4:11) Ikalawa, dapat mong patunayan sa sarili mo naang Bibliya ay mensahe ng Diyos sa mga tao. (2 Tim. 3:16, 17) At ikatlo, dapat na sigurado ka na si Jehova aymay organisadong grupo ng mga tao na sumasamba sakaniya sa pangunguna ni Kristo at na ang grupong iyonay ang mga Saksi ni Jehova. (Isa. 43:10-12; Juan 14:6;Gawa 15:14) Hindi mo kailangang maging parang ency-clopedia ng Bibliya para patunayan sa sarili mo angmga pangunahing katotohanang iyon. Ang tunguhinmo ay ang gamitin ang iyong “kakayahan sa panganga-tuwiran” para makumbinsi kang nasa katotohanan ka.—Roma 12:1.

KUMBINSIHIN ANG IBA10 Kapag kumbinsido ka na sa tatlong pangunahing

katotohanan tungkol sa Diyos, sa Bibliya, at sa bayanng Diyos, dapat mo nang gamitin ang Kasulatan parapatunayan ang mga katotohanang ito sa iba. Bakit?Dahil pananagutan nating mga Kristiyano na ituro angmga katotohanang natutuhan natin sa mga makikinigsa atin.� (1 Tim. 4:16) At habang kinukumbinsi natin

� Sa pagpapaliwanag ng pangunahing mga turo ng Bibliya, matutulu-ngan ka ng seryeng “Pakikipag-usap sa Iba” na makikita sa 2010 hang-gang 2015 ng Bantayan. Mababasa rito ang mga paksang gaya ng “SiJesus Ba ang Diyos?,” “Kailan Nagsimulang Mamahala ang Kaharian ngDiyos?,” at “Pinarurusahan Ba ng Diyos ang mga Tao sa Impiyerno?”

10. Pagkatapos malaman ang katotohanan, ano pa ang dapat na-ting gawin?

Page 22: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

22 ANG BANTAYAN

ang iba tungkol sa mga katotohanang iyon, mas nagi-ging totoo rin sa atin ang mga iyon.

11 Kapag tinuturuan ni apostol Pablo ang mga tao,“[hinihikayat] niya silang maniwala kay Jesus gamitang Kautusan ni Moises at ang mga Propeta.” (Gawa28:23) Paano natin matutularan si Pablo? Hindi sapatna sabihin lang ang katotohanan. Dapat nating tulu-ngan ang mga Bible study natin na pag-aralan at pag-

11. Paano natin matutularan ang halimbawa ni apostol Pablo sapagtuturo?

Mga magulang, ituro sa mga anak ninyo ang “malalalim na bagayng Diyos” para magkaroon sila ng pananampalataya

(Tingnan ang parapo 12-13)

Page 23: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 23

isipang mabuti ang mga natututuhan nila sa Bibliya.Gusto nating tanggapin nila ang katotohanan, hindi da-hil hinahangaan nila tayo, kundi dahil kumbinsido silana totoo ang mga natututuhan nila tungkol sa ating ma-pagmahal na Diyos.

12 Mga magulang, siguradong gusto ninyong manatilisa katotohanan ang mga anak ninyo. Baka maisip ninyona kapag mayroon na silang mabubuting kaibigan sakongregasyon, susulong na sila sa espirituwal. Pero hin-di lang iyan ang kailangan para makumbinsi silang nasakatotohanan sila. Kailangan din nilang maging kaibiganang Diyos at makumbinsing totoo ang mga itinuturo ngBibliya.

13 Para maituro ng mga magulang sa mga anak nilaang mga katotohanan tungkol sa Diyos, dapat silangmagpakita ng mabuting halimbawa sa pag-aaral ng Bib-liya. Dapat silang maglaan ng panahon para pag-isipangmabuti ang mga natututuhan nila. Sa paggawa nito, ma-tuturuan nila ang mga anak nila na gawin din iyon. Kai-langan nilang ituro sa mga anak nila kung paano gaga-mitin ang mga tool sa pag-aaral ng Bibliya, gaya ngginagawa nila sa mga Bible study nila. Kung gagawinnila ito, matutulungan nila ang mga anak nila na maha-lin si Jehova at magtiwalang ginagamit niya ang “ta-pat at matalinong alipin” para maunawaan natin ang

12-13. Paano matutulungan ng mga magulang ang mga anak nilana manatili sa katotohanan?

Page 24: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

24 ANG BANTAYAN

Bibliya. (Mat. 24:45-47) Mga magulang, hindi sapat angbasta pagtuturo sa inyong mga anak ng pangunahingmga katotohanan sa Bibliya. Para tumibay ang pana-nampalataya nila, ituro din sa kanila ang “malalalim nabagay ng Diyos” depende sa edad at kakayahan nila.—1 Cor. 2:10.

PAG-ARALAN ANG MGA HULA SA BIBLIYA14 Ang mga hula sa Bibliya ay mahalagang bahagi ng

Salita ng Diyos na tutulong sa ating magkaroon ng ma-tibay na pananampalataya kay Jehova. Anong mga hulaang nagpatibay sa pananampalataya mo? Baka maisipmo ang hula tungkol sa “mga huling araw.” (2 Tim. 3:1-5; Mat. 24:3, 7) Pero ano pang natupad na hula angnagpatibay sa iyo? Halimbawa, maipapaliwanag mo bakung paano natupad at natutupad ang mga hula sa Da-niel kabanata 2 o Daniel kabanata 11?� Kung nakabataysa Bibliya ang pananampalataya mo, hindi ito matiti-nag. Isipin ang halimbawa ng mga kapatid na dumanasng matinding pag-uusig sa Germany noong DigmaangPandaigdig II. Kahit hindi nila lubusang naiintindihanang mga hula tungkol sa mga huling araw, matibay angpananampalataya nila sa Salita ng Diyos.

� Tinatalakay ang mga hulang ito sa mga isyu ng Bantayan na Hun-yo 15, 2012 at Mayo 2020.

14. Bakit dapat nating pag-aralan ang mga hula sa Bibliya? (Ting-nan din ang kahong “Maipapaliwanag Mo Ba ang mga Hulang Ito?”)

Page 25: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 25

15 Noong namamahala ang Nazi Germany, libo-libongkapatid ang ipinatapon sa mga kampong piitan. Ga-lit na galit sa mga Saksi ni Jehova si Hitler at siSS Chief Heinrich Himmler. Ayon sa isang sister, sina-bi ni Himmler sa mga sister sa isang kampong piitan:“Baka namamahala nga sa langit ang Jehova n’yo, perodito sa lupa, kami ang namamahala! Malalaman natinkung sino ang matibay, kayo o kami!” Ano ang nakatu-long sa mga lingkod ni Jehova na manatiling tapat?

15-17. Paano nakatulong ang pag-aaral ng Bibliya sa mga kapatidna pinag-usig ng mga Nazi?

˘ Apocalipsis 11:3, 7-12. ‘Dalawang saksi’ na humulasa loob ng 1,260 araw ang pinatay at pagkatapos aybinuhay-muli.—w14 11/15 30.

˘ Mateo 13:36-43. Ang trigo at ang panirang-damo.—w13 7/15 9-14.

˘ 1 Tesalonica 5:3. Ang pagsigaw ng “kapayapaan atkatiwasayan.”—w19.10 8-9.

˘ Ezekiel 38:2, 10-20. Ang pagsalakay ni “Gog ng lupainng Magog.”—w19.09 11-12; rr 240.

MAIPAPALIWANAG MO BAANG MGA HULANG ITO?

Page 26: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

26 ANG BANTAYAN

16 Alam ng mga Estudyante ng Bibliya na iyon na na-mamahala na ang Kaharian ng Diyos mula pa noong1914. Kaya hindi sila nagtataka kung bakit sila pinag-uusig. At kumbinsido ang mga lingkod ni Jehova na wa-lang gobyerno ng tao ang makakapigil sa layunin ngDiyos. Hindi kayang alisin ni Hitler ang tunay na pag-samba o magtatag ng isang gobyernong nakakahigit saKaharian ng Diyos. Kumbinsido ang mga kapatid natinna magwawakas ang pamamahala ni Hitler.

Ang pag-aaral ng Bibliya, pati na ang mga hula nito, ay tutulong sa atinna magkaroon ng lakas ng loob sa panahon ng pag-uusig

(Tingnan ang parapo 15-17)

Page 27: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 27

17 At hindi nagkamali ang mga kapatid. Di-nagtagal,bumagsak ang rehimeng Nazi at kailangang tumakas niHeinrich Himmler—ang nagsabi na “dito sa lupa, kamiang namamahala.” Habang tumatakas, nakausap niya siBrother Lubke, isang dating bilanggo na alam niyangisang Saksi ni Jehova. Depres na depres noon si Himm-ler nang tanungin niya si Brother Lubke: “Estudyanteng Bibliya, ano na’ng mangyayari?” Sinabi ni Broth-er Lubke kay Himmler na matagal nang alam ng mgaSaksi ni Jehova na babagsak ang rehimeng Nazi at ma-kakalaya ang mga Saksi. Dati, maraming masamang si-nasabi si Himmler tungkol sa mga Saksi ni Jehova,pero ngayon, natahimik siya. Di-nagtagal, nagpakama-tay siya. Ano ang aral? Ang pag-aaral ng Bibliya, patina ang mga hula nito, ay tutulong sa atin na magkaro-on ng matibay na pananampalataya sa Diyos at ng lakasng loob sa panahon ng pag-uusig.—2 Ped. 1:19-21.

18 Lahat tayo ay dapat magpakita ng pag-ibig paramapatunayan nating mga tunay na Kristiyano tayo.Pero kailangan din natin ng “tumpak na kaalamanat malalim na unawa.” (Fil. 1:9) Kung hindi, maiim-pluwensiyahan tayo ng “turo ng mga taong nandaraya,”kasama na ang mga apostata. (Efe. 4:14) Kahit na ma-rami sa mga alagad ni Jesus noong unang siglo C.E. anghuminto sa pagsunod sa kaniya, si apostol Pedro ay

18. Gaya ng ipinapakita sa Juan 6:67, 68, bakit natin kailangan ng“tumpak na kaalaman at malalim na unawa”?

Page 28: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

kumbinsidong na kay Jesus ang “mga salitang nagbibi-gay ng buhay na walang hanggan.” (Basahin ang Juan6:67, 68.) Hindi man naiintindihan ni Pedro noon anglahat ng detalye ng sinabi ni Jesus, nanatili pa rinsiyang tapat dahil naunawaan niya ang katotohanantungkol kay Kristo. Kaya mo ring patibayin ang panini-wala mo sa mga itinuturo ng Bibliya. Kung gagawin moiyan, magkakaroon ka ng di-natitinag na pananampala-taya at matutulungan mo rin ang iba na magkaroonnito.—2 Juan 1, 2.

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 22: Sa pampamilyang pagsamba, pinag-aaralan ngisang pamilya ang mga hula sa Bibliya tungkol sa malaking kapighatian.Pahina 26: Sa panahon ng malaking kapighatian, hindi nabigla angpamilya sa mga nangyayari.

ANOANG SAGOTMO?

˛ Bakit hindi langdapat nakabataysa emosyon angpananampalatayanatin?

˛ Paano mo mapa-patibay ang pani-niwala mo na nasakatotohanan ka?

˛ Paano mo matu-tulungan angmga Bible studymo na maunawa-an ang katotoha-nan?

AWIT 72Inihahayag ang Katotohanan ng Kaharian

Page 29: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

29

ARALINGARTIKULO 29

“Kung Kailan AkoMahina, Saka NamanAko Malakas”“Nalulugod ako sa mga kahinaan, insulto, panahon ngpangangailangan, at pag-uusig at problema alang-alangkay Kristo.”—2 COR. 12:10.

AWIT 38Tutulungan Ka Niya

NILALAMANTatalakayin sa artikulong ito ang halimbawa ni apostolPablo. Makikita natin na kung mapagpakumbaba tayo,bibigyan tayo ni Jehova ng lakas para makayanan angpanghahamak ng iba at mapagtagumpayan ang mgakahinaan natin.

Page 30: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

30 ANG BANTAYAN

INAMIN ni apostol Pablo na kung minsan, pakiram-dam niya, mahina siya. Sinabi niya na “nanghihina”ang katawan niya, na nahihirapan siyang gawin angtama, at na ang sagot ni Jehova sa mga panalanginniya ay hindi laging gaya ng inaasahan niya. (2 Cor.4:16; 12:7-9; Roma 7:21-23) Sinabi rin ni Pablo na ma-hina� ang tingin sa kaniya ng mga kaaway niya. Perokahit negatibo ang tingin sa kaniya ng iba at may mgakahinaan siya, hindi niya naramdamang wala siyanghalaga.—2 Cor. 10:10-12, 17, 18.

2 May mahalagang aral na natutuhan si Pablo—pu-wedeng maging malakas ang isang tao kahit pakiram-dam niya, mahina siya. (Basahin ang 2 Corinto 12:9, 10.) Sinabi ni Jehova kay Pablo na “lubusang maki-kita ang kapangyarihan [Niya] kapag mahina ang isa.”Ibig sabihin, ibibigay ni Jehova kay Pablo ang lakas nakailangan niya. Pero tingnan muna natin kung bakithindi tayo dapat magpaapekto sa pang-iinsulto ngmga kaaway natin.

� KARAGDAGANG PALIWANAG: Baka maisip nating mahina tayo dahilsa iba’t ibang dahilan—hindi tayo perpekto, mahirap tayo, may sakit, omababa ang pinag-aralan. Bukod diyan, pinapahina tayo ng mga kaa-way natin sa pamamagitan ng masasakit na salita o pananakit sa pisi-kal.

1. Ano ang inamin ni apostol Pablo?2. Ayon sa 2 Corinto 12:9, 10, anong mahalagang aral ang natutu-han ni Pablo?

Page 31: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 31

‘MALUGOD SA MGA INSULTO’3 Ayaw nating iniinsulto tayo. Pero kung magpapa-

apekto tayo sa pang-iinsulto ng mga kaaway natin, pu-wede tayong panghinaan ng loob. (Kaw. 24:10) Kayaano ang dapat nating maging tingin sa pang-iinsultonila? Gaya ni Pablo, puwede tayong ‘malugod sa mgainsulto.’ (2 Cor. 12:10) Bakit? Dahil ang pang-iinsultoat pag-uusig ay tanda ng pagiging tunay na mga ala-gad ni Jesus. (1 Ped. 4:14) Sinabi ni Jesus na pag-uusi-gin ang mga tagasunod niya. (Juan 15:18-20) Nangya-ri iyan sa mga Kristiyano noong unang siglo. Noon,iniisip ng mga taong naimpluwensiyahan ng mga Grie-go na walang alam at mahina ang mga Kristiyano. Atpara sa mga Judio, ang mga Kristiyano ay “hindi na-kapag-aral at pangkaraniwan,” gaya nina apostol Ped-ro at Juan. (Gawa 4:13) Mukhang mahina ang mgaKristiyano; wala silang koneksiyon sa politika o kaka-yahang makipagdigma, at para sa mga tao, wala silangpakinabang sa komunidad.

4 Napatigil ba ng mga mang-uusig ang mga Kris-tiyano noon? Hindi. Halimbawa, para kina apostolPedro at Juan, isang karangalan na pag-usigin dahilsa pagsunod kay Jesus at sa pagtuturo tungkol sakaniya. (Gawa 4:18-21; 5:27-29, 40-42) Walang dapat

3. Bakit tayo malulugod sa mga insulto?4. Ano ang reaksiyon ng mga Kristiyano noon sa pang-iinsulto ngmga mang-uusig?

Page 32: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

32 ANG BANTAYAN

ikahiya ang mga alagad. Ang totoo, mas marami pangnagawang mabuti sa iba ang unang-siglong mga Kris-tiyanong iyon kaysa sa mga mang-uusig nila. Halimba-wa, ang mga aklat sa Bibliya na isinulat ng ilang Kris-tiyano noon ay nakakatulong pa rin at nagbibigay ngpag-asa sa milyon-milyong tao hanggang ngayon. Atang Kaharian na ipinapangaral nila ay namamahala nangayon sa langit at malapit nang mamahala sa buonglupa. (Mat. 24:14) Sa kabaligtaran, ang makapangya-rihang gobyernong nang-usig sa kanila ay bahagi nalang ng kasaysayan. Pero ang tapat na mga alagad naiyon ay mga hari na ngayon sa langit. Isa pa, patayna ang mga mang-uusig, at kung buhayin man sila,magiging sakop sila ng Kaharian na ipinangaral ngmga Kristiyanong kinapootan nila.—Apoc. 5:10.

5 Bilang mga lingkod ni Jehova, hinahamak tayokung minsan at itinuturing na walang alam at mahina.Bakit? Dahil hindi natin ginagaya ang ugali ng mga taosa ngayon. Sinisikap nating maging mapagpakumba-ba, mahinahon, at masunurin. Sa kabaligtaran, gus-tong-gusto ng mundo sa ngayon ang mayayabang,arogante, at palaban. Isa pa, hindi tayo nakikisali sapolitika at hindi rin tayo nagsusundalo. Ibang-iba tayosa mga tao sa mundong ito. Kaya mababa ang tinginnila sa atin.—Basahin ang Juan 15:19; Roma 12:2.

5. Ayon sa Juan 15:19, bakit hinahamak ang mga lingkod ni Je-hova?

Page 33: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 33

6 Kahit mahina tayo sa tingin ng mga tao, ginagamittayo ni Jehova para gawin ang di-pangkaraniwangmga bagay. Naisasagawa ni Jehova ang pinakamala-wak na gawaing pangangaral sa pamamagitan ng mgalingkod niya. Sa ngayon, nakakapaglathala sila ng mgamagasin na may pinakamaraming salin at kopyang na-ipapamahagi at natutulungan nila ang milyon-milyongtao na magkaroon ng magandang buhay gamit angBibliya. Ang lahat ng ito ay dahil kay Jehova. Ginaga-mit niya sa paggawa ng di-pangkaraniwang mga bagayang mga taong sa tingin ng iba ay mahina. Paano na-man tayo bilang indibidwal? Tutulungan din ba tayo niJehova na makagawa ng di-pangkaraniwang mga ba-gay? Kung oo, may dapat ba tayong gawin para matu-lungan niya? Talakayin natin ang tatlong aral na ma-tututuhan natin kay apostol Pablo.

HUWAG UMASA SA SARILING LAKAS7 Ito ang isang aral na matututuhan natin kay Pab-

lo: Huwag umasa sa sariling lakas o kakayahan kapagnaglilingkod kay Jehova. Sa tingin ng tao, may dahilansi Pablo para magyabang at umasa sa sarili. Lumakisiya sa Tarso, ang kabiserang lunsod ng isang lalawi-gan ng Roma. Mayaman ang Tarso, at mayroon itong

6. Ano ang naisasagawa ni Jehova sa pamamagitan ng mga ling-kod niya?7. Ano ang isang aral na matututuhan natin kay Pablo?

Page 34: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

34 ANG BANTAYAN

sikat na paaralan. Edukado si Pablo—tinuruan siya niGamaliel na isa sa mga pinakarespetadong Judiong li-der noong panahon niya. (Gawa 5:34; 22:3) At maypagkakataong naging maimpluwensiya si Pablo sa mgaJudio. Sinabi niya: “Mas masulong ako kaysa sa mara-ming kaedad ko sa aking bansa.” (Gal. 1:13, 14; Gawa26:4) Pero hindi siya umasa sa sarili niya.

8 Masaya si Pablo na iniwan niya ang mga bagay napinapahalagahan ng mga tao sa mundo. Ang totoo, iti-nuring pa nga niyang “basura” ang mga ito. (Basahin

8. Ayon sa Filipos 3:8, ano ang tingin ni Pablo sa mga bagay na ini-wan niya, at bakit siya ‘nalugod sa mga kahinaan’?

Para kay Pablo, “basura” ang mga bagay na pinapahalagahan ng mga taosa mundo kung ikukumpara sa pribilehiyong maging tagasunod ni Kristo

(Tingnan ang parapo 8)

Page 35: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 35

ang Filipos 3:8.) Maraming pinagdaanang hirap siPablo nang maging tagasunod siya ni Kristo. Kinapo-otan siya ng sarili niyang bansa. (Gawa 23:12-14) Pi-nagpapalo siya at ibinilanggo ng mga kababayan ni-yang Romano. (Gawa 16:19-24, 37) At napag-isip-isipni Pablo na napakahirap gawin ng tama kasi hindi siyaperpekto. (Roma 7:21-25) Pero hindi siya nagpaapek-to sa mga ito. Sa halip, ‘nalugod siya sa mga kahina-an.’ Bakit? Dahil kung kailan siya mahina, doon niyanakikita ang tulong ng Diyos.—2 Cor. 4:7; 12:10.

9 Kung gusto nating tulungan tayo ni Jehova, hindinatin dapat isipin na mahalaga tayo dahil sa ating la-kas, edukasyon, pinagmulan, o kayamanan. Hindi itoang kailangan para gamitin tayo ni Jehova. Ang to-too, hindi pumili si Jehova “ng maraming matalinoayon sa pananaw ng tao, ng maraming makapang-yarihan, at ng maraming ipinanganak na maharli-ka.” Sa halip, pinili niya “ang itinuturing na mahi-hina sa sanlibutan.” (1 Cor. 1:26, 27) Kaya huwagmong isipin na hadlang sa paglilingkod kay Jehovaang mga kakulangan mo. Sa halip, isipin na pagkaka-taon ito para makita kung paano ka tinutulungan niJehova. Halimbawa, kung natatakot ka sa mga taongkumukuwestiyon sa paniniwala mo, manalangin kayJehova na bigyan ka ng lakas ng loob na ipagtanggolang pananampalataya mo. (Efe. 6:19, 20) O kung

9. Ano ang dapat na maging tingin natin sa mga kakulangan natin?

Page 36: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

36 ANG BANTAYAN

pinapahirapan ka ng malubhang sakit, humingi kayJehova ng lakas para makapanatili kang abala sa pag-lilingkod sa kaniya. Sa tuwing nakikita mong tinutulu-ngan ka ni Jehova, titibay ang pananampalataya mo atlalakas ka.

MATUTO MULA SAMGA HALIMBAWA SA BIBLIYA

10 Masipag mag-aral ng Kasulatan si Pablo. Dahildito, marami siyang nalamang impormasyon, pero na-tuto rin siya sa halimbawa ng tapat na mga tao na na-kaulat sa Salita ng Diyos. Nang sulatan ni Pablo angmga Kristiyanong Hebreo, sinabi niya na pag-isipannila ang halimbawa ng tapat na mga lingkod ni Jeho-va. (Basahin ang Hebreo 11:32-34.) Isa sa mga ito siHaring David. Pinahirapan siya ng mga kaaway niya,pati na ng mga dati niyang kaibigan. Kung pag-iisipannatin ang halimbawa ni David, makikita natin kung pa-ano nakatulong kay Pablo ang pagbubulay-bulay sa ha-limbawa ni David at kung paano natin matutularan siPablo.

11 Mahina o walang kalaban-laban ang tingin kayDavid ng malakas na mandirigmang si Goliat. Nang

10. Bakit dapat nating pag-aralan ang tapat na mga halimbawa saBibliya, gaya ng binabanggit sa Hebreo 11:32-34?11. Bakit mukhang mahina o walang kalaban-laban si David? (Ting-nan ang larawan sa pabalat.)

Page 37: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 37

makita ni Goliat si David, “hinamak niya ito.” Kung ti-tingnan nga naman, mas malaki si Goliat, mas kum-pleto sa kagamitan, at mas sanay sa digmaan. Sa-mantalang si David ay isang bata lang na walangkagamitan sa digmaan. Pero ang totoo, malakas siDavid dahil umasa siya kay Jehova. At tinulungan siyani Jehova na matalo ang kaaway.—1 Sam. 17:41-45, 50.

12 Napaharap si David sa isa pang hamon na puwe-de sanang nagpahina sa kaniya. Si David ay tapat nalingkod ni Saul, ang inatasan ni Jehova bilang hari ngIsrael. Noong una, nirerespeto ni Haring Saul si Da-vid. Pero nang maglaon, nainggit si Saul kay David.Naging masama na ang pagtrato ni Saul kay David, atsinubukan pa nga niya itong patayin.—1 Sam. 18:6-9, 29; 19:9-11.

13 Kahit masama ang pagtrato ni Haring Saul kayDavid, patuloy niyang nirespeto ang inatasang hari niJehova. (1 Sam. 24:6) Hindi isinisi ni David kay Jeho-va ang masasamang ginawa ni Saul. Sa halip, umasasiyang bibigyan siya ni Jehova ng lakas para maharapang problema.—Awit 18:1, superskripsiyon.

14 Napaharap si apostol Pablo sa sitwasyong gaya ng

12. Ano pang hamon ang napaharap kay David?13. Ano ang naging reaksiyon ni David sa masamang pagtrato sakaniya ni Haring Saul?14. Anong sitwasyon ang napaharap kay apostol Pablo na gaya ngkay David?

Page 38: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

38 ANG BANTAYAN

kay David. Mas makapangyarihan kay Pablo ang mgakaaway niya. Kinapopootan siya ng maraming maiim-pluwensiyang lider noon. Madalas siyang binubugbogat ibinibilanggo. Gaya ng nangyari kay David, masamarin ang naging pagtrato kay Pablo ng mga taong dapatsana ay mga kaibigan niya. Kinalaban pa nga siya ngilang Kristiyano. (2 Cor. 12:11; Fil. 3:18) Pero nadaigni Pablo ang mga kumakalaban sa kaniya. Paano? Pa-tuloy siyang nangaral sa kabila ng lahat ng ito. Nana-tili siyang tapat sa mga kapatid kahit binigo nila siya.At higit sa lahat, naging tapat siya sa Diyos hanggangkamatayan. (2 Tim. 4:8) Nagawa niya ang lahat ng ito,hindi dahil malakas siya, kundi dahil umasa siya kayJehova.

15 Iniinsulto ka ba o inuusig ng mga kaklase mo,katrabaho, o kapamilyang di-Saksi? Masama ba angtrato sa iyo ng isang kakongregasyon mo? Kung oo,alalahanin sina David at Pablo. Magagawa mong“daigin ng mabuti ang masama.” (Roma 12:21) Hinditayo kukuha ng bato para ibaon sa noo ng mga tao,gaya ng ginawa ni David. Sa halip, tunguhin natinggamitin ang Salita ng Diyos para maabot ang puso atisip nila. Magagawa mo iyan kung gagamitin mo angBibliya para sagutin ang tanong ng mga tao, kungmagiging magalang at mabait ka sa mga gumagawang masama sa iyo, at kung gagawa ka ng mabuti sa

15. Ano ang tunguhin natin, at paano natin ito magagawa?

Page 39: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 39

lahat, kahit sa mga kaaway mo.—Mat. 5:44; 1 Ped. 3:15-17.

TANGGAPIN ANG TULONG NG IBA16 Bago naging alagad ni Kristo si apostol Pablo,

wala siyang galang at pinag-uusig niya ang mga taga-sunod ni Jesus. (Gawa 7:58; 1 Tim. 1:13) Si Jesusmismo ang nagpatigil kay Pablo, na dating si Saul,sa pang-uusig sa kongregasyong Kristiyano. Nakipag-usap si Jesus kay Pablo mula sa langit, at binulag niya

16-17. Ano ang hindi nakalimutan ni Pablo?

Maging magalang at mabait kapag ipinagtatanggolsa iba ang mga paniniwala mo

(Tingnan ang parapo 15)

Page 40: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

40 ANG BANTAYAN

ito. Para makakita ulit si Pablo, kailangan niyang mag-patulong sa mga taong inuusig niya. Nagpakumbabasiya at tinanggap ang tulong ng alagad na si Ananiasna nagpagaling sa kaniya.—Gawa 9:3-9, 17, 18.

17 Nang maglaon, naging prominenteng miyembrong kongregasyong Kristiyano si Pablo, pero hindi niyanakalimutan ang aral na itinuro ni Jesus noong pa-punta siya sa Damasco. Nanatiling mapagpakumbabasi Pablo, at tinanggap niya ang tulong ng mga kapatid.Sinabi pa nga niyang talagang “napapatibay” nila siya.—Col. 4:10, 11, tlb.

18 Ano ang matututuhan natin kay Pablo? Noonguna nating malaman ang katotohanan, baka gustong-gusto nating magpatulong sa iba, dahil alam natingsanggol pa lang tayo sa pagiging Kristiyano at mara-mi pa tayong kailangang matutuhan. (1 Cor. 3:1, 2)Pero kumusta ngayon? Kung makaranasan na tayo atmatagal nang naglilingkod kay Jehova, baka hindi natayo ganoon kahandang tumanggap ng tulong, lalo nakung mas matagal na tayo sa katotohanan kaysa sa tu-tulong sa atin. Pero madalas na ginagamit ni Jehovaang mga kapatid para palakasin tayo. (Roma 1:11, 12)Kaya kung gusto nating mapalakas tayo ni Jehova,kailangan nating tanggapin ang tulong ng mga kapa-tid.

18. Bakit ayaw nating magpatulong sa iba kung minsan?

Page 41: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

19 Nakagawa ng kahanga-hangang mga bagay si Pab-lo nang maging Kristiyano siya. Bakit? Dahil natutu-han niyang ang tagumpay ay hindi nakadepende sa sa-riling lakas, edukasyon, kayamanan, o pinagmulan;nakadepende ito sa kapakumbabaan at pagtitiwala kayJehova. Para matularan natin si Pablo, dapat tayong(1) umasa kay Jehova, (2) matuto mula sa mga halim-bawa sa Bibliya, at (3) tumanggap ng tulong mula samga kapatid. Kapag ginawa natin iyan, gaano mantayo kahina, palalakasin tayo ni Jehova!

19. Bakit naging matagumpay si Pablo?

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 34: Nang mangaral si Pablo tungkol kay Kristo,iniwan niya ang mga bagay na naging bahagi ng buhay niya bilangPariseo. Malamang na kasama rito ang sekular na mga balumbonat sisidlang naglalaman ng kasulatan. Pahina 39: Isang brotherna pinipilit ng mga katrabaho niya na sumali sa birthday party.

ANOANG SAGOTMO?

˛ Bakit tayo ‘nalu-lugod sa mgainsulto’?

˛ Bakit hindi tayodapat magpaa-pekto sa tinginsa atin ng mgatao sa mundo?

˛ Ano ang tatlongbagay na ginawani Pablo na dapatdin nating gawinpara mapalakastayo ni Jehova?

AWIT 71Tayo’y Hukbo ni Jehova!

Page 42: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

42

ARALINGARTIKULO 30

Patuloy na Lumakadsa Katotohanan

“Wala nang mas makapagpapasaya pa sa akin kaysa rito:ang marinig ko na ang mga anak ko ay patuloy nalumalakad sa katotohanan.”—3 JUAN 4.

AWIT 54“Ito ang Daan”

NILALAMANNabubuhay tayo sa mundong pinamamahalaan ni Sata-nas, ang ama ng kasinungalingan. Kaya napakahirappara sa atin na lumakad sa katotohanan. Nahirapan dinang mga Kristiyano noong unang siglo C.E. Para matulu-ngan sila, pati na rin tayo, ipinasulat ni Jehova kay apos-tol Juan ang tatlong liham. Makikita sa mga liham na iyonkung ano ang mga puwedeng magpatigil sa atin sa pagla-kad sa katotohanan at kung ano ang puwede nating gawinpara maharap ang mga hamong iyon.

Page 43: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 43

TIYAK na masayang-masaya si apostol Juan nang maba-litaan niyang patuloy na naglilingkod kay Jehova ang mgataong tinulungan niyang makaalam ng katotohanan. Ma-rami silang naging problema, at sinikap ni Juan na mapa-tibay ang pananampalataya ng tapat na mga Kristiyanongito na itinuturing niyang espirituwal na mga anak. Masa-ya rin tayo kapag ang ating mga anak o ang mga tinulu-ngan nating makaalam ng katotohanan ay nag-alay ng ka-nilang sarili kay Jehova at patuloy na naglilingkod sakaniya.—Basahin ang 3 Juan 3, 4.

2 Noong 98 C.E., malamang na nakatira si Juan sa Efesoo malapit dito. Posibleng tumira siya doon matapos siyangpalayain mula sa isla ng Patmos. Nang mga panahong iyon,ipinasulat ni Jehova sa kaniya ang tatlong liham. Ipinasu-lat ang mga liham na iyon para pasiglahin ang tapat namga Kristiyano na panatilihin ang kanilang pananampala-taya kay Jesus at patuloy na lumakad sa katotohanan.

3 Si Juan na lang noon ang natitirang apostol, at nag-aalala siya sa nagiging epekto sa mga kongregasyon nghuwad na mga guro.� (1 Juan 2:18, 19, 26) Sinasabing mga apostatang iyon na kilala nila ang Diyos, perohindi naman nila sinusunod ang mga utos ni Jehova.

� Tingnan ang kahong “Kung Bakit Ipinasulat ang mga Liham ni Juan.”

1. Gaya ng mababasa sa 3 Juan 3, 4, ano ang nakapagpapasaya saatin?2. Bakit ipinasulat kay Juan ang mga liham?3. Anong mga tanong ang sasagutin natin?

Page 44: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

44 ANG BANTAYAN

Tatalakayin sa artikulong ito ang payo ni Juan, at sasa-gutin natin ang tatlong tanong: Ano ang ibig sabihin ngpaglakad sa katotohanan? Anong mga hamon ang napa-paharap sa atin? Paano natin matutulungan ang isa’t isana manatili sa katotohanan?

ANO ANG IBIG SABIHIN NGPAGLAKAD SA KATOTOHANAN?

4 Para makalakad sa katotohanan, kailangan natingmalaman ang katotohanang nasa Bibliya. Dapat din na-ting ‘sundin ang mga utos’ ni Jehova. (Basahin ang1 Juan 2:3-6; 2 Juan 4, 6.) Si Jesus ang pinakamahusayna halimbawa sa pagsunod kay Jehova. Kaya ang isangmahalagang paraan ng pagsunod kay Jehova ay ang pag-sunod nang mabuti sa mga yapak ni Jesus.—Juan 8:29;1 Ped. 2:21.

5 Para patuloy na makalakad sa katotohanan, dapat nakumbinsido tayo na si Jehova ang Diyos ng katotohananat na totoo ang lahat ng sinasabi niya sa kaniyang Salita,ang Bibliya. Dapat din tayong maging kumbinsido na siJesus ang ipinangakong Mesiyas. Marami sa ngayon angnagdududa na si Jesus ang inatasan bilang Hari ng Kaha-rian ng Diyos. Nagbabala si Juan na puwedeng mailigawng “maraming manlilinlang” ang mga hindi nakahandangipagtanggol ang katotohanan tungkol kay Jehova at kay

4. Ayon sa 1 Juan 2:3-6 at 2 Juan 4, 6, ano ang kasama sa pagla-kad sa katotohanan?5. Sa ano tayo dapat maging kumbinsido?

Page 45: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 45

Jesus. (2 Juan 7-11) Isinulat ni Juan: “Sino ang sinu-ngaling kundi ang nagkakaila na si Jesus ang Kristo?”(1 Juan 2:22) Ang paraan lang para hindi tayo malinlangay kung pag-aaralan natin ang Salita ng Diyos. Sa pagga-wa nito, makikilala natin si Jehova at si Jesus. (Juan17:3) At makukumbinsi tayong nasa atin ang katotoha-nan.

Nang isulat ni apostol Juan ang mga liham niya,nag-aalala siya sa masamang impluwensiya ng huwadna mga guro na pumasok sa kongregasyon at nagliligawsa mga tagasunod ni Kristo. Parehong nagbabala sinaapostol Pablo at Pedro na mangyayari ito. (Gawa 20:29, 30; 2 Ped. 2:1-3) Malamang na naimpluwensiyahanng pilosopiya ng mga Griego ang huwad na mga gurongito. Sinasabi ng ilan sa kanila na nakatanggap sila ngkaalaman mula sa Diyos sa mahiwagang paraan.� Peroang mga turo nila ay kabaligtaran ng itinuro ni Jesus.Dahil sa mga ito, ang mga tao ay hindi nagpapakita ngpag-ibig at naging makasarili. Kaya tinawag ni Juan angmga gurong ito na mga antikristo, o mga nagtuturolaban kay Kristo.—1 Juan 2:18.

� Tingnan ang artikulong “Ang Antikristo—Inilantad”sa Disyembre 1, 2006 na isyu ng Bantayan.

Kung Bakit Ipinasulat ang mga Liham ni Juan

Page 46: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

46 ANG BANTAYAN

ANONG MGA HAMON ANGNAPAPAHARAP SA ATIN?

6 Dapat mag-ingat ang lahat ng Kristiyano para hin-di sila mailigaw ng pilosopiya ng tao. (1 Juan 2:26)Lalo nang dapat mag-ingat ang mga kabataan. Sinabi niAlexia,� 25-anyos na sister mula sa France: “Noong nag-aaral pa ako, natutuhan ko ang tungkol sa ebolusyon atiba pang pilosopiya ng tao. Litong-lito ako. Kung minsan,parang may katuwiran ang mga turong iyon. Pero hindinaman dapat na basta na lang ako maniwala sa mga itinu-turo sa school at bale-walain ang itinuturo ng Bibliya.”Pinag-aralan ni Alexia ang aklat na Life—How Did It GetHere? By Evolution or by Creation? Mga ilang linggo lang,nawala ang pagdududa niya. Sinabi ni Alexia: “Napatuna-yan kong totoo ang sinasabi ng Bibliya. At naisip kong ka-pag sinunod ko ang mga pamantayan nito, magiging ma-saya at payapa ang buhay ko.”

7 Dapat iwasan ng lahat ng Kristiyano, bata man o ma-tanda, na magkaroon ng dobleng pamumuhay. Idiniin niJuan na hindi tayo puwedeng lumakad sa katotohanan atkasabay nito ay namumuhay rin nang imoral. (1 Juan1:6) Kung gusto nating sang-ayunan tayo ng Diyos nga-yon at sa hinaharap, lagi nating isiping kitang-kita ni

� Binago ang ilang pangalan.

6. Ano ang isang hamong napapaharap sa mga kabataang Kristi-yano?7. Ano ang dapat nating iwasan, at bakit?

Page 47: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 47

Jehova ang lahat ng ginagawa natin. Wala tayong maita-tagong kasalanan sa kaniya.—Heb. 4:13.

8 Hindi natin dapat tularan ang pananaw ng mundo sakasalanan. Isinulat ni apostol Juan: “Kung sasabihin na-tin, ‘Wala tayong kasalanan,’ dinaraya natin ang sarilinatin.” (1 Juan 1:8) Noong panahon ni Juan, sinasabi ngmga apostata na ang isang tao ay puwedeng patuloy nagumawa ng kasalanan at maging kaibigan pa rin ng Diyos.Ganiyan din ang pananaw ng mga tao sa ngayon. Maramiang nagsasabing naniniwala sila sa Diyos, pero hindi silasang-ayon sa pananaw ni Jehova sa kasalanan, lalo napagdating sa sex. Katanggap-tanggap na sa ngayon angmga itinuturing ni Jehova na kasalanan.

9 Baka ma-pressure ang mga kabataang Kristiyano nagayahin ang pananaw ng kanilang mga kaklase o katraba-ho pagdating sa imoral na mga gawain. Nangyari iyan kayAleksandar. Sinabi niya: “Pinipilit ako ng mga kaeskuwe-la ko na makipag-sex sa kanila. Sinasabi nilang homosek-suwal ako kasi wala akong girlfriend.” Baka mangyari diniyan sa iyo. Pero kung susundin mo ang mga pamantayanng Bibliya, mapapanatili mo ang iyong paggalang sa sari-li, maiiwasan mong masaktan, at maiingatan mo ang kalu-sugan mo at kaugnayan kay Jehova. At sa tuwing napag-lalabanan mo ang pressure na gumawa ng masama, masnagiging madali na sa iyo na gawin ang tama. Tandaan

8. Ano ang hindi natin dapat tularan?9. Paano nakikinabang ang mga kabataan kapag sinusunod nilaang mga pamantayan ng Bibliya?

Page 48: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

48 ANG BANTAYAN

na ang pilipit na pananaw ng mundo sa sex ay galing kaySatanas. Kaya kapag hindi mo tinutularan ang pananawng mundo, ‘nadadaig mo ang isa na masama.’—1 Juan2:14.

10 Alam natin na si Jehova ang may karapatang mag-sabi kung ano ang maituturing na kasalanan, at gina-gawa natin ang lahat para hindi magkasala. Pero kapagnakagawa tayo ng kasalanan, ipinagtatapat natin ito kayJehova sa panalangin. (Basahin ang 1 Juan 1:9.) At kungmakagawa tayo ng malubhang kasalanan, humihingi tayong tulong sa mga elder, na inatasan ni Jehova na ma-ngalaga sa atin. (Sant. 5:14-16) Pero hindi naman tayodapat masiraan ng loob dahil sa mga nagawa nating

10. Paano makakatulong ang 1 Juan 1:9 para mapaglingkuran na-tin si Jehova nang may malinis na konsensiya?

Page 49: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 49

kasalanan noon. Bakit? Dahil inilaan ng ating mapag-mahal na Ama ang haing pantubos ng kaniyang Anakpara mapatawad ang mga kasalanan natin. Kapag si-nabi ni Jehova na papatawarin niya ang mga nagsisi-sing nagkasala, talagang gagawin niya iyon. Kaya wa-lang makakahadlang sa atin na paglingkuran si Jehovanang may malinis na konsensiya.—1 Juan 2:1, 2, 12; 3:19, 20.

11 Dapat nating iwasan ang turo ng mga apostata.Mula pa nang magsimula ang kongregasyong Kristiyano,gumagamit na ang Diyablo ng maraming manlilinlangpara magtanim ng pagdududa sa isip ng tapat na mgalingkod ng Diyos. Kaya dapat nating matukoy kung ano

11. Paano natin maiingatan ang ating sarili mula sa mga turo napuwedeng magpahina ng pananampalataya natin?

Mga kabataan, alamin ang pamantayan ni Jehova sakung ano ang tama at mali para maipagtanggol ninyoang inyong pananampalataya(Tingnan ang parapo 9)

Page 50: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

50 ANG BANTAYAN

ang totoo at kung ano ang kasinungalingan.� Puwedenggamitin ng mga kaaway natin ang Internet o social mediapara pahinain ang pagtitiwala natin kay Jehova at sa mgakapatid.Tandaan kung sino ang nasa likod ng gayong pro-paganda, at iwasan ito!—1 Juan 4:1, 6; Apoc. 12:9.

12 Para malabanan ang mga propaganda ni Satanas, da-pat nating patibayin ang pananampalataya natin kay Je-sus at magtiwalang ginagamit siya ni Jehova para gawinang kalooban Niya. Dapat din tayong magtiwala sa tapatat matalinong alipin na ginagamit ni Jehova para manga-siwa sa organisasyon niya ngayon. (Mat. 24:45-47) Mapa-patibay natin ang pagtitiwala natin kung regular tayongmag-aaral ng Salita ng Diyos. Sa paggawa nito, ang pana-nampalataya natin ay magiging gaya ng isang puno namalalim ang pagkakaugat. Ganito rin ang sinabi ni Pablonang sumulat siya sa kongregasyon sa Colosas: “Dahil ti-nanggap na ninyo ang Panginoong Kristo Jesus, patuloykayong lumakad na kaisa niya. . . . Dapat na malalim angpagkakaugat ng pananampalataya ninyo sa kaniya, dapatna magpalakas ito sa inyo at magpatatag.” (Col. 2:6, 7)Kung pagsisikapan nating patibayin ang pananampalata-ya natin, magiging imposible para kay Satanas o sa mgatagasuporta niya na pahintuin tayo sa paglakad sa kato-tohanan.—2 Juan 8, 9.

� Tingnan ang araling artikulong “Tama Ba ang Nakuha Mong Impor-masyon?” sa Agosto 2018 na isyu ng Bantayan.

12. Bakit dapat nating patibayin ang pananampalataya natin samga katotohanang natutuhan natin?

Page 51: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 51

13 Dapat nating asahan na kapopootan tayo ng mundo.(1 Juan 3:13) Ipinapaalala sa atin ni Juan na “ang buongmundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng isa na masa-ma.” (1 Juan 5:19) Habang palapit nang palapit ang wa-kas ng sistemang ito, lalong nag-iinit sa galit si Satanas.(Apoc. 12:12) Gumagamit siya ng mga tusong pakana,gaya ng imoralidad o kasinungalingan ng mga apostata.Pero sumasalakay din siya nang harapan. Alam ni Satanasna kaunti na lang ang panahon niya para pahintuin ang pa-ngangaral o sirain ang pananampalataya natin. Kaya hindinakakapagtakang hinihigpitan o ipinagbabawal ang gawa-in natin sa ilang bansa. Pero nakakapagtiis ang mga kapa-tid natin sa mga lugar na iyon. Pinapatunayan nila na anu-man ang gawin ni Satanas, makakapanatili tayong tapat!

TULUNGAN ANG ISA’T ISA NAMANATILI SA KATOTOHANAN

14 Para matulungan natin ang mga kapatid na manatilisa katotohanan, dapat tayong magpakita ng habag. (1 Juan3:10, 11, 16-18) Dapat nating mahalin ang isa’t isa, hindilang kapag maganda ang kalagayan, kundi kahit sa mahihi-rap na sitwasyon. Halimbawa, may kilala ka bang namata-yan ng mahal sa buhay na kailangang patibayin o tulungansa iba pang paraan? O may nabalitaan ka bang mga kapa-tid na naapektuhan ng sakuna at kailangan ng tulong para

13. Ano ang dapat nating asahan, at bakit?14. Ano ang isang paraan para matulungan natin ang mga kapatidna manatili sa katotohanan?

Page 52: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

52 ANG BANTAYAN

maitayo ang Kingdom Hall o bahay nila? Maipapakita na-tin ang pag-ibig at habag sa mga kapatid, hindi lang sa si-nasabi, kundi lalo na sa ginagawa natin.

15 Tinutularan natin ang ating mapagmahal na Ama salangit kapag iniibig natin ang isa’t isa. (Basahin ang1 Juan 4:7, 8.) Maipapakita natin ang pag-ibig kung papa-tawarin natin ang isa’t isa. Halimbawa, baka may nakasakitsa atin pero humingi naman ng tawad. Maipapakita natinang pag-ibig kung papatawarin natin siya at kakalimutanang nagawa niyang pagkakamali. (Col. 3:13) Nasaktan angbrother na si Aldo nang may sabihing di-maganda tungkolsa pinagmulan niya ang isang brother na nirerespeto niya.Sinabi ni Aldo, “Paulit-ulit akong nanalangin kay Jehovana tulungan akong huwag mainis sa brother na ’yon.” Peromay iba pang ginawa si Aldo. Niyaya niya ang brother nasumama sa kaniya sa ministeryo. Habang magkasama sila,sinabi ni Aldo na nasaktan siya sa sinabi nito. “Nang ma-laman ng brother na nasaktan ako sa sinabi niya,” ang sabini Aldo, “humingi siya ng tawad. Damang-dama ko sa tonong boses niya na sising-sisi siya. Dahil dito, hindi nasiraang pagkakaibigan namin.”

16 Mahal na mahal ni apostol Juan ang mga kapatidniya, at gusto niyang magkaroon sila ng matibay na pana-nampalataya. Kitang-kita ito sa mga payong mababasa satatlong liham niya. Nakakapagpatibay ngang isipin na angmga lalaki at babaeng mamamahalang kasama ni Kristo

15. Ayon sa 1 Juan 4:7, 8, ano ang dapat nating gawin?16-17. Ano ang dapat na maging determinasyon natin?

Page 53: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

sa langit ay mapagmahal at mapagmalasakit din gaya niJuan!—1 Juan 2:27.

17 Isapuso sana natin ang mga payong tinalakay natin.Maging determinado sana tayong lumakad sa katotoha-nan, at lagi nating sundin si Jehova. Pag-aralan natin angkaniyang Salita, at magtiwala tayo dito. Patibayin ang pa-nanampalataya kay Jesus. Huwag paniwalaan ang mga pi-losopiya ng tao, at iwasan ang turo ng mga apostata.Huwag magkaroon ng dobleng pamumuhay, at huwag mag-padala sa panggigipit na gumawa ng kasalanan. Mamuhayayon sa mataas na pamantayan ni Jehova. At tulungan na-tin ang mga kapatid na manatiling matatag sa pamamagi-tan ng pagpapatawad sa mga nakasakit sa atin at pagtulongsa mga nangangailangan. Kapag ginawa natin ang mga ito,kahit may mga hamong mapaharap sa atin, patuloy tayongmakakalakad sa katotohanan.

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 48-49: Sa school, kaliwa’t kanan ang homoseksuwalna propaganda na nakikita at naririnig ng isang kabataang sister. (Sa ilangkultura, ginagamit ang rainbow bilang simbolo ng homoseksuwalidad.) Kayanag-research siya para patibayin ang pananampalataya niya sa mga pani-niwala niya. Natulungan siya nito na makagawa ng tamang desisyon.

ANOANG SAGOTMO?

˛ Ano ang ibig sa-bihin ng paglakadsa katotohanan?

˛ Anong mga hamonang napapaharapsa atin?

˛ Paano natin matu-tulungan ang mgakapatid na manatilisa katotohanan?

AWIT 49Pinasasaya ang Puso ni Jehova

Page 54: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

54 ANG BANTAYAN

TALAMBUHAY

Ginawa Ko Langang Dapat KongGawinAYON SA SALAYSAYNI DON RIDLEY

MAHIGIT 30 taon nang abogado ng mga Saksi niJehova si Donald Ridley. Ipinagtanggol niya angkarapatan ng mga pasyente na huwag magpasa-lin ng dugo. Marami siyang naipanalo sa iba’tibang korte suprema. “Don” ang tawag sa kaniyang mga kaibigan niya, at kilala siyang masikap,mapagpakumbaba, at mapagsakripisyo.

Noong 2019, natuklasan ng mga doktor na may-roon siyang kakaibang sakit na wala nang lunas.Mabilis na lumala ang sakit niya, at namatay siyanoong Agosto 16, 2019. Ito ang kuwento ngbuhay niya.

Page 55: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 55

Ipinanganak ako sa St. Paul, Minnesota, U.S.A., noong1954. Katoliko ang pamilya namin at may maalwan ka-ming buhay. Lima kaming magkakapatid, at pangalawa akosa panganay. Nag-aral ako sa isang Catholic elementaryschool, at isa akong sakristan. Pero wala pa rin akong ga-anong alam sa Bibliya. Naniniwala akong may Diyos na lu-malang ng lahat ng bagay, pero wala akong tiwala sa sim-bahan.

KUNG PAANO KO NALAMAN ANG KATOTOHANANNoong unang taon ko sa William Mitchell College of Law,

may mag-asawang Saksi ni Jehova na pumunta sa bahay.Naglalaba ako noon, kaya sinabi nilang babalik na lang sila.Pagbalik nila, tinanong ko sila: “Bakit kung sino pa y’ongmasasamang tao, sila pa y’ong umaasenso?” at “Ano baang dapat gawin para maging masaya?” Binigyan nila akong aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Bu-hay na Walang-Hanggan at ng Bagong Sanlibutang Salin ngBanal na Kasulatan, na may matingkad na berdeng paba-lat. Pumayag din akong magpa-Bible study. Dahil dito, na-liwanagan ako. Tuwang-tuwa akong malaman na ang Kaha-rian ng Diyos ang mamamahala sa buong lupa. Nakita kongbigong-bigo ang pamamahala ng tao na naging dahilan ngpagdurusa, kawalang-katarungan, at mga problema.

Noong 1982, inialay ko ang sarili ko kay Jehova, at nangtaong ding iyon, nagpabautismo ako sa “Kingdom Truth”na Kombensiyon na ginanap sa St. Paul Civic Center. Buma-lik ako sa civic center nang sumunod na linggo para kumu-ha ng bar exam. Noong Oktubre, nalaman kong nakapasa

Page 56: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

56 ANG BANTAYAN

ako sa exam, kaya puwede na akong magtrabaho bilangabogado.

Sa kombensiyong iyon, nakilala ko si Mike Richardson,isang Bethelite sa Brooklyn. Sinabi niya na may legal officena sa punong-tanggapan. Naalala ko ang sinabi ng mataasna opisyal na Etiope na nakaulat sa Gawa 8:36, at tinanongko ang sarili ko, ‘Ano ang nakakahadlang sa akin na mag-trabaho sa Legal Office?’ Kaya nag-apply ako sa Bethel.

Hindi natuwa ang mga magulang ko nang maging Saksini Jehova ako. Tinanong ako ng tatay ko kung ano ang ma-papala ko sa pagtatrabaho sa Watchtower. Sinabi kongmagboboluntaryo ako doon at tatanggap ako ng $75 bu-wan-buwan bilang reimbursement para sa mga Bethelite.

Noong 1984, nang matapos ang kontrata ko sa kortengpinagtatrabahuhan ko, nagsimula na akong maglingkod saBethel sa Brooklyn, New York. Naatasan ako sa Legal Of-fice. Para sa akin, tamang-tama ang panahong ito ng pag-kakaatas sa akin.

NI-RENOVATE ANG STANLEY THEATERNabili ang Stanley Theater sa Jersey City, New Jersey, no-

ong Nobyembre 1983. Humingi ng permit ang mga brotherpara ma-renovate ang electrical at plumbing system ng gu-sali. Nang makipag-usap ang mga brother sa lokal na mgaopisyal, sinabi nila na ang Stanley Theater ay gagamitingconvention hall ng mga Saksi ni Jehova. Ang problema, angmga gusali para sa pagsamba ay puwede lang itayo sa mgaresidential area. Dahil ang Stanley Theater ay nasa com-

Page 57: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

mercial area, hindi sila binigyan ng permit ng mga opisyalng lunsod. Umapela ang mga brother, pero ibinasura ito.

Noong unang linggo ko sa Bethel, ang organisasyonay nagsampa ng kaso sa korte tungkol dito. Dahil kakata-pos lang ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa korte saSt. Paul, Minnesota, pamilyar ako sa ganitong mga kaso.Ikinatuwiran ng isa sa ating mga abogado na ang StanleyTheater ay ginamit noon sa iba’t ibang pampublikong okas-yon, gaya ng pagpapalabas ng pelikula at mga concert.Kaya bakit magiging ilegal na gamitin ito sa relihiyosongpagtitipon? Isinaalang-alang ito ng korte at nakita nilangnilabag ng Jersey City ang ating kalayaan sa pagsamba.Inutusan ng korte ang lunsod na ibigay ang kinakailangangpermit, at nakita ko dito kung paano pinagpala ni Jehovaang legal na usapin ng organisasyon sa ikasusulong ng ga-wain. Tuwang-tuwa ako dahil naging bahagi ako nito.

Pinasimulan ng mga brother ang malaking proyekto ngpagre-renovate, at wala pang isang taon mula nang simu-lan ito, ginanap ang pagtatapos ng ika-79 na klase ngGilead sa Jersey City Assembly Hall noong Setyembre 8,

Ang Stanley Theaternoong bilhin ito

Page 58: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

58 ANG BANTAYAN

1985. Isang pribilehiyo na maging bahagi ng legal team sapagpapasulong ng kapakanan ng Kaharian, at mas masayaako ngayon kaysa noong nagtatrabaho pa ako bilang abo-gado sa labas ng Bethel. Wala akong kamalay-malay na ga-gamitin pa pala ako ni Jehova sa ganitong mga pribilehiyo.

IPINAGTANGGOL ANG KARAPATAN SAPAGPAPAGAMOT NANG WALANG PAGSASALINNG DUGO

Noong dekada ’80, karaniwan nang hindi pinapakingganng mga doktor at ospital ang kahilingan ng isang adultongSaksi na gamutin siya nang walang pagsasalin ng dugo.Malaking problema ito lalo na sa mga buntis, kasi madalasna ikinakatuwiran ng mga hukom na walang karapatan angmga ito na tumangging magpasalin ng dugo. Sinasabi ngmga hukom na kung hindi magpapasalin ng dugo ang mgaito, baka lumaking walang ina ang bata.

Noong Disyembre 29, 1988, dumanas si Sister Denise Ni-coleau ng matinding pagdurugo matapos siyang manga-nak. Bumaba nang wala pang 5.0 ang hemoglobin niya,kaya hiniling ng doktor niya na magpasalin siya ng dugo.Tumanggi si Sister Nicoleau. Kinaumagahan, humingi angospital ng pahintulot mula sa korte para masalinan siyang dugo. Pinayagan ng hukom ang ospital na salinan ito ngdugo nang wala man lang pagdinig o nang hindi man langipinapaalam kay Sister Nicoleau o sa asawa niya.

Noong Biyernes, Disyembre 30, sinalinan ng dugo si Sis-ter Nicoleau kahit tutol ang asawa niya at iba pang kapa-

Page 59: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 59

Sa kasong may kinalaman kay Ernestine Gregory (1989),kinilala ng Korte Suprema ng Illinois na ang isangresponsableng kabataan na wala pang 18 anyos ay puwedenang gumawa ng sarili niyang desisyon at may karapatangtumangging magpasalin ng dugo.

Public Health Tr. of Dade County v. Wons (1989), pinagtibayng Korte Suprema ng Florida na ang isang adulto ay maykarapatang tumangging magpasalin ng dugo kung lubusanniyang naiintindihan ang magiging resulta ng desisyon niya.

Fosmire v. Nicoleau (1990), pinagtibay ng Court of Appeals ngNew York (ang pinakamataas na korte ng Estado) na angmga adultong lubusang nakakaunawa sa magiging resultang kanilang desisyon ay may karapatang pumili ng paraanng paggamot sa kanila at may karapatang tumanggingmagpasalin ng dugo.

Stamford Hospital v. Vega (1996), ipinasiya ng Korte Supremang Connecticut na ang isang ina na Saksi ni Jehova ay maykarapatang magdesisyon kung ano ang gagawin sa katawanniya at tumangging magpasalin ng dugo.

Mga Naipanalo sa Korte Suprema ng Estado

milya. Nang gabing iyon, inaresto ang ilang kapamilyaniya, pati na ang isa o dalawang elder, dahil humarang dawsila para hindi masalinan ng dugo si Sister Nicoleau. NoongSabado ng umaga, Disyembre 31, laman na ng balita saloob at labas ng New York City ang ginawang pag-aresto.

Noong Lunes ng umaga, nakipag-usap ako kay Milton

Page 60: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

60 ANG BANTAYAN

Mollen, isang hukom sa mas mataas na korte. Ipinaliwanagko ang kaso at idiniin na pinirmahan agad ng hukom angutos na salinan ng dugo si Sister Nicoleau nang walapang ginagawang pagdinig. Pinapunta ako ni Justice Mol-len sa opisina niya nang hapong iyon para pag-usapan angkaso at ang mga batas may kaugnayan dito. Nang gabingiyon, sinamahan ako ng overseer ko na si Philip Brumley saopisina ni Justice Mollen. Inimbitahan din ni Justice Mollenang abogado ng ospital. Mainitan ang pag-uusap namin.Umabot pa nga sa punto na nagsulat si Brother Brumleysa kaniyang notepad na nagsasabing “kalma lang.” Magan-dang payo iyon dahil talagang nag-iinit na ako sa galit parapatunayang mali ang abogado ng ospital.

Pagkatapos ng mga isang oras, sinabi ni Justice Mollenna ang kasong ito ang uunahin niya kinabukasan. Nang paa-

A. Kami ni Philip Brumley

B. Mula sa kaliwa pakanan: Richard Moake,Gregory Olds, Paul Polidoro, Philip Brumley,ako, at si Mario Moreno—mga tumayongabogado sa pagdinig na ginawa sa KorteSuprema ng United States para sa kaso ngWatchtower v. Village of Stratton.—Tingnanang Gumising! ng Enero 8, 2003

A

B

Page 61: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

HULYO 2020 61

lis na kami sa opisina ni Justice Mollen, sinabi niya na “ma-momroblema bukas” ang abogado ng ospital. Ibig sabihin,mahihirapan ang abogado na patunayang tama ang argu-mento niya. Para bang tinitiyak sa akin ni Jehova na malakiang tsansa naming manalo. Nakakatuwang isipin na ginaga-mit kami ni Jehova para mangyari ang kalooban niya.

Magdamag kaming naghanda ng aming argumento parasa susunod na araw. Malapit lang ang korte sa BrooklynBethel, kaya karamihan sa amin ay naglalakad lang papuntadoon. Matapos marinig ng apat na hukom ang aming mgaargumento, kinansela nila ang utos para sa pagsasalin ngdugo. Pabor ang mataas na korte kay Sister Nicoleau at si-nabing labag sa karapatang pantao ang pagpirma sa isangkautusan nang hindi muna kinokonsulta ang pasyente.

Pinagtibay ng pinakamataas na korte sa New York angkarapatan ni Sister Nicoleau na gamutin nang walang pag-sasalin ng dugo. Una ito sa apat na kaso ng pagsasalin ngdugo na pinaboran ng matataas na korte, at nagkapribile-hiyo akong maging bahagi ng mga ito. (Tingnan ang ka-hong “Mga Naipanalo sa Korte Suprema ng Estado.”) Naka-sama ko rin ang ibang mga abogado sa Bethel sa mgakasong may kinalaman sa kustodiya sa bata, diborsiyo, realestate, at mga batas sa paggamit ng lupa at mga gusali.

PAG-AASAWA AT BUHAY PAMPAMILYA

Nang makilala ko ang asawa kong si Dawn, may tatlo nasiyang anak at diborsiyada siya. Nagtatrabaho siya at nag-papayunir. Mahirap ang kalagayan niya sa buhay, kaya

Page 62: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

62 ANG BANTAYAN

hangang-hanga ako sa determinasyon niyang magling-kod kay Jehova. Noong 1992, dumalo kami sa “LightBearers” na Pandistritong Kombensiyon sa New York City,at nagpaalam akong liligawan ko siya. Nagpakasal kaminang sumunod na taon. Pinagpala ako ni Jehova ng isangasawang palaisip sa espirituwal at masayahin. Masayang-masaya ang pagsasama namin.—Kaw. 31:12.

Nang ikasal kami, ang mga bata ay edad 11, 13, at 16.Gusto kong maging mabuting ama sa kanila, kaya binasakong mabuti at sinunod ang lahat ng tungkol sa pagigingisang stepparent mula sa ating mga publikasyon. Siyem-pre, may mga hamon, pero natutuwa akong tinanggap nilaako bilang kanilang mapagmahal na ama at pinagkakatiwa-laang kaibigan. Bukas ang pinto namin sa mga kaibigan ngmga anak namin, at tuwang-tuwa kaming makasama angmasisiglang kabataang ito.

Noong 2013, lumipat kami ni Dawn sa Wisconsin paraalagaan ang aming tumatanda nang mga magulang. Hindiko inaasahan na magpapatuloy pa rin ang paglilingkod kosa Bethel. Ginamit pa rin akong abogado ng ating organi-sasyon bilang temporary volunteer.

BIGLAANG PAGBABAGO

Noong Setyembre 2018, napansin kong parang lagingmay bara sa lalamunan ko. Nagpatingin ako sa doktor,pero hindi niya makita ang problema. Pagkaraan, sinabi ngisa pang doktor na magpatingin ako sa neurologist. NoongEnero 2019, sinabi ng neurologist na posibleng mayroon

Page 63: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

akong isang kakaibang sakit na tinatawag na progressivesupranuclear palsy (PSP).

Pagkalipas ng tatlong araw, habang nag-a-ice skating, na-balian ako ng buto sa kanang kamay. Bata pa lang ako, nag-a-ice skating na ako; sanay na sanay na ako dito. Kaya alamkong nawawala na ang kakayahan kong makontrol ang pag-galaw ko. Nabahala ako sa mabilis na paglala ng sakit ko.Naapektuhan na ang pagsasalita ko, pagkilos, at paglunok.

Masayang-masaya ako na nagkaroon ako ng maliit na ba-hagi sa organisasyon ni Jehova bilang abogado. Nagka-pribilehiyo rin ako na sumulat ng maraming artikulo samga magasing binabasa ng mga propesyonal at maging ta-gapagsalita sa mga seminar na pang-medicolegal sa buongmundo para ipagtanggol ang karapatan ng mga Saksi niJehova na magpagamot nang walang pagsasalin ng dugo.Pero gaya ng sinasabi sa Lucas 17:10, masasabi ko ring:‘Ako ay isang hamak na alipin lang. Ginawa ko lang ang da-pat kong gawin.’

Kasama ang asawakong si Dawn

Page 64: wlp20.07-TG · Title: wlp20.07-TG Author: Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Created Date: 4/22/2020 6:26:04 AM

wlp

20

.07

-TG

20

04

22

The Watchtower (ISSN 0043-1087) July 2020 is published by Watch-

tower Bible and Tract Society of New York, Inc.; Harold L. Corkern, Pres-

ident; Mark L. Questell, Secretary-Treasurer; 1000 Red Mills Road, Wallkill,

NY 12589-3299. ˘ 2020 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylva-

nia. Printed in Japan.

34567 July 2020Vol. 141, No. 9 TAGALOG

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahaging pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sadonate.jw.org.

Malibang iba ang ipinapakita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula samakabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

LARAWAN SA PABALAT:Hindi natakot si David na labanan si Goliat dahil alam niyangtutulungan siya ni Jehova. At iyon nga ang nangyari(Tingnan ang araling artikulo 29, parapo 11)

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 27: Agosto 31–Setyembre 6 2Huwag Mag-isip Nang Higit Tungkolsa Sarili Kaysa sa Nararapat�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 28: Setyembre 7-13 15Maging Kumbinsido na Nasa Katotohanan Ka�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 29: Setyembre 14-20 29“Kung Kailan Ako Mahina, Saka Naman Ako Malakas”

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 30: Setyembre 21-27 42Patuloy na Lumakad sa Katotohanan�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

TALAMBUHAY 54Ginawa Ko Lang ang Dapat Kong Gawin

Magpunta sawebsite na jw.org˙

o i-scan ang code

s